Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aegina Festin IV- Einstein

7 October 7, 2011

Ang Alon
Bilog ang mundo at dahil dito , walang hanggan ang pag-agos ng tubig sa mga dagat. Ang mga alon ay walang sawang humahalik sa mga baybayin at buong yuming yumayakap sa ating mga paa. Ang hindi natin alam, ang mga along ito ay napatid na rin pala sa mga taong sa atin ay nakatadhana, ang ating mga kaibigan. Ano nga ba ang kaibigan? Marami ang sumasagot, Iyong taong masasandalan mo kapag may problema ka at hindi ka iiwan. Oo, tama. At isa ito sa napakaraming mga pakahulugan ng kaibigan, depende sa taong iyong tinanong. Ngunit para sa akin, simple lang ang kahulugan nito. Ang kaibigan ay isang taong nagmamahal sa iyo. Para sa akin, matatawag pa ring kaibigan ang isang taong minsan ay wala sa atin sa oras ng kagipitan. Bawat tao ay may problema, alam nating lahat iyan. Kaya naman hindi natin masisisi na kung minsan, hindi nila tayo matutulungan, na hindi tayo maaaring makisandal sa kanila sa mga oras na ito. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi na natin sila mga kaibigan. Hindi ibig sabihin na hindi na sila maaasahan at hindi ibig sabihin na hindi nila tayo mahal. Kailangan rin nating umunawa na hindi palaging nandiyan ang mga taong ito. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang buhay at minsan kailangan rin natin mag-isa hindi lamang upang matuto tayong tumayo ng walang tulong mula kanino man, kundi upang matuto rin tayong maging isang tunay na tao na puno ng pag-uunawa at pagmamamahal. Hindi rin lingid sa ating kaalaman na may mga taong mas nararamdaman ang tunay na kasiyahan at pagmamahal sa piling ng kanilang mga kaibigan, at hindi sa kanilang pamilya. Hindi natin sila masisisi sa kanilang mga paniniwala kung puro pagluha, lungkot at pait ang kanilang nararanasan at nararamdaman sa kanilangmga tahanan. Iyong para bang wala ng puwang ang kasiyahan sa kanilang mga puso sa tuwing sila ay nasa loob nito. Kaya naman sana maunawaan natin kung bakit may mga taong higit pa sa pamilya ang turing at pagmamahal sa kanilang mga kaibigan, ang mga taong nagbibigay sa kanila ng ganap na kapayapaan. At kung makita mo man ang maputla at maluha-luhang pulang sinag ng araw sa kanluran at lumingon ka sa silangan, hindi mo mapipigilan ang marahang paglubog nito. Kaya naman, pagmasdan mo na lamang ang mga kutitap ng dagat at ang bawat butil ng tampisaw ng mga alon. Dito siguradoy makikita at mahihinuha mo ang pinakahihigit sa lahat at siyang tunay, ang maylalang ng kalikasan at ng lahat ng bagay, ang Diyos.

You might also like