Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 90

Say that You Love Me

by Miss Gem
OVERVIEW: It was not easy loving a guy who had been there for more than half of your life. This was Gerys greatest sentiment. She was in love with Rafael, her best friend. She thought she can bear the pain of unrequited love. Pero natabunan ang pagmamahal na iyon ng sobrang galit at poot pagkatapos siyang ipagtabuyan ni Rafael nang dahil lang sa isang maling akala. The pain changed her into a better person. Five years had passed, nagtagumpay siyang baguhin ang sarili. Hindi na siya ang dating Gery na minsang tinalikuran ng pamilya at ng lalaking minahal. It was when she decided to go back to her hometown that she realized that the thick ice she placed in her whole being was starting to melt. Nakita niya ang dating barkadaat nakita rin niya ang dating bestfriend. She thought the pain was gone pero nagkamali siya. Muling nanariwa ang lahat ng sakit nang makita niya si Rafael who was trying to reach out for her. Trying to love her How can she accept Rafaels affection when she cant even accept his explanations? Paano siya maniniwalang mahal rin siya nito gayong buong buhay niya inisip niyang hindi siya kailanman magkakapuwang sa puso ng binata? Madi-deny pa kaya ni Gery na ang galit niyang puso ay muli na namang nagmamahal? How could Rafael say that he loves her

Prologue

Excited na pinarada ni Rafael ang Honda Civic niyang kotse sa parking lot ng isang magarang restaurant sa Baguio. Matapos patayin ang makina ng sasakyan ay masiglang nilingon ang babaeng tahimik na nakaupo sa passengers seat. Agad na nagtama ang mga mata nila na naghatid ng labis na kaba sa umiibig niyang puso. Kahit na nakasalamin ang dalaga, nakikita pa rin niya ang magagandang pares ng mata nito. Hindi siya makapaniwalang napaPayag niyang sumama ito sa kanya matapos ang biglaang pagtatapat niya ng pag-ibig. Tipid na ngumiti si Samantha, ang apat na taon na niyang kabarkada na lihim niyang minamahal. Natatarantang bumaba siya ng sasakyan at maginoong pinagbuksan ng pinto ang dalaga. Napansin pa niyang medyo napaigtad ito nang hawakan niya ang malambot at makinis nitong palad. Nasamyo pa niyang ang pinaghalong bango ng cologne nito at shampoo sa napakatuwid na hanggang

baywang nitong buhok. may kung anong koryenteng dumaloy sa buong sistema niya na mas lalong nagpatindi ng nadaramang kaba. Wait, I have something for you. Aniya nang makababa na si Sam. Nagmadali siyang buksan ang compartment ng kotse at nakangiting inabot ang mamahaling bouquet of roses at box of chocolate sa nagulat na dalaga. Thank you, tipid na sagot ni Sam at nagpatiuna nang naglakad papasok sa restaurant na may dim at cozy interior. Umupo sila sa isang two-seater table malapit sa mini-stage kung saan may nakapuwestong piano. Tahimik na inilibot ni Sam ang kabuuan ng restaurant at alam ni Raf na nagagandahan ito. Habang abala sa katitingin si Sam sa paligid ay nagsawa naman siya sa katitig sa maliit at heart-shaped nitong mukha lalo na ang nunal na nasa gilid ng mapupula at maninipis nitong labi. Raf, umorder ka na, kanina pa nakaabang ang waiter sa atin. Untag sa kanya ni Sam. Hindi niya namalayang kanina pa siya nakatitig dito. Im sorry, I just cant help myself looking at you. Napakaganda mo kasi at sobrang saya ko dahil pumayag kang sumama sa akin ngayon. Tipid lang itong ngumiti na para bang hindi alintana ang sobrang tuwa na nakalarawan sa kanyang mukha. Inorder ni Raf ang lahat ng sikat at specialty ng resto at una na doon ang lasagna. Ngunit kahit halos mapuno na ng masasarap na dishes ang mesa nila, tahimik at hindi pa rin umiimik si Sam. How was the pasta? Tanong niya habang kumakain na sila at pinapakinggan ang pianist na tumutugtog sa kanilang harapan. Halos okupado ang lahat ng table sa mga oras na iyon. Friday night kaya maraming mayayamang tao ang kumakain sa restong iyon. Masarap siya, ngayon lang ako nakatikim nang ganito kasarap na pasta. I know you would say that! Uncle ko ang may-ari nito. Alam mo bang ito ang favorite restaurant ko? Ang ganda ng ambiance, di ba? Pinaka the best sa Baguio ang chef nila dito. Napakasoothing pa ng ambiance. Matagal na kitang gustong dalhin dito. Pinangako ko kasi sa sarili ko na dito ko dadalhin ang babaeng mamahalin ko habambuhay. Kahit si Gery hindi ko dinala dito eh, napaangat ng mukha si Sam nang marinig ang pangalan ng kaibigan na tila nasamid sa kinakain. Natigilan ito sa pagkain at napansin iyon ni Raf kaya seryoso ang mukhang ginagap niya ang kamay ng dalaga na nakapatong sa mesa. Sam, I know hindi ka pa makapaniwala na nanliligaw na ako sayo. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob na ipakita sayo ang nararamdaman ko. Mahal na kita noon pa man. Naglikot ang mga mata ni Sam at mabilis na binawi ang kamay mula sa kanya na tila ba napapaso. Pasensiya ka na..kung hindi ako makapag-react, Raf. Nagulat lang talaga ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Its okay, handa akong maghintay. Sabi nga ni Gery, theres no harm in waiting, napaigtad na naman ang dalaga nang marinig ang pangalan ng kabarkada nila. Raf, Im sorry but I have to go, tulirong tumayo si Sam, kinuha ang shoulder bag at mabilis na lumabas ng resto. Nagtatakang sumunod si Raf dito. Sam, wait! may problema ba? Mabilis niyang hinawakan ang braso nito nang marating nila ang gilid ng kalsada.

Please, Raf..Look, Im sorry pero naguguluhan ako. I cant understand you. Bakit ka naguguluhan? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Naiinis na rin siya sa mga sinasabi nito. Ayokong paniwalaan! Look, ano ba to Raf? Apat na taon tayong magkaibigan, bakit nangyayari to sa atin? Nahihirapang turan ng dalaga. Sam, mahal kita. Noon pa mahal na kita. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipakita sayo yon, tila nagsusumamo niyang tugon. Hindi mo ko pwedeng mahalin, Raf. Tigilan mo na ako! Ayoko nang ganito. Ayokong saktan siya. She doesnt deserve this! Napaluhang tugon ni Sam. What are you talking about? Sinong siya? Buong pagtatakang tanong niya dito. Nasasaktan siya ngayon, Raf. Buong buhay niya inilaan niya para sayo. Minahal ka niya nang buong-buo. At ayokong maging dahilan para masaktan siya. Ano ba? Sa sobrang lito at paghihirap ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ng lumuluhang si Sam. Hindi kita maintindihan! Kung sino man siya, hindi pa rin niya mababago ang pagmamahal ko sayo! Stop it, pwede ba?! Mabilis nitong inalis ang mga kamay niya. Wala ka bang pakiramdam? Hindi mo ba nararamdaman na ang babaeng tinutukoy ko ay si Geraldine! Si Geraldine na bestfriend mo, Raf! Bulalas ni Sam sa kanya. Pakiramdam ni Raf bumaligtad ang mundo sa narinig. Sa sobrang gulat ay para siyang itinulos sa kinatatayuan. Huminga nang malalim ang dalaga bago muling nagsalita. Hindi kita mahal at kailanman hindi kita kayang mahalin. Matigas na turan ni Sam at iniwan siyang nag-iisa doon. Wala na si Sam sa harapan niya ngunit hindi pa rin siya makahuma sa lahat ng narinig mula rito. may?! AnongPaanonghindi..Hindi pwedeng si may ang tinutukoy ni Sam, hindi! Lito at naninikip ang dibdib na sigaw ni Rafael sa isipan. Hindi siya makapaniwalang tatanggihan siya ng babaeng nililigawan sa mismong first date nila dahil sa ayaw nitong saktan ang bestfriend at kabarkada nilang si Gery. Marahas na pinahid niya ang luhang nasa pisngi at kuyom ang kanyang palad na nilisan ang lugar na yon.

Mag-isang naglakad si Gery ng hapon na iyon. Kailangan pa kasing lakarin ang bahay nila mula sa babaan ng jeep. Dumidilim na ang kalangitan at mas lumalamig na ang panahon. Nakasweater siya ngunit ramdam pa rin niya ang lamig kaya naPayakap siya sa sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kalungkutan. Wala nga sigurong habambuhay na paghihintay. Kahit papaano umasa siyang titignan siya ni Raf nang higit pa sa isang kaibigan. Tumitindi tuloy ang insecurities niya sa sarili. Paano naman siya mamahalin ni Raf? Walang nanliligaw sa kanya. Bukod sa para siyang lalaki sa napakaikli niyang buhok ay para siyang surfing board sa kaPayatan. Napaka-tomboy pa niyang manamit at kumilos. Wala ngang nagkakagusto sa kanya. Si Raf pa kaya? Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may marinig na kotseng matulin na paparating. Nagulat pa siya nang mabilis itong huminto sa mismong tapat niya. Mabilis na lumabas ng drivers seat si Raf na madilim ang mukha at pabagsak na isinara ang pinto ng kotse. Hindi siya makahuma nang galit siya nitong hinarap.

What game are you playing at? Matigas at salubong ang kilay na turan ni Raf. Gulo ang alaanime nitong buhok, gusot ang damit at tila nakainom pa dahil sa mapula nitong mata. Kahit anong hitsura nito ay napakaguwapo pa rin nito sa paningin ni Gery. Sa taas nitong 511 ay tinitingala niya ito. Ha? Anong ibig mong sabihin? takang tanong niya. Agad siyang sinugod ng labis ng kaba nang makita ang kakaibang galit sa mukha ng matalik na kaibigan. What do I mean? Pwede ba Geraldine, huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ano bang pinagsasabi mo kay Sam ha? may sinasabi siyang di ko maintindihan! Hindi rin kita maintindihan, Pay. Kinakabahang aniya. Matiim na tumitig ang galit nitong mukha at humakbang pa ito papalapit sa kanya. may itatanong ako sayo at gusto ko, sagutin mo ko nang totoo. Nagulat pa si Gery nang marahas siyang hawakan nito sa bisig at tiim-bagang na nagsalita. Nakita ng dalaga kung gaano siyang titigan nito bago nagsalita. Mahal mo ba ako? Mahal mo ba ako nang higit pa sa isang kaibigan?! Napahugot nang malalim na hininga ang dalaga sa sobrang kaba. Dumating na ang sandaling kinatatakutan niya. Ang sandaling kailangan niyang harapin ang galit at suklam ng matalik na kaibigan. Namagitan ang sandaling katahimikan at hindi siya hinihiwalayan ng tingin ni Raf. Dahandahan siyang tumango kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Napapikit si Gery, nasasaktan siya sa galit na nakikita niya sa mukha ng bestfriend! Shit! Mura ng binata sabay tulak sa kanya palayo sa katawan nito. Nagtitimping napahawak sa noo si Raf. Kuyom ang palad itong tumalikod sa kanya. Pay, ImIm sorry. Hindi ko naman sinasadyang maramdaman to eh. Nanginginig na si Gery. Parang namanhid ang buo niyang katawan at hindi na niya makontrol ang kanyang emosyon. Youre sorry? Sorry for what?! Bulalas nito at muli siyang hinarap. Sorry dahil all these years naglihim ka sa akin? Sorry dahil sinabi mo kay Sam ang lahat ng to para hindi niya ako mahalin--- Hindi totoo yan! Pigil ni Gery sa nanggagalaiting binata. Hindi totoo? Ano ba ang totoo? nakatiim bagang nitong turan. Niloko moko! Pano mo nagawa sa akin to Gery? Pinagkatiwalaan kita, buong buhay ko kasama kita. Binuksan ko ang pagkatao ko sayo! How dare you love me! Please Pay, magpapaliwanag ako, please listen to me, lumuluhang hinawakan niya ang braso ng binata ngunit agad din itong lumayo sa kanya na para bang diring-diri sa hawak niya. Para san pa? Ha? Sinira mo na ang lahat. Alam mo ba kung gaano kasakit ang tanggihan ng babaeng sobrang minahal mo nang mahabang panahon? Pumiyok na ang boses ng binata at nakita ni Gery ang pagluha nito. Nasasaktan ako, Geraldine. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng to? Hindi ka naging totoo sa kin. Bakit kailangan pang si Sam ang magsabi sa akin? Ayaw mo ba akong maging masaya? Kung alam mo lang kung gaano kabigat tong nararamdaman ko ngayon. Ikaw pa ang naging dahilan para mawala sa akin ang babaeng mahal ko. Ang lupit mong magmahal, Gery. Nakita ni Gery kung paano lumuha si Raf sa harapan niya. Naghihirap ang mukha nito at iyon ang dumudurog sa puso niya. Pay--- Nag-attempt siyang hawakan ang kamay nito ngunit mabilis itong lumayo.

Huwag mo na akong tawagin sa pangalang yan. Dahil sa mga oras na to, tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin! Dinuro pa siya ng binata bago pinahid ang luha at mabilis na pumasok sa kotse. Agad nitong pinaharurot at iniwan si Gery na umiiyak sa gitna ng daan. Pay! Hagulgol ni Gery na tinangka pang habulin ang sasakyan papalayo. Nang mawala ito sa paningin niya ay umiiyak at nanlulumo siyang napatukod sa sementadong kalsada. Parang hindi niya kayang mabuhay nang walang tinatawag na Pay sa buhay niya gaya ng gustong mangyari nito. Paano ba niya haharapin ang galit at pagkasuklam ng lalaking minamahal? Paano ba niya madadamayan ang bestfriend sa panahong kailangan nito ng kaibigan gayong siya ang dahilan ng pagdurusa nito?

Chapter 1
Yan po ang pinakabagong balitang nasagap mula sa News and Current Affairs Department. Sa ngalan ng kasamahan kong si Ronald de Guzman na nasa Baghdad, Iraq, ako po ang inyong lingkod Geraldine Sandoval at ito ang The News Tonight, magandang gabi, turan ng maganda at nakangiting babae sa harap ng camera. Napakaconfident at elegante nitong tignan sa executive suit na suot. Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng live camera bilang isang kilalang newscaster ng MBN Broadcasting Company. Cut! Sigaw ng assistant director at natigil na ang pagrolyo ng kamera. Tumayo si Geraldine at umupo sa isang upuang malapit sa kinatatayuan ng director. Naging maingay naman ang mga staff matapos ang 1-hour program. Pinapanood ito ng halos lahat ng Pilipino tuwing ala singko ng gabi kaya ganun nalang ka-hectic at stressful ng trabaho ng mga tao doon. Hey, napaangat ng mukha si Gery nang may humaplos sa pisngi niya. Nakita niya ang maamo at guwapong mukha ng kanyang news director na halatang kalalabas lang ng control room. Are you okay? Youre pale.Yumuko pa ito para magkatapat ang mga mata nila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Gery ang beloy na nasa gilid ng labi ni Nathaniel Tan kapag ngumingiti ngunit nasa mga mata nito ang concern at pagtataka. Yeah, Im okay. Medyo matindi lang ang migraine ko ngayon. Halata ba sa monitor direk? ngumiti siya nang pilit sa kaibigan niyang director. Sa edad nitong tatlongput tatlo ay isa na itong nirerespectong news director sa kompanya. Magiisang taon na silang magkasama sa program simula noong palitan ni Nathaniel ang beteranong unang naging director ni Gery. Until when will I always remind you not to call me direk when the program has ended. Naiilang tuloy akong manligaw sayo niyan eh, napangiti nang totoo si Gery sa makulit na hirit nito. Sabay nagkorus ng panunukso ang mga kasamahan nilang staff lalo na ang assistant director na si Nelson at personal assistant niyang si Anya. Ayan na naman ang lumang hirit mo na yan eh, kaya tayo hindi nirerespeto ng mga kasamahan natin dito, ganting hirit niya na nagpapuno ng tawanan at kantiyawan sa loob ng studio. Simula nang naging director niya si Nat ay palagi na

silang tinutukso ng mga kasamahan nila dahil sa hayagang pagpaparamdam ni Nat ng gusto sa kanya. Hinahayaan na lamang ito ng dalaga dahil bukod sa malapit niyang kaibigan ito ay puro paramdaman at hirit lang naman ang ginagawa ni Nat sa kanya. Maam Gen naman kasi, pansinin nyo na kasi itong si direk, kung hindi nyo naman siya type, abay ibigay nyo siya sa akin. Hindi pa siya nakakapagsalita, sinagot ko na siya. Hindi ba direk? Sabat ng madaldal at kikay na si Anya. Tumawa lang si Nat at napapangiting umiling ang dalaga. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya. Gwapo si Nat, may kaya sa buhay, mabait at matalino pa pero hindi niya mahanap sa puso ang magkagusto rito. Excuse me maam, may naghahanap po sa inyo sa labas ng studio, turan ng matabang babae na baguhan sa production staff. Natigil ang katuwaan ng lahat nang tumayo siya at tinungo ang labas ng studio. Agad napakunot-noo siya nang mamataan sa labas ng busy at magulong studio ang lalaking nakatalikod sa kanyang direksyon. Nakapoloshirt itong stripe at nakasuot ng faded jeans. Semi kalbo, medium built, at fair ang complexion. Tila naman naramdaman ng lalaki ang mga mapanuri niyang tingin. Lumingon at agad rumehistro ang malapad na ngiti sa mukha nito. Francis? Gulat na bulalas niya sa lalaking hindi niya nakilala mula sa likuran. Napakalaki kasi ng pinagbago nito. Ang dating kabarkada niyang long hair, matiim at Payatot ay ganito na kaguwapo ngayon. Agad siyang sinugod ng matinding kaligayahan nang sugurin siya nang mahigpit na yakap ng malapit na college friend. Gery! I miss you so much! Kumusta ka na? Masayang kumalas ng yakap ang lalaki at tinitigan siya sa mukha. Wow, ang ganda mo na nga talaga! Palagi kitang nakikita sa T.V. You really changed a lot! Ikaw nga diyan eh! Ginulat mo ko. Ang laki talaga ng pinagbago mo. Nasan na ang mahaba mong buhok? Napatawa ito at kagyat na kinamot ang ulo habang nakahawak sa kamay ng dalaga. Natigil ang tawanan nila nang may marinig na siyang tikhim sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita niya ang nakangiting si Nat. Hey direk, meet my college friend, si Francis. Cis, ang magaling at guwapong news director namin dito, si Nathaniel. Agad na nagkamayan ang dalawang lalaki sa harapan niya. Gen ha, nakakadalawang violation ka na, direk ka nang direk sa suitor mo, biro ni Nat sa dalagang agad napailing sa kalokohan ng binatang tumawa lang na mas lalong nagpasingkit sa mga mata nito.

Nanliligaw ba si direk sayo? Narinig ko kasi ang hirit niya kanina sayo eh, may himig panunuksong ani Acis kay Gery nang dalhin niya ito sa isang mamahaling coffee shop sa ground floor ng building ng Broadcasting company. Ngumiti lang si Gery bago uminom ng kape. Transparent glass ang wall ng coffee shop kaya kita nila

ang matinding traffic at rush hour sa labas ng shop. Madilim na ang kalangitan sa mga oras na iyon. I dont think so, hindi naman nagseseryoso eh. Anyway, its not the right time to talk about courtship and anything. Ang gusto kong malaman ngayon kung kumusta ka na. Ano? Are you an architect already? Are you here for a visit or what? Whoah! Itinaas agad ng natatawang si Acis ang dalawang palad to show sign of surrender. Dahan-dahan naman sa pagtatanong? Youre like here to interview a murderer. Pasensiya ka na, nasanay lang ako sa trabaho. Ang dami kasing tanong sa isip ko ngayon na kaharap na kita after 5 years of not seeing each other. Kaya you better start talking, masyado mo na akong binibitin. First of all, Im connected to an architectural firm in Cebu, and yes, architect na ako. Nasa Baguio pa rin sina mama at papa. If youre going to ask me kung bakit napadpad ako dito, I was recently transferred in a sister company a few blocks away from here. Youre the first person na naisipan kong dalawin dito sa Manila. Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi ko puntahan ang sikat at multiawarded newscaster kong kabarkada noon. Automatikong napatawa si Gery. Nonsense! Huwag kang exag, Acis ha! Alam mo bang nagtatampo pa rin ako sayo, the last thing I know, ikaw ang unang tumigil sa pag-e-email kaya nawalan na ako ng balita sayo. Yeah, I know. Masyado kasing naging busy ang buhay ko these past few years. Everything was so fast. I know you would agree with me. Five years lang ang nagdaan pero parang hindi na kita kilala. Parang hindi na ikaw ang kalog at tomboy na kabarkada ko noon sa college. Look at yourself, ang ganda mo na, para ka nang artista. Even the way you carry yourself, youre so elegant and sophisticated. Wow talaga! Seryoso ngunit nakangiting turan ni Francis sa natahimik na dalaga. Lahat naman ng tao nagbabago, Acis eh. You can attest to that, pati nga haircut mo nabago eh, kapwa sila natawa sa sinabi niyang iyon. Ano? Are you married? may nakita ka bang singsing sa daliri ko? No, Im not married. Ayoko munang isipin ang mga bagay na yan sa ngayon. Pinapatapos ko pa ng college si Claire. Parang hugis bahay at building lang ang nakikita ko sa mga babae na yan ngayon. Napangiti siya sa sinabi nito. Noon pa, alam na ni Gery na si Acis ang may responsibilidad magpaaral sa nag-iisang kapatid nitong si Claire. Ang malas ko naman bahay pala ang tingin mo sa mukha ko ngayon. By the way, hindi ba sabi mo kalilipat mo lang dito sa Manila? San ka ba nakatira ngayon? Yan nga ang problema ko ngayon eh. Nakikituloy muna ako sa tita ko sa may Paranaque. Malayo sa workplace ko. Im planning to look for an apartment na malapit lang but unfortunately namamahalan ako. may alam ka bang apartment dito sa Quezon City?

Actually malapit lang dito ang condo ko. I divided it into two at pinapaupahan ko ang kabila. Fortunately, umalis na last week ang huling umukupa doon. If you want, I can give a discount. Hindi alam ng dalaga kung bakit nasabi niya iyon. She only accepts female tenants pero nag-offer siya ngayon sa dating kabarkada. Nawala ang pag-aalinlangan niya nang makita ang labis na tuwa sa mukha nito. Youre not serious, are you? Oo naman, interesado ako. I can transfer as early as next week basta sinabi mong may discount ako ha! Hindi siya tumugon at nakangiting tumango. Ngayon lang niya napansin ang balbas na halatang trimmed sa jawline ng binata. maya-maya pay masayang nagbuntong hininga si Acis. Wow, I cant believe we can renew our friendship after 5 years, anito. Same here, seryosong sagot ni Gery. Siya din ay hindi makapaniwalang magiging housemate na niya ang lalaking may kinalaman sa nakaraan niya.

Pagod na umupo sa gilid ng malaki at malambot niyang kama si Gery. Alas dose na ng hatinggabi mula sa isang special coverage ng isang namatay na politiko. Binuksan niya ang lights ng kanyang silid at inihagis ang bag na hawak sa malambot na kama. Naghubad siya ng stiletto shoes. Nahagip ng mga mata niya ang sariling reflection mula sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Kahit tinago ng make up ang exhaustion sa mukha niya ay hindi pa rin nakaligtas ang pagod at lungkot sa kanyang mukha. Kanina lang ay nagkita sila ng dati niyang kaibigan sa Baguio. Isang kaibigan na may kaugnayan sa nakaraan. Ang nakaraang nagtulak sa kanya para magsikap at abutin ang mga bagay na mayroon siya ngayon. Dahan-dahan siyang tumayo at tumapat sa salamin at sinipat ang sariling repleksiyon. Ang dami na ngang nagbago sa kanya pagkaraan ng limang taon. Ang dating Payat niyang katawan ay may laman na at kurba sa tamang lugar resulta ng regular na pagpupunta sa gym. Ang dating panlalaki niyang buhok ay mahaba na at may maliliit na kulot sa dulo. Ang dating magaspang niyang balat ay maputi na ngayon at napakamakinis bunga ng madalas na pagpapa-spa. Marami na siyang admirers ngayon mula sa ginagalawan niyang society lalo na mga batang potiliko na nakakahalubilo niya. Its a total opposite sa Gery na naging siya noon. In terms of career, nasa tugatog na siya ng tagumPay. Mula sa pagiging amateur field reporter, agad siyang napasama sa isang morning show pagkatapos ng isang taon. Sabi nga ng isang veteran broadcaster na naging mentor niya, may angkin siyang karisma at talino sa harap ng kamera. After a year, binigyan siya ng break ng kompanya at nakapareha si Ronald de Guzman sa isang primetime news. Sa loob ng tatlong taon na pagbro-broadcast ni Gery ay marami na rin siyang natanggap na parangal hindi lamang national kundi pati na rin international awards. A year ago, nagtapos siya ng Masters in Communication Arts sa Ateneo de Manila. Dahil dito, ramdam na niya ang paghanga at paggalang ng mga tao sa kanyang paligid na kabaliktaran sa nararamdaman niya noon sa Baguio. Bumuntong hininga siya at binuksan ang drawer na nasa ibaba ng lampshade at kinuha ang isang kulay brown rectangular box at binuksan. Sari-sari ang laman ng kahon. may pictures, bead necklaces, movie tickets at kung ano-ano pa ngunit pinili

niyang hawakan ang isang keychain na may maliit na picture frame na nakasabit. Nandoon ang mukha niya kaakbay ang isang mukha ng isang lalaking naging bahagi ng buhay niya limang taon na ang nakakalipas. Hindi maiwasan ng dalaga na maalala ang dahilan kung bakit nasa kanya ang keychain na iyon.

Good morning, Kuya Ronald! Masayang bungad ni Gery nang makitang bumababa ng hagdanan ang nakakatandang kapatid ni Rafael. Diri-diretso na lang siyang pumapasok sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Guwapo at makisig ang kuya nito at kasalukuyang general manager ng Hotel Rodriguez na pinakasikat na hotel sa Baguio City. O, Gery, ikaw pala! Bakit ang aga mo yata? Mukhang may lakad na naman kayo dahil halatang nakaayos ka ah, malambing na pinisil ng 28 years old na binata ang pisngi ng dalaga. Talagang close sila dahil childhood friend din niya si Ronald na kasa-kasama nila ni Rafael maglaro ng basketball noong mga bata pa sila. Tumawa lang siya dahil talagang nakabihis siya. Nakasneaker at short pants siya, with a red sweater, nakasumbrero pa. Meron nga kuya, kaya nga nandito ako para makisabay kay Pay, aba ang layo ng nilakad ko mula sa amin hanggang dito, pa-cute na turan niya na ikinatawa ng binata. Pay at may ang tawagan nina Gery at Rafael. Nasanay na ang dalawa mula pa noong mga bata pa sila kapag naglalaro sila ng bahay-bahayan. Si Gery ang nanay at si Raf naman ang tatay. Hay naku, kayo talaga! Para kayong kambal tuko. Magbestfriend nga kayo. Sige na, puntahan mo na siya sa room niya, gisingin mo baka natutulog pa yun, nakangiting turan nito. Sige po, kuya pogi! masiglang umakyat ng magarang staircase si Gery. Hindi na siya nahihiyang magtatakbo sa loob ng bahay. Bawat hallway at pasilyo ay alam na niya lalong-lalo na ang silid ni Raf. Good morning, yaya Marcy! Masayang humalik ang dalaga sa yaya ni Rafael na kalalabas lang ng silid ng binata. 65 years old na ito ngunit napakasigla pa rin at sobrang bait kaya naman napamahal na rin it kay Gery. Ito na ang nagsilbing nanay ng magkapatid mula noong namatay ang mommy nila. Ang ama naman ng mga ito ay parating nasa business trip abroad. Gery naku, sa araw-araw na nakikita kita, mas lalo kang gumaganda! Mabait na puri nito. Naku si yaya talaga, hindi naman masyado, kikay niyang turan. Yaya, tulog pa po ba si Raf? Ay, oo! Hinatdan ko na lang nga ng almusal eh, sige hija, ikaw na ang bahala sa batang yan at marami pa akong gagawin sa kusina ha, anito.

Pagkaalis ng matanda ay pumasok na siya sa maganda at very masculine nitong silid. Kulay aquamarine ang wallpaper nito at halos lahat ng mga high-tech na gamit pansilid ay nasa silid na yata. As usual magulo ang loob gayundin ang bed sheets pero wala na ang binata sa kama. may almusal nga sa bed sidetable. Good morning, Pay! Masiglang umupo siya sa gilid ng kama at nagkalikot ng kung anu-anong gamit pati na ang cellphone ng binata. Hanga talaga si Gery sa ganda ng silid. may terrace, may sofa at queen size na bed. may Jacuzzi pa nga sa loob ng bathroom nito. Naririnig niya ang tunog ng shower ng banyo kaya alam niyang nasa loob si Rafael. Pay, ganito ba talaga kagulo ang kwarto mo? Hindi ka ba talaga magbabago? Tignan mo o, pati brief mo andito! Nakakadiri ka talaga! Feel na feel niyang talakan ito dahil alam niyang hindi siya naririnig mula sa loob ng banyo. Ramdam pa niya ang pag-init ng pisngi nang makita ang brief nitot boxer shorts sa sahig. Nang tumayo siya ay sabay na nagtama ang mga mata nila ni Rafael. Natigilan ang binata sa labas ng bathroom door. Automatikong napahigpit sa tuwalyang nakatakip sa kanyang harapan.Basang basa pa ang buo nitong katawan at may tumutulo pang tubig sa buhok nito. Nanlaki ang mata ng dalaga sa nakita at agad na tumalikod ditot napakagat-labi. Kahit magbestfriend sila, hindi pa rin siya sanay makita itong nakahubad. Pay! Kabadong bulalas ni Gery at lihim na napalunok. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya itong tuwalya lang ang suot! may! Ba..bakit ka nandito?Namumulang tanong ni Raf na para bang hiyanghiya sa kaibigan. Balak mo pa yatang mamboso sakin eh. Hoy, excuse me no! Akalain ko ba na lalabas ka na ganyan ang ayos mo! Alam mo naman na pumapasok na kaagad ako dito. Tsaka.nakapikit naman ang mga mata ko oh! Lumingon si Gery sa binata at ipinakita nitong nakapikit talaga siya kahit pansin ni Raf na half open ang isa nitong mata. Ang daya mo talaga! Nakakakita ka naman ah, nakabukas naman ang mata mo eh. Pero bakit ba naman ako mahihiya eh, maganda naman ang katawan ko diba? Napasimangot siya nang magpose ito na ala-Johnny Bravo sa harapan niya. Ows! Ikaw lang naman nagsabi niyan eh, tumalikod siya dito at lihim na napangiti nang matamis at kinilig. Sabagay hindi ka na talaga mahihiya sa kin no! Naglalaro nga tayo noon na wala kang salawal eh, tumawa pa siya para maitago ang pamumula ng pisngi at piniling magkalikot ng mga gamit sa kama nito. Namangha siya sa nakitang keychain na may picture nilang dalawa kaya nangingiting lihim niya itong kinuha. Sana sa baba ka na lang naghintay, heto nga o at nagmamadali na ako, alam kong salubong na ang kilay nina Acis at Sam sa kahihintay sa atin, anito at pumasok na sa dressing room pero bago ba ito pumasok ay pilyong pang ngumiti, ikaw may ha, alam mo bang ikaw ang unang babae na nakakita ng katawan ko. Dapat makita ko rin ang katawan mo, ano, masusuka ba ako may? buska nito saka tumatawang isinara ang pinto.

Bastos ka talaga Pay! Nanggagalaiting nahampas niya ang pinto. Lihim siyang nainsulto sa sinabi nito. Hoy bruho, maganda yata ang katawan ko! Kung maganda nga, patunayan mo! Halika pasok ka dito para makita ko, lalo pang tumawa ang binata sa loob. Ang kapal mo naman yata, Mr.Rodriguez! Ang future husband ko lang yata ang makakakita nito no! Inis na asik ni Gery. Sino naman kaya yon, may papatol pa kaya sayo? Tukso pa rin nito. Sumusobra ka na Pay ha! Naiinis na ako sayo! Ang tinugon lang ng binata sa loob ay malulutong na tawa at kumanta pa ito ng kantang Like a Virgin sa matinis na boses kaya ang inis ni Gery ay naging ngiti. maya-maya pay napailing na lamang ang dalaga sa kakulitan ng kaibigan at napabuntong hininga. Isinandal niya ang ulo sa pintuan saka pumikit na may ngiti sa labi. Hay Paykung alam mo lang. Ay! Agad siyang napatili nang bigla na lang buksan ni Raf ang pinto ng dresser. Agad siyang tumama sa dibdib ng nagulat ding binata. may! Automatiko naman siyang hinawakan sa baywang ni Raf upang pigilan ang pagbagsak nilang dalawa. Sabay namang nagtama ang kanilang mga mata at pakiramdam ni Gery huminto ang pag-inog ng mundo nang masamyo niya ang mabangong cologne ng binata at maramdaman ang hininga nito sa kanyang pisnging malapit lang sa mga labi nito.Naririnig ba nito ang mabibilis na tibok ng puso niya? Mabilis na uminit ang pisngi at buo niyang katawan nang maramdaman ang higpit ng hawak nito sa balat niya. Bakit ka ba nakasandal sa labas ng pinto? Ang saglit na pagkakahinang ng mga mata nila ay mabilis na pinutol ni Rafael. Naglikot ang mga mata nito at natatawang tinulak siya palayo. Aray! Impit na napabulalas si Gery nang mapisil ng kaibigan ang pasang nasa braso na kanina pa niya tinatago sa kaharap. Anong nangyari dyan? Bakit may pasa ka? Ang tensyo sa paligid ay biglang naglaho nang agad rumehistro ang pagtataka sa mukha ng binata at nag-aalalang hinawakan ang braso niyang may malaking pasa. Mabilis na binawi ni Gery ang braso at lumayo sa kaibigan Walanabundol lang ako sa banyo kagabi. Napundi kasi yong ilaw kaya madilim kaya ayun tumama sa kung saan, nangingiti niyang paliwanag. Ako may huwag mo akong pinagloloko ha. Hindi ganito ang hitsura ng nabundol na braso. Hindi na siya nakaiwas nang tuluyan na siyang lapitan nito at

pinaupo sa gilid ng kama. Nag-away na naman ba kayo ni Mark? Si Mark ang 16year old na bunso sa tatlong magkakapatid na Sandoval. Kung hindi ko nasangga ang suntok niya, malamang may black eye na ako ngayon. Napabuntong hininga siya. Yumuko sa harapan niya si Raf at masuyong hinawakan ang kanyang braso. Makita lang ang concern sa mukha ng bestfriend, nawawala na agad ang problema niya. Sinumbong na naman niya ako kay papa. Binigay niya kay papa ang Midterm grade ko. Alam mo namang bagsak ako sa Math di ba? Kaya ayun, nakatanggap na naman ako ng dakilang sermon ni papana deviant daw ako saming tatlo, buti pa daw si Ate Annie nung grumadweyt, cum laude. Mabuti pa si Mark running valedictorian samantalang ako kahit Math hindi mapasa-pasa. Kailan ba kasi niya matatanggap na bobo ang middle child nila. Kahit kailan talaga walang bilib si papa sa akin. Hindi ka bobo, ano ka ba? Huwag na huwag mong iisiping bobo ka dahil hindi totoo yan. Ikaw ang pinakatalented na babaeng nakilala ko. Hindi lang nakikita ni Tito Mikael kung gaano ka kaganda. Malambing nitong tugon. Talaga? Maganda ako?Parang lumundag ang puso ni Gery nang marinig iyon. Oo naman, may! Pilyo itong ngumiti at pinisil ang ilong niya. Hindi ka lang panlabas na kagandahan. Che! pabiro niyang binatukan sa ulo si Raf na tumawa nang malutong. Nakakainis ka talaga! Akala ko pa naman totoo na. Muntik na akong maniwala sayo! Lalo pang tumawa si Raf kaya ang inis ni Gery ay nauwi rin sa ngiti. Ewan niya kung bakit parang musika ang tawa ng kaibigan sa kanyang tainga. Walang mapipintas sa puti at ayos ng ngipin nito. Ang maninipis nitong labi na parang kay sarap halikan at higit sa lahat ang brown eyes ni Rafael na palagi na lamang niyang napapaginipan. Kung hindi pa siya hinila ni Raf patayo ay hindi siya magigising sa day dreaming niya. Tumigil na ito sa katatawa at seryoso siyang hinarap. Siya nga pala may, may sasabihin ako sayo mamaya. Tungkol saan? Huwag mong sabihing may siseryosohin ka ng babae at kukunin mo ang opinyon ko tungkol sa kanya! Nakita ni Gery ang pagkunot ng noo nito. Bakit mo alam? may ESP ka ba, may? Ha? Nahulaan ko? Seryoso ka? Nakaramdam siya ng kaba lalo na nang ngumiti nang matamis ang binata. Tama ka. may, susundin ko na ang matagal mo nang Payo sa akin. Sa tingin ko nga natamaan na ako ni kupido eh, humigit ito nang malalim na hininga bago nagpatuloy. may, I think Im in love.

Ka..kanino? Sino naman ang malas na babaeng yan? Pinilit niyang ngumiti. Sana nagtagumPay siyang itago ang sakit na bumalot sa puso niya sa mga oras na yon. may naman eh, seryoso na to. I know you will like her. Masiglang tumalikod si Raf at tinungo ang life size mirror sa tabi ng dressing room at doon nagsuklay ng buhok. Sasabihin ko rin sayo. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para makapagtapat sa kanya. God, may, kung alam mo lang kung gaano kahirap gawin to. Ito na yata ang katapusan ng playboy image ko. may, I think shes the one. Parang itinulos sa kinatatayuan si Gery sa sandaling iyon. Maganda ang gising niya at excited siya sa lakad ng barkada sa araw na iyon. Ngunit hindi niya aakalaing sa araw na iyon niya mare-realize na walang katugon at walang patutunguhan ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa bestfriend. may, bakit ka umiiyak? Hindi niya namalayang nasa harapan na niya ang binata at labis ang pagtatakang nakatitig sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang pisngi at agad kinabahan ng matuklasang hilam na pala siya ng luha sa mukha. H..Ha? Wala..kumirot lang kasi ang pasa ko. Ahh at naisip ko rin ang mga sinabi ni papa sa akin kagabi. Napabuntong hininga si Rafael at naaawang niyakap siya nang mahigpit. Hay, naku maydont worry. Kahit anong mangyari sayo sa bahay ninyo lagi mo lang iisipin na nandito lang ako na pwede mong puntahan kahit anong oras. Handa itong mga yakap ko para protektahan ka. Napapikit si Gery sa mga sinabi nito at mas lalo pang bumalong ang mga luha sa mata. Kaya niyang tiisin ang lupit ng salita ng kanyang ama at mga kapatid. Pero pakiramdam niya sa mga oras na iyon, hindi niya kakayanin ang sakit dulot ng katotohanang kailanman hindi siya mamahalin ng lalaking yumayakap sa kanya ngayon. Halika ka na, punta tayo sa dirty kitchen para malagyan natin ng cold compress yang pasa mo. Huwag ka nang umiyak, mas lalo kang pumapangit oh, pabiro ngunit masuyong pinahid ni Rafael ang mga luha niya sa pisngi. Alam kong hindi ako maganda, Pay..at alam ko ring hindi mo ko mamahalin ng higit pa sa isang kaibigan, malungkot na turan ni Gery sa kanyang isipan.

Chapter Two
Come here, baby, tawag ni Rafael sa 2 year old na batang lalaki na masiglang nakipag-unahan sa kanya sa paglalakad at tumatawang kumapit sa kamay niya. Nakangiting binuhat niya ito at inakbayan ang magandang babaeng kasabay niya sa paglalakad, si Samantha. Ang kulit mo talaga, malambing na pinisil ni Sam ang pisngi ni Kent. Nahuli na tuloy tayo. Napatitig si Rafael sa babae at lihim pa ring humanga sa kagandahan nito. Kahit anong isuot nitong damit ay nandoon pa rin ang finesse at elegance. After four years of being together, hindi pa rin siya

nagsasawa sa ganda ni Sam kahit ang dati nitong mahaba at tuwid na buhok ay hanggang balikat na lamang. Napangiti siya nang lihim. Kanina pa nakalapag ang eroplanong sinakyan nila ngunit ngayon lang sila nakalabas ng departure area dahil hinanap pa nila si Kent na bigla nalang nawala sa tabi nila. Maraming tao sa loob ng airport kaya binuhat na lamang ni Rafael ang bata samantalang tulak-tulak ni Sam ang cart na naglalaman ng marami nilang bagahe. At last were home again, after four years of staying in Paris, namiss ko talaga ang Pinas. Dito na lang tayo permanently, boo. Ani Sam nang papalabas na sila ng airport. Even if we want to, I have my work there and you know naman na may dapat akong balikan doon hindi ba? sagot niya na ikinasimangot ni Sam. Laking gulat ng dalawa nang may biglang bumangga sa braso ni Raf na isang matabang babae. Pati na si Kent na tahimik lang ay napahawak nang mahigpit kay Raf. Muntik pang mahulog ang suot na shades ni Raf. Oh, Im so sorry. Im in a hurry kasi, ImOMG! Rafael Rodriguez and Samantha Perez! Kayo na ba yan?! Exaggerated na bulalas ng curly, mataba at maputing babae sa kanila at nagtanggal pa ng shades sa mata. Cherry? Ms. Cherry Aquino?! Hello, kumusta ka na? Madali ring nakilala ni Sam ang president ng KARAMAY ORG. Masaya niyang niyakap at hinalikan sa pisngi ang babae. Humalik na rin si Raf sa babae pagkatapos makarecover sa pagkagulat. Mabuti naman at nakilala nyo pa ako. Wait! Super timing talaga ang pagdating nyo because were gonna have our reunion! Baguio Flower Festival. And guess wheres the venue, nang hindi makapagsalita ang dalawa ay masiglang nagpatuloy sa pagsasalita si Cherry. It will be held in your hotel! I already told your brother Ronald about the event. Wait! Namamadaling kinuha nito ang Iphone at binigay kay Raf. Please type your phone numbers. Walang nagawa si Raf kundi ang magtype ng number nang mabilisan dahil halatang nagmamadali talaga si Cherry. OMG! I cant really believe that you two would end up together. Your son is so cute! Pagkatapos kunin kay Raf ang phone ay magiliw na hinawakan nito ang kamay ng batang nakasimangot na. Teka, wait! Were--- Hindi na natuloy ni Sam ang sasabihin nang sumabat na naman si Cherry na napakabilis magsalita. I dont take no for an answer. Ang tagal na nga nating hindi nakapagbonding hindi pa kayo pupunta. Ill be expecting you, okay? I really have to go, may susunduin pa kasi ako. See you there guys, bye! Hindi na nakahuma ang dalawa nang mabilis silang hinalikan sa pisngi at natataranta nang umalis. Saglit na namayani ang katahimikan sa dalawa at pagkaran ay nakuha ang kanilang atensyon sa malaking telebisyong nakasabit sa wall malapit sa kinatatayuan nila. Naka-flash sa monitor ang mukha ni Geraldine Sandoval sa kanyang panghapong programa at magaling na naghahatid ng balita. Hindi mapigilan ni Rafael ang kabang sumugod sa dibdib niya nang matitigan ang mukha ng babaeng minsang naging parte ng kanyang buhay.

Alam niyang isa na itong sikat na newscaster. Nakikita na niya ito sa Paris through TFC ngunit hindi niya inaasahang ibang kaba ang mararamdaman niya ngayong nasa Pilipinas na siya at abot-kamay na lamang ang distansiya ng kanilang mundo. Alam mo, boo, I love to go to the reunion. I just realized how much I miss everybody especially the woman youre staring at the monitor. I hope you feel the same way, untag ni Sam sa naglalakbay niyang isipan. Nang tignan niya ito ay nakangiti itong nakatitig sa kanya na para bang hinihintay ang kanyang sagot. Napatiim bagang siya dahil sa magkahalong kaba at guilt na nadarama. After five years, bigo pa rin siyang kalimutan ang lahat ng nakaraan. Pap, lets go, Im hungry, ingos ni Kent na kanina pa naiinip sa kanila. Okay, baby, tara na boo, tipid na turan niya kay Sam. Lumipas ang ilang araw at gaya ng pinag-usapan nina Francis at Gery ay agad na inilipat ng binata ang mga gamit sa bakanteng silid sa loob ng condo unit ni Gery. Nasa 10th floor ng isang sikat na condominium complex ang unit. Unang tingin pa lang ay humanga na si Acis sa condo ng dalaga. Well furnished at state of the art ang mga gamit sa bahay. Reasonable naman ang rentang napagkasunduan ng dalawa dahil may sariling kitchen, maliit na living room at c.r. ang kabilang bahagi ng condo. Kita ang lungsod ng Quezon City mula sa glass wall ng unit ni Gerry at may romantic air ito kapag gabi na talagang nagustuhan ni Acis. Nagkataong free ang sked ng dalawa sa araw ng Sabado kaya napagkasunduan nilang mag-general cleaning. Napapailing si Gery kung gaano na karumi ang condo niya. Kahit dusting nga ay hindi niya nagagawa dahil sa hectic ng sked niya sa network. Rinig niya ang tunog ng vacuum cleaner na ginagamit ni Acis sa kabilang parte ng condo at siya naman ay abala sa kapupunas ng kulay mint green niyang wallpaper. Mahal na mahal ni Gery ang condo dahil bunga ito ng pinaghirapan niya. Dugo at pawis ang pinuhunan niya sa lahat ng materyal na bagay na nasa kanya ngayon. Sa lalim ng iniisip habang nagpupunas ng pader ay natamaan ng braso niya ang hindi kalakihang picture frame na nakasabit sa dingding. Agad siyang napaigtad nang mabasag ito sa marble niyang sahig. Oh, shit! napatiim ng bagang si Gery nang mapagtanto kung ano nabasag. Ito lang naman ang picture frame na ibinigay ni Acis sa kanya bago siya umalis ng Baguio para ituloy ang pag-aaral sa Manila. Tinangka niyang pulutin ang pira-pirasong salamin ngunit napasinghap siya nang maramdaman ang pagpunit ng kanyang balat at pagdugo nito. Inis na pinisil niya ang sugat sa hinlalaki. Sa kabila ng kirot na nararamdaman napatitig si Gery sa apat na taong magkakaakbay at masayang nakangiti sa larawan. Nakatalikod ang magkakaibigan sa napakagandang Taal Volcano sa Tagaytay. Hindi lang sa sugat nakaramdaman si Gery ng kirot kundi pati rin sa kanyang puso kasabay ng paglalakbay ng kanyang diwa. Hi guys! Tignan nyo to! Masiglang dumating si Francis sa bench kung saan nakaupo ang dalawang babae. May dala itong enlarged picture.

Excited ang binatang ipakita sa mga ito ang larawang kinuha gamit ang nabiling camera. Nadevelop na ba? Dali patingin!Excited ding turan ni Samantha na napatigil sa pagsusulat nang makita si Francis. Umupo ang lalaki sa harapan nila at ipinakita ang larawang agad na nilabas sa isang brown envelope. Suportado ng buong barkada ang pagkahilig ni Acis sa photography kahit architecture ang kurso nito. Kaya nang nabili nito ang pinapangarap na camera ay agad nag-outing ang apat sa Tagaytay para mag-celebrate. Wow Acis, ang ganda! Para ka ng professional photographer nito ah. Naks, bilib na talaga ako sayo, masayang puri ni Geraldine. Na-capture talaga ng binata ang masasayang ngiti nila habang magkakaakbay at nagkukulitan sa wacky positions nila, sana photography na lang ang kinuha mong kurso! Agad siyang siniko ni Samantha at doon lang niya nalamang hindi maganda ang nabitiwang salita dahil bigla na lang natahimik si Acis at lumungkot ang mukha. Sa kanilang apat ito ang may kuya image at pinakamature. Ito rin ang may pinakamatibay na prinsipyo sa buhay. Ops, sorry Cis, wrong word used. Nag-peace sign pa si Geraldine, ang kengkoy at madaldal na nilalang sa kanilang apat. Okay lang yon,mapaklang ngumiti ang binata. Totoo naman ang sinabi mo eh. Hilig ko ang photography pero hindi yon ang kurso ko. Kung sana sinuway ko si tatay, hindi sana ako naghihirap sa kurso ko ngayon. Hay nako, pareho talaga tayong may sama ng loob sa mga tatay natin, seryosong sabat ni Sam, ang tahimik at genious type sa grupo. Ikaw, napilitang mag-architect, eto namang si Gery hindi makapantay sa expectation ng tatay niya sa kanya at si Rafael naman ayaw pumayag na ipatapon ng dad niya sa London after graduation. Eh ano bang problema mo sa tatay mo na sa apat na taong pagkakaibigan natin ay hindi pa namin nakikilala? Kunot-noong tanong ni Gery. Yon na nga eh, isang araw sa isang buwan lang siya magpapakita sa amin ni mama tapos aalis na agad. Ni hindi ko alam kung saan siya hahanapin kapag kailangan ko ng ama. At ang mas masakit pa, pinapabayaan lang ni mama na tratuhin siyang parang kabit ng lalaking iyon. Inuuwian lang kung kailan niya gusto. Wala siyang kuwentang tao! Galit na bulalas ni Sam na halatang pinipigilan ang pagluha. Ano ba yan, hindi water proof ang eye liner ko ngayon! Tama na nga tong topic natin. Mag-iiyakan ba tayo sa gitna ng university?! Biro ni Gery at masuyong inakbayan ang babae. Napangiti na lamang si Acis at Sam sa hirit

nito. Kahit kailan talaga kapag malungkot ang atmosphere ng grupo, para itong araw na nagtataboy ng madilim na ulap sa kanilang apat. Hindi talaga pwedeng mag-iyakan sa lugar na iyon dahil ang kiosk na pinagtatambayan ng barkada ay malapit sa hallway ng main gate at Engineering Building. Maraming mga estudyanteng dumadaan at may mga laman din ang ibang maliliit na kiosk na nakakalat sa loob ng unibersidad. Pasensiya na kayo ha, ang drama ko talaga kahit kailan. Pero Acis ang ganda talaga ng picture na to. I-frame mo kaya to para madisplay natin, di ba? Matamis na ngumiti si Sam sa binata. Yan nga ang plano ko eh. By the way, nasan na ang Pay mo Gery? Para yatang hindi ko siya nakikita ngayon? Nakahinga na nang maluwag si Gery dahil balik na sa normal ang mood ng dalawa. Naku nandon at nagti-take ng delayed exam sa marketing analysis niya. Palibhasa kasi inuuna pa ang pagdi-date ng kung sino-sinong babae kaysa mag-aral. Kunwari pang tumutulong sa pagma-manage ng hotel nila, yon pala alibi lang niya yon para magpa-cute sa mga hotel guest nila. Aha! Agad napalingon sina Acis at Sam sa bagong dating na si Rafael Rodriguez. Pabiro nitong pinisil nang mariin ang ilong ng nagulat na si Gery. Aray! Ano ba?! Namumula ang ilong na sinapok ang ulo ng papaupong si Raf. Ganyan pala ang ginagawa mo pag wala ako ha. Sinisiraan mo ko sa dalawang to. Kaya pala ang dumi na ng tingin ng dalawang to sa akin. Anong klase kang kaibigan! Tumatawang biro ni Raf na guwapong-guwapo sa suot nitong striped pink poloshirt at loose pants, nakacap pa ito na lalong nagpatingkad sa angkin nitong karisma. Che! Totoo naman eh, bakit ba? Ibat ibang babae na lang ang nakikita kong kaakbay mo dyan sa cellphone gallery mo. Kung alam ko lang talaga na lalaki kang playboy hindi sana kita ginawang bestfriend! Ang sabihin mo inggit ka lang dahil walang nanliligaw sayo! Excuse me, meron kaya! Sino? Si Jeff? Loser yon eh, palagi ko na lang nasusupalpal sa basketball yon. Walang alam na ibang sports kundi badminton. Bago mo ko siraan kina Sam, tignan mo muna ang sarili mo sa salamin, para kang walking surfing board. Hindi ko nga alam kung bakit ka nakapasok sa cheering squad eh.

Magaan ako, yun yon! Hindi magcha-champion ang school natin kung walang hinahagis-hagis sa ere! Eh di inamin mo na rin na walking surfing board ka. Outch! Pay ha, masakit na yang pinagsasabi mo dyan! O tama na yan. Kayong dalawa para talaga kayong mga bata kung magpikunan. Natatawang sabat ni Acis. Nahalata na kasi nito ang napipikon nang mukha ni Gery. O may, panala ako don ha, muling hirit ni Raf na. Whatever! Asik ni Gery. Sa loob niya alam niyang nasaktan siya sa mga sinabi nito. Surfing board lang talaga ang tingin mo sa akin kahit kailan Excuse me guys, Samantha, natigil sa pagtatawanan ang apat sa kanilang tambayan nang may lumapit na babaeng ka-kurso ni Sam. B.S. Bio din ang kurso nito. Joan! Bakit? Masayang hinarap ng dalaga ang kaibigan. May nagpapabigay nitong sulat sayo. Galing daw sa secret admirer mo, makahulugan ang ngiting inabot nito kay Sam ang sobre. Kung hindi ko lang pinsan, hindi ko ibibigay sayo yan. Alis na ako, bye. Hindi nakahuma ang babae sa sinabi ng kaibigan maski ang dalawang lalaking nakatanga lang. Ay nakakaloka talaga tong si Sam, ang dami talagang admirers! Dali buksan na natin! Excited na lumapit si Gery kay Sam at sabay nilang binuksan ang puting sobre. Galing kay Joshua! Napapailing na lamang si Acis nang kinikilig na tumili si Gery matapos basahin ang nasa sulat. Teka, sino si Joshua? Hoy Gery ano ka ba, huminahon ka nga dyan. Awat ni Acis sa babaeng talon ng talon. Kung alam lang din ni Raf na lalaki kang o.a., hindi ka na niya sana kinaibigan, di ba Raf? Binalingan ng lalaki ang katapat na si Raf na kanina pa seryoso ang mukha at nakatingin lang sa dalawang babae. Wala namang epekto sa dalawang babae ang sinabi ni Acis dahil nasa sulat ang buong atensyon nila. Si Josh, siya yung sinasabi kong crush ko sa block namin. Hes inviting me for a dinner. OMG, kinikilig ako, impit na tumili ang mahinhin na si Sam na napakagat-labi sa sobrang kilig.

Bonggang-bonggang date ang mangyayari dyan. Alam nyo ba guys kung saan ang venue? Masayang hinarap ni Gery ang dalawang lalaki. Sa karinderya ni Aling Rosa?ani Acis. He! Of course not! Restaurant sa loob ng Rodriguez Hotel! Oh di ba bong--- Natigilan si Gery sa pagsasalita nang padabog na tumayo si Raf at madilim ang mukhang umalis ng kiosk. Agad na natameme at nagkatinginan ang tatlo sa inakto ng binata. Hindi man aminin ni Geraldine may naramdaman siyang kakaiba sa pagwo-walk out ng bestfriend. Kilala niya ang binata, nagwo-walk out ito kapag galit na galit na. Ano naman ang ikinagalit nito? Handa ba siya sa magiging sagot ng utak niya? Anong nangyari don? Takang tanong ni Acis. Nagkibit-balikat lang si Sam samantalang si Gery ay piniling tumahimik na lamang. Tanga nga siya sa pagmamahal sa bestfriend ngunit hindi siya manhid para hindi masaktan kahit alam niyang wala siyang karapatan. Gery, are you okay? Agad na bumalik ang isip ni Gery sa kasalukuyan nang mapansing pumasok si Francis sa sala niya at nag-aalala ang mukhang inusisa ang sugat niya sa daliri. Yeah, konting sugat lang to. Im sorry Cis, nabasag ko ang picture frame na binigay mo sa akin. Nanatiling siyang nakayuko sa harap ng mga basag na salamin. Dont mind it, sino ba ang may gustong mabasag yan. Hindi mo na lang sana pinulot, nasugatan ka tuloy. Tumayo ang lalaki at kinuha ang first aid kit na nakakalat sa sala. Hinayaan na lamang ni Gery na gamutin nito ang sugat at lagyan ng band-aid. Salamat ha, aniya at kinuha ang picture at tumayo na silang dalawa. Dont worry bibili ako ng bagong picture frame. You really should because it would not be the same without that picture in this wall. Im really glad iningatan mo yan, kapwa nagngitian ang dalawa nang putulin ito ng ringing tone ng cellphone. Mabilis na kinuha ni Acis ang phone na tumutunog sa bulsa at sumenyas kay Gery bago tumalikod at pumasok sa silid nito. Matamlay siyang umupo sa sofa at bumuntong hininga nang matitigan ang lalaking katabi niya sa larawan. Ilang minuto lang ang nagdaan at nagbalik sa sala niya si Acis.

Guess who just called. Mabilis na bungad ng binata sa kanya. Nagangat siya ng mukha at nahalata niyang kunot ang noo nito na para bang nakatanggap ng prank caller. Si Sharon Cuneta? Pinapauwi ka na ng asawa mo? Seryosong sagot niya na automatikong nagpangiti kay Francis. Naaalala mo pa rin pala ang madalas mong hirit sa akin noon. Akala ko lahat na lang nagbago sayo eh. Siyempre, hawak ko ang picture ng barkada no. So kung hindi si Ate Shawi ang tumawag sayo, sino? Tumayo siya at tinungo ang magarang ref at kumuha ng bottled fruit juice at uminom. Si Cherry Aquino. You remember her? Saglit na natigilan si Gery sa pagtungga at nilingon ang kausap. Oo naman. Si Cherry Aquino, president ng KARAMAY Organization nong grumadweyt kayo. Shes the president of the organization which is the sole reason kung bakit nabuo ang barkadahan nating apat. Ang galing ng memory ko no? Yup. may reunion daw ang Karamay Org. and shes inviting us since batch daw natin ang nagpakilala sa Org. Importante daw ang presence nating apat. Really? Paano ba yan, hindi naman tayo complete. Ive lost any connection with Sam since nalaman kong pumunta na sila ng States ng mama niya. Kibit-balikat niyang sagot at inabala ang sarili sa kakaayos ng mga muwebles sa sala. Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Francis. I think you got the wrong info somewhere. maya-mayay turan ni Acis. Hindi sa States nagpunta si Samantha, sa London together with her husband. Really? Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ang binata. You mean shes married when she went to London? Kailan pa? I mean, whos the lucky guy? Sunod- sunod na tanong Gery. Hindi agad sumagot si Acis at pakiramdam niya tinititigan siya nito. Si Rafael, muntik nang mabitiwan ng dalaga ang figurine na hawak sa sagot na yon ni Francis. Para may narinig siyang pumutok na lobo sa kanyang dibdib at saglit na naging maramot ang hangin. Si Rafael? As in Rafael Rodriguez? Nagtagumpay siyang itago ang pagkagulat sa boses.

Yeah, si Raf, your long lost bestfriend. Mapaklang ngumiti ang kausap at balisang umupo sa may dining table sa kitchen. Cherry just saw them in the airport na kauuwi lang ng Pinas with their son. So that only means mabubuo na tayong apat sa reunion. Sabi ni Cherry, e-email na lang daw niya ang complete details ng reunion. Wow, Im happy na sila talaga ang nagkatuluyan. Pakiramdam ni Gery umiiral na naman ang pagkasinungaling niya. Oo nga eh, eversince naman talaga sila ang bagay. Seryosong tumayo si Acis na tila ba nakatiim bagang. So I think we should go to the reunion to congratulate the two of them. Sige, Ge. may tatapusin pa ako sa loob. Hindi na tumingin sa kanya si Acis at dire-diretso nang pumasok sa silid niya. Everything is starting to change againthe way it should not benausal ni Gery sa sarili.

Chapter 3
Hello Chris, just give me an hour, okay? Sobrang traffic sa Kamuning. Im stuck here, parang may banggaan ditoyeah, I know, I knowna-late ako ng gisingFor Gods sake, huwag mo na nga akong sermunan. Darating ako, okay? Just wait for me, standby lang kayo dyan. Gamit ang handfree device sa loob ng kotse, inis na pinutol ni Geraldine ang linya ng tawag mula sa kanyang cameraman na si Chris. May press conference ang Malacanang two hours from now at para makahanap ng magandang pwesto, kailangan nilang mauna sa venue. Paano ba siya makakaalis sa kalyeng iyon gayong bumper to bumper ang situation ng traffic? Kahit sirado ang kotse niya, rinig pa rin ang sunodsunod na busina ng ibat ibang sasakyan na minamaneho ng mga iritadong driver katulad niya. Napahawak si Gery sa nanakit na ulo. Sa lahat ng ayaw niya, iyon ay ang ma-late sa mga errands niya. Kasalanan niya kung bakit late siyang nagising. Mag-aalas dos na ng madaling araw ngunit gising pa siya at wala siyang ibang inisip kung hindi ang mga taong makikita niya kung pupunta siya ng reunion. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cellphone na nasa handfree holder ng sasakyan. Hindi niya kilala ang number kaya kunot-noong sinagot niya ang telepono. Hello, Geraldine? Can I speak to Geraldine Sandoval, isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ng dalaga sa kabilang linya. Yeah, speaking.

Gery! Oh my God, ikaw nga! How are you? Hindi mo na ba nakikilala ang boses ko? Oh, God. Law of Attraction! Samantha? Kinakabahang tanong niya kahit alam niyang hindi na dapat itanong pa. Yes! Salamat naman naaalala mo pa ang boses ko! I got Francis number from Cherry at kanina lang tinawagan ko siya. I got your number from him. Im just so happy to hear your voices guys. Na-miss ko talaga kayo. Lalo na ikaw! Excited nitong turan. Napangiti si Gery sa sinabi nito ngunit hindi sila pareho ng mood ni Sam ngayon. Oo nga eh, tumawag si Cherry kay Acis kahapon. Nasabi niyang youre here in Manila. Really?! Si Cherry talaga ang daldal. Its suppose to be a surprise! Anyway, I just want to check if your coming to the reunion, because if youre not, Im going to convince you! Narinig niya itong tumawa. Time can really change people. Ang sobrang hinhin na si Sam noon, masayahin at enthusiastic nang magsalita ngayon. You dont have to, pupunta kami ni Francis. Dapat lang no kasi ang dami-dami kong ikukuwento sayo at marami rin akong itatanong sayo. Excited na talaga akong makita kayong dalawa! Hey, I really have to go. Hinihintay na ako ni Boo. See you next week Gery.Bye! Hindi nakahuma si Gery nang mawala ito sa linya. Boo? Boo ang tawagan nilang mag-asawa. So its true, they ended up together. Napabuntong hininga siya sa natuklasan at mas lalong tumindi ang harangin niyang huwag pumunta sa reunion. Kaibigan niya si Samantha at totoong nami-miss niya ito at kinalimutan na niya kung anuman ang kinalaman nito sa nakaraan. Ang totoo, takot siyang harapin si Samlalo na ang asawa nito ngayon. Dahil baka bumuka ang matagal nang naghilom na sugat sa pagkatao niya. Matamlay na pumasok ng university sa araw na iyon si Gery at habang naglalakad ay nasa sahig ng hallway ang tingin niya. Napahinto siya nang mapansing nasa harapan na niya ang pamilyar na pares ng sapatos. Nagangat siya ng mukha at nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Sam. Gery.., mahinang turan nito at bahagyang nilapitan siya. Hi Sam! Pasensiya ka na, masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapunta sa gimik natin nong isang araw, automatikong pinasaya niya ang mukha na tila ba walang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ngumiti nang pilit si Sam bilang pagtugon. Ano, nag-enjoy ba kayo? Sumayaw na naman ba si Acis? Sayang talaga hindi ako nakapunta no? Gery, dagling hinawakan ni Sam ang kamay niya na tila ba pinatitigil siya sa pagsasalita. Okay lang, ano ka ba! You dont have to explain. Alam ko naman kung para san yung gimik natin kagabi eh. Nagtapat na si Pay sayo. Sinabi na sa kin ni Acis. Huwag mo na siyang pahirapan ha. Kung mahal mo rin siya, sagutin mo na siya kaagad. Mahal ka nun. Pero gusto kong mag-usap tayo, magpaliwanag. Alam nating dalawa na ako lang ang sinabihan mo tungkol sa nararamdaman mo para kay Rafael. Kita sa mukha ni Sam ang sobrang guilt. Naku Sam! Late nako sa first subject ko eh! Bulalas ni Gery nang tignan ang wristwatch. Alam ni Sam na umiiwas at nagkukunwari lang ang kaibigan dahil hindi pa naman tumutunog ang school bell. See you later na lang, bye! Masayang nagpaalam si Gery at nagtatakbo na palayo. Nagtatakbo siya at nang may makitang female comfort room ay agad siyang pumasok doon. Walang tao sa loob kaya hinayaan na niya mahulog ang kanina pa pinipigilang mga luha. Napatukod siya sa lavatory kaharap ang salamin at doon impit na umiyak. Akala niya wala na siyang mailuluha pa pagkatapos magdamag na umiyak nang malaman mula kay Acis na si Samantha pala ang matagal nang gusto ni Rafael. Hindi niya kayang harapin si Sam lalo na ang bestfriend na hindi pa niya nakikita ng dalawang araw. Gery. Napaangat siya ng mukha at nakita mula sa salamin ang nag-aalalang mukha ni Sam. Mabilis niyang pinahid ang luhang nasa pisngi at yumuko. Hindi mo kailangang itago ang mga luha mo. Alam kong nasasaktan ka. Wala akong karapatang masaktan. Wala rin akong karapatang magalit sayo, aniya na nanatili parin sa ganoong ayos. Ikaw ang mahal ni Raf at wala na akong ibang dapat gawin kundi ang tanggapin yon. Masaya nga ako eh dahil mabuting babae ang minahal niya. Hindi ko lang talaga mapigilan ang puso kong masaktan. Napakagat-labi si Gery para pigilan ang paghagulgol. Agad namang lumapit si Sam at mahigpit na hinawakan siya sa dalawang braso na lumuluha na rin. Parang dinudurog, Sam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maiwasang mainggit sayo. Kasi maganda ka, matalino at sobrang bait. Wala akong panama sayo. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ikaw ang nagustuhan niya.

Gery, ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi magandang ikumpara mo ang sarili mo sa kin dahil lang sa pagmamahal na yan! Ano ka ba? Hindi ako manhid na hahayaan ko na lang masaktan ka habang nakikita mong magkasama kami ni Raf.Kaya ngayon pa lang, tatapusin ko na ang kalokohang to. Matatag nitong tugon. Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Masasaktan si Raf, Sam, pigil ni Gery sa braso nito. Huwag mo kong intindihan. Malalagpasan ko rin to. Gery, ano ba?! Hindi ko siya mahal. Hindi mo ba nakikita, ayokong ako ang maging dahilan para masaktan ka nang ganito. Alam ko kung gaano mo kamahal si Raf. Hindi ako ganun, Gery. Buong buhay ko, ikaw lang ang tinuturing kong bestfriend. Mahal kita, lumuluhang niyakap ni Sam ang kaibigan. Pero masasaktan siyamasasaktan siya Sam, tanging nasabi ni Gery sa gitna ng yakapan nila. Nagulantang si Gery sa sunod-sunod na busina ng mga sasakyan sa likod niya. Nag-green na ang traffic light nang hindi niya namamalayan. Siya pa naman ang nasa unahan ng hilera ng mga sasakyan sa intersection. Nakita pa niya mula sa kanyang side mirror ang pagbulyaw ng taxi driver sa kanyang likuran. Dali-dali niyang pinaandar ang kotse at lihim na nainis sa sarili. Mula nang nagpakita sa kanya si Acis, nagulo na ang isip niya.

What did you say? Magli-leave ka? Paanong program natin? Kunotnoong tanong ni Nathaniel sa dalagang nakasunod dito papasok sa opisina ng director. Direk, one week lang naman eh. Nandyan naman si Myra Cruz to take my place, lambing ni Gery sa kaibigang director. Alam niyang nagulat talaga ito sa desisyon niyang magleave muna. Napapailing na lamang ang lalaking umupo sa swivel chair at humarap sa kanya. And besides, this my first vacation leave for this year, hindi mo ba ako pagbibigyan? But Geraldinemy special coverage ang department doon sa kinasasangkutang issue ng former president. The program needs you right now. Protesta pa ng binata. My God, Nat. Hindi lang ako ang pwedeng magbroadcast ng balitang yan. Give others some break. And besides, pinirmahan na ng bosing ang leave form ko. Nang-aasar siyang ngumiti at itinaas pa ang duplicate ng leave form niya. Kabisado na niya ang ugali ng kaharap. Magsusungit ito ngunit alam niyang hindi rin siya matitiis.

Ganun naman pala eh, approve na pala ang leave mo. Bakit ka pa nakatayo dyan? Go..have fun and enjoy, nagtatampong turan nito, Im your director, dapat ako ang unang makakaalam na aalis ka. Iniiwan mo kaming lahat sa ere. Huwag ka nang magtampo direk, urgent lang talaga to. Late ko na nalaman na next week na ang reunion namin. I know naiintindihan mo ko, ayaw mo lang aminin kasi umiiral na naman yang katigasan ng ulo mo. Matamis niya itong nginitian. Malungkot lang siyang tinignan ni Nat at tumayot hinarap siya. Hay naku, you always have a way with me Geraldine. Hindi ako galit sayo. Magaling akong director kaya kayang-kaya ko to kahit wala pang anchor na kasing galing mo, napatawa si Gery nang marinig ito. Conceited style kasi itong magbiro kaya alam niyang wala na ang tampo nito. The truth is, mami-miss talaga kita. Alam mo naman na hindi nakokompleto ang araw ko kapag di kita nakikita eh. Seryosong turan nito at tumitig sa mga mata niya. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa kaya tumawa na lamang siya. Asus, ang drama mo direk ha. Isang linggo lang naman akong mawawala eh. Dont worry, dodoblehin ko ang pasalubong ko for you. Pacute niyang turan at hindi na hinayaang lumapit pa ang binata sa kanya. Dalian mong bumalik ha dahil kapag hindi ako nakatiis, susundan kita sa Baguio, nakangiting biro nito at bumalik na sa swivel chair na tila na nahalata ang pag-iwas ni Gery. Talaga lang ha! Amaze na bulalas ng dalaga at maya-maya pay sabay na silang napatawa ni Nathaniel. Pabiro pa niyang binato dito ang nilamukos na papel na pinulot niya sa mesa. Kaw talaga, puro ka biro! Tumatawa pa rin si Gery nang lumabas sa opisina ng director. Nang makalabas ng opisina si Geraldine ay hindi niya nakita ang pagkalungkot ng mukha ng binata. Bumuntong hininga ito at itinuon ang atensyon sa harap ng computer monitor.

Tatlong araw bago ang reunion, nauna nang umuwi ng Baguio si Francis kaya mag-isang umuwi si Gery matapos ang tatlong buwan na hindi pagdalaw sa mga magulang. Masyado siyang abala sa trabaho para umuwi every weekend. Habang tumatagal sa kompanya, nagiging madalang narin ang paguwi niya. Hi ma, masuyo niyang niyakap ang ina nang maiparada niya ang kotse sa harap ng Sandoval Residence. Nakaabang talaga ito sa may gate at sinugod na siya agad ng yakap. Ang dating bungalow type na bahay ay may ikalawang palapag na ngayon. Ang engineer niyang kapatid na si Mark mismo

ang gumawa ng bago nitong disenyo at si Geraldine ang nagpa-renovate ng bahay nila. Kulay mint green ang kulay ng pintura nito at ito na yata ang pinakamagandang bahay sa kanilang lugar. Anak, na-miss talaga kita. Mukhang pumayat ka ah. Masyado mo sigurong pinapagod ang sarili mo sa trabaho. Turan ng retired teacher niyang ina. Sa edad na limamput siyam ay katamtaman lang ang katabaan, masigla pa rin kahit kinakikitaan na ng wrinkles sa mukha at mapuputing buhok. Ma, dapat masanay na kayo sa trabaho ko. Huwag nyo na akong alalahanin. Itong batang to talaga. Pumasok na nga tayo at hinihintay ka na ng papa at mga kapatid mo. Iginiya siya nito sa loob ng bahay at nang makapasok ay nakita niya ang ama na si Mikael na nakaupo sa may sala kasama si Mark at ang ate niyang si Annie katabi ang asawa nitong si Nelson at 4-year old na anak na si Jimmy. Ibinaba niya ang di kalakihang travelling bag at hinanda ang ngiti para sa lahat. Masayang tumayo si Mark at Ate Annie niya at sinugod siya ng yakap. Ate Gery, long time no see! Bulalas ni Mark matapos siyang yakapin nito. Bah, mas lalo kang gumaganda ah! Gery! Sumunod na niyakap siya ng accountant na kapatid. Sa kanilang dalawa, ang Ate Annie niya mas maganda at mas magaling noon. At kahit lumipas pa ang mahabang panahon, hindi pa rin niya maiwasang maalala ang lahat ng pagkokompara ng mga tao sa kanilang dalawa. Na-miss ka namin. Ano, kumusta ka na? Hi Tita Gery! Na-miss ko po kayo! Masiglang niyakap ng bibong si Jimmy ang tita niya. Sasagot na sana siya sa lahat ng mga tanong nito nang tumikhim ang ama at ibinaba ang binabasang diyaryo sa mesa. Maski ilang ulit nyo pang sabihin kay Geraldine na na-miss natin siya, hindi pa rin yan regular na dadalaw kasi hindi naman tayo nami-miss niyan eh. Parang naramdaman ng lahat ang tensyon sa pagitan ng mag-ama dahil saglit na namayani ang katahimikan sa loob ng bahay. Ngunit maya-maya lang ay ngumiti nang pilit si Gery. Pa, alam nyong hindi totoo yan, busy lang talaga sa trabaho. Palagi ka namang busy sa trabaho eh, kailangan ka ba hindi naging busy? Sa tuwing tatawag kami ng mama mo sa Manila, palagi kang

nagmamadali. Masyado kang nagpapakalunod dyan sa trabaho kaya nakakalimutan mo na kami. Mahinahon ngunit matigas na tugon ng retired government employee na ama. Kahit may edad na ito ay napanatili ng ama ang tikas ng katawan. Mikael, awat ng nag-aalalang si Elisa sa asawa. Huwag nyo nang pigilan si papa, ma. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya eh. Na masyado akong busy, na wala na akong panahon sa pamilyang to. Bakit pa, kapag nagkapanahon ba ako sa pamilyang to makukuha ko ang respeto nyo? Ni hindi nyo ako magawang batiin nang maayos ngayon eh. Sige po, ma. Magpapahinga lang po ako sa kwarto. Napagod po ako sa biyahe. Pagkatapos kunin ang bagahe ay dire-diretso na siyang pumasok sa kanyang silid. Maliban kay Mikael, walang nagawa ang ibang naiwan sa sala kundi ang sundan na lamang ng tingin ang paakyat na dalaga. Pagkatapos isara ang pinto ng silid ay iritado niyang inihagis ang bag sa kama. Inis siyang nagpalakad-lakad sa silid na sadyang iniayos ng ina para sa pagdalaw niya. Kulay berde ang wallpaper ng silid pati na ang bedsheet ng kama ngunit hindi pa rin iyon nagpalamig ng ulo ni Geraldine. Kahit kailan talaga mababa pa rin ang tingin ng ama sa kanya. Kahit anong gawing pagsisikap niya sa trabaho, mananatili pa rin itong malamig sa kanya. Hindi niya maiwasang maalala ang mga sakit na dulot ng kanyang perfectionist na ama. Pa, hindi po ako makakamarcha ngayong graduation. Ano? Anong hindi mamartsang pinagsasabi mo? Gulat ang mukhang bulalas ni Mikael nang gabing pinagtapat na ni Gery ang totoo. Maski ang inang katabi nito sa sala ay nagulat ngunit nanatiling tahimik lamang. May bagsak po ako. Hindi ko naipasa ang research study ko. Im sorry pa. Mugto ang mata at naiiyak na sagot niya sa ama. Nahintakutan pa siya nang galit na tumayo ang ama sa harapan niya. Ano kamo Gery? Hindi ka ga-graduate dahil bumagsak ka sa reasearch study mo? My God, napakastupid mo talaga! Sabat ng Ate Annie niya na nasa dining table at nakaharap sa laptop. Pwede ba ate, tumahimik ka. Hindi ka naman kasali dito ah! Asik niya sa kapatid na ikinagalit nang tuluyan ni Mikael. Ikaw ang tumahimik, Geraldine! May karapatan ang ate mo na makisali dito. Hindi sila katulad mong talunan! Hindi ko alam kung ano ang pagkukulang namin sayo kung bakit sa inyong tatlo, ikaw ang downfall namin ng mama mo! Tama nga ang mga kapatid mo, kaya ka hindi nakakapag-aral nang mabuti dahil sa barkada mo. At nagpapakatanga ka sa pagmamahal mo

sa Rafael na yan. Ano? May nakuha ka ba? Nasaktan ka lang! Kailan ka ba matututo! Nakakahiya ka! Tama na, pa! Sawang-sawa na ang tainga ko sa mga linyang yan. Mula pagkabata ko yan na ang naririnig ko. Parati nyong pinamumukha sa akin na failure ako, na bobo ako, na naiiba ako sa mga kapatid ko! Alam nyo ba kung bakit may mga barkada ako? Dahil sila lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko lahat kayo rito ayaw sa akin. Nalulunod po ako sa sobrang expectations na inaatang nyo sa buhay ko! hindi mapigilan ni Gery ang mapaiyak. Hindi na niya makontrol ang sarili sa sobrang sama ng loob. Kung minahal ko man ang bestfriend ko, at kung nabigo man ako at nasasaktan ngayon, hindi ba dapat kayo ang unang taong makakaintindi sa akin? Pa, ako to, ako to na anak ninyo! Hindi ako robot na pwede nyong kontrolin. Ginagawa ko to dahil gusto ko lang maging maayos ang kinabukasan ninyo! Matigas na sagot ng ama. Maayos na kinabukasan? Paano ako magkakaroon nang maayos na kinabukasan gayong mismong ama ko, sinisira ito! Mabilis na dumapo ang palad ng ama sa pisngi niya. Napakalakas ng sampal na iyon dahil agad dumugo ang gilid ng labi niya. Napahawak agad si Gery sa dumudugong labi . Kung hindi mo gusto ang pamamalakad ko sa pamamahay na to, mabuti pa lumayas ka! Mariing bulyaw ng ama at itinuro pa ang bukas na pintuan ng sala. Punong-puno ng hinanakit si Gery at umiiyak na nagtatakbo palabas ng bahay. Geraldine! Nag-aalalang habol ni Elisa sa pintuan ngunit mabilis na nakalayo ang nasaktang anak. Hanggang ngayon ay rinig na rinig pa rin ni Gery sa isipan ang tawag sa kanya ng ina habang lumulusong siya sa napakalakas na ulan makalayo lang sa bahay nila upang puntahan ang lalaking akala niya dadamay sa kanya mga oras na iyon. Iyon na yata ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buhay. Tama na, Gery. Sinikap mong kalimutan ang lahat ng sakit. Pero bakit ngayon hinahayaan mong kainin ka ng galit mo! Sigaw niya sa isipan at marahas na pinahid ang mga luha sa pisngi.

Chapter 4

Wow, I really miss this place. Ang dami ng bagong buildings. The feeling is so strange. Parang kailan lang nandito ang mundo natin. Masaya talaga ako na umuwi tayo, boo. Masiglang turan ni Sam kay Rafael na kasalukuyang nagmamaneho sa kahabaan ng Session Road. Boo, are you with me? Napaigtad ang binata nang tapikin siya ni Sam. Kanina pa lumilipad ang isip niya at hindi niya ito mapigilan lalo na nililibot nila ang lugar kung saan siya nagkaisip. Yeah, Tipid niyang sagot. Im listening to you, doktora. I think youre not, kanina pa ako daldal nang daldal dito para namang nakikipag-usap ako sa manibela. Simula nang makarating tayo ng Baguio, napakatahimik mo na. Ano bang iniisip mo? Boo, dont mind me, okay? Stress lang to. Ang daming iniwang trabaho ni Kuya Ronald sa hotel. Alam mo naman na kung hindi lang busy si kuya sa pagpapatayo ng hotel sa Manila, hindi tayo uuwi dito para pamahalaan for the meantime ang hotel dito sa Baguio. Im just managing a regular restobar in Paris, hindi ako sanay sa ganito kalaking trabaho. Seryosong sagot niya na nasa kalsada ang buong konsentrasyon. Thats why I want you to relax, boo. Pupuntahan natin ang alma mater natin! Para magmeeting sa reunion program, yeah right. Now how can I relax? Natural! Dahil festival days ngayon sa university natin. Hindi mo na ba naaalala? Bulalas ni Sam na ikinalingon niya. Oo nga pala. Excited na nga ako eh, ang saya-saya nga natin non kapag foundation day. Ang daming stalls, parang may mini panagbenga sa loob ng school. Nakakahiya naman kay Cherry kung hindi ako pumunta no, vice president kaya ako non! Hindi na lamang siya sumagot kahit lihim na naiinis. Sa hotel na nga nila ang venue, inaabala pa sila sa meeting. Nasaan na ba ang ibang miyembro? Napabuntong-hininga siya. Ano na kaya ang hitsura ng dati nilang university?

Gaya ng expectation ni Rafael sa dating pinapasukan tuwing foundation day, ganun pa rin kasigla at ka-jolly ang atmosphere sa buong university. Marami pa ring nakakalat na mga food stalls ng ibat ibang orgs at mga foodchains. may mini talipapa din sa gawing softball field at walk in movie tuwing gabi. may exhibit ng ibat ibang klase ng bonsai at mga piling hayop mula sa College of Agriculture. Maririnig mo pa rin ang echo ng mga nagsasalita sa microphones mula sa ibat-ibang activities sa buong campus. Ang tanging pinagbago lang ng paaralan ay ang pagdami ng mga matataas na buildings at bagong pintura sa mga pader.

Aliw na aliw ang dalawa sa katitingin sa paligid. Hindi lang kasi mga students ang nakakapamasyal sa loob kundi pati na rin mga pamilyang gustong mag-enjoy. Napatigil sa paglalakad si Sam nang tumunog ang cellphone niya. Hello, Cherry! Napatigil na rin si Raf at hinintay ang babae. Were here. Nasa Karamay office ka na ba?Okay, well be there in a minute. Binalingan siya nito nang maibaba na ang phone. Tara na, boo. Ikaw na lang pumunta don. Maglalakad-lakad muna ako dito. Sure? Yeah, tumango siya at tinanggap ang halik nito sa kanyang pisngi at masigla na siyang iniwan. Sinundan muna niya ng tingin si Sam bago pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa paligid.

Mag-aalasingko na ng hapon at isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Sam kaya minabuti ni Rafael na libutin na ng tuluyan ang buong school. Lihim siyang napapangiti sa mga alaalang bumabalik sa kanya habang tinitignan ang mga pamilyar na lugar na kadalasan niyang puntahan noong nasa college pa lang sila. Ngunit nawawala ang ngiti na iyon kapag sumasagi sa kanyang isipan ang taong madalas niyang kasama sa mga pamilyar na lugar na iyon. Ang gym, canteen, library, lalo na ang kiosk na pangunahing tambayan nila noon. May kakaibang saya siyang naramdaman sa dibdib nang matagpuan ang dating kiosk ngunit hindi niya ito masyadong matanaw dahil sa stall nitong katabi. Maraming tao ang nakatingin sa may kalakihang stall na iyon kaya lumapit siya at nakiusyoso na rin. Namangha si Raf sa nakitang naka-display sa mini exhibit na iyon. Rare species ng mga orchids, bulaklak, bonsai at ibat ibang halaman na pagmamay-ari ng isang sikat na flower farm ang pinagkakaguluhang tignan ng mga tao doon. Dahil sa curiosity niya ay hindi niya napansin ang nakatalikod na babae sa kanyang harapan na may hawak na digicam at aliw na aliw sa kapopokus ng camera sa mga orchids na nandoon. May naalala tuloy siyang isang babae na sa kabila ng astigin nitong pagkatao ay napakahilig sa bulalak. Outch! Impit na bulalas ni Rafael nang may biglang umapak sa expose niyang paa sa suot niyang leather sandals.

Oh! Nakita ni Raf ang pagharap ng babaeng nasa harapan niya kanina. Naka-headcap ito at nakasuot ng malaking shades. Naka-ponytail ang brown at wavy niting buhok, naka-long sleeve na blouse at maong skinny jeans. Napakakinis ng kutis nito at mapupula ang mga labi. Im sorry, mister. Hindi ko sinasadyang matapakan ang paa mo, sinsero nitong paumanhin. Bagaman nasa boses nito ang sincerity, ramdam pa rin ni Raf ang angking self-confidence ng babae. At hindi niya maintindihan kung bakit agad bumilis ang tahip ng kanyang puso. Bago pa siya makapag-react, nakita niya ang tumatakbong mga estudyante palapit sa kinaroroonan nilang stall at huli na para pigilan niya ang pagkakabangga ng matangkad na lalaki sa babaeng nakatapak sa kanya. Sa lakas ng pagkakabangga ay natanggal ang shades at cap ng babae at muntik na ring matumba kung hindi lang niya nahawakan sa braso. Naku sorry, sorry po talaga miss---Miss Geraldine Sandoval?! Parang tumigil ang takbo ng oras nang marinig ni Rafael ang bulalas ng lalaking nagmamadaling pumulot sa cap at shades ng babaeng hawak niya sa braso sa mga oras na yon. Mabilis namang lumayo ang babae sa kanya at agad niyang nahigit ang hininga nang mapagtantong si Gery nga ang kaharap niya sa mga oras na yon. Gery? Diretso itong napatingin sa kanya at kahit na halatang nagulat ito ay dagli ding umiwas ng tingin. Naku Miss Geraldine, sorry po talaga. Hindi ko po talaga alam na kayo yan, nahihiyang inabot ng binata ang cap at shades nito. Automatikong napatingin ang lahat ng nasa stall sa dalagang compose lang na ngumiti. Nakita ni Rafael ang pagbati ng mga estudyante sa kaharap at agad umingay dahil sa pangangantiyaw ng mga kabarkada ng binatang nakabangga sa sikat na broadcaster. Its okay. Ayos lang ako, ngumiti si Gery sa binatilyo. Mag-iingat ka na next time ha dahil kung hindi ihi-headline kita sa news bukas. Tumawa ang mga estudyante sa biro ni Gery. Sige guys, I gotta go. Bye! Kumaway pa ito sa mga taong magiliw din na nagpaalam at tumalikod na bitbit ang dikalakihang shoulder bag. Nakaramdam ng panic si Rafael nang paalis na ang babae kaya kusang kumilos ang mga paa niya at sinundan ito. Gery, wait, nakita ni Raf ang pagtigil ng babae sa mismong karapan ng kiosk nila at kaswal siyang hinarap. Nang makaharap na niya ito nang lubusan, pakiramdam niya umurong ang dila niya. Looking at her now, hindi siya magtataka kung bakit hindi niya ito nakilala. Ibang-iba na ang hitsura niya sa dating walking surfing board na Gery. Para na nga itong artista mula sa

kutis, pananamit, at kilos. Wala na rin ang dating nakaplaster na ngiti sa mukha nito. Ang Gery na nakatayo sa harapan niya ay kaswal at tila ba dating acquaintance sa college na lamang. Yes? Kung wala kang sasabihin, aalis na ako. may pupuntahan pa ako eh. Shit! Bakit walang lumalabas sa bibig ko?! Aalis na siya! My foot! Turan niya at muling napatigil sa paghakbang ang babae. Nagtataka ang mukhang nilingon siya nito. What about your foot? AhhhTinapakan mo. Tignan mo, namamaga o. Feeling stupid, paikapaika siyang lumapit dito at pinakita ang talagang namumulang hinlalaking daliri sa paa. Tinignan naman ito ni Gery at irritated ang mukhang tinignan siya. I said sorry, right? What do you want me to do with that? Alam mo naman siguro ang daan papuntang infirmary di ba? Hindi nakaligtas sa paningin ng binata ang rosy cheeks at lips ni Gery. Nahagip pa ng tingin niya ang naexpose nitong cleavage nang yumuko upang tignan ang paa niya. Nakaramdam siya ng init sa kabila ng malamig na hangin sa Baguio. Yes. But you dont look like youre sorry. Parang ikaw pa tong galit eh. Mapaklang tumawa si Gery na nagpairita nang totoo kay Raf. Is this serious? I mean, what do you want me to do? Lumuhod sa harapan mo at iiyak na magso-sorry sayo? Sorry to disappoint you but I cant do that. Compose na sagot nito sa kanya at may kinuha sa shoulder bag. Here, band-aid. Ilagay mo sa paa mo and try to be reasonable. I have to go. Napatiim bagang siya nang ilagay nito ang band-aid sa palad niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang pagbabago dito. Hindi lang pala pisikal na anyo ang nabago, pati rin pananalita at ugali. Gery?! Parehong napalingon ang dalawa at nakita ang masayang mukha ni Sam kasama ang nakangiting si Acis. Excited na niyakap ni Sam ang dalagang halatang nagulat sa mga pangyayari. Gulat man si Rafael ay agad nawala iyon dahil nangibabaw sa kanya ang tuwa sa muling pagkakabuo nilang apat. Sinalubong niya agad ng yakap si Acis na best buddy niya talaga noon. Sam, what can I say? Im so surprise. Nakangiting turan ni Gery. Mas surprise ako no! My God, look at you! You look so gorgeous! Bulalas ni Sam na namimilog ang mata sa kaka-head-to-foot kay Gery. Teka wait! Boo, nagkita na pala kayo ni Gery? At sa mismong kiosk pa natin ha! And

the four of us are here! Oh my God, Im just so happy! Tuwang-tuwang turan ni Sam sa tatlo. Pare, kumusta ka na? Nasan na ang buhok mo? Pabiro pang hinaplos ni Raf ang kalbong ulo ni Acis na agad napatawa. Pano kayo nagkita ni Sam? Nasa meeting din siya kanina, boo. Hay nako boo ang saya namin kanina. Puro kantiyaw ang nakuha niyan sa mga dating kasamahan natin. Sana nagpunta kayo ni Gery. Oo nga pare, sana pinakita mo sa kanila kung paano ka mag-french! Ganting buska ni Acis. Bukas na, save the best for last, pare. Tara, lets go somewhere para naman makapagkwentuhan tayo. Ang dami kong itatanong sayo. Ano, may girlfriend ka na ba? Hindi mapigil ni Rafael ang sariling magsalita. Mula sa gilid ng kanyang mata, nakikita niya ang nanunuot na tingin ni Geraldine. Hindi na ito kiti-kiti gaya ng dati sa tuwing nagkakasama silang apat. Yeah, oo naman ako pa! Really? Then whos the unfortunate girl? Kilala ba namin? Biro niya ulit sa kaibigang sa tingin niya ay walang nagbago maliban sa hairstyle nito. Tumikhim muna si Acis bago umakbay kay Gery. Raf and Sam, meet my girlfriend, Gery. Sa sobrang kabiglaan, parang naging blangko ang kanyang utak. Ramdam niya agad ang kirot sa dibdib at kahit hindi niya gusto yon sadyang nanunuot sa kanyang buto. Sinulyapan niya ang katabing si Sam. Ganoon din ang reaksyon nito, nakabuka pa ang bibig sa sobrang gulat. Really? Narinig niyang tanong ni Sam. Actually Acis--- Gery and I had been together for months now. Actually we share the same place. Sa condo niya ako nakatira ngayon. Diretsong putol ni Acis sa sasabat sanang si Gery. What? Dont tell me youre living together. Napansin ni Raf ang pagkalukot ng mukha ni Sam. Wow, thats good. Obvious naman na ginulat nyo talaga kami. Congratulation pare! Masaya niyang kinamayan ang nakangiting si Acis na sa tingin niya ngayon ay sobrang flirt kung makaakbay kay Geraldine. Ang hindi niya inaasahan ay ang bolta-boltaheng koryente na tila ba dumaloy sa buo niyang katawan nang kamayan niya ang babaeng panay ang titig kay Francis.

Why dont we go somewhere para maikuwento ko sa inyo ang love story namin ni Gery! I didnt know Francis was so flirt. Ang sarap niyang suntukin! Inis na turan ni Rafael sa isipan.

Chapter 5
Mag-aalas siyete na ng gabi nang ihinto ni Francis ang secondhand niyang Honda Civic sa tapat ng bahay ng mga Sandoval. Diretsong lumabas ng kotse si Gery na kanina pa walang imik sa biyahe. Wala pang isang oras nang maputol ang pagkukwentuhan ng apat sa isang sosyal na coffee shop sa harap ng university nang makatanggap ng urgent call ang mag-asawang Raf at Sam kaya walang nagawa si Acis kundi ang ihatid siya pauwi. Nakita ni Gery na agad ding lumabas ang binatang kanina lang ay napakagiliw at napakadaldal. Since nasa tapat na tayo ng bahay namin, you better start explaining about this strange role playing. Bakit sinabi mo sa kanila na mag-boyfriend tayo? Tumigil siya sa paghakbang at pinaglingkis ang braso sa dibdib at inis na hinarap ang lalaking napahawak sa sariling buhok. Umiwas lang ito ng tingin at yumuko. Francis, Im waiting, tiim-bagang niyang turan. Kanina pa may hinala na siya kung bakit nagpanggap ito kaya sa kabila ng inis ay hinayaan na lamang niya ang binatang magpatakbo ng usapan. Its because Im stupid. Maya-maya pay mahinang sagot ni Acis. Hindi ito makatingin sa kanya kaya hinintay niyang kusa itong magsalita. Nakita niyang tumalikod ito at humugot ng malalim na hininga at muli siyang hinarap. Im sorry. Nakakahiya talaga sa'yo, dinamay pa kita sa kagaguhan ko. Kagaguhan nga! Ginawa mo akong panakip butas eh. Do we really have to be lovers just to show Samantha na nagmamahal ka na? Na hindi ka na ang dating baduy at torpeng lalaking kabarkada niya na lihim na nagmamahal sa kanya? Gery Gulat na napatingin ang binata sa kanya. Oo, alam ko noon pa. Youre in love with Sam. Nakita ko ang mga candid photos niya na nakaipit sa libro mo noon. Hindi mo lang masabi sa kanya dahil takot kang mabigo, takot kang pagtawanan ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang asarin at punahin ang lahat ng kamalian mo sa mundo. Hindi umimik ang lalaki at nakayukong napasandal sa kotse. Well,

let me remind you that five years had past. Hindi ba dapat naka-move on ka na? Hindi mo na kailangang mag-sour graping dahil iba ang pinakasalan ni Sam! Nakita niya ang galit sa mukha ni Acis nang mag-angat ito ng mukha. You sound so proud, Gery. Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan gayong pareho lang naman tayo ng sitwasyon noon. Dont tell me walang epekto sayo ang muling pagkikita ninyo ni Rafael kanina. Of all people, ikaw dapat ang nakakaintindi sa nararamdaman kong sakit ngayon. Why should I? Hindi ako katulad mong nakakulong sa pagmamahal na wala namang patutunguhan. Cant you see, masaya na sila. Kung inaakala mong pareho tayo ng nararamdaman ngayon, nagkakamali ka dahil sa lahat ng masasakit na nangyari sa kin noon, tanga lang ang hindi gugustuhing makalimot, mariin niyang tugon. Sana nagtagumpay siyang itago ang panginginig ng boses. Mabilis siyang pumasok ng bahay para itago sa kaibigan ang luhang kanina pa gustong lumabas.

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ng dalaga nang maisara niya ang pinto ng silid. Napasandal siya sa pintuan at doon inis na pinahid ang mga luha. Napadako ang tingin niya sa wrist na may halos sampung centimetrong piklat na hindi pa rin natatanggal kahit ilang ulit nang sumailalim sa treatment. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon limang taon na ang nakakalipas. Pasensiya ka na, Gerry. Tugon ni Sir Rafael na huwag kang papapasukin eh. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Malakas pa naman ang ulan, pasensiya ka na ha. Sisisantihin daw niya ako pag hindi ko siya sinunod, nag-aalangang turan ni Roger, ang kaibigang guard sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Parang gumuho ang mundo ni Gery sa narinig. Hindi siya agad nakahuma at hindi na niya napansin ang pag-alis ng guwardiya. Pagkatapos siyang sampalin at ipagtabuyan ng ama, hindi na siya nagisip at agad nang tinungo ang bahay ng matalik na kaibigan na tanging sweater at pang-ibabang pajama lang ang suot. Hindi na niya naisip na isang linggo na siyang hindi pinapansin ni Rafael. Napayakap siya sa sarili at malungkot na tiningala ang balkonahe sa silid ng binata. Wala siyang masilungan at habang tumatagal ay nababasa ang buo niyang katawan pero nanatili pa rin siya sa labas ng malaking gate. Ilang sandali pa ang lumipas nang matanaw niya mula sa terrace ng bahay ang kapatid ni Rafael na nakatanaw rin sa kanya na napakaseryoso ng mukha. Tatawagin niya sana ito nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang black

convertible car ni Rafael. Mabilis niya itong hinarang nang tuluyan itong makalabas ng gate kaya walang nagawa ang binata kundi ang huminto. Pay.. Nagmamadali siyang lumapit sa bukas na bintana ng drivers seat. Hindi man lang siya sinulyapan ng binatang salubong ang kilay at diretso ang tingin. Tumutulo na ang damit niya sa lakas ng ulan pero hindi na niya ito napapansin sa labis na frustration. Payplease..huwag mo naman akong talikuran oh..please Pay, lumuluhang anito. Ang kapal ng mukhang mong magpakita pa sa kin. Wala akong kaibigang traydor at sinungaling! mariin nitong turan . Im so sorry, napatakip ng sariling bibig si Gery upang pigilan ang sariling mapahagulgol. Ang naging kasalanan ko lang naman ay ang mahalin ka eh. Please Pay, patawarin mo na ako. Kailangan kita ngayon. Saka lang kita mapapatawad kapag naibalik mo na sa kin ang pagkakataong mahalin din ako ni Sam! Get out of my way! anito at mabilis na inapakan ang accelerator ng kotse at iniwan siyang umiiyak sa gitna ng ulan. Parang gumuho ang mundo niya sa mga oras na yon. Hindi siya makapag-isip nang mabuti. Humahalo na sa tubig-ulan ang mga luhang nasa pisngi at wala sa sariling naglalakad sa madilim na kalsada. Huli niyang naalala sa gabing iyon ay ang nakakasilaw na headlight mula sa isang van na mabilis na sumulpot sa intersection kung saan papatawid siya. Kasunod doon ang tila matalim na bakal na tumama sa wrist niya at ang pagdilim ng kanyang mundo. Nagmulat siya ng mata sa kulay puting silid. May benda ang kanyang ulo at braso kung saan kita niya ang namumuong dugo doon. Nasagasaan nga siya ng gabing iyon at hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na minor scratches lang ang natamo siya. Nagising siyang wala ang magulang at mga kapatid sa silid maliban sa lalaking nakatayo sa tagiliran niya. Si Rafael iyon na galit ang mukhang nakamasid sa kanya. Salamat naman at nagising ka na. Ano napagod ka na bang magtulog-tulugan at naisipan mong gumising na dahil naramdaman mong nandito na ko? Ano, masaya ka na ngayon dahil sinisisi na ako ng lahat ng tao kung bakit ka nasagasaan? Tapusin mo na ang palabas na ito Geraldine dahil kahit anong gawin mo, kinamumuhian na kita! Pay, bakit ka ba ganyan? Iniisip mo bang palabas lang ang lahat ng to para patawarin mo ko? Alam mong hindi ako ganun. Pay, ako to na bestfriend mo. Bakit mo ko pinagtatabuyan? Automatikong napaiyak si Gery

hindi lang sa sakit ng katawan kundi sa sakit ng mga salitang binitiwan ng bestfriend. Tapos ka na ba? kuyom ang palad na tugon nito. Hindi man lang ito natinag at puno pa rin ng suklam ang mga mata. Tigilan mo na ang dramang to bago tuluyan pa kitang kasuklaman. Mula ngayon, tinatapos ko na ang lahat ng kaugnayan mo sa buhay ko. Mabilis siyang tinalikuran ni Rafael at lumabas ng silid. Matinding panic ang naramdaman ng dalaga sa mga oras na yon. Hindi niya hahayaang makaalis si Rafael nang hindi siya napapatawad. Sinikap niyang tumayo mula sa hospital bed at sinundan ito palabas. Automatikong napatayo sina Elisa at Mikael sa labas ng pinto nang makita ang nahihirapang hinahabol ni Gery ang papalayong binata sa hospital hallway. Pay, sandali Umiiyak at tila ba nagmamakaawang hinawakan niya ang braso ni Rafael. Galit lang siyang tinignan ng binata at marahas na kinuha ang braso mula sa hawak niya. Naramdaman pa ni Gery ang pagdugo ng kanyang sugat sa braso at puso habang tinatanaw ang papalayong binata. Pay! Tinawag pa niya ito ngunit hindi siya nito nilingon. Pwede ba, Gery tigilan mo na ang kahibangan mo! Ang galit na mukha ng ama ang muling humarap sa kanya. Iyon ba ang lalaking sinasabi mong naging matalik mong kaibigan sa mahabang panahon? Masaktan lang kaya ka nang ipagtabuyan! Walang patutunguhan ang pagmamahal mo sa isang taong napakakitid ng utak! Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang pagtingin mo sa hayop na lalaking iyon, sana noon pa hindi ko na hinayaang magkalapit kayo. Bukas na bukas din luluwas ka ng Maynila at doon mo tatapusin ang pag-aaral mo! Wala nang lakas ng loob si Gery na sagutin pa ang lahat ng sinabi ng ama sa harapan niya dahil alam niya, sa kabila ng sobrang sakit na nadarama, totoo ang mga sinabi nito. Hindi niya matanggap ang katotohanang dahil lang sa pagmamahal kayang masira ang napakagandang samahan nila ng bestfriend. Ang sakit ng ginawa mo sa akin noon, Rafael. And now you talk to me so easily na parang hindi ako nasaktan noon. Ang kapal ng mukha mo. Sisiguraduhin kong hindi mo na makikilala ang dating Gery na pinagtabuyan at tinalikuran mo noon, matigas na turan niya habang nakatingin sa kawalan at walang tigil ang pagdaloy ng luha sa pisngi. Inis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi at huminga nang malalim. Ito na ang huling iyak niya, ang huling sandali na masasaktan siya.

Ganito pa rin ba kaganda ang tanawin mula sa terrace na to five years ago? Naputol ang paglalakbay ng isip ni Rafael nang marinig ang boses ni Sam sa kanyang likuran. Hindi niya ito naramdamang pumasok sa dating silid niya. Nilingon niya ito at inilapag ang hawak ng baso ng wine sa ridge ng terrace. Yeah, ganito pa rin ka peaceful. Ito ang paborito kong tambayan noon, boo. Tipid siyang ngumiti sa babaeng nakasandal sa transparent door. Mula kasi roon, tanaw ang nagkikislapang ilaw mula sa siyudad at kitang-kita ang mga bituin sa langit. Dito kayo parating nakatambay ni Gery noon. Hindi tanong ang tugon ni Sam kaya pinili niyang huwag sagutin. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Sam at napansin niyang malungkot ang mata nito at pilit ang ngiti. They had a long day at ang nagpahaba noon ay ang muling pagkikita nilang apat. How did you feel when you saw Geraldine, boo? Bumuntong hininga ito at tinungo ang ridge at tumanaw sa malayo. You must had been surprised when you saw the physical changes. She really changed a lot. And I was surprised with his taste in men. Napaangat ng mukha si Rafael nang marinig iyon. What do you mean by that? Humarap muna si Sam sa kanya at mapaklang tumawa. Cant you see, boo? She was head over heels in love with you five years ago. But now, who would have thought she would end up with Francis. Si Francis na akala ko walang mararating noon, ngayon big time na. Naramdaman ni Rafael ang bitterness sa boses nito. Feeling pissed off sa mga sinabi nito, pumasok na lang ulit siya sa dati niyang silid na hanggang ngayon ay walang pinagbago. Kulay aquamarine pa rin ang wallpaper gayundin ang bed sheets at kung paano niya iniwan ang mga gamit niya noon, ganoon pa rin ang pagkakaayos hanggang ngayon. Unang napansin niya ang nakadapang picture frame sa bedside table. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama at kinuha iyon at wala sa sariling napangiti habang pinagmamasdan ang larawan. Kuha ang larawang iyon sa university gym noong championship game ng team niya sa college. Magkaakbay sila ni Geraldine sa larawan at kapwa nakangiti habang nakahawak siya ng kanyang MVP trophy samantalang naka-cheering uniform naman ang babae. Naalala pa niya na nagkatampuhan sila sa araw na iyon dahil ayaw niyang isuot nito ang seksing cheering uniform dahil kita na ang cleavage ng dalaga. Hindi siya pinakinggan nito at sumayaw pa rin kahit nagkakagulo na ang mga lalaki sa katitingin sa mga dibdib nila. Halos hindi siya makapaglaro noon sa sobrang inis. Ngunit nang malapit na ang time at kailangan na niyang i-shoot ang bola para manalo sila, rinig na rinig niya ang sigaw at cheer ni Gery sa kanya kahit hindi team nila ang sinusuportahan ng

squad nito. Nang makuha na niya ang trophy ay mabilis siyang nilapitan ni Gery at niyakap nang sobrang higpit. Naalala pa niya na sobra siyang kinabahan noon nang maramdaman ang dibdib ng kaibigan sa chest niya. Napabuntong hininga si Rafael nang maalala ang mga panahong iyon. Ibinalik niya ang frame at binalingan ang makapal na photo album na nasa study table niya. Binuklat niya ito at wala siyang ibang nakita kundi mga pictures nilang dalawa ni Gery simula noong nasa elementary pa sila. May larawang kuha noong 9 years old pa sila na kumakain sila ng ice cream, noong 13 years old na pareho silang nakaswim wear habang naliligo sa pool, noong 16 years old sila na magkapareha sa Santa Cruzan, naging bridesmaid at groomsman, highschool graduation picture, at iba pang mga candid photos. Puro biruan at mga kalokohan. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Nang mag-college sila ay naging apat na sila sa mga pictures. Aktong bubuklatin na sana niya ang huling pahina ay nahagip ng tingin niya ang juniors night picture niya kasama ang ka-date na si Nichole na nooy pinakamagandang babae sa college nila. Magkatabi silang nakaupo at kapwa nakangiti. Napakunot-noo siya nang mapansin ang mukha ni Gery sa background na para bang nakatingin sa kanyang likod at napakalungkot ng mukha. Im so stupid for not noticing it. It had been so longand yet hindi ko napansin ang puso mo. Youre a changed person, Gery. When I saw you there, akala ko hindi ikaw ang dati kong kaibigan. Youre so beautiful.. your hair..your skin..your hands..your lips..para ka nang ibang tao. Hindi ka na ang dating Gery na napakagaslaw kumilos. Hindi na ikaw ang dating kaibigan na nakasalo ng lahat ng galit ko sa mundo noon. Pano ba ako makakahingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko? Girlfriend ka na ni Acis ngayon. Ayokong isipin na huli na ang lahatbut I know it is Haunted by your own stupidity again? Naputol ang iniisip ni Rafael nang muling nagsalita si Samantha na ngayon ay nakatingin na naman sa ginagawa niya. Matulog ka na, boo. Susunod na ko. Tanging sagot niya dito. Nakalabas na ng silid si Sam at saka pa siya napahilamos sa sariling mukha. Hindi niya alam kung paano tatanggalin ang emptiness na nasa puso niya ngayon.

Chapter 6
Miyerkules, sa gabing iyon gaganapin ang reunion ng Karamay Organization sa isa sa mga function rooms sa Hotel Rodriguez. Ala sais pa lang

ng gabi ay nagsimula nang magdatingan ang mga naka-formal attire na mga dating miyembro ng youth civic group. Nakahanda na ang lahat sa loob ng hall na may kulay kremang kurtina kung saan may mini-stage with piano, microphone stand, projector screen at may sampung mesa ang nakakalat doon na sapat lang sa inaasahang limampung miyembrong darating. Naging abala si Rafael na napakatikas sa suot na amerikana sa kasusupervise sa mga waiter at sound technician upang maging maayos ang program samantalang busy-ng busy naman sina Cherry at Sam sa kakaestima sa mga dumadating na dating kaibigan. Napakaganda ni Sam sa kulay purple halter cocktail dress at kahit na chubby si Cherry confident itong rumampa sa kanyang silver cocktail dress. Wala pa ba sina Francis and Geraldine? Untag ni Cherry kay Sam 30 minutes after 7. Hindi ko pa sila nakikita but I texted them already, sabi nila darating sila. Dapat lang no, sila na lang ang kulang at magsisimula na ang program! Exaggerated at tense na sagot ng babae. Hey guys, look whos here! Napalingon ang lahat nang magsalita si George, ang pinakamadaldal na gay member ng org. Nakita ng lahat ang pagpasok nina Francis na gwapong-gwapo sa blue polo at Gery na napakaganda sa suot na kulay black spag strap cocktail dress. Lahat naghiyawan at nagpalakpakan ng makapasok ang couple. Agad silang sinalubong ng bati, puri at yakap ng mga dating miyembro na naging malapit din nilang kaibigan. Lumapit na rin sina Cherry at Sam sa dalawa. Wow, what a transformation! Mas maganda ka sa personal kaysa sa T.V. Nakangiting turan ng engineer na si Fred na dating pinapareha kay Gery sa org. Well, thank you! Masayang bulalas ni Gery na ikinatuwa ng lahat. Gery! Hinayaan ng lahat na makadaan ang hyper na si Cherry nang tumili na ito at sinalubong siya ang dalaga ng yakap. I missed you! Na-miss ko talaga ang kadaldalan mo! Im fine, na-miss din kita no! Alangan nga akong pumunta dito dahil hindi naman talaga ako alumni ng Karamay. Oh, nonsense! We love you and were so proud of you sa tuwing nakikita ka namin sa T.V. You represented this organization so well! Mabilis na sagot ni Cherry at saka binalingan ng tingin si Francis na panay ang sulyap

kay Sam na nasa likod ni Cherry. Francis, how are you? You look so handsome! Are you married? Mare, mukhang hindi ka yata updated ah! They are couples! Bulalas ni Cath, ang registered nurse ng grupo na close friend din ni Samantha. What?! Actually Cherry, they are living together. Nakatira sila sa iisang condo unit. Narinig ni Gerry na sabat ni Sam na halatang pilit ang ngiti. Automatikong naghiyawan ang mga kasamahan nila at napuno pa ng tuksuhan. Papa Raffy, come here. Francis and Geraldine are here already! Agad nakaramdam ng kaba ang dalaga nang makitang hila-hila ni Cherry ang matangkad na bulto ni Rafael. Sa kabila ng ingay ng lahat ay dinig na dinig ni Gery ang bawat pintig ng kanyang puso habang sinasalubong ang nanunuot na tingin ng lalaking papalapit sa kanila ni Acis. As expected, napakaguwapo nito sa suot na amerikana. Ge, I want you to meet Sams brother, Rafael! Brother? Sabay na bulalas nina Acis at Gery sa narinig. may nagtawanan sa paligid na para bang sila na lamang dalawa ang hindi nakakaalam. Oh my God! Kayo na lang yata ang hindi nakakaalam. Sam and Rafael are siblings! Masayang sagot ni Cherry sa dalawang kapwa nakabakat ang labis na pagkagulat sa narinig. What? Paano nangyari yon? si Francis ang nagtanong. Hay naku, Francis its a long story at aabutin tayo ng midnight dito kung ikukwento ko sa inyo ang lahat ng nangyari. Gery, thats what I want to tell noong isang araw pa. Nakangiting hinawakan ni Sam ang palad niya. Since everybody is here, let the party begin! Bulalas ni Mary na siyang pinakakalog at pinakamaliit na miyembro ng karamay. Hindi na nakapagtanong pa si Gery sa katabing babae nang hilahin na sila ng crowd sa mga mesang may pagkain nang nakahanda.

Matapos ang isang sumptuous dinner ay nasa stage na si Cherry at masayang nagho-host ng program na puno ng kakingkuyan at puro hagalpakan ng tawa na lamang ang naririnig sa paligid. Ngunit hindi magawa ni Gery na talagang tumawa sa natuklasan kanina lamang at ang presence ni Raf na talagang kaharap niya sa pagkain. Nasa iisang table lamang silang apat kasama si Cherry na hindi mapirmi dahil sa dami ng gimik sa program. Abala

naman sa pag-uusap sina Acis, Rafael at Sam tungkol sa mga buhay-buhay nila samatalang nakikisali lang siya kung minsan. Ok guys, I think everybody is full now. Its now time to party! Masiglang turan ni Cherry. Nagpalakpakan ang lahat at naghiyawan. To begin with, may special number akong hinanda para sa inyong lahat! may inilabas itong dalawang fish bowl na may lamang tinuping maliliit na papel. Kung sinong pangalan ang makukuha ko mula sa bowl na ito, kakanta siya ng kantang makukuha ko mula sa bowl na ito, bumunot na agad ang babae at excited na binuksan ang papel. Naghiyawan ang lahat habang ang iba naman ay nagpoprotesta. Si Cherry talaga, hindi halatang mahilig sa surprises! Ingos ni Sam na halatang wala sa mood kumanta. Ay excited na ako! Guess who?! Itinaas pa ni Cherry ang kamay. Its Geraldine Sandoval! And she will be singing Say That You Love me! Napatakip ng bibig si Gery sa sobrang gulat at dagling namula dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Nakita ni Raf na hindi nanagawang tumanggi ng dalaga at napapailing na lamang itong tumayo. Wohoo! Go honey! Cheer pa ni Acis na agad din namang binatukan nang pabiro ni Gery. Graceful nitong tinungo ang stage at lumapit sa microphone stand. Lahat nagsipalakpakan at naghiyawan nang magsimulang tumugtog ang musika. Kanino mo ba dini-dedicate ang kantang yan, Ge? Tanong pa ni Cherry sa tabi ng dalaga. Napaangat ng mukha si Raf at tinignan ang mukha ng namumulang si Gery. Well I guess this song is for someone who had made me a tough woman. Nagtuksuhan na naman ang lahat kahit na pakiramdam ng binata sa kanya napadako ang tingin ng babae at naramdaman ang palad ni Sam sa kamay niya. My morning starts to shine with teardrops in my eyes And here I am alone starting to realize That my dreams would be brighter if I could learn to hide This feelings that I have for you keep hurting me inside

But will you Say That You Love me

And show me that you care Say when I need you, you will always be there But if you go and leave me, this I swear is true My love will always be with you.

Pakiramdam ni Raf huminto ang oras nang marinig muli ang malamyos na tinig ni Geraldine at ang paborito kanta na madalas nitong kinakanta kasama ang gitara nito sa mga trips nila noon. Bakit hindi sumagi sa isip niya na para sa kanya ang kantang iyan noon? Kanina pa niya gustong hilahin ang dalaga at ikulong sa mga bisig niya. Ano kaya ang pakiramdam habang hinahaplos ang makinis nitong braso? Ngunit sa kabila ng kanyang pagnanasa, nandoon pa rin ang labis na guilt sa dibdib. Tila bumalik sa kanya ang lahat ng sakit na walang awa niyang pinadama sa dating bestfriend nang dahil lamang sa hindi nito sinasadyang pag-ibig sa kanya. Its too late, RafIts too late Labis siyang kinabahan nang mahagip ng tingin niya ang mga mata ni Gery na nakangiting bumababa ng stage habang pinapalakpakan ng mga tao at sumisigaw pa ng more. Nakaukit na yata sa utak niya ang poise nitong paglalakad at ang paggalaw ng maganda nitong bewang. Sinugod siya ng matinding init ng katawan kaya balisa siyang napatayo nang makarating si Gery sa mesa nila.

Excuse me, may tatawagan lang ako. Nabigla si Gery nang tumayo si Raf pagbalik niya ng mesa. Seryoso ang mukha nito at halatang ayaw siyang tignan. Tahimik siyang umupo ulit at sinundan ng tingin ang matangkad at matikas ng lalaking minsan naging sandigan niya sa buhay. Aminado siyang mas lalo itong gumuwapo at mas lumaki pa ang pangangatawan na para bang kayang-kaya siyang buhatin nitot ikulong sa mga braso. Sinaway niya ang sarili sa hindi magandang iniisip at itinuon ang atensyon kina Sam at Francis na kanina pa nag-uusap. Halata pa ngang tipsy na si Francis dahil namumula na itot tawa nang tawa. You know what Sam, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kanina nang malaman kong hindi pala kayo mag-asawa ni pareng Raf! Masayang bulalas ni Acis at bumunghalit pa ng tawa. Sabay na nagkatinginan ang dalawang babae at nakita ni Gery ang pagtataka at amazement na bumalot sa mukha ni Sam. May feeling siya na kapag hindi niya alalayan ang tipsy na kaibigan ay sigurado siyang wala nang ihaharap na mukha si Acis kay Sam kinabukasan.

Oh by the way Sam, na-mention ni Cherry na may baby na kayo ni Raf. Whos that kid? Salo niya sa kaibigang panay ang tungga ng whiskey sa kopita. Tumawa nang bahagya si Sam bago nagsalita. Yeah, thats Kent. Youngest child nina Ate Joana at Kuya Ronald. Mukhang narinig ko yata ang pangalan ko sa usapan nyo ah. Napalingon ang tatlo nang sumulpot sa kanilang harapan ang masayang mukha ng simpatikong kapatid ni Rafael na si Ronald. Kuya! Youre here, we thought sobrang busy mo na sa Manila! Masayang bulalas na Sam at sinugod ng yakap at halik ang matangkad na lalaki. Napatayo na rin sina Acis at Gery na hindi alam kong magiging magiliw sa harap ng lalaking tinuring na niyang kuya noon. Siyempre hindi ko palalagpasin ang pagkakataong makita ko ang pagkakabuo muli ng apat na magkakabarkada noon, hindi ba? Napatawa ang tatlo sa sinabi nito. Nasalubong ko si Raf sa labas, mukhang tinatawagan na naman ng bosing niya. Napadako ang tingin nito sa tahimik lang na si Gery. But of course, I want to see upclose and personal the famous multiawarded Geraldine Sandoval herself! Oh Gery, I missed you! Naramdaman ng dalaga ang pananabik sa mahigpit na yakap nito. Nagflash back sa kanya kung gaano sila nagkakasundo ni Ronald sa pang-aalaska kay Raf noong mga bata pa sila. Kuya Tanging nasambit niya nang kumalas ito ng yakap. Wow, tama nga ang sabi sa akin ni Raf, you look so stunning! Wow, I want your autograph later, okay? Sa kabila ng ingay ni Cherry sa stage ay rinig na rinig pa rin niya ang tawanan ng mga kasama sa mesa. Pero ang nakahuli ng atensyon niya ay ang thought na nagagandahan pala si Rafael sa kanya ngayon. Siguro nagtataka itong sina Francis at Gery kung bakit naging kapatid ko ang napakagandang si Sam dito, ano? Sige Kuya Ronald, do the honor to explain to them what really happened. Kanina ko pa gustong ipaliwanag sa kanila. Maski ang madaldal na si Acis ay natahimik nang magsimulang magsalita si Ronald. Nasa Manila na pala ang dalawang to nang mangyari ang lahat. Actually I was the one who hired a detective para hanapin ang isang Mercy Perez na palaging nasasambit ni dad kapag nalalasing siya. And I was so surprised nang malaman kung nasa Baguio lang pala ito at nanay pa ng kabarkada ni Raf. Kaya nga nagulat talaga ako nang malaman kung nililigawan ni Raf ang sarili niyang kapatid. But eventually, I was not the one who spilled out the truth kundi nalaman din ni Rafael from Tita Mercy herself. Alam nyo guys, ang gulo talaga noon, hindi ba Sam? I think that was the

lowest point of Raffys life. He got her first broken heart from his sister and it was so difficult for him to accept all the family issues arising lalo na dahil sobra niyang tinitreasure ang memories ni mommy. Araw-araw siyang lasing at hindi makausap nang maayos. He was so angry, Gery. Sinusumbatan niya si dad noon na niloko lang daw niya ang mom namin. Hindi siya naniniwalang arranged marriage lang ang kasal nila and it was really Tita Mercy all these years. I thought we cant convince him to accept all dads explanation. I cant forget the day when dad brought Tita Mercy and Sam in our house, nagulat kaming lahat nang umiiyak na niyakap ni Raf si Sam. It was very overwhelming, tears were everywhere. I cant explain the emotion when Raf gave his forgiveness and blessing to a new life with Tita Mercy and Sam. Sabi niya, kaya niyang magpatawad lalo na kung ang sinasabing kapatid niya ay walang iba kundi ang babaeng matagal nang naging espesyal sa puso niya. After a year, nagpakasal sina dad at Tita Mercy while Sam and Raf went to Paris to escape all the media controversies na maaaring makasira sa pangalan ni dad bilang isang sikat na hotelier. Nakangiting nagkibit balikat si Ronald. So I guess I said it all. Sana naliwanagan na kayo. Wow, that was tough! Para namang telenovela ang nangyari sa family nyo! Akala talaga namin ni Gery nagpakasal ka na sa college sweetheart mo! Exaggerated na turan ni Acis. Im sorry I wasnt able to update you with all these changes. Mainly because I cant contact you Gery and si Francis naman I heard agad kang pumunta sa Cebu and cut all your connections with the world. Weird talaga kung sino pa yong kabarkada, siya pa ang nahuli sa balita, masayang sabat ni Sam at kay Gery nakatingin. Thats okay Sam, nangyari na eh. Walang problema sa akin, Im just so glad na nagkaroon ka na rin ng buong pamilya with these two brothers, di ba? I hope okay na ang relationship nyo ng dad mo. Nakangiting hinawakan ng Gery ang kamay ni Sam sa mesa. And I think that deserves a tose. Lets cheers to that! Masayang bulalas ni Ronald at itinaas ang kopita ng alak. Agad namang sumunod ang tatlo at masayang nagsabi ng kamPay at sabay na tinungga ang alak. Napansin ni Gery na pulang-pula na ang mukha ni Acis matapos ubusin ang alak na nasa kopita. Muli itong na-refill ng alak sa kopita at tinungo ang harapan ng stage at itinaas pa ang kamay para patahimikin ang lahat. Natatawang napatigil sa pagsasalita si Cherry sa stage at amuse na tinignan lang ang confident na lalaki. Natatawa at nagtataka man, hinayaan na lang ni Gery ang binata sa pinaggagawa nito. Silence please! Nagngitian at nagbulungan ang lahat nang nagsalita si Acis. Automatiko namang natigil ang music at parlor game na gaganapin ng ilang member sa stage. Guys, lend me your eyes and ears for a while, okay? I

just want to express my tremendous happiness na nakita ko kayong lahat ngayong gabi. But one thing that really made my heart jump is the fact na hindi pala mag-asawa sina Samantha at Rafael. Alam nyo ba kung bakit? Kinikilig na tumawa si Acis na para bang may kumikiliti dito. Pigil ang tawang sinulyapan ni Gery ang mga natatawa at nagtatakang mukha nina Ronald, Sam at iba pang sumagot ng oo at hindi sa paligid. Alam na yata niya ang susunod na mangyayari. Hindi? Ang hina nyo naman mga tsong! Patuloy ni Acis. Siyempre dahil noon pa man, may pagtingin na ako para sa pinakamagandang babae dito, walang iba kundi si Sam. Napuno ng bulungan at kantiyawan at automatikong napadako ang lahat ng tingin sa kanya, considering na ipinakilala siyang girlfriend nito at kay Sam na agad namula ang mukha sa sobrang gulat at hiya. Oh my God! Narinig pa niya ang bulalas ng mga babae doon. Hindi man apektado si Gery sa mga nangyayari ngunit gusto niyang sapakin si Francis sa pagiging o.a. at pasaway nito. Hay naku Sammy, lasing na nga yata ang secret lover mo, rinig ni Gery ang natatawang turan ni Ronald sa likod niya. Sam? Narinig mo ba ang sinabi ko? Masaya talaga ako, mahal na kita noon pang college pa tayo. Hindi na niya narinig ang iba pang pinagsasabi ni Acis sa harap nang gagapin ng nag-aalalang si Sam ang kamay niya. Gery?! Whats happening to him? Hindi yata niya alam ang sinasabi niya! OMG, nakakahiya talaga sayo, ikaw pa naman ang girlfriend niya! Everybody is staring at us. Nilingon muna niya ang Kuya Ronald nito at muling tinignan ang natitense nang si Sam. You dont have to worry Sam. Hindi totoong kami ni Francis. Pakana lang niya lahat yon hoping magsisi ka na pinakasalan mo daw si Rafael. OH..MY..GOD.. Nakita niya kung paano nanlaki ang mata ng kaibigan kaya natawa na lamang siya pati na rin ang nakikinig na si Ronald. Pagpasensiyahan nyo na ang kumag na yan. Excuse me, I have to go to the powder room. Graceful siyang tumayo kahit alam niyang sinusundan siya ng tingin ng mga tao na inaakalang nag-walk out na siya.

Mula sa bar section ng function room at nakakubli sa madilim na bahaging iyon, nakita at narinig ni Rafael ang pinagsasabi ng lasing na si Acis

at ang pagwo-walk out ni Gery sa kaganapan. Napatiim siya ng bagang habang sinusundan ng tingin si Gery. Ito ang pinakamagandang babae sa gabing iyon at naiinis siya sa ideyang ipapahiya lang pala ito ng nobyo. Nakita niya ang compose nitong mukha kahit na nagbubulungan na ang lahat. Wala na talaga ang dating emo girl. Walang expression ang mukha nito na tila ba hindi apektado. Para ka nang bato, Gery. Ako ba ang dahilan kung bakit nagbago ka nang ganyan? Blankong tanong niya sa sarili. Kusang kumilos ang mga paa niya upang sundan ang dalagang papunta ng powder room. Walk out queen ka pa rin pala. Yan lang yata ang hindi nabago sayo, pasimpleng niyang turan sa napaigtad na babaeng papalabas ng powder room. Nakita niya ang gulat nitong mukha nang makita siyang nakasandal sa labas ng pinto at nakapamulsa. Agad itong nakabawi sa pagkagulat at kaswal siyang hinarap. Really? You too, hanggang ngayon bastos ka pa rin. Kaswal nitong sagot na ikinatawa ni Raf. Nahagip na naman ng tingin niya ang nakalantad nitong cleavage at makinis nitong braso na muling nagpainit ng kaloob-looban niya. Matagal ko nang alam yon. Ikaw, matagal mo na rin bang alam na mahal ng boyfriend mo ang kapatid ko? O nagbubulag-bulagan ka lang? Parang hindi ka apektado sa nangyari kanina ah. Parang hinihigop si Raf ng matiim na titig sa kanya ng dalaga kahit na magkasalubong ang kilay nito. Oh God, whats happening to me! Its none of your business. Ill go ahead, matigas na tugon nito at tinalikuran na siya at mabilis na humakbang. Agad niya itong sinundan hanggang sa mapadako sila sa bahagi ng hotel kung saan may terrace at abot tanaw ang madilim na kalangitan ng syudad. Wait! Can you just stop running away from me? Pigil ni Rafael sa makinis na braso ng babae. Tumigil nga ito at iritado siyang hinarap. Running away from you? Why should I? Well, if thats the case, you have no reason to turn down my request now. Sa gitna ng pagpapacute niya, kitang-kita ni Raf ang labis na galit sa mga mata ni Gery. Hindi niya mapigilan ang sariling kausapin ito kahit umiiwas ito sa kanya. And what would that be? Naniningkit na sa inis ang mga mata nito. That is samahan mo ko dito sandali. Matamis siyang ngumiti kahit labis siyang kinakabahan sa isasagot nito. Tinalikuran niya si Gery at tinungo

ang terrace ng hotel at nakapamulsang tumanaw sa malayo. Hindi sumagot ang dalaga at ni hindi gumalaw sa kinatatayuan kaya kaswal niyang nilingon ito. Magmumukha kang loser kapag bumalik ka pa sa function room. Hindi ko alam na gago pala ang Francis na yon. Inis niyang turan sa babaeng matalim at taas noo pa ring nakatingin sa kanya.

Chapter 7
Mas gago ka! How dare you face me so easily! Mas lalo kitang kinamumuhian ngayon! Sigaw ni Gery sa isipan. Kuyom ang palad na tinatanaw niya ang bulto ng katawan ni Rafael na nakatanaw sa terrace habang kaswal siyang kinakausap tungkol sa panggagago ni Acis sa kanya. Kung kaya nitong harapin siya nang ganoon kadali, ipaparamdam din niya dito na wala na itong kuwenta sa buhay niya. Compose niyang tinungo ang terrace at pumuwesto malapit kay Raf. Magalit ka sa magaling mong boyfriend, huwag kay Sam. Hindi niya alam na siya pala ang mahal ng gagong yon. If you want to cry, go on. If you want to leave, do so. It was not easy hearing that all. Naramdaman ni Gery ang sinseridad nito gaya ng advises nito sa kanya noon pero puno ng galit ang puso niya para makinig dito. Hearing that advise from an old friend after five years, why would I listen to you? Sarcastic niyang tugon at dumistansiya dito. Gusto niyang malaman kung ano ang isasagot nito at kung worthy ito sa kapatawaran niya kahit sa isip lang. Sa kabila ng iniisip, hindi niya maiwasang humanga sa angkin nitong karisma hanggang ngayon at nasasamyo pa niya ang male scent nito na may kakaibang hatid sa kabuuan niya. Bakit hindi? What do you want to do? You wont mind a bit kahit sobra nang sakit? Magpapakatanga ka naman gaya ng Natigilan ito at tila ba hirap ipagpatuloy ang sasabihin. Gaya ng ano, Rafael? Say itGaya ng ginawa ko sayo noon? Dont worry, I will never do that again. Lets drop this subject, mauna na ako. Napatiim bagang siya nang muling maisip na hanggang ngayon, isang katangahan lang ang lahat ng nangyari noon para sa binata. Tumalikod siya para itago ang nagbabanta niyang luha ngunit bago pa siya makahakbang palayo ay naramdaman niya ang masuyong paggagap nito sa kamay niya. Wala siyang nagawa kundi ang mag-angat ng mukha kahit makita pa nito ang mga luha niya.

Hes not worthy of that tears, matigas ngunit mahina nitong turan at bigla na lang siya nitong hinila sa katawan nito sabay hawak sa pisngi niya at masuyong siyang hinalikan sa labi. Pakiramdam ni Gery sinilaban ang buo niyang katawan nang maramdaman ang malambot nitong labi, ang mainit nitong palad sa pisngi niya at ang hawak nito sa bewang niya. Para siyang kinuryente at hindi niya alam kung anong dapat gawin at maramdaman maliban lang sa hindi mapantayang sakit na nasa puso niya sa mga oras na iyon. Hindi siya kumilos, hindi siya tumugon sa mainit nitong halik. Ginupo ng sakit ang init ng kanyang katawan. Paano nagagawa ng lalaking to na sirain ang inilagay niyang kalasag sa pagkatao niya? Paano nito napaglalaruan ang naghihirap niyang puso? Dahan-dahang lumayo ang mukha ni Rafael at matiim siyang tinitigan sa mata at nooon lang niya nalamang panay ang pagtulo ng luha niya sa pisngi. ImIm sorry, nauutal na sambit nito at masuyong pinahid ang luha niya gamit ang daliri nito. Kung hindi lang niya alam na pinaglalaruan lang siya nito, malamang maniniwala siyang totoong pagmamahal ang nakikita niya sa mga mata nito. Im sorry pinaiyak kita, pero hindi ako magsosorry sa halik na yon. I have always wanted to kiss you the day I saw you at the university, mahina nitong turan na para bang siya lang ang tao sa paligid. Nagawa mo na ba ang gusto mong gawin? I thought time could change you, Rafael. Hanggang ngayon, wala ka pa ring modo. Puno ng hinanakit siyang lumayo dito at pinigilan ang muling pagluha. Gery Tinangka pa nitong hawakan ang kamay niya ngunit agad siyang lumayo dito. Dont worry. That kiss is nonsense for me. You may be a good kisser, but youre still the flirt and arrogant guy I once knew. Nevertheless, nice meeting you again, Mr. Rodriguez. Composed siyang tumalikod dito at sinikap maglakad ng diretso kahit ayaw na ng puso niya. Naiwan si Rafael doon na napatiim bagang sa iniwang salita ng dalaga.

Where are you going? Agad napatigil ng paghakbang pababa ng staircase si Sam nang marinig ang boses ng kapatid na nasa sala ng bahay. Good afternoon, boo! San ka ba nagpunta kagabi at bigla ka na lang nawala sa party? Anong oras ka na nakauwi? Gigisingin sana kita kaninang

breakfast kaya lang ang sarap pa ng tulog mo. Masayang bumaba ang nakabihis na babae at masigla siyang hinalikan sa pisngi. Huwag mong ibahin ang usapan, Samantha. Bakit ka nakabihis? Sa pagkakaalam ko, wala ka namang sked sa ospital na pinapasukan mo ngayong araw. Parang striktong tatay siya kung makapamewang sa kapatid. Epekto na siguro ito ng alak at walang tulog kagabi. Matapos ang encounter nila ni Gery, agad siyang umalis ng hotel at itinuloy ang pag-inom sa bar ng kanyang kaibigan at madaling araw nang nakauwi. Kahit anong gawin niya, hindi mawaglit sa isip niya ang mga salitang narinig niya mula sa babaeng hindi maalis-alis sa isip niya, at iyon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya. Hay nako hijo, umandar na naman yang pagkapossesive mo! sabat ni Yaya Marcy na bigla na lang sumulpot mula sa kusina na may dalang tasa ng kape at sandwich. Hijo, dito ko lang ilalagay ang kape mo ha. Nasasanay ka nang maging kuya ha! panunukso ng matanda habang nilalagay ang tray sa glass table. Oo nga, yaya. Masyado nang O.A.! Sige po, pagalitan niyo nga yan. Pinagtulungan nyo naman ako. Im just asking where you are going. You sound so defensive. Kinagat pa ni Sam ang labi na tila ba nag-aalangang sumagot. Sa bahay nila Acis. What? At ano naman ang gagawin mo sa bahay ng boyfriend ni Gery?! Tumaas ang boses niya nang maalala ang ginawang eksena ng lalaki sa reunion. Boyfriend ni Gery si Acis?! Kailan pa? Naku mga batang ire, hindi man lang ikinuwento kung anong nangyari sa reunion kahapon. Nagkita na ba kayo ni Gery, Raf? Naku, miss na miss ko na ang batang yon! Masayang nakisali sa usapan ang kengkay na matanda ngunit hindi na niya ito napansin sa labis na inis sa kapatid. Sam, answer me! Naisip mo ba na nasaktan ng lalaking yon si Gery kagabi at ngayon may gana ka pang puntahan ang gagong yon! Boo, relax ka lang. Masyado ka namang high blood eh, natatawang sagot ni Sam na hindi apektado sa salubong na kilay niya. Listen to me, hindi totoong magboyfriend sila, okay? Ginudtaym lang tayo ni Acis. Actually napilitan lang si Gery na sakyan ang kalokohan ni Acis. And about sa living in thingy, Acis is just renting a room in Gerys condo. What? Mas lalong tumindi ang inis ni Raf nang marinig yon. Bakit nila tayo pinaniwala na sila na? Pag nakita ko ang Francis na yan, sasapakin

ko talaga siya. At ikaw, why does it concern you a lot at kailangan mo pa siyang puntahan ngayon? Saglit na napangiti nang matamis ang dalaga at tila ba naiilang sa sasabihin. Kasi boo, nalasing siya kagabi. Sinabi niya sa lahat na kaya lang siya nagkunwari dahil nasasaktan siya sa pag-aakalang mag-asawa tayo. Mahal niya ako boo. Kinikilig na napakapit si Sam sa braso niya. Ano? Mahal ka ni Acis? Naku, nagugulat ako mga bata kayo! sabat ng matandang kanina pa nakikinig at napapatakip ng bibig sa sobrang gulat. Ano? Bye, boo. See you later! Kumaway pa si Sam bago tuluyang lumabas ng bahay na masaya ang mukha at patalon-talon pa. Napapasinghap na lamang siya sa inis at kung hindi lang mainit ang ulo niya kanina pa siya natawa sa naguguluhang mukha ng kanyang yaya na para bang naghihintay ng kuwento niya.

Anak, aalis ka na ba talaga? Kahapon lang natapos ang reunion ninyo tapos ngayon aalis ka na agad? Hindi ka man lang mapirmi dito sa bahay para naman magkakwentuhan tayo kahit ilang araw lang. Malungkot ang mukha ni Elisa habang tinutulungan si Gery na ayusin ang di kalakihan niyang traveling bag sa sala ng bahay. Pasensiya na ma, ha, ang dami kasing naiwang trabaho eh. Ang dami ko nang tawag sa opisina, kinukulit na rin ako ni Nathaniel na bumalik sa trabaho, aniya habang chini-check ang laman ng kanyang shoulder bag. Nakaayos na siya at handang-handa nang bumalik ng Manila. Kaninang umaga pa lang niya sinabi sa ina na aalis na siya kinahapunan. Hindi mo lang ba hihintayin si Mark at papa mo para makapagpaalam? Wala namang pakialam si papa kahit nandito pa ako sa bahay eh. Okay lang sa kanya yon. Tatawagan ko na lang si Mark mamaya, ma. May kung ano namang sumundot sa dibdib ni Gery nang maisip niya ang ama at ramdam niya ang pagbuntong-hininga ng kanya ina. Magsasalita pa sana si Elisa nang tumunog ang cellphone ni Gery sa mesa. Kinuha niya iyon at sinagot.

Can anyone tell me what really happened last night? Paos na boses ni Acis ang narinig niya sa kabilang linya na tila may nararamdam na sakit sa katawan. Do you really want to hear my answer? O gusto mo lang i-confirm kung talagang sinabi mo sa lahat kung gaano mo kamahal si Samantha pagkapatapos ay nagpass-out ka sa kalasingan? Oh God! Barilin mo na ko, Gery! Shoot me straight in my face!! Napangiti si Gery sa sobrang kahihiyan sa boses ng lalaki na ini-imagine na niyang sinasabunutan na ang sarili. Nakarinig si Gery ng doorbell at nakita niyang tumayo ang ina at tinungo ang labas. Now how can I face Sam?! Gery, tulungan mo ko! No, no, no. You face it alone. Kagagawan mo yan. Inawat na kita kagabi pero you never listened. So please Im going back to---" Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang bulto ng katawang pumasok sa sala kasama ng mama niya. Namilog ang kanyang mata nang makita ang nakangiting mukha ni Rafael na nakasuot ng kaswal na poloshirt, khaki shorts at rubber sandals. Napansin niyang magiliw pa rin ang pagtanggap ng ina sa kabila ng hindi pa nasasara na isyung nasangkutan ng pamilya niya dahil sa pag-aaway nila ng binata noon. Hello, Gery. Are you still there? Hello? IIll just call you later. Tense niyang ibinaba ang telepono at kunotnoong tumayo mula sa sofa.

Chapter 8
Anong ginagawa mo dito? Kalmadong tanong niya sa lalaking panay ang ngiti kay Elisa. Maupo ka muna, hijo. Mabuti naman at napadalaw ka sa amin. Magiliw na iginiya nitong maupo si Rafael. Na-miss ko na ho kasi kayo eh. Parang walang itinanda ang mukha nyo, tita. Napatiim ng bagang siya nang makita kung paano magpacute ang binata sa mama niya na para bang walang sumbatang nangyari noon. Wala siyang magawa kundi ang mamewang sa harap ng dalawang nakaupo.

Naku, nambola pa ang batang to. Ano, kumusta ka na? Nagulat talaga ako sa kuwento nitong si Gery na magkapatid kayo ni Sam. Diyos ko, ang liit lang talaga ng mundo. Oo nga po eh. Ang dami ko po sanang ikukuwento sa inyo kaya lang may lakad ho kami ni Gery ngayon. Ha? Anong lakad? Eh babalik na yan ng Maynila ngayon eh. Mabilis niyang kinuha ang shoulder bag at traveling bag sa mesa at humalik sa pisngi ni Elisa. Oo nga. Alis na ako, ma. Kayo na po ang bahala sa bisita nyo. Ill go ahead. Actually tita may lakad kaming apat ngayon. Ang tagal naming hindi nagkita, plano ho sana namin na mag-get together gaya ng dati. Napabuka ang bibig ni Gery sa sobrang pagtataka at inis sa mga naririnig mula sa binata na tingin niya ay sobrang plastic. Kaya talaga ako nandito ngayon is to convince your daughter na huwag na munang lumuwas. Nagtatampo na kasi si Sam sa kanya eh. Pakiramdam niya nagbago na si Gery. Ano? Pwede ba--- May lakad pala kayo anak, bat nagmamadali kang lumuwas? Ma, hindi--- Okay lang ho ba kung sumama sa akin si Gery ngayon? Napakuyom ng palad si Gery. Obvious talagang hindi siya pinagsasalita ng hinayupak. At parang pinapalabas pa nito na kaya nitong kontrolin ang buhay niya pati ang sarili niyang ina! Siyempre naman. Para namang hindi kayo magkaibigan noon. Ingatan mo tong si Gery ha. Marami nang nagpapa-autograph nito sa daan. Magiliw pang tumawa si Elisa. Dont worry po, tita. Tatawagan ko agad kayo kapag nakarating na kami sa pupuntahan namin. Ma Sige po, aalis na ho kami. Mabilis na binitbit nito ang traveling bag niya at masuyo na siyang hinawakan sa braso palabas ng bahay. Gustonggusto niyang sumigaw sa nangyayari ngunit pinigil niya ang sarili hanggang sa maihatid sila ng ina sa labas ng gate kung saan nakaparada ang Estrada ng binata.

Whats this all about? Kaagad niyang asik matapos maisara ni Elisa ang gate at magkaharap na sila ng lalaking kaagad nilagay ang bag sa backseat ng sasakyan. Give me my bag, ano ba? You are harassing me. Cant you understand that I dont want to go with you? Mabilis niyang binawi ang kanyang bag mula rito. Babalik ka ng Manila nang hindi man lang nagpapaalam sa amin? Ginagamit mo ang kunwaring pagpapahiya sayo ni Acis sa reunion para makatakas dito. Para sabihin ko sayo, alam na ng lahat na hindi kayo ni Acis, ganting turan ni Raf na agad nawala ang ngiti sa mukha habang matiim siyang tinitigan. You know what, Rafael? I really dont give a damn kung malaman nyong lahat na hindi kami. At wala din itong kinalaman kung bakit babalik na ako ng Manila ngayon. As you know, being a broadcaster is way too far from being a businessman. Nakita pa niya ang pagguhit ng ismid sa labi ng binata. So tama nga ang napapansin ko, nagbago ka na talaga. Kung inaakala mong bukal sa loob tong ginagawa kong pamimilit sayo, nagkakamali ka. Kinuha nito ang Iphone sa bulsa, pumindot at inabot sa kanya. Heto, tignan mo. Rumehistro ang mukha ni Sam sa screen na nakangiti at masaya pang kumaway. Hello Gery! Hindi ka ma-contact kahapon kaya pinapunta ko na lang si Raf sa inyo para sunduin ka. Im here in Victorias Resort in Subic. Remember dito tayo palaging pumupunta noon. Aasahan kita dito ha. Magtatampo talaga ako kapag tumanggi ka. Please!!! At tumigil na ang video ng babae. Matalim niyang tinignan ang nakangiting mukha ni Rafael dahil sa epekto ng mga sinabi ni Sam sa kanya. I know you dont want to see even the tip of my hair pero sana naman hindi mo tatanggihan si Sam sa hiling niya. Kahapon pa yon excited na makakuwentuhan ka nang matagal. Kaya pwede ba sumakay ka na para makalis na tayo? Naramdaman na lamang ni Gery na binubuksan na ni Rafael ang front seat para makapasok siya. Hindi na siya nagtangka pang magsalita. Hindi naman siya kasing tigas ng bato para tanggihan si Sam na minsan din niyang itinuring na matalik na kaibigan kahit pa ang kapalit non ay ang pagsama niya sa taong pinakaiiwasan niya.

Mag-aalasais na ng gabi at madilim na ang kalangitan nang maiparada ni Rafael ang sasakyan sa parking area ng resort. Sa haba ng biyahe hindi siya nagkalakas ng loob na kausapin ang kanina pang tahimik na dalaga. Lumabas siya para pagbuksan ito ng pinto ngunit nagkusa itong bumaba ng kotse.

Marami-raming sasakyan ang naka-park doon kahit na hindi peak season ang petsa ngayon. Kung sabagay, magaling mamahala ang kapatid ng mama niyang si Vanna sa resort kaya dinadayo talaga ito ng mga parokyano. Maliwanag ang paligid dulot ng makukulay na lanterns na nakasabit sa mga pandak na coconut trees na nakakalat sa paligid ng resort. May hotel, swimming pool, spa center, restobar at cottages. Iniregalo ito ng daddy niya sa kanyang mommy dahil sa hilig nito sa dagat. Kaya noong namatay ang ina niya, pinili ni Raf na ang paborito niyang tita ang mamahala sa dating haven nito. Tawagan mo na si Sam para mapuntahan ko na siya. Naputol ang pagmuni-muni ni Raf nang magsalita si Gery na kasabay niya sa paglalakad papunta sa reserved cottage na nasa tabi talaga ng dalampasigan. Ha? AhhI was trying to call her pero kanina pa busy ang phone niya eh, Kinakabahan niyang sagot. Kunot-noong napahinto ng paglalakad si Gery at matalim na naman siyang tinitigan. Hindi nito alam kung gaano siya ka-cute tignan na nakaslacks at nakahigh heels na naglalakad sa buhanginan. Nililipad ng hangin ang mahaba at itim nitong buhok at kahit dim ang liwanag na nagmumula sa mga lantern, kitang-kita ang naka-pout nitong lips na tila ba kay sarap halikan. Niloloko mo ba ako? Of course not. Kung ganun, dalhin mo na ako sa room niya para makapag-usap na kami nang magdamag dahil wala akong planong magtagal pa dito ng ilang araw. I need to go back to work! Point well taken, Ms. Broadcaster. But for now, hindi ko mahagilap si Sam kaya ang maaari mo lang gawin ay ang magpahinga. Halika na. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at hinila na sa cottage. Ramdam niya ang pinipigilan nitong galit pero sisiguraduhin niyang hindi siya nito kayang paalisin. Binuksan niya ang pinto at hinila sa loob. This is your room, heres the key, change your clothes and rest. Babalikan kita mamaya. You cant do this to me, composed na turan ng dalaga nang makita lumalabas na siya ng cottage. Yes, I can. No buts Geraldine, Ill see you later, aniya at sinara na ang pinto. Huwag ka munang magpakita Samantha. Gusto ko munang masolo si may. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Rafael habang naglalakad papunta sa Hotel Victoria.

The nerve! Naggagalaiting sigaw ni Gery sa isipan niya. Inis na inis siya sa sarili kung bakit hinahayaan niyang kontrolin siya ng lalaking iyon. Matagal nang nilamon ng lupa ang dating mabait at masayahing bestfriend noon at pinalitan ng mayabang at antipatikong lalaki na para bang may amnesia sa lahat ng nangyari noon. Nagsisimula na rin siyang mainis kay Sam. Nasan na ito? Three more tequila please, utos niya sa binatilyong bartender ng disco club doon. Magiliw naman itong tumango na kanina pa nagsisenyasan sa isa pang babaeng bartender. Nagbihis siya ng simpleng white sleeveless dress na hapit sa kanyang bewang. Hindi niya napapansing marami ang napapalingon at nakakakilala sa kanya. Mabilis niyang nilagok ang kalalapag palang na tequila, kumuha ng lemon at sinipsip. Magdadalawang oras na siya doon pero wala siyang pakialam sa ingay ng music at tawanan ng mga taong nagsasayaw sa dance floor. Matapos maubos ang ikatlong bagong lapag na tequila ay umikot na ang paningin niya. Tatayo na sana siya nang biglang umikot ang mundo niya ngunit bago pa siya matumba ay may simpatikong lalaking sumalo sa kanya. Nagsalita ito ng kung ano-ano at naramdaman na lang niya na sumasayaw na siya sa dance floor kasama ng lalaking panay ang hawak sa bewang niya.

Pawis na pawis na si Rafael sa kakalakad at kakahanap kay Gery. Binalikan niya ito sa cottage after an hour para imbitahing mag-dinner pero hindi na niya ito mahagilap. Hindi niya inaasahang matatagpuan niya ito sa loob ng maingay at magulong disco club at sensual na nagsasayaw kasama ang isang machong lalaki at dalawa pa nitong mga lalaking kasamahan na panay ang tawanan. Nakakuyom ang dalawang palad na lumapit siya sa mga ito at mabilis na hinawakan ang kamay ng nagulat na dalaga. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang galit sa loob ng mahabang panahon. Rafael! Gulat na bulalas ng lasing na si Gery na halos hindi na makatayo nang maayos. Im sorry guys, shes my date, turan niya sa tatlong lalaking agad napaangat ng mukha sa paghawak niya sa kamay ni Gery. Eh ano ngayon? Sino ka ba? Hindi mo siguro kilala kung sino ako, maangas at iritadong turan ng lalaking kasayaw ni Gery.

Wala akong balak kilalanin ka. Kung hindi ka mapakiusapan ng matino, better get off dahil hindi mo rin kilala ang kaharap mo. Nagpupuyos sa galit na hinila niya si Gery palabas ng club. Hindi na napansin ni Rafael ang flash ng camera mula sa madilim na sulok ng dance floor. Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Nagpupumiglas ang dalaga mula pagkakahawak niya. Kusa niyang binitiwan ito at tiim bagang na hinarap ang pasuray-suray na babae sa buhanginan. Ano bang problema mo ha? Anong karapatan mong sugurin ako doon at kaladkarin ako dito ha?! Anong gusto mong gawin ko, pabayaan ka na lang bastusin ng mga gagong yon? I maybe arrogant as you said but Im not insensitive like you! Nagulat pa siya nang malutong na tumawa ang dalaga at pasuray-suray na umikot-ikot. Lasing na nga talaga ito. Oh give me a break, Rafael! Kailangan ka pa naging concern sa akin ha? Baka gusto mong iuntog ko yang ulo mo para maalala mo lahat ng nangyari sa atin. Hay, nakakatawa talaga. Tawa pa rin ng tawa si Gery kaya napabuntong hininga si Rafael. Sinugod siya ng matinding guilt habang pinagmamasdan ang babaeng sobra niyang nasaktan at heto siya mayabang na nagkukunwaring isa lang iyong simpleng tampuhan. Come on. Youre drunk, you need some rest. Masuyo niyang hinawakan ito sa bewang para huwag itong matumba. Hindi pa rin ito tumitigil sa seductive nitong tawa na nagpapainit ng buo niyang katawan. No, wait. Hindi ako lasing. Kaya ko pang maglakad mag-isa, tignan mo, Nagtangka itong maglakad subalit mabilis ding napaluhod. For Gods sake Gery, umayos ka nga. Ano ba ang nakain mot naisipan mong maglasing? tiim bagang niyang turan sa babae gahibla lang ang layo ng mukha mula sa kanya. Konting control na lang ang natitira sa kanya para huwag halikan ang babaeng kanina pa niya niyayakap sa bewang. You know what? Theres a bullshit in my head that I really cant get off, lupaypay nitong tugon. Really? Ako din, kanina pa kita gustong halikan at ihiga sa malambot mong kama, diretso din niyang sagot dito. Hahakbang na sana siya nang marinig ang mga hikbi ni Gery. Pay Saglit na huminto ang mundo ni Rafael nang marinig ang tawag na iyon. Hinagilap niya ang mga mata ni Gery na ngayon ay lumuluha na. Pay...ikaw ba yan Pay? Ginagap ni Gery ang pisngi ng binatang titig na titig sa dalaga.

May Hindi maipaliwanag ni Rafael ang bilis ng tibok ng kanyang puso sa mga oras na iyon nang lalo na nang makita niyang lumuluha na si Gery. Ang ginaw, Paybasang-basa ang damit ko oh. Nag-away kami ni papa, pinalayas niya ako dahil talunan daw ako, pati sa pagmamahal ko sayo, talunan pa rin daw ako. Payayaw akong papasukin ni manong sa gate nyo. Naririnig mo ba ako, Pay? Tinatawag kita pero hindi kita makita. Ang lakas ng ulan, ang dulas ng daan, ang bilis ng vanang daming dugo Pay Itinaas ni Gery ang right wrist at ipinakita ang pahabang pilat. God, what have I done? Nagsisising usal ni Raf sa sarili at hindi na pinigil ang luhang kumawala sa mga mata. Tama na, maytama na aniya sabay punas sa luhang nasa pisngi nito at hinilat niyakap nang napakahigpit. Doon lang niya napagtanto kung gaano kalaki ang kasalanan niya sa dating kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya nang buong-buo. Tawagin na nila akong tanga, mahal na mahal kita, Pay, usal nito at halos huminto ang tibok ng kanyang puso nang marinig iyon. Kumalas siya ng yakap at masuyong niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Lumuluha man ang babaeng ito ngayon, si Gery na yata ang pinakamagandang babae sa paningin niya kaya hindi siya nagdalawang isip na ilapit ang mukha dito at masuyong halikan sa labi. Naramdaman niya ang agad na pagtugon ng dalaga sa bawat kilos ng labi niya na para bang nagsasabing laliman pa niya ang halik at huwag huminto. How can I stop kissing you, may, when all I can feel is your softness under my touch? I never felt so much seduction in my whole life, ngayon lang may now I understand why people say first love never fades

Chapter 9
Pagmulat palang ng mata ni Gery, agad na siyang inatake ng matinding sakit ng ulo. Maaliwalas ang kulay aquamarine na silid, nakahiga siya sa malambot na kama at air-conditioned ang paligid. Doon lang niya napagtanto na nasa sariling cottage pala siya at nakasuot lang ng long sleeve polo. Long sleeve polo?! Bakit ito lang ang suot ko?! Hindi akin to. Anong nangyari kagabi? Napabalikwas ng bangon ang dalaga habang panay ang ikot sa kama sabay tingin sa panloob niyang damit. Wala naman siyang nararamdamang hapdi sa alinmang parte ng katawan.

Tumayo siya at agad natigilan nang makita ang red rose petals na nakakalat sa sahig hanggang sa may pintuan. Kinakabahan siyang naglakad at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang well prepared na table for two sa balkonahe ng cottage na naglalaman ng masasarap na breakfast food. Nakabackground dito ang malawak na karagatan at preskong hampas ng hangin. Napaatras siya nang may biglang sumulpot na tangkay ng puting rosas sa harapan niya. Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang nakangiting mukha ni Rafael na lumabas sa kung saan tangan ang puting rosas. Good morning. Gising na pala ang Mamay ko. Breakfast is ready. Anong ibig sabihin nito? Bakit ganito ang suot ko? Anong ginawa mo sa akin kagabi ha?! Hindi niya mapigilan ang sariling huwag itong pagtaasan ng boses. Nagpa-panic na ang dibdib niya sa maaaring sagot nito at pilit niyang inalala kung may nangyari hindi dapat mangyari. May Dont call me that name! Sagutin mo na lang ang mga tanong ko. At saka, ano to? Para san ang mga to! Answer me! Aniya at winasiwas ang bulaklak na nasa kamay sa nakahandang mesa. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang dalawang braso niya. Will you calm down? Walang nangyari sa atin kung yon ang gusto mong malaman. Youre so drunk last night kaya pinalitan ko ang damit mo para mapreskuhan ka. What?! Bastos ka talaga! Sa sobrang galit ay nahampas niya ang dibdib nito. Sana pinabayaan mo na lang akong nakahandusay dyan! Kung ganun, nakita mo na ang lahat? Hayop ka talaga! Sa kabila ng ilag ng binata sa mga hampas niya, gumuhit pa rin ang pilyong ngiti nito sa mukha. Hindi naman lahat, slight lang. Pero naalala ko ang sinabi mo sa kin noon, na ang future husband mo lang ang makakakita ng hubad mong katawan. Pano ba yan may, ibig sabihin ba niyan ako ang future husband mo? Turan nito at nakakalokong tumawa. Ano?! Ang kapal mo talaga! I had enough, Rafael. Sabihin mo kay Sam hindi ko na siya mahihintay. Im leaving, Namumulang tinalikuran niya ito at mabilis na pumasok ng cottage. Hiyang-hiya siya sa mga nangyayari ngayon at wala na siyang mukhang maihaharap sa binata lalo na malinaw na sa alaala niya ang nangyari kagabi. Nalasing siya, umiyak at naghalikan sila ni Rafael. Ngunit bago pa niya makuha ang travelling bag sa silya ay mabilis na siyang hinawakan ni Rafael sa braso at pinaharap rito.

No, youre not leaving. Not yet. Not until marinig mo lahat ng sasabihin ko sayo. Pinigil ni Gery ang sariling magsalita nang makitang tila naghihirap ang mukha ng binata. Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy. Nahigit niya ang hininga sa unti-unting pagluhod nito sa kanyang harapan hawak-hawak ang dalawa niyang kamay. Nagmamakaawa ang mukha nitong tiningala siya. I know its too late to say this. Youve been wounded, abandoned and was torned apart at ako ang nagdulot non lahat sayo. Im so sorry, may. It has been five years at sa loob ng mga panahon na yon, I know Ive been so stupid and irrational. Nagpatalo ako sa damdamin ko noon para kay Samantha. I mistook love from being so possessive and infatuated. Alaka ko pagmamahal na ang galit na nasa dibdib ko sa tuwing nakikita ko si Sam na nililigawan ng mga lalaki. Nagkamali talaga ako, may. Nakaya kong itakwil ang taong hindi nagsasawang mahalin ako. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sayo Nagflash back lahat ng sakit kay Gery habang pinapakinggan ang binata. Hindi niya mapigil ang pagbalong ng kanyang mga luha. Handa na ba siyang magpatawad? Patawarin mo ko, may. Kung hindi mo naging kapatid si Samantha, nakaluhod ka kaya ngayon sa harapan ko? Youre so unfair, Rafael, puno ng hinanakit niyang sagot. Hindi ito nakaimik kaya't pinilit niyang makawala sa hawak nito. May, please Sa halip na pakawalan, naluluhang tumayo si Rafael at mahigpit siyang niyakap. Im begging you, patawarin mo na ako. Hindi ganun kadali yon. You have no idea how hurt and shattered I was that night. Umiiyak niyang sagot at tinangkang lumayo rito. I know, I knowbut please may, give me a chance to make it up to you. Please Napahagulgol na lamang siya sa balikat nito. Tama bang patawarin niya ang dating matalik na kaibigan? Or she just cant resist the longing she felt for Rafael for a long timeSubalit pagod na siyang mag-ipon ng matinding galit sa puso. Wala naman sigurong masama kung matuto siyang magpatawad at kalimutan ang nakaraan. Pay Bigla na lang niyang nausal sa gitna ng kanyang hikbi. At alam niyang iyon lang ang hinihintay ng binata para mapangiti nang matamis.

Natatabunan ng makakapal at puting ulap ang haring araw na nagdudulot ng malamig na temperatura sa karagatan. Lumalamig ang hampas

ng hangin sa dalampasigan. Kung malungkot at nagtatago ang araw, kabaligtaran naman ang pakiramdam ni Rafael sa mga oras na yon. Mula sa puno malapit sa cottage ni Gery, tanaw niya ang dalaga sa dalampasigan na masayang tinutulungan ang dalawang batang gumagawa ng sand castle. Napakaganda nito sa suot na puti at mabahang halter type cotton blouse at white shorts. Tinatangay ng hangin ang mahaba at itim nitong buhok na para bang kay sarap amuyin at hagkan. Naputol ang pag-oobserba niya dito nang mag-angat ito ng mukha at matamis siyang nginitian. Tila na out of place ang puso niya sa lakas ng paglundag nito. Halos hindi siya makahinga sa sobrang saya. Gumanti siya ng ngiti at masayang kumaway sa dalaga. Ang dami nilang ginawa sa araw na yon. Nagjetski, sailing, scuba diving at kumain sila sa floating restaurant ng resort ng ibat ibang seafoods. Doon lang niya na-realize kung gaano niya namiss ang bestfriend. Sobrang saya niya nang nakita niya itong humalakhak, nagbiro, nag-make face at nakipaghabulan sa kanya sa jetski. He felt the mask peeled off. Youre really extraordinary, may. Ganyan ka pa rin siguro kaganda kapag mga anak na natin ang tinutulungan mong gumawa ng sand castle. Sinugod ng matinding kaba si Rafael nang pumasok sa isip niya ang bagay na yon. Hindi dapat ganito ang takbo ng isip niya ngayon. Ayaw niya munang isipin ang mga bagay-bagay sapagkat gusto niyang sulitin ang panahon kasama ang dalaga. Napabuntong-hininga siya at nilapitan ang dalaga. May, maglakad-lakad muna tayo don. Aniya at lumapit sa dalagang nakangiting tumayo at pinagpag ang mabuhanging palad. Masuyo niyang ginagap ang kamay nito. Pay, marumi ang kamay ko. Okay langI just want to hold your hands like this. Agad niyang sagot sa dalagang napangiti na lamang nang matamis. Hindi talaga nagsasawa si Rafael na titigan ang mukha nito. Tita Gery, siya po ba ang boyfriend nyo? Napalingon ang dalawa nang magsalita ang tabachoy na batang babae kasama ang kapatid na kanina pa napahinto sa ginagawang sand castle. Naku, hindi Gwen. Siya si Rafael, kaibigan ko. Natatawang sagot ni Gery. Huwag kayong maniwala sa Tita Gery nyo, boyfriend nya ako. Pwede ko ba siyang mahiram sa inyo sandali? Sabat din niya at natawa sa nakitang reaksyon ng dalaga. Pabirong hinila na niya si Gery palayo sa dalawang bata.

Tita, hindi kayo bagay! Pilyo at nakasimangot na pahabol ng batang lalaki na totoong nagpatawa sa dalawa habang patakbong lumalayo sa mga bubwit. Bakit mo naman sinabi yon, nagalit tuloy ang batang yon. Sira-ulo ka talaga Natatawang turan nito nang malayo-layo na sila. Natawa si Rafael at malambing na hinila ito palapit sa katawan niya. May, Ligo tayo.. Ha? Nagulat si Gery nang bigla na lang siyang buhatin ni Rafael at nagtatakbong lumusong sa dagat. Nang makasinghap ng hangin ang dalaga ay isang malakas na hampas sa balikat ang natanggap niya. Akala ni Rafael nagalit ito sa ginawa niya bagkus sinundan ito ng masayang tawa at tuluyan na silang naglaro sa mga alon. Sa gitna ng paglalaro ng dalawa, bigla na lang nagkalapit ang mga mukha nila. Nagkatitigan na para bang naririnig nilang pareho ang tibok ng kanilang mga puso. Kusang kumilos ang braso ni Rafael at hinapit ang bewang ng dalaga at hinilang palapit sa nag-iinit niyang katawan. Mas lalong nagsilab ang kanyang pakiramdam nang maaninag ang bra na suot ni Gery mula sa manipis at basa nitong blouse na nagpapalis ng kanyang self-control. Inilapit niya ang sariling mukha at siniil ng halik ang malalambot na labi nito. Halos iluwa ni Rafael ang puso sa lakas ng kabog nito lalo na nang maramdaman ang pagtugon ni Gery sa bawat kilos ng kanyang labi. Iyon na yata ang hudyat na hinihintay niya para laliman pa ang halik at magsaliksik pa lalo sa malambot at mapupulang labi ng dalaga.

Walang ibang nararamdaman si Gery ngayon kundi ang hindi maipaliwanag na kaligayahan. Magkahawak kamay silang naglalakad ngayon sa lalaking nag-iisang nagmamay-ari ng kanyang puso. Tumatawa at naglolokohan na para bang wala silang ibang iniisip sa mundo. Matagal ang naging halikan nila kanina, walang gustong magsalita at magpaliwanag. Pero siguro nga iba ang pusong nagmamahal, kayang mangusap ng kanilang puso kahit hindi nagsasalita. Madilim na ang kalangitan nang matapos silang mag-swimming. Kahit basang-basa pa ang mga katawan nila, nagtatawanan at magkahawak kamay pa rin silang bumalik sa cottage ni Gery. Automatikong natigilan ang dalawa sa katatawa nang makita sina Sam, Acis at isa pang babae. Nakaupo ang mga ito sa puting couch na nasa balkonahe ng cottage. Paakyat na sila ng hagdanan nang maramdaman ni Gery ang pagkawala ng ngiti ni Rafael at ang dahan-dahang pagbitaw nito sa kanyang kamay.

Sam, Acis! Nakangiti niyang turan nang sabay na tumayo ang tatlo na kapwa nakangiti. Babes! I missed you so much! Laking gulat ni Gery nang makitang malambing na sinugod ng yakap ng magandang babae si Rafael at mariin pang hinalikan sa labi. Gery, its nice to see you. Mukhang okay na pala ang lahat. Nakangiting hinawakan ni Sam ang kamay niya at makahulugang sinulyapan ang kapatid. Im so sorry I wasnt able to come back last day. Pinuntahan ko pa kasi si Francis eh and unexpectedly dumating si Nancy. Oh by the way Boo, para ka namang nakakita ng multo dyan. Ipakilala mo naman kay Gery ang fiance mo. Fiancee?! Sam, I was already expecting his reaction. You know he hates surprises kaya nga gustong-gusto ko siyang sorpresahin eh, di ba babes? Malambing na tumawa ang babaeng may Asian feature. Sa tingin ni Gery, para itong artista sa mga Korean telenovela. Napakaputi at napakakinis ng balat nito. Nakapony tail lang ang buhok at nakasuot ng yellow sundress ngunit palagay niya para na itong model sa sobrang ganda. Ahh..Am..Babes, this is---- You must be Gery. Pinutol ni Nancy ang sasabihin ni Rafael at bubbly siyang hinarap nito. Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya para siyang kandilang unti-unting nauupos sa mga oras na yon. Hi, Im Nancy, Rafaels fiance. Hindi alam ni Gery kung paano niya tinanggap ang pakikipagkamay ng babae sa gitna ng pagkakawasak ng kanyang puso. Im sorry kung nadistorbo ko ang reunion ninyo ha. I just miss him tremendously that I really flied almost 2 days straight from Paris. Im really happy to meet my fiances bestfriend. He keeps on talking about you. Pagtingin ko sayo kanina, magseselos na sana ako kung hindi ko lang naalala ang mukha mo sa mga pictures ninyo ni Raffy. Wow, you changed a lot. Ahh..talaga? Sinulyapan niya ang napakaseryosong mukha ni Rafael na titig na titig sa kanya. Kung isa itong masamang panaginip, gusto na ni Gery magising at huwag nang makita pa ang binata. YeahTama nga ang desisyon kong huwag maniwala sa nababasa kung chismis sa newspaper. Friendly na tumawa si Nancy. Chismis? Kunot-noong tanong ni Raf sa fiance. Walang imik na inabot ni Acis ang isang local newspaper kay Gery kung saan nakabalandra sa front page ng entertainment section ang larawan nila ni Rafael sa disco club ng resort. Na-capture ng picture kung paano siya nito hawakan sa bewang sa

gitna ng kalasingan niya. It says Famous TV broadcaster Geraldine Sandoval caught drunk and flirting with an engaged to be married young hotelier Rafael Rodriquez in an exclusive resort in Subic owned by the Rodriguez Family. May mga tao talagang walang magawa sa buhay. Halos wrong info lahat ng nakasulat dyan. Look who wrote that article, isang columnist na field reporter ng kalaban ninyong network. Narinig niyang turan ni Acis ngunit hindi iyon nagpagaan ng dibdib niya bagkus para siyang namatay na at pinatay pang muli. Bakit nangyayari ang lahat ng to? Tahimik na usal ni Gery sa sarili. I know this issue is not really good for Gery. But for now, magbihis muna kayo, boo. Basang-basa pa kayo baka magkasakit kayo niyan. Gery, meet us at the hotel and well sort this out over dinner. Okay lang ba sayo? Tanong ni Sam sa kanya na nag-aalala na sa pananahimik ni Gery. Wala sa sariling tumango siya at hinarap ang pinto habang bumababa ng cottage ang apat. Nararamdaman niya ang bawat sulyap ng tahimik na binata sa kanya pero wala siyang lakas ng loob na tignan at kausapin ito. Hey, okay ka lang ba? Nakaalis na ang tatlo ngunit nagpaiwan si Acis at concern na hinawakan ang balikat niya sa likuran. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ka nalasing? Im okay, Cis. Pabayaan mo muna ako, mahinang sagot niya at pumasok na sa loob. Napabuntong hininga si Acis na tila ba hindi kumbinsido sa kanyang sagot.

Chapter 10
Natatanaw na ni Gery ang paglitaw ng araw sa sea horizon ngunit kahit isang minuto hindi siya nakatulog sa magdamag na kakatitig sa cellphone na nakalatag sa mesa at nakaempakeng gamit sa kama. Halos 100 miscalls na ang nasa screen ng cellphone niya pero ni isa wala siyang sinagot. Hindi niya kayang harapin ang ibat ibang tanong ng mga taong nakabasa na ng isyung nasa dyaryo at higit sa lahat hindi niya kayang harapin ang sakit na magdamag na nasa kanyang puso. Shes so disappointed with herself. Hindi niya natupad ang pangakong kailanman hindi niya ipapakita kay Rafael na talunan siya. But now, shes a loser. Nagpadala siya sa katangahan ng puso niya. Umasa siyang kaya rin siyang mahalin ni Rafael bilang isang babae, na kaya niyang lumigaya kapiling nito. Kung gaano siya kasaya kahapon, ganun naman ang pagkawasak ng puso niya ngayon. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa pisngi nang makarinig ng katok sa pinto. Nag-aalangan siyang buksan ito pero napihit na niya ang doorknob.

Kaagad bumungad ang masayang mukha ni Nancy na may sari-saring bulaklak na dala. Hello, good morning! I just want to check on you. Nag-alala kasi ako nong sinabi mo kay Acis na hindi ka makakasabay sa dinner kagabi. Are you okay now? Heto o, dinalhan kita ng mga bulaklak, sabi kasi ni Raffy, mahilig ka daw dito. Pareho pala tayo. Wala siyang choice kundi ang tanggapin ang mga bulaklak at pinilit na ngumiti. Nag-alangan siyang talikuran ito dahil para ito inosenteng babae na walang ibang alam kundi ang ngumiti. Thank you. Hindi ka na lang sana nag-abala. But I insist. Im hoping it can cheer you up. Ilagay natin sa vase, pwede bang pumasok? Nang makatango siya ay friendly na itong pumasok sa loob at naghanap agad ng vase. Maybe youre so upset with the news. Dont worry lilipas din yon. Knowing how close you are with Rafael, napaka-close minded ko naman kung magseselos pa ako. Paano ba siya magagalit kay Nancy? Nararamdaman niyang mabait itong tao at walang bahid ng pagdududa sa katawan. Nagi-guilty siya sa mga pinaggagawa nila Rafael kahapon. Hindi siya makaimik at hinayaan na lamang si Nancy na masayang inilalagay ang mga bulaklak sa vase. Maybe youre wondering why Im so friendly. First look ko palang kasi sayo alam ko na na magkakasundo tayo. I have so many questions to ask you about Rafael. Ikakasal na kami ng bestfriend mo pero parang napakapribadong tao pa rin niya para sa akin. Is he really like that? Once naman mag-bonding tayo, do you play badminton? Ha? Ahhyeah, eversince badminton na ang favorite sports ko, tipid niyang sagot. Tantiya niya, mas matanda siya ng dalawang taon sa babae. Really? Good, favorite bonding moments namin ni Raffy ang badminton! Ayan, tapos na, Para itong bata ngumiti nang matapos ang ginawang flower arrangement. Come on, lets have breakfast together. Nagpaluto ako kay Raffy ng favorite dish ko. He really cooks that dish excellently. I want you to try it. Lumapit pa ito sa kanya at natigilan nang mapansin ang nakahanda na niyang gamit. Dont tell me your leaving. Ahh..actually I am. Everybody at the network needs my presence right now. The network wants a press conference regarding the issue. Im really sorry. Aniya at pilit na ngumiti at kaagad niyang nakita ang paglungkot ng mukha ng kaharap. Mabuti pa, mauna ka na. Baka hinihintay ka na ni Raf. You dont want to miss that dish lalo na kapag relyenong bangus yon. Biro pa niya dito.

Pano mo nalaman na relyenong bangus ang paborito ko? Buong pagtatakang tanong nito. Ha? Nahulaan ko ba? Yon din kasi ang paborito ko andand Raf used to cook it for me, sinugod siya ng matinding sakit nang maalala ang mga panahong yon. Talaga? We share a lot of common things pala, sagot nito na para bang biglang nabawasan ang sigla. I really have to go. Maingat niyang kinuha ang travelling bag at lumabas na ng cottage. Walang imik namang sumunod si Nancy.

Parehong napahinto ang dalawang babae nang makita si Rafael na nasa paanan ng hagdanan ng cottage at nakatingala rin sa kanila. Nakaramdam ng panic ang binata nang makitang dala-dala na ni Gery ang mga gamit. Where are you going? Mahinang tanong niya nang makababa itot lagpasan siya. I..I need to go back to work, Rafael. Im fine, asikasuhin mo na lang ang fiance mo,compose nitong sagot sabay ngiti kay Nancy na hindi pa bumababa. See you next time, Nancy. Bye. Anito at mabilis nang humakbang palayo. Napatiim bagang siya habang tinatanaw ang dalaga at nagtatalo ang puso niya kung ano ang dapat gawin at isakripisyo. Babes, Ill be back. Just wait for me at the restaurant, okay? Aniya sa nabiglang nobya at mabilis nang hinabol si Gery. Pakiramdam ni Rafael hindi na siya liligaya kapag hahayaan niyang lumayo muli si Gery sa kanya. Naiwan si Nancy na bagamat hindi umimik, makikita sa mukha nito ang pagtataka at pagseselos na kanina pa niya nararamdaman lalo na nang makita kung paano habulin ng fiance niya ang sinasabi nitong bestfriend. May, wait! Nasa parking area na si Rafael nang mapigilan niya ang braso ng nagmamadaling dalaga. I said Im fine, right? But it doesnt show. Lets just talk, please. Talk about what? Weve talked so much and we even acted so much. Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Rafael. Nakita ko na ang lahat. And believe it or not, Im fine. May riin nitong tugon at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Kapwa sila napahinto nang may kotseng huminto sa mismong tapat ni Gery. Kaagad bumukas ang drivers seat at lumabas ang isang matangkad at chinitong lalaki. Mabilis itong lumapit kay Gery at pagkatapos halikan sa pisngi ay kinuha na ang bitbit nitong bag. NathanielNarinig ni Rafael na turan ni Gery at kaagad siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib. Di ba sinabi ko sayo, Ill follow if I cant bear missing you? Hop in, ihahatid na kita sa inyo. Nakangiting turan ni Nathaniel at agad inilagay sa loob ng kotse ang mga gamit. Hinapit pa ang beywang ni Gery saka binuksan ang front seat ng sasakyan. May, please. Mag-usap muna tayo. Wala siyang pakialam kung marinig siya ng lalaki. Ang mahalaga makausap ang dalaga. Tapos na tayong mag-usap, Rafael. Tipid na sagot nito at pumasok na ng kotse. Bago umikot sa drivers door si Nathaniel, tinapunan muna siya nito ng masamang tingin na mas lalong nagpakulo ng dugo niya. Wala siyang magawa kundi ang sundan na lamang ng tingin ang papalayong kotse nang nakakuyom ang palad.

The guy out there is the soon to be married young hotelier Rafael Rodriguez, right? Napaigtad si Gery nang magsalita sa napakaseryosong tono si Nathaniel matapos ang halos isang oras na katahimikan sa loob ng kotse. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan pauwi ng Baguio. If youre going to ask me kung totoo ang lahat ng nakasulat sa article, the answer is no. Compose niyang sagot. Ayaw niya ng komprontasyon ngayon and shes hoping maramdaman ito ng kaibigan. Kung ganun, can you explain to me why you look so drunk in that picture. Sinulyapan niya si Nathaniel. Nakatiim bagang ito at diretso ang tingin sa daan. Nat, please. Spare me this time. Gulong-gulo pa ang isip ko. Nagulat pa siya nang mabilis na itinabi nito ang kotse sa highway at galit ang mukhang hinarap siya. Spare you? Gen, do you think I dont deserve an explanation matapos bahain ng tawag at tanong ang network tungkol sayo? Magpasalamat ka rin sa Rafael na yon dahil kung hindi niya pinagbawal lahat ng media men sa resort, malamang sinugod ka na ng mga reporters doon. Hindi mo ba naisip na maaaring makasira to sa image mo bilang isang nirerespetong broadcaster?

I knowI know! Do you think Im not worried, Nathaniel? I was reported as some escaped slut in town na pumapatol sa lalaking ikakasal na! Oo, nalasing ako but I am not having an affair with Rafael. Hes just an old friend trying to rescue me from the guys harassing me. No more, no less! Napabuntong hininga matapos ang mahabang paliwanag. Saglit na hindi nakaimik si Nat at tinitigan lang siya. Pero bakit habang nakikitang kong hinahabol ka niya kanina, hindi isang simpleng kaibigan ang nakita ko, Gen? Bakit iniiwasan mo siya? Sino ba talaga siya sa buhay mo? Mahinang tanong nito na nagpakaba sa kanya nang labis. Sinabi ko na Answer me. Firm nitong putol sa sasabihin niya. Kung kukulitin mo lang ako tungkol sa bagay na yan, mabuti pa magkita na lang tayo sa network bukas. Mabilis siyang lumabas ng kotse at naglakad sa tabi ng highway. Geraldine, get inside the car! Tawag sa kanya nito na mabilis ding lumabas ng kotse. For what? You cant even accept my answers. You know what Nathaniel, director lang kita and I dont even owe you an explanation that is not work related. Aniya at ganun na lang ang pagbabago ng mukha ni Nat. Tila ito nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. So yan lang pala ang tingin mo sa kin, director mo at kasamahan sa trabaho. Are you just trying to be insensitive? O hindi mo lang talaga nararamdaman na mahal kita? Hindi mo man sabihin Gen, nararamdaman kong mahal mo ang lalaking yon. And its so painful to know that even if you cant love me back, you wont even see me as a friend. Napalunok si Gery nang marinig yon. Hindi niya kayang tignan ang nasasaktan nitong mukha. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita na para bang pinipigilan ang paggaralgal ng boses. Sumakay ka na before someone sees us again at maisulat na naman. Laglag ang balikat nito na nagpatiuna sa pagpasok sa sasakyan. Naitanong ni Gery sa sarili, paano ba iitago ang lahat ng sakit nang hindi mo nasasaktan ang taong nagmamahal rin sayo? Kung nakamamatay lang ang guilt feeling, kanina pa siya bumulagta sa tabi ng kalsada.

Nagtatakang bumalik sa kanyang hotel room si Rafael matapos hindi makita si Nancy sa restaurant. Pagbukas niya ng pinto, laking gulat niya nang makita si Nancy na nakaupo sa gilid ng kama at nakakalat doon ang pamilyar na mga sobre at pictures na hindi niya alam kung paano nakarating doon. BabesKinakabahang untag niya sa nakayukong babae na may hawak na isa sa mga sulat. She loves flowers like me. Badminton player like me and we even like the same dish cooked by you. Napatiim bagang si Rafael. Nabasa na kaya nito ang lahat? Naalala niyang tinignan niya ang mga sulat na yon the night before he went to the resort. Posible kayang aksidenteng napasama sa bagahe niya ang kahon na pinaglagyan niya ng mga sulat? Babes Nag-aalala niyang tawag dito. Nakayuko pa rin ang babae at alam niyang lumuluha ito. Kaya pala nagustuhan mo kodahil nakikita mo sa akin ang mga katangian niya. Umiiyak man ay galit siyang hinarap ni Nancy. Niloko mo ko. How could you do this to me? Weve been together for three years and had been engaged tapos mababasa ko ang mga sulat na to? Kasinungalingan lang pala ang lahat ng yon! Thats not true! Hinawakan niya ang umiiyak na babae. God knows, I love you. Pero mas mahal mo siya! Noon pa mang mga bata pa kayo, mahal mo na siya! You never told me all about your bestfriend. Its always been her, right? Nakita ko kung paano mo siya titigan, habulin at hawakan. And I feel so stupid right now, Rafael. Kaya pala hindi mo magawang buksan nang buongbuo ang pagkatao mo sa akin dahil siya lang pala ang makakagawa non! Nancy Youve been so stupid for letting her go at ngayong nasa akin ka na, gagawin ko ang hindi mo nagawa noon. Ill fight for you. Ill do everything para matuloy ang kasal natin. Halos mahulog ang puso ni Rafael nang marinig yon. Puno ng hinanakit na lumabas si Nancy at muntik pang makabanggaan sina Sam at Acis na nasalubong sa labas ng silid. Natigilan ang dalawa nang makita ang umiiyak na babae at mabilis na sinilip si Raf sa loob ngunit bago pa sila makalapit sa pinto ay pabagsak na itong sinara ni Rafael. Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Mukhang alam ko na ang dahilan ng lahat ng to. Maya-maya pay turan ni Acis na tila may malalim na iniisip. Bumalot naman sa mukha ni

Samantha ang matinding pag-aalala sa nakitang frustrations sa mukha ng kapatid.

Chapter 11
Malalim na ang gabi nang maihatid ni Nathaniel si Gery sa bahay nila. Bukas pa ang ilaw sa loob kaya hindi na siya nag-atubiling buksan ang pintuan ng sala. Nagulat pa siya nang bigla siyang sinalubong ng ama na galit na galit ang mukha. Geraldine, ipaliwanag mo sa amin ang nabasa namin sa dyaryong to! Anito sabay bagsak ng newspapaer sa glass table ng sala. Mikael, kausapin mo siya nang maayos. Hindi maaayos to sa init ng ulo. Nag-aalalang awat ni Elisa sa braso ng asawa. Nanatiling nakatayo lang sa may pintuan si Gery at hindi umimik. Bakit hindi ka sumagot? Nakakahiya ka! Nagwala ka sa resort na yon kasama ang lalaking ikakasal na at si Rafael pa na minsan ka nang pinagtabuyan! Nagtagumpay ka nga sa buhay pero nawalan ka naman ng delikadesa! Ganyan naman talaga ang tingin nyo sa akin hanggang ngayon pa eh. Bastos, mayabang, tanga, hindi nag-iisip. Kailan nyo ba ako sinabihang proud kayo na naging anak nyo ko? Nagtagumpay na kot lahat-lahat pero hindi ko pa rin nababago ang pagtingin nyo sa kin. Bakit? Kapag magpapaliwanag ba ako tungkol sa article na yan maniniwala kayo? Hindi pa, kasi makitid ang utak nyo! Walang modo! Turan ng namumulang ama at inangat ang palad upang saktan siya. Sige, samplain nyo ko, pa! Palayasin nyo naman ako gaya ng ginawa nyo sa akin nong gabing yon! Galit na galit niyang sumbat. Para siyang bulkan na sumabog sa mga sandaling yon. Hindi naituloy ng ama ama ang gagawin dahil pinigilan din siya ng umiiyak niyang ina. Akala nyo hindi ko alam ang ginawa nyo non? Sinabi mo kay Rafael na sinadya kung magpasagasa ng gabing yon para mapatawad niya ako. Sarili nyong anak siniraan nyo. Hindi nyo lang alam kung paano ako nagdusa dahil sa sugat na to, pa! Lumuluha niyang itinaas ang braso at pinakita sa ama ang peklat doon. Nagmahal lang ako at nasaktanat ngayon nasasaktan na naman ulit. Ano naman ba ang gagawin nyo para protektahan ako ngayon? Mahal na mahal ko kayo, pa. Pero bakit hindi ko maramdaman na mahal nyo rin ako? Anak Mahinang turan ng mama niya. Nang hindi na makasagot ang ama ay matatag niyang pinahid ang mga luha sa pisngi.

Kung nakakahiya ako, wala nang dahilan pa para manatili pa ako sa bahay na to. Paakyat na siya ng silid nang mamataan si Mark. AteTawag nito sa kanya ni Mark na kanina pa nakadungaw sa kanila mula sa taas ng hagdanan. Sobrang bigat na ng puso niya para pansinin pa niya ang bunsong kapatid.

Habang nagmamaneho si Gery pabalik ng Manila, bumalik sa alaala niya ang araw na umalis siya ng Baguio para sa Manila ipagpatuloy ang pag-aaral. Ganito rin ang naramdaman niya noon. Wounded and no one to turn to. Kahit kailan talaga tanga siya sa pagmamahal niya kay Raf. Inakala niyang kaya na siyang mahalin nito at siya naman tong si gaga hindi sumagi sa isip na baka may nagmamay-ari na sa puso nito. Sumugal siya ulit nang hindi nag-iisip kaya tama lang siguro sa kanya ang masaktan ulit para tuluyan nang magising. Gabi na ng makarating siya sa condo. She turned on the t.v. at mukha agad ni Rafael ang unang nakita niya habang sinasagot nito ang ambush interview mula sa isang entertainment news program sa kabilang istasyon na hayagan siyang tinitira at sinisiraan. Mr. Rafael Rodriguez, totoo ho bang may relasyon kayo ng broadcaster na si Geraldine Sandoval? Aggressive na tanong ng baklang reporter at mabilis na inilapit ang mic sa binata gaya ng ginagawa ng iba. Panay ang flash ng mga camera sa paligid ngunit nanatili pa ring compose ang guwapong mukha ni Rafael sa camera. Yes, I will answer your questions once and for all. My relationship with Geraldine has been very special. Hindi totoong nagwala siya sa resort namin and it was never true that shes flirting and having an affair with me. Because the truth is, she is my bestfriend for almost 20 years and I know her from head to toe. Natural lang na tulungan mo ang isang kaibigan lalo na kapag binabastos ng mga lalaki sa disco club. That article was a trash. Sana huwag na nilang palakihin ang isyung to kung hindi mapipilitan akong magsampa ng libel laban sa columnist na yon. I think I said it all, thank you. Matatag na pahayag nito at muli nang naglakad. Mabilis na pinatay ni Gery ang T.V. at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. That was a mistake, Payall of this is a mistake Hindi siya pwedeng magmukmok habang buhay kaya kinabukasan maaga siyang nagtungo sa station at gaya ng inaasahan sinalubong siya ng maraming tanong mula sa mga kaibigan at kakilala. Matapos harapin ang

head ng NCA sa opisina nito, kaagad siyang umupo para sa isang interview na gagawin ni Vanna Cruz, isang sikat na showbiz talk show host ng kanilang network. Kahit nahihiya at napapagod, kailangan niyang harapin ang lahat ng iyon para malinis ang pangalan niya. Hapon na ng matapos ang lahat ng dapat gawin. Tahimik siyang bumalik sa cubicle niya sa newsroom. Marami pa rin ang tumitingin at nagbubulungan kapag dumadaan siya. Wala siyang magagawa kung may mga taong hindi naniniwala sa mga paliwanag niya. Ano pa ba ang mas magpapalungkot sa kanya sa araw na yon? To tell you the truth Geraldine, I wasnt happy reading the news about you. But Im glad Mr.Rafael Rodriguez answered the questions for you. Naniniwala ako sayo, the network believes in you. But true or not, hindi pa rin natin maaalis sa mga tao na magduda at hindi maniwala kaya we decided that you will be temporarily out from all your shows for a month. You will be going to Macau and do a documentary report about OFWs and illegal immigrants. Take this as a chance to gather yourself again and regain your credibility. Umaalingawngaw pa rin sa isip ng dalaga ang mga linyang yon ni Mr.Samonte. Alam niyang kahit anong euphemism na gamitin ng bosing pakiramdam niya ini-exile pa rin siya dahil sa nangyari. Siguro nga tama ito. Kailangan nga niya ng panahon para makapag-isip at magpahinga lalo na ang pagod niyang puso. Natigilan siya sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit nang tumunog ang phone na nasa table niya. Hello Sam Wala sa sariling turan niya sa kabilang linya. Pwede ka bang makausap? Seryosong sagot nito na nagpakaba kay Gery. Kung magagawa lang niyang iwasan lahat ng may kaugnayan kay Rafael, gagawin niya.

Chapter 12
Mabuti pa ang mga bata walang ibang inaalala kundi paano aliwin ang sarili at magsaya, hindi nahihiyang ipakita ang tunay na nararamdaman. Iyon ang naisip ni Gery habang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro sa seesaw ng village playground. Ganyan din ba kayo nong mga bata pa kayo ni Rafael? Napalingon siya nang magsalita si Sam na nakatanaw din sa mga batang naglalaro sa kanilang harapan. Nakaupo sila sa isang wooden bench sa village playground kung saan malapit lang ang ospital na pinapasukan ni Sam.

Hindi siya umimik at narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaibigan. Alam mo ba nong una kung nakilala si Nancy, I was so shocked. She moves like you, talks like you, laugh like you and even have same interests like you. Natigilan si Gery sa narinig mula rito. Ngumiti lang si Sam at nagpatuloy. Para siyang Gery na ipinasok sa ibang mukha at katawan. Hindi ko alam na may tao pala na halos magkapareho ng ugali. No wonder agad ko siyang nagustuhan. Alam mo ba kung pano sila nagkakilala ni Rafael? She owns a flower shop in Paris. Araw-araw bago pumasok ni boo sa resto, dumadaan siya sa flower shop ni Nancy para bumili ng isang stem ng calla lily. I know its your favorite flower, Gery. Biglang nalito si Gery sa mga sinasabi nito pero hinayaan niya si Sam na magsalita at pinigil ang sariling emosyon. For two years he keeps on doing that. I saw how guilty Rafael was because of hurting you. One day, I went to the flower shop with him and there he first saw Nancy holding a calla lily and laughing with her shop attendant. Para siyang ikaw kung tumawa. Saglit ring tumawa si Sam bago nagpatuloy. After he met her, nabuhay ulit ang kapatid ko. Sobra siyang mahal ni Nancy at nakita ko kung gaano niya rin ito kamahal. I really like the girl, its as if nasa Paris ka na rin Gery. I really love to have her as a sister. Kaya nga ngayon nalulungkot ako dahil parang hindi na mangyayari yon. Kasi nag-away sila last week bago pa kami lumuwas pabalik dito. Why are you telling me this? Mahina niyang tanong sa katabi habang nasa mga bata ang tingin. Gusto ko lang makita ang reaksyon mo. Hindi ka na gaya noon na ang daling basahin. Konting kilos mo lang noon alam kung nasasaktan ka na pero ngayon parang may napakalaking harang sa pagkatao mo na kahit sino man hindi makapasok. Nagbago ka na talaga. Hindi masama ang magbago, Sam. Pero masama ang hindi magpakatotoo. Ano? Napakunot-noo si Gery nang makita ang galit sa mukha ng kaibigan. Simula ng makauwi kami dito sa Manila, araw-araw nang naglalasing si Rafael at palagi ko na lang naririnig na tinatawag niya ang pangalan mo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo nong wala pa kami sa resort? I know its not right to ask you this pero hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Gery, ginugulo mo ba ang relasyon ng dalawa dahil gusto mong gumanti sa lahat ng ginawa sayo ni Raf noon?

What? Pakiulit nga ng sinabi mo, Sam. Napatayo siya nang marinig ang mainit na pahayag na iyon at nagtitimping hinarap ang kaibigan. Do you think I can do that? When Rafael told me that he loves you five years ago, nagalit ba ako sayo? Kinamuhian ba kita? Hindi. Dahil marunong akong lumugar sa dapat kong kalagyan. Thats why its so unfair to hear those words from you. Im sorrynaguguluhan lang talaga ako. Balisang tumayo rin si Sam. Kung ganun, may gusto sana akong ipakiusap sayo. Ano yon? Sana iwasan mo muna si Raf. Hes acting so strange and it scares me na sobra na niyang nasasaktan si Nancy. Gery, may congenital heart disease si Nancy at hindi makakabuti sa kanya ang sobrang lungkot. She was crying to me last dayhindi niya kayang mawala sa buhay niya si Rafael. Kaya kong iwasan si Rafael pero patuloy pa ring nagmamahal ang puso koSigaw ni Gery sa isipan at sinikap itago ang nagbabantang mga luha. Dont worry, Sam. I have nothing to do with them anymore. Im going to Macau next week, matatagalan siguro bago ako makabalik. Youll be going back to Paris at that time, pinilit niyang ngumiti dito. It had been so nice seeing you and Rafael again after all these years. Friendship never dies and the three of you really mean so much to me. Ginagap niya ang kamay ni Sam at muling nagsalita. Parang nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin. Its time to leave. Have a happy life, Sam. Pagkatapos ay niyakap nang mahigpit ang hindi makapagsalitang kaibigan. Hindi na siya naghintay pang pigilan siya nito, kusa na siyang kumalas sabay talikod upang itago ang nag-uunahang luha sa mata. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya pwedeng itago ang lahat ng sakit na nasa puso niya at iyon ang lalong nagpapahirap ng kanyang kalooban.

Nancys mom called me last night, Rafael. Nag-aaway daw kayo ng fiance mo and shes crying so much over it. Totoo ba ang lahat ng to? Binilinan na kita noon na huwag na huwag mong paiiyakin si Nancy, hindi ba? She just survived a major heart attack, you wouldnt want that to happen again. I gave my word to her parents. Ayusin nyo yan, anak. Uuwi kami ng Tita Mercy mo next month para i-supervise ang wedding preparations nyo

Napatiim bagang si Rafael nang maalala ang phone call ng ama mula sa Paris. Napahawak siya sa manibela ng sasakyang kanina pa naka-park sa basement ng condominium complex. Kahit gaano karaming alak ang inumin niya, hindi pa rin nawawala ang mukha ni Gery sa isip niya. Hindi na siya karapat-dapat para kay Nancy kung ganito ang takbo ng puso niya. Maya-maya pay nasilip niya sa sideview mirror niya ang paparating na kotse ni Gery. Agad siyang sinugod ng matinding kaba. Baliw na nga yata siya para makipagkita sa dalaga pero hindi niya kayang dayain ang puso niya. Ito ang sinisigaw nito. Nakita niya itong lumabas ng kotse ilang metro lang ang layo sa kanya. Sabay na nagtagpo ang mga mata nila nang makalabas siya ng sasakyan ngunit huli na para malapitan niya ito. Mabilis na itong umiwas at tinalikuran siya. Ikakasal na ako next monthHindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon pero nakita niyang huminto sa paghakbang si Gery kaya agad siyang lumapit dito at mahigpit na niyakap sa likuran. Sinadya niyang uminom para magkalakas ng loob na harapin ito. Say that you love me, may. At hindi ako magpapakasal kay Nancy. I cant bear losing you gain, mayMatagal kong pinangarap na mayakap ka nang ganito

Youre still the same self centered guy I once knew. Puno ng hinanakit na tugon ni Gery at mabilis na kumalas sa yakap ng binata. May Tama na, Raf. Tigilan mo na ang lahat ng to. Patahimikin mo na ko. No, I cant. You need to hear me out dahil kung hindi sasabog tong puso ko. Nahihirapang turan ni Rafael na sa tingin ng dalaga ay hindi pa naliligo at hindi nakapag-ahit ng balbas sa mukha. Halata pa ngang nakainom dahil namumula ang mata at amoy alak. Bakit? Hindi ka pa ba tapos maglaro? Nagawa mo na lahat, nakuha mo nang lahat. You were forgiven so easily, you have flirted with me so easily at ako naman si tanga, sumakay naman without asking if youre attached to somebody else. Without even thinking kung posible bang mahalin ako ng isang taong halos isuka ang pagmamahal ko sa kanya noon. Tuluyan nang napaluha si Gery. Wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanila sa basement. Gusto na niyang matapos ang lahat ng to. I feel so stupid for forgiving you so quickly andand for loving you the same as before.

May, mahal din kita. Believe me, I love you. Naluluhang hinawakan ng binata ang mga braso niya. I never thought our world will cross like this after all these years. And when I saw you again, the past keeps on flashing. You were my bestfriend, may. Bestfriend na tinalikuran at pinaratangan ko. The guilt is killing mekaya pinilit kong mapalapit sayo ulit. It was not my intention to fall in love you a Stop it! Galit niyang tinulak ang nagulat na lalaki. Rafael, tama na! Ayoko nang marinig ang mga sasabihin mo! Stop fooling me, I had enough of it. Huwag mong paglaruan ang puso ko. Huwag mong gamitin ang guilt mo para sabihing mahal mo rin akokasi Raf, noon pa man tanggap ko nana hindi mo ko kayang mahalin. At isang malaking pagkakamali ang maging bestfriend kita! Kasi dahil sayo lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang patunayan ang sarili ko sa pamilya ko at sayopero bigo pa rin ako and I still end up so wounded. Hindi totoo yan, may. I love you--- Because youre guilty, matigas niyang patuloy kahit hilam na ng luha ang mukha. And because of that guilt, nakita mo ko sa ibang pagkatao. Raf, maawa ka sa fiance mo. Nasasaktan siya ngayon. Tama na ang pagtalikod mo sa akin noon, huwag mo ng gawin ulit kay Nancy ngayon. Kung kaibigan ang tingin mo sa akin, gawin mo ang tama. Nakita ni Gery kung paano lumuha si Rafael sa sinabi niya. Nakabakas ang labis na frustrations sa mukha nito. Parang namang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi mo ba ako ipaglalaban, may? Kaya mo bang tiisin ang nararamdaman mong sakit? Oo. Kinaya ko five years ago, kakayanin ko habambuhay, Pay. Pinunasan niya ang mga luha at tumalikod na. Sige, magpapakasal ako kay Nancy. Gagawin ko ang tama kung yon ang gusto mo. Pero ikamamatay ito ng puso ko, may. Ikamamatay ko may. Narinig niyang tugon ng binata bago tuluyan siyang lumayo rito. Nang makaalis si Gery, helpless na napasabunot ng sariling buhok si Rafael. Hindi alam ni Gery kung paano siya nakarating sa harap ng pintuan ng condo unit dahil sa labis na pag-iyak. Gery? Nag-angat siya ng mukha at nakita ang nag-aalalang mukha ni Acis na hindi niya namalayang napagbuksan siya ng pinto. Hindi na siya nagdalawang-isip na sugurin ito ng yakap at humagulgol sa balikat nito.

Nagsinungaling ako sa inyong lahat, I still love Rafaelmahal na mahal ko pa rin siya. I hate this stupid heart, Acis. Hindi ko na kakayanin kung mananatili pa ako sa lugar na to. Hindi nakapagsalita si Acis sa sobrang gulat at hinimas-himas na lang ang likuran ng dalaga. Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. After all, tama pala ang hinala niya. Shes still the Gery who loves Rafael so much. It takes a lot of courage to admit your unrequited love, Gerykaya sobra kitang hinahangaannasambit ni Acis sa isipan.

Tinanggap ni Gery ang handle ng kanyang troller bag mula kay Nathaniel. Mag-iingat ka don ha, nakangiting turan ng binata sa kanya. Gumanti siya ng ngiti at bumuntong hininga nang malalim. Sa kabila ng makulimlim na langit, maliwanag pa rin ang loob ng airport. Maraming tao at naririnig ang malamyos na boses ng flight attendant sa ere. Dont worry. Wala naman akong ibang gagawin don kundi ang magcasino eh. Kapwa sila natawa sa sinabi niyang yon. Huwag mo na akong alalahanin, direk. Ang isipin mo kung paano mo mami-maintain ang mataas na ratings ng program natin ngayong wala ako. Umandar naman yang kayabangan nito. Wala ka talagang bilib sa akin kahit kailan. Magaling to at kayang-kaya ko kahit wala pang maganda at charming na newscaster na gaya mo. Tumawa na naman ang dalawa sa hiritan nila. Alam ko na kung san ako nagmana ng kayabangan. Huwag mong sungitan ang papalit sa akin ha. Magaling si Cathy Mendes. Atmay crush sayo yon. Biro niya sa napapailing na binata. Binasted mo lang ako, pinagtutulakan mo na ako sa iba ha. Ganting biro ni Nat ngunit sabay din silang natigilan at natahimik. Kamakailan lang sila nagkausap ulit ni Nathaniel at ni minsan hindi nila napag-usapan ang nangyari sa resort. Maya-maya pay tumikhim si Gery at tinignan sa mata ang napakabait na lalaki. Nagkamali ako sa sinabi ko noon, Nat. Na-realize ko na hindi ka lang pala isang simpleng director ko, napakabuti mo pang kaibigan. Maraming salamat sa lahat.

Masuyong hinawakan nito ang kamay niya at puno ng pagmamahal siyang tinitigan. Kung hindi ko lang alam na para sa sarili mo ang pagpunta mo ng mas maaga sa Macau, pipigilan talaga kita. Pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. I can attest to that kasi gaya mo bigo din ang puso ko. The only difference is I chose to remain as your friend. SalamatNapakaswerte ko at nakilala kita, direk. I hope I still deserve a hug. But of course! Masayang nagyakapan ang magkaibigan at malambing nitong hinalikan sa pisngi si Gery. Masaya si Gery na aalis dahil alam niyang may mga tao pang katulad ni Nathaniel na nakakaintindi sa desisyon niya. Ang hindi alam ng dalawa ay may isang pares ng mata na nakatanaw sa dalawa. Nakakuyom ang mga kamao nito at nakatiim ang mga bagang. I cant wait to see you again in front of the monitor. Work less and rest more. Good luck, Gen. Ikaw lang talaga ang tumatawag sa akin ng Gen. Anyway, I will, direk. See you soon, Nakangiting ikinaway niya ang kamay na nakahawak sa passport at tiket at tumalikod na hila-hila ang bagahe papunta sa ticket counter.

Kung pwede lang kitang habulin at pigilang umalis may, matagal ko nang ginawa. Kung may karapatan lang ako, matagal ko nang sinapak ang lalaking yumayakap at humahalik sayo ngayon. Hanggang kailan ka sa Macau? Makakauwi ka ba sa kasal ko? Ang daming tanong sa utak ni Rafael na walang sagot. Kanina pa siya nakakubli sa makapal na haligi ng airport habang tinatanaw ang pag-alis ni Gery. Namataan niya si Nathaniel na naglalakad sa kanyang direksyon. Pinigil niya ang sariling sugurin ito ng suntok. Kinamumuhian niya ang idea na ito ang lalaking makakatuluyan ng dalaga. Director Nathaniel Tan. Natigilan ang lalaki sa paglalakad nang mamataan siya. Tiim ang bagang humarap siya sa lalaking agad na naningkit ang mata nang makita siya. Kung ako sayo, hindi ko na hahabulin ang babaeng piniling lumayo para maisalba ang karuwagan mo. She doesnt deserve you. Matalas na sagot nito na mas lalong nagpakulo ng dugo niya.

Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako nang ganyan. Bakit? Ano ka ba sa buhay niya? Ako? Ako ang taong hindi siya kayang talikuran at handa siyang ipaglaban kahit anong mangyari. At kung dumating ang panahong kaya na niyang magmahal ulit, sisiguraduhin kung ako ang maghihintay sa kanya sa harap ng altar. Mariing tugon ni Nathaniel at walang pasabing umalis sa harapan niya. Parang sinilaban si Rafael sa mga sinabi nito ngunit wala siyang nagawa kundi ang magtimpi ng galit.

Chapter 13
Heto ang bayad manong, keep the change po. Pakitulungan nyo na lang po ako sa bagahe ko, turan ni Gery sa may katandaang taxi driver. Alisto naman nitong kinuha ang bayad niya at tinulungan siya sa kanyang maleta at isang balik-bayan box na maibaba mula sa back compartment ng taxi. Salamat po! Masigla siyang nagpasalamat dito. Walang anuman po. Salamat po sa autograph, matutuwa ang asawa ko nito, magiliw din siyang sinaluduhan nito pagkatapos ay umalis na. Nang makaalis na ang taxi ay huminga siya nang malalim. Nakangiting tiningala niya ang mataas na condominium complex. One month lang ang documentary niya sa Macau ngunit pagkatapos niya lagyan ng storya ang nagawang documentary agad siyang nag-file ng 5-month leave. Nagpaiwan siya doon at nanirahan sa isang simpleng apartment nang nag-iisa. Pinuntahan niya ang mga lugar na gusto niyang puntahan. Nagliwaliw siya sa buong bansa at naintindihan naman iyon ng pamilya niya. Bukod sa pamilya niya, wala na siyang pinagsabihan sa bagong mobile number niya doon kaya wala sinuman sa mga kakilala niya ang may balita sa pagdating niya. Sinadya niyang magtago sa lahat para hanapin ang sarili. Pero ngayong nasa harapan na siya ng condo unit, kailangan na niyang harapin ang mundo. She needs to report to work kung hindi ay masisisante na siya. Masaya siya at kahit papaano ay nakatulong ang independence niya para makapag-isip. Hindi niya alam kung nakapag-move on na siya but one thing is sure, she needs to face the world. Huminga nang malalim si Gery nang mag-on ang lahat ng ilaw sa loob ng silid. Wala pa ring nagbago. Gaya pa rin noong iniwan niya. Ngunit kailangan niyang mag-general cleaning dahil maalikabok na ang lahat ng gamit. Pagkatapos mailapag ng dalaga ang maleta sa paanan ng kama niya, tinungo niya ang answering machine at ini-on.

Hello, this is Gery. Im out of country right now, please leave a message. Narinig muna niya ang long beep bago niya narinig ang boses ni Francis. Hi Gery! Kumusta ka na? Naiintindihan ka namin kung bakit kailangan mong magpakalayo-layo. It could be easier to cut yourself from the world, right? Napangiti si Gery habang nakatayo at nilibot ang tingin sa na-miss na silid. Wow, its been 6 months now. I miss your presence. Pasensiya na kung hindi mo ko nakikita ngayon sa condo mo. I just left this message na hindi ko alam kung kailan mo mababasa, to tell you na lumipat na ko sa isang architectural firm sa Baguio. Malapit sa pamilya ko at siyempre malapit kay Sam na kasalukuyan ngayong nagpapatayo ng clinic sa Session Road. In case hindi mo pa alam, sinagot na niya ako bago ka pa lang umalis. You just cant imagine how happy I am, Gery. Nagulat siya sa narinig ngunit napangiti na rin. Halata sa boses nito ang sobrang saya and shes happy for the two. Francis is one lucky guy in the world. Napasakanya ang babaeng matagal nang iniibig. Biglang kumirot ang puso niya sa naisip. Pagkatapos ng long beep ay nawala na boses ni Francis. Sumunod niyang narinig ang boses ni Nathaniel. Automatiko siyang napangiti. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto na niyang bumalik sa trabaho. Hello Gen! I miss you so much! How are you? Tinupad mo talaga ang sinabi kong work less ang rest more. Nasobrahan naman yata ang pagpapahinga mo. Sa gitna ng tumatawang boses ni Nat ay nahagip ng paningin niya ang kulay faded blue na box na nakapatong sa kama niya. Nagtatakang nilapitan niya ito at umupo sa gilid ng kama. You really need to report as soon as possible kung hindi mawawalan ka ng guwapong director. Enjoy Gery, see you soon! Binuksan ni Gery ang box at tumambad sa kanya ang ngayon lang niya nakitang mga sulat. Sigurado siyang hindi niya mga gamit iyon. Instinct told her to open the letters. Agad na nangunot ang noo ng dalaga nang mapagsino ang sumulat nito. Kinakabahang binuksan niya ang mga sulat at binasa.

February 20, 1998

Dear may, Malapit na ang prom night pero nag-away naman tayo. Hindi ko maintindihan bakit nagkagusto ka sa mayabang na Marvin na yon. Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala sa akin? Palibhasa kasi ang tingin mo sa akin parang kapatid na kaya hindi mo nakikita ang nararamdaman ko sayo. may, can you be my prom date? Pay

December 25, 1999

Dearest Mamay, Alam mo, habang tumatagal mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. Nagseselos na nga ako sa lahat ng mga lalaking umaaligid sayo eh. Ang sarap nilang pagsasapakin. Last Christmas natin to sa highschool, sana nakita mo na ang singsing na nilagay ko sa ilalim ng desk mo, sana na-gets mo kung bakit stuffed toy na kamay na may nakasulat na under your desk ang ibinigay kong xmas gift sayo. Merry Christmas, may

Pay

February 14, 1999

My may, Happy Birthday! Sana nag-enjoy ka sa trip natin sa flower farm. Alam kong mahilig ka talaga sa bulaklak. I intentionally took ang picture of you kanina habang hawak-hawak mo ang napakaraming calla lily. Inilagay ko ang picture mo sa wallet ko. I love you, mayHappy Valentines Day. Sana ako ang Valentino mo

Pay

July 15, 2000

May, Its our 7th friendship anniversary! Hindi mo siguro binibilang pero ako bilang na bilang ko. College na tayo and I feel Im losing you because youre too busy with your cheering squad and badminton games. I cant get near you at hindi mo naman napapansing palagi na lang akong binabara ng kateammate mong si Jeff na matagal nang napapapansin sayo. Nasasaktan ako may isipin lang na sasagutin mo si Jeff.

Pay

November 10, 2001

May, Ito na yata ang pinakamalungkot kong birthday. Hindi mo ko kinakausap at hindi umepekto sayo ang playboy image ko. Hindi ka man lang nagselos at pinagtawanan mo lang ako sa harap nina Acis at Sam. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? Iyon ay ang makita kang hinahalikan ni Jeff sa badminton court kanina. Pinuntahan kita don para magtapat na sayo sa mismong birthday ko. Kung ganito kasakit mahalin ang isang bestfriend may, ayoko ko na suko na ako sa pagmamahal ko sayo. Alam kong hanggang sulat lang ako at hindi ito makakaabot sayo. Kasi kahit kailan gago ako eh.

Pay

March 11, 2004

May, Im sorryPatawarin mo ko sa lahat ng sinabi ko sayo. Youre the last person I would hurt in this lifetime, may. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong magalit sayo nong malaman kung all these years mahal mo pala ako. Ngayon ko pa nalaman na ginawa ko na ang lahat para kalimutan ka. Ngayon pa na binura ko na ang ideyang pwedeng maging tayo. Im so stupid, may gago ako! Tanga ako! Loser ako! Kung sana sinabi ko na sayo noon pa, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Hindi sana masisira ang pagkakaibigang naging sandigan ko na para sumaya. may, pinarusahan na ako ng Diyosdahil iyong taong akala ko pumalit na sa puso ay kapatid ko palakapatid ko si Sam! At hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng pinagdadaanan ko kung wala ka sa tabi ko. Para akong nalumpo may. Patawarin mo ko sa lahat. Patawad

Pay

Hindi makapaniwalang napatakip ng bibig si Gery sa lahat ng nabasa. Automatikong bumalong ang mga luha niya sa mga mata. Sa isang iglap bumalik ang lahat ng sakit at frustrations sa dibdib niya. Nag-long beep na naman ang answering machine at boses ni Sam ang narinig niya. Kumusta ka na, Gery? Miss na miss na kita. You are really one extraordinary girl. Kaya siguro sobra kang minahal ng kapatid koNilagay ko sa kama mo ang mga sulat ni Rafael na hindi niya naibigay sayo noon. I cried when I read those letters. Im sorry Gery, pinili kong maging manhid sa nararamdaman mo para sa kapatid ko. Isa siguro ako sa mga taong nakapagpasya sayo lumayo ka. I dont know when will you be coming home kaya hindi ko alam kung kailan mo mababasa ang mga sulat na yanand it could be too late for both of youmahal na mahal ka ni Raf, Gery...at nasasaktan ako sa naging katapusan ng pag-iibigan ninyong dalawa Mas bumalong ang mga luha ng dalaga sa pingi nang marinig iyon. Mahal mo ako noon pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi kita pinaniwalaan noon, pero ngayon na hawak-hawak ko na ang mga sulat na to, hindi ko

maintindihan kong bakit tinago mo ang lahat? Bakit, Raf? Sigaw ni Gery sa isipan na animoy kinakausap ang mga sulat at mga candid pictures niya. Kinuha niya ang mga ito at niyakap na para bang si Raf iyon. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit at pagkahabag sa sarili. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang singsing sa loob ng kahon at isinuot sa palm stuffed toy na kinuha niya sa bedside table. How ironic! Youve hidden this ring under my desk the day I saw you holding hands with another girl. Gago ka talaga! Kulang na lang ay humagulgol siya sa sobrang frustration. Paano na naman niya matatanggap ang mga nababasa niya ngayong huli na ang lahat dahil alam niyang nagpakasal na si Rafael kay Nancy. Now, its too late Pumalit sa boses ni Sam ang boses ng ina na labis niyang pinagtaka. Geraldine anak, nagtataka ka siguro kung bakit nagvoice message pa ako pwede naman kitang tawagan agad. Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin to nang hindi ka masasaktan at maguguluhan. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo ni Raf, alam ko kung kailan nahulog ang loob mo sa kanya. Nakita ko ang bawat ngiti mo, lalong lalo na ang mga luhang tinatago mo sa akin sa tuwing nasasaktan ka sa pagmamahal na yon. Ina mo ako Gery. Kilala kitaat kilala ko rin ang lalaking minahal mo. Isang lalaking marunong humarap at magsisi sa pagkakamali. Hindi ko pa nasasabi to sayo noon peronang malaman ni Rafael na paluwas ka na ng Manila, hinabol ka niya sa bus station ngunit hindi ka na niya naabutan. Umiiyak siyang lumuhod sa harapan namin ng papa mo noon, humihingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya sayo. Kaya marahil nagtataka ka kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya, kasi alam ko na matagal ka na rin niyang mahal, nahihirapan lang siyang aminin dahil takot siyang masaktan. Patawarin mo ko kung ngayon ko lang sinabi to. Ngayon na alam kong sobra kang nagdurusa. Im sorry, anak. Napatakip si Gery ng bibig upang pigilan ang paghagulgol. Bakit ngayon pa niya narinig ang mga to? Ngayon pa na huli na ang lahat! Nag-long beep na naman at muli niyang narinig ang boses ni Acis. Gery? Alam mo bang galing ako sa inyo? Hiningi ko sa mama mo ang number mo sa Macau pero hindi talaga nila binigay sa akin. Huwag na daw kitang distorbohin sa pananahimik mo. You know what, nakausap ko ang papa mo. Hindi man niya masabi sayo na mahal na mahal ka niya, nabanggit niyang miss na miss ka na niya. Anyway, thats not the reason why I called you. May dapat kang malaman. Natigil si Gerry sa kanyang pag-iyak nang marinig ang malungkot na boses ng kaibigan. Hindi natuloy ang kasal nina Raf at Nancy, Gery

Nahigit niya ang hininga sa narinig at ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi sinipot ni Nancy ang kasal. Isang sulat na lang ang natanggap ni Raf mula kay Nancy saying shes already out of the country. Hindi tumigil ang pagluha ni Gery habang nakikinig kay Acis. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama at nakatingin sa kawalan. Nag-long beep na naman ang machine at namayani ang katahimikan sa silid. Helo GeryThis is Nancy Nahigit niya ang hininga nang marinig ang malungkot na boses ng babae. Kaya siguro malakas ang loob kong tawagan ka kasi alam kong matatagalan pa bago mo maririnig to. Noon hindi ako naniniwalang may mga taong halos magkapareho ng ugali at pagkatao. But now I do, because we both decided to isolate ourselves. We chose to leave to save our hearts. Sana bumalik kang buobuo para kay Rafael, para sa Pay moYeah, I already know everything. Yon ang dahilan kung bakit pinili kong sumuko. Wala sa kalingkingan ang pagmamahal ko kay Rafael kumpara sa pagmamahalan ninyong dalawa. Wala akong hihilingan pa kundi ang kaligayahan ninyong dalawa. Bye, Gery Nawala ang boses nito ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay muli itong nagbeep at narinig niya ang boses ni Rafael. Halos isuka ni Gery ang puso sa nadaramang matinding kaba. May Husky at napakababa ng boses ng binata na tila ba matagal na hindi nagamit ang boses. Ramdam ni Gery ang matinding kalungkutan sa boses nito. Andiyan ka ba? Tapos na ang lahat, mayTanggap ko na ang lahat ng nangyari at sisikapin kong mag-move on para sa ikabubuti ng lahat. Gaya ng ginawa ko noon, muli ko na namang isinusuko ang pagmamahal ko sayo. If fighting for this love would only hurt and push you away from me, I dont want it anymore. Sana lang makita kita bago ako umalisMag-iingat ka palagi, mayI love you so much END OF MESSAGE Napatayo si Gery nang marinig ang beep at mawala ang boses ng lalaking pinakamamahal niya. Sinugod siya ng matinding panic just thinking na hindi na niya muling makikita si Rafael. Napahawak siya sa nananakit na

ulo at hindi mapakaling naglakad nang paroot parito. Matinding katahimikan ang pumuno sa buong silid at halos marinig ng dalaga ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Laking gulat niya nang bumukas ang main door at bumungad sa pinto si Acis. Francis?! Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Gery? Kailangan ka pa nakabalik? Gulat na gulat ang mukha nito. Nawala na sa isip niya ang mahigpit na yakap ng kaibigan dahil sa sobrang taranta sa mga nangyayari. Ngayon langBut Acis wait, amalam mo ba kung nasan si..si Rafael? Na..narinig ko lahat ng mga voice messages ninyo. Totoo bang umalis na siya? Nabubulol na tanong niya sa kaibigang agad napalis ang saya sa mukha. Hindi ito sumagot at malungkot lang siyang tinitigan. Hoy Acis, ano? Magsalita ka, tell me kung nasan si Raf. Kailangan ko siyang makita, please! Gery, kahit ano pang sabihin mo kay Rafael ngayon, hindi ka na niya maririnig. Ha? Bakit? Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa kanya? Halos hindi na siya makahinga sa sobrang kaba sa mga sandaling yon. Nasa ospital siya ngayon. Kaya nga napaluwas ako ng Manila last month para dalawin at bantayan siya. Gery, isang buwan nang comatose ni Rafael. What? Nahintakutang bulalas niya. Nag-overdose siya ng sleeping pills. Nagtangka siyang magpakamatay. Oh my God! Diyos ko! Napatakip si Gery ng bibig at agad napahawak sa balikat ng kaibigan dahil pakiramdam niya para siyang matutumba. Acis, I need to see him. Dalhin mo ko sa kanya, please! Umiiyak na pakiusap niya sa kaibigang nahahabag ding niyakap siya.

Dinala siya ni Acis sa isang pribado at kilalang ospital sa Quezon City. Nanghihina man ang tuhod ay sumunod pa rin siya binatang sumakay ng elevator at huminto sa 5th floor ng gusali. Dinala siya nito sa isang pasilyo na purong puti ang kulay ng pader at mula roon tanaw na tanaw niya ang

matandang nakaupo sa labas ng isang private room. Nag-angat ito ng mukha at nakilala niyang si Yaya Marcy pala ito. Gery? Gery, anak, ikaw nga! Masayang tumayo ang matanda at puno ng pagmamahal siyang sinalubong ng yakap. Hindi niya mapigil ang emosyon, umiyak siya sa balikat ng matanda. Isa ito sa mga saksi sa pagkakaibigang nabuo sa pagitan nila ni Rafael. Yayasi Pay, yaya Shhh...tatagan mo ang loob mo, anak. Nasa loob si Rafael. Kausapin mo siya, sabihin mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Alam kong maririnig ka niya. Anito at kumalas na ng yakap. Sam Namataan niya si Sam sa tabi ni Acis at umiiyak din niyang niyakap ito. Gery, Im so happy dumating ka na. Kailangan ka ng kapatid ko ngayon. Tinignan muna niya ang nakangiting mukha ng tatlo bago pinihit ang door knob ng silid.Maaliwalas ang buong silid na dulot ng purong puting pintura at kurtina sa glass window nito. May sofa at maliit na kama. Nakita rin niya ang mga prutas at bulaklak sa mesang nakadikit sa pader. At nandoon sa gitna ng silid ang nakahigang katawan ni Rafael sa purong puti ding kama. may nakakabit na dextrose sa wrist nito at kung ano-ano pang kable. Kung hindi lang ito nakasuot ng ospital gown, aakalain niyang mahimbing lang itong natutulog. Pero isang buwan na itong hindi nagigising! At hindi niya alam kung magigising pa ito o tuluyan na itong mawawala sa buhay niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya sa isiping iyon. Nanginginig ang buo niyang katawan habang lumalapit sa kama. Dahan-dahan niyang ginagap ang malamig nitong kamay. Kahit anong gawin niyang paglimot, ito pa rin ang sinisigaw ng buong pagkatao niya. P..PayNaririnig mo ba ako? Im here, nagbalik na ko. Gumising ka na. Mahina pa niyang niyuyogyog ang balikat ng maputlang binata. Pay, huwag kang bumitaw. Huwag mo muna akong iwan. Lumuluhang hinaplos niya ang mukha nito. Ngayon pa na nabasa ko na ang mga sulat mo, ngayon pa na naniniwala na ako sa pagmamahal mo. Pay, bakit mo ginawa yon? Pano ako mabubuhay nang wala ka? Yumuko si Gery at humagulgol sa braso ng binata habang mahigpit na nakahawak sa kamay nito. Just say that you love me, may

I love you so much! Mahal na mahal kita. Kailanman hindi nawala ang pag--- Agad napaangat ng mukha ang dalaga nang ma-realize na narinig niya ang boses ng binata. Walang pagsidlan ang saya niya nang makitang nakangiting nakatitig si Rafael sa kanya, buhay na buhay! Pay?! Thanks God, nagising ka na! Sa sobrang tuwa, mabilis niyang siniil ng halik si Rafael at mahigpit na niyakap kahit nakahiga pa ito sa kama. Outch! My stitches Agad siyang napaigtad nang umungol ang binata. Nagtatakang kumalas siya ng yakap sa namimilipit na lalaki. Stitches? A..akala ko ba comatose ka? Maang na tanong niya sa binatang mukhang okay naman. Comatose? Sino naman ang nagsabi sayo niyan? Nagpapahinga lang ako dahil kagagaling ko lang sa operasyon. My appendicitis and gall bladder were removed. Napapangiwi ang binata habang sinisikap maiangat ang sarili para maupo. What? Soso hindi ka nag-overdose ng pills? Inis na niyang pinahiran ang mga luha sa pisngi. No. Iling pa nito. Oh, shit! Francis! Inis na inis na tumalikod si Gery para sugurin si Francis sa labas. Ahhhh!!! Bubuksan na sana niya ang pinto ng gulantangin siya ng daing ni Rafael. Nang lingunin niya ito ay hawak-hawak na nito ang tiyan at namimilipit sa sakit. What happen? A..ano? Tatawagin ko ba ang doctor? Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakatakbo siya pabalik sa kama nito sa sobrang pag-aalala. No, dito ka lang sa tabi ko, Pilyong ngumiti si Raf at malambing siyang hinila sa bewang palapit sa katawan nito na sobrang ikinagulat niya. Huwag ka ng magalit sa kanila, may. Plinano nila tong lahat dahil gusto lang nila tayong lumigaya. Isang malakas na hampas sa balikat ang natanggap nito sa sobrang inis ng dalaga. Aray! Ano ba? Nakakainis ka talaga! Asik niya dito na mas lalong nagpangiti sa binata.

Wala akong kinalaman sa planong to ha! Nagulat na nga lang ako paggising ko umiiyak ka na dyan eh. Gustong-gusto mo naman! Oo naman, siyempre. Kinikilig na tumawa si Rafael na napakaguwapo talaga sa paningin ni Gery. Kahit kailan, isat kalahating gago ka talaga. Hindi pa rin humuhupa ang inis niya sa kalokohang nagaganap. Alam ko naman yon, noon pa. Pero hindi ako gagawa ng isang bagay na makakapahamak sa sarili ko dahil gusto ko pagbalik mo, buo akong haharap sayo. Eh bakit ang drama ng iniwan mong voice message! Parang batang sagot ng dalaga. Sumeryoso ang mukha ni Rafael at malambing na hinaplos ang pisngi niya. Noon yon, may. Nong akala ko mabubuhay ulit ako nang wala ka. Hindi ko pala kaya. At hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay sa akin ni Nancy para hanapin ang tunay na kaligayahan ko. Ikaw yon, may. At sobrang saya ko na pinakinggan ng Diyos ang dasal ko, youre in my arms right now. Bakit naman hindi, niloko ako ni Francis eh. Mabilis niyang sagot upang itago ang kaba lalo pat nanunuot ang bawat titig ni Rafael sa kanya. Thats not what I want to hear from you. Bakit mo sinabing naniniwala ka na sa pagmamahal ko? Wala nang choice si Gery kundi ang magseryoso at sagutin ang tanong nito. I just read your letters. Pagdating ko nakita ko ang box sa kama. Kung hindi ka ba naman torpe, bakit nilihim mo pa ang tunay na nararamdaman mo noon, pareho lang pala tayo. Mahal mo na pala dati pa ang walking surf board na to. Siguro ayoko ko lang maniwala dahil ginugupo ako ng mga insecurities ko at ng galit ko sayo. Pero ngayon, Im so overwhelmed with so much love at walang magawa ang puso ko kundi ang maniwala sayo. Naluha si Gery sa mahabang salaysay na yon at ganundin si Rafael na agad pinunasan ang luha niya sa pisngi. I love you always, mayIkaw lang ang nag-iisang Mamay ko. I love you too Pay. Napapikit siya nang masuyo siyang halikan ni Rafael sa labi. Tila may nagliparang paro-paro sa loob ng tiyan niya sa mga oras na iyon. Nagkangitian silang dalawa nang maghiwalay at tumatawang nagyakapan nang mahigpit.

Suot ko na, pay,nakangiting pinakita ng dalaga ang hindi naibigay na singsing ng binata. Pure white gold iyon na may pendant na hugis puso. Agad napangiti si Rafael at malambing na hinawakan at kamay niya at dinala sa labi. Its really meant for you, may, sagot ng binata. Alam na ni Gery sa mga oras na yon na habambuhay na siyang liligaya sa piling ng kanyang bestfriend turned lover. Sabay na naghiwalay ang dalawa nang padabog na bumukas ang pinto ng silid at lumitaw ang muntik nang madapa na si Francis sa sahig na para bang magnanakaw na nahuli ng pulis. Pangiti-ngiti namang nakasunod si Sam at Yaya Marcy. Oppssorry to invade your privacy. Si Yaya Marcy kasi eh, ang lakas manulak, hanep na matanda! Natatawang palusot ni Acis. Ang mga salarin! Tumatawang turan ni Gery na nakaakbay kay Rafael. Nope! Hindi kamisila! Nakangiting sagot ni Sam at may itinuro sa labas ng pinto. Tumabi ang tatlo para makita ng dalawa ang sinasabi nito. Gayun na lang ang gulat at pagtataka sa mukha nina Gery at Rafael nang mapagsino ang mga taong nasa labas ng pinto. Parehong napakunot-noo at laglag ang mga panga. Dad?? Pa?!

- THE END -

You might also like