Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI LUISITO DOMENG

Batang sapa, sumipa ng sumipa upang masulyapan ang matagal ng inaasam na liwanag mula sa sikat ng araw. Sinimulang magsarili, humiwalay sa madilim na kanlungan ng ina. Noong ika-22 ng Marso, taong 1994, unang naranasang umiyak ng umaalingawngaw. Hudyat ng pangatlong bunga ng pag-iibigan nina Ernesto DC. Torio at Charlita D. Torio. Pinangraos sa kumakalam na sikmura ang karampot na kita ng ama mula sa pagpapahid ng grasa at pagkukumpuni sa mga sirang makina. Sumuso ng kaalaman at mabuting pag-uugali sa tahanan at sa unang paaralang pinasukan mula sa inang namamasukan sa isang priskul na walang katiyan sa sahod. Matyagang namimingwit sa sapa upang tugunan ang ang kumukulong tiyan. Nangalakal sa tambakan, nag-ipon ng isang sakong pako upang makabili ng isang blangkong papel upang may matalaan ng katas ng mga natutuhan. Pinipilit na makaahon sa buhay, laging laman ng tawanan kalian ba makakabangon sa paghihirap na pilit tinatakasan. Sa bawat paghatak, sya rin unti unting pagkupas na pag-asang mabuhay. Sa bawat pagbatak, syang nagpupumilit na bumalik sa layaw na kinalakhan. At sa bawat pagpitik, sya naming kirot ang tanging dumadampi sa aking damdamin at kamalayan. Tila isang gomang binatak ang karanasang pinagkaloob ng Poong Maykapal. Sa edad na sampu, piniling mamuhay sa kanlungan ng iba. Nangulila, naghirap, nangarap na minsang maabot ang mga mithiin sa buhay na makapagtapos at maiangat ang estado ng pamilya sa lipunan. Pagsusunog ng kilay at pagtulong sa lahat ng gawaing bagay ang syang sabay na tinaguyog sa abot ng makakaya. Kinain at tinanggap ang bawat pagalit at sermon sa bawat maliit na pagkakamaling nagawa. Bilanggo sa mga rehas na bakal ang oras at panahon na nakaalaan sana sa pansariling kaligayahan. Nagsumikap na tumbasan ang tulong na tiyahing nag-iwan ng bakas sa aking pagkatao. Nakapagtapos sa Mataas na Paaralan ng Taong ng may karangalan at pagkilala sa pinakitang kahusayan sa larangang pang-akademiko at pang-extrakurikular. Nahalal at naglingkod bilang

Punong Kabataan sa lipunang kinabibilangan. Tumanggap ng maraming gawaing pansimbahan, paglilinis at pagpapaawit ang syang naging hakbang upang ibalik sa Kanya ang lahat lahat ng bagay, mabuti man o masama. Kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kolehiyo, kumukuha ng Batselyer sa Edukasyong Pangsekundarya na nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino. Hinubog at hinasa ang nalalaman at kakayahan sa pagdalo sa mga palihan at konperensya, maging ang pagsali sa mga patimpalak. Muling pinatunayan ang galing sa larangang pang-akademiko at tumanggap ng Academic Achiever Awardee noong Nobyembre 2011. Naging delegado ng Pamantasan at ng Bansa sa isang Maikling Pag-aaral Pangkalikasan sa bansang Japan. Kasalukuyang may titulong Student Youth Ambassador at Honorable. Nahalal bilang pangulo ng isang pristeryosong organisasyon, ang DAMLAY, subalit kalaunan ay isinuko at ibinilin sa iba. Nahalal bilang pangulo sa mas malawak na pamunuan, ang Central Student Government, na magsisilbing boses at tagapagtanggol ng lahat ng mga mag-aaral sa PLMar. Ang dating si Jetro Luis Domingo Torio na may payak na buhay at lumaki sa hirap ay nanantili ngayon sa pagiging isang mahirap. Subalit mayabong sa prinsipyo, kaalaaman at kasanayan sa maraming larangan. Kilala sa pagiging isang produktibo, mapanuri, maka Diyos, makakalikasan, makabayan at kapakipakinabang na mamamayan ng Lungsod ng Marikina na may disiplina, kahusayan at mabuting panlasa.

You might also like