You are on page 1of 1

ESQUIVEL, JEZZAMYN P.

I-BSCOE / EE

ANU-ANO ANG MGA DAPAT NATING GAWIN


UPANG MAPAGHANDAAN AT MAPABAGAL ANG PATULOY NA PAGTAAS NG
TEMPERATURA NG MUNDO (GLOBAL WARMING)?

Kapag sinabing global warming, iniisip natin na ito’y isang konsepto na malaki at nakakatakot.
Para itong isang bagay na hindi natin kayang labanan. Paano nga ba natin matutulungan ang ating
kapaligiran na unti unti nang nasisira sa mismong mga kamay natin?

May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ang pag-init ng mundo:

1. Pagbabawas sa paggamit ng enerhiya (konserbasyon)

2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na base sa karbon at paggamit ng


ibang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.

3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.

4. Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)

Marami pa rin tayong maaring gawin. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Mag-segregate ng basura.

Mag-recycle ng lumang non-biodegradable na materyales.

Magtanim ng mga puno at iwasang magputol ng mga ito.

Bawasan ang madalas na paggamit ng mga sasakyang gumagamit ng langis at gasolina.


Maging matipid sa paggamit sa kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw sa bahay
at mga gusali kung hindi kinakailangan.

Pag-aralan at gawin ang wastong paggammit ng tubig at iba pang mga likas na yaman tulad
ng kagubatan.

Itaas ang antas ng kaalaman ng bawat isa tungkol sa usaping “global warming” at gumawa
ng kaukulang pagkilos upang maiwasan ang mga panganib na maaring idulot nito; at

Para sa mga matiyaga, pwedeng sumapi sa Greenpeace bilang mga cyberactivist o


volunteers.

Samakatuwid, simple lang ang ating kailangan gawin at ito ay ang pag-aalaga sa
kalikasan dahil ito ang isa sa mga espesyal na ipinagkaloob na biyaya sa atin ng Diyos. Kaya
kabataan, kilos na! Tayo ang mga tagapagligtas ng kalikasan.

You might also like