Lesson 30 B

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CHARACTER EDUCATION III 12:00-12:30 PM (III-Cheerful)

July 24, 2012 Tuesday

I.

LAYUNIN Nagiing ugali ang malinis sa paggamit ng sariling kagamitan. Nililinis ang anumang kagamitan/materyales pagkatapos gamitin.

II.

PAKSANG ARALIN Kalinisan at Kaayusan Ang Malaking Pagbabago Sanggunian: BEC Handbook p.26, Magandang Asal (Sa Bagong Lipunan ), p.28-29 Kagamitan: Larawan ng batang umiiyak sa loob ng silid-tulugan sa nakakalat niyang kagamitan.

III.

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral May sarili ba kayong kagamitan?Nililigpit ba ninyo ang kagamitan ninyo pagkatapos gamitin? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Saan ninyo inilagay ang damit na hinubad, aklat, at sapatos pagdating sa bahay? 2. Pag-aalis ng Sagabal Matuto- malaman

3. Paglalahad

pulong- miting Balitaan- pagkwentuhan

Ipakita ang larawan.Ano ang nakikita sa larawan?Anong bahagi ng bahay ang nasa larawan?Basahin ang kwento sa mga bata.

Dagling Pagbabago Ano ang nagbago kay Nelly? Si Nelly ay isang batang laging masaya.Ngunit dati ay napakapabaya niya sa kanynag mga gamit, sapatos at aklat. Kailan ka ba kaya matututo? ang tanong ng kanyang ina. Huwag kayong mag-alala, Nanay, ang sagot ni Nelly pagkatapos halikan at yakapin ang kanyang ina. Wala, hindi na magbabago si Nelly. Ang iiling-iling na wika ng kanyang ama. Ngunit si Nelly ay nagbago.Ganito ang pangyayari. Isang araw ay bumisita ang kanyang Tiya Dina na sa Maynila nakatira. Nelly, sumama ka sa akin at magbakasyon ka sa amin kung gusto mo, sabi ng Tiya Dina. Gayon na lamang ang tuwa ni Nelly.Niyakap niya ang kanyang Tiya at hinalikan ito ng ilang ulit. Sige na.Maghanda ka na at lalakad tayo makaraan ang tatlumpong sandali. Opo, Tiya Dina, ang sagot ni Nelly na masayang-masaya. Ang ina ni Nelly at si Tiya Dina ay nagbabalitaan habang naghahanda si Nelly.Pagkalipas ng kalahatiing oras ay tumawagsi Tiya Dina, O?Nelly lalakad na tayo. Ngunit walang Nelling sumagot.Paulit-ulit ang pagtawag ng ina ni Nelly ngunit wala ring sumagot. Pumasok sa silid ang ina at Tiya ni Nelly.Ano ang kanilang nakita?

Si Nelly ay nakahiga at iyak ng iyak. Bakit ka umiiyak? Kasi, kasi.. hindi ko Makita nag aking sapatos.Lahat ng damit koy marurumi. Hayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang wika ng ina.Pabaya sa gamit ang batang ito. Hindi na naghintay ang Tiya ni Nelly dahil mayroon siyang dadaluhang pulong sa Maynila. Nanay, mag-aayos na ako ng aking mga gamit.Hindi ko na pababayaang nakakalat ang aking mga damit at sapatos, ang sabi ni Nelly. At nagbago na nga si Nelly.Sa simula ay hirap siya sa pagtupad sa pangako.Ngunit natutuhan din niya ang mag-ingat sa kanyang mga kasangkapan.

Iyong Sagutin: 1. Masisisi mo ba si Tiya Dina sa pag-iwan kay Nelly? 2. Anu-ano kaya ang giawa ni Nelly sa pag-aalaga sa kanyang gamit?

4. Pagtalakay a. Sino ang batng umiiyak? b. Bakit umiiyak si Nelly? c. Bakit iniwan si Nelly ng kanyang Tiya? d. Anu-ano ang ginawa ni Nelly sa kanyang gamit?

5. Paglalahat Ano ang dapat gawin sa mga pansariling kagamitan? (laging handa, malinis at maayos)

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalapat Kung kayo si Nelly ano ang gagawin mo?

IV

PAGTATAYA Sagutin ng Tama o Mali 1.Pabayaang nagkalat ang mga gamit. 2. Madali ang maghanp kung nakaayos ang mga gamit. 3. Ingatan ang mga pansariling kagamitan. 4. Dapat magkaroon ng sariling kasangkapan. 5. dapay magkaroon ng sariling lalagyan ang mga kasangkapan.

V.

KASUNDUAN A. Pangako Sisikapin kong laging handa, malinis at maayos ang mga pansariling kagamitan ` ko. B. Pagsubaybay Ipagawa sa mga bata ang wastong paraan sa paggamit at pagliligpit ng sariling kasangkapan.

You might also like

  • Lesson 32
    Lesson 32
    Document2 pages
    Lesson 32
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 26
    Lesson 26
    Document1 page
    Lesson 26
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 27
    Lesson 27
    Document3 pages
    Lesson 27
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 24 (Quiz 2)
    Lesson 24 (Quiz 2)
    Document1 page
    Lesson 24 (Quiz 2)
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 22
    Lesson 22
    Document1 page
    Lesson 22
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 21 B
    Lesson 21 B
    Document1 page
    Lesson 21 B
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 16 (Quiz 1)
    Lesson 16 (Quiz 1)
    Document2 pages
    Lesson 16 (Quiz 1)
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Lesson 17
    Lesson 17
    Document2 pages
    Lesson 17
    Twosixfour Ronald
    No ratings yet
  • Format
    Format
    Document2 pages
    Format
    Renejaps Cantillon
    No ratings yet