Buod Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BUOD NG NATUKLASAN:

Ang aming pananaliksik ay tungkol kay Apollo Carreon Quiboloy. Ayon sa aming nakalap, si Quiboloy ang tagapagtatag at lider ng Kingdom of Jesus Christ at The Name Above Every Name, Inc.. Sinabi nya na siya daw ang Hinirang na Anak ng Diyos.

Si Quiboloy ay ipinanganak noong Abril 25, 1950 sa isang maliit na nayon sa paanan ng Mt. Apo sa Tamayong, Calinan, Davao City at ang bunso ng siyam na mga anak ng Kapampangang sina Jos Quiboloy at Mara Carreon. Ang kanyang mga magulang ay tubong Lubao, Pampanga. Lumipat lamang sila sa Davao pagkatapos ng World War II upang makahanap ng mas mahusay na trabaho. Si Quiboloy ay hindi kailanmang nag-asawa at walang mga anak.

Si Quiboloy ay isang ang pinuno ng samahan ng mga relihiyon na Kingdom of Jesus Christ na itinatag niya noong Septyembre 1, 1985. Nagsimula siya ng pangangaral sa Villamor, Agdao, Davao City na may 15

mga kasapi lamang. Ang kanyang simbahan ay matatagpuan sa kahabaan ng Buhangin Road sa Davao City. Siya ay nagmamay-ari ng isang malaking mansyon, na tinutukoy bilang "New Jerusalem". May sariling ring tsanel sa telebisyon ang kanyang simbahan ang ACQ-Kingdom Broadcasting Network at 17 mga istasyon ng radyo sa Pilipinas. Ito rin ay may dalawang pahayagan: Pinas at Sikat. Ang Pinas ay lingguhang inilalathala at binabahagi sa mga tagasunod niya sa North at South America, Europa, Gitnang Silangan, Africa, Australia, New Zealand at Asia. Ang kanyang mga tagasunod ay tinatawag na " Kingdom Nation." Tinatayang nasa 2 milyong mamamayan ang kasapi sa ibang bansa at 4 na milyon sa Pilipinas. Sa mga normal na araw, ang mga kasapi rito ay may bible session at prayer services. Sa Linggo naman ay may "Global Worship" na ginaganap sa Kingdoms Cathedral sa Buhangin District. Ang mga miyembro ay nagbabayad ng tithes na kumakatawan sa 10 porsiyento ng kanilang mga kinikita. Noong 2000, itinatag ni Quiboloy ang Jose Maria College, ipinangalanan niya ito sa kanyang mga magulang.

Hinirang ni Quiboloy si Gilbert Teodoro bilang susunod na presidente noong nakaraang halalan. Sinabi niya sa kanyang mga tagasunod na, "Ngayong Gabi ipapaalam ko sa lahat ng mga Pilipino na ang

makapangyarihan sa lahat, ang ating Ama ay itinalaga ang presidente ng bansang ito. Siya ay walang ibang kundi si Gilbert "Gibo" Teodoro, ". Sinabi niya ito sa mga libu-libong tagasunod niya. Si Teodoro ay nasa ikaapat na pwesto sa halalan na may 4,095,839 boto (11.33%) na kung saan si Quiboloy ay tumugon na, " Nabalisa ako sa mga ulat ng pandaraya sa nakaraang halalan. Kahit ako ay nagtaka kung nasaan ba ang mga boto ng Kingdom. Ano ang nangyari sa ating mga boto gayung tayo ay matatag para kay Gibo? "

Subalit may mga suliranin ding kinakaharap si Quiboloy. Nakatanggap siya ng mga kritikal na mga tugon sa kanyang pagiging "Hinirang na Anak ng Diyos". Siya rin ay nademanda ng isang dating miyembro ng samahan.

Ang New Peoples Army (NPA) ay inakusahan si Apollo Quiboloy sa likod ng pagpatay sa lider ng K'lata-Bagobos Datu Domingo Diarog at ng kanyang pamilya noong Abril 29, 2008 sa kadahilanang tinatanggihan ni Diarog ibenta ang dalawang ektarya ng kanilang ari-arian sa halagang P50, 000 kay Quiboloy at ng kanyang sekta. Sinabi ng asawa ni

Diarog na ang mga tagasunod ni Quiboloy ay tinakot siya na paaalisin nila ang mga ito sa lupa at ang kanyang mga kamag-anak naman nila ay inalok ng P20, 000 para sa ulo ni Diarog. Gayunpaman, sinabi ni Quiboloy na ang lahat ng akusasyon ay mali at walang basehan, at ito ay katawa-tawa. Tinawag ni Quiboloy ang mga rebelyon na, mga anak ni Satanas, habang ang mga NPA naman ay ipinahayag sa kanya na isa siyang warlord sa ilalim ng serbisyo ng administrasyon ni Gloria Arroyo laban sa mga magsasaka at mga katutubong mamamayan. Sinabi rin ni Quiboloy sa kanyang programa sa telebisyon na maaari siyang magdala ng 20,000 na kanyang mga tagasunod na may M-16 rifles upang labanan ang mga komunista New Peoples Army (NPA). Si Ireneo Dalogdog, Pulis imbestigador, pinuno ng pulis Tugbok, sinabi niya na may natatanggap siyang mga ulat na si Diarog ay ginigipit ng mga armadong kalalakihan na nauugnay kay Quiboloy. Ang bahay ni Diarog ay nabalitang nasunog.

Sa kabila ng mga kontobersyal n kinakaharap ni Quiboloy ay patuloy pa rin siya sa pagbabahagi ng mga Salita ng Diyos sa kanyang mga tagasunod at sa mga susunod sa kanya.

You might also like