Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Kasaysayan at Introduksiyon:

ARMM (Anonymous) Sa bandang timog ay may mga Muslim, Na kapatid, kalahi at kababayan natin. Ang mga Muslim na katulong mandin, Sa panghihimagsik sa mga mapang-api Sa bahaging ito aking natanto, Ang mga rebeldeng nais ay pagbabago Kayat ang ating gobyernoy Nakikipag-areglo. Kung babaha ng dugo, paano na ang bayan ko, Na ang sariling katoto ay ginegera nito. Paanong uunlad ang Pilipinas, Kung ang lahat ay gumagamit ng dahas. O, aking kababayan, akoy pakinggan, Iisa an gating baying pinaglilingkuran Bat di natin pairalin ang Kapayapaan.

-Ang nagsasariling Rehiyong (Autonomous Region) ng Muslim Mindanao ay nalikha batay sa itinatadhana ng Saligang Batas, Artikulo X, Sek. 15. Politikal na Subdibisyo:

-6 probinsiya -1 siyudad -106 munisipalidad -2,469 barangay Ang anim na probinsiya na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao ay ang mga sumusunod: Lanao del Sur, Maguindanao, Shariff Kabunsuan, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Heograpiya: Matatagpuan ang ARMM sa may Timog-Kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ang rehiyon ay nahahati sa dalawang heograpikal na saklaw. Ang Mindanao Mainland at Arkipelago ng Sulu. Kabilang ang mga probinsiya ng Lanao del Sur, Maguindanao, at Shariff Kabunsuan sa Mindanao Mainland, samantalang ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay nabibilang sa Arkipelago ng Sulu. Ang ARMM ay may kabuuang sukat na 12,695 kilometro kwadrado. Wika: Ang wikang ginagamit sa rehiyon ito ay Banguingui, Maguindanao, Maranao, Yakan at Sama. Klima: Ang rehiyon ay may magandang klima na nakakatulong sa buong taon na produksyon ng mga pananim. May katamtaman at pantay na distribusyon ng ulan sa loob ng buong taon. Tag-ulan at Tag-araw ang karaniwang panahon at di masyadong dinadatnan ng mga bagyo ang rehiyon.

Mapa ng ARMM:

Kasaysayan: Ang Mindanao ay binubuo ng mga maliliit na barangay at pinamumunuan ng mga datu. Nagkaroon na malaking pagbabago sa sosyo-politikal na antas ng pamumuno nang dumating si Shariff Kabunsuan noong ika-15 siglo. Isa siyang misyonerong Arabo na nagpakilala at sa kalaunan ay nagpalaganap ng relihiyong Islam. Nagbunga ito sa pagkakabuo ng mga ibat-ibang Islam na komunidad at di nagtagal, sa pagkakaroon ng Sultanatong Islam, sa ilalim ng pinakamataas na konseho na naging dahilan sa pagkakabuklod ng Mindanao Mainland sa iba pang islang kalapit nito. Nang masakop ng mga

Espanyol ang Pilipinas, nanatiling Malaya ang mga sultanato sa Mindanao sa loob gn mahabang panahon sa kadahilanang matagumpay nilang naipagtatanggol ang kanilang nasasakupan. Noon na lamang katapusan ng ika-19 siglo kinilala ng Mindanao ang soberanya ng Espanya. Di rin nagtagal ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa Mindanao dahil napilitan silang umalis dahil sa pagkatalo sa mga Amerikano. Noong 1942, sa unang yugto ng digmaang Pasipiko, may mga langkay ng Japanese Imperial Forces ang nanakop sa Mindanao, partikular sa parte ng ARMM ngayon. Tatlong taon ang nakalipas, noong 1945, tumulong ang Estados Unidos at mga Pilipino na malipol ang mga mananakop na Hapon. Si pangulong Ramon Magsaysay ang nagbukas ng Mindanao sa mga dayong Kristiyano upang manirahan, na ang karamihan ay galing mula sa Visayas. Nagdulot ito ng pagkakaiba-iba ng mga grupo sa kultura, etnisidad, tradisyon at mga paniniwala. Noong 1973, nagsimulang lumala ang kaguluhan sa pagitan ng MNLF ( Moro National Liberation Front) at AFP (Armed Forces of the Philippines). Kalaunan, sa petsang Hulyo 7, 1975, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No.742 at Letter of Instruction 290 na naglikha sa rehiyon ng Kanluran at Gitnang Mindanao at pagtatayo ng Office of Regional Commissioner (ORC) sa parehong rehiyon. Bagamat sa mga aksyon ito, nagpatuloy pa rin ang gulo kaya naman napilitang makialam ang OIC o Organization of Islamic Conference na nagtungo sa paglalagda ng Tripoli Agreement sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at MNLF sa Tripoli, Libya noong ika-23 ng Disyembre, taong 1976. Sa pagtupad ng kasunduang Tripoli, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 1628 noong Marso 25, 1977 na nagsasaad ng pagkabuo ng Autonomous Region sa katimugan ng Pilipinas. Noong ika-25 ng Hulyo 1979, naisabatas

ang Batas Pambansa No.20 na naglikha sa Regional Autonomous Government sa Kanluran at Gitnang Mindanao ngunit di pa rin nito napawi ang mga rebolusyunaryong prinsipyo ng mga mujahideens. Nagsagawa ng puspusang pagbibigay ng resolusyon sa lumalalang suliranin sa Mindanao noong 1986 sa pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino. Nagkaroon ng mga Peace Negotiations sa paglagda ng Jeddah Accord noong Pebrero 3, 1987 ng Gobyerno ng Pilipinas at ng MNLF. Itoy isang kasunduan sa pagpapatuloy ng mga pag-uusap patungkol sa implementasyon ng rehiyunal na autonomiya. Sa di pagtatagumpay ng mga pag-uusap, sinubukan ng pamahalaan ni Pangulong Aquino na bumuo ng Autonomous Region of Muslim Mindanao sa pamamagitan ng pagsama nito sa Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Naatasan ang Regional Consultative Council na balangkasin ang Organic Act for Muslim Mindanao. Nakumpleto ang Organic Act for Muslim Mindanao noong 1988 at naipasa sa Kongreso para sa deliberasyon at pag-aapruba. Sa araw ng Agosto 1, 1989, ang Republic Act No. 6734 na kilala rin sa Organic Act of the Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nalagdaan bilang batas ni Pangulong Aquino. Noon namang ika-17 ng Nobyembre, 1989, isang plebisito ang pinangasiwaan sa mga namungkahing lugar ng na maisama sa ARMM, ang apat na probinsiyang kasama ay ang Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi at Sulu. Ang unang grupo ng mga namuno sa ARMM ay naihalal noong February 17, 1990. Ang ARMM ay pormal ng napamunuan sa petsang July 6, 1990. Ika-2 ng Setyembre nilagdaan ng MNLF at Gobyernong Pilipinas ang huling Peace Agreement na nagtungo sa paghalal kay Nur Misuari (MNLF Chairman) bilang rehiyunal

na gobernador ng ARMM. Ang Peace Agreement ay nagbigay daan rin sa pagkakalikha sa Special Zone of Peace and Development (SZOPAD) at Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na nalitatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 371 noong Oktubre 21, 1996 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Fidel Ramos. Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang paglaban ng MILF ( Moro Islamic Liberation Front). Ang paghaharap ng MILF at ng military ay naging giyera sa taong 2000. Nang maging pangulo si Gloria MAcapagal Arroyo, itinigil niya ang all-out-war na idenaklara ni dating Pangulong Estrada at pinagpatuloy ang mga peace talks na na nagdulot sa paglagda ng cease fire agreement noong Hunyo 22, 2001. Upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao at bilang pagsunod sa 1996 Peace Agreement sinuportahan ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang plebisito noong Setyembre 2001 para sa ratipikasyon ng Republic Act 9054 na nagpapalaki ng nasasakupan ng Autonomiya. Ang ARMM ay binubuo na ngayon ng probinsiya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at Islamic City of Marawi.

ORGANIZATIONAL STRUCTURE: Ehekutibo Ang rehiyon ay pinamumunuan ng Rehiyunal na Gobernador. Ang Rehiyunal na Gobernador at Bise-Gobernador ay tuwirang inihahalal katulad ng pangkaraniwang local na ehekutibo. Ang mga rehiyunal na ordinansa ay nilikha ng rehiyunal nakapulungan ng mga mambabatas, na tuwiran ring inihahalal. Ang eleksiyong pang-rehiyunal ay karaniwang ginaganap pagkalipas ng isang taon matapos ang pambansa at local na halalan.

Ang mga rehiyunal na opisyal ay may nakatakdang tatlong taon na pamumuno na maaaring magdugtungan depende sa desisyon ng Kongreso. Ang rehiyunal na gobernador ang chief executive ng rehiyunal na gobyerno at may katuwang ng gabinete na binunuo ng di hihigit sa sampung miyembro. Siya ang nag-aatas ng magiging miyembro ng gabinete na siya namang patotohanan ng Regional Legislative Assembly. Siya rin ang may control sa lahat ng rehiyunal na ehekutibong komisyon, mga ahensiya, boards, mga kawanihan at iba pang opisina. Ehekutibong Konseho (Executive Council) Ang konsehong ito ang nagbibigay payo sa rehiyunal na gobernador sa mga usapang politikal sa autonomiyang rehiyon. Kasama ditto ang rehiyunal na gobernador, isang bise-gobernador, tatlong deputy regional governors ( bawat isa ay kumakatawan sa Kristiyano, Muslim, at Indigenous Cultural Communities). Lehislatibo Ang ARMM ay may unicameral Regional Legislative Assembly na pinamumunuan ng isang ispiker. Binubuo ito ng tatlong miyembro na mula sa bawat congressional district. Sa kasalukuyan ay may 24 na kasapi, na kung saan ang 6 ay mula sa Lanao del Sur, kasama ang siyudad ng Marawi, 6 mula sa Maguindanao, 6 sa Sulu, 3 mula sa Basilan, at 3 sa Tawi-Tawi. Ang Regional Legislative Assembly ay isang lehislatibong sangay ng gobyerno ng ARMM. Ang mga regular na miyembro (3 miyembro bawat distrito) at sektoral na kinatawan ay may 3 taong termino na may hangganan na 3 magkakasunod na termino. Ganap ang lehislatibong kapangyarihan nito sa autonomiya, maliban na lamang sa mga sumusunod: pandayuhang relasyon, pambansang seguridad, postal service, patakarang

hinggil sa pananalapi, pamamahala sa katarungan, quarantine, taripa, pagka-mamamayan, imigrasyon at deportasyon, pangkalahatang tuusan, pambansang halalan, maritime, land at air transportation, komunikasyon, pandayuhang kalakalan, at maaaring lumikha ng bagay na kabilang sa sakop ng Shariah, ang batas na sinusunod ng mga Muslim. Tungkulin ng Sangay ng Pamahalaan ( Functions of the Board) (Based on R.A. 9054)

Serve as the planning, monitoring and coordinating agency for all development plans, programs and projects, in the ARMM

Evaluate and recommend for approval by the Regional Assembly, the annual work programs and comprehensive development plans of the region.

Formulate a master plan for systematic, progressive, and total development plans of the region.

Ekonomiya: Ang ARMM ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Meron lamang itong per capita gross regional domestic product na PhP3,433 noong 2005, ang pinakamababa, mula sa 17 rehiyon ng bansa. Ang populayon ng rehiyon ay umabot sa 4.1 milyon noong nakaraang 2007 census. Ang kita sa buong taon ng rehiyon ay umaabot lamang sa Php89, 000, kung saan wala pa sa 1/3 na kita ng Metro Manila. Noong taong 2000, apat sa probinsiya ng ARMM na kinabibilangan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ang kasama sa 10 pinakamahirap na probinsiya sa Pilipinas.

Ang ARMM ang isa sa mga rehiyong nangunguna sa mga produktong isda at iba pang yamang-dagat, partikular na ang mga halamang dagat. Ang rehiyon ding ito ay may pinakamalaking deposito ng mineral lalo na ng ginto, nikel, zinc,manganese at tanso. Nabiyayaan sa masaganang lupa at magandang klima ang rehiyon kaya naman ibat-ibang produkto ang maaaring matanim. Pangunahin na ang mais, palay, saging, kopra, niyog, pinya, kape, goma, bulak, mangga at durian. Mainam at malaki ang pakinabang ang magkaroon ng negosyong pang-agrikultura. Maganda rin ang kalakaran ng turismo dahil maraming likas at cultural na atraksyon na matatagpuan sa rehiyon. Isa sa mga pinakakakaiba sa Timog-Silangan Asya. Mga Legal na Basehan (Legal bases) -Tripoli Agreement (Disyembre 23, 1976) nilagdaan sa pagitan ng MNLF at pamahalaan sa Tripoli, Libya. -paglikha sa ARMM sa ilalim ng Art.10. Sek.15-19, 1987, Konstitusyon ng Pilipinas. -Republic Act 6734 (Agosto 1, 1989) -GRP-MNLF Final Peace Agreement (Sept. 2, 1996)
-Republic Act 9054 (August 14, 2002)

PETSA NG PAGTATAG AT MGA BATAS NA NAGLIKHA SA REHIYON AT SA MGA PROBINSIYANG NASASAKUPAN

DIBISYONG POLITIKAL

PETSA

NG BATAS

NA

Regional Commision Regional Autonomous Government Autonomous Region in Muslim

PAGTATAG July 7, 1975 July 25, 1979 August 1, 1989

NAGPAIRAL P.D. 742 P.D. 1618 R.A. 6734 R.A. 9054 R.A. 2228 P.D. 341 R.A. 2711 P.D. 302 P.D. 356 R.A. 15

Mindanao Expanded ARMM Lanao del Sur Maguindanao Sulu Tawi-Tawi Basilan Marawi MGA PROBINSIYA: MAGUINDANAO

March 31, 2001 July 4, 1957 November 22, 1973 March 10, 1917 September 27, 1973 December 27, 1973 June 16, 1956

Ang probinsiyang ito ay nalikha ng hatiin ang Cotabato. Kasabay sa pagkakalikha ng Maguindanao ang probinsiya ng Hilagang Cotabato at Sultan Kudarat noong ika-22 ng Nobyembre, 1973. Taong 1989 naman nang mapasama ito sa nasasakupan ng ARMM. Malapit ang Maguindanao sa hilagang bahagi ng Lanao del Sur, sa silangang Cotabato, golpo ng Moro sa kanluran at Sultan Kudart naman sa timog. Ang kapatagang lupain ng lalawigan ng Maguindanao ay may lawak na humigit kumulang sa 5,474.1 kilometrong parisukat na katumbas ng lawak ng lupain ng Pilipinas. Matatagpuan ditto ang Polloc Port, isa sa mga pinakamakabagong daungan sa Mindanao. May dalawamput dalawang

munisipalidad ang Maguindanao, isang siyudad at 488 na mga barangay. Ang kabisera ng probinsiya ay Shariff Aguak. Walo sa mga munisipalidad ng lalawigan ay may mababang lupain kaya tinagurian itong Maguindanao Basin. Ang mga munisipalidad ng Maguindanao ay Ampatuan, Buluan, Datu Abdullah Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Saudi-Ampatuan, Datu Unsay, Gen S.K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagagawan,Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Shariff Aguak, South Upi, Lambayong, Talayan, at Talitay. Batay sa pananaliksik, ang ibig sabihin ng Maguindanao ay kindred settled in the country about the lake. Ito raw ay galing sa Mag (akin ito), Ingud (bansa) at Danao (lawa). Si Shariff Kabungsuwan ng Jahore ang nagpakilala sa buong kapuluan ng paniniwalang islam noong ika-15 siglo. Siya ay nakapag-asawa ng isang prinsesa at noon nagsimula ang paniniarahan ng mga Sultan sa Maguindanao. Ang lambak ng Cotabato ay nakuha rin nila para pamunuan hanggang sa sila ay makarating sa Zamboanga, Saranggani bay at Davao. Ang mga kastila ay nagtangka ring lumunsad at manakop sa lugar na iyon subalit sila ay nabigo. Ang mga Muslim na naninirahan sa Maguindanao ay tatlong uri: ang mga Tiruray, Tiboli at mga Manobo. Ang mga Tiruray ay mapamahiin na siyang nagiging dahilan ng kanilang mabagal na pag-unlad. Naniniwala sila na ang taong walang bisyo ay pinarurusahan sa ibat ibang pamamaraan. Maaari silang makagat ng aso o ahas, mahulog sa bangin, mabagsakan ng nabuwal na punong kahoy, makatapak ng tinik o kaya ay basta na lamang mamatay nang walang dahilan o maaari ring tamaan ng kidlat. Tinatawag nila

ang paniniwalang ito na bengkulen. Ayon pa rin sa kanila, ang isang dalaga ay hindi dapat na umawit o kumanta samantalang nagluluto sapagkat siya ay makapag-aasawa ng matandang balo. Para sa kanila masama ang pagkakaroon ng malaking bahay ng langgam sa harap ng bahay. Kamalasan daw ang dala nito sa buong pamilya kayat dapat nilang iwan ang lugar at kung di sila aalis doon ay magagalit ang mga espiritu kaya ang lahat sa pamilya ay magkakasakit. Titigil lamang ang pagkakasakit kung may isang mamatay sa pamilya. Sa paniniwala pa rin nila, ang huni ng uwak sa gabi ay babala ng masamang pangitain na may mamatay sa pamilya kaya ng akung sila ay makaririnig ng huni ng uwak sa gabi, ang ama o ina ay kukuha ng isang puso ng mais at lalapit sa abuhan o kalan at magsasabi ng: ito ay para sa iyo, itatanim ko rito upang ikaw at ang mga kasama mo ay hindi magutom. Ang isa pang pangkat ng mga Muslim sa Maguindanao ay ang mga Tiboli. Sila ay naniniwala sa mabubuti at masasamang espiritu na pinagmumulan ng sakit, pagkaloko at kamatayan. Ang kanilang mga tahanan ay yari sa nipa at kawayan na ang atip na nakatikwas sa dalawang panig katulad ng bangkang papel na laruan ng mga bata. Iisa lamang ang kanilang silid-tulugan, walang upuan, hapag at higaan. May mga nakabitin na basket na sisidlan ng mga damit at bigas. Ang kanilang abuhan o kalan ay lagging may apoy lalo na kung gabi sapagkat malamig. Ang mga lalaki ay nagtatanim o nagsasaka samantalang ang mga babae ang naiiwan sa bahay upang mag-alaga ng mga bata, humabi at gumawa ng iba pang gawaing

tulad ng mga kuwintas. Sa kanila ang pagtatrabaho ay tulung-tulong at pangkat-pangkat at itinuturing na seremonya sa pamumuhay ng mga Tiboli. Ang mga Manobo ng Maguindanao ay magagaling na mga panday. Mahuhusay rin silang gumawa ng mga palayok. Mga tahimik sila subalit masayahin, masisipag at may matitipunong pangangatawan. Kilala sila sa pagiging mapamaraan at sa mabuting pagtanggap ng mga panauhin. Sila ay may mga tato na simbulo ng kanilang tribu. Sila raw ay hindi naglilibing ng mga patay o bangkay. Ang kanilang bangkay ay inilalagay nila sa biniyak na torso at ikinokola ng goma upang magtagal at huwag mangamoy. Ang bangkay ay inaabot ng may dalawampung taon. Ang mga kabaong ng mga bata ay ibinibitin sa haligi ng bahay at kung minsan ay gingawang unan samantalang ang mga kabaong ng mga matatanda ay inilalagay sa bungad ng bahay kaya madaling makita ng mga pumapanhik na mga panauhin. Kung sila ay lumilipat ng tirahan, ang mga ito ay kanilang dinadala. Ang pananamit ng mga Muslim sa MAguindanao ay tulad na rin ng mga Maranao. Matitingkad ang kulay ng kanilang mga malong. Ang iba sa kanila ay marunong na ring manumit tulad ng mga kababauhan sa kanluran na nagkakaroon na ng impluwensiya ng mga taga-kanluran. May batas pangkagandahang-asal silang sinusunod na kung tawagin nila ay Luwaran. Isa sa pinagtutuunan at binibigyang-pansin sa probisyon ng batas na ito ay ang panghihiram at pagkawala ng mga bagay an hiniram. Sa kanila ano mang bagay na hiniram ay kailangang isauli agad at kung sakaling hindi ito maisauli, ito ay ipinagpapalagay na ninakaw. Ang sinumang hindi magsauli ng hiniram ay dapat na maparusahan.

Lubhang mahalaga sa mga muslim ng Maguindanao ang pangako at panunumpa. Ang sinumang hindi tumupad sa pangako o panunumpang binibitiwan ay magbibigay o maglalagay sa kanya sa panganib. Sa kanila ang kasunduan ng mga magulang sa pag-aasawa ay karaniwan. Naniniwala sila na ang ganitong uri ng pag-aasawa ang siyang nagiging maligaya, matagumpay at may matibay na pundasyon upang tumagal ang relasyon ng mag-asawa. Ipinagmamalaki ng Maguindanao ang magagansa nitong beaches tulad ng Dinaig beach, Tapian beach, Buel beach, Linic beach, Kusyong beach at Dimpatoy beach. Matatagpuan din dito ang rehiyunal na museo, Shariff Kabunsuan Cultural Center, Cotabato City hall, simbahan ng Tamontoka na itinayo noong 1872 ng mga Kastila at iba pang mga atraksyon para sa mga turista. Bisaya ang tawag sa mga taong naninirahan dito na nagsasalita bg Bisayang Ilonggo, Bisayang Cebuano at Maguindanao. Ang pangunahing ikinabubuhay at pinagkakakitaan ng mga tao rito ang pagsasaka, pangingisda, pagtotroso at paghahayupan. Ang industriya ng pagtotroso ay matatagpuan sa mga bayan ng Buldon at Upi sa Timog. Ang takik ay isang sayaw ng mga tribu sa Maguindanao. Isa itong sayaw pangkasal an kung saan ang ibinibigay ng babae ang kanyang shawl sa kanyang manliligaw. Ang pagbibigay ay ginagawa sa paraang pasayaw sa saliw ng musika at paghampas ng gong. Ang sayaw ay ginagawa kung ang dalawang nag-iibigan ay malapit ng ikasal. SULU:

Ang Sulu ay nasa pagitan ng Basilan at Tawi-Tawi sa dakong timog ng Mindanao. Ito ay napapaligiran ng dagat ng Sulu pahilaga at kanluran. Ang dagat naman ng Mindanao sa silagan at dagat ng Celebes sa timog. Jolo ang kabisera ng Sulu. Ang lupain nito ay may sukat na humigit kumulang sa 1,600.4 kilometrong parisukat, binubuo ng ng labimsiyam na munisipalidad: ang Hadji Panglima Tahil, Indanan, Jolo, Kalingalan Caluang, Lugus, Luuk, Maimbung, Old Panamao, Omar, Pandami, Panglima Estino, Pangutaran, Parang, Pata, Patikul, Siasi, Talipao, Tapul at Tongkil. Ang mga grupong etnikong naninirahan dito ay ang mga Tausog, Samal at mga Badjao. Ang mga muslim na nainirahan sa Jolo ay mga Tausug. Sila ang grupo ng mga Muslim na naging makapangyarihan sa loob ng maraming panahon sapagkat sila ay matatapang. Nakikipagkalakalan sila sa Borneo, Sumatra, Java at pati na sa China at Japan bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Ang ibig sabihin ng Tausug ay treacherous waters o mapanganib na tubig. Ibinigay daw sa kanila ang katawagang ito dahil sa ang kanilang lupain ay lumulutang sa tubig. Tinatawag rin ang mga Tausug na people of the current dahil ang uri ng kanilang pamumuhay ay malapit sa dagat.

Ang mga bahay ng mga Tausug ay yari sa mga local na materyales. Kahoy mula sa punong Joti ang ginagamit nilang poste o haligi ng kanilang mga bahay at dahon ng Sani ang ginagamit na dingding at Digpi, balat ng isang natatanging kahoy ang ginagamit sa pagkakabit ng dingding sa mga poste. Malalaki ang tahanan ng mga Tausug subalit ito ay walang dibisyon. Karaniwan nang may balkonahe sa harap. Ang kusina ay nakahiwalay sa kabahayan upang hindi pumasok ang usok sa loob ng kabahayan. May paniniwala sila na ang hagdan ng bahay ay dapat nakaharap sa sikatan ng araw upang umaga pa lamang ay pumasok na ang swerte sa bahay. Ang pananamit ng mga lalaking Tausug ay mahigpit na pantaloon at shirt sa itaas. Naglalagay sila ng sash sa baywang at nagsusuot sila ng turban. Ang mga babaing Tausug ay nagsusuot ng mga sarong tulad ng mga Malay. Gumagamit sila ng mga brass na maaaring nakakabit sa kanilang mga blusa o kaya ay kuwintas o mga bracelet. Ang pag-aasawa ng mga Tausug ay usapang magulang. Ang isang dalaga at binata ay maaaring magkapangasawahan kahit hindi sila gaanong magkakilala. Nagbibigay ng dowry ang magulang ng lalaki sa pamilya ng dalaga-maaaring lupain, pera, mga ani at iba pang bagay na maibibigay nila. Mahalaga sa mga tausug ang katapatan nila. Mabuti silang kaibigan subalit masamang kaaway. May kakaibang kaugalian ang mga Tausug sa paglilibing ng kanilang mga patay. Pinaliliguan nila ang bangkay bago gaganapin ang isang seremonyang ang pinakatampok na bahagi ay ang pagbabasa ng mga banal na teksto sa Koran, bibliya ng mga Muslim. Naniniwala sila na ang awit mula sa Koran ay nagpapagaan sa kaluluwa ng namatay.

Ang mga Muslim ay madasalin. Sa umagang-umaga pa lang ay naliligo na sila sa ilog bilang paghahanda sa gagawing pagdarasal sa Mosque. Pagkatapos ng pagdarasal sa Mosque, magsisimula sila sa kanilang mga gawain tulad ng pagbubungkal ng lupa, pangingisda at pagtitinda sa mga palengke. Nagdarasal uli sa tanghali, sa ikatlo ng hapon, sa dapit-hapon at bago matulog sa gabi. Sa islang matatagpuan sa pagitan ng Sulu at Zamboanga ay naninirahan naman ang mga Samal, isa pang uri ng mga muslim sa Sulu. Sila ay mahuhusay sa paggawa ng mga vinta at iba pang sasakyang-dagat. Magagalang sila at matatapang na mandaragat. Mga Badjao naman ang mga Muslim na naninirahan sa Timog Sulu. Makasaysayan ang Jolo, Sulu, dito matatagpuan ang Four Gates na nagsisilbing Watch Towers at General Mounds na ginawang libingan ng mga sundalong Kastila at Amerikano na pinatay ng mga gererong Muslim. Narito rin ang American Cavalry Monument na magpahanggang ngayoy nag-iisang Museo sa Sulu. Maipagmamalaki sa mga turista ang Pearl Farm, Maubo Beach, tandu Beach, Tadjung Beach, Tulya Mosque, at iba pang magagandang tanawin. TAWI-TAWI:

Ang Tawi-Tawi ay nasa Timog-kanluran ng Mindanao. Sa kabila ng karagatan ay bansang Sabah sa silangan Malaysia. Ang Tawi-Tawi ay nasa nasasakupan ng Sulu Sea pahilaga at kanluran gayon din ang Celebes Sea pasilangan at timog. Ang lalawigan ay binubuo ng tatlong grupo ng malalaki at maliliit na isla na may kabuuang bilang na 107. Ito ay may sampung munisipalidad-Bongao, Languyan, Mapun, Sapa-Sapa, Sibutu, Simunul, Sitangkai, South Ubian, Tandubas, Turtle Island. Mayroon itong 203 na mga barangay. Ang Tawi-Tawi ay binubuo ng kapatagan, bulubundukin at luntiang kagubatan. Ang maliliit na pulo ay napapaligiran ng mga malalaking batong-dagat. Ang Bongao na siyang kabisera nito ay may malalim na daungan. Ang lupain ay may sukat na humigit kumulang sa 1,807 kilometrong parisukat. Ang kapitolyo ng probinsiya ay Bongao. Ang salitang Tawi-Tawi ay nanggaling daw sa salitang Jaui na ang ibig sabihin ay Far o malayo. Ang mga sinaunang manlalakbay ay paulit-ulit na sinasabing JauiJaui na ang ibig ay Very far o malayung-malayo. Isang misyonerong Arabe, si Sheil Karimul makdum ang nagpakilala ng Islam sa probinsiya noong 1380. maraming mga Arabe ang nagsisunod sa yapak ni makdum ang nagpunta sa Sulu sa pamamagitan ng pakikipag-kaibigan sa mga katutubo. Noong ika-15 siglo, ang Sulu ay nagsimula sa sistemang Sultanatong Muslim base sa Jolo sa panunungkulan ni Rajah Baguinda. Noong 1450 aydumating ditto si Sayyid

Abubakar, mas kilala sa tawag na Shariff Ul-hashim at napangasawa niya si Paramisuli, anak na dalaga ni Baguinda at doon nagsimula ang Islam bilang relihiyon nang siya ang namuno sa Sulu. Ang pananakop ng mga Kastila ay nagbigay ng pagbabago sa mga katutubo. Nagkaroon din ng mga pagbabago sa pananakop ng mga Amerikano at iyon ay nangyari lamang matapos ang napakaraming madugong pakikidigma. Noong 1915, ang mga Sultan ay nagbalik sa dati nilang simpleng pamumuhay. Doon nagsimulang pawalan ng bisa ang panunungkulan ng mga Sultan. Noong 1960s ibinalik sa kapangyarihan ang mga Sultan sa Sulu n gating pamahalaan at naghain na maangkin ang Sabah na inupahan ni Sultan Jamalul Alam sa mga British noong 1878. Ang Tawi-Tawi ay humiwalay sa Sulu noong Setyembre 11, 1973 sa kapangyarihan ng Presidential Decree No.302. Sa ngayon ang tawi-Tawi ay bahagi na ng Autonomous Region ng Muslim Mindanao. Halos karamihan ng 90% na naninirahan ditto ay mga Muslim. Ilan dito ay mga Badjao, Jam-Mapun at Tausug. Ang mga Samal ang kauna-unahang naninirahan dito. Ang kahulugan ng salitang Badjao ay mangingisda. Ang kanilang pamumuhay ay hindi mahihiwalay sa tubig kaya silay binansagan na Sea Gypsy. Palibut-libot sila sa dagat kung saan dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay. Ang tirahan ng mga Badjao ay nasa Tapul Group sa Sulu, ang ibay nasa Celebes Sea, Borneo at mga isla sa TawiTawi, Sibutu at Sitangkai. Ang kanilang mga ninuno ay galing sa Jahore. Bagamat kung sila ay naninirahan sa karagatan, kung sila ay namamatay, sila ay inililibing din sa lupa.

Ang mga katutubong Jama-Mapun ng Cagayan de Tawi-Tawi ay isa sa mga unang nanirahan dito. Ang kanilang hanapbuhay ay pangingisda at pagsasaka. Sila ay kumikilala sa mga paniniwalat ritwal ng mga Muslim. Ang kanilang seremonya sa pagpapakasal ay buong gabing awitan at sayawan na tinatawag nilang Lunsay. Ang mga Tausug na naninirahan dito ay nagmula sa Malayan at Indonesian stock. Kinikilala itong pinakamatapang na tribu at hindi naipalam sa sinong conquistadores sa loob ng 300 taon. Sila ay naging Muslim noong ika-13 dantaon dahil sa mga misyonerong taga-Arabia. Nakikipagkalakalan sila sa Borneo at marunong magsalita ng Bahasa Malayo. Sila ay nabubuhay sa pangingisda, pagtatanim ng palay at mga bungang kahoy tulad ng langka, manggosteen, durian, lanzones, madangs at mangga. Kumikita rin sila sa paninisid ng mga perlas sa karagatan. Ang mga atraksiyong maipagmamalaki ng Tawi-TAwi ay ang Sibuter island, Qurong reef, Bongao peak, Tubig indangan, Musa island, Tabing-tabing beach, at Mosque sa Simunul. LANAO DEL SUR:

Ang Lanao del Sur ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng malawak na kapatagan ng Hilagang Sentrral Mindanao. Ang lalawigan ay may hangganang nasa hilagang-

kanluran ng Lanao del Norte sa silangan ng kapatagang lalawigan ng Bukidnon, sa timogkanluran ng Maguindanao at Hilagang Cotabato at sa timog-kanluran ng Illana bay. Sa kalagitnaan ng lalawigan ng Lanao del Sur ay matatagpuan ang Lawa ng Lanao, ang pinaka-malaking lawa sa Mindanao at ang pangalawang pinakamalaki sa Pilipinas. Ang mga bundok na makikita ng nakahanay sa lalawigan o ang tinatawag na Mountain Ranges ay siyang nagsisilbing likas na hangganang naghihiwalay sa Lanao del Sur, Maguindanao at Hilagang Cotabato. Ang lalawigan ay may malawak na lupain na humigit kumulang sa 3,872.9 kilometrong parisukat na katumbas ng 3.8% ng kabuuang lawak ng lupain ng Mindanao at 1.3% ng kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas. Ang lalawigan ay binubuo ng 37 na munisipalidad at ito ay ang mga sumusunod: Bacolod-Kalawi, Balabagan, Balindong, Bayang, Binidayan, Buadiposo-Buntong, Bubong, Bumbaran, Butig, Calanogas, Ditsaan-Ramain, Ganassi, Kapai, Kapatagan, LumbaBayabao, Lumbaca-Unayan, Lumbatan, Lumbayanague, Madalum, Madamba,Maguing, Malabang, Marantao, Marogong,Masiu, Mulondo, Pagayawan, Piagapo, Poona Bayabao, Pualas, Saguiaran, Sultan Dumalondong, Picong, Tagoloan Li,Tamparan, Taraka, Tubaran, Tugayan, Wao. May 1,155 na barangay ang Lanao del Sur, at Marawi city ang kabisera. Mga Maranao na nagmula sa lahi ni Rajah Indarapatra ang naninirahan dito sa lanao del Sur. Ang ibig sabihin ng Maranao ay tao ng lawa. Ang salitang ugat na Ranao ay nangangahulugan ng lawa. Ang dayalektong sinasalita ng mga Maranao ay tinatawag ding Maranao.

Ang Lanao del Sur ay madalas na dalawin ng lindol kung kayat ang mga bahay dito ay hindi nakabaon sa lupa ang mga haligi. Ang haligi ng mga tahanan ay yari sa malalaking troso na nakasalalay sa malalaking batumbahay kaya nakalutang at ano mang oras ay maaaring igulong sakaling may lindol na dumaan. Ang kanilang malalaking bahay ay nahahti sa mga silid-tulugan at bawat silid-tulugan ay akupado ng isang pamilya. Ang silid-tulugan ay nagsisilbi na ring silid-kainan. Ang kanilang habihan ay narito na rin at ito na rin ang nagsisilbing tanggapan ng mga bisita o panauhin. Sila ay mayroon ding Antique Royal House na kung tawagin niya ay Torogan. Ito ay may mataas na bubong na sinusuportahan ng dalawang malalaking troso na nagsisilbing haligi. Karaniwan na ang Torogan ay walang dibisyon dahil para sa kanila ang pangunahing gamit nito ay lugar na pagtitipun-tipon tulad ng pagdaraos ng salu-salo kung may nagdaraos ng kaarawan o kasalan at iba pang uri ng kasayahan. Ang bubong ng Torogan ay napapalamutian ng mga lilok (carvings) na kung tawagin nila ay Okir. Kung titingnan sa malayo ang Torogan, ito ay mistulang barko. Sa malalaking bahay ng mga Maranao ay karaniwang magkakaroon ng mga karagdagang kwarto na tinatawag nilang lamin, bilik o gibon. Dito naman naninirahan ang mga kababaihang wala pang asawa. Ang bilik o gihon ay maaaring nasa ibabaw o gilid ng Torogan. Ang kanilang pananampalataya ay Islam, bagamat naimpluwensiyahan na rin sila ng Kristiyanismo. Ang mga Maranao ang pinakamalaking grupo ng mga Islam dito sa Pilipinas. Sa ngayon marami na rin sa kanila ang nagsasalita ng Cebuano, tagalong, Arabic at Ingles.

Ang mga kababaihang Maranao ay makikilala sa suot nilang mga malong. Ito ay parang isang sako na kasuotang isinusuot mula ula hanggang sakong. Ang malong ay maraming gamit. Bukod sa maaari itong gawing palda, bestida o blusa at gown, ang malong ay nagagamit ding duyan ng mga sanggol at banig. Ang kombong naman ay isang telang may isang metro ang haba na nakasuklob sa ulo ng mga kababaihang Maranao na hindi pa naiimpluwensiyahan ng mga kultura ng mga taga-kanluran. Ang mga kalalakihang Maranao ay gumagamit ng Kopia (sombrero) at tubao. Ang tubao ay ginagamit ng mga lalaking nagsasagawa ng hadji (paglalakbay patungong Mecca). Gumagamit din sila ng sash na itinatali sa kanilang baywang na may katernong turban. Kilala ang mga maranao sa pagsasaka at sa kahusayan nila sa paggawa ng mga gong, kulintang at plorera na yari sa brass. Ang impluwensiya ng mga Hindus at pananampalatayang Islam ay nababaks sa mga lilok na makikita sa mga medya-agua ng kanilang mga tahanan at sa arko ng kanilang vinta. Ang sarimanok ay impluwensiya rin ng mga Hindu sa kanilang kultura. Ang mga Maranao ay mapamahiin. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng antinganting. Ang mga bagay na isinusuot nila sa kanilang leeg at ang mga inilalagay nila sa kanilang mga braso at binti ay pinaniniwalaan nilang nagdadala sa kanila ng swerte sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Mahirap ligawan ang isang dalagang Maranao. Ang binatang manliligaw ay kailnangang ang pinakamasipag at matiyaga sa kanilang lugar. Kailangan magkaroon ng tulay (mediator) na siyang mag-uugnay sa mga magulang ng dalaga at magulang ng binata.

Ang medyeytor ang magsasabi sa magulang ng dalaga ng pagnanais ng binata na makasal sa kanilang anak. Ang magulang ng dalaga ay hihingi ng dote o dowry sa binata at pagkatapos na mapagkasunduan ang mga bagay-bagay ay saka idinaraos ang masaya at mala-fiestang kasalan ng dalaga at binata. Para sa mga Maranao, ang pagpapakasal ay isang kabanalan. Naniniwala sila na ang nagpapakasal ay yumayaman at nagiging makapangyarihan sapagkat pinagpapala. Sa tradisyunal na pamilya ng mga Maranaao, ang ama ang siyang nangangalaga sa pamilya upang manatili itong buo. Ang nanay naman ang siyang namamahala sa tahanan. Sa kanya rin nakaatang ang pagtuturo ng kagandahang-asal sa kanyang mga anak kaya kung anong asal ang nakikita sa mga anak ay laging naiiugnay ito sa inang nagpalaki. Ang Adat ay isang batas pangkaugalian na tumutulong sa paghutok ng pagkatao ng mga Maranao. Ito ay isang batas na pinagtibay batay sa Islamic Code. Ang pagpapataw ng mga multa at iba pang legal na pagbabawal ay saklaw naman ng korte ng Agama na pinamamatnugutan ng mga Sultan. Ang korteng ito ang naghahatol sa mga kasong sibil at kriminal. Ang mga Maranao ay may isang tradisyunal na paraan sa paghuli ng mga magnanakaw. Halimbawa, sa isang bahay ay may nawalang isang bagay, ang unang gagawin ng nawalan ay tatawag ng isang paririmar o isang wiseman. Ang taong ito ay lagging may dalang librong tinatawag na rimaran. Respetado ng mga Maranao ang mga paririmar. Ang isa pa nilang paraan ng panghuhuli ng magnanakaw ay sa pamamagitan ng paghuhulog ng isang barya (coin) sa isang kalderong may kumukulong tubig. Ang lahat ng

mga suspek ay inaatasang ilubog ang kanilang kamay sa kumukulong tubig upang kunin ang barya. Kung sino ang tatangging gumawa nito, siya ang sinasabing magnanakaw at pipiliting magsauli ng ninakaw na gamit. Sa iba naman, itlog ang kanilang ginagamit upang parusahan ang magnanakaw. Kung may nawawalang bagay, ang may-ari ng bagay na nawawala ay kukuha ng itlog at bibigkas ng bulong habang iniinit ang itlog. Kapag nabasag ang itlog ay pinaniniwalaang mabubulag ang magnanakaw. Sa ngayon ay bihira na ang gumagawa ng kaparusahang ito sapagkat napagtanto rin nila na masyadong malupit ang kaparusahang ito. Kung sila ay namamatayan, ang bawat bahay sa buong nayon ay nagtatali sa hagdan ng bandilang puti. Sila ay hindi gumagamit ng kabaong pagkat ayon sa kanilang paniniwala ang tao ay isinilang ng hubad kayat dapat lang kung siya ay pumanaw ay walang kasamang anuman ang katawan. Ipinagmamalaki ng Lanao del Su rang Aga Khan Museum na katatagpuan ng koleksyon ng malalaking indegenous arts mga tugtuging etniko, mga sayaw at mga katutubong kagamitan at mga armas. Ang lahat ng mga ito ay makikita sa Main Campus ng Mindanao State University sa Lanao del Sur. SHARIFF KABUNSUAN:

Kamakailan lamang, sa bisa ng Muslim Mindanao Autonomy Act No. 201, nasama ang probinsiya ng Shariff kabunsuan sa nasasakupan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Ito ay may labing-isang munisipalidad na kinabibilangan ng mga sumusunodBarira, Buldon, Matanog, Parang, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Northern Kabuntalan, Upi. Sa pagkakalikha ng Shariff Kabunsuan, ika-walumpu itong probinsiya sa Pilipinas at ika-anim naman para sa ARMM. Ito ang pinaka-unang probinsiyang nalikha ng hindi sumasailalim sa kongreso ngunit sa pagpapatupad sa nasasakupang kapangyarihan ng Republic Act No. 9054 o ng Expanded ARMM law. Nabuo ang Shariff Kabunsuan noong Oktubre 29, 2006 sa pagratipika nito sa pamamagitan ng botohan. 285,372 ang sang-ayon (mayorya) at 8,802 ang di naman sangayon sa naganap na botohan sa plebisito. Ang probinsiya ng Shariff Kabunsuan ay ipinangalan mula kay Shariff Mohammad Kabungsuwan, isang Arabong- Malay na nagpalaganap ng Islam sa gitnang Mindanao noong ika-15 siglo. Datu Odin Sinsuat ang kapitolyo ng probinsiyang ito. Binubuo ito ng 209 na barangay at isang kongresyunal na distrito. Iranon at Maguindanao ang wikang sinasalita dito. BASILAN:

Ang siyudad ng Isabela ang kapitolyo ng probinsiya ng Basilan. Ang Basilan ay matatagpuan sa katimugang baybayain ng peninsula ng Zamboanga. Ang Basilan ang pinakamalaki at nasa pinakahilaga sa mga isla ng archipelago ng Sulu. Nasa pagitan ito ng malaking isla ng Mindanao at ng Borneo na binubuo ng 400 isla. Ang Basilan lamang ang kaisa-isang probinsiya sa ARMM na hindi kasama sa sampung pinakamahirap na probinsiya sa buong bansa. Sinasabing ang pangalan ng Basilan ay nagmula sa salitang Bantilan (lugar), na sa kalaunan ay naging Basilan dahil sa maling pagbigkas ng mga dayuhan lalo na ng mga kastila. Sagana rin ang Basilan sa mga iron ores na sa salitang tausug ay basih, kaya naman nabansagan ang probinsiya na Basilan dahil ito yung lugar na dapat puntahan kung maghahanap ng mineral na ito. May mga nagsasabi rin na ipinangalan ito sa isang datu na nagngangalang Datu Bantilan ang ikadalawampung sultan ng Sulu na nagpatayo ng isang naval base sa timog-kanlurang bahagi ng isla. Tatlong grupo na may pinakamalalaking impluwensiya sa probinsiya ay ang mga Yakan, Tausug at mga Chavacano. Ang mga Yakan at Tausug ay mga Muslim samantalang ang mga Chavacano naman ay mga Kristiyano. Ang mga iba pang grupo na matatagpuan sa probinsiyang ito ay ang mga Bisaya, Samal Bangingi, Ilokano, Ilonggo at mga Maranao. Halos lahat ng mga resident eng lugar ay nagsasalita sa wikang Chavacano, sunod na pinakakilala at maraming nagsasalita ay sa wikang Tausug, lalo na sa mga lugar na karamihan ng naninirahan ay Muslim. Sunod na maraming gumagamit ay ang wikang Bisaya, sunod ay Yakan at maliit na porsiyento lamang ang nagsasalita ng Samal Bangingi.

Agrikultura ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taong nakatira sa probinsiyang ito. Ang mga pangunahin nilang produkto ay niyog, kopra, goma, kape, paminta, palay, mais, cacao at cassava. Marami ring yamang dagat na makikita dito.

You might also like