Professional Documents
Culture Documents
Linggwistika - Morpolohiya
Linggwistika - Morpolohiya
Linggwistika - Morpolohiya
M ORPOLOHIYA
Ang sangay ng linggwistika na nag-aaral kung paano nagsasamasama ang mga salitang-ugat, panlapi o kataga upang makabuo ng salita.
M ORPOLOHIYA
Mga Uri ng Morpema:
1.
Malayang morpema binubuo lamang ng salitang ugat at maituturing na puro. Hal., buhay, kamay, payapa
M ORPOLOHIYA
Mga Uri ng Morpema: 2. Di-malayang morpema binubuo ng salitang-ugat at panlapi at maituturing na may halo.
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko Ang alinmang pagbabagong nagaganap sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito (mga ponemang sinusundan o kasunod).
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon ang ponemang /ng/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing-, sing- ay nagbabago depende sa unang tunog ng salitang-ugat.
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko
1.
Asimilasyon /p, b/ - m (pam-, mam-, sim-, him-) /d, l, r, s, t/ - n (pan-, man-, sin-, hin-) iba pa mananatili (pang-, mang-, sing-, hing-)
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko
1.
Asimilasyon Ganap kung nagbago ang baybay ng salitang-ugat (hal., panakip sa halip na pantakip)
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko 2. Pagkawala ng ponema / pagkakaltas ng ponema nawawala ang huling ponemang patinig (a, e, i, o, u) kapag nilalagyan ng hulapi (hal., bilhan sa halip na bilihan)
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko
3. Paglilipat-diin naiiba ang diin (stress) sa pagbigkas ng salita dahil sa paglalagay ng hulapi (hal., iwas = iwasan)
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko
4. Pagbabago ng ponema nagiging /r/ ang ponemang /d/ kapag ang sinusundan ay patinig (a, e, i, o, u). Halimbawa: damot = maramot
M ORPOLOHIYA
Pagbabagong Morpoponemiko
4. Metatesis nagpapalit ng posisyon ang mga tunog sa isang salita kapag nilapian.
M ORPOLOHIYA
Mga Paraan sa Pagbuo ng Salita
1. Paglalapi pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat upang makabuo ng salitang may bagong kahulugan (Hal., nguso = nginuso)
M ORPOLOHIYA
Mga Paraan sa Pagbuo ng Salita
2. Pag-uulit pag-uulit ng bahagi o kabuuan ng salita (Hal., buwanbuwan / bukas na bukas/ panapanahon/ mainit-init)
M ORPOLOHIYA
Mga Paraan sa Pagbuo ng Salita
3. Pagtatambal pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng bago (Hal., bukas-palad, awaybati, bahay-bakasyunan)
M ORPOLOHIYA
Basahin ang sanaysay na Pinagmulan ng Filipino ni Jose Villa Panganiban sa p. 66 71.