Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri: Elemento ng Maikling kwento Tauhan : Lian-Chiao Siya ang asawa ni Li Hua na nakakaranas ng pang-aabuso at maraming klase ng pagmamalupit

t at mga dagok sa buhay dahil sa mga pinaggagagawa ng asawa. Mukha siyang Kaawa-awa dahil sa itsura nito. Pagod, bugbog at iba pa ang iyong makikita sa munti nyang mukha. Nagdadalang tao rin siya at may inaalagaang dalawang anak habang patuloy pa din sa pagtratrabaho na may bahid ng takot. Li Hua Siya ang asawa ni Lian Chao. Naparami nitong bisyo sa buhay gaya ng pagsusugal, paglalasing, Paghithit ng opyo, Pagpunta sa bahay-aliwan. Isa Siyang malupit na asawa at ama, isang taong halang ang bituka dahilan sa walang syang malasakit sa pamilya bagkos puro bisyo ang kanyang inatupag. Siao Lan Ang bunsong anak nila Lian Chao at Li Hua. Tatlong-taon pa lamang ito kung kayat nangangailangan pa ng pag-aaruga, pero kahit sa musmos nyang idad, nagagawa nyang tulungan ang kanyang Ina na si Lian Chao. Ah Yue Siya ang Panganay na anak nila Lian Chao at Li Hua. Isang ulirang anak at kapatid na batak din sa pagtratrabaho gaya ng ina. Isa rin sya sa nagdudusa sa mga kalupitan ng Ama na si Li Hua. Matabang Babae Siya ang Maybahay ng may-ari ng kapihan sa kwento. Siya ang nagbukas ng pinto matapos kumatok ni Lian Chao ng malakas. Lunan: Maari kong sabihin na sa Malaysia din ang pinagmulan nito dahilan sa mga ginamit na ilang kataga o mga talasalitaan sa kwento. Mayroon din namang mga tagpo sa kanilang Bahay at Hsiang Chi Coffee Shop. Punto de Bista: Mala-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point Of View) Tema : Kalupitan at pang-aabuso. Damdaming hindi maiwaksi ng iyak dahilan sa mga dinaranas sa buhay. Tunggalian: Tao laban sa Kapwa-tao. Banghay : Simula : Ang kwento ay nagsimula sa pagbibigay ng ilang detalye sa panahon o kung anung ilang nakikita sa kapaligiran. Kakatapos lamang ng paglalaba ni Lian Chao matapos ay marahang tumayo sa tabi ng balon. Sandali syang napapikit nang maramdamang tila may bituing lumilipad sa harap niya.

Saglit na kasiglahan : Sa kabila ng pagod ay gising na gising parin ang kanyang isipan. Ang mga lumipas ay gumugunita. Ang mga lumipas na panyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa lambak, naaanod, naanodkasinggaan ng usok, ang larawan ng ina ang namumukod na lumalantad. Kasukdulan: Ang buong pamilya ni Lin Hua ay dumaranas ng pang-aabuso at kalupitan sa kamay niya. Masyadong masalimuot ang buhay ng mag-iina, maituturing na isang matinding bangungot ang mga kaganapan sa buhay ng mag-iina. Maituturin din na isang kasukdulan ang panganganak ni Lin Chao, na buong pagod niyang tinalunton ang daraanan makarating lang sa Kapihan kung saan nandoon ang asawa. Kakalasan: Matagumpay nyang narating ang Kapihan kung saan naroon ang asawa. Subalit di lamang ito nagpakita ng pagkahabag sa asawa na malapit na manganak bagkus ay patuloy pa din sa pagsugal. Naisakay na si Lian Chao sa kotse papuntang ospital at nakita nya ang kanyang dalawang anak sa daanan dahil daw sa umiiyak ito ang bunsong anak sa kahahanap sa kanya. Wakas : Patuloy ang kaligayan at gulo ng mga pitsa sa gabing iyon. Malamig na Kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Si Ah Yue kasama ang antok na kapatid, mabagal na nagatubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay matapos ang paguusap nila ng kanyang ina, nasabi nyang dadalaw sya sa kanyang ina sa ospital.

You might also like