Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

PULITIKA SHOWBIZ SPORTS SCANDAL TSISMIS

Vol. I No. No. 164 Vol. I 169


ISSN-2244-0593

No.1
www.pssst.com.ph

Lucy Torres-Gomez deadma sa Richard-Rita SHOWBIZ PAHINA 6 affair kuno


HOLLYWOOD BITZ PAHINA 6
TODAYS WEATHER Scattered thunderstorms, chance of rain 60%. 25-30C

Kim Kardashian adik sa kotse

Lucy TorresGomez

www.pssst.com.ph

www.pssst.com.ph MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

#1 in News and Journalism (Aug. 19, 2012) MIYERKULES AGOSTO 01, -- Top Blogs Philippines 2012 6/42 LOTTO

Kim Kardashian

Lotto Results 6/49 SUPERLOTTO


Vice President JEJOMAR BINAY

26 17 05 13 35 09

12 29 27 11 04 09

1$ = P42.162
Secretary MAR ROXAS

IBA PANG BALITA ROBREDO, SINILAYAN SA HULING


PAGKAKATAON
NEWS PAHINA 3

BINAY UMAYAW NA; ROXAS ATAT PA SA DILG!


NEWS
PAHINA 2

TATAY PINAGTATAGA NA PARANG BABOY

METRO NEWS PAHINA 8

NEWS

Ni Honey Rodriguez SA wakas ay tinuldukan na ni Vice President Jejomar C. Binay ang espekulasyong interesado ito sa nabakanteng puwesto ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.
Kahapon kasabay ng paghatid sa huling hantungan sa isa sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III na si Robredo ay binasag na ni VP Binay ang kanyang katahimikan kaugnay sa ibinabatong isyung kursunada umano nito ang nabakanteng puwesto. Sa ipinalabas na pahayag ng kampo ni VP Binay kahapon, iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi umano interesado si Binay sa nabakanteng puwesto ni Sec. Jesse. Hindi kami atat. Hayaan natin si PNoy mamili kung sino ang kursunada nya. Siya ang nahalal na Presidente kayay nasa kanya ang lahat ng karapatan, pahayag ng kampo ni VP Binay. Nilinaw naman ng tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado na mas pipiliin umano ng Bise Presidente na ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa housing at pagtulong sa mga overseas Filipino workers. Sa kasalukuyan ay chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at presidential adviser on OFW concerns si Binay. Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang nakatunggali ni VP Binay sa vice presidential race na si Transportation and Communication Secretary Mar Roxas, na isa rin sa nangungursunada sa DILG at sinasabing naglalaway umano sa puwesto ni Robredo. May ilang insider ng Palasyo ang nagpahayag na ikinatuwa ng kampo ni Roxas ang pagpapahayag ng kawalang interes ni Binay sa DILG dahil lalo umanong lumalaki ang tsansa nitong pamunuan ang DILG. Gayunman, sa naunang pahayag ay itinanggi ni Roxas na inialok sa kanya ni PNoy ang puwesto sa DILG. Huwag kayong makinig sa mga espekulasyong ganyan. Wala kaming napag-usapang ganun, ani Roxas . Pero kakabit ng pagtanggi ay ayaw kumpirmahin ng kalihim kung interesado siya o hindi sa puwesto sa halip ay sinabi nitong masyado pang maaga para pag-usapan ang isyu na nagpataas ng kilay ng mga nakakaalam ng ka-

Binay umayaw na; Roxas atat pa sa DILG!


gustuhan umano ni Roxas na pagharian ang DILG. Ang agawan sa puwesto ni Robredo ay lalong nagpainit sa hidwaan sa pagitan ng Balay (Liberal Party-Mar Roxas) at Samar (Vice President Jejomar Binay at Executive Secretary Jojo Ochoa) factions. Matatandaang pansamantalang itinalaga ni PNoy si Executive Secretary Paquito Ochoa bilang OIC ng DILG. Maliban kina Binay at Roxas, lumutang din ang mga pangalan nina Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Alfredo Lim, dating Isabela governor Grace Padaca at Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte, na posibleng susunod na kalihim ng DILG.

www.pssst.com.ph

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

AYAW na umanong humarap at magbigay ng pahayag sa media si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno simula ngayon hanggang sa matapos ang kanyang termino.

CJ Sereno, ayaw na ng press interview


sa kanyang bagong tungkulin bilang punong mahistrado. To reach an agreement on the matter would require devoting considerable time from me and my staff and would distract me from paying attention to the more fundamental and urgent problems besetting the judiciary, ani Sereno. Nilinaw din ni Sereno na hindi political branch ng pamahalaan ang hudikatura kaya dapat umanong asahan at malaman ng publiko na iba ang sistemang umiiral dito. Dagdag pa ni Sereno na simula nang maitalaga siya bilang punong mahistrado ng Korte Suprema ay dumagsa ang request letters sa kanyang tanggapan kayat agad siyang naglabas ng pahayag at anunsyo patungkol dito. Rogine Rogelio

Ayon sa Supreme Court Public Information Office (PIO), sinabi ni Sereno na hindi na muna niya pauunlakan ang mga interview dahil umano sa posibleng epekto nito sa operational matters ng nasabing ahensya pagdating sa mga sensitibong usapin kaugnay ng mga kasong kanilang hinahawakan. Makakaapekto umano kay Sereno at sa kanyang mga tauhan ang palagiang pagpapaunlak ng panayam para sa ibat ibang miyembro ng media at makakagulo sa atensyon niya

Champion of the poor


MALIBAN sa panukalang Jesse Award sa Kongreso at sa naigawad na parangal na Philippine Legion of Honor ay binansagan din ang yumaong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse M. Robredo na Champion of the poor dahil sa kanyang kadakilaan sa Naga City.
shown by his life and death that every Filipino is worth dying for to this great man, let us show our appreciation as we stand and put our hands together, pahayag ni Ambrose sa kanyang homily. Tumalima naman ang mga taong nasa basilica at tumayo para palakpakan ang namayapang secretary. Naalala ni Ambrose si Robredo, na noon ay mayor ng Naga City sa loob ng 18 years, ay personal na tinitignan ang kanyang constituents sa panahon ng bagyo at sinasamahan ang kanyang mga kababayan sa pang-araw-araw na buhay. In death as in life, Sec. Jesse is a man of the ordinary people. I am humbled and honored to do this for a friend, a great man, and a champion of the poor, dagdag pa nito. Hindi rin niya malilimutan na sa kasagsagan ng killer Typhoon Reming noong 2006, nagulat siya nang personal na nagpunta si Robredo sa MOP center para tignan ang kanyang mga kababayan. He was a man of the masses, the real Pinoy Big Brother to the countless nameless and faceless persons who make up the bulk of our society. Honey Rodriguez

SUPORTADO ng ilang dating heneral ng Philippine National Police (PNP) na maitalaga si Senador Panfilo Lacson sa Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ng namatay na si Secretary Jesse Robredo.

Lacson pambato ng Apela ng simbahan; Judicial ex-PNP generals sa DILG Independence panatilihin
Committee on Public Order and Safety, tiyak na mapapatino ni Lacson hindi lang ang PNP kundi lahat ng mga lokal na opisyal. Matagal na rin, aniyang subok ang work ethics ni Lacson at hindi nito ikokompromiso ang kanyang prinsipyo. Ayon pa kay Acop, matagal niyang nakatrabaho si Lacson sa PNP kaya nakatitiyak si Pangulong Noynoy Aquino III na mapapatino nito ang lahat ng tanggapang nasa ilalim ng DILG. Honey Rodriguez

UMAPELA ang mga Catholic bishops kay newlyinstalled Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na i-preserba ang judicial independence sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Si Lacson ang isa sa matunog na napipisil na maupo sa pwesto matapos mamatay sa isang plane crash si Robredo. Sinabi ni ni Antipolo Rep. at retired General Romeo Acop, vice chairman ng House

Ayon pa sa mga Obispo, dapat na isulong at panatilihin ang division of powers ng hudikatura, ehekutibo at lehislatura, na nakasaad sa Konstitusyon. Ang panawagan ay ginawa

SAHOD ITAAS

Sama-samang nagpiket ang mga kasapi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Batasan Complex sa Quezon City upang hilingin sa mga mambabatas na ipatupad na ang dagdag- sahod at ipasa na ang acrosss the board wage hike bill. Dingdong Riviera

Aika Robredo

ng mga Obispo kasunod ng mga haka-hakang magiging tuta o sunud-sunuran si Sereno kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na siyang nagtalaga sa kanya sa puwesto. Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, umaasa siyang hindi magiging Aquino chief justice si Sereno. My only hope is that she will not become an Aquino chief justice. There should be independence in her judgment, giit pa ni Pabillo. Nanawagan rin naman si Pabillo sa publiko na maging vigilante sa mga aksiyon ni Sereno partikular na ang may kinalama sa Hacienda Luisita, ang sugar plantation sa Tarlac City na pagma-may-ari ng pamilya Aquino. We are hoping that she will favor on what is for the common good especially the poor and not those who are rich and powerful, ani Pabillo. Honey Rodriguez

Binigyan din ng standing ovation si Robredo sa requiem mass na hinanda para sa kanya kahapon, Agosto 28, bago ang paghahatid dito sa huling hantungan. Ikinumpara ni Fr. Kulandairaj Ambrose ng Fr. Kulandairaj Ambrose of the Missionaries of the Poor si Robredo kay Sen. Benigno Aquino Jr., na nagsabi na ang bawat Filipino is worth dying for. Napansin ni Ambrose na ang pagkamatay ni Robredo nitong Agosto 21, ay parehong araw na si Sen. Aquino, ang tatay ng incumbent President Benigno Aquino III, ay binaril noong 1983. Today, another great Filipino, Sec. Jesse Robredo, has

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

www.pssst.com.ph

Susi raw sa imbestigasyon

NATAGPUAN na ang kanang makina ng Piper Seneca Plane na sinakyan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Jesse Robredo at dalawang piloto na nasawi sa plane crash.
Ayon kay Philippine Coast Guard-Bicol District Commodore Joel Garcia, pasado alas12:40 ng tanghali nang makita ng mga divers ang bahagi nasabing bahagi ng eroplano sa may 180 feet na lalim sa karagatan ng Masbate, hindi ito kalayuan mula sa spot kung saan nakuha ang wreckage

Makina ng bumagsak na eroplano, natagpuan na

ng eroplano at kung saan din nakuha ang katawan nina Sec. Robredo at dalawang piloto. Ibibigay ang natagpuang makina sa pangangalaga ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na siyang mangunguna sa gagawing imbestigasyon sa pagbagsak ng nasabing eroplano. Sinasabing sa pamamagitan ng parteng ito ng eroplano ay matutukoy ang naging sanhi ng pagbagsak nito at malalaman kung mayroon bang naging kakulangan at pananagutan ang kumpanyang namamahala rito. Rogine Rogelio

LIBU-LIBONG katao ang dumalo sa loob at labas ng Basilica Minore de Nuestra Seora de Peafrancia upang tunghayan ang mga huling sandali ng labi ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.
Magkakasamang naging bahagi ng requiem mass ang buong pamilya Robredo na pinangunahan ng asawa nitong si Atty. Leni Robredo at ng tatlo nilang anak na sina Aika, Patricia at Jillian kasama ng mga kapatid, kamaganak, mga kaibigan at mga naging katrabaho ng pumanaw na kalihim. Dumating din si Pangulong Benigno Noynoy Aquino III kasama ng ilang mga miyembro ng kanyang gabinete tulad nina DOJ Secretary Leila De Lima, DSWD secretary, Dinky Soliman, DOE Secretary Rene Almendraz at Secretary Ma Roxas upang ihatid si Robredo sa Funeraria Imperial kasama ng hindi bababa sa 150,000 taong nagpahatid ng pakikiramay sa huling pagkakataon. Naging emosyonal naman si Fr. Kulandairaj Ambrose ng Missionaries of the Poor (MOP) sa kanyang Homily matapos niyang alalahanin ang mga bagay na hinangaan niya kay Sec. Robredo. Ayon kay Fr. Ambrose, hanga siya pagmamahal ni Robredo sa kanyang pamilya at lubos niyang hinahangaan ang angking kabaitan na ginagawa at ipinapakita nito para sa mga mahihirap niyang kababayan kahit pa sa mga oras na abala ito sa kanyang trabaho. Ani Fr.Ambrose, He was a man of the masses. The real Pinoy big brother to the countless, nameless and faceless persons who make up the bulk of our society. Tulad ng inaasahan ay iginawad ni Pangulong Aquino sa yumaong kalihim ang Philippine Legion of honor kasabay ng eulogy nito na humahamon sa mga mamayan at naiwan nito na ipagpatuloy ang mga nagawa ng kalihim para sa bayan. Matapos ang eulogy ay inihatid na sa Funeraria Imperial ang mga labi ni Robredo sa pamamagitan ng departure honors, sa huling pagkakataon ay ipinagkaloob sa kalihim ang three-volley salute bago ito tuluyang idaan sa proseso ng cremation. Matapos na itupi ng mga military honors ang national flag ay personal na iniabot ito ni Pangulong Aquino kay Atty. Leni Robredo at hudyat upang magtapos ang state funeral na ipinagkaloob ng pangulo sa namayapang kalihim ng DILG.

Robredo, sinilayan sa huling pagkakataon


Pamamaalam, makasaysayan
Naging makasaysayan at madamdamin ang pamamaalam ng pamilya at publiko sa yumaong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse M. Robredo kahapon. Madamdaming inawit nina Isay Alvarez at Robert Sena ang The Prayer sa pagtatapos ng huling misa para kay Robredo. Umani ng malakas na palakpak ang pag-kanta ng dalawa dahil sa galing at sa emosyon na pumalibot sa bawat isa. Sunod na inawit ng dalawa ang What A Wonderful World. Una rito, inawit rin ni Sena ang To Where You Are. Muli ring ibinalik ang bandila ng Pilipinas sa ibabaw ng casket ng kalihim na inalis kanina nang ilagay dito ang mantle na Penafrancia at krus. Iginawad naman ni Pangulong Benigo Aquino III kay Department of the Interior and Local Governement (DILG) Secretary Jesse M.

NEWS

UMAPELA kahapon ang Malacaang sa ilang sektor na bumabatikos sa bagong talagang punong mahistrado na si Maria Lourdes Sereno na bigyan ito ng pagkakataong mapatunayan na karapat-dapat siyang iluklok bilang pinuno ng hudikatura.

CJ Sereno, bigyan ng pagkakataon --Palasyo


Lacierda Aminado si Lacierda na ang sinasabing mga bumabatikos kay Sereno ay nagmumula mismo sa Korte Suprema at sa ayaw nila at sa hindi aniya ay kailangan nilang magtrabaho kasama ng bagong punong mahistrado. Paliwanag ni Lacierda Those attacks seem to be coming from within the judiciary. I think those attacks are really water under the bridge. The appointment has already been made. She has taken her oath and whether its coming from the judiciary or not, they have to deal with the new Chief Justice, Sa halip umano na batikusin ay tulungan aniya ng mga ito ang bagong punong mahistrado na ipatupad ang kinakailangang reporma ng hudikatura. I think the critics would have a better way of channeling their frustration instead of criticizing anonymously Chief Justice Sereno. The best thing they can do is to work towards helping Chief Justice Sereno implement the reforms that are badly needed in the judiciary, dagdag pa ni Lacierda. Rogine Rogelio

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na makabubuting bigyan muna ng panahon at tsansa si Chief Justice Sereno na patunayan ang kanyang sarili. The best gauge of the Chief Justice would be through the decision she has made in the past, the Supreme Court decision she has made. The principles that she stood for, looking forward we are going to see reforms being implemented in the judiciary. Lets give Chief Justice Sereno a chance to prove herself. And were optimistic that she will be up to the job in implementing and institutionalizing reforms in the judiciary, being here for a good 18 years, that would be sufficient time for any reform to take root, ani

Robredo ang Philippine Legion of Honor. Ang citation ay binasa ni Budget Secretary Butch Abad at tinanggap naman ng biyuda ni Robredo na si Atty. Leni Robredo ang parangal. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Leni na tinatanggap niya ang parangal na kumikilala sa mga naiambag ng kanyang mister sa bansa at mga achievement na nakamit. Nagpasalamat din si Leni kay Pangulong Aquino. Maging si Social Welfare Secretary Dinky Soliman ay pinasalamatan din ni Leni dahil sa pagtulong nito sa kanyang pamilya noong hinahanap pa lang ang kalihim sa bumagsak na eroplano. Pinasalamatan din ni Leni ang iba pag miyembro ng Gabinete, mga lokal na opisyal ng Masbate. Sa kanyang mensahe, binalikan din ni Leni ang pangyayari noong araw na maganap ang plane crash. Ang Legion of Honor ay ang pinakamataas na pagkilala na maibibigay ng Pangulo sa isang indibiduwal na hindi na kailangang dumaan sa Kongreso. Rogine Rogelio

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Alfredo Lim kahapon ang ika24 na anibersaryo ng makasaysayang pagkakabawi ng Channel 4 mula sa mga rebeldeng sundalo na nagsagawa ng 1987 coup d etat laban sa adminis-trasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Sinimulan sa isang photo exhibit ang naturang okasyon sa Manila Police District sa United Nations Avenue. Dingdong Riviera

OPINYON
WALANG SABLAY
MARLO DALISAY
Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Martes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

www.pssst.com.ph

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

Hindi nabangga!
tungkol sa bagay na ito. Ang isang ibinebentang sasakyan ay maaring nasangkot sa matinding aksidente kung: 1. Nakalagay sa advertisement na nagpalit na ito ng radiator, aircon condenser at iba pang mga accessories na matatagpuan sa unahang bahagi ng sasakyan kahit pa bagong modelo lamang ito. Ang isang sasakyan ay kailangan munang magbilang ng limang taon pataas bago magpalit ng radiator depende sa pag-aalaga ng may-ari. 2. Kung hindi na naka-align ng maayos ang mga bumper sa harap. Tingnan ang pagkakalapat nito sa fender sa kaliwa at sa kanan. Kapag may mga awang, siguradong nagalaw na ang mga iyan kaya tingnan din ang mga plastic button locks kung kumpleto pa ang mga ito at hindi pa kumakalog sa kanilang mga kinalalagyan. 3. Kung hindi naka-align ang mga focus ng headlight sa kanan at sa kaliwa. Makikilatis ito sa pamamagitan ng pagparada sa sasakyan sa harap ng isang pader kahit sa katanghaliang tapat at i-on ang headlights. Kapag hindi pantay ang levelling, malakas ang tsansa na naaksidente ang sasakyan dahil ang accessory na ito ay hindi ginagalaw kung walang naging problema. Kahit pa magpalit ng bombilya sa isang headlight, dapat ay pantay pa rin ang ilaw ng mga ito. 4. Kung hindi pantay ang ilaw ng foglight. 5. Kung nagpalit ng hood o kaya naman ay nawala ang heat insulator nito, ang heat insulator ay ang kulay gray na makapal na tela na nakalagay sa ilalim ng hood. Ito ay nagsisilbing proteksiyon ng makina sakaling ang sasakyan ay nakaparada sa mainit na lugar. Proteksiyon din ito para hindi masyadong uminit ang hood at hindi mapaso ang sinumang magbubukas nito kung matagal nang umaandar o nasa biyahe. 6. Kung bago ang radiator coolant tank at kung ang coolant ay napalitan na lamang ng ibang kulay o purong tubig. Kadalasan na ang coolant ay kulay pink o berde depende sa brand ng sasakyan kaya kapag naiba sa dalawang ito, magisip na kayo. 7. Kapag maingay kumpara sa normal ang mga auxiliary fan. Ang normal na ingay ng factory installed na auxiliary fan ay makukumpara lamang sa ugong ng motor ng electric fan pero kapag masyado nang maingay kumpara dito, malamang na ito ay napalitan na bunga ng aksidente lalo na kapag bago pa lamang ang sasakyan. 8. Kapag nagpalit na ng windshield sa harap. Ang windshield ay hindi pinapalitan hanggang hindi nababasag kaya marapat lamang na sipatin ito ng maayos. Kung ang nakakabit sa sasakyang tinitingnan ay hindi tugma ng brand ng sasakyan, siguradong napalitan na ito. 9. Kung medyo malagong ang tunog ng hood at mga fender kapag kinatok. Ang ibig sabihin ng malagong na tunog ay tinapalan na ito ng maselya bunga ng pagkakayupi. Ang mga nabanggit ay pangunang batayan pa lamang para mabatid kung ang sasakyang inyong tinitingnan ay nabangga o hindi, tandaan na napakagagaling ng mga mekaniko at latero dito sa Pilipinas kaya minsan ay hindi mahalata ang isang naaksidenteng sasakyan sa simpleng pagkilatis lamang. Abangan ang mga karagdagan pang tips sa mga nabangga na sasakyan para hindi ma-wow mali.

Tsinelas Leadership
PINAKATUMATAK sa aking isipan sa napakaraming nagbigay ng eulogy o papuri kay DILG Secretary Jesse Robredo ay ang eulogy ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na tumutok sa tinagurian niyang tsinelas leadership. Sa huling gabi ng burol ni Secretary Robredo sa Kalayaan Hall ng Malacaang, mga miyembro ng gabinete ang nagbigay ng tribute sa yumaong kalihim, kungsaan pinakanagustuhan ko ay ang kay Secretary Almendras dahil sa mahusay nitong naisalarawan ang uri ng liderato na ipinakita ni Secretary Robredo simula nang ito ay naging alkalde ng Naga City hanggang sa naging miyembro ng gabinete ng administrasyong Aquino. Bagamat sa telebisyon lang ako nanood, pero hindi ko napigilangan ang pagpalakpak dahil sa ganda at napakaepektibong pagkakadeliver ni Sec. Almendras ng kanyang eulogy, bagay na umaasa ako na nakapagbukas ito sa isipan at nakahipo sa damdamin ng mga opisyal ng gobyerno para magsilbi sa kanilang ehemplo at inspirasyon ang ipinakitang tsinelas leadership ni Secretary Robredo. Bakit nga ba binansagang tsinelas leadership ang liderato ni Secretary Robredo? Ito ay dahil sa madalas nakikitang nakasuot lang ng tsinelas ang kalihim dahilan bakit naging napakapopular nito sa common tao o pangkaraniwang mamamayan. Tsinelas leadership na simbolo ng kahandaan ni Secretary Robredo na lumusong sa baha, umikot at bumisita sa mga liblib na lugar kungsaan naninirahan ang mga mahihirap nating kababayan kayat isa siya sa most traveled cabinet member. Tsinelas leadership na demonstrasyon ng servant leadership na laging ipinapangalandakan ng yumaong kalihim kungsaan ipinakikita ang

ISYU
CELY O. BUENO
genuine concern at genuine na pagseserbisyo sa publiko. Tsinelas leadership na nagtatanggal ng balakid sa pagitan ng mga namumuno sa gobierno at taumbayan na kanilang pinaglilingkuran kungsaan ipinakita ito ni Secretary Robredo sa pamamagitan ng walang pagaatubili nitong pakikihalubilo sa kanyang mga constituent lalo na sa mga common na tao. Bagamat nakapanghihinayang ang maagang pagkawala ni Secretary Robredo dahil sa napakarami pa sana niyang magagawa para sa hinahangad na pagbabago at kaunlaran ng bansa pero nakakataba ng puso na maraming nakasaksi at kumikilala sa napakahusay,tapat,malinis at sobrang dedikasyon sa tungkulin na ipinamalas ng kalihim. Pero hangad natin na hindi lang hanggang salita ang mga papuri, paghanga at pakilala sa napakahusay na liderato ni Secretary Robredo. Magiging makabuluhan ang maagang pagkawala ng kalihim kung marami sa ating mga opisyal ng gobyerno ang susunod sa kanyang yapak sa kanyang mahusay at tapat na pagsisilbi sa gobyerno kungsaan nanatili itong simple, hindi ginamit ang kanyang posisyon para magpayaman, hindi ito naging mapangmata, sa halip ay naging mapagpakumbaba pa at nanatiling abot-kamay ng masa. Bagamat iniwan na tayo ni Secretary Robredo, pero mananatiling buhay ang kanyang mga iniwang legacy lalo na kung magpapatuloy ang kanyang tsinelas leadership Muli, mabuhay ka Secretary Robredo! Saludo kami sayo!

HINDI lahat ng ibinebentang sasakyan ay naging biktima ng malupit na bagyong si Ondoy at iba pang mga hindi kanais-nais na pag-uugali ng panahon na naglabas ng galit dito sa bansa, pero dapat ding isipin ng mga naghahanap ng segunda manong sasakyan na hindi lamang ito ang kanilang maging basehan sa pagpili ng aariin at gagamitin sa araw-araw na takbo ng buhay. Bukod sa pagkakalubog sa baha, dapat ding isaisip ng mga gustong bumili ng sasakyan ang tunay na kondisyon ng kanilang tinitingnan kung halimbawang ito ay hindi nabaha, kagaya lamang ng iba pang aspetong dapat na ikonsidera gaya ng aksidente. Kung ikukumpara sa pagkakalubog sa baha, mas madaling makilatis ang isang sasakyang dumanas ng matinding aksidente sa naunang may-ari bago pa man ito ibenta at kadalasan nga ang dahilan ng pagdispatsa ng mga sasakyan, lalo na yaong mga modelo pa ay ang pagkakasangkot ng mga ito sa aksidente. Kaya sa pagkakataong ito, ibabahagi ko naman sa inyo ang mga tips na kailangan ninyong malaman tugkol sa naaksidenteng sasakyan kung kayo ay disidido nang bumili ng sasakyan at walang mapagtanungan ng mga detalye

Akma si Ping sa DILG


NGAYONG nailibing na si yumaong DILG Secretary Jesse Robredo, panahon na upang pag-usapan kung sino ang masasabi nating akma o karapatdapat na maging kalihim ng DILG. Sa ngayon, batay sa aking pananaw, ay dapat na hirangin ni Pangulong Noynoy Aquino ay si Senator Ping Lacson na asahan natin na magkakaroon ng positibong pagbabago sa problema sa kriminalidad. Si Lacson ay papatapos na sa kanyang 2 termino sa Senado at bilang dating hepe ng PNP ay asahan natin na magkakaroon ng mabilis na solusyon sa lumalalang antas ng kriminalidad sa bansa. Sa ngayon ay lubhang nakababahala na ang malalang krimen at kung ang mauupong kalihim ng DILG si Lacson ay napapanahon. Subok na ang performance ni Lacson bilang mambabatas at hepe ng PNP at tiyak na makatutulong ito sa isinusulong ni PNoy na reporma. Inaasahang matitigil o humina man lang ang operasyon ng jueteng kapag si Lacson na ang nasa DILG. Alam ng lahat na hindi tumatanggap ng jueteng payola si Lacson noong PNP chief pa kung kayat hindi uubra ang mga iligal na sugal kung maupo ito sa DILG. Maraming bentahe kung si Lacson dahil mapapatino nito ang ilang kalokohan sa PNP at mapag-iibayo nito ang pagbibigay proteksion sa publiko. May mga pangalan pa na lumulutang na posibleng mahirang na DILG secretary at ang mga ito ay kuwalipikado naman na hindi matatawaran ang kakayahan pero iba ang epekto sa mga kriminal at sindikato kung si Ping Lacson ang mamumuno sa DILG. Maging ang mga lokal na opisyal na sangkot sa iligal ay kayang kaya na banggain ni Lacson. Mas makabubuti pa nga sa panig ni PNoy dahil matatahimik na ang nagbabanggan na grupong Balay ni Mar Roxas at Samar ni VP Jojo Bi-

STRAIGHT TO THE POINT


ELY SALUDAR
nay dahil walang grupo na pagmumulan si Lacson. Ang mga positibong pananaw kong ito kay Lacson ay base sa matagal ko ng obserbasyon bilang mamamahayag at kasama na rin ang pagkabahala sa lumalalang krimen sa bansa.

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES


Publisher

Managing Editor

MANUEL TRIA AUN

TRU-BREW MEDIA, INC.

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

259 15th Avenue, Cubao, Quezon City Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

www.pssst.com.ph

SHOWBIZ
Jake Cuenca Lovi Poe

DEADMA lang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa intrigang may affair daw ang kanyang asawang si Richard Gomez sa former co-star nya sa Walang Hanggan na si Rita Avila. At dahil dito kung kayat thankful si Rita na mismong si Lucy pa ang naglinaw sa isyung nagti-text siya kay Goma at ang nabuko raw nilang relasyon ang dahilan kaya siya nag-resign sa kanilang teleserye. Nilinaw ni Lucy na walang katotohanan ang tsismis at sa katunayan ay nagpasalamat pa siya kay Rita sa ibinigay nitong Sto. Nio sa kanilang mag-asawa. Sabi pa ng magandang misis ni Goma, malaki ang kanyang tiwala sa asawa at alam nyang hindi

DEADLINE
JANINE BARRIOS

Jake at Lovi, secret lovers?


tion ni Rita sa kumalat na tsismis. Napilitan si Rita na mag-resign sa

Lucy TorresGomez

Richard Gutierrez

Lovi Poe at Benjamin Alves

Lucy Torres-Gomez, deadma sa Richard-Rita affair kuno


ito gagawa ng mga bagay na ikasisira ng kanilang pamilya. Aniya, alam din nyang napaka-guwapo ng asawa at marami pa ring babaeng magkakagusto rito pero kumpiyansa siyang hindi na ito maghahanap ng ibang babae. Samantala, relieved si Rita sa tiwala sa kanya ni Lucy sa kabila ng mga tsismis. God is so good! Thank you Lucy for the good words about me. I have respect for my husband, myself at sa kanilang mag-asawa. At isa pa, paano ko iti-text si Richard eh hindi ko nga alam ang number niya, reackanilang soap dahil two months siyang nagrest at ginamot at tuloy pa rin ang medication at theraphy sa kanyang Canadian doctor. Ang tawag sa sakit niya ay cervical segmental dysfunction with associated mild discogenic spondylosis. --------- oOo ----------PAREHONG quiet sa estado ng kanilang relationship sina Kapamilya star Jake Cuenca at Kapuso talent Lovi Poe kahit pa marami ang nagsasabing playing sweet music together ang dalawa. Special friends lang daw muna sila at

nagsusuportahan sa career ng bawat isa. Pero ano itong tsismis na nag-walk out si Jake nang dumalo siya sa red carpet premiere ng pelikulang pinagbibidahan ni Lovi, ang Guni-Guni sa SM Megamall nung nakaraang Martes ng gabi. Hindi tinapos ni Jake ang movie at umalis agad ito nang ipakita na ang eksenang hinahaplos ng bagitong si Benjamin Alves ang katawan ng dalaga na totoo talagang haplos ha at walang daya. Inisip tuloy ng mga nanduon na nagselos si Jake at umalis ito dahil sa sobrang galit sa nakitang maselang eksena ng girlfriend (?) na si Lovi. Samantala, natakot din pala si Benjamin habang ginagawa ang eksena dahil baka magalit daw ang dalaga ni Da King at bigla na lang siyang sampalin Baka magalit siya at baka masampal ako. Salamat naman at she took it profes-

sionally, sabi nito. Dahil sa eksenang iyan, tiyak na pipilahan ang pelikula. Iba ang mapangahas na galaw ng mga kamay ni Benjamin at lalong nakakagulat na ibinigay ni Lovi ang lahat para ma-jolt ang moviegoing public. Kasama sa cast ng pelikula sina Gina Alajar, Empress Schuck, James Blanco, Julia Clarete, Neil Ryan Sese, Jaime Fabregas, maging ang introducing na si Ria Garcia at ang child actor na si Gerard Pesigan. Speaking of Lovi, nakatakda itong tumulak patungong Yokohama, Japan para sa Barrio Fiesta event ng Philippine Embassy (Tokyo) na gaganapin sa Yamashita Garden sa Yokohama on September 1 and 2. Makakasama niya ang singer-comedian at Dabarkads ng Eat Bulaga na si Allan K. Dadalo rin sa nasabing event sina Christopher de Leon, Pops Fernandez, Ariel Rivera at Giselle Sanchez.

www.pssst.com.ph

Hollywood Bitz
The Expandables 2 humataw sa takilya
NANGUNA sa takilya ang action movie na The Expendables 2 na pinagbibidahan nila Sylvester Stallone at Arnold Schwarzenegger. Ayon sa Just Jared, kumita ang pelikula ng $52.3 million sa loob lamang ng sampung araw. Hindi naman nagpapahuli ang isa pang action film ng bidang si Jeremy Renner na Bourne Legacy at pumangalawa ito sa weekend box-office at kumita ng $9.3 million. Nasa third spot naman ang comedy film na ParaNorman at may earnings na $8.5 million. At ang isa pang family fun film na pinagbibidahan nila Will Ferrell at Zach Galifianakis na The Campaign ay nasa number 4 at kumita ng $7.4 million. Samantala, hindi naman nakapasok sa top five ang mga pelikulang Premium Rush, The Apparition at Hit & Run.

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

SHOWBIZ
Nina MARA at CLARA

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

www.pssst.com.ph

Aga at Regine, may panghihinayang

KER MO BA?!

ROLDAN CASTRO

Arnold Schwarzenegger

Ogie Alcasid, excited sa bonding with Michelle and kids sa Singapore

GOODBYE na sa mahabang hair ng Gravity singer na si John Mayer. Pagkatapos mapabalitang split na sila ni Katy Perry ay pinagupitan na nito ang kanyang shaggy hairdo. Mukhang sign ito ng pagmomove-on ng singer sa kanilang mabilis na relationship ni Perry. Sa report ng E! Online, spotted ang 34-year-old singer sa SkyBar West Hollywood habang nakikicelebrate kay Mindy Kaling para sa bago nitong TV

John Mayer new look na

series na The Mindy Project. Wala namang umamin sa magkabilang kampo kung official na naging magkarelasyon ang dalawa. Ilang beses silang nakitang magkasama ngunit bigla na lamang napabalitang break na ang dalawa matapos ang halos dalawang buwang pagde-date. Ginamit at niloko lang umano ni Mayer ang Wide Awake singer kaya sobrang nasaktan si Perry.

Emma Stone nahuli ng pulis


LAST week lang nang mahuli ng law enforcement officer ang The Amazing Spider-Man couple na sina Andrew Garfield at Emma Stone dahil sa speeding sakay ng Audi A7, habang nagbabakasayon sa Malibu. Sa report ng Perez Hilton, habang nagmamaneho ang 22-yearold actress ay pinatabi siya ng LA sheriff dahil sa speeding. Pero sa pangalawang pagkakataon na paghuli ay nag-iisa na lamang si Stone sa sasakyan. Nakaline-up na ang mga pelikulang gagawin ni Stone na ipalalabas sa 2013 katulad ng Gangster Squad, Movie 43, The Croods, at ang Amazing Spider-Man 2 para sa 2014.

Aga Muhlach
HAYAGANG inamin ni Aga Muhlach na may tama siya sa Asias Songbird na si Regine Velasquez noong una silang magtambal sa pelikulang Dahil May Isang Ikaw noong 1999. Sa katunayan tinangka raw niyang ligawan noon si Regine, kanya lamang ay hindi umano siya umubra sa leading-lady na noon ay kagaya niyang single rin. Noon parang gustung-gusto ko, kaya lang, lahat ng ipakita ko, hindi umubra. Kasi sinasabi niya, Aga, sa akin, hindi mo ako madadaan sa mga porma-porma. Kailangan sinasabi sa akin nang diretso. Hindi ko nga nasabi, e. Si Ogie nga ang nagsabi nang diretso! Nang uriratin din ang Songbird sa kanilang pagharap sa mga media kasabay ng press conference sa kanilang ikatlong pagtatambal sa Of All The Things na idinirek ni Joyce Bernal para sa Viva Films at GMA Films ay may mga ibinuking din si Regine patungkol kay Aga. Inamin ni Regine na poging-pogi siya kay Aga. Subalit may feeling ako na hindi niya ako magugustuhan kasi hindi naman niya ako ka-levelganun ang feeling. And I never thought na ang ganda-ganda ko. Never ko naisip yung ganun, tsika pa ni Regine sa press people na nangungulit sa kanilang naunsyaming love story. Dahil sa tila pandedma ni Aga sa mga param-

Regine Velasquez

Ogie Alcasid
dam ni Aga ay ito ang sinisi kayat hindi sila nagkatuluyan ni Aga o nagkaroon man lamang ng pagkakataong maging magkarelasyon. Ibinuking din ni Aga na may mga pagkakataong tawag siya nang tawag sa Songbird, pero hindi naman daw ito sinasagot ng singer-actress. Pero sa balik-tambalan ng dalawa, malabo nang matuloy ang naunsyami nilang mga nararamdaman dahil kapwa na sila ng mga may-asawa at mga anak at kapwa masaya sa kani-kanilang buhay may pamilya. Una nang nagtambal sina Regine at Aga noong 1999 sa Dahil May Isang Ikaw (1999) at sinundan ng Pangako Ikaw Lang noong 2001 at magbabalik-tambalan sa Of All The Things na tatlong taon ding naudlot. ------------ oOo -------------SUPER excited na raw ang singer/composer na si Ogie Alcasid sa nalalapit na out-of-the-country trip nito kasama ang misis na si Regine at anak na si Nathan. Pero ang lalong nagpa-excite kay Ogie sa pagbabakasyon sa Singapore ay ang mistulang bonding ng kanyang mag-ina at mga anak na sina Leila at Sarah kasama ang dating misis nitong si Michelle Van Eimeren at mister nitong si Mark Murrow. Lahat excited! ani Ogie. Si Misis, excited. Si Michelle, excited. Yung mga bata, excited. Im sure its gonna be ano magandang reunion for us, pahayag pa ni Ogie na hindi maitago ang labis na pagka-excited sa muling pagsasama-sama ng kanyang pamilya.

Emma Stone

Kim Kardashian

BUKOD sa bagong blonde hair color ng reality tv actress na si Kim Kardashian, isa pang bago ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. Sa report ng Celebuzz, bumili ng bagong sasakyan si Kim na 2013 Mercedes Benz G63 AMG. Get ready, I have a new toy, ang post ni Kim sa Instagram kasama ang ilang pictures ng bagong kotse. Special mention pa Los An-

Kim Kardashian adik sa kotse


geles-based customizer ng mga sasakyan na Platinum Motorsports. Nang makita ni George Keshishyan ng Platinum Motorsports ang kotse ni Kim, sinabi nito na hindi pa lumalabas ito sa merkado. Got the 1st one! ang sagot ni Kim kay Keshishyan. Ang bagong swanky ride ni Kim ay nagkakahalaga ng $150,000. Proud owner din si Kim

ng $190,000 black Bentley Continential GT, $275,000 white Ferrari 458 Italia, Black Range Rover HSE, $250,000 black Rolls Royce Ghost, at $300,000 white Rolls Royce Phantom. Maaalalang niregulahan ni Kim ang boyfriend na si Kanye West ng $750,000 na Lamborghini Aventador LP 700-4 noong 35th birthday nito.

Photo source: www.pep.ph

Ogie Alcasid kasama ang anak at ang dating misis na si Michelle Van Eimeren

SHOWBIZ

www.pssst.com.ph

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

Playboy at PSSSTmisan Hindi bading Heartbreaker tag, ang asawa ko ... LARA ISAGANI kinontra ni John Prats
NAPAKATANGKAD at napaka-guwapo naman daw nya para mabansagang playboy at heartbreaker, ang sabi ni John Prats matapos ang pakikipaghiwalay niya sa former beauty queen na si Bianca Manalo. Hindi naman ako naglalaro pag may girlfriend ako, hurt din ako kapag hindi nagwo-work ang relasyon nnamin. Nakakalungkot lang na mapagbintangan ka or ma-judge ka. Akala nila nakakaproud bilang lalake na mabansagan ka na playboy, nang-iiwan o papalit-palit. Hindi ko trip yun, ayoko ng ganung tag, kasi lahat ng nangyari, may rason, sabi ng younger brother ni Camille. Sabi pa niya, aware daw sya na hindi nya mapi-please ang lahat kahit na may 20 years na siya sa indusriya. Basta ako, alam ko kung ano ang totoo, alam ko kung ano ang ginawa ko, dun lang ako., dagdag nya. Regular na napapanood si John sa Sunday noontime show na ASAP 2012, sa weekly gag show na Banana Split, at parte rin ng daytime soap na Angelito: Bagong Yugto, kung saan kapareha niya si Kaye Abad. Ano ang reaction ni John sa pagpapaikli ng hair ni Bianca? The last time na alam ko, nung kami pa ni Biancs, plano niya talagang magpaiksi because of a hair endorsement, na kailangang mahaba ang hair niya, tapos after a few months iiklian talaga.Yun ang alam ko. Di ko naman inisip na ganun kaikli, basta ako, wini-wish ko sa kanya is happiness. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya, dagdag pa ng 28-year-old na aktor. Ang wish daw nya kay Bianca ay, maging masaya rin sana ito at maging success-

Bianca Manalo

John Prats

Rita Avila

ful pa lalo sa career. Itinanggi naman nya ang tsismis na isa sa mga dancers ng Banana Split ang bago niyang inaaligiran at balak na ipalit kay Bianca. Sobra namang tsismis yan, wala yun, kaibigan ko lang silang lahat, sabi ni John. --------- oOo --------ANG sabi ni Rita Avila, mas kilala nya ang asawang si Direk Eric Reyes kaya alam nyang hindi ito bading tulad ng inaakala ng ilan sa showbiz. My husband is not a gay and I think, I will not marry a gay. Hindi nila kilala ang asawa ko kaya sana wag silang mang-aakusa ng ganun lalo pa at nakakasakit ng kalooban, paliwanag ni Rita Avila. Hindi nagagalit o nasasaktan si Rita Avi-

la kapag may mga nanlalait sa kanya dahil sa sobrang pagkahilig niya sa mga manika. Kinukuwestyon kasi ng ilan ang hindi nila pagkakaroon ng anak gayung matagal na rin naman silang mag-asawa. Sabi ng aktres, hindi naman sikreto na gustong-gusto nilang magka-baby ni Eric kaya lang alam nilang mas may malaki at magandang plano si Lord para sa kanila. Noong 2006, namatay ang anak nilang lalaki, si Elia Jesu, noong three weeks old pa lang ito. Hindi naman daw sila sumusuko ni Eric at alam nilang bibigyan silang muli ng baby ni Lord sa panahon na gusto Niya. Im not getting any younger at alam kong medyo mahihirapan na akong magbuntis pero hindi kami sumusuko, may tsansa pa naman,dagdag nito. Sa ngayon ay very fond pa rin daw siya sa mga dolls dahil ito ang nagsisilbi niyang therapy sa pagkawala ng kanilang baby. The dolls are sort of a therapy din sa akin tsaka laruan namin ni Erick yun, kaming mag-asawa, and I meet a lot of people who have dolls na ganun dinthey talk to their dolls. Kasi it helps, eh,sabi ng aktres. Hindi rin daw siya affected sa mga hindi nakakaunawa sa pagmamahal niya sa kanyang mga manika dahil wala naman daw syang ginagawang masama. Malulungkot daw si Rita kapag nawala sa kanya ang mga manika niya. In fact, magkakaroon ako ng series of storybooks for children na ang main characters ay yung tatlong main dolls ko, I have other dolls kasi yung iba nga, bigay nang bigay, parang akala nila nga talaga na I am so fond of them.

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

Winning formula SPORTS BITZ ng Gilas ibinuking Dirk Nowitzki,


Ni Ella Linde
MATAPOS tanghaling kampeon sa katatapos na Jones Cup sa Taipei, Taiwan ay ibinahagi ng Gilas Pilipinas ang kanilang naging susi para makamit ang nasabing tagumpay. Mismong si Philippine basketball team head coach Chot Reyes ang nagbuking sa susi ng panalo ng Team Pilipinas laban sa USA team na siyang dahilan ng pagkakapanalo ng koponan. Ayon kay Reyes, ang winning formula nila sa Jones Cup ay ang dribbledrive motion game kung saan nagawa nilang talunin ang 2008 Olympic qualifier Iran, two-time Jones Cup champion Jordan, Korea, Japan at US team. Dahil sa tagumpay sa Jones Cup, kumpiyansa si Reyes na kaya nilang manalo sa 2013 FIBA-Asia Championship sa susunod na buwan.

www.pssst.com.ph

SPORTS
Mara at Clara
Nina:

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa umano nakakapagdesisyon si boxing champ Manny Pacquiao kung sino ang makakalaban nito sa susunod niyang laban. Ito umano ang ipinarating na mensahe ni Pacman sa adviser nitong si Michael Koncz. Dagdag pa ni Koncz, nagkausap na sila ni Pacman at hanggang ngayon umano ay hindi pa ito nakakapagdesisyon kung sino ang susunod nitong makakalaban. Sinabi pa ng Canadian adviser na muli silang mag-uusap ni Top Rank CEO Bob Arum upang muling pag-usapan kung sino ang magiging kalaban ng Pinoy champ at kung kailan ito gaganapin. Matatandaang sinasabing magiging

Pacquiao blangko pa rin sa kalaban


Rep. Manny Pacquiao

INILUNSAD ni Dallas Mavericks player Dirk Nowitzki ang isang biglaang Q&A sa Twitter noong Lunes at sinabi sa fans na maglalaro na lang siya ng dalawang NBA seasons para sa team. Two for sure and then see how I feel, sinabi ng 34-year-old Mavericks forward nang tanungin ng isang fan kung ilan taon pa siya sa Mavs. May dalawang taon pa si Nowitzki sa kanyang four-year $80 million deal na pinirmahan niya noong 2010. Kumpyansa naman si Nowitzki na makakapasok sa NBA finals ang Mavericks sa darating sa season. I always feel that way, wika ng player. Samantala, sinagot din ni Nowitzki ang ibatibang tanong ng mga fans sa Twitter tulad ng kanyang paboritong pelikula, banda atbp. Kung magkaibigan pa sila ni Jason Terry na tumalon sa Boston Celtics, sinabi ni Nowitzki: yep. Fam for life. We won chip together. Wish him well in Boston. Inilista din niya sina Steve Nash at Michael Finley bilang kanyang homeboys. Ang paboritong banda ni Nowitzki ang Rolling Stones at Led Zeppelin habang paboritong pelikula niya ang Braveheart. Mas gusto niya ang aso kaysa

aalis na sa Mavs sa 2014?


Dirk Nowitzki

sa pusa at wine kaysa sa beer. Vanilla ice cream ang type na flavor ni Nowitzki habang asul at berde ang kanyang paboritong color. Takot naman siya sa mga ipis. Kung hindi siya basketball player, sinabi ni Nowitzki na malamang ay rock star o painter siya.

kalaban ni Pacman ay sina dating middleweight champion Miguel Cotto at Mexican legend Juan Manuel Marquez gayundin ang rematch kay WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr. Ella C. Linde

DALAWANG gintong medalya ang nakopo ng babaeng anak ng dating basketball player na si Samboy Lim sa International Karatedo Junior, Cadet and Children Game sa Busan, South Korea. Ang gintong medalya ay nasungkit ng anak ni Samboy na si Jamie Christine, 15-anyos kontra sa mga nakalabang Iranian na si Faezeh Chizari at Koreanong si Kim Hyun Byul.

2 ginto sinikwat sa Korea ng anak ni Samboy Lim

Sinabi naman ni Samboy na bilib din siya sa determinasyon ng kanyang anak. Maliban kay Jamie ay nagkamit din ng gold medal si Allen Castro sa individual committee male cadet category. Nag-uwi rin ng dalawang silver at anim na bronze medal ang Pinoy team sa naturang kompetisyon. Ella C. Linde

NAGHIWALAY na sina NBA legend Shaquille ONeal at tv star Nicole Hoopz Alexander matapos ang dalawang taon na pagsasama. Sa panayam sa Boston Globe, kinumpirma mismo ni Alexander na nagdesisyon silang maghiwalay na. Nagsimulang mag-date ang 71 NBA legend at 52 girlfriend noong 2010 nang naglaro si Shaq para sa Boston Celtics. Ayon sa TMZ report, nakipaghiwalay si Shaq kay Alexander matapos silang mag-away sa isang gymnastics training center sa Orlando, Florida. May limang anak si Shaq sa unang asawa na si Shawnie ONeal nang matapos ang kanilang sevenyear marriage noong 2009.

Shaq at girlfriend, naghiwalay na

Shaquille O Neal at Nicole Hoopz Alexander

Samboy Lim kasama ang asawang si Darlene Marie at anak na si Jamie Christine na nanalo ng 2 gintong medalya

ILULUNSAD ng Los Angeles Lakers ang isang statue ni Kareem Abdul-Jabbar sa labas ng Staples Center sa 2012-13 season, ayon sa LA Times. Nangako kamakailan ang Lakers na bibigyan ng parangal kay Abdul-Jabbar, ang all-time leading scorer (38,387 points), matapos bigyan sina Magic Johnson, Chick Hearn at Jerry West. Nagalit pa si Abdul-Jabbar kung bakit hindi siya agad pinatayo ng estatwa. Nanalo si Abdul-Jabbar ng lima sa anim na NBA titles at tatlo sa anim na MVPs kasama ang Lakers. Tinuring din siya ng marami na best center of all time.

Kareem Abdul-Jabbar statue, ilalabas ng Lakers

Kareem Abdul-Jabbar

GLOBAL

Wirdo Balita
ni M & C

www.pssst.com.ph

10

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

ni Rommel Valle
MAPAIT man ang naging karanasan at kahit pa sinawing-palad sa pagkayod ay okay na ring namaalam sa Dubai ang 20 distressed overseas Filipino workers (OFWs) dahil bitbit ng mga ito ang pag-asa na muling makakapagsimula ng bagong buhay kapiling ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ang 20 OFWs ay nagpasaklolo sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa Philippine Consulate matapos makaranas ng sari-saring problema sa pagtatrabaho sa United Arab Emirates (UAE). Namaalam ang mga kababayan sa Dubai nitong Lunes, Agosto 27. Sa isang send-off ceremony nitong Agosto 25 sa bisinidad ng POLO-OWWA, sinabi

Pusa na may dalawang mukha


KILALA ang mga pusa na may siyam na buhay pero ang pusang si Venus na naging worldwide internet sensation ay kakaiba naman dahil may dalawang mukha ito base sa report ng Mirror. co.uk. Tinatawag na chimera tabby ang pusang si Venus dahil hati sa dalawa ang kanyang itsura. Ang kalahating mukha ay kulay itim, ang kalahati ay calico na spottedcolor. Ang kanang mata niya ay kulay green at ang kaliwa naman ay kulay blue. Kuwento naman ng may-ari ng pusa, gumawa siya ng Facebook account ng pusa at mayroon na itong 22,000 Facebook fans. At

Goodbye Dubai sa 20 distressed OFWs

PINOY

matapos niyang i-upload sa You Tube ang video ni Venus ay umabot sa 300,000 ang views nito. Dagdag pa ng owner, mas type ni Venus ang dog food kesa sa cat food dahil lagi itong nakikiagaw ng pagkain sa food bowl ng mga aso.

Brain burgers pumatok sa London


HINDI na bago sa mga Asian countries tulad ng Pilipinas ang pagkain ng utak ng baka o baboy pero sa Western world isa itong kakaiba. Kaya naman, naisipan ni Chef Mark Jankel na maglunsad ng pagkaing ikagugulat ng mga taga-London kaya itinayo niya ang Gory Gourmet,isang food truck na nagbebenta ng mga pagkaing literal na galing sa utak ng mga hayop. Sa report ng Oddity news, ang mga recipe dito ay inspired sa zombie thriller series na The Walking Dead. Kabilang sa mga menu ni Chef Mark Jankel ang brain burgers na galing sa utak ng baka, brain salad wrap at crispy chunks of brain. Ginulat din niya ang mga Londoners sa mga pagkaing hinahain niya na paa ng baboy, thyroid ng kalabaw at mga puso ng baka na ginawan niya ng masarap na recipes na may twists. Pumatok naman ang gimik ni Chef Jankel sa mga taga London at maraming pumila para matikman ang kakaibang zombie food.

Magdyowa inaresto dahil sa maingay na pagtatalik


INIREKLAMO ng mga kapit-bahay ang magdyowa na sina Jessica Angel at Colin Mackenzie dahil sa maingay nilang pagtatalik ayon sa website ng Stuff.co.nz. Pinagbayad sila Jessica at Colin ng A$4000 (NZ$5134) dahil sa paglabag sa batas ng Environmental Protection Act of 1993. Base sa batas ng South Australian, ang pag-iingay ay isang form of pollution kabilang diyan ang vibration. Base pa sa report pinagbawalan ang couple na mag-ingay sa loob ng 72 oras ngunit binalewala nila ang utos ng mga pulis kayat naireklamo nanaman sila. Sinisisi naman ni Colin ang kanyang girlfriend na si Jessica dahil sa ingay. Sila ang kauna-unahang couple sa Adelaide na nakasuhan sa environmental law. Simula pa noong April ay 20 beses ng napuntahan ng mga pulis ang bahay ng dalawa para icheck.

NAGBIGAY-PUGAY ang mga kababayan sa Hong Kong at Kuwait bilang respeto sa mga kabutihang ipinamalas at pagiging tapat na lingkod-bayan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na pumanaw sa plane crash nitong Agosto 18. Nitong Agosto 26 ay nagbukas ng condolences book ang Philippine Consulate sa Hong Kong. Sarado rin ang tanggapan ng PH post sa HK kahapon bilang paggunita sa National Heroes Day sa PH. Hindi man nakabisita sa HK sa loob ng dalawang taong panunungkulan bilang kalihim ng DILG ay tumulong si Robredo para mapaglubag ang loob ng mga mamamayan ng HK kasunod ng 2010 bus hostage tragedy sa Maynila kung saan walong Hong Kong tourists ang natodas. Umagapay ang pumanaw na kalihim para ma-stabilized ang travel situation lalo na sa pagdating sa Pilipinas ng mga turista mula sa Hong Kong. Samantala, dagsa rin ang pakikiramay ng mga kinatawan ng ibat ibang bansa na nakabase sa Kuwait at patuloy ang pagtanggap ng Philippine Embassy ng condolences at pakikisimpatya. Kasama sa mga nakiramay ang mga embahador mula sa Cambodia (na si Ambassador Long Kem), Brunei (Pengiran Mustapa Aliuddin), Laos (Thongphachanh) at Nigeria

Pinoys sa HK may tribute kay Sec. Robredo

ni PH Consul-General Benito Valeriano na ang repatriation ng mga kabababayan ay parte ng pagpupursige ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ayudahan ang mga distressed OFWs. Nauna nang umuwi nitong Agosto 4 ang unang batch ng 13 Filipino repatriates mula sa UAE. Galing sa pondo ng DFA ang repatriation. Ayon naman kina Vice-Consul Geronimo Suliguin at Labor Attache Delmer Cruz, isang training package ang naghihintay sa naturang grupo ng OFWs pagdating ng mga ito sa PH. Walang pagsidlan ang galak ng mga nagsiuwing kababayan nang mapasakamay na ang kani-kanilang plane ticket dahil matagal ding natengga at naghintay ang mga ito para makauwi. (Tajudeen Epo Abdulkhader) na personal na lumutang para sa signing of the book of condolences sa PH embassy sa Faiha, Kuwait. Maging ang Charge de Affairs ng Iraq (Yaser Wahib) at Indonesia (Budimanshyah) ay nagpahatid din ng pakikiramay. He was the best example of a good leader. He was well loved and respected by many Filipinos and he deserves to be honored, ani Long Kem, Cambodian Ambassador to Kuwait. There are only a few good men born with a magic charisma like his. Very rare; but see the attachment made during his short stint in office; it was amazing and Filipinos loved him, pahayag naman ni Laos Ambassador to Kuwait Thongphachanh Sonnasinhi. Ayon naman kay Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera, hindi lamang sila parehong tubong-Naga ni Sec. Robredo kundi magkumpare din sila sa mga kasalan at binyagan na kapwa sila naging ninong. Nakikiisa umano ang buong embahada at mga Pinoy sa Kuwait sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw ng kalihim. He was a highly regarded leader in the country and described by many as an honest and dynamic official. He will be remembered and he will continue to serve as a role model for many in public service, sambit ni Ambassador Primavera. Inihatid na kahapon sa kanyang huling hantungan sa lungsod ng Naga si Robredo. at sea ferry na pumasok ng Puerto upang makaiwas sa anumang trahedya na dulot ng pananalasa ng bagyo. Bukod sa mga barko ay 140 flights ang kinansela na karamihan ay mula at patungo ng Jeju island. Ipinag-utos ni South Korean President Lee Myung-Bak ang ibayong paghahanda upang mapigilan ang casualties. Ayon sa weather service, inaasahang magdadala ng 500 millimeters na ulan ang bagyong Julian.

NASA pinakamataas na alerto ngayon ang buong South Korea dahil sa pananalasa ng bagyong Julian na may international codename na Bolaven. Ang alerto ay itinaas matapos na maramdaman ang hagupit ni Julian na itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa rehiyon sa loob ng 10 taon. Naitala ang lakas ng hanging dala ni Julian na umaabot sa 173 kilometro bawat oras. Kasabay nito ay kinansela ang joint military exercise ng Amerika at South Korea. Nagkansela rin ng biyahe ng mga barko

SoKor inalerto dahil sa hagupit ni Julian

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

KUNG merong miyembro ng Senado na sobrang magpa-VIP o magpa-importante, ito ay ang isang senadora na madalas nagpapahintay sa kanyang pinatawag na press conference.
Biruin mo naman, nagtakda ito ng isang press briefing subalit nang naka-ready na ang mga Senate media e biglang nag-back out ang mambabatas na ito dahil makikipag-lunch daw muna ito sa isang sikat na TV announcer. Pinasabihan nito ang media na hintayin na lang siya in an hour dahil makikipagtsikahan daw muna ito sa kanyang friend na TV announcer sa lounge ng Senado. Subalit lumipas na ang isang oras ay hindi pa dumating ang mambabatas dahil nag-e-enjoy pa raw ito sa pakikipagtsismisan sa kanyang friendship. Nagtiyaga pa ang media na maghintay ng ilang minuto subalit umabot na sa one-and-half hour ang kanilang paghihintay, sila naman ang nag-back out sa press briefing ng mambabatas. Kaya nang dumating ang naturang senadora sa pinatawag niyang press briefing, nagtaka ito kung bakit iilan lang media ang nandoon. In short, nilangaw ang sarili niyang press conference. Sino siya?

Solon sobrang pa-importante

11

www.pssst.com.ph

TSISMIS

Clue: Laging tawag-pansin ang mga kasuotan ng mambabatas na ito sa plenaryo ng Upper Congress. May letrang L ito sa kanyang pangalan, as in Lady Gaga ang laging porma ng mambabatas. Candido C

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! Sugalerang ina, pati mga Nambabae pero sa pinundar ng asawa ibinenta kabilang kalye lang
GOOD morning po sa inyong lahat, sa mga tagasubaybay dito sa Pssst! Meron kaming kapit-bahay dito sa Laguna na sumakabilang kalye. Ang ibig ko pong sabihin dito, yung lalaki kumabit sa iba, e sa kabilang kalye lang nakatira yung kabit niya! Ewan ko ba dito kay Ronnie, sa laki ng Pilipinas sa kabilang kalye lang pala kukuha ng kabit, malapit pa sa bahay nila. E talagang riot kung riot ito! Si Ronnie e may maayos namang hanapbuhay. May asawa, si Arlene at isang anak na lalake. Kung titingnan, ok naman sila parang walang problema. Yun pala tahimik na nakikipagrelasyon na si Ronnie dun sa kabilang kalye, kay Laarni na dalagang ina, single parent. Kaya daw nabuo ang pagtitinginan ng dalawa kasi si Ronnie electrician. Nakapag-ayos na siya ng kuryente kina Laarni at ayun baka na-love at first sight sila sa isat isa! KUMUSTA mga ka-PSSST. Tsismisan Dumalas na raw ang pagpunta ni Rondin lang ang isyu dito ay makisali na rin ako. nie sa bahay nila Laarni dahil siya lagi ang Ako po si Denise. Itsitsimis ko lang itong tinatawag ni Laarni kung may problema sa wife ni Kuya Anton, si Tere na wala na hong bahay nila. Yung mga pagawaing lalake, si ginawa everyday kundi mag-mahjong nang Ronnie na lagi ang andun para sumaklolo. mag-mahjong. Hindi naman nakaramdam si Arlene na Abay napapabayaan na niya ang role bimay ginagawa ng kababalaghan si Ronnie. lang ina ng kanyang mga anak. Ang Kuya Ang alam pala niya sa ibat ibang lugar nagAnton, nagpapakahirap doon sa Saudi, tapos seservice ang asawa niya. At hindi kasi kilaitong si Tere walang ginagawa kundi magla si Laarni sa amin dahil bagong salta lang. sugal. Kaya pala minsan hindi umuuwi si Ronnie sa bahay nila. Nung tinanong ko si Arlene sabi niya sa Quezon City daw minsan may trabaho si Ronnie at para makatipid sa pamasahe nakikitulog sa kaibigan. Ang style pala ni Laarni at Ronnie, nagkukulong lang sa loob ng bahay para walang makakita sa kanila. E may nakapagsumbong kay Arlene kaya ayun sumugod sa bahay ni Laarni! Labasan lahat ng kapitbahay dahil nag-aamok doon si Arlene! Noong una, ayaw pang lumabas ni Ronnie pero nung sumigaw si Arlene na kukuha siya ng itak ayun tumakbo palabas ng bahay si Ronnie. Parang pelikula nga eh, ang bilis ng takbo ni Ronnie, tapos hinabol Mula po kasi nang magtrabaho si Kuya sa ni Arlene. Syempre hindi naabutan ni ArSaudi, ito hong asawa niyang si Tere ay puro lene dahil mabilis pa sa kabayo tumakbo mahjong ang ginagawa. Araw gabi ganoon ang asawa niya. Hindi pa raw umuuwi si Kung kayo ay may kakaiba, na- lagi. Minsan nga ho madaling araw Ronnie dahil sa takot kakagulat at nakakaawang kwento na natatapos sa pagsusugal. Tinuruan kasi siya ng Nanay at sa asawa niya. ng inyong kapit-bahay i-share dito nang matututo ayon lagi na lang Thanks po--sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Yeng of Laguna Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. nakaharap sa table at nakikipagtagisan ng galing sa mahjong. Pero com at manalo ng mga sorpresang hindi naman ho siya nananalo, lagi papremyo. madalas talo. Eh paano naman mananalo eh mga expert na yung mga kalaban niya. Dahil laging puyat, di na niya maasikaso yung mga anak niya. Ang nanay namin, yun ang nagpapakahirap sa mga anak kasi sa araw tulog itong si Tere dahil puyat sa kasusugal. Tapos iyong perang pinapadala ni Kuya Anton, yun ang ginagamit sa pag mahjong. Hindi na makaipon kasi araw-araw sugal nang sugal. Pati mga baon ng mga bata tinitipid. P20 lang binibigay gayong ang sabi ni Kuya P50 daw dapat ang baon ng anak nila. Kung di mahjong, tong-its naman ang inaatupag nitong sister-in-law ko na ito. Tapos panay pa ang taya sa jueteng. Buti sana kung nanalo kaso nga laging talo, sayang ang pera. Dahil po sa sobrang adik sa sugal, pati mga napundar na gamit ni Kuya Anton, naisangla niya, DVD player, PSP, pati mga alahas niya wala nang hindi ibinenta para lang makapagsugal. Madalas nga hong inaaway ng nanay ko si Tere pero lumalaban ho siya. Sinumbong ko na nga kay Kuya Anton pero di naman ako pinaniwalaan. Ewan ko ba kay Kuya kung bakit pinatulan pa itong si Tere eh wala namang kwentang asawa at ina. Tamad sobra! Hay naku hanggang dito na lang po. Nabubuwisit ako kapag nakikita ko itong asawa ng Kuya ko, sarap sabunutan. Tnx PSSST! God Bless! Denise of Tondo, Manila

METRO NEWS

MIYERKULES AGOSTO 29, 2012

Tatay, pinagtataga na parang baboy!


Paolo na anak ng biktima, tuwiran pa nitong nasaksihan ang ginawang panunugod ng kapitbahay nito sa kanilang tinutuluyan kayat agad itong sumaklolo at umawat sa nagngingitngit na suspek. Dali-dali nitong hinila ang sugatang ama papalayo sa galit na galit na suspek at saka ito humingi ng tulong sa mga residente ng lugar kabilang na ang mga tanod na kinabibilangan ng tanod na si Triffon Mindol na siya ring umaresto kay Remias. Sa report pa ng pulisya, nagkaroon umano ng matinding alitan ang dalawa kaya nagawa ng suspek. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito. Honey Rodriguez

www.pssst.com.ph

NAGMISTULANG kinatay na baboy ang isang ama makaraang walang awang pagtatagain ng hinihinalang nakaalitan nitong kapitbahay sa Sampaloc, Maynila.
Pinilit pang isalba ang buhay ng biktimang nakilalang si Ricardo Domingo , 52-anyos, at naninirahan sa 2447 D. San Anton St., Sampaloc, Maynila subalit binawian na din ito ng buhay dakong alas- 4:30 ng hapon sa Mary Chiles Hospital. Kasalukuyan namang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District (MPD) ang agad na nahuling suspek na si Ernesto Remias, 46-anyos, at nanunuluyan sa 2449 San Anton St., Sampaloc ng nasabing lungsod. Batay naman sa ulat na inilabas ni Det. Ronald Gallo ng MPD - homicide section, dakong alas -10:30 ng umaga nang maganap ang naturang pagpaslang sa harap ng bahay ng biktima. Ayon naman sa salaysay ng isang Juan

ANO BA YAN?

TINATAYANG aabot sa 200 kilos ng tainted meat o mas kilala sa tawag na karneng botcha na umanoy nagpapakita na ng mga senyales ng pagkabulok ang nasabat ng mga alagad ng pulisya sa isang tricycle na nakatakda pa sanang i-deliver sa Maynila kahapon.

Kilo-kilong botcha nasabat


ang mga suspek sakay ng nasabing tricycle sa Barangay 42 Zone 3 ng Moriones, Tondo. Sako-sakong kontrabando ng mga umaalingasaw na karne ang nasamsam ng mga awtoridad habang patuloy naman ang pagtanggi ng mga nadakip na alam nilang botcha ang kanilang idinedeliver dahil nautusan lamang umano ang mga ito na dalhin ito sa Wagas St. sa Moriones. Samantala, nagbigay naman na babala ang health authorities sa publiko suriin munang mabuti ang kanilang mga binibiling karne dahil hinihinalang darami pa ang magtitinda ng mga botcha bunsod na rin ng pagpasok ng tinatawag na ber months. Honey Rodriguez

Kinilala ang mga suspek na sina Roberto Cornelio at Freddie Melgar na magdedeliver sana ng mga botchang karne sakay ng isang tricycle habang patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang isa pa nitong kasamahang nakatakas. Batay naman sa paunang ulat na ni Dr. Joey Diaz ng Manila Veterinary Office, kasama ng kanilang mga alagad ang mga awtoridad nang sakto nitong mahuling nagdedeliver

BAHAGI ng buwis ng mamamayan ay napupunta sa mga pagawaing kalsada upang magkaroon ng maayos na daan ang mga motorista. Gayunman, may mga nagmimistulang bulag pa rin hinggil sa bagay na ito. Kung hindi ba naman, narito ang malinaw na halimbawa kung saan ay malaking abala sa mga nagdaraang motorista sa tapat ng Manila Doctors Hospital sa Kalaw St., Maynila ang mga naka-triple parking na sasakyang ito na para bang nabili na nila ang pampublikong kalsada. Umiral naman sana ang kunsensya at bigyang puwang ang pakiki-pagkapwa sa kalye. Dingdong Riviera

TRIPLE PARKING PA!

SINASABING matinding galit ang dahilan kung bakit malapitang binaril sa ulo ang isang security guard ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa Port Area, Manila kahapon.

Sikyu binaril sa ulo, patay!

Kinilala ang biktima na si Mohammad Mamasabulod , 48, binata at residente ng Block 12 Lot 30 Baseco Compound, Brgy.649, Port Area, Manila. Sa report ni P03 Henry G. Navarro ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas - 9:00 ng umaga sa Baseco Compound, Brgy.649 Port Area, Manila nang maganap umano ang nasabing pamamaril. Nabatid naman na nakatayo si Mamasabulod sa harap ng kanyang bahay nang bigla umanong lapitan ng salarin at malapitan itong barilin sa ulo na nagresulta sa

agaran nitong pagbulagta sa kalye at pagkamatay. Ayon naman sa isang Damian Ampuan, kapitbahay ng biktima, nakarinig umano ito ng malakas na putok ng baril kayat dali dali itong lumabas ng bahay upang alamin ang pinanggalingan nito. Doon na niya umano nakita malapit sa kanyang bahay ang biktima na naliligo sa sarili nitong dugo kaya katulong ng ilang kapitbahay ay agad isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Hospital upang lapatan ng lunas. Inilipat pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit dito na ito binawian ng buhay bunsod na rin ng matitinding tama ng bala sa ulo at likod. Honey Rodriguez

Para sa inyong reklamo sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga abusadong opisyal o tauhan ng gobyerno, i-email lamang ang inyong reklamo na may kasamang larawan sa www.pssstph@gmail.com

You might also like