Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Ito ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaring

makaimpluwensya upang mabago ang anyo ng isang morpema. Ang nakaiimpluwensyang ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan nang ang sinusundang ponema ang nakakaimpluwensya. Ito ay may iilang uri:

Asimilasyon
- sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa // sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. May dalawang uri ang asimilasyon: a) asimilasyong parsyal at b) asimilasyong ganap.

Ang Asimilasyong Parsyal o Diganap ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang // at nagiging /n/ o /m/ o nananatiling // dahil sa kasunod na tunog. Bukod dito ay wala ng ibang pagbabagong nagaganap. Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa // ay ikinakabit sa

salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang // ay nagiging /m/. Halimbawa: [pang-]+paaralan [pang-] + bayan pampaaralan pambayan

Ang huling ponemang // naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa

mga sumusunod na ponema: /d/, /l/, /r/, /s/, /t/. Halimbawa: [pang-] + dikdik [pang-] + taksi pandikdik pantaksi

Sa Asimilasyong Ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang // ayon sa punto ng

artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema. Halimbawa: [pang-]+palo pampalo pamalo [pang-] + tali pantali panali

May mga salitang maaaring gamitin ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan ng gamitin lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang

morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita. Mga Halimbawa: - Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon: Halimbawa: [pang-] + kuha--pangkuha/panguha [pang-] + tabas---pantabas/panabas

- Yaong hindi maaaring gamitan ng asimilasyong ganap: Halimbawa: [pang-] + bansa pambansa [pang-] + luto panluto

You might also like