Pangontra Sa Pop-Culture

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 26

DARNA!

Kilala si Darna sa kanyang pulang sexy na damit at paglunok ng bato. Dala na rin ng pantaserye, pinatatag na ito bilang isang recurring cultural icon ng bansa, dahil siya na lang siguro ang babaeng superhero ng ating bayan. Tiningnan ni Vicky Leomo sa peninismong pananaw si Darna.
Si Darna at ang Babaeng Tunay:ANG PAGSUSURI SA KARAKTER NI DARNA BILANG REPLEKSIYON NG MGA KABABAIHAN SA LIPUNAN ni: Victoria Nastassa M. Leomo

INTRODUKSIYON Sa panahon ngayon, wala na yatang tatalo sa kasikatan ni Darna. Halos lahat ng kabataan ay pamilyar sa pantaseryeng pinapalabas ngayon ng GMA 7 tuwing gabi. Nakakatuwa ngang isipin na hindi lamang mga kabataan ang sumusubaybay dito kundi ilan din sa mga matatanda na sinasama pa ito sa kanilang iskedyul bago matulog. Ang hindi alam ng nakararami, ibang-iba ang bersiyon na ito ng GMA sa tunay at orihinal na Darna na nilikha ni Mars Ravelo at inilunsad niya sa Komiks noong 1950. Maraming pinagkaiba ang mga karakter ngayon sa tunay na Darna. Halimbawa ay ang karakter na si Molekula na ginagampanan ngayon ni Cristine Reyes sa pantaseryeng Darna ng GMA 7, ay wala sa orihinal na bersiyon. Pero kahit ibang-iba na itong bersiyon na ito, patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pilipino ang karakter na si Darna. Sa katunayan ay kumikita ang mga maliliit na negosyante sa pagbebenta ng mga teks o posters ni Angel Locsin na siyang gumaganap dito sa pinakabagong Darna. Kumikita lalo ang GMA 7 sa kanilang matagumpay na palabas sa kanilang primetime programming. Ano nga ba ang agimat ni Darna kung kaya ganito na lang ang kamandag niya sa mga Pinoy? Marahil ay malaki sa kaniyang hindi mapantayang tagumpay ay dulot ng kaniyang kaaya-ayang kaanyuan. Sino nga ba ang hindi gustong panoorin ang napakaseksing si Angel Locsin na nakasuot lamang ng maikling saplot? Kahit siguro ang mga babae na naiinggit sa kaniya ay mag-uusisa para lamang malaman kung ano nga bang meron kay Angel Locsin at sa iba pang mga gumanap na Darna kung kaya nakakaakit ito ng mga manonood at libu-libong tagahanga. Ngunit dahil na rin sa kasikatan na ito at sa dinudulot ni Darnang kasabikan sa mga kalalakihan, praktikal na isipin lalo na sa mga magulang kung ano nga ba ang naidudulot nitong si Darna sa ating lipunan at sa ating pagtingin sa mga kababaihan? Maganda ba ito katulad ng mga magagandang asal na itinataguyod ng kuwento ni Darna? O ipinapalabas lang ba ito ng mga lumikha ng Darna para tumaba ang kanilang mga bulsa?

TESIS NA PANGUNGUSAP Suriin ang karakter ni Darna bilang repleksiyon ng mga kababaihan sa lipunan gamit ang peministang pagsusuri sa konteksto ng panitikan.

SARBEY NG KUGNAY NA PAG-AARAL

Darna

Noong 1947, sinulat ni Mars Ravelo ang isang superwoman na pinangalanan niyang Varga. Una niyang inilunsad ito sa Bulaklak Magazine Tomo 4, Bilang 2 (petsa Hulyo 23, 1947). Pagkatapos ng paglulunsad na ito, si Varga ay naging kilala sa mga mambabasa ng ibat ibang edad sa kung saan-saang lupalop ng bansa. Sa katunayan, liban sa kaniyang pangalan, si Varga at si Darna ay iisa. Siya ay tagapagtanggol ng naapi, kalaban ng mga ordinaryong masasamang-loob at ng mga mala-engkantong nilalang na may kakaibang kapangyarihan tulad niya. Ngunit ang pangalang Varga ay pag-aari ng Bulaklak magazine. Kaya noong umalis si Mars Ravelo sa Bulaklak noong 1949, ang nilikha niyang si Varga ay naiwan dito. Pero sa kaniyang paglipat sa Pilipino Komiks, isinama niya ang buong konsepto ng karakter na kaniyang nilikha. Noong May 13, 1950, inilunsad muli ni Mars Ravelo ang kaniyang tanyag na komiks. Dito na nakumpleto si Darna-ang parang Amazonang mandirigma na galing sa Planetang Marte. Inatasan ni Mars Ravelo ang mahusay na si Nestor Redondo para iguhit ang kaniyang nilikha. Ang unang pakikipagsapalaran ni Darna ay naiguhit sa Pilipino Komiks Bilang 77. Sa tomong ito, siya ay nakikipaglaban sa babaeng ahas na si Valentina, ang kaniyang pangunahing kalaban. Dahil dito, tumaas ang benta ng Pilipino Komiks. Biglang sumikat si Darna sa mga Pilipinong tumtangkilik ng komiks. Dahil nga sa katanyagan ni Darna, maraming magagaling at tanyag na mangguguhit ang tumulong upang mabuo ang mga komiks na mababasa ngayon. Katulad ng nasabi, isa sa mga naunang gumuhit ng Darna ay si Nestor P. Redondo. Meron siyang istilo na nagbago ng anyo ng Pinoy Komiks dahil gumgamit siya ng maartisitikong pagguhit na hindi sinasakripisyo ang payak na panlasa ng mga mambabasa. Kasama din niya si Jim M. Hernandez na gumuhit para kay Mars Ravelo sa Kenkoy Komiks ng Darna at ang Babaing Impakta. Bukod sa kanila, kasama din nila sina Carlo J. Caparas at Ben Maniclang na nagdagdag pa sa ganda ng mga Darna Komiks. Ang pinakabagong karagdagan sa mga komiks na ito ay ang Mars Ravelos DARNA noong 2003 ng Mango Comics. Ito ay pinatnubayan ni Hugo Yonzon at iginuhit ni Gilbert Monsanto. Humingi sila ng pahintulot sa pamilya ng orihinal na lumikha nitong

komiks na ito na si Mars Ravelo. Tatlo ang tomo nito at hindi katulad ng lumang bersiyon, ang istorya nito ay nakasulat sa Ingles. Nagsimula ito mula sa pinanggalingan ni Darna hanggang sa magapi niya ang Reyna ng mga ahas na si Darna. (Nakalakip dito ang listahan ng mga Komiks bilang Apendiks A) Noong May 31, 1951, natunghayan ng mga Pilipino ang paglipad ni Darna sa pelikulang DARNA ng Royal Films sa direksyon ni Fernando Poe. Si Rosa Del Rosario ang gumanap bilang Darna, Si Cristina Aragon Bilang Valentina, habang si Mila Nimpa naman ang aktres na gumanap kay Narda. Halatang-halata na kinagiliwan ito ng mga Pinoy dahil kumita ito ng malaki sa takilya. Wala na ngang titigil kay Darna pagkatapos nito. Maraming pelikula tungkol kay Darna ang nilikha at ipinalabas. Halos lahat sila ay ginanapan ng pinakakamalalaking bituwin. Patunay ito na hindi mapagsawaan ng mga Pilipino si Darna at ang kaniyang mahiwagang bato. Labing-apat ang mga pelikula na ginawa tungkol kay Darna. (Makikita sa Apendiks B ang buong listahan ng mga pelikula na nalikha tungkol kay Darna.) Ang isa sa mga pinakauna dito ay ipinalabas noong Ika-15 ng Agosto, 1952 ng Royal Films. Ang DARNA AT ANG BABAING LAWIN ay nabuo sa direksyon ni Carlos Vander Toloso. Ito ang pangalawang Darna na ginampanan ni Rosa Del Rosario. Si Elvira Reyes ang gumanap sa Babaing lawin, at si Mila Nimpa naman bilang Narda. Ang kapatid ni Darna na si Ding ay ginampanan ni Manuel Ubaldo. Ang SI DARNA AT ANG IMPAKTA ay ipinalabas ng PPI noong ika-27 ng Hunyo, 1963. Ito ay nabuo sa direksiyon ni Danilo Santiago. Si Liza Moreno ang gumanap bilang Darna, si Gina Alonzo bilang Roma, at si Paquito Salcedo ang impakta. Kasama din nila sa pelikulang ito si Jose Padilla Jr . Inilunsad ng Tagalog Ilang-ilang Productions noong ika-12 ng Agosto, 1963 ang ISPUTNIK VS. DARNA sa direksyon ni Natoy Catindig. Si Liza Moreno ng gumanap ng papel ni Darna at si Nida Blanca ang karibal niyang si Sputnik. Kasama nila dito sina Tony Ferrer at Dencio Padilla. Sa DARNA AT ANG BABAING TUOD na ipinalabas ng Premiere Productions noong ika-14 ng Abril, 1965, si Darna ay ginampanan ni Eva Montes. Si Gina Alonzo naman ang gumanap bilang Lucila. Kasama nila dito sina Anita Linda, Ruben Rustia, Tito Galla, Nancy Roman at Coney Angeles na gumanap ng Narda . Ito ay nabuo sa direksiyon ni Cirio H. Santiago. Ang Vera Perez Productions ay lumikha din ng sarili nilang pelikula na pinamagatang DARNA AT ANG PLANETMAN noong ika-18 ng Enero, 1969 sa direksiyon ni Marcelino Navarro. Si Gina Pareno ang unang gumanap bilang Darna at Daria, ang kaniyang pangalawang personalidad liban pa kay Narda na ginanapan ni Gina Alajar. Si Boy Alajar ang gumanap ng kaniyang kapatid na si Ding. Kasama nila sa pelikulang ito sina Bella Flores at Vic Vargas.

Ang LIPAD, DARNA, LIPAD! ang unang Darna na ginampanan ni Vilma Santos. Ito ay ipinalabas noong Marso 23, 1973 ng Sine Pilipino sa diresyon nina Maning Borlaza, Elwood Perez at Joey Gosiengfiao. Ito ang unang pelikula na iisa lang ang gumanap bilang Darna at Narda. Ang kapatid ng ating bida ay si Ding na ginampanan ni Angelito, si Gloria Romero ang Impakta, habang si Celia Rodriguez naman ang gumanap sa kaniyang ultimong kalaban na si Valentina. Ang Babaing Lawin ay ginampanan ni Liza Lorena. Kasama nila dito si Ernie Garcia. Ang LIPAD, DARNA, LIPAD! ay ang sinasabing Silver Age Version ng Darna. Ito ay dahil maraming pagbabago kumpara sa orihinal na pelikulang ipinalabas noong 1951 ang sinimulan nito. Itong mga pagbabagong ito ang magsisilbing batayan ng pelikulang inilunsad pagkatapos nito. Sa Silver Age Version na ito, mapupulot ni Narda ang bato matapos niyang masilayan ang pagbagsak ng bulalakaw sa tabi ng kanilang bahay. Malalaman niya na ang bato ay nakapagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan at siya ay magbabago ng anyo patungo kay Darna. Ito ang unang pelikula na si Darna at Narda ay iisang tao lamang. Sa ibang pelikula, ibang entidad si Narda kay Darna. Sa bersiyong ito, si Narda at si Ding lang ang may alam ng tunay na pagkatao ni Darna. Dito din sa bersiyong ito, si Darna ay hindi galing sa planetang Marte. Siya ay sugo ng mabubuting pwersa ng mundo. Dito rin nagsimula ang sikat na katagang Ding ang bato, dali! na hindi matatagpuan sa mga komiks. Pagkatapos nito, ang pinakasikat na Darna, si Vilma Santos, ay gumanap pa sa tatlong pelikula. Ito ay ang DARNA AND THE GIANTS (1973 TIIP), DARNA VS. THE PLANETWOMEN (1975, TIIP) at ang DARNA AT DING (DWonder Films, 1980). Kahit hindi niya kasing-ganda ang orihinal na Pilipino-Amerikan na aktres na si Rosa Del Rosario, maraming nagsasabi na natumbasan niya naman ito sa kaniyang galing at bisang umarte. Noong Marso 1979, inilunsad ng Regal films ang DARNA KUNO? sa direksiyon ni Luciano B. Carlos. Sa nakatutuwang bersiyon na ito, si Dolphy ang gumanap bilang Darna. Kasama niya dito ang mga bituwin na sina Lotis Key, Marissa Delgado, Brenda Del Rio, Celia Rodriguez, Ruel Vernal at Bella Flores . Noong Hunyo 15, 1979 inilunsad ng MBM productions ang BIRA, DARNA, BIRA! sa direksyon ni Tito Sanchez. Si Rio Locsin ang gumanap ng Darna at Narda. Si Romnick naman ang gumanap bilang Ding. Kasama nila sina Moody Diaz, Rex Cortes at Ruel Vernal. Ang Viva Films ay gumawa din ng kanilang bersiyon na pinamagatang DARNA. Ito ay nabuo sa direksiyon ng kilalang director na si Joel Lamangan. Si Nanette Medved si Darna at Narda, si Pilar Pilapil ang gumanap bilang Valentina, si Bing Loyzaga ang Impakta at si Edu Manzano ang arkeolohistang si Dominico Lipolico na magiging demonyo. Kasama din dito si Ton Ton Gutierez bilang George, ang lalaking magpapatibok ng puso ni Narda.

Katulad ng maraming Darna movies, malaki ang kinita nito nang ipinalabas noong Pasko ng 1991. Si Anjanette Abayari naman ang gumanap bilang Darna sa pelikulang DARNA ANG PAGBABALIK! noong Hunyo 9, 1994 (Viva Films). Ito ay nabuo sa direksiyon ng isa pang tanyag na director na si Peque Gallaga at Lore Reyes. Si Pillita Corales ang gumanap sa taong-ahas na si Valentina at si Lester Llansing naman bilang kapatid niyang si Ding. Isinadula din ang Darna sa Comics the Ballet na ginampanan ni Liza Macuja noong 1997. Ang Darna the Ballet sa CCP noong August 2003 ay ginampanan naman nina Kristine Crame at Kris Belle Paclibar. Sina Sharon Cuneta (1986) at Regine Velasquez (Disyembre 25, 2004) ang mga nagsiganap sa mga cameo roles ni Darna sa mga pelikula ni CAPTAIN BARBELL ng Viva Films. Habang si Anjanette Abayari naman ay magpapakita sa pelikulang PEDRO PENDUKO kasama si Janno Gibbs. Liban sa maraming pelikula na pinagbidahan ng ating bayani, si Darna ay lumabas din sa mga sikat na seryeng pantelebisyon. Kabilang sa mga gumanap ng Darna ay si Lorna Tolentino sa seryeng Darna! The TV Series noong 1977 ng KBS 9. Siya lamang ang natatanging Darna na ang costume ay onepiece. Noong 2004, pumirma ng kontrata si Hugo Yonzon (pinuno ng Mango Comics, at ang kasalukuyang mayhawak ng lisensya ng Darna ) at ang mga pinuno ng GMA Network para gumawa ng Fantaseryeng Darna na ipinalabas noong ika-apat ng Abril 2005. Si Angel Locsin, na tinatawag na pinakaseksing Darna ang gumaganap dito sa seryeng ito na patok na patok ngayon sa mga Pilipinong kabataan at matatanda. Sa dinami-dami ng bersiyon ng Darna, maraming pagkakaiba ang kaniyang orihinal na kuwento sa ibang bersiyon sa pelikula at seryeng pantelebisyon. Pero ang kaniyang orihinal na istorya ay ganito isinasalaysay: Isang gabi, pinanonood ni Narda ang madilim na kalangitan nang may nakita siyang bulalakaw na nahulog malapit sa kanilang bahay. Lumapit siya rito at nakakita siya ng isang puting bato na galing pala sa planetang Marte at nahasikan ng mahika ng mga mahihiwagang nilalang na nakatira sa planetang ito. Nakaukit sa bato ang katagang Darna. Noong narinig niya na may dumarating, isinubo niya ang bato at linunok ito. Bigla siyang nasapian ng parang lumilipad na pakiramdam na tinatahak niya ang kalawakan. Pero bigla din siyang nahimatay. Natagpuan na lamang siya ng kaniyang Lola (na sa Komiks ay hindi pinangalanan) na nakahandusay sa lupa. Binitbit at dinala siya nito sa kanilang tahanan. Nang nagising na si Narda, tinanong niya ito at ikinuwento sa kaniya ng paslit ang nadiskubre niya. Pero nang bigkasin ni Darna ang salitang nakaukit sa bato, bigla siyang nagpalit ng anyo patungo sa mala-amazonang mandirigma: si Darna. Si Darna ay isang magiting na mandirigma ng planetang Martea at si Narda ang napili niya upang kumatawan sa kaniya at ipagtanggol ang mga naapi mula sa mga masasamang-loob.

Maraming pinagkaiba ang tunay na komiks sa bersiyon na alam ng nakararami ngayon. Sa Komiks, si Narda at Darna ay hindi iisang nilalang. Si Narda lamang ang naatasang tumawag sa ating bida. Noong binigkas ni Narda ang nakasulat sa mahiwagang bato, biglang may malakas na pagsabog. Nang humupa na ang usok na galing sa pagsabog, nakita ng Lola at ni Ding ang isang matangkad na Mandirigma na parang nanggaling sa ibang planeta. Sinabi nito na ang kaniyang pakay sa mundo ay mabuti. Pero nag-aalala na sina Ding sa kalagayan ng nawawalang batang si Narda. Sinabi ni Darna na makakabalik din siya pagkatapos nitong bigkasin ang kaniyang pangalan NARDA! Mapapansin din sa orihinal na bersiyon na pagkatapos lulunin ni Narda ang mahiwagang bato, hindi niya na ito iluluwa. Mananatili na ito sa kaniyang katawan at bibigkasin niya na lamang ang pangalan ni Darna para dumating ang matapang na mandirigma. Pero katulad ng ating natalakay na, nag-iba ang bersiyon na ito sa mga pelikula at mga serye. Sa mga popular na bersiyon, niluluwa ni Narda ang mahiwagang bato at kailangan niyang alagaan kung saan niya ito ilalagay para hindi mapunta sa kamay ng mga masasamang-loob. Iba-iba din ang bersiyon sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang kapatid na si Ding ay unibersal. Lahat ng komiks, pelikula at seryeng pantelebisyon ay kinikilala si Ding bilang nakababatang kapatid ni Darna. Pero kung sa ibang bersiyon ay alam ni Ding ang entidad ni Darna, sa ibang bersiyon naman, tulad ng serye sa GMA 7, ay hindi niya pa ito nalalaman. Sa 1951 Darna pelikula ni Fernando Poe, malalaman parehas ng kaniyang Lola at Ding ang kaniyang sekreto. Ngunit sa ibang bersiyon ay mananatiling lihim ito sa kaniyang Lola. Kasama sa lahat ng bersiyon ang lola ni Darna na si Isabel. Sa komiks, hindi papangalanan ang Lola. Pero sa Lipad! Darna, Lipad! tatawagin siyang Isabel. Ang nakababatang kapatid-kapatiran niya rin na kinikilala ng marami bilang Iking (mula sa popular na teleserye ng GMA 7) ay hindi rin kasama sa orihinal na bersiyon. Ngunit sa pelikulang Darna noong 1992, nandito na itong kapatid nilang ito pero ang tawag sa kaniya ay Dingdong. Marami pang ibang dinagdag na karakter ang GMA 7 sa kanilang bersiyon ng Darna. Nandito ang mga magulang ni Narda na sina Tatay Mulong, ang kaniyang ama, Ising, ang kaniyang ina at Prospera ang kaniyang tiyahin. Ang kaniyang ulimong kalaban ay hindi naiiba. Ito ay si Valentina, ang alamedusang taong ahas na may malaking galit kay Narda. Sa serye ngayon ng GMA 7, si Valentina ay ang mayamang pinsan ni Narda. Pero hindi nagkakaiba-iba ang mga bersiyon sa itsura ni Valentina dahil lagi siyang biniyayaan ng magandang mukha. Sa orihinal na bersiyon, si Valentina ay nanggaling din sa Planetang Marte kung saan nanggaling si Darna. Ngunit dahil sa kaniyang kasakiman, unti-unti niyang nasira ang kapayapaan ng planetang ito hanggang sa napilitang lumipat ang mga naninirahan dito dahil tuluyan na itong nawasak.

Ang iba niya pang kalaban ay sina Armida (Ang Babaeng Lawin), Ang Babaing Impakta, Lucifera, (Ang Babaing Tuod), Garda, (Ang Babaing Linta), Isputnik, Ang mga Higante, Ms. Luna (Ang Manananggal), Braguda (Reyna ng kadiliman) at ang kaniyang mga Anomalkang Mandirigma, Ang Mambabarang, (Hari ng mga insekto), Si Sulfura, Molecula (nagpapalit ng anyo), Nosforamus, (ang kanang kamay ni Braguda), si Dr. Zombie, (ang tagabuhay ng mga patay). Marami sa mga kalabang ito ay hindi makikita sa orihinal na bersiyon at idinagdag lamang ng GMA 7 sa kanilang seryeng pantelebisyon. Makikita din na sa iba-ibang bersiyon na ito na hindi pare-parehas ang kasuotan ni Darna. Ibig sabihin nito na hindi essensyal ang kaniyang kasuotan para sa kaniyang kapangyarihan. Pero ang kapangyarihan ni Darna ay magkatulad sa lahat ng bersiyon. Nagtataglay siya ng pambihirang ganda, at hindi kapanipaniwalang lakas. Nakalilipad siya at kaya niyang ilagan ang mga hagupit ng kaniyang mga kalaban dahil sa kaniyang parang kidlat na bilis. Hindi rin siya magagapi ng mga sandata at baril na gawa ng tao. Ngunit sa dinami-dami ng bersiyon, makikita na ang katauhan ni Darna ay magkakahawig kung hindi talagang magkaparehas. Si Narda, kahit iyong parehas at hindi parehas sa kaniyang entidad, ay may malinis na puso. Mabait siya at masunurin. Iniisip niya lagi ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili niya. Ang kaniyang panlabas na kaanyuan din bilang isang mortal (Narda) ay nagkakatugma sa ibat ibang bersiyon. Siya ay maganda at mahinhin, tipikal ng isang dalagang Pilipina. Meron siyang timbang na timbang na katawan na iyong tipo na kinagigiliwang titigan ng mga kalalakihan. Ang sukat din ng kaniyang katawan ay hindi pangkaraniwan sa isang normal na dalagitang taga-barrio dahil ito ay mahaba at kaakit-akit na parang mga modelo. Mars Ravelo Si Mars Ravelo ay pinanganak noong Oktubre 9, 1916. Ang kaniyang tatay ay isang kubrador ng jueteng ngunit iniwan sila nito ng kaniyang nanay na isang simpleng mananahi. Nagsimula siya bilang isang cartoonist bago siya maging manunulat. Pagkatapos nito ay naging siyang punong patnugot ng dalawang malalaking palimbagan sa Pilipinas (Pilipino Komiks at Atlas Publications). Nang lumaon ay itinayo niya ang sarili niyang palimbagan, ang RAR publications (mula sa Bulaklak Publications), noong 1970 para makalikha siya ng mas maraming obra. Ito ay nagsarado rin noong dekada 70 hanggang dekada 80 nang mabigo ito dahil sa Martial law (1972-1986). Noong Abril 1984, biniyayaan siya ng Life Achievement Award ng Komiks Operation Brotherhood (KOMPEO). Sa Hulyo ng nasabing taon ay pinarangalan din siya ng FAMAS ng Life Achievement Award Peminismo

Ang peminismong prinsipyo ay umiikot sa reaksiyon ng mga kababaihan (at minsan ng mga kalalakihan) sa hindi pantay na ideolohiyang patriyarkal na naghahari sa mayorya ng mga nakasulat sa panitikan na masasalamin sa kabuoang pagtingin at pagtrato ng lipunan sa mga kababaihan. Isinasabuhay ng mga peminista ang patuloy na pagkikilatis at kadalasan ay pagsasalungat sa pakikitungo sa mga kababaihan at sa mga istiryotipikong nilalapat sa kanila. Masalimuot ang tinahak na landas ng peministang pananaw. Katulad ng maraming teorya, dumaan ito sa maraming proseso ng pag-aayos at pagbabago. Maraming impluwensiya ang naghubog nito. Lahat ng impluwensiyang ito ay nag-ambag ng kanilang mga pananaw sa peministang teorya. Magmula sa kanluran, ang mga akda ng kalalakihan ang bumubuo sa mga dakilang akdang klasikoang mga trahedya nina Aeschylus, Sophocles, at Euripedes at ang iba pang panitikan na tinatanging klasiko at primerang klase. Sa mga pagsusuring ginagawa ng ibang manunulat, katulad ni F. R. Leavis sa kaniyang The Great Tradition, mapapansing hindi niya nabanggit ang mga babaeng may-akda at nobelista katulad nina Jane Austen, Emily Bronte at Charlotte Bronte na hindi makakailang mahusay sa kanilang pagsulat. Hindi rin nila kinokonsidera ang iba pang magagaling na makata tulad nina Marianne Moore, Emily Dickinson at Amy Lowell. Ang iba pang kababaihan na aktibo din sa pagbuo ng panitikan sa larangan ng dula, kwento at kritiko ay hindi rin nila binibigyang pansin. At dahil nga puros kalalakihan lamang ang sentro ng lumang panitikan, laging mali at kadalasan ay nakakapagpababa ng pagtingin ang representasiyon nila sa mga apo ni Eba. Dito nagmula ang pag-aalsa ng mga babaeng manunulat. Hindi nila gusto ang pagtatak sa babae bilang simplistiko, emosyonal, histerikal, walangutak, masamang impluwensiya, pambahay lamang at walang buhay sa labas ng kaniyang pamilya. Napansin nila na dahil nga talamak ang ganitong istiryotipiko sa panitikan, nananatili ang pagtingin sa mga kababaihan ayon sa mga nakasulat na kadalasan ay negatibo at hindi sukat sa tunay na disposisyon o deskripsyon ng mga kababaihan. Makikita din ang diskriminisasyong ito sa maraming kultura mula pa sa Bibliya hanggang sa kasulukuyan. Mababasa sa Bibliya na si Eba ay nalikha galing sa buto ni Adan. Ipinapakita nito ang pagka-inperyor ng mga kababaihan sa mga kalalakihan. Hindi lamang sa pagtrato ng babae makikita ang istigma na naidulot ng mababang pagtingin ng mga kalalakihan sa kakayahan ng mga babae. Marami ring babaeng karakter sa panitikan ang nagbunga dito. Halimbawa ay si Delilah at Batsheba na tinaguriang mga demonyong nagdulot ng pagbagsak ng mga karakter na lalaki. Makikita rin ito sa Ingles na linguahe. Sinasabi na kung ikaw ay malamya at parang babae na ikaw ay isang pansy. Ito ay negatibo para sa mga kababaihan. Madalas din ay sinasabi sa mga batang lalaki na kailangan nilang magpakalalaki upang ipakita na hindi sila duwag kagaya ng mga babae.

Hindi rin nila inaasahan ang mga kababaihan sa mga intelektuwal na gawain dahil nakikita nila ang mga kababaihan bilang pasibo, duwag, hindi nag-iisip, kayang-kaya ng mga lalaki at sentimental. Konti pa lamang ito sa mga masasama at negatibong imahen na repleksiyon hindi lamang sa panitikan kung hindi na rin sa mga pelikula, patalastas, mga kanta, programa sa radyo, ibang porma ng libangan at iba pa. Dito sa mga halimbawang ito napansin ng mga kababaihan ang maraming pagkakataon kung saan hindi sila pinapahalagahan at bagkus ay pinagmamalupitan pa ng pagtingin at pagtrato ng mga kalalakihan. Dito umusbong ang historikal at matagal na prosesong pakikibaka ng mga kababaihan para baguhin ang nakagisnang tradisyong ito. Ang mga sikat na peministang manunulat na sina Simone de Beauvoir at Virginia Woolf ay naka-ambag ng matatag na impluwensiya sa kilusang ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga naisulat at pati na rin ang kanilang pansariling buhay, nagawa nilang makalikha ng mga panitikan na matatagpuan ang ilan sa mga sinaunang pagbuo ng problematikong pagtingin sa mga kababaihan. Sa The Second Sex (1949) na sinulat ni Beauvoir, itinatag niya ang mga pundamental na katanungan ng makabagong feminismo. Sa pagtatangka ng kababaihan na bigyang turing ang sarili, nagsisimula siya sa pag-amin na siya ay isang babae. Dahil hindi ito ginagawa ng mga lalaki, makikita na ang kalalakihan, at hindi ang mga kababaihan, ang nagbibigay turing sa mga kababaihan na makikita pa mula pa lamang sa mga nakasulat sa Lumang Tipan. Sapagkat naikalat sa kalalakihan, walang partikular na kasaysayan ng pagkakaisa ang mga kababaihan. Sinasabi sa sistemang ito na ang mga kababaihan ay hindi pantay sa mga mas superyor na kalalakihan Ang isang malawak na implikasyon ng ganitong patuloy na aping kalagayan ng mga babae ay ang mismong paniniwala at internalisasiyon dito ng mga kababaihan. Ang mga babae ay naniniwala at sumusunod din sa mga batas na inalapat para sa kanila ng patriyarkal na lipunan. Sila ay bilanggo, ng hindi nila namamalayan, ng isang sistemang hindi pantay ang pagtingin sa kanila. Kay Beauvoir din nanggaling ang matigas na paniniwalng walang esensiyal na katangian ang tumutukoy sa mga kababaihan. Ang babae ay hindi ipinanganak na babae. Siya ay nagiging babae. Kasama ni Beauvoir si Virginia Woolf na nanguna sa mga malalakas na nag-impluwensiya sa kilusang peminismo. Ang ilan sa kaniyang mga akda na To the lighthouse, Mrs. Dalloway, A room of ones own (talambuhay) ay matatagpuan ng kritikal na pagsusuring pananaw na ginagamitan ng peminismo.

Ipinahayag niya ang kaniyang pagkiling sa mga hindi pantay na pananaw sa mga kababaihan lalo na iyong mga babaeng manunulat katulad niya. Naniniwala siya na nahihirapan ang mga babae sa lipunan lalo na iyong mga nasa pantrabahong puwersa. Aminado siya na hindi niya mapapantayan ang mga pinag-aralan ng mga kalalakihan na nakapasok sa unibersidad. Napansin din niya na may mga bagay, na partikular sa sekswalidad ng kababaihan ang hindi pwedeng isulat o ipahayag. Para kay Woolf, ang pagkakaiba ng istilo ng pagsusulat ng mga kalalakihan at kababaihan ay hindi dahil sa kanilang sikolohikang karanasan kung hindi dahil sa kanilang karanasang panlipunan. Pero ang uri ng peministang pananaw ay hindi lamang limitado sa kontribusyon nina Woolfe at Beauvoir. Marami itong pagkaiba na impluwensiya na dulot ng maraming manunulat na peministng kritiko na ginamit ang ibang tanyag na teorya. Kasama ditto ang Marxismo, Postistrukturalismo, at teorya ng pagtanggap bilang kanilang pundasyon sa pormalisasyon ng ganitong teorya. Pero lahat sila ay nagkakaisa sa adhikain na hamunin at ayusin ang sistemang patriyarkal. Ang mga pagkakaibang teoretikal ng ibat ibang peministang pananaw ang siyang nagdidikta sa partikular na larangan na sasaklawin ng pagsusuring peminista. Ilan sa mga sinasaklaw nito ay iyong nakatutok sa kasarian, wika at ang kahulugan ng diskursong piksyunal. Ang tatlo sa mga impluwensiyal na akda na nagtakda ng landasing susundan ng susunod pang mga kritikong peminista ay ang Sexual Politics (1969) ni Kate Millet, Thinking about women (1979) ni Mary Ellman, at Literary Women (1977). Ang kanilang mga pagsusuri ay nagpapaliwanag kung paano tinatatakan ang mga kababaihan bilang pasibo at mga nilalang na kailangan na kailangan ang mga kalalakihan. Ang pagiging babae, sa ganitong pananaw ay nakasentro sa pagpapasaya at pagtugon sa mga interes ng mga kalalakihan. Marami ding naisulat ang mga kritikong taga Estados Unidos sa paglilinaw ng mga karanasan ng mga kababaihan at sa pagtukoy sa tunay na tinig ng kababaihan sa teksto. Gustong ipaliwanag ng kanilang pagsusuri ang katuturan ng pagiging babae na hindi hango sa mga naisulat sa kanila ng mga kalalakihan. Ito ay malinaw na makikita sa paggamit ng wika. Ipinpalagay sa ganitong pananaw na ang isang pangkababaihang estetika ay matatagpuan sa teksto; subalit ang may-akda ang siyang dahilan sa pagkakaibang ito, dala na rin naman sa kaniyang pagiging babae. Ang dahilan para sa mga pagkakaiba ng kasarian na inihahayag ng mga teksto ay ipinapalagay na produkto ng biolohiya, sikolohiya o kasaysayan. Nakikita sila bilang epekto ng lipunang patriyarkal na hindi pinahihintulutan ang kababaihan na maghayag sa isang tahasang paraaan ng kaniyang tunay na sarili. Ang isa sa pinakaimpluwensiyal na kritiko sa Estados Unidos ay si Elaine Showalter na sumulat ng Literature of their own (1977) kung saan tinukoy niya ang isang kultura at dito

matatagpuan ang likha ng kababaihan na naglalarawan ng kanilang natatanging karanasan. Hinati niya ito sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang feminine phase (1840-1880) karakteristiko ng pagsunod ng kababaihan sa patriyarkal na sistema. Ang kanilang mga isinulat ay nakasentro sa gawaing bahay at pamilya kung saan sila tinatapon ng mga lalaki. Ang pangalawang bahagi ay ang Feministang phase (1880-1920) kung saan matatagpuan ang malaunang protesta laban sa pangkalalakihan. Ito rin ang panahon na paghingi ng mga kababaihan na bumoto o Rights of Suffrage. Ang ikatlong bahagi ay ang female phase (1920-). Sinasabing ang bahaging ito ay nagmana ng katangian ng dalawang nauna at nagtuloy sa pagpapaunlad ng ideya ng ispesipikong sulatin at iba pang karanasan na pambabae na naatim niya sa kaniyang pagtuklas sa sarili. Ang isa pang impluwensiyal na aklat sa panahong ito ay ang The Mad Woman in the Attic (1979) nina Sandra Gilbert at Susan Gubar, sinikap ng mga may-akda na tignan ang epekto ng kaisipan na ang pagsulat ay para lamang sa kalalakihan sa mga pagsisikap ng mga babaeng manunulat. Natalakay nila na sapagkat sinasabing malikhain ang mga kalalakihan, ang mga malakas na imaheng pampanitikan ng pagiging babae ay mga pantasiya ng kalalakihan. Ang lalaki ang siyang naglalathalata kung sino ang mga babae na sa kanilang panlasa ay dapat malaanghel ang anyo at kagandahan katulad ng karakter ni Dante na si Beatrice sa kaniyang Divine Comedy. Pero sa likod ng anghel ay nagtatago ang isang halimaw; ang katumbalik ng realisasiyon ng kababaihan ay ang takot ng mga lalaki sa mga babae. Ang halimaw na babae ay yaong taong hindi handang magsakripisyo, marunong lumaban, may sariling opinion o sa madaling salita, siya ang babaeng tumatangging tanggapin ang sistema na inilatag sa kaniya ng patriyarkal na lipunan. Makikita ito sa mga klasikong halimbawa na sina Medusa, Circe, Kali, Delilah at Salome. Sa kontemporaryong halimbawa, makikita din sila sa mga mangkukulam o witches na noong panahong Medieval ay iyong mga kababaihan na may sariling pananaw at hindi sumusunod sa istiryotipiko ng lipunan. Para dito kanila Gilbert at Gubar, merong mga babaing manunulat noong siglo labing siyam ang makikitahan ng pagtanggap at meron naman ang tumatanggi sa mga kategorya ng patriyarkal na lipunan. Kaya bahagi ng kanilang istratehiya bilang babaeng manunulat ang wasakin, baguhin at muling itatag ang mga imahen ng kababaihan sa teksto. Kabilang nung mga naunang maimpluwensiyang manunulat na sina Showalter, Beauvoir at Woolfe, naniniwala sina Gilbert at Gubar na nasa may-akda ang bukal ng kahulugan ng kanilang teksto. Sa isang pangkalahatang pananaw, hindi gaanong teoretikal ang mga naisulat tungkol sa peminismo sa Estados Unidos. Pero may mga manunulat, tulad ni Annette Kolodny na naniniwala na kailangan ng pluralismo para lubusang maintindihan ang peministang pananaw. Bukod pa rito, marami ring naiibang aspeto ang tinatalakay ng mga kritiko tungkol sa panitikan ng kababaihan. Iilan dito ang mga nasulat ng mga itim na manunulat katulad ni Toni Morrison, ng kaunting Asyanong manunulat at ng mga iilan na lesbiyanang manunulat.

Subalit malinaw na namamayani sa mga pagsusuri ang isang uri ng humanistikong perspektibo na kung saan naniniwala ang mga kritiko na ang pag-aaral sa mga teksto ay makapagbibigay-linaw sa mga kahulugan ng pagkababae. Magagamit dito sa pananaw na ito ang kalipunan ng mga akda sa pagpapalalim ng pang-unawa sa kalagayan ng mga babae sa lipunan. Sa ganitong paningin, ang awtor ay isang subhekto na lumilikha ng teksto batay sa kaniyang personal na karanasan at siyang pinagmumulan ng awtoridad at kahulugan. Ngayon pupunta naman tayo sa ma-teoryang pananaw ng mga Pranses. Pinapalagay nila na ang mga nagbabasa ay kasing talino nina Freud at Lacan na madaling maiintindihan ang kanilang malalalim na pananaw. Dahil dito, natatakan ang mga peministang Pranses bilang mga elitista. Maraming impluwensiya ang mga Pranses na nagmula kanila Derrida at Lacan. Ang kinokonsidera ng mga kritiko bilang pinakamalalim at makabuluhan. Silang dalawa ay nagtatanong sa sikoanalikal na konteksto sa kultura lalo na ang posisyon ng wika. Ang mga teorya ng peminismo sa Pransiya ay nagdidiin sa kasaklawan ng pamamayani ng kalalakihan bilang subhekto, na siyang nagtutulak sa kanila na tratuhin ang babae bilang lahat ng hindi lalaki. Kahit mapapansin na ang mga teoryang ito ay kadalasang sumesentro lamang sa mga babaing puti sa Kanluran, hindi naman makakaila na maraming manipestasyon ang kanilang ipinaglalaban na diskriminisasyon tungo sa mga kababaihan. Sa modernong panahon halimbawa, maraming mga trabaho ang hindi tumatanggap ng mga kababaihan na nakapag-asawa na. Natatakot ang mga kumpanya na itong mga babaeng ito ay mapapabayaan ang kanilang trabaho dahil sa kanilang pag-aalaga sa kanilang mga anak at pamilya. Makikita din ang mga negatibong pagtingin sa babae bilang mga laruan o gamit para sa kasiyahan ng mga lalaki. Isang malawak na halimbawa nito ang mga RnB na kanta na tumatawag sa mga kababaihan na magsama ng kanilang mga kaibigang babae habang sila ay nakikipagtalik sa kanilang mga partner na lalaki. Masisilayan din ito sa mga music video na may mga malalaswang imahen ng dalawang babae na naglalandian. Natutuwa ang mga lalaki kapag nakakakita ng girl-on-girl action dahil nasasabik silang panoorin ito. Ito ay isang masamang pagtingin sa babae bilang mga sex objects o sex toys. Hindi nila iniisip na ang mga kababaihan ay mga tao din at may mga emosyon na kailangan nilang pahalagahan. Komersiyalismo Marami sa atin ang natutuwang isipin na hindi tayo tinatablan ng mga epekto ng komersiyalismo lalo na sa mga patalastas sa telebisyon at radyo. Iniisip natin na masyado tayong matalino para madala sa mga ganitong uri ng propaganda. Pero totoo nga bang hindi tayo naaapektuhan? Halos lahat ng mga binibili nating produkto ngayon, mula sa ating mga kasuotan, hanngang sa ating mga ginagamit na

toothpaste at kinakain na de lata ay produkto ng ating panonood ng telebisyon at ng iba pang media na gumagamit ng komersiyalismo. Minsan ay hindi na natin ito napapansin, pero pati ang ating sariling mga panlasa sa mga produkto ay nababago na ng komersyalismo. Sa tinagal ng panahon, ang pagbebenta sa merkado ay binago at pinaunlad gamit itong komersyalismo bilang kanilang pangunahing alas. Nasasakop nito ang ibat ibang porma ng manipulasiyon na gumagamit ng sikolohiya sa pagbuo ng struktura ng kanilang ipapalabas sa telebisyon, dyaryo at sa magazines. Makikita din ito sa mga popular na fastfood chains at restaurants. Ang halimbawa nito ay ang McDonalds. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang mga kulay na kahel, pula at dilaw ay nakakapagbigay gana sa mga kumakain. Isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit ito ang mga piniling kulay ng mga bumuo sa Mcdo para mas ma-engganyo ang milyon-milyong tao na kumain sa kanila. Kung manonood tayo ng telebisyon, mawiwili tayo sa paghahanap ng mga ito. Kunin nating halimbawa ang patalastas ni Loren Legarda kung saan siya ang nageendoso ng sabong panlaba na Ariel. Hindi naman makakaila na baka nga magaling maglaba si Loren kung hindi siya namumulitiko. Pero ano nga ba ang kinalaman ng isang senadora sa paglalaba? Ganun ba siya kagaling magtanggal ng mantsiya kung kaya mapapagkatiwalaan siya bilang isang awtoridad sa paglalaba? Isa itong likong pangangatwiran o fallacies. Maraming ginagamit na fallacies ang mga pabrikante para makabenta ng mga produkto. Minsan ay ginagamit nila ang bandwagon fallacy kung saan sinasabi nila na marami na ang gumagamit nito kaya sumali ka na rin. Sa patalastas naman ng Lactacyd inihawig nila ang isang bulaklak sa ari ng babae. Mas madali nilang nakukumbinsi ang mga mamimili sa paggamit nitong mga likong pangangatwiran kesa ibulgar ang katotohanan sa kanilang mga mapagpanggap na produkto. Isa pa sa pinakamaraming anyo ng maling pangangatwiran na kanilang pinapauso ay ang pagtrato sa babae bilang mga bagay na umaapela sa sekswalidad ng mga lalake. Marami sa mga ito ay ang mga patalastas para sa alak at sigarilyo kung saan pinapalabas nila na makakapagpalapad ng papel sa mga magaganda at maalindog na babae pag magyoyosi ka o iinom ng alak. Malaki ang ginagastos ng mga kumpanya para magustuhan ng mga mamimili ang kanilang produkto. Minsan sa mga pelikulang pang-hollywood, gagastos sila ng milyun-milyon sa mga patalastas at posters para mapanood ito ng mga tao sa ibat ibang bahagi ng mundo. Napakabisa nitong komersiyalismo sa pagpapalaki ng tubo ng mga kumpanya sa kanilang mga produkto. Pero maraming masamang epekto ito sa ating lipunan lalo na sa mga kabataan. Makikita na ang komersiyalismo ay nakakasira sa ating kultura dahil pinapasukan ng mga tagabenta ang bawat pangyayari at pagkakataon para ibenta ang kanilang produkto. Minsan hindi ito halatang-halata pero mapapansin pa rin. Isa na rito ang mga ginagawa ng kapuso nating GMA sa kapuso segment ng 24-oras, isang palabas na naghahatid ng balita.

Hindi naman masama ang idinudulot nito kung titignan sa kabuoan. Pero kung susuriing mabuti ay kaya nila ito ginagawa ay para pabanguhin ang kanilang imahen sa publiko na mas lalong tatangkilikin ang kanilang mga palabas kung ito ay galing sa mga mabubuting mapag-kawanggawang tao. Bakit pa ba nila kailangang ibalita itong kanilang mga mabuting gawain kung hindi para maging mas sikat ang kanilang istasyon sa mga kalaban nito na hindi kasing aktibo nila sa pagtulong sa kapwa? Marami ring impluwensiya ang komersiyalismo sa paghulma ng isipan ng mga kabataan lalo na ng mga teenagers. Gumagamit ang mga patalastas ng mga maling analohiya na nagpapa-ikot sa isipan nga mga kabataan. Dito makikita na ang masama ay nagiging cool at ang paggawa ng mabuti ay corny at para lamang sa mga talunan o losers. Marami sa mga impluwensiyang ito ay makikita sa mga patalastas ng mga bisyo kung saan ang mga taong lulong sa mga ganitong bisyo ay silang matipuno, gwapo at talagang lapitin ng mga babae o lalaki. Pinapapangit din ng komersiyalismo ang ating paningin sa ganda at panlabas na anyo. Madalas ay nagiging mababaw ang ating pananaw sa mga ganitong bagay dahil nasasakop na ng komersiyalismo ang ating pag-iisip. Halos lahat ng mga patalastas sa telebisyon at magazines ay gumagamit ng mga magagandang modelo na nagpapahiwatig na kailangan mong maging kasing ganda o kasing gwapo nila para maging masaya. At kung ikaw naman ay hindi biniyayaan katulad nila, makakaramdam ka ng awa sa sarili o ng galit sa mundo. Kayang-kaya ng mga patalastas na ito na palungkutin o pasiyahin ang mga makararanas ng impluwensiya nito. Sa madaling salita, ginagawang superyor ng komersiyalismo ang mga magaganda kumpara sa mga hindi kaaya-ayang tao na kinokonsidera naman nila bilang inperyor. Dahil din sa mga masasamang imahen na napapalaganap ng komersiyalismo, natututo tayo na maging sakim o materyoso. Ang nagiging nating pangunahing layunin sa buhay ay ang maging mayaman at magkaron ng mamahaling mga pag-aari tulad ng mansiyon sa Alabang o Toyota Vios na ineendoso ng sikat na singer na si Britney Spears. Nakakaligtaan na natin ang mas malalalim na pangangailangan sa ating buhay dahil sa mga kababawan na ating nakikita sa mga patalastas. Ang makikitang implikasyon ng mga patalastas na ito ay ang kayamanan ang susi sa kasiyahan. Maganda ring ikonsidera ang salaping ibinubuhos ng kumpanya sa pagbebenta ng kanilang produkto. Dahil ang kanilang pangunahing intensiyon ay makalikom ng maraming pera, ang kanilang ginagawa ay pinapataw nila ang kanilang ginastos sa pagpapatalastas ng isang produkto sa presyo mismo ng produkto. Bagkus, ang mga mamimili ang papasan dito sa kanilang gastusin at patuloy lang silang kikita. Dahil din sa komersiyalismo, nakukumprimiso natin ang kalidad ng ating panitikan. Ang mga pelikulang Pilipino ngayon ay para lamang kumita ang mga prodyuser. Kapag papanoorin ang mga pelikulang ito, mababa ang kanilang kalidad at malayo ang pagkakaiba sa iba pang pelikula tulad ng mga indie films na naglalayon na makapagbahagi ng mensahe sa mga manonood nito at hindi ang kumita ng malaking tubo sa pagpapalabas ng mga pelikulang ito. Sinasakripisyo ng naunang nabanggit ang kalidad at artistikong

aspeto dahil pinapasok nila ang mga artista at istorya na alam nilang kakagatin ng mga manonood. Isa pang masamang epekto ng komersiyalismo ay mapupuna sa ating pulitika. Marami sa mga pulitiko na tumatakbo sa matataas na puwesto ang nanliligaw sa mga boboto sa pamamgitan ng kanilang mga patalastas at kung anu-ano pang paraphernalia na pangeleksyon. Kahit nga nakasaad sa ating Saligang-Batas na may limitasyon ang pwedeng gastusin ng isang tumtakbo sa kaniyang pangangampaniya, nagagawa pa rin itong lusutan ng mga mapusok na pulitiko. Kung ipaghahalo ang epektong ito sa epekto na natalakay bago dito, maiisip na kapag nanalo na ang mga pulitikong ito, ay binabawi nila ang kanilang mga ginastos sa pagkupit sa kaban ng bayan. Gaya ng kanina, ang mga mamamayan ang pumapasan sa dagdag na kanilang ginastos. Sa kabuohan, parte na ng ating lipunan ang komersiyalismo. Mahirap nang makatakas dito dahil sa lahat ng aspeto ng ating buhay ay madadama natin ito. Marami itong masamang epekto sa ating buhay, pag-iisip at buong lipunan na kadalasan ay hindi na natin mapapansin o hindi na natin pinagiisipan. Iniisip natin na parte na nga ito ng ating sistema at hindi na natin ito pwedeng ayusin o subukang talikuran. LAYUNIN Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na suriin ang karakter ni Darna at patunayan na ang kaniyang karakter ay hindi nagpapakita ng magandang imahen sa mga kababaihan sa ating lipunan kung ilalapat sa konteksto ng peministang pananaw na pagsusuri sa panitikan. TEORETIKAL NA BALANGKAS Ang paghahari ng banyagang mga produkto ay mapupuna kahit na sa mga lokal na palabas sa telebisyon kung saan mapapansin na ang mga banyagang nilikha ay mas pinapahalagahan kaysa sa gawang atin. Kung unang pupunahin ang Darna, masasabing ito ay maganda para sa ating lipunan dahil iniibsan niya ang ating paghanga sa mga ganitong uri ng produkto na makikita sa halos lahat ng anyo ng panitikan at entertainment. Ngunit sa malapitang pagsusuri ay makikita ang bakas ng komersiyalismo sa mga lumikha nito. Ang komersiyalismong ito ay mapapansin sa hindi akmang kasuotan ni Darna at kahit na ang pagkakalikha sa kaniyang kaanyuan at maamong pagkatao. Masasabing kaya lamang nila binihisan at nilikhang ganito si Darna ay para mas maging masarap sa panlasa ng masa na tumatangkilik sa kaniya. Dahil nga pinaglalayon ng mga lumikha at prodyuser ng kung anu-anong panitikan at paraphernalia ni Darna ang kumita ng limpak-limpak na salapi, madalas ay nababastos na nila ang pagtingin ng ating lipunan sa mga kababaihan. DEPINISYON NG MGA TERMINO

Peminismo sa konteksto ng panitikan, ito ay ang malakas na reaksyon sa pamamayani ng patriyarkal na tradisyon na nagtatanghal sa mga akda ng mga lalaking manunulat bilang bahagi ng kanonisadong kalipunan ng mga akda. Kulturang Popular kahit malimit na marinig ang terminong ito lalo na sa pagtatalakay tungkol sa lipunan, hindi pa rin ito nabibigyang ng konkretong kahulugan dahil maraming teorya tungkol dito ang nagbabanggaan. Ngunit ang maliwanag na pag-uunawa ng terminong ito ay tumutukoy sa mga bagay na popular at talamak sa ating lipunan Komersiyalismo - ito ay tumutukoy sa mga tradisyon, metodolohiya at prinsipyo na naghahari sa kalakalan; ito ay ang dominasyon sa buhay ng mga nasabing mga konsepto1 Lipunan ito ay ang sistema ng komunidad na buhay, kung saan ang mga indibidwal na bumubuo nito ay karaniwang nasa isang teretoriyal na establisimyento, at sila ay bumubuo ng pagkakaunawan para sa kanilang kabuoang benepisyo at proteksiyon; ito ay ang mga taong bumubuo sa nasabing komunidad2 METODOLOHIYA Ang nagsagawa ng pagsusuring ito ay nagsaliksik tungkol sa mga kaugnay na pag-aaral tungkol kay Darna. Gamit ang kaniyang mga nasaliksik, sinuri niya sa intertekswal na konteksto ang pagkatao ni Darna at sinuri rin ito gamit ang peminismong pananaw. SAKLAW NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa buong karakter ni Darna, sa mga pampanitkan niyang produkto at sa mga mas kapansin-pansin niyang bakas sa popular na kultura. Sapagkat samut sari ang mga bersiyon ng Darna, ang pinagtuunang pansin ng pagsusuring ito ay ang pinakabagong bersiyon ng Darna Komiks (Mars Ravelos Darna, 2003). Sumasaklaw din ito sa mga iba pang naitalang mga pag-aaral sa Darna ng mga dalubhasa. KAGYAT NG PAGSUSURI Kung tatanungin ang mga kabataang Pinoy ngayon kung sino ang kanilang paboritong superhero, tiyak na marami sa kanila ang babanggit sa pangalan ni Darna. Talaga ngang napakalakas ng kamandag ni Darna sa mga Pilipino. Simula pa lang ng ilabas siya noong 1950, hanggang ngayon ay hindi maitatangging siya na ang ating pinakapaboritong heroine sa panitikang Pilipino at popular na kutura. Sino nga naman ang hindi matutuwang panoorin o basahin ang Darna? Bukod sa napakahusay ng pagkaguhit at pagkalikha nito, kaaya-aya ding panoorin ang mga artista na gumaganap bilang Darna. Nasabi nga ng mga kritiko na isang career defining role ang pagganap bilang si Darna dahil malaki ang katiyakan ng iyong pagsikat. Katulad din ni Darna, magiging paborito ka rin ng mga pinoy. Ang mga gumanap bilang Darna na talagang kinagiliwan ng mga manonood ng pelikula ay sina Rosa del Rosario, Rio Locsin, Nanette Medved at ang pinakapopular na gumanap bilang Darna na si Vilma Santos.

Ang isa pa siguro sa mga dahilan ng paggiging sikat ng Darna ay ang apela nito sa mga batang tagahanga, kasama ang mga komik fanatics at ang mga lalaking nasasabik na subaybayan ang komiks at lalo na ang mga pelikula at seryeng pantelebisyon. Madali ngang isipin na maganda ang dinudulot ng katanyagang ito ni Darna. Sa kaniyang kasikatan, makikita na napapagyaman nito ang panlasa ng Pinoy sa gawa ng kapwa Pinoy. Tinuturuan din niya ng magagandang asal ang mga kabataan dahil itinataguyod ng istorya nito ang paggapi ng kabutihan sa kasamaan. Pero kung iisipin ang kabuoan, maganda nga ba ang dinudulot ng Darna sa ating lipunan at ang nagiging konsekwensiya nito sa ating pagtingin sa mga kababaihan? Sa unang tingin, si Darna ang tagapagtanggol ng mga kababaihan. Siya ang tagapagtaguyod ng isang malakas na babae na hindi sumusuko at kayang-kayang gapiin ang mga masasamang-loob ng hindi humihingi ng proteksiyon o tulong mula sa mga kalalakihan. Pwede pa ngang maisip na mainam siyang representasiyon ng makabagong babae ayon sa pangangatwiran ng peminismo. Ngunit sa malapitan at kabuoan, ay isa itong kasinungalingan. Isunod naman natin ang katauhan ng ating bida na si Darna. Sa introduksiyon na sinulat ni Rolando Esteban sa librong Darna etc. ni Frank G. Rivera (2003) sinabi nito na: In Darna, Ravelo collapses a womans salvic intent with male prowess and makes Darna into a shewarrior. Pwede ditong magamit ang peministang panaw sapagkat nasasabi dito na ang mga imahen ng kalalakihan ay kadalasang ipinapakita bilang malakas at ang mga kababaihan sa kabilang dako naman ay ang mga mahihina. Ipinapahiwatig nito na kahit si Darna nga ay siyang babaeng malakas at ang bidang superhero, ang kaniyang kalakasan ay isang katangian pa rin ng mga kalalakihan at hindi sa mga kababaihan Sa ganitong pagsusuri, madadali agad si Darna sa kaniyang imahen at kasuotan. Halos lahat ng mga naiguhit at nagsipagganap ng Darna ay nakasuot ng kakrampot na saplot sa kanilang katawan. Nakasuot sila ng pulang bra at pulang bikini. Mapupuna din ang kanilang matataas na botas na kulay pula din. Isa itong kontradiksyon sa kadalasan ay puting kapa na nakalapat mula sa kanilang bewang hanggang sa mababa lang ng konti sa kanilang singit. Iisa-isahin nating ang mga baluti niyang ito. Uunahin natin ang mahahabang bota na kaniyang suot-suot. Kung tatandaan sa mga visual illusions na kadalasang ipinapakita sa mga kabataan, mapapansin na mahahaba ito para direkthin ang pagtitig sa maseselang bahagi ng katawan na nasa itaas nito. Nakakapagbigay ito ng lihim na mensahe sa mga kalalakihan na si Darna ay hindi lamang isang karakter na nagtatanggol sa mga taong nasa panganib, kundi isa ding tagapagtanggol sa kanilang mga pagpapantasiya. Malaki rin ang ebidensiya nito sa kaniyang pantaas at pambabang saplot. Mapapansin na ang kaniyang bra ay may dalawang bituwin sa gitna ng bawat kopa nito. Medyo may kalaswaan itong tignan dahil halos lapat na lapat ang posisyon nito sa maselang bahagi ng kaniyang dibdib. Hindi rin madaling iwaglit sa isipan na mayayaman sa laki ng hinaharap ang kadalasang gumaganap o idinidrowing para kay Darna.

Ang kaniyang pambabang kasuotan naman ay sobrang ikli at nakakapagbigay ng mas madaling opportunidad na ikatuwa kung anong nasa loob nito. Wala naman itong particular na mahika na makakapagpadali ng kaniyang pakikidigma sa mga masasamang kalooban. Meron ding puting kapa na nakasabit mula sa bewang ni Darna. Ang nabanggit na kapa ay tila sumasalungat sa mapula at mapusok na kasuotan ni Darna. Ang puti ay simbolo ng kalinisan at pagkadalisay. Kaya nga ang mga wedding gown na sinusuot ay laging ganito ang kulay dahil sinasabi nito na isang birhen ang sumusuot at hindi siya bumigay sa tukso at kapusokan. Pero nagagapi ito ng nag-aalab na kapulahan sa kasuotan niya. Madaling iugnay ito sa kulay ng pag-ibig at pasiyon. Ang mga salitang ito sa kontemporaryong konteksto ay katumbas rin ng kalibugan at init ng katawan. Pwedeng ipagtanggol ng mga lumikha nito na si Darna lamang ay katumbas natin para kay Wonderwoman. Sinabi nga ng anak ni Mars Ravelo, na si Rita dela Cruz, na nakuha ni Ravelo ang ideya para kay Varga, ang sinaunang bersiyon ni Darna, sa mga komiks na dinala ng mga Amerikano pagkatapos ng World War II. Pero hindi ito perpektong pangangatwiran. Sa katunayan ay nauna nga si Darna kaysa kay Wonderwoman. Hindi ba dapat, na ginuhit nila ito na hindi ganito kapusok dahil nasa konteksto tayo ng panitikang Pilipino na higit na mas konserbatibo sa mga Amerikano? Magagamit dito ang teorya ng peminismo bilang mainam na instrumento para sa pagsusuri. Nasabi sa mga teorya nina Gilbert at Gubar na dahil ang mga kalalakihan ang gumagawa ng mga akda tungkol sa mga kababaihan, inihahambing nila ang kanilang mga nilikha sa laman ng kanilang pantasiya. Bali si Darna ay ang seksing babaeng nilalaman ng kanilang inaasam at kanilang binalutan ng kabutihan at kadalisayan para mas madaling ipresenta sa mga mamimili na mahilig sa mga istorya ng tagumpay ng mabubuti laban sa kasamaan. Pwede din natin itong ihambing sa pagsusuring peminista na ginawa ni Ruth Mabanglo (Florante at Laura: isang obserbasiyong peminista), sinabi niya dito na sa kolokiyal na paglalarawan kay Laura ayon sa Florante at Laura ay isang binibining hanep ang sex appeal-hanip sa ganda, mayaman ang hinaharap at pamatay ang katawan (nakakabit ang pagsusuring ito dito bilang Apendiks D) Itong mga katangiang ito sa panlabas na anyo ng mga kababaihan sa panitikan ay makikita kay Darna. Sa ganitong mga paglalarawan, indirekta nitong isinasaad ang mga kababaihan bilang appearances o objects (Rosetta Brooks). Katulad ng nasabi, sa pisikal na itsura ni Darna, makikita natin ito bilang pagsalungat sa ipinaglalaban ng peminismo. Ang madalas na itsura ng mga Darna ay isang babaeng maganda o kaaya-ayang tignan, may magandang korte at timbang ng katawan o sexy at may malakas na alindog. Mahirap isipin kung ano ang gamit nito sa kaniyang pakay na tulungan ang mga taong nasa panganib. Kaya rin naman itong gawin ng isang taong may matinong kalusugan na hindi naman sobrang ganda. Ayon ulit sa peministang pagsusuri, dahil sinasabing malikhain ang mga kalalakihan, ang mga malakas na imahen ng babaeng naitala sa panitikan ay bunga ng kanilang mga pantasiya; ang kanilang panlasa ang siyang tumutukoy kung sino ang mga kababaihan Pero dahil nga pantasiya ng lalaking lumikha ng Darna ang umiiral sa ganitong katangian ni Darna, makikita na ito ang kanilang ideya ng

perpektong babae. Ninanais nila na ang kanilang mga babae ay mayumi at maganda at hindi sila naaakit sa mga hindi gaano kagandahan pero ganito din kabait o siguro ay higit pa. Makikita rin itong pagtinging ito ng mga kalalakihan sa mga babae sa pagsusuri ng karakter ni Valentina, ang pangunahing kalaban ni Darna. Si Valentina ay isang dalaga na sa ibat ibang bersiyon ay ipinapakita na ubod ng ganda. Isa nga siyang modelo sa halos lahat ng bersiyon na pangtelebisyong serye, pelikula o komiks. Pero sa katunayan ay isa siyang babaeng ahas na may nagsisidhing galit kay Darna. Isa itong ebidensiya ng patriyarkal na pagrerepresenta ng mga kalalakihan sa panitikan. Dito, si Valentina ang sumasalamin sa kanilang takot sa mga babaeng ubod ng ganda pero hindi nila makuha o sinaktan sila. Nirerepresenta nila ito bilang isang nakakatakot at salbaheng nilalang dahil ito ang pagtingin nila dito. Makikita din na halos lahat ng mga kalaban ni Darna ay babae rin katulad niya. Hindi ito magandang imahen ng mga kababaihan dahil pinapalabas nito na ang mga babae ay parang mga hayop at ang kalaban nila ay ang mga kapwa nila babae. Hindi sila magkasundo at ito ay dahil lamang sa isang lalaki. Sa ganitong pagkakataon ay umiiral na naman ang patriyarkal na sistema na talamak sa panitikan. Talakayin naman natin ang mortal na alter ego ni Darna na si Narda. Sa libro ni Cynthia Roxas na A history of Komiks in the Philippines and other countries (1992 Islas Filipinas Publications), inilarawan niya si Narda bilang mahinhin, mabait sa loob at sa labas, at kadalasan ay inaapi pero sa huli ay nagtatagumpay (isinalin sa Filipino). Ang mga deskripsiyon na ito ay kadalasang matatagpuan sa mga panitikan na lalaki ang lumikha. Makikita na wala siyang kalaban-laban sa mga umuusig sa kaniya dahil kailangan niya si Darna upang ipagtanggol ang kaniyang pamilya at ang ibang naapi. Pinapakita nito na ang misrepresentasyon sa mga babae bilang isang mahinang nilalang na kailangan ng isang bagay (ang bato) o isang puwersa na sasanib sa kanila (ang mandirigmang si Darna na galing sa planetang Marte) para maipagtanggol nila ang kanilang sarili at malabanan nila ang kanilang mga kaaway. Kung wala itong si Darna, siguradong walang laban si Narda sa kaniyang mga kaaway at magiging katulad lang siya ng ibang babae sa panitikan tulad ni Laura sa Florante at Laura na kailangan ng isang lalaki para ipagtanggol siya. Dahil nga sa mga hindi realistikong kaanyuan ni Darna, hindi natin maitatanggi na isa na naman siyang produkto ng komersiyalismo na mahirap nang hindi makita sa panitikan sa porma ng telebisyon, pelikula at komiks kung saan lahat makikita si Darna. Unang-una ay kailangan nilang palawakin ang merkado na tatangkilik kay Darna. Hindi sapat ang mga bata na iisipin na si Darna ay ang tunay nilang tagapagtanggol dahil ito ay mabait at puno ng pagmamalasakit sa kapwa. Kailangan nilang saklawin ang mga lalaking tatangkilik kay Darna dahil sa kaniyang seksing itsura at medyo mapagpahiwatig na fight scenes o fight positions.

Hindi nga naman sila nabigo. Sinasabing marami sa mga Darna movies ang humakot sa takilya at pinatatag pa nga nito ang karera ng maraming bituwin na gumanap sa kaniya. Makikita rin na ang Darna ay dumanas ng maraming pagbabago sa ibat ibang bersiyon nito para umakma sa panlasa ng mga manonood at mamimili ng komiks nito. Kung bubuklatin ang pinakabagong komiks ni Darna na mabibili sa maraming bookstore, makikita na talagang pinagbubuhusan nila ng lakas at panahon na gawing seksi ang kanilang karakter para ito ay mas magustuhan ng mga mamimili. Nakakatuwa ring pag-isipan kung ano nga ba ang gamit ng mga maliliit na kasuotan ni Darna. Makikita naman sa lahat ng bersiyon ni Darna na hindi siya kumukuha ng kaniyang kapangyarihan dito sa mga malalaswang baluting ito. Ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang panloob na katauhan na nakuha niya sa kapangyarihan na ibinibigay sa kaniya ng bato. Mas madadalian pa nga siguro niyang ipagtanggol ang mga naaapi kung hindi siya naka-twopiece. Mas magiging mataas din siguro ang kaniyang galling na gumawa ng kaniyang mga layunin kung ang kasuotan niya ay mas balot tulad ng mga kasuotan ni Batgirl. Makikita na talagang kinagigiliwan ng mga kalalakihan ang itsurang ito ni Darna. Mapapansin na ang mayorya ng mga pinapasang fan mail sa Mars Ravelos Darna 2003 ay ginawa ng mga lalaking tuwang-tuwa sa anyo at pagkakaguhit kay Darna. Kung pagsasamahin ang lahat ng mga ito, hindi gaano makikitahan ng magandang naidudulot ang Darna sa ating lipunan. Mas lalo niya pa ngang pinapababa ang ating pagtingin sa mga kababaihan dahil maiisip ng mga tagahanga kay Darna na ang mga kababaihan ay mga sex objects lamang. KONGKLUSYON Kung susuriin, ang karakter ni Darna ay hindi magandang halimbawa sa ating mga kabataan at hindi rin masasabi na siya ay nagtataguyod ng magandang pagtingin at pagtrato ng ating lipunan sa mga kababaihan. Ang isa sa mga pangunahing punto ng mga lumikha ng Darna ay makalikom ng mas malaking kita. Mas pinapahalagahan nila ang magiging tubo nila sa pagbenta ng karakter ni Darna sa publiko kaysa sa maituturo nito sa ating mga kabataan at kabuoang lipunan. Ibinabalot lamang ng mga lumikha kay Darna sa presentasiyon na kunyari ay nagtuturo ng kaaya-aya at magandang asal ang imahen ni Darna upang humakot ng mas maraming tagasubaybay at para hindi agarang mahusgahan ang kanilang mga kinukubling layunin. BIBLIOGRAPIYA

Center for the study of commercialism, Washington D.C. (July 23, 2005) The Culture of Commercialism:A Critique|handout [Online] Available http://www.media-

awareness.ca/english/resources/educational/handouts/ethics/rr_culture_commerciali sm.cfm

Cueto, Eric.(June 14, 2005)Eric Cueto presents, the new official Mars Ravelos Darna Web Site[Online] Available http://www.marsravelodarna.com/ Panganiban, Consuelo.(1975) English-Pilipino Dictionary National Bookstore Inc., Mandaluyong City. Reyes, Soledad. (1992)Kritisismo:Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan.ANVIL PUBLISHING Rivera, Frank. (2003) Darna Etc.,UST Publishing House, Espaa St,. Manila. Ross, Kelley.(1999-2002) Feminism [Online] Available http://www.friesian.com/feminism.htm Roxas, Cynthia. (1985) History of Comics in the Philippines. ISLAS FILIPINAS PUBLISHING CO., Inc. Quezon City, Phils. Tolentino, Rolando. (2004) Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Peafrancia at si Pepsi Paloma ANVIL PUBLISHING INC., Pasig City Unknown.(June 14, 2005) Darna[Online] Available http://www.internationalhero.co.uk/d/darna.htm Unknown. (July 23, 2005) http://www.fcps.k12.va.us/KeyMS/library/bibliography.html [Online] Available http://www.fcps.k12.va.us/KeyMS/library/bibliography.html#internet Unknown. (June 14, 2005)Mar's Ravelo's DARNA-Mar's Ravelo's Darna:Decades of popularity - iGMA.tv[Online] Available http://www.igma.tv/article.php? articleid=659 June 14, 2005

APENDIKS A: Mga Komiks na nalikha tungkol kay Darna Titulo DARNA tagalimbag Pilipino Komiks (# 77) DARNA AT ANG BABAING LAWIN Pilipino Komiks SI DARNA AT ANG BABAING IMPAKTA Kenkoy Comics. DARNA AT ANG BABAING TUOD Liwayway Comics SI DARNA AT ANG PLANETMAN Holiday Comics DARNA AT NAG BABAING LINTA Darna Comics DARNA AND THE TIME MACHINE Kampeon Comics Petsa May 13, 1950 1951 1964 1966 Pebrero 3, 1968. Issue #1 1975

DARNA AT DING DARNA VS. THE BLACK WIDOW DARNA VS. THE BLACK ORCHIDS DARNA vs. DYANGA DARNA KONTRA TAONG DIABLO DARNA AT ANG HIWAGA NG NAWAWALANG HUKAY DARNA AT ANG TAONG IBON DARNA VS ZUMARNA DARNA SA GITNA NG PAG IBIG AT PANGANIB DARNA ANG PAGBABALIK! DARNA SA DAIGDIG NG ILUSYON DARNA VS THE WITCH DARNA VS THE BLACK MERCURY DARNA VS ARAKNIDO DARNA AND THE TIME MACHINE DARNA VERSUS THE WARLOCK DARNA VS THE TOXIC MONSTER

Bulaklak Comics 1980 Darna Comics Darna Comics Darna Comics Darna Comics Darna Comics Darna Comics Enero 1, 1985 1986 1986 1987 1993 Hunyo 1992

Darna Comics 1996. Darna Comics 1996Darna Comics 1997 Darna Comics Darna Comics 1988 Darna Comics. 1988 Darna Comics Hunyo 25, 1990 Super Action 1999 Comics. DARNA SA BINGIT NG PANGANIB Super Action 1999 Comics PAANO KUNG MAY TATLONG DARNA Super Action comics DARNA Mango comics Pebrero 2003 DARNA Mango comics ikalawang isyu- May 7, 2003 DARNA Mango comics ikatlong isyu- Dec 13, 2003 APENDIKS B Movie List ng Darna May 31, 1951 Royal Films DARNA Sa Direskyon ni: Aug 15,1952 Royal Films Fernando Poe DARNA AT ANG BABAING LAWIN (Darna and the Hawkwoman) Rosa Del Rosario bilang Darna, Cristina Aragon bilang Valentina, Mila Nimpa bilang Narda at Manuel Ubaldo bilang Ding. Rosa Del Rosario bilang Darna, Elvira Reyes bilang Babaing lawin (hawkwoman)

Sa direksyon ni: June 27,1963 PPI Carlos Vander Toloso SI DARNA AT ANG IMPAKTA (DARNA AND THE EVIL TWINS) Sa direksyon ni: Aug 12,1963 Tagalog Ilang-Ilang Productions April 14,1965 Premiere Productions Danilo Santiago ISPUTNIK VS. DARNA Sa Direskyon ni: Natoy Catindig DARNA AT ANG BABAING TUOD (DARNA AND TREE MONSTER) Sa Direskyon ni: Cirio H. Santiago Jan 18,1969 Vera Perez Productions DARNA AT ANG PLANETMAN (DARNA AND THE PLANETMAN) Sa Direskyon ni: Marcelino Navarro LIPAD, DARNA, LIPAD! (FLY, DARNA, FLY!)

Mila Nimpa bilang Narda Manuel Ubaldo bilang Ding Liza Moreno bilang Darna Gina Alonzo bilang Roma Paquito Salcedo bilang impakta at Jose Padilla Jr . Nida Blanca bilang Sputnik Liza Moreno bilang Darna Tony Ferrer at Dencio Padilla Eva Montes bilang Darna Gina Alonzo bilang Lucila Anita Linda, Ruben Rustia Kasama si Tito Galla at Nancy Roman kasama si Coney Angeles bilang Narda Gina Pareno bilang Darna/Daria Boy Alajar bilang Ding Gina Alajar bilang Narda at Bella Flores kasama si Vic Vargas Vilma Santos bilang Darna/Narda Angelito bilang Ding Gloria Romero bilang Impakta

March 23,1973 Sine Pilipino

Sa Direskyon ni: Celia Rodriguez bilang Valentina Maning Borlaza, Elwood Perez at Liza Lorena bilang Babaing Lawin

Dec 22, 1973 TIIP

and Joey Gosiengfiao DARNA AND THE GIANTS Sa Direskyon ni:

kasama si Ernie Garcia Vilma Santos bilang Darna/Narda Don Don Nakar bilang Ding Helen Gamboa bilang X3X

Maning Borlaza at Divina Valencia kasama sina Max Alvarado, Ike Lozada Florence Aguilar Dec 25,1975 TIIP Sa Direskyon ni: Armando Garces DARNA VS. THE PLANET WOMEN at Kathy de la Cruz Vilma Santos bilang Darna Bentot Jr bilang Ding Rossana Ortiz bilang Elektra. Kasama sina: Zandro Zamora, Eva Linda March 30,1979 Regal films DARNA KUNO? Sa Direskyon ni: Luciano B. Carlos at Lita Vasquez Dolphy bilang Darna Lotis Key, Marissa Delgado Brenda Del Rio bilang Darna kasama sina Celia Rodriguez, Ruel Vernal June 15, 1979 MBM productions BIRA, DARNA, BIRA! Sa Direskyon ni: Tito Sanchez at Bella Flores Rio Locsin bilang Darna/Narda Romnick bilang Ding Moody Diaz Feb 8,1980 D' Wonder Films. DARNA AND DING Sa Direskyon ni: J. Erastheo Navoa at Rex Cortes kasama si Ruel Vernal Vilma Santos bilang Darna/Narda Nino Mulach bilang Ding Celia Rodriguez bilang Lei Ming

and Cloyd Robinson

Marissa Delgado bilang Dr. Irene Vontesberg Veronica Jones bilang Babaing Lawin

Dec 25,1991 Viva Films

DARNA Sa Direskyon ni: Joel Lamangan

at Max Alvarado bilang higante Nanette Medved bilang Darna/Narda Pilar Pilapil bilang Valentina Bing Loyzaga bilang Impakta Edu Manzano bilang Dominico Lipolico

June 9,1994 Viva films

DARNA ANG PAGBABALIK! (Darna the Return!)

at Ton Ton Gutierez Anjanette Abayari bilang Narda/Darna Pilita Corales bilang Valentina Cherrie Gil bilang Valentine

Sa Direskyon ni: Lester Llansing bilang Ding; Peque Gallaga and Lore Reyes Kasama si Edu Manzano

You might also like