Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lakas ng Wikang Filipino, Tatag ng PagkaPilipino Sa punong guro ng aming natatanging paaralan, sa lahat ng mga gurong tumataguyod ng aming

karunungan, sa ating panauhing pangdangal, ______________, sa aking mga kamag-aral, sa mga magulang na nagdalo, at sa lahat na bisita na dumogok sa ating programa, isang magandang araw sa inying lahat. Ang wika ay hindi lamang gamit pangkomunikasyon; ito rin ay isang uri ng pagpapahayag nang pangkabuuang kaisipan, paniniwala, salita, at gawa na nahubog sa paglipas ng panahon na kalaunan ay naging katangian at kultura ng isang bansa. Maituturing na isang pandaigdigang wika ang Filipino. Ito ay nagtataglay ng sagisag ng bansang Pilipinas at nang isang Pilipinong pagkatao. Natatangi ang Filipino sa ibang mga dilang-banyaga sapagkat ito ay nagsasalamin sa kaisipan at paniniwalang angkin atin lamang. Naidadaloy nito ang ugat ng katauhan at mga kaugaliang taglay ng mga Pilipino. Isa sa mga kaugalian at katangian na naipapamalas ng wikang Filipino ay ang paggalang. Kaugalian na ng mga Pilipino na magbigay respeto at paggalang sa mga nakakatanda o sa mga taong may pinanghahawakan. Ito ay nagpapahiwatig na ang Pilipino ay mapag-ayon at masunurin sa anumang pagkakataon. Ang Po at Opo ay dalawa lamang sa mga salitang naguultaw sa katangiang ito. Sa wika rin naipapakita ang galing ng Pilipino sa pakikisama at pakikipagkapwa. Sa kahit anong kalagayan, ang Pilipino ay magaling mangiramdam. Sila ay sensitibo at mapagmatyag. Dahil dito, ang pagiging magiliw sa pagtanggap ay isa sa mga maipagmamalaking katangiang bunga ng wika sa buong mundo. Sa wika rin maririnig at magagamit ang pagkamasalamatin. Ang utang ng loob na isa sa mga natatanging kahalagahan ng isang Pilipino, ay naipapahiwatig ang mataimtim at puspusang pagpapasalamat sa tao. Marami pang mga natatanging katangian at kaugaliang mayroon at pinanghahawakan ang isang Pilipino kagaya ng katatagan ng loob sa anumang hamon, pagkamasiyahin kahit sa isang mapagsubok na panahon, at pagkapositibo dahil sa paniniwala sa Maykapal. Ang mga katangian at mga kahalagahang ito ay hindi lamang nakikita sa gawa kundi ito rin ay makikita sa masinging na paggamit ng wika. Sa paghasa at paglinang ng wikang Filipino ay napapalakas at napapatatag and isang lahi at bansa. Sa patuloy na paggamit nito ay naipapakita ng isang Pilipino ang ugali, kultura at kahalagahan ng isang tunay na Pilipino; naihahayag din nito na ang bansa ay matatag dahil sa mga naipapamalas na kaisipan, kaugalian, at kahalagahan na maituturing bukod-tangi sa pangkalahatang wika sa mundo. Kaya masasabing, Ang lakas ng wika ay ang lakas ng bansa. Sa lahat na Pilipino na tagapakinig, kayo ay inanyayahan kong ipagpatuloy ang paglinang sa ating wikang nakaugalian sapagkat ang wikang binibihasa ay ang salamin ng pagkakilanlan natin. Ako ay Pilipino; gamit ay wikang Filipino. Halina at ipagmalaki natin ang wikang mayroon tayo. Ipagmalaki ang lakas ng wikang humubog sa ating pagkatao. Ipagmalaki ang lakas ng ating pagkatao gamit ang wikang Filipino.

You might also like