You are on page 1of 113

1.

“Sa Madaling Salita: Kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa” ng sentro ng wikang


Filipino

Talakayan sa Wika at Bansa


Isang espesyal na programang panradyo ng SWF-UPD sa pakikipagtulungan ng DZUP.
Mapapakinggan ang espesyal na programa sa ikatlong linggo ng Agosto 23-26, 2016 sa DZUP 1602,
Kasali ka!

Bilang pag-alinsunod sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas (1989), lalo na sa mga


tadhana 2.2 at 2.3, may dalawang pangkalahatang programa ang Sentro ng Wikang Filipino sa UP
Diliman:

I. Filipino bilang Wikang Panturo


1. Pagpapalaganap ng Filipino sa iba’t ibang kolehiyo at opisina ng UP.
2. Pagbuo ng mga Lupon sa Wika sa iba’t ibang kolehiyo at opisina ng UP.
3. Paghahanda at paglalathala ng mga aklat, sanggunian, at iba pang kasangkapan sa pagtuturo.

4. Pagdaraos ng mga seminar at kumperensiya upang mapalakas ang tangkilik sa Filipino ng mga guro
at mag-aaral.
5. Pagtataguyod sa mga timpalak at gawad pangwika at pampanitikan.
6. Pagtataguyod sa mga gawain at samahang pangwika sa labas ng unibersidad.

II. Filipino bilang Wika ng Saliksik


1. Pagbuo ng UP Diksiyonaryong Filipino upang maging kasangkapan sa mga saliksik.
2. Pag-aaral at pagbuo ng mga bokabularyo sa mga katutubong wika.
3. Pagbuo ng glosaryong akademiko.
4. Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at sanggunian sa saliksik pangwika.
5. Pagsasalin ng mga batayang aklat sa iba’t ibang larang akademiko.
6. Pagsusulong ng sining at agham ng pagsasalin.

Sa pamamagitan ng SWF Grant sa Saliksik-Wika, pagtataguyod sa mga saliksik pangwika at


pangkultura sa Filipino.

1|Page
2. “Intelektwalismo at Wika” ni Renato Constantino
Isang suri sa isa sa mga batikang dalubwika at ang kaugnayan nito sa panahon ng globalisasyon at
neoliberalismo. Inilathala ang sanaysay ni Renato Constantino noong 1996, 21 taon bago maisulat ang
suri na ito, panahong hindi pa ganap ang epekto ng globalisasyon at ang pangangailangan ng
internasyunal na anyo ng diskurso sa aspetong ekonomikal at kultural ng isang bansa.

Dalawa ang layunin ng may-akda sa sanaysay na ito: 1) maipakita ang koneksyon at epekto ng wika
sa tradisyong intelektuwal ng isang bansa, at 2) maipakita ang kawalang kakayahan ng wikang banyaga
sa pag-unlad ng isang bansa at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wikang pambansa na siyang
magpapaunlad nito. Ang dalawang layunin na ito ay maaring magsilbing isang reaksyunaryong o
etnosentrikong pananaw kumporme sa konteksto, ngunit sa ating kalagayan bilang isang semikolonyal
na bansa, ang pambansang layunin laban sa imperyalismo ay hindi mapagmataas bagkos ay isang
mapagpalayang hangarin. Nilinaw rin ni Constantino ang pagkakaiba ng karanasang kolonyal sa mga
karatig na bansa, na tinawag niyang indirect colonialism.Ang mga bansang nakapaloob sa anyong
kolonyal na ito ay “hinayaang manatili ang institusyon at wika ng taumbayan,” ayon sa may-akda.

Ngunit ayon sa kasaysayan, ginamit at nagsilbing wikang opisyal ang wikang kolonyal at nagamit
rin ang nasabing wika ng mga elite, mapabanyaga man o hindi, partikular ang wikang Dutch sa
Indonesia nang masakop sila ng mahigit tatlong siglo (Paauw, 2009). Tulad din ang karanasang ito sa
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas at ang wikang kolonyal rin ay hindi napalaganap bilang wika
ng karamihan, dahil nakareserba ito para sa elite o ruling class. Ayon rin sa may-akda, nagsimula ang
pagpapalaganap ng wikang banyaga at pag-ukit ng institusyong panlabas sa ating pag-iisip sa panahon
ng pananakop ng mga Amerikano. Katulad sa wikang Dutch sa Indonesia, madaling natanggal sa ating
bansa ang wikang Espanyol hindi lamang dahil sa ito ay hindi naukit sa kultura ng karamihan, bunga rin
ito ng kawalang presensyang internasyunal. Samakatuwid, mas madaling natanggal ng Indonesia ang
wikang Dutch kaysa sa India o Malaysia na tanggalin ang Ingles (Dardjowidjojo, 1998); ganoon din ang
naging kalagayan ng mga Pilipino sa naunang wika ng kolonisador at sa wikang Ingles. Ayon rin
sakanya, nagkukulang ang mga Pilipino ng tinatawag na ‘ intellectual tradition at ito ang sanhi kung
bakit ‘walang karanasang intelektuwal sa kahulugan at layunin’ at kung bakit hindi napapansin ang mga
‘problemang panlipunan’ May limang dahilan ng pagkawala ng tradisyong ito: 1) dahil ang mga
kontribusyon ng ating kababayan sa mundo ng kaisipan ay hindi nabibigyang pansin at importansya sa
ating kasalukuyang akademya, 2) ang pagtangkilik sa‘mababaw na kaisipan’ na mula sa mga salita ng
may akda ay ang “ mga pelikula o palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa
paglutas ng mga problemang personal,” 3) ang pagpapalaganap ng miseducation ng mga tinatawag
niyang ‘mental technicians’ na bunga ng pagkabiktima sa ‘kolonyal na kamalayan’ , 4) ang
pangangalaga sa status quo na nagpapalaganap ng anti-intellectualism, na naglalayong pigilan ang
pagusbong ng progresibong pag- iisip na kayang magpabago at “magluwal ng bagong kamalayan”, at 5)
“ang pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyaga.” Mas naging kritikal ang akda sa panlimang dahilan
at ito ang nagsilbing koneksyon ng wika at intelektuwalismo. Ang kahulugan ng intelektuwalismo ayon
kay Constantino ay ang pagkakaroon ng‘ malalim na kaisipan’ na hindi direktang nabanggit ang
kahulugan ngunit ayon sa aking suri, ito ay ang kaisipang kayang umunawa at mag-isip ng lunas sa mga
suliraning panlipunan. Kung hindi natin magagamit ang mga impormasyong nakukuha natin, na sinabi
ng may-akda na napipigilan dulot ng paggamit ng wikang banyaga at ng ‘mekanikal na paraan ng pag-
aaral, ’ hindi rin ito maituturing na isang tradisyong intelektuwal. Sang-ayon ako sa kawalan ng
intelektuwalismo at pag-usbong ng anti-intellectualism sa bansa. Nakikita rin ito sa pang-araw-araw na
diskurso, partikular sa mga bernakular na pag-uusap, i.e. “edi wow” at “ikaw na!” Sa larangan ng
akademyaay nakikita rin ang pagpigil sa malayang pag-iisip, at nakakulong ang ating kaisipan sa mga
ideyang nakahain na isusubo na lamang, partikular sa larangan ng agham panlipunan. Sa ikalawang
layunin ng sanaysay ay ipinakita ng may-akda ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang wika
upang paunlarin ang pambansang kaisipan
. Ayon sakanya, “ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay di nagbunga ng kaunlaran.”

Katulad ng sinabi kanina, hindi madaling matanggal sa sistemang kolonyal ang Ingles dahil sa presensya
nito sa buong daigdig; dahil narin sa globalisasyon, mas lalong napaigting ang kapit ng wika sa ating
bansa dahil nagsisilbi itong instrumento upang magkaroon ng komunikasyon sa iba pang bansang
2|Page
gumagamit nito. Samakatuwid, hindi na natin kayang gawin ang nagawa ng mga maunlad na bansa tulad
ng Japan, Taiwan at Korea dahil nga sa pagusbong nito; naging pangangailangan na ang paggamit ng
wikang banyaga, o ang wikang pandaigdig sa diplomasya at ekonomiya ng

isang bansa. Dagdag pa rito, hindi nakaranas ang mga nasabing bansa ng kolonyalismo upang
maikumpara ang pag-unlad nito sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansang nakaranas nito.

3. “Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon”

NI DR. BIENVENIDO LUMBERA


Bulatlat.com

Upang mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga dambuhalang


empresang nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektuwal na umimbento sa pariralang
“borderless world” at itinapal ito sa mapagsamantalang mukha ng kapitalismo. Sa ganyang anyo
inihaharap sa atin ang “globalisasyon” na may Utopiang ipinangangako isang “mundong wala nang
hangganan.” Sinasabing sa “mundong wala nang hangganan,” pantay ang kakayahan ng bawat
bansa na kamtin ang kaunlaran.

Para sa isang bansang malaon nang nabalaho sa di-pag-unlad, ang Utopiang pangako ng
globalisasyon ay tunay na katakamtakam. Naroon ang paglaganap at pagtibay ng
demokrasya. Naroon din ang paggalang at pagsasanggalang sa karapatang pantao ng mahihina at
walang kapangyarihan. At naroon ang pagtutulungan ng lahat ng bansa upang panatilihing malinis
at ligtas ang ating kapaligiran. At naroon din ang matagal ng minimithi ng sandaigdigan – ang
mapayapang mundo na sa mga awit pa lamang matatagpuan.

Subalit ano ba ang realidad ng “borderless world” na naglalatag sa ating mga haraya ng
maluningning na landas tungo sa maunlad at mapayapang bukas? Sa ngalan ng anti-terorismo, mga
eroplano at bomba ng Estados Unidos na nagtatawid-kontinente at bumabagtas ng mga
heyograpikal na hangganan upang pagbantaan ang alinmang bansang nagbabalak kayang ulitin ang
kapahamakang idinulot sa New York noong 2001. At sa larangan naman ng ekonomiya, ang
paggigiit na tanggalan ng proteksiyon ng batas ang mga kalakal na Filipino sa ngalan ng pantay na
pakikipagkompetisyon.

Samakatwid, ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na


naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito
ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi
kayang makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan nilalamon
nila ang lokal na kompetisyon.

Bahagi ng pananalakay na iyan ang panghihimasok ng World Trade Organization sa


edukasyon. Ang reporma ng kurikulum na sinimulan sa pang-akademyang taong ito ng
Departamento ng Edukasyon ay malinaw na tinabas upang isunod sa padrong
globalisasyon. Tumutugon ang Basic Education Curriculum sa pangangailangan ng mga lipunang
maunlad ang mga industriya at teknolohiya para sa mga taong marunong bumasa ng instruksiyon at
sumunod dito upang ang assembly line ay maayos na mapakilos. Dahil isinaayos ng ating gobyerno
ang sistema ng edukasyon upang makapagpalitaw ng mga kabataang marunong ng simpleng Ingles,
ng simpleng pagkukwenta, at ng simpleng siyensiya, halos itinalaga na nito ang darating na mga
henerasyon ng kabataang Filipino sa pagiging manggagawang ang lakas at talino ay
pagsasamantalahan ng mga dayuhang empresa dito sa Filipinas at maging sa labas ng bansa.

Nakatinda na ngayon ang sambayanang Filipino sa eksploytasyon ng kapitalismong


global. Ang teritoryo natin ay binubuksan ng ating gobyerno sa mga empresang multinasyonal, at
ang mga kabataan ay ipinapain sa kulturang nagpapalabo sa mga tradisyong kanilang

3|Page
kinagisnan. Ang kulturang ito na itinuturing na global ay humihimok sa mga itong hubdin ng
kabataan ang kanilang identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang lupa. Sa maikling
salita, ibinalik na tayo ng kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na pagkasakop.

Hindi natin namamalayan ang panibagong pagsakop sa atin dahil ang mga sandatahang
Amerikano na lumunsad sa ating mga baybayin ay mga kaibigan daw na nagmamalasakit na
pulbusin para sa mga Filipino ang Abu Sayyaf.

Ang kapangyarihang politikal ay kusang sinususpindi ng ating pamahalaan upang akitin ang
dayong puhunan. Ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog upang tugunan ang pangangailangan ng
mga multinasyonal. Tunay na ang “borderless world” ay bagong maskara lamang ng
imperyalismo. Ang bagong anyo nito ay nagpapanggap na wala itong pangangailangan sa atin, tayo
mismo ang humihingi na ang kasarinlan natin ay kanyang salakayin.

At ano naman kaya ang panlaban ng mga Filipino sa dagsa ng pananalakay ng


globalisasyon? Ano ang magagawa ng wika nina Amado V. Hernandez, Jose Corazon de Jesus, at
Lazaro Francisco? Ano ang magagawa ng mga awiting Filipino nina Jess Santiago, Joey Ayala at
Gary Granada? Ano ang magagawa ng mga nobela nina Luwalhati Bautista, Edgardo Reyes at Ave
Perez Jacob? Ano ang bisa ng Wikang Filipino sa pagtatayo ng moog laban sa paglusob ng mga
kaisipang makapagpapahina sa tigas ng loob at tatag ng mga makabayan?

Noong 1996, sa Copenhagen, Denmark, inorganisa ng United Nations World Summit for
Social Development ang isang serye ng mga seminar upang talakayin ang mga kalagayang tutungo
sa panlipunang pag-unlad sa harap ng mabilis na paglakas ng global capitalism. Ganito ang isang
obserbasyong lumitaw sa seminar: Lumulubha ang agwat sa kinikita ng mga mamamayan sa
mayayamang bansa sa kinikita ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa. Ang agwat ng per
capita income sa pagitan ng mga bansang industrialisado at ng mga bansang papaunlad ay lumobo
ng tatlong beses mula 5,700 dolyar noong 1960 tungo 15,400 dolyar noong 1993. Noong taong
1994-95, ang GNP per capita sa mundo ay 24,000 dolyar sa pinakamayamang mga bansa na ang
populasyon ay 849 milyon. Ang GNP per capita sa mga pinakamahirap na bansa ay 4,000 dolyar at
doon ay 3 bilyong tao ang naninirahan. Sa harap ng ganitong tiwaling kalagayan, binigyang diin ng
seminar ang pangangailangang pagtuunan ng pansin ang kultura ng kapitalismong global, suriin ito,
pagtalunan at hamunin ang katinuan ng bisyon na gumagabay rito. Kaugnay nito, tinukoy ang
pangangailangang isangkot sa mga isyung panglipunan ang mga intelektuwal na makitid ang
pananaw at labis ang pagkakulong sa kani-kanilang ispesyalisasyon. Dapat daw himukin ang mga
ito na gamitin ang kanilang tinig sa mga debate at diskurso hinggil sa mga problema at tunguhin ng
kontemporaryong lipunan.

Narito sa palagay ko ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga Filipinong


tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa ispasyong iyan maaaring harapin at labanan ang kultura ng
globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga
ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.

Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang


lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano. Sa tuwing
pinagyayaman ang wika at panitikang katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng Filipino,
na magagamit na panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon. Narito ang kahalagahan at adhikain ng
mga naunang henerasyon na hindi kayang burahin ng Utopiang pangako ng “borderless
world.” Nasa pagtayo natin at paggigiit sa makabayang pagtangkilik sa ating wika at kultura ang
lakas na maibabangga natin sa globalisasyon, na naglalayong patagin ang landas patungo sa
walang-sagwil na pagpasok ng kapitalismong global sa ating ekonomiya at politika.

Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at


kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at kabatirang natamo sa ating
pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng mga dayuhan.

4|Page
Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa tunay na
pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-
gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao lamang kundi sa kamalayan ng
buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo naman
ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may
sariling bayan tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at
ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo sa ikaluluwalhati
ng Filipino bilang nagsasariling bayan.

4. “The Filipino National Language Discourse on Power” ni Teresita Gimenez- Maceda

THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE:


DISCOURSE ON POWER

Teresita Gimenez Maceda


University of the Philippines

Pride in one's national language and culture should come naturally to a people. This,
unfortunately, is not the case in the Philippines. The bitter periods of colonization under three different
imperial powers have left scars and fissures in the Filipino consciousness. A small but powerful elite
remains enraptured with a foreign tongue and culture while the greater majority, enslaved by poverty
and excluded from the benefits of an English education, have been effectively silenced and
marginalized. Fifty years after the colonizers have left the Philippines, the Filipino national language,
while widely used around the country, is far from being the language of the centers of power. Instead,
debasing the national language has become the preoccupation of those who still think as good
colonials.

And so every time there are stirrings of support for the Filipino national language, editorials such
as the one written by publisher Teodoro Locsin Sr. immediately appear in the English newspapers and
magazines attacking Filipino as an inferior language that will spawn illiteracy not literacy:

Calling Tagalog or its disguise, "Filipino," a national language does not make it one. It is a
linguistic water cure for 77 percent of the Filipino people who would go on speaking their
own language — with English for intellectual, cultural and professional advancement.
Tagalog as "Filipino" will only qualify them for the job of jeepney drivers or street sweepers
or garbage collectors or market vendors or Tagalog teachers.

English, the language of knowledge for Filipinos, is difficult enough to learn and master, add
Tagalog, the language of ignorance, and you have Tango "Filipino." Tanga na gago pa
Filipino! [Stupid and idiotic Filipino]. (Locsin, 1 May 1993)

Such writing only serves to emphasize the alienation of the educated elite from the 77% of the
populace Locsin refers to and looks down upon. Threatened by dramatic social changes that are likely
to take place with the spread of a language majority can at last understand, the educated elite find it
easier to defend a foreign language than to look at the possibilities a national language can do for the
advancement of the nation as a whole. The issue of the Filipino national language is therefore really a
discourse on power.

5|Page
Hiding behind the Mask of Regionalism

In the drafting of the 1935 Philippine Constitution, delegates seemed to be one in the conviction
that essential to independence was a national language to define a nation's character and distinctness.
In the words of Felipe Jose, a delegate from the Mountain Province:

Bilang na ang mga araw ng pagka-alipin at pagiging palaasa at darating na ang araw ng
kalayaan. Ang Espanya at pagkatapos, ang Amerika, ang mga makapangyarihan na ang
kultura ay ipinilit sa atin, ay paalis na bilang mga kongkistador ng nakaraang panahon. At
ang natitira ay ang ating panahon — ang panahon ng mga Pilipino kung kailan dapat nating
itayo ang isang bagong bansa na may sariling kultura, sibilisasyon, kayamanan, karangalan,
kapangyarihan, at wikang pambansa. (Cited in Constantino, 1991: 59)
(The days of enslavement and dependency are numbered and the day of freedom is coming.
Spain and America, colonial powers that imposed their culture on us, are leaving. And what
remains is our time — the time when we Filipinos can build a new nation with its own
culture, civilization, wealth, honor, power, and a national language.)

But choosing which of the Philippine languages was to be recognized as the national language became
a heatedly debated issue among the delegates even as the scale was tilted in favor of the Tagalog
language. Protest against Tagalog was registered by Cebuano delegates who argued that Visayans
comprised a larger population than Tagalogs. In an attempt to resolve the issue, some delegates called
on the rest to rise above regionalism, emphasizing that it would take a shorter time and would involve
less funds to propagate a local language like Tagalog across the nation than it would a foreign
language like English:

If Tagalog were to be taught in all schools of the Philippines, within five years this language
would be spoken all over the country We have spent not less than for the
teaching of English in our schools. If we should spend only for Tagalog, we would
achieve a greater piece of patriotic endeavor than the establishment here of English as an
official language of the country. (Delegate Tomas Confesor cited in Gonzalez, 1980:53)

Eventually, the 1935 Constitutional Convention side-stepped the issue by simply leaving it to the
National Assembly to "take steps toward the development and adoption of a common national
language based on one of the existing languages." (1935 Constitution, Article XIII, Section 3)
Significantly, the hegemony of the colonial languages, English and Spanish, in what was to be an
independent state was virtually ensured with the provision declaring these as official languages.

Thus, while political leaders could wax eloquent over the need for a national language in forging
nationhood, they generally lacked the political will to break the nation's bondage to a foreign tongue.
Advocacy for the retention of the colonizer's language as the language of power cleverly masked itself
as regional opposition to the supposed dominance of the Tagalog language.

Two years after the ratification of the 1935 Constitution, Manuel Quezon, then President of the
Philippine Commonwealth, did proclaim a "national language based on the Tagalog dialect" upon the
recommendation of the Institute of the National Language (INL). The grammar developed by writer
Lope K. Santos for the INL and adopted by the institute as the official grammar, however, proved to
be so elaborate and complicated that even Tagalog speakers like Pres. Quezon found it unreadable and
difficult to understand. (Gonzalez, 1980:73) To quell possible regional opposition, the national
language was later called Pilipino.

Emancipating a Marginalized National Language


Independence did not bring about the end to dependency, the flowering of Philippine culture
and the propagation of a national language. In fact, the English language had become so entrenched in
the educational system that the national language Pilipino (as Tagalog was then called) was but a mere

6|Page
subject in the primary and secondary schools. In an effort at patriotism, President Ramon Magsaysay
decided to issue, on September 23, 1955, Proclamation No. 186 declaring August 13-19 as Linggo ng
Wika (National Language Week). One week every year since then, Filipino schoolchildren celebrated
their own language by donning Philippine costumes and reciting lines from literary creations of
Filipino writers. But the rest of the schoolyear, they were penalized and fined every time they were
caught speaking the language of their home and of supposedly the nation's. And so at a very young
age, Filipinos were "miseducated" into believing that their culture was inferior because the national
language was too inadequate a medium for abstract and lofty ideas. Significantly, the drop-out rate
was high and only a minority, as Locsin himself admits, were able to master the foreign language.
That minority went on to hold positions of power in politics, government and business. And like the
annual celebration of the National Language Week, that minority only spoke the national language
every election period when talking to the impoverished majority in English would most certainly lose
them the elections.

In the mid 1960s, the University of the Phillipines became the locus for a strong nationalist
movement that sought to examine the roots of inequality and poverty in the country. "Miseducation"
was the popular analytical term professors and students used in questioning the hegemony of the
English language and culture in Philippine education and society, the lack of cultural identity of the
Filipino and the continued marginalization of the national language. As students became increasingly
aware of their alienation from the Filipino masses and as they sought a more active intervention in
political, social and cultural issues by organizing and linking with the broader sectors in society, they
also realized the importance of the national language as a basic and practical political education tool.
As U.P. Professor Monico Atienza observed in his study of the role of the National Democratic
Movement in the development of the national language:

Kaya kayang mapagbuhusan ng mga makabuluhang diskasyon ang mga usaping


manggagawa, mga isyu ng unyon gaya ng pagpapataas ng sweldo at pagbago sa mga di-
makatwirang kundisyon ng paggawa sa mga pabrika kundi gagamit ng Pambansang Wika
(PW) ang mga aktibistang inatasang lumubog at magpalawak sa masang manggagawa? Ang
mga magsasaka kaya'y mahihikayat kung hindi gagamitin ang wikang ito sa mga usapin ng
pantay na karapatan sa lupa, reporma sa lupa, reporma o pagbabagong agraryo sa relasyon ng
panginoong maylupa at mga kassama at ang mismong pagpapaunawa sa makabagong
kilusang propaganda at kultural? Napipilipit man ang mga dila sa umpisa, ginamit ng mga
aktibista ang wika o lenggwaheng ginagamit, sinasalita at nakagisnan o natutuhan nga ng
masa sa kanilang pang-arawaraw na pamumuhay at relasyon sa kapwa nila milyun-milyong
kalipunan. Salita ng komiks, palengke, pabrika, radyo at telebisyon at ilang dyaryo 't magasin
ang pinili ng mga aktibista ng sambayanan. (Atienza, 1992:69)

(Could the activists who were tasked to immerse themselves among the workers and broaden
the mass base engage in relevant discussions of workers' concerns, union issues such as
salary increase, the need to change unfair conditions of labor in the factories without using
the National Language? Could the farmers be organized without using this language in
talking about issues of equal rights to land, land reform, agrarian reform in landlord-tenant
relations and in making them aware of the new propaganda and cultural movement? They
may have found it difficult at first, but the activists used the language native to or learned by
the masses and spoken in their everyday lives and in interacting with million others like
them. The activists of the people chose the language of comics, market, factory, radio and
television, and a few newspapers and magazines.)

As early as the 1960s, therefore, the national language was already being viewed as a means of
empowering the masses. But it is significant to point out that during this period of militancy and
activism, people were already starting to redefine the national language in terms of the everyday
language spoken in the streets and factories and the medium used in popular cultural materials, not the
national language as developed by the INL and taught in schools. Linguists from the University of the
Philippines differentiated this from the school-taught Pilipino by calling the language Filipino.
Filipino was a national lingua franca which naturally evolved in populated centers across the country
7|Page
out of the need by members of different ethno-linguistic groups to communicate to one another. The
language was made up of elements common to most Philippine languages or what linguists Ernesto
Constantino and Consuelo J. Paz called the "universal nucleus." (Paz, 1994) While the 1973
Philippine Constitution already accepted the distinction between Pilipino and Filipino, it viewed
Filipino as a language still to be developed before it could be adopted as the "common national
language." (Article XV, Section 3) The language, however, was already a de facto national lingua
franca.

In seeking to legitimize Martial Law, the Marcos dictatorship tried to wrest from the nationalist
movement its initiative in emancipating the national language by translating to Filipino the names of
public buildings and formulating fanciful and catchy slogans in Filipino for the President's pet policies
and programs (e.g. "Sa ikauunlad ng Bayan, disiplina ang kailangan" [For the nation to progress,
discipline is needed], "Isang Bayan, Isang diwa" [One Nation, One Ideal]. But with countless political
detainees crammed into military prisons, friends and family members disappeared and savaged, the
people were not deceived.

On the other side, the underground movement grew strong, using Filipino for its propaganda and
political education program and helping spread it throughout the country. To a large extent, the
National Democratic Front could be credited with popularizing the National Language. It seriously
studied its use for political consciousness raising, formulated guidelines on translation and a Filipino
grammar for cadres, translated political terms for Filipino Marxists, and published underground
materials in Filipino. (Atienza, 1992)

Above ground, the culture of fear that gripped the populace in the early years of the Marcos regime
was finally shattered as the people filled the streets in rallies and demonstrations to voice out their
protest and to clamor for the dismantling of the dictatorship. Empowering people with information on
the real socio-political and economic conditions of the country, calling on all Filipinos to unite against
the dictatorship could certainly not be achieved through the use of a foreign language. The language of
the protest movement, therefore, of what became known as the "parliament of the streets" was
Filipino. In the euphoric days of the civil disobedience campaign launched by Cory Aquino that
culminated in the EDSA February Revolution, elite and poor carried on a dialogue on equal terms,
generating a discourse of power. It was the assertion of that power that finally toppled the dictatorship.

Enshrining Filipino in the 1987 Philippine Constitution

It seemed but natural that the language of people power would finally be recognized,
legitimized and enshrined in the 1987 Philippine Constitution as the country's national language. In
keeping with the spirit of the EDSA Revolution, and with the new constitution's goal to achieve social
transformation, the language was envisioned to be an instrument for further people empowerment.
Thus, Article IV Section 6 mandates Government to "take steps to initiate and sustain the use of
Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational
system." English is also recognized as an official language but is preceded by the qualifying phrase
"until otherwise provided by law." (IV: 7) To emphasize the importance of developing Filipino as the
national language and ensure the involvement of experts and major ethnolinguistic groups, Article
XIV, Section 9 provides for the establishment of a "national language commission composed of
representatives of various regions and disciplines which shall undertake, coordinate, and promote
researches for the development, propagation and preservation of Filipino and other languages."

Being etched in the Constitution, however, is no assurance that the language provisions will be
implemented. Ten years after the ratification of the 1987 Philippine Constitution, only the Filipino
Language Commission has been established. But even this may be considered a dilution of the
constitutional provision considering that the former National Language Institute remains intact within
the new Commission. Ironically, the Government that should "initiate and sustain the use of Filipino"
in government and the educational system because it serves the public and has been mandated to do
such is still sleeping on the job. The President delivers his State of the Nation Address to the Filipino

8|Page
people in English, not Filipino. Filipino is still confined to official rituals and to opening and closing
remarks.

Protest against Filipino

Significantly, opposition to Filipino as the national language did not come from below but from
the wielders of power. With the return of elite to elective positions of power in Government, the
national language has once again become a contentious issue.

During the campaign for the ratification of the 1987 Constitution, hardly anyone paid attention to the
national language provisions. But at the first attempt of then President Aquino in 1989 to implement
the provisions by issuing Executive Order (E.O.) 335 which mandated all government agencies to use
Filipino in their official communications, 97 Congressmen from the Visayas and Mindanao formed a
bloc to strongly oppose the E.O. Lifting the second sentence "As it [Filipino] evolves, it shall be
further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages" of Article
XIV, Section 6, and separating it from the first sentence which declares "The national language of the
Philippines is Filipino," they argued that the E.O. was unconstitutional because Filipino as a language
does not exist and has yet to evolve before it can become a national language.

Simultaneously, the Cebu Provincial Board under the leadership of then Governor Lito Osmena
passed Ordinance No. 89-8 prohibiting the use of Tagalog as medium of instruction in the Cebu. They
contended that the Filipino national language was really Tagalog in disguise and imposing this on the
rest of the nation was a form of "Tagalog imperialism." The regional officials of the Department of
Education, Culture and Sports (DECS) obediently followed the ordinance and themselves banned the
use of Filipino textbooks for the subject "Araling Panlipunan" (Social Studies) and the celebration of
the annual National Language Week. The Cebu U.P. High School continued the celebration with much
funfare as a sign of protest against the ordinance. The Provincial Board meanwhile allotted a budget
for the retranslation of Filipino textbooks back into English. Several translations of the National
Anthem to Cebuano were undertaken. But when Cebuanos could not agree among themselves which
translation to sing, they reverted back to singing the anthem in its English translation, a reminder of
the bygone period of American colonialism.

It is important to look at the Cebuano protest against the Filipino language in the context of growing
demand among regions for decentralization and greater autonomy in local government and economic
affairs. In the perception especially of the residents of the Visayas and Mindanao regions, most of the
development has been concentrated in Manila and Luzon far too long. Whereas a large chunk of
national wealth comes from the Visayas and Mindanao, only a tiny fraction of this return to the
regions. The clamor for greater power in the use of local wealth for the development of their own
regions or for self-reliance instead of perpetual dependence on the national government found
expression in the movement for federalism of which the former Gov. Osmena was a strong advocate.
Following this line of thinking, the order to use Filipino which they considered the language of the
center of national power was an imposition from that center of power. However, while Tagalog may
be spoken in the center of power, it is not the language of the power wielders. Historically, even
Tagalog was marginalized under the colonial order. Ironically, in the Cebuanos' rejection of the
national language they believed to be Tagalog in disguise, they wittingly or unwittingly have become
supportive of the actual language of the center of power — English.

Significantly, the voices of protest against Filipino do not come from the grassroots. Rather they
represent the holders of power themselves in the region. In a dialogue I once conducted with local
government officials and heads of colleges and universities and the local media in Cebu when I was
still the Director of the U.P. Filipino Language Center (Sentro ng Wikang Filipino) and a part-time
Commissioner of the Filipino National Language Commission, I had remarked that if the Provincial
Board of Cebu was serious in protesting Filipino because it would threaten the survival of Cebuano
language and culture, then the Board should ban Filipino movies, radio and television news and drama
in Filipino, and the Filipino comics as well. The Board, of course, wisely did not choose to comment

9|Page
knowing the revolution they would have in their hands should they ban Filipino popular culture
products. But there seems to be a deeper reason for the resuscitation of the old Cebuano grudge
against Tagalog. Linguistically, the Cebuano language is really close to Tagalog. Given a short time,
Cebuanos would learn the language faster than they would English which will probably take them a
life time to master. Media has also done much to popularize and propagate Filipino nationwide.
Should official communications of government agencies and the laws of the land be written in
Filipino, should Filipino become truly the primary medium of instruction in the educational system
and not the tokenism it is given today, then the Filipino people will begin to understand programs,
policies, issues that affect their everyday lives. Then they can share in and grow with the information
and knowledge that is currently still mysteriously veiled in that foreign language they cannot
comprehend. With knowledge will come power — the power to participate in national issues and in
the process of decision-making. And this will surely erode the power-structure in which an elite
minority holds the reins of economic, political and social power while the greater majority are kept in
poverty and ignorance.

Inroads Made by the National Language

But even with the government's lack of political will to carry out the constitutional mandate, and
despite the ruling elite's opposition to it, the Filipino language is developing and continues to gain
advocates even in areas traditionally the preserve of English.
In the Senate hall can already be heard speeches in Filipino.

In the courts, several judges and justices are planting the seeds of the national language. A leading
figure is Judge Cezar Peralejo who, on his own, translated the Civil Code, Penal Code, Local
Government Code and the Family Code in his effort to demystify the fundamental laws of the land and
make these comprehensible to ordinary citizens. Together with some

U.P. law professors and Filipino language specialists, Peralejo worked on and published an English-
Filipino Legal Dictionary (1995) to arm people with the basic legal terms with which to understand the
legal processes. Before being appointed to the Court of Appeals, Justice Jose de la Rama conducted
trials in Filipino. In his experimentation with the language, he proved that trial time was reduced by as
much as 50% since there was no longer any need for court interpreters. More important, the accused
and the accuser could already follow the proceedings and could themselves observe whether or not
they are getting a fair trial. More active support of the Supreme Court for these efforts would have
been crucial as these represent concrete measures in speeding up the process of dispensing justice,
lessening the cost of trials, and most importantly, ensuring that justice is served. But the sad reality
that most lawyers and judges prefer a foreign language remains.
Even in education, a growing number of intellectuals in different disciplines are becoming convinced
that the national language is an effective instrument in teaching and learning. Academics are
redirecting their minds and energies to discover and rediscover data on Philippine history, society and
culture and to develop analytical tools more appropriate and relevant to Philippine conditions. Leading
universities in the Philippines such as the University of the Philippines, Ateneo de Manila University
and De La Salle University have legitimized Filipino as a language of academic discourse. The
University of the Philippines, for instance, approved in 1989 a language policy mandating the use of
Filipino as one of the primary languages of instruction in undergraduate courses, including the
sciences. The use of Filipino as a language of research and academic discourse will surely broaden
knowledge and bridge the gap between intellectuals and masses, not make the latter more "stupid and
idiotic" as Locsin asserts.

But the chief propagator of the national language has been mass media. It is ironic that at a time when
satellite communications is shrinking the world and there is a growing fear that a global culture will
blur national identities and make irrelevant this issue of a national language, the leading Philippine
television networks (GMA-7 and ABS-CBN) are moving towards completely Filipinizing their
programming. With their A-B English-speaking audience migrating to cable TV, the networks find
10 | P a g e
themselves catering almost wholly to a Filipino-speaking mass audience. But they are not alarmed,
considering that cable TV's audience share is but a miniscule 3 to 12 %. (MPI Peoplewatch, 5 April
1997) Total Filipinization of Philippine television will hasten even further the propagation and
development of the national language.

With the speed in which Filipino is reclaiming space in various sites in Philippine society, government
will have no recourse but to speak in the language of the nation. The Teodoro Locsins of this country
will have been rendered an anachronism in a world where street sweepers, jeepney drivers, market
vendors and yes, even teachers in Filipino, will have been empowered.

5. Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino

Ni Melania Lagahit Flores

ABSTRAK

Gaya ng isinasaad sa titulo, ang akda ay pagsusumikap ng panimulang pagteteorisa hinggil sa


Wikang Pambansa/Filipino (WP/F). Inilalapat ang nasabing pagtatangka sa balangkas ng
Pagpaplanong Pangwika na nagsimulang yumabong bilang akademikong larangan noong mga
dekada 1960-1970. Bilang akademikong programa, pahapyaw na ipinakilala ang mga antas,
dimensyon, proseso at kros kultural na pag-aaral kasabay ng pagpapakilala sa mga polisiya at
kaganapang pangwika sa Pilipinas. Sa paghahanap ng kasagutan sa walang katapusang debate sa
wika at wikang pambansa, nangangailangan ng mapagkaisa at makabuluhang pilosopiya sa wikang
pambansa, tungo na rin sa pilosopiya ng wikang Filipino bilang wikang pambansa. Tinalakay ang
katangian, pinagmulan/batayan at gamit bilang mahahalagang aspeto o usapin na sinasagot sa
pagbubuo ng pilosopiya. Binabanggit ang katangian ng wikang Filipino na de facto, de jure,
nakabase sa mga wika sa Pilipinas at patuloy na payayabungin. Samantala, hindi lamang batayang
lingwistikal ang dapat gamitin, mahalaga rin ang mga batayang historikal at antropolohikal sa
pagpili o pagpapaunlad ng WP/F. Kapwa mahalaga ang WP/F sa sentimental na gamit sa
pagbibigay identidad at dignidad sa pambansang soberanya habang ang instrumental na gamit ay
nakatuon sa pagbubuo ng pagkakaisa at mga proseso ng demokratisasyon sa bansa/Pilipinas. Mga
susing salita: pagpaplanong pangwika, pagpaplanong pangwika sa Pilipinas, pilosopiya ng wikang
pambansa/Filipino (WP/F), katangian/batayan/gamit ng wikang pambansa As indicated in the title,
the paper is an initial attempt to theorize on the philosophy of the national language and of the
Filipino language, as the national language of the Philippines. The entire academic discourse is
framed on Language Planning which flourished in the decades of 1960-1970. As an academic
discipline, the paper identifies the levels, dimension, processes involved, cross cultural language
studies simultaneosly introducing language policies and situation in the Philippines. The paper
highlights the need for a unifying and relevant philosophy to respond to continuing debate on the
national language and on Filipino as the national language. The paper discusses language
characteristics or features, language origin or background and language use as important elements
or concerns on the development of a national language philosophy/Filipino language philosophy.
De facto, de jure, based on the Philippine languages and will be developed continuously are
identified characteristics of the Philippine national language. Linguistical basis is as important as
historical and anthropological bases in the selection and development of the national language.
Equally important are the sentimental value of providing identity and dignity to national
sovereignty and the instrumental use of the language in building national unity and nurturing
democratization processes in the country/Philipines. Keywords: language planning, language
planning in the Philippines, philosophy of the national language, philosophy of the Filipino
language, Filipino language characteristics/origin or bases/use MTB-MLE, Ingles at o Filipino?
Ang tanong sa itaas ang pinakakatas sa kung ano ang nararapat na wikang panturo at walang
patumanggang debate mula ika-12 hanggang ika-15 Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Walang

11 | P a g e
katapusang debate sa usaping wika. Debateng inilalagay sa kamay ng mga pulitiko at relatibong di
aral sa usaping ugnayan ng wika at lipunan. Ibig sabihin, ginagawang usaping pulitikal sa hulma ng
numbers game sa loob ng Kongreso at salat sa pagsasaalang-alang sa masalimuot na prosesong
binagtas ng pagkakabuo ng mga Konstitusyong 1973 at 1987. Kung ilalapat naman ang talakayan
sa usaping akademik, nililimita lamang sa larangang pedagohikal at lingwistik. Ito ang usaping pilit
na ipinaaalam ng mga eksperto sa sosyolingwistiks at o pagpaplanong pangwika na talakayang
kapos sa malawak na tanaw at o perspektiba. Ang usaping wika at kaugnay ng pagsasabatas sa wika
ay dapat na tinitignan sa hulma ng bayan/bansa at sa larangan ng sosyolingwistiks at o sosyal
sayans. (Mas mahusay sa mga susunod na diskurso, di dapat na iwasan na pagaralan ito sa
balangkas at tunguhin ng sistema ng edukasyon. Dagdag pa, pagtuunan ang papel ng edukasyon
bilang gatekeeper ng lakas-paggawa.) Wika , Konstitusyon at Kasaysayan Sa talakayang pagbubuo
ng batas, kaugnay ng wika, tunay na walang ibang mahahalagang dokumentong pagbabatayan kung
hindi ang mga nasabing konstitusyon. Paulit-ulit na binabanggit ng mga mananaliksik sa sosyal
sayans at humanidades na ang mga dokumentong ito ay may matagal at masalimuot na kasaysayan
bago naitadhana ang Artikulo 14 (Konstitusyong 1987) hinggil sa wika at usaping
kultural/ideyolohikal. Ayon sa pambansang artista na si Dr. Bienvenido Lumbera mula sa kanyang
akdang Saan Tutungo ang Wikang Filipino Ngayong Binubura ito ng Globalisasyon? (SANGFIL
Sourcebook 2, 2005): Sumandaliang balikan natin ang naging kasaysayan ng wikang pambansa.
Kilalanin natin ang mahigit na kalahating siglo ng naging buhay nito ay panahon ng pagtuklas ng
identidad. Magusot ang mga pangyayaring humubog sa wika, kaya’t kailangan nating limiin ang
yugtoyugtong pag-unlad nito. Nagsimula ang buhay ng wikang pambansa nang itakda ng
Konstitusyong 1935 ang pangangailangan para sa isang wikang bibigkis sa mga mamamayang
tatawaging Filipino. Itinayo ang Institute of National Language, at ito ang nagpasya na ang wikang
pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog. Mala-Tagalog ang unang naging anyo ng wikang
pambansa, bagay na sa kaluanan ay tinutulan ng taga-ibang rehiyong may sariling wikang katutubo
na ipinalagay nilang pinapatay ng wikang galing sa sentro. Sa layong ipaangkin sa mga rehiyon ang
wikang pambansa bilang wika hindi lamang ng tagasentro kundi ng buong kapuluan, noong dekada
1960 ay tinawag (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga
Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya
ng Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 12 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 13
itong ”Pilipino”. Ang ikalawang anyo ng wikang pambansa ay hindi pa rin nakapagpatahimik sa
mga pagtutol bagama’t patuloy na ang anyong ito ang itinuturo sa mga paaralan. Noong 1970, nang
tumawag ang pamahalaang Marcos ng bagong kumbensiyong konstitusyonal, naging magiit ang
ilang delegadong nagsasabing walang ipinagkaiba ang “Pilipino” sa mala-tagalog na wikang
pambansa. Noong nagsimula ang rebisyon ng orihinal na wikang pambansa upang buksan ito sa
pagpasok ng bokabularyo, gramatika, sintaks, at mga letra ng mga kapatid na wika galing sa iba’t
ibang rehiyon at sa iba’t ibang grupong etniko. Sa Konstitusyong 1973 at Konstitusyong 1987,
pinagtibay ang pangatlong anyo ng wikang pambansa na sinimulan nang kilalanin bilang
”Filipino”...263 Binabanggit na di rin maitatatwa na sa diskursong nasyunalismo ay may
mahalagang papel ang pambansang wika. Mas magiging malalim at makabuluhan ito kung iuugnay
sa mga pag-aaral sa mga pambansa/pangnasyong kalayaan at pananakop. Ito ay pinatutunayan ng
mga pakikialam ng akademya at mga gobyerno sa balangkas ng pagaaral sa Pagpaplanong
Pangwika na tumambol ng mga dekada 1940-1950. Napagalaman na ang tunguhin ng pagtuklas at
paglilipat ng kaalaman sa mga paaralan ay may paralel ding tunguhin sa pagbubuo ng wikang
pambansa lalo na sa mga bansang naging kolonya at neokolonya Ang wikang pambansang ito ay
maaaring pumili sa mga wika sa katutubo o lokal na mga pampulitikang yunit, wikang bitbit ng
mananakop at maaaring wikang sintesis. Ang huli bilang bunga ng masalimuot na kasaysayan at
interaksyon at o pulitika sa pagitan ng mga wikang katutubo. Gaya ng mga dating kolonya o
pagiging malakolonya ng Pilipinas, nasasalamin din ba ang tatlong tunguhing nabanggit? Sa
karanasan ng Pilipinas ito ba ay madaling masukat at mapatotohanan? Krusyal ang papel ng
paggamit sa wikang Tagalog ng Katipunan ni Andres Bonifacio. Bilang wikang opisyal ng
organisasyon di napigilan ang paglaganap nito sa mga/bayan at sa kalauna’y wika ng sentrong
syudad sa bansa. Malinaw, ang mga konstitusyong 1973 at 1987 ay mga dokumentong pambayan
na nagpapahalaga sa ikatlong tunguhin sa pagbubuo ng wikang pambansa, tungo sa nasyunalitikong

12 | P a g e
sintesis. Sa karanasan sa Pilipinas, makikita kung gayon sa pamamagitan ng Konstitusyon at ng
kilusang rebolusyunaryo (sa pamamagitan ng Katipunan), magkadugtong ang Pagpaplanong
Pangwika sa palisi at papel ng malalawak na organisasyong pribado man o publiko. Bilang
produkto ng pandaigdigang kumperensya sa wika noong 1969, binaybay ng Can Language Be
Planned nina Jernudd ang mapwersang gamit ng wika sa paghubog ng mga lipunan. Pinatunayan ng
nasabing akda ang multidisiplinaryong lapit sa pag-aaral ng wika. Lampas ito sa lingwistiks kasama
ang mga erya ng sosyal sayans kasama ang syensyang pampulitika at Pagplanong Pangwika bilang
erya ng Sosyolingwistiks ( o Applied Linguistics). Pambansang Wika sa Hulma ng Larangang
Pagpaplanong Pangwika Mahalagang masipat ang pagtatalakay ni Dr. Pamela Constantino sa
kanyang Introduksyon (SANGFIL Sorcebook 2, 2005) hinggil sa maikling kasaysayan ng
Pagpaplanong Pangwika. Isa itong larangang bunga ng mga pagpupunyagi at panawagan kaugnay
sa wika kasama ang mga pag-aaral sa wikang pambansa. Binanggit ni Constantino: Ang iba-ibang
naging patakaran, pagtugon, pagkilos, at reaksiyon sa mga pangayayaring pangwika ay nagbunsod
sa mga sosyolohista, at lingguwistika na magkainteres sa mga wika sa iba’t ibang bansa, lalo na sa
pambansang wika, komon na wika, lingua franca, at ilang penomenon at programa gaya ng
bilinguwalismo. Sinalo ng akademya ang pagsusuri sa mga ginagawang ito ng mga bansa kaugnay
ng kanilang wika. Dahil dito nabuo ang larangan ng Pagpaplanong Pangwika (Language Planning).
Kung minsa’y tinatawag din itong Inhinyeriyang Pangwika (Language Engineering mula kay S.
Takdir Alisjahbana ng Indonesia), o kaya’y Lingguwistikong Politikal (glottopolitics)..3. Inilinaw
din ni Dr. Constantino ang ugnay ng nasaning larangan sa mas malawak na kaganapan sa lipunan
bilang tugon na rin sa limitasyon ng lingguwistika bilang larangan. Tinalakay rin ang antas na
inabot ng larangan sa mga partikular na pokus/pagpupunyagi kasama ang pagpapakilala sa mga
higanteng pangalan o iskolar sa iba’t ibang panig ng daigdig: Ang Pagpaplanong pangwika ay isang
erya ng Sosyolingguwistika na itinuturing naman na isang erya ng Applied Linguistics na nabuo
dulot ng pangangailangang suriin ang wika batay sa kaugnayan nito sa lipunan. Ang pagsusuring ito
ay hindi nagagawa sa larangan ng lingguwistika na sumusuri sa wika sa sarili lang nito at hiwalay
sa lipunang kinabibilangan nito.. ...Bagamat naging pokus ng maraming pag-aaral ang pagtugong
pangwika sa mga pagbabago bunga ng kolonisasyon, bahagi na rin ng pag-aaral maging ang mga
programang pangwika ng mga sumakop na bansa. Ilan sa mga paksang ito ang multilingguwalismo
bunga ng migrasyon gaya ng sa Amerika at Europa, mga pagbabago sa ispeling at sistema ng
pagsulat gaya ng sa Tsina at Japan, mga programa sa pagsasalin gaya ng sa Rusya, Japan, atbp.. Ila
sa mga iskolar na mga nakilala sa larangan ng Pagpaplanong Pangwika sina Einar Haugen, Joshua
Fishman, Joan Rubin, Bjorn Jernudd, Jyotirinda Das Gupta, Sutan Takdir Alisjahban, Asmah
(INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 14 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 15 Haji Omar,
Paul Garvin, Valter Tauli, V.S. Neustupny, Punya Sloka Ray, Charles Ferguson,...Sa Pilipinas
naman, ilan sa mga nagsuri sa mga problemang pangwika sina Andrew B. Gonzales, F.S.C.
(bilingguwalismo), Ernesto Constantino (Filipino at Universal Approach), at Bonifacio Sibayan
(Intelektuwalisasyon). Mula noong dekada 1960 nang lalong naging interesado ang mga iskolar
(lingguwistika, sosyolohista, sikolohista, politikal na siyentista, sosyolingguwista, sikolingguwista),
lalo pang dumami ang gumawa ng pag-aaral at pagsusuri sa mga problemang pangwika sa Norte
Amerika, Europa, Aprika, Asya, at Latin Amerika...3-4 Di rin matatawaran ang kontribusyon sa
larangan ni Robert Cooper sa kanyang librong Language Planning and Social Change (1989) sa
masinop na paglatag ng mga depinisyon ng Pagpaplanong Pangwika. Bunga ito ng mahigit
dalawang dekada ng mga karanasan at pagsisikap akademiko mula sa bansang mayayaman
hanggang sa mga kolonya at o neokolonya. Ayon sa akda, sinimulan ang pagpapakahulugan sa
larangan ni Einar Haugen na sa kalauna’y mas titignan bilang outcomes ng mga desisyon kaugnay
ng pagpaplanong pangwika bago matapos ang dekada 1960 (1969, 30). Higit na mayabong ang
paglitaw ng iba’t ibang depinisyon sa pagpaplanong pangwika ng dekada 1970 hanggang dekada
1980. Sa kabuuan ang mga pagpaplanong pangwika ay tumutugon sa mga suliraning pangwika na
maaaring direktang usaping wika o higit na nakasadlak sa mga usaping pulitikal, ekonomik at o
panlipunan . Karaniwan ang mga suliraning pangwika ay inuugnay sa mga batayang itinatakda ng
mga sektor o grupong nakikinabang/makikinabang sa wika at sa gamit at o sa anyo ng wika. Mga

13 | P a g e
Antas, Dimensyon at Proseso sa Pagpaplanong Pangwika May binabanggit na dalawang antas sa
Pagpaplanong Pangwika: makro at maykro. Samantala, may tatlong dimensyon, kagyat na layunin
o komponent. Ang mga ito ay istatus na pagpaplanong pangwika, korpus na pagpaplanong
pangwika at akwisisyong pangwika. Ang istatus na pagpaplanong pangwika ang nagbibigay pansin
sa mga tiyak na gamit mula sa wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain at o
intelekstwalisasyon, wikang opisyal ng pamahalaan (korte, lehislatura, ehekutibo), ng negosyo at
iba pang panlipunang institusyon. Ayon ulit kay Cooper (1989), ang korpus na pagpaplanong
pangwika ay nakatuon sa pagbubuo/pagbabago/pamimili ng mga porma o kowd na ginagamit sa
pagpapahayag oral o nakasulat. Bahagi nito ang mga gawain sa pagbabago ng ispeling, paglikha o
pagbubuo ng mga salita. Pinagtutuunan naman ng pansin ang pagpapalaganap ng wika at epekto sa
gumagamit ng wika sa dimensyong akwisisyong pangwika. Ang Larangan ay kinapapalooban ng
mga prosesong seleksyon, kodipikasyon at elaborasyon at implementasyon ng mga elementong
lingwistikal, ayon kay Haugen. Nilagom ni Dr. Constantino sa Introduksyon (SANGFIL
Sourcebook 2,2005) na may nakapaloob na apat na tiyak na proseso kaugnay ng pagpaplanong
pangwika. Ang unang proseso ay pagsasagawa o pamimili ng norm na maaaring wika mismo o
anyo ng wika. Ito ay para sa tiyak na gamit at pamimili ng kowd o pagbubuo ng patakaran ng mga
naitakdang institusyon o samahan. Susundan ito ng pagsasagawa ng kodipikasyon ng wika o anyo
ng wika o kowd na pipiliin batay sa itinakdang gamit. Maaaring maisakatuparan ang proseso sa
pamamagitan ng pagbubuo ng libro/panuntunang gramatikal at diksyunaryo. Sa elaborasyon naman
ay nakatuon sa pagpapayabong ng mga opsyon/pagpipilian/varayti. Sa huling yugto nagkaroon ng
kaunting pagkakaiba sa dalawang prosesong nabanggit. Ang huling yugto ay ang pagtitiyak ng
pagpapatupad ng anumang pagbabago/solusyong napili tungo sa ganap na pag-aangkin ng grupong
pinaglalaanan ng desisyon at o pagbabago/gawaing pangwika. Kultibasyon o pagtataguyod o
pagsusulong ng tiyak na varayti ang huling bahagi naman para kay Neustupny. Pagpaplanong
Pangwika sa Tawid Bayan o Kros Kultural na Sipat Isang interesanteng erya ng pagpaplanong
pangwika ay ang tawid-bayan o kros kultural na pag-aaral. Higit itong nagiging kapana-panabik
dahil inilulugar at pinag aaralan ito sa malawak na lunan/lipunan at sa lalim ng kasaysayan ng mga
partikular na bansang pinag-aaralan. Mayabong din ang mga pagpupunyagi sa mga komparatibong
pag-aaral sa mga karanasan sa pagitan ng mga bansa/bayan. Mula sa Tungo sa Modernisasyon ng
Pagpaplanong Pangwika: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas ni Pamela Constantino
(1990) ipinakita ang mga natatanging karanasan ng ilang bansa sa Asya lalo’t higit sa Timog-
Silangang Asya. May partikularidad ang nasabing rehiyon na sumailalim/sumasailalim sa serye ng
pananakop mula sa mga bansa sa Europa at Hapon. Sa karanasan ng Malaysia at Indonesia, bilang
mga nasakop na bansa, sa kolonyal na panahon ang opisyal na wika at wika sa edukasyon ay wika
ng mga mananakop o dayuhan. Para sa Malaysia ay Ingles ( Britanya ang mananakop) at Dutch
para sa Indonesya (Dutch). Ang wika sa edukasyon at opisyal na wika sa Malaysia at Indonesia ay
mga katutubo (Bahasa Malaysia sa Malaysia at Bahasa Indonesia sa Indonesia). Kapwa sa parehong
bansa, midyum ng pagtuturo at asignatura lamang ang Ingles. Tinalakay din na ang tunguhing
modernisasyong pangwika ng mga nasabing bansa ay itinataguyod ng mga ahensyang
pampamahalaan (Dewan sa Malaysia at Pusat Bahasa sa Indonesya). Sa komparatibong pag-aaral
naman ni Dr. Lydia Liwanag, halos pareho ang resulta ng ganitong pagsusuri (disertasyon 1996 at
SANGFIL Sourcebook 2 ng 2005). Sa kanyang tawid-bansang pag-aaral sa mga bansang
Singapore, Hongkong at Pilipinas, binanggit na sa kolonyal na panahon ay nanaig ang kolonyal na
wika ng mananakop, ang Ingles. Sa matagal na panahon, bilingwal ang patakaran sa edukasyon sa
Pilipinas. Ingles at alinman sa Tamil, Malay at Intsik naman para sa Singapore samantalang Ingles
at Intsik naman sa Hongkong. (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka
ng mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang
Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 16 JOURNAL NG WIKANG
FILIPINO 17 Sa proseso ng kodipikasyon at elaborasyon, nagsisilbing panimulang batis ang
karanasan ng Korea, Japan at Malaysia at Indonesya. Isa si Young Chal (2005) sa mga dalubwika
na nagbigay pansin sa Ortograpiya ng bansang Korea. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang pagkakaroon
istandardisasyon sa wika na mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan, may tendensyang purismo sa
wika, pamantayan sa ispeling at pagkaroon ng karakter na halong Tsino at Koreano. Binabanggit na
bagaman may pagkakataon ang mga dalubwika na lumikha ng diksyunaryo, dumadaan pa rin ang

14 | P a g e
kanilang akda sa pagsusuri ng pamahalaan bago gamitin ng mga paaralan. Sa mga bansang
Malaysia at Indonesia, nagtaguyod ng istandardisasyon ng mga teknikal na salita at naging
tuluytuloy na akademikong gawain ang pagsasalin ng mga akda. Bokod tangi ang kanilang
mahigpit na ugnayan sa pagsasagawa ng istandardisasyon ng ispeling.

PAGPAPLANONG PANGWIKA SA PILIPINAS

Balik-Tanaw sa Kasaysayan Batay sa aking akda na Ang mga Winawala, Nagwawala at Wawalain:
Pagwiwika sa Sistematikong Pamamaslang sa Sa/Ng Rehimeng Arroyo (KONTRA-GAHUM:
Academics Against Political Killings, 2006) binaybay ko ang mga pagpupunyagi kaugnay ng
tunguhin ng mga pag-aaral sa wika at wikang pambansa. Binanggit na sa panahon ng Kastila ay
naging malaki ang papel ng wika sa pamamayagpag ng mga prayle at nga mga relihiyosong orden. Sa
kanilang kahusayan sa wika ng manankop at sa mga lokal na wika, sila ang nagsilbing gitnang tulay o
tagapamagitan sa mga katutubo at sa kolonyal na Espanya. Ito ay sa gitna ng katotohanan na kanilang
sinuway ang tagubilin na ituro ang wika ng mananakop sa mga paaralan. Wikang tagalog naman ang
ginamit ng ilang kasapi ng Kilusang Propaganda at naging opisyal na wika ng
Katipunan/pamahalaang Katipunan ni Andres Bonifacio. Naging matibay na kasangkapan naman ng
mga Amerikano ang sistema ng edukasyon sa kampanyang pagpapahupa bitbit ang kanilang kultura at
wika. Nagkaroon naman ng pag ihip ng hangin sa Panahong Komonwelt at panahon ng Hapon sa
muling pag igting ng paggamit ng wikang katutubo. Simula ng Konstitusyong 1973, nagsimula ng
sumulpot, pag-usapan at patuloy na ginagamit ang wikang Filipino. Ang Wika sa Panahon ng
Globalisasyon Binabanggit na sa panahon ng globalisasyon, na minsa’y tinatawag na Thatcherism o
Reaganism (dahil ginamit ang termino at umiral sa mga binabanggit na panahon ng mga nasabing
kapitalistang bansa), nagiging litaw ang mahigpit na ugnayan ng disenyo ng ekonomiya, tunguhin ng
sistema ng edukasyon at dominanteng kultura (kasama ang wika). Mula sa aking akda mula sa librong
Mula Tore Hanggang Palengke: Neoliberal Education in the Philippines (CONTEND, 2007), binigyan
ng pansin ang paghuhugis ng komodipikadong wika sa balangkas ng Marketisasyon ng Edukasyon:
Sa kontemporaryong panahon, masasalamin ang marketisasyon sa wika at pagsisilbi sa gatekeeping
ng kultura at lakas-paggawang gawain ng unibersidad/at o paaralan sa pamamagitan ng 2001 Revised
Basic Education Curriculum (RBEC) na nagbabawas ng time on task sa asignaturang Filipino.
Kakabit ang pagpapatuloy ng baylinggwal na palisi sa wika at paggamit sa Ingles sa agham at
matematika, wika at paketeng electronic information ng mga kursong ICT at distance education,
pakikipag-tie-up ng mga unibersidad sa call centers. Masusuri rin ang pagpapalawig ng mga kursong
Ingles kumpara sa Filipino para sa General Education Program sa antas-kolehiyo, pagtataguyod ng
Executive Order 210 at serye ng bulabog ng Gullas Bills. Nariyan din ang pagpapahina sa mga
kursong pangkasaysayan tungo sa kritikal na pagsusuri at paglinang ng lokal na yaman at lakas na
kadalasang gumagamit ng pambansang wika...Abad 217 Bukod sa binabanggit na mga batas at
patakarang direktang nagpapahina sa gamit ng wikang pambansa sa mga paaralan, maaaring bahagi
ng usapin sa wika ang tinatawag na re-semanticization ng wikang Ingles. Sa aspetong ito ipinapakita
ang tahasang ugnayan ng globalisasyon sa wikang Ingles. Ang wika ng makapangyarihang Estados
Unidos at wika ng korporasyon ay nagkakaroon ng nag-iisang pusod o hilab. Ang mga salitang
efficiency, marketability, chief executive officer, labor contractualization o absence of employee-
employer relation ay mga nagiging palasak na salita sa akademya kahit sa mga batayang dokumento
ng mga akademikong institusyon gaya ng UP Charter (RA 9500) ng Unibersdad ng Pilipinas. Sa
dokumentong Roadmap for an ASEAN Community 2009-2015, binabanggit sa bahagi ng Human
Development (sa balangkas ng ASEAN Socio-Cultural Community Blueprint) ang mga sumusunod:
A1/1.1/xviii. Support the citizens of Member States to become proficient in the English language, so
that the citizens of the ASEAN region are able to communicate directly with one another and
participate in the broader international community; A2/1.2/ii. Promote the use of English as an
international business language at the work place. Ang mga kaganapang nabanggit, sa panawagang
internasyunalisasyon, ay kasalukuyang humahagupit sa sistema ng edukasyon mula sa batayang antas
hanggang sa tersyaryo. (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga
Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng
Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 18 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 19 Higit

15 | P a g e
itong mananalasa at magpapatindi ng krisis ng kolonyal/komersyal at represibong edukasyon (na
noong dekada 1970 pa nasuri ng Ikalawang Kilusang Propaganda). Sa ilang malalaking unibersidad sa
NCR, ito ay nag-anyo ng calendar shift, pagdami ng anyo ng bayarin o TOFI, pagkakaroon ng
trimesters, pagpasok ng mga bilyonaryong komprador sa negosyo ng edukasyon gaya nina Henry Sy ,
Lucio Tan, atbp. Ang matinding problema sa 14% na finishing/completion rate sa kolehiyo (ayon
mismo sa CHED Briefing Paper 2013) mula sa 43% finishing/completing rate sa hayskul. Ito ay
bukod sa maraming kakulangan (sa libro, guro, pasilidad, atbp) at titingkad sa bagong kurikulum na
K-12 at CHED Memorandum #20 s.2013. Gaya ng naganap noong dekada 1970-1980 sa
pamamagitan ng National College Entrance Examination (NCEE), magkakaroon na natural na
pagsasala sa mga estudyanteng tutuloy sa kolehiyo. Ang tracks sa senior high school, ang kawalan ng
kakayanang ipatupad kasama ang mga rekurso sa senior HS sa mga probinsya at rehiyon ang
magpapalala sa problema ng accessibility. Ganap ng maisasakatuparan ng maagang pagpasok sa
lakas-paggawa ng mga kabataang di makatutuloy sa kolehiyo o kahit makatapos man lamang ng
hayskul. Pasok na pasok ito sa kahingian ng ASEAN 2015, kung saan ang elementarya lamang ang
kinikilang batayan ng pagkakaisa bilang compulsory education.

ANG PAMIMILOSOPIYA SA/ NG WIKANG PAMBANSA/FILIPINO

Sa mga naunang diskurso, ipinaliwanag ang mahigpit at lantarang ugnayan ng


globalisasyon/ekonomiya, krisis ng sistema ng edukasyon. Makikkita ito mula sa mababang badyet, sa
pagmamanipula ng kurikulum hanggang sa pagpapalakas ng Ingles at pagpapahina ng wikang
pambansa/Filipino at larangang Filipino. Binanggit din ang mga pagtatangka o pagkukunwari (sa
12th-15th Congress) ng mga debate sa wikang pambansa at sa wikang Filipino sa gitna ng
pagkakatala nito sa dalawang huling Konstitusyon ng Pilipinas. Malinaw rin ang kakatotohanan sa
isang banda, ang pagkakatala sa mga probisyong pangwika sa Konstitusyong 1987 ay bunga ng
ideyalismo at halina ng Edsa 1. Sa bahagi ng advocates mula sa hanay ng akademya, isang malaking
tagumpay ang tanghalin ang wikang pambansa na dumaan sa butas ng karayom ang sinuong na debate
at gawaing lobby. Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sa Seksiyon 7, isinasaad naman ang
ganito: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo
roon. Ang paikut-ikot at walang katapusang debate sa papel at halaga ng wikang pambansa/ Filipino
ay nananahan at nag-uugat sa krisis sa lipunan atrasado at kolonyal. Sa kabilang banda naman, hindi
rin pwedeng pasubalian ang kapangyarihan ng wika / wikang pambansa sa pagbabalikwas mula sa
tiwaling sistema. Napatunayan ito mismo sa kasaysayan ng bansa mula sa panahon ng Katipunan
hanggang sa aktibismo ng dekada 1970. Dito napakalaga ang papel ng pagpaplanong pangwika,
sosyolingwistiks na nakatuon sa gamit ng wika. Sa pagsasalansan ng diskurso sa wikang pambansa at
sa wikang Filipino bilang wikang pambansa ay inisyal na nabubuo ang sumusunod na pilosopiya: Ang
pilosopiya sa wikang pambansa ay sumasagot ng mga usaping katangian, pinagmulan at gamit ng
wika. Kung ilalapat ito sa kaso ng wikang Filipino bilang wikang pambansa: 1. katangian-patuloy na
payayabungin (mula sa mga wika sa Pilipinas at iba pang wika), nakabase sa mga komon na padron
ng mga wika sa bansa/ unibersal na lapit, de facto at de jure 2. pinagmulan/batayan- lingwistikal
(Tagalog, mga wika sa Pilipinas at mga wika ng mananakop), historikal at antropolohikal (karanasan
ng Katipunan ni Andres Bonifacio, karanasan sa sistema ng edukasyon at lakas ng mas midya at
kulturang popular) 3. gamit- na instrumental sa pagkakaisa at sa demokratisasyon (wika ng pagtuturo
at pagkatuto, pambansang lingua franca, wikang opisyal) at sentimental (pagbibigay
kilanlan/identidad at dignidad bilang isang bansang naghahangad ng soberanya) (INI)LIHIM SA
DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya
Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino

16 | P a g e
Melania Lagahit Flores 20 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 21 KATANGIAN NG WIKA 1.
patuloy na payayabungin (mula sa mga wika sa Pilipinas at iba pang wika) 2. nakabase sa mga komon
na padron ng mga wika sa bansa/ unibersal na lapit 3. de facto at 4. de jure Bukod sa mga
pagpupunyaging akademiko, sa pagbaybay sa katangian ng wika, pangunahin ang pagbabalik-aral sa
Konstitusyong 1987. Mapagkumbabang itinatadhana ang pag-uugat ng wikang pambansa/Filipino sa
mga wika sa Pilipinas sa konteksto ng pag-usad ng sarili nitong panlipunang kasaysayan. Ayon sa
Konstitusyon: Artikulo XIV, Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika... Samantala sa akdang FILIPINO O PILIPINO (na inedit nina E
Constantino/Sikat/ Cruz,1974) konsistent ang kahingian at layunin nito sa Konstitusyong 1987 sa
pagbubuo ng wikang pambansa. Inilagay sa konteksto ng mahabang kasaysayan ng tunggalian sa wika
sa pagitan ng mamamayan na may iba’t ibang loyalti sa kultura at wika. Maaga ng ipinahayag na
mahalaga na natural na umusbong ang wikang pambansa mula mismo sa pagtataguyod at paggamit ng
mamamayan nito. Binabanggit din ang katangian ng mga wika sa bansa, ang binhi sa yumayabong na
wika ng mamamayan at o wikang pambansa: …ang aming pangunahing layunin sa pagpopropos sa
paraang unibersal sa pagdebelop ng wikang pambansa ng Pilipinas ay hindi para pigilan ang paggamit
ng Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas kundi para masiguro na kung sakaling hindi
tatanggapin ang Pilipino, maaaaring dumebelop sa loob ng pinakamaikling panahon ng isang wikang
angkop na maging wikang pambansa-sang wikang aktuwal at natural na gagamitin at hindi isang
wikang mananatiling simboliko lamang at laging naghihingalo dahil hindi natural na ginagamit..19
Tagumpay ng Wikang Pambansa Sa pinal na analisis, ang tagumpay ng isang wika na maging wikang
pambansa ng isang bansa ay depende hindi sa pagiging artipisyal o natural nito kundi sa pagtanggap o
atityud (attitude) ng mga taong pinag-uukulan nito o dapat na gumamit nito. Kami sa UP ay matatag
na niniwala na ang wikang madedebelop sa pamamagitan ng paraang unibersal ay mas madaling
tanggapin at gamitin kaysa sa wikang Pilipino,lalo na iyong Pilipinong itinuturo ngayon sa mga public
school, bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang paniniwala naming ito ay batay sa mga sumusunod
na dahilan: (1) Ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay hindi batay sa Tagalog
lang o sa isang wikang inaari o inaangkin ng isang malaking etnikong grupo; (2) Ang wikang ito ay
base sa marami kundi man sa lahat ng mga wika at dayalek ng Pilipinas; (3)Hindi papaboran ng
wikang ito ang alinman sa mga etnikong grupo ng Pilipinas; (4) Ang pagbuo at pagpapayaman sa
wikang ito ay magiging responsibilidad ng lahat ng etnikong grupo sa Pilipinas, hindi ng isang grupo
lang. Sa kabuuan, nakikita naming na ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa
pambansang wika ng Pilipinas ay magbubunga ng malaking epekto o pagbabago sa atityud ng mga
Pilipino, hindi lang sa kanilang wikang pambansa kundi pati na sa kanilang kultura at literatura at sa
kanilang bayan at kapwa Pilipino. Sa paggamit nila ng wikang pambansang dinebelop sa paraang
unibersal, na binubuo ng mga sangkap at anyong nagmumula sa iba’t ibang wika at dayalek ng
Pilipinas, malalapit sila sa iba’t ibang kultura, literatura, tao at rehiyon ng Pilipinas. Lalaki ang
kaalaman at interes nila sa mga ito at ang atityud nila sa mga ito ay magiging masigla at positibo
imbis na laging malamig o paiwas o negatibo. Sa paggamit nila ng wikang pambansang dinebelop sa
paraang unibersal, makikita nila na ang wikang ito’y mula at para sa lahat ng Pilipino, at ito’y
nagbibigay ng pabor sa lahat ng Pilipino, hindi sa mga miyembro ng isang etnikong grupo lang.
Makikita rin nila na ang wikang ito’y mas madaling matutuhan at mas epektibong magagamit ng mga
Pilipino kaysa wikang Ingles, at ang wikang ito at hindi ang wikang Ingles o anumang dayuhang wika
ang tunay na tatak at daluyan ng pambansang kultura at identidad ng mga Pilipino. Kaya’t naniniwala
kami na hindi na kailangang maghintay pa ang mga Pilipino ng 100 o 50 o kahit na 25ng taon para
makita nila na ang kanilang wikang pambansa ay siyang wika ng kanilang pagkakaisa at pagkakaiba,
ang wika ng kanilang identidad, at ang wikang magpapalaya sa kanila sa mga banyaga at alyenadong
isipan at oryentasyon.) 29-30 PINAGMULAN/BATAYAN NG WIKA 1. lingwistikal (Tagalog, mga
wika sa Pilipinas at mga wika ng mananakop) (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok
at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang
Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 22 JOURNAL
NG WIKANG FILIPINO 23 2. historikal at antropolohikal (karanasan ng Katipunan ni Andres
Bonifacio, karanasan sa sistema ng edukasyon at lakas ng mas midya at kulturang popular) Sa
maraming debate sa wikang pambansa/Filipino mula sa Kongreso hanggang sa akademya, tunay na

17 | P a g e
hindi produktibo at nakapagpapalapot ng dugo. Inaasahang magaganap ang ganito dahil magkaiba ang
dimensyon ng pananaw ng mga nagtatagisang panig. Marami ang nagmamarunong at subhetibong
itong isinasalang at ikinukumpara sa wikang Ingles at sariling lokal na wika. Dagdag pa, ang
mapanghimutok na tirada lalo ng mga di taal na taga-NCR, laban sa NCR imperialism. Sinasabi nga,
whether we like or else, sa NCR itinatag ang anti-kolonyalismong Katipunan. Sa kabilang banda, dito
rin nakaluklok ang kapangyarihan ng mga papet hanggang sa pagsasalikop sa halina ng kasuluyang
tinatawag na kulturang popular. Hindi naman matitinag, na puspos sa paghihimagsik at nakapaloob sa
kilusang mapagpalaya o higit pa sa kilusang rebolusyunaryo, ang mga pahayag sa ugnayan ng wika at
patakarang pangwika sa Kilusang Pambansa Demokratiko. Sinasabing ang kilusang ito ang
pinakamatandang kilusang rebolusyunaryo sa Asya bagamat dumaan at dumadaan sa mga yugto ng
paghina, pagbangon at pagpapanibagong lakas. Ipapahiwatig sa mga susunod na talakayan ang
pagtataqguyod na nasabing kilusan sa wikang pambansa. Mapapansin ang pahayag sa kahalagahan ng
wikang nakaugat sa kilusan na may pagpapahalaga sa balanse ng kakayanan ng wikang maunawaan
ng masa at wikang nagdadala/magpopularisa sa ideolohiya ng kilusan. Binabanggit din ang
kapangyarihan ng wika sa mapagpalayang potensyal nito. Ayon sa KPD SA WIKA (1991) ni Prop.
Monico Atienza: Tentatibo, sa kabuuan, ang naabot sa pagtalakay ng mga isyung tinukoy.
Halimbawa: Behikulo o midyum ng ideolohiya ang wika at ang pulitika’y masinop na naipaabot ng
wika; kung gayon, dapat laging maingat at makinis sa paggamit ng wika. Ang wika ay mabisang
sandata ng rebolusyon. Nararapat lamang paunlarin ng KPD ang isang PW; mas mainam na gamitin at
paunlarin ang wikang kilala o ginagamit na ng nakararami sa bansa. Ang demokratikong rebolusyon
ay tiyakang mapauunlad ng isang PW. Mahalagang ng pagpapaunlad sa PW ang mga gawaing
pagsasalin ng KPD. (KPD Atienza 60) (Babangitin na kung tinukoy ang PW, itinataguyod ng KPD
ang Pilipino bilang pangunahing batayan ng pinalalawak at nadedebelop na Filipino sa buong bansa.
Magkaganito man, matibay ang pansin ng KPD sa magkakahawig na istruktura at iba pang katangian
ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.) Ilang Pangkalahatang Tuklas 3. Ang paggamit at
pagpapalaganap ng PW at ang sistematikong mga hakbang, pagpaplano at patakaran ay nakaugnay
nang mahigpit sa mga gawaing pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyon sa ligal, mala-ligal
at iligal na mga kawing ng kadenang KPD. Kagyat ang pagkilala ng mga ito na ang PW ay
napakahalagang bahagi ng rebolusyong kultural at demokratikong rebolusyong bayan. 4. Ang wika ay
instrumento ng ideolohiya, behikulo ng linyang pampulitika, at mabisang tagapagbuo ng mga
organisasyong rebolusyunaryo. Sinasalamin ng wika ang mga relasyong panlipunan at tunggalian ng
mga uri sa lipunan. Ang sabihing may sariling wika ang masa at iba pang seksyon ng nakararaming
mamamayan, at may kanyang wika rin ang naghahari at nangingibabawa sa lipunan, ay hindi
kalabisan, o kathang-isip kaya. 11. Ang mga organisasyong kultural ng KPD ay mahahalagang
elemento sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, istandardisasyon, eleborasyon at intelektwalisasyon ng
PW. 12. Marami-rami nang mga aklat, pamplet, dyaryo at magasing isinusulat sa PW sa ilalim ng
KPD. 15. Sasabihing maitatangi ang PW ng KPD kaugnay ng ilang puntong sumusunod: a) pagiging
simple at magaan nito; b) diin sa katiyakan o presisyon ng mga termino at eksperesyon; c) tiyak na
mga ambag nito sa paglawak ng leksikong PW; d) mas maluwag nitong pagtanggap ng mga termino
at ekspresyong galing sa ibang wika sa Pilipinas, kasama na ang mga dayuhang wika, ngunit may
malaking silang pagkiling sa mga tunog at pamamaraan sa pagbigkas at/o pagbaybay na kinamihasnan
ng mga taumbayang kanilang nakakaugnay at nakakasama sa mga gawain aktibidad ng rebolusyon; at
e) anumang paggamit ng wikang pambansa (pagsasalita at pagsulat) ay tiyaking pagsilbi sa mga
layunin, pagpapahalaga at tungkilin ng demokratikong rebolusyong bayan. 16. Pilipino ang
pambansang wika. Ito ay batay sa mga dokumento at masasabing paninindigang pampulitika ng KPD
sa wika. (Ang Filipino ay sa nakakalalaking bahagi ay nasa istruktura ng Pilipino.) Hindi tinututulan
ang Filipino; ito’y ang pinalalawak na wikang Pilipino na tumatanggap ng iba’t ibang katangian at
salita mula sa iba’t ibang wika at wikain sa Pilipinas (63-64) (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay
ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at
Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 24
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 25 Muling pinasasadahan at binigyang pansin ang unibersal na
lapit sa pagkakabuo ng wikang pambansa ayon sa dating direktor ng Sentro ng Wikang Filipino, Dr.
Teresita Maceda. Binabanggit ang miskonsepsyon sa pag-uugat at o tunguhin ng wikang
pambansa/Filipino. Ayon kay Dr. Maceda: ..Pangatlong pagsubok ang pag-iral ng maraming

18 | P a g e
miskonsepsyon tungkol sa Filipino na nagiging hadlang sa pagpapalaganap nito. Unang-una na ang
patuloy na pagtawag ditong Tagalog. Kadalasan, nangyayari ito dahil, sa unang tingin, tila binubuo ito
ng bokabularyong Tagalog. Wala sa ating isip na galing sa iisang sinapupunan ang ating higit na
isandaang wika sa Pilipinas at ang akala nating salitang Tagalog sa katunayan ay Sebuwano rin, at
Hiligaynon, at Ilokano at Ibanag. Halimbawa na lang ang mga salitang mata, bituin/bitwen,
bahay/balay, bigas/bugas, tubig, langit, hangin, asin at marami pang iba. Bukod dito, ang istruktura ng
Filipino ay kakaiba na sa Tagalog. Binubuo ang Filipino ng mga elementong unibersal sa lahat ng
wika sa Pilipinas. At dahil ito ay pambansang lingua franca, naimpluwensyahan ang istruktura nito ng
mga elemento sa ibang mga wika sa (P)ilipinas... natural na wika ang Filipino at hindi isang wikang
nilikha o inimbento ng ilang linggwist. Tulad ng lahat ng buhay na wika sa mundo, bukas ito sa
pagbabago ng panghihiram mula sa mga wika sa (P)ilipinas at gayundin sa mga wikang banyaga.
Sapagkat sa panghihiram at pagangkin lumalago ang isang wika. At di man nating namamalayan, sa
ganitong paraan yumabong nang husto ang tinitingala nating wikang Ingles. Marahil, kulang pa sa
impormasyon tungkol sa kakaiba nang istruktura ng Filipino. (6) Isang malaking ambag rin sa
pagsusulong ng wikang pambansa/Filipino ang pgkakabuo ng Kartilya ng Wikang Filipino. Bunga ito
ng dalawang konsultasyon na nilahukan ng mga personaheng akademik at mga pinuno ng malalawak
at malalakas na kilusang wika at/o ideolohikal. Matapang na nilagyan ng istatistika bilang patunay sa
ugnayan sa padron ng mga wika sa Pilipinas kasama na rin ang bilang na nakakaunawa at
nakakagamit nito batay na rin sa sa mga pwersa at realidad sa kapaligiran: 2. Baka mabisa lamang ang
Filipino sa mga Tagalog. Hindi ba para sa mga di-Tagalog, ang Filipino ay maituturing ding wikang
banyaga? Iisang pamilya ang lahat ng katutubong wika ng bansa. Sa diksiyonaryo, halimbawa, ni
Panganiban (1972), nakapaglista siya ng mahigit 27,000 pangunahing lahok at sa mga ito, mahigit
11,000 ang may kogneyt sa pinili niyang 12 wikang katutubo sa bansa bukod pa sa mahigit 12,000
homonim ngunit di-singkahulugan. Kaya napakabilis matututo ng Filipino ang isang Ifugaw o Tausug
kompara sa paghihirap niyang matuto ng Ingles o anumang wikang di-kapamilya ng mga wika natin.
Filipino ang totoong lingua franca ng Filipinas. Sa isang survey ng Pamantasang Ateneo de Manila
noong 1989, lumitaw na 92% ang nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa, 88% ang nakababasa nito,
83% ang nakapagsasalita nito, at 81% ang nakasusulat nito. Lumitaw rin na 51% lamang ang
nakaiintindi ng Ingles. Noong 1989 pa ang estadistikang ito. Tiyak na mas tumaas pa ang nakaiintindi
at nakagagamit ng Filipino dahil sa mga sosyal at lingguwistikong salik na tumutulong sa paglaganap
ng isang wika tulad ng mga midya, transportasyon at komunikasyon, pandarayuhan, sentro ng
populasyon, edukasyon, at iba pa. Ipinahihiwatig naman ang direktang tunggalian at kahalagahan ng
paninindigan para sa wikang pambansa batay sa pahayag ng SWF-Diliman na Ipagtanggol ang
Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles Bilang Pangunahing Wikang
Panturo: ...At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mga makabayang
Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at sa mga delegadong masikhay
na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sa pagtatanghal ng wikang pambansa. Ang
pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo ay isang malinaw na pagpapawalang-halaga sa
dunong, pawis, panahon, at salaping isinakripisyo alang-alang sa tagumpay ng wikang Filipino. Isang
mabalasik na pagsusuri ng isang historyador ang nagpatunay sa paggamit ng wikang Tagalog, sa gitna
ng kontrobersiya sa pagiging manunulat o dakilang kontributor ni Andres Bonifacio. Higit na
nagbigay pansin sa paglikha at kahalagahan ng mga dokumento na nasusulat sa wikang Tagalog.
Pinasadahan ang mga nasabing dokumento na bumabaybay sa aspirasyon at tagubilin sa mga anak ng
bayan para maigpawan ang pang-aapi at pagsasamantala sa panahon ng mga Kastila. Tinukoy din ang
mga tanong, na nakasulat sa wikang Tagalog, na ginagamit sa pagpapalawak ng kasapian ng
Katipunan. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero sa kanyang akdang Si Bonifacio at ang Wikang Tagalog
(Wika at Pagpapalaya 1997): ...ang pinakamahalaga sa aking pagtingin sa mga sulatin na nailabas ng
Katipunan ay ang wikang Tagalog...Ang Kartilya,ang Decalogo, ang salin sa wikang Tagalog ng
Ultimo Adios ni Jose Rizal, ang Hibik ng Bayang Filipinas na attributed kay Andres Bonifacio,
(INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 26 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 27 Ang Dapat
Mabatid ng mga Tagalog...Binabanggit ni Manuel Artigas y Cuerva na nakita nya ang kalayaan at
doon ay kanyang pinatutunayan na si Andres Bonifacio ay isa sa mga kontributor sa kalayaan... ...Ang

19 | P a g e
bawat salita ay teksto, teksto hindi ang nagsulat (bagama’t maaaring yon ang gusto niya), kundi teksto
ng bumabasa at nakabasa. Kaya sa aking pagtingin, kung titimbangin ang mga sinulat (mga sulating
attributed kay Andres Bonifacio), maaari nating tigisin, lagumin, dalisayin ang kasaysayan ng
Pilipinas na ang ilang salita ay aantig ng damdamin, magpapakirot ng puso, magpapasilakbo ng utak,
na hindi kayang gawin ng gaano man kahabang sanaysay o artikulo sa wikang Kastila kung hindi
ginamit ang mga salitang ito. Halimbawa, iyon na lang tatlong mga tanong sa recruitment sa
Katipunan. Ano ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila? Ano ang kalagayan ng
Pilipinas sa kasalukuyan? Ano ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong tayo’y nagpupunyaging
makuha ang buong bayan sa Katipunan? (111-112) GAMIT NG WIKA 1. instrumental sa pagkakaisa
at sa demokratisasyon (wika ng pagtuturo at pagkatuto, pambansang lingua franca, wikang opisyal);
resulta ng desisyon sa reperendum/pagkakabuo ng konstitusyon 2. sentimental (pagbibigay
kilanlan/identidad at dignidad bilang isang bansang naghahangad ng soberanya) Binabalik-balikan
ang mga mahahalagang probisyon sa Konstitusyong 1987 dahil din sa paulit-ulit na pambabaluktot
(kahit ng mga nasa Malakanyang) sa isinasaad nito hinggil sa Filipino bilang wikang pambansa:
Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sa Seksiyon 7, isinasaad naman ang ganito: Ukol sa
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Muli, sa
Kartilya ng Wika ng SANGFIL, inilatag din ang natatanging papel ng wikang pambansa sa sistema ng
edukasyon at sa pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa. Inililinaw ang kaugnayan nito sa
wikang Ingles at ibang wika sa Pilipinas. Pinahalagahan din ang natatangiang katangian ng wika na
nagdadala ng kultura ng mamamayan : 3. Ano ba ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng 1987?
Ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng 1987 ay naglalayong pahusayin ang kasanayan sa
Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito
bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Mithiin ng bansa na makapag-angkin ang mga
mamamayan nito ng kasanayan sa Filipino upang magampanan nila ang kanilang mga tungkulin
bilang mga mamamayan, at sa Ingles upang makatugon sa mga pangangailangan ng bayan sa
komunidad ng mga bansa. 5. Kung hindi pangunahing wika, ano nga ba ang mas tamang pagkilala sa
Ingles sa kasalukuyang sitwasyong pangwika sa bansa? Sa kasalukuyang kalagayan, ang lingua franca
sa buong bansa ay Filipino, kaya ang Filipino ay lumilitaw na ikalawang wika sa mga pook na di
Tagalog. Sa gayon, ang pagsasabi na Ingles ang pangalawang wika ay isang paraan ng subersiyon sa
kasalukuyang estado ng Filipino sa mga rehiyong di Tagalog. Ang dapat mangyari ay ituring ang
Ingles bilang pangatlong wika o higit na angkop, bilang isang banyagang wika. 17. Hindi ba Ingles
naman talaga ang pandaigdigang wika, ang wika ng globalisasyon? Ipinaliliwanag ng mga iskolar sa
wika at globalisasyon ang isang bagong lingguwistikong kaayusan sa panahon ng globalisasyon.
Ngayon, sabay-sabay na dinidevelop ang pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika.
Ingles nga ang umiiral na pangunahing pandaigdigang wika. Ngunit nadedevelop din ang mga
panrehiyong wika o wikang (INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng
mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang
Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 28 JOURNAL NG WIKANG
FILIPINO 29 magsisilbing lingua franca ng magkakalapit na bansa. Lumalakas din ang mga kilusan
para sa preserbasyon ng mga lokal na wika. Samakatwid, may pandaigdigang wika tayo para sa
komunikasyong pandaigdig. May rehiyonal na wika tayo para sa mas rehiyonal na panlipunang
interaksiyon. At may mga lokal na wika tayo para sa mga panloob na interaksiyon at proseso na
tutugon sa mga batayang pangangailangan sa wika, kasama na rito ang edukasyon. Ibig sabihin,
kailangan nating matutuhan ang wikang tutugon sa iba’t iba nating pangangailangan. Para sa
komunikasyong panlabas, ang Ingles at iba pang wikang pandaigdig at panrehiyon; para sa
edukasyon, ang wikang higit na maiintindihan ng ating mga estudyante—ang wikang Filipino. III.
Ang Filipino Bilang Wika ng Edukasyon 1. Bakit kailangang gamitin ang Filipino bilang wika ng

20 | P a g e
edukasyon? Kailangang gamitin ang Filipino bilang wikang panturo dahil sa wikang ito
pinakamabisang matututo ang ating mga estudyante. Ang katotohanang ito ay kinilala na sa
Konstitusyon nang itakda rito na maging wika ang Filipino ng sistemang pang-edukasyon. Bukod
dito, kapag ginamit ang Filipino bilang wikang panturo, natututo ang mag-aaral at natututuhan din nila
ang nilalaman ng ating kultura— ang kaluluwa ng ating pagkabansa. Ang pinapangarap ng
pamahalaan na matatag na Republika ay matatamo lamang kapag nauunawaan at minamahal ng
sambayanan ang kanilang sariling kultura. Mapanghamon naman ang pahayag ni Brother Andrew
Gonzales hinggil sa kahalagahan ng political will ng gobyerno at sa makitid na pagtanaw sa gamit ng
wikang pambansa lagpas sa gitna ng krisis sa ekonomiya sa bansa. Ayon sa kanyang akdang
Language Planning in Multilingual Countries: The Case of the Philippines: And yet in spite of policy
expressed by equally eloquent rhetoric, realization has been slow. The key element towards
realization of language policy is political will based on a developing or, better still, a developed,
cohesion within the state that leads to genuine nationhood. What emerges from the Philippine
experience, and from experiences in other countries as well, is that utilitarian more than symbolic
objectives prevail in the actual development of the national language, especially as an intellectualized
medium. Moreover, in the case of the Philippines, it seems that the need for an indigenous
intellectualized medium is less urgent because of the continuing dominance of English and the
extension of its use in multiple domains. There is likewise the larger issue pointed out by friendly
critics that the Philippine state and Philippine society have not developed enough to be a ‘crystallized’
nation or a unified culture, manifested in part by the failure of the society really to consider the
national language for purposes beyond the symbolic. Economics seems to be one of the most
determinative of factors. With Filipino services in demand in other societies and with the scarcity of
jobs in the Philippines because of its population problem, the new initiatives in improving competence
in English and the fact that the national language is taking a back seat to English is easier to
understand. Economic considerations and survival make language planning for the national language
(Filipino) unrealistic. In fact, the actual operative language plan in the Philippines at present is to use
competence in English to competitive advantage in the service industries worldwide and to give more
emphasis on English in our school system, in effect making the implementation of the 1974 bilingual
scheme a second priority. Conclusion Language development is multidimensional and has many
facets. Like some other countries which have a similar option, the Philippines has a national language
which it holds up as a symbol of unity and linguistic identity but not as a medium of instruction for
scholarly discourse at the university level. Thus, symbolism takes priority over use in some domains
but not in others. Binalikan ang pahayag ni komisyoner Villacorta (1986-1987 ConCom) sa higit na
kabuluhan ng wikang pambansa sa panahon ng pananalasa ng globalisasyon. Sa alinmang pakikipag-
ugnayan mas kailangan ang solidong lakas sa paglahok sa malakas na agos ng globalisasyon sa
pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mamamayan. Ayon sa Ang Hinaharap ng
Pagtuturo at Pagkatutuo ng Wikang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon ni Dr. Pamela C.
Constantino: Ano ngayon ang mangyayari sa Wikang Pambansa ngayong pinapangibabawan na ito ng
banyagang wika sa kapahintulutan pa mismo ng sarili nating mga pinuno ng bayan ng eskuwelahan,
kalakaran, simbahan at iba pang institusyong panlipunan? Ano ang mangyayari sa kultura at wika
ngayong tayo mismo’y pumapayag na muling masakop ng dayuhang kultura at wika? (INI)LIHIM SA
DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman Joanne Visaya
Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino
Melania Lagahit Flores 30 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 31 Ang sagot dito’y sagot din sa
tanong na makabuluhan pa ba ang wikang pambansa? Sinagot ito ni Dr. Wilfrido Villacorta (2003) sa
kanyang papel na “Ang Wikang Filipino sa Edukasyonal na mga Isyu sa Panahon ng Globalisasyon”
sa Unang Sourcebook ng Sangfil. Ayon sa kanya (pp. 85-87) Sa panahong ito, laganap ang maling
paniniwala na tanging Ingles ang magpapaibayo ng kakayahan ng bansa na lumahok sa paligsahan ng
mga ekonomiya…Sa kompetisyon ng mga bansa, higit na mahalaga ang pagkakaisa ng mga
mamamayan na…magagawa kung sila’y nagkakaintindihan…. Nakatutulong ang isang wika sa
pagbubuklod ng mga mamamayan kung nakaugat ito sa kanilang kultura at karanasan…. Hindi
nakaugat ang Ingles sa ating kamalayan, kultura at pangaraw-araw na karanasan…Sa pamamagitan ng
isang wikang madali nilang maunawaan, maipaabot ang mga kaalaman at kakayahang kakailanganin
upang mapaunlad ang ating ekonomiya…gaya ng kaalaman at kakayahan sa episyenting pamamahala

21 | P a g e
at paggawa, sa pagpapaunlad ang agrikultura at komersiyo, at sa pagpapayabong ng ating
siyentipikong pananaliksik tungo sa industriyalisasyon.” Pinadugo ni Dr. Maceda (1993) ang lalim ng
sugat ng kolonyalismo sa pagkataong Pilipino at pagkakahati batay sa uri. Nakangangalit ang hinalaw
niyang pahayag ni G. Locsin na nag-uumapaw sa pandurusta at kawalanghiyaan bilang Pilipino at
bilang tao. Sa kabilang banda, pinagpupugayan ni Dr. Maceda ang potensyal na lakas at husay ng
masang gumagamit ng wika na magpapalaya sa kanya mula sa pang-aalipusta at kahirapan. Muli, sa
kanyang akdang Wikang Pambansa: Pagpapalaya kay Bighani: Sa mga taong bayang nagtamo pa rin
ng tunay na pagsasarili, napakahalaga ng pambansang wika sa pagbuklod ng mga mamamayan at
pagpapatatag ng kanilang damdamin ng pagkabansa. Sapagkat sa pambansang wika nasusulat ang
talambuhay ng isang lahi, nagkakaroon ng kolektibong gunita. Ayon nga sa isang makata, ang
sambayanan ay sinlakas lamang ng kanilang kolektibong gunita. Ang ating gunita — at ang
imahinasyong pinasisiklab nito — ang nagbibigay ng ating identidad at dangal bilang mga (P)ilipino.
.. Naturuan tayong maliitin ang sariling atin, ituring na segunda mano ang ating mga likha…Kaya
tuwing may nadadamang kilos sa pagtataguyod ng pambansang wika, agad tayong makakabasa ng
ganitong editoryal sa mga pahayagan/magasing Ingles: Calling Tagalog or its disguise, “Filipino,”
national language does not make it one. It is a linguistic water cure for 77 percent of the Filipino
people who would go on speaking their own language — with English for intellectual, cultural and
professional advancement. Tagalog as “Filipino” will only qualify them for the job of jeepney drivers
or street sweepers or garbage collectors or market vendors or Tagalog teachers . . . English, the
language of knowledge for Filipinos, is difficult enough to learn and master; add Tagalog, the
language of ignorance and you have Tango “Filipino.” Tanga na gago pa Filipino! (Teodoro Locsin,
“Tango Filipino,” Philippine Free Press, May 1, 1993). Ganito na lamang kalalim ang sugat sa ating
pagkatao. Mas madali pa sa iba ang pagtatanggol sa wikang iniwan ng dating kolonisador kaysa
manalig sa kakayahang mag-isip nang matayog at malikhain sa wikang katutubo sa atin. Gayundin,
nakakahiyang isipin na mas kapa pa natin ang kanluraning korpus ng kultural na produksyon kaysa sa
ating sariling mga komposo, kuwentong baya, epiko, at awit. . . . hindi dapat kaligtaan ang
pinakalayunin ng ating pambansang wika — ang pagbuhay muli ng pananalig ng karaniwang
taumbayan sa sariling wika bilang tunay na daluyan ng kaalaman, pagpapasiklab muli sa kanyang
pagkamalikhain, at sa proseso, pagbabalik ng bighani sa yaman at dangal ng kanyang kultura’t
pagkatao. Sa salita ng isang manunulat: ang karaniwang taumbayan, ang ordinaryo, ang mga lalaki’t
babae na pumapasok sa trabaho araw-araw — sa kanila nagbubuhat ang kahusayan, hindi lamang
maaaring pagmulan kundi tunay na batis ng kahusayan. Kaya, kung ikaw ay abala sa mga salita,
kailangang magbabad ka sa mga salita, kailangang kunin mo ang mga ordinaryong salita at mula sa
mga ordinaryong salita, ihabi ang kagandahan, itindig ang dangal, likhain ang awit sa nagkakaisang
tinig ng mga anak ng bayan upang sumilay ang bukang-liwayway… (6-12.) Mula sa mga pananaliksik
ng dalubwika at language planner, Dr. Pamela Constantito, mahihinuha na maraming matutunan sa
kros cultural o tawid bansang pag-aaral lalo sa mga bansa sa Asya. Nariyan ang Malaysia at Indonesia
na malaki ang pagkakahawig sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa kanyang akdang Pagpaplanong Pangwika
Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas: ..Ang proseso ng pagpili at
pag-adap ng wikang pambansa sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas ay kinakitaan ng mga kompromays,
loyalty, pagiimpluwensya at masidhing pagnanasang makaalpas sa kolonyal na dominasyon…(30)
(INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 32 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 33 …Hindi
naging madali para sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas ang pagdedesisyon sa wikang pambansa dahil
sa naging impact at impluwensya ng pananakop ng mga bansang kanluranain at dahil na rin sa
multilinggwal at multi-etnik at/o multi-racial na kalagayan nila. Gayunpaman, masasabing ang
sentimental (paghahanap ng pambansang identidad) at instrumental (unipikasyon) na layunin ang
naging pangunahing konsiderasyon ng tatlong bansang ito sa pagpili sa wikang pambansa. Sa
Malaysia, pinili ang Malay bilang wikang pambansa dahil sa mga nabanggit na konsiderasyon.
Gayunpaman, ang identidad na hinanap ng mga Malay na siyang katutubo sa bansang iyon ay hindi
umayon sa identidad ng lahat. Sa Indonesia, bagamat pinili ang Bahasa Indonesia na isang dayalek ng
wikang Malay na sinasalita sa isang maliit na bahagi ng bansa, ito nama’y naging linggwa frangka sa
buong kapuluan at nagsilbing tulay ng pagkakaisa ng multilinggwal at multi-etnik at multiracial na

22 | P a g e
bansang ito. Sa Pilipinas naman, sa pagpili ng Tagalog para gawing batayan ng wikang pambansa, ang
sentimental na batayan lamang ang ginamit na konsiderasyon. Subalit maging ang konsiderasyong ito
ay hindi sinang-ayunan ng ibang etnikong grupo. Dahil dito, ang wikang pambansa ay pinalitan sa
1973 at sa 1987 Konstitusyon. Mula sa Pilipino, ginawa itong Filipino na siyang inaasahang tutugon
sa instrumental na pangangailangan ng mga mamamayan dito…(67) Mula sa Globalization and
National Language ni Dr. Mario Miclat (2006), pinagtibay ang direktang ugnayan ng pag-unlad at
pambansang wika, Aniya: The Chinese, Japanese, Taiwanese, Spanish, Germans find it natural to
produce computers and develop programs in their own languages. Using their computer programs,
they produce a thousand and one consumer and capital goods from meat, grains and vegetables to
cars, audio-visual components and toys, which flood our market. They use their intellect for profit.
What we use are only our basic senses just to be able to choose consumer goods. It is a shame that we
snobbishly laugh at the Japanese, or Korean, or Taiwanese CEOs in our export processing zones for
not being able to speak English on a level that we expect. And yet, they are the chiefs. This is not to
say that other countries do not struggle to learn foreign languages and international lingua francas,
especially English. However, knowledge production and bequeathing wisdom to the succeeding
generation through the school system are done in their national languages. Spreading scientific,
national and pluralistic culture through a popular language makes their nation more productive. And
they sell their products to the world. EMPIRES WITH THEIR lingua francas have come and gone,
but the national languages remain as the source of any nation’s strength. When a country becomes the
new power, it gives the world its national language as the new lingua franca. At one point in history,
every citizen of the known world (or a small portion of the population, usually the ruling elite)
thought that Latin was so global it would last forever. When the Roman Empire fell, its colonies
reverted to, or developed their own, national languages. During the Islamic expansion, Arab
intellectuals developed algebra, chemistry, and astronomy; the whole intellectual world seemed to
speak Arabic in the 10th century. Then the Castillians and other Europeans had to take over the Arab
schools of Toledo in the 15th century. We saw the glorious days of French in the 19th century. In the
20th century, we saw how American English and Russian contended with each other for world
dominance, until American won. Finding expression in the native tongue, it is a country’s national,
scientific, and pluralistic culture that predisposes its capacity to embrace a global and cosmopolitan
culture. Then and now (that UN debates on Iraq seem to usher in a new balance of power in the
world), well-prepared nations would be the ones to overcome adversities. A national language does
not come easily; it does not develop as spontaneously as some wishful academics think. Israel in the
1950s had to revive an extant language, Hebrew, even as many of its citizens already knew English.
For all the protestations by some Okinawans about their being colonized by Tokyo, Okinawan
children simply have to use Japanese or the national language based on the Tokyo tongue. Economies
of scale make it a practical necessity that even while a Shanghainese director speaks a different native
tongue, all films produced by the Shanghai Film Studio should be in Mandarin Chinese based on the
Beijing dialect. The same principle goes in having Hindi as the language of films produced in India’s
Bollywood. Films in other Indian languages are reserved for award-seeking experimentations. But
using a national language goes beyond economies of scale. It encompasses the whole gamut of a
nation’s intellectual capacity, production of knowledge, cultural achievement, and contribution to
world heritage…(212/223)

(INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman


Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 34 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 35 Kahit sa
language planner na si Bonifacio Sibayan ay di naikaila ang trahedya ng bansang Pilipinas na lito sa
pagkatao. Masasalamin ito sa multilingwalismo, sa pamamayagpag ng wikang Ingles at sa
ekonomiyang nakakiling sa dayuhan o makadayuhan. Mula sa kanyang akdang Language Policy,
Language Engineering and Literacy in the Philippines (Fishman (ed) sa Advances in Language
Planning 1974) : These today are the big problems of the Filipino — to learn English as his
language of science and technology and as his international language, to learn Pilipino based on
Tagalog as his national language so that he may find his identity and get into the mainstream of
Philippine life since, as Haugen has correctly put it, “Nationalism has welded together the people of

23 | P a g e
many primary speech communities, and thereby counteracted the parochialism and narrowness of
the former. This function of the national standard is one reason for its value as a symbol of the
nation” (Haugen 1966b: 63), and finally to master his mother tongue (if he is a non-Tagalog) so that
he may know the intimate life of his ethnic group. There is no conflict in multilingualism.
Multilingual situations tend to stabilize so that different languages used together are often
functionally non-competitive. This is accomplished by any two languages being in complementary
distribution in some social or geographical sense. (Stewart 1962:21). So, by force of circumstances,
the Filipino must become multilingual. The process is often a painful one. Very few achieve
maximums facility in three languages. The tragedy of life under these circumstances is that often,
by the time the Filipino is old enough to realize that he should have mastered English in his younger
years because it is needed in the advancement in economic and social life, it is too late. Perhaps a
greater tragedy is the inaccessibility of much of the world’s knowledge in Pilipino, a circumstance
which forces him to get educated in a language not his own. To write, therefore, of the development
of language in the Philippines is to write of many hopes, many dreams, many seemingly divided
loyalties, many frustrations; it is to write of the struggle of a people to advance rapidly in a fast-
moving world.. Language Policy Language policy involves a number of interrelated attitudes,
biases, plans, activities, and the idiosyncracies of a people. Language policy may be the expressions
of the aspirations of a people. It may also express the search for identity... (222) Batay naman sa
matikas na paninindigan at pahayag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman na Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles
Bilang Pangunahing Wikang Panturo : Bukod sa pagtutol, dapat labanan at biguin ang HB 4701.
Una, ito ay sukdulang paglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng Konstitusyon 1987. Ayon
sa Artikulo 14 Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat
ayon sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang
paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Ngunit sa HB 4701,
sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at pupuksain nito ang wikang Filipino. Ang
mga Kongresman at mismo ang Pangulong Arroyo ay nangangalandakan na kailangang gawing
mandatory ang Ingles upang maging “globally competitive” at mapataas ang “English
comprehension’ ng mga Filipino. Ngunit sa likod ng mga retorikang ito ng globalisasyon, ang
kampanya sa Ingles ay lumilikha ng mga “world class citizen” na mapapabilang lamang sa hukbo
ng domestic helpers, call-center operators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang propesyunal
na lumalabas ng bansa. Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang ekonomiya, siyensya, at negosyo
upang lumikha ng oportunidad sa lokal na trabaho, ang pagtatamo ng “English proficiency” ay
nakatuon sa paglilingkod sa kapakanan ng dayuhan. Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng
bayan. Matagal na nating ginagamit ang wikang ito ngunit nanatili pa rin ang problema ng bansa sa
ekonomiya at edukasyon. Ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may
matatag na kapasyahang politikal upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso, pandaraya,
at paninikluhod sa dayuhan. Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko at demokratikong
programa sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon. Sa halip na gumawa ng paraan upang
itaguyod ang pambansang wika, muling hinahati at pinagwawatak-watak ng administrasyong
Arroyo ang sambayanan. Inilalayo nito ang bukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa
paggamit ng kaniyang sariling wika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.
(INI)LIHIM SA DAGAT: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Joanne Visaya Manzano Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino Melania Lagahit Flores 36 JOURNAL NG WIKANG FILIPINO 37 Bilang mga
edukador, mananaliksik, mag-aaral, at mamamayang nagmamahal sa wika, kultura, kasaysayan, at
identidad ng Filipino, kailangan nating magsama-sama hindi lamang sa loob ng paaralan kundi
maging sa lansangan upang lumahok sa malawakang pakikibaka ng sambayanan. Ang atake sa
wikang Filipino ay atake sa ating pagkabansa. Atake ito sa kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng
sambayanan. Kapag minamaliit at ipinagkakait ang wikang Filipino sa mamamayan, para na ring
kinitil ang kanilang karapatan na mabuhay ng malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki ang
kanilang pagkaFilipino. Tunay na may panganib na mabuslo sa makitid na nasyulismo o pasistang
uri ng nasyunalismo ang diskurso sa Wikang Pambansa. Nangangailangan ng malalim na
pagkakaunawa sa kasaysyana at sa realidad sa lipunan para matalos ang makatwirang paninindigan

24 | P a g e
tungkol rito. Kailangang makita na sa mga bansang sinakop at o neokolonyal na bansa, may himig
musika ang nasyunalismo. Ito ay paglaya sa pambansang pang-aapi laban sa mananakop o sa
Imperyalista. Dito rin kailangang balikan ang pinakamataas na anyo ng nasyunalismo sa
kasaysayan sa aral ng Rebolusyong 1896. Ito ay malinaw na nasyunalismong anti-mananakop.
Tinatanggap na kapos at panimula ang akdang ito sa pagtatahi ng aspirasyon sa Wikang
Pambansa/Filipino. Sumasabay ang kalayaan ng paninindigan sa wika sa pulso rin ng lakas ng
kontra-hegemonya, malay na kontra-globalisasyon. Ang pagsasalita ng Globalisasyon sa
re/semantisasyon sa wikang Ingles at marketisasyon ng edukasyon ay tunay na nangangailagan ng
solido, sustenado, progsesibo, at prinsipyadong kilusang kultural at akademiko. Hindi magtatapos
ang debate sa wika kapag nananatili ang numbers game sa Kongreso at nasa balangkas lamang ng
rehiyunal na loyalties ng mayorya ng kongresista. Ang pagbubuo ng batas ay pagsasatinig ng
pulitikal na aspirasyon at interes ng mayoryang pangunahing nagtakda ng kanyang Konstitusyon.
Ang Konstitusyong ito ay malalim na nakaugat sa mahabang panahon ng pananakop. Bilang
akademikong kaalaman at akademikong larangan, dapat ang pagtatakda ng midyum ng pagtuturo ay
hindi lamang usaping pedagohikal at lingwistikal. Dapat na pangunahing isinasaalang ang
pagrespeto ng historikal na pagpapasya ng bayan (bilang esensya ng demokrasya) tungo sa
pagharap sa bangkaroteng ekonomiya at kawalan ng pagkakaisa at indibidwalismo sa hanay ng
milyong Pilipino. Mga Pilipinong nananahan sa bayan na hibang sa mga konseptong kabihasnan
kontra pananakop at duhagi sa palsong kamalayan dulot ng trahedya ng panatisismo sa relihiyon at
neoliberalistang edukasyon. Sa kabilang banda, di rin dapat kalimutan ang pagkatuto sa
kasaysayan- ang mahigpit na ugnayan ng sandata ng wika at kilusang pagbabago hanggang
kilusang mapagpalaya. Pinatunayan ang malikhaing pakikibaka sa panahon ng Amerikano, ang
pangunguna ng panulat at kilusang propaganda sa pagbadya ng kilusang makabayan, ang kilusang
anti-pasismo sa panahon ng Batas Militar. Habang nananalasa sa daangtaon ang mga kolonyalista,
nagmarka at patuloy na pinatutunayan rin ang rebolusyunaryo katangian ng lahing Pilipino na
nagha/hangad ng kasarinlan!

6. “Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal sa


Kwento, Mga Susing Argumento at Documento (2014-2017)” ni D.M. San Juan

Sa larangan ng wika at kultura, bawat araw, may wikang namamatay dahil sa


homogenisasyong dulot ng modernisasyon at globalisasyon. Ano ang nawawala sa pagkawala ng
mga wika? Idokumento ang lalim at lawak ng mga wikang nabubura, ang mga konseptong walang
katumbas sa mga wikang dominante, ang sariling paraan ng pagpapahayag ng sarili, pagtukoy sa
oras, paglalarawan sa kalikasan na hindi kayang saklawin at sapulin ng mga wikang dominante.
Tungkulin ng mga mananaliksik na ipreserba ang mga wikang ito sa abot nang makakaya sa
pamamagitan ng pagtatala sa lahat ng maaaring itala, at idokumento rin ang paghihingalo ng mga
wika. Sino o ano ang salarin? Bakit ayaw nang mag-aral ng wikang sarili ng mga mas batang
miyembro ng mga pangkat minorya? Paano makatitiyak na di masasayang ang pera sa kampanyang
preserbasyon at kultibasyon? Reversible pa ba ang proseso o sadyang patungo sa paghahari ng
iilang wika ang lahat? Itanong ang lahat ng ito habang idinodokumento rin ang pagsulong ng mga
kilusang pangwika gaya ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL
WIKA). Kailangan na rin siguro ng matapat na language survey. Interesado pa ba ang mga
nagsasalita ng iba’t ibang wika sa rehiyon na gamitin ang kani-kanilang wika labas at lagpas pa sa
tahanan? Paano kaya makakapagdevelop ng tunay na multilinggwal na edukasyon sa Pilipinas?
Maaari kaya ang Filipino, English, Spanish Plus 3 (isang wika sa rehiyon, Mandarin, at Bahasa
Indonesia o kaya’y Bahasa Melayu)? Maaari ring ifloat kaugnay nito ang mungkahing Bahasa, sa
halip na English ang gawing working language ng ASEAN. Paghahanda ito sa napipintong paghina
ng English bilang nangungunang wikang global, alinsunod na rin sa patutsada ni European
Commission President Jean Claude Juncker na nagpahayag na “Slowly but surely English is losing
importance in Europe.” Sa paglakas ng ekonomya ng Tsina at mga bansa sa Amerika Latina, baka
nga masapawan na ang English, lalo pa kung ikokonsidera ang patuloy na pagdami ng populasyong

25 | P a g e
Latino sa Estados Unidos mismo at pag-iral ng mga diaspora Chinese communities sa
napakaraming pangunahing syudad sa daigdig. Sa larangan pa rin ng wika, baka descriptive sa halip
na prescriptive ortography ang kailangang buuin. Sundin ang dila ng bayan sa halip na pangaralan
pa ito. Panahon na ring suriin ang implementasyon o pag-snub ng mga ahensya sa Atas
Tagapagpaganap Blg. 335 ng unang administrasyong Aquino na nag-aatas sa paggamit ng Filipino
sa mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno. Gaano ka-feasible ang pag-
obliga sa mga ahensya na mag-Filipino na lagpas pa sa Agosto? Kulelat ang Pilipinas noong huling
beses na sumali ito sa internasyunal na eksam sa Math at Science. Baka dahil English ang medium
of 74 Kawíng Tomo 1 Bilang 1 instruction sa Pilipinas? Subukin kayang Taglish o Filipino ang
gamitin sa Math and Science classes? Sa larangan ng midya, paparami ang Facebook users sa
Pilipinas at saanman. Halos 7 milyong Pilipino na ang may regular internet access ngayon at tiyak
na magiging halos 100% ng mga mamamayan sa kapuluan, sa mga susunod na dekada. Hindi
kataka-taka na nagiging makapangyarihang instrumentong pangampanya sa eleksyon at
kasangkapan sa propaganda ang Facebook, lalo pa at may mga sponsored pages na nagbabayad sa
Facebook para mai-promote ang kanilang grupo at/o mensahe. Anumang maging viral sa social
media ay nababalita rin sa telebisyon, dyaryo at radyo. Kailangang suriin ang etika o kawalan nito
sa ganitong konteksto. Hindi na libre ang impormasyon, at sinasala rin ng Facebook kung ano ang
ipo-promote at alin ang hindi. Iniikutan kundi man nito tahas na nilalabag ang mga limitasyon sa
paggastos sa kampanya dahil wala pagbanggit sa mga batas pang-eleksyon sa Facebook
advertisement, habang may limitasyon ang paggastos sa lahat ng porma ng media. Sa larangan ng
kalusugan at medisina, isabalikat dapat ang mga pananaliksik sa halamang gamot ng bansa. May
proven health benefits na ang lagundi para sa ubo at bayabas para sa sugat, at tiyak na marami pang
matutuklasan sa mga dahun-dahon ng albularyo sa mga probinsya. Magtulong ang etnographer at
doktor sa saliksik sa komunidad at laboratoryo. Baka nasa paso talaga ang botikang magpapabagsak
sa big pharma. Maaari namang tumulong ang mga nananaliksik sa larangan ng Gastronomy at
Home Economics para magdevelop ng mga substitute sa karne na healthy at matipid, gaya ng tokwa
at sapal ng niyog. Paano ba mas magiging lasang karne ang mga ito? Anu-anong ispesipikong luto
ang pwede para masarap pa rin kahit wala na talagang karne? Hitting two birds in one stone ito:
mawawala ang obesity na linked sa maraming sakit, at makakatulong pa tayo sa pagbabawas ng
carbon emissions dahil sa tindi ng carbon emissions na dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na
pinagkukunan ng karne. Sa larangan ng panitikan, bakit walang nananalo ng Nobel Prize for
Literature mula sa Pilipinas? Kailangang sipatin ang “The Unrewarded” ni Anderson (2013) at
“Laurelled Lives” ni Quist (2017). May kandidato kaya tayo na uubra sa namamayaning
pamantayan sa pagpili ng Nobel Prize awardees na ibinulgar ni Quist, o baka naman hindi na talaga
tayo dapat mangarap, at sa halip ay magsulat nang magsulat para sa sariling bayan at mamamayan.
Kaugnay nito, kailangang magmuni-muni ang maraming Ingleserong creative writer na Pilipino.
Para kanino ba sila nagsusulat? Itanong din iyan sa mga nasa akademya na English pa rin ang
preferred language of research. Maaari ring saliksikin ang ideolohiyang namamayani sa mga
nananalong akda sa Palanca, kahawig sa pagsipat ni Quist sa mga nagwagi ng Nobel Prize for
Literature.

26 | P a g e
7. “Sariling Atin: Ang nagsasariling Komunidad ng Pangkomunikasyon sa disiplinang Araling
Pilipino” ni Ramon Guillermo

ABSTRAK

Tatalakayin ng papel ang maaaring ibig sabihin ng pagkakaroon ng “komunidad” (o


magkakaugnay na mga “komunidad”) ng mga mananaliksik sa larangang Araling Pilipino (AP)
bilang “komunidad na pangkomunikasyon”. Pahapyaw na titingnan kung ano ang maaaring
implikasyon ng ganitong konsepto para sa mga usapin ng institusyonalisasyon, talastasan,
pananaliksik, publikasyon, sirkulasyon, wika, pagsasalin, pilosopiya, at mga lapit sa AP. Magiging
tampok dito ang susing papel ng pagpapalakas ng iba’t ibang anyo ng panloob na pagkakabigkis ng
mga indibidwal at pangkat ng mga mananaliksik sa AP upang sumibol ang tinatawag na
“nagsasarili o awtonomong Araling Pilipino”.

MGA SUSING-SALITA

Komunidad na Pangkomunikasyon, Araling Pilipino, Pantayong Pananaw, Agham Panlipunan sa


Pilipinas, Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.

Introduksiyon

Nailimbag ang salin ng Bibliya ni Martin Luther sa wikang Aleman noong 1522. Isa itong
pangkasaysayang panandang bato sa pagsisikap ng mga Aleman na paunlarin at isulong ang
kanilang wika sa pamamagitan ng pagsasalin at orihinal na paglikha sa lahat ng larangan ng
kaalaman. Gayunpaman, kahit halos tatlong-daang taon na ang namagitan, (at kahit pa nailathala na
ni Immanuel Kant ang mga klasikong pilosopikal na obra), ay tila nagsisikap pa rin si Georg
Wilhelm Friedrich Hegel noong bungad ng ika-labingsiyam dantaon na turuan sa abot-kaya ang
Pilosopiya na “magsalita” sa wikang Aleman. Pagkaraan ng isang-daang taon pa, noong 1917, ay
inilathala ni Albert Einstein ang kanyang papel hinggil sa teorya ng relativity na orihinal na
nakasulat sa wikang Aleman. Ano ang kinalaman nito para sa paksa ng Araling Pilipino (AP)? Susi
rito ang palagay ni Hegel na hindi maituturing ng isang bayan na ganap na kaniya ang isang
kahanga-hanga o dakilang bagay hangga’t hindi nito nakikilala ang sariling wika. Ang AP ay
nahihinggil sa mga bagay na “sariling atin” (kahanga-hanga man o hindi). Sa gayon ay nararapat
lamang na pangunahing matutuhan at magagap ang AP sa “sariling wika”. Ngunit ano kaya ang
katayuan ng nababanggit na “sariling wika” sa mas makitid na larangang akademiko ng AP? May
pagkakaiba marahil at dagdag na salimuot na kailangang harapin ang AP 31 GUILLERMO –
Komunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino kaharap ng pahayag ni Hegel sa itaas. Halimbawa,
sa sipi mula sa El Filibusterismo, nanawagan si Simoun na palaguin at palaganapin ang “sariling
wika”. Magandang ideya, pero, sa kasamaang palad, hanggang sa ngayon ay parang bukas pa rin
ang tanong kung ano at alin nga ba ang tinutukoy rito na “ inyong sariling wika”? Sa anong wika
susulatin sa gayon ang Araling Pilipino? Kapag tinanong ang bawat isa sa atin ngayon kung ano
ang ating “sariling wika”, ano kaya ang magiging sagot natin? Dulot ng salimuot ng kontekstong
pangwika sa Pilipinas, hindi masasabing simple ang sagot sa tanong na ito.

Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa Pantayong Pananaw

Marami na akong nasabi hinggil sa Pantayong Pananaw (PP) ni Zeus Salazar na may iba’t ibang
diin, lalim, at direksiyon (cf. Guillermo, 2003; 2008; 2009; 2009a; 2010). May ilan sa mga ito na
naging mas malinaw at matagumpay kaysa sa iba. May mga pagkakataon na tila wala nang pag-
usad at naipit sa “untul” na katayuan ang debate (Paluga, 2012), pero laging lumilitaw ang hamon at
pangangailangang “basahin at basahin muli” (Paluga, 2009) ang PP. Tila hindi masaid-said ang
mga usaping maililinaw, mapag-uusapan, at mapagdedebatehan kaharap ng makapangyarihang
kontribusyong intelektuwal ni Salazar sa AP. Itong matagal ko nang pakikipagtalastasan sa kaisipan
ni Salazar ang dahilan din kung bakit siya ang magiging tampok sa pagtalakay sa ibaba at hindi iba
pang mga magagaling na palaisip at manunulat na may kinalaman at malalaking ambag din sa mga

27 | P a g e
usaping ito. Si Salazar din ang isa sa mga pinakabinabasa kundi man isa sa mga
pinakamaimpluwensiyang Pilipinong iskolar sa larangang ito kung pagbabatayan halimbawa ang
bilang ng mga banggit sa kaniya sa mga tesis at disertasyon sa AP (batay sa panimulang
pagbibilang na isinagawa ko sa UP Asian Center at UP Kolehiyo ng Arte at Literatura). Sa
pagkakataong ito, maraming uuliting dati nang puna sa kasalukuyang papel pero may ilan ding
maituturing na bagong obserbasyon at mungkahi. Ngunit bago ang lahat, at para lamang maging
mas malinaw ang ibig ditong sabihin, sisipiin muli ang napakakilala nang pagbubuod ni Salazar
(1997) sa balangkas at ideya ng PP:

Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at paguugnay ng mga


katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang
kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang
wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan. Isang realidad ito sa loob ng alin mang grupong etnolingguwistikong may
kabuuan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako man ng mundo. Sa lahat ng mga wikang Pilipino,
matatagpuan ang mga konseptong katumbas ng sa Tagalog o P/Filipinong “kayo”, “kami”, “sila”, at
“tayo”. T inutukoy nitong huli ang nagsasalita at ang lahat ng kausap, kasama kahit na iyong wala
subalit ipinapalagay SSD 12:1 2016 32 na kabahagi sa kabuuang kinabibilangan ng nagsasalita at
mga kausap. Halimbawa, ang ekspresyong “tayong mga Pilipino”, sa pagkakaiba nito sa “kaming
mga Pilipino”, ay implisitong nagpapahiwatig na ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino lamang.
Ibig sabihin, hindi kasali ang mga banyaga, ang mga di-Pilipino. Sa sitwasyong ito, ang kalagayan,
konsepto, kaisipan, at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan, dahil
napapaloob sa ating sariling lipunan-at-kalinangan, na kapwa ipinahihiwatig ng (at nakabalot sa)
isang wikang nauunawaan ng bawat isa. Maipagkakabit-kabit natin sila sa isa’t isa nang hindi na
kailangan pang tukuyin ang iba pang mga konsepto, tao, ugali, at kaisipan na kaugnay nila. Sa
katunayan nga, maraming bagay at dalumat ang implisito nating nauunawaan at napag-uugnay-
ugnay. Sila at ang kanilang kaakibat na pag-uugali ang siyang bumubuo ng isang “mentalidad”
(natatangi at katangi-tanging kaisipan at pag-iisip) na mahirap maintindihan ng isang dayuhan na
hindi pa nakapapasok sa isang kalinangan-at-lipunang may pantayong pananaw. Ibig sabihin, kung
ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay maihahalintulad
sa isang sistemang sarado o closed circuit—isang “nakapinid na pag-uugnayan/pakikipag-
ugnayan”. Nagkakaintindihan ang lahat nang hindi na dapat tukuyin ang iba pang bagay na nasa
labas o panlabas. Samakatuwid, ang isang lipunan-at-kalinangan ay may “pantayong pananaw”
lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan,
pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code o
“pinagtutumbasan ng mga kahulugan”, ibig sabihin, isang pangkabuuang pag-uugnay at
pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan, at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang
pagkakaroon ng iisang wika bilang batayan at daluyan ng pang-unawa at komunikasyon.

Tila may pagkakahawig ang nosyon ng iskolar na Malaysian na si Syed Farid Alatas (2006) ng
“awtonomong agham panlipunan” sa isinusulong ni Salazar na “nagsasariling talastasan/diskurso”.
(Kahit pa posibleng ang mas tapat na salin ng “awtonomong agham panlipunan” ay “nagsasariling
agham panlipunan”.) Tulad ng PP, ibinalangkas ni Alatas ang mungkahi bilang isa sa mga tunguhin
ng “pagsasakatutubo” (indigenization) ng agham panlipunang may “kabuluhan” (relevance) para sa
sariling bansa at kultura. Ayon sa kaniya, bahagi ito ng pagbubuo ng “alternatibong diskurso”
(alternative discourse) na tatapat at tutugon sa mga diskursong dominante ng kanluraning agham
panlipunan:

Binibigyang-kahulugan ang tradisyon sa agham panlipunan na nagsasarili bilang yaong


independiyenteng nagpapalitaw ng mga problema, lumilikha ng mga konsepto, at mapanlikhang
gumagamit ng mga metodolohiya samantalang hindi intelektuwal na nadodomina ng ibang
tradisyon. Hindi ito nangangahulugan na walang mga impluwensiya mula sa, at walang matutuhan
mula sa ibang mga tradisyon. Hindi tinatanggihan ang mga ideya batay lamang sa pambansa o
pangkulturang pinagmulan ng mga ito. 33 GUILLERMO – Komunikasyon sa Disiplinang Araling

28 | P a g e
Pilipino (An autonomous social science tradition is defined as one which independently raises
problems, creates concepts and creatively applies methodologies without being intellectually
dominated by another tradition. This does not mean that there are no influences from, and no
learning involved from other traditions. Ideas are not to be rejected on the grounds of their national
or cultural origins.)

Maliban sa patuloy na dominasyon ng mga tradisyon ng agham panlipunan na kanluranin (o mas


eksakto, “Europeo-Anglo-Amerikano”), nakikita ni Alatas ang tradisyong “natibista”(sa kabila ng
paghahanay din niya rito bilang isang uri ng “alternatibong diskurso”) bilang isang reaktibong
pagbabaligtad lamang ng Eurosentrikong pag-iisip at hadlang sa isang ganap na nagsasariling
agham panlipunan. Taliwas sa sinasabi diumano ng mga “natibista”, hindi nananawagan si Alatas
na itakwil ang lahat ng mga konsepto at teorya mula sa Kanluran at palitan ang mga ito ng mga
katutubong konsepto. Iginigiit lamang niya na dapat seryosong harapin ang mga “hindi-
Kanluraning” batis ng mga ideya at konsepto sa agham panlipunan kasabay ng tuloy-tuloy na
pagkritika at pagsusuri ng kabuluhan ng mga konsepto mula sa Kanluran (Alatas, 2006, p. 16).
Ayon sa pormulasyon ni Alatas, magpapatuloy ang kritikal na paggamit ng agham panlipunan mula
sa Kanluran at ang magiging panukat at batayan ng pagtanggi sa mga partikular na bahagi nito ay
ang “kabuluhan” (relevance) nito, hindi ang pinagmulan nito per se. Bagama’t ang tinalakay ni
Alatas sa kanyang akda ay ang “agham panlipunan” at ang paksa ng papel na ito ay ang AP,
makikitang makabuluhan ang problema ni Alatas sa ganitong usapin. Ang tanong pa nga ni Alatas
ay kung paano magkakaroon ng agham panlipunan (sa malawak nitong pakahulugan) na mas tapat
at angkop sa sariling realidad ng mga bansang tulad ng Pilipinas. Gumamit si Alatas ng balangkas
na neo-Marxista upang magagap at maunawaan ang penomenon ng dominasyon ng Kanluran sa
pandaigdigang agham panlipunan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nito sa
pamamagitan ng mga terminong, “global division of labour in the social sciences”, “academic
imperialism”, “dependency”, at iba pa. Maibubuod sa gayon ang awtonomo o nagsasariling agham
panlipunan batay sa sumusunod na mga katangian: (1) lumilikha ito ng sariling mga teorya,
konsepto, at metodo ng pananaliksik; (2) lumilikha ito ng sariling mga problema at adyenda ng
pananaliksik; at (3) kritikal itong humahalaw ng mga konsepto, metodo, at mga problema mula sa
tradisyon ng agham panlipunan ng Kanluran. Mapupuna na hindi matingkad kay Alatas ang usapin
ng pagtataguyod ng alinmang partikular na wika bilang wika ng agham panlipunan. Sa ganitong
bagay nahahawig ito sa huling yugto ng produksiyong intelektuwal ni V irgilio Enriquez (1994), na
patuloy na nagsikap maglinang ng mga “katutubong” konsepto sa kabila ng paggamit ng Ingles
bilang pangunahing wika ng pagsusulat. Sa katunayan, dahil tila hindi nabigyan ng sapat na
pagpapahalaga ni Alatas ang usaping pangwika sa sariling paglalahad, nagpapakita ng malaking
bentahe si Salazar sa aspektong ito. Samakatwid, masasabing natuklasan ni Salazar ang isang
mahalagang anyo at mekanismo para sa pagbubuo ng isang nagsasariling agham panlipunan na
hindi SSD 12:1 2016 34 sapat na nabigyang-pansin ni Alatas. Natukoy ito ni Lily Mendoza (2007)
nang binansagan niya ang PP bilang “communication-based framework”. Sa pagdalas, pagtindi, at
paglalim ng nagsasariling talastasan sa wikang pambansa ng isang nagsasariling komunidad na
pangkomunikasyon ng mga iskolar sa AP ay maaaring kusang lumitaw ang mga orihinal na teorya,
konsepto, metodo, suliranin, at adyenda ng pananaliksik (ang paggamit ng “komunidad na
pangkomunikasyon” dito ay halaw sa paggamit ni Dussel (2013, p. 233)). Maging ang kritikal at
mapagbuong paghalaw ng mga konsepto, metodo, at problema mula sa Kanluraning agham ay
magiging bahagi ng talastasang ito. Ibig sabihin, nakasalalay sa pagpapatatag at
institusyonalisasyon ng mga anyo at pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa wikang pambansa ang
pagsibol ng nagsasariling agham panlipunan na may orihinalidad at kabuluhan batay sa mga
pamantayan ni Alatas. Sa isang banda, ang maramihan at masiglang paggamit ng wikang Filipino
bilang kasangkapan sa agham panlipunan ay maaaring magbunga ng bagong mga konsepto at
teorya. Maaari lamang, sapagkat hindi awtomatiko na makalilikha ng bago at makabuluhang
kaalaman ang paggamit sa wikang Filipino per se. Sa kabilang banda, ang paggamit ng wikang ito
ay posibleng tumungo sa higit na demokratisasyon at paglapit ng agham panlipunan sa mga paksain
at usaping may kabuluhan sa sambayanan. Pero bago ang lahat, kailangang linawin ang

29 | P a g e
maipapalagay na “tamang konsepto” ng wikang pambansa. Para rito ay nakasasapat at tumpak na
sipiin ang pahayag ni Ricardo Nolasco (2015):

Mas realistiko ang ideya ng pambansang lingua franca para tumukoy sa wikang pambansa ng
Pilipinas. Ito ay uri ng Tagalog na natural na lumitaw sa Kamaynilaan at iba pang erya ng bansa
kung saan nagtatagpo at nagsasalubungan ang mga wika ng iba’t ibang mamamayan. Buhat sa
pagiging wika ng Katagalugan ay lumaganap ito sa buong kapuluan sa tulong ng masmidya.
Idinagdag ito ng maraming tagapagsalita bilang pangalawang wika o L2 sa kanilang mga unang
wika (L1). Nagkaroon ito ng iba’t ibang bersiyon sa Baguio, Davao, sa GenSan, sa Cotabato at sa
Ilocos. Gayunpaman, hindi maitatanggi na ang uri ng Tagalog/“Filipino” na may mataas na
prestihiyo, may malawak na panitikan, tinitingala, itinuturo sa eskuwelahan at pinapalaganap ng
masmidya ay ang wika ng Kamaynilaan at Katagalugan.

Hindi ang nilalaman o mensahe ng mga talastasan per se ang lumilikha ng panloob na integrasyon
ng mga elementong nasasangkot sa isang komunidad pangkomunikasyon kundi ang dalas, o
masasabing intensidad, ng mga ugnayan nito sa isa’t isa. Gayunpaman, hindi talaga ganito kasimple
ang usapin kung PP ang pinag-uusapan. Kapansin-pansin na hindi lamang pagkakaisa sa paggamit
ng wika ang iginigiit ni Salazar sa “pagbubuod” ng PP. Hindi sapat na magkaroon ng wikang
magsisilbing daluyan at batayan ng diumanong “nagsasariling talastasan”. Para kay Salazar, sa
iisang “wikang nauunawan ng bawat isa” ay may iisa ring nakapaloob na “mentalidad” (marahil
galing ang konseptong ito sa pagsasanay sa Pransiya ni 35 GUILLERMO – Komunikasyon sa
Disiplinang Araling Pilipino Salazar sa kasaysayan ng mga mentalité). Ang “mentalidad” na ito ang
naglalaman ng kodigo (code) ng pag-unawa at pagkakaunawaan sa loob ng “nagsasariling
talastasan”. Hindi makalalahok (o hindi pahihintulutang lumahok) sa talastasang ito (sapagkat
nakapinid nga sa kaniya) ang hindi nakaaalam ng kodigong panlahat. Malapot ang konsepto ni
Salazar ng wika na malapit sa mga pagkaunawang antropolohikal. Lumilitaw na sa paglahok sa
“nagsasariling talastasan”, hindi nakasasapat na ang kalahok ay nagsasalita o nagsisikap magsalita
at magpahayag sa wikang Filipino, kailangang idagdag pa rito, na mula sa wikang ito, tumutubo sa
kamalayan ang itinuturing na iisang mentalidad, kaisipan, kahulugan, ugali na ipinapahiwatig at
binabalutan ng wikang ito (Hau, 2002).

Tinukoy ni Paluga (2009) sa isang sulatin ang mga sangkap na ipinapalagay niyang hard kernel ng
PP:

“(a) pagbubukas-usapin (at laging pag-aabala) sa panloob na ‘pag-uusap’ at sa istatus ng ating


‘wika’ o pagwiwika (mangyari pa, hindi simpleng ‘salita’ ang tinutukoy ng ‘wika’); (b)
preferensiyal na lapit sa kategoryang ‘kalinangan’ … ; at, (c) pagbibigay-diin (sa pananaliksik) sa
mga ‘pang-kaisipang’ elemento ng pamumuhay (kung kaya’t may pokus sa mga ‘pakahulugan’)”
(p. 119). Tapat ang mga obserbasyon ni Paluga hinggil sa PP kung kaya’t dapat pagibahin sa
ganitong pormulasyong mababanaag kay Salazar ang ilang “mas maluwag” o “minimal” na
bersiyon ng PP tulad ng isinusulong ng historyador na si Rhommel Hernandez (2009).

Ayon sa kaniya, “nagiging bahagi ng Pantayo ang mga gumagamit ng Filipino yamang pasok ito ng
layuning palawigin ang paggamit ng wika” (p. 141).

Sa gayon, para kay Salazar, hindi ang pagdalas, pagtindi, at paglalim ng mga salungatan,
tunggalian, pagkakaunawaan, at pagkakaisa sa loob ng talastasan per se ang makapagpapalitaw ng
orihinal na teorya, konsepto, metodo, suliranin, at adyenda ng pananaliksik sa larangan ng AP. Para
sa kaniya, tila kusang tutubo ang lahat ng ito mula sa payak na “pag-iral” sa loob ng nagsasariling
talastasang may kabuuan at sa pagiging “hard-coded” (isang terminong tumutukoy sa pag-burn sa
mismong chips ng kompyuter ng mga instruksiyon para sa operasyon nito) sa pagkakaunawaang
panloob. Masasabing natuklasan ni Salazar ang talastasan bilang mekanismo sa pagbubuo ng isang
nagsasariling AP sa wikang Filipino ngunit masasabi ring ang mga nailalatag na kahilingan bago
mapahintulutang lumahok o pumaloob sa talastasang ito ay labis na makitid, at sa ilang
pagkakataon, arbitraryo. Ang talastasan sa ganitong anyo ay hindi isang larangan ng pagtatagpuan

30 | P a g e
ng mga iskolar sa pangkalahatan kundi isang larangan ng pagtataguyod ng iisa lamang partikular na
tunguhin sa agham panlipunan. Kahit ano pang tradisyon ng agham panlipunan ang tingnan,
makikitang laging may mga pundamental na usapin at debate na kailangang pag-usapan at
paninindigan sa epistemolohiya, ontolohiya, etika, metodolohiya, at iba pa na hindi mareresolba ng
simpleng pag-iral sa loob SSD 12:1 2016 36 ng “nagsasariling talastasang may kabuuan”. Sa mga
seryosong usapan na ito, maaaring maging mga paksa ang indihenisasyon, pagsasakatutubo,
natibismo, esensiyalismo, at maging ang mga tanong hinggil sa relatibong diyakronikong
estabilidad ng kultura at singkronikong pagkakatulad ng mga ito. Kakatwa ang kaso ng PP sapagkat
sa kabila ng paglalarawan nito sa sarili bilang isang malayang larangan ng talastasan ng mga nagfi-
Filipino ay nagpapataw ito ng mga higit na makikitid na pamantayan para sa sinumang nais
lumahok. Walang masasabing talastasang ganap na sarado o ganap na bukas. Maaaring may
kontinuum sa ganitong usapin. Importanteng makitang may relatibong pagkakabukas ang PP sa
ordinaryong mamamayan na hindi nag-i-Ingles kumpara sa dominanteng agham panlipunan sa
Ingles. (Lehitimo ang panawagan ng PP para sa demokratisasyon ng AP.) May relatibong
pagkasarado naman ito, hindi lamang sa mga akademikong nag-i-Ingles, kundi kahit sa mga
akademikong nagfiFilipino na itinuturing na hindi tinatablan o tinutubuan sa kamalayan ng
nararapat na “mentalidad”. Kumbaga, nagfi-Filipino nga pero hindi pa rin nakakawala sa mga
binabansagang dayuhang teorya at konsepto o dili kaya’y parang Pilosopo Tasyo na ibang-iba
talaga ang dating ng pag-iisip na taliwas sa “nakararami”. Kahangahanga ang ipinapabatid na
paninindigan ngunit hindi konstruktibo ang pagtanggi ng PP sa papel ng wikang Ingles at ng mga
iskolar ng AP na nagsusulat sa nasabing wika. Hindi kaya kung ang pinag-uusapan ay ang
nagsasariling diskurso sa agham panlipunan sa pangkalahatan, at ang AP sa partikular, may mga
pintuan pang kailangang buksan upang lumawak pa ang talastasan?

Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino bilang mga w ikang akademiko at


intelektuwal

Maaaring ihambing ang ganitong sitwasyon sa isang kontemporaryong halimbawa ng pambansang


talastasang bukas: ang maunlad na paggamit ng Bahasa Indonesia sa mga talastasan sa agham
panlipunan at “Araling Indonesia” sa Indonesia. Sa Indonesia, kalahok sa isang patindi nang patindi at
palalim nang palalim na talastasang hindi lamang sa loob ng akademya ang mga Islamista,
postmodernista, Marxista, Pancasilaista, feminista, anarkista, Soekarnoista at marami pang ibang
magiging bahagi ng paghuhubog ng materyal at intelektuwal na kinabukasan ng Indonesia. Sa kabila ng
manaka-nakang interbensiyon ng sensura at iba pang mapanupil na hakbangin ng estado, masasabing
masaklaw, bukas, halos walang hangganan, at pandaigdigan ang mga pinag-uusapan. Malayo na ang
naabot ng Bahasa Indonesia, hindi lamang bilang wikang pambansa na halos “milagro” (kasus ajaib) ang
nakamit na tagumpay, kundi bilang isang seryosong wika ng intelektuwal at akademikong produksiyon.
Makatutulong dito ang paglalahad ng ilang datos. Halimbawa ay sa larangan ng pagsasalin. Ayon sa
Index Translationum ng UNESCO, ang Indonesia ang ika-50 sa lahat ng mga bansang may bilang ng
mga salin na 4,384 mula 1979 hanggang 2015 (tiyak na hindi kumpleto ang listahang ito). Sa Pilipinas,
437 lamang ang mga 37 GUILLERMO – Komunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino librong isinalin
sa parehong panahon. Bilang pagkilala sa pag-usbong nito bilang isa sa mga pangunahing bansang
nagbabasa, nagsusulat, at nagsasalin, itinanghal ang Indonesia bilang Guest of Honor sa 2015 Frankfurt
Book Fair. Upang masukat ang antas ng integrasyon ng komunidad na pangkomunikasyon sa agham
panlipunan sa Indonesia hinggil sa isang partikular na paksa ay maaaring ihambing ang mga wika ng
mga nakatala sa mga bibliograpiya ng tatlong librong pambungad sa kaisipan ni Karl Marx. Ang isang
dahilan sa pagpili kay Marx dito bilang halimbawa ay sapagkat isa siya sa mga pinakabinabanggit na
may-akda sa agham panlipunan hanggang sa kasalukuyan. Bagama’t mataas din ang bilang ng
pagbanggit sa ibang iskolar tulad nina Michel Foucault o Émile Durkheim, naiiba pa rin si Marx bilang
isa sa mga pinakaisinasalin na may-akda sa kasaysayan ng mga wikang Europeo at bilang may
pinakamalaking global na impak. Sa mga akdang nasa bibliograpiya ng introduksiyon ni Iring Fetscher
31 | P a g e
(2004) kay Marx sa wikang Aleman, mapapansing 20% ang nasa ibang wika (i.e., Ingles) at mahigit 9%
lamang ang mga salin sa wikang Aleman. Samakatwid, may 71% ng mga akdang binanggit sa akda ni
Fetscher ang orihinal na nasa wikang Aleman. Sa bahagi naman ng introduksiyon sa wikang Pranses ni
Étienne Balibar na pinamagatang La philosophie de Marx (1993), 4% lamang ang mga binanggit na
akdang nakasulat sa ibang wika (i.e., Italyano at Aleman). Halos 25% ay mga salin na mula sa iba’t
ibang wika patungong Pranses. Orihinal sa Pranses ang 71% ng mga binanggit na akda (na ang lahat ay
inilathala pa sa Paris!). Ang akda naman ni Andi Muaiyah Ramly na pinamagatang Karl Marx:
Materialisme Dialektis dan Materialisme Historis (2004) [Karl Marx: Materyalismong Diyalektik at
Materyalismong Istoriko] sa Bahasa Indonesia ay nagbanggit sa bibliograpiya nito ng mga akda sa ibang
wika (i.e., Ingles) na umaabot sa 51% ng kabuuan. Gayunpaman, halos 20% ay nakasulat nang orihinal
sa Bahasa Indonesia at ang ibang natitira ay mga salin mula sa iba’t ibang wika. (Iba pang kaso ang mas
sikat na introduksiyon kay Marx ng AlemanIndones na si Franz Magnis-Suseno na pinamagatang
Pemikiran Karl Marx: Dari Sosialisme Utopis ke Perselisihan Revisionisme [Kaisipan ni Karl Marx:
Mula Utopikong Sosyalismo patungong Tunggalian Hinggil sa Rebisyonismo] (2000) na bagama’t
nakasulat sa Bahasa Indonesia, nasa wikang Aleman ang karamihan ng mga binabanggit sa
bibliograpiya.) Maitatanong marahil kung ano ang proporsiyon kapag may nagsulat ng ganitong uri ng
akda sa wikang Filipino. Masasabi kayang may ganitong antas na rin ng integrasyong panloob ang
intelektuwal na diskurso hinggil kay Marx sa Pilipinas? Kapansin-pansin din sa halimbawang ito ang
pambihirang antas ng integrasyong monolingguwal ng gawaing intelektuwal ng Pransiya, na maaaring
siyang modelo at ideyal ng habambuhay na pagsisikap ni Salazar na maglatag sa Pilipinas ng
nagsasariling talastasan. Tungo sa iba pang halimbawa, kapuna-puna na sa akda ni James Francis
Warren na Iranun and Balangigi: Globalization, Maritime Raiding and the Birth of Ethnicity (2002),
wala ni isang akdang binabanggit sa bibliograpiya na nakasulat sa alinmang wika sa Pilipinas (ang mga
akdang nakalista sa bibliograpiya ay nasa SSD 12:1 2016 38 wikang Ingles, Espanyol, Olandes, Pranses,
Bahasa, Malaysia, at Danish). Taliwas dito ang koleksiyon ng mga sanaysay ng Australyanong iskolar
na si Adrian Vickers na isinalin sa Bahasa Indonesia na may kaugnay na paksa at pinamagatang
Peradaban Pesisir: Menuju Sejarah Budaya Asia Tenggara [Kabihasnang Tabingdagat: Tungo sa
Pangkulturang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya] (2009). Makikita sa bibliograpiya nito na 9% ng
mga akda ay nasa Bahasa Indonesia (maliban sa mga akdang nasa wikang Ingles, Olandes, Pranses,
Aleman, at Thai). Isa pang matitingnang halimbawa ang akdang isinulat sa Bahasa Indonesia ng
Alemang si Uli Kozok hinggil sa sistema ng pagsusulat ng mga Batak sa Sumatra na pinamagatang
Surat Batak (2009). Tatlumpung porsiyento (30%) ng mga binanggit na akda sa bibliograpiya ay nasa
Bahasa Indonesia. Ito pa nga ang wikang may pinakamaraming nababanggit na akda (ang ibang mga
wika ay Olandes, Ingles, Aleman, Batak, at Pranses). Sa akda naman ng Pranses na lingguwista na si
Jean-Paul Potet hinggil sa paleograpiyang Pilipino na may pamagat na Baybáyin: L’Alphabet Syllabique
des Tagals (2012), 18% ng mga akda sa bibiliograpiya ay nasa wikang Filipino (kahanay ng mga ito ang
mga akda sa wikang Ingles, Espanyol, at Pranses). Makikita kina Kozok at Potet, kahit kapwa mga
dayuhan sa mga kulturang kanilang pinag-aaralan, ang sinserong pagsisikap na matuto mula sa mga
akdang isinulat ng mga iskolar na nagmula mismo sa mga kulturang ito at gumagamit ng kanilang mga
pambansang wika. Kahit pa mga partikular na halimbawa lamang ang mga nabanggit, kung kaya hindi
maaaring makapagbuo ng mas pangkalahatang konklusyon, masasabing pinipilit ng higit na mataas na
panloob na integrasyon ng isang talastasang pambansa ang mga dayuhang iskolar na harapin, pag-
aralan, at gamitin ang mga produkto ng mga pagsisikap nito. Kapansin-pansin ang relatibong mataas na
antas ng panloob na integrasyon nang naaabot ng akademikong komunidad na pangkomunikasyon ng
Bahasa Indonesia sa agham panlipunan at Araling Indones kumpara sa kasalukuyang kalagayan ng AP.
Nakamit ito sa pamamagitan ng papadalas nang papadalas at patindi nang patinding mga interaksiyon sa
loob ng larangan ng Bahasa Indonesia sa kanilang pambansang komunidad na pangkomunikasyon. Sa
larangan ng diskusyon at talastasan na ito, maaaring pag-usapan ang lahat ng bagay na walang anumang
panimulang pamigil o mga hangganang naitakda kaugnay ng anumang “mentalidad” na Indones.
Napapatunayan ng karanasang Indones, sa kabila ng marami ring pagkakaiba, na hindi produktibo ang
mga karagdagang restriksiyon ng PP na pang-“mentalidad” sa paglahok sa talastasang pambansa.
Malaking hadlang ito sa pagsusulong ng mas inklusibong AP sa wikang Filipino. Kung tutuon naman sa
panloob na integrasyon ng AP sa kontekstong Pilipino lamang, magandang ilahad sa bahaging ito ang
ilang datos hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa mga digri ng MA at Ph.D. sa AP sa Asian Center

32 | P a g e
(AC) at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) (UP Diliman). Ipinapakita ng Graph 1 at Graph 2 ang
bilang ng mga matagumpay na naipagtanggol na masteradong Tesis/Disertasyon sa AP sa AC at KAL sa
mga taong 2000 hanggang 2009 (83 39 GUILLERMO – Komunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino
ang kabuuang bilang). Sa panahong ito, 12% ng mga tesis/disertasyon sa AC ang nakasulat sa Filipino
samantalang 73% naman ang sa KAL. Ang mga binanggit o sinipi na mga akda na nakasulat sa wikang
Filipino sa mga tesis/disertasyon sa AC ay napakaliit na 2% lamang samantalang ang sa KAL ay 13.8%
(7,669 ang kabuuang bilang ng mga akdang binanggit). Animnapu’t anim na porsiyento (66%) ng mga
tesis/disertasyon sa AC ay walang kahit ni isang akda sa wikang Filipino na nakalista sa bibliograpiya
samantalang 12% naman ang bilang ng sa KAL. Ang apat na MA tesis/disertasyon sa KAL na walang
banggit na anumang akdang nakasulat sa Filipino ay nakasulat sa Ingles. Sa kabilang banda naman, ang
33 masteradong tesis/disertasyon ng AC na walang banggit na akdang nakasulat sa Filipino ay nakasulat
lahat sa wikang Ingles. Kapuna-puna sa gayon ang malakas na tendensiya sa mga masteradong
tesis/disertasyon na nakasulat sa Ingles na magbanggit ng eksklusibong Ingles na mga sanggunian.
Halos walang diyalogong nagaganap sa iskolarsyip sa wikang Filipino. Mas balanse ang mga
tesis/disertasyon na nakasulat sa Filipino sa pagsangguni kapwa sa mga akda sa wikang Ingles at
Filipino (kahit sekundaryo pa rin sa pangkalahatan ang mga akdang Filipino). Mapalalakas ang
kabuuang integrasyon ng sistema ng produksiyong intelektuwal na ito hindi sa pamamagitan ng
pagtatakda ng mga “mentalidad” na kailangang pagkaisahan. Sapat na ang pagkakaisa sa usaping
pangwika. Sapagkat sa katunayan, tulad ng nasabi na, hindi agad-agad nakasalalay sa substantibong
“nilalaman” (kahit pa mga tanong ang mga ito) ang usapin ng pagtataguyod ng ganitong nagsasariling
agham panlipunan. Mas nakadepende ito sa produktibong pagkakabukas ng talastasan at pagpapalakas
ng mga ugnayang pantalastasan sa loob ng komunidad na pangkomunikasyon ng AP. Ngunit lampas pa
rito, dulot ng masalimuot na kontekstong pangwika ng Pilipinas, maaari pa ngang imungkahi ang
pagbubukas ng talastasan hindi lamang sa loob ng iisang partikular na wika kundi maging sa pagitan ng
mga wika. Kaya marahil, imbes na “talastasan” ang pag-usapan, ay mas angkop ang ideya ng
multilingguwal na “komunidad na pangkomunikasyon”.

Nagsasariling talastasan: Ang komunidad na pangkomunikasyon sa AP


Sa pagdami, pagdalas, at pagbilis ng paulit-ulit na pagtatagpuan ng mga akademiko at mananaliksik sa
loob ng namumuong talastasan ng nagsasariling AP, posibleng lumitaw ang maraming orihinal na
konsepto, teorya, lapit, metodo, at mga suliranin. Ano kaya ang maaaring kalabasan kung pagsasamahin
ang mapanlikhang nosyon ng talastasan ng PP at ang mga payak na mga pamantayan ng nagsasariling
agham panlipunan? Ang Larawan 1 ay representasyon ng isang posibleng paraan ng ganitong
pagsasanib. May larangan ng talastasan ang AP sa wikang Filipino (a) at may larangan ng talastasan (at
tradisyon) ang AP sa wikang Ingles (b). Naipagbibigkis ang mga ito sa iba’t ibang paraan (sinisimbolo
ng mga palaso sa diagram) bilang mga bahagi ng iisang komunidad na pangkomunikasyon ng mga
nagsasagawa ng AP sa Pilipinas. Ang ugnayan ng pakikipagtalastasan ng dalawang larangan ng
produksiyon ng AP sa wikang Ingles at Filipino ay binubuo ng iba’t ibang anyo ng pagtatagpong berbal
at nakasulat (pagsasalin). Sa diagram, makikita na ang iskolarsyip na Pilipino sa wikang Ingles ang
pangunahing daluyan ng mga sangkap ng dominanteng agham panlipunan na Europeo-Anglo-
Amerikano papaloob sa komunidad na pangkomunikasyon (b1 ) at gayundin ng mga lumilitaw na
rehiyonal na sentro ng Araling T imog-Silangang Asya. Bagama’t maaaring ispekulatibo, ang
nakikinitang pangunahing daluyan papaloob sa komunidad na pangkomunikasyon ng mga tradisyong
nasa mga wikang Asyano mula sa Timog-Silangang Asya tulad ng Bahasa Indonesia at Bahasa Malaysia
(o kahit pa Asya mismo sa pangkalahatan) ay ang wikang Filipino (a2 ). Gayunpaman, sentral na
tungkulin din ang pagsasalin sa Filipino ng mga akda mula sa tradisyong Europeo-Anglo-Amerikano (a1
) at lahat ng mga kinakailangang kaisipan o akda mula sa Europa at lahat ng iba pang dako ng daigdig
(a3 ). Tinutukoy sa diagram ang posibilidad ng pagbubuo ng mga larangan ng talastasan sa ibang mga
wikang “trans-rehiyonal” (o mga wikang sinasalita sa higit sa isa o sa pagtawid ng mga rehiyon sa
Pilipinas) katulad ng Cebuano (d) at Ilokano (c). Sa katunayan, wala pa sa kasalukuyang institusyonal na
batayang pangakademiko ang AP sa wikang Cebuano o Ilokano. Kung mayroon man, masasabing
napakapambihira ang mga masteradong tesis at disertasyon sa larangan ng AP na nakasulat sa mga
wikang ito kahit pa sa mga malalaking pamantasan sa Ilocos o Larawan 1 — Representasyon ng
(mungkahing) Komunidad na Pangkomunikasyon sa AP. SSD 12:1 2016 42 Kabisayaan. Ang

33 | P a g e
pangunahing wikang nagagamit ng mga Cebuano at Ilokano (at maging ng iba pang mas maliliit na
wika) sa akademikong konteksto ay Ingles o Filipino. Ang ganitong mga trans-rehiyonal na wika, na
tumatawid sa mga rehiyon at may mga nagsasalitang populasyon na mas malaki pa sa maraming bansa
sa daigdig, ay maaaring maging batayan ng orihinal at masiglang akademikong produksiyon sa AP na
may rehiyonal, trans-rehiyonal, at pambansang saklaw sa mga sentrong akademikong maitatatag sa
Kabisayaan o Ilocos mismo. (Dapat paulit-ulit na idiin na hindi sapagkat diumano’y “rehiyonal” na wika
ang mga ito ay maaari lamang na “rehiyonal” na mga usapin ang maging mga paksain sa paggamit sa
mga ito bilang mga wikang akademiko at wika ng pananaliksik. Maaaring maging paksa ng mga ito ang
mga bagay o usapin sa ibang malalayong mga rehiyon at, lalo na, ang mga bagay o usapin sa antas na
“pambansa”.) Ang paggamit ng mga wikang ito sa larangan ng AP bilang mga wikang akademiko ay
hindi nangangahulugang magsasarili o magbubukod na ang mga ito bilang mga talastasan. Ipinapakita
pa rin sa diagram (sa mga guhit na palaso) ang posibleng mga anyo ng mapagbigkis na ugnayan sa
iisang komunidad na pangkomunikasyon. Sa pangkalahatan, maaaring magsilbi ang Filipino at Ingles
bilang mga magkapantay na “conference language” sa mga komunikasyon at talastasan kung kaya’t mas
inaaasahan na ang mga ito ang magiging mga wikang pantawid sa pagitan ng Cebuano at Ilokano.
(Kasalukuyang 24 ang opisyal na wika sa European Union ngunit tatlong “conference language” lamang
talaga ang ginagamit: Ingles, Pranses, at Aleman.) Ang mga wikang trans-rehiyonal lamang na ito ang
masasabing kasalukuyang may sapat na populasyon, rekurso, at tradisyon upang praktikal na
makapaglunsad ng ganitong proyekto bilang mga wikang akademiko sa AP sa mga pamantasan sa
Kabisayaan at Ilocos. Hindi rito nananawagan para sa anumang anyo ng iresponsableng
“panlingguwistikang anarkismo” na magreresulta lamang sa ganap na pagkakawatak-watak ng buong
komunidad na pangkomunikasyon sa ngalan lamang ng “pluralidad” per se. Lilikha ang ganitong maling
tunguhin ng napakatinding mga balakid sa pagsusulong ng AP bilang talastasang pambansa. Dapat idiin
muli na ang mga wikang akademiko na pinag-uusapan dito ay nangangailangan ng institusyonalisasyon,
istandardisasyon, at mahusay na interkomunikasyon na, kahit pa alinmang bansa sa daigdig ang tingnan,
hindi talaga magagawa para sa lahat ng wika. Gayunpaman, hindi imposibleng magkaroon din ng
masiglang produksiyon na ambag sa pangkalahatang AP ang iba pang “mas maliliit” na wika sa
Pilipinas. Nagmumungkahi lamang dito ng posibleng iskema na makapagbabalanse ng panawagan para
sa higit na “pluralidad” pangwika at ng pangangailangan din ng pagkakaroon ng mabisa at hindi labis na
komplikadong sistema ng pamamalakad ng komunidad na pangkomunikasyon sa AP (Larawan 2).
Gayunpaman, nababawasan ang kompleksidad ng sistema dahil hindi “fully connected network” ang
nasa representasyon. Dulot ito ng posibleng pangkalahatang paggamit ng mga wikang Filipino at Ingles
bilang mga wikang pantawid. 43 GUILLERMO – Komunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino Hindi
dapat mag-alala o mangamba ang mga nagtataguyod ng pambansang wika—Filipino—na maaaring
mapahina ng ganitong mas masaklaw na konsepto ng komunidad na pangkomunikasyon ang gawain at
produksiyong akademiko sa Filipino. Pinakamalakas na sa ngayon ang wikang Filipino sa gawaing
pangakademiko sa buong Pilipinas (maliban sa Ingles) at relatibong malayo na ang narating na pag-
unlad at antas ng kasanayan sa pormal na talastasan, pagsusulat, paglalathala, pagtuturo, at pagsasalin.
Makikita rin sa diagram ang pagtatangi sa pangkalahatan ng wikang Filipino bilang wika ng
produksiyon ng AP. Ang malaking parihaba ang kumakatawan sa buong komunidad na
pangkomunikasyon ng AP. Upang mapatatag ang multilingguwal (o kwadralingguwal) na kabuuang ito,
kakailanganin ang mga sumusunod: (a) mga sistema ng pagsasalin (hindi lamang ng mga pamagat at
abstrak kundi ng buong mga artikulo at akda); (b) pagbubuo ng pisikal at digital na mga database ng
mga pananaliksik at materyales; at (c) mga pormal na programa ng pag-aaral ng wika upang mapalawak
ang mga kakayahang pangwika ng mga iskolar ng AP. Pinagbibigkis ng AP sa interdisiplinaryong
paraan ang pagpapahalaga sa pagaaral ng mga wika, panitikan, araling sining at kultura (bilang batayan
ng pagpasok sa disiplina), at ang mga konsepto, teorya, metodo, at mga paksain ng agham pampulitika,
sosyolohiya, sikolohiya, lingguwistiks, antropolohiya, ekonomiks, at kasaysayan. Ang mga pananaliksik
sa AP ay maaaring magkaroon ng anyong mainstream o mas malapit sa pamahalaan at estado (a1 ).
Maaari rin itong magkaroon ng pangunahing kritikal na katangian na may kaugnayan sa mga non-
government organization (NGO), people’s organization (PO), at mass organization (MO), at nakakakabit
sa aktibismo at iba’t ibang uri ng adbokasiya. Itong huli ay masasabing kalahok, nakikiisa, at lumulubog
sa malawak na “kritikal na komunidad na pangkomunikasyon” (a2 ). Ang lahat ay malayang makapag-
aambag sa komunidad na pangkomunikasyon ng AP. Ang anyong akademiko ng PP na may dala-dalang

34 | P a g e
partikular na konseptuwalisasyon ng “mentalidad ng Kapilipinuhan” ay magiging isang bahagi na
lamang ng masaklaw na komunidad na pangkomunikasyon na ito. Umaayon ito sa mungkahi ni Paluga
(2009, p. 121) na tinatawag niyang Larawan 2 — Pagdagdag ng mga wika at pagtindi ng kompleksidad
ng sistemang pangkomunikasyon. SSD 12:1 2016 44 “minimalistang” bersiyon ng PP. Ayon sa kaniya,
“binubuo ang PP ng set ng mga bokabularyo at balangkas: isang set ng mga limitado, ‘namarkahang’
kataga/ kategorya—na may interes sa pagpapalalim ng mga ito patungo sa pagsusuri ng mga kaugnay na
kategorya sa Wikang Filipino (WP)—at ang kaugnay nitong mga programatikong Balangkas”. Mula sa
isang mapanaklaw at mapanlahat na pananaw, ang PP ay natatransporma sa isang programa ng
pananaliksik na katapat lamang ng iba pa sa larangan ng AP (kahit pa bukod-tangi ang mga kabatirang
naibibigay ng mga akda ni Salazar sa mga iskolar sa AP). Ang mga nandarayuhan o dayuhang
mananaliksik sa AP ay maaaring gumamit ng Ingles, Filipino, o iba pang wika sa Pilipinas sa kanilang
pakikipagtalakayan at paglalathala na maaaring tumagos papaloob sa komunidad na pangkomunikasyon
ng AP. Sa gayon dito lumilitaw bilang pangunahing usapin ang mga kuwestiyon hinggil sa
“epistemikong pribilehiyo”, “awtentisidad”, o “pook” na pinanggagalingan at pinagtatrabahuan (Hau,
2013). Ayon nga kina Ratna Saptari, Henk Schulte Nordholdt, at Bambang Purwanto (2008, p. 3), “hindi
dapat panatilihing matingkad ang pagkakaiba ng dayuhan at lokal sa produksiyon ng kaalamang
pangkasaysayan… hangga’t maaaring masuri o mapag-aralan ang metodolohiya ayon sa siyentipikong
pamamaraan, hindi na maaaring maging usapin kung sino ang nagsulat”. Paglahok sa pangkalahatang
talastasan at produksiyon lamang ang mahalaga at hindi ang anumang konsiderasyon ng “lahi”,
nasyonalidad, o lugar ng paninirahan. Ang papatindi at papahigpit na integrasyon ng lahat ng mga
bahagi ng komunidad na pangkomunikasyon ay maaaring humantong sa isang yugto ng estabilidad at
katatagan ng awtonomo, at bukas na talastasan sa AP na magtitiyak ng mas pangmatagalang
institusyonalisadong pag-iral ng AP sa Pilipinas. Ang kabuuang komunidad na pangkomunikasyon na
ito ay ang paraan ng pagsasarilingatin ng samu’t saring kaalaman tungkol sa ating mga sarili bilang
isang bansa.

Mga hamon sa indibidwal na iskolar sa larangan ng AP


Upang magtagumpay ang ganitong iskema, kailangang may ambag ang bawat iskolar ng AP sa
komunidad na pangkomunikasyon na ito. Sa katunayan, malaki pa rin ang bilang ng mga iskolar sa AP
na monolingguwal sa wikang Ingles sa pagbabasa at pagsusulat. Maraming iskolar na ipinagmamalaking
binabasa nila si Michel Foucault ngunit hindi makatagal sa pagbabasa ng mga akdang akademiko sa
wikang Filipino. Dapat isaisip na kung ang pagbabasa kay Foucault at iba pa ay nangailangan ng
pagsasanay, ganito rin ang pangangailangan ng pagsasanay ng sarili sa pagbabasa ng mga akdang
akademiko sa wikang Filipino. Sa pagsasanay na ito, unti-unting magiging madali at mabilis ang
akademikong gamit sa Filipino. Depende sa larangan ng pananaliksik, dapat pagsikapang balanseng
talakayin, suriin, gamitin, at pakinabangan ang mga naisulat ng mga Pilipino sa larangan ng AP sa
wikang Filipino man o Ingles (o iba pang wika) sa mga sariling pananaliksik. Gayundin, dapat
pagsikapang hubugin ng bawat iskolar sa AP ang kakayahang magsulat ng mga pananaliksik, libro, at
artikulo sa 45 GUILLERMO – Komunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino wikang Filipino.
Kailangan ding magsanay sa paggamit ng wikang Filipino sa mga akademikong forum at talakayang
nilalahukan sa Pilipinas. Sa bahagi ng mga guro, dapat tiyaking may bahagi ng mga babasahin sa
kanilang mga klase na nasa wikang Filipino. Kapag seryosong isinagawa ng bawat iskolar sa AP ang
mga alintuntuning ito (hindi lamang sa Filipino kundi sa iba ring mga wika sa diagram maliban sa
Ingles), tiyak na may malaking progresong maaabot ang kabuuang komunidad na pangkomunikasyon, at
hindi lamang ang AP sa Filipino, kahit sa loob lamang ng 10 taon. Makabubuo ito ng isang critical mass
na mahalaga sa patuloy na pag-iral at pagsulong ng AP. Bilang panghuli, dapat pagsikapan ng mga
espesyalista hinggil sa mga teorista o pilosopong Europeo-Anglo-Amerikano (o mula sa alinmang dako
ng daigdig), ang pagsasalin sa mga akda ng mga palaisip na ito patungong wikang Filipino. Normal sa
ibang bansa na ang mga espesyalista sa mga partikular na palaisip ay siya ring pangunahing tagasalin ng
mga akda nito. Dapat salungguhitan na hindi ito mababang uri ng gawain.

35 | P a g e
Konklusyon: Isang Sentro ng Araling Pilipino?
Ang hinahangad na “ institusyonalisasyon” ng komunidad na pangkomunikasyon ng AP ay hindi
tumutukoy sa iisang institusyon lamang kundi sa pag-uugnayan at paglalangkapan sa iisang network ng
iba’t ibang mga institusyon sa lateral na antas. Gayunpaman, malaking bagay rin kung dumating ang
panahong makapagpatayo ang UP Diliman ng isang Sentro ng Araling Pilipino. Maaari itong
magsagawa ng mga regular na forum, seminar, at pambansang kumperensiya sa AP. Makapaglulunsad
din ito ng serye ng publikasyon ng mga aklat, monograpo, at sariling open access na mga e-dyornal sa
internet na monolingguwal sa Filipino o bilingguwal sa Ingles at Filipino. Ang ganitong Sentro ng
Araling Pilipino ay makakakalap ng sapat na suporta para sa mga mag-aaral sa usapin ng iskolarsyip at
gawad saliksik at makapagpapatayo ng kumprehensibong aklatan at mayamang digital resource ng mga
materyales sa larangan ng AP. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng isang sentro o hugpungan sa
pagpapatatag ng komunidad na pangkomunikasyon ng AP sa pambansang antas; maliban pa rito, may
mga linkage sa iba’t ibang mga sentro ng Araling Pilipino at Araling Timog- Silangang Asya sa buong
daigdig.

8. “Philippine Studies/ Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pag popook at Pag
dadalumat sa loob ng kapantasang Pilipino” ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel
ABSTRACT

Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II,
Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From
being a neo-colonial program designed to create a venue for the Americans to perpetuate their
hegemony in Philippine scholarship, it has become a springboard from which some progressive Filipino
intellectuals particularly in the 1970’s formally launched the indigenization (read: Filipinization)
movement in the Philippine academic community. Recontextualized and reconceptualized as part of the
nationalist project, the program, since then, would become a site of engagement of Filipino scholars in
the development of our own scholarly tradition. It would take on significant epistemological and
methodological shifts emphasizing the vital role of Filipino language as primary tool of knowledge
production. To map out the extent of this paradigm shift, knowledge production in Filipino both at the
undergraduate and graduate levels of the Philippine Studies program is analyzed. Two general directions
based on Virgilio Enriquez’s SP construct are discernible along this line: (a) “indigenization from
within” or the development of our own analytical tool and conceptual framework using our indigenous
language and culture as source; and (b) “indigenization from without” or appropriation/adaptation of
foreign formulations to local realities. Such production is viewed in the larger context of the
development of a “Philippine studies” envisioned by Rizal in the 19th century and carried on by Filipino
scholars over the last five decades in their efforts to construct a M. J. B. Rodriguez-Tatel 111 more
meaningful framework for understanding Filipino psyche, culture and society. It is hoped that a fully-
developed Filipino academic discourse shall be our significant contribution to a truly universal scientific
tradition.
Keywords: Philippine studies, indigenization, Filipinization, language and knowledge production

If I could only be a professor in my country, I would stimulate these Philippine studies which
are like nosce te ipsum (know thyself) that gives the true concept of one’s self and drives nations to do
great things. [Kung magiging propesor lamang ako sa aking bayan, pag-iibayuhin ko ang mga pag-aaral
tungkol sa Pilipinas na maihahalintulad sa nosce te ipsum (kilalanin ang sarili) na nagbibigay ng totoong
konsepto ng sarili at nag-uudyok sa lahat ng bayan na gumawa ng kadakilaan.] (Akin ang salin.) –Rizal
kay Blumentritt, 1887 (sipi kay Jose 53)

It is necessary that you study the questions that concern your country. Knowledge is power. We are the
only ones who can acquire a perfect knowledge of our country, because we know both languages and
besides we are informed of the secrets of the people among whom we had been raised… [Kailangang
pag-aralan ang mga katanungang may kinalaman sa inyong bayan. Ang kaalaman ay kapangyarihan.
36 | P a g e
Tayo lamang ang tanging makagagagap ng kaalaman ukol sa ating bayan, sapagkat nauunawaan natin
kapwa ang mga wika, maging ang mga lihim ng taumbayang kasa-kasama natin sa paglaki….] (Akin
ang salin.) –Rizal sa mga kapwa Propagandista, 1889

PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON


Pinagsisimula kay Rizal ang kamalayang Pilipinista, at kaakibat nito’y ang artikulasyon ng pag-aaral at
pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng kabansaan (Jose 55-57; Salazar sipi sa
Bautista at Pe-Pua 6; Salazar, “Philippine Studies” 302-308). Taong 1887 pa lamang (isang dekada at
dalawang taon bago pasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa Malolos), ay naipahayag na ni Rizal kung
ano ang dapat na maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas: pag-aaral nating mga Pilipino
tungkol sa atin at para sa atin. Lalong lilinaw ang tunguhing ito nang mabigo ang proyekto niyang
maitatag ang isang internasyonal na samahan ng 112 Philippine Studies/Araling Pilipino mga Pilipinista,
ang Association Internationale des Philippinistes (AIP) sa Europa noong 1889. Napagtanto niyang wala
nang ibang tunay na maaaring magmalasakit sa bayan kundi ang sarili ring mga kababayan. Aniya, ang
pag-aaral sa Pilipinas ay dapat maging “isang pag-aaral…ng kaniyang mga anak sa konteksto ng
kaniyang kaisahan at identidad” (“a study of Filipinas by her sons in view of her unity and identity”)
(Rizal sa Salazar 306). Kahibla ng pagsasabansa hindi lamang ang paglaya sa anumang opresyon kundi
lalo’t higit ang pag-unawa sa sarili (self-understanding) at sariling pagtatakda (self-definition) (305).
Ang “sariling” ito ang tinutukoy na “loob” ng lipunan at kalinangang Pilipino. Sinimulang tunghayan ni
Rizal ang “loob” na ito sa dalawa niyang pangunahing hakbang matapos mabigo ang planong AIP. Una,
kinomentaryuhan niya ang Sucesos de las Islas ni Antonio de Morga (1609) bilang pagkilala sa
mahalagang papel ng pag-aaral ng kasaysayan upang lubos na maunawaan ang sarili. Ikalawa, sumapi
siya sa La Solidaridad—samahan at pahayagan ng mga Propagandistang nagsusulong ng repormang
sosyo-politikal para sa Pilipinas. Sa huli, kinilala niya ang halaga ng “pakikipag-usap” at pakikiisa sa
mga kababayan bilang integral na bahagi ng “Sarili.” Kung gayon, mababanaag sa mga sinabi ni Rizal
sa itaas ang birtud ng katutubong kawikaang “Sa atin manggagáling ang ating ikagagalíng; sa atin din
magmumula ang ating ikasasamâ.” Taong 1989, isang siglo matapos ang naglahong pangarap para sa
AIP, nasaksihan ang realisasyon ng adhikain ni Rizal para sa mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas. Itinatag
ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP o CSSP) bilang
isang eskuwela ng kaisipan at programang doktoradong nagpunyaging bumalikwas mula sa masyadong
tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan, at metodolohiya ng noo’y “maka-Amerikanong
Philippine Studies” (Covar, “Pagtatataya”). Pinuna ang umiiral na “Philippine Studies” bilang isang
“araling pang-erya” (area studies) na tumitingin sa Pilipinas bilang isang larang lamang ng “unibersal”
(basahin: Kanluranin) na paksain sa panahon ng Cold War. Kung kaya’t ipinakahulugan ito bilang
“pagsusuri sa mga Pilipino at bagay-Pilipino mula sa labas” at hindi katakatakang “para sa mga
espesipikong interes at problema ng mga taga-labas” (Salazar sa Bautista at Pe-pua 5; Salazar, “
‘Philippine Studies’ and ‘Pilipinolohiya’ “ 314; akin ang diin). Kakabit umano ito ng adyendang
kontrolin ang produksiyon ng kaalaman, lalo na ng mga Amerikano at Europeo tungkol sa atin upang
mapanatili ang kanilang gahum. Subalit hindi nanatiling pasibo ang mga Pilipinong iskolar sa nasabing
interes. Kung tutuusin, mas maaga pa, naipahayag na ng noo’y presidente ng UP, Carlos P. Romulo, sa
kaniyang talumpati sa pulong ng University Council noong 18 Agosto 1966, ang pangangailangan para
sa nasyonalisasyon ng kaalaman. Aniya:

By 1970, the University must be prepared to offer a full-scale program of graduate and post-graduate
studies, and the program itself conducted M. J. B. Rodriguez-Tatel 113 by Filipino teachers and experts.
This calls for nothing less than the nationalization, as it were, of knowledge. Expertise and competence
need not be exclusively based, for us, in American universities, but should be made available here,
promoted by Filipino scholarship, Filipino discipline, Filipino passion for truth. (427; akin ang diin.)

Nakaangkla sa isinusulong na nasyonalismo ng Unibersidad ang tinagurian niyang “cultural leadership”


(428) na siyang itinakdang gampanin para sa nasabing Akademikong Taon bilang “Year of the
University and the Nation” (432). Isa sa mga kongkretong hakbang tungo rito ay ang
institusyonalisasyon ng ekstensibong programa ng mga kurso sa Philippine Studies sa layong paunlarin
ang kurikulum alinsunod sa pangangailangang patingkarin ang karakter ng UP bilang isang “Filipino
37 | P a g e
institution of higher learning...” (422). Sa proseso ng “pagpapaka-Pilipino” ng Pamantasan, saksi ang
huling hati ng dekada 60 hanggang 70 sa tumataas na kamalayang makabayan. Isang “intellectual
ferment” wika nga, kasabay ng aktibismo sa lansangan, ang maghahawan ng landas sa tahasang
pagkikritika sa mga disiplina, lalo na ng agham panlipunan at humanidades. Nagsilbing palabinhian ang
dalawang larang na ito ng mga kaisipan at pagkilos para sa muling pagpopook (recontextualization) at
muling pagdadalumat (reconceptualization) ng Philippine Studies patungong “Araling Pilipino” at
“Pilipinolohiya” nang malaunan. Integral ang “paradigm shift” na ito sa tinataguriang “kilusang
indihenisasyon”/ “pagsasakatutubo” (S. L. Mendoza; Alatas; Guillermo, “Awtonomong Komunidad”) o
“pagsasa-Pilipino” (V. Bautista 25) ng akademya na umarangkada noong kalagitnaan ng 1970 hanggang
1990. “Pilipinisasyon” ang minarapat itawag dito ni Salazar, dahil aniya, problematiko ang terminong
“indigenous” o “katutubo.” Nagkakaroon lamang, diumano, ng saysay ang “katutubo” sa harap ng “Iba.”
Reaksiyonaryo ang tuligsa niya sa labis at tahasang pakikipagtugaygayan sa “Iba” o sa “labas ng Sarili.”
Sapagkat hindi lamang sa pakikipagtunggali at pagpapalaya mula sa dominasyon ng “Iba” natatapos ang
paninindigan. Kasarinlan, isang matatag na tindig sa kakanyahan ang namamayaning tunguhin, umano,
ng Pilipinisasyon. Nakatuon ito sa Pilipino bilang paksa, Filipino bilang wika ng pananaliksik at
talastasang akademiko, at higit sa lahat, may saysay o kabuluhan para sa mga Pilipino (Rodriguez-Tatel
141).

Paano magiging makabuluhan? Ito ang pangunahing katanungang nag-udyok sa mga Pilipinong
iskolar/propesor upang paglimian ang kaangkupan ng mga teorya at metodolohiyang mula sa labas. Pag-
uugat sa sariling realidad–kasaysayan, lipunan at kalinangan–ang itinugon. At dahil sa wika nasasalalay
ang artikulasyon ng realidad na ito, nanawagan sila para sa paggamit ng sariling wika sa pamantasan.
Kung kaya sa esensiya, wika ni Salazar, ang indihenisasyon/Pilipinisasyon ay kilusan sa 114 Philippine
Studies/Araling Pilipino “pagsasawikang-P/Filipino ng edukasyon, lalo na sa mga unibersidad sa
pangunguna ng UP” (“Panayam” 29). Sang-ayon kay Covar, pinabilis ang “indigenization” ng araling
maka-Amerikano sa UP nang magsibalikan noong dekada 70 ang mga ipinadalang iskolar sa ibang
bansa para sa kanilang doktorado (“Pagtataya” 1). Sa bakuran ng noo’y College of Arts and Sciences
(CAS), partikular na sa mga larang ng agham panlipunan at humanidades dumaluyong ang iba’t iba
subalit magkakaugnay na artikulasyon tungo sa paglikha ng isang makabayang diskurso. Sa agham
panlipunan, tatlong nasyonalistang iskolar ang naglagak ng pundasyon ng “Pilipinisasyon”: sina Virgilio
G. Enriquez ng UP Departamento ng Sikolohiya, Prospero R. Covar ng UP Departamento ng
Antropolohiya, at Zeus A. Salazar ng UP Departamento ng Kasaysayan.1 Bilang bahagi ng pagkikritika
sa kani-kanilang disiplina, itinatag nila ang tatlong programatikong naratibong magsisilbing gulugod ng
malauna’y tatawaging “Agham Panlipunang Pilipino” o isang “nagsasariling talastasang
Pilipino”/”talastasang bayan” sa pamantasan. Itinambuli nila ang magkatuwang na diskurso ng paglaya
at pagpapalaya mula sa kolonyal na diskurso at “pagtahak ng sariling landas tungo sa kabansaan”
(Navarro, Rodriguez at Villan; Aquino; S. L. Mendoza; Navarro at LagbaoBolante). Samantala, mula
naman sa humanidades, gumanap ng pangunahing papel sa gayon ding aspirasyon ang mga Pambansang
Alagad ng Sining na sina Virgilio S. Almario at Bienvenido Lumbera ng UP Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas. Bagaman walang institusyonal na batayan ng pagkakabuklod-buklod, makikita
ang hugpungan ng kanilang mga kaisipan at pagkilos sa paggamit ng wikang Filipino bilang
pangunahing instrumento ng pagbubuo ng diskursong P/Filipino. Isa si Virgilio Enriquez sa mga
nanguna sa paggamit ng sariling wika bilang midyum ng pagtuturo sa pamantasan noong 1965. Matapos
ang doktorado sa Social Psychology sa Northwestern University, Illinois sa Amerika, napagtanto niya
ang pangangailangang magsagawa ng sikolohiyang nakaugat sa lipunan, kultura, at wika ng mga
Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga sarili nating konseptong “diwa,” “kalooban,”
“kamalayan,” “ulirat,” “isip,” at “kaluluwa,” napalalalim at napalalawak, aniya, ang pagpapakahulugan
sa sikolohiya lampas pa sa karaniwang depinisyon nito bilang “agham ng pagkilos ng mga organismo”
(“Perspektibo” 4-5). Mula sa realisasyong ito sumilang ang Sikolohiyang Pilipino (SP) bilang
“sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino” (6) at “sikolohiyang malaya”/
”mapagpalaya” (Liberation Psychology). Kapwa isang kilusan at proyektong teoretikal (S. L. Mendoza
66-67), pinabulaanan nito ang malaon nang alegasyon ng mga dayuhang iskolar na wala diumanong
sikolohiya ang mga Pilipino, na imperyor ang mga sikolohista sa Pilipinas sa kanilang mga katapat sa
ibang bansa. Bagaman nilinaw niyang hindi dapat kumiling sa pagkapartikular o sa pagkaunibersal ang
pag-unlad ng SP, kinikilala pa rin niyang may mga paksang nag-uugat sa pagkapartikular gaya ng mga
38 | P a g e
nasa larang ng sikolohiyang panlipunan, sikolohiyang kognitibo, kultura at pagkatao (“Perspektibo” 10-
12). At wika ang siyang susi sa pag-unawa rito. Gayundin naman, mahalagang lunsaran ang sikolohiya
sa paglinang ng wikang pambansa–giit niya sa “Pilipino in Psychology (Development of Scientific
Terminology as Part of the Elaboration and Intellectualization of Pilipino)”. Kung kaya, hindi lamang
mabisang kasangkapan ng komunikasyon ang wika, higit lalo na, isa itong mayamang bukal ng
mahahalagang aspekto ng pag-iisip ng tao. Bagaman tinitingnang hindi partikular lamang sa Pilipinas
ang mga katutubong konsepto, naniniwala pa rin si Enriquez na may mga tangi itong kahulugang mas
malapit sa karanasang Pilipino (“Perspektibo”13). Matutunghayan ito sa paglilinang niya ng konseptong
“kapuwa” bilang “pinakaubod (core) ng mga halagahang Pilipino.” Ibang-iba aniya, ito sa “others” sa
Ingles dahil higit itong nakatuon sa idea ng pagkakaisa ng sarili at ibang tao– isang “ibinahaging sarili”
(shared self/identity) na higit na mauunawaan sa iba’t ibang antas at moda ng pakikipag-ugnayan ng
mga tao sa isa’t isa gaya ng pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikisama,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisangakot, at pakikiisa (“Kapwa” 23-53). Pakikipagkapwa rin ang
prinsipyong ipinambalangkas sa paglilinang ng mga katutubo/maka-Pilipinong pamamaraan ng
pananaliksik na labis na nagsasaalang-alang o sensitibo sa kultura at sensibilidad ng mga sinasaliksik,
e.g., pakikiramdam, pagtatanung-tanong, paali-aligid, pakikisalamuha, pagdalaw-dalaw, pakapa-kapa,
pakikiramdam at pagpapahiwatig; pakikiugaling pagmamasid, pakikipanuluyan, pakikipagkuwentuhan
(de Vera; Aquino), pagpapakuwento at ginabayang talakayan (Enriquez, “Developing” 48-51; C.
Santiago; Nicdao-Henson; Nery; L. Gonzales; A. Torres; Gepigon at Francisco; Aquino;
AguilingDalisay). Nilinang ang mga ito mula sa pamaya’t mayang pakikipag-usap ng mananaliksik sa
mga tao sa komunidad. Sa kabuuang proseso ng pananaliksik mula sa pagpipino ng problematiko
hanggang sa pangangalap, interpretasyon at balidasyon ng mga datos, matutunghayan ang isang
transaksiyonal na ugnayan sa pagitan ng mananaliksik at ng kaniyang paksa hindi bilang pasibong
obheto lamang kundi “isang kapwa”–aktibong kalahok at kabahagi–sa pagbuo ng kaalaman. Subalit
hindi lamang sa usaping metodolohiko madarama ang bisa ng paggamit ng katutubong wika.
Kinasangkapan din ito ng SP sa pagdevelop ng sariling teoretisasyon. Ipinakilala ni Enriquez ang
dalawang tunguhin ng pagdadalumat: (1) “indihenisasyon mula sa loob,” i.e., paggamit ng sariling
kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng pananaw-
sa-daigdig ng mga Pilipino; at (2) “indihenisasyon mula sa labas,” i.e., pag-aangkin ng mga konseptong
mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa
karanasan ng mga Pilipino (“Perspektibo” 15-18; “Developing” 46-47). Anupa’t 116 Philippine
Studies/Araling Pilipino sa mga pagdadalumat na ito ukol sa Sikolohiyang Pilipino, lalo na yaong may
kinalaman sa diwang Pilipino, maiuugat ang mga simulain tungo sa pagsasa-Pilipino at pagpapaka-
Pilipino ng Philippine Studies. “Nasa panloob na pakakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng mga
katangian, halagahan, karunungan… ng isang kabuuang pangkalinangan… sa loob ng isang
nagsasariling talastasan”–ganito maibubuod ang Pantayong Pananaw (PtP), ang pangunahing ambag ni
Zeus Salazar sa larang ng Pilipinong pagdadalumat. Sentral dito ang sariling wika bilang pangunahing
tagapagpahayag ng nasabing kabuuang pangkalinangan (Navarro, Rodriguez at Villan 1997, 1). Sa agos
ng kasaysayan at kalinangang Pilipino, ipinakita niya ang pagkakaugat at pagsulong ng PtP vis-a-vis
mga diskursong mula sa labas o nakatuon sa labas, i.e., “pansilá” at “pangkayóng pananaw” ng mga
kolonyalistang banyaga, gayundin ang “pangkamíng pananaw” ng mga akulturadong Pilipinong
napasabanyagang kaisipan (Hispanisado at Amerikanisado). Iniluwal ng mga nasabing pananaw ang
tinagurian niyang “dambuhalang pagkakahating pangkalinangan (DPP)” na siyang “pinakaproblema”
aniya, sa pagbubuo ng bansang Pilipino (Navarro, Rodriguez at Villan 98-122). Batay sa DPP,
binalangkas ni Salazar ang konseptuwal na duwalismong kakikitahang muli ng sentralidad ng papel ng
katutubong wika sa diskursong akademiko: “kasaysayan” laban sa “historía”/”history”/”historya,”
“bayan”/”Inang Bayan” laban sa “nación”/ ”nation”/”nasyon,” “himagsikan” laban sa
“revolución”/”revolution,” “kabihasnan” laban sa “civilización”/ “civilization,” “kalinangang bayan”
laban sa “kulturang nasyonal,” at “bayani” laban sa “héroe” (Salazar 1997, 1-54; Salazar 1999, 7-67;
Navarro 11; Rodriguez-Tatel 59-64). Bagaman bukas siya sa pagsasalin at pag-aangkin ng mga
kategoryang banyaga, pagtatangka rin ito ng PtP na itampok ang mga partikular na kahulugan (nuances)
ng sariling katutubong dalumat bilang batayan ng nililinang na “talastasang bayan” sa akademya. Higit
na matimbang para kay Salazar ang pagbuo ng mga teoryang nag-uugat sa wika at karanasang Pilipino
kaysa pag-aangkop ng teoryang Kanluranin, lalo na yaong mga hindi pa napapatunayan ang silbi at bisa

39 | P a g e
sa sarili nating lipunan-at-kalinangan. Gayumpaman, sa kabila ng pagpapatampok sa pagkakaiba at
pagsasalungatan, pinagpupunyagian pa rin ang pag-uugnay ng mga nasabing konsepto sa pagdadalumat
niya ng “bansa” at “pambansang kabihasnan.” Ito, aniya, ang pinakalunggati ng Bagong
Historiograpiyang Pilipino o Bagong Kasaysayan bilang disiplina at ng Bahay Saliksikan sa Kasaysayan
(BAKAS) bilang aralang grupo at eskuwela ng kaisipang binabalangkas ng PtP (Salazar sa Ocampo,
“Paunang Salita”). Produkto ito ng matagal niyang pakikibagbuno sa mga kaisipang Europeo nang
magdoktorado siya sa Pransiya (Salazar, Dunia Melayu xxiii). Umuwi siya sa Pilipinas noong 1968 at
mula sa paglabas, sinimulan niya ang pagpasok sa kaibuturan, sa pinaka-”loob” ng tinatawag niyang
“Kapilipinuhan.” Nangahulugan ang “pagpasok” ng M. J. B. Rodriguez-Tatel 117 paglalatag ng mga
bagong kaalaman, pananaw, at kaparaanan kung paano uunawain ang sariling kasaysayan noong una, at
sa huli’y ang nalikha nitong lipunan at kalinangan. Isinalin at inangkin mula sa Pranses na nouvelle
histoire, itinatampok sa Bagong Kasaysayan ang pagsasakasaysayang “mula sa loob tungo sa loob”–
nakaangkla sa idea ng “salaysay na may saysay sa taong pinagsasalaysayan.” Mga kaisipan itong
paalingawngawin din ni Salazar sa Pilipinolohiya. Bagaman sa disiplina ng kasaysayan ipinunla ang
mga binhing kaisipan ng PtP, pinapagsanga ito ni Salazar sa konseptuwalisasyon nila ni Covar ng
Pilipinolohiya bilang Programang Doktorado sa UP DAPP sa panahon ng kaniyang panunungkulan
bilang dekano. Ginawa nilang proyekto ang pagpapalaganap at pagpapalalim ng Pilipinolohiya bilang
“pinakahaliging adhikain” hindi lamang ng kaniyang panunungkulan kundi ng pagbubuo ng
Kabihasnang Pilipino.” Sa apat na sanaysay (“Paunang Salita” 5-9; “‘Philippine Studies’ and
‘Pilipinolohiya’ 311-321; “Pilipinolohiya” 328-330; “Panayam” 29) iginiit ni Salazar ang nagtatalabang
papel ng Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. Aniya, “Pantayo ang batayang pananaw ng
Pilipinolohiya” bilang “panloob o mula sa loob na pag-aaral ng kasaysayan, kabihasnan at kakanyahang
pambansa ng Kapilipinuhan” kaiba at kasalungat ng “Philippine Studies.” Gayundin naman,
Pilipinolohiya ang tinitingnang “disiplinang bubuo ng isang ‘pantayong pananaw’ o pambansang
diskursong pangkabihasnan para sa mga Pilipino” (Salazar, “Paunang Salita” 7; Covar, “Pilipinolohiya”
44). Mula sa pambansang diskursong ito huhugot, umano, ng lakas ang Pilipinong iskolar sa kaniyang
pakikipagugnayan, pag-aaral, at pagsusuri ng mga bagay sa labas o araling pang-erya (area studies) gaya
ng “Timog Silangang Asya,” “Asya-Pasipiko,” at iba pa. Hangga’t nasa wikang F/Pilipino, palalawigin,
umano, ng mga araling ito tungkol sa ibang mga bansa ang kaalaman ng sambayanang Pilipino, na di
maglalao’y magiging bahagi ng Kabihasnang Pilipino para sa kapakibangan ng bansang Pilipino
(“Paunang Salita” 7). Paniniwala ni Salazar, wika ang pangunahing instrumento ng pagsasalin ng
kaalaman mula sa “Iba”/ “labas” patungo sa “Sarili”/”loob” at vice versa. Sa pamamagitan ng
pagsasalin, mapagyayaman ang anumang disiplina o agham sa diwang Pilipino kasabay ng pagpapalalim
ng pag-unawa ng Pilipinong iskolar sa sariling pagkatao at kakanyahan (Salazar, “Pilipinolohiya” 336).
Pundamental, samakatwid, ang Pilipinolohiya sa pagpapalawig ng kapantasang Pilipino. Bilang disiplina
ng pag-aaral, naghuhugpungan dito ang mga usapin ng wika, pananaw, at pambansang kabihasnan. Ito
ang matutunghayan sa karagdagan niyang pahayag (“Paunang Salita” 7): Sentro at pinagmulan, at
babalikan din, ng mga pag-aaral na iyan (araling pang-erya) …ang Kabihasnang Pilipino, na patuloy na
makikilala, mauunawaan, mapapalalim, mapapalawak at pag-iibayuhin ng Pilipinolohiya. 118 Philippine
Studies/Araling Pilipino Mababanaag dito, kung gayon, ang katotohanang hindi talaga “sarado” ang
“mula sa loob tungo sa loob” na pag-aaral ng Kapilipinuhan. Para kay Salazar, marapat lang munang
unahin ang pagpapatatag ng “Sarili.” Kung tutuusin, isa itong pragmatikong pagtatakda ng priyoridad sa
hanay ng mga kailanganin upang matamo ang “kabuuang tunay na batayan ng pag-unlad at dignidad ng
Pilipino at ng kaniyang kultura.” Samakatwid, higit pa sa isang disiplina, ang Pilipinolohiya ay isang
“pagpupunyaging pangkalinangan at pang-edukasyon” (8). Sa adhikaing buuin ang diskursong
pangkabihasnan ng bansa, gayundin sa aspektong metodolohikal nito, nagbabahaginan ang
Pilipinolohiya at Bagong Historiograpiyang Pilipino/Bagong Kasaysayan. Kapuwa kinakasangkapan ng
mga ito ang isang pangkalinangang pagsusuri. Batay sa idea ng “kabuuang kasaysayan” (na inangkin din
mula sa Pranses na histoire totalé), isinusulong ng Bagong Kasaysayan ang paggamit ng
inter/multi/trans/kros-disiplinaryong pamamaraan, lihis sa positibistang tradisyong nakapako lamang sa
empirisismo ng mga nakasulat na dokumento. Gaya ng Pilipinolohiya, kinakailangan ani Salazar, na
umugnay, “makipagkaibigan” ng kasaysayan sa iba pang disiplina upang gagapin ang kabuuang kultura
bilang batispangkasaysayan at pook na hindi lamang isang lugar na kinatatayuan kundi isang punto de
bista at paninindigan. Kung si Salazar ang naglinaw ng batayang historikal, perspektiba, at tunguhin ng

40 | P a g e
Pilipinolohiya, si Prospero Covar naman ang unang nagtakda ng kahulugan at saklaw nito. Sa
pagkahirang sa kaniya bilang Tagapag-ugnay ng Programang Doktorado sa Pilipinolohiya ng DAPP
noong 1989, siya ang nagpanukalang palitan ang pangalang “Araling Pilipino” patungong
“Pilipinolohiya.” Hinango ito sa dalawang pinagdugtong na salita: “Pilipino” at “lohiya” na sa kabuuan
ay nangangahulugang “sistematikong pag-aaral” sa tatlong larangan ng Kapilipinuhan: (1) kaisipan; (2)
kultura (kasama na ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon); at (3) lipunang
Pilipino. Layon nito, aniyang bumuo ng isang agham na magpapalitaw ng pagka-Pilipino ng
bawatlarangan (Covar, “Pilipinolohiya” 37). Gaya ng dalawang nauna, pagkatapos ng doktorado sa
Antropolohiya sa University of Arizona, sinimulan niyang umugit ng bagong tadhana para sa
kapantasang Pilipino. Bagaman ginabayan ng structural functionalism sa sosyolohiya at kadalubhasaan
sa antropolohiya mula sa Amerika, higit na tinuunan ni Covar ang mayaman, malawak at malapit na
pag-uugnayan ng mga tao sa pagsisiyasat ng estrukturang panlipunan sa kontekstong Pilipino (Aquino
207; akin ang diin). Mula rito, nilinang niya ang dalumat ng “pagkataong Pilipino” kaugnay ng
“pakikipagkapuwa” (Larangan 24). Tinukoy niya ang iba’t ibang dimensiyon nito: ang “labas,” “loob”
at “lalim” alinsunod sa metapora ng banga tampok ang kaluluwa at budhi bilang mga elementong nasa
kaibuturan ng pagkatao (Covar, “Kaalamang M. J. B. Rodriguez-Tatel 119 Bayang Dalumat”).
Nagsanga ang pagdadalumat sa iba pa, e.g., “sambahayan” bilang pundamental na pundasyon ng ating
lipunan, “kapatiran” at “paniniwala” (mula sa konseptong “messianic social movement”) na, para sa
sosyologong si Clemen Aquino, ay magagamit sa panlipunang pagbabanghay sa mga araling
sosyolohiko at antropolohiko sa kontekstong Pilipino (206; akin ang diin). Sa ganang ito masusukat ang
pangunahing ambag ni Covar. Wika rin ang itinampok niyang pangunahing batayan sa pagsusuri ng mga
nabanggit na dalumat (Larangan). Sa katunayan, nakikiisa siya kay Salazar sa pagsusulong ng
Pantayong Pananaw bilang perspektiba ng Pilipinolohiya. Ideolohiko din ito para sa kaniya. Aniya,
...ang pananaw [na “Pantayo”] na nakasanib sa Pilipinolohiya ang siyang magbibigay ng kaganapan sa
kabihasnang Pilipino. Ito ang magpapalaya sa ating mga Pilipino. (“Pilipinolohiya” 45) Kahibla ng mga
simulain sa agham panlipunan ang mga punyagi sa humanidades bilang integral na bahagi rin ng
Philippine Studies (University of the Philippines Catalogue 1974-1975, 58). Partikular sa larangan ng
kritisismong pampanitikan, dalawang susing pigura sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) ang
maghahawan ng landas sa pagsasa-Pilipino at pagpapaka-Pilipino ng nasabing larang. Ipinakilala at
nilinang ni Virgilio S. Almario ang “Bagong Pormalismong Filipino” bilang isang “malikhain at
makabansang paraan ng pag-aaral sa panitikan” (Kung Sino, blurb). Ehemplo rin ito ng pag-aangkin ng
pormalistang kritisismo sa kontekstong Pilipino. Itinuturing na bagong estratehiya sa kritisismo,
maibubuod sa tatlo ang mga isinusulong nito: una, umugat at magbigay-daan sa mga “partikular na
problema sa panitikang pambansa;” ikalawa, magkaroon ng “matalas na pag-unawa sa kasaysayan ng
panitikan at lipunang Pilipino;” at ikatlo, “lumihis sa mga lumang bitag at kanal ng pag-iisip na dulot ng
banyagang edukasyon at metodolohiya.” Gaya ng iba pang kabahagi ng kilusan sa Pilipinisasyon,
sumasalok din ito sa kaisipang inilahad ni Rizal, sa partikular, hinggil sa “higit na masinop na pag-aaral
sa mga bagay (na Pilipino)” na “hindi kailanman mauunawaan (ng mga banyaga)” (Rizal sipi sa
Almario, xv). Bagaman sinasang-ayunan niya ang “panghihiram” ng mga konsepto’t metodolohiyang
mula sa Kanluran binalaan niya ang mga kritikong Pilipino laban sa “labis na pagkahumaling sa teksto
ng gayong pormalismo.” Kapanabay, aniya, ng “pagtitig sa tekstong pampanitikan” ang pagsipat sa
“nakatimong bisa ng konteksto” (xiv-xv), na wala’t dili iba kundi ang sarili nating danas at halagahang
pangkalinangan. Mauulinigan ito sa kaniyang panawagang “ibalik ang panitikan sa bayan” sapagkat
narito ang tunay na lakas at kapangyarihan. Sa pakikipagbanggaan sa banyaga at kolonyal, naniniwala
siyang paráting nananaig ang katutubo at sa proseso’y lumilikha ng kaakuhan 120 Philippine
Studies/Araling Pilipino (“Pasakalye”). Nagmumula ito sa malikhain nitong kakayahang, manghiram at
magangkin pa nga ng mula sa iba. Ibinigay niyang halimbawa ang “panulaang Filipino” bilang
kayariang patuloy na hinuhubog ng dalawang nagtutunggaling tradisyon. Tinagurian niyang
“Balagtasismo” ang una, na aniya’y isang ganap na naisa-Pilipinong poetika na matagumpay na
naghugpong sa mga katutubong elementong kultural at Espanyol. Samantala, “Modernismo” naman ang
ikalawa na isa ring malikhaing tugon ng katutubo sa harap ng Amerikanisasyon noong kolonyalismong
Amerikano. Kung ano’t anuman, pawang mga positibong enerhiya ang idinudulot ng nasabing girian.
Kapuwa, aniya, nagsusulong ang mga ito ng makabayang adhikain–ang pagpapaunlad ng pambansang
wika. Kaugnay nito, ginaganyak niya ang mga manunulat at kritikong Pilipino na baguhin ang

41 | P a g e
perspektibo. Hindi dominasyon ng dayuhang kultura ang dapat itanghal, bagkus, ay ang dinamikong
punyagi ng mga Pilipino na maandukha o maangkin ang mga bagay na mula sa labas sa ngalan pa rin ng
paghahanap ng “kabuluhan sa panloob na realidad at pangangailangan ng Filipinas” (Balagtasismo).
“Bakit Hindi Paksaing Pilipino?”–pamagat ito ng talumpating binigkas ni Bienvenido Lumbera sa
pagtanggap ng Ramon Magsaysay Award noong 1993. Kumpisal ito ng “pagbaligtad” ni Lumbera (ani
Torres-Yu) mula sa nasa-Ingles at kolonyal na diskursong pampanitikan upang harapin ang tunay na
hamon kung paano magiging makabuluhan sa sariling bayan. Inihudyat ng paksang panulaang Tagalog
sa kaniyang disertasyon sa Indiana University ang nasabing pagbaligtad. Para mismo kay Lumbera,
hudyat din ito ng kaniyang “re-edukasyon.” Nang bumalik sa Pilipinas, sinimulan niyang pagnilayan
ang usapin ng wika at nasyonalismo habang aktibong nakikisangkot sa kilusan ng “Filipinisasyon” sa
Pamantasang Ateneo de Manila noong dekada 60. Sa harap ng pamamayagpag ng Ingles, magugunitang
isinulong ni Lumbera ang pagsusulat sa wikang Filipino sa Philippine Studies Journal nang maging
tagapangulo siya ng Department of Philippine Studies sa Ateneo (1968-1970) (Torres-Yu xv). Mula
noon hanggang ngayon, tinindigan niya ang kahalagahan ng wika at panitikan sa paghulagpos sa
Amerikanisadong edukasyon, gayundin ang napakalaking ambag ng mga kilusang panlipunan (“masa”),
higit pa, umano sa mga institusyon ng gobyerno at akademya sa pagpapaunlad ng wikang pambansa
(xvii-xviii). Gaya nina Enriquez, Covar, at Salazar, ibinangon niya ang dangal ng tradisyon ng bayan:
ang katutubong panitikan/panitikang bernakular/lokal/rehiyonal bilang panulukang bato sa pagbuo ng
panitikang pambansa. Resulta ito ng pagmumuni-muni kung para kanino nga ba ang panitikan. At
hahantong siya sa paglilinang ng dalumat ng “bayan at lipunan” na nagsilbing saligan ng tinaguriang
“kritisismong Lumbera.” Isa ito sa maituturing na manipestasyon ng malikhaing pag-aangkin sa
Marxismo sa pamamagitan ng punyaging iugat ito sa sariling kontekstong panlipunan at
pangkalinangan. Subalit hindi rito natuldukan ang kaniyang pagsusumikap na maglinang ng Pilipinong
dalumat. Noong M. J. B. Rodriguez-Tatel 121 1997, sa kasagsagan ng paghamon ng globalisasyon sa
nasyonalismo ng mga bansa, ipinakilala at nililinang niya ang dalumat ng “datíng” bilang panimulang
muni sa estetika ng Panitikang Filipino (Lumbera 92-106). Bahagi ito ng patuloy na punyaging itanghal
ang sining at kultura ng Pilipinas “ayon sa mga pamantayang ibinatay sa pag-alam at pagpapahalagang
katutubo sa atin at kakawing ng ating kasaysayan bilang bansa” (93). Ganap na dekolonisasyon (o
paglaya ng kamalayan) ang prosesong sinasakyan nito. Para kay Lumbera ito ang pangunahing
rekisitong magpapahintulot sa bayan na makapagpasya batay sa pansarili nitong interes sa konteksto ng
pakikipagugnayan sa ibang bansa. Muli niyang iginiit ang papel ng kamalayan bilang lunsaran ng
pakikipagtunggali, sapagkat ang usapin, aniya, “ng estetika ng panitikang Filipino ay usapin ng
kamalayang tunay na Filipino” (93). Mahalaga ang “datíng” sapagkat nakabatay ito sa bisa ng isang
likhang-sining sa ating kultura at kasaysayan. Kung gayon, ito ang salita nating makapagbubukas ng
talakayan sa mga sangkap ng sarili nating estetika (94). Sa diwa ng “dating” isinesentro ni Lumbera ang
perspektiba ng audience sa pagsusuri ng likhang-sining sapagkat ang perspektibang ito higit sa ano pa
man, ang nagpapatampok sa lipunan, kultura, at kasaysayang kinapapalooban ng likha. Pinatunayan
niyang hindi kailanman personal lamang o nakahiwalay sa lipunan ang tugon o interpretasyon ng
audience; bagkus hinuhubog ito ng mga kongkretong kondisyon ng kaniyang lipunan. At dahil may
partikularidad ang bawat lipunan, iginigiit din ni Lumbera na espesipiko ang karanasan at pananaw ng
mga Pilipino sa kabila ng unibersal na batas ng paglikha (100). Lumaganap at yumabong ang mga
binhing kaisipan nina Enriquez, Covar, Salazar, Almario, at Lumbera sa kani-kanilang itinatag at
sinalihang samahan/aralang-grupo, kinasangkutang kilusan, iniakdang artikulo at libro, lampas pa sa
kahingian ng akademya. Sa masigasig na pakikipagtalaban, sa anyo man ito ng pakikipagdebate at/ o
pakikiisang-diwa, di-matatawaran ang bisa nila sa mga kaguro at mag-aaral–sapat na upang masabing
nailagak nila ang muhon ng Pilipinisasyon sa UP–isang mabunying pamana sa kapantasang Pilipino.

KAPANTASANG PILIPINO: TALABAN NG WIKA AT KAALAMAN SA PROGRAMA NG


PHILIPPINE STUDIES/ARALING PILIPINO/ PILIPINOLOHIYA
Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang bisa ng mga naglagak ng “muhon” ng Pilipinisasyon ng kaalaman sa
partikular na larang ng Philippine Studies. Ang mga produksiyon ng tesis at disertasyon ang
magsisilbing batayang materyal ng pagsipat. Anupa’t sa mga nasabing produksiyon matutunghayan ang
dalawang uri ng pagbabanyuhay ng 122 Philippine Studies/Araling Pilipino nasabing larang: una, ang
42 | P a g e
pagbabago ng kapookan o rekontekstuwalisasyon nito mula “araling pang-erya” (sa internasyonal na
akademikong komunidad) tungong “Araling Pilipino”/”Pilipinolohiya”–pag-aaral ng mga Pilipino
tungkol sa mga Pilipino para sa lipunan-at-kalinangang Pilipino; at ikalawa, ang paglinang at paggamit
ng mga kaisipan (konsepto/teorya) at pamamaraan (metodolohiya at praktika) na tuwirang hinango sa
loob ng lipunan at kulturang Pilipino o di kaya nama’y hinalaw mula sa labas, subalit matagumpay na
naangkin ng mga Pilipino. Ito ang proseso ng rekonseptuwalisasyon o pagdadalumat sa loob ng
Kapilipinuhan, yaong iniuugat, inilalapat, at pinapanday sa atin mismong kapookan. Kung ano’t
anuman, nagtatalaban, ano pa nga’t integral sa isa’t isa ang pagpopook at ang pagdadalumat.
Pangunahing pinagbibigkis ang mga ito ng wika bilang pinakakasangkapan ng anumang akademikong
talastasan. Sang-ayon nga kay Salazar (1996, 28) taglay ng wika “...ang kaalaman ng isang panahon...”
At ito ang nais ding patunayan sa papel na ito. Bagaman hindi maaaring katawanin ng iisang sektor
lamang, sa pagkakataong ito, ng mga akademiko, ang kabuuan ng kultura o isang lipunan, hindi pa rin
matatawaran ang papel ng mga iskolar sa paghulma ng kaisipan o diskurso ng lipunan. Kung kaya,
marapat lamang isaalang-alang ang grupong ito bilang pundamental na bahagi ng kabuuan. Sa puntong
ito, mahalagang itanong: paano kinakasangkapan ang wika sa pag-unlad ng kapantasang Pilipino, at sa
proseso’y kinakasangkapan din ng wikang Filipino ang kapantasang ito upang mag-ibayo? Samakatwid,
itatampok sa pag-aaral ang talaban ng wika at kaalaman sa ipinapalagay na rekontekstuwalisasyon at
rekonseptuwalisasyon ng Philippine Studies bilang lunan ng Pilipinisasyon sa akademya.
Kakasangkapanin ang mga produksiyon ng tesis sa tatlong antas (di-gradwado, masterado, at doktorado)
sa wikang Filipino sa nabanggit na programa ng UP. Sa lahat ng ito, tutukuyin ang dalawang direksiyon
ng pagdadalumat. Una, ang malikhaing pagbuo at paglilinang ng mga katutubong konseptong hinango
mismo sa sarili nating wika. Maiaangkla ito sa konsepto ni Enriquez ng “indihenisasyon mula sa loob” o
ang paggamit sa katutubong wika at kultura bilang mga batis o pagkukunan ng teorya, metodo, at praxis
(Enriquez, “Developing” 46). At pangalawa, ang paghalaw at pag-aangkop/ adaptasyon, at/o pagsasalin
ng mga konseptong mula sa labas upang mailapat sa pag-aaral ng karanasang Pilipino. Maiaangkla pa
rin ito sa “indihenisasyon mula sa labas” (ni Enriquez). Sa pamamagitan ng ikalawa, nagaganap ang
malikhaing proseso ng pag-aangkin. Sapagkat hindi umiiral sa vacuum ang mga intelektuwal. Sa yugto
ng kanilang buhay-akademiko, napaghasikan rin sila ng mga banyagang konsepto at kaisipan, gaya ng
matutunghayan sa mga kaso nina Salazar at ng nouvelle histoire, Covar at structural functionalism,
Lumbera at Marxismo, Almario at pormalismo. Subalit ang pinakamahalaga’y napananaig ang
pagkamalikhain at kakayahan mula sa mga ito. Bakit at paano? Mauulinigan ang esensiya ng pag-
aangkin sa paglilinaw ni M. J. B. Rodriguez-Tatel 123 Salazar sa “pagsasa-Pilipino at pagpapasa-
Pilipino” ng anumang disiplina. Aniya, isa itong buong prosesong “nasasalalay sa diwa ng adaptasyon at
orihinalidad ng mga Pilipino bilang indibidwal at bayan” (Salazar, “Pilipinolohiya” 332). Dapat,
aniyang matantong hindi lamang ito mula sa labas kundi mula rin sa loob ng kulturang Pilipino. Ibig
sabihin, kailangan munang kilalanin at maunawaan ang sarili: ang sariling kalinangan, kalagayan at
pangangailangan na siyang magtatakda ng pamantayan ng kaangkupan ng mga idea at bagay na
aangkinin. Hindi aniya kailanman mailalapat nang buong-buo ang alinmang teorya o metodolohiyang
mula sa labas sa ating realidad sapagkat bawatkultura, gawa-at-gawing kultural ay isang sistema ng
pakahulugan. Tanging sa paggamit lamang ng sariling wika bilang “prisma ng interpretasyon ng isang
kultura” maiaangkop at maaangkin ang mga kategoryang hiram. Sa gawaing ito napakahalaga, umano,
ng pagsasalin (332, 335-336). Upang higit na mauunawaan ang akademikong konteksto ng nasabing
produksiyon ng kaalaman, itatagni sa talakayan ang kaligirang historikal ng pag-unlad ng programang
“Philippine Studies” sa UP sa iba’t ibang antas–di-gradwado at gradwado. Partikular sa programang
gradwado (master at doktorado), na nagbibigay-diin sa kakayahan ng mag-aaral sa pagtangan ng
metodolohiya at pag-aambag sa larang ng pagteteorya, mahalagang mabigyan ng maikling anotasyon
ang mga pag-aaral sa layuning masipat kung paano naisagawa ang pagpopook at pagdadalumat sa
karanasang Pilipino. Masasabing isang bahagi pa lamang ang pag-aaral na ito ng napakalawak na
proyekto ng pagmamapa ng direksiyon ng programa mula noon hanggang ngayon. Bilang preliminaryo,
ililimita muna ang mga gagamiting datos sa unang apat na dekada (mula 19672 hanggang 2007) ng pag-
iral ng programang di-gradwado sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP).
Mahalagang iugnay ang pagsulong ng kabuuang programa ng Philippine Studies sa UP sa nasabing
departamento sapagkat dito unang naisagawa ang pihit pangwika (linguistic turn) sa produksiyon ng
mga tesis mula Ingles. Taong 1967 nang magkaroon ng unang gradweyt ang B.A. Philippine Studies sa

43 | P a g e
noo’y Department of Pilipino and Philippine Literature (ang DFPP ngayon) (Teodoro, Appendix A).3
Bumibilang naman sa 120 taon noong 2007 ang artikulasyon ni Rizal (mula 1887) sa minarapat niyang
pagaanyo ng kolonyal na “Philippine Studies.” Bahagi rin ng delimitasyon ang pagkakaroon o kawalan
ng kopya ng mga tesis at disertasyon. Sa panahong ito (1967- 2007), yaong may kopya lamang sa
aklatan o iba pang repositoryo ng UP ang natugaygayan. Para sa antas di-gradwado, may petsang 1991
ang pinakamaagang kopyang natagpuan at 1974 naman para sa gradwado (kapuwa master at doktorado),
kung kaya, ang mga tesis sa mga taong ito lamang ang tuwirang nasaklaw ng pagsisiyasat.

PRODUKSIYON SA ANTAS DI-GRADWADO: ANG KARANASAN NG B.A. ARALING


PILIPINO
Pormal na itinatag ang Bachelor of Arts in Philippine Studies sa noo’y Institute of Asian Studies (IAS)
ng College of Liberal Arts (CLA) noong 1955 sa UP. Bilang isang interdisiplinaryong programang
idinisenyo upang makalikha ng lugar para sa mga Pilipino at di-Pilipinong estudyante na mapag-aralan
ang mga institusyon at kulturang Pilipino, nilayon nitong tugunan ang pangangailangan ng isang
“pinagugnay-ugnay na pag-aaral” (“integrated study”) ukol sa Pilipinas batay sa humanidades at mga
agham panlipunan (University of the Philippines Catalogue 1964-1965, 795). Subalit hindi lamang
pangangailangan sa akademya ang tinugunan nito, lalo’t higit ang pangangailangan ng bayan. Naging
lugar ito ng aktibong pakikisangkot ng mga Pilipinong iskolar sa mga araling pampamayanan (village
community studies), gamit ang oryentasyong inter/multidisiplinal, na idinisenyo noong dekada 50 upang
tulungan ang mga punyagi para sa muling pagbangon ng mga komunidad na nasalanta ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig (Conaco 24; S. L. Mendoza 53). Noong 1960, itinatag ang College of Arts and
Sciences (CAS) o Kolehiyo ng Sining at Agham (KSA), mula sa dating CLA upang saklawin ang lahat
ng di-gradwadong antas sa humanidades, agham panlipunan, agham, matematika at mga wika, upang
bigyang-daan ang mga digring Bachelor of Arts at Bachelor of Science. Sa loob nito, nakipagsabayan
ang Philippine Studies (PS, mula ngayon) sa American Studies bilang area studies kasabay ng mga
kursong disiplinal na maaaring kuhanin ng mga estudyante sa kanilang batsilyerato. Nang maitatag ang
Department of Pilipino and Philippine Literature (DPPL) bilang bahagi ng CAS noong 1966, nailipat din
dito ang programa sa di-gradwadong antas (Yabes 2). Nasaksihan sa pangyayaring ito ang simula ng
pag-aanyo ng programa mula simpleng area studies tungong isang Pilipinong diskurso sa bisa ng
paggamit ng wikang pambansa. Sumulong ang programang di-gradwado kakawing ng mga pangunahing
adhikain at paninindigan ng DPPL. Bukod sa pagbibigay ng abanseng instruksiyon sa wika at panitikang
Pilipino, nilayon ng departamento na maisagawa rin ito sa “mas malawak na larang ng Philippine
Studies.”4 Muling pinangalanan ang departamento noong 1976 bilang Department of Filipino and
Philippine Literature (DFPL). Sa kaniyang panunungkulan bilang tagapangulo ng departamento sa taong
ito, nawika ni Petronilo Bn. Daroy na: “ang Departamento ang nag-iisang yunit sa Kolehiyo na ganap na
nakatuon sa kabuuan ng larang na Pilipino” (Daroy 2; akin ang salin). Maaari, diumanong bigyang-diin
ng ibang mga departamento ang Philippine Studies bilang isang programa ng “special studies,” pero
nananatiling disiplinal ang tuon sa pangkalahatan M. J. B. Rodriguez-Tatel 125 (e.g., history, political
science, sociology, atbp.). Samantala, may espesipikong papel ang DFPL, ang iukol ang pananaliksik at
instruksiyon nito sa pinakatiyak na larang ng kulturang Pilipino, gamit ang isang interdisiplinaryong
lapit na nag-uugnay sa mga humanidades at agham panlipunan (Daroy sipi kay Teodoro 17). Kung
tutuusin aniya, “ang buong departamento ay Philippine Studies” (akin ang salin), sapagkat isa sa mga
espesipiko nitong gawain ang tumuon sa mga pananaliksik at pagtuturo sa napakatiyak na larang ng
Kapilipinuhan–ang wika, panitikan, at kultura. Noong 1991, isina-Filipino ang pangalan ng programa,
(i.e., B.A. Araling Pilipino) batay sa panukala ng noo’y tagapangulong Patricia Melendrez-Cruz.
Masasalamin sa hakbanging ito ang tahasang paninindigan para sa pagbubuo ng tunay na diskursong
Pilipino. Sa tatlong kolehiyong nagtataguyod ng programang PS, ang KAL sa pamamagitan ng DFPP
ang siyang tanging kumupkop sa antas di-gradwado sa agos ng panahon. Pinagsumikapan din ng
departamentong palaganapin ang “kamalayang Araling Pilipino” lalo na sa mas malawak na bilang ng
mga di-gradwadong mag-aaral sa pamamagitan ng kursong General Education (GE) nito na Araling
Pilipino 12: Suroy-suroy sa Wika, Panitikan at Kultura sa mga Isla ng Luzon, Visayas at Mindanao
(Fabros). Sa bahaging ito mahalagang tingnan ang naging kalakaran ng produksiyon ng tesis di-
gradwado bilang isang mayamang lunan ng Pilipinisasyon ng PS. Bagama’t nagsimula ang programa
noon pang 1966 sa Departamento, taong 1991 lamang ang petsa ng pinakamaagang tesis na nakalagak

44 | P a g e
ngayon sa Aklatang KAL. At mula 1991 hanggang 2007, nakapagtala ng 132 tesis na naakses para sa
pag-aaral na ito. Diumano, noon lamang huling dekada ng siglo 20 naging praktis sa Kolehiyo ang
pagbibigay ng kopya ng di-gradwadong tesis sa aklatan.5 Mula sa nasabing kabuuang bilang, 44 o 33.33
% ang kinakitahan ng tuwirang paggamit ng mga pananaw, konsepto at metodong binigyang-daan ng
mga nabanggit na pangunahing tagapagsulong ng Pilipinisasyon. Sa lahat ng ito, kapansin-pansin ang
napakalaganap na paggamit ng SP na makikita sa sumusunod na pag-aaral: (1) kalimutang libangan
(leisure activity) ng mga pamilyang may pre-schooler, batay sa dalumat ng “sikolohiya ng libangan”
(Manila); (2) karahasang seksuwal sa mga lugar ng trabaho (Caranay); (3) batang kalye at ang papel ng
Center for Migrant Youth (Cortez); (4) kaugalian at katangiang Pilipino sa komiks ni Jess Abrera na
‘Pinoy Nga’ (Tarun); (5) kultura ng mga kabataan sa mga videoke bars (Vasquez); at (6) edukasyonal na
gamit ng piling kuwentong lamanlupa para sa bata (Pasanas). Samantala, dalumat ng “bayan” ni Salazar
ang ipinambalangkas sa mga pag-aaral tungkol sa politikal na pakikisangkot ng simbahan sa gobyerno
sa karanasan ng Makati (Binay); gayundin sa bayan sa pelikulang Pilipino (Caleon), patalastas para sa
public service ni Pang. 126 Philippine Studies/Araling Pilipino Arroyo (Barba), at representasyon ng
panday sa panitikan, pelikula, at lipunang Pilipino kung saan iniugat sina FPJ, Bong Revilla at Jinggoy
Estrada sa kalinangang bayan sa bisa ng pelikulang bakbakan (Cheng). Madalas ding pinagkakawing-
kawing ang mga dalumat nina Enriquez, Covar, at Salazar gaya ng matutunghayan sa sumusunod: (1)
seksuwal na mensahe sa mga awit ng mga bata sa mga maralita ng lungsod batay sa dalumat ng “diwa,”
“kamalayan,” “ulirat,” “isip,” “kalooban,” at “kaluluwa” (V.K. Flores); (2) pag-unawa sa dinamika ng
ugnayang bida-kontrabida sa mga pelikulang pinarangalan ng URIAN mula 1980-1985 gamit ang
“bayan” at kaalamang-bayang dalumat ng pagkataong Pilipino (Caleon); (3) litigasyon sa Brgy. Duyan-
duyan, Lungsod Quezon na binalangkas ng “kapuwa,” “hiya,” “katarungan” at “pagkakapantay-pantay”
(Tayag); (4) ugaling Pinoy sa mga kuwento ni Maximo Ramos alinsunod sa Pagkataong Pilipino ni
Covar at SP ni Enriquez (Coronel); (5) debosyon sa Birhen ng Piat sa kultura ng mga Ytawes ayon sa
“katutubong Kristiyanismo” ni Covar at metodolohiyang SP (Cabrido); (6) pagpapatawa bilang
pahiwatig ng mga halagahan, kaakuhan, at pananaw-pandaigdig ng Pilipino sa mga akda ni Bob Ong,
tampok ang mga kaisipan ni Covar tungkol sa pagkataong Pilipino, kaugnay ng dalumat ng
pakikipagkapuwa ni Enriquez (Petras); at (7) pagsipat sa kamalayang nakapaloob sa patalastas o mga
public service advertisement sa mga proyekto at programa ni Pangulong Arroyo sa hulma ng Pantayong
Pananaw at mga metodong SP (Barba). Mga kaisipan naman ni Almario hinggil sa Balagtasismo at iba
pang usaping pampanitikan ang bumalangkas sa antolohiya ng mga tulang nagwagi sa Gawad Palanca
mula 1986-1996 (Demafeliz), gayundin sa pagsusuri sa mga tula sa “The Work” ng Tarlac State
University mula 1993-1999 (Macabulos). Iniugnay rin ang kritisismo ni Almario sa mga kaisipan nina
Salazar at Covar sa pagsusuri ng imahen ni Noli de Castro bilang “Kabayan” sa kaniyang politikal na
karera (Cayabyab). Samantala, prinoblematisa ang kalidad ng pelikulang Pilipino sa kasalukuyan
alinsunod sa dalumat ni Lumbera (S. De la Cruz). Sa ganang metodolohiya, hinahango rin mula sa SP
ang “maka-Pilipinong” metodong gaya ng pakikiramdam, pakikipagkapuwa, pagtatanong-tanong,
pakikipagkuwentuhan, pakapa-kapa, pakikisalamuha, at pakikiugaling-pagmamasid na ginamit sa ilang
pagaaral (cf. Barba, Brosas, Cabrido, Caranay, Cortez, Jumento, V. Flores, Manila, Robles, Tarun,
Tayag, at Vasquez). Samantala, matutunghayan ang higit na bilang ng mga nag-angkop ng mga teorya/
konsepto at metodolohiyang Kanluranin–siyamnapu’t dalawa (92) o 69.7% ng kabuuan. Pangunahin na
rito ang teoryang Marxismo at/o lapit Marxista sa mga M. J. B. Rodriguez-Tatel 127 sumusunod na pag-
aaral: aktibismo ng dekada 60 sa maikling kuwento ni Virtusio (Rodriguez); representasyon/imahen ng
Pilipinas sa Asiaweek (J. de la Cruz); politika ng pelikulang Pilipino (Rubio); politika at relihiyon sa
pamahalaang lokal ng San Fabian (Victorio); imahen ng paghihimagsik sa mga “Rosales Quintet” ni F.
Sionil Jose (M. Santos); Kristiyanong sosyalismo sa “Pasion ding Talapagobra” (Viray);
komodipikasyon ng taglines sa mga patalastas (Maristela); theology of liberation sa Pilipinas
(Villanueva); underground economy ng mga manininda sa UP (Paulino); programang pantelebisyon
para sa mga may kapansanan (Dela Cruz); papel ni Adrian Cristobal sa pagsulong ng panitikang Pilipino
(Sombillo); awit bilang propaganda (C. Gonzales); mga tula ng magsasaka bilang lunsaran ng pag-
unawa sa kalagayang pampolitika at pang-ekonomiya (Robles); ideolohiya at panitikang pambata
(Añorico); [mis]representasyon ng New People’s Army sa pelikula (Borlongan); at “pagpapanibagong-
hubog” ng mga aktibistang kabataan-estudyante (L. Garcia). Nagsasanga rin ang Marxistang pagbasa sa
usaping pangkasarian at iba pang anyo ng kulturang popular. Makikita ito sa paglalapat ng Marxistang

45 | P a g e
peminismo sa komodipikasyon ng kababaihan sa mga sexy stars sa programang komedi (Siman),
kababaihan sa mga piling tula ni Lilia Quindoza Santiago (Ricamata), at mga tulang pangkababaihang
nasa batayang sektor (Esguerra-Melencio). Samantala, may bakas ng pag-aangkin sa paggamit ng
“teorya ng pag-alpas” upang mailapat ang ideological state apparatus ni Louis Althusser sa pag-aaral
tungkol sa kababaihan at programang “Women’s Desk” (Padilla). Ginamit din ang nasabing
pormulasyon ni Althusser sa mga paksa ng kulturang popular gaya ng subkulturang skinheads
(Pangilinan) at anime series (Espiritu); gayundin ang political economy ng media sa “infotainment”
bilang komodipikasyon ng balita (Juanson) at ang “ideology” ni James Kavanagh sa pagsusuri ng mga
liham kay Tiya Dely (Lapuz). Kinasangkapan naman ang critical discourse analysis ni N. Fairclough sa
dalawang pag-aaral tungkol sa midya ng pangmadlang komunikasyon: ang radyo at diyaryo bilang mga
teksto ng diskurso. Sa una, sinuri ang programang tambalang “Balahura at Balasubas” ng Love Radio
90.7 (Ilan) at sa ikalawa, krinitika ang diskurso ng objectivity sa politika ng pamamahayag kaugnay ng
Trahedya ng Wowowee (Lagmay). Matutunghayan ang iba pang iniangkop na kaisipan at metodolohiya
sa mga sumusunod: (1) social network theory sa mga Pilipinong domestic helper sa Singapore (Natilda);
(2) cumulative causation theory ni K. G. Myrdal sa wika at kalagayang pangekonomiya sa Pilipinas
(Seludo); (3) teorya ng kulturang popular sa soap operang “Valiente” (Gimenez Maceda); (4) political
culture approach at political communication nina D. Paletz at A. Schmid sa terorismo sa pahayagan (A.
Reyes); (5) semiotics sa: papel ng pantasya sa paghubog sa mga bata (J. Fabre), signipikasyon 128
Philippine Studies/Araling Pilipino ng mga estruktura bilang isang alternatibong paraan ng paglalahad
ng kasaysayan ng Iglesia Filipina Independiente (Yraola), representasyon ng kababaihan sa mga
nobelang popular (Cabuday) at magasin (A. Bautista), pagsasapelikula ng nobela (Espiritu), at
ilustrasyong pambata (Haz); (6) radical feminism sa kababaihan sa dula ni Luna Sicat-Cleto (Alfonso);
at iba pang pormulasyon ng peminismo sa karahasang pantahanan sa kababaihang may-asawa (D.
Martinez) at imahen ng peministang Pilipina sa nobela (Austria); (7) deconstruction ayon kay J. Derrida
sa pagdadalumat ng lipunan at politika sa comic strip na ‘A.Lipin’ ni Jess Abrera tungkol sa eleksiyon
ng 1998 (Medina); (8) phenomenology sa komunidad ng mga Amerasian sa Olongapo bilang isang
kontemporaryong pamilyang Pilipino (Macagba); (9) pragmatics ni J. Mey sa ugnayan ng wika,
identidad, at nasyonalismo (Galac); (10) problem/process correspondences in language planning ni J.V.
Neustupny sa pagsasabatas ng mga palising pangwika (1987-1997); (11) orientalism ni E. Said sa
kababaihan sa pelikula (M. Bautista); (12) pinag-ugnay-ugnay na aggressive cues ni L. Berkowitz at
observational learning theory nina Bandura at Walters sa programang pambata sa telebisyon (Collado);
(13) ethnomusicology ni P. Bohlman sa mga awiting-bayang Cuyunon (N.F. de Guzman); (14)
postmodernistang konsepto ng “signification” ni J. Baudrillard at traditional aesthetic criticism ni
Thompson sa kababalaghan sa programang pantelebisyon (J. Cruz); (15) intermediary model of
communication sa pagtuturo ng kuwentong pambata (Lacsamana); (16) cultural criticism ni A. A.
Berger sa mga kuwento tungkol sa EDSA 2 (Ibarra); (17) social realism sa representasyon ng pagtataksil
sa pakikidigmang bayan sa mga dramang alegoriko (Palmes) at pagsusuri sa kamalayan ng mga
tagalungsod sa panitikan (Abaquita); (18) estrukturalistang pagbasa sa pagsusuri sa mga kuwentong
pambata ni Rene Villanueva (Narvaez); (19) policy process analysis sa palisi sa wika ng UP mula 1998-
2004 (Agdigos); (20) discourse analysis sa diskurso ng IBON Foundation, Inc. (Baylon); (21) reflection
hypothesis ni G. Gerbner na iniugnay sa sex role learning theory at gender inequality approach to media
organization para sa komodipikasyon ng kababaihan sa tabloid (Bello); (22) cultural consumerism sa
pagsusuri kay Dolphy bilang ama sa media (Malate); (23) sociology of food ni H. Klein sa etnograpiya
ng kainan sa UP Campus (Florendo); (24) functionalism ni E. Haas sa integrasyon ng Tsinoy sa
lipunang Pilipino (D. Flores); (25) structural-functionalism sa tutorial centers sa labas ng pormal na
sistema ng Edukasyon (Tumanda); (26) intertexuality ni Umberto Eco sa mga liham ng mga Pilipinang
kasambahay sa Hongkong (Tirol); (27) teorya sa advertising na AIDA (Attention, Interest, Desire,
Action) sa seksuwalidad at konsumerismo sa FHM magazine (Valenzuela); (28) sex role learning theory
sa seks at karahasan sa pahayagang Bulgar (Magcamit); (29) context, input, product, process evaluation
approach ni D. Stufflebean sa implementasyon ng Makabayan Kurikulum sa Lagro High School
(Caligner); (30) communication model ni D. Berlo sa retorika at M. J. B. Rodriguez-Tatel 129
ideolohiya sa kolum ni de Quiros (Rabino); (31) political communication ni B. McNair sa pamumuno ni
Pangulong Arroyo (Suing); at (32) semiotics ni S. Hall at mimetic theory of art ni Plato sa pagsusuri sa
pelikulang may temang “seks” sa panahon ng diktadurya (Manucdoc). Kapansin-pansin din ang

46 | P a g e
kalakaran tungo sa sinkretismo o pag-uugnay-ugnay ng higit pa sa dalawang
teoretisasyon/konseptuwalisasyong mula sa labas. Maituturing itong pagpapaluwag o pagpapalawak ng
hanggahan ng mga kaisipan–na sa katunayan ay isa ring paraan ng muling pagtatakda ng kahulugan ng
mga ito batay sa sariling pagtataya ng mananaliksik na Pilipino. Makikita ito sa sumusunod na pag-
aaral: (1) buhay-siyudad sa mga fashion magazine sa Pilipinas gamit ang post-modernismo ni J.
Baudrillard, semiotika at kulturang popular nina U. Eco, J. Fiske, N. Stevenson, S. Hall at J. Storey, at
deconstruction ni Derrida (J.E. Mendoza); (2) tradisyon ng siste at satira batay sa collective memory ni
M. Halbwachs, collective consciousness ni K. Jung, at Foucaultian analysis ni M. Foucault sa (V. H.
Flores); (3) kuwentong pambata sa pagtuturo ng matematika sa balangkas ng constructivist theory ni J.
Bruner, didactic theory at schemata ni R.C. Anderson; (de la Peña); (4) imahen ng kababaihan sa
telebisyon batay sa mass communication theory ni D. McQuail, feminism ni G. Pollock, at teorya ukol
sa race, class and sexuality ni N. Mandell (J. Garcia). Samantala, higit na madarama ang pagsusumikap
na maangkin ang banyagang pormulasyon sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga ito sa pagdadalumat
mula sa loob. Isa rin itong uri ng sinkretismo o malikhaing paghuhugpong ng “loob” at “labas.”
Matutunghayan ang ganitong kalakaran sa sumusunod na paksa: (1) kababaihan sa mga nobela nina
Barrios, Bautista, at Matilag gamit ang content analysis bilang metodolohiya, habang naglalangkap ng
ilang konsepto mula sa SP (Campoamor II); (2) pilosopiyang “Ako” ni A. G. Abadilla gamit ang
psychoanalysis, SP, at PtP (Yap); (3) wika at kulturang Pilipino sa internet batay sa mga teoryang
dynamic social impact ni B. Latane, social identity at social presence nina J. Short, E. Williams, at B.
Christie na iniugnay sa mga kaisipan ni Salazar ukol sa wika at kulturang Pilipino (Callueng); (4)
pagsusuri sa salin ng kodigo sibil ni Cezar Peralejo na nilangkapan ng mga kaisipan ni Almario tungkol
sa tatlong dimensiyon ng salin ayon sa balangkas ng applied translation ni P. Newmark at
metodolohiyang comparative analysis ni R. van den Broeck (Abad); (5) penomenong “okrayan” sa
telebisyon” (Lobramonte) na dumukal ng konseptuwal na kasangkapan mula sa “multilayered structure”
ni Adorno, “hiya” ni Salazar at “kapuwa” ni Enriquez; (6) kasaysayan at kalagayang ekonomiko-
politikal ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita batay sa kanilang mga tula na nilapatan ng katutubong
konsepto ng “bayanihan” hindi lamang bilang gabay konseptuwal kundi bilang isa ring batayan ng
metodo sa pananaliksik (i.e., pakikipamuhay) kaugnay ng 130 Philippine Studies/Araling Pilipino
pagsusuring nakahulma sa political economy ng Marxismo (Robles); (7) imahen ng bata sa
nagbabagong pamilyang Pilipino gamit ang panunuring tekstuwal, psychosocial theory ni E. Erikson at
Sikolohiyang Pilipino (Comia); (8) kritika ng suliraning ideolohikal ng burges sa panitikang pambata
ayon sa mga kaisipang Marxista, Maoista, at panunuring semiotika ni Alice Guillermo (Añorico); (9)
isang uri ng lamay sa patay gamit ang teoryang life span at human development ni C. Haynes na
iniugnay sa “kapuwa” ng SP (Hesido); (10) impersonasyon kay Pangulong Arroyo at inilangkap dito ang
psychoanalysis ni S. Freud at cultural criticism ni M. Bakhtin sa konseptuwalisasyon nina Enriquez
(“kapuwa”), Salazar (“hiya”), Covar (“pagkataong Pilipino”) at Nuncio (“pantawang pananaw”)
(Soriano); at (11) dula-tulang “Iskolar ng Bayan” na ginamitan ng dalumat ng “datíng” ni Lumbera at
“theatricality” ni S. Smiley (Dacanay). Sa partikular, tatlong pag-aaral ang nagkawing ng pormulasyon
ni Lumbera ukol sa kulturang popular sa mga teoretisasyon mula sa labas, i.e., discourse theory,
semiotic approach in media studies, orientalism ni Said, at cultural theory and popular culture ni J.
Storey sa diskurso ng nasyon sa representasyon ng Muslim sa pelikulang Pilipino (Fajilan); political
economy ni T. Eagleton at four theories of the press nina F. Siebert, T. Peterson, at W. Scramm sa
pagsusuri ng Ilocos Times bilang pahayagang pampamayanan sa panahon ng Batas Militar (Onifa); at
content analysis at intertextuality sa kababaihan sa mga nobela ni Barrios (Oliva). Maibibilang din sa
naturang sinkretismo ang paggamit ng teoretisasyong mula sa iba pang Pilipinong iskolar na nagpalawig
sa mga kaisipang mula sa labas at matagumpay na nailapat sa sarili nating konteksto. Sa paglalarawan
ng mga kontrabidang babae sa telenobela itinahi ang reflective-projective theory of broadcasting ni Lee
Loevinger sa “kulturang popular” ni Rolando Tolentino (Zorilla). Habang ginagabayan ng dalumat ng
nasyonalismo ni Renato Constantino, gumamit naman si R. Rodriguez ng lapit na context, input, process
and product evaluation (CIPP) ni D. Stufflebean sa pagsusuri ng RGEP batay sa disenyo at
implementasyon nito sa mga GE sabjek ng DFPP. Sa puntong ito, dalawang partikular na akda ang
mahalagang banggitin bilang modelo ng mabisang pag-uugnay ng mula-sa-loob at mula-sa-labas na
pagdadalumat hinggil sa usapin ng pag-aangkin ng elementong kultural. Una, sa paksang ekspresyon ng
espasyong Pilipino sa mga piling pagtatanghal (C. Garcia), pinagyaman ang dalumat ng “loob” ni Albert

47 | P a g e
Alejo habang inihuhugpong ito sa “space as cultural experience” ni H. Lefebvre at “other spaces” ni M.
Foucault. Pinatunayan ng akda na sa kabila ng pagpasok ng pormalisadong tradisyong panteatro mula sa
Kanluran, nagpatuloy, umangkop at nakikipagsalimbayan sa pag-iral ang ekspresyon ng kaakuhan ng
Pilipino. Sa pangalawang halimbawa, sinuri ang salin ng tekstong Koreanovelang “Jumong” at M. J. B.
Rodriguez-Tatel 131 ipinakita kung paano ito naisalin at naangkin sa kapookang Pilipino (Corteza).
Naipakita ang pagpopook at pag-aangkin sa sumusunod na aspekto: (1) higit na nakakiling ang
bersiyon/salin sa wikang Filipino; at (2) inunawa ang kabayanihan ni Jumong sa dalumat ng “bayani” sa
kalinangang Pilipino. Sinuportahan ang unang asersiyon ng metodolohiya ng communicative translation
ni Newmark. Samantala, dinukal naman ang ikalawa batay sa mga pag-aaral nina Salazar, Isagani Cruz,
Ricardo Ma. Nolasco, at Eugene Evasco hinggil sa kabayanihang Pilipino. Sa kabuuan, makikita rito ang
pagkakaroon ng bisa sa isa’t isa ng Pantayong Pananaw ni Salazar, konsepto ng “talaban” sa
pakahulugan ni Ramon Guillermo at “teritoryalisasyon” nina Jonathan Xavier at Renato Rosaldo upang
tindigan ang tesis na “may kapangyarihan ang lokal na makipagnegosasyon sa global” (Corteza v).
Samantala, naiiba namang pag-uugnay ng mga kaisipang mula sa loob at labas ang ginawa ng mga pag-
aaral nina Lermie Shayne Garcia at Sunshine Martinez). Sa una, hinamon ang batayang palagay ng
pagdadalumat sa “loob” bilang “kabuuang walang lamat” sa pamamagitan ng panunuring Marxista.
Itinampok ang kasalimuotan ng prosesong pinagdaraanan ng mga kabataan-estudyanteng aktibista mula
sa kanilang suhetibong interes (bilang mga peti-burges) patungo sa obhetibong interes ng nakararami o
kaisipang proletaryo. Tinagurian itong “rebolusyonaryong pagpapanibagong-hubog” na batbat ng mga
kontradiksiyon. Samantala, sa ikalawa, siniyasat ang kabayanihan ni Manny Pacquiao bilang lunan ng
tunggalian sa pagitan ng mga nagtatanghal (puwersa mula sa itaas/mga kapitalista) at mga tumatanggap
(puwersa mula sa ibaba/masa) ng kulturang popular. Sa ganang ito, pinagtapat ang mga pormulasyon
nina Salazar at R. Tolentino upang salungguhitan ang mga salungatan sa pagpapakahulugan kay
“Pacman” bilang teksto ng kabayanihang Pilipino sa isang banda, at ng kulturang popular sa kabila.
Bagaman di-tuwirang nagpahayag ng paggamit ng mga Pilipinong dalumat, mahalaga ring banggitin ang
mga akdang nagtatampok sa kaugnayan ng wikang Filipino sa iba pang larangan. Sa pag-aaral ni
Seludo, tiningnan kung may relasyon ang pag-unlad ng wikang pambansa sa mga usaping pang-
ekonomiya. Nariyan din ang “Pagsusuri sa Kakayahan ng Filipino Bilang Wikang Panturo sa Statistics
101” (Estanislao) at ang “Wika at Pagbubuo ng Kagamitang Panturo: Proseso at Produkto” (Alonzo)
bilang halimbawa ng mga punyagi para sa ibayong intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wikang
panturo sa ibang disiplina at/o kurso sa Unibersidad. Mula naman sa malikhain pa ring pag-uugnay-
ugnay ng iba’t ibang metodo sa iba’t ibang disiplina, nabuo ang tinatawag nilang “lapit na Araling
Pilipino.” Ginagamit din ito upang tukuyin ang isang konseptuwal na gabay sa pagbalangkas ng
pananaliksik 132 Philippine Studies/Araling Pilipino sa kultura at lipunang Pilipino sa kabuuan.
Matutunghayan ito, halimbawa, sa komodipikasyon ng caregiving sa pamilyang Pilipino (Toledo).
Mahalaga ring kilalanin ang pagsusumikap ng mga mag-aaral na bumalangkas ng sarili nilang batayan
ng pagsusuri, gaya ni Aaron Grajo Laylo. Sa kaniyang “Haha!: Mga Patawang Politikal sa Text” nilikha
niya ang tinagurian niyang “IPPT” o ang “Indibidwal at ang Patawang Politikal” bilang gabay-
konseptuwal. May mga pag-aaral ding walang binabanggit na teorya o konseptuwal na balangkas;
subalit nag-aambag sa paglilinang ng pambansang diskurso. Nasaksihan ito sa sumusunod na pag-aakda:
“bayan” sa EDSA Dos (M.L. de Guzman), mga alamat ng Angono (E.D. Medina), Opus Dei sa Pilipinas
(G. Gaddi), sentro ng rehabilitasyon ng mga bata (Cadid), doktrina ng abuloy at handog ng Iglesia ni
Kristo (Mones), salin ng Noli Me Tangere (Villamarin), papel ng public relations sa kampanya sa
pagkapangulo (F. Bautista), historikal na paglalarawan sa Iglesia Filipina Independiente (IFI)
(R.Santos), patalastas ng DOT sa telebisyon (C. Cruz), at ang lipunan at panitikan sa mga premyadong
maikling kuwento (G. Mendoza). Kung ano’t anuman, patunay ang lahat ng ito ng malay na
pagpupunyagi ng mga Pilipinong iskolar na isulong ang Philippine Studies sa wikang Filipino. Sa
pamamagitan man ito ng tuwirang paggamit ng mga kaisipang nilinang gamit ang mga sariling konsepto
o iniangkop at inangkin mula sa labas, pag-aambag sa paglilinang ng lapit na Araling Pilipino o
pagtatangkang maglinang ng sarili mismong dalumat na maiaambag dito, naisusulong ang isang
pambansang diskurso.

48 | P a g e
ANTAS GRADWADO: ANG KARANASAN NG MASTER (M.A.) AT DOKTORADO (PH.D.)
SA ARALING PILIPINO / PILIPINOLOHIYA / PHILIPPINE STUDIES
Ganito ang karaniwang makikita sa pamagat na pahina ng mga akdang nabuo sa ilalim ng mga
programang gradwado: “Araling Pilipino,” “Araling Filipino,” “Aralin sa Pilipinas,”
“Pilipinolohiya”/”Filipinolohiya6 at “Philippine Studies”—patunay sa kawalan pa ng estandardisadong
pangalan ng programa, gayundin ng kasalimuotan ng kasaysayan ng pag-unlad nito. Mababanaag dito
ang dinamikong tagisan, tunggalian at pagsasanib, isang mayamang talaban ng mga kolehiyo at/o
akademikong institusyong kumupkop sa programa sa agos ng panahon. Wala pang dokumentong
nakakalap ang mananaliksik hinggil sa tiyak na petsa ng pagkakatatag ng programang gradwado, sa
partikular, ang master sa PS sa UP. Subalit M. J. B. Rodriguez-Tatel 133 may mga dokumentong
maaaring pagbatayan ng maagang pag-iral nito. Una, naitala sa pulong ng University Council
(Unibersidad ng Pilipinas 1967, 1) ang course description ng kursong Philippine Studies 300 bilang
Master’s Thesis. Ikalawa, taong 1974 nang igawad kay Nicanor Tiongson ang digring M.A. in
Philippine Studies, ang kauna-unahang gradweyt ng master sa noo’y Department of Pilipino and
Philippine Literature ng CAS (Teodoro 9). Sa taon ding ito, may dokumentong nagsasaad ng panukala
para sa institusyon ng isang Ph.D. in Philippine Studies sa Unibersidad (Unibersidad ng Pilipinas 1974,
4). Batay naman sa University of the Philippines Catalogue (1977-1978), mayroon nang Institute of
Philippine Studies (IPS) bago pa itatag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Philippine Center for
Advanced Studies (PCAS) noong 1972. Ang IPS ang nangangasiwa sa tatlong degree program na
nakabase noon sa Asian Center (AC): (1) ang Master of Arts in PS (M.A.) na may tesis; (2) Master in PS
(M.P.S.) na walang tesis; at (3) Doctor of Philosophy in PS. Mula sa Asian Center, binuo ang PCAS,
isang semi-awtonomong unit sa UP System, bilang “think tank” ng rehimen, at ipinailalim ang IPS dito.
Tampok sa programang doktorado ng PS ang tatlong pangunahing larangan na maaaring
pagkadalubhasaan ng mga estudyante: (1) Philippine bureaucracy, (2) Philippine external relations, at
(3) Philippine society and culture (552-553). Anupa’t ayon kay Covar (“Pagtataya”) ang Ph.D. sa PCAS
ang naging instrumento ng pagsasanay at paglikha ng mga “kadreng” magsisilbi sa estado bilang lokal
na katumbas ng mga “academic mandarin” ng Tsina sa panahon ni Mao Zedong. Anupa’t nagsilbing
hamon ang mga udyok ng gobyerno sa panahong ito para makabuo ng mga programang gradwado sa
loob mismo ng akademyang Pilipino.7 Dahil sa paghihigpit ng gobyerno sa mga iskolar para mag-aral sa
labas, napilitang kunin ng mga Pilipinong iskolar ang kanilang mga gradwadong pag-aaral sa loob ng
bansa. Binigyang-daan nito ang pagteteoryang papaloob (theorizing inwards). Gayundin, ipinag-utos ng
rehimen na magsanay ang lahat ng mga opisyal at empleado ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Center
for Advanced Studies (PCAS). Isa itong semi-autonomous unit sa loob ng Unibersidad na kinomisyon
ng Tanggapan ng Pangulo bilang bahagi ng pagpapatupad sa patakarang pananaliksik at mga
estratehikong pangangailangan nito. Tinawag na Pre-Daparture Orientation Seminars (PDOS), ang mga
pagsasanay na ito ay bahagi lamang ng mas malawak na programa ng “Cultural Liberation Program” ng
PCAS. Bitbit ng nasabing programa ang isang katutubo at makabayang perspektiba. Ayon sa kuwento ni
Covar na isa sa naging konsultant at miyembro ng kaguruan ng PCAS, ninais ng gobyerno na may
mapag-usapan ang mga opisyal sa tuwing lumalabas sila ng bansa kaysa “maglaba lamang ng marurumi
nilang damit.” Kaugnay nito, nagbigay din ang PCAS ng mga gradwadong programa sa PS, Asian
Studies, at Islamic Studies. Pinatakbo rin nito ang Institute of Strategic Studies, isang Research Analysis
Group na may 134 Philippine Studies/Araling Pilipino nangungunang mga Area Studies specialist, isang
Office of Publications, at isang Division of Advanced Projects. Ito sana ang kauna-unahang pagtatangka
o eksperimento sa kolaborasyon ng estado at akademya sa panahong marami pa ring iskolar ang
naniniwalang posible pa ang reporma sa ilalim ng liderato ni Marcos. Subalit gaya ng inaasahan, nabigo
ang pagtatangka. Masyado nang tumitindi ang tensiyong politikal nang mga panahong iyon at nalalagay
na sa kompromiso ang integridad at awtonomiya ng akademya. At noon ngang 1980, tuluyan nang
nabuwag ang PCAS at ibinalik ang dáting identidad ng sentro bilang Asian Center (S.L. Mendoza 58-
59). Samantala, itinatag ang programang doktorado sa CAS sa ilalim ng administrasyon ni Dekano
Domingo Salita noong 1974. Tiningnan ito bilang isang alternatibo ng kaguruan ng kolehiyo para
makapagtapos ng kanilang doktorado sa loob ng bansa. Tinugunan nito ang nakaambang “vacuum sa
scholarship ng UP” bunga ng pagbabawal ng estado na makapag-aral ang mga Pilipinong iskolar sa
labas ng bansa (Covar). Nakilala ito bilang Graduate School (GS) na pinangasiwaan ni Armando
Bonifacio ng Deparment of Philosophy. Kung ang tuon ng IPS ng PCAS ay sa burukrasya, ugnayang
49 | P a g e
panlabas, at lipunan at kultura ng Pilipinas, pinagtuunan naman ng GS ng CAS ang mga humanidades at
agham panlipunan na multidisiplinaryo ang lapit sapagkat nakabalangkas ang programa sa isang
consortium ng iba’t ibang departamento sa Kolehiyo (Unibersidad ng Pilipinas 1974, 4). Maituturing na
ikutáng pangyayari sa kasaysayan ng programang gradwado sa PS ang unang hati ng dekada 1980. Una,
nakapagprodyus ito ng mga una nitong gradweyt kapuwa sa CAS at PCAS. Ikalawa, nasaksihan din sa
pagkakataong ito ang isang krisis sa administrasyong ibinunga ng abolisyon ng PCAS, kasama ang IPS,
gayundin ang pagkakahati ng CAS sa tatlong kolehiyo noong 1982. Mula sa CAS isinilang ang College
of Arts and Letters (CAL)/Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), College of Social Sciences and
Philosophy (CSSP)/Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP)/Kolehiyo ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), at ang College of Science (CS)/Kolehiyo ng Agham (KA). Samantala,
nilikha naman ng UP ang Philippine Studies Council (PSC) upang magpasiya sa paglipat ng programang
M.A. at Ph.D. ng PCAS sa AC. Taong 1983 nang ipasiya ng Board of Regents (BOR) na pag-isahin na
lamang ang mga programang Ph.D. ng tatlong kolehiyong AC, CAL, at CSSP na pangangasiwaan ng
AC. Gayumpaman, sampung taon ang nakalipas bago malamnan ang “one-program concept”
pagkatapos ng napakaraming konsultasyon (University of the Philippines-Diliman Tri-College Ph.D.
Philippines Studies Program 1). Taong 1993 nang maaprubahan ng BOR ang “single Ph.D. Philippine
Studies Program” na may iisang hanay ng “core courses” (PS 301: Perspectives in M. J. B. Rodriguez-
Tatel 135 Philippine Studies, PS 302: Theories in Philippine Studies, at PS: 399 Research Methods in
PS) at rekisitong pang-akademiko na pinagkasunduan ng tatlong kolehiyo. Gayumpaman, kaniya-kaniya
pa rin sila sa pangangasiwa ng nasabing programa hanggang taong 2000. Noong Mayo 2001, naglabas si
Vice-Chancellor Amelia P. Guevarra, sampu ng mga dekano ng CAL, CSSP, at AC, mga tagapangasiwa
ng Ph.D. Philippine Studies ng bawat kolehiyo, at University Registrar ng borador na pinamagatang
“Proposed Merger of the Ph.D. in Philippine Studies Program.” Sa puntong ito napagkasunduan din ng
mga dekano na italaga ang AC bilang secretariat na magsisilbing tagapag-ingat ng lahat ng rekord.
Bagaman may mga tumutol sa bagay na ito, naaprubahan din ang mga nabanggit na panukala
pagkatapos ng mga serye ng konsultasyon mula 2003 hanggang 2004. Sa kasalukuyan, habang ang
programang Ph.D. ay pinangangasiwaan ng Tri-College (bilang Secretariat), at ang master ay
magkahiwalay na itinataguyod ng AC at KAL, nananatili namang “autonomous” at “autochthonous” (sa
wika ni Daroy) ang digradwadong programa sa ilalim ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas. Sa nabanggit na kaligiran masisipat ang mga naging bakas at bunga ng mga pagpupunyagi
para Pilipinisasyon ng akademya sa produksiyon ng antas gradwado ng Philippine Studies mula 1974
hanggang 2007. Sa naitalang bilang na 160 tesis (master) at disertasyon (doktorado) sa panahong
nabanggit, 157 ay isinulat ng mga Pilipino mismo habang tatlo naman ang sa mga Hapones. Sa
kabuuang 157, limampu’t pito (57) o 36.30% ang nasa wikang Filipino at 63.70% naman ang nasa
Ingles. Totoong malaki pa rin ang kalamangan ng nasa Ingles, subalit kung isasaalang-alang natin ang
patakarang Ingles ng gradwadong programa ng UP, makabuluhang bilang na rin ang naitalang 36.30%
sa Filipino. Mapapansin ang pamamayani ng produksiyon sa Ingles mula dekada 70 hanggang unang
hati ng dekada 80. Bagaman may mga nasa Filipino, kakikitahan pa rin ang mga ito ng paggamit ng mga
banyagang metodolohiya o teorya. Sa panahong ito, dalawa ang magpapasimula sa programang
gradwado na pumihit ng oryentasyon tungo sa pagdadalumat sa loob, bagama’t sumasangguni pa rin sa
Kanluraning teorya at metodolohiya. Una, si Consolacion Alaras (Ph.D., 1987) at ikalawa si Nenita
Pambid, (M.A., 1989). Sa taong 1991 naman naitalang unang ginamit ang salin sa Filipinong “Araling
Pilipino” sa programang master ng KAL. Matutunghayan ito sa tesis nina Jimmuel Naval at Ma.
Crisanta Nelmida. Samantala, ang tesis pangmaster naman ni Leonilo Doloricon noong 1994 ang
naitalang kauna-unahang tesis pangmaster sa wikang Filipino ng AC. 136 Philippine Studies/Araling
Pilipino Sa bahaging ito, tutukuyin ang mga kalakarang naobserbahan sa programang master at
doktorado mula 1974 hanggang 2007 alinsunod sa itinakdang tunguhin ng pagdadalumat: una,
paglilinang mula sa loob at ikalawa, pag-aangkin mula sa labas. Matutunghayan ang una sa paggamit ng
mga umiiral nang katutubong dalumat ng SP, PtP, Pilipinolohiya, Bagong Pormalismong Filipino at
Kritisismong Lumbera. Gayundin naman, may mga nakalikha at naglinang ng sarili nilang gabay
konseptuwal/ teoretiko mula sa naging karanasan sa pananaliksik. Samantala, sa ikalawa,
matutunghayan ang paggamit ng mga banyagang kaisipan bilang gabay o bukal ng inspirasyon sa
paglilinang ng sariling pormulasyon; o di kaya nama’y repormulasyon sa mga ito upang maiugnay sa iba
pang teorya at kaisipang mula sa labas o mula man sa loob. Dinamiko ang isinagawang pag-uugnay-

50 | P a g e
ugnay, kakikitahan ng tagpuan sa isang banda, at tagisan sa kabila. Sa huli, makapagtutukoy rin ng ilan
pang kalakarang sumusuhay sa tunguhin ng Pilipinisasyon sa aspektong metodolohiko at direktang
pagpaksa mismo sa wikang Filipino. Sa ganang unang kalakaran, makapagtutukoy tayo ng ilang
halimbawa. Ginabayan ang disertasyon ni Jaime Veneracion at tesis pangmaster ni Bernadette Abrera ng
PtP upang mapalawig ang Bagong Kasaysayan/ Bagong Historiograpiyang Pilipino. Lampas pa sa
simpleng pagtugaygay sa pagbabago at pag-unlad ng lalawigan ng Bulakan, nilayon ng pag-aaral ni
Veneracion na makabuo ng isang pagsasakasaysayang magbubukas ng kamalayan ng ating kababayan at
natin mismo sa “tunay na diwa ng ating pagkatao.” Naghahain ang akda ng alternatibong tingin sa
lipunan mula sa lente ng lokal na kasaysayan, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa “pagbabago at
pagunlad” bilang kritisismo sa mga “tipo, modelo, kalakaran, at pamantayang unibersal.” Kaalinsabay
nito, binigyang-daan ang pagdadalumat ng “ikutáng pangyayari” o “ugpungan” na isinalin at pinalawig
na konsepto “conjuncture” ng Pranses na historyador na si Fernand Braudel ng Eskuwelahang Annales.
Ipinantutukoy ito sa ugnayan ng mga pagbabago sa kalikasan, estruktura, tao, at pangyayari. Samantala,
mahalaga ang pag-aaral tungkol sa numismatika ng anting-anting ni Abrera bilang “kauna-unahang
nagdalumat sa konsepto ng anting-anting sa diwa ng kaluluwa at ginhawa” (Covar, sipi sa Abrera).
Taglay ang perspektibang historikal, pinag-iibayo ng akdang ito ang mga nauna nang pag-aaral (cf.
Alaras; Pambid) na pumaksa rin sa anting-anting bilang isang pundamental na konseptong Pilipino at
batis pangkasaysayan. Alinsunod pa rin sa kaisipang Salazar, nabuo ni Herminio Dagohoy sa kaniyang
“Ang Hermeneutika ng Igtingan ng Talinghaga sa Relihiyosong Panulaang Tagalog” ang dalumat ng
“igting” bilang “isang dinamikong salalayan ng kultura” na magagamit sa pag-unawa ng mga kapatiran
at ng isinasapraktika nilang relihiyong bayan. Isang M. J. B. Rodriguez-Tatel 137 salitang taal na
Pilipino na nangangahulugang tensiyonadong kalagayang bunga ng pagpapanatili ng lakas,
maihahalintulad ito diumano, sa isang lubid na binubuo ng dalawang piraso subalit may iisang kabuuan.
Mahihinuha sa konsepto ng igtingan na nabubuo ang mga kahulugan sa pag-iigtingan ng nakaraan at
kasalukuyan, ng konteksto ng teksto at ng bumabasa, ng pangyayari at kahulugan. Sa ganang ito
sinasabing naisa-Pilipino niya ang metodong hermeneutikal. Batay sa tambalang lapit ng “loob at labas”
at “ibaba at itaas” ni Covar, nilinang ni Elena Mirano sa “Ang mga Tradisyunal na Musikang Pantinig sa
Lumang Bauan, Batangas” ang dalumat ng “anyong bayan” bilang mga “cultural forms” na nagmula sa
sinaunang tradisyon ng taumbayan. Pinagyaman ang nakagawian nang pamamaraang panlaboratoryo at
pananaliksik na pang-artsibo ng pagmamasid at pakikisalamuha sa lipunan, panayam sa mga taong may
kinalaman sa sinasaliksik, at pakikipamuhay o pagganap ng mananaliksik sa mga likas na okasyon sa
komunidad gaya ng salusalo, sublian, kasalan, at iba pa–bagay na nagpahintulot para masiyasat ang
lalim ng katangiang musikal ng komunidad. Mula rito, napalitaw ang karanasan ng pag-aangkin ng mga
batayang elementong musikal na Kanluranin sa malikhain at matagumpay na pagkakahabi nito sa
buhay-komunidad ng mga Tagalog. Samantala, dinala naman ni Edna May Obien-Landicho ang
“Pagkataong Pilipino” sa larang ng panitikan bilang giya sa pag-arok niya sa lalim ng pagkataong
Pilipino sa mga kuwentong bayan para sa bata. Gamit ang modelong “Banga ng Pagkataong Pilipino” ni
Covar, binigyangdaan ng pag-aaral ang dalumat ng “maka”: “makalumikha,” “makakalikasan,”
“makakapuwa,” at “makabayan.” Taglay nito diumano, ang mga halagahang nagsisilbing kaluluwa at
budhi–o lalim ng ating pagkatao bilang Pilipino. Sikolohiyang Pilipino naman ang inilapat sa “Mga
Pagpapahalagang Amerikano sa Values Education Program ng DECS: Pagsusuri sa mga Teksbuk sa
Mababang Paaralang Pampubliko” ni Maria Lina Nepomuceno-Van Heugten. Binaybay ng pag-aaral
ang kasaysayan ng mga teksbuk at pandagdag na babasahíng ginamit sa mabababang paaralang
pampubliko mula 1901 hanggang 1932 upang patunayang kinasangkapan ang mga ito sa kampanya ng
pasipikasyon at pananakop sa mga Pilipino. Ani Enriquez (tagapayo ng may-akda), mahalaga ang akda
sa pag-aambag nito sa “sikolohiyang pampolitika tungo sa deskolonisasyon at mapagpalayang diwa.”
Kritika ito sa values education program upang itampok ang makalabas at mapanghamak na pananaw
ukol sa kung anong halagahan ang dapat taglayin at kilingan ng mga Pilipino. Sa huli, nagmungkahi si
Van Heugten ng ilang paninindigan ukol sa nabanggit na usapin: (1) pagtukoy sa mga pagpapahalagang
tunay na likas/taal/katutubo at may halaga sa buhay, kultura, at kasaysayan ng mga Pilipino; (2)
tuluyang pagwaksi sa pananaw na kailangang ibangon (sa pagkalugmok) o pagalingin (mula sa
karamdaman) 138 Philippine Studies/Araling Pilipino ang moralidad ng mga Pilipino; at (3) pagtitiwala
sa sariling lakas na nagmumula sa mga paninindigang pakikipagkapuwa, pagpapakatao, karangalan,
kalayaan, at katarungang taglay na noon pa nating mga Pilipino. Naniniwala siyang dito magsisimula

51 | P a g e
ang tunay na paglaya ng ating kamalayan. Makikita sa “Teo S. Baylen Bilang Isang Relihiyosong
Makata, (1904-1990)” ni Naval ang paglalapat ng panunuring pampanitikan ni Almario sa pagtalakay sa
relihiyosong pagtula ng Katagalugan. Samantala, isang eksperimental na pagbasa sa deskriptibo at
pormalistikong paraan sa isang tradisyonal na makatang si Balmaseda ang “Ang Panulaan ni Julian Cruz
Balmaseda” ni Melecio Fabros III. Gamit ang Bagong Pormalismong Filipino, inaalingawngaw ng may-
akda ang panawagan sa isang masigasig na pagbuo ng sistema ng pagpasok at pagsipat sa kasaysayan at
katangian ng panitikang Filipino. Kritisismong Lumbera sa panitikan at kulturang popular ang inilapat
sa mga paksa nina Flaudette May Datuin at Amante del Mundo. Sa “Ang Diskursong Patriarka sa Ilang
Piling Naratibong Nakalimbag na Panitikan ng Kilusang Pambansa Demokratiko, 1970-1991,” iginigiit
ni Datuin ang sining, partikular ang literatura, bilang isang “overdetermined conjuncture” ng iba’t ibang
ideolohiya, interes, at diskurso ng lipunan alinsunod sa konseptuwal na balangkas ng pag-uugnayan ng
“kultura bilang proseso,” “sining bilang construct,” at ang “teksto bilang larangan ng tunggalian.”
Samantala, isa namang alternatibong pagbasa sa kulturang popular ang itinatampok sa “Ang Dulang
Panradyong Prinsipe Amante (1949-53) ni Clodualdo del Mundo Sr. at ang Produksiyon ng Isang Anyo
ng Kulturang Popular” ni del Mundo. Inilarawan at sinuri niya ang mga prosesong pinagdaanan ng
produksiyon ng Prinsipe Amante para mapatunayang pinagsumikapan ng may-akda na lumikha ng
makabuluhang akda sa kabila ng komersiyalismo ng mga kapitalista at politikal na adyenda ng
gobyerno. Gamit ang mga kaisipan at metodo ng SP, PtP, at Pilipinolohiya, nakabuo si Florentino Iniego
Jr. ng isang modelo ng pagsasaling nakaugat at nagtatanghal sa buod at niloloob ng buhay, kultura, at
wikang Filipino sa kaniyang pag-aaral tungkol sa pagsasalingkultural batay sa “sarsaritang
pangkanayunan” ng manunulat na si Manuel E. Arguilla. Tugon ito sa hamon at mungkahi ni Almario
na lumikha ng “bahaghari ng wika” para sa ibayong “nasyonalisasyon ng Filipino.” Pinag-ugnay-ugnay
rin ni N. F. Santos ang SP, PtP, at Pilipinolohiya bilang mga epistemolohikol at metodolohikong
lunsaran ng kaniyang disertasyong “Tagapamagitan: Ilaw sa Landas ng Pagiging Makadiyos, Makatao at
Makabayan ng Pilipino ayon sa Pananampalataya ng Kapatirang ang Litaw na Katalinuhan (K.A.L.K.)”.
Sa ganang ito, nabuo niya ang teoretikong balangkas na umiikot sa mga dalumat ng “pamamagitan,”
“pagitan,” at “tagapamagitan” bilang “ilaw M. J. B. Rodriguez-Tatel 139 sa landas ng pagiging maka-
Diyos, makatao, at makabayan ng Pilipino.” Sumalok din sa tradisyong Enriquez-Covar-Salazar ang
tesis pangmaster ni Aurora Tirad upang siyasatin ang pamamansag sa “Ka-angkan Festival” bilang isang
aspekto ng kasaysayang kultural ng Marikina alinsunod sa dalumat ng “angkan” at “ka-angkan.”
Nagbunga ito ng isang etnograpiya ng mga angkan na maituturing na mahalagang batis ng kasaysayan
ng bayan. Iminapa at sinuri ni Lucille Roxas ang semantikong larangan ng salitang “dugo” batay sa mga
kaisipang Salazar at Covar sa disertasyong “Pagdalumat sa Dugo Bilang Metapora at Artikulasyon ng
Pagkatao at Lipunang Pilipino sa Panitikan.” Idinagdag niya ang dalumat ng “laman” bilang
pagpapalawig sa “loob,” “labas,” at “lalim” ng pagkataong Pilipino. Makikita, umano ang nasabing
“laman” sa pag-aaral sa “dugo” bilang sentral na dalumat sa ugnayang panlipunan ng mga Pilipino.
Ipinakita niya kung gaano kaintegral ang dugo sa mahahalagang gawain ng ating buhay-komunidad
(e.g., pagsamba, pakikipagkapuwa, at pagpapagaling ng karamdaman). Sa mga salitang “dugo” na
nilapian at tinambalan, talinghagang bukambibig, kawikaan, at pariralang tungkol sa salitang dugo na
ginamit sa nobela, maikling kuwento, at tula, naipagunita ang mga katutubong kahulugang inilalaan sa
dugo katulad ng buhay, pag-aalay, at pag-aalay ng buhay upang magkaroon ng katarungan, maibangon
ang karangalan, at mahugasan ang kasalanan. Napatunayang habang umiigting, diumano, ang paghihirap
at pagsasamantala sa mga Pilipino, nagsasanga ng mga bagong kahulugan ang salitang dugo ngunit
nakaugat pa rin ang mga ito sa batayang kahulugan nitong buhay, tao, at kapuwa. Tatlong dalumat ang
nilinang ni Francis Gealogo–ang “kabayanan,” “kabahayan,” at “kababaihan” sa kaniyang disertasyon
tungkol sa kasaysayan at demograpiya ng San Jose de Malaquing Tubig (1765-1903). Sa pamamagitan
ng mahusay na pagtangan ng pinagsanib na mga pamamaraang kuwantitatibo-kuwalitatibo, pang-
artsibo, kasaysayang pasalita, at fieldwork, nakabuo siya ng isang holistikong kasaysayang
demograpikong bayan na sensitibo sa usapin ng kasarian. Mula sa mga nasabing dalumat, pinadaloy at
masinsinang pinagtagni-tagni ang kasaysayang pampook, kasaysayang panlipunan, at kasaysayan ng
kababaihan upang masuri ang kalagayang demograpiko ng isang bayan. Mapanghawan din ang naging
pag-aral ni Corazon Veneracion sa larang naman ng social work. Pinagsumikapan niyang linangin ang
mga katutubong tradisyon at konsepto ng “pagmamalasakit” at “pagdamay” sa layuning
makapagdalumat ng “bagong social work” bilang bahagi ng diskurso ng pagiging Pilipino (alinsunod, pa

52 | P a g e
rin sa mga simulain ng Pagkataong Pilipino, SP, at PtP). Pangunahin dito ang dalumat ng 140 Philippine
Studies/Araling Pilipino pagtulong bilang lunsaran ng orihinal na Pilipinong pag-unawa sa propesyong
social work. Pagsasakatutubo ang metodolohiya ng pananaliksik. Pinagtagpo ang katutubo at inangkat
na pamamaraan ng produksiyon ng kaalaman. May tatlong pangunahing komponent ang pagtatagpong
ito: (1) pagsasakasaysayan; (2) pag-uugat ng mga salitang kaugnay ng pagtulong (bukambibig); at (3)
pananaliksik panlarangan, na may magkakasamang pagbabayan-bayan, pakikipanayam, at irongan o
ginabayang talakayan sa Bulacan. Samantala, matutunghayan sa “Tradisyon ng Luwa sa Kapistahan ng
Taal, Batangas, 1952-2004” ni Gloria Gamo ang isa pa ring halimbawa ng sariling pagdadalumat sa
“tradisyon” upang saklawin ang iba pang dalumat na ginamit sa pag-aaral. Sa pamamagitan nito,
tinalakay ang mga paksa ukol sa manunulat ng luwa, luwante, pagtatanghal ng luwa sa konteksto ng
prusisyon at kapistahan, at sa mas malawak na dalumat ng bayan at bansa. “Alingawngaw ng lupa”
naman ang dalumat na dinevelop ni Leocito Gabo sa kaniyang pag-aaral tungkol sa pagbabago ng
kalagayan ng kababaihan “mula sa ibaba.” Aniya, ang “alingawngaw” ay mga tuwirang hinaing na di-
binibigyangpansin sa araw-araw mula sa mata ng isang lalaking mananaliksik. Maihahanay rin ito sa
mga diskursong mula sa ibaba o mula sa ilalim na isa sa mga itinatanghal ng araling kultural (cultural
studies). Sa kakapusan ng pamamaraan ng pagpahahayag pang-akademya sa “pagkapailaim” ng tinig ng
kababaihan, pinalitaw ni Gabo ang kanilang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pakikipamuhay (sa
loob ng walong taon) kaugnay ng mga culturally sensitive na metodong may tatak-SP (e.g.,
pagtatanong-tanong at pakikipanayam, kuwentuhan, pormal na talakayang nakatuon sa mga kababaihan,
pagmamasid-masid, pagtukoy ng dalawang mag-inang kababaihan, at mapagnilay na pagbabahaginan ng
kanilang mga karanasan). Maibibilang sa nabanggit na pagpupunyagi ang “Palabas, Tawa at Kritisismo:
Ang Pantawang Pananaw ng Impersonasyon sa Tauhan at Isyu sa Lipunan” ni Rhoderick Nuncio.
Bagaman wala, aniya, itong kaugnayan sa PtP, mababakas sa kaniyang artikulasyon kung saan siya
dumudukal ng inspirasyon upang bigyang-kahulugan ang sabi niya’y “saysay,” “salaysay,” at dalumat
ng “pantawang pananaw”—wala’t dili iba kundi sa Pantayong Pananaw. Nilikha ang “pantawang
pananaw” bilang isang gabay konseptuwal sa pagtatanghal ng karanasan at katuturan ng tawa bilang
kritisismo– isang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan. Ipinagpatuloy ni Nuncio ang
sariling pagdadalumat sa kaniyang disertasyong “Ang Sanghiyang sa Mundo ng Internet: Tungo sa
Pagteteorya sa Diskurso at Penomenon ng Internet sa Kontekstong Filipino.” Mula sa kalinangang
Caviteño, dinalumat niya ang “sanghiyang” upang balangkasin ang nasabing pag-aaral. Literal itong
nangangahulugan ng sayaw sa apoy; nakaugat sa salitang “hiyang” na ang ibig sabihin ay “akma” o
“bagay” kung kaya’t M. J. B. Rodriguez-Tatel 141 nakapagdudulot ng positibong resulta o bisa. Inilapat
ito sa pagsusuri ng relasyon ng kompyuter at tao; at mula sa deribatibo nitong “kaisanghiyang” siniyasat
ang usapin ng pagbubuo ng kaakuhan at panlipunang inter-aksiyon, sa partikular, ang penomenon ng
adiksiyon ng kabataang Pilipino sa online game sa modernong panahon. Isa, diumano, itong
pagtatangkang teoretiko at praktikal sa layuning sipatin ang penomenon at diskurso ng internet bilang
bahagi ng pandaigdigang estruktura at relasyon ng pagdaloy ng impormasyon at komunikasyon sa
lipunang Pilipino. Sa kabilang banda, hindi man tuwirang gumamit ng mga nabanggit na
tagapagdalumat ng Pilipinong lapit at teorya, may mga pag-aaral na sumasayapak pa rin nila sa ganang
punyaging mag-ambag ng sariling pagdadalumat. Isa na rito ang “Turungkuhan ng Lunan: Ang Bayan
ng Mauban Bilang Kinukumbating Heograpiya” ni Nelson Turgo. Binalangkas ang pagsusuri sa bayan
bilang produkto ng pagtatalaban ng iba’t ibang puwersang panlipunan sa pamamagitan ng dalumat ng
“turungko”/ “turungkuhan” at “kumbatihan” mula sa wikang Maubanin, lalawigan ng Quezon. Nasa
gayunding punyagi ang “An Buot nin Agta sa Kapalibutan: Hakbang Tungo sa Pilosopiyang
Pangkapaligiran” ni San Diego). Inilatag sa tesis na ito ang buot o konsepto ng loob ng mga Agta upang
unawain ang pilosopiya nila ng buhay sa dalumat ng kapalibutan (kapaligiran). Mula sa emikong
pagpapakahulugan, sinuri ang bawat katangian ng mga bagay-bagay sa kulturang Agta at napalitaw ang
holistiko nilang paniniwala sa ugnayang tao-kalikasan. Nag-uugat ito sa pananaw na ang kanilang
pakikitungo sa kapalibutan ay kaugnay ng kaisipang sila at ang kapaligiran ay magkasamang nilikha
upang mapanatili ang armoniya ng buong sangkalikhaan. At bilang nilikha, sila man ay patuloy na
lumilikha ng kanilang kapalibutan para sa pagpapatuloy ng buhay. Sa ganang ito naitampok ang imahen
ng mga Agtang naggigiit ng kinagisnang kultura habang umaangkop sa mga pagbabago. Maikakawing
din sa pag-aaral na ito ang disertasyon ni Ariel Agcaoili sa dakilang ambag nito sa pagdadalumat sa
usapin ng etnisidad. Sa “Bannuar, ang Libing ng Araw: Isang Etnograpik na Pag-aaral sa Pilosopiya ng

53 | P a g e
Buhay ng mga Ilokano, 1971-1991,” siniyasat ni Agcaoili ang kamalayang “ili” (bayan) ng mga Ilokano
sa pamamagitan ng paglikha ng nobela (dulambuhay) bilang isang anyo ng pakasaritaan o kasaysayan.
Isa itong etnograpiko at historikal na paglalarawan sa at pagsasalaysay ng mga umili (mamamayang
Ilokano) sa panahon ng Batas Militar. Itinampok at nilinang dito ang kawing-kawing na batayang
dalumat ng “sarili,” “iba” at “mundo at lipunan,” upang unawain at ipaunawa ang kapanunotan bilang
pilosopiya ng buhay– kamalayan, kasinuhan, o kalooban ng mga Ilokano sa isang partikular na panahon
ng krisis. Mula naman sa tesis pangmaster ni Eduardo Lapiz, ang “Sotu Tutul Tud Bulul” (“Isang
Kuwento ni Tud Bulul”)” ibinahagi ang hlolok, isang mataas na antas ng tradisyong 142 Philippine
Studies/Araling Pilipino pang-awit ng mga T’boli, bilang integral sa ating pambansang kamalayan at
upang magsilbing “bukal ng kaalaman ng mga katutubong konsepto para sa iba’t ibang larangan ng
Araling Pilipino” (Ocampo sipi kay Lapiz). Pag-aangkin o pagsasakatutubo ng mga banyagang teorya o
batayang konseptuwal at metodolohiya ang ikalawang kalakaran. Una itong natunghayan sa “Ang
Dalumat sa Lipunan sa Makalipunang Kuwento ng mga Kinatawang Manunulat sa Pilipino, 1958-
1972” ni Patricia Melendrez-Cruz noong 1980 na nagbigay-daan sa paglilinang niya sa tatlong dalumat
ng tao: (1) bilang nakapangyayaring indibidwal; (2) bilang napangyayarihang indibidwal; at (3) bilang
bahagi ng kolektibo at ng uri. Isa itong pag-aaral sa manifest consciousness ng mga kalahok. Ideolohiya
ang kategoryang analitikal na ginamit sa pag-aaral na hinalaw sa ipinanukala ni Lucien Goldman. Bilang
salik ng nilalaman, nadalumat ang ideolohiya ng indibidwalismong liberal at Marxismo sa anyo ng
pambansang demokrasya sa mga pagpapahalagang isinadula ng mga kalahok sa mga kuwento. Gamit
ang ipinook na pagsusuring moda ng produksiyon sa kontekstong Pilipino, nadalumat ni Michael
Andrada ang “tulansangan” sa kaniyang tesis na “Tulansangan: Transgresyon sa Maiigsing Tula at
Tugma ng Bata sa Lansangan.” Isa itong pagsusuri sa mga tula sa panahon ng kolonyalismo,
neokolonyalismo, monopolyo-kapitalismo, at higit sa lahat sa konteksto ng kilusang mapagpalaya upang
itanghal at siyasatin ang produksiyon at reproduksiyon ng nasabing anyo ng panitikan ng mga bata sa
lansangan. Ilan pang halimbawa ng pagsasakatutubo mula sa labas ang matutunghayan sa paggamit ng
interpretatibong teoryang gaya ng semiotika, hermeneutika, etnometodolohiya, at penomenolohiya na
labis na nagsasaalang-alang sa panloob na pagpapakahulugan ng mga pinapaksa ng pag-aaral. Sa ganang
interpretibismo, tatlong pag-aaral ang naisagawa patungkol sa diskursong milenaryo: (1) “Millenarian
Discourse: Ang Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina” ni Consolacion Alaras; (2) “Ang Semiotika ng
Anting-Anting” ni Nenita Pambid; at (3) “Ang Buhay ay Isang Dula: Karanasan ng Ciudad Mistica sa
Bundok Banahaw” ni Guillermo Pesigan. Sa una, ipinakilala ni Alaras ang dalumat ng “tipan ng Mahal
na Ina batay sa talinghaga ng potensya” ng mga kapatiran. Inihugpong ang mga kaisipan ni Covar
hinggil sa kapatiran sa mga konsepto nina Michel Foucault (hinggil sa kaibahan at diskurso), Jacques
Derrida (deconstruction at semiotics), Jacques Le Goff (history of mentalities); Fredric Jameson
(ideology and utopia), at Terry Eagleton (ethnomethodology o hermeneutical phenomenology) sa
pagbuo ng isang balangkas teoretikal na nagpahintulot sa kaniya upang papagsalitain ang mga nasabing
samahan at iparinig M. J. B. Rodriguez-Tatel 143 ang kanilang tinig sa akademya. Sa ikalawa, hinimay-
himay ang iba’t ibang aspekto ng kultura at paniniwalang nakapaloob sa anting-anting: mula sa
teknolohiya tungong pag-uuri ng mga ito ayon sa mito ng paglikha ng Infinito Dios ng mga samahang
milenaryo, hanggang sa pagtunghay sa gamit nito sa kasaysayan ng pakikipaglaban sa dayuhan ng mga
nasabing grupo. Mula rito, nakalikha ng isang kawing ng mga pagpapakahulugang nagtatampok sa
anting-anting bilang katutubong henyo ng mga Pilipino. At sa ikatlong pag-aaral, tinangkang gagapin
ang karanasan ng isang samahan, ang Ciudad Mistica sa Banahaw, sa pamamagitan ng pagtingin dito
bilang isang dula o pagtatanghal na isinasagawa sa bundok ng mga tauhang mananampalataya at bilang
isang natatanging karanasang kultural. Inilapat dito ang tinaguriang metodolohiya ng “dungaw” bilang
pagkaunawa sa kasaysayan ng grupo. Isa ito diumanong diyakronikong pagtingin na ginamitan ng emiko
o panloob na pananaw, hango sa karanasan ng mga kapatiran kaugnay ng tatlong pagdungaw mula sa
tuktok ng Banahaw. Sa pamamagitan ng nasabing metodolohiya, inunawa ang buhay ng mga
mananampalataya bilang dramatikong padron ng karanasang may lohika at katuturan. Anupa’t
pagpapalawig din ang pag-aaral na ito ng dalumat ng “tipan” na sinimulang linangin sa disertasyon ni
Alaras. Sa disertasyong “Pangasinan: Isang Etnokultural na Pagmamapa” ni Ma. Crisanta Flores,
kinasangkapan ang mga bagong kategorya sa pagmamapang etnokultural (i.e., literary landscape, mental
map, at social space), sa layong makapagdulog ng alternatibong lapit sa positibistang paaralan ng
kartograpikong tradisyon ng pisikal at politikal na pagmamapa. Sa pamamagitan ng apat na sagisag

54 | P a g e
pangkultura (cultural icon) ng lalawigan: ang Sinaunang Kaharian ng Caboloan, si Prinsesa Urduja, ang
Birhen ng Manaoag, at ang Cattle Caravan, isinatinig ang asersiyon ng mga tagaloob (mga Pangasinan
mismo) sa kanilang etnisidad at identidad. Mula naman sa mga haligi ng antropolohiya sa Kanluran
kumuha ng gabay ang “Tudbulul: Ang Awit ng Matandang Lalaking T’boli bilang Salamin ng Kanilang
Lipunan at Kalinangan” ni Virginia Buhisan. Ginabayan ng mga konsepto ng kultura ni Franz Boas
bilang kaayusang pangkaisipan (ideational order) at ni Malinowski bilang “isang produkto ng kaisipan
ng tao, at instrumento kung saan makakamtan ang kaniyang layunin,” itinatampok ng akda ang epikong
Tudbulul bilang teksto o isang datos na emiko–ibig sabihin, sisidlan ng pananaw sa daigdig at
kasaysayan ng mga T’boli. Napatunayang isa itong kasaysayan ng sinaunang namumunong angkan,
kasaysayang hanggang ngayo’y gumigiya sa pakikipag-ugnayan ng mga T’boli upang panatilihing
mapayapa at pantay-pantay ang pagtingin sa isa’t isa. 144 Philippine Studies/Araling Pilipino
Maihahanay rin sa nabanggit na kalakaran ang mga pag-aaral sa iba’t ibang ekspresyong kultural na may
kinalaman sa mga sektor na nasa laylayan ng lipunan. Sa “Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng
Partido Komunista ng Pilipinas at Sosyalistang Partido ng Pilipinas sa Awit, 1930” ni Teresita Maceda,
itinampok ang awit bilang mayamang batis ng kamalayang bayan at kasaysayan, ibig sabihin, bilang
artikulasyon ng mga karaniwang tao ng kanilang aspirasyon at pakikibaka. Mababanaag dito ang
pagtatangkang “madesentralisa” ang pag-aaral mula sa mga lider tungo sa mga karaniwang kasapi ng
mga organisasyong itinuring na radikal. “Mula sa Ibaba”— inaalingawngaw nito ang diwa ng “history
from below” ni Ileto na ang tuon ay “kapanayamin ang masa sa mundo ng kanilang pakahulugan” sa
pamamagitan ng kanilang mismong “wika”–ang awit, sa partikular na pag-aaral na ito, bilang kanilang
tradisyong oral. Samantala, kinasangkapan ni Apolonio Chua ang participant observation ni James
Spradley at konsepto ng “sign” ni Umberto Eco, upang makapaglinang ng isa ring dalumat na
nagmumula sa bayan. Sa kaniyang disertasyong “Dulambayan ng Manggagawa sa Konteksto ng
Militanteng Kilusang Unyonismo (1980-1994)” malay niyang isinantabi ang pagiging akademiko at
nagsumikap manindigan bilang artista-gurong nakipamuhay sa mga manggagawa sa pamamagitan,
pangunahin na, ng pagtulong sa kanilang mga grupong kultural. Mula sa pakikipamuhay na ito,
itinanghal at nilinang niya ang sarili nilang konsepto ng “community theater”– ang “dulambayan” bilang
“sentral na dalumat” na bumalangkas sa pag-aaral ng aniya’y “kasaysayan, konteksto, organisasyon, at
produksiyon...at iba pang sangkot sa pagtatanghal” ng mga grupong kultural sa hanay ng mga
manggagawa. Isang post-kolonyal na pag-aaral na nag-ugnay-ugnay sa peminismo, literatura, at agham
panlipunan ang makikita sa “Ang Kuwentong-Buhay Bilang Teksto ng Pagsasakapangyarihan ng mga
Manggagawa sa Bahay” ni Rosalinda Ofreneo. Itinatampok dito ang “kuwentong-buhay” hindi lamang
bilang metodolohiya kundi bilang dalumat na bumabalangkas sa pag-aaral. Sa ganang ito, napalalim ng
akda ang pagsusuri sa buhay at pananaw ng mga kababaihang manggagawang bahay. Pinahalagahan ni
Elizabeth Ventura (ng Departamento ng Sikolohiya bilang miyembro ng panel) ang akda sa taglay
nitong demokratikong proseso ng pananaliksik na ang mga kalahok ay nagkaroon ng kapangyarihan at
nakapagbigay ng direksiyon sa pagaaral. Gamit ang pinag-ugnay na teorya nina Cesare Segre (Semiotics
and Literary Criticism) at Eric Louw (The Media and Cultural Production), tinuunan ni Elyrah Salanga
ang buhay ng tinaguriang “muhon” ng peryodismong Pilipino sa “Si Alfredo Navarro Salanga at ang
Kanyang Ginintuang Mata: Pagsusuri sa mga Akda sa ’Post-Prandial Reflections (1982-1986).’”
Samantala, pinag-ugnay rin ni Rolando Cronico ang mga M. J. B. Rodriguez-Tatel 145 pananaw nina
Joan Rubin at Bjorn Jernudd hinggil sa idea ng language planning at teorya ni Ernesto Constantino
tungkol sa Paraang Unibersal (Universal Approach) upang suriin ang pagsasabatas pangwika sa Ikawalo
at Ikasiyam na Kongreso ng Pilipinas. Pinagtitibay ng policy approach ang punto ng mga nasabing
sosyolingguwista na ang problema sa wika ay dapat tratuhin sa paraang makatutugon sa mga sitwasyong
sosyal at politikal kaysa purong lingguwistika lamang. Gamit ang Marxistang pananaw, tinunghayan ni
Violeta Ignacio ang transpormasyon ng makata at ng kaniyang tula sa “Ang Nagbabagong Larawan ng
Amerika sa Tulang Tagalog, 1898-1972.” Nasaksihan ang pag-aanyo mula sa “eskapistang
modernismo” na naglalarawan sa Amerika bilang kaibigan at tagapagpalaya tungo sa “nakikisangkot na
panitikan” na nagsiwalat ng diumano’y totoong imahen ng Amerika bilang “tunay na kaaway.” Sa
ganang ito, itinampok ang aktibong pakikisangkot ng mga makata at ng kanilang tula para sa
panlipunang pagbabago. Nasa gayunding balangkas pangkaisipan ang tesis pangmaster ni Leonilo
Doloricon na “Ang Sining-Protesta at ang Kilusang Masa: Isang Istorikong Pagsasalarawan (1983-
1988).” Sa partikular, ginamit ang panunuri sa ekonomiyang politikal (political economy) upang masuri

55 | P a g e
ang sining-protesta bilang “kontra-kultura” sa konteksto ng kilusang masa at sa uri ng politikang
nilalabanan nito. Samantala, inilapat ang multidisiplinaryong lapit ng cultural studies na nakabatay sa
mga Marxistang diskurso ng Frankfurt School at British Cultural Studies sa “Ang Diskursong
Panlipunan sa mga Pelikulang Masaker ni Carlo J. Caparas” (Rañeses, Jr.). Sa pamamagitan ng
pagbabanghay ng mga estruktura, kahulugan, at tunggalian ng mga puwersang panlipunan sa loob at
labas ng pelikula, pinalitaw ang mga diskursong panlipunan sa mga pelikulang masaker ni Caparas,
partikular ang kahalagahan ng mga ito bilang produkto ng kulturang popular sa konteksto ng sosyo-
ekonomiko-politikal na sitwasyon sa bansa. Nakabalangkas sa Marxistang peminismo at
“conscientization” ni Paulo Freire ang “Babae…Harapin ang Hamon ng Panahon: Isang Pagtatasa ng
Programang Pagmumulat at ang Epekto nito sa Maralitang Kababaihan sa Kamaynilaan” (Magno). Sa
pag-aaral na ito, naglagom at humalaw ng mga aral sa pagmumulat ng kababaihan sa pamamagitan ng
pagtatasa sa programang “Women’s Consciousness Raising Through Education and Action Towards
Empowerment (Women CREATE).” Pinalalawig nito ang kaisipan ni Freire sa pamamagitan ng
paglalangkap ng ekonomiya, politika, at kultura sa usapin ng kasarian. Isa ring peministang pagbasa ang
“Ang Pagbukas sa ‘Pinid na Pinto’: Ang Pagiging Babae sa mga Piling Maikling Kuwento ni Rosario de
Guzman-Lingat na Nailathala sa Magasing Liwayway mula 1965-1979” (Camba). Ginamit sa pag-aaral
na ito ang “mata” ng isang malay na Pilipinong peminista bilang 146 Philippine Studies/Araling Pilipino
lente sa pagsusuri ng mga tahasan at di-tahasang subersiyong ginagawa ng mga babaeng tauhan sa iba’t
ibang antas ng lipunan sa iba’t ibang panahon. Mula sa larangan ng pangmadlang komunikasyon
humalaw ng konseptuwal na balangkas ang “Limang Tagapagtaguyod ng Alternatibong Limbag na
Medya (Alternative Print Media) sa Kilusan ng Pagtutol sa Diktadura ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos (1972-1986)” (Pastor). Nililinaw rito ang mga susing konseptong “alternatibong limbag na
medya (ALM),” kaugnay ng “xerox journalism,” “alternative press,” at “underground press” upang
masiyasat ang realidad ng diktadura ni Marcos. Ginamit naman ni Miriam Covar ang mga teorya nina
Jean Piaget at Lev Vygotsky ng “intellectual development” sa kaniyang disertasyong “Pag-iisip, Laro at
Wika ng Batang Pilipino” upang maipakita ang ugnayan ng pag-iisip, laro, at wika sa bawat antas ng
pag-unlad ng bata. Ang antas ng pag-iisip ay tiningnan ayon sa iba’t ibang uri ng laro at wika na
ginagawa ng bata ayon sa kaniyang edad, kasarian, at antas pangkabuhayan. Tiningnan ang wika sa
pamamagitan ng kayarian at balarila (morpolohiya at sintaks). Ipinakita naman ng “Bisa ng Pantasya:
Ang Imahinasyon sa ‘Mga Kuwento ni Lola Basyang’ ni Severino Reyes” (Bellen) ang pagsasalikop ng
imahinasyon at pantasya sa mga kuwento ni Lola Basyang. Tinuunan ng pag-aaral ang diyalektika ng
pagaangkop ng mga nasabing katha sa samot-saring anyo ng kulturang popular. Sa ganang ito,
pinatunayan ng may-akda na lahat ng akda ay nagtataglay ng ideolohiya at maaaring maging isang
symbolic act kung kaya’t walang iisang interpretasyon sa naratibo. Sa kabilang dako, ipinakita naman ni
Rommel Rodriguez (2003) ang matalik na ugnayan ng akdang pampanitikan sa kinapapalooban nitong
kontekstong sosyo-historikal sa “Paglulugar ng Personang Bakla sa mga Kwento ni Honorio Bartolome
de Dios sa Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Filipino.” Tinutukan nito ang pagbabagong inilatag ni
de Dios sa usapin ng paglikha ng persona sa kasaysayan ng maikling kuwento sa Filipino. Lapit
diskursibo naman ang ginamit sa “Nasaan ang Hinaharap: Diskurso ng Kinabukasan sa mga Nagwaging
Future Fiction (Filipino at Ingles) sa Don Carlos Palanca Literary Awards Mula 2000-2005” (Aguirre)
upang ungkatin ang pagpapakahulugang nakabaon sa pagitan ng mga salita. Malinaw na makikita ang
pag-aangkin ng mga konseptong “spatial behavior” at “spacial analytic” nina Reginald Golledge at
Robert Stimson, “panopticon” ni Michel Foucault, M. J. B. Rodriguez-Tatel 147 at “class structure” ni
Anthony Giddens sa salin ng mga ito bilang “bakod,” “bukod,” at “buklod” ni Elizabeth Morales-
Nuncio sa kaniyang disertasyong “Ang Syudad ng Mall: Ang Espasyo at Biswal na Pag-iral ng Bakod,
Bukod at Buklod mula Tabuan Hanggang SM City North EDSA.” Produkto ito ng paghalaw sa mga
metodo at pagteteoryang nakilala na sa mga pananaliksik sa mundo ng agham panlipunan at
humanidades, subalit, ayon sa may-akda, “dinaplisan…ng pananaw-Pilipino.” Isa itong pagsasalin batay
sa sensibilidad ng mga Pilipino bilang ambag, diumano, sa pagunlad ng Pilipinong punto de bista sa
larangan ng pananaliksik. Isang aspekto ng pag-aangkin ay ang kalakaran tungo sa sinkretismo—ang
malikhaing pag-uugnay ng mga banyaga at katutubong dalumat. Isa itong mapangahas na paghalaw at
paghango ng mga teorya at lapit sa loob at labas ng bansa upang makabalangkas ng isang dulog na
mailalapat sa kasalimuotan ng mga pag-aaral sa Kapilipinuhan. Matutunghayan ang halimbawa nito sa
“Hidwaan at Damayan sa Nagbabagong Lipunan sa Kalagitnaang Mindanao” ni Dante Santiago. Gamit

56 | P a g e
ang “quantitative-qualitative mix of data gathering” pinag-ugnay-ugnay niya ang sumusunod na metodo
upang makabuo ng isang holistikong pagtingin sa paksa: etnograpiya nina Pertti J. Pelto at Gretel H.
Pelto; pagsusuri ng mga kasulatan at dokumento at pakikipanayam; pakikilahok at pagmamasid; pag-
aaral ng mga kaso (case study); at, bilangan at estadistika. Para sa teoretikong balangkas, humango ang
disertasyon ng mga idea mula sa antropolohiyang panlipunan (social anthropology) ni Fred Eggan,
teoryang antropolohiko nina Marvin Harris at Adamson Hoebel, at tunggalian ng uri sa lipunang
industriyal ni Ralf Dahrendorf. Iniugnay ang mga ito sa konseptuwal na gabay ng “pambansang
integrasyon nang hindi nawawala ang kaakuhan” ni Juan R. Francisco (sipi kay Santiago). Isinalin niya
ito bilang “Balangkas ng Kaisipan ng Pagsasanib na Hindi Naglalaho ang Likas na Kakanyahan ng
Bawa’t Pulangan.” Ang salitang “pulangan” (ayon kay Francisco) ay ang “pulutong na kinabibilangan at
kinapapalooban ng mga katangian ng mga mamamayan tulad ng wika, paniniwala o pananampalataya at
marahil ay lugal o lalawigang pinagmulan ng mga ito” (sipi kay Santiago 27). Nilinaw din ng akda ang
ilang terminong katutubong susi sa pag-unawa sa damayan at hidwaan sa konteksto ng kalagitnaang
Mindanao (e.g., kaulaan o ula; libulung o pagsasaayos ng gusot sa pamamagitan ng datu; liro/lido o
alitan; miglapin o pang-aapi ng kapuwa; pag-ampo o pananampalataya sa Magbabaya; pandaug-daug o
pag-upasala sa iba; paghusay o pagsasaayos ng gusot at alitan; panglawat o pahiging na paghingi ng
tulong ng kapwa; sakom o uma o sakahan o lugal na pinagyaman ng mag-anak; tumanod o
makapangyarihang kaluluwa sa kagubatan; at tangkulo o putong ng isang datu. Sa pamamagitan ng mga
ito, binubuksan ang mundo ng pakahulugan ng mga taga-Mindanao upang maunawaan ng sambayanang
Pilipino. 148 Philippine Studies/Araling Pilipino Gayundin naman, pinag-ugnay-ugnay ni Rogelia Pe-
Pua ang mga pamamaraan ng sikolohiya, antropolohiya, at sosyolohiya upang masuri ang karanasan ng
mga Ilokanong nandayuhan sa Hawaii at bumalik sa Ilocos sa “Ang mga Balikbayang Hawayano ng
Ilocos Norte: Pandarayuhan at Pagbabalik” ng mga balikbayang Hawayano. “ Pinagtuunan sa pag-aaral
na ito ang mga dahilan ng kanilang pagbabalik, gayundin ang paghahambing sa mga Hawayano at di-
Hawayano sa pamantayang pambansa (Pilipino) at lokal (Ilokano) gamit ang Panukat ng Ugali at
Pagkatao (PUP) ng SP at Panukat ng Pagkataong Pilipino ng Wilcoxon’s Matched Paris Signed Ranks
Test. Nakalikha naman si Lilia Quindoza-Santiago sa kaniyang disertasyong “Ang Kababaihan sa
Panulaan ng Pilipinas” ng iskema ng Panunuring Malay sa Kasarian (PMK) batay sa analisis niya ng
mga akda nina Simone de Beauvoir, Mary Wollstonecraft, at Virginia Woolf na nagtaguyod ng
peminismo sa panitikan. Pinaghugpung-hugpong dito ang iba’t ibang larang at disiplina, hindi lamang
ng panitikan, kundi ng sikolohiya, ekonomiya, sosyolohiya, kasaysayan, politika, at antropolohiya,
sapagkat naniniwala ang may-akda na ang kritikang peminista ay nagbibigay-diin sa usaping ideolohiko
at materyal. Sa pamamagitan nito, pinatunayan ng akda na may konsepto tayo ng katutubo o panloob na
peminismo. Sa loob ng lipunang Pilipino, madudukal, diumano, ang katutubong peminismo at
napapanday ito sa mismong danas ng mga babae sa kanilang pagkababae at bilang kababaihan sa
kabuuan. Sa ganang ito, binigyang-daan ang pagteteoryang nakaangkla sa mga dalumat ng “babae,”
“pagkababae,” at “kababaihan.” Habang itinatampok ang sariling peminismo, kinikilala rin ang
diyalektika ng katutubo at dayuhan—ng katutubong karanasan ng babae, pagkababae, at kababaihan sa
bansa at ng diskursong peminista sa ibayong dagat na nasasagap ng mga babae at kilusang kababaihan.
Matutunghayan ang pagpupunyagi tungo sa sariling pagdadalumat habang umuugnay sa kanluraning
teorisasyon sa mga sumunod pang pag-aaral hinggil sa kababaihan. Binalangkas ni Crisanta Nelmida
ang kaniyang tesis pangmaster na “Ang Pagkabuo ng Larawan ng Babae sa Ilang Piling Nobela ni Ma.
Magsano: Isang Alternatibong Pagbasa” batay sa mga inilatag na konsepto, teorya, at lapit sa loob (i.e.,
ang PMK ni Quindoza-Santiago) at labas ng bansa (e.g., Feminine Writing ni Helene Cixous at idea ng
differance ni Derrida). Sa partikular, pinahihintulutan, umano, ni Derrida ang anumang paraan ng
pagbasa ng teksto–bagay na nagbukas ng maraming posibilidad lalo na sa mga di-Kanluraning iskolar na
magdalumat ng sarili). Nasa ganito ring kategorya ang pag-uugat ng peministang pananaw sa mga
karanasan ng Ilokanong kababaihan sa “Sarsarita ti Babai ti Amianan” (Caampued). Sa pamamagitan
nito, M. J. B. Rodriguez-Tatel 149 siniyasat ang masaklaw na usapin at ugnayan ng tatlong mahahalaga
at nagsasariling larangan—panitikan, kababaihan, at lipunan gamit ang kawing-kawing at nakapaloob na
konsepto ng “sarita,” “Amianan,” at “pagsulat ng kababaihan.” Itinampok ni Caampued ang Ilokanong
dalumat ng “pagtatahaw” ng sarili ng mga kababaihang Ilokano na matutunghayan sa mga inilathala
nilang salaysay bilang pangunahing instrumento ng kanilang paglalahad. Pinagsumikapang
maisakatutubo ni Rebecca Gaddi sa “Paglalahad ng Karanasan ng Paghihilom: Paghahanap ng

57 | P a g e
Kahulugan” ang postmodernistang pananaw ni Jennifer Geddes ukol sa “ugnayan at pagiging buo ng
kalusugang pangkaisipan at pisikal na kagalingan.” Iniugnay ang pananaw na ito sa pagdadalumat ni
Enriquez tungkol sa usapin ng kasarian at mapagpalayang sikolohiya (From Colonial to Liberation
Psychology; at “Resisting Gender Oppression” sa Pagbabangong Dangal). Mula rito, nilinang niya ang
dalumat ng “hilom”/”paghihilom” na bumalangkas sa pag-aaral at inilapat ang metodong paglalahad.
Bilang isang dalumat, tumutukoy ang paghihilom sa isang personal na oryentasyong naikakabit sa
pagiging buo o ang pag-uugnay ng katawan at isipan. Sa ganang paggamit ng konseptong ito, ipinakita
ang proseso ng pagbangon ng kababaihang naging biktima ng mga abusong seksuwal ng kanilang mga
asawa o kapisan. Tiningnan kung paano nagiging instrumental sa paghihilom ang paglalahad ng mga
bahaging kuwentong-buhay patungkol sa pang-aabuso at tinahak na proseso ng paghihilom bilang isang
paraan ng pagpapalitaw ng karanasan at pagbibigay ng kahulugan sa karanasang ito. Paglalahad din ang
naging paraan upang maisagawa ang proseso ng paghihilom o paggalíng ng biktima, kasama na ang
pagbuo ng sariling pananaw at pakahulugan sa karanasang pinagdaanan–isang panibagong sarili o
subjectivity. Pinagsamang teorya ng social learning nina Robert Kreitner at Fred Luthans at katutubong
metodolohiyang “hiyang” ni Pesigan ang inilapat sa “Si Mama Rosa at ang Camara Baja: Ang Papel ng
Tagapagtatag sa Pagbubuo ng Kultura” (Mata). Sa pag-aaral ng relasyon ng tagapagtatag ng isang
samahan sa kasapian nito, ginalugad ni Mata ang panloob na pakahulugan ng mga simbolo ng “bundok
bilang santong lugar,” “pinuno bilang ina,” at ang “dasal, pagsisiyam, at pamumuwesto” bilang mga
banal na gawaing nakapagdudulot ng kaayusan sa lipunan. Mula rito, nakabuo siya ng tinagurian niyang
“metodolohiyang dungaw”—na binigyang kahulugan bilang “pagbibigay-oportunidad sa mga
mananaliksik na maging hiwalay, habang lumulubog sa kultura ng kapatirang pinag-aaralan.” Bilang
isang participant observer, nakiisa siya, nakisalamuha, at nakipagkapuwa kasama ng kaniyang pinag-
aaralan, subalit taglay ang mahigpit na pagsasaalang-alang sa kaniyang posisyon bilang iskolar na may
kakayahang makaunawa ng obhetibong pananaw. Gamit ang mga espesipikong metodo 150 Philippine
Studies/Araling Pilipino ng pakikiramdam, usap-usapan, kuwento at kasulatan, pagninilay at damay, at
pakikiisa, masasabing sumasayapak din ang pag-aaral sa tradisyon ng SP. Samantala, nilayon naman ni
Raul Navarro sa kaniyang disertasyong “Kolonyal na Palisi at ang Nagbabagong Kamalayang Pilipino:
Musika sa Pampublikong Paaralan sa Pilipinas, 1898-1935” na magbukas ng larang ng pangmusikang
edukasyon ng katutubo bilang batis sa pagsasaliksik sa kamalayang ipinakilala ng Amerikanong
mananakop (1898-1935). Nilinang sa pag-aaral na ito ang dalumat ng “diskurso” batay sa masinop na
pag-uugnay-ugnay sa sumusunod: (1) teorya ni Foucault hinggil sa relasyong pangkapangyarihan; (2)
SP ni Enriquez; at (3) “pagpapakahulugan” bilang metodo ng semyotikang pagtingin sa mga datos at
mga limbag na aklat at iba pang pag-aaral ukol sa musika sa Pilipinas (ng mga Pilipinong musikologo
mismo, gaya nina Ramon Santos, Mauricia Borromeo, A.B. Rotor, Sylvia Mayuga, Arsenio Manuel,
Felipe de Leon, at Francisco Santiago). Anupa’t nag-aambag ang akda sa layuning bigyang-kahulugan
ang musika sa pampublikong paaralan at papel nito sa paghubog sa kasaysayan at kamalayan ng
kaniyang bayan. Bukod sa pag-aaral ni Navarro, nagpapalawig din sa pag-unawa ng diskurso ang
“Movie Queen: Pagbuo ng Mito at Kapangyarihang Kultural ng Babae sa Lipunan” ni Cesar Orsal.
Gamit ang teorya ng “encoding/decoding” ni Stuart Hall, siniyasat ang depinisyon at posisyon ng movie
queen, ang pagbawi o rekuperasyon ng representasyon ng babae sa pelikula at ang pakikipagnegosasyon
sa mga manonood upang makabuo ng kapangyarihang kultural. Sapagkat ito ay nakaangkla sa
interdisplinal na pag-aaral, ginamit ding tuntungan ang teorya ni Michael Ryan sa rekonstruksiyon ng
realidad, ni Roland Barthes sa pagbuo ng signipikasyon ng mito, ni Karl Marx sa teorya ng
komodipikasyon, ni Jacky Stacey at Andrew Tudor sa teorya ng identipikasyon, nina Christine Gledhill
at Charlotte Brunsdon sa mga usaping peminismo, at ang kultural na pananaw ng mga Pilipinong iskolar
na sina Covar at Patrick Flores. Nakapaloob din sa kalakaran ng pag-aangkin ang mayamang talaban sa
anyo ng tagisan ng mga kaisipang mula sa loob at mula sa labas sa bisa ng kritisismo. Sa direksiyong
ito, naghawan ng landas ang “Pook at Paninindigan sa Pagpapakahulugan: Pag-uugat ng Talastasang
Sosyalista sa Kalinangang Bayan” ni Ramon Guillermo. Pinabulaanan ni Guillermo ang alegasyon ni
Salazar na ang komunismo sa Pilipinas ay isang banyagang ideolohiya. Sa ganang ito, iniangat ni
Guillermo ang mga kritisismo sa PtP sa antas ng kapantasan. Kung tutuusin, isa rin itong malikhaing
demostrasyon kung paano naangkin ang Marxismo sa Pilipinas. M. J. B. Rodriguez-Tatel 151 Bukod sa
mga pangunahing kalakaran ng paglilinang (ng mula-sa-loob na Pilipinong dalumat) at pag-aangkin (ng
mga kaisipang mula-sa-labas), matutunghayan ang ilan pang kalakarang sumusuhay sa adhikain ng

58 | P a g e
Pilipinisasyon. Isa na rito ang paggamit ng mga partikular na metodong nagpahintulot sa mga mag-aaral
na maiugat ang pagaaral sa sariling konteksto o kapookan, o di kaya’y makapaglapat ng panloob na
pananaw sa pinapaksa ng pag-aaral. Pangunahin na rito ang paggamit ng lapit historikal na
matutunghayan kapuwa sa tesis pangmaster at disertasyon ni Nicanor Tiongson: una, “Ang Dulang
Panrelihiyon sa Malolos, Bulacan: Kasaysayan at Estetika” ni Nicanor Tiongson, at ikalawa,
“Kasaysayan at Estetika ng Komedya sa Parañaque.” Partikular sa ikalawa, sinasalangguhitan kung
paano matagumpay na naiugat ang komedya sa kalinangang bayan ng Parañaque at nag-anyo bilang
“dulang Pilipino sa ating panahon.” Samantala, itinagni ni Soledad Reyes ang mga konsepto ng
panunuring pampanitikan at sosyolohiya sa ginawa niyang pagsasakasaysayan ng nobelang Tagalog na
pinamagatang “Kasaysayan at Kontekstong Panlipunan ng Nobelang Tagalog.” Inilapat din ang lapit
historikal sa “Tungo sa Mas Makabuluhang Pakikilahok ng mga Tao sa Pagbabago at Pag-unlad: Pag-
aaral ng mga Paniniwala’t Karanasan ng mga Tao sa Pagpapaunlad” ni Angelito Manalili upang
mailahad ang kasaysayan ng pag-oorganisa at maipakita ang lalim at pagiging tuluyan nito bilang isang
tradisyong nakaugat sa ating kultura. Itinatampok ng pag-aaral ang pagkilala sa masa bilang
“tagapaglikha ng pagbabago.” Kaugnay ng pag-alingawngaw nito sa isang diskursong “may saysay sa
taong pinagsasalaysayan” minarapat pag-aralan ang mga pananaw at karanasan ng mga tao sa pag-
oorganisa at sama-samang pagkilos. May ganito ring bisa ang pagpapatampok sa metodong case study
sa tesis pangmaster na “Tungo sa Mapagpalayang Paglikha ng Panitikan: Ang Kaso ng Bukal ng Sining”
ni Elizabeth Morales. Pinag-aralan dito ang grupong Bukalsining (Buhay Kalayaan Sining) bilang
mapagpalayang instrumento ng pagtuturo o pedagohiya ng Malikhaing Pagsulat at iba pang sining sa
kabataang maralita ng Towerville, San Jose del Monte, Bulacan. Samantala, sa masinop na paglikom ng
mga awiting bayan, inunawa ni Felisa Legaspi ang diskurso ng identidad sa kaniyang “Ang mga
Awiting Bayan sa Bataan: Isang Pagaaral na Pampulangang Pangkasaysayan.” Siniyasat naman ni Ma.
Paula Sioco ang porma at nilalaman ng pangangatwirang moral ng mga Pilipino, sa partikular ng ilang
mag-aaral sa UP upang maisiwalat ang estruktura nito sa kaniyang disertasyong “Pangangatwirang
Moral sa Unibersidad ng Pilipinas.” Isinagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng tatlong dilemang
moral bilang instrumento ng empirikong pananaliksik. Mahalaga ring kalakaran ang direktang pag-
aambag sa pagsulong ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagpaksa mismo rito. Isang halimbawa ang
disertasyon ni Pamela C. Constantino na “Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan
ng 152 Philippine Studies/Araling Pilipino Malaysia, Indonesia at Pilipinas.” Gamit ang nasyonalismo at
ideolohiya bilang mga konseptuwal na balangkas, siniyasat ang pagpaplanong pangwika bilang
manipestasyon ng ideolohiya ng bansa. Gayundin naman, tiningnan ang lakas at determinasyon ng
ideolohiyang ito bilang repleksiyon ng sigasig ng gobyerno sa pagpapatupad ng pagpaplanong
pangwika. Nagtatalaban ang mga naihanay na pag-aaral sa mga natukoy na kalakaran upang makalikha
ng isang kabuuang larawan ng mga pagpupunyaging gawing makabuluhan ang pag-aaral ng mga
Pilipino sa kanilang sarili mismo. Nakikipagtalaban din ang mga simulain ng Philippine Studies/Araling
Pilipino/Pilipinolohiya sa wikang Filipino sa mga pag-aaral sa larang na ito na nasa wikang Ingles. Sa
puntong ito, mahalaga ring banggitin ang pagpupunyaging unawain at dalumatin ang mga paksa batay sa
kategoryang Filipino kahit pa ang midyum ng paglalahad ay Ingles. Matutunghayan ito sa “Tatlong
Persona Solo Dios: A Study of a Filipino Folk Religion” (Obusan); “Mundaan-Komkoman: A Study of
Sama Ethnic Survival and Identity” (Han); “Sipag, Tiyaga, Tibay ng Loob at Tipid: Women in the
World of Business” (Z. Reyes); at “Kumbentong Pawid–Another Development in Two Philippine
Barrios” (Obusan). Sa partikular, tinangka ni Obusan sa nasabing disertasyon na unawain ang konsepto
ng “kaunlaran”/”pag-unlad” ng karaniwang tao nang hiwalay o iba sa arketipong Norte Amerikano na
hindi umaakma sa aniya’y ating “historical, psychic, and cultural reality.” Ang paghahanap na ito,
diumano, ay humantong sa mayaman subalit hindi pa naisusulat na kaalaman ng mga karaniwang tao.
Tinagurian niya itong “karunungan ng ating bayan” na isinalin sa Ingles bilang “indigenous knowledge”
(IK). Sa ganang ito niya dinalumat ang “hiyang approach” na binubuo ng tatlong salik: (1) ang
karanasan ng komunidad; (2) metodolohiyang “hiyang”; at (3) partisipasyon ng mananaliksik sa diwa ng
damay at pakikiisa. Bilang paglalagom, ganito niya binigyang-kahulugan ang “hiyang approach”: “ang
pagkakalapat ng mga layunin ng pananaliksik sa metodolohiya nito” (“the fit between the objectives or
goal of the research and the methodology.”) Nasa ganito ring himig ang disertasyong “The Cultural
Dimension of Translation: An Analysis of the Relay Translation of Selected French Texts into
Tagalog/P/Filipino from the English Language” ni Josefa Baldoz Schriever sa ilalim ni Covar. Sa

59 | P a g e
partikular, empirikong sinuri ang pagkahalaw sa Tagalog/P/ Filipino ng ilang piling tekstong
pampanitikan sa Pranses mula sa kanilang pagkasalin sa “tagahatid” na wikang Ingles. Nilayon ng may-
akda na makaambag ang pag-aaral sa teknika at sining ng pagsasalin at samakatwid, sa Mapaghambing
na Panitikan (Comparative Literature) at Pilipinolohiya. Higit pa rito sinasalungguhitan ng pagaaral ang
kakanyahan o identidad ng Tagalog/P/Filipino bilang wika at kalinangan na siyang “matatag na
batayan,” aniya, “ng ating pag-unawa sa ‘Iba’ (l’autre/ the other).” M. J. B. Rodriguez-Tatel 153
PAGLALAGOM Decolonization, counter-domination, and empowerment–these are assertions. Exertion
is next in the agenda beyond defining Filipino psychology. [Dekolonisasyon, kontra-dominasyon, at
pagsasakapangyarihan – ang mga ito ay paggigiit. Pagkilos ang susunod sa adyendang higit pa sa
pagpapakahulugan ng sikolohiyang Pilipino.] (Akin ang salin.) –Prospero Covar, 1994 Sipi ito sa
pambungad ni Covar sa huling akda ni Enriquez na Pagbabangong Dangal: Indigenous Psychology and
Cultural Empowerment. Gaya ng SP, nakikibaka rin ang programang Philippine Studies/Araling
Pilipino/Pilipinolohiya ng UP para sa deskolonisasyon, kontra-dominasyon, at pagsasakapangyarihan sa
larang ng pagteteorya at ng kaakibat nitong pagbuo ng makabuluhang metodolohiya. Mula sa winikang
ito, pinagmumuni-muni tayo kung hanggang saan na nga ba nakaabot ang mga asersiyon para sa ganap
na Pilipinisasyon ng programa. Pinahahanap tayo ng mga kongkretong resulta–aksiyon at produksiyon
para sa pagbuo at pagpapayaman ng sariling diskurso. Mula nang maitatag ang programa noong 1955,
dahan-dahan itong sumailalim sa proseso ng deskolonisasyon at kontra-dominasyon. Sa pagarangkada
ng aktibismo noong dekada 70, nakibahagi rin ito partikular sa pagpapalaya ng kamalayan. Matalas
nitong pinuna ang di-kaangkupan ng mga teorya at metodolohiyang Kanluranin at kawalan ng
kakayahan ng mga modelong dayuhan na gagapin ang Pilipinong realidad at kaisipan. Marami na ang
naisulat at patuloy na isinusulat hinggil sa mga kritisismong binigyang-daan ng malay-sa-kakanyahang
pag-aaral tungkol sa Kapilipinuhan. Subalit hindi sa kritisismo natatapos ang punyagi. Natunghayan
natin sa mga produksiyon ng tesis at disertasyon ng Philippine Studies sa wikang Filipino ang
kongkretong batayan ng mga paninindigan. Sa paggamit ng wikang Filipino, nabuksan ang mayamang
bukal ng mga posibilidad tungo sa pagpopook at pagdadalumat ng programa sa Kapilipinuhan. Sa bisa
ng sariling wika, naipihit ang talastasan tungo sa pag-unawa ng sarili nating kababayan. Mula sa
ginawang paghahanay ng mga pag-aaral, maibubuod sa dalawang pangkalahatang kalakaran ang
ipinapalagay na rekontekstuwalisasyon at rekonseptuwalisasyon. Una, ang katutubong pagdadalumat
(i.e., paggamit at paglinang ng mga taal na konseptong gumagagap sa partikularidad ng ating mga
karanasan bilang isang lipunan at kalinangan sa agos ng panahon). At ikalawa, ang pag-aangkin ng mga
banyagang kaisipan/teorya at metodolohiya. Mula sa una, may dalawa pa ring tunguhing nagsasanga: (1)
paggamit o paglalapat ng mga dinalumat ng mga 154 Philippine Studies/Araling Pilipino pangunahing
tagapagsulong ng Pilipinisasyon sa Unibersidad (i.e., Enriquez, Salazar, Covar, Lumbera, at Almario);
at, (2) pagbuo ng sariling dalumat bilang konseptuwal na balangkas at metodong hinango mula sa
proseso ng pananaliksik na kanilang pinagdaanan. May dalawa ring paraan ng pag-aangkin ng mga
banyagang paradigma/ modelo ng pananaliksik: (1) simpleng paggamit o pag-aangkop ng mga
kategorya sa paksaing Pilipino, kaalinsabay ng pagsasalin ng ilan sa mga ito sa wikang Filipino, at (2)
sinkretismo o pag-uugnay-ugnay ng mga banyaga at katutubong kaisipan at metodo sa isa’t isa o dili
kaya’y sa mga kaisipang nagmula sa mga ekspertong Pilipino. Alinsunod man ito sa layuning suhayan o
papagtibayin ang isa’t isa o ikritika ang isa laban sa isa, ang umiiral ay dinamikong talaban ng mga
kaisipan sa wikang Filipino. Bukod pa sa paggamit ng sariling wika, masasabing higit na mataas ang
antas ng kamalayan ng pagsusulong sa Pilipinisasyon sa pamamagitan ng pagbuo at paglinang ng
sariling dalumat bilang tahasang ambag sa pagteteorya sa antas gradwado. Bagaman may mangilan-
ngilang pagtatangka patungo rito, karamihan pa rin sa antas di-gradwado ay nag-aangkop o gumagamit
lamang ng pormulasyong mula sa isa iba para magsilbing gabay sa pagpapaliwanag ng karanasang
Pilipino. Subalit dapat maunawaang sadyang ito lamang ang hinihingi ng mga pag-aaral sa antas di-
gradwado. Bukod pa rito, karaniwan ding nasasaksihan sa antas na ito ang higit na tendensiya sa pag-
uugnay-ugnay ng iba’t ibang kaisipang mula sa loob at labas sa aspektong teoretiko/konseptuwal at/o
metodolohiko. Gayumpaman, mahihiwatigan dito ang laya at kapangyarihan ng mga Pilipinong mag-
aaral na muling itakda ang mga hanggahan ng iniaangkop na kategorya, na sa huli’y maituturing na
isang pagpapakahulugan batay sa binuo nilang pamantayan ng kung ano ang may saysay o makabuluhan
sa isang partikular na paksa. Anupa’t bilang malikhaing paraan ng pagaangkin, patunay rin ito sa
makabuluhang “pagsasa-Pilipino” o rekontekstuwalisasyon ng Philippine Studies sa ating lipunan,

60 | P a g e
kalinangan, at kasaysayan. Samantala, makikita ang kongkretong bunga at manipestasyon ng punyagi
tungo sa hinahangad na “pagpapaka-Pilipino” ng Philippine Studies sa mga nailuwal na Pilipinong
dalumat, gaya ng sumusunod: “dalumat ng tao” (Melendrez-Cruz), “ugpungan” at “ikutang pangyayari”
(J. Veneracion), “tipan” (Alaras), “dulambayan” (Chua), “babae,” “pagkababae” at “kababaihan” at ang
eskema ng PMK (Quindoza-Santiago), “kabayanan,” “kabahayan,” at “kababaihan” (Gealogo),
“dungaw” (Mata), “pagtulong” (C. Veneracion), “igting”/”igtingan” (Dagohoy), “sarsarita ti babai”
(Caampued), “ili at pakasaritaan” (Agcaoili), “tinig mula sa ibaba” (T. Maceda), “pantawang pananaw”
(Nuncio), “buot at kapalibutan” (San Diego), “alingawngaw ng lupa” (Gabo), “paghihilom” (Gaddi),
“turungkuhan” at “kumbatihan” (Turgo), “tulansangan” (Andrada), “sanghiyang” (Nuncio), M. J. B.
Rodriguez-Tatel 155 “bakod,” “bukod” at “buklod” (Morales-Nuncio), “pamamagitan” at
“tagapamagitan” (N. Santos), “angkan” at “ka-angkan” (Tirad), at “dugo” (Roxas). Humuhugot ng lakas
at dinamismo ang mga pagdadalumat na ito mula sa dalawa pang tunguhin: (1) pagaambag ng ibang
varayti ng Filipino (e.g., Ilokano, Agta, Maubanin-Tagalog, T’boli) at (2) kritisismo sa mga naunang
Pilipinong pagdadalumat (cf. Guillermo). Nagkahugpong-hugpong ang danas ng tatlong kolehiyo sa
agos ng pagsulong ng Pilipinisasyon ng Philippine Studies sa UP. Sa KAL, sa pamamagitan ng DFPP,
nasaksihan ang mga panimulang inisyatiba ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ng tesis at
disertasyon. Sinimulan namang linangin ang mga espesipikong dalumat at eskuwela ng kaisipang
nagsilbing modelo ng ibayong pagdadalumat sa wikang Filipino mula sa bakuran ng CSSP. Sa AC
naman, sa pamamagitan ng pagkakatatag dito ng PCAS, naranasan ang isang malaking banta at hamon
sa mga Pilipinong iskolar na bumuo ng sarili nilang mga programang gradwado—bagay na
aalingawngaw at makaaapekto rin sa noo’y CAS, ang ina ng KAL at CSSP. Sa kasalukuyan, patuloy ang
mga sinimulan at simulain. Nagbabayanihan ang tatlong kolehiyo sa pagtataguyod ng programang
doktorado (sa ilalim ng “one concept one program”)–ito ang mayamang lunan ng paglinang sa sariling
pagdadalumat. Gayumpaman, isa lamang ang UP sa mas malawak na kabuuan ng Philippine Studies/
Araling Pilipino/P/Filipinolohiya sa loob ng bansa. Tunay ngang marami pang dapat saliksikin at
tingnan kung nais siyasatin ang programang ito sa Pilipinas. Pangunahin na rito ang mga pananaliksik o
pag-aaral sa iba’t ibang institusyon/unibersidad sa bansa na mayroon ding programang Philippine
Studies (gaya ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, Polytechnic University of the
Philippines, atbp). Kailangan ang lahat ng ito upang maimapa ang kabuuang kalagayan at tunguhin ng
pag-aaral sa Pilipinas ng mga Pilipino para sa Kapilipinihuan. May kaliitan man ang kanilang bilang sa
mas malawak na kabuuan ng Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa loob at labas ng
bansa, hindi matatawaran ang pakikipagsabayan ng mga Pilipinista sa wikang Filipino na manindigan at
kumilos para sa kanilang puwang at pagkakakilanlan, lalo na para sa kapakinabangan ng lipunanat-
kalinangang Pilipino. Bilang pansamantalang pagtatapos, nais ko lamang ialingawngaw ang
pangmatagalang tunguhin ng Pilipinisasyon sang-ayon sa mga naglagak ng muhon. Hindi lamang ito
natatapos sa paglaya at pagpapalaya ng Pilipinong kaisipan, nagsasanga ito tungo sa pagbubuo ng bansa
at pagbabangong dangal ng lahing Pilipino hanggang maabot nito ang estado ng matatag na
kakanyahang makapag-aambag din sa diwa ng 156 Philippine Studies/Araling Pilipino unibersalismo.
Pamaya’t mayang iginigiit na ang paggamit ng wika-at-kulturang Filipino sa produksiyon ng kaalaman
ang magiging ambag natin sa unibersal na agham o siyentipikong tradisyon ng sandaigdigan (Enriquez,
“Developing” 46-48; Salazar, “Pilipinolohiya” 336).

61 | P a g e
9. “Pagsipat sa mga nagawang pananaliksik sa larangan ng Wika noong 1996-2007 tungo sa
pagbuo ng Agenda sa Pananaliksik” ni Jovy M. Peregrino

Rasyonal
MAHALAGA ANG PAGPOPROGRAMA sa mga gagawing pananaliksik ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura (KAL) upang makatugon ito sa hamon ng akademikong buhay. Ang pagpoprogramang ito ay
mahahango sa mga pinagsasama-samang mga nabubuong agenda sa pananaliksik ng bawat aktibong
departamento ng kolehiyo.

Bilang isang aktibong departamento ng KAL, ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
(DFPP) ay naniniwala sa mahalagang proyekto ng CAL-CASAF Centennial Research Grant sa pagbuo
ng isang research agendang pangkolehiyo. Bahagi ng DFPP ang pag-aaral at pananaliksik sa larang ng
wikang Filipino. Sa pagsipat sa mga nagawang pananaliksik sa larang ng wika mula 1996-2007
maaaring mahango at mabuo ang isang agenda sa pananaliksik pangwika. Mahalagang makita ang
tinutungo, tinalakay, binuo, at mga naging produkto ng pananaliksik na ito upang maging giya sa
susunod pang mga dapat gawing pananaliksik sa larang ng wika. PHILIPPINE HUMANITIES
REVIEW 157 Malawak ang sinasakop ng pag-aaral at pananaliksik sa wikang Filipino na nakahabi sa
kompleksidad ng kultura at lipunang Filipino. Tinitingnan ng DFPP ang pag-aaral sa wikang Filipino
bilang disiplinang akademiko na maaring paghanguan ng kaalaman at karunungan. Dahil dito, nararapat
na magkaroon ng isang malinaw na giya ang mga programang binubuo para sa pananaliksik pangwika.
Mula dito, maaring mabuo ang isang komprehensibong agenda sa pananaliksik pangwika.

Layunin
Pangkalahatang layunin ng papel na ito ang makabuo ng isang komprehensibong agenda sa pananaliksik
pangwika.
Mga espesipikong layunin:

1. Matasa ang direksiyon ng mga pananaliksik pangwika na ginawa ng mga guro at mga gradwadong
estudyante ng DFPP sa loob ng sampung taon;

2. Makapagmungkahi ng direksiyon ng pananaliksik pangwika na nakabase at nakaangkla sa bisyon-


misyon ng KAL at DFPP;

3. Malaman ang mga espesipikong dominyo ng pananaliksik na maaring pagtuunan ng pag-aaral ng


mga guro at estudyante;
4. Makapagmungkahi ng mga kongkretong estratehiya upang maging suporta sa mga gawaing
pananaliksik ng KAL at DFPP.

Metodolohiya
Kinalap mula sa Graduate Studies Office (GSO) ang mga M.A. thesis at Ph.D. dissertation ng mga guro
at gradwadong estudyante ng KAL na may kinalaman sa mga pag-aaral sa wikang Filipino mula
Akademikong Taon 1996-2007. Tinipon ang mga listahan, kopya, at abstrak ng mga ginawang
pananaliksik ng mga guro sa DFPP hinggil sa larangan ng wika sa pamamagitan ng mga nakalimbag
nilang pananaliksik at mga hindi nakalimbag na manuskrito. Sinangguni ang mga curriculum vitae na
naglalaman ng listahan ng mga pananaliksik ng mga guro sa DFPP. 158 Binasa at sinuri ang mga titulo,
abstrak, at mga bahagi ng thesis at dissertation upang makita ang tuon, layon, pagdulog o lapit, at ambag
ng pananaliksik sa larangan ng wika. Sa pamamagitan ng pagkakategorisa ng mga pananaliksik ayon sa
espesipikong dominyo o saklaw ng wika, makikita ang tinutungo ng mga ginawang pag-aaral. Mula sa
mga pahayag sa kani-kanilang mga abstrak maaaring gumawa ng listahan ng mga ambag at pagdulog ng
pagnanaliksik. Sa pagkakategorisa ng mga pananaliksik ayon sa kinabibilangan nitong dominyo,
masasalamin ang dami o hindi kaya’y kadahupan ng mga kailangan pang isagawang pananaliksik para
sa partikular na dominyo o saklaw ng mga pagaaral at pananaliksik sa wika. Sinangguni rin ang

62 | P a g e
mahahalagang dokumento ng DFPP upang magbigay-linaw sa historikal na perspektiba ng pananaliksik
pangwika ng departamento.

1. Bisyon-Misyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura at ng Departamento ng Filipino at


Panitikan ng Pilipinas
Malinaw ang pahayag ng KAL sa bisyon-misyon nito na makamit ang pinakamataas na pamantayan ng
akademikong integridad at kahusayan sa sining at kalinangan. Isinusulong ng KAL ang malikhain,
mapanuri, at mapagbagong kalinangan na may oryentasyong makabayan at makatao. Itinatampok din
nito ang paglilingkod na nauukol sa mithiing Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo, saliksik/ malikhaing
gawain, at ugnayang bayan. Sa bisyon-misyong ito ng KAL masasalamin ang halaga at
pangangailangang maisakatuparan ng kolehiyo ang pangunguna sa pananaliksik hinggil sa sining at
kalinangan. Mula sa ganitong pagtanaw at adhikain ng KAL naipapahayag ng DFPP ang bisyon-misyon
at layunin nitong maitampok ang paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing wika sa lahat ng
antas at larangan sa Filipinas at kinikilalang isang pangunahing wikang pandaigdig. Magaganap ang
bisyong ito sa pamamagitan ng puspusang pananaliksik hinggil sa wika bilang disiplina at gamit na
wikang pang-akademiko at pambayan. Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 159 Umaayon
sa bisyon ng KAL ang misyon ng DFPP na magtaguyod ng isang matatag na makinarya o estruktura na
magpapahusay sa pagtuturo at titiyak sa paglaganap ng Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng
Filipinas, malikhaing pagsulat, araling Filipino, at araling Rizal sa antas pambansa at internasyonal.
Pangunahing misyon din ng DFPP ang magsagawa ng mga pananaliksik at lumikha ng mga akda na
tutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, araling
Filipino, malikhaing pagsulat, at araling Rizal. Mula sa mga pananaliksik na magagawa ng DFPP ay
misyon din nitong regular na mailathala ang mga napapanahong publikasyon sa Filipino at mga wika sa
Filipinas, sa panitikan ng Filipinas, sa araling Rizal, sa araling Filipino, at sa malikhaing pagsulat.
Nangunguna ang DFPP sa paglulunsad ng mga programa o gawaing kaugnay ng mga larang sa wikang
Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, malikhaing pagsulat, araling Filipino at araling
Rizal. Bukod sa paglulunsad ng mga programa, aktibo rin ang DFPP sa pakikilahok sa pagpapatatag ng
kilusan sa wikang Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, araling Filipino, araling
Rizal, at malikhaing pagsulat. Malinaw ang misyon ng DFPP hinggil sa papel nito sa pagtuturo at
pananaliksik. Mula sa layunin nitong mapaunlad ang wikang Pambansa at mga wika sa Filipinas sa
pamamagitan ng mga pananaliksik sa panitikan at iba’t ibang etnolingguwistikong grupo ay nakakapag-
ambag ito sa pagbuo ng pambansang panitikan at kultura. Naipapalaganap ang panitikang Filipino sa
pamamagitan ng pag-aaral, pananaliksik, at pagsulat ng mga malikhaing akda sa Filipino at mga wika sa
Filipinas. Malinaw din sa DFPP, bilang nangungunang departamento sa usapin ng wikang Filipino, ang
mga estratehiya nito upang maisakatuparan ang bisyon-misyon. Bukod sa parerebisa ng mga kurikulum
o mga kurso sa Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, malikhaing pagsulat, araling
Filipino at araling Rizal upang tumugon sa pagbabago ng lipunan, bahagi ng estratehiya ng 160 DFPP
ang pagbuo ng isang komprehensibong agenda sa pananaliksik tungo sa paggamit ng Filipino at mga
wika sa Filipinas. Kasama sa estratehiya ng DFPP ang agarang paglalathala ng mga pananaliksik upang
agaran itong maipakalat, masuri, at masundan ng iba pang pananaliksik at higit sa lahat ay makatulong
sa pagtuturo ng larangan ng wika. Ang mga pananaliksik na ito ay itinatampok bilang mahahalaga at
makabuluhang mga papel na binabasa at tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya, workshop, at
kongreso hinggil sa larang ng wika. Malaki ang naitutulong ng network ng DFPP upang mapalawak ang
pagtataguyod at pananaliksik sa wika. Nagsisilbing giya ang malinaw na pahayag ng KAL at DFPP sa
mga bisyon, misyon, layunin, at estratehiya nito para sa buong kolehiyo at DFPP upang maging angkop,
at magkaroon ng direksiyon, ang mga isinasagawang pananaliksik ng kolehiyo at DFPP na nagiging
pundasyon ng mga kaalamang itinuturo para sa pagkamit ng akademikong kahusayan.

i. Ang Larang ng Wika ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas


Isa sa limang larang ng DFPP ang wika. Kabilang sa limang ito ang larang ng panitikan, malikhaing
pagsulat, araling Filipino, at araling Rizal. Pinagtuunan ng papel na ito ang larang ng wika at mga
saklaw nito na pinagmumulan ng mga pananaliksik na nabuo at binubuo para sa pagpapayabong ng
wikang Filipino bilang larang. Sa pagkakatatag ng DFPP noong 1966 bilang yunit ng unibersidad na
tutugon at mangangasiwa sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, pagtuturo, at pag-aaral sa wikang Filipino

63 | P a g e
at sa mga wika ng Filipinas, hindi na matatawaran ang malayong narating at naiaambag ng DFPP sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino. Pinangunahan nito ang pagbabago sa sosyolingguwistikong batayan
ng wikang pambansa na tinatawag na Filipino. Kasabay nito ang ginawang pagbabago ng pangalan ng
departamento at ginawang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at maging ng mga kurso
nito mula Pilipino tungong Filipino simula 1974. Ang Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW
161 departamento rin ang unang nagturo ng modernong alpabeto at ortograpiya ng Filipino. Sa
constitutional convention (concon) ng 1973 naipakilala ng mga guro ng DFPP ang Filipino bilang
wikang pambansang multilingguwal ang basehan. Ganito rin ang ginawa ng DFPP sa mga komisyoner
ng concon ng 1986 kung kaya’t nakasaad sa konstitusyon na ang wikang Filipino ang dapat na maging
wikang pambansa ng Filipinas at itadhana ito bilang opisyal na wika ng pagtuturo. Ang mga guro din ng
DFPP ang nagmungkahi at nagimpluwensiya sa pagtatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
para sa Filipinas at Sentro ng Wikang Filipino para sa UP (Ramos 1998, 1). May tatlong bahagi ang
pambansang patakaran hinggil sa wikang pambansa sa Konstitusyong 1987. Una, kinikilala ng
Konstitusyon na Filipino ang wikang pambansa ng Filipinas ayon sa Artikulo 14 seksiyon 6—ang
pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Ikalawa, itinatadhana nito ang wikang Filipino bilang opisyal
na wika sa komunikasyon at pagtuturo ayon artikulo 14 seksiyon 7—para sa komunikasyon at pagtuturo,
ang mga opisyal na wika sa Filipinas ay Filipino, hangga’t walang itinatadhanan ang batas, Ingles.
Ikatlo, inaatasan nito ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad nito—habang
ito’y nabubuo, patuloy itong pauunlarin at payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba
pang wika; alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng konggreso, gagawa ng
hakbang ang gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon (Sentro ng Wikang Filipino 1996,
91). Sa pagdedeklara sa wikang Filipino bilang wikang pambansa, wikang panturo, at opisyal na wika,
nagbalangkas ang DFPP ng akademiko at kurikular na programa at mga kurso kaugnay ng
pagpapalaganap, pag-aaral, at pagtuturo ng Filipino. Ang kurikulum at mga kurso nito ang nagpasimula
sa disiplinang Filipino bilang akademikong sangay ng pag-aaral para sa wikang Filipino na dati ay
simpleng mga kurso sa iba’t ibang anyo ng panitikan, balarila, at sulating kasama ng ilang elektiba
(Ramos 1998, 1). 162 Sa pagsisikap ng DFPP, napalawak ang pag-aaral sa wikang Filipino mula sa
pagkatuto at pagtuturo nito bilang wika tungo sa pag-aaral dito. Ang mahalaga sa DFPP kaugnay ng
programa sa wika ay ang pagpapaunlad ng disiplinang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo,
pananalisksik, iskolarsip, at mga serbisyong pangwika. Nilinaw din ng DFPP ang mga akademikong
teritoryalidad nito, ang pagkilala at pagtiyak sa mga saklaw sa wikang Filipino pati na ang mga kursong
dapat saklawin nito (Ramos 1998, 2).

Mga Area ng Larang ng Wika


Apat ang area sa larang ng wikang Filipino. Kabilang dito ang area ng estruktura ng wikang Filipino,
area ng pagpaplanong pangwika, area ng pagsasalin, at area ng leksikograpiya. May ilan ding mga
asignatura na may kinalaman sa korelasyon ng wikang Filipino sa kultura at lipunan. Masasabing ang
area lamang ng pagpaplanong pangwika, estruktura, at pagsasalin ang tatlong linang at maituturing na
talagang area ng larang ng wika. Bagamat umiiral ang pag-aaral sa leksikograpiya, nananatili pa rin
itong mga asignatura lamang o maituturing na sub-area ng estruktura. Ang tatlong area na ito na
isinusulong ng DFPP ay inaprobahan noong 1985. Bagama’t nakikita ng mga guro ang tila hiwa-hiwalay
na tunguhin ng mga area, iminungkahi ni Dr. Ramos ang paggamit ng transdisciplinal na lapit sa mga
programang ito na magbibigay ng integrasyon sa mga kurso at sub-area upang maipakita ang kabuluhan
nito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teoretikal at praktikal na saligan nito (Larangan ng Wika
DFPP 1999, 1). Nais ng DFPP na maging sentro ng kahusayan sa wika at disiplinang Filipino sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wikang panturo, at wikang
opisyal ng unibersidad at ng bansa. Ang larangan ng wikang Filipino ng DFPP ang naglilinang at
nagpapatatag sa wika at disiplinang Filipino bilang akademikong larang kasama ang mga tiyak na area
at sub-area nito. Isinusulong nito ang transdisciplinal na pananaw, teorya, lapit sa pag-aaral,
pagpapaunlad, at pagsusuri ng wikang Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 163 Filipino sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw at matatag na programa sa pananaliksik. Iniestablisa ng
larang ng wika ang kaniyang identidad sa pamamagitan ng akademiko at kurikular na programa nito sa
larang ng pananaliskik, pagtuturo, at serbisyong eksternal kaugnay ng wikang Filipino (ibid., 2).

64 | P a g e
Pag-aaral ng Estruktura ng wikang Filipino
Sa area ng estruktura ng wika pinag-aaralan at ginagawan ng pananalisksik ang grammar o estruktura ng
wikang Filipino. Kabilang sa area na ito ang pag-aaral at pananaliksik sa mga grammar ng iba’t ibang
wika sa Filipinas. Itinuturo at pinag-aaralan dito ang mga usapin sa pagsusuring gramatikal sa
ponolohiya, morpolohiya, syntax, at maging ang semantics ng wika. Kabilang sa area na ito ang mga
asignaturang Filipino 1 at Filipino 2 para sa mga dayuhang nag-aaral ng grammar o estruktura ng
wikang Filipino. Kabilang din dito ang pag-aaral sa balangkas ng wikang pambansa, sarbey ng mga
akdang panggrammar ng mga wika sa Filipinas, at mga perspektiba at tunguhin sa pag-aanalisa ng
estrukturang lingguwistika ng wikang Pambansa. Pinag-aaralan din sa area na ito ang kasaysayan ng
pag-aaral ng mga grammar ng wikang Pambansa, maunlad na grammar, pag-aaral at pagsusuri sa mga
gramatika ng mga wika sa Filipinas na sinulat mula noong panahon ng pananakop ng Kastila at
Amerikano hanggang sa kasalukuyan, pagsusuri ng estruktura ng Filipino, ang mga gramatikang
Tagalog bago ang 1900, at pagsusuri ng syntax at semantics ng Filipino.

Pag-aaral ng Pagsasalin sa Wikang Filipino


Sa area ng pagsasalin naman pinag-aaralan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa at ang papel ng area na ito sa pagpapayabong ng Filipino sa akademikong gawain. Dito
pinapayabong ang korelasyon ng wika at kultura. Nilalayon sa programang ito na mapalawak, masanay,
at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga estudyante sa mga prinsipyo ng pagsasalin, 164
pananaliksik sa area na ito, pagsusuri ng mga salin, at higit sa lahat ay ang mismong pagsasalin.
Pinagtutuunan ng pansin sa area na ito ang mga konsepto, metodo at mga suliranin sa pagsasalin, mga
pagsasanay at aplikasyon sa pagsasalin, pag-aaral ng mga pagsasalin sa Filipinas mula sa panahon ng
pananakop ng Kastila at Amerikano hanggang sa kasalukuyan, at mga lapit sa pagsasaling pampanitikan
na sinusuri ang mga ginagamit na batayan at pamamaraan sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan.
Kabilang din sa area na ito ang pag-aaral sa mga lapit sa pagsasaling teknikal na nagsusuri sa mga
ginamit na batayan at pamamaraan sa pagsasalin ng mga akdang teknikal, diskurso at pagsasalin sa
akademya, siyensiya at teknolohiya, kabilang dito ang teorya at praktis sa pagsasalin ng mga akdang
siyentipiko at espesyal na pagsasalin.

Pag-aaral sa Pagpaplanong Pangwika


Sa area naman ng pagpaplanong pangwika pinag-aaralan ang mga teorya, modelo, at kasaysayan ng
pagpaplano sa wika sa Filipinas kasama na ang mga karanasan o sitwasyon sa pagpaplano ng wika sa
ibang bansa. Kabilang sa area na ito ang pagsusuri sa pinagdaanang sitwasyong pangwika ng Filipinas
na nagbibigay-linaw sa tatahaking pagpaplanong pangwika ng bansa. Mayroon ding pag-aaral sa area na
ito hinggil sa komparatibong pagpaplanong pangwika upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga karanasan ng iba’t ibang bansa hinggil sa kanilang mga suliraning pangwika na maaring maiugnay
sa karanasan ng Filipinas. Ipinaliwanag ni Dr. Pamela C. Constantino na ang pagpaplanong pangwika
bilang larang akademiko ay kabilang sa larang ng sosyolingguwistiks. Ang sosyolingguwistiks ay
kabilang sa larang sa applied linguistics na nabuo noong dekada 40 bunga ng pagpapaunlad ng
repleksiyonistang kaisipan na nagsasabing ang wika ay repleksiyon ng lipunan (Constantino 2007, 1).
Dahil sa pag-unlad ng larang na ito noong dekada 60, ang pagpaplanong pangwika sa DFPP ay nakabuo
ng mga pananaliksik na nakakatulong sa tuluyang pagtuturo nito sa mga estudyanteng Peregrino
PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 165 di-gradwado hanggang sa doktorado. Bagamat tatlo lamang
ang asignaturang may pangalang “pagpaplanong pangwika” tulad ng Filipino 245, 345, at 350 ay
masasabi namang sa area na ito makikita ang maraming pananalisksik na nagawa sa larang ng wika.
Makikita sa susunod na bahagi ng papel ang mga pananaliksik na ginawa sa area na ito. Bahagi rin sa
pag-aaral sa area na pagpaplanong pangwika ang intelektuwalisasyon, modernisasyon, elaborasyon,
estandardisasyon, seleksiyon, at kultibasyon bilang mga dimensiyon at sub-dimensiyon ng
pagpaplanong pangwika. Tinatawag ito ni Constantino (2007) na “pangangasiwang pangwika.”
Sinasalamin nito ang kontrol, proseso, at konsiderasyong politikal, ekonomiko, sosyal, sikolohikal,
ideolohikal, at lingguwistik. Ikinategorisa niya sa dalawang pangunahing paksa ang pag-aaral ng
pagpaplanong pangwika. Pinag-aaralan sa institusyonal na pagpaplano o pangangasiwang pangwika ang
mga institusyong panggobyerno, akademiko, at pribado kaugnay ng mga patakaran at implementasyon
nito. Kros-institusyonal na pagpaplano at pangangasiwang pangwika naman ang tawag sa mga pag-aaral
65 | P a g e
na nagkukumpara sa mga patakarang pangwika sa antas na makro at mikro ng mga bansang
magkakatulad sa karanasan pati na ang mga institusyon sa isang bansa, rehiyon, at komunidad
(Constantino 2007, 3).

Pragmatics ng Filipino, Rehiyonal na Wika, Internasyonal na Filipino


Bukod sa tatlong nabanggit na pag-aaral, nakita rin ng kaguruan ng DFPP ang pangangailangan sa higit
pang pagpapalawak at pagpapalalim ng disiplinang Filipino upang makatugon sa mga pagbabago at pag-
unlad ng panahon. Mula sa pagdaraos ng isang departmental planning workshop noong 1998, pinalawak
ng larang ng wika ang tatlong area na nabanggit sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga area na
rehiyonal na wika, pragmatics ng Filipino, at internasyonal na Filipino (Legaspi at Enriquez 1999, 1).
166 Bahagi ng larang ang pagtuturo ng Filipino 10.1 at Filipino 10.2 bilang mga asignaturang para sa
mga rehiyonal na wika tulad ng Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Kapampangan, at Bikolano.
Pinahahalagahan ng larang ang mga asignaturang nabanggit upang makatulong ito sa lalong
pagpapayabong ng wikang pambansa at rehiyunal na kultura. Nakapagbibigay ito ng batayang
kasanaysan sa mga wika sa Filipinas sa pagsasalita, pagsulat at pagbasa. Itinatampok dito ang pagtuturo
ng mga rehiyonal na lingua franca (Adeva et.al. 1999, 2). Sa area naman ng pragmatics nabibilang ang
mga asignaturang Filipino 40 (dating Filipino 125). Dito pinagaaralan ang ugnayan ng wika, kultura, at
lipunan, ang gamit at kahalagahan ng wika sa komunikasyon at gawaing pang-arawaraw at akademiko.
Sa sabjek na ito rin pinag-uugnay ang wika sa ideolohiya, politika, kapangyarihan, kontrol, usaping
gender/ kasarian, mass media, relihiyon, edukasyon, elitismo, showbiz, at isport. Bahagi rin ng
pramatics ang Filipino 195 na nagtatalakay at nag-aaral naman ng sikolohiya ng wikang pambansa.
Filipino 128 naman ang sabjek na inaaral ang mga natatanging diskurso sa wika na iniuugnay ang wika
at tinitingnan sa area na ito ang gamit ng wika sa lipunan at kulturang Filipino. Sinusuri, pinag-aaralan,
at ginagawan ng pananaliksik sa area na ito ang pagkakaroon ng baryedad at proseso ng pagbabago
(variety at variation) ng wikang Filipino. Pumapaloob din dito ang pag-aaral ng mga natatanging
suliraning pangwika tulad ng wika at diskurso sa konsepto ng gender, mga diskurso sa wika at etnisidad,
elektronikong komunikasyon sa wika, at wika, pagkatuto at edukasyon. Mapapansin sa huling bahagi ng
papel na ito ang kasaganahan ng mga pananaliksik na ginawa sa area na ito. May umiiral na Filipino 1 at
Filipino 2 para sa internasyonal na mag-aaral ng Filipino. Kinikilala ng larangan ng wika ang dagdag na
area na ito dahil kasama ito sa misyon ng DFPP na mapatatag ang Filipino bilang wikang pandaigdig.
Bukod dito, may mga umusbong at nagawang pananaliksik ang mga estudyante at mga guro sa wika na
tumatalakay sa area na Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 167 ito. Ang area na ito ay
maaaring makatulong at pagmulan ng mga pananaliksik sa wika. Lumalabas na pito ang area na nakatala
sa larang ng wika ng DFPP. Ang pitong area na ito (estruktura, pagsasalin, pagpaplanong pangwika,
leksikograpiya, rehiyonal na wika, pragmatics ng Filipino, at internasyonal na Filipino) ang
sumasalamin sa wikang Filipino bilang isang larang na maaring paghanguan ng akademikong paksa at
intelektuwal na gawain tulad ng pananaliksik. Ito ang mga area na mapaghahanguan ng karunungan at
kasanayang pangwika na nagpapaunlad sa kultura at lipunan ng bansa. Dahil sa mga area na ito,
tatangkilikin ang Filipino bilang disiplina.

I. Mga Pananaliksik Pangwika mula 1996 – 2007


Ang datos na nagmula sa GSO ng KAL ay nagpapakita ng tatompu’t apat (34) na pinagsamang M.A.
tesis at Ph.D. disertasyon. Ito lamang ang nakatalang mga pananaliksik na sumasakop sa taong 1996-
2007 na may kinalaman sa larang ng wika. Nalikom naman ng pag-aaral na ito ang halos animnapu’t
walong (68) indibidwal at personal na pananaliksik ng mga guro sa DFPP hinggil sa wika. Sa
pagsusuma, umaabot ng 102 pananaliksik ang nagawa ng mga gradwadong estudyante at mga guro ng
KAL tungkol sa wika sa loob ng panahong nabanggit. Lumalabas sa mga datos na nahahati ang mga ito
sa dalawang kaparaanan ng pagkakabuo. Una, nabubuo ang pananaliksik dahil ito ay isang kailanganin
upang makapagtapos ng M.A. o Ph.D sa kolehiyo. Ikalawa, nakagagawa ng pananaliksik ang mga guro
dahil sa kanilang personal na pagsisikhay na mabuo ang isang pag-aaral na umaayon sa kanilang

66 | P a g e
larangang kinabibilangan at interes sa partikular na paksang pangwika. Naikategorisa rin ang mga
pananaliksik na nakalap ayon sa area ng larang ng wika. Narito ang buod ng mga datos :

Mga pananaliksik hinggil sa Pagpaplanong Pangwika


May siyam (9) na tesis at disertasyon ang nagawa at naisulat hinggil sa pagpaplanong pangwika at
labingsiyam (19) na indibidwal na pananaliksik naman hinggil dito. Sa loob ng sampung taon,
dalawampu’t walong (28) pananaliksik ang nagawa at naisulat hinggil sa area ng pagpaplanong
pangwika at lumalabas na dalawampu’t pitong (27) porsiyento ng kabuuang pananaliksik ay nasa
pagpaplanong pangwika. Tinalakay sa mga pananaliksik na ito ang kros-kultural na pagpaplanong
pangwika, institusyonal na pagpaplanong pangwika ng Polytechnic University of the Philippines (PUP),
University of Asia and the Pacific (UAP), Mindanao State University (MSU), Iligan Institute of
Technology (IIT), Central Mindanao University (CMU), Bukidnon State College (BCU), Xavier
University, Ateneo de Cagayan, St. Michael College, Immaculate Concepcion College, La Salle,
Cagayan Capitol College, Misamis University, Iligan Medical Center College, Commission on Higher
Education (CHED), UP Los Baños (UPLB), Cultural Center of the Philippines (CCP), at Language
Education Council (LEDCO). May pag-aaral din hinggil sa politika at pagpaplanong pangwika at ang
ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika. Ginamit sa mga pag-aaral na ito ang mga
historikalkomparatibong lapit, sosyokultural na lapit, eklektikong lapit sa elaborasyon, deskriptibo at
historikal na sarbey, at historikal na lapit. Kapansin-pansin na marami ang nagsagawa ng pag-aaral sa
institusyonal na pagpaplanong pangwika. Kilala sa larangang ito ng pananaliksik sina Pamela
Constantino (1991), Lydia Liwanag (1996), Vina Paz (1998), Aura Abierra (1999), Jesus Ramos (2000),
Victoria Rio (2001), Vivencio Talegon (2003), Mary Joy Banawa (2005), Raymon Agapito (2006),
Melania Abad (1999), at Jaine Tarun (2007).

Mga pananaliksik hinggil Sa Pagsasalin


Sampung (10) pananaliksik naman ang nakatala sa gradwadong opisina bilang mga M.A. tesis o Ph.D.
disertasyon at may walong (8) indibidwal na pananaliksik ang nagawa ng mga guro hinggil sa
Pagsasalin. Lumalabas na labingwalo (18) ang pananaliksik hinggil sa pagsasalin o labingwalong (18)
porsiyento ng kabuuang pananaliksik ang nagawa hinggil sa area na ito. Tinalakay naman ng mga
pananaliksik na ito ang mga prinsipyo, estratehiya, at proseso ng pagsasalin. Ipinakita rin ang mga
kaparaanan ng literal at dinamikong pagsasalin. Bahagi rin ng pananaliksik ang pagsasalin tungo sa
modernisasyon ng wika. May mga pag-aaral ding ginawa hinggil sa mga modelo ng pagsasalin,
pagsusuri sa mga salitang salin, malayang pagsasalin, pagsasalin tungo sa pagpaplanong pangwika,
teknikal na pagsasalin, proseso ng pagsasalin sa telenobela, pagsasalin sa pagunlad ng panitikan,
pagsasalin sa pag-unawa sa kultura, at pagsusuri sa proseso ng pagsasalin gamit ang pragmatics.
Ginamit sa mga pag-aaral at pananaliksik na ito ang mga lapit na deskriptibo, literal na pagsasalin,
modipikadong literal na pagsasalin, pragmatikong lapit, komparatibong lapit, dinamikong pagtutumbas,
kontekstuwal na lapit, deskriptibong proseso ng pagsasalin mula source language tungong target
language sa usaping kultural, lingguwistiko, at tekstuwal. Ginamitan din ang pag-aaral ng textual
analysis, pagsasaling kultural, sosyo-kultural, at malayang salin. Kilala sa larangang ito ng pananaliksik
sina Nilo Ocampo (2002), Lilia Antonio (2003), Rosario Alonzo (1997), Efren Abueg (2000), Rho
Young Chul (2001), Rosario Baria (2002), Lourdes Concepcion (2002), Perlita Manalili (2004),
Florentino Iniego (2005), Leonisa Impil (2005), Edna Iringan (2006), Eduardo Lapiz (2006), Rosalinda
Mendigo (2007), at Wifreda Legaspi (1999) at Melecio Fabros III (2006).

Mga Pananaliksik Hinggil sa Pragmatics


Walo (8) ang pananaliksik na naikategorisa sa area na ito mula sa mga M.A. tesis at Ph.D. disertasyon at
dalawampu’t limang (25) pag-aaral at pananaliksik naman ang naitala mula sa personal na pananaliksik.
Lumalabas na tatlompu’t tatlong (33) pananaliksik ang naisulat o tatlumpu’t dalawang (32) porsiyento
ng pananaliksik ay hinggil sa area ng pragmatics. Bahagi ng pananaliksik sa area na ito ang mga pag-
aaral sa ugnayan at gamit ng wika sa relihiyon, edukasyon, ideolohiya, sistema ng panghihiram sa
tabloid, wika at text messaging, gamit ng wika sa pagtuturo sa University of Sto. Tomas (UST),
Philippine Christian University (PCU), Far Eastern University (FEU), Philippine Normal University
(PNU), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), at ugnayan ng wika at mga pagdinig sa barangay.

67 | P a g e
Bahagi rin dito ang pananaliksik hinggil sa ugnayan ng wika at kaluluwa ng tao, wika, at sikolohiya
tulad ng wika ng pagmumura at iba pang mga sitwasyong pangkomunikasyon. Umiikot sa mga lapit na
sosyolingguwistika, sosyo-kultural, sikolingguwistika, deskriptibo, at komunikatibo ang ginamit ng mga
nabanggit na pananaliksik. Ilan sa mga nagsagawa nito sina Jovy Peregrino (1997), Gonzalo
Campoamor II (2002), Jesus Fer. Ramos (2001), Michelle Guevara (2003), Ernesto Buenaventura
(2004), Melecio Fabros III (2006), Arlene Macapanpan, Ma. Lorena Santos, Will Ortiz, Wilfreda
Legaspi, Jimmuel Naval, Nilo Ocampo (1996), Lilia Antonio (1999), Lilia Santiago (1998), at Pamela
Constantino (2005).

Mga Pananaliksik hinggil sa Estruktura


Limang (5) pananaliksik naman ang naikategorisa sa area na ito mula sa mga M.A. tesis at Ph.D.
disertasyon at limang (5) pag-aaral at pananaliksik naman ang naitala mula sa personal na pananaliksik.
Lumalabas na sampung (10) pananaliksik ang naisulat o sampung (10) porsiyento ng pananaliksik ay
hinggil sa area ng estruktura. Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 171 Kabilang sa area na
ito ang mga pag-aaral at pananaliksik nina Enedina Villegas (1997), Althea Enriquez (2004), Theresa
Manansala (1999), Teresita Semorlan (2001), Corazon Javier del Rosario (2005), Wilfreda Legaspi
(2001), Jesus Ramos (1996), at Vina Paz (2005). Kabilang sa mga pag-aaral at pananaliksik na nagawa
sa area na ito ang transdisciplinal, deskriptibo, at pragmatik na pagsusuri. May mga pag-aaral din sa
pagsusuri ng ortograpiya, panghihiram, morpolohiya, leksikon, at syntax. Kabilang dito ang
pananaliksik sa baryedad ng Filipino sa Zamboanga, pagsusuri sa estruktura ng codeswitching,
panghihiram sa mga textbook na pangkolehiyo sa likas agham, agham panlipunan at math, pedagogical
na grammar ng Filipinas at sarbey ng mga grammar ng Tagalog. May pananaliksik din tungkol sa
paglalapi sa komprehensiyon ng wika, pagsusuri sa mga Existential Locational Prepositional Possessive
(ELPP) na pangugusap, pagtuturo ng gramatikal na Filipino sa mga banyaga (diin sa guro at sa verb),
aralin sa estrukturang Filipino (synchronic at diachronic na pagdulog sa wikang pambansa), isang
pagsusuri sa mga Hispanisadong salita sa Filipino, at pag-aaral tungo sa functional na alpabeto at
ortograpiyang Filipino. Deskriptibo, synchronic at diachronic na lapit ang nagamit sa halos lahat ng mga
pag-aaral na nabanggit. Maituturing na ang larangang ito ay isang napakateknikal na area ng pag-aaral.
Sinisipat ng larangang ito ang teknikalidad ng mga ugnayan ng tunog, morpema, at syntax na kung saan
nasusuri ang mga korelasyon ng mga ito sa pagbuo ng mga alituntuning pangwika.

Mga pananaliksik hinggil sa Leksikograpiya


Dalawa lamang (o dalawang porsiyento) ang nakatalang nagawang pananaliksik hinggil sa area na
leksikograpiya sa nakalipas na sampung taon. Pinag-aralan sa M.A. tesis ni Mary Jane Reblando (2004)
ang Filipino sa masaklaw na edukasyon tungo sa pagbuo ng diksiyonaryo sa komunikasyon. Ang Ph.D.
disertasyon naman ni Ruby Alcantara (2003) ay tungkol sa modelo sa pagbuo ng isang 172 functional na
disksiyonaryong Filipino-Hiligaynon. Parehong gumamit ang dalawang pag-aaral ng experimental-
functional na lapit. Mga pananaliksik hinggil sa Sikolohiya ng Wika at Baryedad ng wika Apat (o apat
na porsiyento) ang naitalang pananaliksik hinggil sa ugnayan ng sikolohiya at wika. Kilala si Dr. Lilia
Antonio bilang dalubhasa sa usapin ng sikolohiya ng wikang pambansa. Gumawa siya ng pananaliksik
sa sikolohiya ng wikang Filipino at mga pananaliksik sa sikolohiya ng wika. Sinulat naman ni Pamela
Constantino ang sense of humor ng mga Filipino at ang mga salitang mapang-aglahi. Ginamitan ang
pananaliksik na ito ng sikolohikal na lapit. Pitong pananaliksik naman ang naitala mula sa mga
indibidwal na pagsisikhay ng mga guro para sa usapin ng baryedad ng wika. Kabilang dito ang
akademikong baryedad ng wikang Filipino ni Vina Paz, wika ng text messaging ni Jovy Peregrino,
baryedad at proseso ng pagbabago ng Wika (kasaysayan, teorya at praktis), pluralidad tungo sa
identidad, ang baryedad ng wikang Filipino sa pagbuo ng wika at kamalayang Filipino, lengguwaheng
pinoy sa bilyar, diyalekto, register, jargon, at gobbledygook tungo sa komunikasyon at pagbubuklod sa
wikang pambansa na sinulat naman ni Pamela Constantino. Lumalabas na pitong porsiyento ang mga
pananaliksik na nabuo sa usapin ng baryedad ng wika. Sadyang ihiniwalay ang sikolohiya ng wika at
ang usapin ng baryedad ng wika sa mga naunang area bagamat may kaugnayan ito sa pagpaplanong
pangwika, pagsasalin, pragmatics, estruktura, at leksikograpiya. Ito ay sa dahilang ang pananaliksiksik
sa sikolohiya ng wika ay may tiyak na kaparaanan at pagtalakay sa wika na nakapokus sa pag-aaral ng
pag-iisip at pagkilos ng tao. Bagamat ang baryedad ng wika ay maaring maihanay o maisama sa area ng

68 | P a g e
pragmatics, may pagkakataon naman na ang pagtalakay sa baryedad ay maaring maging estruktural.
Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 173 Direksiyon ng Pananaliksik pangwika sa loob ng
sampung taon Kapansin-pansin sa pie chart ang pagkakaroon ng pragmatics ng pinakamataas na
porsiyento ng nagawang pananalikiksik sa kabila ng hindi nito pormal na pagkabilang sa opisyal na
larang ng pag-aaral at pagtuturo sa wika. Sa kabila ng pagkilala sa pagpaplanong pangwika, pagsasalin,
estruktura, at leksikograpiya bilang mga opisyal na area sa pag-aaral ng wika, makikitang ang mga
pananaliksik na nabuo sa loob ng nabanggit ng sampung taon ay nakapokus sa pragmatics. Bagamat sa
apat na opisyal na area, ang area ng pagpaplanong pangwika ang relatibong may pinakamataas na
porsiyento ng nagawan ng pananaliksik.

Ang mga nagawang pananaliksik sa area ng pagpaplanong pangwika ay karamihang komparatibo at


kros-kultural at institusyonal na mga pananaliksik. Makikita rin sa mga ito ang dokumentasyon lamang
ng mga produktong akademiko tulad ng paglilista, tesis, at disertasyon. Hindi pa mayaman sa teoretikal
na antas ang mga pananaliksik sa pagpaplanong pangwika. Mula sa datos, masasabing sa usapin ng
kasaysayan ay hindi pa ganoong Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 175 kalaliman ang
mga pananaliksik. Halos walang nagawang pag-aaral sa proseso at aplikasyon maging sa ebalwasyon sa
pagpaplanong pangwika. Kumbaga sa mga metodo at lapit na ipinaliliwanag ni Dr. Pamela C.
Constantino sa kanyang papel sa agenda sa pananaliksik sa disiplinang Filipino, kapos pa ang
pananaliksik sa pagpaplanong pangwika sa mga lapit na disiplinal, multidisiplinal, at transdisiplinal.
Ang mga nagawang pananaliksik naman sa area ng pagsasalin ay nakatuon sa mga prinsipyo,
estratehiya, proseso, literal na pagsasalin, modernisasyon, modelo ng pagsasalin, at teknikal na
pagsasalin. Ginamitan ang mga ito ng mga lapit na deskriptibo, pragmatik, komparatibo, at
kontekstuwal. Nangangailangan pa ang area na ito ng mga pananaliksik sa pagteteorya sa pagsasalin.
Gayumpaman, mayaman ang area na ito sa pananaliksik na may kinalaman sa aplikasyon, proseso, at
kasaysayan. Sa area naman ng estruktura, deskriptibo at komparatibo ang karamihan sa mga nagawang
pananaliksik. Mayroon din namang pagsusuri sa ortograpiya, morpolohiya, leksikon at syntax ngunit
dahil sa kakaunti ang mga pag-aaral at pananaliksik sa area na ito, halos walang pananaliksik hinggil sa
pagteteorya sa pag-aaral ng estruktura. Hindi pa rin nakagagawa ng pananaliksik hinggil sa mga isyung
pinalulutang ni Dr. Jonathan Malicsi hinggil sa makabagong grammar o syntax ng Filipino sa anyong
pasalita.3 Ang binabanggit na pagteteorya dito ay nagmumula sa mga paglalarawan ng grammar. Sa area
ng leksikograpiya pinakakaunti ang nagawang pagaaral o pananaliksik. Halos hindi napagtuunan ng
departamento ang area na ito sa kabila ng pagkilala rito bilang opisyal na area. Dalawang porsiyento
lamang ng kabuuang pananaliksik sa loob ng sampung taon ang nagawa sa area na ito. Walang
nagawang pagaaral sa kasaysayan nito at pagbuo ng teorya sa area na ito. Sa kabila ng kakaunting
pananaliksik sa area ng estruktura at leksikograpiya, masasabing mula sa nakatalang datos ay sagana
176 naman sa pananaliksik ang area ng pragmatics. Sa area na ito nagbuhos ng interes ang mga guro at
mananaliksik ng departamento. Ang mga paksa ng pag-aaral ay pumaloob sa mga lapit na interdisiplinal,
multidisiplinal, at transdisiplinal. Sa madaling sabi, iniugnay ng mga pag-aaral at pananaliksik na ito ang
wika sa iba’t ibang institusyong panlipunan, iba’t ibang larang o disiplina, iba’t ibang sitwasyon ng
pagkakagamit ng wika, at iba’t ibang sangay ng kaalaman. Napag-aralan ang wika kaalinsabay at
pumapaloob sa relihiyon, mga asignatura sa eskwelahan, edukasyon, ideolohiya, politika, pahayagan,
text messaging o teknolohiya, gender/kasarian, gamit ng wika sa iba’t ibang propesyon, business, mass
media, batas, sikolohiya, antropolohiya, at maging sa kaluluwa ng tao. Bagama’t masasabing may
kanya-kanyang tinatahak na landas ang mga area ng pananaliksik sa wika, marami pa ring dapat na
gawan ng mahahalagang pananaliksik at pag-aaral sa bawat area. Patuloy ang pagpapayabong at
pagpapayaman sa bawat area na ito upang maging mas malawak ang mga pananaliksik na
nagpapatingkad sa mga kaalamang dapat maiambag ng pananaliksik pangwika. Mahalagang mailatag sa
papel na ito ang mga panukala sa pagpapayabong ng pagnanaliksik na pangwika.

Samantalang sa mga indibidwal na pananaliksik, talagang pinakamarami ang nagawa sa pragmatics at


sinusundan lamang ito ng pagpaplanong pangwika, pagsasalin, baryedad, estruktura, at sikolohiya.
Walang personal o indibidwal na pananaliksik hinggil sa leksikograpiya.

69 | P a g e
II. Agenda sa Pananaliksik na Pangwika
Sa pulong na ginawa ng larang ng wika noong Oktubre 24, 2007 na dinaluhan nina Dr. Nilo S. Ocampo,
Prop. Aura Abiera, Prop. Vina P. Paz, Dr. Jovy M. Peregrino, Dr. Pamela C. Constantino at Prop.
Melecio Fabros III, nabuo ang isang agenda sa pananaliksik pangwika. Kasama sa mga nag-ambag ang
iba pang mga guro sa wika na nagpadala ng kanilang mga ulat hinggil sa kanilang mga nagawang
pananaliksik na pinagbasehan ng nabuong agenda.

Sa area ng pagsasalin, inaasahang sa susunod na sampung taon ng pananaliksik ay matutugunan at


makagagawa ng mga pananaliksik sa :

 Pagteteorya sa iba’t ibang paraan ng pagsasalin sa iba’t ibang larang


 Pagsasalin ng wikang pambansa tungo sa ibang wikang pambansa
 Pagsasalin mula sa mga wikang Asyano tungo sa wikang Filipino
 Pagsasalin mula sa rehiyonal na wika tungo sa Filipino
 Pagsasalin kay Rizal
 Teknikal na pagsasalin
 Pagsasaling pampanitikan

Sa area ng pagpaplanong pangwika, inaasahan sa susunod na sampung taon na makagagawa ng mga


pananaliksik hinggil sa :

 Mga usapin sa ugnayan ng pagpaplanong pangwika at pangangasiwang pangwika


 Ambag ng KWF sa mga institusyon ng lipunan kasama na ang pagtatasa dito hinggil sa kanyang
papel bilang tagapagtaguyod ng wikang Filipino bilang wikang pambansa
 Pagteteorya sa pagpaplanong pangwika
 Patuloy na komparatibong pag-aaral sa pagpaplanong pangwika (sa mga rehiyon sa Filipinas,
Latin Amerika, Africa, at Europa)
 Modelong ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika

Sa area ng estruktura, inaasahan sa susunod na sampung taon ng pananaliksik ay matutugunan at


makagagawa ng mga pananaliksik hinggil sa:

 Pagkakaiba ng analitikong wika sa sintetikong wika sa pamamagitan ng pagsusuri sa grammar


nito
 Pagteteorya sa pag-aaral ng estruktura
 Mas malalimang pananaliksik hinggil sa estruktura ng deribasyon at panghihiram
 Estruktura ng pasalita at pasulat na Filipino
 Pagbuo ng grammar ng wikang Filipino
 Gramatikal na pagsusuri sa wika ng panitikan, mga manunulat sa Filipino, at mga wika sa
Filipinas
 Codeswitching sa Filipino at mga wikang Filipino/Ingles/ Espanyol.

Sa area ng leksikograpiya, inaasahan sa susunod na sampung taon ng pananaliksik ay matutugunan at


makagagawa ng mga pananaliksik hinggil sa:

 Kasaysayan ng leksikograpiya
 Pagteteorya sa larang ng leksikograpiya
 Mga pag-aaral sa iba’t ibang diksiyonaryo at pagbuo ng mga modelong diksiyonaryong lokal at
global.

70 | P a g e
Sa usapin ng pragmatics, inaasahan sa susunod na sampung taon ng pananaliksik ay matutugunan at
makagagawa ng mga pananaliksik hinggil sa :

 Wika ng/at/sa sikolohiya


 Sikolohiya ng wikang Filipino
 Wika ng/at/sa pilosopiya
 Pilosopiya ng wikang Filipino
 Wika ng/sa/at antropolohiya
 Politika at globalisasyon
 Gender at wika
 Wika sa dominyo ng media, kalakalan, pamahalaan, akademya, pang-araw-araw na gamit,
elektronikong Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 181 komunikasyon, blog, text
messaging
 Pagkakabuo ng mga baryedad ng wikang Filipino mula sa dominyong gumagamit nito •
Pagwiwika ng sining
 Pagsusuri sa katangian ng wikang Filipino at gamit nito sa estilo, retorika, euphemism, usaping
taboo, at lohika
 Discourse analysis sa Filipino at mga wika sa Filipinas
 Epekto ng globalisasyon sa wika kaugnay ng kaisipan, pagkatuto, pagtuturo, at pagpapahalaga.

Sa usapin ng ng rehiyonal na wika, nararapat na magkaroon ng komprehensibong pananaliksik hinggil


sa ambag ng mga wika sa pagbuo ng wikang pambansa. Kasama sa pag-aaral at pananaliksik sa mga
rehiyonal na wika ang estruktura ng mga ito, kabuluhan sa konteksto ng lipunan, pananaliksik, at
edukasyong Filipino. Sa usapin ng sikolohiya ng wikang Filipino, dapat gumawa ng pag-aaral sa
aspektong kognitibo ng wikang pambansa.

Kinikilala rin ng larang ng wika ang Filipino bilang internasyonal na wikang itinuturo bilang dayuhang
wika at nagagamit sa kani-kanilang bansa bilang wika ng komunikasyon. Nararapat na makagawa ng
pananaliksik sa internasyonal na Filipino sa usapin ng sumusunod:

 Filipino bilang pangalawang wika


 Filipino bilang instrumento sa pananaliksik ng mga dayuhan
 Filipino bilang instrumento sa palitang kultural
 Filipino para sa internasyonal na gamit (turista, balikbayan, dayuhang negosyante, dayuhang
diplomat, at dayuhang misyonero).
Sa kabuuan ng agendang ito, mahalagang makagawa ng mga empirikal na pag-aaral na nagpapakita ng
kahalagahan at kakayahan ng Filipino bilang intelektuwal na wika kasama na ang malinaw na papel ng
mga wika sa Filipinas sa pananaliksik at iba pang gawaing akademiko. 182 Dapat isaalang-alang ang
kaisipan at konseptong Filipino sa pagteteorya ng mga pananaliksik na pangwika sa kabila ng paggamit
ng mga dayuhang modelo sa pag-aaral. Mahalagang makasulat ng kasaysayan ng wika mula sa iba’t
ibang perspektibang nakaugnay sa politika, ekonomiya, kolonyalismo, advocacy, at elitismo. Batay ito
sa pahayag ni Dr. Pamela C. Constantino na hindi lamang dapat kronolohikal ang pagtingin sa
kasaysayan ng wikang Filipino.

III. MGA ESTRATEHIYA AT REKOMENDASYON SA PAGPAPAHUSAY NG


PANANALIKSIK
Marami pang dapat gawin at isaalang-alang sa pagpapahusay ng pananaliksik sa larang ng wika. Ang
mga nagawa nang pananaliksik na pangwika ay nagsisilbing palagiang pundasyon at gabay upang
makita kung ano pang dominyo ng pananaliksik na pangwika ang nararapat na pagtuunan ng pansin.

Mahalagang makita ang papel ng mga pananaliksik na ito sa pagtuturo ng wika. Kaya may malaking
papel ang mga umiiral na asignaturang itinuturo ng larang ng wika sa antas di-gradwado at antas
gradwado upang makabuo ng malinaw na tunguhin at prayoritisasyon ng mga gagawing pag-aaral at
pananaliksik. Sa bawat area, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod :

71 | P a g e
 Mga nagawa at gagawin pang mga pag-aaral at pananaliksik
 Mga nailathala at mga programa sa paglalathala sa partikular na area
 Mga estratehiya at kagamitan sa pagtuturo
 Usapin ng marketing o pagbebenta sa area.
Malaki ang papel ng apat na ito upang lalong magabayan ang mga gagawin pang pananaliksik. Sa pag-
uugnayan ng mga nagawang pananaliksik at mga nailathalang pananaliksik makikita ang mga
kakulangan at kalakasan ng produksiyon ng kaalaman. Mula sa mga lathalain makikita ang kasaganahan
at kadahupan ng mga babasahing pananaliksik sa partikular na area ng wika. Nakatutulong naman ang
mga lathalain sa pagpapahusay ng Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 183 estratehiya ng
pagtuturo ng bawat guro na nagiging isang malaking salik upang magamit sa pagmamarket ng kurso sa
mga estudyante ng unibersidad. Sa pamamagitan lamang ng mga naipasang M.A. tesis at Ph.D.
disertasyon at kakaunting pinaglalaban-labanan pang mga professorial chair grant nagmumula ang mga
pananaliksik. Nararapat lamang na isaayos ang mga pinagagawang pananaliksik sa mga tesis at
disertasyon sa usapin ng pagpapayo sa mga advisee, at pagsasaalang-alang sa agenda ng pananaliksik.
Mainam din na magkaroon ng maliliit na agenda sa bawat area bukod sa pangkabuuang agenda sa larang
ng wika. Dapat madagdagan ang mga professorial chair grant na pangwika. Ipagpatuloy ang ginagawang
pamamahagi ng mga research grant sa mga junior faculty gayundin ang mga grant para sa mga senior.
Dapat ay may nakalaang pondo para sa mga nagtapos ng M.A. at Ph.D. upang makagawa muli sila ng
mga karugtong o kaugnay na pananaliksik mula sa kanilang mga naunang pananaliksik. Dapat tumulong
din at magkaroon ng malinaw na programa sa usaping pampinansiyang suporta ang opisina ng dekano sa
panugunguna ng katuwang na dekano sa pananaliksik at publikasyon. Kasama sa programang ito ang
palagiang koordinasyon sa pagitan ng mga larang sa iba pang larang ng kolehiyo upang mas maging
malawak ang sakop ng agenda sa pananaliksik at maiwasan ang pag-uulit ng mga pag-aaral. Dahil sa
tunguhin ngayon ng mga pananaliksik na ginagawa sa unibersidad at programa ng kasalukuyang
tsanselor, mainam na makabuo ang kolehiyo at departamento ng mga pananaliksik na may kolaborasyon
sa ibang larang o departamento sa loob at labas ng kolehiyo. Dito makikita ang interdisiplinal,
transdisiplinal o multidisiplinal na mga lapit sa pananaliksik. Maaring magsanib ang DFPP at
Department of Speech Communication and Theater Arts (DSCTA) sa usapin ng pasalitang Filipino; ang
DFPP at Departamento ng Aralin sa Sining (DAS) sa pag-aaral sa pagwiwika ng sining; at iba pa. 184
Kailangan ang konsultasyon at pakikipag-ugnayan ng DFPP sa SWF hinggil sa binuo nitong agenda sa
saliksik-wika. Bagamat aktibong kasama ang mga guro ng DFPP sa proyekto ng SWF sa mga
pananaliksik, kailangan pa rin ang maayos na koordinasyon ng dalawang opisina upang
magkomplement ang mga pananaliksik na isasagawa.

Maaring yumabong ang programa sa pananaliksik sa pamamagitan ng mga venue sa talakayan tulad ng
kapihan at baliktaktakan. Dapat na patuloy na suportahan ang mga kolokyum at pagkakalendaryo ng
mga ito upang maging venue ng presentasyon ng mga pananaliksik at maging inspirasyon mismo ng
pagbuo ng mga bagong pananaliksik hinggil sa mga paksang tinalakay. Mula sa mga gawaing pang-
advocacy maaring matukoy ang mga pagkilos at proseso ng pagtugon dito na maaaring magawan at
paghanguan ng mga paksa sa pananalisksik. Ito ay sa dahilang ang pagtataguyod sa wika ay hindi
maihihiwalay sa pag-aaral ng Filipino na resulta ng pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa at
ng kasalukuyang estado ng Filipino sa lipunang Filipino. Maaring pagmulan ng pananaliksik ang
sumusunod:

 Kolok-fil – kolokyum Filipino na nagtatalakayan at nagbabahaginan hindi lamang ang mga guro
sa wika, kundi maging ang mga estudyante kahit na iyong hindi nagpapakadalubhasa sa Filipino
 Kapihan-wika – malayang talakayan ng mga guro at eksperto sa wika
 Glosari-fil – pagbuo ng glosari ng mga termino sa wika, panitikan, araling Filipino, at
administrasyon; maaring makatulong ito sa pagpapahusay ng pagsulat at pananaliksik sa Filipino
 Advoka-fil– mga posisyong papel na may kinalaman sa pagkikibaka para sa at pagtataguyod sa
wika; makakahango rito ng malinaw na agenda ng pananaliksik hinggil sa pagpapatatag ng
Filipino sa iba’t ibang usaping panlipunan.
Inirerekomendang magsagawa ng ebalwasyon at tasahin ang bawat area sa larang ng wika. Ibig sabihin,
makikita ang yaman Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 185 at lalim ng mga pananaliksik

72 | P a g e
sa bawat area kung naipakikita nito ang kasaysayan, yaman sa teorya, hindi lamang deskripsiyon sa
proseso kundi pagsusuri dito, at mayamang pag-aaral sa aplikasyon ng area na ito sa akademya at
lipunan. Ito ang nagsisilbing sukatan ng lawak at lalim ng mga nagawang pag-aaral sa bawat area.
Iminumungkahi sa bawat pinuno ng area sa larang ng wika na magpatupad ng isang masusing pagtatasa
sa mga pananaliksik pangkasaysayan, panteorya, pamproseso, at pang-aplikasyon upang masukat ang
kasalukuyang antas, lawak, at lalim ng mga pananaliksik sa area na iyon. Maari itong maging gabay sa
paglilinaw ng agenda sa pananaliksik pangwika. Iminumungkahi ring matasa ang ugnayan ng mga area
sa kabuuang programa ng wika. Ilan sa mga dapat pag-isipan ay ang bilang ng asignaturang itinuturo sa
ilalim ng partikular na area o kaya nama’y ang bilang ng degree sa antas di-gradwado at gradwado. Sa
mga asignaturang itinuturo mailuluwal ang mga paksa ng pananaliksik upang magamit ang magiging
resulta nito sa pagtuturo. Dapat bumuo ng asignaturang tumatalakay sa pragmatics ng wika sa antas di-
gradwado at gradwado. Maari itong tawaging Filipino 130, Filipino 230 at Filipino 330 bilang mga
asignaturang nagtuturo ng teorya, proseso, at aplikasyon ng konseptong pragmatiko sa usapin ng wika sa
pangkalahatan at wikang Filipino sa partikular na maaring maging elektiba ng ibang mga estudyante sa
buong Diliman. Nararapat ding maging malay sa tuon ng mga pag-aaral ng mga saklaw o larang ng wika
kung ang mga pag-aaral ba ay puro deskriptibo lamang o tumutuon sa pagbuo ng teorya. Mahalagang
isaalang-alang dito ang malinaw na perspektiba sa pananaliksik ng antas di-gradwado at gradwado. Ibig
sabihin, ang mga BA tesis ay hindi dapat hinahanapan ng ambag na teorya. Ang M.A. tesis naman ay
dapat nagpapakita ng mas malalim na pagsusuri at pagkabatid sa paksang pinag-aaralan gamit ang mga
teoretikal at konseptuwal na mga giya o balangkas. Samantalang sa Ph.D. disertasyon ay nararapat na
makapag-ambag ng teorya sa disiplina o area na kinabibilangan ng pag-aaral bilang dalubhasa sa
partikular na larang o area. 186 Kailangan ding magsagawa ng pananaliksik hinggil sa mga hadlang sa
pagpapalaganap at pagpapayaman ng wikang Filipino at mga wika sa Filipinas. Mula dito, maaring
magamit ang papel na ito sa pagkilala sa mga kinakaharap na suliraning pangwika ng bansa. Dito
maaring mailatag at mabuo ang isang komprehensibong pormulasyon ng plano para sa pagpapayabong,
paggamit, at pagtuturo ng Filipino sa lipunan.

IV. PAGLALAGOM
Malaki ang papel ng isang komprehensibong pagtatasa at muling pagsipat sa mga nagawang
pananaliksik pangwika ng DFPP mula 1996-2007. Mula dito muling napag-aaralan ang mga ginawang
pananaliksik upang magbigay ng giya sa mga nararapat pang gawan ng pananaliksik. Ang mga
pananaliksik na ito ay hindi dapat lumayo o lumihis sa itinatadhana at ipinahahayag na bisyon-misyon
ng DFPP. Ang mga pananaliksik na ginagawa at plano pang gawin ay dapat makatulong sa
pagpapanatili, pagpapaunlad, at intelektuwalisasyon ng wika sa kabila ng mga epekto ng globalisasyon.
Sa pitong area sa larangan ng wika (pagpaplanong pangwika, estruktura, leksikograpiya, pagsasalin,
pragmatics, rehiyonal na wika, at internasyonal na Filipino), marami pang dapat isagawang pananaliksik
na umaayon sa itinatakda ng bisyonmisyon ng DFPP sa usapin ng wika. Bagamat nakikita sa dami ng
pananaliksik na nagawa mula 1996-2007 ay nagiging subarea na lamang ng estruktura ang
leksikograpiya. Napabayaan ang pananaliksik sa area ng rehiyonal na wika at internasyonal na Filipino.
Sa pitong area na ito ng larang ng wika, ang pagpaplanong pangwika, estruktura, at pagsasalin lamang
ang opisyal at kinikilala bilang degree sa wika. Sa antas B.A., lahat ng area ay bahagi ng kurikulum
maliban siyempre sa area ng internasyonal na Filipino na para sa mga dayuhan. Sa antas M.A., maaring
gumawa ng tesis o pananaliksik sa anumang area. Sa antas Ph.D. naman makikita ang tatlong
espesikong kurikulum (Ph.D. Pagpaplanong Pangwika, Ph.D. Estruktura, Ph.D. Pagsasalin). Sa kabila
nito, nakauungos ang area ng pagpaplanong pangwika at pagsasalin sa area ng estruktura dahil sa
kakaunti lamang ang estudyante na nag-aaral ng estruktura. Peregrino PHILIPPINE HUMANITIES
REVIEW 187 Sa kabilang banda, ang pinakamaraming nagawang pananaliksik sa pragmatics ay nasa
indibidwal na pagsisikhay ng mga mananalisksik. Dahil hindi kabilang sa pagkamit ng digri ang area ng
rehiyonal na wika, nagiging asignatura na lamang ito at hindi na nagagawan ng pananaliksik. Lumilitaw
dito ang papel ng pagiging kailanganin ng mga M.A. tesis at Ph.D. disertasyon upang makabuo ng mga
pananaliksik sa partikular na area lalo na sa mga teknikal na area tulad ng estruktura. Masasabing
napakaraming pananaliksik sa pragmatics dahil na rin sa lawak ng dominyo nito na maaring pagkunan
ng paksa sa pananaliksik na pangwika. Dahil dito nararapat lamang na regular na binabalikan ang mga
73 | P a g e
agenda sa pananaliksik upang patuloy na makita ang mga aspektong dapat gawan ng pananaliksik at
nang sa gayon ay mas madaling matugunan ang mga area ng disiplinang napapabayaan. Ang mga
pananaliksik ay dapat na makatulong sa pagpapatupad ng bisyon-misyon ng DFPP at KAL. Patungo
dapat ang mga pananaliksik na pangwika sa pagsagot sa mga realidad sa lipunan upang maging
makabuluhan ang ginagawang pananaliksik pangwika sa loob ng akademya. Patungo dapat ang
pananaliksik pangwika na dapat nagtataglay ng pinakamataas na pamantayan sa pagsusulong sa
oryentasyong makabayan. Dahil malawak ang bisyon-misyon ng kolehiyo at DFPP, lahat ng gawaing
pananaliksik ay pumapasok sa bisyon-misyon na ito. Ang mahalagang ambag ng CAL-CASAF
Research Grant na ito ay ang pagsisinop at pagmamapa ng mga nagawa nang pananaliksik. Bukod sa
ambag ng papel na ito para sa malinaw na agenda sa pananaliksik na pangwika, kinikilala ng pag-aaral
na ito na marami na ang nagawang pananaliksik sa iba’t ibang area ng wika sa labas ng DFPP. Ngunit
nararapat din na malinaw na makapagtasa at makapagmapa ang DFPP ng ambag nitong pananaliksik sa
larangan ng wika. Maaring maipamulat ng hakbang na ito ang dami o kadahupan ng mga produkto
pananaliksik ng DFPP kumpara sa mga pananaliksik sa labas nito. Dito makikita ang halaga ng
pakikipag-ugnayan ng DFPP sa iba pang mga grupo o institusyong 188 nagtataguyod sa wika at
gumagawa ng mga pananaliksik pangwika upang magkasamang mabuo at matasa ang mga nagawa at
gagawin pang mga pananaliksik sa wika. Mula sa papel na ito maaring mahinuha ang ugnayan ng mga
pananaliksik na isinasagawa ng DFPP sa kurikulum na pangwika nito. Kabilang dito ang pag-uugnay ng
mga pananaliksik sa mga asignaturang itinuturo at kabilang sa kurikulum. Bukod dito, ang pagmamapa
ng mga nagawang pananaliksik at pagbuo ng agenda sa pananaliksik mula dito ay maaring
makapagpakita ng ugnayan ng agenda sa pagkadalubhasa ng mga guro sa wika, interes ng mga guro sa
wika, at bilang o dami ng mga guro na maaring maasahang gumawa at manguna sa partikular na
pananaliksik mula sa agendang ito. Ang agenda sa pananaliksik pangwika ay dapat maging salamin ng
yaman, lalim, at lawak ng sakop ng pag-aaral at pananaliksik sa wikang Filipino bilang pangunahing
wika sa pananaliksik sa lahat ng antas at larangan sa Filipinas na magiging muog ng pagyabong ng
oryentasyon at kaalamang Filipino.

10. “Pagbuo ng Makabuluhang Agenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas para sa Siglo 21 at


lagpas pa” ni David Micheal San Juan

ABSTRAK

Ang papel na ito ay pagtatangkang magbuo ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik sa


Araling Pilipinas, sa pamamagitan ng panimulang rebyu ng literatura at pananaliksik sa loob at labas ng
bansa. Pokus ng papel na ito ang mga usaping makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas sa siglo 21.
Multidisiplinari ang dulog at saklaw ng papel kaya’t ang mga iminumungkahing paksa sa pananaliksik
ay tumatawid sa mga disiplinang gaya ng agham pampolitika, teknolohiya, medisina, inhenyeriya,
araling pangkalikasan, araling pangkultura, ekonomiks at iba pa. Sa pangkalahatan, ambag ito sa
intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng pananaliksik sa iba’t ibang larangan.

Mga Susing Salita: Araling Pilipinas, adyenda sa pananaliksik, agham pampolitika, araling pangkultura,
araling pangkalikasan.

Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies. Hindi pa
ganap na nagkakasundo sa terminong dapat gamitin ang mga nasa akademya ngunit may mga bagay
naman na mapagkakasunduan gaya ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik na akma sa mga
pangangailangan ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa siglo 21. Pahapyaw na tatalakayin ng papel na ito
ang mga isyu at problemang kinakaharap at kakaharapin pa ng mga mananaliksik sa Pilipinas sa mga
susunod na dekada at siglo, mga bagay na maaaring bigyang-pokus sa mga pananaliksik o kaya’y
paghalawan ng paksa na maaaring saliksikin mula sa politika atb ekonomiks hanggang sa kultura at
medisina, at iba pang larangan. Ang mga suliraning ito ay bahagi ng “kayraming suliraning oras-oras
dumarating” na karaniwang di na napapansin dahil tila di kayang lutasin, ayon nga sa awit na Kahit

74 | P a g e
Konti ni Gary Granada. Bagamat maaaring puta-putaki sa unang sipat, hiwa-hiwalay at tila di bahagi ng
iisang kabuuan, ang lahat ng mga ito’y tiyak na magkakaugnay sapagkat, gaya nga ng inilalahad sa awit
na Magkaugnay ni Joey Ayala: “ang lahat ng bagay ay magkaugnay.” Sa pangkalahatan, ang papel na
ito ay ambag sa proseso ng pagpapalawak pa sa saklaw ng Araling Pilipinas na inilarawan ni Rodriguez-
Tatel (2015), at ng “nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino” na
binigyang-pansin naman ni Guillermo (2016).
Lupa, Politika, At Iba Pa

Sa sitwasyong napakaraming bahay na walang tao at taong walang bahay, bukod pa sa mga
taong walang lupa at lupang walang tao, tuloy sa buong mundo ang pakikibaka ng mga kilusang Occupy
(Lubin, 2012; Castañeda, 2012). Tipikal ang taktika ng Movimento dos Trabalhadores Sem Terra (MST)
o Kilusan ng Mga Manggagawang Walang Lupa sa Brazil (Azevedo, 2016) – direktang okupasyon ng
mga latifundia – o hacienda sa konteksto ng Pilipinas – gaya ng ginawa ng mga magsasaka at
manggagawang bukid sa “Bungkalan” sa Hacienda Luisita sa Tarlac (Bolos, 2005), at ang Occupy
Bulacan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Pandi, Bulacan, sa dalawang
lalawigan na kasama sa mga unang nag-aklas sa kolonyalismong Espanyol. Marahil ay hindi na
kakailanganin ang kilusang Occupy sa Pilipinas kung ganap na nagtagumpay ang mga Katipunero
noong 1896. Tiyak na mamimigay ng bahay at lupa sina Andres Bonifacio. Kaugnay nito, maaaring
idetalye pa ng mga historyador ang pagpapaliwanag sa radikal na sistemang republikanong hangad na
itayo ng mga Katipunero, na mababasa rin sa “Ordenanzas de la revolucion” o “Regulations of the
Revolution” ni Apolinario Mabini (2009). Footnote lamang ito sa isa sa mga sanaysay sa Struggle for
National Democracy (1967) o Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya (2001) ni Jose Maria Sison –
at kaisa-isa ang kanyang aklat sa nagbigay-pansin sa ilang partikular na probisyon ng nasabing
dokumento, gaya ng pagkumpiska sa mga lupaing kinamkam ng mga prayle at iba pang Kastila, para
ipamigay ang mga iyon sa mga Pilipino. Baka maubos ang matapobreng anti- 63 Pagbuo ng
Makabuluhang Adyenda... D.M.M. San Juan KADAMAY kung maipaliwanag sa kanila na mala-
Occupy din ang plano ng mga Katipunero. Ayon sa Rule 14, 15 at 21 ng “Ordenanzas de la revolucion”:
“After the Spanish Government and the foreign powers have recognized the independence of the
Philippines, the Republic shall appropriate all the properties belonging to the entities that were expelled
from the country and which are required for the common good, and the rest of the properties will be
divided in equal parts, according to the type and quality of the landed properties to be distributed among
the revolutionaries...If the number of revolutionaries were such that, if the properties were to be divided
into equal parcels according to type and quality, the size of each parcel would not be enough for the
decent upkeep of each one, the following would give up their shares: 1. The revolutionaries who were
paid by the Government for their services, and 2. Those who already possess enough property to
maintain a decent lifestyle...All properties taken over by the Spanish Government and the religious
corporations will not be recognized by the Revolution, as representative of the Filipino people, the true
owners of the same.” Kung nasunod ang plano ni Mabini, nasa Espanya ngayon ang mga Ayala at mga
ordinaryong tao marahil ang magkakapit-bahay sa Dasmariñas Village at Forbes Park ngayon. Ilan
lamang ang siniping pahayag sa maraming interesanteng probisyon sa “Ordenanzas de la revolucion” ni
Mabini na maaaring suriing mabuti. Monopolisado ng iilang angkan ang lupa ng bansa gaya rin ng
kapangyarihang politikal, kaya sa unang (at lalo na sa pangmatagalang) sipat ay palya na ang
“representative democracy” sa ngayon. Bumoboto ang mga mamamayan ngunit marami-rami sa
nananalo ay galing lamang sa iilang dinastiyang elite (Tadem & Tadem, 2013), o kaya’y nagpopostura
mang makamasa ay gaya naman ng isang “Kristiyanong” boksingerong nagsasabing tama ang death
penalty dahil pinatay naman din daw si Kristo at ng isang komedyanteng mahilig sa mga sablay na joke
tungkol sa mga solo parent. Sa kaso ng USA at France sa mga nakaraang eleksyon noong 2016 at 2017,
tila pamimili na nga lamang sa pagitan ng AIDS at kanser ang eleksyon – walang mapiling gusto kaya
bumoboto na lamang laban sa pinakahindi gusto. Sa bilangan ng boto, maaaring suriin ang lebel ng
panalo ng mga nagwaging presidente. Ilan lamang sa kanila ang nakakuha ng malaki-laking mayorya, at
ilan naman ang minority presidents na ang bilang ng boto ng mga kalaban kapag pinagsama-sama ay
mas malaki pa kaysa sa boto ng nanalo? At ilan ding Pilipino ang tuwina’y bumobotong nakatakip ang
ilong at naoobliga na lamang piliin ang lesser evil? Baka panahon nang seryosohin ang panawagan na
bilangin din sa balotang presidensyal ang WALA AKONG GUSTO SA KANILANG LAHAT o NONE

75 | P a g e
OF THE ABOVE (NOTA), at kapag nanalo ang NOTA ay bagong eleksyon muli at hindi na sila kasali
sa pamimilian. Sa pamamagitan nito, tiyak na higit na pag-iisipan at pag-uukulan ng pansin ng mga
politiko ang kani-kanilang manipestong elektoral, at higit na magiging paligsahan ng plataporma (sa
halip na porma) ang eleksyon sa bansa: itala ang sentimyento ng mga 64 Kawíng Tomo 1 Bilang 1 tao at
bumuo ng mga bagong patakaran na magbibigay-pag-asa sa kanila na hindi pa tapos ang laban. Kaugnay
ng mga kahinaan ng “representative democracy” sa Pilipinas, panahon na kayang subukin ang “direct
democracy” sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadget sa lahat ng mamamayan para sa mga instant
referendum bawat araw para sa mga batas na nakahain sa Kongreso at Senado? Pinagbobotohan ang
nananalo sa mga palabas na gaya ng Big Brother at The Voice, bakit di maaaring pagbotohan na rin ng
mga mamamayan kung sa wakas ay maisasabatas na ang Anti-Dynasty Bill na mahigit dalawang dekada
nang nananatiling panukalang batas lamang, o kaya’y kung babawasan o tataasan ang sweldo ng mga
tinaguriang “tongresman” at “senatong.” Panimulang hakbang ang paggamit at pagsubok sa app na
PollMole, at pagtingin sa karanasan ng ilang bahagi ng Switzerland (Pállinger, 2007). Panahon na ring
saliksikin ang feasibility ng unicameral na lehislatura – Senado na lang na bukod sa 24 senador ay may
50 partylist representatives na tunay na kumakatawan sa “mga tinig mula sa ibaba.” Maaari kayang
tanggalin na ang iba pang kongresista? Unicameral ang sistema sa Brunei, China, Norway, Denmark,
Taiwan at Turkey, at marami pang ibang bansa. Mas matipid at posibleng mas episyente, at mas malaki
rin ang tsansa na makapagkonsolida ng kapangyarihan ang “mga tinig mula sa ibaba.” Kaugnay ng mga
partylist, saliksikin ang lebel ng pagrepresenta nila sa mga tinig mula sa ibaba, paano at gaano nila
ipinaglaban ang hinaing ng ordinaryong mamamayan, sipatin ang mga talumpati, resolusyon, larawan, at
iba pang materyal na kanilang inilalathala. Kaugnay ng mga repormang politikal, saliksikin din ang
posibilidad na career officials na ang buo o malaking porsyento ng Gabinete upang makaiwas sa
political appointees na walang sapat na kwalipikasyon na akma sa kanilang tatanganang responsibilidad.
Malaki ang iuunlad ng burukrasya kung ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher
Education (CHED), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST) man
lamang ay magkakaroon ng mga kalihim na career officials. Kaugnay ng eleksyon, nasaan ang mga
pananaliksik sa mga materyal na pangampanya at manipestong elektoral ng mga partido? Kahit na
manipis ang mga babasahin – wala pang 5 pahina ang ibang manipesto sa Pilipinas – bibihira ang
sumisipat sa mga dokumentong ito. Samantala, sa mga bansang gaya ng Pransya na tila pahabaan ang
manipesto – may mga manipesto na inaabot ng halos isang buong libro o makapal na pamphlet –
sangkatutak ang komparatibong pananaliksik sa mga programa ng mga partido. Marahil ay ganito ang
magiging kongklusyon: “Walang laman, sa pangkalahatan ang manipesto ng Partido A, gaya rin ng
manipesto ng Partido B to Z.” Magbibigay-linaw ito sa pangangailangang magtayo ng mga bagong
partido na para sa kapakanan ng nakararami at hindi para sa iilan lamang.

Araling Pangkalikasan: Imperatibo sa Pagliligtas ng Mundo


Sa gulo at relatibong “kababawan” ng at/o labnaw ng diskursong intelektwal sa politika sa bansa, hindi
kataka-takang bihirang mabigyang-pansin ang iba pang mahahalagang usapin gaya ng larangan ng
araling pangkalikasan. Humantong na ang mayorya ng sangkatauhan sa realisasyon na finite, may
katapusan at nauubos ang maraming resources sa mundo. Nauubos ang mga puno, nauubos ang ginto,
nauubos ang malinis na tubig at iba pa, dahil sa walang habas na paghahangad ng mga bansa na pataasin
ang kani-kanilang produksyong ekonomiko. Pataas nang pataas ang Gross Domestic Product (GDP) ng
mga bansa ngunit hindi naman din nararamdaman ng nakararami ang pag-unlad at lalo lamang nasisira
ang kalikasan. Baka panahon nang pag-isipan ang feasibility ng konseptong degrowth: balik sa mga mas
simpleng demand, sa mga mas simpleng pangangailangan upang hindi na maging walang habas ang
produksyon, upang mas maplano na kung ano lang ang ipoprodyus, upang hindi na kailangang pataasan
ng GDP, kundi pagalingan na lang sa pagtitiyak na lahat ay may pagkain, trabaho, bahay at iba pa, dahil
mauubos ang yaman ng daigdig kung bawat kapritso ng tao – lalo na ng mayayaman – ay pagbibigyan.
Baka maaaring isang kotse lang kada pamilya? Baka maaaring ipagbawal na ang kotse sa mga lugar na
may tren? Baka maaaring ang sinumang bibili ng bagong phone ay kailangang dala ang luma para
makadiscount ka ng 50% para maging mandatory ang recycling? Baka maaaring ipagbawal na rin ang
sashimi at Century Tuna sa susunod na 20 taon para makarecover muna ang tuna population bago
magpalaki ng mga katawan at tiyan ang mga hunk? Otherwise, palapit nang palapit ang daigdig sa
eksenang apokaliptiko na inimagine na sa mga pelikulang gaya ng 2012 ni Roland Emmerich (2009), at

76 | P a g e
The Matrix nina Lana Wachowski at Lilly Wachowski (1999). Mainam basahin at i-replicate ang
saliksik gaya ng “When Did the Anthropocene Begin…and Why Does It Matter?” ni Angus (2015);
“Capitalism and Degrowth: An Impossibility Theorem” ni Foster (2011); “Crisis or Opportunity:
Economic Degrowth for Social Equity and Ecological Sustainability” ni Schneider, Kallis, at Martinez-
Alier (2010); at “Luntiang Pamayanan: Tungo sa Pag-unlad ng Kalikasan, Antas ng Pamumuhay at
Wika” ni Nuncio (2011). Dapat talakayin nang seryoso kung paano sasailalim sa degrowth ang Pilipinas
at kung kaninong kapritso ang uunahing tapusin sakaling simulan na itong isakatuparan. Kung nais pa
rin ng mga mamamayan ng unlimited consumption, baka makabawas sa impact sa environment kung
100% renewable energy na ang gamit nng lahat. Maaari nang mag-aircon at magcellphone buong araw
dahil solar-powered na lahat. Kunsabagay, bilyun-bilyong taon pa naman ang itatagal ng araw bago ito
sumabog sa paraang kahawig marahil ng pagsabog ng planetang Krypton sa pelikulang Man of Steel ni
Zack Snyder (2013). Marahil, ang transisyon sa renewable energy rin ang magluwal ng daigdig kung
saan halos wala nang tatrabahuhin ang mga tao. Kung makalilikha tayo ng mga robot na solar-powered,
matipid na mapatataas pa rin ang produksyon at produktibidad ng mga kumpanya, habang binabawasan
naman ang oras 66 Kawíng Tomo 1 Bilang 1 ng trabaho ng mga manggagawa: walang tanggalan sa
trabaho at wala ring pagbaba ng sahod dahil ang mga robot na ang magtatrabaho at di naman
mababawasan at sa halip ay lalaki pa nga ang kita. Matinding tunggalian ang magpapasya sa sino ang
makikinabang sa robotisasyon ng ekonomya: ang manggagawa o ang kapitalista. Balikan ang Das
Kapital ni Marx (1887), gayundin ang ilang bahagi ng 1984 ni Orwell (1961) at The End of Work: The
Decline of the Global Labor Force and the Dawn of the Post-Market Era ni Rifkin (1995).

Ugnayang Panlabas at Usaping Panloob


Sa pagtalikod ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga mahahalagang internasyunal na kasunduan gaya
ng Paris Accord na naglalayong limitahan ang carbon emissions ng mga bansa, malinaw na ang mga
usaping pangkalikasan ay may koneksyon din sa ugnayang panlabas at ugnayang multi/transnasyunal.
Sa larangan ng international affairs, kailangang sipatin ang feasibility ng daigdig na wala nang veto
power sa United Nations (UN) Security Council tungo sa sistemang isang bansa, isang boto. Kailangan
na ring paghandaan ng Pilipinas ang realignment ng mga bansa, batay sa paglakas ng tambalang China-
Russia na nagtatangkang tumapat sa tambalang USEurope-Japan-South Korea-New Zealand-Australia.
Saan ba lulugar ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asya, Aprika at Amerika Latina, para ganap na
makinabang sa mga nangyayari? O baka naman kayang magsarili ng Pilipinas, lalo pa at mayaman
naman ito sa sikat ng araw at sa tubig – dalawang resources na napakahalaga ngayon at magiging mas
mahalaga pa sa hinaharap gaya ng prediksyon ng mga eksperto sa paggamit ng renewal energy at
gayundin sa aklat na Las batallas del agua o Water Wars ni Bouguerra (2005). Imperatibo rin ang
muling pagbasa sa Las venas abiertas de América Latina o Open Veins of Latin America ni Galeano
(1971), “The Development of Underdevelopment” ni Frank (1966), at The Nationalist Alternative ni
Constantino (1979), upang maturuan ang mga indio na hindi opsyon ang neokolonyalismo.

Paggawa, Dependensiya, at Globalisasyon


Sa dinami-dami ng negatibong epekto ng Labor Export Policy (LEP), baka maaaring itigil na ang
pagpapadala sa OFWs kung saan-saan? Sundan ang pananaliksik ni San Juan (2014) hinggil sa LEP at
kumustahin ang mga pamilya ng OFW. Nabawasan na ba ang may ibang asawa at/o ibang pamilya sa
ibayong dagat? Gaano na kalala ang iba pang social cost ng labor export? Gaano na katindi ang brain
drain at deskilling sa bawat propesyon, sa panahong nagkakasambahay sa Malaysia, Singapore, at Hong
Kong ang maraming gurong Pilipino, at nagkukumahog ding umalis sa bansa ang mahigit 5,000 skilled
workers at professionals kada araw noong 2015, batay sa datos ng Philippine Overseas Employment
Administration (POEA). Gaano nakalalamang sa Pilipinas ang Europa at Estados Unidos sa abanteng
sistemang pangkalusugan dahil sa dami ng doktor at nars nila, kumpara sa Pilipinas na nageeksport ng
mga manggagawa sa sektor ng kalusugan? Halimbawa, sa datos ng World 67 Pagbuo ng Makabuluhang
Adyenda... D.M.M. San Juan Health Organization (2017), may halos 6 na nars at midwife sa kada 1,000
tao sa Pilipinas, kumpara sa 12 sa United Kingdom at halos 10 sa Estados Unidos (dalawang bansa na
kapwa destinasyon ng mga nars na ineeksport ng Pilipinas). Pag-aralan din ang posibilidad ng
panawagang global na minimum na sahod para sa mga migrante, at/o pilitin ang mga maka-
77 | P a g e
globalisasyon na tuparin ang pangako nilang borderless world: tanggalin lahat ng visa restrictions,
passport na lang ang kailangan para magtravel papunta sa kahit anong bansa, i-imagine ang ending ng In
Time ni Andrew Niccol (2011) na wala nang time zones. Maaaring sundan din ang saliksik na “To the
Lighthouse Towards a Global Minimum Wage: Building on the International Poverty Line” ni Bolwell
(2016). Gayundin, maaaring suriin kung paano matatapatan ng Pilipinas ang minimum na pasweldo sa
ibang bansa, sa panahong 25,000 piso ang sweldo ng kasambahay sa Malaysia (batay sa mga aktwal na
anunsyo na nakita ng awtor sa advertisement ng ilang recruitment agencies sa Maynila noong 2017)
kumpara sa 19,620 piso na entry-level salary ng guro sa publikong paaralan sa Pilipinas. Huwag
maniwala sa propaganda ng mga kapitalista na malulugi sila sa pagtataas ng sweldo. Ang totoo,
mababawasan lang ang limpak-limpak nilang kita. Balikan ang Das Kapital ni Marx (1887) at ireplicate
sa bawat kumpanya ang “Capturing Value in Global Networks: Apple’s iPad and iPhone” ni Kraemer,
Linden, at Dedrick (2011). Anila, 5.3% ng halaga ng iPhone noong 2010 ang napupunta sa manggagawa
habang halos 60% ang napunta sa Apple corporation. Tama at makatwiran ba iyan? Baka maaaring
hating kapatid o 70-30 pabor sa manggagawa? Maaaring sipatin ang merito ng House Bill 2625 ni Cong.
Jose Atienza, Jr. (2016) hinggil sa profit-sharing o pagbabahagi ng tubo ng mga korporasyon sa mga
manggagawa. Kaugnay ng kapitalismo at paggawa, kaya bang ikompyut kung magkano ang
makatwirang tubo? Magkano ba talaga dapat ang sinusweldo ng mga manggagawa? Feasible ba ang
profit-sharing o mas mainam ang workers’ management? Basahin ang “Proposing a Path to Socialism:
Two Papers for Hugo Chávez” ni Lebowitz (2014), gayundin ang aklat na A World To Build: New
Paths Toward Twenty-First Century Socialism ni Marta Harnecker (2015). Anu’t anuman, kailangang
suriin kung paano mapalalakas ng mga manggagawa ang kanilang mga organisasyon, kung isasaalang-
alang ang pahayag nina Karl Marx at Friedrich Engels na ang mga manggagawa ang pangunahing
makapagpapabago ng daigdig. Sa paglalarawan sa paghina ng mga unyon at iba pang organisasyong
pangmanggagawa, malalaman din kung paano sila muling makapagpapalakas sa panahon ng
globalisasyon na pinangingibabawan pa rin ng kapitalista (San Juan, 2017). Kaugnay pa rin ng
globalisasyon, kulang pa ang mga saliksik hinggil sa mga tinig ng mga isinantabi, nadehado, inapi,
pinipi, dinahas. Nasaan ang mga pananaliksik na nagdodokumento sa daing, salaysay, naratibo ng mga
hindi nakinabang sa pangakong borderless world ng globalisasyon: ang mga magsisibuyas ng Nueva
Ecija; magbabawang ng Ilocos; maggugulay ng Benguet; magsasapatos ng Marikina; 68 Kawíng Tomo
1 Bilang 1 manggagawa sa mga nagsarang pabrika; lumad at iba pang national minorities na itinaboy,
inagawan ng lupa, pinalayas ng mga mining firms at logging companies; mga trabahador na kontraktwal
sa mga higanteng plantasyong pag-aari ng mga kumpanyang trans/multinasyunal; mga factory worker sa
export processing zone na pinagbabawalang mag-unyon; mga magsasakang nawalan na ng lupang
sakahan dahil sa malawakang land conversion. Bagsak-presyo ang smuggled na sibuyas at bawang, pati
ang legal na idinaan sa customs ng bansa, dahil sa pag-aalis ng taripa sa mga produkto. Sipatin ang
kahon ng toothpaste o basyo ng shampoo at makikitang repacking center na lang ang Pilipinas: ibang
bansa ang nagmanupaktura at importer lang ang kumpanya sa Pilipinas. Tingnan ang mga sentro ng de-
industriyalisasyon – mga pabrikang tinibag para gawing condominium, o kaya’y mga guhong
tiwangwang, gaya ng pangarap ng maraming Pilipino noon at ngayon. Paano nilabanan ng mga tinig
mula sa ibaba ang mga mapang-api at mapagsamantala sa panahon ng globalisasyon? Paano nila
ibinalita, tinula, inawit, isinalarawan, isinadula, ikwinento mismo ang kanilang pakikipagtunggali sa
globalisasyon? Sa paglalahad ng kanilang mga kwento, maaaring maging huwaran ang mga akdang gaya
ng A People’s History of the United States ni Zinn (2005), The Darker Nations: A People's History of
the Third World ni Prashad (2007), Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Sison (1970), The Philippines:
A Continuing Past nina Renato Constantino at Letizia Constantino (1978) at Mga Tinig Mula sa Ibaba:
Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955 ni
Maceda (1996), gayundin ang Adults In The Room: My Battle With Europe’s Deep Establishment ni
Varoufakis (2017). Kailangang igiit ang muling pagbuhay sa asignaturang Kasaysayan ng
Pilipinas/Philippine History sa hayskul (pinaslang ito ng Departamento ng Edukasyon sa ilalim ng
sustemang K to 12) – gaya ng ipinaglalaban ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan
(TANGGOL KASAYSAYAN) upang lalong mapalalim ang pag-unawa ng madla sa koneksyon ng noon
at ngayon at paano haharapin ang bukas nang hindi na uulitin ang mga pagkakamali at magtatagumpay
na kung saan nabigo ang mga nauna. Ang mga isinantabi sa Pilipinas ay maraming kwentong hindi pa
naririnig ng marami-raming nasa gitnang uri at nasa alta sociedad. Ano nga ba ang nawawala sa

78 | P a g e
pagkawala ng hanapbuhay? Dignidad, pangarap, pag-asa. Ano ang nangyayari sa pamilya kapag wala
ang mga ito? Ano ang nangyayari sa bansang uuga-uga ang pundasyon? Baka malao’y makitang ang
pagtaas ng petty crimes at tulak-gamit ng shabu at marijuana ay epekto na lamang pala ng pagdaralitang
dulot ng walang habas na globalisasyong iilan lamang ang nakinabang. Kaugnay nito, dapat ding
idokumento ang ilegal na pagbabakod ng mga korporasyon, ng mga kapitalista, ng iilang elite sa mga
dati-rati’y publikong espasyo at publikong domeyn gaya ng mga dalampasigan, gilid ng bundok, mga
publikong parke at iba pa. Ilegal ang mga ekslusibong beach resort dahil ang mga isla at ang
dalampasigan ay pawang mga bahagi ng public 69 Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda... D.M.M. San
Juan domain, at walang karapatan ang mga korporasyon na angkinin at bakuran ang mga ito, at lalong
bawal na bawal na bumili o magbenta ng mga isla. Ang lahat ng ito’y pag-aari ng bayan, gaya rin ng
ekta-ektaryang lupa sa Pilipinas na tila “nabili” na at teritoryo na ng ilang bansa sa Middle East
(Nooteboom at Rutten, 2011).

Pagsasalin ng Mga Di Pinangangahasang Isulat sa Filipino


Sa kabila ng mga negatibong aspekto ng globalisasyon, dapat samantalahin ng mga mananaliksik ang
mga positibong epekto nito sa mabilis na paglaganap at sa (halos) instant availability ng mga
makabuluhang akda mula sa ibang bansa. Dapat nang isabalikat ang pagsasalin o pagpaparami pa ng
salin ng mga sinulat ni Thomas Piketty, Alejandro Lichauco, Ha-Joon Chang, Wolfgang Streeck, Albert
Einstein, Samir Amin, Eduardo Galeano, John Bellamy Foster, Ian Angus at iba pa upang ma-expose
naman sa mga (mas) bagong ideya ang mga mamamayan ng bansa. Halimbawa, panawagan ni Piketty
(2013) sa Capital in the Twenty-First Century ang global tax on wealth (taunang pagkumpiska sa parte
ng yaman ng pinakamayamang 1% ng populasyon ng mga bansa, bukod pa sa regular na buwis na
binabayaran nila), at iniisip na ni Streeck (2014) sa “How Will Capitalism End?” ang hindi kayang
tanggapin ng mga mayayamang Pilipino. At sino ang nakakaalam sa mga Pilipino na sosyalista pala si
Einstein, gaya rin ni Amado V. Hernandez, Pambansang Alagad ng Sining na nagsulat ng nobelang Mga
Ibong Mandaragit (1982) – malapit-lapit sa ideolohiya ng komunistang New People’s Army (NPA), at
ng KADAMAY na pinagbibintangan ni Senador Antonio Trillanes IV na tagakanlong daw ng NPA. Sa
sanaysay na “Why Socialism” ay winika ni Einstein: “I am convinced there is only one way to eliminate
these grave evils, namely through the establishment of a socialist economy, accompanied by an
educational sysrem which would be oriented toward social goals. In such an economy, the means of
production are owned by society itself and are utilized in a planned fashion...” Matutuwa si Einstein
kung buhay siya ngayon kapag nakita niyang pinag-uusapan na ng gobyernong Duterte at ng mga
komunistang Pilipino na kinakatawan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang
kani-kanilang bersyon ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms/CASER (2017) na
naglalaman ng mga makabuluhang repormang tiyak na magugustuhan ng marami-raming Pilipino gaya
ng libreng edukasyon at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, at mas mababang buwis sa
mga mahihirap at middle class. Makabuluhang saliksik ang pagsusuri sa mga repormang ito, at sa
mismong teksto ng mga draft na CASER. Kaugnay ng pagbanggit ni Einstein sa planadong ekonomya,
nakikini-kinita na ang mga digmaang ang ugat ay kumpetisyon sa malinis na tubig, suplay ng enerhiya,
pagkain atbp. sa malapit na hinaharap. Kailangang humanap ng paraan na maiwasan ang mga ito.
Kailangang muling suriin ang merito ng sentralisadong pagpaplano ng ekonomya batay sa
pangangailangan ng mga komunidad. Sa panahong nauubos ang mga bagay-bagay, hindi ba kailangang
may mag-rasyon para walang maubusan? O kaya naman, para sa mga optimistiko, mas mabilis ang
pagpaplano sa maalwang 70 Kawíng Tomo 1 Bilang 1 bukas, sa paghanap ng landas ng kasaganahan
kung may planong sinusunod ang lahat. Bukod sa rural land reform, kailangan din ng urban land reform.
Kailangan ng saliksik na sisipat sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga nangungupahan at walang
tahanan sa Pilipinas at sa buong mundo, habang may mga bahay at condominium na walang tao! Bili
nang bili ng property ang mayayaman dahil gusto nilang paupahan kaya pataas nang pataas ang value
dahil bili pa rin sila nang bili kahit na ang occupancy rate ay mababa na. Sasambulat ang krisis na ito
nang wala pang isang dekada mula ngayon, maliban kung isabalikat ng gobyerno ang programa ng
publikong pabahay at iregulate ang presyo ng real estate pati na ang ilang condominium o ektarya ng
urban land ang pwedeng bilhin ng bawat tao at pamilya. Alinsunod ito sa konteksto ng tinuran ni Leo
Tolstoy (2009) sa maikling kwentong “How Much Land Does A Man Need?” Aniya, “six feet from his
head to his heels” lang naman ang kailangan ng bawat tao.

79 | P a g e
Paglilinaw sa Malalabo: Pagsipat sa Lenggwahe ng Globalisasyon
Sa konteksto ng patuloy na globalisasyon, panahon na rin na i-replicate ang mga pag-aaral na gaya ng
“The Language of Globalization” ni Marcuse na lumabas noong 2000, gayundin ang “Bankspeak: The
Language of World Bank Reports” ni Moretti at Pestre (2015). Nagbabago ang lenggwahe ng
panlilinlang kaya’t pana-panahon dapat itong pag-aralan. Ang “budget cut” ay naging “austerity.” Ang
“lenders” ay naging “partners,” o “institutions.” Ang sagad-sagaring “privatization” ay ginawang
“PublicPrivate Partnership” para hindi halatang mas malaki pa rin ang pakinabang ng mga korporasyon
kaysa sa publiko na nirerepresenta supposedly ng gobyerno. Mainam na sipatin din kung gayon ang
lenggwahe ng mismong kontrata ng mga PPP, kung mabilis na makakahanap ng kopya nito sa website
ng gobyerno para sa Freedom of Information: https://www.foi.gov.ph/. Sa kalabuan ng mga termino ay
maaari pa ring makita ang katotohanan. Garantisadong tubo ang ipinagyayabang sa mga dokumento
hinggil sa PPP, gaya sa introduksyon na nasa website mismo ng PPP Center: “It embodies optimal risk
allocation between the parties – minimizing cost while realizing project developmental objectives. Thus,
the project is to be structured in such a way that the private sector gets a reasonable rate of return on its
investment.” Kaya nga nang makuha ng Ayala ang LRT 1 at 2 ay taas-presyo kaagad sila. Wala nang
risk o peligro ang negosyo basta nasa PPP. Ang edukasyong makadayuhan at nakasentro sa paghubog ng
robotikong manggagawa ay outcomes-based kuno (at malinaw naman sa esensya kung kaninong
outcomes ang sinusunod). Promoted at naging “indigent,” “marginalized,” “nasa laylayan ng lipunan”
ang dati’y “anak-dalita, anakpawis, mahirap” ngunit mahirap pa rin sila sa aktwal at wala pa ring
kapangyarihan. Tadtad ng salitang “empowerment” ang mga dokumento ng mga dayuhang financier at
gobyerno ngunit kapag natutuhan na ng mga mamamayan ang empowerment ay pinauulanan sila ng
bala, tini-teargas, sinasagasaan. Ayaw nang ipagamit ng mga neoliberal ang terminong First at Third
World dahil halatang-halata ang agwat ng mga bansa at malalantad ang 71 Pagbuo ng Makabuluhang
Adyenda... D.M.M. San Juan pagsasamantala ng una sa huli, kaya ang United Nations ay may
kategoryang “lessdeveloped countries” (LDCs) para sa mga bansang maglulupa pa rin. Sa wakas ay
inabandona na ang diskursong “borderless world” mula nang magka-krisis noong 2008 at isisi sa
migrante ang kawalan ng trabaho ng mga nasa Kanluran, at pumalit ang diskurso ng “patrol,” “security,”
“Fortress Europe,” “wall” “visa restrictions” at “border control.” Nawala na ang Europang idolo ni
Rizal, ang Europang mapagkalinga, ang Europa ng Enlightenment values, ang Europa ng human rights.
Nagagalit ang mga natirang kasapi ng European Union sa pag-abandona sa kanila ng United Kingdom.
Hindi raw maaaring magbenepisyo sa freedom of goods ang UK kung walang freedom of movement
ang mga EU citizens, ngunit nagkakaisa ang Europa, Norte Amerika, at recently pati ang Australia at
New Zealand – ang mga puting rehiyon ng daigdig – sa pagkakait ng freedom of movement sa mga
Asyano, Aprikano at Latino Amerikano kahit na nga may mga free trade agreements sila sa mga
kontinenteng ito. Mas malaya ang tsokolate at cacao, bulak at medyas kaysa sa taong gumagawa niyon,
sa aktwal.

Matatapang na Solusyon sa Malalalang Problema


Kung solusyon sa problema, pwedeng subukin ang mga inobasyon sa geoengineering laban sa climate
change, genetic engineering laban sa kagutuman, at stem cell treatment laban sa mga sakit. Kaugnay ng
geoengineering, sinusubukan na ang pag-spray ng particles sa atmosphere para madeflect ang ilang
porsyento ng init ng araw, gaya ng saliksik ng mga saliksik ng Cargenie Climate Geoengineering
Governance Initiative, Huwag naman sanang pumalya at magresulta sa global freezing ang
sinusubukang solusyon sa global warming, gaya nang nangyari sa nobelangnaging-pelikulang Le
Transperceneige ni Jacques Lob at Jean-Marc Rochette (1982) o Snowpiercer ni Bong Joon-ho (2013).
Makikinabang ang Pilipinas kapag nadevelop ang ganitong teknolohiya dahil projected na mabura sa
mapa ang coastal communities sa maraming rehiyon ng bansa dahil sa climate change. Kaugnay ng
climate change, kailangan ng maagap na imbentaryo – literal na imbentaryo at genetic mapping – sa
lahat ng malapit nang ma-extinct na halaman, hayop at iba pa sa bansa – na isa sa may pinakamalawak
na flora at fauna sa buong mundo – bilang batayan ng kampanya para sa kanilang preserbasyon, at datos
na rin para sa mga siyentista sa mga susunod na panahon na baka magkaroon na ng tsansa na mag-clone
ng mga extinct na hayop at halaman. Baka may mga gubat pang di napapasok ng siyentista na maaaring
mapuntahan na sa tulong ng mga etnographer. Hindi ba’t 7,500 islands na ang kapuluang Pilipinas?
Magpadala ng mga expeditionary teams sa mga islang uninhabited para saliksikin ang flora at fauna
80 | P a g e
roon. Maaari ring tuklasin ng mga historian sa mga lumang rekord ang mga lumang ruta sa dagat na
maaaring buhayin para sa inter-island travel sa bansa. 72 Kawíng Tomo 1 Bilang 1 Patuloy na dapat
pang maglabas ng mga publikasyon hinggil sa anticipated/projected impact ng climate change upang
masuri rin kung paano mapaghahandaan o mapapakitunguhan ang mga ito. Lalong dapat magpalakas ng
pananaliksik sa arkitekturang akma sa mga bansang tropikal na maulan. Makabubuo kaya ng climate
change-resistant o climate change-proof na mga gusali ang mga Pinoy architect? Ang mga interior
designer ay maaaring mag-ambag din sa pagdidisenyo ng mga loob ng bahay na malamig ngunit
matibay at water-resistant. Samantala, nagbebenepisyo na ang Rusya sa climate change dahil sa
pagkalusaw ng yelo sa Arctic na dahilan para makapaglayag nang mabilis sa Murmansk at iba pang
komunidad sa rehiyong Arctic (Walker, 2016). Paano kaya makikinabang ang Pilipinas sa realidad ng
climate change? May positibong mahihita ba ang bansa sa pagtaas ng sea level at pag-init ng
temperatura lalo na kapag summer? Baka makahanap tayo ng silverlining sa trahedyang dulot ng climate
change? Hinggil sa genetic engineering, isyu ang produksyon ng mga korporasyon ng mga patay na
binhi – binhi na one-time use lang at ang bunga ay pagkain ngunit hindi butong binhi kaya regular na
bibili ang magsasaka ng binhi sa suplayer na korporasyon (Lombardo, 2014), di gaya ng dati na
nagtatabi lamang ng binhi mula sa ani. Ihanda na ang pagdokumento sa lalong paghihirap ng mga
magsasakang mabibitag ng mga kumpanyang nagbebenta ng genetically-engineered na buto, at protesta
ng mamamayan sa bagong teknolohiya na posibleng magdulot ng mas maraming problema, gaya ng
idinulot nito sa India (Shiva, 2013). Noong 2016 ay binaligtad ng Korte Suprema ng Pilipinas ang
desisyon na dati’y nagbabawal sa field trial ng Genetically-Modifed (GM) talong kaya’t lalong dapat
saliksikin ang tungkol sa genetic engineering. Maaari nang i-field trial ang mga GM organisms (GMO)
sa Pilipinas. Kailangan ding hanapan ng solusyon ang traffic. Butasin ang mga subdibisyon, padaanan sa
publiko ang lahat ng kalsada, ipagbawal ang parking sa lahat ng kalsada, isaayos ang public mass
transportation system para mas konti na lang ang magkotse, patawan ng karagdagang buwis ang pagbili
ng kotse, itransporma ang Skyway sa sistema ng publikong tren, paunlarin ang lahat ng panig ng
Pilipinas para di magsiksikan sa mga sentrong lungsod, magtayo ng pabahay malapit sa mga sentro ng
trabaho. Suplayan ng detalye at citation ang artikulong “Transform Traffic Road Rage Into Public
Outrage Against Imperialism, Feudalism and Bureaucrat-Capitalism” ni Palatino (2015) para sa isang
saliksik na reresolba sa trapiko sa Metro Manila at iba pang sentrong lungsod sa Pilipinas. Isa pang
problema ang matinding reliance ng maraming mamamayan ngayon sa internet at mga kompyuter.
Paano kaya kapag nagkaroong bigla ng “technological winter,” biglang paralisado ang internet, at
biglang na-virus at ayaw magbukas lahat ng kompyuter, at/o biglang naubos na ang suplay ng petrolyo
at bumagsak ang produksyon ng kuryente/enerhiya at hindi naman nakapaghanda ang bansa sa 73
Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda... D.M.M. San Juan transisyon tungong renewable energy?
Kailangan ng paghahanda. Daig ng maagap ang masikap. Kailangang paghandaan kahit ang tila
imposibleng mangyari.

Pagbabahaginan ng Kaalaman Tungo sa Daigdig na Walang Hanggahan


Kaugnay ng intellectual property rights, talamak ang pamimirata ng libro at halos wala namang
nagdedemandang may-akda. Mababait ang mga awtor na Pilipino at marahil ay naniniwala sa ideya ng
sharing. Samantala, todo-demanda ang mga multinational pharmaceutical firms sa mga Pilipinong
generic brands na nagpoprodyus ng mas murang bersyon ng mga mamamahaling dayuhang gamot, gaya
ng ginawa ng Pfizer sa Unilab (Pedroche, 2010). Baka panahon nang ipawalang-bisa ang patent ng mga
gamot, kahawig sa kalakaran sa India (Anand, 2015). Sa tamang oras at paraan, baka ang pagtatanggal
din ng batas sa copyright ng mga saliksik ang magbunsod ng Golden Age ng research sa bansa? After
all, sa mga bansa sa Europa gaya ng Netherlands, Sweden, at Norway na maunlad na ang pananaliksik,
buo-buong tesis at disertasyon ang ipinamamahagi nila nang libre online (sa mga arkibong gaya ng
www.narcis.nl, www.diva-portal.org, at http://nora.openaccess.no), di gaya sa Pilipinas na hindi
pinapayagang maipa-photocopy ang buong saliksik, at halos wala ring full text ng mga saliksik, maliban
sa UnibersidadngPilipinas(http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Category:Theses#.WVdcJhWGMvU) at
mangilanngilan pang kolehiyo at unibersidad na may abante nang pananaw sa pamamahagi ng
kaalaman. Buti na lamang at may www.sci-hub.cc at gen.lib.rus.ec na pwedeng puntahan kapag may full
text ng journal na gusto mong idownload nang libre. Feasible kaya na magbuo ng ganitong website para
sa mga saliksik na nasa Filipino? Gaano na nga ba kasikat ang sci-hub.cc at Library Genesis sa mga

81 | P a g e
Filipino researchers? Kaugnay naman ng sharing ng datos at materyal, kapuri-puri ang mga database sa
Espanya at iba pang bansa na nag-upload na online ng mga lumang dokumento. Nariyan ang Biblioteca
Digital Hispánica (www.bne.es) na katatagpuan ng maraming digitalized at readily downloadable na
English, Spanish, Tagalog, at Bikolanong dokumento, mapa, libro, diyaryo at iba pa tungkol sa at/o
mula sa Pilipinas, gaya rin ng makikita sa www.gutenberg.org na katatagpuan ng mga nobela at iba pang
aklat mula sa iba’t ibang wika, kasama na ang Tagalog. Ang pag-iimbentaryo sa Filipiniana materials sa
mga database na ito ay isa nang malaking pananaliksik, lalo pa ang pagsusuri at pagsasalin ng mga ito
na halos hindi pa nasisipat ng mga mananaliksik sa Pilipinas. Malaking bahagi ng ating lumipas ang
mababasa sa mga dayuhang arkibo na iyon na hindi kayang tapatan ng mga lokal na sinupan. Sa
kasalukuyan ay isa sa pinagkakaabalahan ng mananaliksik ang pag-iimbentaryo at pagsasaling-buod sa
nilalaman ng mga edisyon ng bilinggwal na pahayagang La Redención del Obrero ni Isabelo de los
Reyes na masisipat sa Biblioteca Digital Hispánica. Kakaiba ang pahayagang ito sa taas ng lebel at
lawak ng saklaw: politikal ang mga editoryal at pangunahing balita, siyempre pa, ngunit may mga
akdang pampanitikan din tulad ng dula, mapanudyong sanaysay at iba pa na nagtuturo sa mga
manggagawa na makibaka para sa kanilang karapatan.

Kritikal na Perspektiba sa Pedagohiya


Hinggil sa pedagohiya, napatunayan na ni Mangen (2014) ang superyoridad ng pagbasa ng printed na
teksto kumpara sa teksto sa electronic readers gaya ng Kindle at iPad. Baka magandang ireplicate ito sa
Pilipinas. Kaugnay nito, may mga saliksik na rin na nagpapatunay sa bisa ng aktwal na note-taking sa
retensyon ng impormasyon: “The Pen is Mightier Than The Keyboard: Advantages of Longhand Over
Laptop Note Taking” ni Mueller at Oppenheimer (2014). Marahil, kasabay ng malalaking reporma ay
back-to-basics din dapat sa pedagohiya. Kaugnay ng pedagohiya, dapat muling pag-aralan ang
implementasyon ng K to 12. Bakit hindi ibinigay na lamang ang bilyong pisong pera sa voucher sa
pribadong paaralan, sa mga paaralang publiko? Ang ginasta para sa karagdagang 2 taon ay ginamit na
lang sana sa pag-ayos ng lumang 10-year basic education cycle lalo pa at malinaw naman sa “Length of
School Cycle and The Quality of Education” nina Felipe at Porio (c.2008) na mas mainam kung ang K
to 12 ay ipataw na lamang sa mga gustong maging OFW at/o mag-aral sa ibang bansa. Kasama sa senior
high school courses ang Contact Center Services na pang-BPO professionals. Paano kapag natuto nang
mag-English ang mas maraming Nepalese at Bangladeshi na payag sa mas mababang pasweldo. Sa
ngalan ng race-to-the-bottom o karerang pabaratan ay tiyak na iiwan ng mga korporasyon ang Pilipinas.
Maaapektuhan din ng karerang pabaratan ang mga marino at kasambahay na Pilipino. Maaaring
palawakin pa ang kritik sa K to 12 na mababasa sa “Neoliberal Restructuring of Education in the
Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System” ni San Juan
(2016). Kaugnay ng sistemang pang-edukasyon, dapat i-evaluate ang bisa ng mga faculty evaluation
tools and processes. Kailangan pa bang i-evaluate ang faculty? Baka dapat i-evaluate din lahat ng
administrators para lahat may accountability? Bukod dito, tatlong taon bago mapermanente ang mga
guro samantalang sa ibang trabaho, anim na buwan lang ay pwede na. Para bang sinasabing
nagpapanggap lang sa unang taon ang mga guro, kaya 3 taon dapat ang probationary period. Baka dapat
nang kwestyunin ang kahunghangang ideya at porma ng diskriminasyon na iyan? Nagtitipid ang
maraming kompanya at gusto ng may-ari na magkamal nang mas malaking tubo kaya mas konting
permanenteng manggagawa ay mas maganda sa kanila. Ngunit ayon sa administrasyon ng Human
Nature (isang brand ng kumpanyang Pilipino na Gandang Kalikasan, Incorporated o GKI), maayos pa
rin ang estado ng kanilang kumpanya kahit na ang kanilang mga empleyado ay puro permanente
(Schnabel, 2016). Maraming beses nang sinasabi na kaya ayaw magpermanente ng maraming kumpanya
ay tinatamad daw ang mga tao kapag permanente na. Baligtad sa opinyon ng mga manggagawa: mas
sisipag ang permanente na. Kailangan ng saliksik para malaman kung sino ang tama. 77 Pagbuo ng
Makabuluhang Adyenda... D.M.M. San Juan I-evaluate din kung kailangan pang magsayang ng pera sa
mga National Achivement Test (NAT) at National Career Assessment Examination (NCAE), gayong
wala namang masyadong gumagamit ng datos na napoprodyus ng mga eksam na ito. Halimbawa,
maaaring gamitin ang datos sa eksam sa Filipino at English para tingnan kung aling wika ang mas
kayang gamitin ng mga estudyante bilang midyum ng edukasyon, ngunit walang nagtatangkang
gumalaw sa assumption na English na ang dapat na medium of instruction sa maraming asignatura.
Balik sa testing, sa Finland at iba pang bansa ay wala nang standardized tests at iyon ang bansang

82 | P a g e
pinakamahusay sa pedagohiya ayon sa Where to Invade Next ni Michael Moore (2015). Kung ibabasura
ang standardized tests, baka dapat ay ibasura na rin ang grading system ngayon. Maaari siguro ang
passed or failed para magpokus sa pagkatuto sa halip na mapresyur sa kompetisyon.

Kritikal na Perspektiba sa Relihiyon at Ekonomya


Sa relihiyon, interesanteng pag-aralan ang pagsalansang ng mga korporasyong kapitalista sa mga
doktrina ng mga simbahan. Halimbawa, ang mga mall na kariringgan ng Angelus sa tuwing tanghali at
alas sais ng gabi ay mga mall na notorious din sa kontraktwalisasyon – bagamat itinatatwa nila iyon.
Corporate social responsibility laban sa social justice? Charity o social justice? Maraming masasaliksik
sa unique na sitwasyon ng Pilipinas bilang bansang relihiyoso ngunit mababaw lamang ang pagunawa sa
ubod ng doktrina ng mga simbahan. Bagay na makakapagpaliwanag din sa pagiging matapobre ng ilang
Starbucks-gulping megachurchgoer sa mga tagaKADAMAY, habang ipinangangalandakan nila na si
Kristo ang kanilang tanging “savior” at sila’y “thankful” dahil sila’y “blessed” ilang minuto pagkatapos
nilang magpost hinggil sa “financial literacy” na walang iba kundi synonym sa pagsusugal ng pera sa
casino ng stock market – pagbili at pagbebenta ng shares sa mga kumpanyang baratilyo magpasweldo sa
mga manggagawa. Panahon na rin na isalang sa kritikal na analisis ang Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN). May patutunguhan ba ang proyektong ito o talk shop lamang na wala namang
aksyon? Baka mapangibabawan ng Malaysia at Singapore, kung paanong napangibabawan ng Germany
ang European Union (EU)? Hindi uubra ang economic integration ng mga bansang magkakaiba ang bilis
at bagal ng ekonomya. Malulugi ang mabagal at lalong mangunguna ang mabilis, at halos di
makahahabol ang iba, gaya ng pinatunayan ng sitwasyon ng Greece sa EU. Balik sa ASEAN, kung
walang pakialamanan pa rin ang kalakaran, kung bulag-bulagan ang mga bansang kasapi sa mga
negatibong nangyayari sa kapitbahay o “bakod mo, linis mo” ang peg ng ASEAN, ano pa ang saysay
nito? Maisasalba pa ba ang proyektong ASEAN para maging nakasentro sa mga mamamayan sa halip na
sa iilan? Paano makakaligtas sa kinasapitan ng EU ang ASEAN? Mahalagang marinig ang tinig ng mga
Pilipino ngayon pa lamang, lagpas sa mababaw, paimbabaw, at malabnaw na konseptwalisasyon ng 78
Kawíng Tomo 1 Bilang 1 Araling Timog Silangang Asya (Southeast Asian Studies) sa mga tradisyonal
na sentro ng saliksik hinggil dito.

Samu’t Saring Hakbang na Dapat Pang Isakatuparan Bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o
suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makabuluhang adyendang pananaliksik sa larangan ng
Araling Pilipinas, marami pang mahahalagang hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng
pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga hakbang na ito. Magpansinan muna
tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipubi. Paano babasahin ng ibang
bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo? Nakalulungkot na hindi
yata nasanay ang mga Pilipino na i-cite ang mga kababayan kahit na binasa ang gawa nila at kasama sa
aktwal na sanggunian. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng
Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at
maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa rin ang mga panananaliksik ng mga Pilipino.
Mahalaga rin kung gayon ang proyektong national broadband project na may potensyal na
makapagpabilis at makapagpalawak ng serbisyong internet sa buong kapuluan. Maaaring obligahin ng
CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng bawat thesis at disertasyon na
naisusulat. I-aarkibo ito sa isang website para madaling mag-search at mag-download. Magdevelop ng
katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects.
Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na naisusulat sa buong mundo tungkol sa Pilipinas
para matiyak na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga Pilipino. Dahil realidad ang kakulangan ng
sapat na mga tagasaling kompetent, mainam kung may magiging available na translation software na
libreng magagamit. Bigyang-prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng mga
programang gradwado. Dahil ito ang makapagtitiyak na ang mga mananaliksik at eksperto sa ating
kapuluan ay may kakayahan nang makipag-usap, makipagtalakayan atbp. sa mga ordinaryong Pilipino
na inaasahang makikinabang sa kanilang mga pananaliksik. Kaugnay nito, dapat agad magbalangkas ng
guidelines ang CHED para atasan ang mga unibersidad na payagan at hikayatin ang paggamit ng
Filipino sa pananaliksik, lalo na sa mga tesis at disertasyon. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na

83 | P a g e
magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas. Kung paanong bawat institusyong
akademiko sa Estados Unidos ay may American Studies Department o Center. Ang mga ganitong
departamento ang 79 Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda... D.M.M. San Juan magbibigay ng sapat na
espasyo at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino at/o Araling Pilipinas sa loob ng bansa.

84 | P a g e
11. Introduksiyon sa Saliksik ni Virgilio Almario

Paunang Salita
ANG PAGSASALIN AT PAGPAPAUNLAD SA WIKANG PAMBANSA
Virgilio S. Almario
Nabása ko kamakailan ang ganitong balita:

Hiniling nitong Lunes ng Sulpicio Lines Inc. sa Regional Trial Court ng Maynila ang pagpapatigil sa
imbestigasyong ginagawa ng Board of Marine Inquiry (BMI).
Nanghihingi ang Sulpicio Lines Inc. ng temporary restraining order dahil wala diumanong legal
authority ang BMI para imbestigahan ang aksidente na kung saan tumaob ang MV Princess of the
Stars.

Nag-file rin ng isang civil case ang Sulpicio laban sa BMI para sa mga pinsalang naidulot nito diumano
sa korporasyon.

* Ang unang bersiyon ng sanaysay na ito ay talumpating binigkas ko para sa kumperensiya sa


pagsasaling teknikal ng SANGFIL, Pulungang Recto, UP, 17 Hulyo 2008.

Mahihiwatigang isang salin ito ng orihinal na balita sa wikang Ingles. At maliban sa hindi ko
nagugustuhang gamit ng “na kung saan” sa ikalawang pangungusap at tinatamad na “nag-file” sa
ikatlong pangungusap ay maayos naman ang salin. Ngunit pansinin ang tila kawalan ng kakayahang
isalin ang ilang teknikal na salita. Halimbawa, ano nga ba ang opisyal na salin ng “Regional Trial Court”
at “Board of Marine Inquiry”? Isang mahalagang gawain ito na dapat isagawa ng alinmang sentro sa
pagpapalaganap ng wikang Filipino.
Ngunit ang higit na kapansin-pansin ay ang pananatili ng ilang katawagang panghukuman:
“temporary restraining order,” “legal authority,” “civil case,” at kahit ang “file.” Kung medyo nagtiyaga
pa ang reporter na nagsalin, puwede naman sanang ipalit sa “nagfile’ ang “nagsumite” o ng mas
Tinagalog na “naghain,” “nagdulog,” “nagpasok.” Puwedeng ipalit sa “civil case” at “legal authority”
ang paEspañol na “kasong sibil” at “legal na awtoridad.”

Sa hulíng naturang hakbangin, pinaiiral ang paniwalang higit na popular ang ipinapalit na
salitâng Español sa isinasáling salitâng Ingles. Mas matagal na kasing ginagamit ang “kaso,” “sibil,” at
“awtoridad” kaysa “case,” “civil,” at “authority.” Kahit ang “legal” na may iisang anyo sa Ingles at
Español ay mas kilalá ng sambayanan sa bigkas nitóng Español (“legál” mabilis) kaysa bigkas nitóng
Ingles (“ligal” malumay).

Ngunit paano isasalin ang “temporary restraining order”? “Utos sa pansamantalang pagpigil”?
Mawawala ang popular nang “TRO” na mula sa inisyals ng orihinal na prase sa Ingles. (Paano nga ba ito
isinalin ni Hukom Cesar Peralejo?) O dapat manatili na lámang muna ang orihinal sa Ingles? Isang
pansamantalang remedyo ito na iminumungkahi kahit ng kasalukuyang patnubay sa ortograpiya (tingnan
sa tuntunin 4.6) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Pansamantalang remedyo ito at kailangan
upang maipagpatuloy ang paggamit, lalo na sa pagtuturo at pagsulat, ng mga bagong hiram na salita.
Pansamantalang remedyo sapagkat naniniwala pa rin ako na darating ang araw na may lilitaw at
mapagkakasunduang salin ang ganitong hiram na salita, bukod sa maaaring ipailalim sa reispeling kapag
hindi na isinalin.

Sa kabilâng dako, ipinahahayag ng reporter sa kaniyang ginawang pagsasalin ng balita ang


kaniyang personal na paniwalang hindi na kailangang isalin ang naturang mga salitâng teknikal sa
Ingles. At ang kaniyang personal na paniwala ay sasang-ayunan ng maraming ibang reporter, editor, at
titser na edukado ngayon sa Ingles. Sa hanay ng kasalukuyang produkto ng ating edukasyong
bilingguwal, tatanggapin nating naiintindihan na ng madla ang “civil case” at “legal authority.” At dahil
wala naman táyong magagamit na survey kung gaano kalaki at gaano kalalim ang lumaganap nang
bokabularyong Ingles ng sambayanang Filipino ay mahirap nating salungatin ang naturang opinyon.

85 | P a g e
Magkagayon man, malaki pa rin ang aking hinala na hindi bahagi ng ating naisaloob nang
bokabularyong Ingles ang “temporary restraining order.”

Ang totoo, malaki ang aking hinala na ang paggamit ng tinatawag na “salitang higit na
ginagamit ng masa” ay idinadaan naman sa wido o personal na hilig. Walang siyentipikong batayan.
Noong kabataan ko at mapasáma sa inorganisang pangkat ng tagasalin sa hanay ng mga aktibista, isang
mahabàng diskusyon namin kung alin ang higit na dapat gamitin sa “ngunit,” “subalit,” “datapwat,” at
“pero.” Natitiyak kong wala nang gumagamit ngayon ng “datapwat” [kundi ako lámang, sa ilang
sinasadyang pagkakataón] at bihira nang lumabas sa ating bibig ang “subalit.” Gayunman, alin ang mas
gamitín sa “ngunit” at “pero”? Mayorya sa amin ang nagsabing ngunit na popular ang “pero.” Sa kabilâ
nitó, hindi kailanman ginamit sa aming mga salin ng sinulat nina Lenin, Marx, Mao Tsetung, at Amado
Guerrero ang “pero.” Bakit?

Sapagkat nanaig pa rin ang kuro na may kaibhan ang wikang pasulát sa wikang pasalita. Hindi
laging angkop at dapat panaigin ang tuntuning “higit na gamitín” (mabilis ang bigkas) sa pagpilì ng
salita sa gawaing pasulát. May mga pagkakataóng naghahanap ng ibang tuntunin. Wika nga ng isa sa
amin, kung ang pinakagamitín ang susundin ay hindi “pero” kundi “but” ang dapat naming isulat sa
pagsasalin. Higit nga namang mabilis ngayong ginagamit ang Ingles na “but” ng mga estudyante at silá
ang target namin noong mambabasá. xii introduksiyon sa pagsasalin [Ano nga kayâ’t “but” ang aming
ginamit sa pagsasalin? Na siguradong magdudulot naman ng isang bagong problema sa amin. Isusulat
kayâ namin ito sa orihinal o isasa-Filipino? “But” o “bat”?]

Ano kayâ ang itsura ni Mao Tsetung kapag nagsalita na may “pero” at “but”? Dahil naniniwala
kaming pormal na pormal ang wika ng aming nais isaling mga akda ay ginamit namin ang “ngunit” at
paminsan-minsan ang “subalit.”

Problema ito ng pag-aagawan sa ating dila’t diwa ng katutubong wika natin at ng dalawang
itinuro sa atin na banyagang wika. Ang Tagalog/Bisaya/Ilokano versus Español/Ingles. Kung minsan,
Español versus Ingles. At malimit kong makaengkuwentro ang ganitong problema hanggang ngayon.
Kamakailan, iniharap sa akin ang kaso ng “kagawaran,” “departamento,” o “department.” Ang sagot ko,
ikayayaman ng Filipino kung gagamitin lahat ang tatlo, at siya namang nangyayari sa larangang pasalita.
Ngunit, at ito ang aking malaking ngunit: Kapag kailangang magpalaganap ng istandard na salin ng mga
pangalan ng opisina ay tiyak na hindi maganda ang “department.” Higit ko ring papanigan ang paggamit
ng “kagawaran” kaysa “departamento” bagaman natitiyak kong hindi ako kakampihan ng 90% sa mga
kapuwa guro ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Paiiralin nilá ang kanilang sariling hilig para sa hiram na
salita. Hindi nilá mauunawaan ang idea ng elegansiya, at lalong hindi nilá didinggin ang tuntunin ng
pagpapairal sa katutubo kapag mayroon naman. Sasabihin niláng purista kasi ako. Ngunit bakit nga ba
inimbento pa noon ang “kagawaran” kung hindi kailangan?

Gampaning Pambansa
Dapat mapansin sa aking nagdaang talakay ang aking layuning ipakita ang mahigpit na ugnayan
ng pagsasalin at ng pagpapaunlad sa Wikang Pambansa. Higit ko ring iniisip ang misyon at pangarap na
ihakbang ang wikang Filipino paakyat sa antas ng kultibasyon (modernisasyon o intelektuwalisasyon,
kung ito ang nais gamítin). Napakasalimuot na tungkulin ito. Nangangailangan ng karampatang
pagpaplanong wika upang higit na mapabilis ang kultibasyon at maiwasan ang pasuling-suling at walang
direksiyong pagsasagawa. Ang totoo, ito sana ang dapat pinaglaanan ng higit na panahon at pondo ng
mga alagad ng wika at ng mga ahensiya at kagawarang pangwika sa loob at labas ng unibersidad. Kung
hindi nabagahe ang Filipino sa estandardisasyon nitóng nakaraang apat na dekada ay nakapagtuon na
sana ng angkop na mga proyekto para paigtingin at ganap na harapin ang kultibasyon.
Upang makamit ng Filipino ang karangalan at totoong istatus na Wika ng Karunungan.

Sa kasalukuyan, totoong malaganap na sa buong bansa ang Filipino. Walang pasubali na isa na
itong lingua franca para sa lahat ng pangkating etniko (o nasyon) sa buong kapuluan sa mga gawaing
pasalita. Subalit kailangan pa itong magbigkis sa mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng isang
estandardisadong paraan ng pagsulat. Mula dito bibilis ang pagtanggap sa Filipino bílang wikang opisyal
at wika ng edukasyon at samantalang nagaganap ang kultibasyon nitó bílang Wika ng Karunungan. Ang

86 | P a g e
ibig kong sabihin, magaganap ang kultibasyon ng Filipino kapag at hábang lumalaganap ito bílang wika
ng pagtuturo sa iba’t ibang disiplinang pang-edukasyon at bílang wika ng batas, negosyo, at pamahalaan
sa mga dominyo ng kapangyarihan sa ating lipunan. Magiging isang tunay na Wika ng Karunungan ito
sa panahong ginagamit ito sa pagtuklas at paglikha ng karunungan. Sa ganitong paraan ay magiging
wika naman ito ng kaunlaran.

Ang binanggit kong tila yugto-yugto at kailangang pagpapayabong sa katangian ng Filipino


bílang wikang pambansa ang wala sa radar ng pagpaplanong pambansa. Hindi ito mababása sa alinmang
medyo matagalang plano (medium term plan) ng NEDA. Lalo namang wala ito sa kukote ng kahit
sinong lider politiko. Napakakitid ng naging pagpangitain sa Wikang Pambansa mula pa sa panahon ni
Pangulong Quezon. At marahil, ang isang sanhi ng makitid na pagtingin sa Wikang Pambansa ay nása
naging panimulang pagpapahalaga sa isang wikang pambansa.

Bakit ba kailangan ang isang wikang pambansa? Mula na rin sa katwiran ni Quezon, bílang isang
pambigkis sa sambayanang may iba’t ibang unang wika. Pahayag nga ng islogan noon: “Isang xiv
introduksiyon sa pagsasalin Bansa, Isang Diwa, Isang Wika.” Isang sangkap ito sa paghubog ng
nasyonalismo. At nauubos ang panahon natin hanggang ngayon sa pagpapatotoo na isang kailangang
sangkap ng diwang makabayan ang wikang pambansa. Isa namang kapani-paniwalang simulain ito para
sa maraming bansang lumaya mula sa kuko ng kolonyalismo. Ngunit naging kumunoy ito ng wikang
Filipino. Tulad din ng pangyayaring ang nasyonalismo ay waring hindi nagiging birtud para sa higit na
makabuluhang layuning pampolitika at pangkabuhayan pagkatapos ng Himagsikang 1896. Noon pang
panahon ni Pangulong Garcia iwinagayway ang islogang “Filipino Muna” (Filipino First) bílang opisyal
na patakaran sa ekonomiyang pambansa. Ano ang nangyari? Hanggang islogan lang. At sa kabilâ ito ng
puspusang tangkilik ng pamahalaang nais magkamit ng higit na kasarinlang pangkabuhayan. Ngunit
hindi ito naisalin sa kaukulang direktiba at programa ng edukasyon at reoryentasyon ng taumbayan
tungo sa katuparan ng “Filipino Muna.” Paano sa gayon magtatagumpay ang isang programang
“Filipino Muna” sa wikang pambansa?
Subalit ang higit kong nais ipanukala ay ang pagbago sa ating bisyon ng wikang pambansa.
Hindi ito pambigkis lámang. Kung mababalangkas ang isang mahusay at malawakang plano para sa
kultibasyon ng wikang Filipino, katulad ng naihaka ko, magiging wika din ito ng pambansang
kaunlaran. Bibigyan nitó ng bagong kakayahan ang mga edukadong Filipino upang mag-isip para sa
sarili at para sa sariling bayan at gamítin ang pag-iisip upang maging higit na malikhain, saanmang
larang at kurso silá napunta, at magdulot ng kaunlarang angkop sa pangangailangan ng sambayanang
Filipino.
Saan pumapasok ang pagsasalin?

Isang realidad na dapat malinawan sa gitna at lahat ng ito ay ang napakalaking papel ng
pagsasalin. Nakasandig ngayon ang mga edukadong Filipino sa Español at Ingles—lalo na sa Ingles—
bílang wika ng edukasyon. Ang totoo, may mga edukado ding higit na nasánay sa Chinese o Japanese, o
kahit sa German at French. Mula sa ganitong katunayan, malinaw na isang unang hakbang sa
kultibasyon ng Filipino ang pagsasalin mula sa mga nabanggit na wikang pandaigdig. Ang karunungang
nilalamán ng mga naturang wikang pandaigdig ay kailangang maisalin sa wikang Filipino—maging mga
libro at sanggunian, mga polyeto at artikulo sa mga magasin at jornal, mga paksa sa mga simposyum at
talakayang akademiko, balita at usapin sa radyo’t telebisyon at internet, atbpang kaparaanan. Sa wakas
ng gampaning ito, may isang aklatan ng mga libro’t reperensiyang nakalimbag sa Filipino at maaaring
pumasok doon at magsaliksik ang sinuman hinggil sa anumang paksang nais niyang pag-aralan.

Hindi ito magaganap ngayon. Hindi ito magaganap kailanman at hanggang hindi ito isinaalang-
alang ng gobyerno bílang isang mahalagang bahagi ng edukasyong pambansa at ng buong planong
pangkaunlaran ng Filipinas. Hindi naman ito magaganap kahit sa loob ng isang siglo pang darating, gaya
ng prediksiyon ni Dr. Bonifacio Sibayan, kung pababayaan ang lahat sa ebolusyon. Sinayang na natin
ang halos isang siglo sa kawalan ng direksiyon at sa mapagpaubayang paghihintay sa ngalan ng
ebolusyon at kusang pagbabago ng wika. Sa yugtong ito, kailangan na ang isang mahigpit na
pambansang planong wika at kailangang maging malaking bahagi nitó ang isang pambansang adyenda
sa pagsasalin.

87 | P a g e
Ano ang nilalaman ng isang pambansang adyenda sa pagsasalin? Marami. Ngunit maaari kong
ihanay ang dalawang malaking pangkat ng priyoridad.

Una, ang propesyonalisasyon ng pagsasalin. Nangangahulugan ito ng pagsasanay sa isang hukbo


ng mga tagasalin sa buong bansa, ng pagbibigay ng kaukulang lisensiya sa karapat-dapat, at ng pagkilála
sa pagsasalin bílang isang kagálang-gálang at kapaki-pakinabang na propesyon. Ngayon pa lámang ay
dapat buksan ang mga palihan para sa mga batayang kasanayan sa pagsasalin. Kung ipatutupad ito sa
paaralan, maaaring ibigay ito bílang isang asignatura sa antas sekundarya kaugnay ng pagsasanay sa
pagsulat. Kailangang himukin din ang mga unibersidad na lumahok sa gawain at magbukás ng kursong
batsilyer at gradwado sa pagsasalin, o kahit paano’y gawing bahagi ito ng pagsasanay sa mga magiging
guro.

Sasabihin ng iba, nagbukás na ng kursong pagsasalin sa ilang unibersidad. Namatay ang mga
naturang kurso dahil kulang sa xvi introduksiyon sa pagsasalin estudyante. Subalit walang pagsusuri
kung bakit walang estudyante. Bakâ walang mahusay na propesor? Bakâ hindi maayos ang programa?
Bakâ kulang sa promosyon [na kailangang gawin bílang pagtangkilik sa alinmang bagong kurso]?
Hinggil sa hulíng nabanggit, isang magandang promosyon ngayon kung sakali kapag kumalat ang balita
na interesado ang gobyernong isúlong ito. Ang ibig sabihin, magkakaroon ng interes sa pagsasalin ang
mga kabataan kung tatangkilikin ng pamahalaan at magkakaroon ng mga opisyal na pahayag hinggil sa
nakikitang kabuluhan ng pagsasalin sa pagbabagong panlipunan. Ang mga gradweyt ng palihan at kurso
sa pagsasalin ay magdadaan sa isang pambansang test upang maging lisensiyado. Maghihirap silá,
ngunit dahil alam niláng kikita silá at maaaring mabúhay sa pamamagitan ng kanilang propesyon. Ang
kabuluhang ito ay tumingkad pa dahil sa K–12. Bahagi ng naturang programa ng DepEd ang tinatawag
na MTB-MLE o ang paggamit ng sariling wika bílang wika ng pagtuturo sa mga unang baitang ng
elementarya. Nakahanda ba ang mga guro sa tungkuling ito? Ang higit na mahalaga, may mga
materyales ba na nakasulat sa mga sariling wika na angkop gamitin sa K–3? Malaking bahagi ng
tungkulin sa K–3 ngayon ay paglikha ng materyales na kontekstuwalisado at nakasulat sa isa sa mga
katutubong wika. Kung walang orihinal, kahit paano’y dapat may salin ng isang angkop na teksto tungo
sa Sebwano, Ilokano, Ibanag, Mëranaw, atbpang wika. Nasaan ang mga tagasalin?
Bahagi ng institusyonalisasyon ng larang na ito ang pagtatatag ng isang maaaring tawaging
Kawanihan sa Salin upang siyang mangasiwa sa mabubuong adyenda sa pagsasalin. [Ito ang pinalaking
Sangay sa Salin ngayon sa KWF.] Matitipon sa kawanihan ang mga propesyonal na tagasalin sa iba’t
ibang wika na ginagagamit sa bansa. Maaaring ito rin ang mangasiwa sa pambansang pagsusulit para sa
propesyonal na tagasalin. Magsisilbi itong tagasalin ng mga opisyal na dokumento ng gobyerno, lalo na
sa loob ng panahong umiiral pa ang Ingles bílang isa mga opisyal na wika ng pamahalaan, bukod sa
maglilingkod sa pangangailangan ng DepEd para sa mga wikang katutubong ginagamit na panturo.
Manganganak ito ng mga kaukulang sangay sa mga opisina at lathalaang may negosyo sa pagsasalin ng
mga akdang banyaga at pagluluwas ng mga akdang Filipino na isinalin sa ibang wikang internasyonal.

Ikalawa, ang pagtukoy sa mga tekstong isasalin. Dahil sa mga kagipitan sa pondo at ibang bagay,
kailangang ihanay ang mga target isalin at unahin ang dapat unahin. Isang malaking tungkulin ang
sistematikong pamimilì ng isasalin sa panig ng mga babalangkas sa pambansang adyenda sa pagsasalin.
Mahalagang patnubay muna sa pamimilì ang isang pambansang planong wika. Itatakda ng plano kung
alin sa mga pangunahing direksiyon sa pagsasalin ang higit na nararapat unahin para sa higit na mabisà
at makatwirang pagbuo ng aklatan ng karunungan sa wikang Filipino. Isasaalang-alang din dito ang
nakalaang pondo, ang kapasidad ng mga tagasalin, ang tunay na pangangailangan sa isang takdang
panahon; sa halip na tulad ngayong higit na umiiral ang personal na hilig at interes ng isang tagasalin o
ng isang pinunò ng pangkat na nagkaroon ng atas at proyekto para magsalin.

Pambansang Plano sa Isasalin


Kaugnay ng panukalang pagpaplano at sistematikong paghahanay ng mga isasalin, dapat
mabilisang ungkatin ang kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas. Sa nakasulat na ulat, unang nalathalang
akdang nakasalin ang Doctrina Christiana (1593) at naging sagisag ito ng misyon at direksiyon ng
pagsasalin sa ilalim ng mga Espanyol. Naging masigasig ang mga misyonero sa pagsasalin ng mga
akdang Kristiyano tungo sa mga nasákop na wikang katutubo. Kahit ang lansakang adaptasyon ng

88 | P a g e
metriko romanse upang maging mga awit, korido, at komedya nitóng unang hati ng ika-19 siglo ay
nagabayan ng mithiing ipaglingkod sa Simbahang Katolika. Sa pamumulaklak ng diwaing makabayan at
kontra-kolonyalista, maituturing na unang ganap na simbolo nitó ang pagsasalin ni Marcelo H. del Pilar
sa sanaysay na Amor Patrio ni Rizal noong 1882. May naging bagong direksiyon ang pagsasalin—
naging makabayan—at nagpatuloy ang tungkuling ito sa pagsasalin hanggang panahon ng Americano.
Ngunit samantalang nananaig ang kapangyarihang Americano ay mauukol ang pagsasalin sa kung ano
ang xviii introduksiyon sa pagsasalin hilig at nais ng mga tagasalin at ng mga pangunahing editor at
pabliser. Sapagkat sanay sa Español ang karamihan, may mga nagsalin ng akdang Europeo batay sa
bersiyong Español hanggang bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gayunman,
paggradweyt ng mga edukado sa Ingles ay lumitaw din sa panahong ito ang mga salin ng akdang
nakasulat sa Ingles.

Ang kawalan ng plano hinggil sa dapat isalin ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Bahagi
ng kairalang ito ang pangyayaring higit na naukol sa akdang pampanitikan ang itinuturing na
makabuluhang pagsasalin. Totoo, may nagsasalin ng mga polyetong teknolohiko ngunit sa dahilang
“trabaho lang” o “negosyo kasi.” Walang-walang layuning isawikang katutubo ang banyagang agham at
teknolohiya. Nagbibigay halimbawa ng gantimpala ang National Book Development Board para sa
natatanging saling pampanitikan ngunit walang katumbas na gantimpala sa pagtatangkang magsalin ng
mga batayang haka at dalumat sa pisika o kemistri. Ni walang nagpapatotoo at sumusuri kung maayos
ang ilang librong salin hinggil sa computer o paghahalaman.

Ang kasalukuyang antas at tuon ng pagsasalin ay produkto ng pagsasalin alinsunod sa personal


na hilig ng tagasalin o layunin ng nagpapasalin. Dahil malimit na manunulat din ang tagasalin, paborito
niyang tula, katha, o dulang banyaga ang kaniyang inuunang isalin. Bihira ang tulad ni Hukom Cesar
Peralejo na halos ginugol ang buong búhay sa pagsasalin ng mga importanteng kodigo sa batas. Ngunit
muli, anong uri ng pagsusuri o pagpapahalaga ang naisagawa na sa mga salin sa batas ni Hukom
Peralejo? Ni wala pa akong natunghayang patotoo ng isang abogado na ginamit niya ang salin ni Hukom
Peralejo sa pagsulat ng apidabit o pagtuturo ng batas at napatunayan niyang epektibo ito. Samantala,
nangyayari na may isang akdang pampanitikan na naging paborito ng dalawang tagasaling manunulat at
kayâ may dalawa nang nagpapaligsahang salin. Halos lahat ng importanteng dula ni Shakespeare ay may
salin na. Hindi ko pa nababása, ngunit may narinig akong ulat na dalawa na ang salin o halaw ng
napakahabàng nobelang Don Quixote. Samantala, wala pang salin ang teorya ng ebolusyon ni Darwin o
ang hakang republika ni Plato. Sa maikling salita, kailangang may timbang na pagpapahalaga sa
pagsasaling pampanitikan at pagsasaling teknikal ang isang pambansang adyenda sa pagsasalin.

Isang mabigat na aspekto ng pagsasalin ang wika at paraan ng pagsasalin. Paano isasagawa ang
pagsasalin? Kung tutuusin, ito ang puso ng buong gampanin. Pagkatapos ng lahat, dito masusúkat ang
tagumpay ng buong programa. Kung masamâ ang isinagawang pagsasalin, maaaring hindi ito
pakinabangan ng target na mambabasá.

Natatandaan kong isang malaking isyu noon sa isang seminar ang isyu ng gagamiting bersiyon
ng orihinal. Maaari kasing ang isang akda ay magkaroon ng iba’t ibang bersiyon at edisyon. Sa gayon,
kailangang tiyakin ng tagasalin na ang hawak niyang orihinal ay ang pinakapinagtitiwalaang bersiyon.
Ngunit higit pa dito ang isyung pinroblema sa naturang seminar. Sapagkat marami sa mga akdang
napipilìng isalin ay nakasulat sa iba’t ibang wika, kailangan bang magsalin lagi mula sa orihinal na wika
ng isinasalin? Ang sagot siyempre ng seminar ay dapat magsalin gamit ang akdang nakasulat sa orihinal
na wika ng awtor. Sa programang binuo mula sa seminar ay tumukoy ng ilang akdang pampanitikan sa
iba-ibang wika at humirang ng ilang tagasalin na kilaláng nagsasalin sa naturang mga wika. Natatandaan
kong ipinasalin ang dakilang mga nobelang Cien Año de Soledad ni Gabriel Garcia Marquez at Anna
Karenina ni Leo Tostoy at ibinigay ang mga ito sa dalawang propesor na nagtuturo ng Español at
Russian.

Ano ang nangyari sa proyekto? Walang nalalathala hanggang ngayon. Natapos ang pagsasalin
mulang Español ngunit hindi nakapasá ang kalidad ng salin nang ipasuri sa isang editor. Wika sa akin ng
editor, marunong sa Español ang propesor ngunit mahinà sa Filipino. Sa kabilâng dako, mukhang
marunong lámang ng Russian ang isa pang nahirang na masalin ngunit hindi talaga mahilig magsalin. At
sa pamamagitan lámang ng dalawang sampol na ito ay maaaring sabihin na lubhang idealistiko ang
89 | P a g e
pamantayan ng naturang seminar para sa kasalukuyan. Bukod sa kulang sa kasanayan ang iilang
tagasalin natin ay hindi timbang ang kakayahang magsalin sa mulaang wika (na di-Ingles) at sa
tunguhang wika (Filipino). Marami sa tagasalin sa banyagang wika sa ngayon ay nahahasa lámang sa
pagsasalin ng mga sertipiko, diploma, at ibang maikling dokumento na kailangan ng mga xx
introduksiyon sa pagsasalin banyagang embahada sa Filipinas. Marami sa maaaring pagtiwalaang
tagasalin ngayon ay higit na eksperto lámang sa wikang Ingles.

Anupa’t kaugnay ng leksiyong ito hinggil sa pagsasalin mula sa wikang orihinal ng mga
banyagang akda, marahil isang pansamantalang tuntunin ang magsalin muna mula sa Ingles. Gamitin
ang ibang banyagang wika, kung sakaling may maalam ng mga ito, bílang pansuhay na sanggunian. Sa
ganitong paraan, ang isang malawakang adyenda sa pagsasalin ay hindi dapat magparangalan tungo sa
isang pangmatagalan at perpektong mga salin. Kailangang nakabukás ang adyenda sa malaking
posibilidad ng mga bago at rebisadong edisyon. Ang higit na dapat mahalagahin sa produktong unang
salin ay ang naging kapasidad nitóng maglipat sa Filipino ng karunungan (konsepto, kasanayan,
impormasyon, atbp) mula sa orihinal na banyagang akda.

Samantala, kailangang iplano din ang ugnayang pampagsasalin ng Filipino at ng mga wikang
katutubo ng Filipinas. Halimbawa, isang praktikal na tuntuning unahin ang pagsasalin ng mga teksto
mula sa mga katutubong wika tungo sa Filipino. Upang matipon ang lahat sa Filipino bílang wika ng
karununan. Maaapektuhan ng tuntuning ito ang kasalukuyang praktika na isalin ang panitikang-bayan
mula sa mga katutubong wika tungo sa Ingles. [Isang indikasyon ito ng kawalang malasakit ng
edukasyong gradwado na gamitin ang Filipino bílang wika sa saliksik.] Gayunman, hindi dapat pigilin
ang mga inisyatiba na magsalin mula at tungo sa mga wikang katutubo. Kailangan ding isagawa ang
pagsasalin, kung may pondo at may maaaring magsalin, mula sa Filipino tungo sa mga wikang katutubo.
Kasunod ng ganitong paglilinaw ang paglalatag ng mga tuntunin hinggil sa aktuwal na pagsasalin.
Halimbawa, ano ang modelong anyo ng wika na dapat gamítin sa ordinaryong tekstong isinasalin? Ang
problemang ito ay malimit nang mapag-usapan noon pang dekada 70 dahil sa lumitaw na mga modelong
anyo ng nakasulat na Filipino kapag may mga hiram na salita. May namuong nagpapaligsahang
modelong anyo ng Filipino: (1) ang modelong nagsisikap lumikha at humanap ng pantumbas sa
banyagang salita; (2) ang modelong tahasang hinihiram at ginagamit ang orihinal na anyo ng banyagang
salita; at (3) ang modelong ipinaiilalim sa palabaybayang Filipino ang banyagang salita.

Alinman sa tatlong modelo ay maaaring magamit sa pagsasalin. Ang ibig kong sabihin, may
birtud ang bawat isa at kayâ magandang gamitin sa angkop na pagkakataón. Subalit hindi ganito ang
nangyari noong dekada. Nagkani-kaniyang hilig ang mga pangkating pangwika. May mga manunulat na
Tagalista ang higit na nakahilig sa unang modelo. Sapagkat madalîng gamitin, higit na paborito ng mga
tabloyd [katulad ng halimbawa kong balita sa unahan] at manunulat ng komersiyals sa TV at bilbord ang
ikalawang modelo. Naging popular naman noon ang bansag na “U.P. Filipino” sa mga guro na makiling
sa reispeling ng mga hiram na salita sa Ingles. May naiwan ding magagandang produktong pangwika
ang mga naturang pangkat. Ngunit inuntol nang matagal ng kanilang pagpapaligsahan [at pag-aaway]
ang pabuo sa isang nagkakaisang adyenda sa pagsasalin. Ang totoo at marahil ay higit na kapaki-
pakinabang sanang natalakay ay kung paano at kailan nararapat gamitin ang alinman sa tatlong modelo.

Gabay sa Pagsasalin
Mahalaga samakatwid na balikan at isaloob ang mga simulain sa likod ng bawat tuntunin ng
gabay sa pagsasalin na pinalaganap noong 1994. May apat na panukalang hakbang ang proseso ng
pagsasalin, alinsunod sa gabay:
1. Pagtutumbas: (a) mula sa Tagalog/Filipino, (b) mula sa ibang wikang katutubo
2. Paghiram sa Español
90 | P a g e
3. Paghiram sa Ingles: (a) pananatili ng baybay, (b) pagbago ng baybay
4. Paglikha

Nais kong bigyan ng mabilisan at maikling komentaryo ang naturang mga hakbang. Maliwanag
sa naturang gabay na unang-unang hakbang ang paghahanap ng katapat na salita mula sa Filipino.
Ipinapanukala nitó na dalubhasa sa wikang Filipino ang tagasalin. Kayâ hindi maaaring maging
mahusay na tagasalin ang dalubhasa lámang sa Ingles o Español xxii introduksiyon sa pagsasalin at
wikang kolokyal lámang ang alam sa Filipino. Tulad ng reporter sa balita hinggil sa Sulpicio Lines,
tatamarin siyang magsalin at magiging balbon dahil sa maraming hiram sa Ingles ang salin. Idadagdag
ko pang gabay ang pagsasaliksik sa mga sawikain at idyomatikong pahayag upang higit na maging
mabisà ang pagtutumbas. Sa kabilâng dako, isang magandang dagdag na proseso sa pagtutumbas ang
paghahanap ng katapat na salita mula sa ibang mga wikang katutubo ng Filipinas. Wala ito sa mga
tuntunin noon. Nása likod nitó ang pagbibigay ng wastong pagpapahalaga sa ibang katutubong wika ng
bansa bílang pintungan ng Wikang Pambansa. Maraming dalumat at danas ang ibang katutubong wika
na wala ang Tagalog. Sa halip manghiram agad sa banyagang wika, higit na kapakipakinabang ang
paghahanap ng katapat sa mga kapatid na wika ng Tagalog. Sa ganito, natuklasan ang kabuluhan ng
“ilahas” mula Ilonggo para sa wild ng Biyolohiya, ang “rabaw” ng Ilokano para sa surface ng Pisika,
gayundin ang “bíhud” mula sa Binisaya at Bikol para sa fish roe ng Marine Science. Pinalalawak ng
gawaing ito ang ating pananaw na pambansa at makabansa. Historikal naman ang simulain sa paghiram
muna mulang Español bago manghiram mula sa Ingles. Libo-libo nang salitang Español ang nása
bokabularyo ng mga pangunahing katutubong wika ng Filipinas at patuloy na nanghihiram ang Filipino
hanggang ngayon. Kamakailan, kailangan kong hiramin ang “atabál” upang idagdag sa ating katawagan
ng mga instrumentong pangmusika. Nabása ko rin sa Pambansang Museo ang “akwarela,” “sining
grapiko,” “diskurso ng kasarinlan,” “abstraksiyon,” “estilong neo-gotiko,” at napakaraming termino sa
pagpipinta. Palagay ko, marami pang papasok na termino mula sa Español kapag naging puspusan ang
pagsasaling teknikal. Ingatan lámang na hindi nating paramihin ang “aspeto,” “imahe,” “pesante,”
“kontemporaryo,” at iba pang tinatawag kong salitang siyokoy. Hindi natin maiiwasan ang ikatlong
hakbang at paghiram mula sa Ingles. Ito ang realidad sa ating kasalukuyang búhay. Lansakan at halos
tila ikalawang kalikasán na ng ating mga edukado ang pagkikisà ng Ingles sa kanilang pangungusap.
Hindi katatá-taká na ikatákot ng ilang guro ang lubhang pag-iral ng Taglish. Subalit nagdudulot din ito
ng problema sa pasulát na pahayag dahil malimit na malayò ang anyo ng salitâng Ingles sa bigkas nitó.
(Ito ang isang katwiran sa pagkiling sa Español bilang hiramang wika.) Kayâ may pagunita ang hakbang
na ito hinggil sa pagpapanatili o pagbago sa baybay ng hiram mula sa Ingles. Naglabas nitóng 2013 ang
KWF ng Ortograpiyang Pambansa at may binagong gabay sa ispeling na maaaring makatulong sa mga
tagasalin. Ang naturang gabay ay produkto ng ilang ulit na forum ng mga guro, editor, at manunulat,
bukod sa hinalaw ang mga makabuluhan at nagdaan nang patnubay ng KWF at ibang pangkating
pangwika. Kaugnay ng panukalang paraan ng paggamit sa bagong alpabeto, may mga praktikal na gabay
kung kailan pananatilihin o kung kailan babaguhin ang ispeling ng salita mula sa Ingles. Ang pang-apat
na hakbang ang tíla nakakalimutan ngayon ng akademya bagaman patuloy at mabisàng ginagamit sa
lansangan at sa búhay pang-araw-araw. Aktibong-aktibo ngayon sa gawaing ito ang mga bakla (dabaf,
bading, shuding, atbp). Napakahalaga ng prosesong ito tungo sa malikhaing pagpapaunlad sa wika.
Upang hindi táyo lubhang sumandig sa panghihiram. May mga importanteng dalumat pampolitika, gaya
ng “laya/kalayaan” at “katarungan” ang bunga ng ganitong malikhaing gawain. Ginagawa ito ngayon sa
Ingles sa pagngangalan ng mga bagong imbensiyon at produkto ng saliksik. Samantala, maaari nitóng
ilapit sa unawa ng karaniwang tao ang isang banyagang dalumat kung maigagawa ito ng neolohismong
umaalinsunod sa katutubong paglikha ng salita. Ganito ang bighani ng mabilis na popularidad ng
“balikbayan” at “dagdag-bawas.” Bago ko iwan ang paksang ito, nais kong pansinin ang malimit na
pangangarap ng mga tagasalin hinggil sa permanenteng tumbasan. Kaugnay ito ng tinatawag na
“depinitibong salin.” Matagal nang sinabi ni Walter Benjamin na “nalalambungan ang katotohanan” sa
pagsasalin. Ang ibig sabihin, walang ganap at panghabàng-panahong salin. Sa halip, ang pagsasalin ay
dapat ituring na isang nakabitin at maaaring magbagong trabaho, isang pansamantalang muling-paglikha
o reproduksiyon ng orihinal. Ang pagtutumbas na isagawa natin ngayon sa isang terminolohiyang
teknikal ay maaaring magbago búkas. Noong 2007 ay sinalubong ako ng ganitong problema. Inusisa ako
ni Atty. Andrea Pasion-Flores, executive director noon ng National Book Development Board (NBDB),

91 | P a g e
kung sino ang naglapat ng saling “karapatang-ari” para sa “copyright.” Para sa kaniya, hindi angkop ang
naturang pagtutumbas. Ayaw niyang ipagamit sa mga dokumento ng NBDB. Kailangang ipaliwanag ko
sa kaniya na maaaring hindi angkop ang salin ngunit matagal na itong ginagamit. Sa gunita ko, bago pa
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may gumamit na ng “karapatangari.” Subalit maaaring bunga
rin ito ng hindi pa maliwanag noong pag-unawa sa konsepto ng “copyright.” Waring higit na nakaukol
ang “karapatang-ari” sa higit na malaking konsepto ng “intellectual property right.” Sa ngayon, ayon kay
Atty Pasion-Flores, higit nga namang angkop ang “karapatang-sipi” para itumbas sa “copyright.”
Minsan ko nang ginamit ang “karapatang-sipi” ngunit wala pa akong nakikitang kakampi. Gayunman,
naniniwala ako sa pag-uusisang tulad ng kay Atty Pasion-Flores, sapagkat kailangan iyon upang higit na
kuminis at maging episyente ang pagsasaling teknikal. Nitóng 2008 ay narinig ko namang iniuulat ni
Bernadette Sembrano ang hiling ng LRT na bumili ng mga bagong tren. Kailangan daw ito upang
mapalitan ang mga lumang tren at upang higit na mapaglingkuran ang mga mananakay. “Mananakay”?
Ilang beses ko na itong narinig at palagay ko’y iniuso ni Elena Bautista, dáting tagapangulo ng Land
Transportation Franchising and Regulatory Board. Ito ang likha niyang katapat ng hiram na
“komyuter”(commuter). Mas mainam bang idagdag sa ating bokabularyo ang likhang “mananakay”? O
dapat na táyong masiyahan sa hiram na “komyuter”? Malinaw din sa aking mga binanggit na halimbawa
na ang pagsasalin ay isang gawaing pang-araw-araw. Hindi ito gawain lámang ng mga ekspertong
tagasalin at para sa pormal na trabaho ng pagsasalin ng mga aklat. Nápapasok ang kahit sino sa
pagsasalin kapag may nagtanong ng isang salita na hindi nitó maintindihan. Halimbawa’y ang isang ama
na biglang tinanong ng anak kung bakit may tinatawag na “bawal na gamot.” Kailangang isalin ng ama
ang “bawal na gamot” sa wikang maiintindihan ng anak. Dahil naman sa mabilis na pagbabago ng
kaligirang panlipunan, lalo na dahil sa dagsa ng modernong teknolohiya, may nadadagdag na hiram na
kaalaman sa ating bokabularyo at kailangan nating tandaan sa pamamagitan ng orihinal nitóng pangalan
o sa pamamagitan ng isang likhang katumbas. Sa alinmang paraan, nagsasagawa táyo ng pagsasalin.
Hindi rin ito nangangahulugang lagi ng paghahanap ng wastong katumbas. Hindi mawawala ang
tradisyonal at normatibong pagtingin sa pagsasalin, lalo na sa mga tagasaling hinubog sa pamantayan ng
“katapatan” na ginamit noon sa pagsasalin ng Bibliya at mga klasik na Griego at Romano. Subalit higit
kaysa nakamihasnang tagisan ng dalawang wika ang pagsasalin. Nagaganap ito sa loob ng pagtatagpo
ng mga tradisyon, kasaysayan, atbpang sangkap na nakatimo sa wika at panitikan ng isinasalin at sa
wika at panitikan ng pinagsasalinan. Kayâ bukod sa kadalubhasaan sa mga wikang ginagamit sa
pagsasalin, kailangan ng tagasalin na maalam sa buong lawak ng araling pangkultura. Hindi rin isang
walang-damdaming teknisyan ang tagasalin. Sa halip, isa siyang tao na may sariling karanasan, hilig, at
mga layunin sa isip na umaapekto sa kaniyang bawat pasiya, mula sa isinagawa niyang pagpilì sa isang
akdang isasalin at hanggang sa paghubog ng pangungusap at pagtatalaga ng salita sa wikang
pinagsasalinan. Sa madalîng salita, isang masalimuot na gawain ng muling paglikha mismo ang
pagsasalin.

Pagsasalin Bílang Disiplina


Ang aklat na ito ay isang panimulang hakbang upang ipakilála ang pagsasalin bílang isang bukod
na disiplina. Nakalatag dito ang naganap na paghubog sa konsepto ng pagsasalin sa Kanluran (Lahat ng
mga isinaling teorya’t pag-aaral sa bahaging “Sipat Kanluran.”) at sa pamamagitan ng mga siping
sanaysay ay itinatanghal ang naging kasaysayan ng pagsasalin hábang nagbabago ang pagtingin sa
gawaing ito bílang isang agham at sining. Sa kabilâng dako, itinatanghal din ang sa aklat na ito ang
naging kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas (Lahat ng mga orihinal na akda ng ilang tagasaling
Filipino hinggil sa kani-kanilang pananaw at karanasan sa pagsasalin na nása bahaging “Sipat
Filipino.”), mula sa isang gawaing hatid ng kolonyalismo hanggang sa mga kasalukuyang praktika na
mahahalatang umaagapay sa pangdaigdigang transpormasyon ng disiplinang ito. xxvi introduksiyon sa
pagsasalin Tulad ng naipaliwanag ko na, kailangang malaman ng sinumang nais maging tagasalin ang
mga kondisyon at suliraning humuhubog sa isang akda—ang mga ideolohiko, lingguwistiko, at
sosyokultural na sangkap na nagsisilang sa kahit isang maikling sulatin—gayundin ang mga posibleng
katulad na puwersang aapekto sa kaniya sa pagsasalin ng naturang akda. Makabuluhan ngunit hindi
sapat ang itinuro ni Eugene A. Nida at siyang karaniwang sanggunian ng mga nag-aral ng pagsasalin
nitóng nakaraang siglo sa Filipinas. Simplistiko namang malimit ang nagiging aplikasyon ng mga
hakang pagsasalin batay sa lingguwistika, at kayâ malimit pang higit na produktibo ang tinatawag na

92 | P a g e
wido kaysa mekanikal at arál na paglalapat ng dalawang wika. Sa kabilâ ng kababanggit na opinyon,
idinidiin pa rin sa aklat na ito ang pag-aaral sa pagsasalin bílang proseso at produkto ng kritikal na
paglilimi. Nakaaantala ang pangangarap ng “permanenteng tumbasan.” Ngunit hindi nangangahulugang
maaari nating madaliin ang ating gawain ngayon at pabayaan ang hinaharap upang magwasto.
Napakahalaga pa rin ang malinaw na paglilimi sa isinasalin bago gampanan ang pagsasalin. Kaakibat
nitó ang higit sa karaniwang kakayahang gumamit ng ating wika. Isang malaking responsabilidad ang
pagsasalin. Mga responsableng tagasalin lámang ang makagagarantiya ng pag-iwas ng “pagtataksil” sa
orihinal. Ang mga sanaysay na tinipon at isinalin sa bahaging “Sipat Kanluran” ay may layuning
itanghal ang development ng teorya ng pagsasalin mula sa mahigpit na pamantayan ng “katapatan” sa
panahon ni Dryden hanggang sa higit na masalimuot na saligang teoritiko ng pagsasalin sa pananaw
nina W. Benjamin at R. Jakobson. Marami pang ibang teoriko na kailangang ilahok sa koleksiyon at
dapat din siláng maisalin upang higit na luminaw ang lahat. Ngunit trabaho na iyon ng ibang higit na
masaklaw napagtitipon ng mga babasahín sa disiplinang ito. Sa ngayon, maaaaring ituring na isang
personal kong pagpilì ang mga sanaysay na nása aklat na ito at nais kong pasalamatan sina Fidel Rillo,
Roberto T. Añonuevo, Rebecca T. Añonuevo, at Michael Coroza sa kanilang pagsasalin sa mga napilì
kong batayang babasahín mulang Kanluran. Malaking bahagi ng mga sanaysay sa aklat na ito ang
sinulat mismo ng mga masipag ngayong tagasalin sa Filipinas. Nagbubuhat sa kanilang sariling
karanasan ang kanilang mga haka at halimbawang suliranin. [Sinikap ng editor na tipunin ang mga
halimbawang tagasalin sa iba’t ibang uri ng teksto. Gayunman, tulad ng naisalaysay na, higit na hinggil
sa pagsasaling pampanitikan ang kanilang karanasan, kayâ marahil, ang panimulang sanaysay lámang na
ito ang higit na nakatuon sa halimbawang pagasaling teknikal.] Kapag tinitigan ang kanilang paglalahad,
nakatanghal ang kailangang sigasig at tiyaga anumang uri ng teksto ang isinasalin. Nakatutuwa ring
masilip na ipinapahayag ng ating mga tagasalin sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na paraan ng
pagsasalin ang iba-ibang pamamaraan at pananaw na ipinapatnubay sa pagsasaling Kanluranin.
Kailangang sundan pa ito ng mga dagdag na babasahín at sanggunian ng tagasalin. Kailangan din ang
teksbuk na maaaring gamitin sa pahakbang-hakbang na pagtuturo ng pagsasalin sa mga palihan at
asignaturang pampaaralan. Hindi sapat ang introduksiyon sa pamamagitan ng aklat na ito. Marami pang
kailangang ihanda para ganap at mabilisang mapatnubayan ang mga tagasalin. Halimbawa, may mga
espesyal na pangangailangan ang minimithi nating diin sa pagsasaling teknikal. Sa ngayon ay
karaniwang hindi eksperto sa isinasaling aklat sa agham o teknolohiya ang mga papasok na tagasalin.
Napakahalaga sa gayon para sa kanila ang patnubay na diksiyonaryo. Kung hindi man makakapal at
espesyal na diksiyonaryo sa kasaysayan at mga susing-salita sa bawat larang ng karunungan, kailangan
ang maagap na pagbuo ng mga bilingguwal na talasalitaan. Noon pang 1991 ay naipanukala ko na ang
pagtatakda ng teknikal na kahulugan kahit sa karaniwan nating ginagamit na mga salita. Upang
maiangat ang mga ordinaryong salita tungo sa pagiging katumbas ng mga tiyak at teknikal na konsepto.
Halimbawa, ginagamit nating magsisingkahulugan at kayâ nagkakapalitan ang “katulad,” “kapara,”
“kaparis,” “kagaya,” “kamukha,” “kawangis,” “kawangki,” “kahambing,” atbp. [Bakâ marami pa akong
nakalimutang ilista.] Ngunit kung nagtuturo ka ng tayutay sa panitikan, alin sa mga ito ang metaphor?
Alin ang simile? Kahit sa Ingles ay tila magkahawig ang dalawa ngunit may malaking kaibhan sa isa’t
isa bílang kasangkapang pampanitikan. Hindi naman nagkakaisa sa pagpilì ng mga katumbas ang ating
mga teksbuk at libro sa kritisismo. Sa gayon, nagpanukala ako na gamitin xxviii introduksiyon sa
pagsasalin ang “paghahambing” katumbas ng comparison, “pagtutulad” para sa metaphor,
“pagwawangis” para sa simile, “pagwawangki” para sa analogy. Pinalawak ko pa ito sa mga kaugnay na
salita, gaya ng “pagtutumbas” para sa equivalence/correspondence at “tumbasan” para sa equation;
“panggagaya” para sa imitation at “panggagagad” para sa parody. Maaari pa ring gamitin ang katulad,
kahambing, at kawangis sa pangkaraniwang pakahulugan ng mga ito ngunit hindi maaaring
pagpalitpalitin ang gamit bílang mga tiyak na pangalan ng tayutay. Ang panukala ko ngayon ay gumawa
ng listahan ng mga salitang ginagamit na pantumbas sa mga isinasaling salitâng teknikal. [Halimbawa,
ang mungkahi kong “utos sa pansamantalang pagpigil” para sa temporary restraining order ay dapat
maging simula para sa isang listahan ng mga pagsasalin sa wika ng batas.Upang muling magamit ang
mga ito kailanman at muling nakaharap ang mga naturang banyagang salita. Ang listahan ay maaaring
pagsimulan ng isang bokabularyong bilingguwal sa isang larang o disiplina at bukod sa mabilisang
masasangguni ay magpapairal ng konsistensi sa pagsasaling teknikal. Huwag din nating idahilan ang
sinasabing “atrasadong bokabularyo” ng wikang Filipino para iwasan ang mabibigat na pagsasaling

93 | P a g e
teknikal. Mga kaaway lámang ng Wikang Pambansa ang nagkakalat ng ganiyang mapangmaliit na
saloobin laban sa Filipino. Dili kayâ, dulot lámang ito ng malubhang pagkasungyaw o ng inferiority
complex natin bílang dáting kolonya. Lubha táyong nasisindak sa kariktan ng Ingles at sa kapangyarihan
ng teknolohiya’t agham sa Ingles. Walang hindi maaaring isalin sa ating wika. Kung hindi maihanap ng
katumbas, hiramin. O lumikha ng katumbas. Kasinghusay o kasintaas lámang ng alam natin ang ating
wika. Kung mataas ang alam natin sa agham at teknolohiya, mataas din ang magiging paraan ng
pagsasalin natin, at nagiging malusog at aktibong kasangkapan ang ating pagsasalin sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino.

94 | P a g e
12. “Manwal sa Panlipunang Pananaliksik” ni Rolando Simbulan

Napakahalagang hakbang sa pagpapakilala sa mga mag-aaral sa Filipino bilang disiplina ang


pagpapatatag ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik na kakailanganin nang lubos sa
kanilang pagtuntong sa kolehiyo at sa larangang propesyunal. Sa mga kasanayang inilatag sa tsart ng
"Pag-aantas ng mga Kasanayan sa Filipino," ipinakikita na "kailangang" matutuhan at mabatid na ng
mag-aaral sa Baitang 8 ang mga batayang salik na bumubuo sa pananaliksik. Ilan sa mga ito ang iba't
ibang anyo ng pananaliksik (etnograpiko, historiko, tekstuwal, pansining, at kultural); bahagi ng papel-
pananaliksik; pagbuo ng abstrak; etikal at legal na proseso ng pagtitipon at pagbabahagi ng
impormasyon; kahalagahan ng pananaliksik; iba't ibang anyo ng sanggunian; pagsusuri sa mga nakalap
na impormasyon; at marami pang mga kaugnay na elemento at kasanayan. Kung susuriin nang mabuti,
nasisimulan na ang pagpapasok ng mga kasanayang kaugnay ng pananaliksik sa mababang baitang pa
lamang tulad ng simpleng paghahanap ng kahulugan ng salita sa diksyunaryo; pagtatala ng
impormasyong hango sa radyo, telebisyon, o diyaryo; mga detalye sa survey; mga pahayag mula sa
pakikipanayam; o kahit batay sa sariling obserbasyon sa mga sari-saring bagay. Papaitaas ang usad ng
mga kasanayan sa pananaliksik na kailangang gawin at mapanatili upang makabuo ng higit na
pagpapahalaga at pag-unawa ang mga mag-aaral sa pananaliksik bilang dinamikong proseso ng pagbatid
sa mga impormasyon, pag-unawa sa tiyak na konteksto niyon, pagsusuri ng kondisyong inilalatag ng
realidad, at pagtuklas din ng mga alternatibong kaalaman. Piniling paksa para sa pakitang-turo ang
pagpapakilala sa mga mag-aaral ng silbing taglay ng pagtukoy ng kahalagahan ng pananaliksik na
gagawin. Sa pagtatalakay nito, mainam na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang pananaliksik Katipunan
: Filipino Bilang Disiplina | 1 bilang mabisang instrumento sa pakikisangkot ng indibidwal sa kanyang
lipunan at gayundin bilang tulay sa pagbubukas ng kamalayan sa panibagong pananaw at pagkilos. Kaya
naman, sa pagbibigay-linaw hinggil sa papel ng pagtukoy sa kahalagahan ng pananaliksik, gagabayan
ang mag-aaral na magmula sa pagsagot sa serye ng mga tanong sa halip na sa pagharap kaagad sa
malawak na tanong na "Bakit mahalaga ang aking pananaliksik?" Isang proseso ng pagsusuri ang
pagdadaanan ng mga mag-aaral na binubuo ng sumusunod: (1) pagbasa ng halimbawang teksto ng
pananaliksik at pagtukoy sa mga nakapahayag na kahalagahan niyon; (2) pagsusuri sa naging gamit ng
kahalagahan ng pananaliksik sa teksto (teknikal na aspekto); (3) pagsusuri sa naging epekto ng
pagpapakilala sa kahalagahan ng pananaliksik sa mismong mananaliksik at sa kanyang target o
posibleng mambabasa (inter/intrapersonal); at (4) paglulugar ng kahalagahan ng sariling pananaliksik
kung saan susuriin ang mahahalagang salik ng sariling proyekto ng pag-aaral tulad ng inaasahang
maaapektuhan ng impormasyong ibabahagi at ng mga layunin at bisang nais maiwan sa mga
mambabasang iyon. Sa pagtatapos ng proseso, kailangang mabatid ng mga mag-aaral na isang masusing
pagpaplano rin ang pagbuo ng kahalagahan ng pananaliksik kung saan napagtatagpo-tagpo ang mga
sumusunod na salik: mga namamayaning patakaran o polisiya sa lipunan na maaaring pinatitibay o
hinahamon ng pananaliksik; magkakatunggaling pananaw mula sa iba't ibang indibidwal, pangkat o
institusyon; mga kasalukuyan nang pag-aaral sa paksa na maaaring madagdagan o mabaliko ng
pananaliksik; mga metodolohiya ng pag-aaral na umiiral o maaaring paunlarin pa na makatutulong sa
kalalabasan ng pananaliksik; at sariling mga pananaw o karanasan na nais ibahagi sa iba.

95 | P a g e
13. “ Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham

Ito na siguro ang pinakaunang manwal sa pananaliksik sa Filipino para sa mga mag-aaralng Pilipino
sa unibersidad. Gawa ito ng panakabatikang nakababatang pantas sa ibat ibang larangan ng
nagtataguyod kapwa ng wika at kapantasang Pilipino. Batay sa kani-kanilang karanasan sa pananaliksik
sa agham panlipunan, kasysayan, panitikan, at sining ang inilahad sa aklat. Ipinaliwanag dito ang
kabuluhan ng pananaliksik sa lipunan, gayundin ang ibat ibang uri nito ang dimensyon moral at etikal na
kaakibat ng lahat ng responsableng gawaing pantas. Matututuhan kung paano manaliksik, mula sa
paglilinaw ng suliraning sasaliksik at ng layunin ng pag-aaral, pagtalakay ng iba't ibang lapit at
pamamaraan ng pananaliksik hanggang sa pagsusulat ng papel pananaliksik at pagsasagwa ng rebisyon.
Gabay sa Pagsasalin
Mahalaga samakatwid na balikan at isaloob ang mga simulain sa likod ng bawat tuntunin ng
gabay sa pagsasalin na pinalaganap noong 1994. May apat na panukalang hakbang ang proseso ng
pagsasalin, alinsunod sa gabay:
1. Pagtutumbas: (a) mula sa Tagalog/Filipino, (b) mula sa ibang wikang katutubo
2. Paghiram sa Español
3. Paghiram sa Ingles: (a) pananatili ng baybay, (b) pagbago ng baybay
4. Paglikha

Nais kong bigyan ng mabilisan at maikling komentaryo ang naturang mga hakbang. Maliwanag
sa naturang gabay na unang-unang hakbang ang paghahanap ng katapat na salita mula sa Filipino.
Ipinapanukala nitó na dalubhasa sa wikang Filipino ang tagasalin. Kayâ hindi maaaring maging
mahusay na tagasalin ang dalubhasa lámang sa Ingles o Español xxii introduksiyon sa pagsasalin at
wikang kolokyal lámang ang alam sa Filipino. Tulad ng reporter sa balita hinggil sa Sulpicio Lines,
tatamarin siyang magsalin at magiging balbon dahil sa maraming hiram sa Ingles ang salin. Idadagdag
ko pang gabay ang pagsasaliksik sa mga sawikain at idyomatikong pahayag upang higit na maging
mabisà ang pagtutumbas. Sa kabilâng dako, isang magandang dagdag na proseso sa pagtutumbas ang
paghahanap ng katapat na salita mula sa ibang mga wikang katutubo ng Filipinas. Wala ito sa mga
tuntunin noon. Nása likod nitó ang pagbibigay ng wastong pagpapahalaga sa ibang katutubong wika ng
bansa bílang pintungan ng Wikang Pambansa. Maraming dalumat at danas ang ibang katutubong wika
na wala ang Tagalog. Sa halip manghiram agad sa banyagang wika, higit na kapakipakinabang ang
paghahanap ng katapat sa mga kapatid na wika ng Tagalog. Sa ganito, natuklasan ang kabuluhan ng
“ilahas” mula Ilonggo para sa wild ng Biyolohiya, ang “rabaw” ng Ilokano para sa surface ng Pisika,
gayundin ang “bíhud” mula sa Binisaya at Bikol para sa fish roe ng Marine Science. Pinalalawak ng
gawaing ito ang ating pananaw na pambansa at makabansa. Historikal naman ang simulain sa paghiram
muna mulang Español bago manghiram mula sa Ingles. Libo-libo nang salitang Español ang nása
bokabularyo ng mga pangunahing katutubong wika ng Filipinas at patuloy na nanghihiram ang Filipino
hanggang ngayon. Kamakailan, kailangan kong hiramin ang “atabál” upang idagdag sa ating katawagan
ng mga instrumentong pangmusika. Nabása ko rin sa Pambansang Museo ang “akwarela,” “sining
grapiko,” “diskurso ng kasarinlan,” “abstraksiyon,” “estilong neo-gotiko,” at napakaraming termino sa
pagpipinta. Palagay ko, marami pang papasok na termino mula sa Español kapag naging puspusan ang
pagsasaling teknikal. Ingatan lámang na hindi nating paramihin ang “aspeto,” “imahe,” “pesante,”
“kontemporaryo,” at iba pang tinatawag kong salitang siyokoy. Hindi natin maiiwasan ang ikatlong
hakbang at paghiram mula sa Ingles. Ito ang realidad sa ating kasalukuyang búhay. Lansakan at halos
tila ikalawang kalikasán na ng ating mga edukado ang pagkikisà ng Ingles sa kanilang pangungusap.
Hindi katatá-taká na ikatákot ng ilang guro ang lubhang pag-iral ng Taglish. Subalit nagdudulot din ito
ng problema sa pasulát na pahayag dahil malimit na malayò ang anyo ng salitâng Ingles sa bigkas nitó.
(Ito ang isang katwiran sa pagkiling sa Español bilang hiramang wika.) Kayâ may pagunita ang hakbang
na ito hinggil sa pagpapanatili o pagbago sa baybay ng hiram mula sa Ingles. Naglabas nitóng 2013 ang
KWF ng Ortograpiyang Pambansa at may binagong gabay sa ispeling na maaaring makatulong sa mga
tagasalin. Ang naturang gabay ay produkto ng ilang ulit na forum ng mga guro, editor, at manunulat,
bukod sa hinalaw ang mga makabuluhan at nagdaan nang patnubay ng KWF at ibang pangkating

96 | P a g e
pangwika. Kaugnay ng panukalang paraan ng paggamit sa bagong alpabeto, may mga praktikal na gabay
kung kailan pananatilihin o kung kailan babaguhin ang ispeling ng salita mula sa Ingles. Ang pang-apat
na hakbang ang tíla nakakalimutan ngayon ng akademya bagaman patuloy at mabisàng ginagamit sa
lansangan at sa búhay pang-araw-araw. Aktibong-aktibo ngayon sa gawaing ito ang mga bakla (dabaf,
bading, shuding, atbp). Napakahalaga ng prosesong ito tungo sa malikhaing pagpapaunlad sa wika.
Upang hindi táyo lubhang sumandig sa panghihiram. May mga importanteng dalumat pampolitika, gaya
ng “laya/kalayaan” at “katarungan” ang bunga ng ganitong malikhaing gawain. Ginagawa ito ngayon sa
Ingles sa pagngangalan ng mga bagong imbensiyon at produkto ng saliksik. Samantala, maaari nitóng
ilapit sa unawa ng karaniwang tao ang isang banyagang dalumat kung maigagawa ito ng neolohismong
umaalinsunod sa katutubong paglikha ng salita. Ganito ang bighani ng mabilis na popularidad ng
“balikbayan” at “dagdag-bawas.” Bago ko iwan ang paksang ito, nais kong pansinin ang malimit na
pangangarap ng mga tagasalin hinggil sa permanenteng tumbasan. Kaugnay ito ng tinatawag na
“depinitibong salin.” Matagal nang sinabi ni Walter Benjamin na “nalalambungan ang katotohanan” sa
pagsasalin. Ang ibig sabihin, walang ganap at panghabàng-panahong salin. Sa halip, ang pagsasalin ay
dapat ituring na isang nakabitin at maaaring magbagong trabaho, isang pansamantalang muling-paglikha
o reproduksiyon ng orihinal. Ang pagtutumbas na isagawa natin ngayon sa isang terminolohiyang
teknikal ay maaaring magbago búkas. Noong 2007 ay sinalubong ako ng ganitong problema. Inusisa ako
ni Atty. Andrea Pasion-Flores, executive director noon ng National Book Development Board (NBDB),
kung sino ang naglapat ng saling “karapatang-ari” para sa “copyright.” Para sa kaniya, hindi angkop ang
naturang pagtutumbas. Ayaw niyang ipagamit sa mga dokumento ng NBDB. Kailangang ipaliwanag ko
sa kaniya na maaaring hindi angkop ang salin ngunit matagal na itong ginagamit. Sa gunita ko, bago pa
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may gumamit na ng “karapatangari.” Subalit maaaring bunga
rin ito ng hindi pa maliwanag noong pag-unawa sa konsepto ng “copyright.” Waring higit na nakaukol
ang “karapatang-ari” sa higit na malaking konsepto ng “intellectual property right.” Sa ngayon, ayon kay
Atty Pasion-Flores, higit nga namang angkop ang “karapatang-sipi” para itumbas sa “copyright.”
Minsan ko nang ginamit ang “karapatang-sipi” ngunit wala pa akong nakikitang kakampi. Gayunman,
naniniwala ako sa pag-uusisang tulad ng kay Atty Pasion-Flores, sapagkat kailangan iyon upang higit na
kuminis at maging episyente ang pagsasaling teknikal. Nitóng 2008 ay narinig ko namang iniuulat ni
Bernadette Sembrano ang hiling ng LRT na bumili ng mga bagong tren. Kailangan daw ito upang
mapalitan ang mga lumang tren at upang higit na mapaglingkuran ang mga mananakay. “Mananakay”?
Ilang beses ko na itong narinig at palagay ko’y iniuso ni Elena Bautista, dáting tagapangulo ng Land
Transportation Franchising and Regulatory Board. Ito ang likha niyang katapat ng hiram na
“komyuter”(commuter). Mas mainam bang idagdag sa ating bokabularyo ang likhang “mananakay”? O
dapat na táyong masiyahan sa hiram na “komyuter”? Malinaw din sa aking mga binanggit na halimbawa
na ang pagsasalin ay isang gawaing pang-araw-araw. Hindi ito gawain lámang ng mga ekspertong
tagasalin at para sa pormal na trabaho ng pagsasalin ng mga aklat. Nápapasok ang kahit sino sa
pagsasalin kapag may nagtanong ng isang salita na hindi nitó maintindihan. Halimbawa’y ang isang ama
na biglang tinanong ng anak kung bakit may tinatawag na “bawal na gamot.” Kailangang isalin ng ama
ang “bawal na gamot” sa wikang maiintindihan ng anak. Dahil naman sa mabilis na pagbabago ng
kaligirang panlipunan, lalo na dahil sa dagsa ng modernong teknolohiya, may nadadagdag na hiram na
kaalaman sa ating bokabularyo at kailangan nating tandaan sa pamamagitan ng orihinal nitóng pangalan
o sa pamamagitan ng isang likhang katumbas. Sa alinmang paraan, nagsasagawa táyo ng pagsasalin.
Hindi rin ito nangangahulugang lagi ng paghahanap ng wastong katumbas. Hindi mawawala ang
tradisyonal at normatibong pagtingin sa pagsasalin, lalo na sa mga tagasaling hinubog sa pamantayan ng
“katapatan” na ginamit noon sa pagsasalin ng Bibliya at mga klasik na Griego at Romano. Subalit higit
kaysa nakamihasnang tagisan ng dalawang wika ang pagsasalin. Nagaganap ito sa loob ng pagtatagpo
ng mga tradisyon, kasaysayan, atbpang sangkap na nakatimo sa wika at panitikan ng isinasalin at sa
wika at panitikan ng pinagsasalinan. Kayâ bukod sa kadalubhasaan sa mga wikang ginagamit sa
pagsasalin, kailangan ng tagasalin na maalam sa buong lawak ng araling pangkultura. Hindi rin isang
walang-damdaming teknisyan ang tagasalin. Sa halip, isa siyang tao na may sariling karanasan, hilig, at
mga layunin sa isip na umaapekto sa kaniyang bawat pasiya, mula sa isinagawa niyang pagpilì sa isang
akdang isasalin at hanggang sa paghubog ng pangungusap at pagtatalaga ng salita sa wikang
pinagsasalinan. Sa madalîng salita, isang masalimuot na gawain ng muling paglikha mismo ang
pagsasalin.

97 | P a g e
14. “Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa Baguhan” ni V. Almario (ed)

ANG IBIG KONG SABIHIN

Bago mapagkamalan, nais kong ipagpauna na ang librong ito ay inihanda kong panimulang patnubay
para sa mga baguhang tagasalin at nauukol lámang sa mga batayang aralin sa pagsasalin. Layunin kong
maipakilála sa tagasalin o nagnanais maging tagasalin ang pundamental na gawain at kaakibat na
tungkulin ng pagsasalin. Panimula lámang ito at kayâ huwag hanapan ng komprehensibo at malalimang
talakay ang bawat púnto o aralin. Dahil hinggil sa batayang pagsasalin, wala din itong hangaring
pumalaot sa diskusyong teoretiko at magkomentaryo sa sari-saring hakà at metodolohiya ng mga
pangunahing eksperto sa mundo. Kung may mabanggit mang teorya, iyon ay dahil hinihingi ng
pagkakataón at hindi maiiwasan. Sa pamamagitan ng panimulang patnubay na ito ay dapat makilála ng
nagnanais maging tagasalin na isang mabigat na trabaho ito at nangangailangan ng di-karaniwang
pagsasanay—una, sa dalawang wikang gagamitin niya sa pagsasalin, at ikalawa, sa mga paraan ng
pagharap at paglutas sa karaniwang mga suliranin ng paglilipat ng kaisipan, kaalaman, at laro-sa-salita
mula sa orihinal túngo sa pinagsasalinang wika. Isa rin itong kagálang-gálang na trabaho at tinutupad
nang may kaukulang paggálang sa isinasaling awtor. Sa katunayan, upang hindi masáyang ang trabaho,
higit na dapat isinasaalang-alang ng tagasalin ang pangangailangan ng kaniyang panahon at lipunan sa iv
pagpilì ng akdang isasalin. Upang makatulong pa siya sa isang adhikang pang-edukasyon o isang
pambansang adyenda sa pagsasalin kung mayroon, sa halip na pairalin lámang ang kaniyang pansariling
hilig at panlasa. Nabanggit ko ang nása unaháng talata dahil sa nakikíta kong napakahalagang papel
ngayon ng pagsasalin para sa pambansang kaunlaran. Binubuo ang Filipinas ng isang arkipelago na may
mahigit 130 katutubong wika. May nagtatagumpay nang pagsisikap na bigkisin ang kapuluan sa
pamamagitan ng isang wikang pambansang Filipino. Subalit kahit sa pagpapayaman lámang ng wikang
Filipino ay kailangang isalin sa naturang Wikang Pambansa ang panitikan at karunungang taglay ng mga
katutubong wika. Itinatadhana din ng batas na pangalagaan ang mga katutubong wika kayâ nararapat na
pagsalinan ang mga ito ng kailangang impormasyon at kaalamang mula sa Filipino at ibang wikang
pandaigdig. Dahil dito, kailangan ang isang pambansang adyenda sa pagsasalin. Upang maging
sistematiko ang buong gawaing ito sa antas pambansa, mabilis at matipid, at makapaglahok ng lahat ng
kailangang talino. Kahit wala pa ang naturang pambansang adyenda, napakainam na isaisip ito ng isang
nagnanais maging tagasalin upang maging makabuluhang ambag sa nabanggit na adhikang nasyonal ang
kaniyang unang hakbang sa gawaing ito.

Magsimula sa Batayan

May apat na sanaysay [o maituturing na kabanata] ang librong ito. Sinulat ko itong tíla
magkakaugnay na sanaysay o kabanata ngunit sa paraang maaaring ituring na nakapagsasarili ang bawat
isa. Ang ibig sabihin, may v tinatalakay na isang kompletong aspekto ng pagsasalin ang bawat isa,
bagaman nagkakaisa ang mga sanaysay sa adhikang magdulot ng batayang impormasyon hinggil sa
pagsasalin. Ang nagsasariling katangian naman ng bawat isa ang tiyak na sanhi ng pag-uulit ng mga
batayang leksiyon sa pagsasalin o ng pag-uulit ng aking mga pangunahing opinyon hinggil sa mga
problema ng pagsasalin. Kailangan ko rin namang ulit-ulitin ang sa palagay ko’y mga batayang leksiyon
at dapat pagsimulan ng mga baguhang tagasalin. Ang una sa mga sanaysay ay isang pangkalahatang
introduksiyon sa gampaning pagsasalin at naglilinaw sa pag-uuri ko ng salin bílang imitasyon at bílang
reproduksiyon. Sinikap kong ipakò ang paglalahad sa naturang paksa upang maiwasan ang malimit na
akademiko at teoretikong introduksiyon sa proseso ng pagsasalin. Sa aking pansariling pakikinig sa mga
talakayan at seminar sa pagsasalin, ang mababaw at paimbabaw na pag-uusap sa naging mga teoretikong
paglilinaw, halimbawa’y sa konsepto ng “pagtutumbas,” ay malimit na magwakas sa higit na kalituhan
ng nakikinig na baguhan. Hindi ko pa isinasali sa punang ito ang higit na mabigat na puna sa naririnig
kong pagdudunong-dunungan ng mga propesor mulang akademya na sa wari ko’y nag-aadhikang
gawing kasingmistikal ng kumbersiyon ng tinapay at alak sa komunyon ang isang praktikal na gawain.
Ang ikalawa at ikatlo ay kapuwa hinggil sa pagsasaling pampanitikan. Nakaukol sa salimuot ng

98 | P a g e
pagsasalin ng tula ang ikalawa, samantalang tinatalakay ng ikatlo ang pagsasalin sa tuluyan. Hindi
kompleto at detalyado ang paglalahad. Ngunit sinikap kong ipaloob ang mga batayang trabaho ng
tagasalin túngo sa ganap na pag-unawa sa orihinal na akda upang mapalitaw din niyang “pampanitikan”
ang kaniyang salin.

Ang limitado kong talakay sa mga sangkap na “pampanitikan” ay itinuturing ko ring epekto ng
limitado pang paraan ng pagsusuri sa pagsasalin sa Filipinas. Halos walang maituturing na kritisismo
ngayong nauukol sa pagsasalin, gaya ng pangyayaring walang nag-uukol ng seryosong pansin sa
napakalaking pangangailangan sa pagsasalin sa ating bansa. Hindi ko alam kung kaso ito ng itlog-
manok. Ngunit hinihingi ng panahon na magukol ng seksiyon para sa gawaing ito ang mga peryodiko’t
magasing popular, at lalo na ang mga akademikong jornal. Napakalaking tulong ang intelihente’t
masinsinang pagsuri sa mga salin túngo sa inaasam nating paglusog ng pambansang pagsasalin.
Kaugnay nitó, ang ginawa kong pahambing na talakay sa mga salin ng isang akda ay may layuning
itanghal ang kabuluhan ng pagsusuring pampanitikan. Ang ibig kong sabihin, ang pamantayan sa
pagsusuring pampanitikan ay makabuluhang instrumento upang tukuyin ang ginampanang pagsasaling
pampanitikan ng isang salin. Ibig kong samantalahin ang pagkakataón upang tukuyin ang malaking
guwang sa teorya at praktika ng pagsasalin na idinudulot ng nabanggit kong kawalan ng panunuri sa
kasaysayan at sa mga isinagawa nang pagsasalin. Isang malaking guwang ang malaking pagbabago sa
panitikang popular sa bungad ng ika-19 siglo dahil sa paglaganap ng tinatawag na babasahíng awit at
korido at teatrong komedya. Mga salin ang mga ito, o kung nais maging tiyak, mga halaw at hango.
Ngunit sino ang gumawa ng seryong pag-aaral sa mga ito bílang isang makabuluhang yugto sa
kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas? Isa pang magandang tagpo ang mga proyektong pagsasalin ni
Rizal. Dahil halimbawa sa kaniyang salin ng Wilhelm Tell ni Schiller ay nakalikha siya ng mga vii
korespondensiya na nagsisimula ng talakay sa teorya ng pagsasalin at ng diyalogo hinggil dito nina
Ferdinand Blumentritt at Paciano Mercado Rizal. Dapat ding balikan ang praktika ng pagkasalin nina
Plaridel at Bonifacio sa “El amor patrio” upang hanguan ng mga leksiyon sa pagsasalin. Sa katunayan,
maaaring magpaliwanag ang mga ito sa naging moda ng pagsasalin sa ika-20 siglo at hanggang sa
kasalukuyan. Makahahalina din ito sa ating mga kritiko/guro na saliksikin ang ating sariling karanasan
sa halip na sumagap lámang ng mga teorya mula sa mga idolong banyaga. Ang ikaapat na sanaysay ay
isang panimulang diskusyon sa pagsasaling teknikal at sa naiibang mga kahingian ng gawaing ito. Kung
tutuusin, noon pa gumagawa ng pagsasaling teknikal ngunit ngayon lámang binibigyan ng isang bukod
na paliwanag upang maipakilálang naiiba sa pagsasaling pampanitikan. Naniniwala pa rin akong
magkatulad ng adhika ang dalawa. O kayâ, tulad ng aking paglalahad, may gampaning teknikal sa loob
ng isang pagsasaling pampanitikan. Gayundin naman, may mga pangangailangang pampanitikan sa loob
ng isang pagsasaling teknikal. Gayunman, dahil sa higit na malaking pangangailangan ngayon sa iba’t
ibang tekstong teknikal, napapanahon ang bukod na paglilinaw sa naiibang layunin at gampanin ng
pagsasaling teknikal. [Nais kong isingit dito ang malaking pasasalamat sa tulong nina Minda Limbo,
Grace Bengco, John Torralba, Eilene Narvaez, Cecile Lapitan, at Kriscell Labor para sa pagsasaayos ng
mga halimbawang salin at ibang trabahong teknikal.
May dagdag na apendiks ang libro upang makatulong pa sa gagamit. Nása apendiks ang
tinalakay na mga salin ng tula ni Rizal at magandang titigan pa ng mga interesadong tagasalin upang
ipagpatuloy ang binuksan kong kritika sa ilang bahagi ng mga ito. Bakâ may iba pa viii siláng
maidagdag na pansin sa mga saknong na hindi ko na pinaghambing. Bukod pa, maaari pa niláng
patunayan kung maaaring gamitíng patnubay sa ibang mga saknong ang isinagawa kong pagsuri sa ilang
bahagi ng mga saling patula. At bukod pa, maaari nilá itong gamitíng sandigan túngo sa paglikha ng
kanilang mga sariling pagtatangkang isalin si Rizal.
Pansinin din na naging malaking gámit kong halimbawa ang naging pagsasalin kay Rizal. Una,
dahil nagkataóng isa ako sa naging masugid na tagasalin ng mga tula at mga nobela ni Rizal, at sa
katotohanan, una kong sinulat bílang panayam hinggil kay Rizal ang dalawa sa mga kabanata sa librong
ito. Ikalawa, praktikal gamítin ang pagsasalin kay Rizal dahil mistula itong “pambansang adhika”
magmula noong panahon ni Bonifacio at hanggang sa kasalukuyan. Nagpapaligsahan ang mga makata—
sa Tagalog man o sa ibang mga wika—sa pagsasalin ng “Último adiós” at makapupulot sa mga naging
salin ng mga ginamit na estratehiya upang matumbasan ang henyo ni Rizal. Kung isasaling problematika
sa pagsasalin, nais kong kaagad ipanukala na may partikularidad ang naging pagsasalin kay Rizal na

99 | P a g e
wala sa nagaganap na pagsasalin mula sa banyagang wika túngo sa wikang katutubo. Banyaga ang wika
sa pagsulat ni Rizal ngunit Filipino si Rizal. Paano kayâ susukatin ang posibleng domestikasyon at/o
pagsasabanyaga, alinsunod sa pamantayan ni Lawrence Venuti, sa teksto ni Rizal?

Bágong-Húlog

Huwag namang mabibigla sa aking ilang kapangahasan. Halimbawa, ang imbento kong
“bágonghúlog” para sa isang uri ng paglikha ng salita. Sa aking ix paliwanag, ibig kong tukuyin dito ang
pagdukal sa bodega ng wika at pagpilì ng isang salita upang bigyan ng bagong kahulugan. Malimit itong
mangyari, kahit sa nauso ngayong gámit ng “húgot” sa hanay ng mga artista’t manganganta. Hindi ko
naman nais tawagin itong recycling dahil hindi naman basura ang salita na muling binibigyan ng gamit.
Wala akong maapuhap na katapat sa Ingles. Sa naturang neolohismo, ibig ko ring ituon ang pansin sa
ugat ng “kahulugán” at siyang púnto ng mga gawaing pangwika. Kung hindi ninyo napapansin, ang
orihinal na ibig sabihin ng “húlog” ay ihagis paibabâ ang isang bagay. Ihagis para sirain ito. Masamâ
ang ibig sabihin. Ngayon, bakit nagmula ang “kahulugán” natin sa lingguwistika sa “húlog”? Malaki ang
posibilidad na kinuha natin ang gámit panlingguwistika sa “húlog” ng mga karpintero. Kasangkapan
itong may bolang bakal na may tulis at nakaugnay sa isang mahabàng pisi. Inihuhulog ito mula sa itaas
upang masipat kung tuwid ang pagkakatayô ng haligi at anumang katulad na bahagi ng konstruksiyon.
Ginagamit din noon ng mga sastre ang salita upang ilarawan ang mahusay na liston ng pantalon.
Marami ring “salin” o “halaw” ng mga nobela ni Rizal at isang magandang pagkakataón upang
“ihulog” ang aking pagtalakay hinggil sa etika o moralidad sa pagsasalin, at upang maidiin ang
responsabilidad ng pagsasalin at ang posibleng masamâng epekto ng komersiyalismo sa pagtuturo ng
Rizal sa partikular at sa pambansang edukasyon sa kalahatan. Ang kasong ito ay isang malaking isyu sa
pagsasalin. Malimit na ipinapataw ang bigat ng “kasalanan” sa nagpapasalin—sa pabliser o sa
korporasyon o sa partidong pampolitika (sa gobyerno)— ngunit dapat ding ipagunitang malaking
tungkulin ito ng sinumang nagnanais maigálang na tagasalin. Sa dulo, hindi ito “trabaho lang.” Isa itong
maselan at mabigat na x trabaho para sa anumang dapat isulong na karunungan at katotohanan sa
mundo.
Uulitin ko, isang tulong sa preparasyong pangedukasyon ng nagnanais maging tagasalin ang
aklat na ito. Na ang kahulugan para sa sinumang babásang tagasalin ay humanap pa ng mga dagdag na
aklat at babasahín upang higit na mapatalas ang sariling talino. Hindi ito Bibliya. Napakarami pang
dapat basáhin at saliksikin upang maging tunay na dalubhasang tagasalin. Ang tinatawag ngayong aralin
sa pagsasalin (translation studies) ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi
at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundo.

Buksan mo, Tagasalin, ang aklat na ito at sumanib sa matamis na pintig ng daigdig.

100 | P a g e
15. Introduksiyon Sa pagsasalin: Mga Panimulang Babasahin Hinggil sa Teorya at Praktika ng
Pagsasalin ni V. Almario (ed)

HINGGIL SA PAGSASALIN
John Dryde

Lahat ng pagsasalin, sa tingin ko, ay maaaring ipaloob sa tatlong pangalang sumusunod.

Una, ang metaprase, o ang pag-uulit sa isang awtor nang salita sa salita, at linya sa linya, mula sa
isang wika tungo sa isa pa. Ganito, o malapit sa ganitong paraan, ang Art of Poetry ni Horace na isinalin
ni Ben Johnson. Ang ikalawaang paraan ay ang paraprase, o pagsasalin nang may pagluluwag. Dito ang
awtor ay laging nása pananaw ng tagasalin, upang hindi kailanman mawala, ngunit ang kaniyang mga
salita ay hindi estriktong sinusunod na katulad sa kaniyang ibig sabihin; at ito man ay inaaming
ipinaliliwanag, ngunit hindi binabago. Ganoon ang pagsasalin ni Mr. Waller sa Ikaapat na Aeneid ni
Virgil. Ang ikatlong paraan ay ang imitasyon, at dito ang tagasalin (kung hindi pa niya naiwawala ang
gayong pangalan ngayon) ay nanghahawakan sa kalayaan, hindi lámang para lumihis sa mga salita at
ibig sabihin, kundi maging para talikdan kapuwa ang mga ito kung makita niyang hinihingi ng
pagkakataón; at gumagamit lámang ng mga pangkalahatang pahiwatig mula sa orihinal, para lumikha ng
paghahati sa ginagawa, alinsunod sa ikinasisiya niya. Ganoon ang ginawa ni Mr. Cowley sa pagsasalin
ng dalawang Oda ni Pindar, at ng isa ni Horace tungo sa Ingles.

Hinggil sa una sa mga paraang ito, nagbigay ng ganitong babala para sa atin ang ating gurong si Horace:

Nec verbum verbo curabis reddere, fidus Interpres…


Nor word for word too faithfully translate;

Katulad ng ekselenteng pagka-Ingles ni Earl of Roscommon. Ang lubhang katapatan ay totoong


lubhang masalita: ang ganoong katapatan ay nabubúhay mula sa pamahiin, bulág at sobrang masigasig .
. . . . . Halos imposibleng magsalin nang berbal, at nang mahusay, sa paraang magkasabay; sapagkat ang
Latin (isang napakahigpit at masalimuot na wika) ay malimit na ipinahahayag ito sa isang salita, na dahil
sa barbaridad o sa kakitiran ng modernongmga dila ay hindi maaaring makapagdulot nang hihigit.
Malimit din na ang laro sa salita ay nakabálot sa isang uri ng pahayag na nawawala sa Ingles . . .

Laban sa Literal na Salin

. . . Sa maikling salita, ang mangongopyang berbal ay naliligid ng napakarami at sabay-sabay na


kahirapan, kayâ hindi niya kailanman maililigtas ang sarili sa mga ito. Kailangan din niyang isaalang-
alang ang iniisip ng kaniyang awtor kasabay ng kaniyang sariling salita, at humanap ng katumbas sa
bawat isa sa ibang wika; at bukod dito, kailangan din niyang ipiit ang sarili sa loob ng súkat at sa pang-
aalipin ng tugma. Katulad ito ng pagsasayaw sa lubid nang may kadena ang mga paa. Ang pagsasaalang-
alang sa mga kahirapang ito sa tila alipin at literal na pagsasalin ay nagtulak nang hindi pa nagtatagal sa
ating dalawang bantog na talino, sina Sir John Denham at Mr. Cowley, upang lumikha ng isa pang daan
para ulitin ang mga awtor sa ating dila, at tinawag ito ng ikalawa sa kanila na imitasyon. Sapagkat
magkaibigan silá, ipinalalagay kong nagpapalitan silá ng kanilang mga iniisip hinggil sa paksang ito, at
sa gayon ang mga katwiran nilá hinggil dito ay hindi nagkakalayô, bagaman ang pagsasagawa ng isa ay
higit na matimpi. May palagay akong ang imitasyon sa isang awtor, batay sa kanilang paliwanag, ay
isang gampanin ng isang kasalukuyang makata upang sumulat na katulad ng isang nauna kaysa kaniya
sa katulad na paksa; ang ibig sabihin, hindi para isalin ang mga salita ng nauna, o mapiit sa kaniyang
kahulugan, kundi para itanghal siya bilang isang padron, at para sumulat sa paraang sa palagay niya ay
gagawin ng naturang awtor kung nabúhay siya sa ating panahon at sa ating bayan. Gayunman, hindi ako
mangangahas magsabi na sinuman sa kanilang dalawa ay tumupad sa ganitong malayang paraan ng
pagtrato sa mga awtor (gaya ng tawag dito ni Mr. Cowley) hanggang sa ipinahihintulot ng aking

101 | P a g e
ginawang depinisyon; dahil sa Pindaric Odes, ang mga kaugalian at mga seremonya ng sinaunang
Grecia ay nakapreserba pa. Subalit hindi ko alam kung anong panlilinlang ang maaaring mangyari mula
sa halimbawa ng gayong inobasyon, kapag ginaya ang gayong pangahas na proyekto ng mga manunulat
na hindi maitatapat ang kakayahan sa kaniya. Ang pagdagdag at magbawas alinsunod sa ating
kasiyahan, na siya diumanong sinunod niya, ay maaari lámang ipahintulot sa gaya ni Mr. Cowley at
muli sa kaniya lámang salin ng Pindar; sapagkat siya lámang nag-iisa ang may kakayahang ibigay ang
nararapat kay Pindar, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng higit na mainam kaysa kaniyang sarili
kailanman at ayaw niyang tupdin ang mga nais ng awtor. Kilála sa pangkalahatan si Pindar na isang
madilim na manunulat upang magnais makipag-ugnay (Ang ibig kong sabihin, alinsunod sa ating
kakayahang umunawa), waring laging lilipad para maglahò sa paningin, at iniiwan ang kaniyang
mambabasá sa isang iglap. Ang isang makatang ilahas at mahirap pangasiwaan ay hindi maaaring isalin
nang literal; ang henyo niya ay lubhang malakas para magtiis ng tanikala, at mala-Samson iwawaksi
niya ito. Ang isang henyong lubhang matayog at walang-takda na tulad ni Mr. Cowley 4 introduksiyon
sa pagsasalin ang kailangan upang mapagsalita si Pindar sa Ingles, at maaari itong isagawa sa paraang
imitasyon at wala nang iba…Upang ipahayag nang higit na makatarungan, ang imitasyon ng isang awtor
ay pinakamainam na paraan para sa isang tagasalin upang itanghal ang kaniyang sarili, subalit ito naman
ang pinakamalaking pagkakasála na maaaring gawin sa alaala at reputasyon ng patay. Si Sir John
Denham (na nagpapayo ng higit na kalayaan kaysa isinagawa niya mismo) ay nagbigay ng mga katwiran
para sa kaniyang inobasyon sa kaniyang nakalulugod na Preface bago ang salin sa Ikalawang Aeneid:
“Ang Pagtula ay isang napakadulas na espiritu, na, kapag ibinuhos mula sa isang wika tungo sa ikalawa
ay lubos na naglalaho; at, kapag hindi dinagdagan ng isang bagong espiritu sa pagbubuhos, walang
matitira kundi isang caput mortuum.” Inaamin kong ang argumentong ito ay tamang-tama laban sa isang
pagsasaling literal; ngunit sino ba ang nagtatanggol sa ganoong pagsasalin? Ang imitasyon at ang berbal
na bersiyon, palagay ko, ay ang dalawang dulo na kapuwa dapat iwasan; at sa gayon, kapag aking
ipinanukala ang kalagitnaan sa pagitan ng dalawa, makikita kung hanggang saan magagamit ang
kaniyang argumento.

Dalubhasa sa Dalawang Wika

Walang sinumang may kakayahang magsalin ng tula, na, bukod sa isang henyo sa naturang
sining ay hindi dalubhasa kapuwa sa wika ng kaniyang awtor at sa kaniyang sarili. Hindi rin kailangang
maunawaan lámang natin ang wika ng makata kundi maging ang kaniyang natatanging takbo ng isip at
paraan ng pagpapahayag, na mga katangiang ikinabubukod at sa ganoong paraan ay ikinaiiba niya sa
lahat ng ibang manunulat. Kapag isinaalang-alang natin ito, kailangang isaloob natin na ibagay ang ating
henyo sa kaniya, na idulot ang takbo ng kaniyang isip alinsunod sa kaniyang takbo ng isip, at kung
ipahihintulot ng ating dila, o kung hindi man, bahagyang ibahin ngunit hindi ang kasuotan, at lalo nang
hindi iibahin o sisirain ang sustansiya. Ang nakakatulad na pag-iingat ay dapat gawin sa higit na
panlabas na palamuti, sa mga salita. Kapag lumitaw ang mga ito (na manaka-naka lang) na literal na
malamyos, isang malaking pinsala sa awtor na baguhin ang mga ito. Subalit dahil ang bawat wika ay
tigib sa mga sarili niláng kaangkinan, na ang maganda sa isa ay malimit na barbaro, at higit pa, walang
kahulugan kung minsan sa ibang wika, hindi makatwiran na bigyan ng hanggahan ang tagasalin sa loob
ng makitid na saklaw na mga salita ng awtor: sapat nang pumilì siya ng ilang pahayag na hindi lumilihis
sa kahulugan . . . Ipinakakahulugan ko sa ganito na ang espiritu ng isang awtor ay maaaring mabigyan
ng bagong dugo ngunit hindi naglalahò. At sa gayon, maliwanag na ang katwirang ibinigay ni Sir John
Denham ay maaari lámang tupdin sa larangan ng pahayag. Sapagkat ang kaisipan, kung totoong isasalin
ito, ay hindi dapat maglahò sa ibang wika. Gayunman, ang mga salita na napilì para ipahayag ang
kaisipan para sa ating pang-unawa (na mga imahen at palamuti ng naturang kaisipan) ay maaaring hindi
angkop, kayâ mistulang isang hindi kasiya-siyang damit, at sumisira sa taal nitóng kariktan. May
kalayaan, samakatwid, na ipinahihintulot para sa pahayag; hindi kailangang mapiit ang mga salita at
mga taludtod sa higpit ng kanilang mga orihinal. Ngunit ang kahulugan ng isang awtor, sa
pangkalahatan, ay dapat na sagrado at hindi nasasalungat. Kung ang sagimsim ni Ovid ay masagana,
katangian niyang maging gayon; at kung higpitan ko, hindi na siya si Ovid. Maaaring isagot na mainam
para sa kaniya na maputulan ng mga di-kailangang sanga; ngunit ipipilit ko pa rin, walang gayong

102 | P a g e
karapatan ang tagasalin. Kapag kinopya ng pintor ang búhay, ipinalalagay kong wala siyang
pribilehiyong baguhin ang mga katangian at mga guhit sa dahilang higit na gaganda ang kaniyang
larawan. Marahil, ang mukha ng iguhit niya ay magiging higit na eksakto kung ang mga mata o ang
ilong ay nabago, subalit trabaho pa rin niyang makamukha ito ng orihinal. Maaari lámang
magkaproblema sa dalawang kaso; kung ang kaisipan ay lubhang napakawalang-kuwenta o
napakasinungaling. Ngunit iisa lámang ang sagot sa naturang dalawang kaso: na kung gayon ay hindi
dapat isalin ang mga ito.

Dagdag-Bawas

Sa nakaraang kalahating taon ay binagabag ako ng karamdaman (katulad ng maaari kong itawag
dito) sa pagsasalin. Ang atake nitóng sipon sa prosa, na siyang laging malaking parusa sa akin, ay
naubos sa History of the League; ang lagnat ay inakala kong higit kong ikinapapalagay sa pagbago-bago
ng matinding sumpong at hindi ko hininala na ang sintomas ay maaaksaya sa dalawa o tatlong Pastorals
ni Theocritus, at sa kasindaming Odes ni Horace. Ngunit dahil natuklasan ko o kahit paano’y iniisip
kong natuklasan ang isang higit na kasiyahan sa kanila kaysa mga ordinaryo kong produksiyon,
ginanyak ko ang sarili na muling balikan ang aking lumang pakikipagkilala kina Lucretius at Virgil, at
kaagad nagtuon sa ilang bahagi nila na lubhang tumalab sa akin nang basahin. Ito ang aking mga natural
na simbuyo sa naturang gawain. Ngunit may isang motibong aksidental na ganap at malakas, at
patawarin ako ng Diyos sa tao na nagdulot nitó sa akin. Ito ang Essays on Translated Verse ng aking
Lord Roscommon, na lubha kong ikinabalísa hanggang sikapin kong timbangin kung makakáya kong
sumunod sa kaniyang mga tuntunin, at upang isagawa ang kaniyang mga haka. Sapagkat marami sa mga
batas sa pagtula ang, tulad ng isang mistulang demostrasyon sa matematika ay napakatiyak sa
diyagrama, ngunit bumabagsak sa operasyong mekaniko. Palagay ko naman ay tinupad ko sa
pangkalahatan ang kaniyang mga instruksiyon . . . Ngunit sa kabila ng lahat, dapat kong tanggapin na
malimit akong lumalagpas sa aking komisyon; sapagkat kapuwa ako gumawa ng pagdadagdag at
paglikwad, at kung minsan ay buong katapangan pang gumagawa ng gayong eksposisyon hinggil sa
aking mga awtor, sa paraang hindi mapatatawad ng sinumang komentaristang Dutch. Marahil, sa
naturang mga taludtod ay naisip kong nakatuklas ako ng isang kagandahang hindi pa natutuklasan ng
mga dalubhasa, iyong kagandahan na walang makatatagpo kundi isang makata lámang. Doon naman sa
mga sitwasyong inalis ko ang ilan niláng pahayag, at pinaikli, maaaring isinaalang-alang ko na may
maganda sa Griego o Latin na hindi lilitaw na marikit sa Ingles; at doon sa mga pinalaki ko, hinahangad
kong ang mga huwad na kritiko ay hindi laging isaisip na sa aking lahat ang mga kaisipang iyon, kundi
mga lihim ito ng makata o makatarungang ituring na maaaring magmula sa kaniya; o kahit paano, kung
kapuwa mabigo ang aking mga ipinasasaalang-alang, na ang akin ay isang pirasong katugma ng kaniya,
at na kung nabubúhay siya, at isang Ingles, ang mga iyon ay posibleng sa gayong paraan niya sulatin.

Itanghal ang Awtor

Pagkatapos ng lahat, dapat palitawin ng tagasalin ang kaniyang awtor na kaakit-akit hanggang
makakáya niya, hangga’t napapanatili niya ang kaniyang karakter at naitatanghal niya itong hindi di-
katulad nitó. Ang pagsasalin ay tila isang pagguhit alinsunod sa búhay; at sa bagay na ito,
magkakasundo ang lahat na may tila dobleng uri ng pagkakatulad— ang mahusay na pagkakatulad at
ang pangit . . . Hindi ko maaatim, nang hindi naririmarim, na tumingin sa masamâng kopya ng isang
ekselenteng orihinal; at hindi ko mapagtitiyagaang pagmasdan ang Virgil, Homer, at ilan pa na mga
kagandahang pinagsisikapan ko habang-búhay na gayahin ay lapastanganin, kung maaari kong sabihin
sa kanila nang harapan, ng mga palpak na interpreter . . . (A)ng isang mahusay na makata sa isang
bobong pagsasalin ay mistulang ang katad sa kaniyang katawang buháy. Maraming maalam sa Griego at
Latin, ngunit mangmang sa kanilang sariling wika. Ang mga katangian at linamnam ng Ingles ay
nakikilála lámang ng ilan; imposible kahit para sa isang matalino na maunawaan at magamit ang mga ito
kung walang katulong na isang edukasyong liberal, mahabàng panahon ng pagbabasá, at pagnguya sa
ilang mahusay na awtor na mayroon táyo, sapat na kaalaman sa mga tao at asal, kalayaan sa ugali at
pakikipagusap sa pinakamainam na pangkat ng dalawang kasarian; at, sa maikling salita, nang hindi
tinatanggal ang kalawang na kumapit sa kaniya samantalang nagtatatag ng pundasyon ng karunungan.

103 | P a g e
Kayâ napakahirap maunawaan ang kadalisayan ng Ingles, at matanto nang mapanuri hindi lámang ang
mainam sa masamâng manunulat, at ang isang wastong estilo sa bulok, kundi maging ang makilatis
kung ano ang dalisay sa isang mainam na awtor at maibukod ito sa kung ano ang masamâ at bulok sa
kaniya . . . Kayâ lumilitaw na kailangang ang isang tao ay maging isang mainam na kritiko sa kaniyang
sariling wika bago siya magtangkang magsalin mula sa isang wikang banyaga. Hindi rin sapat na
nakakáya niyang maging hukom ng mga salita at estilo, kundi kailangang maging panginoon din siya ng
mga ito. Kailangang ganap niyang nauunawaan ang wika ng kaniyang awtor, at may absolutong
kapangyarihan sa kaniyang sariling wika. Sa gayon, upang maging isang mahusay na tagasalin,
kailangan niyang maging isang mahusay na makata. Hindi rin sapat na naibibigay niya ang kahulugan
ng kaniyang awtor sa mainam na Ingles, sa matulaing mga pahayag, at sa magandang himig. Sapagkat
kahit napakahirap tupdin ang mga ito, may natitira pang higit na mahirap na tungkulin, at isang lihim ito
na iilang tagasalin ang nakapagliming mabuti. Naipahiwatig ko na ito sa ilang salita; at ito ang
pagpapanatili sa karakter ng isang awtor, sa ikinatatangi niya sa maraming iba, at sa kung anuman iyong
naglilitaw sa kaniya bilang isang indibidwal na makatang ninanais mong isalin . . .

Problema ng Modernong Wika

. . . Matagal ko noong naisaalang-alang na ang paraan para masiyahan ang pinakamahusay na


hukom ay hindi ang pagsasalin nang literal sa isang makata, at higit kaysa kaninuman si Virgil.
Sapagkat, ang naiibang kagandahan niya ay nasa kaniyang pagpili ng mga salita. Naititiwalag ako sa
bagay na ito dahil sa makitid na saklaw ng ating tulang heroiko—maliban kung gagamit lámang ako ng
mga iisahing pantig—at dahil sa nakabaradong mga katinig, na siyang hilahil ng ating sariling wika. . . .
Ang landas kong tinahak ay hindi lubhang makitid na gaya ng metaprase, at hindi rin lubhang maluwag
na gaya ng paraprase. May ilang bagay din akong kinaligtaan at may pagkakataóng nagdagdag ng sarili
ko. Gayunman, ang mga nakaligtaan, umaasa ako, ay bunga ng mga pagkakataón at iyong hindi
magdudulot ng lamyos sa Ingles; at ang mga dagdag, umaasa rin ako, ay madalîng makakatas mula sa
kahulugan si Virgil. Ang mga ito ay maaaring ituring (kahit paano ay ganito ang medyo mayabang kong
palagay) na hindi nakatarak sa kaniya kundi umuusbong mula sa kaniya. Pinag-aralan niya ang
pagtitipid nang higit kaysa sinumang makata, ngunit sadyang may gagap siya sa wika kayâ napakalaki
ang maaaring matutuhan sa kahit napakaliit na espasyo. Táyo, at ang lahat ng modernong wika, ay higit
na maraming mga pantukoy at panghalip, bukod sa mga senyas para sa pamanahon at mga kaso, at iba
pang barbaridad na pinagsandigan ng ating pangungusap bunga ng mga kahinaan ng ating mga ninuno.
Isinandig ng mga Romano ang kanila sa mga Griego; at ang mga Griego, alam natin, ay nagtiyaga sa
loob ng mga dantaon sa kanilang wika, bago nilá ito nailuklok sa trono ng perpeksiyon. Itinakwil nilá
ang mga senyas na katulad ng sa atin, tinagpas ang lahat ng mga pantukoy na hindi kailangan,
ipinauunawa sa isang salita ang naipapahayag lámang natin sa dalawa: ang isang dahilan kung bakit
hindi natin káyang magsulat nang kasing-ikli ng nagagawa nilá.

Ang kakulangang ito ay matatagpuan sa lahat ng modernong wika; at dahil lámang dito ay
napupuwersa táyong gumamit ng higit na mga salita kaysa kailangan ng mga sinauna. Subalit dahil
naobserbahan kong nagsisikap si Virgil na maging maikli, ngunit elegante, higit kong hinabol ang
kahusayan at kinalimutan ang katipiran. Sapagkat hayan siyang tila ambergris—isang mahalimuyak na
pabango ngunit napakadikit at maningning kayâ kailangan itong buksan sa pamamagitan ng isang
mahinàng samyo ng musk o civet—o ang kaniyang lamukot ay hindi mapalilitaw sa ibang wika. Sa
kabuuan, ipinalalagay kong wasto na manimbang sa pagitan ng dalawang dulo ng paraprase at ng
pagsasaling literal; maging laging nakadikit sa aking awtor hangga’t maaari, nang hindi naiwawaglit ang
kaniyang mga biyaya, na ang pinakamalinaw sa lahat ay ang kagandahan ng kaniyang salita; at ang mga
salitang iyon, kailangan kong idagdag, ay laging mapaglaro. At sapagkat kailangang mabihag ang
gayong elegansiya sa ating wika, sinikap kong itimo ito sa sarili; ngunit malaking bahagi ng mga ito ang
kailangang mawaglit, dahil maaari lámang magningning ang mga ito sa kanilang sariling wika. Ganoon
kalaki ang pagkakaiba ng mga wika, o ganoon kabigat ang kakulangan ko sa pagpilì ng mga salita.
Gayunman, ipinagmamalaki kong sabihin, at umaasa akong batay sa katwirang katulad ng tagasaling
French, na, pagkatapos pag-aralan ang lahat ng materyales ng bathalang awtor na ito, napagsikapan

104 | P a g e
kong pagsalitain si Virgil sa Ingles na siya niyang sasalitain kung ipinanganak siya sa England at sa
ating panahon.

Muling-Pagbúhay sa Luma

. . . Halos matatapos ko na si Chaucer nang kailangan kong sumagot sa ilang pagtutol kaugnay
ng isang kasalukuyang trabaho. Narinig ko na ilang tao ang hindi nasiyahan dahil isinalin ko ang mga
salaysay niya sa modernong Ingles, dahil may palagay siláng hindi karapat-dapat si Chaucer sa aking
paghihirap, at dahil sa tingin nila ay isang tuyot, makalumang talino si Chauce kayâ hindi mahalagang
buháying muli. Malimit kong marinig ang nasirang Earl of Leicester na si Mr. Cowley mismo ay may
ganoong opinyon; na nang basáhin si Chaucer dahil sa kahilingin ng aking Earl ay nagdeklara na hindi
niya ito magustuhan. Hindi ako mangangahas ibangga ang aking opinyon laban sa hatol ng isang
dakilang awtor; ngunit ipinalalagay kong makatarungan lámang na pabayaang ang publiko ang
magpasiya . . . Si Chaucer, inaamin ko, ay isang magaspang na diyamante, at kailangan munang bulihin
para kuminang. Hindi ko rin itinatatwa na dahil nabúhay siya sa unang panahon ng pagtula ay walang
nagkakaisang katangian ang kaniyang pagsulat. May mga pagkakataón na inihahalò niya ang mga
walangkuwentang bagay sa mga mahalagang sandali. May mga pagkakataón din, bagaman hindi
madalas, na sumasabog siyang tila si Ovid, at hindi malaman kung kailan hihinto. Ngunit may mga higit
na dakilang talino kay Chaucer na ang kahinaan ay ang sobrang talinghaga . . . Hindi kailangang isulat
ng awtor ang lahat ng káya niya; manapa, yaon lámang kailangan niyang isulat. Dahil naobserbahan ko
ang ganitong pag-uulit kay Chaucer (gaya ng pangyayaring isang magaang na bagay para sa isang
ordinaryong tao na makita ang kahinaan ng isang higit na dakila), hindi ko ipinugal ang sarili sa isang
pagsasaling literal. Iniwaglit ko madalas ang sa hatol ko ay hindi kailangan, o walang sapat na dignidad
na makahanay ng ibang nakahihigit na kaisipan. Nanghihimasok din ako sa ilang pagkakataón, at
idinadagdag ang sarili ko sa mga lugar na palagay ko’y nagkulang ang aking awtor, at hindi gaanong
nabigyan ng tunay na kinang ang kaniyang kaisipan . . . At mas lumakas ang loob ko sa gawaing
nabanggit, sapagkat (kung ipahihintulot na masabi ko ito sa sarili) nakita kong may kaluluwa akong
katugma ng kaniya, bukod sa magkaagapay ang aming hilig. Maaari itong gawin sa akin ng ibang
makata, sa ibang panahon, kung mabúhay nang gayong katagal ang aking sinulat upang maging karapat-
dapat sa pagwawasto. Nangangailangan din kung minsan na ibalik ang kahulugan ni Chaucer, na
nawaglit o nawasak dahil sa mga pagkakamali sa imprenta . . . Subalit may ibang mga hukom na
nagpapalagay na hindi ko dapat isinalin si Chaucer sa Ingles, mula sa ibang medyo salungat na haka:
may ipinapalagay siláng nararapat na pagsamba sa kaniyang lumang wika, at kayâ kulang na lámang ay
paglapastangan o sakrilehiyo ang baguhin ito. May dagdag pa siláng opinyon na may kung anong
maganda sa kaniyang kahulugan ang magdurusa sa tulad ng ginawa kong pagsasalin, na lumilitaw sa
kanilang higit na nabibiyayaan sa luma nitóng kasuotan. May ganitong opinyon ang isang ekselenteng
tao na binanggit ko na, si nasirang Earl of Leicester, na nagpapahalaga kay Chaucer sa paraang
kasalungat ng paghamak ni Mr. Cowley sa kaniya . . . Gayunman, hindi nakumbinsi ang katwiran ko ng
mga argumento ng nasirang Earl laban ginawa ko . . . Kapag ang isang sinaunang salita ay nararapat
muling buháyin dahil sa tunog at halaga nitó, mayroon akong makatwirang pagsamba para sa
antigwedad para ibalik ito. Ang anumang idagdag pa ay pamahiin. Ang mga salita ay hindi mohon,
napakasagrado para hindi kailanman ilipat. Ang mga kaugalian ay nagbabago, at kahit ang mga batas ay
tahimik na sinususugan kapag ang katwirang ginamit sa pagbuo ng mga ito ay wala nang bisà. Hinggil
sa ibang bahagi ng argumento—na ang kaniyang mga kaisipan ay nawawalan ng orihinal kagandahan
dahil sa inobasyong dulot ng bagong salita—hindi lámang ang kagandahan ng mga ito kundi maging
ang kabuuan ang nawawala kapag hindi na naiintindihan ang mga ito, at siyang tunay na nangyayari
ngayon. Sumasang-ayon ako na may nawawala sa lahat ng pagsasalin; ngunit nananatili ang kahulugan,
na kung sakali ay nawawala din, o kahit paano ay napipilay, kapag hindi na ito halos mawatasan kundi
ng iilan. Ilan lámang ba ang nakababása kay Chaucer at naiintindihan siyang ganap? At kung hindi
ganap, maliit ang pakinabang kung gayon, at walang nagaganap na kasiyahan. Hindi para sa iilang
kaibigan nating matandang Saxons ang ginawa kong paghihirap sa kaniya. Pabayaang iwasan nilá ang
aking bersiyon; wala siláng gamit sa ginawa ko. Ginawa ko iyon para sa kanilang nakauunawa ng
kahulugan at pagtula kapag ang pagtula at ang kahulugan ay ginamitan ng mga salitang naiintindihan

105 | P a g e
nilá. Dadagdagan ko pa, na ang mga kagandahang naiwaglit ko sa ilang pagkakataón ay naibigay ko
naman sa iba na hindi nalasap ang mga iyon sa orihinal . . .

Ang Huwarang Tagasalin

Ang kalipikasyon ng isang tagasaling nararapat basáhin ay kailangang isang ganap na paggagap
sa wika ng isinasalin niya at sa wikang pinagsasalinan niya. Gayunman, kung ipahihintulot ang kahinaan
sa isa sa dalawa, ito ay sa orihinal; sapagkat kung sapat lámang ang gagap niya sa wika ng kaniyang
awtor upang magagap ang kahulugan nitó, napakaposible para sa kaniya na ipahayag ang gayong
kahulugan sa pinakamagandang paraan sa kaniyang sariling wika kung ganap na nakapailalim ito sa
kaniyang kapangyarihan. Ngunit kung wala ang hulí, hindi niya kailanman maaabot ang kapaki-
pakinabang at ang kalugod-lugod—ang kailangang mga birtud upang ang pagbabasá ay hindi maging
pagdurusa at malaking pagod. Totoo na maraming dakilang kagandahan na umaasa sa diksiyon sa bawat
wika at nawawaglit ito sa bersiyon ng isang tao na hindi sanay sa orihinal na wika ng awtor. Ngunit sa
kabilâng dako, una, imposibleng msunod ang lahat ng mga munting palamuti ng pahayag sa alinmang
dalawang wika; at kayâ kung may ganap na paggagap siya sa kahulugan at espiritu ng kaniyang awtor,
at may isang estilo at kalugod-lugod na pagpapahayag sa kaniyang sariling wika, madalî niyang
mapapalitan ang lahat ng naiwaglit niyang bunga ng kaniyang depekto. Ang isang tagasalin na
makasusulat sa paraang may puwersa o espiritu ng isang orihinal ay hindi dapat kailanman
magpalumagak sa mga salita ng kaniyang awtor. Kailangang lubusan niyang hawak ang sarili at ganap
na nauunawaan ang henyo at kahulugan ng kaniyang awtor, ang kalikasán ng paksa, at ang mga
pangangailangan ng sining o paksang tinatalakay. At sa gayong paraan ay maipapahayag niya ang sarili
nang may katarungan, at nang may higit na sigla, na waring isinulat niya ang isang orihinal. Samantala,
siyang kinokopya ang bawat salita ay nagwawaglit ng lahat ng espiritu dahil sa kaniyang mabagal at
mabusising pagsasalin. (Salin ni Virgilio S. Almario)

16.“Pagsasalin: Teorya at Praktika” nina L.. Antonio at A. Batnag (ed)


Dalawampu`t apat na artikulo, 24 paksang sumusuri sa proseso ng pagsasalin-ito ang nilalaman
ng Pagsasalin: Teorya at Praktika. Naglalahad ito ng iba`t ibang teorya sa pagsasalin samantalang
nagpapaliwanag ng mga karanasan kung paanong inilapat ang teorya sa praktika ng salin. Tatlong
pangunahing larang sa gawaing pampagsasalin ang binigyang-tuon sa aklat na ito: (a) Produksiyon ng
salin o pagsasagawa ng mismong salin; (b) Araling Pampagsasalin o Translation Studies; at (c)
Panunuring Pampagsasalin o Translation Criticism. Ang Araling Pampagsasalin at Panunuring
Pampagsasalin ay singhalaga ng produksiyon ng salin bagama`t maituturing itong mga bagong larang na
di pa gaanong napag-uukulan ng pansin. Sa katunayan, kakaunti pa ang mga lathalang pagsusuri ng salin
at makikita lamang ang mga ito nang hiwa-hiwalay sa mga akademikong journal. Ang iskolar ng
pagsasalin, kung gayon, ay lagi nang sa mga dayuhang aklat humahango ng kaalaman tungkol sa
pagsusuri ng salin. Hindi pa mapupunan ng aklat na ito ang malaking kakulangan sa mga sangguniang
aklat sa disiplina ng pagsasalin. Ngunit inaasahang ito`y isang makabuluhang panimula.

106 | P a g e
17. Mga Artikulo sa Philipppine E-Journals Database, Partikular ang mga Journals ma
naglalathala ng mga artiklulo sa Filipino gaya ng:

A. Daloy
Ang DALOY, jornal na pangwika at pampanitikan ng Departamento ng mga Wika ng Pilipinas,
ay nililimbag nang taunan ng Pamantasang Da La Salle, Maynila, Pilipinas.This page presents the
geographical name data for Layog in Philippines, as supplied by the US military intelligence in
electronic format, including the geographic coordinates and place name in various forms, latin, roman
and native characters, and its location in its respective country's administrative division.

B. Dalumat
Ito ay isang malalim na pagiisip at interpretasyon. Ang Dalumat ay kaalaman at abilidad upang
ihukom ang partikular na sitwasyon o paksa.

C. Kasaan
Kasaan /kəˈsæn/ (Haida: Gasa'áan; Tlingit: Kasa'aan) is a city in the Prince of Wales-Hyder
Census Area in the U.S. state of Alaska. The population was 49 at the 2010 census, up from 39 in 2000.
The name "Kasaan" comes from Tlingit kasa'aan, meaning "pretty town". Kasaan is one of the main
historical communities of the Kaigani Haida. Residents moved from their former village on Skowl Arm,
now called Old Kasaan, starting in 1893 and mostly in the period 1902-1904. This migration was
prompted by the promise of jobs and a school occasioned by development of copper mining and a
cannery near the present location. Kasaan was established as a city in 1976. Kasaan is one of the main
historical communities of the Kaigani Haida. Residents moved from their former village on Skowl Arm,
now called Old Kasaan, starting in 1893 and mostly in the period 1902-1904. This migration was
prompted by the promise of jobs and a school occasioned by development of copper mining and a
cannery near the present location. Kasaan was established as a city in 1976.

D. Layag
Ang Layag ay opisyal na jornal ng Departmento ng Sikolohiya ng Pamantasan ng De La Salle.
Matutunghayan sa jornal na ito ang mga artikulong nakasulat sa mga wikang Filipino at Ingles bilang
pagtataguyod sa patakarang bilinggwal sa paggamit ng wika.

107 | P a g e
E. Malay 21
Nililinaw at sinusuri sa papel na ito ang mga dimensyong etikal ng mga pangnegosyong
patalastas o ads, o ang etika ng mga pamamaraang ginagamit ng ads na ito, kung saan ang pangunahing
layunin ay ang akitin ang mga mamimili na tangkilikin at bilhin ang mga produktong kanilang
isinusulong. Nakatuon ang diskusyon sa tanong na kung nilalabag ng mga naturang patalastas ang
awtonomiya ng mga mamimili, na tumutukoy sa kanilang kakayahang gumawa ng mga desisyon nang
may kalayaan at sapat na kaalaman. May tatlong bahagi ang diskusyon. Sa una, pinag-iiba ang ilang uri
ng ads at binibigyang linaw ang konsepto ng awtonomiya ng tao. Sa ikalawa, tinatalakay ang mga
argumento para at laban sa paratang na nilalabag ng ads ang awtonomiya ng mga mamimili. At sa ikatlo,
ipinapakita ang kahinaan ng kaso laban sa nasabing paratang, at isinusulong ang paghubog ng isang
kritikal at etikal na disposisyon sa mga bata bilang isang pamamaraan upang maprotektahan ang
nanganganib na awtonomiya ng mga mamimili sa harap ng nagdadagsaan at paulit-ulit na ads. _____
This paper clarifies and analyzes the ethical dimensions of advertisements. The discussion centers on the
question whether ads violate or not the autonomy of consumers, which refers to the right of the
consumers to make decisions based on their own volition and knowledge. The paper is divided into three
parts. For the first part, the paper discusses the different kinds of ads and clarifies the definition of the
autonomy of consumers. The second part presents arguments and counterarguments on how ads violate
the autonomy of consumers. The third part points out the weaknesses of the case against the claim that
ads violate consumers’ rights and autonomy. In the end the paper aims to present the critical and ethical
disposition of children as a way to protect the autonomy of consumers amidst the repetitious and
countless advertisements.

F. Katipunan
Para sa unang isyu ng Katipunan, sisiyasatin ang usapin ng espasyo sa iba’t ibang tekstong may timbang
sa karanasang Filipino. Inaanyayahan ang lahat na magpadala ng mga artikulo na susuri sa iba’t ibang
konstruksyon ng espasyong Filipino—kung paano ito replektibo ng materyal na kundisyon ng tao, o
kaya ng mga ugnayang panlipunan, o resulta ng mga prosesong kultural, pati na ang ugnayan nito sa
kosmolohiya ng iba’t ibang lugar at panahon. Maraming binabaybay na posibilidad ang naturang
larangan, kabilang na ang:
• Mga teoretikal na usaping nagtatalaga ng struktura ng pagbibigay-katuturan sa espasyo kabilang na
ang masalimuot na pagsusuri sa mga teoryang hinubog sa ibang konteksto ngunit maaaring i-angkop,
pagyamanin o baguhin sa iba’t ibang karanasang Filipino
• Problematisasyon ng kasaysayan ng paglinang ng iba’t ibang batayan ng kolektibong identidad—mula
sa tribo at pamilya, sa pagbali ng mga tradisyunal na ugnayan sa mga siyudad hanggang sa paglugar ng
masasalimuot na identidad ng mga migrante, transnasyunal at maging produktong dumudulas sa mga
hangganan ng bayan at estado
• Ang mga representasyon ng espasyo sa panitikan, pelikula at iba pang anyo na nangangailangan ng
pagpapakahulugan sa tabi ng mga usaping kultural

108 | P a g e
• Ang magkakambal na signipikasyon ng pag-asa at pagtiwalag sa modernismo sa iba’t ibang bantayog
at arkitektura
• Ang meditasyon sa mga bagay na pumupuno ng espasyo: mula sa estetika ng mga nagsisikipang
dingding at hi-way hanggang sa basurang wala dapat diyan ngunit laging nandiyan
• Ang tao at kung paano siya nawawalan ng lugar at halaga sa pag-usbong ng iba’t ibang produkto.
Dahil sa partikular na paksa ng naturang antolohiya, inaanyayahan din ang mga mga di-tradisyunal na
kontribusyon gaya ng mga photo essay at iba pang anyo na magpapahiram ng inobasyon sa anyo ng
journal na nakalimbag sa parehong papel at online. Bukod pa dito, bukas din ang Katipunan sa mga
panayam, mga pagsusuri ng aklat, pelikula, dula at iba pang anyo ng kontribusyon na makakatulong sa
dokumentasyon ng mga kaisipan hinggil sa espasyo.
G. Daluyan
Ang Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ay isang pambansang refereed journal na inilalathala
kada taon. Ang Daluyan ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at
pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang
disiplina sa wikang Filipino. Bahagi ng programang Filipino bilang wika ng saliksik, ang Daluyan ay
espasyo para sa tuloy-tuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Nagsimula bilang newsletter ng
Sentro ng Wikang Filipino ng Sistemang UP sa mga unang taon nito, 1995 nang baguhin ang anyo ng
Daluyan mula 8.5 x 11 inches tungong 5.75 x 8.75 inches at tinawag itong Daluyan: Journal ng SWF sa
mga Talakayang Pangwika na inilalathala dalawang beses isang taon. Sa unang isyu nito itinampok ang
mga artikulo kaugnay ng gawaing pagsasalin. Taong 2004 naging refereed journal ang Daluyan. Binago
ang anyo kasabay ang mga mahalagang pagbabago sa Journal. Pinararaan sa mahigpit na proseso ng
pagre-referee ang lahat ng artikulo na magiging bahagi ng Daluyan. Taong 2012, sinimulan ng Daluyan
ang paglipat mula print tungo sa online open access para sa pag-abot sa mas malawak na mambabasa. At
taong 2013, naging kabilang na ito sa accredited journal ng Commission on Higher Education. Ginawa
ring anwal ang paglalathala ng Daluyan sa taong ito. Kasabay sa panawagan ng Unibersidad na iangat
ang antas ng pamantayan ng journal sa buong unibersidad, umagapay ang SWF sa pamamagitan ng
Daluyan na magbahagi ng espasyo para sa patuloy na pagpapanday ng wikang Filipino. Bukas ang
Daluyan sa mga pag-aaral hindi na lamang tungkol sa wika kundi sa iba pang larang tulad ng arte,
humanidades, agham panlipunan, at maging agham at matematika. Bilang monolinggual na journal,
ipinapakita nito ang kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng akademya sa mga talastasan tungo sa
intelektuwalisasyon ng iba’t ibang mga larang.

109 | P a g e
18. Latest “Social Science Diliman”

The articles are “Mining or Tourism: The Development Preferences of Settlers Along
Pagatban River in Negros Oriental, Philippines” by Enrique G. Oracion; “Homestay and Tourism
in a Philippine Municipality: A Conceptual Framework for Sustainability” by Shirley V. Guevarra
and Ma. Corazon P. Rodriguez; “Student Encounters with Philippine Embroidery in a Tourism
Destination: The Case of Lumban, Laguna” by Ma. Corazon P. Rodriguez and Giovanni Francis
A. Legaspi; “Technology for a Social Cause: Formulated Emergency Relief Foods for Super
Typhoon Yolanda (Haiyan) Survivors” by Maria Patricia V. Azanza and Emil Emmanuel C.
Estilo; “The Origins of the Party-List Electoral System in the 1986 Constitutional Commission”
by Crisline Torres-Pilapil; and “”Kakaibang Halimuyak: Iba’t ibang Imahe ng Pangangapital sa
Balintawak” by Mariah Amour C. Miranda.
Oracion’s article addresses the tension between mining and tourism. This “examines how
differences in sex, farm access, income, experience with mining, and geographic variations
impact on the choices of riverine community dwellers to restore mining or promote tourism.”
Guieb writes in the Editor’s notes.
Guevarra and Rodriguez’s article presents the reworking of the homestay program into an
emerging tourism brand that considers the empowerment of local communities through
consultative interaction between university tourism students and selected homeowners in
Sariaya, Quezon.
Rodriguez and Legaspi’s article focuses on the interactive experiences to a place of both the
tourists and its dwellers. Guieb writes, “Such encounters with place, framed within and outside
the confines of pre-encounter and post-encounter mental maps of destinations, serve as
important tools in proposing an alternative approach to the design and implementation of
tourism activities that place a premium on shared affect with artifacts—embroidery in this
case—between locals and nonlocals.”
Meanwhile, Azanza and Estilo’s research according to Guieb, “illustrates how university-based
laboratory trials of ready-to-eat and rice-cornstarch noodle products were formulated and
packaged as emergency relief foods.” As Pilapil’s article “details how the framers of a
controversial constitutional provision advanced and shifted their views and proposals about
proportional representation in electoral politics.”
Finally, Miranda’s article “explores the divergent iterations of the lived contradictions of a
place.”
In related news, Guieb also announced this is his last issue of “Social Science Diliman” as
editor-in-chief.—Mariamme D. Jadloc

110 | P a g e
19. Humanities Diliman January-June 2018

(May 10)— “Humanities Diliman: January to June 2018 issue” (HD Vol. 15 No. 1) is now available
online.
The latest issue of UP Diliman’s (UPD) official internationally-refereed journal in the Arts and
Humanities has six articles and one book review.

The articles are: “Luwa: Entanglement in the Origin, Form, and Meaning of Balayan’s Oral
Tradition” by Aidel Paul G. Belamide; “Figuring the Figures of Speech in the Acehnese Traditional
Song Lyrics” by Ika Apriani Fata, Yunisrina Qismullah Yusuf, and Lia Novita Sari; “Pag-iimahe sa mga
Batang Katutubo sa Ilang Piling Panitikang Pambata: Sipat at Siyasat sa Diskursong ‘Tribu’” by Mary
Jane Rodriguez-Tatel; “Ediciones de la traduccion al tagalo de la obra de Samuel Tissot el control de la
salud publica en Filipinas en el siglo XIX” by Susana María Ramírez Martín; “Emerita Quito, Mary
John Mananzan, and Filipina Philosophy: A Critical Comparison of the Thoughts of the two Leading
Female Philosophers of the Philippines” by Feorillo Petronilo A. Demeterio III and Leslie Anne L.
Liwanag, and “Introducing Cultural Weight as a Tool of Comparative Analysis: An Emotioncy-Based
Study of Social Class” by Reza Pishghadam, Golshan Shakeebaee and Shaghayegh Shayesteh.

Dr. Patrick F. Campos, the journal’s editor-in-chief, said “The present issue signal’s Humanities
Diliman’s expansion in scope from being a journal devoted solely to Philippine studies to being a
Philippine journal on the humanities in general.”

Campos noted that the journal features articles that “consider not only Filipino cultural forms and ideas,
such as the theatrical tradition in Batangas, Filipino children’s literature, and women philosophers in the
Philippines, but also the lyric tradition in Aceh, the translation history of a French medical text, and a
proposed research tool for comparative cultural studies emanating from Mashhad.”

Belamide’s paper is an exploratory research on the origin and forms of “luwa,” a poetic performance
held in honor of a patron saint in Balayan, Batangas. It uses the concept of “entanglement” as an
alternative to hybridity and aims to “assess the significance of the luwa as both a colonial and post-
colonial cultural form.”

The article of Fata, Yusuf and Sari is a descriptive study on the literature of Acehnese traditional song
lyrics which also reflects the context of their culture, belief and life. The authors analyze eight songs
based on the 11 figures of speech proposed by Kennedy and aims to investigate the “use of figures of
speech in Acehnese traditional song lyrics.Tatel’s study probes into the nuances of ‘tribe’ as it
underwent the process of textualizationand reproduction from the colonial to the post-colonial
context.The author also notes that it aims to “contribute to the emerging discourses in children’s
literature as it intersects with the politics of representation and ethnicity.”
According to Campos, Tatel assesses 15 stories for children from the 2000s “to verify if the colonial
image of the tribe has been perpetuated into the new century or if contemporary writers have put

111 | P a g e
counter-discursive images forward.”Martin’s paper analyzes the evolution of the translation made on the
work of Samuel Auguste André David Tissot, one of the more important hygienist medical doctors of
the second half of the 18th century. The author traces the “historical geographical, and linguistic
itineraries of the controversial medical text” by Tissot. Martin particularly focused on the Tagalog
translation of Tissot’s book printed in the Philippines by a priest, Manuel Blanco which was edited three
times (1823, 1831 and 1884) before the Philippines was occupied by the Americans and after the
Spaniards left the archipelago (1916).

In the article of Demetrio and Liwanag, Campos said the authors contribute to the literature of male-
dominated Philippine philosophy by situating the work of two Filipina philosophers of contemporary
times, Emerita Quito and Mary John Mananzan and contextualizing their philosophies as the main
discourses of Filipino philosophy and Philippine society.

The authors use the dialogical hermeneutics of Martin Heidegger and Hans-Georg Gadamer, this paper
aims at a deeper understanding of their thoughts through a critical comparison.

In the article of Pishghadam, Shakeebaee and Shayesteh, the authors proposed in their study the use of
sensory concept of emotioncy (emotion + frequency of senses) and also attempt to introduce cultural
weight as a new comparative tool in cultural studies. To provide empirical support for the proposed
concept, the authors apply these concepts in an empirical study on the attitudes of over 300 Iranians
from different social classes on a number of religious concepts.

The editor notes that considering the diverse topics in the journal, “we gain a sense of the promises as
well as the possibilities of a comparative approach to the humanities.”

“By expanding the scope of Humanities Diliman, the hope and the goal are for the journal to contribute
to a wider cross-cultural dialogue that would sharpen all of our readers’ and contributors’ sensitivity to
what is common among us in our humanity and how are differences are what move us to continually
create shared places,” Campos added.

Meanwhile, the journal also featured Eileen Legaspi Ramirez’s book review of “Weaving Cultures: The
Invention of Colonial Artand Culture in the Philippines, 1656-1850” written by René B. Villanueva, SJ.

Humanities Diliman is an awardee of the Journal Challenge Grant through the Journal Incentive
Program of the Commission on Higher Education. It is also a Scopus-indexed journal and is available
via www.doaj.org and www.ebsco.com and has been listed in the ASEAN Citation Index
at http://www.asean-cites.org/index.php?r=contents%2Findex&id=9.
The members of the editorial board are: associate editors Dr. Leah Enkiwe-Abayao (UP Baguio), Dr.
Ramon G. Guillermo (UPD), Dr. Carolyn S. Hau (Kyoto University), Dr. Scott Contreras-Koterbay
(East Tennessee State University), Dr. Ruth Jordana L. Pison (UPD), Dr. Helen Yu Rivera (UPD), Dr.
Matthew M. Santamaria (UPD) and Dr. Rolando B. Tolentino (UPD); managing editor Dr. Gonzalo A.
Campoamor II, editorial assistant Epifania M. Domingo, layout artist Dercylis G. Mararac, and copy
editors Arvin A. Mangohig and Eilene Antoinette G. Narvaez.

112 | P a g e
For the list of the members of the international advisory board, click here.

To inquire about the journal’s printed version, contact the Office of the Vice Chancellor for Research
and Development (OVCRD) at (02) 981-8500 local 4048 or (02) 436-8720.

20. Philippine e-Journals is Now Accessible in UP Diliman


The Philippine E-Journals is an expanding collection of academic journals that are made accessible
globally through a single Web-based platform. It is hosted by C&E Publishing, Inc., a premier
educational publisher in the Philippines and a leader in the distribution of integrated information-based
solutions which include e-learning products, library automation and interactive media systems, and
online library resources containing databases, e-books, and online journals.

Below are journal titles with full-text contents accessible within UP Diliman:
1. Agham
2. Arellano University Graduate School Journal
3. College of Arts and Sciences Research Journal
4. DDC Professional Journal
5. DLSU Dialogue: An Interdisciplinary Journal for Cultural Studies
6. DLSU Engineering Journal
7. Faculty Research Journal
8. IDEYA: Journal of the Humanities
9. Journal of Business, Education and Law
10. The Journal of History
11. Journal of Research in Science, Computing, and Engineering
12. The Lamp
13. Liceo Journal of Higher Education Research
14. The Magus
15. Malay
16. Nursing Research Journal
17. Ang Pantas
18. The Paulinian Compass
19. Philippine Journal of Veterinary and Animal Sciences
20. Philosophia: International Journal of Philosophy
21. The Trinitian Researcher
22. The Trinitian Student Researcher

113 | P a g e

You might also like