Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

PULITIKA SHOWBIZ SPORTS SCANDAL TSISMIS

Vol. I No. 161


ISSN-2244-0593

Posthumous national PAHINA 7 artist award, SHOWBIZ iginawad na kay FPJ


Carla Abellana, ayaw ibuking sina Richard at Sarah
TODAYS WEATHER Variable clouds with scattered thunderstorms, chance of rain 60% 24-32C Fernando Poe Jr.

www.pssst.com.ph
BIYERNES AGOSTO 17, 2012
www.pssst.com.ph

No.1

SHOWBIZ PAHINA 7
Carla Abellana, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

MIYERKULES AGOSTO 01, 2012

Lotto Results 6/49 SUPERLOTTO

07 30 20 12 05 08

6/42 LOTTO 05 06 24 39 37 22

1$ = P42.134

BANGKA na ang nagsilbing transportasyon ng mga residente sa Hagonoy, Bulacan dahil nananatiling lubog sa tubig-baha ang nasabing bayan matapos ang malawakang pagbaha noong nakaraang linggo bunsod ng habagat na sinundan ng pananalasa ng bagyong Helen. Dingdong Riviera

MILYONG REWARD VS FUGITIVESGo,DINOBLE BuCor director nagpaalam; Rolito diretso maximum security!
NEWS PAHINA 2

NEWS
PAHINA 8

HOLLYWOOD BITZ KRISTEN STEWART TINANGGAL SA SNOW WHITE AND THE HUNTSMAN TAYLOR SWIFT
SHOWBIZ PAHINA 6

NEWS

DAHIL sa mabagal na pagtugis sa mga ikinukunsiderang high profile fugitives sa bansa ay iniutos kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdoble ng pabuya para sa mabilis na ikadarakip ng mga ito.
Kabilang sa mga dinoble ang `patong sa ulo sina dating M/Gen. Jovito Palparan, magkapatid na Joel at Mario Reyes, Delfin Lee at dating Rep. Ruben Ecleo. Isinama na rin ng Pangulo sa pinaha-hunting at dinoble ang reward ay ang dalawang CPP-NPA leaders na sina Benito Tiamzon at Jorge Madlos. Sa kasalukuyan, si Palparan ay may P1 milyong reward at dahil sa direktibang doblehin ay magiging P2 milyon na ang patong nito sa ulo. P2 milyon naman laban kay dating Palawan Gov. Joel Reyes mula sa dating P1.55 milyon habang P2 milyon na rin kay Coron Mayor Mario Reyes na sangkot sa pagpaslang kay Dr. Jerry Ortega, isang journalist sa Palawan. Tumaas na rin sa tig-P2 milyon ang reward kina Ecleo at Lee na kapwa wanted sa batas. Ang dalawa namang NPA leaders ay may tig-P5.6 milyong pabuya na sa ulo na kapwa may mga nakabinging warrant of arrest. The President is displeased with the lack of progress in arresting high-profile fugitives. In order to assist the authorities in their task of capturing these fugitives, the President has ordered the following: He has doubled the reward from one to two million pesos for information leading to the apprehension of Jovito Palparan; He has raised the reward from 1.55 to two million pesos for information leading to the apprehension of Joel Reyes; and set a reward of two million pesos for information leading to the apprehension of Mario Reyes; Furthermore, the President has set a two million peso reward for anyone who provides information leading to the apprehension of each of the following who have outstanding warrants of arrest: Delfin Lee and Ruben Ecleo, Jr.; The

Milyong reward vs fugitives dinoble

www.pssst.com.ph

President also reminds the public of the existing reward of 5.6 million pesos each for information leading to the apprehension of CPP-NPA leaders Benito Tiamzon and Jorge Madlos, both of whom also have outstanding warrants of arrest, ani Lacierda. Kasunod ng pagdoble sa reward ng mga high profile na mga pugante ay inamin ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na sadyang madulas ang mga nasabing akusado lalo na kay Palparan na maraming kilala sa military kayat mahirap umano itong matunton. Patricia Oamil

SINUSPINDE na ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation ang kanilang empleyado na nanampal ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Agosto 11.
Sa ipinadalang statement ng kumpanya, kinumpirma nitong kawani nila si Robert Blair Carabuena na ngayoy nahaharap sa kasong direct assault sa dahil sa ginawa nitong pananakit kay MMDA traffic enforce Saturnino Fabros. PMFTC has suspended Mr. Carabuena pending the outcome of the investigation.

Nanampal ng traffic enforcer, sinuspinde

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

PMFTC reiterates that it does not condone inappropriate conduct by any of our employees, ayon sa statement ng kumpanya. Sinabi pa ng kumpanya na hidi umano naka-duty si Carabuena noong araw ng Sabado nang makipagtalo ito sa nasabing traffic enforcer. Mr. Carabuena was on his personal time and not on duty for the company at the time, sabi pa sa statement. Una rito, sinabi na ng MMDA na maghahain sila ng kasong direct assault laban kay Carabuena dahil sa ginawang pananampal nito kay Fabros noong Sabado sa Quezon City. Candido C.

PAIIMBESTIGAHAN ng isang senador sa Senado ang diumanoy lackluster performance ng 11-man delegation ng Pilipinas sa katatapos na London Summer Olympics.

Poor performance ng Pinas sa Olympics, iimbestigahan


competitors and lags behind our Southeast Asian neighbors as well, dagdag pa nito. Ayon sa senador nakakabahala na umano ang performance ng ating mga atleta sa mga kumpestisyon dahil 16 taong na umano na huling magkamedalya ang Pilipinas sa Olympics. Matatandaan na nakasungkit si Mansueto Onyok Velasco ng medalyang pilak sa larong boksing noong 1996 Atlanta Olympics. Dahil dito, naghain din si Trillanes ng panukala na magkaroon ng Departments of Sports na siyang gagawa ng programa sa ating atleta. It is hoped that once the Department of Sports is established, sports would once again become an integral component of youth development, a galvanizing force for national unity and a source of national pride, ani Trillanes. Candido C.

ITO ang reaksiyon ni Senador Francis Pangilinan sa lumalabas na angulong kinidnap umano si convicted road rage Rolito Go.
Kalokohan lang yan, palusot lang nila yan, reaksiyon ni Pangilinan kahapon subalit kailangan pa rin aniya ng imbestigahan ang insidente para malaman ang buong katotohanan. Duda ng senador, maaring pumuslit lang si Go para pansamantalang makalabas pero nabuko lang ito. Tingin ko diyan nagkabukingan lang, sabi ni Pangilinan.

Kidnapping kay Go, palusot lang

Sa inihaing Senate Resolution 838, kasama rin sa pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang sixplace finish ng Pilipinas sa pinahuling edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games noong 2011. We recognize the talent of our Filipino athletes and their display of perseverance, dedication, moral courage, strength of character and competitive spirit in various athletic competitions, ani Trillanes. It is very evident, however, based on our recent performances in global and regional competitions, that our country is not at par with the Olympic

DAPAT ay patas at wala umanong pinapaboran ang sin tax bill sakaling maipasa ito sa Senado.
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kung maipapasa sa Senado ang sin tax bill, titiyakin umano nitong magiging patas ang ipapataw na karagdagang buwis sa alak at sigarilyo. I think we have to be very fair about dealing with this. Kawawa naman ang mga tobacco farmers, ani Enrile.

Sin tax bill gawing patas --Enrile


Nilinaw pa ni Enrile na hindi naman sila kontra sa sin tax bill, subalit dapat aniyang ayusin ang ilang mga mali at hindi makatwirang probisyon na napakaloob sa nasabing panukala. Sinabi pa nitong hindi katanggap tanggap ang Hourse version dahil sa merong itong pinapaborang produkto. Ganito rin ang pananaw ni Senador Ferdinand Marcos na nagsabing dapat na pantay ang pagpataw ng buwis sa produktong tabako at alak. Ang tinitingnan naming ay parang hindi pantay ang pag-impose ng mga buwis sa tatlong bagay: beer, alak at tobacco o sigarilyo, giit ni Marcos. Kaya naman tinitingnan namin, pwede naman dapat siguro pantay pantay naman ang pagbayad ng buwis ng tatlo na tinatawag na mga sin vices, dagdag pa nito. Naniniwala pa si Enrile na hindi mababawasan ang mga maninigarilyo kahit itaas pa ang presyo ng sigarilyo.

Ayon pa kay Pangilinan, kalakaran na niya sa Bureau of Correction (Bucor) na may ilang mga high profile inmate ang nakakalabas kapalit ng pagbibigay ng payola sa ilang mga opisyal ng national penitentiary. Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay duda umeskapo si Go dahil sa nakatakda na itong lumaya sa susunod na taon. Posible talaga talaga aniya na magkaroon ng insident ng kidnapping dahil sa malawak ang compound ng New Bilibid Prison (NB) sa Muntinlupa City. Candido C.

Diskumpiyado din ang senador sa sinasabi nina Health Secretary Enrique Ona na maraming namamatay dahil sa paninigarilyo. There are may be other factors like modern-living and the environment why there are cancer cases today. He said in rural areas like in his province Cagayan, farmers and fishermen smoke but he does not know of anyone who died of cancer. They died of old age, sabi pa ni Enrile.

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

PINOY DENR todo-kilos GLOBAL


ni Rommel Valle

www.pssst.com.ph

NEWS

PITONG Filipino workers na sinawing-palad sa Lebanon ang ni-repatriate sa pag-ayuda ng Philippine Embassy sa Beirut sa pangunguna ni Ambassador Leah M. Basinang-Ruiz. Inihatid ni Labor Attach Irma Valiente at Assistance-to-Nationals (ATN) officer Edwin Batallones sa Rafic Hariri International Airport ang distressed OFWs na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Agosto 14. Apat sa mga kababayang repatriates ay sumilong sa Migrant Workers ng PH embassy at Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC), habang ang dalawa ay na-detain sa General Security Center (Lebanese Immigration) at ang isa naman ay kinanlong ng Caritas Lebanon Migrants Center (CLMC). Ang mga iniuwing OFWs ay dineploy sa Lebanon sa kabila ng pinatutupad na deployment ban ng Philippine government. Dahil walang sapat na proteksyon para sa kapakanan ng OFWs lalo na ang mga foreign domestic helper sa naturang host country ay pawang

Pitong distressed kababayan sa Lebanon iniuwi ng PH

nagsilayas umano sa kani-kanilang mga naging amo ang mga Pinoy repatriate na nakaranas ng pangmamaltrato, hindi pinasuweldo, sobra-sobra sa oras ang pagtatrabaho at sapilitang pinapipirma para sa ekstensyon ng kontrata. Galing sa Department of Foreign Affairs (DFA) ATN funds ang ipinambayad sa airfare ng anim sa mga repatriate habang ang isa ay nagbayad ng sarili niyang plane ticket. Bago sumibat, pinaalalahanan ni Ambassador Ruiz ang mga kababayan na huwag suwayin ang deployment ban sa Lebanon at hinimok din na tumulong sa gobyerno sa pagpapakalat ng impormasyon na bawal magtrabaho sa naturang bansa para hindi na makapambiktima pa ang mga illegal recruiter at abusadong mga employer. Nilinaw din ng embahador na nasa proseso na nang pagratipika ang PH at Lebanon sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa Labor Cooperation at mga kaakibat na protocol sa Household Service Workers (HSWs) na nilagdaan ng dalawang bansa sa Beirut noong Pebrero 1.

TODO-KILOS na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ibat ibang lugar sa bansa upang labanan ang illegal logging.
Umabot sa 14,306 board feet (bd. ft.) na mga tabla at 49 na sako ng uling ang nakumpiska ng (DENR) Bicol sa magkakasunod na operasyon nito kaugnay sa mas pinaigiting na kampanya laban sa iligal na pagpuputol ng kahoy sa mga kabundukan ng rehiyon. Ang pitong linggong karagdagang operasyon laban sa illegal logging o pagputol ng mga forestry na isinagawa ng forestry at security personnel sa ibat ibang field offices ay nagdala sa tagumpay na ito, pagkumpirma ni DENR Bicol Regional Executive Director Gilbert Gonzales. Katuwang sa nasabing operasyon ng DENR ang Philipine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang mga ito ay naisagawa sa Baleno at lungsod ng Masbate, kasama ang ilang lalawigan sa probinsiya ng Sorsogon, Caramoan at Virac sa Catanduanes, Mercedes sa Camarines Norte at Lupi sa Camarines Sur. Sa kabuuang bilang ng nakumpiskang kahoy, pinakamataas ang naitala sa Masbate na umabot sa 5,229 bd.ft na mga tabla ng kahoy. Sumunod ang Sorsogon sa bilang na 3,945 bd. ft. at 28 sako ng uling. Umabot naman sa 3,220 bd. ft ang nakumpiska sa Catanduanes, 1,910 bd. ft. sa Camarines Norte at 21 sako ng uling sa Camarines Sur. Ang lahat ng nakumpiskang mga tabla at sako ng uling ay nasa pag-iingat ng DENR habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon, dagdag pa ni Gonzales. Ang nasabing operasyon ay bahagi na rin ng direktiba ni Gonzales sa mga field office ng DENR na mas paigtingin pa ang kampanya para sa pangangalaga ng kagubatan at pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na pagputol ng kahoy sa ibat ibang bahagi ng bansa. Honey Rodriguez

vs illegal logging

UMAABOT Sa 18,573 Pinoy sailor ang nakinabang sa escort operations ng Japan Self-Defense Force para maiadya ang mga naglalayag na seafarer sa pamemeste at pandaragit ng mga pirata. Ayon sa ulat kahapon ng Japanese embassy sa Manila, ang mga Filipino seaferer ang pinakamalaking bilang ng mga benepisyaryo (in terms of the nationality of the crew) sa naturang escort operations. Hindi lamang ang mga Japanese vessel ang pinagtatanod ng Japanese Self-Defense Force kundi lahat ng mga foreign vessel. Sa kabuuan ay umaabot sa 2,632 vessels mula sa ibat ibang mga bansa ang nakinabang sa

Mahigit 18,000 Pinoy seafarers ginuwardiyahan ng Japan vs pirata

escort operations. Ang naturang hakbang ng gobyerno ng Japan ay nakapailalim sa implementasyon ng The Laws on Punishment of and Measures against Act of Piracy. The legislation enables the Japan Self-Defense Force to protect vessels from acts of piracy regardless of their nationality, complementing other efforts made globaly to ensure a safe passage for ships in response to the rampant acts of piracy and hijacking occurring off the coast of Somalia and the Gulf of Aden, batay pa sa Japanese embassy.

DINAKIP ng Royal Oman Police (ROP) ang isang Filipina gym instructor na inaakusahang nakapatay ng isang kababayan sa Oman kamakailan. Sa ulat, nabatid na ang biktima na isa ring Filipina na nakilala sa pangalang Maria Lourdes ay nagtatrabaho ring gym instructor sa Petroleum Development Oman (PDO) health club. May apat na anak at taga-General Santos City ang biktima na natagpuang walang buhay sa loob ng tinutuluyang apartment sa Qurum suburb nitong nakaraang linggo. Ipinagbigay-alam ng employer ng biktima sa pulisya na ilang araw na itong hindi pumapasok at hindi rin umano makontak ang mobile phone. Nang tunguhin ng mga officer ng Wattayeh Police Station at pasukin ang apartment ay nabungaran ang bahagyang naaagnas na katawan ng biktima na mayroong mga bahid ng dugo. Nagsilbing lead umano sa imbestigasyon ng pulisya ang huling tawag sa mobile phone ng bik-

Pinay gym instructor inutas ng kababayan sa Oman

tima kung saan lumilitaw na ang huling nakausap nito ay ang kababayan at dating katrabaho sa isang privately owned gym na si Allain Reyes. Binitbit ng pulisya si Reyes para sa karampatang imbestigasyon. Si Reyes ay mayroon umanong dalawang anak at umamin umano sa krimen nitong Martes kaya kinasuhan ng mga awtoridad ng murder. Ikinagimbal naman ng mga kakilala at kasamahan sa trabaho ng biktima at suspek ang nangyari dahil magkaibigan ang dalawa at pareho pang fitness instructors. Ilang buwan na ang nakakaraan ay umalis umano ang biktima sa gym na pinapasukan nila ng suspek at lumipat ito sa ibang kumpanya. Ang paglipat umano ng ibang kumpanya ng biktima ang pinag-ugatan ng pagtatalo ng magkababayan. Sa kasukdulan ng bangayan at ngitngit ng suspek ay tinarakan umano ng kitchen knife hanggang sa mapatay ang biktima.

Illegal logs
MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paggamit ng compressor sa panghuhuli ng mga isda.
Ayon kay Mr. Rey Tercio, Fishery Technician ng BFAR, bawal ang paggamit ng compressor sa pangingisda dahil ginagamitan umano ito ng kemikal na cyanide na magpapahaba sa buhay ng mga isda para

Compressor bawal sa pangingisda -BFAR

maging mahal ang benta nito. Maliban dito, ayon kay Tercio, peligroso ang compressor sa buhay ng mga mangingisda at mapanganib din umanong kainin ang mga nahuhuling isda sa pamamagitan nito dahil mananatili sa katawan ng isda ang cyanide na makakain ng tao. Dagdag pa ni Tercio, ang pagbabawal nila sa paggamit ng compressor ay isa lamang sa mga pinaiiral na kampanya ng BFAR. Honey Rodriguez

OPINYON
ISYU
CELY BUENO
sa video na hindi umiimik si Mang Saturnino at tila tinanggap na lamang lahat ng mura at pananakit sa kanya ni Carabuena. Hindi mo rin makikita sa video na kahit isang segundo ay nagtangka itong lumaban o nagpakita ng kaangasan kay Carabuena. Ayon kay Mang Saturnino, mano mano nyang isinasa ayos ang daloy ng trapiko at nang pahintuin nya ang isang panig para makadaan namana ng nasa kabilang interseksyon, tumuloy tuloy pa rin ang sasakyan nina Carabuena na kung baga sa may traffic lights ay beating the red light na kaya nya ito sinita. Ang paliwanag naman ng ama ni Carabuena na kasama rin pala sa sasakyan, ilang beses raw na hinampas ni Mang Saturnino ang harapang bahagi ng kanilang kotse kaya napikon itong si Robert. Sabihin na nating tutuo ang sinasabi ng ama ni Robert, kahti siguro sinong traffic officer na hirap na hirap na ayusin ang daloy ng trapiko ang hindi igalang ng motoristang pinahihinto nya ay magagalit rin. Napakarami nang buhay ang nasayang, marami nang away ang nangyari dahil lang sa pagpapa iral ng init ng ulo sa kalsada. Nataon na kasabay ng mainit na diskusyon sa kaso nina Carabuena at Mang saturnino ay ang balitang nawawala sa National Bilibid

www.pssst.com.ph

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

Road Rage
Prison ang negosyanteng si Rolito Go. Si Go ay nahatulang mabilanggo dahil sa pagpatay sa Engineering student na si Eldon Maguan dahil ditn sa away sa kalsada. Nagkabangaan ang kotse nina Go at Maguan dahil pumasok ang negosyante sa isang kalsada na one way. May away daw nuon si Go at ang girlfriend nito kayat mainit ang kanyang ulo at ang napagbuntunan ay si Maguan na kanyang nabaril. Si Feliber Andres, pitong buwang buntis ay napatay rin nong bisperas ng Araw ng mga kaluluwa nuong 1999 matapos barilin ng negosyanteng naka agawan nila ng parking space sa Loyola mermorial park sa Marikina. Nabaril ng negosyanteng si Inocencio Ferrer si Feliber at pati ang 2 taong gulang nitong anak ay nasugatan rin. Humihimas rin ng rehas ngayon ang kontrobersyal na si Jason Ivler, pamangkin ng singer na si Freddie Aguilar matapos mabaril at mapatay si Renato Victor Ebarle jr, nuong November 1999. Ilan lamang ito sa mga insidente ng walang saysay na kamatayan ng dahil lang sa pag iral ng init ng ulo sa kalsada. Nawalan rin naman ng saysay ang buhay ng mga nasangkot sa road rage dahil mahabang bahagi ng kanilang buhay ang inuubos nila ngayon sa llikod ng rehas na bakal. Kung tutuusin ang mga nabanggit kong ehemplo ay kinasasangkutan ng mga hindi ordinaryong tao kundi ng mga matatagumpay na negosyante. Sa kaso nina Carabuena at Mang Saturnino, ano kaya ang nangyari kung isa sa kanila ang armado? Sa tindi ng galit na makikita kay Carabuena, hindi malayong mas matindi ang nangyari kung mayroon itong dalang armas. Ang mga traffic enforcers ng MMDA ay walang armas, kahit batuta nga ay wala sila. Wala silang kakayahang maging banta sa sinumang motorista dahil kahit paniket sa mga lumalabag sa batas trapiko na tulad ni Carabuena ay wala sila. Kayat malabo ang mga sinasabi ng ilan na baka nagtangka itong mangotong kay Carabuena. Tamang hakbang ang ginawa ng MMDA na sinampahan ng kaso si Carabuena. Kung palalampasin lamang ang mga ganitong insidente, lahat na ng motorista ay hindi matututong igalang ang mga traffic enforcers na tulad ni Mang Saturnino na ginagawa lamang ang ini atang sa kanilang trabaho. Malay natin kung dahil sa insidenteng ito ay matulungan pa ni Mang Saturnino si Carabuena at ang mga katulad ni Carabuena para maging isang mabuting tao.

TRENDING ngayon sa mga social networking site ang pangbu bully at pang ha harass ng isang may mataas na posisyon sa kumpanya ng Philip Morris Philippines sa isang pobreng traffic enforcer ng MMDA. Nakunan ng video ang pangha harass na ito ni Robert Blair Carabuena kay Saturnino Fabros. Matinding cyber bullying ang inaabot ngayon ni Carabuena dahil tila no match sa kanya si Mang Saturnino na medyo may kapayatan samantalang may kalakihan itong si ginoong Carabuena. Sa 26 minutong video, makikita na itinutulak tulak ni Ginoong Carabuena si Mang Saturnino habang ina ambahan. Kinuha rin nya ang sumbrero ng pobreng traffic enforcer at ito ang inihahampas hampas nya sa mukha nito habang hindi malaman kung umaawat o kasama rin sa nambu bully ang kapatid nitong si Carabuena. Bago natapos ang video at lumayo na ang magkapatid na Carbuena, ay tinuluyan nito ng isang sampal si Mang Saturnino. Makikita rin

The Daily Word


Holy Gospel of Jesus Christ according to: Saint Matthew 18:21-35.19:1
Peter approached Jesus and asked him, Lord, if my brother sins against me, how often must I forgive him? As many as seven times? Jesus answered, "I say to you, not seven times but seventy-seven times. That is why the kingdom of heaven may be likened to a king who decided to settle accounts with his servants. When he began the accounting, a debtor was brought before him who owed him a huge amount. Since he had no way of paying it back, his master ordered him to be sold, along with his wife, his children, and all his property, in payment of the debt. At that, the servant fell down, did him homage, and said, 'Be patient with me, and I will pay you back in full.' Moved with compassion the master of that servant let him go and forgave him the loan. When that servant had left, he found one of his fellow servants who owed him a much smaller amount. He seized him and started to choke him, demanding, 'Pay back what you owe.' Falling to his knees, his fellow servant begged him, 'Be patient with me, and I will pay you back.' But he refused. Instead, he had him put in prison until he paid back the debt. Now when his fellow servants saw what had happened, they were deeply disturbed, and went to their master and reported the whole affair. His master summoned him and said to him, 'You wicked servant! I forgave you your entire debt because you begged me to. Should you not have had pity on your fellow servant, as I had pity on you?' Then in anger his master handed him over to the torturers until he should pay back the whole debt. So will my heavenly Father do to you, unless each of you forgives his brother from his heart." When Jesus finished these words, he left Galilee and went to the district of Judea across the Jordan.

Lumang tugtugin

Letter to the Editor

Dear PSSST, Nabuksan na naman po ang isyu tungkol sa paglilipat ng buwan dahil sa katatapos na pagbaha. Tama namang pag-usapan ang nasabing usapin, lalo nat kawawa ang mga estudyante dahil marami ang nawawala sa kanila. Kung tutuusin halos isang linggong walang pasok at malaking kawalan ito sa mga magaaral higit lalo sa mga mag-aaral sa public school na kalahating oras lamang pumapasok. Hindi bale na ang mga nasa private schools dahil talagang tinututukan sila ng kanilang mga guro at minsan ay nagpapa-tutor pa ang mga ito. Pero ang mga nasa public school, talung-talo sa ganitong pagkakataon. Kaya sana maging seryoso na ang ating mga mambabatas sa pagtalakay sa usapin ng lipat- klase. Hindi sana iyong pag-uusapan lamang itong isyung ito kung binabaha tayo at nagsususpendi ng klase. At kung tag-araw na naman ay kakalimutan na naman ang panukala. Pinakamabuti sana ituluy-tuloy na ng Kongreso ang pagdedesisyon sa usaping ito para pagdating ng susunod na pagbubukas ng klase ay may malinaw nang plano hinggil dito at maging madali rin para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang pagtanggap. Siyempre po hindi lamang ang mga guro ang apektado sa pagbabago kung matutuloy man, siyempre pati ang mga mag-aaral at magulang mas lalong apektado at kailangan ng adjustment. Kaya now na sana ito pagdesisyunan at sana rin ay magkatotoong Setyembre ang gawing pagbubukas ng klase dahil mas malaking porsiyentong hindi na ito gaanong maulan kumpara sa pagbubukas tuwing Hunyo. Maraming salamat PSSST. Bert Leano Taguig City

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

www.pssst.com.ph

OPINYON
Straw ka ba?
anchor ay bibigyan ko kayo ng ilang mga tips kung paano sila makakaliskisan.
Kabilang sa mga katangian ng plastic na pulitiko ay ang mga sumusunod; 1. Palaging nakangiti, palabati at masigla sa lahat kapag nasa harap ng publiko pero kapag staff na lamang ang kausap ay palagi ring may diin sa dulo ang bawat bitiw ng pananalita. 2. Kung makipag usap sa isang estranghero sa kanyang tanggapan o alinmang pampublikong lugar ay parang nakapatagal nang kakilala pero kapag nakasalubong ang tao sa ibang lugar ay hindi na niya ito matandaan o makilala 3. Sa mga pagsasalita sa publiko at sa media, walang ibang sinasabi kundi ang tulungan ang mga kapus-palad nating mga kababayan na alam naman nating hindi totoo dahil sa dami nilang nagsasabi nito, hindi pa rin nararamdaman sa surbey ng NSO sa mga mahihirap ang mga tulong na pinagsasasabi nila. 4. Kadalasang laging nagiging suplado at suplada sa personal matapos na matapos ang anunsiyo ng COMELEC na sila ay nanalo sa nakalipas na eleksiyon pero maguumpisang magpacute kapag malapit na naman ang kampanya, lalo na kapag naisip niyang wala siyang ginawa sa inupuang termino. 5. Madasalin at relihiyoso/relihiyosa ang ipinapakitang imahe sa publiko pero huwag ka dahil sa mga committee hearings ay walang kaabog abog na nakakapagbitiw ng mga salitang hindi magagandang pakinggan lalo na sa paningin ng mga kabataan. 6. User-friendly dahil ang lahat ng tulong materyal na ibinibigay sa publiko ay nakapagkit o nakamuwestra ang kanyang mukha at pangalan o kaya naman ay inoobligang magbigay ng patotoo ng kanyang kabutihang loob kuno ang natulungan. 7. Sa mga proyektong ginamitan ng pork barrel na alam naman nating gawin din sa pawis ng mga nagbibigay ng tama at hindi tamang buwis sa gobyerno ay mas malaki ang kanilang litrato at pangalan kumpara sa mismong pangalan nito. Ilan lamang ito sa mga tips na aking unang ibinabahagi sa publikong nais na mag-analisa sa mga pangalang lumulutang na tatakbo sa pambansang halalan sa susunod na taon, malaki ang naitulong ng mga ito sa akin sa loob ng halos sampung taong pagko-cover sa senado bilang dating reporter at anchor ng RMN-DZXL. Kaya kapag kayo ay hiniritan ng pick up line na straw ka ba? ay sagutin niyo agad na hindi, kapag bakit? kasi ang inyong katugunan ay siguradong mapapahamak kayo dahil ang susunod na maririnig niyo sa kausap niyo ay ang pangungusap na kasi sipsip ka na, plastic ka pa eh!, gandang araw po, hehehe.

WALANG SABLAY
MARLO DALISAY
Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Martes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

HABANG tumatagal ay parami nang parami ang mga pamahalaang lokal na nagbabawal sa paggamit ng plastic na mga sisidlan at mga lalagyan dahil sa perhuwisyong dulot ng mga ito sa kapaligiran at sa kalikasan. Kahit pa ang mga plastic bag ay puwede pang mapaglagyan ng bigas na ibibigay sa mga kapitbahay o mga kamag-anak na kinakapos at iba pang mga pagkain na dinadala sa mga relief operations, darating ang panahong tuluyan na itong mawawala sa eksena sa mamamayan ng Pilipinas. Dito lamang sa National Capital Region, ilang lunsod na ang nagbabawal sa paggamit ng plastic sa hangaring maiwasan ang mas matinding perhuwisyo at pinsalang dulot ng mga pagbaha bunsod na rin ng mala-Ondoy na pagragasa ng ulan. Ilan lamang sa mga lugar na ito ay ang Quezon City, Muntinlupa City, Navotas na kabilang sa mga tukoy na lugar na binabaha sa panahon ng tag-ulan kagaya lamang ng nararanasan sa mga ganitong panahon. Pero mayroon pang isang uri ng plastic na tila hindi pa naigagawa ng panukala hang-

gang ngayon kung kailan maipagbabawal dahil na rin sa kakaibang perhuwisyong dulot ng mga ito sa publiko sa araw araw nilang pakikibaka sa maingay, magulo at kontrobersiyal na mundo ng mga pinoy. Ang aking tinutukoy dito ay ang mga plastic na pulitiko na sa halip na mabawasan ay tila pang dumadami dahil na rin sa patuloy na pagtatangka ng mga sikat na personalidad sa industriya ng pinilakang tabing na pasukin ang larangan ng pulitika. Bagamat hindi ko rin naman sinasabi na ang lahat ng mga artistang naging mambabatas sa bahagi ng kanilang buhay sa labas ng pinilakang tabing ay plastic dahil ako ay marami rin namang patotoo na ang ilan sa kanila ay bukal sa kalooban ang pagganap sa mga responsibilidad sa lipunan.

Hanggang sa ngayon, mas marami pa ring mga botante ang hindi pa gaanong kabisadong mangilatis kung sino sa mga pulitiko, lalong lalo na sa mga nasa pambansang lebel, ang plastic, kumpara sa mga nakakaalam na kaya sa abot ng aking makakaya bilang isang dating radio reporter/

Sampolan ang aroganteng motorista


MADALAS ay naririnig natin ang mga reklamo ng mga motorist laban sa mga aroganteng traffic enforcer gayundin mula sa ilang abusado pulis o otoridad. Pero ngayon ay baliktad ang sitwasyon dahil ang minaltrato dito ay isang taong may otoridad na inatasan na pangasiwaan ang daloy ng trapiko. Ang binabanggit natin dito ay pananakit ng motoristang si Robert Blair Carabuena sa MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros na huling huli at kitang kita sa akto sa pamamgitan ng video. Sana ay huwag magpa areglo si Fabros kay Carabuena dahil ilang beses na ang mga ganitong eksena na nagwawakas ang kaso sa isang kasunduan hindi hindi na itinutuloy ang kaso. Sa pagkakataong ito ay makakabuting sampolan ang ganitong uri ng motorista na si Carabuena hanggang sa mahatulan sa korte at managot sa batas. Magsilbing babala din ito sa iba pang mga motorist na walang respeto sa mga traffic enforcer ng MMDA. Teka ano na kaya ang nangyari sa mga naunang nambastos sa traffic enforcer kung saan ay sinita nito ang pampasaherong bus sa halip na huminto ay sinagasaan pa ang kawawang traffic enforcer? Nangyari yan sa Edsa at iba pang lugar na maaangas na bus drivers dahil hindi lang naman mga pribadong motorist ang nasasangkot sa ganitong uri ng kalokohan. Nauna rito, kapag traffic enforcer ang umabuso ay agad na napaparusahan at natatanggal sa puwesto at ngayon dapat ay mabigyan din ng sampol ang mga abusado motorist.

kanilang traffic enforcer na ayaw magpahuli kahit lumabag sa batas trapiko.


Samantala, hindi naman ako pabor na armasan ang mga traffic enforcer ng MMDA dahil hindi kailangan ang baril o anumang sandata sa pagmamando sa trapiko. Tulad ng pagkakakuha ng video ay kay

STRAIGHT TO THE POINT


ELY SALUDAR
Fabros at Carabuena ay magandang maglagay ng CCTV camera sa mga pangunahing lansangan upang ito ang magsilbing bantay sa mga abusadong motorist at abusadong may otoridad.

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES


Publisher

MANUEL TRIA AUN


Managing Editor Tru-Brew Media, Inc. 259 15th Avenue, Cubao, Q.C. Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com

Sana ay maglabas din ng update ang MMDA kung ano na ang nangyari sa mga bus drivers na nanagasa ng

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

www.pssst.com.ph

Hollywood Bitz
Kristen Stewart tinanggal sa Snow White and the Huntsman sequel
MISMONG ang Universal Pictures ang nagkumpirma na hindi na makakasama sa sequel ng pelikulang Snow White and the Huntsman ang mismong bida nito, ang aktres na si Kristen Stewart ayon sa Hollywood Reporter. Nagdesisyon ang studio na gumawa ng bagong anggulo sa storya ng pelikula at magcoconcentrate daw ito sa character ng aktor na si Chris Hemsworth bilang solo Huntsman. Hindi pa malinaw ngayon kung babalik din ang direktor ng pelikula na si Rupert Sanders para sa sequel. Ayon sa report, napaka-unusual

BIYERNES AGOSTO 17, 2012


Nina MARA at CLARA

SHOWBIZ
Carla Abellana, ayaw ibuking sina Richard at Sarah

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

www.pssst.com.ph

Taylor Swift

Kristen Stewart

PSSSTmisan
LARA ISAGANI

Posthumous national artist award, iginawad na kay FPJ


SA wakas ay iginawad na sa yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. ang posthumous national artist award, kahapon ng umaga sa Malakanyang. Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nanguna sa conferment ng Order of National Artist in the field of camera sa Da King o Ronald Allan Poe y Kelly. Dumalo sa nasabing pagtitipon si Ms. Susan Roces, maybahay ni Da King, at malalapit na kaanak at kaibigan ng aktor. Magugunitang tinanggihan ni Ms. Roces ang parangal nang una itong ideklara ni dating Panguong Gloria Macapagal- Arroyo noong May 23, 2006. Hindi matanggap ng pamilya ng namayapang actor na si Arroyo ang magbigay ng award dahil sa isyung dayaan sa Presidential election. Ang yumaong actor at director ay tumakbo sa presidential elections noong taong 2004 laban kay Mrs. Arroyo. Samantala, nito lamang nakaraang July 20, 2012 ay kinumpirma ng Pangulong Aquino ang paggawad ng pinakamataas na parangal kay FPJ. Si FPJ ay pumanaw noong Dis-yembre 14, 2004 sa edad na 65anyos.

MUKHANG head over heels na yata talaga ang singer na si Taylor Swift sa kanyang bagong boyfriend na si Connor Kennedy. Pagkatapos niyang ipakilala sa kanyang mga magulang, eto at bumili pa ng isang 4,400 square-foot oceanfront mansion na malapit sa compound ng mga Kennedy ayon sa report ng Celebuzz. Ang mansion na mismong nasa hometown ng political family ng Kennedy sa Hyannis Port, Massachusetts ay may 7 bedroom, 5.5 badroom pad at binili niya sa halagang $4.9 million. Its in a beautiful location and right across the street from Conor and the Kennedys. Its a beautiful home, ayon sa local realtor. May tema itong chic pastel color at overlooking dito ang Nantucket Sound, isang area ang Atlantic Ocean. Mayroon din itong sariling guesthouse at private beach. Kahit may sariling bahay na siya sa Nashville at Beverly Hills, binili pa rin ito ng 22-year-old singer para mapalapit sa boyfriend. Ito ang una niyang bahay sa East Coast. Samantala, nagrelease ng bagong kanta si Swift sa kanyang bagong album na Red. Isa itong break-up song na may pamagat na Never Ever Getting Back Together at may spekulasyon na dedicated nanaman ito sa isa sa mga ex-boyfriends ni Swift. Kay Joe Jonas ba o kay Taylor Lautner? O kay John Mayer or Jake Gyllenhaal?

Taylor Swift, bumili ng bahay malapit sa BF

sa mga Hollywood studios ang magtanggal ng mga bida sa mga sequels ng pelikula lalo na kung sa first at second installment nito. Pero nakapagdesisyon ang Universal na alisin si Stewart matapos ang controversial affair nila ng director na si Sanders. Samantala, nauna pa rito, hindi na rin pagbibidahan ni Stewart ang pelikulang Cali dahil siya naman ang nag-quit sa nasabing movie matapos ang controversy. At balitang si Amber Heard ang ipapalit sa kanya. Na-hold ang buong production ng pelikula dahil isa siya sa executive producer nito.

Derek Ramsay

Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz

Van Damme inaming nagka-affair kay Kylie Minogue


ISANG pasabog mula sa action a great lady, ang kuwento ni Van star na si Jean-Claude Van Damme Damme na tila may kilig pa. nang tahasan niyang inamin sa Sa ngayon ay wala pang koharapan ng press people na niloko mento ang Spinning Around niya ang kanyang asawang si Dar- singer sa pag-amin ni Van Damme. cy LaPier at nakipagrelasyon siya Si Minogue ay nakikipag-date pa sa singer na si Kylie Minogue ayon rin sa Spanish model na si Andres sa report ng Gossip Center. Velencoso. Samantala, busy naman 20 years na ang nakakaraan ng si Van Damme sa pagpo-promote magka-affair ang dalawa. Kuwento ng latest movie na The Expenng 51-year-old star na nangyari ito dables 2 kasama ang kapwa acsa Thailand noong 1994 habang gi- tion stars na sina Sylvester Stallone nagawa nila ang pelikulang Street at Arnold Schwarzenegger. Fighter kung saan ang Australian pop diva ang kanyang leading lady. Sweet kiss, beautiful lovemaking, it would be abnormal not to have had an affair, shes so beautiful and she was there in front of me every day with a beautiful smile, simpatico, so charming, she wasnt acting like a big star. I knew Thailand very well, so Kylie Monigue I showed her my Thailand. Shes Van Damme

WALA raw halong kaplastikan na happy si Derek Ramsay para sa new found happiness ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban sa piling ni John Lloyd Cruz. Really, Im happy for her. Lets all be happy for them. Angel is a good person, she deserves to be happy. Please dont ba hard on them, pareho silang mabait and they deserve to be happy, ayon pa sa hunk actor. Ipinagtanggol din ni Derek si Angel sa mga nangaakusa rito na nangaliwa ito kung kayat nag-break sila matapos ang mahigit na apat na taon nilang relasyon.

Derek, happy para kay Angelica at John Lloyd


Aniya, personal ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at walang kinalaman dito ang bagong romansa ng exgirlfriend kay Lloydie na aniya ay itinuturing din naman nyang kaibigan lalo pa noong nasa kwadra pa siya ng Dos. Hindi man daw sila close ni Lloydie, wala naman daw dahilan para mag-away sila kahit na indirectly ay inamin na ni Angel na mag-dyowa na sila ng ex ni Shaina Magdayao base sa mga pictures na pinost niya sa kanyang instagram account na may kasamang caption na Perfect Sunday. Hindi raw nya nakita ang mga photos at may nagsabi

Phil Younghusband at Angel Locsin, magkasama sa pagtulong sa mga biktima ng baha


May 27 at habang tumatagal ang kanilang relasyon ay nagagayuma ang Azkals player dito. More more in love! Its amazing!. I have unexplainable

lang sa kanya. Sabi ni Derek, very busy raw kasi sya these days at thankful siya sa tiwala sa kanya ng Kapatid Network. Nang tanungin sa message nya para kina Angel at Lloydie, sabi ni Derek ay wala naman daw siyang masasabi dahil pareho ng mature ang dalawa. I just wish them happiness, ang maikling sagot nito. As of now ay wala raw syang girlfriend at hindi naman daw siya naghahanap. Priority nya ang career at pag may dumating at naramdaman nyang may kilig siya for the girl, then he will go for it.

Carla Abellana, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Will.i.am

HABANG nagsasaya ang miembro ng Black Eyed Peas na si Will.i.am sa kanyang #Willpower album listening party sa Hollywood bigla itong nagpanic nang hindi na niya makita ang kanyang customized car base sa report ng Gossip Cop. Bago pumasok sa club ay nagpa-picture pa ang singer kasama si Nicole Scherzinger sa gilid ng DeLorean-esque car niya at pinost pa ito sa Twitter. Mga bandang 2 a.m. nang madiscover niya na nanawala ang

Kotse ni Will.i.am biglang nawala


kotse kaya sunod-sunod na ang tweets nito. My car was stolen what the f**k! Where is my f**king car??? This isnt funny anymore..., ang mga naunang tweets niya. Im going to be optimistic and pray that my car is returned and safe, #givemebackmycar this joke is getting old, ang patuloy niyang tweets. Ayon naman sa spokesperson ng singer, naibalik na raw ang sasakyan ngunit parang hindi pa alam ni Will.i.am dahil hanggang ngayon ay hinahanap pa niya ito. Sinabi naman ng Los Angeles Police Department, wala pang report galing sa kampo ng singer na nawawala ang kotse nito. Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung naibalik na nga ito o hindi pa. Matatandaang ito rin ang sasakyang na-impound ng mga pulis last June dahil wala raw itong proper documentation. Ngunit nakuha naman agad ng singer ang kotse nang ipakita niya ang mga papeles nito.

MAGKASAMA ang magkasintahang Angel Locsin at Azkals star player Phil Younghusband sa pagtulong sa mga biktima ng baha sa gitna ng busy schedules nila sa kanikanilang mga career. Nakakaaliw ang ekse-nang nagbabalot din ng relief goods si Phil para sa mga ipinamigay na relief goods ng girlfriend. Sabi ni Phil, habang tumatagal ay lalo niyang nakikilala ang tunay na ugali ng Kapamilya actress at lalo raw itong napapamahal sa kanya dahil sa mga natutuklasan pang kabutihang-loob sa kapwa. Officially na naging magsweethearts ang dalawa noong

Phil Younghusband at Angel Locsin

feeling, and this feeling never ends. Were really, really in love with each other. think, if we have a happy lovelife, I think we are happier in our work. She inspires me a lot, ang sabi pa ni Phil. Hindi raw sila nakikialam pagdating sa pagde-desisyon sa career ng bawat isa pero nandun daw ang suporta at respeto nila. Hindi rin daw siya seloso sa mga romantic scenes ni Angel sa ibat-ibang leading men nito sa pelikula. I know its only for the movies and its her work. I trust her very much, so no problem at all. Whats important is that I know that she loves me too, dagdag ni Phil.

BIGO ang ilang press people na pikunin si Carla Abellana sa intrigang parang saling cat lang siya sa primetime teleserye ng Kapuso Network na Makapiling Kang Muli kung saan ay bahagi siya sa love triangle ng tambalang Sarah Lahbati-Richard Gutierrez. Hindi raw siya apektado kung sakaling mas nabibigyan ng weight ang loveteam nina Richard at Sarah sa nasabing GMA telebabad dahil naiintindihan niya na management move yun. Hindi naman ako apektado. I dont think na dapat akong maapektuhan dahil lang doon. Yung iba, sinasabi nila na siguro raw para ma-promote yung show. at magkaroon ng ingay, paliwanag ng dalaga. Pero idiniin nya na ka-loveteam pa rin sya ni Richard at aniya, tatlo pa rin sila hanggang sa katapusan ng kanilang show. Sabi nito, naghihintay lang sila ng decision from management kung ano ang mangyayari, pati sa mga writers kung ano ang gusto nilang ending ng show. Samantala, ayaw mag-comment ni Carla sa napapabalitang romansa nina Richard at Sarah. Wala naman kaming nakikita kasi lahat professional sa set, hindi naman sila nakikitang nagbababad na magkatabi, dagdag niya. Kasi hindi ko nakikita. Bulag ako, sabihin niyo nang bulag ako, ayokong magsalita kasi baka iba ang masabi ko eh, ani pa ng dalaga.. Pero dugtong ni Carla, open naman daw ang dalawa sa pagku-kwentong minsan ay nagde-date sila at nakikita naman daw sa instagram ng mga ito na magkasama sila sa mga pictures. Pero ako, my gosh, bulag talaga ako, please, wag ako ang tanungin nyo tungkol sa kanila, hirit pa ni Carla.

Fernando Poe Jr.

Dolphy

40 days ni Dolphy simpleng gugunitain


SIMPLENG paggunita ang gagawin ng pamilya ni Comedy King Dolphy para sa ika-40 araw ng pagkamatay nito bukas. Ito ang tiniyak ng anak ni Dolphy na si Ronnie Quizon katulad ng ginawa nila noong kaarawan ng kanilang ama noong nakaraang Hulyo. Ayon kay Ronnie, isang munting salu-salo at private gathering ang gagawin ng pamilya. Sa ngayon ay inaayos na ng pamilya Quizon kung paanong paraan magiging bahagi ang publiko para sa 40 days of mourning ng naiwang pamilya ni Dolphy. Una ng nangako ang pamilya Quizon na ikokonsidera nila ang mga fans ni Dolphy para sa paggunita ng ika-40 araw ng pagkamatay nito. Sinabi naman ni Eric Quizon na magkaroon ng tribute kay Dolphy para sa mga naging kontribusyon nito sa industriya ng showbiz, pero tumanggi munang magdetalye ng husto. Paniguradong gusto raw kasi ng kanilang ama na maging bahagi ng commemoration ang mga umiidolo sa kanya. Dont worry, we will keep you posted. Right now, I dont wanna divulge information muna. Kumbaga, parang pinaplano pa namin. I want solidarity. I want unity na baka sakaling magkakatrabaho uli yung mga malalaking networks together, parang isang ganung okasyon, ani Eric. Magugunita na binawian ng buhay noong July 10 ang Hari ng Komedya sa edad 83-anyos dahil sa multiple organ failure.

METRO NEWS BuCor director nagpaalam;

www.pssst.com.ph

TINANGGAP kahapon ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III ang inihaing indefinite leave of absence ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gaudencio Pangilinan.
Ang paghahain ng leave of absence ni Pangilinan ay kasunod ng nangyaring pagkawala ng convicted murderer na si Rolito Go na diumanoy dinukot pero nakatakas umano sa kanyang mga kidnappers. Kasunod ng pagli-leave ni Pangilinan ay iniutos ng Pangulo ang malalimang imbestigasyon sa insidente sa pangunguna ng multi-agency team dahil sa nangyaring pagkukulang sa panig ng mga taga-BuCor kayat dapat lamang umanong may managot sa nangyaring kapabayaan. Ang BuCor ay pansamantala pamumunuan ni Justice Secretary Leila de Lima habang walang pang naitatalagang officer-incharge ang Pangulong Noynoy. Samantala, matapos na kusangloob na bumalik sa kustodiya ng Philippine National Police ay dumaan sa masusing inspeksyon si Go bago bumalik sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng hapon. Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., ito ang standard procedure ng mga bilanggong ipinapasok sa compound kaya kailangang sumunod ni Go. Pero sa halip na dalhin sa dating tinutuluyan sa minimum security compound, idiniretso ito sa maximum security compound ng bilangguan. Kahapon ay ipinrisinta rin ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome si Go sa mga mamamahayag sa Camp Crame kung saan ay inilahad ng convicted killer ang kanyang karanasan kung paano siya dinukot ng mga nagpakilalang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na kalaunan ay humingi umano ng malaking halaga ng salapi, bagay na hindi naman niya naibigay. Pinalaya lamang umano sila, kasama ang kaniyang pamangking nurse na si Clemence Yu, matapos mabatid ng mga suspek na wala naman talaga silang makukuhang pera. PSSSTnewswires

Rolito Go, diretso maximum security!

UMANI ng pagtutol sa mula sa ibat ibang sector ng lipunan ang ipinataw na parusang suspensyon sa isang empleyado ng tobacco company na nahuli sa video na nanapak ng isang enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Quezon City nakaraang linggo.
Ayon sa grupong Kalos Arogante, isang grupong nagbabantay sa mapang-abusong mga opisyal ng gobyerno at indibidwal, hindi sapat anila ang suspensyong iginawad ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC) sa kanilang recruitment officer na si Robert Blair Carabuena na walang takot na nanakit sa isang traffic constable ng MMDA na si

Suspensyon sa nanapak ng enforcer di sapat

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

Saturnino Fabros noong Agosto 11. Naunang sinabi ng kumpanyang pinapasukan ng aroganteng motorista na hindi sakop ng oras ng trabaho ang insidente pero hindi umano nito kinukunsinti ang anumang aksyon ng kanilang empleyado na hindi karapat-dapat. Nabatid ding ang suspensyon kay Carabuena ay epektibo habang patuloy ang imbestigasyon sa kinasasangkutan nitong kaso. Kamakalawa ay nagsampa na ang MMDA ng kasong direct assault kay Carabuena at sa kapatid nitong si Benjamin. Ayon sa MMDA, kanselasyon sa drivers license ang maaaring ipataw sa sinumang mananakit sa isang traffic enforcer. Rogine Rogelio

90% sa Maynila walang sewage system


SIYAMNAPUNG porsyento sa mga residente sa Metro Manila ang napag-alamang walang sewage system.
Ito ang iniulat kahapon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ayon kay MWSS Chairman Ramon Alikpala, karamihan sa mga residente ay tanging septic tanks lamang ang gamit. Ipinaliwanag pa ni Alikpala na regular na naglilibot ang water concessionaires para sipsipin ang septic tanks at sisimulan na rin ang paggawa ng water treatment facilities. Sinisimulan pa lang ang paggawa ng inceptor system na siyang magsisilbing treatment facility para sa maruming tubig na pakakawalan sa ilog mula sa drainage system. Honey Rodriguez

Kelot nakalambitin sa tulay


BuCor Director Gaudencio Pangilinan Rolito Go

NAMAYANI ang tensyon kahapon sa isang mall sa Pasay City nang sumalakay ang umanoy sampung holdaper sa isang pawnshop na nasa loob ng nasabing mall.

Shootout sa mall sa Pasay


minutong barilan. Lumalabas na inatake umano ng mga holdaper ang Tambunting Pawnshop dahilan para rumesbak ang mga security guard na nakaantabay sa nasabing bahaysanglaan. Wala pang iniulat na casualty sa nasabing insidente habang pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng MRT sa Taft Avenue Station para masigurong hindi ito magagamit ng mga pupuslit na mga kawatan. Napag-alaman din kay Attorney Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagkakagulo ang mga tao habang papasok sa MRT- Taft Avenue Station sa Pasay Rotonda na karugtong lamang ng naturang mall bunsod ng insidente. Ira Corvera

SA malayuan ay aakalain mong manikin lamang ang isang lalaking natagpuang nakalambitin at nakabigti sa ilalim ng tulay ng Arlegui na malapit sa Malakanyang, Maynila, kahapon ng umaga, Agosto 16.
Hindi pa din nababatid ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na nakasuot ng kulay green na t-shirt at gray na shorts at nasa tinatayang 30- hanggang 35-anyos. Base sa paunang ulat na inilabas ng Manila Police District (MPD) -Homicide Section, bandang alas-

Nabatid sa ulat na nagkagulo sa Metropoint Mall na nasa panulukan ng Taft Avenue at Pasay Rotondo nang sumiklab ang ilang

10:00 ng umaga nang makatanggap ang himpilan ng tawag ukol sa isang walang buhay na lalaking nakalambitin umano sa ilalim ng Arlegui Bridge. Makikitang alambre ang ginamit at ipinulupot sa leeg ng biktima habang posibleng ibinitin ang naturang lalaki habang walang tao sa lugar dahil wala din umanong makapagsabi o nakakita sa naganap na insidente. Samantala, kasalukuyan pa ding nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad at inaalam na din ang pagkakakilanlan ng biktima maging ang mga posibleng gumawa nito sa kanya. Honey Rodriguez

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

MAHIGIT isang taon ang hinintay ni WBC champion Emeritus Toshiaki Nishioka, para lang makasagupa si WBO/ IBF junior featherweight champion Nonito The Flash Donaire Jr.

Japanese #1 boxer atat kay Donaire

www.pssst.com.ph

SPORTS
MGM Grand Hotel, nireserba ng Top Rank para sa laban ni Pacman
KAHIT hindi pa alam kung sino ang makakaharap ni eight-division world champion Manny Pacquiao, ipinareserba na ng Top Rank Promotions ang MGM Grand Hotel para sa November fight ng nasabing boksingero. Sinabi ni Nevada State Athletic Commission executive director Keith Kizer, may request na si Top Rank Promotions big boss Bob Arum na huwag na itong ipagamit sa iba sa darating na Nobyembre 10. Ang naturang request ni Arum ay kasama ang pay-per-view sa isang higanteng cable channel sa Amerika. Sinasabing nakatakdang ihayag bago matapos ang linggo ang posibleng makakalaban ni Pacman. Kabilang sa mga pinagpipilian ay ang rematch kay WBO welterweight titleholder Tim Bradley at Miguel Cotto at Part IV o kaya kay four-division title winner Juan Manuel Marquez. Ella C.Linde

Para sa Japanese fighter, maituturing niyang dream fight ito, lalo pat sikat na sikat na sa boung mundo sa larangan ng boksing ang Pinoy ring icon. Sinabi ni Nishioka, simula noong nakaraang taon ay pinaghahandaan na niyang makalaban si Donaire. Giit pa ng Japanese number one boxer, nakalaban na niya ang ilang best bantamweight boxers gaya nina Jhony Gonzalez, Rafael Marquez pero sadyang iba umano ang makaharap ang isa sa pound-for-pound boxer sa mundo. Since the end of last year, I have been training for the bout with Donaire. I was worried that this fight would never happen, but now that the deal has been finalized, I am excited to face him . I have fought overseas against great fighters such as Jhonny Gonzalez, Rafael Marquez but to fight Nonito Donaire motivates me more for he is known around the world as one of the top pound for pound fighter, wika pa ng Hapones. Kaugnay nito, bukas ay sisimulan nang ibenta ang fight tickets para sa nasabing laban na gaganapin sa October 13 sa Home Depot Center sa Los Angeles, California. Ella C.Linde

HINDI natuloy ang friendly game sa pagitan ng Philippine football team Azkals kontra sa US Virgin Island. Gaganapin sana ang laban ng US Virgin Islad at Philippines Azkals bukas ng umaga sa Indianapolis, Indiana. Ayon sa report hindi nakahabol sa FIFA sanctioned friendly game ang Virgin Island kung kayat umatras na lang ang mga ito. Ang Azkals ay kasalukuyang nasa 15-day training camp sa Es-

Azkals vs US VirginIsland naunsyami

tados Unidos bilang paghahanda sa AFF Suzuki Cup sa darating na Nobyembre. This is a training camp so we continue training and we will have scrimmages with other teams, pahayag ni Azkals manager Dan Palami. Kung maaalala, noong Linggo natalo ang national team sa kanilang laban kontra sa Premier Development League team na Chicago Inferno sa iskor na 1-3. Ella C.Linde

SPORTS BITZ
NAPILITANG umatras si Rafael Nadal sa US Open dahil sa pilay sa kanyang tuhod. Missing in action din si Nadal, 26, sa London Olympics sa knee injury at hindi pa naglaro simula noong Wimbledon. Absent din ang world No.2 sa Masters Series events sa Toronto at Cincinnati ngunit umaasa siyang makakapaglaro sa Flushing Meadows. Nakumpleto ni Nadal ang buong set ng Grand Slams nang manalo

Nina:

Mara at Clara

Rafa Nadal, umatras sa US Open

siya sa New York noong 2010. I am very sad to announce that I am still not ready to play and have to withdraw from this years US Open in NYC, sinabi ni Nadal. I am sorry since I always found great crowds and great support, but I have to continue with my recuperation and preparation to be ready to play in the right conditions, wika pa ng tennis player.

Dream Team, mas matalino at magaling kaysa Team USA --Jordan


PINURI ni Michael Jordan ang 2012 Team USA sa pag-uwi ng gold medal sa Olympic basketball pero hindi pa rin siya bilib sa mga ito. Ayon kay Jordan, may ilang aspeto kung saan mas angat ang 1992 Dream Team kaysa sa 2012 Team USA. (Kobe Bryant) thought we were a little old, but only 2 players were over 30, sinabi ni Jordan. Sina Larry Bird at Magic Johnson ang tanging miyembro ng Dream Team na lagpas 30 taon gulang noon. Binanggit din ni Jordan ang size difference ng dalawang teams. One thing 2012 lacked was size, ayon sa dating Chicago Bulls player. May tatlng players ang Dream Team na higit 610 ang taas habang iisa lang sa Team USA. We were much more solid defensively. They only had one shot blocker, sinabi ni Jordan. We were a little smarter and well-groomed, dagdag pa ni Jordan tungkol naman sa team chemistry ng Dream Team. Pinagtawanan na lamang ni Jordan ang unang komento ni Kobe Bryant na kayang talunin ng 1992 team ang 2012 team. Kabilang ang 11 future Hall of Famers ang 1992 Dream Team.

2 French soccer players, sangkot sa prostitusyon


HAHARAP sina French soccer stars Franck Ribery at Karim Benzema sa korte dahil sa pagkuha ng underage prostitute. Some of the defendants will be prosecuted for aggravated pimping, although I cannot disclose which ones at this time, sinabi ng imbestigador na si Andre Dando sa CNN. Nabuking sina Ribery at Benzema sa isang police raid sa isang Paris night club kung saan nakulong ang 18 na pinaghihinalaang prostitutes. Ibinunyag ni Zahia Dehar, isa sa mga suspek, na naging karelasyon niya ang ilan sa French national team ngunit hindi niya binanggit ang kanyang edad sa mga football players. Inamin naman ni Ribery ng German club Bayern Munich na nakipag-sex siya kay Dehar pero hindi niya alam na minor pala ito. Tumanggi naman si Benzema, striker ng Real Madrid, na magkomento tungkol sa isyu.

Coach: LeBron James, nalampasan ang galing ni Jordan


PINURI ng Syracuse coach Jim Boeheim si Miami Heat star LeBron James na mas magaling na basketball player kaysa kay NBA legend Michael Jordan. Sinabi ni Boeheim, longtime assistant sa world championship at US mens basketball team sa Olympics, na maabilidad si James pagdating sa pagdepensa ng lahat ng limang posisyon sa basketball. Ive always thought Michael Jordan was the best player that Ive ever seen, sinabi ni Boeheim. I always have and and I didnt think it was close. Im not so sure any more. And I love Michael Jordan. Im not so sure anymore. This guy is 6-foot-9 and 260 pounds, and hes getting better. He works on his game. His shooting is getting better. Hes a phenomenal, phenomenal basketball player. I love this game, I love the history of this game. I know weve had great, great players through the years. Hes like Magic Johnson with Michael Jordan-type skills as well.

Michael Jordan

LeBron James

TSISMIS

Solon nagdadamot sa medical assistance


KUNG pagdadamot lang ng medical assistance ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa tanggapan ng isang sikat na senador na ito.
Ito ang sumbong ni Bugzie dahil marami raw siyang mga natatanggap na hinaing ng mga nagtutungong tao sa tanggapan ng senador na ito pero hindi naman daw sila mabigyan ng medical assistance. Katwiran daw ng mga nagmamagandang mga staff ng senador na ito, wala na raw pondo ang kanilang tanggapan sa National Kidney Institute (NKI) kayat stop daw muna sila sa pamimigay ng medical assistance. Subalit hindi naman daw ito totoo dahil nang i-check sa NKI, milyon pa naman ang pondo ng tanggapan ng senador na ito sa naturang pagamutan. Sa sumbong pa ni Mang Teban, kung mahirap daw ang magtutungo sa tanggapan ng senador, lagi raw sinasabi ng mga staff ng senador na ito na bumalik na lang dahil wala pa silang pondo sa nasabing pagamutan. Subalit kung kakilala raw ng mga staff na senador na ito ang mga humihingi na tulong, hindi raw bababa sa P5,000 ang ibinibigay nitong medical assistance sa kanila. Sino siya? Clue: Ang senador na nagdadamot sa medical assistance ay sikat na sikat na may letrang O sa kanyang pangalan at apelyido. Candido C

www.pssst.com.ph

10

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! Relief goods Sina konsehal tinatago ni kapitan may sikretong relasyon
HELLO to everyone, sa mga suki ng PSSST. This is my first time to send a tsismis to PSSST. I hope you will publish this. Im Robbie, employee dito sa munisipyo dito sa amin sa Quezon. Very interesting naman po ang tsismis ko. This is about two councilors dito sa aming maliit na bayan sa Quezon na usap-usapan na rito sa aming bayan na may lihim daw na relasyon. Pangalanan na lang po natin sa pangalang Councilor C and Councilor M. Ito pong si lalaki na si Councilor C ay guwapo at hiwalay sa asawa, mayaman din ito. Si Councilor M naman ay isang businesswoman pero ang asawa niya ay isang seaman, kapitan ng isang cargo vessel. Umuuwi lang si Kapitan, once a year lang. Kahit 45 na si Konsehala, maganda pa rin at sexy. Dati kasi itong sumasali sa mga beauty contest. Kung baga, pwede pa siyang pang Mrs. Universe sa ganda, kaya siguro nagustuhan siya ni Councilor C. Ang tsismis sa munisipyo, kapag may session ang konseho, magkatabi daw itong dalawa at kapag wala namang ginagawa si Councilor C, lagi niyang pinupuntahan si Konsehala sa kanyang office, laging may dalang meryenda. Minsan naman may pasalubong na fruits, ice cream at kung anu-ano pa. Friends lang daw sila at wag bigyan ng malice. Magkababata raw kasi sila kaya ganoon nila kakilala ang isat isa. Pero hindi naniniwala ang ilang na kasama nila ang nakahuli kay MUSTA po kayong lahat. KaCouncilor C na lumabas ng room ni hit baha pa rito sa amin eh di ko po Konsehala, madaling araw daw iyon matiis na di magpadala ng tsismis. kaya nagduda silang mukhang may Itong tsismis ko po ay may kinalarelasyon na ang dalawa. man sa barangay kapitan namin na Humihiwalay nga raw ang dalanagtatago ng mga relief goods. wa sa grupo at may sariling lakad. Ang kwento po, noong Martes Noong pababa na ng Baguio, hindi po ng hapon nasa kasagsagan ng sumabay sa kanila dahil pupunta pa ulan, may nakapagsabi na meron raw sila ng Manaog, magsisimba pong dumating na relief goods sa raw. barangay, bigay raw po ng ibat Pagkatapos daw sa Manaog, ibang NGOs. dalawang araw pa raw nag-stay sa Eh di kami naman po, dahil wala isang hotel ang dalawang konsehal na kaming makain, nagtungo kami kaya lalong tumibay ang hinala na sa barangay para pumili para sa remay namumuong relasyon sa kanila. lief goods. Pagdating namin doon, Kalat na rito sa aming tsismis sa nagsimula na ng pamimigay ng rekanila. Ewan ko lang kung nakaralief goods. ting na sa asawa ni Konsehala. Ang Andoon si Kapitan, itago na lang balita ko next month uuwi na siya at natin sa pangalang Capt. Andres. tiyak magdidiyeta raw itong CounSiya ang nagmamando siyempre. cilor C dahil di siya makakaiskor Marami ang tao, mahaba ang pila. kay Konsehala. Hahaha! Mga ilang minuto lang mula ng Hanggang dito na lang po. Tsiskami ay dumating, sabi nila wala na mis ito na totoo. 100%. Sana nag-enraw relief goods, naubos na. joy kayo. Nagtataka kami kung Kung kayo ay may kakaiba, na- bakit nauubos gayong ang Arthur kakagulat at nakakaawang kwento kwento sa aming dalawang of Tiaong, ng inyong kapit-bahay i-share dito truck daw na relief goods ang sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Quezon dumating at binagsak lahat sa Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. barangay. com at manalo ng mga sorpresang Eto na, napag-alaman napapremyo. min na tinatago lang pala ni Kapitan yung mga relief goods sa loob nga ng barangay hall. Hindi totoong ubos na. Imposible raw maubos agad iyon dahil ang kwento sa amin para raw sa 2,000 pamilya yun. Ang balita ko, wala pang 1000 katao ang nabigyan ng relief goods. Kaya isa lang ang motibo, gustong itago ni Kapitan ang relief goods. Meron kasing malaking grocery yang si Kapitan baka gusto niyang doon ilagay. Mahiya ka naman kapitan. Para sa taumbayan yan di para sayo lang! Salamat PSSST. Sa uulitin po. William of Quezon City

miron sa munisipyo dahil duda nila, may relasyon na ang dalawa. Ang huli ngang tsismis, nang may pintuhan forum/seminar ang dalawa sa Baguio, kasama ang fellow councilors, eh super sweet daw ang dalawa. Isa sa mga councilor pa nga raw

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

11

www.pssst.com.ph

CENTRO SERBISYO

PINANGUNAHAN ni Quezon City Rep. Winston Winnie Castelo (5th mula kanan) ang inagurasyon ng gusali na kanyang ipinagawa para sa mga estudyante ng New Era High School. Bilang tagapagsulong ng edukasyon, naging instrumento si Castelo sa konstruksyon ng gusali upang magkaroon ang mga mag-aaral ng maayos na lugar sa pagkalap ng kaalaman. Kasama ni Castelo sa okasyon sina Quezon City councilor Precious Hipolito Castelo (5th mula kaliwa), Allan Robes (6th mula kanan) at Bobby Castelo (3rd mula kanan). Kasama din nila ang mga opisyal ng naturang paaralan na sina principal Dr. Luis Tagayon at Rhea Herrera. PSSSTphotowires

Wirdo Balita
ni M & C

Swimming pool nakabitin sa gilid ng hotel


ISANG Chinese hotel ang nagtayo ng swimming pool na nakabitin sa 24th floor ng Holiday Inn Shanghai Pudong Kangqiao ayon sa report ng Orange News. Ang nasabing swimming pool ay gawa sa salamin at pag tumingin ka sa ibaba ay kitang-kita ang kalye. Para ka lang nagswi-swimming sa langit. Dinesenyo ito ng isang Singaporean company na Chan Sau Yan Associates at ito ang kauna-unahang scariest swimming pool ng China. May sukat itong 30-meter long at 6 meter wide. Ayon sa spokesperson ng hotel, gusto nilang ma-experience ng kanilang mga guest ang kakaibang swimming pool at mag-enjoy sa kanilang bakasyon. Kuwento naman ng isang hotel guest na na-impress, feeling niya ay lumilipad siya sa kalangitan habang nagswi-swimming at nagustuhan niya ang magagandang tanawin habang nasa pool.

Team Albay, nasa Metro para mag-rescue


NASA Metro Manila na para umayuda sa mga nabaha ang Team Albay, ang disaster risk reduction strike force, ng lalawigan ng Albay na beterano na ng maraming disaster operations sa bansa. Iniutos ni Albay Gov. Joey S. Salceda gabi ng Martes ang madaliang pagdeploy ng Team Albay na binubuoo ng 50 tao sa Metro Manila para tumulong sa rescue and evacuation at magkaloob ng ligtas na inuming tubig at pangkalusugang serbisyo sa mga biltima ng malawakang baha. Ang Team Albay ay may dalawang operating units ang Water Sanitation (WATSAN) group at ang Albay Health Emergency Management (AHEM) team kung saan kasama ang Water Search and Rescue (WASAR) group ng Office of Civil Defense V. Dala ng WATSAN ang isang malaking tangke at isang water filtration machine na kayang sumala, luminis at gumawa ng 32,000 litrong ligtas na inuming tubig sa isang oras mula sa tubig baha. Ito ay ipupuesto sa alin mang lugar na priority area ng National Disaster Risk and Reduction Management Council. Ang water purifying machine ay kaloob sa Albay ng pamahalaan ng Espana noong 2009 sa pamamagitan ng Agencia Espaola de Cooperacin Internacional Para el Desarrollo (AECID), ang Spanish International Cooperation Agency for Development. Pinamumunuan ni Provincial Health Office (PHO) deputy chief Nats Rempillo ang Team Albay na binubuo naman ng mga kawani mula sa Office of the Governor, Albay Provincial Government, PHO-9, Albay Provincial Safety and Emergency Office, Provincial Social Welfare Develoment, at Provincial Engineering Office. The WASAR is composed of 21, with a support staff of 10. Pansamantalang nakabase ngayon ang Team Albay sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Ang nakipagugnayan sa mga pamahalaang local sa NCR at pambansang mga ahensiya ng pamahalaan ay ang OCD sa Bicol na pinamumunuan naman ni Regional Director Bernardo Alejandro. Itinatag ni Salceda nuong 2009, ang Team Albay ay beterano na ng hindi iilang mercy missions sa ibat-ibang rehiyon sa bansa. Ang pinakahuling misyon nito ay sa Catanduanes ng sumabog ang cholera doon kamakailan lang. Galing din ito sa Guihulngan City matapos itong yanigin ng malakas na lindol nitong nakaraan taon. Ang iba pang mga lugar na niyanig ng mga kalamidad kung saan nasabak ang Team Albay mercy mission ay ang Isabela; Iloilo matapos manalasa doon ang Typhoon Frank; Bagong Silangan, Quezon City matapos itong hagupitin ni Typhoons Ondoy at-Pepeng; at Cagayan de Oro pagkatapos ni Sendong. Kasama sa Team Albay ang mga ekspertong medical, water sanitation, camp management, psycho social, at iba pang disaster related management specialists. Ang rescue component naman nito ay binubuo ng military at paramilitary personnel mula sa AFP at Bureau of Fire Protection. Lahat sila ay nagtapos ng Albay Health Emergency Management advanced course sa ilalim ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kulungan sa Bolivia, walang mga guwardiya


KUNG ang lahat ng kulungan ay puno ng jail guards para magbantay 24x7, kakaiba naman itong San Pedro Prison sa La Paz, Bolivia dahil wala silang mga guwardiya ayon sa Oddity Central. Bukod sa walang jail guards ay wala rin itong mga rehas dahil para itong isang community na may palengke,restaurants, hairdressers at pati hotel. Pero ang catch, kahit malaya sila dito ay sila mismo ang dapat magbayad ng renta ng kanilang mga kulungan. Kaya tulad ng mga taong malaya sa labas ay nata-trabaho din sila sa loob ng community. Kasama ng mga preso na namumuhay sa jail town ang kanilang sari-sariling pamilya. Mayroon ditong mga presong mayayaman na can afford na tumira sa mas malaking kulungan kung saan may sariling CR, kitchen, cable tv at jacuzzi. Nagbabayad sila ng $1,000 hanggang $1,500. Pero mas marami pa rin ang mga inmates na mahihirap at nakatira sa masisikip na kuwarto.

Mag-asawa nag-ampon ng siyamnapung mga bata

LAHAT ng mga magulang ay alam kung gaano kahirap magpalaki ng mga anak. Pero ang magasawang Lisa at Jorge Alvarez mula sa South Florida ay hindi alintana ito dahil nag-ampon lang naman sila ng siyamnapung bata base sa report ng The Local 10. Taong 1997 nang mag-umpisang mag-adopt ang mag-asawa nang makailang beses nilang sinubukan magkaroon ng sariling anak ngunit hindi sila biniyayaan. Una nilang inampon si Natasha na ngayon ay 12 years old na. Pagkaraan ng ilang buwan ay nagdesisyon si Lisa na mag-aral at kumuha ng medical certificate para makapagampon naman ng mga batang may sakit. At inadopt na nila ang isang 5-year old boy na may sakit na celebral palsy at chronic lung disease. Hanggang sa sunod-sunod na ang pag-aampon at umabot na sa 90 ang mga bata. Talagang kailangan ng team effort sa kanilang tahanan. Ang asawang si Jorge ang tagaluto at ang ibang mga bata na malalaki na ang tumutulong sa ibang gawaing bahay. Everyone says when you die you are going to go to heaven. But I feel like I have heaven on earth taking care of these children. I love it, ang masayang pahayag ni Lisa.

CENTRO SERBISYO
Para sa inyong reklamo sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga abusadong opisyal o tauhan ng gobyerno, i-email lamang ang inyong reklamo na may kasamang larawan sa www.pssstph@gmail. com

BIYERNES AGOSTO 17, 2012

www.pssst.com.ph

ANO BA YAN?

Pumarehas lang tayo

Sa pagbuhos ng ulan at pagragasa ng baha sa panahon ng kalamidad ay sumasabay din ang mga Pinoy sa pagkayod. Ibat ibang mga diskarte kung paano maisasalba ang mga sarili at pamilya gamit ang mga ganitong klase ng palutang at iba pang paraan ng transportasyon. Ngunit sa kabila nito ay hindi na rin kaila sa atin na may ilang mga taong nagsasamantala sa kapwa sa kabila ng hirap at unos. Naway magkaroon ng maayos na regulasyon sa mga ganitong pagkakataon at matiyak ng mga lokal na pamahalaan ang makataong pag-agapay. PSSSTphotowires

You might also like