CWTS Final Paper Martial Law

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Group: Street Children 1 Members: Chelsea Canales, Justin Castro, Marte Caronogan, James Chua, Janika Chua, Anne

Co, Jomac Conty, Andreana Coronel Mabel Cortez, Celina Crisanto, Brian Cruz, Camille Cruz

CWTS July 16, 2012

Batas Militar Ang Batas Militar, o mas kinikilala bilang Martial Law sa Ingles, ay isa sa mga pinakamadilim na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinatag ito noong 1972 at tumagal hanggang 1981 sa pamumuno ni Pangulong Marcos. Maraming kaguluhan at pangaabuso ang naganap sa panahon na ito, at itoy nagresulta sa pagkamatay at pagkawala ng libu-libong mamamayan. Hindi man siya naging mabuting panahon para sa bansa, ngunit marami pa rin namang aral ang mapupulot natin mula rito. Ang isa sa mga importanteng grupo noong panahon na ito ay ang mga aktibista. Sila ang lumaban sa pamahalaang Marcos para sa katarungan, at sila rin ang nakaranas ng pinakamalupit na pang-aabuso noong panahon na iyon. Sila ay binubuo ng maraming tao mula sa ibat-ibang antas ng buhay. Halos lahat ng uri ng tao ay sakop dito, kabilang na ang mga estudyante, guro, propesyonal, mayaman, mahirap, at marami pang iba. Ngunit hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa ganitong uri ng protesta. Narito ang ilang mga pahayag ng mga estudyante ukol sa pagiging aktibista noong panahon ng Martial Law.

Ako ay magiging makatotohanan; hindi ako magiging aktibista at sasali sa mga aklasan laban sa pamahalaan kung ako ay nabuhay noong panahan ng Martial Law. Ngunit, hindi ibig sabihin na ako ay magiging isang ignorante. Naniniwala ako na ang pagiging isang aktibista ay hindi lamang ang paraan upang maging isang responsableng mamayanan. Mayroong ibang mga paraan na pwedeng gawin tulad nang pagtulong sa mga nawalan ng tirahan at walang makain sa panahon na iyon. Ang simpleng pagbigay ng pagkain at alalay sa mga nangagailangan ay isang pagpapakita ng pakikiramay sa mga bikitima ng malupit na mga karahasan. Kung ako ang tatanungin, hindi ko makakayang maging isang aktibista noong panahon ng Martial Law. Ayon sa mga kuwento ng mga taong nakaranas ng karahasan sa ilalim ng batas na ito, naging napakahirap mabuhay bilang aktibista noong panahong iyon. Sila ay labis na inabuso at pinahirapan. Sa kanilang pakikipaglaban para sa kalayaan, sila ay nawalan ng mga karapatan. Hindi ko man piliing maging aktibista noong panahong iyon, hindi ibig sabihin nito ay ipagkikibit balikat ko na lamang ang mga maling nangyayari sa aking paligid. Sa aking tingin, may iba pang paraan maliban sa pagiging aktibista upang ipakita ang pakikiisa laban sa hindi makatarungang pamamahala noon. Hindi po ako magiging aktibista. Alam ko po yung mga naranasan ng mga akitibsta noong panahon ng Martial Law. Uunahin ko lagi ang kapakanan ng pamilya at magulang ko kaya hindi ko ipapahamak ang sarili ko. I won't let my parents have to experience losing their (only) child. Kapag nababasa ko ang masasamang mga ginawa sa mga aktibista, iniisip ko na kung ako ay nabuhay noong Martial Law, hindi ako magiging aktibista sapagkat ang pagkokontra sa gobyerno sa

pamamagitan ng pagrally ay magreresulta lamang sa mga mararahas na parusa. Susubukan ko tulungan ang mga nasasaktang Pilipino sa pagbigay ng mga donasyon at paghanap ng paraan upang malaman ng buong mundo ang katotohanan. Dapat gumamit ng mapayapang paraan upang kontrahin ang kasamaan.

Mula sa mga pahayag na ito, masasabi ba natin na hindi masyadong tumalab sa puso ang mga nabahaging kuwento tungkol sa paghihirap at pang-aabuso na naganap noong Batas Militar? O di kayay may tamang punto ang mga estudyante, na may ibang paraan upang makibahagi sa isang malinis at mabuting paglalaban para sa karapatan ng sambayanan? Ngunit di rin tayo makakatakas sa katotohanang unti-unti nang nawawala ang saysay ng Batas Militar at ang mga paghihirap na natamo ng mga naabuso noong panahon na iyon para sa mga huling henerasyon. Humigit-kumulang na nalalaman na lang ng mga kabataan ngayon tungkol sa Martial Law ay ang mga pagbobomba sa Plaza Miranda, ang pagiging diktador ni Pangulong Marcos, at ang pagpatay kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport. Maaaring ang dahilan para dito ay lumaki kami sa isang bansang may samut saring problema kaya hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang ating kasaysayan. Hindi sapat ang mababasa sa libro sa pangkalahatang pangyayari noong Martial Law. Kailangang mabigyang ilaw rin ang ibat-ibang pangyayari, tulad ng mga karahasang naganap para lubos na malaman ng mga Pilipino ang buong kuwento noong panahon ng Batas Militar. Maraming importanteng bagay at aral ang mapupulot ng mga mamamayan at pati na rin ng mga pulitiko mula sa karanasan ng bansa noong naitatag ang Batas Militar. Kailangang mapansin ang mga pangyayari noon dahil hindi natin alam kung kailan natin susunod na mararanasan ang mga ganitong uri ng pang-aabuso. Kailangang mahanda ang mga Pilipino para sa mga susunod na laban para sa ating karapatan, kalayaan, at kinabukasan.

You might also like