Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

TO:

Committee on Ethics and Ethical Standards Supreme Court of the Republic of the Philippines Padre Faura, Manila Hon. Maria Lourdes P.A. Sereno Chief Justice and Chairperson of the Ethics Committee SUPREME COURT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

THRU:

RE:

Panawagang Imbestigahan ang Hindi Maitatangging Kamalian sa Desisyong Pabor Kay Ginoong Eduardo Danding Cojuangco, Jr.

DATE: 20 September 2012 ___________________________________________________________ KAGALANG-GALANG NA PUNONG MAHISTRADO: Kami po, sampu ng aming mga kapatid na mga magniniyogsa ngalan ng aming mga kasamahang pumayapang hindi man lamang naramdaman ang biyaya mula sa mga buwis na sa amin ay ipinataw, at alang-alang sa kabuhayan at kinabukasan ng aming mga pamilyaay dumudulog sa inyo upang humingi ng kasagutan. Nung nakalipas na taon, nagpasya ang Korte Suprema, pabor kay Ginoong Eduardo Danding Cojuangco, Jr. patungkol sa dalawampung porsyento ng shares ng San Miguel Corporation (SMC). Rinemedyohan ng Korte Suprema ang balakid na ito, sa pamamagitan ng paglikha ng sarili nitong depinisyon. At ayon sa pagpapakahulugan ng Korte Suprema sa sarili nitong depinisyon, upang magsulong ng kaso patungkol sa pagbawi ng nakaw na yaman, kailangang patunayan maging ang pagkatao ng mga nilalang na matagal ding nakinabang sa kanilang pagkakalapit sa nasirang diktador. Ayon sa naturang desisyon nung ika-12 ng Abril 2011, sa panulat ni Justice Lucas P. Bersamin, wala diumanong maliwanag na depinisyon na nasasaad sa batas patungkol sa nakaw na yaman o ill-gotten wealth. Simple lamang ang aming tanong: meron nga ba o wala? Dahil kung meron naman palaat sa halip nito, lumikha ang Kataas-Taasang Hukuman ng sarili nitong depinisyong kanyang pinagbatayan ng kanyang desisyonhindi bat paglabag ito sa alituntunin ng Saligang

Panawagang Imbestigahan ang Hindi Maitatangging Kamalian sa Desisyong Pabor Kay Ginoong Eduardo Danding Cojuangco, Jr.

Batas na nagtatakdang maliwanag dapat na tinutukoy at ilinalahad ang pinagbabatayang tamang batas? At kung meron namang maliwanag na batas na siyang dapat gawing batayan, para saan at bakit babalangkas pa ng panibagong depinisyong nagtataas ng antas ng ebidensiyang kailangan upang patunayan ang mga reklamo sa kasong ito? Makatarungan bang, sa pamamagitan ng sarili nitong depinisyon, itataas ang nibel ng pruwebang kailangan at sabay sasabihing, hindi na ito kayang abutin? Itinaas ng isang kamay ang timbangan ng hustisya, at sa kabila namay ibinaba ang hatol, dapat pa bang ikagulat na hindi ito magpangabotat sa gayung paghusga, hindi ba masakit sa tainga, kung saka sasabihing kulang at kulang pa? Buong galang, ngunit buong diin naming ibig bigyang linaw ang naging batayan ng Korte Suprema nang itoy magpasya batay sa anitoy kawalan ng batas na tumutukoy sa nakaw na yamanlalo pat maliwanag na merong batas. Samut sari ang maaaring paghalawan ng nasabing nawawalang depinisyonPCGG Rules and Regulations, Section 1(A), ang kaso ng Republic of the Philippines v. Estate of Hans Menzi, o dili kaya ang naging desisyon nito nung Enero 2012 sa COCOFED v. Republic of the Philippineskung kayat tila mas makahulugan ang pagtanggi at pagbigkas ng pagkawala nito. Kami ay humihiling sa Committee on Ethics and Ethical Standards ng masusing imbestigasyong naglalayong mabigyan ng kasagutan ang aming mga katanungan. Bakit at paano nangyari na mawawaglit sa bukod-tanging Desisyon ito ang depinisyon ng nakaw na yaman o ill-gotten wealth sa ilalim ng Section 1(A) ng PCGG Rules and Regulation, gayung tinukoy naman sa Desisyon ang Section 3? Maliwanag na kung ihahambing ang binigkas ng Korte Suprema nung Abril 2011, salungat ito sa naging pagpasya nung Enero 2012 kung saan malinawag na tinukoy at pinatotohanan ng labing-isang miyembro ng Korte Suprema ang tunay na depinisyon ng nakaw na yaman o ill-gotten wealthkabilang na ang pitong miyembrong tumangging may gayung depinisyon. Bakit nung Abril 2011, may mga katanungang bumabagabag sa Korte Suprema na sabi nitoy balakid sa
2

Panawagang Imbestigahan ang Hindi Maitatangging Kamalian sa Desisyong Pabor Kay Ginoong Eduardo Danding Cojuangco, Jr.

pagdesisyon sa aming pabor? Hindi pa raw napatunayan na ang coco levy ay public funds. Hindi raw napatunayan na ang bangko ng mga magniniyog (United Coconut Planters Bank) ay public corporation. Paano naging balakid ang mga tanong na ito nung Abril 2011, gayung ang Korte Suprema rin ang nakasagot sa mga tanong na ito nung Enero 2012, sa pagbigkas na: ang coco levy ay special public funds at ang UCPB ay public corporation? Paano mangyayaring ang dalawang desisyong ito ay magkasalungat, gayung silay naguugat at nagmumula sa iisang kaso lamang: Civil Case No. 33-F? Ang alituntunin ng Saligang Batas na nagtatakda sa bawat korte na tukuyin sa mga desisyon nito ang tama at pertinenteng batas ay ang garantiya ng taong bayan sa pagiging patas at makatarungan nito. At dahil hindi mabigyang kasagutan ng Desisyon ng Korte Suprema ang aming mga katanungan, kami ngayon ay dumudulog sa inyo at humihiling ng mga kapaliwanagan sa mga kabalintunaang itoat kung may matukoy man kayong mga kamalian, umaasa kaming pananagutin ang mga taong ito, maging abogado man o Mahistrado ng Korte Suprema na siyang responsable sa paghahanda at pagsulat ng Desisyong ito. Aasahan po naming maluwag ninyong tatanggapin ang aming hiling, sa ngalan ng reporma sa Hudikatura, at bunsod na rin ng mga alituntunin at mapapait na leksyon ng nakalipas na impeachment ng dating Punong Mahistrado. Lubos na gumagalang,

Mga Magniniyog at Ang Kanilang Mga Kababayang Nakikisangkot sa Pagtaguyod ng at Panawagan Para sa Katarungan

cc:

HON. NIEL C. TUPAS, JR. Chairperson Committee on Justice House of Representatives 3/F Annex Building, House of Representatives, Quezon City

You might also like