Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FIANZA

INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY. Yan ang isa sa pinaka-basic na karapatan ng isang akusado sa krimen. Habang hindi napapatunayan ang kanyang mga pananagutan ay isa siyang inosenteng mamayan para sa mata ng batas. Dahil sa prinsipyong ito, nararapat din hayaan ang akusadong ma-tamasa ang kanyang kalayaan habang nililitis pa ang kaso, dahil kung tutuusin ay hindi pa napapatunayan ng hukuman ang mga binibintang sa kanya. E pano kung talagang siya ay may sala at malaki ang posibilidad na tatakas kapag pinalaya dahil malakas ang mga ebidensiya laban sa kanya? Diyan papasok ang paksang bail. Ito ay isang sistema para masiguradong walang mabubulok sa kulungan dahil sa maling bintang at sa kabilang banda hindi basta-basta matatakasan ng isang kriminal ang kanyang mga pananagutan at magtago na lang lagi sa prinsipyong nabanggit. Ano ba ang bail? Ang bail o kilala sa tawag na piyansa, ay ang seguridad na ibibigay ng isang akusado para pansamantalang makalaya habang nililitis ang kaso niya at masiguradong sisipot siya tuwing may hearing. Dahil sa bail ay magdadalawang isip ang sino man, bago pumuga. Kung baga sa sugal, ay pumupusta ang akusado na hindi siya tatakas o tinatawag na mag jump bail. Syempre, ang halaga ng bail na ipapataw ng korte ay batay sa ibat-ibang factors, tulad ng: (1)financial status ng akusado, (2) krimen na nagawa, (3) reputasyon ng akusado, (4) edad at kalusugan niya, (5) mga ebidensiya laban sa akusado (6) posibilidad na tumakas siya (7) kung meron siyang iba pang kaso o dati nang pumuga. Halimbawa, kung si Lucio Tan ang akusado, mahina ang isang milyong pisong bail, barya lang kasi sa kanya yon. Ang kasong murder ay mas mataas ang halaga ng bail kumpara sa kasong physical injury lang. Ang mga notoryus na estafador naman ay karaniwang mataas ang recommended bail dahil sila ay flight risk kasi maraming perang nadispalko.

URI NG BAIL May ibat-ibang uri ng bail o seguridad na maari mong ipusta: (1) Cash deposit Perang malutong. Si Vicente Lim, Josefa Escoda at Jose Abad Santos ang mga backer mo dito. Isama mo na rin si Ninoy.Aquino at Jose Rizal sa butal. Pagkatapos ng paglilitis ay ibabalik ito sa sino mang nagbayad at walang interes (hindi naman yan time deposit). Kapag tumakas ka naman: bye-bye ka na rin kay Lim, Escoda at Abad Santos. (2) Property Bond Kung wala kang pera, pwede ang titulo ng lupa mo. Kung makatakas ka man, ang bahay mo hindi, at isusulat yan sa likod ng titulo . Kaya walang sira-ulong bibili niyan kahit ibenta mo ng palugi. (3) Recognizance Maaring kang palayain o ibigay ka sa kustodiya ng isang responsableng tao. Ang nakataya dito ay ang reputasyon mo o nang taong gagarantiya sa iyo. Limitado lang ang mga kasong ganito. (4) Corporate Surety Dito ang bonding company ang gagarantiyang hindi ka tatakas. Ang mga bonding company na ito ay dumaan sa masusing rekesitos ng Korte Suprema bago maka-operate, para maka-siguradong may sapat silang kakayahan. Ang corporate surety or bondsman ay para sa mga taong kulang ang pera o walang ari-arian para pang bail. Halimbawa, imbes na magbawad ka ng Php100,000.00 sa bail mo ay maaring singilin ka lang ng bondsman ng P10,000.00 at sila na ang bahala. Kaso dapat i-renew mo ito taon-taon. Tulad ng sabi ko, ang bondsman ang mag-gagarantiya sa korte na sisipot ka sa paglilitis. Kaya kapag tumakas ka ay papahuli ka nila sa kanilang mga bounty hunters na kamukha ni Mister T at ibabalik ka sa kulungan. Kung hindi ka kasi nila mahuli ay babayaran ng bondsman ang buong halaga ng bail. Di tulad ng cash bail, sa corporate bond ay hindi na mababalik ang pera mo. At kung tumagal ang paglilitis, ay lagi ka magre-renew, kaya kung kukuwentahin mo ay parang ganon na rin ang babayaran mo. Kapag may pera, mag cash bail ka na lang.

BAIL AS A MATTER OF RIGHT Ang pag-bail ay karapatan ng akusado kung ang kaso niya ay nasa Metropolitan/ Municipal Trial Court (MTC) lamang nililitis. Small time lang kasi ang mga krimen sa MTC. Ang pag-bail ay karapatan din ng akusado kung nasa Regional Trial Court (RTC) ang kaso ay hindi pinaparusahan ng reclusion perpetua, or life imprisonment. Kung ang kaso ay pinaparusahan ng reclusion perpetua or life imprisonment at malakas ang ebidensiya (evidence of guilt is strong) walang piyansa yan. Kung hindi naman malakas ang ebidensiya, ay pwede mag-bail. Ang kaso ng mga Ampatuan (sa oras ng pagsulat ng post na ito) ay kasalukuyang dinidinig kung ang evidence of guilt is strong. Nag-file kasi ng Motion to Post Bail si Ampatuan, Jr., at syempre kinontra ito ng prosekusyon. Hindi pa talaga nagsisimula ang paglilitis kung tutuusin. Preliminaries pa lang. Nagpe-presenta lang ng ebidensiya ang prosekusyon para patunayan na ang evidence of guilt is strong at hindi dapat maka-piyansa si dayunyor. Base sa pangyayari at sa mga testimonya ng mga saksi, kapag nakapagpiyansa pa rin si dayunyor, ewan ko na lang. Sabay-sabay na lang siguro tayong mag-migrate sa Timbuktu. BAIL WHEN DISCRETIONARY Alam mo ba na kahit sintensiyado ang isang tao ay pwede pa rin siyang mag-bail? Oo, pwede. Kasi may apela pa. Hanggat naka-apela ay may posibilidad na ma-acquit pa rin siya. Kapag naka-apela ay tuloy parin ang paglilitis at maaring mag-apply pa rin ang prinsipyong innocent until proven guilty. Kung hindi siya umapela, edi kulong na. Kung na convict ang isang tao ng MTC ay matter of right pa rin ang bail. Kung sa RTC naman, matter of discretion na yun. Nasa korte na ang pagpapasya kung papayagang magpiyansa o hindi. Syempre kung ang parusang ibinigay ng RTC ay reclusion perpetua or life imprisonment walang nang bail. Ano pang evidence of guilt is strong ang pag-uusapan e convicted na nga.

Kung ang parusang ibinigay ay lampas 6 na taong kulong, maaring di payagan ang piyansa o ikansela ito kung ang akusado ay nakagawa ng krimen habang nasa piitan, dati nang pumuga sa kulungan, gumawa ng krimen habang naka-probation, siya ay isang flight risk, o maaring gumawa pa ng krimen habang nakaapela. WHERE TO FILE Maaring magpiyansa sa korte kung saan nakabinbin ang kaso. Kung sarado, sa katabing korte. Kung walang hukom sa katabing korte, sa ibang korte ma pa MTC or RTC. Kahit saan basta may bukas na tindahan. Mabilisan kasi to, kalayaan ang pinag-uusapan dito at syempre walang gusto mag-overnight sa selda. Bail not a bar to objections on illegal arrest, lack of or irregular preliminary investigation Kapag nag-apply ka ng bail, hindi ibig sabihin noon ay kinikilala mo na ang pag-aresto sayong pinapaniwalaan mong ilegal o walang basehan. Kaya kahit ganon ang sitwasyon, mag-aaply ka muna ng bail, saka na kwestyunin ang illegal arrest ang importante, lumaya muna

You might also like