Ang Pilipinas Sa Taong 2020

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pilipinas sa Taong 2020

Ni Michael D. Saudan

Animoy sang kisapmata Na kay bilis na nawala. Ang buhay kot buhay nyay Nabatbat ng pagtataka. 2020 na nga pala Ni hindi ko namalayan. Paligid ay ibang-iba, Ni hindi ko masabayan. Ngayoy aking ibibida Mga naging kaganapan, Sa panahon ng makina At ng mga kabaliwan. Mundo ngayon ay iba na, Marami na ang nagbago Hindi tulad noong una, Na buhay ay komplikado. Nangagkalat na ang robot Saan ka man maparoon, At halos wala nang saplot Nakalabas pa ang pusod. Di mapigilang pag-unlad Ngayong taon ay laganap. Para lang sang pangarap Na bigla na lang natupad. Dahil dooy naging tamad Taoy hindi makausad. Iniasa na ang lahat Sa makinang nakahubad.

Hindi mawari kung saan Dadalhin ng kapalaran, Ang ating bansang naluray Ng dusa at kahirapan. Ang 2020y panahon Ng pagbabagot pagbangon. Itoy gamiting mabuti, Kaunlaray mangyayari. Sa huliy tayo pa rin Ang tutupad ng mithiin Lahat ay kayang abutin Pag pusoy bubuksan natin.

You might also like