Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

AANHIN NINO YAN? Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista (Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso C.

Alburo sa Pagsusuring Pampanitikan)

nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala. Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang meron

Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang. Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon! Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa. Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman. Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis. Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pang kayamanan. Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang detiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin. Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda ang mga pangyayari. Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong

ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na. Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon. Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyong barilgiginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata. Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad. Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki. Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado. Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natiray inubos ko sa pagiinom. Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan. Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam. Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?

Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipagusap ng tao sa isat isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila tumawa at

Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam. Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.

Plop! Click! Ni Dobu Kacchiri ngumiti. Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan. Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako nagtatagal kahit saan. Nagbabasa ka ba ng libro? Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya. Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daandaan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin. Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan. Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah. Kesa at Morito KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO : : : : : : : : : : : : : : : KIKUICHI : KOTO : KIKUICHI : NAGDARAAN: KIKUICHI KOTO KIKUICHI KOTO : : : : Mga Tauhan: KOTO may kapansanan di-pinababayaan kahit kabuhayan 6 KIKUICHI ISANG NAGDARAAN KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi? KIKUICHI : Nariyan na! KOTO : Nasaan ka? KIKUICHI : Heto na ko. KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo? KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya. KOTO : Ano pang hinihintay natin kung Ganoon. Maghanda ka ng sake. KIKUICHI : Ngayon din, Nakahanda na ang bote ng sake. KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na! KIKUICHI : Nakahanda na ako. KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo. KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag nararamdaman mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo. KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito. KIKUICHI : KOTO : Nasa gitna nga tayo ng bukirin. Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko. KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe. KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko? KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob. KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso. Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako. Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba namay talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba, ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabaghabag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan! Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig. Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa kin! Sige lang, sumusunod ako. Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti. Iinsayuhin ko itong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli. Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo. Gagawin kitang isang Koto. Napakabuti mo ngang talaga. Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat. Oo nga, pakiramdam koy dagat nga yon. Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin? Ano nga bang dapat nating gawin? 8 (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil sa may lalakarin ako sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa yon? Titigil muna ako rito at panonoorin sila pansumandali. Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat. Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP! Malalim doon. Malalim na malalim doon. Subukan mo sa ibang direksyon. Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK! Mababaw doon. Mukha ngang mababaw doon. Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na! Pero amo, teka muna sandali. Bakit? Sandali, bubuhatin ko kayo. Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin. Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo. Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isat isa saka lumakad nang painut-inot. Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran. O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo. Salamat, nakahanda na ako. Mautak ang mga bulag na yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso.

KIKUICHI : KOTO :

KIKUICHI : KOTO : KIKUICHI : KOTO :

KIKUICHI : KOTO :

KIKUICHI : NAGDARAAN:

Ryunusuke Akutagawa / Lualhati Bautista

Unang bahagi: Monologo ni Morito Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay: Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig at sumisindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawakas sa aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na itoy namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso koy di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman.

Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru Saemonno-jo, mulat sapul pay kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan ko na asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon ang paninibugho koy napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakakabagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan. Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga hangaring makalaman kahit noong mga panahong koy wala pang bahid-dungis. Kung mapapahintulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanyay hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumusunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala nang lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumigimbal sa akin, gayun man, alam kong mangyayari. Ngayoy itinatanong kong muli sa aking sarili Mahal ko ba siyang talaga? Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huliy nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay 19 na makita siya, kundi inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala ng pisikal ay hindi ang tanging nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay hindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang nakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos , ay pinaghaluan na ng malaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niyay nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malilinaw, bilog, maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang aking mga mata. Kung gayoy paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis ko? Unay itinulak ako ng kakatwang kagustuhan na mapangibabawan ang dating hangarin ng puso ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan niya ako ng isang eksaheradong kwento ng kanyang pagibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na alingawngaw sa aking tainga. Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa, naisip ko. May hinala rin ako na maaaring itoy tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan. Bakit itinuturing ko iyong kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang nagtulak sa akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko maitatatwa ang inyong bintang. Anot anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon ay kasinungalingan. Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa akin nang mga sandaling iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito, pinangibabawaan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na pagnanasa mismo na ni hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa bahay sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon. Anot anuman, batay sa ganyang ibat ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O, manapa inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa tanong na binitawan ko, hindi ko na kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitang ibinangon ko siya sa aking mga bisig, ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At nagmukha siyang mas walang dangal sa akin. Ang kanyang nakasabog na buhok at nagpapawis na katawan, ang lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang araw na iyon, sa puso koy nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabiy papatayin ko ang isang lalaking hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng hindi ko iniibig. Patayin natin si Wataru, bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya ang nakaraang hangarin ko na hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Anot anuman, Patayin natin si Wataru, bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang nag-udyok sa akin para gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang paliwanag dito ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang 20 kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking binbangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto. Kung iyon ay hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si Wataru, wala nang paliwanag na sapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa mga mortal (marahil ay demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan. Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoot ganoon ding bagay sa tainga niya. Sa huliy nag-angat siya ng mukha at sinabi Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru. Hindi lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae, iyon ang naging tingin ko sa kanya. Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot at oo, pagkasuklam. Kung maaari lang ay babawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayoy mapangangalanan ko siyang mangaapid, at ang aking kunsensiyay makapagkakanlong sa makatwirang pagngingitngit. Pero hindi ko nagawa. Inaamin ko, agad kung nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago na ang kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na kalagayang pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi sa usapan. Ngayon, ang takot na itoy mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng isang hindi nakaaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. Kapag hindi ko pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang kanyang asawa at kung hindiy papatayin niya ako, desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitiwan ang aking pangako, hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitim na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking pangako. Lagpas ito sa kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoongtotoo ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang

iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na ako, para patayin ang isang inosenteng lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng Hindi, hindi maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinatatakutan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero gayunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya. Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay hindi na nagsalita pa. ang pag-awit ng isang balada ay pumailanlang sa gabi. Ang isipan ng tao ay nasa dilim, walang ilaw na makapagbigay-liwanag. Nagsisindi ito ng apoy ng makamundong paghahangad, upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap. IKALAWANG BAHAGI: MONOLOGO NI KESA Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang malalim at kagat-kagat ang manggas ng kanyang kimono. Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating Arawaraw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan. Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunmany kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin.kinasusuklaman niya akot pinandidirihan, gayunpaman natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya. Pero 21 umaasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamakasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinupukaw ng pagkamakasarili niya. Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang! Hanggang noong tatlong taon na ang nakaraan ay may tiwala ako sa aking sarili, at higit sa lahat, sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin na hanggang noong araw na iyon kaysa noong tatlong taon na ang nakararaan. Noong araw na iyon nakita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na nasasalamin sa kaniyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala moy walang problema. Pero paano pa maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mga bisig ng aking tagapag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Ngatal sa kalungkutan, sa huli ay isinuko ko ang aking katawan, na para na ring patay, sa mga bisig ng lalaking hindi ko iniibigsa mga bisig ng isang makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang mailibing ang lahat sa hibang na sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gaya rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa kanyang mga bisig, hiyang-hiya ako. Ang pagkainis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan akot nagdudurusa dahil akoy pinandidirihan tulad sa isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang akoy ang pinakamalabong alaala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong. Patayin natin si Wataru, at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang akoy humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla akot lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit hindi, hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay, hindi ba ako hindi ba ang isang babaey isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niya ang sarilil niyang asawa? Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa sinag ng buwan. Kailan ako nangakong makipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa? Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing noon lang. hanggang sa mga oras na iyon, ang isip koy buong-buong nakatuon sa aking sarili at sa aking kahihiyan. Pagkaraay nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay disidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa pagiyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para matagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama koy naglahong lahat ang aking kaligayahan.Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad nang nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligyahan, Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng pangangatwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong 22 palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako nagpaplanong ipinaghihiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at nagpalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamahti. Mamamatay ako, hindi sa aking asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa pananakit niya sa sa aking puso at para sa aking hinanakit at pagdungis niya sa aking katawan. Ay, hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay. Pero ngayoy gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang mangyayari kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig maliwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siyay hindi, hindi ko siya naiisip. Mahal ako ng aking asawa. Pero wala akong lakas gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaking iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang itoy napakaliwanag para sa akin, akong pinahihirapan ng aking mangingibig. Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang kandado, at bumaha sa loob ang mapulang sinag ng buwan.

Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinagiinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayulayo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli. Tahanan ng isang sugarol Rustica Carpio ANG MAPUTING ULAP sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na pupunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Kasamaang dulot ng sugal sa buhay ng mag-anak Nagiging dahilan ng paghihirap ng buhay Sanhi ng di pagkakaunawaan ng mag-anak Napapabayaan ang mga anak Nagiging dahilan ng krimen Minsan nakatutulong sa kabuhayan ang perang napanalunan sa sugal Dahil tapos nang maglaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gusto niyang mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada at isampay sa mga alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang dingding. Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga beinte singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak. Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, Ah Yue, magiingat ka. Baka ka mahulog! Opo! sagot ni Ah Yue. Bigla itong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, Inay, luto na ba ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni Itay! Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadyay nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tumahip ang kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungan si Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang balde ng tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi. Ang nakalihis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Sioa-lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga. 21 Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinidihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina. Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar. Abala sa gawain si Lian-chiao. Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisi sa kanya. Mula alas sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon, maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umagay nanguha siya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng-ho, isang damong panggamot na gagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailangan, anong mangyayari sa bahay kung bigla na lang siyang ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawaing bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kanyang asawa kapag naging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin ito. Sssst Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango ng nilulutong gulay. Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitingnan ang nakatatandang kapatid na nakatayo pa rin sa kwadradong bangko sa labas. Di kaginsa-ginsay isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labas ng pinto. Ah Yue! Hindi ka ba natatakot na mahulog diyan? Ang taas ng naakyat mo, ha? Gusto mo na bang dalawin ang hari ng kadiliman? Itay nagsasampay lang ako kiming sagot ni Ah Yue. Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling tumayo, galit. Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo? 22 Sandali na lang maluluto na ipiprito ko na lang ang inasnang isda. Pagkatapos pagkatapos ay puwede na tayong maghapunan. Walang lakas ng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay habang hinuhugasan ang inasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa.. Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihitit ng opyo; payat at matangkad, may maiitim na ngipin at

ANG AMA Salin ni Mauro R. Avena Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniyakaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigawsigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwingiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin. Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata". Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti.

namumulang mga mata. Matapos na nakapamaywang na sigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad at marahas na nagtanong, handa na ba ang tubig na pampaligo? Ihahanda ko na ang tubig, ihahanda ko na Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon ng dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputla niyang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawalang-pagasa. Sumagitsit sa kawali ang inasnang isda dahil sa init ng mantika. Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kang alam kundi kumain Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babaey papunta sa banyo. Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila naglakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua. Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang namamantikaang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay pwe! lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig. Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Akoy Ano? Hindi ako aalis? Napakalakas ng boses ni Li-Hua . Natalo ako ng beinte dolyar ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para mabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong! Pwede bang bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying malapit na akong manganak. Kailangan bumili 23 ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak. Minamasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses. Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap na pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad? Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan. Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi makakilos. Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip. Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanlang sa lambak, naaanod, naaanod kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo, kaagad pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya si Lian-chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay sa pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan niya para maging manugang si Li Hua na anak ng nooy isang mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lianchiao at lumipat ng bahay, ang inay namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito? Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang napigil sa pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang si Li Hua . Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghitit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwanexperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao. 24 Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan, ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluran siya sa mukha mismo, humihiyaw, Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung gusto mong lumayas, puwede ka nang umalis ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo? Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling. Nasipa na nina Ah Yue at Sioa-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naaapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang mag-aalaga sa dalawa niyang anak na babae? At kung maayos siyang makapanganak, ano ang mangyayari kung iyoy babae na naman? Hindi kaya siya palayasin ng kanyang asawa? Ang inam sana kung sa pagkakataong itoy lalaki naman ang isilang niya. Sa gayon ay hindi na siya gaanong pagmamalupitan ng asawa niya. Kahit papaanoy gaganda na ang hinaharap. Alam na niyang habang buhay nang magiging miserable ang kanyang buhay. Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kanyang mga anak. Malupit ang buhay. Unti-unti, nagdilim ang paningin ni Lian-chiao. Inaantok na siya. Pero biglang naging kakaiba ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit na iyon. Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sa bahay ang asawa niya! Ano ang gagawin niya ngayon? Naisip niyang papuntahin si Ah Yue sa Hsiang Chi Coffee Shop para sunduin ang kanyang ama, ngunit nang makitang nahihimbing ng tulog si Ah Yue, nag-atubili siyang gisingin ang bata. Naisip niya: hindi ba si Ah Yue ay nagdaranas din ng hirap sa buhay tulad niya? Bagamat bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat na bagay at gumagawa ng trabahong para sa matanda lamang. Bakit hindi bayaang matulog muna siya? Bukod doon, mahangin sa labas. Kung gigisingin niya ito at palalabasin, tiyak na sisipunin ito. Kung magkasakit si Ah Yue, sino ang mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga kay Siao-lan? Wala nang malamang gawin si Lian-chiao. 25 Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis ang palad niya. Wala na siyang magagawa. Nagpumilit siyang bumangon. Hawak ang isang gasera, nagpasiya siyang magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop para hanapin ang asawa. Pagbukas niya ng pinto, nahagip siya ng malakas na hangin. Nanginig siya at halos mamatay ang ilaw niya. Isinara ni Lian-chiao ang pinto at mabagal na lumakad papunta sa kapihan. Bagamat hindi kalayuan sa bahay nila Hsiang Chi, sa katayuan niyay parang kung ilang milya ang layo noon. Walang buwan nang gabing iyon, iilang bituin ang kumikislap sa langit. Napakadilim at walang makikita sa lampas sa sampung yarda. Basa ng panggabing hamog ang daan at madulas. Idiniin ni Lian-chiao ang kaliwang kamay sa kanyang tiyan, umuusad ng mga dalawa o tatlong hakbang. Sa malamlam na ilaw, ang mukha niyay ninenerbiyos sa sakit at butil-butil na pawis ang tumutulo mula sa kanyang noo. Kokak, kokak umiiyak ang mga palaka sa pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi. Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao, at ang lahat ng bagay sa kanyang paligid, ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi rin makaurong. Ilang sandali siyang tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalin na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. Kras. Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri, nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo. Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao, at unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko nang mababa hanggang ang sakit ay humupangunit ilang sandali lamang. Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag sa loob at maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa 26 Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto. Marahil ay buhos na buhos ang isip ng mga tao sa pagsusugal, o baka

naman napakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya nang buong lakas. Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may ari ng kapihan. Si Lian Chiao na nakasandal nang husto sa pinto ay bumagsak sa loob. Noong una ay nagulat ang matabang babae sa biglang pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae, maliksi niya iyong tinulungan at inakay papasok. Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa, ay namangha rin sa biglang pagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, Anong nangyari? Bakit gabing-gabi nay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba yon Ha! Maganda! Magaganda ang pitsa niya at medyo ninenerbiyos siya, matamang nakatingin sa mesa. Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, humahalinghing. Ang tiyan ko masakitdalhin agad dalhin ninyo ako sa ospital Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa nito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apatIsang libo dalawandaan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu! Malaki ang panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang, ngunit ngayon ay isang bunton na ang nasa harap niya. Tuwang-tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang katatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. Ha,ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha,ha Ai-yoyo Hoy, lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo! May humimok kay Li Hua. Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na tiningnan niya si Lia-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya ang Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras at dodoblehin sa gabi. Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa, ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. 27 Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan, balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon, ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata. Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Lumabas sa kotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin. Humagulgol ng iyak si Siao-lankaagad siyang inaliw ni Lian-chiao. Habang pinapahiran ang luha at ilong, marahang nagsalita si Ah Yue, Nagising ako sa iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang Nanay. Hindi ko makita si Nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya rito Nang malaman ni Ah Yue na pupunta sa ospital ang kanyang ina, kumibot ng kaunti ang ilong niya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya. Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Aalagaan mong mabuti ang kapatid mo. Uuwi ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay ninyo Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin Lian-chiao. Hindi niya makayang isipin na aalis siya ng ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila. Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid, at sa pagitan ng mga hikbi, Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa pag-aalala. Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo. Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-takhe-ta at paminsan-minsan ng malakas na pung! Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang hihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay.

MABUHKA, ANAK KO

Ni Pin Yathay

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahigay namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway. Waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na ang digmaang-bayan.

Thay, dear? Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguroy pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksiyon ko.

Dali ka, Any. Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.

Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayot nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang uloy naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. Anong mangyayari? tanong niya.

Huwag kang mag-alala, sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat. Nagising sa boses namin ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda ang siyam-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar namin sa bahay ng aking biyenan. Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.

Nawath! tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sa kama. Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka! muling taway ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsay iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi

iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. Sige na, Sudath, sabi ko sa panganay na lalaki. Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?

Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismoy maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagsakit ng hepatitis si Thary na nooy beinte kuatro anyos lang. Hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang taon ko siyang ipinagluksa. Umasa na lamang ako sa dalawang nakababatang kapatid ni Thary: si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang akoy nasa trabaho.

Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na namin ng gasolina ang lahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar talong libong lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita at isang casette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa propesyon mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabaibaitang ng lupa, isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.

Nang lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan ang katawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.

Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging direktor ng Department of New Works and Equipment sa ministri. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyado kaming kampante, tulad ng iba panag kakilala ko. Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kung mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.

Naging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahiil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa humigit-kumulang sa apatnapung libo kaya ipinag-utos ni Presidente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng dimaang sa huliy makakasira sa kanya at sa amin. Taliwas sa inaasahan ang naging epekto ng mga pagsalakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.

Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na nooy sakay na ng kanilang Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo, at patuloy ba andar ng mga sasakyan. Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamihay binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halag ang ideolohiyang komunista ng mga ito. Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling-araw. Ang ilang pamilyay naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitangkitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayari noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga riple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.

Sa simulay malaki ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaang-bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.

May isandaang yarda na ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pay dumating ang mga ambulansiya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming nagawa kundi tumigil muna. Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng Ang mga mamamayang Cambodian, Pambangsang Kalayaan, Kapayapaan, Niyutralidad, Kalayaan, at Demokrasya.

Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.

Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawamput limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang akoy edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa.

Ako may sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang propesyonal na may magkakaparehong kaisipan mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyonistang pulitiko. Laban kami sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming tinatangkilik. Itinuturing naming ang mga Amerikano ay magkahalong biyaya laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon NoI. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge.

Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.

Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtataguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas kong siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sarilingtauhan sa mga gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.

Bilang isang matalinong estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Canbodian, ngunit naging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya. Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat umalis si Lon Nol, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwanan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi namin kailangang umalis nang bansa. Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.

Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad nang karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.

Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalangkasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihang kapitbahay, lihim siyang nakipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.

***

Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge, na ang karamihay pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aral sa France.

Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawat anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.

Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamaganak si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang aming mga magulang tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.

Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano. Peligroso nang lumabas uli.

Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawamput isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wariy determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kung nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.

Doon nga kami pumirmi, paupu-upo kahit saan, pakain-kain ng kanin, ulam at prutas na inihanda ni Any at ng iba pang nasa kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingay ng mga nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit ko ang paniniwalang magkakaroon ng solusyong pulitikal. Karaniwang umaayon o nananahimik lang ang iba. Kapag tutol si Theng, lalong maraming angal ang isa ko pang kapatid na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin, Nakisama siya sa kanyang mga biyenan, kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sa usapan si Vouch. Samantalay nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino ang nagsasalita, na karaniwan niyang ginagawa kapag maraming tao. Bahagya ring sumasali si Oan kahit nasa bahay niya kami. Mayaman nga siya pero hindi siya gaanong matalino. Sinuwerte siyang makapag-asawa ng maykaya may-ari ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki.

May bukas na radyo sa isang mesa, pero walang balita, puro tugtog militar. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministri. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang namin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat na trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre yan ng mga opisyal ng magkabilang panig

Ngunit hindi madaling papaniwalain ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunista ang Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin sa pangangatwan. Hindi siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksiyon niya. Narinig ko noon. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walag dapat ipag-alala.

E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo? sabat ni Vouch.

Tsismis lang yan, tay, propaganda, sabi kong hindi ipinahahalata ang pagkainis. Wala namang binabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Kaibigan ko ang ilan sa mga taong iyon. Hindi sila magsisinungaling. Bakit pa? Mayaman ang ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng kalupitan para pakainin ng taumbayan.

Nakapagtataka nga, sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo.

Tumahimik ang aking ama. Ang aking naman ang nagsalita. Mukha siyang mahina, maliit, kung ikukumpara sa mga anak niyang babae. Buong buhay niyay nagugol sa pag-aalaga sa pamilya sa nayon. Pero kung narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch.

At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.

Igalang mo naman ang tatay mo, Thay, aniyang mahina pero matigas. Nakausap namin ang mga taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya, sinunog ang kanilang mga bahay. Malupit ang Khmer Rouge. Komunista sila, gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno, katapusan na ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.

Bahagyang katahimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: Ano sa palagay mo, Sarun? Ang inay naman!, sabi ko. Anong komunista ang sinasabi nyo? Iyong iba sa kanila siguro, pero alam nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para tanggapin ang komunismo. Makabayan muna sila bago komunista. Susundin nila ang gusto ng mga tao. Alam kong tama ako. Mga tanging impormasyon ang ibinibigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pay nakapangibang-bansa na akot may malawak na pananaw. At anong nalalaman ng mga magulang ko, na simpleng negsyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon?

Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ng dati. Datiy masayahin siya at mapaglaro, ngayoy lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya na pang bata, pero minsay galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pay naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit. Ang hindi nagbago sa kanyay ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limangtaong anak na babaing si Srey Rath.

May isang oras kaming nag-usap-usap. Mayat mayay natitigil kami dahil sa sigaw ng mga bata at manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang bandang alas diyes, isang boses na noon lamang namin narinig ang nagpatigil sa tugtog-militar sa radyo: makinig kayo! Abangan ang isang importanteng pahayag! napatigil ang lahat at tinawag ang mga kamag-anak na nasa kusina at bakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos tingnan si Nawath na nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan.

Ano sa palagay ko? ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?

Namayani ang katahimikan. Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungkol doon. Ngumiti akot nagkibit-balikat.

Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Nagkatinginan kaming lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang siya ang may pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon, ang simbolo ng katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama. Ano ang inginiti-ngiti mo riyan, Thay? tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina. Siguradong mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.

Malapit ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin dito kung bakit nakatagpo ako ng lakas sa mga aral ng Buddhismo noong estudyante pa ako. Waring angkop iyon sa aking mga aspirasyon at pagkatao. Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo ni Buddha. Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.

Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik mula sa pamamasyal sa buong bayan.

Walang magagawa ang Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan ay magbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya ang taong paunlarin ang sarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya at bigyan ng malinaw na pananaw, sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan at talinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting magagawa ko, maraming salamat sa impluwensiya ni Huot Tat.

Sim! tawag ni Oan na gulat na gulat. Bat nag-iisa ka? Nasan ang mga magulang mo? Kaya tulad ng ibay sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, -- marahil ay mas sabik pa at makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na matandang hindi mapag-aalinlanganan ang kalagayan, na ang patnubay ay tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen. Wala pa ba sila dito? Akala koy napahinto siyang nakasimangot.

Halika na, Sim, sabi ng tatay ko ko na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na si Sim at nasa haiskul, pero hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ng mga kaibigan.

Huwag kayong mag-alala, sabi niya. Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan. Nakaraan na ang ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong itayo. Iyon lamang, at iyon lamang naman ang kailangan.

Akala koy naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na bahay, tapos, hindi ko sila makita kaya nagpunta na ko rito. Aalis uli akot hahanapin ko sila.

Pagkaraay isa pang boses ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ng sandatahang lakas ng Republikano. Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo, sabi niya, para maiwasan ang pagdanak ng dugo samantalang ipinagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa ating mga kapatid.

Tapos na ang lahat, naisip ko. Mabuti, bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag ang pakiramdam naming lahat.

Bakit?

Ngunit ilang sandali lang at natabunan ang boses ng heneral ng di maunawaang ingay. Pagkaraay isa pang boses ang sumingit, mas malakas, parang may umagaw sa mikropono.Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa ng gobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!

Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?

Pagkaraay nakatatakot na katahimikan. Walang musika, lahat ay natigil. Nawala ang mga ngiti namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo, tinetesting. Wala. Naglalakihan ang mga matang nagkatinginan kami.

Wala kaming narinig na sinabi nilang ganon.

Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami, parang hindi kapani-paniwala! Sa katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng mga makina. Panatag kaming nakakulong sa bahay, gayundi ang mga kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mga tao ang nagsisiksikan patungo sa sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang na tutuloy sila sa mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko, hanggang sa matapos ang labanan. Kailangang malaman namin ang totoo kaya nagtanong kami sa mga kapitbahay para malaman ang mga pangyayari. Sila may nakarinig ng mga usap-usapan ukol sa ebakwasyon. Pero walang balita sa radyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala.

Isang oras ang lumipas. Patuloy na naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang matatanda. Pagkaraay narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan. Tumalong palabas ng bakod si Sim para alamin kung ano ang nangyayari, pagkatapos ay mabilis siyang bumalik at sumigaw, Ang mga Khmer Rouge!

Hindi namin alam ang ang gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan? Desperado na kaming makasagap ng impormasyon para makapagplano. Iminungkahi kong konsultahin namin ang aming amain, ang Patriarkang si Huot Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya ang layo. Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya, makakukuha rin kami ng proteksiyon.

Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para manood.

Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit, at anumang puting maiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uri ng prusisyon ang wariy panonoorin nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumula sa timog at kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo. Matapos isenyas kay Any na bantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap kasama ng iba pa. Noon ako unang nakakita ng mga sundalong Khmer Rouge.

Wala nang makaisip kung ano ang mas mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlong kotse sa aking Fiat, sa Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli, napasama kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin ang mga kalye. Napasama na sa mga papunta sa sentro ng bayan ang mga taong pinalayas sa kanilang mga bahay. Tila tulala ang lahat ngunit walang kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal na umuusad patungo sa kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mga kotse. Paminsan-minsay isang putok ang naririnig mula sa kalayuan. Ang mga ganitong pagunita na labanan ay nagpaalisto sa amin dahil hindi namin alam kung sino ang binabaril nino. Kakatwang agad-agad ay naging masunurin at magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan, takot waring makaaksidente, takot waring mapansin.

Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng kalsada, isa-isang naglalakad ang mga sundalong noon ko lamang nakita, nahahati sa pangkat ng tiglilimampu. Lahat sila ay nakaunipormeng itim na tila padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos na nakabutones. Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Minh na yari sa gulong ng kotse. Ang ilan ay may dalang AK47, ang iba namay mga rocket launchers. Lahat silay may tsekerd na kramar mga bandanang nakapulupot sa kanilang leeg o sumbrero. Hindi sila nagmamartsa ngunit hindi sila mukhang nanlalata. Nakatitig lamang sila sa unahan ng linya, walang kangiti-ngiti. Lahat silay mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magiging pamilyar pagkaraan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula, ngunit ni wala kaming babala kung ano ang itsura nila.

Nang sumunod na na isang oras, minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabas sa katabing kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna ng daan, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng mga kotse at mga taong nagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami pinapansin, wariy iniiwasang mahawa sa amin.

Hindi ako nabigla o nangamba; gayunmay nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ng mukha ang mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang pagtanggap sa kanila ng mga tao. Nagpapalakpakan at walang takot na sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit ang kasabikan at kasiglahan nilay walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw lamang sila sa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot.

May sariling bakuran ang pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag na templong may bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sa pinagtatapuan ng ilog ng Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng mga puno at hardin ng mga bulaklak, ay ang tirahan ng mga monghe. Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata at nagpunta sa bahay ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin ng may isandaang katao, ilan sa amin ang mga magulang ko, ako, si Oan, at ang mga kapatid kong lalaki ang nagpunta sa tanggapan ng Patriarka.

Ngunit masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos na ang giyera. Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at nagwawagaywayan ng mga puting tela. Sa halip na matakot, kaming lahat ay nagtiwala sa kawalang pakialam ng Khmer Rouge.

Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumput limang taon, matatag na nakataas ang ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilaw na hantad ang isang balikat, at napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming tao ang nag-isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano ang nangyayari at hinginang proteksiyon ng Patriarka. Agad kong nakilala ang dalawang lalaki, si Heneral ChhimChhuon, dating aide-de-camp ni Marshal Lon Nol, at si Heneral Mao Sum Khem, Chief Operations Co-ordinator ng sandatahang lakas ng Republikano. Ngunit parang mapagpakumbaba na at nagaalinlangan ang dalawang ito na datiy palaban. Halatang badigard nila ang ibang lalaking nakasibilyan. Lumuhod kaming kasama ng iba pang naroon at ginawa ang tatlong ulit na pagpupugay na ang mga kamay ay magsalikop sa may noo. Pagkaraay magkakrus ang mga binting naupo kami at nakinig ng mga usapan.

Minsan lang akong ninerbiyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalong Republikano ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang tapos na ang labanan. Isang Khmer Rouge ang sumenyas at nag-utos na siyay bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbong palayo ang lalaki ngunit maagap siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip na baril. Isinalya nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng riple. Pagkaraay mahinahon nitong inutusan ang sundalong hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at lumayo na ang Khmer Rouge. Muli akong nakahinga, mas nakasisigurong maaayos ang lahat.

Dalawang pangunahing tanong ang lumilitaw: paano kikilos ang mga opisyal na Republikano sa harap ng mga Khmer Rouge? At bakit pinaaalis sa mga bahay nila ang mga mamamayan dahil lumalabas sa mga report na pinalilikas ang mga tao sa siyudad. Iginigiit ng Pariarka na maging mahinahon ang lahat. Marahil ay wala namang pangkalahatang ebakwasyon, sabi niya. Walang binabanggit na pangkalahatang deportasyon ang programa ng Khmer Rouge. Hindi makatwiran, kung gayon, na magkaroon ng ebakwasyon. Narinig kong sinabi niya, Manatili kayong mahinahon at maghintay ng utos.

Masaya kaming bumalik sa bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabi koy iuuwi ko na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila tabing-dagat at magsaya. Mukhang pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin, dumaan sa bahay ang mga magulang ni Any para sabihing babalik na sila sa kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihin ni Oan, Bakit hindi pa kayo rito mananghalian? Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mga biyenan ko ang bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. Mag-aalas onse pa lamang, walang dahilan para magmadali. Naiwan kami, masayang nag-uusap.

Isang monghe ang inutusan ng Patriarka na tumelepono sa presidente ng Cambodian Red Cross at kay Chau Sau, ang sekretaryo-heneral ng Opposition Democratic Party. Dapat sanang makapagbigay ng impormasyon ang dalawang ito, pero tila wala silang nalalaman kundi ang deklarasyon ng Red Cross na niyutral ang Hotel Le Phnom at ang French Embassy.

Nanananghalian kami at nag-iisip ako kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nang isang lalaki ang dumating. Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan na nakatira may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge. Ipinagkatiwala nila sa taong iyon ang bahay nang umalis sila sa Cambodia kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan. Nakatayo ito ngayon sa may pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. Pinalayas kami ng mga Khmer Rouge sa aming mga bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad! sabi nitong halos hindi makapgsalita. Anong gagawin ko?

May isang nagpatahimik sa lahat at itinuro ang transistor na nasa mesang katabi ng Patriarka. Buhay na naman ang istasyon ng gobyerno at may maikling mensaha. Tinatawagan ang lahat ng ministro at nakatataas na opisyal ng sandatahang lakas sa Ministry of Information sa ganap na alas kuwatro ng hapon. Alam na ninyo ngayon ang gagawin, sabi ng Patriarka, magpapadala rin ako ng sarili kong kinatawan.

Makaraang umalis ang mga heneral at isang monghe, nagpalakad-lakad kami, nagtatanungan kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, iniisip kung pupunta kami sa French Embassy o sa hotel Le Phnom. Nanatiling nakaupo ang Patriarka sa kanyang bangko, mahinahong naghihintay.

Agad nagbago ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya:

Sigurado ka ba?

Naging lalong kainip-inip ang paghihintay habang humahapon. Nagtatalo ang loob ko kung aalis kami, ngunit waring nakatatakot ang kawalan ng katiyakan, ang posibilidad na mahuli kami habang lumilikas, ang kaimposiblehan ng pagpaplano. Sa isang pagkakataon, humingi ako ng permiso sa Patriarka na matawagan ang French Embassy. Nang humingi ng asylum, sinabi ng nakausap ko na imposible para sa sinumang Cambodian ang pumasok sa French Embassy dahil guwardiyado ng mga Khmer Rouge ang pintuan. Kahit na Patriarka mismo ang dumating, sabi ng kausap ko, hindi siya papasukin ng Khmer Rouge. Ibinaba ko ang telepono, gulat na gulat na may

Cambodian na hindi kumikilala sa awtoridad ng Patriarka. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami.

Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon, na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamang ang mga kilos na iyon. May kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayang panrelihiyon. Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayong kanayunan sa Cambodia, ngunit dito, sa isang iglap ay napanoog namin ang tatlong taong parang hindi alam kung saan sila naroon, wala ni paggalang para sa Patriarka. Iyon ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay namin sa loob ng maraming dantaon.

Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Wala kaming magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang loob ni Any sa pagsasabi ng tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng bahagyang pakikipag-usap sa mga bata. Masasaya naman ang mga anak ko, nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila. Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay naming si Sudath, Kailan tayo uuwi, itay? Hindi ako nakakibo. Si Any ang sumagot, Matulog ka na anak, uuwi na tayo bukas. Hindi ko na iyon mapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko.

Nang magtakip-silim, mga alas sais, dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siya habang nakikipagsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas ng kamay para patahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunit blangko iyon.

Sabi niyay maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa miting; naroon din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa tabi ng isang opisyal ng khmer Rouge na nakipag-usap naman sa kanya nang buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khmer rouge at sinabing maisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ng mga dating opisyal, intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol sa ebakwasyon, umiling ang opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos. Bakit daw iuutos ang pagpapalikas ng mga taong may malakas na pangangatwan gayong kakailanganin sila sa pagsasaayos ng ekonomiya.? Sabi niya sa akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akong narinig na ganoong utos. Isa lamang iyong maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang matakot ang mga taumbayan.

Nakahinga ako nang maluwag at ibinalita ko kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol sa ebakwasyon, ngunit marami pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rin ang pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa nagsisinungaling o walang nalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaring magsinungaling ang opisyal. Ngunit maaari ring wala siyang nalalaman.

Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot. Nakikinikinita ko ang pangit na larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang si Anyung, kasama ng agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko siya para pumayapa ang kanyang loob.

Dahil sa matinding pagod at pag-aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosang sahig ng pagoda lahat kaming tatlumpu na nahahati sa ibat ibang pamilya. Kakatwang pati ang mga bata, pati na si Nawath, ay naging masunurin sa aming kakaibang kalagayan at kalituhan. Ibinalot ko ang aking sa ilang damit at binuksan sa Voice of America sa Cambodian para makibalita. Wala. Pinatay ko ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng mga taong naghahanap ng matutulugan, at bawat dumating ay nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daandaan ang nagsisiksikan sa pagoda at sa bakura nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabas ng bayan.

Nang natutulog na kaming lahat mga alas nuwebe siguro ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge na may hawak na pistola ang pumasok. Mga kasing-edad ko siya, mga treinta anyos. Sa masakit na liwanag ng mga bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mga natutulog na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraay nakita niya ang anim na bisikleta at tatlong motorsiklong nakaparada sa may pintuan.

Kanino ang motorsiklong ito? sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang baril at pinuntahan ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang bagung-bago ang kinuha niya. Nakakadena ito sa dalawa pang motorsiklo. Dalawang bese niyang sinabi: sino ang may-ari ng motorsiklong ito? At pagkaraan, Kailangan ito ng Angkar!

Angkar ang Organisasyon: iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit sa ganoong paraan ang salitang iyon.

Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas ang kanyang baril at itinutok sa kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok, magkasunod. Naputol ang kadena. Nakatatakot ang pagpunit ng mga putok sa katahimikan, lalot iisiping may mga batang natutulog. Nagising ang mga bata, nagpalinga-linga, natulala. Ilang saglit pa, sakay ng motorsiklong umalis ang opisyal, iniwan kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan ko siyang manahimik.

Makailang sandaliy ibnulong sa akin ni Any, Paano niya nagawa ang ganon?

Anong magagawa natin? sagot ko.

Isang matagal na tingin ang ipinukol sa akin ng aking ama.

Siguro naman, hindi lahat silay ganon, nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din.

Labinlimang minuto pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik na kinuha ang dalawa pang motorsiklo.

You might also like