Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CHARACTER EDUCATION III 12:00-12:30 PM (III-Cheerful)

July 2, 2012 Monday

I.

Layunin: Nakakikilos ng maayos sa palengke at mga pampublikong lugar. Paksang Aralin: Disiplina Sanggunian: BEC Handbook p. 25, Dula-dulaan- Sa Palengke Kagamitan: Larawan ng palengke

II.

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral: Bakit kailangang maging malakas ang loob sa oras ng kasawian? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak: Sino-sino sa inyo ang namamalengke tuwing araw ng Linggo o Sabado? 2. Pag-aalis ng Sagabal: Palengke Kaarawan 3. Paglalahad: Ang liksyon natin ngayon ay ang maayos na pagkilos sa palengke, hindi lamang sa palengke kundi sa mga pampublikong lugar na din, Isadula natin ang dula-dulaan. Dula-dulaan sa Palengke Norma: Inday, Neneng, Baby, halikayo! Pupunta tayo sa palengke. Inday: Pupunta sa palengke? Anong gagawin natin doon? Norma: Araw ng palengke ngayon, samahan ninyo akong bumili para sa handaan bukas. (Sa Palengke) Norma: Mga kapatid, tingnan ninyo ang nagtitinda ng karne (tumawa ng malakas si Norma). Parang kabayo ang katawan. Neneng: Oo nga! (Tumawa rin at sumigaw) Inday: ma na agt huwag kayong tumawa at sumigaw. Tingnan ninyo ang mga tao, tinitingnan na tayo. Baby: Ano ang sabi mo Norma? Hayan at nagalit sa inyo ang nagtitinda ng karne. Norma: Mga kapatid, hali nakayo at hindi na lamang ako mamimili. 4. Pagtalakay: Sa ating dula-dulaan, sino ang hindi kumilos ng maayos sa palengke? Bakit? 5. Paglalahat: Ang tamang pagkilos sa palengke ay:

Hindi nakikialam sa anumang nakikita sa nagtitinda. Iniiwasang tumawa ng malakas kung may tinatawanan. Hindi sumisigaw. C. Pangwakas ns Gawain: 1. Paglalapat: Sa darating na Sabado, at pupunta kayo ni Nanay sa palengke, anu-ano ang mga dapat at hindi mo dapat gawin? IV. Pagtataya: Sagutin ang bawat tanong: 1. Sino-sino ang mga tauhan sa ating dula-dulaan? 2. Saan bapupunta si Norma at ang kanyang mga kapatid? 3. Anu-ano ba ang kanyang bibilhin? 4. Sino ba ang may kaarawn? Kasunduan; A. Pangako: Kikilos ako ng maayos kung ako ay nasa palengke o mga pampublikong lugar.

V.

You might also like