Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino IV Unang Markahan Aralin 23

I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga bahagi ng tekstong napakinggan na nagsasaad ng katotohanan o pantasya. 2. Nakakapaghambing ng tao, bagay, pook, pangyayari sa ibat- ibang antas. 3. Nakikilala ang katangian ng tauhan batay sa sinabi/ ginawa. 4. Nakasusulat ng maikling buod ng kwentong binasa.

II. Paksang Aralin: A. Pakikinig: Pagtukoy sa Bahagi ng Tekstong Napakinggan na Nagsasaad ng Katotohanan o Pantasya. B. Pagsasalita: Paghahambing ng Tao, Bagay, Pook, Pangyayari sa Ibat-ibang Antas. C. Pagbasa: Pagkilala ng Tauhan Batay sa Sinabi/ Ginawa. D. Pagsulat: Pagsulat ng Maikling Buod ng Kwentong Binasa. Sanggunian: Binhi 4, pp. 79-82 Daluyan 4, pp. 215-216 Kagamitan: Tsart, Larawan Pagpapahalaga: III. Pamamaraan: A. Pakikinig: Itanong: Naisip mo na bang sana nakakalipad ka o nakakasakay ka sa flying carpet? Naisip mo na rin bang sana , nakakarating ka sa mundo ng pantasya?

Basahin ang Kwentong Totoo Kaya at Pagkatapos sagutin ang sumusunod na mga tanong : Ano ang laging nasa isip ni Benj noong mga araw na pinag-uusapan nila sa klase ang mga magagandang tanawin? Isalaysay ang napanaginipan ni Benj. Ano ang nagpapatunay na hindi maaring mangyari sa totoong buhay ang panaginip ni Benj?

Ano ang nagpapatunay na maaaring may katotohanan din ito? 2. Magbasa ng isang maikling kwento at tukuyin ang bahaging nagsasaad ng katotohanan at pantasya.

B. Pagsasalita: A. 1. Balik-Aral: Balik-aralan ang apat na uri ng pangungusap. B. 1. Ipabasa ang siklo ng pagpapahayag at ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

Anong uri ng salita ang mga may salungguhit sa usapan? Ilan ang sinasabing hindi maganda? Ilang pangkat ang tinutukoy ng nagsabing mas maganda? Sino ang tinutukoy na pinakamaganda? Sa ilan siya inihambing? Pare-pareho ba ang katangian ng mga pinag-uusapan?

2. Pagtatalakayan: Talakayin ang Kaantasan ng Pang-uri Ang pang-uri ay may tatlong antas ng hambingan. 1. Lantay- nagsasabi ng katangian ng isa, dalawa o higit pang pangngalan/ panghalip na may iisang katangian lamang. Halimbawa: 1. Si Ampy ay malusog. 2. Sina Ampy at Linda ay parehong malusog.

3. Malulusog ang mga anak ni Aling Sonia.

2. Pahambing- naghahambing ng katangian ng dalawa o higit pang pangngalan/panghalip. Sa paghahambing, maaaring ang isang pangngalan ay nakahihigit o nalalamangan sa katangian ng isa pang pangngalan. Maaari rin naming pantay ang taglay na katangian. Kapag nakahihigit sa katangian, ginagamit sa paghahambing ang mga salitang mas, higit, lalo at di-hamak. Halimbawa: a. Mas mabigat ang bakal kaysa sa kahoy. b. Di-hamak na matangkad naman ako kaysa sa kanya. Kapag nalalamangan sa katangian, ginagamit ang mga salitang di-gaano, di- gasino at di-lubha. Halimbawa: a. Di-gasinong matamis ang manggang ito na gaya ng dala mo. b. Di-gaanong matalino si Rey na gaya ni Menard. Kapag pantay ang katangian ng dalawang pinaghahambing, ginagamit ang mga panlaping magkasing, magsing, kasing, sing at gaHalimbawa: a. Magkasimbait sina Tatay at Nanay. b. Ikaw ay kasingganda ng ate ko.

3. Pagsukdol- inihahambing ang katangian ng isa o isang pangkat ng pangngalan/ panghalip sa dalawa o higit pa. Ginagamit ang pinaka, napaka, ubod nang, hari nang at pag-uulit ng pang-uri at pagka+ pang-uri o salitang-ugat. Halimbawa: a. Si Ramon ay ang pinakamatalinong mag-aaral sa kanilang klase. b. Malaking-malaking mansanas ang pasalubong niya sa akin. c. Pagkabangu-bango ng batang ito!

3. Paglalahat: Anu-ano ang kaantasan ng pang-uri?

C. Malayang Pagsasanay: Bilugan ang pang-uri. Isulat sa kahon ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol Ang kaantasan. 1. Higit na malinaw ang mga mata ni Ledy kaysa sa iyo. 2. Makinis ang balat ng sanggol. 3. Ang mga lalaki ay di-hamak na malakas kaysa sa mga babae. 4. Pinakamayaman si Don Cirilo sa bayan ng Sta. Rosa. 5. Si Teresa ang pinakamasunurin sa mga anak ng mag-asawa. C. Pagbasa: A. Pagtuklas sa Hiwaga ng Pagbasa A. Bago Bumasa: 1. Pagganyak: Ipakita ang mga larawan ng mag batang nagpipiyano, nagbabasketbol, lumalangoy, nagpipinta at tumatakbo. Pahalagahan ang mga larawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katangian ng bawat isa.

1.2 Paglinang ng Talasalitaan: A. Iayos ang mga titik na nasa bilog para matukoy ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. blk a aan 1. Madali niyang matatalo ang kanyang mga katunggali kung magsasanay siyang mabuti. ________________

rham naa

2. Malumanay na pinaliwanagan ng nana yang anak tungkol sa gumugulo sa isipan nito. _________________

wnIa n

3. Mabigat ang loob niyang nilinisan ang mga kalaro sa basketbol. ________

nadaal mgalm

4. Natanaw agad ni Rom yang humahangos na kaibigan. __________

Ils ana

5. Napawi ang kanyang ngiti nang marinig ang masasamang balita _______

1.3 Pagganyak ng Tanong Anu-anong galing ang inilalahad sa kwento? 1.4 Pagpapaalala sa mga pamantayan sa pagbasa.

B.Habang Bumabasa A.Pagbasa ng kuwento

C. Pagkatapos Bumasa 1. Pagsagot sa pagganyak na tanong 2. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento 3. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang mga bata ayon sa sumusunod na gawain. Pangkat I- Pagsasadula ng paglalaro ni Dino ng basketbol. Pangkat II- Paggawa ng collage na magpapakita ng kakayahan ni Dino. Pangkat III- Pagpapalitang-kuro tungkol sa paksang Dapat bang ipagpilitan natin ang ating sarili sa isang bagay wala tayong kakayahan? Pangkat IV- Pagbuo ng tula na nagpapahayag ng kakayahan ng bawat isa sa atin.

Pagpapayamang Gawain 2 a. Ipatalakay ang ginawang pangkatan at magbigay ng feedback tungkol dito. b. Talakayan ukol sa kuwento o o o o Tungkol saan ang kuwento? Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? Isa-isahin ang mga mahahalagang detalye na inilalahad sa kuwento. Ipatalakay ang mga detalyeng nakuha.

c. Gawin ang mga sumusunod: A. Tukuyin ang ugali o katangian ng tauhan batay sa sinabi o ikinilos. Bilugan ang titik ng sagot. 1. Dino, may problema ba? May magagawa ba ako para sa iyo? a. mainisin b. matuwain c. matulungin d. maramdamin

2. O, Dino, magsanay ka pang mabuti para maging handing-handa ka sa paligsahan. a. mapagmalasakit b. mapakialam c. matatakutin d. mapanghusga

3. Malakas na pumalakpak ang mga guro matapos tumugtog ng piyano si Dino. a. palakinig b. palasigaw c. palatawa d. palahanga

4. Naku, wala talagang kinabukasan iyan sa basketbol a. makatarungan b. mapanghusga 5. bakit? May reklamo ka ba? a. matapang b. madaldal c. malakas d. mainggitin c. mapagsamantala d. mapag-alala

D. Pagsulat: Pasulatin ang mga bata ng maikling buod ng kuwentong binasa.

IV. Pagtataya: A. Anong ugali o katangian ang tinataglay ng bawat tauhan sa pahayag? Kahunan ang tamang sagot: 1. Nanay, nanunukso po ang mga kalaro ko, puntahan ninyo at pagalitan sila. a. palaaway b. palasumbong c. palakaibigan d. paladabog

2. Kayang-kaya kong talunin ang kalaban ko. Mahusay yata akong sumayaw kahit walang praktis. a. mayanbang b. mapagkumbaba c. matalino d. masungit

3.Opo Inay, susundin kop o ang payo ninyo, paghuhusayan ko na lamang po ang pagtugtog ng piyano. a. masigasig b. masipag c. masunurin d. matiyaga

4. Ano ka ba naman Gerald! Naglalaro ka ng basketbol eh, lampa ka naman. Umuwi ka na Lampa! a. mapagmahal b. maawain c. matigas ang ulo d. mapanukso

5. Binabati kita, ang galing mong tumugtog ng piyano, ang sarap pakinggan. a. pagkainggit b.paghanga c. pagganti d. panunukso

B. Isulat sa patlang ang 1 kung lantay, 2 kung pahambing at 3 kung pasukdol ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit sa pangungusap. _____________1. Ang dalaga ay masipag sa paghahanapbuhay. _____________2. Matalino ang bunsong anak ng aking kapatid. _____________3. Ikaw ba ang pinakamatangkad sa inyong pamilya? _____________4. Di-gasinong marami ang anis a taong ito na gaya noong nakaraan. ____________5. Pagkataba-taba ng aking alagang aso. ____________6. Ang karneng niluluto mo ay matigas pa. ____________7. Kasingtangos ng sa kanyang ina ang ilong ni Marta. ____________8. Para sa akin, ito ang pinakamasaya kong kaarawan sa lahat ng taon.

V. Takdang Aralin: Tukuyin ang nakatangong kahulugan sa tulong ng pahiwatig na pangungusap. 1. Si Romy ay nakipag-usap sa mababang tinig sa mga mag-aaral na nangangantyaw sa kanyang Kaibigan. a. pasigaw b. walang tigil c. mahinahon d. patawa-tawa

2.Siya ang pinakamatinik sa aming klase. Walang tatalo sa kanya. a. pinakapayat b. pinakamataas c. pinakamayabang d. pinakamatalino

3. Ang malulutong na halakhak ng mga mag-aaral ay nakatawag ng pansin sa mga nagdaraan.

a. pigil na pigil b. paputol-putol

c. malakas na malakas d. mahinang-mahina

Inihanda ni:

GNG. GEMELIE M. SISON SES

You might also like