Babaeng Pilipina (Sanaysay)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Babaeng Pilipina Ang kababaihan sa Pilipinas ay bukod-tangi sa lahat ng kababaihan sa buong mundo.

May ibat-ibang katangian at kakayahan na napatunayan nila ito simula ng nagbago ang kultura sa pakikitungo sa kababaihan sa buong mundo.

Noong unang panahon, maipagmamalaki natin ang mga dalagang Pilipina sila ay mahinhin, konserbatibo, magalang, madasalin, tila parang isang ibong nasa hawla dahil silay madalas lang na nasa kanilang mga tirahan. Sila ay mahahawakan lamang ng isang lalaki kapag siyay isang ganap na asawa na. Eto ay kwento ng mga matatanda noon, kapag nag asawa, na sila ang tagapagluto, maglalaba, magaalaga ng kanilang mga anak. Magsisilbi sa asawa. Di sila pinapayagan ng asawa na magtrabaho sa labas ng bahay para kumita ng pera. Lumipas ang mahabang panahon, bagong kultura ng mga kababaihan, nagkaroon ng malaking pagbabago. Modernong Pilipina, moderno na rin ang pag-iisip, matapang, maabilidad, mas nagkaroon ng lakas ng loob na makibaka sa buhay, at higit sa lahat ay kaya nilang tumayo sa sarilinilang mga paa. Ang kagandahan nito ay nagagawa nila ang kanilang kagustuhan hindi na sila palaging nakakulong sa kanilang bahay at nagagawa narin nila ang mga nagagawa ng kalalakihan katulad ng pagiging pulis, sundalo, enhinyero, negosyante at marami pang iba. Kaya rin nilang makilahok sa paglalaro tulad ng basketbol, weightlifting, at iba pang pampalarong pampalakasan. Sa ibang bansa, marami rin mga kababaihan ang naging matagumpay sa ibat-ibat larangan, hinangaan ng buong mundo sa angking katalinuhan sa pag awit tulad ni Charice, Lea Salonga, Pilita Corales at marami pang iba. Sa larangan ng pag-arte tulad ni Nora Aunor, Sharon Cuneta, Vilma Santos at marami pang iba. Higit sa lahat ang kontribusyon ni dating Pangulong Corazon Aquino na naging ikalabinisang presidente ng Pilipinas, isang huwarang babae na malaking pagbabago sa politika ang ginawa nya sa ating bansa, at naging ehemplo pa siya sa buong mundo dahil sa magandang naidulot ng pangunguna nya sa EDSA REBULOYSON, isang matapang na babae ang humarap at tumalo sa panahon ng diktadorya. Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo naging ikalabingapat naman bilang president, matalino. Pinapatunayan nila na hindi lamang ang mga lalaki ang kayang mamuno sa bayan. Ang mga kababaihan ay masyadong bukas ang isipan sa mga bagay-bagay. Kaya naman ang mga babae sa modernong panahon ay malayang magsuot ng kahit na ano, kung dati ay baro't saya ngayon naman ay mini-skirt at walang mangas na tila humihila sa may mga masasamang loob upang silay pagsamantalahan. Dahilan ito ng pagkarami ng kasong panghahalay sa mga kababaihan ngayon dahil mas iniisip nila ang kanilang mga kasuotan kesa sa kanilang mga kaligtasan. Nakukuha narin ng mga kababaihan sa modernong panahon ang paninigarilyo at pag-inom na nagdudulot ng mga sakit sa kalusugan. Likas talaga sa mga kababaihang Pilipina ang mga ganitong katangian ngunit sila ay dapat paring igalang at hindi itrato bilang isang alipin kundi isang kabiyak ng buhay sa ating mga kalalakihan at minamahal ng buong puso.

You might also like