Professional Documents
Culture Documents
Aralin 5
Aralin 5
MGA LAYUNIN: Naiisa isa at naipapaliwanag ang komposisyon ng mga grupong etnolinggwistiko sa mga rehiyon sa Asya;
Natatalakay ang kabuluhan ng wika sa paghubog ng kulturang Asyano; Nailalarawan sa pamamagitan ng cartoon kung paano nalinang ang kultura ng ibat-ibang rehiyon ng Asya; Napaghahambing ang kagalingan ng ibat-ibang grupong etnolinggwistiko sa mga rehiyon sa Asya; at Napupuri ang mga kontribusyon ng mga grupong etnolinggwistiko sa kultura ng mga Asyano
1. Kilala ang lahat ng taong naninirahan sa kontinente ng Asya bilang mga Asyano. 2. Kilala rin sila batay sa kinabibilangang bansa -Halimbawa: Chinese China Pakistani Pakistan Vietnamese Vietnam Afghan Afghanistan Pilipino - Pilipinas
3. Nakikilala din ayon sa etnolinggwistikong kinabibilangan nila. - halimbawa: Indonesian ( Javanese , Achenese ) Pilipino (Tagalog, Ilokano ,Cebuano )
4. Kung ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon; at ang bawat rehiyon ay nahahati sa mga bansa; at ang bawat bansa naman ay kinapapalooban ng ibat-ibang grupo na may kanya-kanya ring pagkakakilanlan.
etnolinggwistiko.
tibetans
Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura. Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung sila ay kabilang o nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan.
Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika, pinaggalingan, pag-unlad na pangkasaysayan, mga tradisyon at paniniwala, at iba pang salik na nagbibigay-hugis sa kulturang taglay ng nasabing grupo.
Sinasabing ang pagkabuo ng grupong etniko ay dahil sa ang mga kasapi nito ay may wika o kultura na kaiba kumpara sa mga taong kasapi ng iba pang grupong etniko.
Mahalagang tignan ang ugnayan ng mga grupong etnolinggwistiko sa isat-isa. Mahalaga ring tandaan na bagamat kabilang sila sa isang grupong etnolinggwistiko, dapat ding tignan ang sarili bilang mamamayan ng isang bansa, rehiyon, at ng daigdig sa pangkalahatan.
Dahil sa itinuturing ng mga tao ang kanilang mga sarili na kabilang sa isang grupong etniko na kaiba sila sa iba, bumubuo sila ng mga patakaran at konsepto kung sino ang kabilang sa grupo at sino ang hindi.
Mahalaga ang papel ng wika sa paglinang ng kultura ng mga Asyano Inaaasahang makikita at mauunawaan natin ang kahalagahan ng wika sa pagbibigay-hugis sa samut-saring kulturang taglay ng mga Asyano.
Marahil ay narinig na natin ang pangungusap na sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi. -sapag-aaral ng wika, matatanto natin ang mga katangian ng isang kultura.
Kung nais nating pag-aralan ng malaliman ang kultura at kasaysayan ng isang lahi, mainam na pag-aralan ang wika nito. -malaki ang papel na gingampanan ng pamahalaan sa pagtataguyod ng wika na siyang pinaniniwalaang susi sa pagkakaisa ng ibat-ibang grupo sa isang bansa
Mga Limang Rehiyon sa Asya 1. Hilaga o Gitnang Asya 2. Kanluran 3. Timog 4. Timog Silangan 5. Silangan
Sa Hilagang Asya matatagpuan ang mga etnolinggwistiko gaya ng Ural-Altaic, Paleosebirian, at Eskimo. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang mga Sumerian, Elamite, Kassite, Hatti, Halde, Hurri, Lyciane, Lydian, Caanite, Arabo, Armenian, Jew, Assyrian, Hittite, Persian, Kurd, Afghan, at Turks.
SaTimog Asya naman matatagpuan ang grupo ng AustroAsiatic (Munda); Dravidian; at Indo-Aryan.
Sa Timog Silangang Asya naman ay ang dalawang pamilya linggwistiko, ang Austro-Asiatic (Mon Khmer at Munda ) at ang Austronesian (ang mga wika ng Pilipino at Indonesian)
Dravidian ang wikang ginagamit ng mga katutubo sa India Nanirahan sa Timog bahagi ng India Hindi naimpluwensyahan ng kulturang Aryan Nakapagpaunlad at nakapagpanatili ng isnag kabihasnang hiwalay sa hilagang bahagi ng tangway at hindi nabahiran ng impluwensyang dayuhan
Map
Map 2