Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mang Kadyo

Tirik na ang araw, ang init na dala nitoy humahapdi at nanunuot sa kulay kapeng balat ni Mang Kadyo. Asul na asul ang malawak na karagatan na parang walang katapusan.. Malamig ang simoy ng hangin, napakapresko. Banayad ang daloy ng dagat na parang isinasayaw ng dagat ang maliit na bangka ni Mang Kadyo na kung titignan ay malapit nang masira sa kanyang kalumaan. Ang malas naman ng araw na ito oo. Iiling-iling nalang iniahon ni Mang Kadyo ang kanyang lambat. Dalawang maliit na isda nagpupumiglas ang nakita niya sa kanyang lumang-lumang lambat. Marahil ay nakatakas na ang ilang huli niya dahil sa butas-butas niyang lambat. Ang aga ko na ngang pumalaot para mangisda di man ako sinuwerte ng marami-raming huli, ang kanyang nasabi sa sarili ng may kunot sa noo. Batid sa kanyang nangungulubot na mukha ang pakadismaya. Gamit ang sagwan ay nagsimula na niyang ikumpay ito pabalik sa dalampasigan. Siguradong gutom na ang pamilya ko ngayon, nakangiting tugon nito at sinulyapan ang isdang nahuli. Sa dalampasigan ay nakita niya ang dalawa niyang anak na naglalaro sa buhanginan na magkamukhang-magkamukha maliban na lang sa kanilang gulanit at maduming damit, marahil ay matagal-tagal na ring naglalaro ang mga ito. Puno ng halakhakan ang dalampasigan sa ingay ng mga bata na kung dati ay ang malakas na bagsak ng alon sa dalampasigan ang naririnig. Nakita niya ang isa niyang anak na may isinusulat sa buhangin gamit ang kahoy na inihatid ng humalik na alon sa dalampasigan. Ngunit nang may nakitang paparating na malaking alon na animoy kakain sa dalawa niyang paslit ay nagtitiling lumayo ang mga ito kasunod nito ang unti-unting pagkabura ng isinulat ng kanyang mga paslit sa buhanginan. Sabay pang napabulanghawit nang tawa ang mga ito sa nasaksihan. Makikita rin sa mga inosente nilang mukha ang pagkamangha. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa bibig ni Mang Kadyo sa nasaksihan.

Gamit ang buong lakas hinila ni Mang Kadyo ang maliit niyang bangka sa dalampasigan. Tumatanda na yata ako, ang kanyang naisaloob at sinundan niya ito ng munting halakhak. Letty! Betty! Halika na kayo nang makauwi na tayo! Nagtitiling lumapit ang mga paslit sa ama at tig-isang pumulupot sa hita ng kanilang ama. Itay may nahuli kayo? Marami po ba kayong nahuli Tay? Sasama kami ulit sa paglalako ng mga nahuli mo Itay. Bahagya ang pagngiti ni Mang Kadyo sa kanyang mga anak na ngayoy nagtatalo na kung sino ang mas magaling magbenta ng mga isda. Kalungkutan ang makikita sa abuhing mga mata niya. Ay ang mga paslit ko, sa mga murang edad niyo ngayon ay nakakain na kayo ng ating naghihirap na pamumuhay. Tinignan lang siya ng kanyang mga anak at nginitian na animoy naintindihan nga ang pagsesentimyento ng ama. Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi naging maganda ang huli ngayon mga anak. Ayaw magpahuli ng mga isda e. Wala kayong nahuli tay? Dalawang maliliit na isda lang mga anak , at bahagya niyang itinaas ang timbang lata na pinaglagyan niya ng kanyang nahuli. Sige, halina na kayo at baka kanina pa naghihintay sa atin ang inyong Inay.

Bitbit ang timba ay nagsimula na silang maglakad. Habang ang dalawa niyang paslit ay nakapulupot parin sa maliliit na binti ng kanilang ama na kung titignan ay takot na maihiwalay ang mga ito sa ama. Malayo pa sila ay tanaw na niya ang kanilang maliit na kubo. Yari sa nipa ang bubong ng bahay at pinagtagpi-tagping kalawanging yero ang nagsisilbing dingding nito. Sa isang bahagi ng bahay ay may isang pula-pulanit na tela na nagsisibing bubong ng kanilang kusina, kung matatawag nga itong kusina dahil isang mesa lang na gawa sa kahoy ang naroroon. Nagkalat sa paligid ng kanlang bahay ang mga latang lagging pinaglalaruan ng kanyang mga anak. Sa gawing likuran ng kanilang bahay an ang paliguan na napapalibutan ng pinagtagpi-tagping sako. Pumasok sila sa nag-iisang kuwarto ng bahay at doon nakahiga sa sahig ang maybahay ni Mang Kadyo, si Aling Marga. Magulo ang pagkakapusod ng maitim niyang buhok, ang baro nitoy nakalaylay na sa kanyang balikat halatang malaki ang damit nito para sa kanya at maputla rin ito at kakikitaan ng paghihina. Nang makita niya ang mag-aama na pumasok tinagka niyang tumayo ngunit inihit siya ng ubo. Kita ang pag-aalala sa mukhani Mang Kadyo nang daluhan nito ang kanyang asawa. Sabi ko na nga sa yo wag ka munang magkikilos. Mahina ka pa. Inutusan niya ang kanyang mga anak na kumuha ng tubig, nagtatatakbo naman ang mga ito na kumilos. Kadyo pasensya na at malaki na akong abala sa inyo. Walang makitang ekspresyon sa mukha ni Mang Kadyo. Mula kasi ng magkasakit ako wala na akong magawa. Inubo na naman ang ginang, inabot naman ng mga anak niya ang tubig na pinakuha ng ama nila kanina. Mga bata pa ating mga anak ayoko naming sa mura nilang isipan ay maisiksik ang kahirapan natin sa buhay, ang kanyang sambit sa pagitan ng pag-ubo. Bahagyang sinulyapan ni Mang Kadyo ang mga bata na. Wag kanang masyadong magalala Marga, sarili mo dapat ang inaalala mo. Kailangan mong magpagaling, sagot ni Mang

Kadyo habang hinahagod ang likod Aling Marga. May lagnat kapa rin pala. Sandali lang at iluluto ko ang nahuli kong isda para naman makakain kana at magkalakas ang iyong katawan. Salamat Kadyo, mahinang usal nalang ni Aling Marga sa asawa. Bahagyang tango lang at matipid na ngiti ang naisagot ni Mang Kadyo. Sandal pang pinagmasdan niya ang kanyang mag-iina bago tumalikod na palabas ng maliit na silid. Sina Letty at Betty naman ay naiwan sa tabi ng ina. Napagpasyaang isigang ni Mang Kadyo ang isda para may mainit na sabaw na maiinom si Aling Marga. Iniluto niya into gamit ang nangngitim na nilang kaserola. Iniinit narin niya ang natira nilang kanin kagabi. Wala na rin pala kaming bigas, makikisuyo na lang ulit ako kay Mang Karlos nito. Sanay pautangin niya ulit ako, naisaloob niya. Ano kayang kinabukasan ang maibibigay ko sa aking mga anak. Mga bata pa sila at wala silang karapatan na danasin ang kalupitan ng tadhana. Nailuto na ni Mang Kadyo ang ulam ng gulantangin siya ng sigaw ng kanyang mga anak dahilan upang maputol ang kanyang malalim na pag-iisip at paninisi sa sarili. Itay si Inay!, batid ang takot sa sigaw na iyon ni Letty. Bakit anong nangyari?, pasigaw niyang tanong habang tinungo ang silid ng asawa. Gulat na gulat siya sa nasaksihan, parang tinutusok ang kanyang puso ng pagkadami-daming karayom. Nanghihina ang kanyang asawa at inuubo ng dugo. Ang mga anak naman niya ay umiiyak sa tabi nito habang pinupunasan ang dugong inilalabas ng ina. Itay si Inay, tawag ni Betty Doon lang niya nakuha ang ibig sabihin nito. Agad niyang binuhat ang kanyang duguang asawa. Dadalhin niya ito sa ospital sa baryo. Sumama naman ang kanyang dalawang anak. Mabuti nalang at may nagmagandang loob na isakay sila sa kanyang karitela.

Ngunit pagdating nila sa ospital ay agaw buhay na ang kanyang asawa. Naghihingalo na ito habang inaasikaso ng mga nakaputi si Aling Marga, hindi magkanda-ugaga ang mga ito. Nanghihinang napasandal siya sa kanyang kinatatayuan. Makalipas ang ilang minuto ay itigil na ng mga ito ang kanilang ginagawa sa asawa. Bahagyang tumingin ang lalaking nakasuot ng puting roba sa kanya, wala siyang nabasang anuman sa mamuti-muting mukha nito. May mga ilang sinabi pa ito sa kanyang mga kasamahan pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. Kayo po ba ang asawa ng ginang? Ah, ako nga po anong nangyari sa asawa ko? Ilang segundo bago muling nagsalita ito ngunit para sa kanya ay kaytagal ng kanyang hinintay. Nanghihinang napadaus-dos siya sa kanyang kinatatyuan. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Sapo ang ulo ay para siyang nakatingala sa kawalan. Ni wala na siyang naintindihan sa mahaba-habang eksplenasyon ng kausap niya kanina. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ayos na iyon bago niya narinig ang mumunting tawanan sa labas ng ospital. Kilala niya ang mga tinig na iyon. Parang musika iyon sa kanyang pandinig. Unti-unti siyang tumayo at tinanaw ang mga ito. Ang kanyang mga paslit nasa kandungan ng isang babae at lalaki sa ikinikilos ng mga itoy mukhang mag-asawa ang mga ito. Sinusubuan pa ng mag-asawa ang kanyang mga anak at nakikita niyang aliw na aliw ang mga ito sa mga bata. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Para ito sa kinabukasan niyo mga anak , kanyang nasabi kasabay ng mumunting butyl ng luha na naglandas sa kanyang mukha.

You might also like