Tula NG Kalikasan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LIMA, DALAWA ISA HANGGANG SA WALA NA

Dalawang Ondoy muli, marahil tayoy makababangon pa, Dalawang Habagat muli, marahil tayoy makatitindig pa, Makapamumuhay at magbabalik ang sigla, Subalit papaano kung ang dalaway madagdagan ng lima? Ano kaya ang silbi ng tao kung wala naman na siyang magagawa pa?

Ginulat tayo ng Ondoy, pinaghanda tayo ng Habagat Pinaluha tayo ng Ondoy, pinatibay tayo ng Habagat Subalit gaano man kagaan o kabigat pasakit na sa kanilay nagbuhat, Ganti nang kalikasan sa atin naway magmulat.

Maraming buhay na ang nasayang, Ilang kabahayan na ang kanilang dinaanan, Bilyong kagamitan na ang naparam, Ano pa kaya ang darating kinabukasan?

O hangin kamiy iyong bulungan Araw kamiy iyong tanglawan Hangin kamiy iyong hilamusan Nang itong mga nahihimlay magising na tunay.

Laksa laksang bituin pa ang ating natatanaw Sa kalangitang tila na namamanglaw Pagal at unti unti nang nauuhaw Sa kalingang nararapat sa kanyay ibigay.

Kailan, saan kaya natin mahahagilap Tapat, mapagmalasakit at bukal sa pusong paglingap Pagtangis ng kalikasay hindi tuluyang magaganap, Kung taoy nasa ring bumaba sa alapaap.

Ondoy, Pedring, Harurot at Habagat Ilan lamang sila sa mga delubyong sumikat, Ngayon kung mayroon pang mga susunod na sa atiy gugulat, Katangi tanging ang Diyos lamang ang nakababatid ng lahat..

You might also like