You are on page 1of 4

Frauline C.

Tadle 2011-04813 Araling Pilipino 12 31 Hulyo 2012 Hudhud at Aliguyon: Mga Yaman ng Bansa Reaksyon Ukol sa Epikong Salamin ng Kahapot Pagkatao Isa siya sa mga pinakapipitagang Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas. Patuloy na iginagalang ng maraming hereasyon ng mga mag-aaral at propesor. Kilalang kritiko, manunulat, nasyonalista at tagapagtanggol ng pang-akademikong kalayaan. Sa kanyang pagbibigay pagpapahalaga sa mga akda ng mga baguhang manunulat, isang programa hinggil sa Literaryo at Kultura ng Pilipinas ang isinagawa. Sa pangunguna ng Department of European and Comparative Languages ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, sa kanyang ika-100 na kaarawan, isang pagpupugay para kay Propesor Leopoldo Yabes ang inialay.. Bilang bahagi ng nasabing programa, ibinahagi ni Li Jia ng Kolehiyo ng Musika ang ginawa niyang pag-aaral na pinamagatang Hudhud and the Philippine Oral Tradition: A Revisit to Aliguyon. Sa kanyang pagsasaliksik, muling nabigyan ng bagong liwanag ang Hudhud bilang isang genre ng mga epiko hinggil sa mga bayani ng Ifugao. Itinuturing ito at ang Darangen ng Mindanao bilang mga Philippine masterpiece of oral and intangible heritage ng UNESCO (Lee n.d.) noong Marso 18, 2001 sapagkat tinatalakay nito ang ibat ibang anyo ng panitikang Pilipino na salamin ng buhay ng mga mamamayan ng Cordillera. Isa sa mga epikong Hudhud ay

nagsasalaysay tungkol sa kagitingan at kalakasan ng karakter na si Aliguyon. Naipapakita ng mga epikong gaya nito ang ilan sa mga katangiang likas sa kultura ng mga Pilipino tulad ng paggalang sa mga nakatatanda, ang pagtingin sa kasarian bilang instrumento ng pagtapos sa hidwaan at ang kakayahang mabigyang pagpapahalaga ang magagandang katangian ng katunggali. Ang mga epikong Hudhud ay ilan lamang sa mga yamang nararapat pakaingatan. Kabilang ito sa mga mabibilang na lamang na artefak ng nakaraan na nagbibigay liwanag sa ating pagkatao bilang Pilipino. Batay na rin sa pagtalakay na ginawa ni Li Jia, kapansin-pansin ang ang dalas ng paglitaw ng mga salitang tumutukoy sa mga diyos; tandang na itinuturing na banal na simbolo at paniniwala sa milagro. Makikitang ang ugaling Pilipino na relihiyoso at naniniwala sa milagro ay malalim na nakaugat sa ating pagkatao at hindi isang impluwensiya lamang ng mga banyaga. Ang mga ugaling ito ng Pilipino ay napailalim sa proseso ng sinkritismo o syncretism ng dalawang magkaibang kultura na siyang namang sinamantala ng mga Espanyol upang higit na magkaroon ng kabuuang kontrol sa kapuluan. Sa pamamagitan ng Hudhud, nalaman natin na ang ating orihinal na kultura ay nananatiling buhay at umaaligid lamang sa tabi ng mga dominanteng banyagang kultura. Ang pagbuhay sa Hudhud at ang iba pang uri ng Panitikang Pilipino at pagpapayaman natin sa mga ito ay isang mahalagang hakbang upang muli natin mabuo ang ating pagkatao. Hindi maikakailang napakahalaga ng kontribusyon sa Wika, Panitikan at Kultura ng mga tulad ni Propesor Yabes. Sa mga adhikaing kanilang sinimulan, nakasalalay na sa ating bilang

modernong Pilipino ang pagpapanatili nito.

Sanggunian Lee, Ma. Glaiza. Enchanting Hudhud: Preserving this UNESCOs masterpiece of oral and intangible heritage. Manila Bulletin. M.b., 10 Hulyo 2010. Web. Retieved from

http://www.mb.com.ph/articles/266124/enchanting-hudhud. Retrieved on Hulyo 31, 2012.

You might also like