Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tula ng sanaysay

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay may kanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na wika. May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong at mayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak. Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'y makilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay may taglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay, mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At ang pagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higit sa kayamanan. Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o hindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nang matiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Ang maraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindi sinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sa pampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatanda o sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagi sa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla, paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. At minsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mga ito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy. Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapat ingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito ay nakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Sa iyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindi napasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyong ginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isang higit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyong kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas na gantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyon dito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos ang gantimpala. Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano. Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa. At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!

You might also like