Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ang Lubid Namin

ni Mikayla Shakei Lopez

Tatlumpung taon na ang nakalilipas, ngunit di ko pa rin malimutan ang madungis at luhaan kong mukha sa palaruan matapos akong tuksuhin ng mga batang naglalaro roon, habang hinahanap ko ang aking nag-iisang munting manika na inagaw nila saking mga maliliit na kamay at tinapon sa kung-saan. Mag-isa na lamang ako ron noong mga oras na iyon. Ako, ang batang kayumanggi, maliit, at ubod ng payat ganoon kung paano nila ako tuksuhin. Magtatakip-silim na at unti-unting nauubos ang mga tao sa kalye sa barrio kung saan ako naninirahan. Naghanap sa buhanging maitim, sa damuhan paikot-ikot sa hindi naman kalakihang palaruan subalit hindi ko makita ang aking manika. Ngunit may nakahanap sakin. Bata, ano ang iyong hinahanap? Akoy bahagyang nagulat sa tinig ng batang lalaking kumausap sa akin: may katangkaran, maamo ang mukha, maputi, mga ilang taon din ang tanda niya kumpara sa akin. Nakatingin ako sa maaamo niyang mata na wariy tinatahan ako sa pag-iyak. Siyay umupo upang makaharap ako nang maayos. Nang ako mapasinghot habang nakatitig sa kanyang mukha, naglabas siya ng isang puting panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang marumi kong mukha, at saka akoy nginitian. Anong hinahanap mo? Hindi ko matanggal ang aking titig sa kanyang maamong mukha, sa kabila ng aking kahiyaan, walang-malay akong sumagot sa kanyang katanungan gayon pa man. A-ang manika ko po uutal-utal ko pang sagot. "Ah! Eh, saan mo ba itong huling nailagay o nakita? tanong niya sa akin na may mukhang umuusisa. Inagaw po sa akin iyon ng mga bata habang akoy tahimik na naglalaro. Naku, ngunit bakit naman nila ginawa iyon? wariy may pag-aalala sa kanyang tinig. Tinutukso po kasi nila na pangit daw po ako. Inakbayan niya ako at nginitian. Pero bata, hindi ka pangit! Ikaw ay magandang batang may mabuting kalooban. Halika, hanapin natin ang iyong manika bago tuluyang dumilim, hinawakan niya ang aking kamay at kamiy tumuloy sa paghahanap. At iyon ang pinakaunang beses na akoy pinuri, ninuman.
1

Nang tuluyang lumubog ang araw, naupo kami sa swing nang pinagpapawisan. Pasensya ka na, hindi natin nahanap ang manika mo. sambit niya habang pinupunasan ang kanyang noot leeg. Akoy hihingi muli ng paumanhin, hindi ko napapakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Ruben. Tawagin mo nalang akong Kuya Ben. Akoy anim na taong gulang. magiliw niyang pakilala. Tumingin siya sa akin. Ikaw, anong pangalan mo? Ako po si Amelia, tatlong taong gulang. sagot ko habang dahan-dahang dinuduyan ang aking sarili sa swing na aking inuupuan. Siyay ngumiti sakin at iniabot ang kanyang kamay upang makipagkamayan sa akin. Ikinagagalak kong makilala ka, Amelia. Si Kuya Ben. Ang aking unang kaibigan. Naku, tara nat umuwi at gumagabi na. Ihahatid na kita. banggit niya matapos tumayo. Hinintay niya akong makababa sa duyang mataas para sa akin. Kamiy tumungo na papunta sa tahanan ko. Amelia, saan ka ba nakatira? tanong ni Kuya Ben sa akin. Doon po sa tapat ng karinderya ni Manang Chaly. Kayo ho? tanong ko naman. Aba, talaga? Maaari bang itanong kung anong kulay ng inyong bakod? Maaari po. Doon po kami nakatira sa bahay na may asul na bakod. sagot ko. Asul na bakod? Naku! Eh di ang ibig sabihin nun aykapitbahay kita? sinabi niyang may sigla sa kanyang boses. Naramdaman kong kumislap ang aking mga mata. Talaga ho? natutuwa kong sabi habang nginiti ko ang una kong ngiti para sa araw na ito. Oo! Naku, magkikita pa tayo nang madalas, at kung gusto mo, maglalaro tayo araw-araw! wika ni Kuya Ben na may kasamang halakhak. Napatalon ako sa tuwa. Akala koy ngayon lang kami magkikita ng una kong kaibigan at kalaro. Sabik na akong umuwi at matulog, at magising na bukas. Sabik na akong makipaglaro kay Kuya Ben at magkaroon ng masayang araw. Nararamdaman kong mayroon akong hindi matanggal-tanggal na ngiti sa aking mga labi habang kami ay naglalakad. Nang makarating na kami sa tapat ng aking bahay, ipinaharap niya ang kanyang bag at may kinuha.

Hayaan mo akong ibigay sa iyo ito. inilabas at ipinakita niya sa akin ang isang kathang dalawang lata na may mahabang estambreng nagdudugtong sa mga iyon. Paboritong laruan namin to ng aking kaibigan, ngunit ibibigay ko ito sa iyo dahil hindi ko nahanap ang iyong manika. Sana itoy sapat na kapalit ng manika mo. siyay ngumiti ng kaunti habang nakaabot ang kanyang mga kamay na hawak-hawak ang laruan. Naku Kuya Ben, sobra-sobra na po iyan. Ang kapalit ng aking tanging kaibigan at kalaro ang aking manika ay pinalitan mo na. Ayoko rin naman pong ipamigay niyo nalang sa akin ang inyong paboritong laruan ng kaibigan mo. mga salitang umiikot sa aking isip habang nakatingin sa inaabot niyang laruan. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko ito naiwika. Tumingin na lamang ako sa kanya. Bakit? Ayaw mo ba ito? tanong niya na may halong dismaya. H-hindi po sa ganoon! A-ano lang po napayuko ako sa hiya. Siyay huminga ng malalim at ngumiti. Lumuhod siya at tinignan ako. Amelia, itong mga latang ito ay magsisilbing tulay para tayo ay makapag-usap, na para bang telepono. Kung gusto mo akong makausap, kapag ikay nalulungkot; kung gusto mong makipaglaro, tawagin mo ako gamit itong mga latang ito. Magkapitbahay lang naman tayo at mahaba naman ang sinulid nito. Kung may kailangan ka man, tawagin mo lang ako. marahan niyang tinapik ang aking balikat at saka akoy nginitian. Ayos ba iyon? Napangiti ako sa kanyang mga sinabi. Opo, ayos na ayos po! sa saya ko ang aking ngiti ay halos umabot sa aking tainga. O siya, akoy papasok na at baka akoy hinahanap na nila. Maya-maya ay aayusin natin ang mga lata sa ating mga bintana. tinapik niya nang malumanay ang aking balikat. Pumasok ka na rin at dumidilim na. winika niya sabay ngiti sa akin. O sige po Kuya Ben. Magandang gabi po sa inyo. nahihiya kong bati na sinamahan ko ng nahihiyang ngiti. Ngunit hindi ko na nagawang magpasalamat dahil sa matiniding kaumiran. Balang-araw makakahanap din ako ng pagkakataong masabi sa kanya iyon.

Naghintay akong nakaupo sa may bintana ng aking silid na nakatapat sa isang bintana sa bahay nina Kuya Ben. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago siya makarating upang maayos ang mga lata sa aming mga bintana. Nginitian niya ako at kinawayan nang akoy makita niya. Iniabot niya sa akin ang isang lata na nasa kabilang dulo ng estambreng nagdudugtong sa dalawang iyon. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga kailangan kong gawin upang maikabit ang lata sa aking bintana. Ngayon, subukan natin ang mga ito. wika ni Kuya Ben matapos naming ikabit ang mga lata. Magsalita ka sa lata, Amelia. mapitagang pakiusap niya sa akin.
3

Itinapat niya ang latang hawak niya sa kanyang tainga upang marinig ang aking sasabihin. H-hello Kuya Ben. sabi kong may halong kaunting kaba pa. Nakita kong ngumisi si Kuya Ben matapos kong magsalita na mukhang narinig niya aking sinabi. Hello Amelia! Magandang gabi sa iyo!! tugon niya sa lata at may kapuna-punang kagalakan. Nag-usap kami ng matagal-tagal gamit ang aming kathang telepono at marami kaming nalaman tungkol sa aming mga sarili. Napapangiti ako kapag naririnig ko ang kasiyahan sa tinig ni Kuya Ben tuwing siyay sumasagot. Sa pag-aakalang hindi ko na ulit makikita at makakasama ang aking unang kaibigan. Hindi man kami magkasama o magkita sa isang araw, mayroong dalawang latat isang lubid na mag-uugnay sa amin.

Kinabukasan, Lunes, kailangang pumasok ni Kuya Ben sa paaralan. Ako, bilang tatlong taong gulang pa lamang, ay hindi pa pumapasok sa eskuwelahan. Naghintay ako hanggang tanghali upang makipaglaro kay Kuya Ben. Habang wala pa si Kuya Ben ay naglakad-lakad muna ako sa paligid. Nakita ko na mayroon palang sari-sari store na negosyo ang pamilya ni Kuya Ben. Naalala ko ang isa sa mga naibahagi ni Kuya Ben sa akin kagabi na malapit siya sa kanyang mga magulang. Naupo lang ako sa tapat na kanilang tindahan hanggang sa makauwi siya. Mag-aalauna na noong siya y nakauwi. O, Amelia. Nandito ka pala. Kanina ka pa ba naghihintay? wika ni Kuya Ben pagkakita niya sa akin nang makarating siya sa kanilang tahanan. Hindi naman po. ngumiti ako nang kaunti. O sige, akoy magbibihis na muna para makapaglaro na tayo. Sige po. Aantayin ko nalang po kayo rito. sagot ko. Nginitian niya ako at nagmadaling pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Ilang sandali lang ay lumabas na si Kuya Ben na may dalang mga laruan. Tara na! masaya niyang wika. Kamiy tumungo sa palaruan at naglaro hanggang magdilim na muli. Hindi namin namalayan ang oras dahil sa sobrang kasiyahan. Nagdidilim na ulit. Ang bilis, ano? Tayo na, Amelia. sabi ni Kuya Ben. Akoy tumango at kamiy tumuloy papunta sa aming mga tahanan.

Bago pumasok si Kuya Ben sa kanilang bahay, binigay niya sa akin ang isa sa kanyang mga laruang sasakyan at ang Barbie na pinaglumaan ng kanyang ate. O Amelia, sa iyo nalang ang mga ito para may malaro ka habang hindi tayo magkasama. wika ni Kuya Ben. Ngumiti siya habang binibigay sa akin ang mga laruan. Salamat po Kuya Ben! magalak kong pasasalamat habang tinitignan ko ang mga laruan sa aking mga kamay na iniabot sa akin ni Kuya Ben. Walang anuman, Amelia. Aalagaan mo ang mga iyan para sa akin, okey? sabi ni Kuya Ben na may kasama pang kindat. Napatawa ako at tumango. Opo Kuya! O siya, tayoy pumasok na at baka tayoy hinahanap na ng mga magulang natin. wika niya. Malumanay niyang tinapik ang aking ulo at akoy ngumiti. Sabay na kaming pumasok sa aming mga bahay. Naroon ako sa aking silid makalipas ang ilang minuto matapos akong kumain ng hapunan, nilalaro ang mga laruang binigay sa akin ni Kuya Ben nang may biglang... Amelia! Amelia!! may sigaw na nanggaling sa latang nakakabit sa aking bintana. Akoy napasingap at dali-daling tumakbo patungo sa lata. Kuya Ben!! nakangiti kong wika. Anong ginagawa mo Amelia? tanong ni Kuya Ben sa akin. Nilalaro ko po yung mga binigay niyo sa akin kanina. sagot ko. Nagustuhan mo ba ang mga iyon? Sobra po Kuya Ben! Salamat pong muli! Mabuti naman kung ganoon. Walang anuman Amelia. Kuya Ben, may gusto po akong tanungin sa inyo. pahayag ko. Hm? At ano naman iyon? pausisang tanong ni Kuya Ben. Ano po bang pakiramdam nang mag-aral? ....... Mahaba ang naging usapan namin ni Kuya Ben, marami akong nalaman tungkol sa pag-aaral sa paaralan, sa mga takdang-aralin, mga pagsusulit, at iba pang bagay-bagay ukol sa edukasyon. Sabi ni Kuya Ben sa akin na sa susunod na taon ay maaari na akong pumasok sa paaralan. Akoy nasasabik nang maranasan iyon.

.................

Maraming araw at taon ang lumipas at akoy gumulang na. Sa bawat araw na nagdaan ay lagi kong kasama, kalaro, at kausap sa aming kathang telepono ang aking unang kaibigan na si Kuya Ben. Naging matalik kaming magkaibigan at sabay kaming pumapasok sa eskuwelahan at gayun din sa pag-uwi. Sa isang paaralan kami nag-aaral at isa ito sa mga sanhi kung bakit kami nagkakasama kahit na may klase. Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan salamat sa kanya. Kamiy laging magkasama tuwing recess at lunch break at marami kaming laging napag-uusapan. Habang lumalaon, ang isip ko ay gumugulang at marami akong natututunan at nalalaman habang akoy lumalaki. Habang lumalaon, napapansin ko ang inam sa kanyang ngiti, na kapag nakita koy wariy nahahawa akot napapangiti na rin. Habang lumalaon, napapadalas ang aming pagsasama at nagiging mas malapit ako kay Kuya Ben. Habang lumalaon, unti-unting nahuhulog ang aking loob sa kanya. Dahil lamang sa dalawang lata... At isang lubid, na sa araw-araw ay inuugnay kami, at mas pinapalapit sa isat-isa. Akoy nasa ikaanim na baitang, siyay nasa ikatlong taon sa mataas na paaralan. Akoy labintatlong taong gulang at siyay labing-anim na taong gulang. Ngunit ang edad ay walang halaga at isa lamang numero. Noong una pa lamang ay mawili na ako kay Kuya Ben. Hindi lamang dahil siya ang una kong kaibigan, kung hindi dahil siyay mabait, mapagbigay, at masayang kasama. Siyay nandiyan para sa akin parati, kailangan ko man siya o hindi. Siya ang pinakaunang nagsabi na hindi ako pangit. Siya ang pinakaunang pumansin sa akin. Ang pinakaunang taong nagpakita sa akin na may halaga ako. At ang pinakaunang lalaking naging mahalaga sa akin.

Kinaumagahan, oras nanaman para pumasok. Amelia? tawag ni Kuya Ben sa akin sa labas ng aming bahay. Sinilip ko siya sa bintana. Napabigla ang pagsara ko sa kurtina matapos ko itong buksan dahil hindi ko kinaya ang nag-umapaw kong damdamin pagkakita ko sa kanya. Ako lang ba to, o parang ang guwapo ni Kuya Ben sa kanyang uniporme? Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi. Akoy bihis na, palabas na rin bago ako tawagin ni Kuya Ben, ngunit nagmadali akong tumakbo papunta sa salamin para makita muli kung anong hitsura ko.
6

Naayos ko na kanina ang aking buhok, damit, mukha, ngunit nagkaroon ako ng simbuyo para ayusin ulit ito. Bago ako lumabas at salubungin si Kuya Ben tiniyak ko munang mukha akong maayos at maganda. Ayoko sanang magmukhang marungis at pangit sa harap niya, katulad ng dati. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakahawak sa busol ng pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito tuluyang inikot para mabukas ang pinto. Napangiti si Kuya Ben nang makita ako. Magandang umaga, Amelia! bati niya sa akin na may kasamang halos abot-taingang ngiti. Naramdaman kong parang lumaktaw ng tibok ang puso ko nang makita ko ang kanyang ngiti. Magandang umaga rin sayo Kuya Ben. sagot ko sa kanya habang akoy kinakabahang nakangiti rin. Tayo na. sabi ni Kuya Ben. Medyo tahimik ang paglalakbay namin ni Kuya Ben papuntang paaralan. Bakas sa kilos at mukha kong nahihiya ako. O, bakit parang tahimik ka ngayon Amelia? May problema ba? tanong ni Kuya Ben sa akin. Napansin niya ang aking katahimikan. Wala naman po Kuya. Medyo...na-ano lang po ako, napagod sa kakaaral kagabi. palusot kong sabi. Ah ganoon ba. Ngunit nakatulog ka naman ng maayos? tanong niya muli, nakatingin sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mga mata. Oo naman po. sagot ko. Napatawa siya ng kaunti at napakamot ng ulo. Naku, wag mo na nga akong kausapin na may po sa mga sinasabi mo. Napatingin ako sa kanya. Pero kuya- Kung okey lang din, huwag mo na rin akong tawaging kuya. Ayos na ang Ben. wika niya sa akin at nginitian niya ako. Nagulat ako ng kaunti sa mga kahilingan niya, pero kung iyon ang gusto niya, ay gagawin ko. Kahit ano para kay Kuya- ay, Ben lang pala. Hindi ko rin masisi ang katunayang talagang malapit na kami sa isat-isa, matapos ang maraming taong pagkakaibigan.
7

Nang makarating kami sa paaralan, nagkahiwalay na kami dahil magkaiba kami ng pupuntahan. Bago ako humanay, nagpaalam siya sa akin bago siya pumunta sa kanilang pila. O Amelia, mauuna na ako ha. wika niya. Sige. Kumaway siya bago tuluyang naglakad palayo. Umulit muli sa aking isipan ang mga nangyari ngayong umagang kasami ko muli si Kuya Ben. ... Dumating na ang oras para sa aming recess. Nakikipag-usap ako kasama ang mga kaibigan ko habang papunta kami sa canteen nang nakita ko sa sulok ng aking paningin si Kuya Ben na nakikipagtawanan at parang pinipigilan ang kaniyang mga kaibigan na itinutulak siya papalapit. Sa sobrang pagtatawa niya ay nawalan siya ng lakas upang pigilan ang pagtutulak sa kanya, at tuluyan silang napalapit, papunta sa akin. Uy, ano ba yan! tumatawa niyang sigaw sa kanyang mga kaibigang patuloy na tumutulak sa kanya. Nagulat nalang kami ng aking mga kaibigan nang bigla silang nagkagulo sa harap namin dahil sa patuloy na pagpigil ni Kuya Ben sa kanilang pang-aasar at panunulak sa kanya. Amelia, may gusto raw sabihin sayo si Ben. tumatawa nilang pahayag sa akin na pang-asar din para kay Kuya Ben. Ano ba naman kayo! naaasar na sabi ni Kuya Ben ngunit tawa parin siya ng tawa. Sabihin mo na! pang-aasar nila sa kanya. Napayuko si Kuya Ben habang nagkakamot ng ulo at may makikitang namumulang pisngi. A-ano... tila nahihiyang wika ni Kuya Ben sa akin. Ni hindi niya ako matignan sa aking mga mata. Sabihin mo na Ben. patuloy na pang-aasar nila. Ano...Amelia, gusto sana kitang... pautal-utal at nahihiyang mga salita ni Kuya Ben. Hinihintay ko ang mga kasunod ng kanyang putol-putol na pahayag. Gusto sana kitang...yayain kumain sa labas. sa wakas ay naituloy niya ang kanyang sasabihin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin, at parehas kaming nahihiya sa isat-isa.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Tinignan nila ako na may mga kinikilig na ekspresyon at tumatangong mga ulo na parang ipinapahiwatig na umoo ako sa paanyaya ni Kuya Ben. U-um... s-sige. nahihiya kong sagot. Nakita kong tila kumislap ang mga mata ni Kuya Ben. Napangiti siya ng ngiting parang hindi matanggal. O, tayo na kung ganoon. nahihiya pang pahayag ni Kuya Ben. ..... Mabilis na lumipas ang araw. Uwian na muli bago namin namalayan. Maraming oras na ang nakalipas mula kaninang recess noong lumabas kami ni Kuya Ben, pero hindi ko parin matanggal sa isip ko ang mga nangyari kanina. A-ano...Amelia. ... Hm? nagulat ko pang sagot. A-... nahihiyang salita ni Kuya Ben. Iniiwasan niya ang aking mga mata at panay ang paggulo niya sa buhok niya sa likuran. Ano...uhm... hindi naman sa ipinaparating kong, ano, magulo ang iyong buhok, pero...ibibigay ko ito sa iyo. paputol-putol niyang sinabi at pagkatapos may iniabot sa aking hairpin na may mga kumikinang na maliliit na mga batong kulay rosas. Napalaki ang mga mata ko sa ganda ng mga kumikislap na mga bato sa ilaw. Inikot ko ang hairpin sa ibat-ibang anggulo at namangha talaga ako sa ganda nito. S-salamat Ku-... salamat Ben! Ang ganda nito! nginitian ko siya at dali-daling kinuha ang maliit kong salamin sa loob ng aking bag upang makita kung anong magiging itsura ko kapag sinuot ko ito. Dahan-dahan ko itong inilagay sa aking buhok at tinignan sa salamin. Bagay sa iyo. papuri niya sa akin. Mapapansin ang kanyang namumula-mulang pisngi dahil sa kanyang kaputian na sa aking palagay ay lalong nagpaguwapo sa kanya isama narin ang kanyang mabuting kalooban. T-talaga? nahihiya kong tanong habang tinitignan ang itsura ng hairpin sa aking buhok. Oo, bagay na bagay. Bagay ang kulay ng mga bato sa balat at buhok mo. ngiti niya sa akin.
9

Apaw-apaw na tuwa ang naramdaman ko noong sinabi niya iyon. Nakakagulat ang mga pangyayari sa araw na ito. Nang makabalik kami sa paaralan, labis ang pang-aasar ang inabot namin ni Ben, magmula sa aking mga kaibigan at sa mga kaibigan niya. Nakaupo ako sa pasilyo ng huling palapag ng paaralan, lihim na hinihintay si Ben, habang iniisip kong muli ang mga nangyari noong mga nakaraan na oras. Hindi ko lang alam, pero sa aking palagay ito na yata ang pinakamasayang araw na kasama ko si Kuya Ben. Hahahaha! Grabe ka talaga brad! Narinig ko ang tinig at tawa ni Ben habang pababa ng hagdan. Naramdaman kong kumabog ang puso ko sa dibdib ko. Kasama niya pa ang mga kaibigan niya. Baka sa araw na ito ay umuwi akong mag-isa. Paparating na sila sa direksyon kung nasaan ako naroroon. Yumuko ako na parang hindi ko alam na parating sila. Dali-dali akong kumuha ng kuwaderno mula sa aking bag at nagkungwaring nagbabasa. Papadaan na sila sa aking harapan pero kunwari ay hindi ko alam na sila pala iyon. Palihim akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila, kung saan mayroon rin akong naririnig na mga bulungan. Nakayuko lang akong parang nagbabasa habang sila ay dumadaan. Dumaan sila palipas sa akin. Naramdaman ko ang biglang lungkot. Nakalimutan na ba ako ni Kuya Ben? Hindi niya ba ako napansin? Mas importante na ba ang mga lalaki niyang kaibigan kaysa sa akin? Gusto ko sana silang siliping umalis na nang tuluyan palabas ng campus, ngunit baka lalo lang akong mabigo. Sige, hanggang dito nalang ako. Kita-kita nalang bukas. tila narinig ko ang tinig ni Kuya Ben na binanggit ang mga salitang iyon. Ngunit baka nanggaling lang iyon sa imahinasyon ko. Umalis na sila ng mga kaibigan niya at nakalimutan niya na ako. Mukhang uuwi ako mag-isa. Mali ang aking pag-aakalang ito ang pinakamasaya kong araw. Hi Amelia. may lumapit sa akin. Tinignan ko siya, at nakita ko ang mukha ng aking kaibigang kaklase na si Carlo. Nginitian niya ako at nagtanong. Maaari ko bang mahiram ang iyong kuwaderno sa Sibika? May hindi ako nakopya kaninang umaga, eh.
10

Napabuntung-hininga ako sa pagkabigo, sa pag-aakalang si Ben ang lumapit sa akin. Kinuha ko sa aking bag ang aking kuwaderno. O heto, o. wika ko sa kanya. Sige, salamat Amelia. Ibabalik ko nalang ito bukas. wika niya sa akin. Oo nga pala, may pagsusulit ba bukas sa Filipino? tanong ko sa kanya. Oo, meron. At, siya nga pala, nakita mo ba ang nangyari kaninang recess? napakuwento siya tungkol sa mga nangyari sa campus habang wala kami ni Ben. Mayroon daw nangyaring katawa-tawang mga eksena sa mga kaklase naming babae. Tawa kami ng tawa habang kinikwento niya ang mga pangyayari. Hahaha! Haaay. napahinga siya ng malalim at tumingin sa kanyang relo. Naku, kailangan ko nang umuwi. O siya, mauna na ako, Amelia. Salamat uli. kinawayan niya ako at lumakad na palayo. Nginitian ko siya pabalik, ngunit agad na napawi ang ngiti na iyon. Niligpit ko na ang gamit ko nang may mabigat na kalooban. Nakayuko akong tumayo sa aking kinauupuan. May narinig akong mga yapak papalapit sa akin pero hinayaan ko na lang. Nagpatuloy lang ako sa paglakad paalis. Mag-isa. O, aalis ka na mag-isa? Hindi mo na ako aantayin? narinig ko ang tinig ni Ben na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Nakalimutan mo na ba ako? Napasingap ako at napatingin sa gulat. Bakas sa aking mata at nganga ang pagkabigla, lalonglalo na sa pagtibok ng aking puso. Sa loob-loob ko, alam kong imposibleng magawa kong makalimutan si Kuya Ben. Hindi maaari. Hinding-hindi mangyayari yoon. H-hindi ah! Hinding-hindi kit- napasigaw kong sagot, ngunit naputol dahil sumingit si Kuya Ben. Napatawa siya ng marahan at akoy tinignan niya. Biro lamang, Amelia. sabay tapik sa aking balikat. Huminga siya ng malalim at tumingin sa langit. Palubog na ang araw. Tayo nat umuwi. Gumaan ang aking loob na gusto pa rin ni Ben na sabayan ako sa pag-uwi. Naramdaman ko ang kaunting pagkainis sa sarili dahil sa pagseselos ko kanina sa mga kaibigan niya. Kailangan kong tandaan na hindi lamang ako ang kaibigan ni Ben at kung minsan ay gusto niya ring makasama ang mga kaibigan niya sa eskuwelahan.
11

Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang tanong na, May babae bang nagugustuhan si Kuya Ben? Papalabas sa campus ay hindi ko matanggal sa isip ko ang katanungang iyon. Ni isang beses wala akong naalalang babaeng nabanggit sa akin ni Ben. May mga naikwento lang siya sa akin tungkol sa mga kaklase niyang nagkakagusto sa kanya. Pero maliban doon, wala pa siyang nababanggit na babaeng nagustuhan o nagugustuhan niya. Tahimik kaming naglalakad at patuloy ang panggugulo ng kaisipang iyon sa akin. Gustong-gusto kong malaman kung mayroon bang babaeng kinaiinteresan si Ben sa kasalukuyan. Humahanap ako ng tiyempo upang maitanong ito. Nakayuko ako, at siyay iniiwasan na matignan ang mukha ko habang naglalakad kami. Tahimik ang paligid at kami lang ang nasa kalsada. Inisip ko na pwede kong maitanong ang tungkol sa gumugulo sa aking tanong ngayon. Magsasalita na sana ako, ngunit pagbukas ng aking bibig upang magsalita ay... Amelia, maari bang magtanong sa iyo? Napabuntung-hininga ako. Magpapatuloy ang pag-aabala sa akin ng aking iniisip. Pero gusto ko ring malaman ang nais niyang itanong. Napatigil siya sa paglakad. Napatigil rin ako. Nakatingin siya sa ibaba at huminga ng malalim. A-ano iyon? nag-aalinlangan kong tanong. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang mga kamao na parang nilalabanan kung ano man ang nararamdaman niya sa kasalukuyan. Huminga muli siya ng malalim at binuksan ang kanyang kamay. Pinagmamasdan ko siya at napansin kong pinagpapawisan siya nang kaunti at namumula ang kanyang pisngi. Tumingin siya sa akin at nagsalita, Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay? Nagulat ako sa kanyang sinabi at hindi ako nakasagot kaagad. Bumilis ang takbo ng aking puso habang nakatitig sa kanyang mga mata. Bigla siyang humaluyhoy at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mga kamay niya habang humakbang papalayo sa akin. Aaaghhh ano ba to! daing niya.
12

Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa pagkabigla. Ang mga mata koy nanlaki sa biglaan niyang tanong. Nakatalikod lang siya sa akin at halatang nahihiya. Ang aking mga mata ay tinitignan siya pababat pataas. Talagang nakamamangha ang walang-maipintas niyang matipunong pangangatawan. Humarap siya muli sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mapapansin ang kanyang namumula-mulang pisngi dahil sa kanyang maputing balat. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Amelia, pwede bang hawakan ang kamay mo habang tayoy naglalakad pauwi? Nakatingin lang siya sa akin. Deretso ang tingin niya. Deretso ang tingin niya sa aking mga mata. Nakatitig na tila naghahanap ng kasagutan sa mga ito. Hindi ko alam kung napipinta sa mga ito ang mabilis na pagtibok ng aking puso kaba at pagkabigla. Nananatili ang titig niya sa aking mga mata, hinihintay ang aking sagot. Halata ang kanyang kaba sa mga maliliit na butil ng pawis sa kanyang noo. Tahimik ang buong paligid, at kami lang ang naroroon. Tumango ako ng marahan, na walang iniisip na hindi tama. Gusto niya lamang gawin ang kanyang hinihiling dahil malapit lang kaming kaibigan. Hindi ko iniisip na ang kahilingan niyang yaon ang sagot sa tanong na hanggang ngayon ay gumugulo parin sa aking isipan. Nginitian niya ako ng kaunti na talagang nagmukhang kaaya-aya at akma sa kanyang guwapong pagmumukha. Ngumiti na siya ng tuluyan na lalong nagpaguwapo sa kanya. Tayo na kung ganoon. Lumapit na siya sa akin at kinuha ang aking kamay na binalot niya sa init ng higpit ng kanyang hawak. Wala mang kahulugan ang kanyang ginawa, malaking bagay na ito sa akin. Nakarating na kami sa aming mga tahanan ilang minuto ang nakalipas, na kung sanay tumagal pa. Tila ang bilis ng pangyayari. Pero masaya na ako. Nagkamali ako. Ito na nga talaga ang pinakamasaya kong araw kasama si Kuya Ben. Lumaon ang gabi, habang akoy gumagawa ng takdang aralin at nag-aaral ng liksyon sa aking mesa ay tumawag si Kuya Ben sa akin gamit ang mga lata namin. Amelia, magandang gabi. wika niya sa kanyang kalmadot malalim na boses. Iniabot ko ang lata na nasa aking bintana papalapit sa akin. Inilapag ko muna ang aking panulat.
13

Magandang gabi Kuya Ben. ngumiti ako. Ang saya talaga ng pakiramdam tuwing kausap o kasama ko si Kuya Ben. Anong ginagawa mo? tanong niya. Gumagawa ng takdang-aralin, pero magpapahinga muna ako saglit. sagot ko. Ah. Sana hindi ako nakakaistorbo. Hindi naman po. Pero- sumagi nanaman sa isip ko ang tanong na gumugulo sa akin kanina na nakalimutan ko pansamantala dahil sa aking pag-aaral. Nais ko na sanang itanong sa kanya. Hm? Pero ano? tanong niya sa akin. A-anopwede bang magtanong sa iyo? pag-aalinlangan kong pagtanong. Okey lang naman. Ano ba iyon? Bumilis ang tibok ng puso ko bago ako nakatugon muli. M-mayroon po ba kayong nagugustuhan sa ngayon? Napatigil siya. Naging tahimik ang usapan. Nilimas niya ang kanyang lalamunan bago nagsalita. W-wwala akong nagugustuhan sa kasalukuyan. may hiwatig ng kaba o pag-aalinlangan sa biglaang bahagyang pagbabago sa kanyang tinig. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sa dami ng magagandang babae sa kanilang klase ay wala siyang nagugustuhan. Ganoon ba wika ko nalang. Mmmn. pagsang-ayon nalang niya. Naging tahimik saglit ang pag-uusap namin. E-eh ikaw, mayroon ka bang gusto? tanong niya bigla. Napabilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis na parang lalabas na ito mula sa aking dibdib. Hindi ko alam ang sasabihin, pero ikinaila ko nalang na oo. W-wala rin eh. A- ah wag kang mag-alala, makakahanap ka rin balang-araw. Naging nakakahiya ang atmospera namin tahimik, at tanging naririnig lang ay ang aming paghinga. Oo nga pala, sino yung kasama mong lalaki kanina? biglaang tanong ni Ben. Nagulat naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi pa naman siya nagtatanong ng tungkol sa mga nakakasama kong sinuman. Ah, eh, si Carlos iyon, isa sa mga mabuti kong kaibigan sa klase. Nagkuwento siya sa akin tungkol sa mga nangyari kaninang recess. A-ahmay kaibigan ka rin palang ibang lalaki. Hindi ko alam. tugon niya.
14

Oo naman. Marami na akong mga naging kaibigan, babae man o lalaki, nang dahil sayo. pahayag kong nagpangiti sa akin. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa sa lata. M-masama bang magkaroon ng lalaking kaibigan? Biglang siyang napatahimik. H-hindi naman sa ganoon, pero- napatigil siya. Pero ano? tanong ko. Pero sana ako nalang ang nag-iisa mong lalaking kaibigan. Nagulat muli ako sa sinabi niya. Nakakabigla, pero nakakatuwang pakinggan. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang namumukod-tangi sa kanilang lahat. Kasi, sa araw-araw na nakakasama kita, lalong nahuhulog at nahuhulog ang loob ko sayo. Ikaw lang ang best friend ko. Wala siyang naging sagot, pero naramdaman ko na ngumiti siya sa sinabi ko. Mabuti naman kung ganoon. tumawa siya ng marahan. O sige Amelia, baka nakakaistorbo ako sa takdang-aralin mo. Sabihin mo nalang sa akin kung matutulog ka na ha. wika niya. Sige Kuya Ben. sagot ko. Tinapos ko na ang takdang aralin ko at inayos ang aking mga gamit para bukas. Pagkatapos kong gawin iyon ay nagpasya na akong matulog. Kuya Ben? pagtawag ko sa lata. Amelia. agad na tugon niya. Nandiyan ka lang pala? tanong ko. Napansin ko lang na parang ang bilis niyang sumagot. Oo naman. Inaantay kitang matapos bago ka matulog, e. Tumibok ng mabilis ang aking puso. Hindi ko alam na inaantay niya pala ako. E-eh bakit naman inantay mo pa ako Ben? tanong ko sa kanya. Eh paano kung makatulog ka nang hindi mo nasabi sa akin? Kuya Ben sinabi ko naman sayong hindi mangyayari yun diba? paliwanag kong muli. Ako rin Amelia eh. Hindi rin mangyayari yun para sa yo. kalmado niyang wika. Naramdaman kong namula ang aking mga pisngi. Natuwa ako sa sinabi ni Ben. O siya Ben, akoy magpapahinga na. Magpahinga ka na rin. wika ko.
15

Sige, mamaya na ako, mauna ka na. Good night sa iyo, Amelia. Kita ulit tayo bukas. huling bati niya sa akin. Nagdasal muna ako bago tuluyang nahiga sa aking kama. Niyakap ko ang aking unan at napatulala sa ere habang inaalala ang bawat sandali sa araw na ito na nakasama ko si Kuya Ben. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga pangyayari. Matagal bago ako tuluyang nakatulog, dahil sa pag-iisip ko kay Ben. At noong gabing yon ay napaniginipan ko siyang muli. Kinabukasan ng umaga ay muli nanaman akong sinundo ni Kuya Ben mula sa tapat ng aming bahay, at muling sinamahan papuntang paaralan kagaya ng araw-araw niyang ginagawa. Pagsalubong niya sa akin sa aming balkonahe ay may malaking ngiting nakapinta sa mukha niya, na sa isip-isip ko ay napakagandang simula para sa araw ko. Parang nagpapatuloy ang araw kahapon at ang aking magandang panaginip kagabi. Nang dumating ang recess ay niyaya niya muli akong kumain sa labas. At sa pag-uwi ay hinatid niya nanaman akona nakahawak ang kamay niya sa akin. Araw-araw ganito ang mga nangyayari sa amin, hanggang sa talagang, nahulog na ako ng tuluyan para kay Kuya Ben. Sa araw-araw na pagsasama namin ay talagang malapit na kami sa isat-isa. Ngunit hindi niya kailangang malaman ang nararamdaman ko, okey na sa akin ang ganito kami sa araw-araw. Sa araw-araw na kumakain kami sa labas na kaming dalawa lamang, sa tuwing uuwi kamit naglalakad sa ilalim ng mga bituin na magkahawak ang kamay, at sa pag-uusapan namin sa aming telepono, ay patuloy na tumitibay ang pagsasama namin. Lalong kong nauunawaan ang aking nararamdaman, sa lalong pagbilis ng pagtibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya, habang kasama ko siya, sa tuwing iniisip ko siya bago matulog, hanggang sa pagkita ko sa kanya sa aking mga panaginip sa bawat gabi. Tuluyan na talagang nahulog ang loob ko kay Ben. .. Natapos ang taong panunuruan. Akoy gumraduweyt mula sa elementarya, at kasama ko si Ben sa aking graduwasyon. Sumama rin siya sa aking selebrasyon sa labas. Hindi ako nalulungkot na tapos na ang taong panunuruan, kasi kahit papaano ay magkakasama at magkikita pa rin kami kahit na wala nang klase, kagaya dati. Kagaya noong una pa noong hindi pa ako nag-aaral. Araw-araw kaming naglalaro at nagkakasama kahit hindi ako pumapasok. Sampung taon ang lumipas, at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami. Malapit at matalik na magkaibigan na may matibay na pag-uugnayan, salamat sa isang lubid na nag-uugnay sa amin sa araw-araw na magkapiling kami, simula palang noong una. Nasasabik na ako ngayong bakasyon. Mas maraming oras ko pang makakasama si Kuya Ben. Mas maraming oras pa kaming mag-uusap at magkakapiling.
16

Nagbakasyon sina Ben nang isang linggo sa kanilang probinsya. Isang linggo ko siyang hindi nakita at nakasama. Isang linggo akong malungkot at mag-isa habang wala siya. Inisip ko nalang na masaya siya sa kasalukuyan dahil nagkakasama at nagkakasiyahan silang pamilya. Noong araw na dumating siya ay sobrang saya ko dahil nakita ko muli ang taong pinakamahalaga sa akin, ang taong lagi kong iniisip. Subalit nang tinawagan ko siya gamit ang mga lata namin ay hindi siya sumagot kaagad kagaya dati na parang nag-aantay lang siya sa tabi nito. Nakailang tawag ako sa lata ngunit hindi siya sumagot. Inisip ko nalang na pagod siya at kailangang magpahinga. Inantay ko nalang ang araw kinabukasan upang makausap siyang muli. Kinabukasan ay lumabas ako ng bahay at umupo sa tapat ng kanilang tindahan at hinintay na lumabas si Kuya Ben upang magsama kami sa araw na ito. Mataas ang sikat ng araw, ngunit tiniis ko ang init at patuloy na naghintay pa rin ako. Bumukas ang pinto ng kanilang bahay at lumabas siya kasama ang kanyang ina at parehas silang nakapang-labas na kasuotan na tila may pupuntahan. Nginitian ko siya at kinawayan ngunit dinaanan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala. Tinignan niya lamang ako sandali, tumingin sa ibaba at nagpatuloy sa pag-alis. Tila naramdaman ko ang dibdib kong bumigat at may karamdaman akong hindi ko mawari. Ang sakit. Bakit parang hindi kami magkakilala ni Kuya Ben? Bakit dinaanan niya lang ako? Bakit parang wala kaming pinagsamahan? Bakit parang yung mga nangyari at sinabi niya sa akin nong mga nakaraang araw ay tila naglaho bigla? Marahan akong tumayo habang nakatulala sa ibaba. Naramdaman kong parang may mainit na pakiramdam sa aking lalamunan at namumuo ang luha sa aking mga mata. Nagsimula akong lumuha, at tahimik na humagulgol sa aking kinatatayuan. Patuloy ang pag-agos ng aking luha. Hindi ko pa rin mawari ang nangyari ilang segundo ang nakararaan. Talagang nabigla ako sa nangyari at hindi ko napigilan ang aking emosyon. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng umaagos kong luha at aking pagsinghot at paghahabol ng hininga. Tahimik ang aking panaghoy habang akoy umupo sa simentot nakayakap sa aking mga tuhod. .. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa matinding pag-iyak. Pag-angat ko ng aking ulo ay nagtatakip-silim na. Marahan akong tumayo at dahan-dahang naglakad pauwi sa amin. Nagtungo ako sa aking silid at naupo sa tabi ng aking bintana, at mahinay na inabot ang latang nakadugtong sa lubid na nag-uugnay sa amin. B-ben andiyan ka ba? tanong ko sa basag ko pang boses. Narinig ko ang kanyang pagbuntung-hininga. Ah, ehmay ginagawa ako ngayon, Amelia. Mamaya nalang tayo mag-usap. At ang sunod ko nalang narinig ay ang tunog ng paglapag ng lata, at mahinang mga yapak.

17

Muling kumirot ang aking puso. Gumapang ako sa aking kama at dali-daling yumakap ng unan at ibinaon ang aking mukha, at pinagpatuloy ang pag-iyak roon. Wala sa ritmo ang aking paghinga at para akong nakakulong. Hirap ang aking paghinga dahil sa matindi kong paghahagulgol ngunit hindi ko na ito pinansin. Ang sakit ng aking nararamdaman. Pakiramdam koy parang nabibiyak ang aking puso. Parang kahapon lang ay ang saya naming magkasama ni Kuya Ben sa palaruan, sa paaralan, sa paglakad papuntang paaralan at pauwiat ngayoy parang isang panaginip lang ang lahat ng yoon. Hindi ko na naramdaman ang pagpikit ng aking mata sa pagtulog, pero masasabi kong tila replay ng mga masayang araw ang aking napiniginipan sa gabing iyon. At sa araw-araw ng bakasyon na akala koy magiging masaya kahit papano ay naging napasakit sa bawat sandaling hindi ko kasama si Ben. Patuloy ang pag-iiwas niya sa mga pagkakataong nagkakasalubong o nagkikita kami, na parang wala talagang nangyari sa mga lumipas na taon. Lumipas ang mga araw na tipid ang mga salita namin sa isat-isa, ang mga pag-uusap namin ay ako lamang na nangangamusta o tatanungin siya at siyay sasagot na ayos lamang siya o may ginagawa, o kahit ano mang dahilan upang hindi ko siya makausap. Araw-araw. Ito ang aking pinagdaraaanan. Ito ang sumisira sa aking kasiyahan, na akala koy nandiyan na lagi para sa akin simula noong nakilala ko si Kuya Ben; simula noong sapalarang araw na iyon sa palaruan. Ang mga araw koy nagwawakas sa pagluha ng aking mga matang nakabaon sa malaking teddy bear kong niregalo sa akin ni Ben noong ika-labingtatlo kong kaarawan isa lamang sa mga patunay na kamiy may maraming pinagdaanan. Hanggang sa tila naging manhid na ang aking pakiramdam dahil sa araw-araw na kalungkutan at sakit na nadarama ko. Nabalitaan ko isang araw na mayroon na raw telepono sina Ben. Napabuntung-hininga nalang ako nang marinig iyon dahil pagod na akong umiyak. Isa na muli akong walang kuwentang tao. May iba pa man akong kaibigan sa paaralan, iba pa rin ang pagkakaibigang mayroon kami ni Ben. At iba pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya, kahit na kaibigan lamang ako sa paningin niya. Ang mga luha ko na inululuha ko araw-araw ay balewala dahil akoy balewala na lang din. Nagkaroon lamang ako ng halaga dahil dumating si Kuya Ben, at ngayong wala na siya, akoy balik sa kung sino ako dati wala. Dumating muli ang pasukan. Akoy nasa unang taon na sa mataas na paaralan, at si Ben ay nasa ikaapat na taon. Parehas na kami ng departamento. Marami akong nakitang bagong mukha sa aming klase, at pati narin sa aming departamento departamento ng mataas na paaralan dahil iyon ang una kong pagkakataong makita ang tao roon. Nakita ko ang mga babae sa klase ni Ben, at hindi mapagkakailang karamihan sa kanila ay magaganda. Tila nadurog na ang huling bahaging maaari pang masira sa aking puso nang aking isipin na mayroon nang magugustuhan si Ben ngayong taon na ito. Dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi ko parin

18

matanggap na parang nagkalimutan na kami.

Nagdaan ang mga araw, mga linggo, hindi ko pa rin lubos na matanggap ang mga pangyayari sa buhay ko ang paglalayo sa akin ni Kuya Ben, at ang pagpasok ko sa mataas na paaralan nang wala siya para suportahan ako sa araw-araw. Ngunit pinagmamasdan ko pa rin siya sa paaralan araw-araw. Lihim na sinusundan ko siya sa pagpasok, sa halip na ihatid niya ako tulad ng dati. Iniisip-isip pa rin, sa bawat sandali. Napansin ko ilang linggo ang lumipas na parang lagi siyang may kasamang babae, may buhok na kulay-kape at maganda - mukha at pangangatawan. Maputi rin siya, may tamang taas, maganda ang ngiti at mga mata tiyak na lamang siya sa akin sa lahat-lahat. Tila perpektong babae. Wala na talaga akong pag-asa. Tuwing makakauwi ako galing paaralan ay pinapakinggan ko ang mga nangyayari sa kabilang lata ng lubid namin ang lubid na nag-ugnay at nagpalapit sa amin ng sampung taon, na ngayoy sadyang lubid na lamang na nagdudugtong sa hinding-hindi ko malilimutang mga lata. Naririnig ko na tila may kausap sa telepono si Ben naririnig ko ang nakakamiss niyang pagtawa tuwing nag-uusap kami, na ngayoy sa iba niya na ipinaparinig. Gabi-gabi, ang mga dati niyang sinasabi sa akin sa aming lata, ay naririnig ko nang sinasabi niya sa kung sino man ang kausap niya sa telepono, na sa aking palagay ay ang magandang dalagang lagi niyang kasama. Talagang naglaho na ako sa buhay at alaala ng aking unang kaibigan, At unang pag-ibig.

Nagdaan ang araw-araw na pinagmamasdan ko na lamang si Ben nang palihim, at kahit na alam kong imposible na ay patuloy parin ang paghangad kong makausap siyang muli, na kahit isat huling beses na lamang. Kung alam ko lang sanang ang pag-uusap namin noong aking graduwasyon ay ang huli namin ay sanay nasabi ko na lahat ng nadarama ko. Sana nalaman niya pa kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, nang sa gayon ay alam niya kung gaano kasakit ang pinagdaraanan ko sa araw-araw na wala siya sa tabi ko sa mga oras na kailangan ko siya: sa bawat segundong nagdaraan. Sa aking palagay ay, mas magulang ang isip niya kaysa sa akin, at sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya gumagawa ng kahit anong bagay na walang rason, kaya tiyak na may dahilan kung bakit niya ito nagawa. Hindi ko man alam kung ano ang dahilang iyon, tiyak na ginawa niya iyon para sa ikabubuti naming dalawa. Kahit na ako lang ang nagdurusa na wala kami sa piling ng isat-isa, mayroon pa ring parte sa loob-loob ko na masaya para sa kanya dahil masaya na siya ngayon. Kitang-kita sa ngiti niya sa altar ngayong hinahalikan niya ang babaeng kanyang pinakasalan.
WAKAS.

19

Pananaw ni Ruben: Ayokong gawin ito. Hindi ko alam kung ito ang tama, hindi ko rin alam kung kinakailangan. Akoy labing-anim na taong gulang nga, pero may karapatan ba akong sumuway sa aking mga magulang? ---Ma, may gusto po sana akong ibahagi sa inyo. nagagalak kong sabi sa aking ina habang siyay nag-didiskarga ng mga inimpakeng damit mula sa aming mga bagahe matapos naming makarating sa probinsya. Ano iyon anak? tugon niyang may ngiti pa. Nasabik tuloy akong sabihin sa kanya dahil sa kaaya-aya niyang reaksyon. Gusto ko lang pong sabihin na, may nagugustuhan po akong babae sa kasalukuyan. kinakabahan ako habang nagku-kuwento, ngunit nagagawa ko pang ngumiti. Talaga anak? Naku, nagbibinata ka na talaga. Sino naman iyon? tanong niya muli. Naalala niyo po ba noon, noong naikwento ko po sa inyong may nakilala po akong bata sa palaruan, yung bata pong naghahanap ng kanyang nawawalang manika? Matagal na po kaming magkaibigan, sa katunayan po ay matalik po kaming magkaibigan, pagkatapos ng sampung taong pagkakakilala sa isat-isa. Ayun po, unti-unti pong nahuhulog ang loob ko sa kanya sa araw-araw na magkasama kamilagi ko po siyang iniisip, laging gustong makasama, at laging napapaniginipan. napabuntung-hininga ako ng ibahagi ko iyon sa aking ina. Nakakahiyang banggitin ang mga sinabi ko, pero tinuloy ko gayunpaman. Si Amelia ba ang tinutukoy mo? tila napatigil si Mama sa pagdidiskarga at napatingin sa akin. O-opo, Ma. Siya nga po. kumabog sandali ang puso ko sa aking dibdib, ngunit nginitian ko nalang ito. Huminga si Mama nang malalim. Anak, mukhanghindi naman ako pabor sa babaeng gusto mo. wika niya na may maipipintang dismaya sa mukha niya. H-ha? B-bakit naman po? nagulat kong sagot. Anak, nakita ko naman na ang babaeng iyon, e. Maitim siya, maliit, at hindi naman kagandahan ang hitsura! Naku Ben, anong sasabihin nila sakin? Ang gwapo ng anak mo, pero ang pangit naman ng manugang mo! At anong sasabihin nila sa iyo? Wala kang taste! At baka maging pangit pa ang mga magiging apo ko. Ayoko nga nang ganoon! Nagulat talaga ako sa sinabi ng aking ina. At akala ko pa naman ay susuportahan niya ako sa mga desisyon ko sa buhay. Nasaktan ako sa mga salita niya tungkol kay Amelia. Para sa akin, HINDI maitim si Amelia, siyay kayumanggi lamang. At lalong hindi siya pangit. Siyay
20

magandang babae na may mabuting kalooban. At iyon ang pinakauna kong nagustuhan sa kanya, sa kabila nang pagiging malapit namin sa isat-isa. Ayoko sanang makipagtalo, pero sinubukan ko nang kahit isang beses lamang, sa buhay kong ito. Ma, hindi naman labas na anyo ang binabasehan ko sa kanya, e. Ang kanyang mabuting loob at puso ang umakit sa akin, at ang kanyang angking talino. Mabuti siyang kaibigan na nandiyan para sa akin palagi. At higit sa lahat, mukhang parehas kami ng nararam- Ay naku anak. Hindi talaga ako boto sa Amelia na iyan. Ang mabuti nalang e, kalimutan mo na siya at humanap ka nang mas magandang babae na babagay para sa iyo. payo niya sa akin. O, tinatawag na yata tayo ng Papa mo, tayo na sa baba at kakain na tayo ng tanghalian. Umupo ako sa aming kama ng may mabigat na loob. Ang sakit ng mga salita ng aking ina tungkol kay Amelia. Ayoko. Ayoko siyang kalimutan. Kailanman. Sinabi ko sa kanya na hindi ko iyon gagawin kailanman, kahit ano pa ang mangyari. Ngunit hindi ko puwedeng suwayin ang aking ina. Sa buong buhay ko ay hindi ko ginawa iyon, at sa buong buhay ko ay kwalang ni isang babae akong nagustuhan, kung hindi si Amelia. Ang aking unang pag-ibig. Hindi ko alam kung magagawa kong makalimutan ang una kong minahal. Hindi ko alam kung paano ko siya magagawang malimutan, at hindi ko rin alam kung kakayanin ko ito, pero Wala rin akong magagawa. Amelia, patawarin mo ako.

21

You might also like