Lesson 28

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CHARACTER EDUCATION III 12:00-12:30 PM (III-Cheerful)

September 18, 2012 Tuesday

I. II.

LAYUNIN: Pumipila kaagad pagkarinig ng bel sa paaralan. PAKSANG ARALIN Paghihintay ng Tamang Pagkakataon sa Anumang Gawain Magandang Balak Sanggunian: BEC Handbook p.26, Magandang Asal p.155-159

III.

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Ballik aral Mabuti ba ang ginawa nina Elmo at Marcos habang nagsasalita ang guro? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang nakikita ninyo sa paaralan na nagpapahiwatig na magsisimula na ang klase?Kapag narinig ninyo ito, dapat tandaan na kailangang pumila kayo kaagad. 2. Pag-aalis ng Sagabal _____ narinig _____ ipinaaalala _____ nagkwentuhan _____ pumayag _____ kampana

3. Paglalahad Ipabasa Ang kwentong Magandang Balak sa mga bata. Magandang Balak Nasa paaralan na ang mga bata.Hinihintay nila ang pagtugtog ng kampana. Magkwentuhan muna tayo, Tony, ang wika ni Felix.Maupo muna tayo rito sa bato. Kumuha ng panyo si Tony.Pinunasan muna niya ang bato bago sila naupo. Tayo na.Pumila na tayo.O hayun na an gating grupo,ang sabi ni Felix.

Ayaw kong pumila, ang sagot ni Tony, Hindi ko pa natatapos ang ipinagagawa ng guro natin, eh. Iyan ay hindi mabuting ugali.Dapat mong tandaan na kailangang pumila kaagad kapag narinig ang bel ng paaralan.Hindi ba iyon ang laging pinapaalala ng guro?Tayo na Tony, ang payo ni Felix. Sa pagkakataong iyon, pumayag na si Tony na pumila.Mula noon, palagi nang pumipila si Tony kapag naririnig niya ang bel na naghuhudyat na kailangan ng pumila. 5. Pagtalakay Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?Bakit dapat nating hangaan si Felix?Ano ang palaging ipinaaalala ng guro sa mga bata?Ano asng gusting gawin ni Tony?Tama ba ang kanyang ginawa?Bakit? 6. Paglalahat Pagkarinig ng kuliling, pumila kaagad. C Pangwakas na Gawain 1. Paglalapat Kayo ay nasa kantina at kumakain.Hindi ka pa tapos sa pagkain ay narinig mo na ang kuliling ng nagpaalam na tapos na ang rises.Ano ang gagawin mo? IV. PAGTATAYA Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang dapat mong gawin kapag narinig mo ang bel? a. Aalis sa pwesto c. Magpapatuloy sa paglalaro b. Pipila kaagad d. Pababayaan lamang ang bel

2. Ano ang gagawin mo kung ang kasama mo ay hindi sumusunod sa kuliling ng kampana sa paaralan? a.Pababayan mo siya c. Aawayin mo siya b. Papayuhan mo siya d. Susundin mo siya

3. Habang kayo ay lumalakad patungo sa paaralan, narinig mo ang kuliling.Ano ang iyong gagawin? a. Hihinto at maglalaro muna b.Bibilisan ang paglalakd patungo sa paaralan c. Uuwi kaagad sa bahay d. Hindi papansinin ang bell V. KASUNDUAN

A. Pangako: Magmula ngayon, dapat maagap at uliran sa paghahanay kapag narinig ang bel o kuliling ng paaralan. B. Pagsubaybay: Magdala ng mga larawan na nagpapakita ng mga batang pumipila sa harap ng silid-aralan.Magkwento tungkol dito.

You might also like

  • Lesson 32
    Lesson 32
    Document2 pages
    Lesson 32
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 26
    Lesson 26
    Document1 page
    Lesson 26
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 27
    Lesson 27
    Document3 pages
    Lesson 27
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 24 (Quiz 2)
    Lesson 24 (Quiz 2)
    Document1 page
    Lesson 24 (Quiz 2)
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 22
    Lesson 22
    Document1 page
    Lesson 22
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 21 B
    Lesson 21 B
    Document1 page
    Lesson 21 B
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 16 (Quiz 1)
    Lesson 16 (Quiz 1)
    Document2 pages
    Lesson 16 (Quiz 1)
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 17
    Lesson 17
    Document2 pages
    Lesson 17
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Format
    Format
    Document2 pages
    Format
    Renejaps Cantillon
    No ratings yet