Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Mga Marxistang Lapit sa Kulturang Popular

Inihanda ni John Torralba

Klasikal na Marxismo (Marx Engels)


Kultura / Lipunan / Kasaysayan The ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is the material force of society is at the same time its ruling force. (Ruling Class and Ruling Ideas)
Ang lipunan ay nagbabago depende sa umiiral na moda ng produksyon (kasaysayan) Ang mga may kontrol/hawak sa puwersa ng produksyon ang siyang nagtatakda sa uri ng lipunan at kultura

Klasikal na Marxismo (Marx Engels)


Uri / Kamalayan It is not the consciousness of men that determines their being, but on the contrary it is their social being that determines their consciousness (Base and Superstructure)
Ang mga nagtakda ng uri ng lipunan at kultura ay nagtakda rin ng uri ng ugnayan ng mga tao Ang ugnayan ay mataas-mababa, dominantedinodominahan Sa bawat panig na ugnayan ay may itinakdang mga papel, pag-iisip at identidad

Klasikal na Marxismo (Marx Engels)


Sa dominasyon ng naghaharing uri, ang kanilang pananaw ay pinalalabas nilang pananaw ng lahat ng nasa lipunan. The ruling classis compelled to represent its interests as the common interest of all the members of societyto give its ideas the form of universality, and represent them as the only rational, universally valid ones (Ruling Class and Ruling Ideas)

Klasikal na Marxismo (Marx Engels)


Paglalapat sa Kulturang Popular
Ang pananaw, bagay at gawain sa kulturang popular ay hindi talaga pag-aari ng tao kundi ng naghaharing uri. Sa pagsusuri sa kulturang popular, kailangang isaalang-alang ang konteksto nito o ang historikal na kondisyon na humubog dito Ang batayang tanong: Ano ang ugnayang pangkapangyarihan (power relations) ang ipinapakita? Paano itinataguyod ang interes ng naghaharing uri?

Pananaw Gramsci
Ipinakilala ang konsepto ng gahum (hegemony) Ang mga naghaharing uri ay hindi naghahari (rule o paggamit ng puwersa) lamang kundi namumuno rin (lead o nasa aspekto ng intelektwal, kultural, etc) The supremacy of a social group manifests itself in two ways, as domination and as intellectual and moral leadership (Hegemony, Intellectuals and the State)

Pananaw Gramsci
Dominasyon (rule) para sa mga kalaban o antagonistikong grupo Pamumuno (Lead) para sa kakampi Sa gahum, kinukuha ng naghaharing uri ang pagsang-ayon (consent) ng pinaghaharian sa pamamagitan ng containment ng tunggalian
puwersa o dahas kompromiso at negosasyon Para magkaroon ng antas ng homogeneity

Pananaw Gramsci
Ang intellectual and moral leadership ay nagagawa sa tulong ng mga intelektwal o mga elite
Ispesyalista sa negosyo, edukasyon dalubhasa sa sining, manunulat lokal na pantas (halimbawa ay manghihilot)

Ang mga intelektwal na ito ay nalilikha sa pamamagitan ng kompromiso at negosasyon

Althusserian na Pananaw
Pagpapalalim sa pananaw nina Marx. Ang dominasyon ng naghaharing uri ay nagaganap dahil sa dalawang pangunahing aparato
Repressive State Apparatus (RSA)
batas, militar, pulis, kulungan, judicial system

Ideological State Apparatuses (ISA)


paaralan, simbahan, pamilya, institusyong pangsining o panglliteratura, etc

Althusserian na Pananaw
Sa RSA, ginagamit ang dahas at ito ay lantad
Malinaw na ipinapahayag ng estado ang mga nararapat na kilos, pag-iisip o gawi

Sa ISA, ideolohiya ang ginagamit at hindi ito lantad (subtle).


Ang mga institusyon ay pribado ngunit nilikha o umaayon sa pananaw ng estado

Teorya ni Pierre Macherey


Theory of Literary Production
Ang istruktura (o uri) ng panitikan (o mga bagay sa kulturang popular) ay nagpapahiwatig ng ideolohikal na matrix ng kultura at lipunan ng awtor (power relations) Hal.: Ang kasikatan ng Wowowee at EB Bahagi rin ng teorya ito ang pagsusuri sa produksyon ng akda (o mga bagay sa kulturang popular)

Teorya ni Pierre Macherey


Magical na transpormasyon ng produkto
Itinago o hindi inihahayag ang exploitation sa produksyon nito. Halimbawa: SM at mga empleyadong contractual Horizontal and Vertical integration: pag-aari sa iba pang mga produkto o serbisyo na magkakaugnay Halimbawa: SM grocery, cinema, etc Lopez: media, utilities, etc.

Ang Frankfurt School


Pinangungunahan nina Theodor Adorno, Walter Benjamin at Max Horkheimer Ang kulturang kinapapalooban ng marami (masa) ay culture industry.
Sa kulturang ito, ang masa ay nagiging tagakonsumo lamang at walang kritikal na pag-iisip

Dito, ang mga produktong kinukonsumo ng masa ay magkakapareho (standardization) ngunit pinapalabas na magkakaiba (pseudo-individualisation)

Iba pang Pananaw na Ikinakabit sa Marxismo


Paglikha ng pag-iisip na non-ideological ang mga ideological (apolitical) Ang ideolohiya ng estado ay ipinapakita bilang diskurso sa mga bagay na taboo at profane Halimbawa: World Trade isang akto ng terorismo kung kayat makatarungan ang paggiyera sa Iraq. * State gets away with it

Iba pang Pananaw na Ikinakabit sa Marxismo


Jouissance (pleasure) bilang politikal na salik
Nagbibigay ang estado ng kontradiskurso na pleasurable sa nakararami Halimbawa: VAT kapalit ng P500 dole out 13th month pay

* Ma-neutralize ang dissent

Iba pang Pananaw na Ikinakabit sa Marxismo


Kettle Logic
May kapitbahay na nanghiram ng kettle mo. Isinauli niyang sira ngunit ang excuse: buti nga isinauli ko pa (utang na loob) Halimbawa: Hindi na mahalaga kung walang natagpuang WMD sa Iraq. Sa katunayan, dapat pa ngang magpasalamat at pinalaya nila ang mga Iraqi.

Iba pang Pananaw na Ikinakabit sa Marxismo


Fantasy and the object petit a (object of fantasy)
Pantasya bilang anyo ng self-preservation. Kung may self-preservation, nape-preserve din ang kapangyarihan ng estado Halimbawa: Bakit ka may cellphone kahit magastos ito? Kasi may inilalagay na pantasya na empowerment o agency

Homework
Gumawa ng Marxistang pagsusuri sa kahit anong bagay (o gawain) sa kulturang popular tulad ng maller
Maaaring gumamit ng kahit anong pananaw (kahit hindi natalakay basta Marxista) Huwag mag-generalize (generic na sagot) Lagyan mismo ng ispesipikong halimbawa o patunay

You might also like