Sikhay Nobyembre Forplacing

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Papaano mo gagamitin ang iyong kapangyarihan?

Pull-out: Matuto kang timbangin kung ano ang tama at mali hindi lang para sa sarili mo pero para na rin sa iba. Mabilis na kumalat sa isang sikat na social networking site ang nakaaantig na larawan ni Lola Aurelia. Makikita sa larawang ito kung papaano nagsikap si Lola Aurelia para mahanap ang nawawala niyang asawa. Idinikit ni Lola Aurelia sa harap at likod ng kanyang damit ang larawan ni Lolo Luis. Imahen ng pangungulila ang mababakas mula kay Lola Aurelia habang nakatayo sa kanto ng Buendia at Roxas Boulevard. Nagbabakasakali siyang may makapagtuturo kung nasaan si Lolo Luis. Maraming nahabag sa sitwasyon ni Lola Aurelia. Umabot sa 60,637 beses na narepost ang larawan ni Lola Aurelia hanggang sa makarating ito sa mga taong may kaalaman tungkol kay Lolo Luis. Makalipas ang ilang araw, ibinalita sa radyo at telebisyon na natukoy na ang kinalalagyan ni Lolo Luis. Muling nakasama ni Lola Aurelia ang pinakamamahal niyang asawa. Nakamamangha ang ipinakitang dedikasyon ni Lola Aurelia. Masasabing tunay at wagas ang pagibig niya kay Lolo Luis. Nakamamangha rin ang mga taong hindi nagdalawang isip na tumulong sa kanya. Nagagalak akong malaman na sa mga ganitong sitwasyon ay may diwa pa rin ng pagtutulungan ang bawat isa sa atin. Higit sa lahat namangha ako sa kapangyarihang ipinamalas ng internet at midya. Noong una hindi ako naniniwala sa kakayahan ng mga social networking sites na makagawa ng paraan upang makatulong sa iba. Anong mangyayari kung irerepost ko yan- iyan ang linya ng mga taong nag-aalinlangan sa simpleng gawaing ito. Nakatutuwang isiping sa tulong ng internet at midya kayang makagawa ng kabutihan sa maiksing panahon. Sa kabila ng pagkagalak kong ito ay isang pangamba. Kung gaano kabilis gumawa ng kabutihan ng internet at midya, ganoon din itong kabilis makagawa ng mga bagay na ikasisira ng iba. Hayaan ninyo dalhin kayo sa isang metaporikal na paghahambing. Maihahambing ang internet at midya sa isang espada. Ginawa ito para magsilbing sandata na gagamitin pagtatangol ng sarili o ng ibang tao. Gayunpaman, huwag kalimutan na nakamamatay ang espada. Nasa kamay ng tao kung gagamit niya ang instrumentong ito sa kabutihan o kasamaan. Anong koneksyon ng mga katagang binitawan ko sa internet at midya? Tunay na makapangyarihan ang internet at midya. Tulad ng espada, nasa kamay ng tao kung papaano ito gagamitin. Nasa tao ito kung sa mabuti o masama niya ito gagamitin. May katumbas na responsibilidad ang kapangyarihan kaya pangatawanan at panindigan mo ito. Gayunpaman, pag-isipan mong mabuti kung papaano mo gagamitin ang kapangyarihang naiatas sayo. Matuto kang timbangin kung ano ang tama at mali hindi lang para sa sarili mo pero para na rin sa iba. Iiwanan ko sayo ang tanong na ito, papaano mo gagamitin ang kapangyarihan mo?

You might also like