Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jhonie Marcos BCR 2-1 Komersyalisasyon ng Edukasyon sa Pilipinas

Nandudumilat na realidad an gating kinakaharap ukol sa ibat ibang isyung pangedukasyon. Hindi natin maitatangging isang malaking gastusin sa isang mamamayang Pilipino ang pagtatamasa ng edukasyon sa ngayon. Tinuturing man na mga ISKOLAR NG BAYAN, hinding-hindi pa rin tayo makata-takas sa komersyalisasyon ng edukasyon sa bansa. Business as usual.Yan ang litanyang mistulang namumutawi sa mga labi ng mga kapitalista na ang tanging hangad lamang ay kumita. Ang pagbebenta ng edukasyon na katulad ng anumang kalakal ito ang tinatawag na komersyalisasyon ng edukasyon. Sa kasalukuyang panahon, ang edukasyon sa bansa ay para lamang sa may kakayahang magbayad. Mistulang komoditi, ika nga. Ang tuloy-tuloy at taon-taong pagtaas ng matrikula sa ibat ibang pamantasan ay nangungunang patunay ng nagaganap na komersyalisasyong ito sa bansa. Sa katunayan, walo sa pinakamalalaking pamantasan sa university belt ay palaging nasa top 1000 na korporasyon sa bansa. Patuloy din ang nagaganap na budget cut sa mga State Universities and Colleges(SUCs) kung saan tayo ay napapabilang. Ang sapat at tamang subsidyong dapat sanay ibinibigay ng gobyerno bilang suporta sa atin napabayaan na. Taon-taon ngay 10-30% ang pumapatak na budget cut sa mga SUCs. Sadyang nakalimutan na nga yata nila na ang edukasyon ay isa sa pangunahing daan tungo sa tagumpay at tuwid na landas na hangad ng ating pangulo. Tanggapin nating walang magpoprotesta kung walang dapat iprotesta. Kabi-kabilang demonstrasyon ang nagaganap sa ating pamantasan dahil sa komersyalisasyong ito na talaga namang may napakalaking epekto sa atin. Ginagawa lamang nila ito upang silay mapakinggan ng ating pamahalaan upang resolbahin ang naturang usapin. Naway bigyan ng kontrol ng tamang kinauukulan ang mga pribadong pamantasan sa pagtaas ng matrikula nang sa gayoy mas maraming estudyante na ang hindi mapipilitang huminto sa pag-aaral. Mariing na tutulan ang patakarang no permit, no exam. Nararapat na mas pag-igtingin pa ng Department of Education ang kanilang kampanya ukol sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kalidad ng edukasyon sa buong bansa. At, kung papakinggan lamang ng Commission on Higher Education ang hinaing ng mga mag-aaral, hindi malayong mabibigyang solusyon ang problemang ating kinakaharap. Sa huli, mananatiling biktima tayong mga kabataang Pilipino kasamang ng ating mga magulang at nagpapa-aral sa atin. Tayo ang papasan sa bigat ng mga matrikula at bayarin habang sila na mga kapitalista ay mas lalo pang nagpapayaman.

Oo ngat wala nang libre sa panahong ito. Ngunit, kung karapatan ang ating pag-uusapan, ang edukasyon ay dapat matamasa nino mn mayaman o mahirap, may kakayahan mang magbayad o wala. Muli, bilang isang Iskolar ng Bayan, naniniwala akong komersyalisado na ang edukasyon sa ating bansa at nararapat lamang na ito ay mapigilan at tuluyan nang iwaksi.

You might also like