Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Badtrip.

Hindi ko alam kung sinong pinoy na galit sa mundo oh nakiki-uso sa mga gumagawa ng mga astig na salita ang umimbento nito. Hindi ko din alam kung pano ito pumasok sa kokote ng taong umimbento nito. Ang alam ko lang ito ay isa sa mga paboritong sabihin ng mga taong asar sa mundo at sa mga taong nakapalibot sa kanila. Isa na ako doon. May mga oras na talagang nakakabadtrip maging ang panahon dahilan malamang sa sobrang init. Ang init amf, kakabadtrip di makalabas.., Kabadtrip kala mo kung sinong magaling. Mga partikular na pangungusap na naririnig sa isang partikular na pinoy na asar sa mundo na laging buntunan ng sisi ang kapwa o anumang kawawang nilalang na nakapaligid sa kanya. Sa tinagal-tagal ko nang laman ng kalye at eskwelahan, di ko na mabilang ang beses na narinig ko ang salitang ito. Laman ito ng mga bibig ng mga galit na motoristang naipit sa mga kalsada ng maynila sa sobrang dami ng sasakyan na kinukulang na ng lupang madadaanan, laman din ng mga bibig ng mga batang asar sa guro, kamag-aral, crush, kapatid, magulang, pinsan, magign sa kanyang sarili. Pero madalas itong madinig sa mga kabataang mababaw ang emosyon, partikular na ang mga batang naglalaro sa mga computer shops at bahay. Mga binansagang adik sa mga computer games na kapag hindi nakapaglaro ng isang oras o mahigit sa isang araw ay mamamatay. Inaamin ko isa ako sa kanila dati, ngayon unti-unti ko nang nakakasawaan ang mga larong kina adikan ko noon. Oo mababaw ang emosyon ng mga bata at mga matanda na adik sa mga video games, tamaan na ang tamaan, magalit na ang magagalit ngunit napapansin ko, sa bawat panahon na matatalo sila laging mga katakot-takot na mura ang ipinaaambon sa kawawang computer na madalas buntunan ng sisi. Badtrip talaga yung mouse nito amf!, @#$% talaga lag naman tong pc ko!. Mga pangkaraniwang sinasabi ng mga taong natalo sa nilalaro o hindi nasisiyahan sa larong binayaran ng 20 pesos para sa isang oras na kaligayahan. Kapag nananalo naman pay daig pa ang nanalo sa lotto, syempre hindi mawawala diyan ang katakot-takot nanamang mura na parang pagbibigay pugay nila sa kabayanihang nagawa na talunin ang kalaban at isalba ang sangkatauhan. Imba ka talaga sir! Idol!, !@#$%^&ng yan imba ka talaga sir!, mga paulit-ulit na salitang pampuri sa kakampi pag nanalo na may kasama pang kutos o palo sa katawan at matunog na tawanan. Hindi din mawawala ang sisihan sa kakampi bawat laro. Kung may matalino, malamang may mga tanga ding nababansagan. Ito yung mga manlalarong buntunan ng sisi kapag natatalo dahilan sa konting pagkakamali sa kanilang propesyong laro. !@#$%^& mo ang bobo mo!, Wag ka na ngang mag **** bobo ka naman eh!, Lugi sa kakampi RM na!. Mga salitang nakakababa ng dignidan ng isang batang sa murang edad ay nakakarinig ng mga mura at insulto sa kapwa niya manlalarong lulong na sa propesyon nila. Nakakabadtrip naman talo nanaman. Maging ang epekto ng isang laro ay umaabot sa tahanan, eskuwelahan at sa mga kamag-anak. Kapag natalo magmumukmok sa isang tabi, dadating ang kapatid, kuya/ate paturo naman.., alis nga jan istorbo amf. Iiyak ang kapatid, tatakbo sa nanay, magagalit ang nanay, lalabas ng bahay ang panganay at uuwi kinabukasan. Partikular na pangitain sa modernong pamilya ng mga mamamayan ng Pilipinas. Hay nakakabadtrip.. Badtrip. Sa panahon ngayon halos lahat ng mga nangyayari sa bansa nakakabadtrip talaga. Dayaan sa eleksyon, patayan, rape, massacre, siraan ng imahe, mga kumag na di makatanggap ng pagkatalo, at mga taong nagmamagaling na akala mo alam nila ang lahat ng mga bagay. Pero mas nakakabadtrip yung alam mo na kayang itigil ang ganitong bagay pero nananahimik lang ang mga tao dahilan sa takot. Natatakot kasi mapera si ganito, maimpluwensya si ganyan. Nakakabadtrip isipin na pera at popularidad na lamang ang nagpapatakbo sa hustisya ngayon sa bansa. Parang nawalan ng saysay ang pagkamatay ng mga bayani natin. Oo malaya tayo pero nakakulong tayo ngayon sa sarili nating bayan sa kamay ng ating mga sariling kababayan na mga

sakim sa pera at makakasariling dumedepende sa mga pesteng dayuhan na nagpapadali ng pag yaman nila. Isa ako sa mga taong asar sa mga pesteng dayuhan na nagpupunta sa bansa natin para mang uto ng mga pinoy na patulan ang mga produkto nila. Mga sapatos, bag, tsinelas, pagkain, palabas, maging mga depektibong gamot at droga para lamang kumita. Nakakabadtrip din isipi na ang mga pinoy na alam kong palaban at hindi magpapatalo ay nauuto ng ganun kadali, bakit? Kasi IMPORTED, kasi ginagamit ni ganito, kasi para makamuka ko si ganyan. Pilit ginagaya ang mga ungas na dayuhan na iniiba ang kultura ng mga pinoy. Inaamin ko ang bansa natin maging ang mga karatig bansa ay halos naimpluwensyahan na ng mga pesteng alien at kasalukuyang sinasakop ng lantaran ang kanilang kultura ngunit wala man lang ba, kahit sa ilang milyong pinoy ang makapagsasabing Pinoy ako, tinatangkilik ko ang produktong gawa ng mga kababayan ko, pakikinggan ko ang mga kanta na sinulat ng mga makatang kalahi ko, at panunuorin ko ang mga obra ng mga pinoy nating direktor. Siguro malabo nang matupad ang hiling kong ito dahil sa sobrang silaw na ang mga pinoy sa IMPORTED na kanta, pelikula, damit at kung anu-ano pa. Kabadtrip isipin ngunit kailangang tanggapin na kaunti na lamang ang nagmamahal sa Pilipinas at kakaunti na lamang ang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. Badtrip. Kasi may mga taong sa sobrang guilty at pinapatulan ang mga manunulat ka naglalahad lamang ng saloobin nila tungkol sa pamamalakad ng bansa natin, tungkol sa mga sabwatan ng mga demonyong magnanakaw na walang kahit kaunting awa para sa mga naghihirap nilang kababayan. Mga lintang sobra kung sumipsip ng pera sa balon ng kayamanan ng bansa. Mga kupal na bubungkalin lahat ng lupa makita lamang ang dinodyos na ginto na nag eevolve bilang pera. Pesteng pera. Kung tutuusin pera ang salarin sa lahat ng mga pangyayari. Pera ang dahilan ng kasakiman, at karahasan sa bansa, ngunit pera din ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay, nakakapag-aral at nasusunod ang mga layaw sa buhay kung saan nakasentro ang pinakamamahal na PERA na likha din lang ng tao. Lahat tayo nakalimot sa dyos na malamang kahit kelan di tayo nakalimutan. Kahit pa nung mga panahon na nagka bagyo at bumaha ng sobrang taas dahil sa kagagawan natin, kahit pa nagkaron ng mga gyera na malamang tayo din ang pasimuno, di nya tayo iniwan. Lagi syang nandyan para umalalay. May mga sinawimpalad ngunit ito ay ayon sa kanyang kagustuhan, na sa mga pagkakamali natin ay matuto tayo. Madala nawa tayo sa mga nawalang buhay dahil sa simpleng pagtapon ng balat ng candy sa daan, madala nawa tayo sa mga taong di nakaka-pag aral ng maayos dahilan sa mga walang tigil na putukan at bombahan at nawa madala tayo sa unti-unting pagkasira ng kalikasan sa paunti-unting pag kalbo natin sa mga kabundukan. Ang buhay natin ay galing sa dyos at ang pangangalaga nito ay nasa ating kamay. Kung ano tayo ngayon o bukas ay nasa ating kamay at naka ayon sa plano ng diyos. Kabadtrip isipin ang mga pagkakamali ngunit dahil dito kaya tayo natututong itama ang mali.

You might also like