Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

panimula ng GAPO a. thesis statement nanatili ang mga amerikano sa ating bansa.

ang pagdating nila dito ay naging daan upang magkaroon ng hanapbuhay sa maraming pilipino. maraming pilipino, partikular na ang mga kababaihan, ang nangarap na makarating sa amerika. pinapangarap nila na marating ang amerika upang takasan ang mga suliraning kanilang kinakaharap dito sa ating bansa. malaki nga ang tulong na naibigay ng pagdating ng mga amerikano sa ating bansa ngunit hindi ito sapat na dahilan upang atin nang maliitin ang ating sariling lahi. b. layunin 1. maipakikita sa mga mambabasa ang isyung panlipunan na nakapaloob sa noblang gapo ni lualhati bautista. 2. maiuugnay ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa sa ilang matitingkad na pagyayari nobela. 3. maipauunawa ang kahalagahan ng nobelang gapo sa buhay ng mga pilipino. c. kahulugan ng mga terminolohiya ii. pinakakatawan a. buod si michael taylor, jr ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang freedom pad. anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa gina ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. dahil dito, madalas niyang nakakasagutan si magda na isang ? tulad ni dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. si magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya (na)ng dahil sa mga ito. malalapit na kaibigan ni michael sina modesto at ali. si modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay william smith. tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. si ali naman ay isang (baklang) masalapi. (nagkarelasyon sila ni modesto.) naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na sa richard halloway. isang araw, hindi na natiis ni modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. lamang sana si modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni william, napatay nila si modesto. si ali naman ay ninakawan nina richard at ignacio at bubugbugin rin. si magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang steve taylor. noong simula ay napakabait ni steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. makakatagpo na sana ni michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa estados unidos. nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina ali at modesto sa nga amerikano. naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay magda. hinampas ni michael si steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni steve. nakulong si michael. (sa huling eksena,) dinalaw ni magda si mike sa kulungan. ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay mike. ang bata ay magiging si michael taylor iii. naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.

b. talambuhay ng may-akda si lualhati torres bautista ay isinilang sa tondo, maynila noong disyembre 2, 1946. siya'y naging (fictionist) at (movie scripwriter) dahil sa impluwensiya ng kanyang mga magulang na sina esteban bautista at gloria torres, na intinanangkilik ang (composing), pagkanta at pagsulat ng mga tula. siya ay nagtapos sa emilio jacinto elementary school noong 1958 at sa torres high school noong 1962. nang matapos ang unang taon niya sa kursong (journalism), naging isang propesyonal na manunulat na siya. siya ay naging bise presidente ng (screenwriters guild of the philippines) at ang pinuno ng kapisanan ng mga manunulat ng nobelang popular. ang una niyang (screenplay) ay ang sakada, noong 1976, na may temang tungkol sa (plight) ng mga (filipino minorities). umiral ang batas militar noong kung kaya't ipinagbawal ang kanyang pelikula dahilan ay ang mensahe nito. sa kabila nito, nanalo ito ng (award) mula as catholic mass media awards sa taon ding iyon. ang ikalawa niyang pelikula ay ang kung mahawi man ang ulap, noong 1984, na nakatanggap ng nominasyon sa (awards) film academy. isa pa sa mga pinakamahusay niyang (screenplays) ay ang bulaklak ng city jail na hango sa nobela niya tungkol sa mga nakakulong na kababaihan na humakot ng maraming (awards) mula sa iba't ibang (guilds/organisasyong pampelikula) kasama ang star awards at metro manila film festival. dahil siya'y isang mahusay d/rin na manunulat ng nobela, (ginawaran) siya ng ilang palanca (grand prizes) noong 1980, 1983 at 1984 para sa mga nobelang gapo, dekada '70 at bata, bata... pa'no ka ginawa? na (exposing/nagpapahayag) ng kawalan ng katarungan at (women activism) sa panahon ng pamumuno ni marcos. siya'y naging (national fellow) para sa (fiction) ng (university of the philippines creative writing center) nong 1986 at nanalo ng maraming (awards) para sa mga maikling kuwento tulad ng tatlong kuwento sa buhay ni juan candelabra at buwan, buwan, hulugan mo ako ng sundang. nakatanggap siya ng (recognition award) mula sa surian ng wikang pambansa noong 1987. (mrs. bautista was honored on 10 march 2004 at a program hosted by the ateneo library of womens writings (aliww). the occasion marked the 8th annual lecture on vernacular literature by women.) c. pag-aanalisa o pagpapalawak 1. mga tauhan ng nobelang gapo michael taylor jr. 2. paglaganap ng prostitusyon sa olongapo naghahanap ang mga amerikano ng kasiyahan pagkatapos ng isang araw ng pagtatrabaho. nagbibigay-aliw ang mga pilipina sa mga amerikanong ito. kapag nabuntis ang pilipina, gagawin niya itong dahilan para ipetisyon siya ng nakabuntis sa kanya. mapipilitan ang amerikano na pakasalan siya at isama sa amerika. para sa mga pilipina, ito na ang pinakamadaling paraan para makarating sa lupang pinapanagarap nila, kaya naman halos lahat ay dumudulog sa ganitong klase ng gawain. 3. anu-ano ang nagdulot ng kahirapan sa olongapo? 4. diskriminasyon ang tingin ng mga amerikano ay sila ang mas nakatataas na lahi. nakikita ang diskriminasyon sa base. mababa ang tingin ng mga amerikano sa mga pilipino. makikita rin ito sa mga tinitirhan nila. lahat ng mga puti ay nasa iisang lugar at nakahiwalay ang mga pilipino. kasalanan din ng mga pilipino dahil masyado silang nahuhumaling sa mga bagay na kayang

ibigay ng mga amerikano. 5. pananatili ng mga ameikano sa pilipinas nagpatayo ang amerika ng mga base dito sa pilipinas. ayaw na nila umalis dahil nakita nilang malaki ang pakinabang ng mga pilipino sa kanila. malakas din ang naging impluwensya nila sa pag-iisip ng mga pilipino. 6. pagtingala ng mga pilipino sa mga amerikano tinitingala ng mga pilipino ang kulturang kanluranin dahil sa sawa na sila sa mga nakagisnang buhay dito a pilipinas. iniisip nila na mababago ng mga amerikano ang takbo ng buhay nila. nakikita nila na ang amerikano ang pinakamadaling paraan para mabago ang kasalukuyang pinagdaanan nila sa buhay na kanilang nakagisnan. unti-unti nang bumaba ang pagtingin ng mga pilipino sa kanilang sariling lahi. 7. ano ang pangkalahatang kaisipang umiikot sa nobela? 8. ano nga ba ang naging papel ng gobyerno sa ugnayang pilipino-amerikano? 9. ano ang magiging epekto ng pagpapatuloy ng diplomatikong ugnayan at pagkakaibigan ng pilipinas at amerika? 10. sa pangkalahatan, ano ang nais iparating ng may akda sa mga mambabasa?

You might also like