Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MGA SULIRANIN AT HAKBANGIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA, LALO NA SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

--------------------------------------------------------

Isang Ulat Para sa Pagsasaling-wika Bulacan State University

---------------------------------------------------------

Bilang Bahagi ng Pangangailangan Para sa Master ng Filipino

--------------------------------------------------------ni

De Guzman, Victoria P. Saclolo, Ma. Theressa M.

Setyembre 7, 2011 KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Panimula Tuwing magkakaroon ng usap-usapan ukol sa kung maaari at dapat ipalit ang Filipino para sa Ingles, hindi nalilimutang banggitin ang larangan ng siyensiya bilang isang mabigat na hadlang laban dito (Ricafrente: 2010). Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Pilipinas, isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at kaganapan ng wikang pambansa. Sinasabi na ang pagsasaling-

wika ay isang mahirap na gawaing nangangailangan ng katapatan at kaigihan, bukod pa sa kasanayan sa wikang isinalin at sinasalinan. Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika (New Standard Dictionary). Ayon kay Santiago (1976), kinakailangang may sapat na

kaalaman ang tagasalin sa dalawang wikang gagamitin ang isinalin (W1) at ang pinagsalinan (W2). Sa isang depinisyong inilathala ni Larson (1984), ito ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ang tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng sa simulaang wika, ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning pangramatika at mga salita sa tumatanggap na wika. Sa pahayag ni Savory (1968), ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal na tutuklas sa pagbuo ng isang nagpapahayag sa kabuuan ng isang teksto sa bawat disiplina. Kung uugatin, nagsimula ang sining ng pagsasalin sa bansang kanluranin. Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasalaing-wika ayon kay Savory (1968) ay si

Andronicus,

isang Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni

Homer na orihinal na nakasulat sa wikang Griyego (San Andres, et.al: 2004). Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin Luther (1483 1646). Sa panahon ng unang Elizabeth naman nagsimula ang pagsasalin sa Inglatera samantala ang pinaktuktok ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang Elizabeth. Ayon kay Ortiz (2010), noong panahon ng Babylon hanggang sa kasalukuyang panahon, panahon ng makabagong teknolohiya gamit ang

kompyuter at iba pa ay mga batayang masasabing suliranin sa pagsasalin (Villafuerte: 2001). Sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ay maraming kahaharaping suliranin ang tagasalin lalo na sa larangan ng Agham at Teknolohiya tulad ng (1) Mga Terminolohiyang Teknikal sa Ingles at ang Kawalan o Kakulangan ng Katumbas nito sa Filipino, (2) Ang Panghihiram, (3) Paraan ng Pagtutumbas sa Pagsasalin ng mga Katawagang Ingles sa Filipino, (4) Mga Terminolohiyang Likha o Hango at (5) Mga Terminolohiyang Pang-agham at Pang-Teknolohiya at ang Kaugnayan nito sa Bansang Nanghihiram at Pinaghihiraman (Villafuerte: 2001). Ang pagsasalin bilang isang gawaing pangwika ay itinuturing na may malaking magagawa sa

intelektwalisasyon ng wikang Filipino (Medina 1988:62). Higit na mauunawaan at napakahalaga sa mga mamamayan ng isang bansa ang mga literaturang dayuhang isinulat ng isang awtor kapag ito ay naisalin sa kanilang katutubong wika (L1 - L2). Ang dagdag pa ni Virgilio S. Almario (1988; 80-81), higit na kapaki-pakinabang para sa ating mga guro at mag-aaral ang pag-aaral na gamit ang sariling wika. Ngunit sa pagiging wikang panturo ng Filipino ay may lumitaw na isang malaking gawain. Bukod sa pagsulat sa orihanal na materyales sa Filipino, kailangan din ang

pagsasalin sa Filipino ng mga aklat at iba pang gamit na panturo sapagkat hindi natural sa Filipino ang gamiting wikang panturo samantala ang mga aklat at iba pang mga gamit ay nasusulat sa Ingles at sa pagsasalin ay lumitaw ang ilang napakahirap lutasing suliranin tulad ng mga sumusunod: (1) Ang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas, (2) Ang malaking pagkakaiba ng Filipino at ng Ingles sa gramatika at sa mga ekspresyong idyomatiko, (3) Kawalan ng tangkilik ng pamahalaan at mangyari pay kakulangan ng salaping magagamit sa pagpapalimbag ng mga salin.

Paglalahad ng Sulirain Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng soulusyon ang mga suliranin sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ng mga terminolohiyang teknikal. Batay rito, sinikap na matugunan ng pag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
1.

Anu-ano ang mga suliranin sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ng mga terminolohiyang teknikal?

2.

Anu-ano ang mga paraan na maaaring ilapat bilang solusyon sa mga suliranin ng pagsasalin?

3.

Anu-ano ang mga paraan ng pagtutumbas sa pagsasalin ng mga katawagang Ingles sa Filipino ayon kay Bernales (1991)?

4.

Anu-ano ang mga uri ng terminolohiyang likha o hango? Anu-ano ang mungkahi ni Dr. Pineda na dapat isaalang-alang sa pagsasalin lalo na sa Agham at Teknolohiya?

5.

Kahalagahan ng mga Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sapagkat makatutulong ito ng malaki sa ibat ibang pananaliksik. Sa mga mag-aaral. Mahalagang malaman nila ang mga suliranin at angkop na solusyon sa pagsasalin upang magamit nila sa pag-unawa sa mga asignaturang nasusulat sa banyagang wika. Magiging malaking tulong ito sa kanila sapagkat magiging handa sila sa mga kahaharaping suliranin sa pagsasalin at kaakibat nito ay mawawala ang hadlang sa kanilang pagkatuto sapagkat alam nila ang mga mungkahing paraan o solusyon sa mga suliranin. Sa mga guro. Magiging mulat ang mga guro sa mga suliranin na maaaring kaharapin sa pagsasalin. Malilinang ang kanilang isipan sa mga angkop na solusyon na maibabahagi nila sa kanilang mga mag-aaral at kapwa guro. Sa mga tagapagsaling-wika. Malaking tulong ang pag-aaral na ito upang maging mas makinis at mabisa ang kanilang gagawing pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles. Magkakaroon ng ganap na kaliwanagan sa dapat at di-dapat gawin tuwing magsasalin. Sa ganitong kaalaman ay magreresulta ng isang mahusay na salin. Sa mga kapwa ko mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento ng paglawak ng kaalaman sa pagsasalin na siyang makatutulong upang lumawak din ang taglay na dunong na siya namang maibabahagi sa mga mag-aaral na pinag-uukulan ng pagpapalawig ng kaalaman. grupo sa lipunan sa kanilang pag-aaral at

Sa Pamahalaan. Maaring gawing saligan ang pag-aaral na ito upang isulong ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino upang maging gawing wikang panturo ang Filipino maging sa mga asignaturang tulad ng Science at Mathematics upang amging ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang wikang gamit ay sariling atin. Sa mga mananaliksik. Ang mag-aaral na ito ay maaaring magsilbing salalayan ng mananaliksik na may kahawig na pag-aaral upang mapabuti at mapaganda ang paglalahad ng konsepto ng pag-aaral.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga suliranin at solusyon sa

pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles lalo na sa larangan ng Agham at Teknolohiya. Saklaw pa rin ng pag-aaral na ito ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa syentipikasyon ng Filipino ayon kay Dr. Ponciano B.P. Pineda, mga uri ng panghihiram, paraan ng pagtutumbas sa pagsasalin ng mga katawagang Ingles sa Filipino ayon kay Bernales (1991), mga uri ng terminolohiyang likha o hango at mga mungkahi ni Dr. Pineda na dapat isaalang-alang sa pagsasalin.

Talasanggunian sa Kabanta I

Santiago, Alfonso O., Sining ng Pagsasaling-wika (Sa Filipino Mula sa Ingles) P. Florentino Sta. Mesa Heights, Lunsod ng Quezon, Rex Printing Company Inc. 2003

Ricafrente, Leo B. et.al., Journal of the Philippine Arts and Culture: Ang Pagsasalin Bilang Gampaning Pambansa 2010

Villafuerte, Patrocinio V., Introduksyon sa pagsasaling wika: Teorya, Mga Halimbawa at Pagsasanay. Pamantasang Normal ng Pilipinas. Grandwater

Publications and Research Corporation, Makati City 2001

Lim, Fatima S.A. et.al., Retorika sa Filipino Pandalubhasaan. Guiguinto, Bulacan, Aries Printing Press 2004

San

Andres,

Teody

C.,

Sining

ng

Komunikasyon

Pang-akademiko.

Guiguinto, Bulacan, Aries Printing Press 2004

KABANATA II BATAYANG TEORETIKAL

Sa kabantang ito, tinalakay ang mga kaugnay na teorya, ang teoretikal na balangkas, ang mga hinuha sa pag-aaral at ang mga depinisyon ng mga terminolohiyang ginamit sa nasabing pag-aaral. Kasama rin sa kabantang ito ang paradigm ng pag-aaral.

Kaugnay na Teorya

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

KABANATA III KONGKLUSYON

REKOMENDASYON

You might also like