Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN SA BANAL NA ESPIRITO SANTO

Naninikluhod kaming naghahadog ng aming sarili sa iyo,Diyos Espirito Santo, upang sambahing walang humpay ang kaningningan ng iyong kabanalan, ang katarungan at pagmamahal na walang hanggan, nang sa gayon ay sa iyo kami mabuhay,gumalaw at magnais na manatiling buhay. Ikaw ang lakas at liwanag. Iligtas mo kami sa pagkakasala at anumang kapahamakan. Huwag mong itulot na dahil sa aming kahinaan at sa hibo ng tukso ay magtaksil kami sa iyong pagmamahal; bagkus ay ituon naming ang aming isip at puso sa mga ipinapahiwatig mo sa amin upang matamo ang kaligayahang walang hanggan. AMEN. ESPIRITU NG KATALINUHAN
Manguna ka sa lahat ng aming gawain.

ESPIRITU NG LAKAS AT BUHAY


Bigyan mo kami ng katatagahang baliktaran ang mga pasanin sa buhay at ang paglilingkod sa iyo.

ESPIRITU NG PAG-UNAWA
Ipliwanag mo ang kalooban ng diyos sa mga pangyayari sa araw-araw

ESPIRITU NG KABANALAN
Pag-alabin mo ang aming puso sa Sa pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

ESPIRITU NG KARUNUNGAN
Akayin mo mo kami sa pagtuklas ng kaalamang magdala sa kaluwalhatiang walang hanggan.

ESPIRITU NG PAGPAYO
Tanglawin mo kami sa aming pag-aalinlangan.

ESPIRITU NG PAGAKATAKOT SA DIYOS


Iligtas mo kami sa pagkakasala at paglabag sa kalooban mo AMEN.

You might also like