Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

COMMUNITY REPORTING QUESTIONNAIRE

1. Isaisip na ang Mindanao ay mapayapa: a. Kung ang kaguluhan at alitan sa Mindanao ay natapos na, sa palagay mo, paano ito makakaapekto sa iyong buhay? Sa buhay ng iyong mga anak? Sa buhay ng iyong mag-aaral? b. Ang ating pamahalaan at MILF ay sinusubukang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan para matigil na ang kaguluhan sa Mindanao. Ano ang iyong inaasahang makamit ng dalawang pangkat? c. Kung mayroong kapayapaan sa ating bansa, paano mo mailalarawan ang pagsasama ng mga Muslim at Kristiyano? 2. Gaano mo sinusuportahan ang tunay na kasunduang pangkapayapaan? a. Ang MILF at ang pamahalaan ay sinusubukang magkaroon ng tunay na kasunduang pangkapayapaan upang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao. Ang Genuine Peace Agreement o Tunay na Kasunduang Pangkapayapaan ay magbibigay sa mga Muslim sa iba pang mga rehiyon na maging malaya ang paggawa ng mga desisyong panglokal na magsasalarawan sa kultura, rehiyon, at paniniwala ng Bangsamoro. Gaano mo sinusuportahan ang tunay na kasunduang pangkapayapaan? b. Sa tingin mo, gaano kahalaga sayo ang tunay na kasunduang pangkapayapaan para matigil na ang gulo sa Mindanao? 3. Ano ang magagawa mo sa pagbubuo ng kapayapaan sa Mindanao? a. Sa iyong palagay, ano ang maaari mong magawa para maiwasan ang paghuhusga sa pagitan ng Muslim at Kristiyano sa Mindanao? b. Sa iyong palagay, ano ang maaari mong magawa upang muling manumbalik ang magandang samahan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano sa Mindanao? c. Kung ang MILF at ang gobyerno ay sasang-ayon sa usaping pangkapayapaan, saiyong palagay, ano ang maaari mong magawa upang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano?

You might also like