Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Lupang Hinirang
Ang musika ng Lupang Hinirang ay nilikha ni Julian Felipe taong 1898. Ito ay ayon sa kautusan ni Aguinaldo, upang gamitin sa kaunaunahang pagproklama ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.

Samantala, ang titik naman nito ay isinulat ni Jose Palma sa wikang kastila noong 1899. Una itong tinawag na Marcha Filipina Magdalo ngunit naging Marcha Nacional Filipina nang hirangin bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas

Marcha Nacional Filipina ni Jose Palma


Tierra adorada Hija del sol de Oriente, Su fuego ardiente En ti latiendo est. Tierra de amores! Del herosmo cuna, Los invasores No te hollarn jams. En tu azul cielo, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad. Tu pabelln, que en las lides La victoria ilumin, No ver nunca apagados Sus estrellas ni su sol. Tierra de dichas, del sol y amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una gloria para tus hijos, Cuando te ofenden, por ti morir.

Lupang Hinirang
*Nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; ang pinakahuling salinwika ng 1962 Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay. Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, 'Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Republic Act of 8491 Flag and Heraldic Code of the Philippines

Lupang Hinirang
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng puso, Sa Dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang
Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, Di ka pasisiil.

Lupang Hinirang
Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula, At awit sa paglayang minamahal.

Lupang Hinirang
Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya, Kailan pa ma'y di magdidilim,

Lupang Hinirang
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo, Aming ligaya na pag may mang-aapi, Ang mamatay ng dahil sa iyo.

Republic Act of 8491 Flag and Heraldic Code of the Philippines Kailangang ang lahat ay umaawit Sumaludo sa pamamagitan ng paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib Humarap sa bandila habang umaawit, kung wala naman humarap sa tagakumpas o tumutugtog Tumayo ng tuwid habang umaawit Tumigil sa paglalakad habang tinutugtog ang Pambansang Awit.

1. 2.

3. 4.

Kailan tinutugtog o inaawit ang Pambansang Awit? Tuwing may kumpetisyon, lokal man o internasyonal Sa pagsisimula at pagtatapos (signing on and signing off) ng mga programa sa radyo at telebisyon Sa pagbubukas at pagtatapos ng mga palabas sa sinehan o teatro Iba pang opisyal na okasyon

Halinat awitin natin ang Lupang Hinirang!

You might also like