Ang Pusa Sa Aking Durungawan

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang PUSA sa aking DURUNGAWAN ni Buenaventura S. Medina, Jr. Ang pangyayaring iyon ay kasaysayang mulit muling magaganap.

Alam ko. Alam ko, at ngayon ay nadarama kong muli iyong magaganap. Ako ang dahilan. Ako at ang lahat ng katulad ko. Binayaan kong dilaan ng liwanag buhat sa ilaw ng poste ang dilim na sandali ring namayani sa aking silid. Kanginay pinid ang bintana. Ayaw kong kahit anumang ala ala (ang kay Ida, ang kay Ida, ang kay Ida) ay makaalis sa silid na itong ginaga lawan ng aking naguguluhang isip. Ngunit naghimagsik ang aking diwa: si Ida, ang aming pagkikita nang nakalipas na gabi, sa isang silid na maraming sandaling na gmaramot sa liwanag- ang mga alaalang ayaw lumayo at ngayoy nagpapabilis ng tahip ng aking dibdib at sa pintig ng aking puso, ay siyang nag-udyok sa aking takasa n ang dilim. Madali kong hinawi ang dalawang dahon ng aking durungawan. Sa isang iglap ay sumilip sa aking silid ang liwanag. Bumalik ako sa aking hihigan: tiklop pa rin ang aking kumot at kulambo, at nakas alansan pa rin ang mga unan. Hindi ko ginulo ang lahat ng iyon; sapat nang kagul uhan ang nasa isip ko upang malimutan ko ang ginhawa ng lahat ng iyon. Ngunit di ko matagalang tingnan ang malabong liwanag sa aking silid (Gayundin an g liwanag na dumaloy sa silid naming ni Ida nang makalipas na gabi makaraan ang maraming saglit na pagkabilnggo sa dilim.) Inisip kong takasan aang kakarampot n a liwanag upang kahit sumandaliy maiwaksi ko amg larawan ni Ida; dumapa ako sa hi higan, ibinaon ko ang aking ulo sa mga unang maayos pa rin ang pagkakasalansan. Ngunit narinig ko ang tunog ng isang bagay na nanguyapit sa medya-agwa at lumapa g sa pasamano. Nagbaaalikwsa ako: sa bintanay naroon ang pusa. Namalayan marahil aang pagkaalam ko sa sa kanyang d-inaasahang pagsipppot sa aki ng durungawan, ang pusay biglang lumundag aat mabilis na tinungo ang ilalim ng ma liit na aparador sa sulok. Tumindig ako. Ayaw kong kahit anoy makapagpahigpit sa kaguluhang nakayapos sa akin. Matinis ang ngiyaw ng pusa nang lumapit ako sa aparador. Hindi ko nais lapitan i yon; ibig ko lamang dukwangin ang pinto upang itoy buksan at nang magkaroon iyon ng malalabasan. Itinaboy ko ang pusa. Ngumiyaw iyon. Babahagyang kaluskos lamang ang nalikha niy on sa bilis ng pagkakaalis sa aking silid. Tatabigin ko sana ang pinto ng aking silid nang biglang tumawag ang aking Tiya. Ano iyan? Sa salas natutulog ang aking Tiya. Alam kong doon nagtuloy ang pusa. Wala iyong malulusutan doon: pinid ang mga bintana at ang pinto. Tiyak na makikita iyon ng aking Tiya. Ang pusa, Tiya. Narinig ko ang klik ng ilaw. Nagliwanag ang salas. Tinabig ko ang aking pinto. A yaw kong umuho ang liwanag sa aking silid. Tiyak na maririnig ang patutungayaw n g aking Tiya. Galit na galit ito sa pusa. Sa pusang iyon, lalo na. Iyon ang inah ing pusa. Iyon ang ina ng tatlong kuting na kinatatakutan ng aking Tiya. Itapon mo. Iligaw mo. Ilayo mo rito. Iyan ang sabi ng aking Tiya kaninang umaga. Hindi niya tuloy malinis ang salas sapagkat nasa isang sulok ang inahing pusa a t ang tatlong kuting. Ayokong makita yan, utang na loob.

Sinunod ko ang ibig ng aking Tiya bilang pagbibigay. Pagtanaw ito sa utang na lo ob, ang naisaloob ko; pagtanaw ng utang na loob sa isang matandang naging ina ko sa mga araw na ito. Ngunit maliksi at matalino ang inahing pusa. Napakiramdaman marahil ang napipint ong sakuna, madaling naialis niyon ang mga kuting sa salas. Ngunit siyay gumawa n g mag bakas sa tabla, na patuloy sa kusina. Nagtutungayaw ang aking Tiya. Buwisit yam! Ilayo mo rito! Itapon mo! Walang hiyan g pusa yan!. . .demonyo! Natagpuan ko ang mga kuting sa salansan ng mga kahoy na panggatong sa ilalim ng kalanan. Madali kong dinampot ang mga kuting nang wala na ang inahing pusa. Mahi hina pa ang iyak ng mga kuting. Ang mga iyon ay tila balumbon ng bulak sa aking mga kamay. Isinilid ko ang mga iyon sa isang supot. Hinanap ng pusa ang kanyang mga supling. Ito ang natitiyak ko. Hinahanap sa laha t ng dakong pinaglagakan niya sa mga kuting. At nagpasalamat ako sa sandaling pa gkagambalang iyon, sapagkat sumandali rin akong nakalimot sa gulmugulo sa aking isip. Ngunit pagtanaw ko sa bukas na durungawang dinaluyan ng liwanag ng ilaw sa poste ay nagbalik sa akin ang kaguluhang iyon. Gayudin ang liwanag. At ang duru ngawan: pinamalgi kong pinid nang maraming sandali bago binuksan. Huwag sana huwag ngayon hindi pa panahon utang na loob alamin mo ang magiging natayu an ko sadya bang ganyan ang pag-ibig mo?... ha, ha, ha subalit suba Ang tinig ni Ida ay marikit sa aking pandinig ngunit hindi ko maunawaan ang kany ang mga salita: biningi ako ng aking pagnanasa, biningi ako ng dilim, biningi ak o ng katotohanang nagaganap Umiyak si Ida. Iniwan ko siyang saglit. Lumapit ako sa bintana at hinawi ko ang mga dahon: dumaloy ang liwanag na nagbubuhat sa ilaw ng poste. Nang balikan ko s i Ida ay hindi na siya umiiyak. Inalo siya ng malabong liwanag na pumasok sa sil id. Noon naman sumilid sa aking puso ang pangamba. Nanguyapit, mahigpit na mahig pit, ang pangambang iyon sa aking puso. Kasama ko iyon sa pag-alis naming ni Ida sa silid. Hindi ko minasdan ang ayos ni Ida sa pag-alis naming iyon. Dali-dali kaming buma ba sa makitid na hagdan na tila ba nais naming tumakas sa isang bagay na kinanat ukan. Doon lamang sa loob ng taksing sinakyan naming, sa panakw na tingin, sa tu long ng ilaw ng postr, tiningnan ko si Ida: nakita koy katiwasayan sa kanyang muk ha- iyon ang katiwasayang nagbadya ng kaguluhang sasapit sa akin. Sa pagdaraan naming sa baybay-dagat, binukasan ko ang bintanang malapit sa akin. Buong laying nagtuloy sa loob ng sasakyan ang hangin. Hinigop niyon ang kaigtin gan ng sandali: kumilos si Ida, sumiksik sa isang sulok ng taksi. Nalalamigan ka ba? Bakit di ka lumapit sa akin? Umusad si Ida sa tabi ko. Nadama ko ang init ng kanyang katawan. Hinawakan ko an g kanyang palad. Aywan kung lamig niyon ay gawa ng hangin lumalaro sa umiilap na gabi. Hindi ka kumikibo. Nagagalit ka ba? Hindi rin kumibo si Ida. Ang itinugon niya sa akin a ang baha-bahaagyang pagkisl ot sa upuan dahil sa bigla-biglang dapyo ng hangin. Nang bigla siyang mapasandal sa akin ay nahuli ko ang kanyang buntonghininga.

Inihatid ko si Ida sa kanila. Saa kanilay hindi mapag-usisa. Kilalang-kilala ako roon. Maadaling makilala ang maginoo, iho, ang wika ng kanyang ama, huwag sana k ayong lalabag sa kabutihang asal. Opo. Hinintay ko lamang na makapasok si Ida sa bahay, bago ko sinabi sat super na tul inan, pagkatullin-tulin, ang takbo ng sasakyan. Malakas ang biglang paglapat ng pinto sa salas. Kasunod niyon ang mataginting na tungayaw ng aking Tiya. Niluray niyon ang namumuong katahimikan sa aking silid. Napatindig akko.. Bakit, Tiya? Binuksan ko ang pinto ng aking silid. Naryan ba ang pusa? Walanghiya! Walanghiya! Matulog na kayo, Tiya. Matulog na tayo. Walanghiya! Walanghiya! Walang takot sa Diyos! Demonyo! Demonyita! Tiya pusa lamang iyon. Matulog na kayo. Hindi, iho, hindi ang pusa. Galit ako sa nangyari ngayong gabi. Diyan sa kanto, sa basurahan. Kawawang sanggol! Itinapon matapos patayin Napasandig ako sa pinto, napalapat ito, at natambad na muli sa aking paningin an g liwanag ng ilaw ng poste na naglalagos sa aking silid. Narinig ko ang aking Tiya: Siguaradong dalagang-ina yon, sigurons nahihiyang mal aman ng tao na may anak siya. May anak ngunit walang asawa! Yan ang sinasabi ko, y an amg sinasabi ko ang kabataan walang takot sa Diyos! Huwag sana, huwag huwag subalit ang katayuan, sunalit, subalit Tiya! Malakas ang pagkakasabi ko. Matulog na kayo. Biglang-bigla tumahimik ang aking Tiya. Biglang-biglang nagbangon sa aking puso ang pangamba. Sinugod ko ang durungawan. Madali kong inilapat aang mga dahon niyon. Pilit kong lllilimutin ang liwanag, ang pagdaloy niyon sa loob ng aking silid. Pilit kong lilimutin ang anumang alaalang taglay ng dilim ng silid. Lahat ay lilimutin ko. (Si Ida, si Ida, si Ida: lahat ay lilimutin, Ngunit pano?) Muli akong humiga. Ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit ayaw humiwalay sa akin g kaguluhan, lahat ay ulit at ulit sumisilid sa aking isip. At ang pangyayarin n gayon gabi ay lalong nagpasidhi sa gulong sa gulong umiinis sa akin. Tiya! Bakit? Gulat ang aking Tiya. Ano ang nangyari sa kanto? Walanghiya! Natang pinatay at itinapon sa basurahan Kawawa! Kawawa! Kawawa nga! Kawawa nga! Ha! Demonyo! Demonyo!

Kawawa ngunit sino ang kawawa? Hindi na kumibo ang aking Tiya. Natutulog na siya. Ngunit batid kong mahirap na niyang malimot ang pangyayaring iyon. Gaya ko rin marahil. Marahil. Narinig ko ang kaluskos sa medya-agwa. Matitinis ang ngiyaw ng pusa. Ang pusang iyon na kinayayamuatan ng aking Tiya ay muling naroon. Lumapag iyon sa pasumano. Kumamot sa dahon ng durungawan. Lahat na iyon ay namalayan ko. Ngunit hindi ako kumilos. Natakot akong kumilos (gumapang sa katawan ko ang pangambang nanguyapi t sa puso ko, sipipsip ang aking lakas.) Natatakot akong makita ang pusang iyon. Ngunit tumigil sa pag-iingay ang pusa. Walang pagod na ikinakahig sa dahon ng b intana ang kanyang mga kuko. Halos madama ko ang kanyang kuko sa aking laman- id iniriin, idiniriin Nagbalikwas ako. Hinahapo ako sa pagdinig sa ingay na iyon. Hinhapo ako sa pagpa san sa bigat ng karimlan sa aking silid. Hinahapo ako sa pag-alaala kay Ida, kay Ida, kay Ida. Ano yan? Iyon ang aking Tiya. Ngunit pagod na ako. Ayaw ko ng sumagot. Wala na akong tini g. Paos na ako sa pagtugon sa napakaraming katanungang kumukurot sa aking diwa. Paano, paano ngayon, ngayon At sumidhi naman ang pagnanais ng pusa na makapasok. Patuloy sa pagkiskis ng kan yang mga kuko sa bintana. Patuloy sa pag-iingay. Ngunit ako ang nasasaktan. Ano yan? Narinig ko ang yabag ng aking Tiya, palapit sa aking silid. Ano yan? Ang pusa. Ang pusa sa aking durungawan. Hinahanap ang kanyang mga anak. Hinahana p. Ang mga anak. Tiya, Tiya, Tiya, hindi na niya makikita ang mga kuting. Pinata y ko!

You might also like