Alakdan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 274

Alakdan (Simula)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 01, 2012 12:00 AM Comments (0)

ALAS DOS ng hapon nang dumating si Troy sa May-nila. Walong oras ang biyahe mula sa Pinamala-yan. Gutom na gutom siya. Hindi umubra ang tatlong mais na binili niya sa bus. Magkukulang ang kanyang pera kapag bumili pa siya ng kakainin kaya tiniis na lang niya. Siguro naman pagdating niya sa bahay ng kanyang pinsang si Rodrigo na lalong kilala sa tawag na Digol ay may pagkain doon.

Noong Disyembre sila nagkita ni Digol. Umuwi ito sa kanilang probinsiya at doon nagpasko. Inistima niya si Digol. Nang sabihin niya kay Digol na gusto niyang mag-Maynila para maghanap ng trabaho ay agad itong nag-alok. Doon na raw sila magsama sa tirahan nito. Huwag daw mag-alala at siya ang bahala. Baka maipasok pa raw siya ng trabaho ni Digol. Hindi naman binanggit ni Digol ang trabaho nito.

Sinabi niya sa kanyang inay at itay ang balak na pagtungo sa Maynila para doon maghanap ng trabaho. Payag naman ang itay at inay niya. Wala rin kasing pagkakakitaan sa probinsiya nila. May naipong kaunting pera ang kanyang ina at iyon ang pinabaon kay Troy. Tipirin daw hanggang sa makakita ng pagkakakitaan.

Tinandaan ni Troy ang mga sinabi ni Digol kung paano makikita ang tirahan sa Sampaloc. Sumakay daw ng dyipni na biyaheng Blumentritt-Dimasalang. Pagdating daw sa may Dangwa Terminal sa kanto ng Laon Laan at Dimasa-lang ay bumaba at lakarin na lang. Malapit na raw doon ang tirahan. Para madaling makita ay binigyan siya ng sketch ni Digol. Huwag daw siyang magtatanong sa taong makakasalubong at baka kung saan lang siya ituro. Basta sundin lang ang sinabi niya at sketch.

Madaling nakita ni Troy ang tirahan ni Digol. Dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na iyon. May mga ba-tang naglalaro sa kalsada.

Nakita niya ang bahay na tirahan ni Digol.

Kumatok siya sa pinto.

Matagal bago buksan. Nang bumukas ay tila nananaginip pa si Digol. Pero nang manumbalik ang wisyo ay napalakas ang boses.

Pinsang Troy. Ikaw nga. Halika, pasok! Pasok!

Pumasok si Troy. Ma-init sa loob. May maliit na electric fan. May isang silya at maliit na mesang plastic.

Maupo ka. Gutom ka ano?

Oo Digol.

Halata nga. Namumutla ka e. Teka at magbubukas ako ng sardinas. My bahaw pa akong natira. Pagtiisan mo muna at mamaya ka na lang bumawi.

Naghain si Digol. Agad na kumain si Troy. Gutom na gutom siya.

Alakdan (2) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 02, 2012 12:00 AM Comments (0)

HABANG kumakain si Troy ay nakabantay si Digol at kinakausap ang pinsan.

Pasensiya ka na Troy at sardinas lang ang inabutan mo. Mamayang gabi na lang tayo mag-ulam ng masarap.

Okey lang Digol. Sanay naman ako sa ganito. Kahit nga asin, okey lang sa akin.

Kakahiya sa iyo, Pinsan. Nung umuwi ako nung Pasko e ginataang manok ang pinakain mo sa akin tapos ngayon ay sardinas lang. Hindi ko kasi akalain na ngayon na ang punta mo rito. Kung alam ko, sana nakapagpadeliber ako ng litson, he-he-he.

Napilit ko na kasi sina inay na lumuwas. Ayaw nga akong payagan dahil baka mapaano ako rito. Pero sabi ko sa kanila, walang mangyayari sa buhay namin kung doon ako mamamalagi.

Di ba kaya rin ako nagtungo rito e dahil marami rin akong pangarap? Wala kasing gaanong pagkakitaan sa atin ano, Troy? Nung umuwi ako parang hindi gumagalaw ang buhay sa atin. Mabagal na parang walang asenso.

Oo nga, Digol. Kaya siguro napapayag ko na si Inay na pumunta rito. Pinabaon nga sa akin yung kaunti niyang naipon. Tipirin ko raw. Makisama raw ako nang maayos sayo Digol. Huwag daw akong tatamadtamad dito.

Nagtawa si Digol.

Nakakatuwa talaga ang inay mo.

Kaya tipid na tipid ako habang patungo rito. Gusto kong bumili ng kakainin sa bus pero pinigilan ko at baka mabawasan pa ang baon ko. Mais nga lang ang kinain ko habang nasa bus, Digol. Sabi ko dito na lang ako kakain sa bahay mo.

Mabuti naman at mabilis mong nakita etong tirahan ko.

May sketch kasi kaya nakita ko agad.

Kumuha ng tubig si Digol at ibinigay kay Troy.

Mainit lang dito, pero kaya naman ng electric fan. Dito ka tutulog sa baba at dun ako sa kama. Kasya tayo rito. Makakaraos tayo rito, Troy.

Oo Digol, kaya ko namang magtiis.

Maya-maya may kumatok. Tumayo si Digol at binuksan ang pinto. Babae. Mga higit 50-anyos. Nakadaster. Halatang walang bra. Pinapasok ni Digol.

Digs, may gagawin ka ba mamaya? tanong ng babae.

Bakit, Mayette?

Wala lang.

Napakamot si Digol sa ulo.

Alakdan (3) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 03, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAKIT nga Mayette? Tanong ni Digol.

Magpapasama sana ako sa Quiapo mamaya.

Anong gagawin mo sa Quiapo?

Bibili ng DVD.

Nagtawa si Digol.

Wala nang DVD run, ano ka ba?

Meron. Patago. Samahan mo ako ha?

May bisita ako Ma-yette.

Sino siya?

Nakatingin si Mayet-te kay Troy. Pagkatapos tingnan ang mukha ni Troy ay bumaba ang tingin. Humantong ang tingin sa ibaba. Binawi ang tingin doon.

Si Troy, pinsan ko.

Guwapo rin ah.

Siyempre magpinsan kami.

Nginitian ni Mayette si Troy.

Troy si Mayette ang may-ari ng bahay na ito. Marami nang pera yan. Malaki ang sahod ng asawa sa Saudi. Magkanong suweldo ng mister mo, Mayette.

Maliit lang. Eto namang si Digol at pati iyon ay sinasabi. Maniwala tuloy si Troy na marami akong pera.

Totoo naman di ba?

Tumigil ka nga, Digs. Ano samahan mo ba ako sa Quiapo?

Anong oras ba?

Mga alas singko. Sandali lang tayo.

Sige. Pero mayroon akong ipakikiusap sayo ha?

Ano naman yun?

Dito muna titira si Troy. Wala kasing ibang ka-mag-anak dito sa Maynila kundi ako.

Tumingin kay Troy si Mayette.

Sige. Mukha namang mabait si Troy.

Talagang mabait yan.

Virgin pa siguro yan.

Oo naman. Katutuli nga lang niyan.

Napahalakhak si Ma-yette. Si Troy ay parang nanliliit sa takbo ng usapan ng dalawa.

Wala kang magiging problema dito sa pinsan ko. Maghahanap yan ng trabaho kaya narito. Baka naman meron kang kaki-lalang naghahanap ng messenger o kahit janitor o kahit taga-hugas ng puwet.

Tagahugas ng keps, meron

Kung malaki ang suweldo sige, Pati ako papasok na taga-hugas.

Nagtawa si Mayette. Saka muling tumingin kay Troy.

Alakdan (4) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 04, 2012 12:00 AM Comments (0)

DYOK lang Troy, sabi ni Mayette. Baka maniwala kang mayroon ngang tagahugas ng keps. Hayaan mo at itatanong ko kung nangangailangan pa ng messenger ang kaibi-gan ko.

Salamat po, sagot ni Troy.

Ay huwag mo akong pupuin at hindi pa ako matanda.

Oo nga naman, Troy. Hindi pa matanda yang si Mayette. Makatas pa yan.

Kinurot ni Mayette si Digol.

Oy Digs, mamaya daanan kita rito ha. Sandali lang tayo sa Quiapo.

Sige basta yung sinabi ko ha.

Oo.

Umalis na si Mayette.

Isinasara ni Digol ang pinto.

Tiyak na mapapalaban na naman ako nito, sabi ni Digol.

Bakit Pinsan?

Kinakati na naman si Mayette. Kailangan na naman ako.

May relasyon kayo ni Mayette?

Nagtawa si Digol.

Pinsan dito sa Maynila kailangang madiskarte ka para mabuhay. Kapag mahina ang diskarte mo, mamamatay ka nang dilat dito

Nakatingin lang si Troy. Unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya.

Wala namang mawawala sa akin kung maki-pagrelasyon ako kay Ma-yette. Lalaki naman ako. At saka marami akong napapakinabang sa babaing yun. Hindi ako nagbabayad dito sa bahay. Sinusustentuhan ako. Tapos ngayon e ipinakiusap kong dito ka titira. Tingnan mo at walang tutol nang sabihin ko dito ka titira. Hindi siya makakatanggi dahil mapuputol ang kaligayahan niya. Takam na takam siya sa Hungarian sausage

Nagtawa si Troy. Komi-kero ang pinsan niyang ito.

Takot si Mayette na mawala ako sa buhay niya, Pinsan.

Paano kung mahuli kayo ng asawa niya?

Nasa Saudi e paano mahuhuli?

Matagal na kayong may relasyon?

Mga dalawang taon na.

May anak si Mayette?

Oo. Dalaga na.

Hanggang magpaalam si Digol na maliligo na.

Kailangang mabango ako. Sige pinsan, magpahinga ka muna dun sa kama ko. Maliligo lang ako.

Nang mag-alas singko, kumatok si Mayette. Bihis na ito. Niyaya na si Digol.

Sige Pinsan, alis muna kami. Bahala ka na muna rito.

Alakdan (5) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 05, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAGO tuluyang umalis si Digol ay may binulong kay Troy, Magpapalinis ng matris itong kasama ko kaya hindi puwedeng tanggihan, pagkatapos ay tumawa. Nakatingin naman si Mayette na nakatayo sa may pintuan.

Sige Pinsan, magpa-hinga ka at alam kong pagod na pagod ka sa biyahe. Isara mo lang mabuti ang pinto at baka madale ka ng salisi. Maraming salisi gang dito at karamihan ay bata.

Sige Digol. Ako nang bahala rito.

Bibili ako nang masarap na ulam mamaya pag-uwi ko. Nakakahiya sa nilantakan mong sardinas. Magsaing ka na lang, Pinsan, sabi at umalis na ang dalawa.

Hinabol ng tingin ni Troy ang dalawa. Magkasunod na naglakad sa kalsada. Siguro ay para hindi mahalata na may relasyon.

Ikinandado ni Troy ang pinto. Sinigurong nakaka-wit ang kadena at baka siya malusutan ng Salisi gang.

Makaraan ay pinagmas-dang mabuti ni Troy ang kabuuan ng kuwarto. Ma-kipot. Mga 20 metro kuwadrado lang siguro. May maliit na CR na doon na rin naliligo. May kapiranggot na lababo. May maliit na ref at kalan na gasulito. May isang single bed na natatabingan ng kumot.

Pinag-isipan ni Troy kung paano maiaayos ang mga gamit at nang lumuwag-luwag. Kailangan ding walisan ang sahig sapagkat maraming buhangin. Nasasalat ng paa niya ang buhangin sa sahig.

Inilipat niya ang kama sa kabilang korner, sa may likod ng pinto. Sa pag-isod, nakita niya sa ilalim ng kama ang isang brief at isang panty. May pakete ng kondom at may mga tissue paper. Dinampot ni Troy ang mga iyon at inilagay sa isang plastic bag. Winalis niya ang sahig. Grabe ang buhangin at alikabok.

Inilipat din niya ang maliit na mesang kainan. Nilipat niya ang kalan sa may bintana para mada-ling makalabas ang gas sakalit may leak. Ang ref lang ang hindi niya nilipat dahil walang ibang pagsasaksakan. Iisa lang ang outlet.

Matapos maisaayos at linisin ang kuwarto, napangiti si Troy dahil nagmukha itong bahay. Tiyak na magugulat si Digol kapag nakita ang ginawa niya sa kuwarto.

Pagkatapos maglinis ay naligo si Troy. Pagkaligo ay nagsaing.

Dakong 6:30 ng gabi, dumating si Digol. May dalang pagkain. Gulat na gulat sa nakitang ayos ng kuwarto.

Nagmukhang bahay ito, Pinsan!

Alakdan (6) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 06, 2012 12:00 AM Comments (0)

PAANONG ginawa mo at naging maaliwalas itong kuwarto na ito? Tanong ni Digol nang maibaba sa mesa ang mga dalang pagkain.

Inilipat ko lang ng lugar, Digol. Yung kama mo e inilipat ko rito sa may likod ng pinto para hindi agad makita kapag may natutulog, sabi ni Troy habang nagpapahid ng floor wax.

E di nakita mo ang mga basura ko diyan, Pinsan. Kakahiya naman sayo. Tiyak nakita mo ang condom at kung anu-anong basura, he-he-he.

Ayos lang Digol. Sanay naman akong maglinis ng basura. Sa atin nga e kung anu-ano ang pinasok kong maruruming trabaho.

Burara ako Pinsan, pasensiya ka na.

Ayos lang. Lalampasuhin ko pa itong sahig para magandang tapakan. Maraming buhangin akong nakuha.

Kasiy mula nang lumipat ako rito e hindi ko nawalisan. Masyado akong busy kasihe-he-he.

Ipinagpatuloy ni Troy ang pagpapahid ng floor wax.

Halika, kumain muna tayo, Pinsan. Mamaya mo na ituloy yan. Bumawi ka rito sa dala kong mga ulam. Masisiyahan ka.

Inilagay ni Digol ang mga ulam sa malaking pinggan pansit, fried chicken, chopsuey, litsong kawali at may softdrink.

Nagsandok ng kanin si Digol.

Halika na.

Naghugas ng kamay si Troy at saka umupo sa plastic na silya. Magkaharap sila ni Digol.

Tikman mo itong litsong kawali. Da best yan.

Ang dami naman nito Digol. Baka hindi natin maubos yan.

Kaya nating ubusin yan.

Kumain sila. Natahi-mik. Masarap nga ang litsong kawali. Pati ang chopsuey. Tamang-tama sa mainit na kanin.

Nasan na si Mayette, Digol?

Nasa bahay na niya, maligayang-maligaya.

Sa Quiapo kayo nagpunta?

Sa langit, Pinsan, sagot ni Digol at nagtawa.

Alakdan (7) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 07, 2012 12:00 AM Comments (0)

DAHILAN lang ni Mayette na bibili ng pekeng DVD pero ang totoo, gusto lang niyang mag-sex kami. Mahilig pa rin kahit mahigit 50 na, sabi ni Digol at uminom ng softdrink.

Nakapagmotel na agad kayo Digol?

Oo naman. Saglit lang ang labanan at pera na, Pinsan.

Ibig mong sabihin, talagang sinusustentuhan ka ni Mayette.

Oo. Kita mo at nakabili ako ng pagkain natin. Kapag nasisiyahan si Mayette lahat ibinibigay sa akin. Iyon nga lang gagasgasin ko itong si Pitoy

Nagtawa si Troy. Ma-pag-biro talaga si Digol. Hindi nagbabago. Ganito na si Digol kahit noong nasa pro-binsiya pa sila.

Ang sarap lang dito kay Mayette, kahit anong hili-ngin ko e bigay agad. Kaya siguro hindi ko na iiwan ang babaing ito. Siguro makakahiwalay lamamg ako sa kanya kapag natuklasan ng asawa niya ang ginagawa namin. Pero palagay ko, malayong mangyari dahil nasa abroad nga ang asawa. Nasa Saudi yata at matagal bago umuwi. Hula ni Mayette baka may babae rin doon ang asawa niya, Hula raw niya. Kasi pag-umuuwi raw e halos hindi siya ginagalaw. Saan ka naman nakakita ng lalaki na ilang taon sa Saudi tapos pagdating e hindi man lang gagalawin ang asawa?

Baka naman may problema sa pagkalalaki?

Ewan. Pero sabi ni Mayette hindi siya makakatagal na walang bumabarurot sa kanya.

Natawa na naman si Troy sa sinabi ni Digol na buma-barurot. Maraming salitang nakakatawa si Digol. Siguroy dahil sa marami itong nakahalubilong tao.

Pero hindi ka nagkaroon ng ibang trabaho, Pinsan?

Napagod ako sa paghahanap, Pinsan pero wala akong nakitang maayos na trabaho. Ako pa naman ay mainipin at gusto ko agad ay madaling kumita ng pera. Hindi ko kayang magtiyaga sa pagiging janitor o kaya ay messenger na maliit lang ang suweldo. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na bakit hindi ako pumasok sa gaybar. May itsura rin naman daw ako at medyo maganda ang katawan. Madali raw ang pera. Baka raw may mati-yempuhan akong galanteng bakla. Naisip ko, bakit nga hindi ko nga subukan. Hanggang sa makapasok nga ako sa isang maliit na gaybar. Lakas ng loob lang at kapal ng mukha. Lumiyad-liyad na ako sa harap ng mga bakla at matrona. Tama nga ang nagsabi sa akin, na madali ang pera. Ganun lang pala kadali

Alakdan (8) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 08, 2012 12:00 AM Comments (0)

HINDI na ako naghanap pa ng ibang trabaho dahil okey naman ang pagsasayaw sa gaybar. May pera agad. At saka wala nga akong tiyaga sa ibang trabaho na karampot lang ang suweldo. Pinag-aralan kong mabuti ang pagliyad-liyad sa harap ng mga customer na bakla at matrona at iyon, tumitili sila sa kargada koyung iba parang gusto nang sakmalin itong si Pitoy ko

Nagtawa uli si Troy nang sabihin ni Digol ang kanyang Pitoy.

Akala ko kuwento-kuwento lang ang ganun, Digol.

Totoo iyon, Pinsan. Kung ang mga lalaki e libog na libog kapag may babaing naghuhubad sa entablado, ganun din ang mga matronat bakla.

Pero may nag-alok sa iyo para maka-sex?

Oo naman. Sa ganung trabaho sa gaybar, asahan na iyon. May bakla at matrona na nag-alok sa akin.

Pumayag ka?

Sa matrona ako nagpa-takeout.

Bakit hindi sa bakla?

Hindi ko malaman ang sarili ko. Natatakot ako sa bakla. Walang biro. Kahit na may nag-alok sa akin na isang couturier na bakla na malaki raw ang ibibigay sa akin, tinanggihan ko. Maayos naman ang pagtanggi ko. Kaya hanggang ngayon, wala akong experience sa bakla.

Kakatwa naman ano Digol, nagsasayaw ka sa gaybar pero wala ka palang karanasan sa bakla.

Oo nga. Yung mga kasamahan kong dancer, nagtataka kung bakit ayaw kong magpa-takeout sa bakla. Ano pa raw ang hahanapin ko e masarap magpaligaya ang mga bakla. Marami pa raw pera

E di sa matrona ka lang nagtiis?

Oo. Pero yung kauna-unahang matrona na nakaulayaw ko, super bait at super galante. Kaya nga sabi ko sa sarili, hindi ako nagkamali nang piliin na sa matrona lang magpa-takeout.

Paano ka na-takeout ng matrona na sinasabi mo?

Madalas ko nang napapansin na nakatingin sa akin ang matrona kapag nagsasayaw ako. Kahit ilan ka-ming lalaking nagsa-sayaw sa stage, sa akin naka-pokus ang matrona. Type siguro ako. Hanggang sa magkakilala kami. Aba at talaga palang type raw niya ako. Sabi ko, kaya pala madalas siyang nakatitig sa akin.

Anong pangalan niya?

Katrina. Alakdan (9) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 09, 2012 12:00 AM Comments (0)

MAGANDA ba si Katrina, Digol?

Oo. Kahit may edad na, nakikita pa rin na maganda siya noong kabataan niya.

Mga ilang taon na siya, Digol?

Malapit na sigurong mag-60 yun. Pero hindi ko naman tinanong. Pero kahit may edad, e mukhang bata sa tingin ko. Basta kakaiba ang dating ng ganda niya.

Bakit naman siya nandun, Digol?

Naglilibang lang daw. May mga kaibigan daw na nagyaya sa kanya at sinubukan niya. Ganun daw pala ang gaybar.

Marami pa kayong pinagkuwentuhan?

Yung una naming pagmi-meet, kaunti lang. Pero nang sumunod, marami na. Lumawak na nang lumawak. Ikinuwento sa akin na hiwalay siya sa asawa. May ibang asawa na raw ito. May anak daw sila pero may mga sarili nang buhay. Ang ta-nging kasama niya sa bahay ay ang katulong. Malungkot daw ang buhay niya. Succcesful daw siya sa kanyang career pero hindi sa buhay may-asawa. Ang asawa raw niya ang unang nagloko. Mara-ming babae. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at nakipaghiwalay na siya. Wala na raw siyang balita sa asawa niya. At wala na silang pakialaman

Nagkaroon kayo ng relasyon, Digol?

Oo. Sa dalas kasi ng pagpunta niya sa gaybar, nahulog ang loob ko sa kanya. Kasi naman ay mabait. Ewan ko ba pero talagang ang gusto kong makarelasyon ay yung mas matanda sa akin. Para bang sabik ako sa nanay, he-he-he!

Okey lang sayo na ang makarelasyon mo ay halos nanay mo na?

Oo naman. Matitiis ko yun kaysa sa bakla. Basta mas gusto ko ang babaing matanda o matrona.

Paano kayo nagkaroon ng relasyon?

Ako na ang nagsabi na gusto ko siya. Di ba dapat, siya ang magsabi na gusto ako, pero ako na ang nagsabi. Sabi ko, type ko siya. Sana type din niya ako. Nagtawa si Katrina. Tinanong ko kung bakit siya nagtawa. Hindi raw kasi niya maintindihan ang sarili. Sa edad daw niyang iyon ay kung bakit nasasangkot pa siya sa ganitong usapin. Hindi raw niya alam kung ano ang nararamdaman sa akin.

Anong nangyari, Digol?

Bago kami naghiwalay ng gabing iyon, sinabi niya sa akin ang address niya. Puntahan ko raw siya at mag-usap kami. Mahirap daw mag-usap sa loob ng gaybar. Naguguluhan lalo siya. Natuwa naman ako. Sabi ko, hintayin niya ako. Itinago ko ang calling card na binigay ni Katrina.

Anong nangyari, Digol?

Kinabukasan, pinuntahan ko siya sa binigay na address sa New Manila. Nagkaligaw-ligaw ako sa pagpunta. Malalaki pala ang bahay dun. Mayayaman pala ang nakatira

Alakdan (10)

No Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 10, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATULOY si Digol sa pagkukuwento kay Troy tungkol sa naging relasyon nito sa matronang si Katrina.

Isang maid ang nagbukas ng gate para sa akin. Bata pa ang maid, maganda at sexy. Tinanong ko kung doon nakatira si Mam Katrina. Oo doon daw nakatira. Pinapasok ako sa loob. Nalula ako sa laki ng bahay. Talagang mayaman si Mam Katrina.

Dinala ako sa loob. Sabi ng maid, naghihintay na raw si Mam Katrina sa akin kanina pa. Naiinip na nga raw. Sabi ko, naligaw ako sa pagpunta. Hindi ko agad nakita ang bahay.

Dinala ako sa malaking sala na napapalibutan ng salamin. Nandoon na nga si Mam Katrina. Nakatingin sa akin. Ngumiti. Sinabihan niya ang maid iwan na kami. Umalis ang maid pero tinapunan ako nang makahulugang tingin.

Pinaupo ako ni Mam. Tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin. Sagot koy kahit ano. Napangiti si Mam. Lalo siyang naging maganda sa paningin ko. Lalo akong nagkagusto sa kanya. Ma-lakas na malakas ang pang-akit niya.

Nagpaalam siya sandali. Sinundan ko ng tingin. May hubog pa ang katawan niya kahit may edad na. Graceful kung lumakad. Bagay ang suot na puting long sleeves sa kulay itim na pants. Slim na slim ang katawan.

Alagang-alaga. Tamang-tama ang hubog.

Siguroy may 10 minutong nawala si Mam bago bumalik sa akin. At sabi doon daw kami sa private room. Niyaya ako. Napalunok ako. Baka magkakasarili na kami ng matronang ito. Kung ganoon ang mangyayari, nakahanda ako. At masisiyahan ako kung ganoon nga sapagkat, type ko rin naman si Mam. Mas magandang magtrabaho kung gusto mo ang tatrabahuhin.

Isang malawak na silid ang tinungo namin. May mesang kainan na may nakahanda nang pagkain. Mayroon ding sopa at TV. Sa dakong dulo, sa gawing kaliwa ay may kama.

Kumain daw muna kami. Naupo ako. Tumabi siya sa akin. Nalanghap ko ang bango niya. Ibang klase ang bango na lalong nagpatindi sa pagkagusto ko sa matrona.

Kumain daw ako nang kumain. Huwag daw akong mahihiya. Sagot ko naman, hindi ako nahihiya. Bago ako kumain, sinabi ko nang tapatan na gusto ko siya. Totoo ang nararamdaman ko.

Napangiti siya. Tapusin ko raw muna ang pagkain

Alakdan (11) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 11, 2012 12:00 AM Comments (0)

NASASABIK si Troy sa ikinukuwento ni Digol ukol sa matronang si Katrina.

Nang matapos akong kumain, sabi sa akin ni Mam Katrina dun kami sa sopa. Nabusog daw ba ako, tanong niya. Sabi koy oo naman. Sino ba naman ang hindi mabubusog sa masasarap na pagkain na noon ko lang natikman. Napangiti lang si Mam Katrina.

Nang nasa sopa na kami at magkatabing nakaupo, tinanong niya ako tungkol sa sinabi ko kanina na gusto ko siya. Sabi ko, talagang gusto ko siya. At ang pagpunta ko sa kanyang bahay ay hindi dahil kailangan niya ang serbisyo ko kundi talagang puso ang nag-utos sa akin na magtungo roon.

Aba nagtawa si Mam Katrina, nakornihan yata. Tinanong ko kung bakit siya nagtawa. Hindi sumagot. Nakatingin lang sa akin. Ilang taon na raw ako. Sabi koy twenty two. Ang bata ko pa raw. Sobra pang anak niya. Malapit na raw siyang magsisenta. Sabi ko hindi halata na ganun ang edad niya. Ngumiti lang.

Ito raw ang una niya na may pinatuloy na lalaki sa bahay niya. Siya lang daw at ang katulong niya ang nakaaalam nito. At siyempre ay ako raw. Kaya huwag ko naman daw sanang ikukukuwento kahit kanino na nagpatuloy ako ng lalaki sa bahay. Sabi ko naman, hindi ko magagawang ipamalita ang babaing malaki ang aking pagkagusto. Mahal ko talaga siya. Hindi ako nagbibiro.

Napangiti uli. Nakatitig lang sa akin. Para bang hinahanap ang katotohanan sa sinabi ko. Saka ibabaling ang tingin sa kawalan. Napagmasdan ko ang kanyang mga mata. Malungkot ang kanyang mga mata. Sa tingin ko, malungkot ang kanyang buhay.

Inulit ko muli ang sinabi ko na mahal ko siya. Totoo ang nararamdaman ko. Napabuntunhininga siya. Malalim. Parang may tinatantiya sa kalooban.

Saka nang muling tu-mingin sa akin ay tinanong kung hindi raw ba ako nagbibiro sa aking mga sinasabi. Sabi koy hindi. Talagang mahal ko siya.

Dahan-dahan siyang umipod palapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. Marahan. Mainit ang labi niya. Nang gagantihan ko, inalis. Tumayo siya.

Nagulat ako nang dahan-dahan niyang hubarin ang damit ang ganda niya!

Alakdan(12) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 12, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATULOY si Digol sa pag-kukuwento sa pinsang si Troy sa mga nangyari sa k-a- nila ng matronang si Katri-na. Nag-hubad ito sa harapan niya at nalantad ang magan-dang katawan ng matrona. Naka-bra at panty ito. Flat na flat ang tiyan. Walang bilbil. Maliit ang baywang. Naalagaan ang katawan kaya kahit sisenta na ay hindi halata. Lalo raw siyang nakadama nang matinding paghanga sa matrona. Super ganda para sa kanya.

Ang ganda talaga niya. Lalo akong na-inlove. Na-challenge naman ako sa sinabi niya na ipakita ko raw sa gawa ang sinasabi ko. Kung talaga raw humahanga ako sa kanya, ipadama ko raw.

Siyempre nahamon ang kakayahan ko. Kapag ganun ang sinabi ng isang babae maaantig ang iyong pagkalalaki at ipakikita mo ang bangis. Nilapitan ko siya at hinalikan. Nasapol ko ang labi. Mainit na mainit ang mga labi niya. Pero mas nagbabaga ang labi ko. Pareho kaming naghabol ng hininga pagkaraang maghiwalay ang aming nagbabagang labi.

Sabik na sabik si Mam Katrina. Siguro ngay ako ang unang lalaking nakapiling niya mula nang maghiwalay sila ng kanyang asawa. At matagal na marahil mula nang maghiwalay sila.

Tinanggal ko ang kanyang bra. Dahan-dahan lang ang pagtanggal ko. Mayaman iyon. Halatang may pinagdaanan na pero naroon pa rin ang angking rosas na kulay. Iyon ang aking pinanggigilan. Nadama ko ang matinding pagkauhaw ni Mam Katrina. Hindi maipagkakaila ang pagka-sabik sapagkat may kakambal na ungol ang bawat pagsalakay ng matalas kong dila.

Nang ang huling saplot ang aking alisin, lalo pang naramdaman ko ang pagnanais ni Mam Katrina na gawin ko na ang nais kong gawin. Hindi na siya makapaghihintay. Pero hindi ako katulad ng ibang lalaki, na basta na lang tatapusin ang labanan. Kailangan, marami munang seremonyas bago sumalakay. Hindi maganda ang pagsalakay na walang plano.

Para sa akin ang katulad ni Mam Kat na noon lang uli may nakapiling na lalaki ay kailangang maging memorable ang lahat. At doon ako eksperto. Kailangan ay hindi malimutan ni Mam Kat ang pagsasalo namin.

Ibinuhos ko ang lahat. Mas masarap magtrabaho kung gusto ang tatrabahuhin. At nagtagumpay akong maibigay kay Mam Kat ang matagal na niyang inaasam. Yung matagal na niyang nilalaro sa kanyang imahinasyon ay naranasan niya. Nakita ko ang nadamang ligaya sa kislap ng kanyang mga mata. Wala siyang masasabi sa aking ginawa.

Habang magkatabi sa pagkakahiga, sinabi kong mahal ko siya. Gusto ko siya. Pero ngumiti lang. Nagtataka ako. Parang ayaw niya akong paniwalaan.

Nang makapagbihis kami, inabutan ako ng pera. Bayad sa serbisyo. Hindi ko tinanggap. Ang ginawa ko ay walang kabayaran sapagkat kusa iyon. Ipinagpilitan ni Kat ang pera pero tumanggi ako.

Alakdan (13) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 13, 2012 12:00 AM Comments (0)

TAKANG-TAKA si Troy sa ginawa ni Digol na pagtanggi sa perang inaabot ng matronang si Katrina o Kat. Hindi maintindihan ni Troy kung ano ang naisipan ni Digol at hindi tinanggap ang pera.

Mahal ko nga si Kat, pinsan. Ikaw ba, tatanggapin mo ba ang bayad na pera ng babaing minamahal mo? Basta, hindi ko tinanggap. Ipinagpilitan ko na mahal ko siya at walang kabayaran ang pagmamahal ko sa kanya.

Pero mahal ka ba ng matrona, Digol?

Hindi nakasagot si Digol.

Hindi na tinanong pa ni Troy ang ukol doon. Sa halip, tinanong niya kung ano pa ang mga nangyari sa kanila ni Mam Kat.

Umalis ako. Pero bago ako umalis, tinanong ko siya kung puwede ba akong dalawin siya. Basta makita ko lang siya ay masaya na ako. Sagot niya, siya na lang ang pupunta sa gaybar na pinagsasayawan ko.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Mabuti ngang doon na lang siya magpunta para makapag-usap kami.

Pero hindi niya tinupad ang sinabi. Hintay ako nang hintay sa kanya sa gaybar pero hindi siya nagpunta. Maski ang mga kaibigan niyang matron na kasama niya noon ay hindi ko na nakita. Malungkot na malungkot ako. Nagtataka ako kung bakit hindi siya nagpunta gayung ipina-ngako niya.

Anong ginawa mo? Tanong ni Troy.

Pinalampas ko pa ang isang linggo. Pero wala talaga siya. Isang umaga, lakas-loob akong nagtu-ngo sa bahay niya sa New Manila. Bahala na. Hindi naman siguro masama kung dalawin ko siya.

Anong nangyari?

Nag-door bell ako. Ilang beses kong tinuunan. Walang nagbubu- kas ng gate. Baka walang tao. Tinuunan ko uli. Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag na papalapit. Unti-unting nabuksan ang gate. Dumungaw ang maid. Tinanong ko si Mam Kat kung naroon.

Mataray ang pagkakasabi sa akin. Wala raw si Mam Kat. At huwag na akong pupunta roon. Tulala ako.

Alakdan (14) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 14, 2012 12:00 AM Comments (0)

ANONG ginawa mo nang sabihin ng maid na wala roon ang matrona, Digol? Tanong ni Troy. Nasasa-bik siya sa ikinukuwento ng pinsan ukol sa ma-tindi nitong pagkagusto sa matronang si Mam Katrina o Kat.

Hindi ako naniniwalang wala roon si Mam Katrina. Nakiusap ako sa maid na kahit makita ko lamang si Mam Kat ay okey na sa akin. Pero talagang mataray ang maid. Wala nga raw ang amo at huwag na raw akong babalik. Bigla nitong isinara ang gate. Wala akong nagawa kundi ang umalis.

Pagkatapos niyon anong ginawa mo?

Hindi ako sumuko Pinsan. Kahit anong mangyari, gusto kong makita at makausap si Kat.

Talaga bang matindi ang tama mo sa matrona?

Oo. Matindi talaga Pinsan. Hindi ko nga maipa-liwanag kung ano ang tu-mama sa akin at masyado ang pagkagusto ko kay Kat. Tinanong ko nga ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganoon pero talagang nangibabaw ang pagmamahal ko sa babaing iyon.

Anong ginawa mo, Digol?

Nagpunta uli ako sa bahay ni Mam Kat. Nang makita ako ng maid, nagalit na naman sa akin. Bakit daw ang kulit ko. Sinabi na nga raw niya na huwag nang magtungo roon. Marunong daw ba akong umintindi? Ayaw na raw akong makita ni Mam Katrina kaya huwag nang magtungo roon. Isinara uli ang gate. Muntik pa akong maipit

Anong nangyari?

Hindi ako sumuko. Nagbalik uli ako pagkalipas ng ilang araw. Malakas ang kutob ko, maaawa sa akin ang matrona at papapasukin ako at mag-uusap kami. Kailangan lang ay maging matiyaga.

Tama ang kutob ko. Naaawa si Mam Katrina. Sabi ng mataray na maid, pumasok na raw ako. Naghihintay daw si Mam sa salas. At inirapan ako ng maid.

Nagmamadali akong pumasok. Sabik akong makita si Mam Katrina. Naghihintay siya sa salas. Nakatayo. Sabi ko sa kanya, salamat at pinapasok ako.

Sagot niya, ang tiyaga ko raw. Hanga raw siya sa tiyaga ko. Sagot ko naman, dahil mahal ko siya. Sana ay maniwala siya sa akin. Totoo ang nararamdaman ko sa kanya.

Maupo raw ako at mag-usap kami nang masinsinan. Pag-usapan daw namin kung ano ang nangyayari sa aming sarili. Sabi ko, sana noon pa kami nag-usap. Sana hindi niya ako iniwasan. Pinahirapan pa niya ako. Pinaasa na magtutungo sa gaybar pero hindi naman niya tinupad. Nag-sorry siya sa akin. Naguguluhan daw siya.

Nag-usap kami nang masinsinan. Sa sinabi niya, ganap akong nakadama ng kaginhawahan ng kalooban. Sabi niya, mahal din daw niya ako pero

Pero ano, Digol?

Mahirap daw. Delikado.

Bakit?

Alakdan (15) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 15, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAPAG nalaman ng asawa niya, baka kung ano raw ang mangyari

Pero di ba hiwalay na sila?

Hindi ko maintindi-han, Pinsan. Basta ang iniintindi ko, yung damdamin ko sa kanya. At nang malaman ko na mahal din niya ako, hindi ako natakot kahit pa ano ang gawin ng dati niyang asawa.

Anong sumunod na nangyari, Digol?

Pinakiusapan ako na huwag nang pumunta sa bahay niya. Nag-react agad ako. Paano kami magkikita? Sa ibang lugar daw kami magkita. Basta huwag lang sa bahay niya. Masama raw kasi ang kutob niya.

Naintindihan ko siya. Tinanong ko kung paano malalaman na magkikita kami. Iti-text daw niya. Kinuha ang number ng cell phone ko. Maghintay lang daw ako. Huwag daw akong mainip. Hiniling ko na magtalik kami ng oras na iyon. Huwag daw. Saka na lang daw. Basta magkikita kami. Tinanong ko kung balak pa niyang pumunta sa gaybar. Hindi na raw. Bakit pa siya pupunta roon e may relasyon na kami.

Natuwa ako. Sinigurado niyang may relasyon kami. Patunay lamang na talagang mahal niya ako.

Sabik na nagtanong si Troy. Paano kayo nagkita, Digol?

Nagtext siya sa akin. Puntahan ko raw siya sa isang apartelle sa may Roxas Blvd. Sinabi niya ang room number.

Nagpunta ka agad?

Oo. Nagtaxi ako. Sabik na sabik ako kay Mam Kat. Nakita ko agad ang apartelle. Tinungo ko ang room na sinabi niya. Naghihintay na nga siya sa akin dahil nang kumatok ako sa pinto, agad niyang binuksan. Mabilis din niyang isinara ang pinto. Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang kasabikan kay Mam Kat. Isinandal ko sa likod ng pinto at saka ko sinibasib ng halik.

Nagpaubaya siya sa ginawa ko. Sabik na sabik din si Mam Kat. Nadadama ko ang init ng kanyang katawan

Alakdan (16) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 16, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATULOY sa pagkuku-wen-to si Digol kay Troy tung-kol sa naging pagtatagpo nila ng matronang si Mam Katrina o Kat sa isang apartelle sa Roxas Blvd.

Masyado akong nasabik kay Mam Kat kaya pagdating ko sa apartelle ay hindi ko na nilubayan. Talo ko pa ang isang aso na isang linggong hindi kumain. Grabe ang pagkauhaw ko sa matrona. At siya man ay ganoon din sa akin. Uhaw na uhaw din si Mam Kat.

Pero dahil nga marami na siyang karanasan sa larangang iyon, sinabihan akong dahan-dahan. Huwag daw akong dalus-dalos. Kailangan daw ay marahang-marahan. Gentle. Para raw ganap naming malasap ang tamis ng pagmamahalan. At ganun nga ang ginawa ko. Tama nga siya. Mas nadama namin ang tamis at linamnam.

Nagtawa si Troy sa pagkukuwento ni Digol.

Iyon pala ang isang kabutihan kapag matrona ang karelasyon ano, Digol. Tinuruan ka nang mga gagawin.

Oo, Pinsan. Ang dami kong natutuhan sa kanya. Hindi lamang sa tamang paraan ng pakikipagtalik kundi sa marami pang bagay.

Teka, ituloy mo muna ang nangyari nung duma-ting ka sa apartelle. Anong ginawa nyo?

Sa may pintuan pa nga ay sinibasib ko na siya. Hindi ko napigilan ang sarili. Nagpatindi sa pagkasabik ko ay nang malanghap ko ang kakaibang bango niya. Mamahaling pabango ang gamit niya na nakapagpaantig sa akin.

Nahubad ko ang damit niya habang nasa likuran kami ng pinto pero sabi niya sa kama kami. Huwag daw akong magmabilis dahil marami pang oras. Huwag daw akong parang mauubusan.

Sa kama kami humantong. Parehong wala na kaming damit. Sinimulan namin ang seremonyas. Dahandahan lang daw. Iyon daw ang tamang pamamaraan. Ginawa ko. Marahang-marahan. Ninamnam namin ang tamis.

Tama si Kat. Mas nadarama ang sarap kapag da-han-dahan ang ginagawang pagkain. Mas nakukuha lahat ang katas. Kumbaga sa bulaklak, nasisimsim ang lahat ang nectar.

Nang matapos kami, parehong nakangiti sapagkat kapwa nasiyahan sa naganap na pagmamahalan.

Habang nakahiga, napagmasdan ko ang mukha ni Kat, halatang patungo na siya sa pagtanda pero naroon pa rin ang angking ganda. Hindi ko napigilan ang sarili at hinipo ko ang mukha niya. Nilaro ko ng daliri ang maninipis na labi.

Nagtataka ako sa sarili ko, kung bakit sa may-edad na babae ako nahumaling. Basta, nakakadama ako ng walang katulad na kaligayahan. Hindi ko naiisip kung hanggang saan hahantong ang pagmamahalan na iyon.

Alakdan (17) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 17, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAGPATULOY ang aming pagkikita ni Mam Kat. Doon sa apartelle sa Roxas Blvd. kami la-ging nagkikita. Doon ako pumupunta. Iyon na ang aming nagsilbing love-nest. Nang tanungin ko kung wala siyang balak na sa ibang lugar kami magkita, sabi niya, tama na raw doon. Kung mag-iiba-iba ng lugar, malaki ang posibilidad na may makakita sa amin.

Itinanong ko kung ano ang kinatatakutan niya kaya sa apartelle na iyon kami nagpasyang magkita. Dahil daw sa asawa niya at sa iisipin ng iba pa. Sa kabila raw na matagal na silang hiwalay ay hindi pa naman legal ang separation. Kaya kahit anong gawin, mag-asawa pa rin sila sa batas at mata ng tao. Siyempre kahit paano raw may iniingatan pa naman siyang kaunting kahihiyan. Kahit daw ang asawa niya ang

unang sumira, hindi pa rin dahilan para gumawa rin siya nang mali. Pero ngayon daw na nakilala niya ako at minahal niya, hindi na niya napigil ang sarili. Bakit nga raw ba niya sisikilin ang damdamin? Matagal na rin naman siyang nagtiis. Matagal na naging walang kibo at martir pa.

Sa totoo lang daw, matagal niyang pinag-isipan bago tuluyang pumasok sa pakikipagrelasyon sa akin. Imagine, halos anak na raw niya ako. Mala-king kahihiyan iyon kapag nalaman ng iba. Pero ano ang magagawa niya? Kailangan din naman niyang lumigaya.

Iyon daw ang dahilan kaya iniwasan niya ako at pinagbawalang pumunta sa bahay niya. Gulung-gulo ang isipan niya. Nagsisisi nga raw siya noong una kung bakit nakapunta-punta sa gaybar na pinagtatrabahuhan ko. Kung hindi raw siya nagtungo roon e di hindi niya ako nakilala.

Hanggang sa bumigay din siya at tinanggap ako. Nagtataka nga raw ang maid niya kung bakit hinayaan na akong makatuloy sa bahay. Hindi lang daw makapagtanong ang maid sa kanya pero sa mukha ay halatang nagtatanong ito at nagtataka.

Ang isang hindi ko malilimutan sa pakiki-pag-relasyon kay Kat ay nang lumikha siya ng plano sa buhay ko. Kaila-ngan daw magbago ang buhay ko at ako mismo ang gagawa niyon. Kailangan daw makapagaral ako. Kung makakapag-aral ako, tiyak na magba-bago ang buhay ko. Kailangan din daw na umalis ako sa gaybar na aking pinagtatrabahuhan.

Sabi pa niya, kung may mangyayaring maganda sa buhay ko sa hinaharap, maaalaala ko siya. Hindi naman daw pang-habambuhay ang aming relasyon. Matanda na rin siya. Kaya dapat magsimula ako.

Sinustentuhan ako ni Kat. Umalis ako sa gaybar at nag-enrol sa isang unibersidad. Minsan isang linggo, nagkikita kami ni Kat sa apartelle...

Alakdan (18) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 18, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAKAPAG-ARAL ka pala sa kolehiyo, Digol?

Oo. Si Kat ang pumilit sa akin. Pero hindi ko rin natapos ang pag-aaral, Pinsan. Pero mamaya mo na malalaman kung bakit hindi ko natapos ang pag-aaral.

Ano nga palang kinu-ha mo?

Criminology. Ang school ko e doon sa may Quiapo.

Balak mong magpulis siguro, Digol.

Sana. Aprub kay Kat na criminology ang kunin ko. Kung iyon daw ang gusto ko, walang problema sa kanya. Buong semester e binayaran niya. Para raw wala akong problema. Yung allowance ko para sa isang buwan e binigay niya. Sa may Quiapo sa Soler St. ako nakatira. Para raw lalakarin ko na lang ang school.

E di ang ganda pala ng kalagayan mo. May nagsusustento sayo.

Sinabi mo pa Pinsan. Pawang aral nga ang inatupag ko. Inspirado ako sa pag-aaral. Bukod doon, gusto kong maipagmalaki kay Kat na nagsisikap ako. Gusto kong patunayan na hindi nasasayang ang paggastos niya sa akin. Talagang gusto niya ay makatapos ako. Para raw magkaroon ako ng magandang kinabukasan. At saka lagi nga niyang sinasabi na kahit na wala na siya, may maganda siyang naiwan sa akin.

Mabait pala talaga si Mam Katrina, Digol.

Super, Pinsan. Kaya nga love na love ko ang babaing iyon. Sayang nga lang

Bakit sayang?

Mamaya na. Sa bandang huli ko sasabihin.

Suspense pala,Digol.

Oo.

Paano kayo nagkikita?

Minsan isang linggo kami nagkikita sa apartelle sa Roxas Blvd. Buong maghapon, magkasama kami. Lagi niyang itinata-nong ang tungkol sa studies ko. Nagre-report ako. Ipinakikita ko ang mga grade ko sa exam at quizzes. Matataas ang grades ko kaya tuwang-tuwa siya. Sipagan ko pa raw.

Wala kaming ginagawa sa maghapon kundi ang magkuwentuhan, manood ng TV at magmahalan. Napakaikli ng maghapon. Humihirit ako na magkita kami ng two times a week, pero ayaw niya. Baka raw masira ang studies ko. Tama na raw ang isang beses para lalo kaming magkasabikan. Hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahan

Alakdan(19) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 19, 2012 12:00 AM Comments (0)

ANONG nangyari Digol?

Pinasok ang bahay ni Kat. Pinagnakawan. Ang masaklap, ginahasa pa at pinatay. Pati ang maid niya ay ganundin ang ginawa.

Hindi makapagsalita si Troy sa pagkabigla. Malungkot pala ang nangyari sa babaing minahal ni Digol.

May nahuling suspek at ikinanta ang mga ginawa kay Kat at sa maid. Ginahasa nga at pinagnakawan ang dalawa. Ang utak ng krimen ay ang dating boyfriend ng maid. Nahuli rin at umamin na. Ilang araw ang pagkahuli sa suspect nabalitang binaril ng pulis. Nang-agaw daw ng baril.

Anong nangyari sayo pagkaraang mawala si Mam Kat?

Nasira ang plano ko Pinsan. Nang mawala si Kat, nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng inspirasyon ko.

Sumilip kay Mam Kat nang ito ay nakaburol?

Oo Pinsan. Kahit na kinakabahan ako, tinapangan ko ang loob. Nagpunta ako sa Arlington. Alam mo kakahiyang pumasok sapagkat pawang mga mayayaman ang naroon. Mga naka-Amerikana. Napakaraming bulaklak na halos matakpan na ang kabaong ni Kat.

Nakita ko ang isang lalaking mga 60 years old, kalbo at nakaupo sa malapit sa kabaong. Iyon daw ang asawa ni Mam Kat. Mukhang hindi marunong ngumiti. Katabi ng la-laki ang dalawang babae na ayon pa rin sa katabi ko ay anak ni Mam Kat.

Lakas-loob akong lumapit sa lalaki at kinamayan bilang pakikiramay. Nakatingin ang lalaki na parang iniisip kung sino ako. Pagkatapos ay sinilip ko na si Mam Kat sa kabaong. Napakaganda pa rin niya. Walang kupas kahit nakahimlay na. Umusal ako ng dalangin para sa kanya.

Ano na ang nangyari sa iyo nang mawala si Mam Kat?

Nagbalik ako sa da-ting trabaho. Wala nang nagsusustento sa akin. Mamamatay ako sa gutom. Hindi na ako nag-aral dahil wala nang ipangtu-tuition. Umalis ako sa kuwartong inuupahan at naghanap nang mas maliit na matitirahan.

Balik ka sa pagsasayaw sa harap ng mga matrona at bakla, Digol?

Oo. Akala ko nakatakas na ako sa gaybar, hindi pala

Alakdan (20) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 20, 2012 12:00 AM Comments (0)

BUMALIK ako sa pagbibilad ng katawan. Wala akong magawa sapagkat wala akong alam na trabaho. At isa pa, nasira na nga ang mga plano ko. Yung mga pinangaral at tinuro ni Kat, nalusaw sa ulo ko. Nawala sa direksiyon ang buhay ko. Kaya kahit na pinagtatawanan ako ng mga dati kong kasama- han sa gaybar, kinapalan ko na ang mukha.

Sabi pa nga ng mga kasamahan ko, nasaan na raw yung pinagmamalaki kong matrona. Hindi raw ba ako pinamanahan nang malaking pera. Bakit daw balik ulit ako sa pagpapakita ng yagbols? Hindi na lang ako sumagot. Pinalampas ko na lang sa kabilang taynga ang kanilang pambubuska. Noon kasi, nasabi ko sa kanila na hindi na ako babalik sa pagsasayaw. Ang yabang ko pa nang sabihin na gayahin nila ako na nakatisod nang mayamang matrona. Kasi nga, akala ko, tuluy-tuloy ang relasyon namin ni Kat. Hindi ko akalain na mapuputol bigla.

Ganun pala kapag nabigo. Matagal ko ring dinamdam ang pagkawala ni Kat. Madalas kapag nag-iisa ako ay naaalala ko ang matamis naming pagmamahalan sa apartelle. Naalala ko ang mga sinabi niya na kapag nakatapos daw ako ng criminology ay magiging maligaya siya. Gagawin daw niya ang lahat para mapabuti ang buhay ko. At alam mo, Pinsan kapag naaalala ko ang mga magagandang tagpo na iyon, naiiyak ako. Hindi ko mapigil ang sarili dahil abot ko na sana ang pa-ngarap pero naglaho pa

Tumigil sa pagsasali-ta si Digol. Tumingin sa kawalan. Hindi naman ma- kapagtanong si Troy. Hinayaang palayain ng pinsan ang damdamin nito.

Nang inaakala ni Troy na okey na si Digol ay saka nagtanong.

Wala ka nang nakitang katulad ni Mam Kat?

Meron sana kaya lang umatras ako. Baka mabigo na naman.

E itong si Mayette. Yung may-ari nitong tirahan natin.

Palipasan lang si Mayette, Pinsan

Alakdan (21) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 21, 2012 12:00 AM Comments (0)

PERO talagang hindi ka na makaalis sa pakikipagrelasyon sa may edad na babae, Digol.

Oo Pinsan. Aywan ko ba pero mas naaakit ako sa mga mas matandang babae kaysa sa mga kasinggulang ko. Hindi ko rin nga maipaliwanag. Siguro ito yung tinatawag na Oedipus complex.

Yung sa Greek mythology?

Oo. Napag-aralan nyo rin ba yun, Pinsan?

Oo. Pero kakaiba naman yun, Digol. Yun e parang sakit na nadebelop yata sa pagkabata. Parang psyschological. Di ba ipinapatay ni Oedipus ang ama niya para pakasalan ang kanyang inang si Jocasta. May selos na namagitan sa ama at anak. Ibang kaso yun, Digol. Talaga lang may paghanga ka sa mga

babaing may edad sa iyo. Hindi Oedipus complex yan. Natural lang yan. Kasi may mga babae naman na mahilig din sa mas matandang lalaki.

Siguro nga, Pinsan. Kasiy talagang malaki ang nadarama kong pagkagusto sa mga babaing mas matanda. Lalo pa nga nang makilala ko si Katrina. Gusto ko laging katulad niya ang makaulayaw.

Hindi naman kaya dahil naghahanap ka ng pagmamahal ng isang ina, Digol?

Posible rin, Pinsan. Kasi wala akong nagisnang ina. Di ba maagang namatay si Inay. Limang buwan lamang daw ako nang mamatay si Inay. Si Itay naman ay nag-asawang muli at ang napangasawa ay isang masungit na babae na hindi ko man lang nakitaan ng pagmamahal. Baka dahil sa kasabikan ko sa pagmamahal ng ina kaya ganito ang damdamin ko sa mga may-edad sa akin.

Napatangu-tango si Troy.

Kasi mula nang magtungo ako rito sa Maynila, ni hindi ko maramdamang ma-attract sa kasing edad ko. Kahit na mayroon akong nakikitang babae na maganda at bata pa, walang appeal sa akin. Kung yung ibang lalaki ay kinikilig kapag nakakakita ng batambata at sexy, sa akin naman ay balewala.

Gusto mo talagay bilasa na, Digol.

Mas nasasarapan ako roon, Pinsan. Ikaw, tatanungin kita ano ang gusto mong babae?

Yung kasinggulang ko Digol.

Talagang magkaiba tayo ng taste. May gusto ng bata at may gusto ng bilasa, ha-ha-ha!

Pero si Mayette na ka-relasyon mo ngayon ay palipasan mo lang.

Oo. Walang-wala na akong madelehensiyahan kaya pinagtitiyagaan ko. Kasiy talagang wala na akong mapasukan. Nagsawa na ako sa gaybar.

Hindi ka na nagbibilad mula nang makilala si Mayette?

Kapag may private show, kinokontak ako ng manager. Ganun lang. Pero yung gabi-gabi, ayoko na. Marami pa namang kuwarta si Mayette kaya, sa kanya muna ako.

Maya-maya may kumatok.

Pasok, bukas yan! sigaw ni Digol.

Tinulak ang pinto at sumungaw si Mayette.

Digs puwede mo akong samahan sa banko?

Oo naman, Mayette. Hindi kita matatanggihan.

Alakdan (22) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 22, 2012 12:00 AM Comments (0)

SANDALI lang tayo, Digs.

Kahit magtagal, oks lang, Mayette.

Magwi-withdraw lang ako tapos bibili ng pampaputi ng balat.

Magpapabeauty ka?

Oo naman. Para la-ging kaakit-akit, he-he-he!

Oy siyanga pala, Ma-yette. Yung sinabi ko sa iyo tungkol kay Troy.

Ano nga yun, Digs?

Baka meron kang ka-kilala na nangangaila-ngan ng messenger o janitor para kay Troy. Masipag ito. Lahat nililinis.

Ay oo naaalala ko na. Sige kapag nakita ko yung kaibigan kong may-ari ng recruitment agency, babanggitin ko.

Huwag mo namang kalimutan Mayette para magkatrabaho na itong si Troy.

Bakit di mo isama sa pinagsasayawan mo. Di ba sabi mo, nagsayaw ka sa gaybar?

Uy mas matino ito kaysa sa akin. At saka tama nang ako na lang ang makaranas ng ganoon. Itong si Troy ay marami pang pangarap.

Kapag siguro nagsayaw si Troy sa gaybar, maraming bakla at matrona ang luluwa ang mata.

Bakit anong nakikita mo kay Troy, Mayette?

E ano pa e di katulad din ng nakita ko sayo.

Nagtawa si Digol. Nakitawa rin si Troy.

Tena Digs at baka kung saan lang mapunta ang usapan.

Maliligo lang ako, Ma-yette.

Sige daanan kita mamaya-maya.

Sige.

UMAASA na lang si Digol sa matronang si Ma-yette. Hindi na naghahanap ng trabaho. Kinakalakal na lang ang itlog at hotdog niya. Nawala na nga yata ang sigasig sa buhay. Siguro nga mula nang mamatay ang matronang si Katrina ay nawalan na ng direksiyon.

Kapag wala silang lakad ni Mayette ay natutulog lang si Digol. Si Troy naman ay linis nang linis sa bahay. Gusto ni Troy na huwag makabigat sa pinsan kaya kahit ang paglilinis ng bahay, pagluluto at paglalaba ng damit ay ginagawa.

Tiis ka lang muna Pinsan at baka magkatraba-ho ka na. Nangako naman si Mayette na kakausapin ang kaibigan niya.

Sana nga Digol para makapagpadala ako ng pera kina Itay at Inay.

ISANG umaga, biglang dumating si Mayette at kinausap si Digol.

Huwag muna tayong magkita, Digs. Delikado!

Bakit delikado?

Dumating ang asawa ko.

Alakdan (23) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 23, 2012 12:00 AM Comments (0)

DI ba sabi mo matagal bago umuwi ang asawa mo, bakit nandito na?

Hindi ko nga alam. Dati inaabot ng hanggang tatlong taon bago umuwi ang gagong yun pero ngayon nandiyan na agad.

Kailan lang siya umalis?

Isang taon pa lang. Di ba kaiisang taon pa lang tayo Digs?

Oo.

At mukhang magtatagal dito, Digs. Sabi marami raw siyang gagawin. Ipasusukat daw yung lupa namin sa Marinduque. Magpapagawa raw siya ng bahay dun. Aywan ko.

Dati gaano ba siya katagal bago umalis?

Sandali lang siya mga 15 days lang ay bumabalik na siya. Kailangan daw siya ng kanyang boss. Marami raw siyang nakapending na trabaho.

Ano bang trabaho ng mister mo?

Engineer.

Di ang laki ng suweldo?

Kulang pa rin kahit malaki.

E paano yan Ma-yette?

PInuproblema ko nga kung paano tayo magkikita.

E di dito na lang tayo. Sa gabi, puntahan mo ako. Hintayin mong makatuog.

Nag-isip si Mayette. Pinagala ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Tiningnan si Troy na nag-huhugas ng pinggan.

May kasama ka rito, paano tayo mag-aano?

Walang problema kay Troy. Akong bahala sa kanya.

Paano nga?

Bigyan lang natin ng pera para pampanood ng sine o pangshopping e di ayos na ang butu-buto.

Kumislap ang mga mata ni Mayette.

Oo nga ano?

Wala ka lang bilib sa akin e.

Magkanong ibibi- gay ko sa kanyang pang-shopping?

One thou

Sige. Mamaya iabot ko.

Bakit kailan ka ba pupunta rito?

Mamayang gabi.

Sige. Akala ko sa isang araw pa dahil kararating lang ng mister mo.

Wala akong aasahan dun. Palagay ko, kaya matamlay sa sex ay dahil may asawa rin sa Saudi.

Napangiti si Digol. Ibang klase rin si Mayette. Pero kailangang pagbigyan niya dahil ito ang nagpapalamon sa kanila ni Troy. Mas mabuti naman ito kung magsayaw siya sa gaybar na nakabilad ang bird niya.

Alakdan (24) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 24, 2012 12:00 AM Comments (0)

NANG makaalis si Ma-yette, sinabi ni Digol kay Troy ang balak. Pero alam na ni Troy dahil nakikinig pala ito habang naghuhugas ng pinggan.

Hindi ba delikado yan, Digol. Baka mabuking ng asawa ni Mayette na dito siya pumupunta.

Gusto na raw niya e. Akala ko nga sabi niya e delikado, pero siya pala itong hindi makatagal. Grabe kasing hilig ni Mayette. Kung minsan naiisip ko nympho ang babaing iyon. Laging gusto ay magtalik kami. Naikumpara ko tuloy si Katrina sa kanya. Kay Katrina ang pakikipag-sex ay para maipakita at maipadama ang pagmamahal pero itong si Mayette, ay pawang katakawan lang. Hayok na hayok!

Nagtawa si Troy.

Ikaw na ang sumusuko.

Oo. Kung hindi nga lang malaki ang nahuhuthot ko sa kanya e ayaw ko na. Kaso, mahirap kumalas sa babaing iyon. Baka pulutin tayo sa kalye dahil walang matirahan. Mahirap kung basta-basta kakalas kay Mayette.

Kapag nagkaroon ako ng trabaho, maaari ka nang kumalas kay Mayette. Tapos, maghanap ka na rin ng ibang trabaho.

Napabuntunghininga si Digol.

Wala kasi akong tiya- ga kapag kakapiranggot ang suweldo. Nasanay ako na nakatatanggap nang malaki, Pinsan.

Hindi na nagsalita si Troy. Siguro rin ay dahil nasira na ang plano mula nang mawala si Katrina. Naapektuhan si Digol sa pagkamatay ng mabait na matrona. Ayaw nang magsikap pa at gustong kumita sa pagkalakal ng laman.

BANDANG alas-sais ng gabi, dumating si Mayette. Alam na ni Troy ang plano. Nagbihis siya. Kailangan niyang umalis para maisakatuparan ng dalawa ang plano. Pakikisamahan na lang niya ang dalawa. Wala siyang magagawa.

Inabutan siya ng pera ni Digol.

Manood ka muna ng sine Pinsan o kaya kumain ng hamburger. Saglit lang ito. Alam mo na yun, sabi ni Digol at kinindatan si Troy.

Tumango si Troy. Si Ma- yette ay nakangiti lang.

Lumabas na si Troy. Narinig pa niya ang pagkandado ng pinto ni Digol. Sinigurong walang ma-kakapasok habang may gi-nagawa sila ni Mayette. Sandali lang naman daw iyon sabi ni Digol.

Alakdan (25) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 25, 2012 12:00 AM Comments (0)

Mabutit hindi nagtanong ang asawa mo kung saan ka pupunta, Ma-yette?

Wala siya, Digs. Nagdala ng kung anu-anong package. Padala raw ng mga kasamahan niya sa Saudi. Tiyak na mamaya pa ang uwi nun.

Sigurado ka Mayette?

Oo. Yung package na dadalhin niya ay sa Laguna pa.

Ang layo!

Oo kaya nga mamayang hapon pa darating yun. Malayang-malaya tayo. Gusto ko nga sana sa magmotel tayo, Digs.

Huwag na. Dito na lang at baka may makakita pa sa atin. Di ba sabi mo, delikado.

Wala namang makakakita sa atin.

Mabuti nang sigura-do. Kung dito sa bahay ko, safe tayo.

Sige na nga.

Pero talaga bang hindi ka ginagalaw ng mister mo.

Ginalaw.

O e bakit sa akin din ang bagsak mo?

Wala nang excitement, matanda na. Mas okey talaga ang bata na gaya mo Digs. Sariwang-sariwa.

Nagtawa si Digol. Tala-gang matindi ang kaelya-han ng babaing ito. Kahit na mapanganib ang ginagawa e balewala basta malasap lang gusto niya. Hindi na makapagpigil. Pero naisip ni Digol, talagang kakaiba kapag nalasahan ang sausage niya. Hindi bibitawan hanggat hindi nagsasawa. Ang pintas nga lang niya kay Mayette ay talagang sex lang ang hanap. Kapag kailangan siya, kailangang matupad agad iyon. Kapag sinalakay ng kaelyahan, kailangang maganap ang gusto. At naisip niyang muli si Katri-na, ang babaing minahal niya pero kinuha agad sa kanya. Walang tatalo kay Kat.

Hindi na nagsayang ng panahon pa si Mayette. Agad naghubad. Naka-tingin lang at nakangisi si Digol. Talagang mahilig si Mayette. Pero kaya niyang tapatan ang hinihingi ng babae. Ibibigay niya nang ayos at buung-buo.

Sinimulan ni Digol ang seremonyas. Alam na alam niya kung paano gagawing instant baliw si Mayette. Kabisado na niya kung saan kakantiin ang babaing kahit may edad na ay patuloy pa ring masigla at lumalaban. Hanggang sa magdeliryo ang babae.

Digs..

Alakdan(26) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 26, 2012 12:00 AM Comments (0)

KABISADO na ni Digol si Mayette. Mahigit isang taon na rin silang may relasyon ng babaing ito. At sa tagal, hawak pa lang niya rito ay tila nakukuryente na ang babae.

Naalala niya nang unang makilala si Mayette. Nagkita lang sila sa Quiapo. Galing siya sa comfort room sa isang building na nasa harap ng Plaza Miranda. Nakasabay niya si Mayette sa escalator. Napansin niya na may bitbit na plastic na supot si Mayette na may lamang DVD. Nagkatinginan sila. Nagkangitian. Palibhasay may pang-akit sa kanya ang may edad na babae para bang naging magaan ang loob niya. Siguro rin ay dahil nang panahong iyon ay masama pa rin ang loob niya sa pagkamatay ni Mam Katrina.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at inunahan si Mayette pero nang lingunin niya, nasa likuran pa rin pala niya ito. Nagkangitian uli sila.

Iyon na ang simula. Nagkakilala na sila. At game pala. Ang asawa nga ay nasa Saudi raw. Ang maganda sa pagkikilala nila, may paupahang kuwarto pala ito sa may Dimasalang daw malapit sa bulaklakan sa Dangwa. Nagkataon na naghahanap siya nang mauupahang kuwarto. Nagsasayaw pa siya noon sa gaybar. Inalok siya ni Mayette. Pero alam niya, may motibo si Mayette.

Kinabukasan din lumipat siya sa kuwartong paupahan ni Mayette. Ito na nga ang kuwartong iyon. Doon na sila nagtalik ni Mayette. Sinustentuhan na siya. Pinatigil na nga siya sa pagsasayaw sa gaybar. Sabi ni Mayette, siya ang bahala. E di sige. Basta raw lagi silang magkasama. Para siguro masolo na siya nang todo. Naisip naman ni Digol, mas mabuti nang pumatol siya sa matandang babae kaysa sa bakla. Ayaw niya sa bakla.

Isang taon na ang nakararaan at hanggang ngayon, umaasa siya kay Mayette. Mas mabuti naman ito kaysa magnakaw.

Nakangiti si Mayette habang nagpa-panty. May kislap sa mga mata.

Okey ba, Mayette?

Kailan ka ba hindi naging okey?

Baka kasi hindi ka na nasasarapan...

Masarap yata. Kita mo ngat kahit delikado e nagawa kong makipag-ano. Okey ka nga kasi.

Nang aalis na si Mayette, inabutan ng pera si Digol. Makapal.

Dinagdagan ko yan.

Salamat.

Bubuksan na ni Digol ang pinto nang maalala ang pinakikiusap na trabaho.

Yung pangako mo kay Troy. Baka may kilala kang naghahanap ng messenger.

Oo sige. Akong bahala. Bukas uli ha?

Tumango si Digol.

HINDI natulungan ni Mayette si Troy para makakuha ng trabaho. Sa sariling sikap din ni Troy kaya nagkatrabaho. Tuwang-tuwa si Troy nang ibalita sa pinsan na natanggap siyang bagger sa supermarket.

Alakdan (27) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 27, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAGGER ka Pinsan?

Oo Digol.

Magkanong suweldo?

Minimum lang siyempre pero pagtitiyagaan ko.

Mga mahigit P300 ba yun isang araw?

Oo baka ganun. Pero kahit na okey na sa akin. Ang mahalaga e may kinikita ako. Nakakahiya na pinakakain mo ako.

Okey lang naman sa akin dahil nandiyan si Mayette. Kanina binigyan ako ng limang libosa sunod baka mas malaki pa. Iyon nga lang gasgas na itong si Peter ko.

Nagtawa si Troy.

Sige kung gusto mong magtrabaho, e di sumige ka. Kapag nahirapan ka e di magpahinga ka.

Isa pa kaya gusto kong magtrabaho e gusto kong magpadala ng pera kina Inay. Kakaawa naman na walang panggastos.

Napatangu-tango si Troy.

Wala ring nagawa si Mayette sa iyo, Pinsan. Lagi kong sinasabi na ipasok kang messenger dun sa kaibigan niyang may-ari ng placement agency e puro pangako lang. Ibang klase rin si Mayette. Mangangako tapos hindi tu-tuparin

Hayaan mo na Digol. Baka wala lang bakante kaya hindi ako makapasok. Okey naman sa akin ang bagger. Kapag nasanay na ako e di mag-aaplay ako sa mas maganda-ganda. Tapos mag-aaral ako

Sige lang Pinsan. Baka nga yan ang destiny mo. Ako dito na lang muna. Pero kapag nakakita uli ako ng katulad ni Katrina, baka magbago ako ng pananaw

Talagang hindi mo malimutan si Mam Kat

Sabi ko sayo, matindi ang pagmamahal ko sa babaing iyon.

At si Mayette e palipasan lang?

Oo. Hanggat may na kukuha ako kay Mayette, e di sa kanya muna. Pareho lang kaming nakikinabang.

Pero mag-ingat ka rin Digol at baka makahalata ang asawa ni Mayette.

ta ang asawa ko!

Alakdan (28) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 28, 2012 12:00 AM Comments (0)

PAANONG nakahalata? Tanong ni Digol na tila naalimpungatan pa sa biglang pagdating ni Mayette.

Saan daw napunta yung malaking halaga na ipinadala niya sa akin para pambayad ng amelyar ng lupa namin sa Marinduque. E sabi ko ibinayad ko at yung iba ay ginastos namin ng kanyang anak. Ibinayad sa

Meralco, tubig, bumili ng laptop at cell phone ang anak niya. Pero nagdududa. Kung anu-ano pa ang tinatanong

O e bakit ako aalis e hindi naman niya alam na nanlalaki ka at ako ang lalaki mo? Kaya nga hindi na tayo lumalabas ng bahay e para safe.

Nakakahalata na siya Digs, maniwala ka sa akin.

Paano ngang nakakahalata?

Sabi niya, nasa tabi-tabi lang daw ang pinagkagastusan ko ng pe-rang padala niya. Madali lang naman daw niyang malalaman. Magugulat na lamang daw ako sa gagawin niya. Kaya ako natakot, Digs. Umalis ka muna

Nag-isip si Digol. Delikado nga kung ganoon. Baka isang araw na lamang ay biglang may pumasok dito sa kuwarto at barilin o saksakin siya. Hindi pa naman niya kilala o nakikita ang itsursa ng asawa ni Mayette. Baka masalubong niya ito ay bigla na lamang siyang undayan ng saksak o kayay barilin siya.

E saan ako titira?

Bahala ka munang maghanap. Bibigyan kita ng pera. Maski isang buwan ka lang na mawala rito. Isang buwan lang naman at aalis na rito ang inutil kong asawa.

Akala ko ba sabi mo hindi na siya aalis?

Nagbago ang isip. Sira na nga ang ulo.

Di mabuti nga kung aalis para tuloy ang ligaya natin.

Basta umalis ka muna rito. Eto ang pera. Mamayang gabi sumibat ka na.

Teka e paano ang pinsan kong si Troy?

Dito lang siya. Hindi naman siya kasali sa affair natin. Basta ikaw lang ang umalis.

Sige. Dagdagan mo itong pera. Baka naman karampot lang eto e magutom ako. Paano kita mapapaligaya kung walang laman ang tiyan ko.

Oo. Eto na ang dagdag. Basta wala ka na rito bukas.

Sige.

Umalis na si Mayette-.

Kinagabihan, na-gulat si Troy nang magpaalam si Digol.

Bahala ka na muna rito, Pinsan. Aalis lang ako

Alakdan (29) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 29, 2012 12:00 AM Comments (0)

TEKA Digol, paano ako kung aalis ka?

Safe ka rito. Ako lamang ang aalis dahil ako lamang ang may atraso.

Naguluhan si Troy sa sinabi ni Digol. Ikinuwento ni Digol na delikado siya sa asawa ni Mayette kaya kailangan muna niyang umalis. Nakakahalata na raw at mukhang may masamang balak.

Kaya dito ka muna. Mga isang buwan lang siguro, Pinsan. Kapag umalis na ang hinayupak na asawa ni Mayette, balik uli ako rito.

Hindi kaya ako ang upakan ng asawa ni Mayette, Digol.

Nagtawa si Digol.

Wala naman sa itsura mo ang nambabarurot ng may asawa kaya huwag kang matakot. Ang katulad ko lang ang may karapatang mambarurot, Pinsan, he-he-he!

E bakit ngayong gabi ka aalis? Bakit hindi bukas ng umaga?

Sabi ni Mayette ngayon na raw ako umalis para hindi na ako abutan sakali at topakin ang asawa niya. Binigyan na ako ng pera kaya go na ako ngayon.

E saan ka titira?

Marami diyan, Pinsan. Sanay naman akong matulog kung saan-saan.

Uupa ka ng kuwarto?

Oo. Baka doon sa dati kong tinirahan sa Soler sa Sta. Cruz.

Sige Pinsan, ingat.

Bahala ka na muna rito, ha?

Umalis na si Digol. Isi-nara ni Troy ang pinto. Kahit na sinabi ni Digol na huwag siyang mangamba dahil hindi naman siya ang nakialam kay Mayette, kina-kabahan pa rin siya. Paano kung mapagkamalan siya ng asawa ni Mayette.

Masyadong delikado ang pinasok ni Digol. At pati siya ay delikadong madamay. Mag-iingat na lang siya.

KINABUKASAN, wala namang napansing kaka-iba si Troy. Pumasok siya sa trabaho ng umaga at umuwi sa hapon na wala namang nangyaring hindi maganda.

Sumunod na mga araw ay ganundin. Siguroy nag-iingat lang si Mayette kaya pinaalis muna si Digol. Kung wala nga naman si Digol dito, walang problema.

Pasado alas-sais ng gabi nang dumating si Troy sa bahay. Nagluto siya ng kakainin. Nagsaing at nagprito ng galunggong.

Kasalukuyan siyang nagluluto nang may kumatok sa pinto. Kinabahan siya. Baka ang asawa ni Mayette. Ganunman, binuksan niya. Si Mayette pala. Pumasok ito. Napansin ang niluluto niya.

Ang sipag mo naman Troy!

Alakdan (30)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 30, 2012 12:00 AM Comments (0)

ANONG niluluto mo Troy?

Pritong galunggong, Mayette.

Ay masarap yan. Tapos may sawsawang kamatis.

Oo.

Dumikit si Mayette kay Troy habang binabaliktad sa kawali ang galunggong. Naramdaman ni Troy ang umbok ng suso ni Mayette. Kunwari ay napaisod siya.

Namalengke ka?

Oo. Dun sa malapit sa deparment store na pinapasukan ko ay may talipapa. Paglabas ko kanina, bumili ako. Isang kilo lang naman. Mga tatlong araw kong ulam.

Mas marunong ka kaysa Digs. Si Digs puro pagsakay lang yata ang alamsabagay kanya-kanyang diskarte yan Pero ikaw yata e kakaiba ano?

Napangiti lang si Troy. Bakit parang tinabangan na yata si Mayette kay Digol.

Ay sorry nga pala Troy ha, hindi kita natulungan sa paghanap ng trabaho. Kasi yung kaibigan ko sa agency nag-migrate na pala sa Canada.

Okey lang Mayette. Maayos naman ang trabaho ko.

Ano bang trabaho mo, Troy?

Bagger.

Yung nagsusupot ng pinamili?

Oo.

Magkanong suweldo?

Minimum lang.

Napangiti si Mayette.

E kung may mag-alok sa iyo na P1,000 isang gabi para lang magpaligaya, tatanggapin mo?

Nagtawa si Troy. Nakuha agad ni Troy ang ibig sabihin ni Mayette.

Ayoko.

Bakit?

Baka ano, baka ma-sabit ako?

Nagtawa si Mayette.

Bat ka masasabit?

Hindi sumagot si Troy.

May karanasan ka na ba, Troy?

Napalunok si Troy. Ano ba itong si Mayette at kung anu-ano ang itinatanong.

Alakdan (31) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated March 31, 2012 12:00 AM Comments (0)

PARANG takot na takot ka Troy. Tinatanong lang kita kung may karana-san ka na e parang nabahag ang buntot mo?

Ha e kuwan

Pero hindi na nata- pos ni Troy ang sasabihin dahil biglang tumunog ang cell phone nito na nasa bulsa. Mabilis na dinukot. Sinagot ang tawag.

Hello? Hello? O Daddy, bakit?

Nagsalita ang nasa kabilang linya.

Narito ako sa tindahan, Daddy bumibili ako ng load. Pabalik na ako.

Nagsalita uli ang nasa kabilang linya. Sumagot si Mayette.

Hindi naman ako matagal. Pabalik na nga ako. O sige!

Tapos ang usapan.

Buwisit na lalaking yun. Akala mo e ilang araw na akong nawala, sabi at tumingin kay Troy. Sige aalis na ako, Troy. Saka ko na lang uulitin ang tanong sa iyo.

Humakbang palabas si Mayette. Isinara ni Troy ang pinto. Nawala ang kaba niya nang makalabas si Mayette.

Delikado ang ginagawa ni Mayette. Tama ang sabi ni Digol na mahilig ang babaing iyon. Kahit may edad na ay gusto pang maki-pagrelasyon kung kani-kanino. At sa mas bata ang gusto.

Nakaramdam ng gu-tom si Troy. Nagsandok ng kanin. Naghiwa-hiwa ng kamatis at sibuyas. Binudburan ng asin. Ayos! Masarap ang hapunan niya.

Matapos kumain at hugasan ang pinggan. Nagbasa-basa ng diyar-yo. Inantok. Tuluyan na siyang natulog.

Kinabukasan, maagang nagising. Nagluto ng almusal. Galunggong na prito uli. Sina-ngag na kanin at kape. Masarap na almusal. Naligo pagkatapos. At saka pumasok sa department store. Ma-gaan na magaan ang pakiramdam niya.

Nang umuwi siya ng hapon na iyon, may napansin siyang kakaiba sa bahay. Parang may nakapasok. Naiba ang posisyon ng silya. May nakita siyang bakas ng sapatos sa sahig. Maalikabok. Kinabahan si Troy. Baka nasa loob pa ang tao. Hindi kaya ang asawa ni Mayette. Sinusubaybayan ito. Humanda si Troy. Baka siya ang inaakalang kalaguyo.

Alakdan (32) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 01, 2012 12:00 AM Comments (0)

INIISIP ni Troy ang taong nakapasok sa loob ay ang asawa ni Mayette at hinahanap si Digol. Nang sundan niya ang bakas ng sapatos ay pabalik-balik lang sa loob. Pero nang tigngnan naman niya ang kabuuan ng sala ay wala naman siyang makita. Humanda si Troy at baka nga ang asawa ni Mayette ang narito sa loob at bigla na lang siyang barilin o kayay saksakin.

Nang biglang makari-nig ng pagtawa si Troy. Tawa na parang nang-aasar. At nang tingnan niya ang pinagmulan ng tawa ay walang iba kundi si Digol. Nakasiksik ito sa may kama at nakatalukbong ng itim na jacket. Tumayo ito at lumapit kay Troy na halatang takot na takot.

Takot na takot ka Pinsan, he-he-he! Akala ko kakaripas ka ng takbo!

Bat narito ka na Digol? Paano ka nakapasok?

May susi ako, Pinsan.

Bakit bigla kang umuwi?

Hindi pa kasi ako binibigyan ng allowance ni Mayette. Nainip na ako sa kahihintay kaya pumunta na ako rito.

Baka matiyempuhan ka ng asawa ni Mayette.

Bahala na. Wala na akong panggastos e. Mahirap bumarurot kapag walang laman ang tiyan, Pinsan.

Baka naman hindi makaalis ng bahay nila.

Mahusay gumawa ng paraan ang makating babae, Pinsan. Kahit umulan o bumagyo, pupunta sa akin yan maidaos ang kakatihan.

Napatango na lang si Troy.

Pero hindi naman nag tutungo si Mayette rito, Troy.

Minsan nagtungo rito pero nangumusta lang, hindi na sinabi ni Troy na nilalandi siya ni Mayette at kung anu-ano ang tinatanong sa kanya.

Nagtataka ako kung bakit hindi ako pinupuntahan sa Soler ni Mayette. Alam mo ang pakiramdam ko Pinsan, may nakita na siyang iba kaya hindi niya ako pinupuntahan sa inuupahan ko.

Tahimik lang si Troy.

Alakdan(33) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 02, 2012 12:00 AM Comments (0)

PERO bago niya ako palitan, uubusin ko muna ang pera niya. Hindi ako papayag na basta iwan na lang at ibasura ni Mayette.

Baka naman busy si Mayette kaya hindi ka napupuntahan, Digol.

Ilang beses ko nang tinext, Pinsan. Ayaw akong sagutin. Naubos na nga ang load ko e. Palagay ko balak na akong palitan ng malibog na babaing yun...

Hindi makapagsalita si Troy. Hindi na niya ikukuwento kay Digol na nagtungo si Mayette at kung anu-ano ang tinatanong. Pati nga kung may karanasan na raw siya ay tinatanong pa. Wala siyang ikukuwento sa pinsan.

Pero maski ako ay nagsasawa na rin sa babaing yun. Wala lang talaga akong makitang maayus-ayos na matrona sa ngayon. Pero kapag nakakita na ako, sisipain ko na ang malibog na si Mayette. Mahirap din kapag ma-el ang babae. Kahit ayaw ko na, humihirit pa. Nakakaumay din Pinsan.

Nagtawa si Troy.

Teka pinsan, ikaw bay may karanasan na?

Napalunok si Troy. Hindi makatingin nang deretso kay Digol.

Palagay ko wala pa ano? Okey lang yan. Huwag kang magmadali. Huwag kang tumulad sa akin na maagang nalaspag. Nasa probinsiya pa ako. May edad na babae rin ang naka-una. Kaya siguro na- hirati ako sa mga matatandang babae. Biyuda yung kumana sa akin. Nag-inuman kami ng barkada ko noong high school. Natipuhan ako ng biyuda, e di sige. Tuwang-tuwa dahil sariwang-sari-wa ang nakuha niya. Minsan lang iyon. Ni hindi ko nga maalala ang mukha ng biyudang iyon

Tahimik lang si Troy.

Pero ang talagang maipagmamalaki ko, hindi ako nalawayan ng bakla. Ikaw din, Pinsan huwag kang papatol sa bakla.

Nasa kainitan ng pag-uusap nang biglang may kumatok. Natahimik ang dalawa.

Buksan mo, Pinsan.

Binuksan ni Troy. Si Mayette!

Bakit narito ka, di ba sabi ko sayo huwag ka munang pumunta rito dahil delikado

Nagpanting si Digol.

Hindi mo ako pinupuntahan e! Wala na akong magastos. Gusto mo na yata akong palitan e!

Alakdan (34) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 03, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAKABANTAY sa akin ang asawa ko, Digs. Hindi ako makaalis.

Bakit hindi mo sinasagot ang text ko?

Kinuha niya ang cell phone ko. Naghihinala nga siya. Mabuti at na-delete ko ang mga message mo.

Baka balak mo na akong palitan, Mayette. Okey lang sa akin.

Napalapit si Mayette kay Digol. Hinawakan sa braso.

Bat naman kita papalitan? Ang gusto ko lang e hwag kang mapahamak. Talagang delikado tayo sa asawa ko.

Natahimik si Digol. Ang madilim na mukha ay unti-unting nagliwanag.

Hindi kita papalitan, Digs. Kung papalitan kita e di sana noon pa. Kita mo ngat kahit andito ang buwisit kong asawa e pinipilit kong makipagkita sayo. Talaga lang mahirap makapuslit.

Medyo nawala na ang galit ni Digol sa sinabi ni Mayette.

Kailan ba aalis ang asawa mo?

Hindi ko alam. Aayusin daw muna ang lupa namin sa Marinduque. Malaki kasi ang nabiling lupa roon.

Sana umalis na para hindi na ako nangungupahan pa.

Oo nga e kaso ayaw pang umalis ng gagong asawa ko.

Natigilan si Digol. Pi-nagmasdan si Mayette. May napansin.

Ang seksi mo. Bagong paligo pa.

Siyempre naman.

Bakit ka nga pala narito, Mayette? Alam mo bang narito ako kaya ka nagpunta rito?

Tuliro si Mayette.

Ha? A e oo. Nasilip kita sa bintana namin. Kaya mabilis akong nagpunta rito.

E bakit gulat na gulat ka kanina nang makita ako?

Kasi nga nagtaka ako kung bakit narito ka. Ki-nabahan ako dahil yung asawa ko, laging nakatanaw sa bintana. Mabuti at kanina ay lumayo sa bintana

Napatangu-tango si Digol.

E di puwede tayo ngayon? Paalisin ko muna si Troy

Napangiti si Mayette.

Alakdan (35) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 04, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAKAHIYA naman kay Troy kung paaalisin mo siya Digs, sabi ni Mayette na nakasulyap kay Troy.

Sanay na yan. Bigyan na lang natin ng pampanood ng sine at ayos na yan

Puwede pa bang manood ng sine ngayon, Digs?

Bakit hindi e maaga pa naman.

Sige. Atat na atat ka na e.

Ikaw ba hindi?

Nagtawa si Mayette.

Akinang pera at ibibigay ko kay Troy para makapanood siya ng sine.

Dinukot ni Mayette ang wallet. Kumuha ng pera. Iniabot kay Digol. Nang makuha ni Digol, nilapitan si Troy.

Pinsan, lumabas ka muna sandali at aayusin ko lang si Mayette. Maraming utang ito sa akin eh. Etong pera, bahala ka kung saan ka pupunta. After 30 minutes, bumalik ka at ayos na yan. Pasensiya ka na Pinsan.

Okey lang Digol. Sandali at magpapantalon lang ako.

Magbilyar ka na lang o kayay kumain ng hamburger.

Bahala na Digol.

Nang makapagpan-talon, umalis na si Troy.

Nakangiti naman si Digol-. Isinara nang todo ang pinto.

O ready ka na, Mayette.

Sandali

Pumasok sa banyo si Mayette. Lumagaslas ang tubig sa gripo. Nakarinig ng buhos si Digol. Makaraan ang ilang minuto, lumabas na si Mayette. Tinungo si Digol at walang pangi-ming naghubad ng damit sa harap nito. Nakatitig si Digol sa katawan ni Mayette.

Hot na hot ka Mayette?

Ano pa?

Parang asong gutom?

Higit pa sa asong gutom.

Ang ganda mo pala kapag gutom, Mayette.

Ang dami mo namang sinasabi Digs. Ano bang hinihintay mo?

Hot Mayette ka talaga. Gusto mo, umpisahan na agad e wala pa sa kondisyon.

Anong gusto mong gawin ko?

Yung dating ginagawa mo.

A, gusto mo ang ganun, Digs?

Oo naman. Di ba gusto mo rin?

Hindi sumagot si Mayette, sa halip ay tuluyan nang inalis ang damit at saka hinarap si Digol-. Nagla-laway na si Ma-yette. Ibang klase ang nararamdaman niya kay Digol. Masarap mag-mahal si Digol-. Madali siyang maantig sa gina-gawa ni Digol. Ibang klase ang lalaking ito na kayang-kaya siyang pasukuin. Nalimutan na lahat ni Mayette ang mga isipin nang ipagkaloob ni Digol ang hinahanap ng kanyang katawan.

Nang matapos ang kanilang madaling pagniniig, kung anu-ano ang naisip ni Mayette.

Magsama na kaya tayo, Digol?

Nasisira ka na ba e di nawalan tayo ng pera. Anong ibibigay mo sa akin kapag hiniwalayan mo ang asawa mo?

May ipon naman ako, Digs.

Kulang yun. Ayaw ko ng konting ipon.

E di gagawa ako ng paraan para dumami ang pera

Alakdan (36) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 05, 2012 12:00 AM Comments (0)

HUWAG na, Mayette. Ayos na ang ganito.

Sige kung iyon ang gusto mo. Kaya nga sumunod ka sa akin kapag sinasabi ko sa iyong huwag ka munang mag-stay dito dahil delikado. Nakakahalata na ang asawa ko. Masamang magalit yun. May baril

Sumusunod naman ako di ba? Ikaw nga itong hindi sumusunod sa usapan. Napanghal na ako sa kahihintay sa iyo pero hindi mo ako dinadalaw

Masyasdo ka kasing mainipin. Nag-iingat lang ako at baka makahalata ang asawa ko e lagot tayo. Kapag nalaman niya, kahit saan ka magtago, hahanapin ka nun. Dating marines ang asawa ko bago nagtungo sa Saudi. Walang inaatrasan yun.

Napalunok si Digol sa sinabi ni Mayette. Delikado nga kung ganoon.

Kailangan umalis ka ngayon ding gabi at baka matunugan na narito ka e dito ka pa ratratin.

Oo sige aalis ako. Dagdagan mo ang allowance ko, Mayette.

Oo eto. Umalis ka na agad at natatakot akong baka may mangyari sa loob ng kuwartong ito.

Bakit ngayon mo lang sinabi na dating marines ang asawa mo?

E sa ngayon ko lang naalala e.

Binilang ni Digol ang perang ibinigay ni Mayette. Limang libong piso.

Dagdagan mo pa ng isang libo, Mayette. May bibilhin pa akong gamit.

Dinukot ang wallet sa bulsa. Humugot ng isang libo.

O eto. Sige na, umalis ka na at baka matiktikan na narito ka ay may masama pang mangyari.

Hihintayin ko lang si Troy, Mayette. May sasabihin lang ako sa kanya.

Sige. Siyanga pala, hanga ako sa pinsan mong si Troy, masyadong masipag. Paglabas ng traba-ho, naglilinis nitong bahay. Walang kalahati sayo Digol.

Masipag talaga si Troy. Mabuti nga at siya ang kasama ko rito sa bahay. Bukod sa masipag ay mabait pa siya.

May siyota na ba siya, Digs?

Wala. Hindi maru-nong manligaw e.

May karanasan na kaya siya, Digs?

Nagtawa si Digol.

Karanasan sa babae? Wala pa. Birhen na birhen pa si Troy. Bakit mo naitanong, mukhang may balak kang masama sa pinsan ko, ah.

Sira, anong akala mo sa akin, manyakis?

Nagtawa lang si Digol.

Pero si Mayette ay may naglala-ro sa isipan

Alakdan (37) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 08, 2012 12:00 AM Comments (0)

NANG dumating si Troy ay naghanda naman sa pag-alis si Digol.

Aalis uli ako, Pinsan. Ikaw na muna ang bahala uli rito. Siyanga pala, eto o itago mo o kaya ay ipadala mo sa nanay mo sa probinsiya.

Huwag na Digol. Sumusuweldo naman ako.

Bigay ko sayo yan. Nauto ko si Mayette kanina. Sabi ko may bibilhin ako kaya dinagdagan ang allowance ko.

Tinanggap ni Troy ang isang libong piso na iniaabot ni Digol.

Kailan ka babalik, Digol?

Hindi ko alam. Sigu ro kapag umalis na pa tungong Saudi ang asawa ni Mayette. Pero habang narito pa, sa labas mo na ako. May barll pala ang asawa ni Mayette dahil dating Marines.

Nakita mo na ba ang asawa ni Mayette?

Hindi pa pinsan pero ayon kay Mayette, malaki at siksik ang katawan. Maikli ang gupit.

Baka beterano sa Mindanao, ano?

Sigurado yun Pinsan. Kaya, medyo iiwas muna ako. Kaya lang naman ako nagpunta rito e dahil nga hindi ako pinupuntahan ni Mayette. Wala na akong pera. At iyon nga nag-iisip din ako na baka meron nang kinahuhumalingan si Mayette. Matindi kasi ang libog ng babaing iyon. Kahit medyo may edad na e grabe pa ang landi. Pinipiga nga ako nang husto

Sige Digol salamat dito sa isang libo. Ida-dagdag ko sa padala ko kay Inay.

Okey Pinsan. Ikaw na ang bahala rito sa kuwarto natin. Ingat ka.

Ingat din Digol.

Nang makalabas si Digol ay isinara na ni Troy ang pinto. Naisip ni Troy na namihasa na nga si Digol sa pagkita ng easy-money. Mas madali nga namang kumita kung magpapaligaya ng matrona. Ay

pinanindigan na ni Digol na huwag magtrabaho at umasa na lamang kay Mayette. Naitanong ni Troy, paano kaya kung magsawa na si Mayette kay Digol?

ISANG gabi, pagod na pagod na si Troy. Kaya matapos kumain ng hapunan, ibinagsak ang katawan sa higaan. Tulog agad siya. Plastado.

Pero nang sumapit ang madaling araw, na-alimpungatan siya sa-pagkat may taong nakapasok sa kuwarto. Nakiramdam si Troy.

Alakdan (39) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 10, 2012 12:00 AM Comments (0)

WALA namang makakaalam, Troy. Kaya nga pinaalis ko rito si Digol ay para anomasarili kita. Tapos ngayon, e pakipot ka.

Mahirap na Mayette. Baka malaman ni Digol.

Ay naku, ang hirap mo namang umintindi. Ako na nga itong sumisiguro na walang makakaalam e marami ka pang sinasabi.

Saka na lang Ma-yette.

Sus Ginoo!

Hindi kumibo si Troy. Basta ang alam niya, tama ang desisyon na huwag patulan ang panunukso ni Mayette. Ang kay Digol ay kay Digol at hindi niya dapat pakialaman.

Alam mo, Troy naaa-sar na ako sayo.

Sorry Mayette.

Hindi ko alam kung bakla ka o ano?

Hindi nagsalita si Troy. Kahit sabihan siyang bakla e ano, hindi naman totoo. Hindi naman mababawasan ang pagkalalaki niya kahit ilang beses pa siyang sabihan ng bakla.

Sige, hindi naman ako nagmamadali. Maari naman akong maghintay. Palagay ko, bibigay ka rin.

Nanatiling walang imik si Troy. Talagang hindi siya titigilan ni Mayette. Meron palang ganitong babae na masyadong mapilit. Akala ni Troy, sa sine lamang o sa nobela may ganito. Totoo pala. Siguro nga ay talagang malaki ang pagkagusto ni Mayette sa kanya. Siguro ay tala-gang may babaing gustong makatikim ng birhen. Kung ang mga lalaki ay gustong makatikim ng babaing birhen, ganundin naman ang babae.

Laking probinsiya ka kasi kaya takot ka pa ano, Troy. Sa probinsiya kasi ay mga konserbatib pa ang mga tao.

Napatango si Troy. Totoo naman ang sinabi ni Mayette.

Sige kung ayaw mo akong pagbigyan e sagutin mo na lang ako. Totoo ba talagang birhen ka pa?

Eto na naman.

Hindi ka pa nakakatikim, Troy?

Napilitan na si Troy. Para matahimik na si Mayette.

Oo. Hindi pa ako nakakatikim.

Tumarak ang mga mata ni Mayette.

Wow e di rosas-rosas pa yan? Sabi at humagikgik.

Tumango si Troy.

Puwede pahipo?

Napalunok na naman si Troy. Wala siyang pagsuutan. Mabuti pa yata ay sinabi niyang nakatikim na siya at laspag na. Baka sakali, hindi ganito kalupit manukso.

Sige na, Troy.

Pero hindi natuloy ang gusto dahil may biglang sumerena. Bumbero o pulis?

Ano yun? Tanong ni Mayette.

Sunog yata! Sabi ni Troy.

Alakdan (40) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 11, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAGMAMADALING nagtungo sa bintana si Mayette- at sinilip kung ano ang wangwang sa labas.

Bumbero nga! Putris may sunog yata!

Napasugod si Troy sa bintana at nakisilip. Nakita niya ang trak ng bumbero na walang tigil sa pagwangwang at nakasisilaw ang ilaw.

Pero kahit na may ganoong banta, naisingit pa rin ni Mayette ang nadaramang kaelyahan. Pasimpleng pinagapang ang kamay sa harapan ni Troy at sinalat iyon. Nagtagal doon.

Napapitlag si Troy nang maramdaman ang ligaw na kamay ni Mayette-.

Biglang napahagikgik si Mayette.

Aalis na ako, Troy. Baka lumaki ang sunog e delikado ang bahay ko.

Naiwan si Troy na parang natuka ng ahas. Nakalusot din si Mayette at nadama ang ha-rapan niya. Talagang hindi tumigil hanggat hindi naiisahan si Troy.

Sumilip uli si Troy sa bintana at nakita ang trak ng bumbero sa tapat. Waring nakaantabay sa sisiklab na sunog. Wala namang makitang usok si Troy. Baka false alarm lang. May dumating pang isang firetruck. Lalo nang napuno ng wangwang ang lugar. Lalong nakakahilo ang paikut-ikot na ilaw ng firetruck.

Kinabahan si Lab na baka nga malapit ang sunog ay madamay ang kanilang tirahan. Hinagilap niya ang bag na may lamang damit at iba pang mahalagang dokumento. Kung may sunog, madali siyang makakaalis. Ililigtas niya ang sarili. Pero wala naman siyang nakikitang mga tao na nagkakagulo at naghahakot ng gamit. Baka nga false alarm lang.

Hanggang sa naging mahina ang wangwang ng mga fire truck. Maya-maya pa, sabay na umalis ang dalawang truck. Hanggang sa tumahimik. Saka lamang nakahinga nang maluwag si Troy.

Nagpasalamat naman siya sa mga bumbero. Kung hindi dumating ang mga ito ay baka nagahasa siya ni Mayette. Nahipuan nga siya ng maelyang babae.

Naisip ni Troy, isumbong kaya niya kay Digol si Mayette. Ipagtapat niya na wala na ang asawa nito at nagtungo na sa Saudi.

Pero natakot din si Troy. Kung isusumbong niya, baka palayasin siya ni Mayette. Nalito si Troy kung ano ang gagawin.

KINABUKASAN, papasok sa trabaho si Troy nang masalubong niya sa labasan si Mayette.

Papasok ka na, Troy?

Oo, Mayette.

Ingat ka, Troy. Ingatan mo yan, sabay nguso sa namumukol na harap ni Troy at saka ngumiti na may paglalandi.

Hindi nagsalita si Troy.

Siyanga pala, huwag mong sasabihin kay Digol na umalis na ang asawa ko ha?

Alakdan (41) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 12, 2012 12:00 AM Comments (0)

SINABAYAN ni Ma-yette sa paglalakad si Troy. Inulit muli na huwag sasabihin kay Digol na bumalik na sa Saudi ang asawa.

Kapag nalaman ni Digol na umalis na ang asawa ko, sigurado babalik na siya sa kuwarto nyo. Maaasahan ba kita, Troy na maililihim ang lahat?

Ano pa bang ma-gagawa ni Troy kundi ang tumango na lamang. Wala naman siyang kayang gawin sa ganoong pagkakataon. Naiipit siya sa nag-uumpugang bato. Kung ano man ang balak ni Mayette at ginagawa ang gayun ay hindi niya kayang tutulan. Pero iisa ang dahilan kaya ayaw ni Mayette na maka-balik sa kuwarto si Digol para magawa ang balak sa kanya. Natitiyak niya, hindi titigil si Mayette hanggat hindi natitikman ang suman niya.

Paano kung biglang dumating si Digol sa bahay at magtanong?

Hindi yun pupunta dahil marami akong binigay na pera. At saka takot yun dahil sinabi kong ex-Marine ang asawa ko.

Totoo nga bang ex-marine ang asawa mo, Mayette?

Nagtawa si Mayette.

Hindi. Sinabi ko nga lang yun. Yung asawa ko, pumatay lamang ng ipis ay nadidiri pa. Lalambut-lambot ang asawa ko. Sinabi ko nga lang na tigasin para matakot si Digol.

Ibang klase talaga si Mayette. Gagawin lahat para makamtan ang gusto kahit pa maglubid ng buhangin. Kawawa naman ang asawa na nagpapakamatay sa Saudi.

Pero sabi mo raw may asawa ang mister mo sa Saudi.

Iyon ang hinala ko. Saka nagtataka nga ako kung bakit hindi ako ginagalaw. Palagay ko nga may babae.

Nang malapit na sa sakayan ng dyipni si Troy ay nagpaalam na si Mayette.

Ingat ka Troy. Ingatan moyan, at inginuso ang harapan ni Troy. Nagtawa.

ILANG araw ang lumipas. Naglalaba si Troy nang dumating si Mayette. May bitbit.

Troy, isukat mo nga itong shirt. Imported ito.

Bantulot si Troy.

Sige na. Bagay sayo ito. Para naman maiba ang suot mo. Halatang iilan lang ang damit mo e.

Kinuha ni Troy ang shirt.

Alakdan (42) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 13, 2012 12:00 AM Comments (0)

ISUKAT mo, Troy. Bagay sa iyo yan. Imported yan, sabi ni Mayette.

Atubili si Troy kung isusukat o hindi ang t-shirt.

Sige na isukat mo.

Tumalikod si Troy kay Mayette.

Sus tumalikod pa e tayo lang namang dalawa ang narito at saka shirt lang ang huhubarin.

Hinubad ni Troy ang suot na damit. Nang mahubad ay dinampot naman ang regalong shirt ni Mayette. Nakatalikod pa siya kay Ma-yette. Isusuot na niya ang bagong shirt nang magsa- lita ui si Mayette.

Humarap ka nga rito. Para ka namang babae kung magbihis.

Napilitang humarap si Troy.

Ayyy may pandesal ka pala sa tiyan!

Nahiya tuloy si Troy.

Mas maganda talaga ang katawan mo kaysa kay Digol. Siya walang pandesal sa tiyan, puro kanin ang nasa tiyan niya, he-he-he !

Isusuot na ni Troy pero humirit pa si Mayette.

Pahipo nga ng pandesal, sabi at dinama ang tiyan ni Troy. Pinisil-pisil ang anim na pandesal. Ayyy ang tigas-tigas!

Nang matapos ang panggigigil ay ipinasuot na ang bagong shirt.

Wow, bagay na bagay sa iyo.

Baka pagnakita ni Digol ay itanong kung kanino ga-ling.

Sabihin mo, binili mo.

Baka hindi maniwala.

Huwag mo nang problemahin yun. Mahalaga, may bago kang shirt. Poging-pogi ka, Troy. Mas guwapo ka kaysa, Digol.

Hindi nagsalita si Troy.

Basta kapag nagkita kayo, huwag mong sasabihin na wala na ang asawa ko.

Tumango si Troy.

Ang hindi inaasahan ni Troy ay nang may iabot pa si Mayette.

Ano ito?

Pera.

May pera ako, Mayette.

Itago mo. Kailangan mo yan. Hindi naman malaki ang suweldo mo kaya palagay ko kulang na kulang sayo.

Atubili si Troy kung tatanggapin. Pag tinanggap niya, baka singilin na siya at may mangyari sa kanila.

Alakdan (43) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 14, 2012 12:00 AM Comments (0)

SIGE na, tanggapin mo na Troy. Sige ka baka lumabo ang mata mo, sabi ni Mayette.

Pero

Hindi na nakatanggi si Troy sa iniaabot na pera ni Mayette sapagkat isiniksik na ito ng babae sa bulsa ng kanyang shorts. Nang maisiksik sa bulsa ay pasimpleng nag-extend ang kamay ni Mayette at inabot ang suman ni Troy.

O di ba? sabi at nagtawa si Mayette.

Baka malaman ni Digol na binigyan mo ako ng pera e masama ang isipin niya.

Ayan ka na naman. Paano niya malalaman e tayong dalawa lang nakakaalam nito.

Ayaw kong magkaga-lit kami ni Digol.

Hindi kayo magkakagalit dahil wala siyang malalaman. Basta ako ang bahala.

Natahimik si Troy.

Nang magpaalam si Mayette ay pasimpleng si-nanggi ang suman ni Troy. Nagtatawa nang lumabas.

Nang mapag-isa si Troy, naisip niyang hindi siya tatantanan ni Mayette hanggat hindi nakukuha ang kabirhenan niya. Tiyak na sa susunod ay mayroon uli itong ibibigay sa kanya.

Naalala niya ang sinik-sik na pera sa shorts niya. Dinukot niya. Two thousand pesos!

Malaking halaga na iyon sa kanya. Maaari niyang ipadala sa probinsiya para sa Inay at Itay niya. Malaking tulong sa mga magulang.

Isinukat muli niya ang t-shirt. Imported nga. Masarap sa balat. Ngayon lang siya makakapag-suot ng ganitong t-shirt.

ISANG araw, biglang sumulpot sa kanyang pi-nagtatrabahuhang department store si Digol. Hi-nintay ang paglabas niya. Niyaya niya sa isang pansitirya sa Sta. Cruz.

Mukhang okey na okey ka na Pinsan, sabi ni Digol.

Hindi naman, Digol. Siyanga pala bakit mo ako pinuntahan, me pro-blema ba?

Mangungumusta lang.

A akala ko, mayroon kang mahalagang sasabihin.

Napansin ni Digol ang suot na t-shirt ni Troy.

Ganda ng t-shirt mo, Pinsan, imported yan, ano?

Ha e oo.

Mahal sigurado yan.

Napalunok si Troy. Sa-bihin kaya niya na galing ang shirt kay Mayette.

Alakdan (44) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 15, 2012 12:00 AM Comments (0)

KUNG sasabihin ni Troy kay Digol na binigay ni Mayette ang t-shirt baka magalit ito. Kahit na pinsan niya si Digol hindi niya ga-nap na alam ang ugali nito. Baka may baltik ay magkaroon lamang sila ng dipagkakaunawaan. Saka na lang niya ipaliliwanag kay Digol ang mga nangyayari. Hindi ngayon na tila mainit ang ulo ni Digol.

Hinuhulugan ko sa opisina ang t-shirt na ito, Digol. Kinakaltas sa suweldo ko. Galing daw sa Customs ang mga ito

Aba okey yan. Bagay naman sayokapag binigyan ako ng pera ni Mayette bibili rin ako niyan. Palagay ko mga P3,000 yan ano, Pinsan?

Oo. Three thousand.

Dumating ang order ni-lang pansit at saftrink. Kumain sila.

Akala ko kung ano na kaya mo ako pinuntahan, Digol.

Wala. Naiinip na rin kasi ako sa inuupahan ko. Gusto ko na ngang bumalik sa bahay natin kaya kang kina-kabahan din ako sa asawa ni Mayette. Baka ratratin ako ng gagong iyon kapag nalamang ako ang kuma-kabayo sa asawa niyang malandi. Dati raw Philippine Marine ang asawa ng hinayupak na babaing yun!

Hindi nagsalita si Troy. Walang kamalay-malay si Digol na umalis na ang asawa ni Mayette at nasa Saudi na. Hindi rin Marine ang asawa ni Ma-yette. Sabihin na kaya niya ang totoo.

Pinsan kapag nakita mo nga si Mayette ay sabihin mo na makipagkita sa akin. Wala na akong panggastos. Sabi niya, pupungta-han ako nang madalas pero hindi naman tinutupad. Palagay ko, may nakitang mas guwapo kaysa akin ang gagang iyon.

Sige Digol. Kapag na-kita ko si Mayette, sasabihin ko ang bilin mo.

Kapag hindi ako nakapagtimpi baka

Napatigil sa pagkain si Troy. Delikado nga yata itong pinsan niya. Baka maghuramentado kapag nalaman ang ginagawa ni Mayette na pagsisinungaling at pamimilit sa kanya.

Alakdan (45) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 16, 2012 12:00 AM Comments (0)

HINDI ka naman siguro papalitan ni Mayette, Digol, sabi ni Troy.

Kabisado ko na ang babaing yun, Pinsan. Kung yung asawa niya na nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa Saudi ay tinaehan niya sa ulo, e di mas lalo na ako na kabit lang niya. Ibang klase ang libog ni Mayette, Pinsan. Gusto niya ay laging may bagong titikman. At minsan nabanggit niya, ano raw kaya ang lasa kapag baguhang lalaki ang gumalaw sa kanya. Ibig niyang sabihin, virgin ang gusto niyang gumalaw sa kanya. Sinabi iyon ng harapan. Ako naman ay nagtawa lang

Nakatingin lang si Troy. Ayaw niyang mag-comment. Pero totoo ang sinabi ni Digol na malaki ang pagnanais ni Mayette na makatikim ng first timer. Kaya pala walang tigil sa pagtatanong sa kanya ang malanding babae. Pinagnanasaan talaga siya. Kaya nang aminin niya na talagang wala pa siyang karanasan, lalo nang naging mahigpit ang pagnanais na matikman siya. At marahil, iyon ang dahilan kaya kung anu-ano ang inireregalo sa kanya. Hindi lamang damit kundi pati pera. Akalain ba niyang bibigyan siya ng dalawang libong piso!

Pero palagay ko, may sakit si Mayette, Pinsan?

Anong sakit, Digol? Halatang nangamba si Troy sa sinabing sakit.

Nymphomaniac yata ang tawag dun. Sobrang kati e. Akalain mong ang edad na iyon na malapit na yatang mag-60 ay hot na hot pa. Di ba nympho ang babaing masyadong hilig sa sex. Kung minsan, gusto ko nang umayaw kaya lang sayang naman ang perang ibibigay niya. At saka type ko rin naman kasi ang mga babaing may edad.

Palagay ko naman, hindi ka papalitan. Talaga lang sigurong hindi ka regular na madalaw ni Mayette dahil natatakot sa asawa.

Sana nga, Pinsan. Basta kapag nagkausap kayo, sabihin mong hinihintay ko siya. Huwag niya akong iiwasan o kaya ay pagtataguan. Baka magsisi siya

ILANG araw na hindi na-- kita ni Troy si Mayette. Nakahinga siya nang maluwag sapagkat walang mangungulit. Mabuti naman at walang iistorbo habang siya ay nagpapahinga.

Pero isang umaga na nasa loob siya ng banyo at maliligo, biglang dumating si Mayette. Kinatok nang kinatok ang pinto.

Troy! Troy!

Napilitan si Troy na buksan ang pinto ng banyo pero maliit lang ang iniawang niya. Sapat para lang masilip si Mayette. Ano naman kaya ang gustong mangyari ni Mayette?

Alakdan (46) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 17, 2012 12:00 AM Comments (0)

Bakit Mayette? Tanong ni Troy habang nakasilip sa awang ng pinto.

May itatanong lang. Bilisan mo dyan ano?

Inilapat uli ni Troy ang pinto. Nagmamadali siyang nagbanlaw. Nagpunas ng tuwalya at nang matuyo ang katawan ay nag-brief at saka nagshort. Binuksan ang pinto at lumabas.

Nasa may pinto pa pala si Mayette. Mabuti na lang at hindi nagpumilit na pumasok sa banyo. Mukhang masama ang mood. Hindi ngumingiti.

Bakit Mayette?

Sinabi mo ba kay Digol na nakaalis na ang asawa ko?

Hindi.

Bakit parang alam niya na?

Wala akong sinasabi sa kanya, Mayette. Di ba yun ang mahigpit mong sinabi sa akin.

Natahimik si Mayette. Nag-isip.

Nagkita ba kayo ni Digol, Mayette?

Oo. Pinuntahan ko siya sa inuupahan niya. Galit nga sa akin. Tapos ay sinabi na niloloko ko raw siya.

Nag-away kayo?

Hindi. Gusto ko ngang awayin na kaya lang baka kung ano ang mangyari. Nagsasawa na ako sa gagong iyon. Akala yata, masarap pa siya

Hindi makapagsalita si Troy. Mukhang seryoso si Mayette.

Talagang wala kang binabanggit, Troy?

Wala.

Baka hinuhuli lang ako ano, Troy?

Napatango si Troy.

Paano kaya ako makakakalas sa gagong iyon. Hindi na ako, nasisiyahan sa kanya

Naisip ni Troy, delikado kapag nalaman ito ni Digol.

Alakdan (47) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 18, 2012 12:00 AM Comments (0)

PERO naghinay-hinay rin si Mayette sa pagsasalita laban kay Digol. Parang nakapag-isip at nakiusap kay Troy.

Huwag mo nang mababanggit kay Digol ang sinabi ko, Troy. Na-asar lang ako dahil pawang paghingi ng pera ang inaatupag. Talagang tamad ang taong iyon. Hindi mo katulad na nagbabatak ng katawan. Ang inaasahan ay ang itit niya

Gustong magtawa ni Troy pero pinigil. Baka ma-galit si Mayette dahil ser-yoso ang pagsasalita nito.

Kaya nga nasabi ko kanina na parang tinatabangan na ako kay Digol. Siyempre kapag iisang putahe at luma pa ang lalantakan ay nakakasawa. Gusto ko naman ay bago at sariwa

Napalunok si Troy. Eto na naman ang mahirap na sitwasyon. Talagang hindi siya titigilan ni Mayetter hanggat hindi siya natitikman.

Nang tingnan ni Troy si Mayette ay nakatitig ito sa bukol sa harapan niya. Naasiwa siya. Kahit lalaki, asiwa talaga siya kapag may nakatingin sa umbok ng kanyang harapan.

Kaso, ang hirap mong ligawan, Troy. Ako na nga itong nagpapakita ng kaluluwa e balewala sayo. Pero hindi bale, hindi magtatagal at bibigay ka rin.

Hindi makapagsalita si Troy. Ibang klase ang babaing ito. Parang tama si Digol na maysakit si Mayette nympho raw ito. Masyadong mahilig sa pakikipagtalik.

Siguro naman hindi mo sinabi kay Digol na nililigawan kita. Sinabi mo ba, Troy?

Hindi.

Mabuti naman.

Magagalit tiyak yun.

Nagtawa si Mayette.

Kasi hindi niya matatanggap na mismong pinsan niya ang ina-aswang ko. Pumayag ka na nga Troy. Kahit minsan lang

Alakdan (48) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 19, 2012 12:00 AM Comments (0)

MATAGAL ko nang gustong makatikim ng birhen, Troy. Baka akala mo nagbibiro ako. Kahit ano, ibibigay ko sayo basta sa akin mo lang ilaan ang kabirhenan mo

Hindi na naman maka-pag-salita si Troy. Eto na naman ang mahirap na sitwas-yon para sa kanya. Talagang lahat ay gagawin ni Mayette para siya maangkin. Ganito pala ang isang babae kapag atat na atat sa isang birhen na lalaki.

Ano, Troy?

Kailangang magpasya si Troy. Idinahilan muli niya si Digol.

Delikado, Mayette. Nung huli kong makausap si Digol, galit siya. Sa tono ng salita niya, gaganti siya kapag mayroon ka raw kinuhang kapalit. Narinig ko pa nga ang pagdadait ng mga ngipin.

Maniwala ka roon. Kilala ko si Digol, duwag yun. Tandaan mo, hindi lahat ng alakdan ay may kamandag

Nag-isip si Troy. Matalinhaga si Mayette. Pati alakdan ay ginamit na halimbawa.

Galit nga siya Mayette.

O e ano kung galit siya. Wala lang pera yun kaya ganoon. E bat nang magkita kami at abutan ko ng pera e biglang tumiklop. Kilala ko si Digol, Troykilala ko na ang ugali niya.

Pero kahit pa Mayette, ayaw kong may maisumbat siya sa akin

Napairap si Mayette.

Ang hirap mo talagang ligawan, Troy. Siguro talagang napaka-pinkish at napakabango niyang tinatago mo kaya ang hirap mong mapa-oo. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking tumanggi sa babae

Hindi nagsalita si Troy.

Tila nainis naman si Mayette-. Biglang umalis.

MAKALIPAS ang isang linggo, nakipagkita na naman si Digol kay Troy.

Sa dating pancitiria sa Sta. Cruz sila kumain. Nagulat si Troy sa sinabi ni Digol.

May nakita na akong kapalit ni Mayette, Pinsan. Mas okey. Palagay ko, magkakasundo kami

Paano si Mayette?

Huwag mong sasabihin sa kanya, Pinsan.

Alakdan (49) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 20, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAKATWA na ang nangyayari, naisip ni Troy makaraang sabihin ni Digol na huwag sasabihin kay Mayette na mayroon na syang nakitang kapalit. At hindi bat ganito rin ang bilin ni Mayette sa kanya. Huwag daw niyang sabihin kay Digol na umalis na ang asawa at huwag ding sabihin ang ginagawa nitong panliligaw sa kanya.

Parehong naglolokohan ang dalawa.

Paano kung malaman ni Mayette na mayroon ka nang bago, Digol?

Paano niya malalaman ay hindi naman regular ang pagtungo niya sa kuwarto kong inuupahan?

Pero kahit mayroon ka nang bago e patuloy pa rin kayo ni Mayette?

Oo. Hahayaan kong siya ang kusang bumitaw, Pinsan. E di hindi na niya ako masisisi, di ba dahil siya ang umayaw.

Napatango na lang si Troy. Hindi bat ganito rin ang plano ni Mayette. Plano ni Mayette, hindi na gaanong bibisitahin si Digol hanggang sa mainis ito at tapos ang problema nila.

Basta huwag kang magsasalita kahit ano, Pinsan. Basta doon ka lang sa bahay. Hindi ka naman paaalisin nun.

Yan nga ang ikinatatakot ko, Digol. Baka wala na akong tirahan.

E di gusto mo magpatikim ka kay Mayette. Palagay ko masama ang tama sayo ni Mayette libog. Baka takam na takam sa iyo dahil virgin ka pa, he-he-he.

Hindi nagsalita si Troy. Totoo ang sinabi ni Digol na takam na takam nga si Mayette sa kanya.

Kung magpabinyag ka kaya kay Mayette, Pinsan, he-he-he!

Napangiti lang si Troy.

Wala namang mawawala sayo. Mas mabuti yun kaysa sa bakla

Hindi ko type ang matanda, Digol.

Napatangu-tango si Digol.

Sabagay. Ako lang naman yata ang mahilig sa matrona. Ewan ko ba, Pinsan.

E itong pinalit mo kay Mayette, matrona rin.

Oo. Pero palagay ko, dito ako magtatagal, Pinsan. Tinamaan na naman ako. Parang nabuhay ang dati kong nakarelasyon noon na si Katrina. Kapag nakita mo ang bago kong karelasyon, baka huma-nga ka, Pinsan.

Alakdan (50) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 21, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAPAKA-BILIS namang maghanap ni Digol ng bagong gagatasan.Paano iyon nagawa ni Digol, e nagkikita pa rin naman sila ni Mayette?

Paano mo nakilala ang bagong matrona, Digol?

Sa Carriedo, bumibili ako ng shades nang makatabi ang babae. Unang tingin ko pa lang sa kanya e tinamaan na agad ako. Hindi tipong malandi na kagaya ni Mayette. Mahinhin siya. Nagtanong sa akin kung puwede raw palagyan ng grado ang napiling sunglass. Sabi ko puwede. Maraming optical shop na naglalagay ng grado sa sunglass.

Nagkakilala na agad kayo Digol?

Oo, Pinsan. Alam mo naman ako, basta gano-ong sitwasyon ay mabilis. Sinabi kong maraming optical shop sa Paterno St. Kung gusto niya sasamahan ko siya. Aba, pumayag. Hindi raw niya kasi alam ang Paterno St.

Sinamahan mo?

Hindi pa Pinsan. Sa ibang araw na lang daw. Tinanong ko kung paano ko siya masasamahan. Tatawagan o iti-text niya ako. Kinuha niya ang cell number ko.

Akala ko ng araw ding iyon ay nagkaroon na agad kayo ng relasyon.

Hindi Pinsan. Itong babaing nakilala ko ay hindi tipong easy girl. Ako nga ang naiilang. Kasi mukha nga siyang edukada at tipong pasensiyosa.

Anong pangalan?

Sue ang nickname. Ang totoong name ay Consuelo.

Ano biyuda?

Oo. Dalawa ang anak.

Matagal nang biyuda?

Mga sampung taon na raw.

Kailan kayo magkikita?

Hinihintay ko ang tawag at text niya. Pero palagay ko, dito na ako magseseryoso, Pinsan.

Paano nga si Mayette, Digol. Baka pagnalaman ay magwala yun.

Hayaan mo siya. Tinatabangan na ako sa malibog na babaing yun. Gusto ko sa desente na katulad nitong si Sue.

Mukhang totohanan na yan, Digol.

Baka nga Pinsan.

Talagang type mo ang may-edad, Digol?

Oo. Hindi ko talaga ma turuan ang sarili ko na umibig sa kasinggulang ko. Basta ang gusto ko ay matrona

Sabagay kanya-kanyang tipo. Ako hindi ko yata kayang makipagrelasyon sa matanda, Digol..

Huwag kang magsali-ta ng tapos, Pinsan. Baka may matronang maganda na maghubad sa hara-pan mo ay biglang tumindig yang nasa harapan. Siyempre lalaki ka at may libog. Baka pagnaka-bu-yangyang na ang tahong ay mabilis mo itong sisirinha-ha-ha.

Hindi nagsalita si Troy pero nakangiti lang sa sinabi ng pinsan.

Basta ang usapan natin, Pinsan, huwag mong isusumbong kay Mayette ang tungkol sa bago kong matrona. Basta tahimik ka lang. Maasahan ba kita Pinsan.

Oo naman.

Kapag tinukso ka ni Mayette, pagbigyan mo kahit minsan. Okey lang sa akin

Umiling si Troy.

MAKALIPAS ang ilang araw. Naglilinis ng bahay si Troy, isang araw ng Linggo, nang dumating si Mayette. May dalang tuwalya.

Makikiligo ako, Troy puwede? Sira ang gripo namin.

Alakdan (51) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 22, 2012 12:00 AM Comments (0)

HINDI ko pa nalilinis ang banyo, Mayette. Inuuna ko muna kasi ang paglalampaso sa sahig at ang paghuhugas ng pinggan. Nakakahiya ang banyo, sabi ni Troy.

Kahit na marumi, gustung-gusto ko nang maligo e.

Lilinisin ko muna, Mayette.

Huwag na Troy.

Kasi nakakahiya.

Okey lang. Sira lang kasi ang gripo sa bahay kaya dito ako makikipaligo.

Tumango na lang si Troy. May magagawa ba siya?

Nagtungo na sa banyo si Mayette. Narinig niya na binuksan ang gripo at bumagsak ang tubig sa malaking timba.

Hindi naman siya ma-ka- katutol sa gusto ni Ma-yette dahil ito ang may-ari. Pero sa isip ni Troy, may balak si Mayette kung bakit doon makikipaligo. Kung matinong babae si Mayette hindi siya makikiligo sa ibang banyo kahit pa sa pinauupahan niyang kuwarto.

Pero nagpakahinahon si Troy. Kung anuman ang binabalak ni Mayette sa kanya ay paghahandaan niya. Baka naman mali siya sa iniisip. Baka naman talagang sira ang gripo sa kanila kaya makikipaligo.

Ano kaya at habang na- liligo si Mayette ay lumabas siya ng bahay at pu-munta sa tindahan sa kan- to at kunwari ay may bibilhin. Makakaiwas siya sa anumang balak ni Mayette.

Maya-maya ay bumukas ang pinto, sumilip si Mayette. Hubad na.

Troy, wala bang trangka itong pinto ng banyo.

Wala. Pero may tali ang pinto. Higitin mo at saka itali sa pako para hindi bumukas.

Okey salamat.

Inilapat na ni Mayette ang pinto. Hindi alam ni Troy kung sinunod ang sinabi niya.

Hanggang sa marinig niya ang pagbubuhos ni Mayette. Sunud-sunod ang buhos. Tila nga nainitan nang husto si Mayette kaya sabik na sabik sa paliligo.

Ipinagpatuloy ni Troy ang paglalampaso sa sa-hig. Nagtatalo ang isip niya kung lalabas ng bahay at magkukunwaring may bibilhin. Baka naman mali ang iniisip niya kay Mayette.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

Nang bigla ay marinig niya ang sigaw ni Ma-yette. Gulantang si Troy

Alakdan (52) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 23, 2012 12:00 AM Comments (0)

SUMUGOD si Troy sa banyo.

Bakit Mayette?

Troy! Troy!

Biglang bumukas ang pinto at nakita niya si Mayette, hawak ang tuwalya na bahagya nang naitakip sa hubad na katawan. Halatang hinablot ang tuwalya. May itinuturo si Mayette sa loob ng inidoro.

Troy may bubuwit! Bumagsak mula sa kisame.

Nakita ni Troy na lu-malanguy-langoy ang bubuwit sa inidoro.

Patayin mo, Troy! Patayin mo!

Pero kalmado lang si Troy. Para bubuwit lang e natakot na. Wala siyang balak na patayin ang bubuwit.

Patayin mo Troy!

Mamamatay din yan, Mayette. Malulunod yan.

Pero ayaw pumayag ni Mayette na hindi niya patayin ang bubuwit. Ang ginawa nito ay yumakap sa kanya. Nabasa ang damit niya sa pagyakap ni Mayette. Nadama niya ang malalaking suso ni Mayette nang bumundol sa likod niya. Nadama niya ang kaangkinan ni Mayette sa dakong puwitan niya.

Sige na Troy patayin mo ang bubuwit!

Walang nagawa si Troy kundi sundin si Mayette.

Teka at kukuha ako ng pamalo.

Pero ayaw kumalas si Mayette sa pagkakayakap sa kanya. Ang mga suso ay lalo pang idinikit sa likuran niya. Parang may malaking marshmallow na nakadikit sa likuran niya. Ang kaangkinan ay lalo pang idinikit.

Teka Mayette pa-ano ko mapapatay ang bubuwit e nakayakap ka?

Lumuwag ang pagkakayakap ni Mayette. Hinayaan siyang luma-bas ng banyo para ma-kahanap ng pamalo. Lumabas din si Mayette sa banyo at sumunod kay Troy. Nadampot ni Troy ang walis tambo at ang handle niyon ang pinampalo sa bubuwit. Nahagip ang bubuwit. Patay.

O patay na ang bubuwit.

Pero nakatingin lamang si Mayette na para bang may kaka-ibang naiisip sa sanda-ling iyon.

Alakdan (53) Ni ROnnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 24, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATAY na ang bubuwit, Mayette. Huwag ka nang matakot.

Itapon mo, Troy. Nandidiri ako sa bubuwit.

Mamaya ko na lang itatapon.

Itapon mo na nga-yon.

Sumunod si Troy. Itina-pon ang bubuwit sa labas.

Naitapon ko na.

Sigurado kayang wala nang babagsak na bubuwit, Troy?

Wala na. Puwede ka na uling maligo, Ma-yette.

Hindi ko isasara ang pinto, Troy.

Sige kung yun ang gusto mo.

Bantayan mo nga ako Troy. Sige na, baka kasi may bumagsak na bubuwit.

Wala nang bubuwit na babagsak.

Basta Troy, bantayan mo ako. Dito ka lang sa may pinto

Hindi na sumagot pa si Lab. Baka nga natatakot si Mayette sa bubuwit. Pero malakas ang kutob niya na mayroong iniisip ni Mayette.

Pumasok si Mayette sa banyo. Nang nasa loob na ay tinawag si Troy.

Troy, tingnan mo ito.

Nang tumingin si Troy, inalis ni Mayette ang pagkakabuhol ng tuwalya na nakakober sa katawan nito. Nang maalis ang buhol, biglang nalaglag sa paanan ni Mayette ang tuwalya.

Nakita ni Troy ang hubad na kabuuan ni Ma-yette. Malusog ang mga suso. Tila may pugad ng uwak sa pagitan ng mga hita. May korte pa naman ang katawan ng matrona pero halatang patungo na sa katandaan. Hindi mataba si Mayette at hindi halatang may-edad na.

Biglang binawi ni Troy ang pagkakatingin sa kabuuan ni Mayette.

Masama bang katawan ko, Troy?

Hindi sumagot si Troy. Nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kawalan.

Sagutin mo ako. Troy masama bang katawan ko?

Hindi naman.

O e bakit ayaw mong tumingin, Troy?

Walang sagot.

Sa inis ni Mayette ay biglang nagtapi ng tuwalya at lumabas ng banyo.

Hindi ko alam kung bading ka, Troy. Sayang kung bakla ka. Bakla ka ba, Troy?

Hindi. E bakit wala ka man lang yatang nadarama e halos kaluluwa ko na ang nakabilad at pinakikita sa yo. Gusto mo bumukaka pa ako sa harap mo?

Hindi ako bakla.

Patunayan mong hindi ka bading! Ipakita mo Troy.

Alakdan (54) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 25, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAKLA ka nga siguro, Troy. Kasi ang bakla, kahit daw ano ang gawin ng babae ay walang epekto. Pakiramdam daw kasi ng bakla e may matris din siya. At kaya ayaw mong ma-attract sa akin e dahil bakla ka. Bakla ka, Troy!

Hindi nga ako bakla! Sabi ni Troy na medyo may inis na ang boses pero hindi siya nagpahalata. Kapag nagpadala siya sa inis ay siya ang talo. At saka bakit nga ba siya maiinis ay hindi naman siya bakla. Wala sa lahi nila ang bakla.

Kung hindi ka bakla e di ipakita mo. Bakla ka! Ang gusto mo rin ay lalaki.

Hindi ako bakla!

Kung hindi ka bakla, patunayan mo sa akin. Ipakita mo na hindi ka bakla. Ipakita mong wala kang matris.

Sagad na si Troy. Hinayupak na babaing ito at talagang ayaw siyang tigilan. Hinahamon na ang pagtitimpi niya.

Ano, hindi ka makapagsalita diyan. Talagang bakla ka ano? Closet queen ba ang tawag doon, ha-ha-ha!

Sagad na talaga si Troy. Kailangan talagang turuan niya ng leksiyon ang babaing ito.

Hinagilap niya ang butones ng kanyang shorts. Ibinaba ang siper. Ibinukas at mula sa ilalim ng brief ay may inilabas. Dahan-dahan lang. Habang ginagawa iyon ay naka-tingin siya kay Mayette-. Si Mayette naman ay nakatunganga. Nakatutok ang mga mata sa bagay na inilalabas niya sa brief.

Nailabas niya ang nasa loob ng brief. Tila ahas na tulog ang kumawala sa loob ng brief.

Nang mailabas niya ang tulog na ahas ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Mayette.

Bakla pala ha? Sabi ni Troy.

Alakdan(55) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 26, 2012 12:00 AM Comments (0)

DAHIL sa paggambala sa natutulog na ahas ay nagising ito. Biglang lumaki. Tumayo. Ang ulo ay nagmistulang sa kobra na handang tumuklaw. Matikas na matikas sa pagkakatayo. Mayabang na mayabang ang porma.

Si Mayette ay walang masabi kundi nakatitig sa kobra. Maaamung-maamo ang mukha ni Ma-yette. Para bang handang pasakop sa kapangyarihan ni Troy. Nawala ang paghahamon sa mukha ng matrona na kanina lamang ay walang pakundangan kung lait-laitin at pagbintangang bakla si Troy. Ngayon ay pawang pagsuko ang nakalarawan sa mukha ni Mayette. Kahit ano yata ang hilingin dito ni Troy ay ibibigay.

Bakla ba ako, Mayette? Tanong ni Troy na ang tinig ay para bang sa isang mandirigma na nagwagi sa laban.

Hindi makapagsalita si Mayette. Iling lang ang ginawa.

Akala ko sabi mo e bakla ako?

Patuloy na pagsasalita ni Troy na hindi inaalis ang pagkakahawak s nagwawalang kobra.

Umirap si Mayette. Yung klase ng irap na para bang sinasabing ikaw naman, hindi na mabiro. Pagkatapos umirap ay muling tinutok ang tingin sa kobra. Tila ba hangang-hanga sa ulo ng kobra na pin-kish ang angking kulay. Halatang hindi pa sumusubo sa anumang laban ang kobra. Ganun ang inaasam niya. Ganun ang matagal na niyang pinapangarap.

Sasabihin mo pa bang bakla ako, Mayette? Tanong muli ni Troy.

Hindi na! Ito naman para hinamon ko lang e nagalit na Sagot ni Ma-yette na umirap na naman.

E di nagkakatindihan na tayo.

Opo. Hindi na po mauulit.

Hindi mo na ako kukulitin?

Hindi sumagot. Parang hindi payag sa sinabi.

Nang akmang itatago na ni Troy ang malaking ulo ng kobra ay sinansala siya ni Mayette.

Teka naman. Huwag muna, Troy.

Bakit?

Puwedeng anuhin ko.

Anong anuhin?

Yung ganun At binuka ni Mayette ang ma-kipot na bibig.

Napatawa lang si Troy sa hiling ni Mayette.

Sige na, Troy.

Alakdan (56) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 27, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAKLA ako di ba?

Muling sinabi ni Troy na para bang tinatakaw si Mayette. Hindi niya inaalis ang pagkakahawak sa matikas na kobra na ngayon ay center of attraction ni Mayette. Kailangan palang ipakita ang katibayan para mapasuko ang babaing may kakaibang libog at may kakulitan.

Eto naman, nakiki-usap na nga esige na naman, Troy.

Akmang itatago na ni Troy ang kobra pero nakatutol ang matrona.

Teka naman, Troy!

Bakit ba?

Ibibigay ko sayo ang lahat nang gusto mo, Troy. Basta ano lang, sa akin lang yan...

Nagtawa si Troy. Sabi na nga ba niya at magiging masakim na si Mayette. Sabagay, lahat ay nagi-ging masakim at ganid kapag gustong mapasa-kamay ang inaasam na bagay. At itong kanyang pinagdaramot ay mas higit pa yata sa ginto. Paano ngay wala pang nakakahipo at nakakalasa o nakakalaway. Bagumbago pa. Bihira na ang mga may ganitong katangian ngayon na na-preserba ang kabirhenan. Maski sa mga babae ay bihira na rin ang birhen. Mabibilang na ang birhen sa panahong ito. At ito ang dahilan kaya halos maglumuhod sa kanya ngayon si Mayette.

Lahat nang gusto mo, Troy. Kung binigyan ko nang napakaraming pera si Digol na pinsan mo, sa iyo ay ibubuhos ko na lahat. Marami pa akong pera baka akala mo. Puwede kong ipagbili ang lupa namin sa Marinduque

Nasisiraan na yata ng ulo si Mayette. O sadyang ganito lang ang taong masyadong obsessed sa isang bagay. Lahat ay gagawin para lang makuha ang gusto. Kahit pa makipagpatayan basta lang maisagawa ang balak.

Saka na lang Ma-yette.

Eto talaga.

Saka na lang.

Kahit hipo lang puwede.

Nag-isip si Troy. Pagbi-g-yan kaya niya. Para lang mabawasan ang gigil.

Sige.

Parang asong gutom si Mayette na dinakma ang kobra.

Hanggang doon lang. Nang mahipo ni Mayette ang kobra ay tinago na ni Troy sa lungga.

Alakdan (57) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 28, 2012 12:00 AM Comments (0)

PORKE alam mong atat na atat ako e tinatakaw mo pa lalo, sabi ni Ma-yette pagkatapos na mahipo ang king kobra. Para bang gusto pa niyang samyu-samyuin ang palad na inihipo sa kobra.

Nakangisi lang si Troy habang sinisi-per ang pinagtagu-an ng kobra. May kaunti nang yabang sa sarili niya. May pride na siya. Ganun pala ang nararamdaman kapag may napatunayan sa katulad ni Mayette.

Hinamon mo kasi ako. Ayaw ko kasing hinahamon, Mayette

Sana pinagbigyan mo na ako. Pinahipo mo na nga e. Lubusin mo na.

Saka na lang.

Lalo mo lang akong sinabik. Ngayon na sana.

Saka na lang.

Promise ha?

Oo. Wag ka lang makulit.

Maligaya na si Ma-yette.

Pero sa totoo lang, talagang iba yan kaysa kay Digol...

Naikumpara na agad ang king kobra.

Bakit naman?

Bilasa na yung sa pinsan mo. Kaya nga tinatamad na ako sa kanya. Hinihintay ko na nga lang na sabihin na ayaw na niya. Kapag sinabi niya, yun, maligayang-maligaya ako. Matagal ko nang gustong makawala sa hayup na iyon. Kaya ngayong may aasahan na pala ako sayo Troy e di okey lang kahit wala na ang bilasang si Digol

Kung ayaw mo na e di sabihin mo sa kanya. Baka magalit yun kapag bigla ka na lang umayaw.

Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, maligaya ngayon dahil may inaasahan na ako mula sayo...

ILANG ARAW ang nakalipas, bigla na namang dumating sa kuwarto ni Troy si Mayette. Galit na galit. Umuusok ang ilong.

Napakawa-lang-hiya ng pinsan mong si Digol!

Bakit?

Nakipaghiwa- lay na sa akin. Ayaw na raw niya! May nakita nang bagong matrona ang hayup. Pagkatapos huthu-tin ang pera ko, ganun na lang ang sasabihin.

O di ba gusto mo nang makipaghiwalay dahil bilasa na si Digol. Ano pang ikinagagalit mo?

Nasasaktan ako. Pagkatapos akong gatasan, iniwan na lang ako !

Sira nga yata si Mayette.

Alakdan (59) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 30, 2012 12:00 AM Comments (0)

Talagang hindi na nga siguro siya makakawala kay Mayette. At saka parang nakakadama siya ng awa sa babaing ito. Nasaktan dahil sa ginawa ni Digol at ito ay nada-dagdagan dahil sa pagtanggi niya.

Mas lalaking-lalaki kaysa sa pinsan mo, Troy. Sa tikas pa lang niyang ipinagdadamot mo, halatang mas marami kang idudulot na ligaya. Pero nahuhulaan ko na ang isasagot mo, hindi mo type ang matrona. Mas gusto mo ay bata at sariwa. Mas gusto mo ang kasing-edad mo, di ba, Troy?

Kanya-kanya namang tipo, di ba Mayette. Kung si Digol ay gusto ang may edad kaysa kanya, ako e iba. Gusto ko, kasing edad ko

Ang sakit mo namang magsalita. Bakit hindi mo ako subukan, Troy?

Eto na naman sila. Talagang doon bumabagsak ang usapan. Naiirita na rin siya. Ayaw siyang tigilan ng babaing ito.

Ang kulit mo naman, Mayette

Napamaang si Mayette. Nakatingin lang sa kanya. Para bang hindi inaasa- han na makakapagsalita siya ng ganoon. Nasaktan ang kalooban ni Mayette.

Umatras. Bumaling sa pintuan at saka nagmamadaling lumabas. Kinabig ang pinto at sumara.

Si Troy naman ang natigilan. Nag-isip. Bakit ba siya nakapagsalita nang ganoon? Bakit nairita agad siya.

Kawawa naman si Mayette. Nasaktan na nga ni Digol ay dinagdagan pa niya ang nadaramang kirot. Hindi niya masisisi si Mayette dahil malaki nga pagkagusto sa kanya. Mas lalo pang lumaki ang pagkagusto sa kanya mula nang maipakita ang katibayan na hindi siya bakla. Nadama pa nga ang katibayan.

Kawawa naman si Ma-yette. Masakit ang naramdaman dahil sa ginawa ni Digol.

Ano kaya ay pagbigyan niya ito? Kapag napagbigyan niya, umalis na lang siyang bigla sa bahay na ito.

Alakdan (60) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 01, 2012 12:00 AM Comments (0)

SAAN naman siya lilipat sakali at umalis siya sa bahay na ito? Iyon ang naitanong ni Troy sa sari-li. Mahirap maghanap ng mauupahang bahay. At saka kakarampot naman ang suweldo niya sa pinapasukang department store bilang bagger. Wala nang matitira sa kanya kung mangungupahan siya. Baka hindi na siya makapagpadala sa kanyang mga magulang sa probinsiya.

Pero naisip din naman niya, kung lagi siyang ma-tatakot at negatibo ang iisipin ay hindi siya makakaalis sa bahay na ito. At baka dumating ang panahon na tanggapin na rin niya ang alok ni Mayette. Magiging katulad na rin siya ni Digol na nasanay nang pumatol sa mga matrona at naghihintay lang ng bigay. Ayaw niya nang ganoon. Gusto niya, mayroong mangya-ring kakaiba sa buhay niya sa pamamagitan ng sariling sikap at pagpupunyagi. Mas masarap namnamin ang katas ng pinaghirapan.

Kung magagalit nang tuluyan si Mayette sa kanya dahil sa patuloy niyang pagtanggi rito, mas maganda. Hindi na siya mahihirapang uma-lis. Mayroon nang dahilan para tuluyang makawala sa babaing kakaiba ang kaelyahan.

Ilang araw na hindi nagpakita si Mayette kay Troy. Baka nga tuluyan nang nagalit sa kanya.

Ipinasya ni Troy na makipagkita kay Digol. Tinext niya ito. Mabuti at hindi nagbabago ng number si Digol.

Nagkasundo silang magkita sa isang mala-king mall.

Akala ni Troy si Digol lang ang makaka-meet niya, kasama pala nito ang bagong siyotang matrona.

Proud na proud si Di-gol nang ipakilala ang bagong siyota.

Pinsan si Sue, bago kong love, masaya ang boses ni Digol habang pinakikilala si Sue kay Troy. Sue si Troy.

Hi Mam Sue?

Hi Troy.

Maganda si Sue. Consuelo ang buong pangalan. Nahahawig sa babaing nakarelasyon ni Digol. Type talaga ni Digol ang balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok at tipong tahimik.

Naku e may date yata kayo, Digol e di saka na lang tayo mag-usap.

Ngayon na Pinsan.

Kakahiya kay Mam Sue.

Huwag mo nang tawaging Mam si Sue.

Sue na lang at bata pa naman yan.

Baka may lakad kayo ni Sue

Mag-usap tayo habang may binibili si Sue.

Sige.

Dun tayo sa food court. Pakakainin kita. Mukhang namamayat ka na Pinsan, he-he-he.

Nagtungo sila sa food court at si Sue naman ay sa department store.

Umorder nang mara-ming pagkain si Digol.

Mukhang marami kang pera, Digol.

Nagbenta ng ari-arian si Sue. Paldung-paldo ako ngayon, Pinsan.

Kaya pala masa-yang-masaya ka.

Nagtawa si Digol.

Teka ano bang sa-sabihin mo sa akin, Pinsan?

Tungkol kay Ma-yette, Digol.

Anong tungkol kay Mayette?

Masama ang tama sa akin, Digol

Alakdan (61) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 02, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAPANGISI si Digol sa si-nabi ni Troy.

Masama ang tama sa iyo ni Mayette Bogli, Pinsan?

Oo.

Anong problema? E di sagpangin mo. Magpabinyag ka sa kanya.

Hindi ko type Digol. Alam mo naman ako, mas gusto ko ang ka-edad ko.

E kung siya na ang lumalapit e bat hindi mo tukain.

Hindi ko nga type. Mahirap tumuka kapag hindi mo kursunada ang butil.

Napahagakgak si Digol. Napatingin tuloy ang magsiyota na nasa kabilang mesa.

Pag-aralan mo nang tumuka nang butil na mapakla, Pinsan. Lalaki ka naman at walang mawawala. Kung type ka ni Mayette, sigurado lahat ay ibibigay sa iyo

Katulad nang mga ibinigay sa iyo, Digol?

Hindi naman niya ako pinagsawa nang todo, Pin-san. Akala mo ba marami akong nahuthot kay Mayette? Nitong huli na nga e halos ayaw na akong puntahan sa nirerentahan kong kuwarto. Kaya nga hula ko, may bago na yung pinupuntirya. Teka, Pinsan.

Bakit Digol?

Hindi kaya ikaw ang pinupuntirya na noon pa kaya biglang tumabang sa akin?

Ewan ko Digol, nagsinu-ngaling si Troy.

Kasiy halatang-halata si Mayette na tumamlay sa pakikitungo sa akin. Kinukuwenta na pati ang mga binigay sa akin. Kaya naisip ko, siguroy ayaw na niya.

Pero di ba sinabi mo rin na talagang ayaw mo na rin sa kanya.

Kasi ngay naaamoy kong matabang na ang pa-kikitungo sa akin.

Napatangu-tango si Troy.

Patulan mo na, Pinsan. Para hindi ka paalisin sa bahay. Sayang din kung uupa ka pa. Kapag nagsawa ka e di iwan mo rin at bahala na siya sa buhay niya. Ganito lang naman ang buhay. Kaya lang mag-ingat ka sa asawa ni Mayette at dati raw Marine yun. Baka ratrarin ka habang nakapatong kay Mayette

Naniniwala si Digol na talagang marine ang asawa ni Mayette. Hindi alam na mukhang sakitin ang asawa ni Mayette at hindi raw makapatay ng ipis.

E ang bago mong siyota, kumusta? Tanong ni Troy. Nang mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang papalapit na si Sue.

Okey kami ni Sue, Pinsan. Mukhang magkakatagalan kami.

Papalapit na si Sue, Digol.

Ibang klase si Sue, Pinsan nakasuwerte ako!

Alakdan (63) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 04, 2012 12:00 AM Comments (0)

HANGGAT makakaiwas siya kay Ma-yette ay gagawin niya. Kung gipit na gipit na, saka na lang siya magpapasya. Pero sisikapin niyang makaiwas kay Mayette. Hindi niya type ang katulad ni Mayette na parang ina yata niya. Isa pa, wala siyang nadarama para kay Mayette. Hindi siya katulad ni Digol na malakas ang atraksiyon sa matrona. Hindi yata mabubuhay si Digol kung walang karelasyong matrona. Gaya ngayon na isang matrona na nagnga-ngalang Consuelo o Sue ang karelasyon. At mukhang nakatagpo na naman ng tunay na mamahalin si Digol. Mukhang su- suwertehin daw si Digol kay Sue. Baka raw matagal sila bago magkita ni Digol. Hindi na niya tinanong kung saan ito maninirahan. Hula ni Troy baka sa malayong probinsiya ito maglagi. Baka sa probinsiya ni Sue na ayon na rin kay Troy ay maraming ari-arian o mga lupain.

Nag-iisa na lang talaga siya sa kuwartong ito. Akalain ba niyang siya pala at hindi si Digol ang mananatili rito.

Pero hindi rin naikaila ni Troy na nakadama siya ng kalungkutan ngayong wala na si Digol sa kuwartong ito. Nasanay na siyang may kasama rito. Pero wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na nagkahiwalay na ang landas nila ni Digol.

ISANG linggo ang lumipas at hindi nakikita ni Lab si Ma-yette. Nagalit na nga yata sa kanya dahil sa pagtanggi niya sa alok nito.

Sinilip ni Lab sa bintana ang bahay ni Mayette na nasa tapat lamang ng tirahan niya. Dalawang palapag ang bahay ni Mayette. Isang tipikal na bahay iyon sa Sampaloc area.

Wala siyang ma-tanaw na tao sa bahay. Baka naman wala si Mayette kaya hindi dumadalaw sa kanya.

Alakdan (64) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 05, 2012 12:00 AM Comments (0)

KINABUKASAN, muling tinanaw ni Troy ang bahay ni Mayette. Wala pa rin siyang makitang tao. Baka maysakit si Mayette o baka naman nagbakasyon sa ibang lugar. Baka nag-Hong Kong. Baka inaasikaso ang lupa nila sa Marinduque. Minsan nabanggit ni Mayette na marami silang lupain sa Marinduque. Binili raw ng asawa. Para kapag nagretiro sa pagsa-saudi ay mayroong sasaka-hing lupa. Bukod sa mga lupain sa Marinduque ay may mga nabili pang lote rito sa Maynila at pinatayuan ng bahay at pinaupahan. Isa na nga rito ang tinitirahan niya ngayon na dating si Digol ang unang nakatira.

Minsan naman, nasabi ni Digol na may binentang lupa si Mayette at dahil sa katuwaan at pagkahumaling sa kanya ay binigyan siya nang mala-king pera. Iyon siguro ang dahilan kaya iyak nang iyak si Mayette makaraang maghiwalay sila ni Digol. Pagkatapos daw siyang huthutan ni Digol ay basta na lang sila nagkawalaan. Basta na lang siyang ibinasura at ipinagpalit sa ibang matrona.

Pero sabi naman sa kanya ni Digol noong min-sang magkausap sila, kusa siyang binibigyan ni Mayette kaya hindi niya ito hinuhuthutan. Hindi naman siya humihingi nang sobra-sobra rito.

Sinilip muli ni Troy ang bahay. Wala talaga siyang makitang tao. O baka naman style ni Mayette na huwag talagang magpakita sa kanya. Malay niya baka naghihintay si Mayette na usisain niya. Pero naisip ni Troy, nagkakamali si Mayette kung iyon ang iniisip nito. Hindi niya aalamin kung nasaan si Mayette. Hindi niya hahayaang magkaroon ng daan para magkaroon sila ng relasyon ni Mayette.

PERO kakainin pala ni Troy ang sinabi. Kaka-ilanganin pala niya ang tulong ni Mayette at wa-lang ibang paraan kundi ang puntahan ito sa bahay. Bahala na.

Kumatok siya sa gate ng bahay.

Mayette! Mayette!

Alakdan (65) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 06, 2012 12:00 AM Comments (0)

WALANG ibang ma-kakatulong sa kanya kundi si Mayette. Kakapalan na lang niya ang mukha. Bahala na ang kasunod.

Bumukas ang pin-to ng bahay ni Ma-yette. Nabuhay ang pag-asa ni Troy. May mahihingian na siya ng tulong para sa amang maysakit sa probinsiya. Nasa ospital ang kanyang ama.

Pero hindi si Ma-yette ang lumabas sa pinto kundi isang babae, na siguroy ka singgulang din niya. Maganda, maputi at hanggang balikat ang buhok.

Ano yun?

Hindi nakapagsa-lita si Troy. Inisip kung itutuloy pa ang balak na paghingi ng tulong kay Mayette.

Ha e si Mam Ma-yette ba nandiyan? Nilagyan niya ng mam ang pagtawag kay Mayette.

Wala siya. May pinuntahan. Maaagang umalis. Bakit?

A e ako yung nakatira sa pinuupahan niya sa tapat. Meron lang sana akong mahala-gang sasabihin sa kanya.

Ganun ba? Naku, mamaya pang gabi ang uwi niya. Anong pangalan mo at sa-sabihin ko na lang na nagtungo ka rito.

Troy.

O sige Troy pagda-ting niya sasabihin ko na hinahanap mo siya. Mahalaga ba yung sasabihin mo?

Oo. Salamat.

Tumalikod na si Troy. Narinig niya ang pagsasara ng pinto.

Nang nasa kuwarto na siya ay saka nagsisi kung bakit nasabi pa sa babaing nakausap na mahalaga ang sasabihin niya kay Mayette. Sana hindi na lang niya sinabi.

Bakit ba hindi muna siya nag-isip bago tumawag sa bahay ni Mayette kanina. Sana hindi na lang siya nagtungo roon at sinabi sa babae na mahalaga ang sadya niya kay Mayette.

Maaari naman ni-yang kontakin si Digol at dito humingi ng tulong. Sana hindi si Ma-yette ang una niyang naisip. Ang tanga niya!

KINAGABIHAN, nag-huhugas ng pinggan si Troy nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Kinabahan si Troy. Baka si Mayette na ang kuma-katok. Baka sinabi na ng babaing nakausap niya kaya agad na nagtungo rito.

Tinungo niya ang pinto at binuksan.

Alakdan(66) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 07, 2012 12:00 AM Comments (0)

ANG babaing kausap niya kanina sa bahay ni Mayette ang nasa labas.

Good evening. Hindi pa dumarating si Mama. Hindi sinabi kung anong oras darating. E ano ba ang importanteng sasabihin mo sa kanya. Mahalagang-mahala- ga ba?

Nakamaang si Troy. Hindi agad nakasagot. Anak pala ito ni Ma-yette. Mama ang tawag kay Mayette. Hindi na-banggit ni Mayette na mayroon pala itong anak. Nag-aksaya pa ang babaing ito na puntahan siya para lamang sabihin na wala.

Hindi naman. Huwag mo na kayang sabihin sa kanya. Okey lang.

Ano nga uli ang name mo?

Troy.

E di huwag ko nang sabihin kay Mama na mayroon kang kaila-ngan. Baka naman nahihiya ka lang.

Hindi. Huwag mo na lang sabihin.

Sigurado ka ba. Baka may kaugnayan dito sa inuupahan mo ang problema?

Hindi. Okey lang itong tirahan ko.

Okey. Sige.

Salamat.

Umalis na ang babae. Hinabol ni Troy ng tingin. Simpleng-simpleng manamit at kumilos. At sincere makipag-usap.

Isinara ni Troy ang pinto. At saka niya naalala kung bakit hindi niya naitanong ang pangalan. Napakahina niya. Tala-gang hindi siya maru-nong dumiskarte sa babae. Hindi siya katulad ni Digol na mabilis ang bibig at madaling ma-kabola.

Nag-alala marahil ang babae dahil sa si-nabi niyang mahalaga ang sadya niya kay Mayette. At nang hindi pa dumarating ang ina ay sinadya na siya para ipaalam. Bakit naman kaya wala pa si Ma-yette? Iniiwang nag-iisa ang anak na dalaga pa naman. Pero malay naman niya kung may kasamang katulong.

KINABUKASAN ng umaga, naghahanda sa pagpasok si Troy nang may kumatok na naman sa pinto. Baka si Mayette na ito. Malakas ang katok. Nagmamadali.

Binuksan niya. Si Mayette nga!

May mahalaga ka raw kailangan sa akin? Tanong nito. Sinabi rin pala ng anak niya.

Patda si Troy. Sabihin pa kaya niya o huwag na lang.

Ano, Troy?

Alakdan (67) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 08, 2012 12:00 AM Comments (0)

WALA, Mayette. Okey na.

Hindi! Sabihin mo, Troy. Alam kong mahalaga ang sadya mo kaya ka nagtungo sa bahay.

Wala na nga. Okey na.

Hindi ka nagsasabi ng totoo. Sabihin mo na.

Atubili si Troy. Hindi malaman ang gagawin. Kung bakit kasi sinabi pa ng anak niya na mahalaga ang kanyang sadya.

Pera siguro ang kailangan mo ano? Baka nga pera ang kailangan mo. Magkano, Troy?

Lalong nalito si Troy. Kailangan talaga niya ang pera dahil nasa ospital ang tatay niya. Ooperahan ito. Mga P10,000 ang kailangan niya. Wala siyang ibang malalapitan. Sa pinagtatrabahuhang department store ay wala naman siyang malalapitan. Mas mahirap mangutang sa mga kasamahan.

Kailangan ko nga Mayette. Mga P10,000 ang kailangan ko para sa operasyon ni Itay.

O kita mo nat napakalaki ng problema mo.

Nahihiya kasi akong magsabi. Libre na nga ako rito sa bahay mo e pati pagpapaopera ng Itay ko e sayo ko sinasabi.

Ikaw naman, para wala tayong pinagsama- han. Mamaya ko ibigay ang pera, magwi-withdraw pa ako.

Oo Mayette. Salamat.

Gabi na ako nang nakauwi kaya hindi ako nakapunta rito.

Oo nga sabi ng anak mong dalaga.

Ni Kreamy?

Oo.

Kreamy pala ang name ng anak ni Mayette. Ang ganda ng pangalan. Bagay sa ganda.

E kumusta naman ang lagay ng Itay mo Troy,

Dumadaing ng pananakit ng tagiliran si Itay. Kasi nadulas daw sa banyo si Itay at bumagsak ang tagiliran.

Aba delikado yun. Malutong na ang buto kapag matanda na.

Oo nga.

Sigurado ka, P10,000 lang ang kailangan mo?

Oo.

Kasi baka kapusin ka e di dagdagan ko ng P5,000 pa para sure.

Natigilan si Troy. Parang may katwiran si Mayette. Kung eksakto ang pera, baka mamro-ble-ma siya.

Dagdagan ko na para wala kang problema. Mas mabuting sobra kaysa kapos.

Napatango na lang si Troy.

Alakdan (68) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 09, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAPIT sa patalim. Iyon ang kalagayan ni Troy sa kasalukuyan. Wala siyang ibang malalapitan para mautangan ng pera kundi si Mayette. Hindi naman niya maaaring pa bayaan ang kanyang Itay. Lahat ay

gagawin niya para maipagamot ang Itay niya. Kawawa naman ang Itay niya na lagi raw idinadaing ang masakit na tagiliran.

Bahala na kung ano ang kahinatnan ng paghingi niya ng tulong kay Ma-yette. Basta ang mahalaga ay mayroon na siyang ipadadalang pera sa kanyang Itay. Malulu nasan na ang nadaramang sakit. Kapag natapos na ang problema, unti-unti niyang babayaran si Mayette. Magtitipid siya nang todo hanggang sa mabayaran ang ipauutang sa kanyang pera.

Kinagabihan, karara-ting lang ni Troy mula sa trabaho nang may kumatok.

Binuksan niya. Si Ma-yette. Pinapasok niya. Kung noon ay nag-iisip siya nang masama kapag dumara-ting si Mayette, ngayon ay hindi. Ang tanging naiisip niya ay ang kalagayan ng kanyang Itay.

Eto na ang pera, Troy. Dinala ko na para maipa-dala mo agad sa probinsiya.

Salamat, Mayette.

Dinagdagan ko na. Ginawa kong kinse mil.

Kakahiya sayo Ma-yette.

Huwag ka nang ma- hiya. Kapag nasa panga nib ang mahal sa buhay, hindi na dapat mahiya.

Salamat uli.

Kapag kinulang ito, magsabi ka lang Troy.

Palagay ko, tama na ito, Mayette.

Sure ka?

Oo. Kapag nakalu-wag ako, babayaran ko ito, Mayette.

Saka mo na lang isipin yun.

Hindi malaman ni Troy ang gagawing pasasa-lamat.

Kung may hihilingin si Mayette ngayon, baka pagbigyan niya at bahala na si Batman.

ALakdan(69) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 10, 2012 12:00 AM Comments (0)

MAY sasabihin pa sa-na si Mayette kay Troy pero biglang nagring ang cell phone ni Mayette. Dinukot ang cell phone sa bulsa at si-nagot ang tumatawag.

O bakit? Tanong ni Mayette sa tuma-wag.

Sumagot ang nasa kabilang linya.

Ngayon na? Bakit daw? Seryoso si Ma-yette habang nagsasa-lita. Tila may problema.

Sige, darating na ako. Okey sige. Isinara nito ang cell phone at isinilid sa bulsa.

Sige Troy saka na lang tayo mag-usap. Ipadala mo na ang pera sa tatay mo, sabi nito at mabilis na lumabas ng pinto.

Naiwan si Troy. Natigilan siya. Naisalba siya nang tumawag sa maaaring mangyari sa kanila ni Mayette. Baka hindi na siya makatanggi sa anumang hilingin ni Mayette.

AGAD ipinadala ni Troy ang pera para sa pagpapagamot ng kanyang itay. Makaraang ipadala, tumawag siya sa kanyang pinsang babae. Ang pinsan niyang babae ay agad na nagtungo sa bahay ng kanyang magulang. Nakausap niya ang kanyang ina.

Inay nagpadala na ako ng pera. Kumusta si Itay?

Umiiyak ang kanyang Inay.

Hindi pa rin maigalaw ang kanyang katawan. Masakit ang tagiliran. Awang-awa ako sa Itay mo.

Huwang kang umiyak Inay. Ipaopera mo na siya, Inay.

Walang tigil sa pag-iyak ang Inay ni Troy. Bakit ganoon ang pag-iyak ng Inay niya?

Alakdan (70) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 11, 2012 12:00 AM Comments (0)

KINAKABAHAN si Troy sa walang tigil na pag-iyak ng kanyang Inay. Ano ba itong nangyayari at parang wala nang paraan para maisalba ang kanyang Itay. Masama na yatang talaga ang kalaga-yan ng kanyang Itay.

Pero pinilit ni Troy na magpakatatag. Ang kanyang pinsang babae na may-ari ng cell phone ang kinausap niya.

Malubha ba si Itay, Maricel?

Marami raw isasagawang eksamin sa kanya Kuya Troy. Kasi nga halos hindi ma-igalaw ang katawan. Parang paralisado ba. Kaya iyak nang iyak si Tiya Julia, sa inay mo. Awang-awa nga ako sa kanya

Ikaw na muna ang bahala, Maricel. Salamat at pinagagamit mo ang cell phone.

Uuwi ka ba Kuya Troy?

Hindi ko pa masabi kasi may trabaho ako. Mahigpit sa pinagtatrabahuhan ko.

Kasiy naaawa nga ako kay Tiya Julia.

Puwede ikaw na lang ang tumawag sa akin, Maricel. Kasi, hindi ko makausap si Inay. Kung anuman ang mangyari, itawag mo o i-text sa akin.

Sige Kuya Troy. Pero sana, makauwi ka

Sige, Maricel. Salamat sa tulong mo.

Maski nang nasa trabaho na si Troy ay ang kalagayan ng kanyang Itay ang nasa isip. Nagkamali pa nga siya sa pagsi-silid ng items sa bag. Napansin tuloy siya ng supervisor nila.

May problema ka ba, Troy?

Ha e wala po, Mam.

Pagbutihin mo ang paglalagay sa bag ng mga item. Baka maihalo mo sa sabon ang karne o isda.

Opo Mam. Hindi na po mauulit.

Nang makauwi at nag-iisa na sa kan-yang kuwarto ay nag-iisip pa rin si Troy. Baka may masamang mangyari sa kanyang Itay. Kawawa naman ang Inay niya kapag may nangyari

Alakdan (71) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 12, 2012 12:00 AM Comments (0)

AYAW mag-isip ni Troy na may mangyayaring hindi maganda sa kanyang Itay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may nangyari. Mahina ang kanyang loob pagdating sa ganoon. Ang pag-usapan ang kamatayan ay ayaw niya. Hindi mamamatay ang kanyang Itay. Ginagawa niya ang lahat para sa kanyang Itay kaya makakaligtas ito. Hindi siya titigil hanggat hindi naooperahan ang kanyang Itay. Makakaligtas ang kanyang Itay at magiging maganda muli ang pagsasama ng kanyang magulang. Wala nang magiging problema.

DALAWANG araw ang lumipas, nasa trabaho si Troy nang biglang mag-ring ang cell phone niya.

Hello.

Hello Kuya Troy. Si Maricel ito.

Ano Maricel? Kumusta si Itay?

May problema Kuya. Kukulangin ang padala mong pera. Inooperahan na si Tiyo Juanito, ang itay mo, pero sabi ng doctor, maghanda raw ng P50,000

Parang tumigil ang mundo- para kay Lab. Parang bumigat ang pasan niya sa mga balikat. Kulang pa ng P30,000 kung ganoon ang perang pinadala niya para sa Itay niya. Saan siya kakamot ng ganoong halaga.

Kuya Troy, sige, mau-ubos ang load ko. Basta ganun lang ang sabi ng doctor, maghanda ng singkuwenta mil

Oo sige, Maricel, salamat. Gagawa ako ng paraan, Magpapadala ako ng pera. Ikaw na ang bahala kay Inay. Tatawagan kita para hindi ka magastusan sa load.

Sige Kuya Troy.

Muling nag-isip si Troy. Kanino siya hihiram ng P30,000? Nakakahiya na kay Mayette na pinahiram siya ng P20,000. Baka malubog siya nang husto kay Mayette ay hindi na siya makaahon.

Sinubukan niyang tawagan si Digol. Baka may maitulong sa kanya. Mayaman ang kabit nito. Baka may maipahiram sa kanya. Babayaran din naman niya.

Pero out of coverage area ang sinasabi ng cell phone niya. Ilang beses pa niyang sinubukan pero ganun pa rin. Baka nasa isang malayong lugar si Digol kasama si Consuelo o Sue. Baka nasa Boracay.

HINDI nakatulog si Troy ng gabing iyon. Sino ang tutulong sa kanya? Sino ang magpapautang sa kanya?

Sinubukan niyang lumapit sa babaing super-visor niya sa department store na pinagtatra-bahuhan.

Sinabi niya ang kalagayan ng kanyang Itay. Nasa ospital ito at ino-operahan. Iyon ang dahilan kaya kailangan niya ng P30,000.

Pero umiling ang supervisor. Hindi raw sila nagpapautang.

Laglag ang balikat na umalis si Troy.

Hanggang sa magpasya siya. Kailangan uli niya si Mayette. Ito lamang ang makatutulong sa kanya.

Nagtungo siya kina Mayette. Ang nagbukas ay si Kreamy, anak ni Mayette.

Puwedeng makausap si Mayette?

Halika, Troy pasok.

Alakdan (72) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 13, 2012 12:00 AM Comments (0)

Maupo ka Troy. Nasa banyo si Mama. Magbasa ka muna ng diyaryo.

HIYANG-HIYA si Troy kay Kreamy. Narito siya para mangutang ng pera sa ina nito. Pero kailangan niyang labanan ang hiya. Hindi na siya maaaring umat-ras dahil nasa loob na siya ng bahay ni Mayette. Bahala na.

Oo. Salamat.

Ako nga pala si Kreamy.

Pasensiya ka na Kreamy kung naabala ko kayo. Kasiy buhay ang nakasalalay kaya nagtungo ako rito.

Ano ba yun, Troy?

Magsasalita sana si Troy nang biglang ma-rinig ni Kreamy ang pag-bubukas ng banyo. Tapos na ang mama niya sa paggamit ng banyo.

Ma may bisita ka.

Sino?

Si Troy yung nangungupahan sa bahay mo sa tapat.

Sandali lang at magbibihis ako.

Hindi na nag-usap sina Troy at Kreamy.

Maya-maya pa ay lumabas na si Mayette. Si Kreamy naman ay nagtungo sa kusina.

Anong problema, Troy?

Hindi na sana kita aabalahin, Mayette pero ikaw lamang ang makakatulong sa akin.

Tungkol sa pera?

Tumango si Troy.

Magkano?

Thirty thousand, Mayette.

Ano bang nangyari sa father mo?

Hindi na makagalaw. Parang gulay ba

Masama pala talaga.

Inooperahan na ang Itay ko at sabi raw ng mga doctor maaa-ring makaligtas.

Mukhang proble-matic ka Troy.

Oo nga. Hindi ko alam kung sino ang tutulong sa akin. Mapapahiram mo ba ako Mayette?

Kailan ba kita binigo, Troy?

Alakdan(73) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 14, 2012 12:00 AM Comments (0)

BABAYARAN kita kapag naayos na ang lahat.

Saka mo na lang isipin yan, Troy.

Salamat, Mayette.

Mamaya ko dadalhin ang pera. Magwi-withdraw pa lang ako. kailangang-kailangan na ba, Troy?

Oo. Inooperahan na ang Itay ko ngayon.

Sige. Dadalhin ko sayo. Huwag kang masyadong problematic, Troy.

Kung anu-ano kasi ang naiisip ko Mayette tungkol kay Itay.

Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Basta isipin, mo gaga-ling ang iyong Itay. Sige tatanda ka agad kapag pawang negative ang isipin. Mawawala yang gandang lalaki mo.

Napangiti si Troy. Napansin niya na pasi-lip-silip si Kreamy sa may pinto ng kitchen. Pinakikinggan kaya sila?

Nakakahiya sa anak mo, Mayette. Masyado na akong nang-aabala sa inyo. Lantad na lantad na tuloy ang problema ko.

Huwag kang masyadong madrama ha. Huwa mong intindihin ang anak ko.

Napabuntong-hini-nga si Troy. Nang tumi-ngin siya sa may kitchen ay wala na si Kreamy.

Sige, dadalhin ko ang pera sayo, Troy. Huwag kang problemado at lilipas din yan. Baka ikaw naman ang magkasakit e mas lalong mahirap.

Oo Ma-yette. Salamat.

Umalis na si Troy. Nabawasan ang dalahin niya dahil sa mga sinabi ni Mayette. Paano kaya kung wala si Mayette? Saan kaya siya tatakbo ? Sa hirap ng buhay bihirang makatagpo ng kagaya ni Mayette na agad magpapautang.

Bakit nga ba siya mag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kalagayan ng kanyang Itay? Tama si Mayette, huwag siyang mag-isip ng negatibo. Pawang magaganda lamang ang isipin niya ukol sa kanyang Itay.

Huwag na rin niyang isipin kung paano makakabayad kay Mayette. Kung mani-ningil na ito, saka na rin lamang niya isipin iyon. Kung gusto ni Ma yette ng kakaibang bayad, baka pumayag na siya. Malaki ang utang na loob niya sa babae. Baka hindi na siya makatanggi kung hilingin ni Mayette na may mangyari na sa kanila.

Alakdan (74) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 15, 2012 12:00 AM Comments (0)

NALULUBOG na siya kay Mayette. Parang nasa kumunoy siya na habang kumikilos ay lumulubog. Maaaring ang sinapit ng pinsan niyang si Digol ay sapitin din niya. Maaaring magkaroon din sila ng relasyon ni Mayette kapag hindi nagbago ang takbo ng buhay. Pero kung mangyayari iyon, makakapagmalaki rin naman siya sapagkat nagamit naman niya sa isang mahalagang bagay ang lahat naipagamot niya ang Itay niya. Hindi katulad ni Digol na walang kinapuntahan ang pakikipagrelasyon kay Mayette. Naisip ni Troy, hindi rin naging matalino si Digol. Nalaspag lang ang perang nahuthot kay Mayette. Hindi siya tutulad kay Digol.

Isa pang nagbibigay ng isipin kay Troy ay ang anak ni Mayette na si Kreamy. Alam kaya nito ang ginagawa ng ina na pagpatol sa mga lalaking mas bata? Napakawalang-pakiramdam naman ni Kreamy kung hindi niya alam ang ginagawa ng ina sa kanyang amang nagpapakahirap sa Saudi.

Naisip naman ni Troy, kung magkakaroon sila ng relasyon ni Mayette, nakakahiya kung mala-laman ni Kreamy. Tiyak na bababa ang tingin sa kanya dahil naatim na pumatol sa matrona kaysa magbatak ng buto. Kakahiya! Mukha pa namang napakabait at napaka-desente ni Kreamy. Hindi ito nagmana sa ina. Walang makitang kalandian at kataksilan sa pagkatao ni Kreamy.

Napabuntong-hini-nga na lang si Troy sa mga naisip niya. Ilang ulit pa siyang bumun- tong-hininga.

ILANG oras ang nakalipas, nagulat si Troy nang mag-text ang pinsan niyang si Maricel mula sa probinsiya. TUMAWAG KA SA AKIN KUYA, ASAP.

Walang sinayang na panahon si Troy. Tinawagan si Maricel.

Hello Maricel. Anong nangyari?

Kuya Troy

Anong nangyari Maricel?

Kuya, si Tiyo Jua-nito, patay na!

Ano?

Patay na ang Itay mo Kuya. Mga limang minuto ang nakalilipas.

Parang bumagsak ang mundo ni Troy. Wala na pala ang Itay niya. Wala na pala ang pinaghihirapan niyang ipangutang.

Nakikipag-usap pa si Troy kay Maricel nang dumating si Mayette. Dala na marahil ni Mayette ang perang hinihiram niya. Tahimik na pumasok si Mayette. Si Troy naman ay halatang umiiyak habang nakikipagusap kay Maricel. Nagtataka si Mayette kung bakit umiiyak si Troy. May masamang nangyari sa Itay ni Troy !

Alakdan (75) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 16, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATULOY na kinausap ni Troy ang pinsang si Maricel. Nangingilid ang luha ni Troy. Nakatingin lamang si Mayette na tila nahu-hulaan na ang nangyari.

Kumusta naman si Inay, Maricel?

Kuya Troy, mabuti pa umuwi ka, sabi ni Maricel na patuloy sa pag-iyak.

Anong lagay ni Inay, Maricel?

Kuya masama. Nag-aagaw-buhay si Tiya Julia. Hindi niya natanggap ang pagkamatay ni Tiyo Juanito. Pero pinipilit siyang irevive ng mga doctor. Nasa emergency room si Tiya.

Hindi makapagsalita si Troy. Shock siya sa nalaman. Akala niya, ang Itay lang niya, pati pala Inay niya ay namamaalam na. Ano itong nangyari sa kanya at sabay pa yatang iiwan siya ng Itay at Inay niya?

Umuwi ka ngayon din Kuya. Hindi ko alam ang gagawin. Litung-lito na ako Kuya.

Oo, Maricel.

Hindi pa nadadala sa morgue si Tiyo Juanito, Kuya Troy. Kung mayroon daw kausap na punerarya ay mas mabuti para hindi na dalhin dun. Pero hindi ako makapagpasya Kuya. Ikaw ang kailangang magpasya.

Uuwi na ako, Maricel. Sige. Salamat

Pinatay niya ang cell phone. Pakiramdam ni Troy mabigat ang ulo niya dahil sa napakara-ming dala-hin. Maski siya ay hindi alam ang mga ga-gawin.

Anong nangyari, Troy? Tanong ni Mayette.

Lumuha na si Troy.

Patay na si Itay at si Inay naman naghihingalo. Baka baka wala na nga

Awang-awa si Mayette kay Troy.

Relaks lang Troy. Huwag kang masiraan ng loob. Narito naman ako para tumulong.

Uuwi ako, Mayette.

Eto ang pera. Sa iyo na ito. Mag-text ka lang sa akin kung gaano pa ang kailangan mo. Etong number ko, Troy.

Alakdan (76) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 17, 2012 12:00 AM Comments (0)

TAHIMIK na kinuha ni Troy ang perang ibinibigay ni Mayette. Isinilid sa bulsa. Kinuha ang number ni Mayette.

Huwag mong kalimu-tang mag-text sa akin kung anuman ang problema.

Tumango si Troy.

Anong oras mo balak umalis?

Ngayon na Mayette. Tatawagan ko lang ang super-visor ko at magpapaalam.

Sige

Tinawagan ni Troy ang supervisor sa pinagtatrabahuhan. Pagkatapos ay nagsilid na ng damit sa bag.

Nakabantay naman si Mayette. Todo ang pakikiramay kay Troy. Nang aalis na si Troy ay inulit na huwag mag-atubiling tumawag kung may problema.

Mag-text ka Troy. Huwag kang mahihiya. Alam ko kung gaano kabigat ang problema mo.

Tumango si Troy.

Hihintayin ko ang tawag o text mo.

Tumango uli.

Sige ako nang bahalang magkandado nitong kuwarto mo. Umalis ka na at hinihintay ka na roon. Condolence uli

Salamat Mayette.

Umalis na si Troy. Hindi na siya lumingon para tingnan si Mayette. Isa pay parang walang laman ang ulo niya. Ang nasa isip niya ang dadatnang eksena sa probinsiya. Ayaw niyang isipin pero malinaw na nakikita niya ang ama na nakahiga sa stretcher at hinihintay ang kukuhang funeral parlor. At ang kanyang ina, nasa stretcher din at wala nang buhay. Tumatanggi ang kanyang isip. Hindi siya maniwala na wala na ang kanyang ina. Hindi pa patay ang kanyang ina.

PERO kung ano ang na-kita niya sa kanyang imahinasyon, iyon ang nakita niya nang makarating sa ospital na kinaroroonan ng mga magulang. Nasa pasilyo ng ospital ang bangkay ng kanyang ama. Nakabalot ng puting kumot. Nakita niya si Maricel na nakabantay doon.

Nang makita siya ni Maricel ay nagmamadali itong lumapit sa kanya.

Kuya Troy mabutit narito ka na. Mayroon nang magpapasya sa dapat gawin kina Tiyo Juanito at Tiya Julia.

Si Inay? Nasaan si Inay? Tanong ni Troy.

Patay na rin siya, Kuya. Hindi na nailigtas ng mga doctor.

Nasaan siya?

Nasa kabilang silid siya, Kuya.

Tahimik na napaiyak si Troy. Dalawa ang nawala sa kanya. Sabay na sabay pa. Hindi na siya hinintay.

Halos hindi makahakbang si Troy. Hirap na hirap siya bago makalapit sa bangkay ng ama.

Binuksan niya ang kumot na nakatakip. Nakita niya ang ama. Payapang nakapikit. Parang natutulog.

Itay! Sabi niya at hindi na napigilang mapaiyak. Kawawa naman ang Itay niya.

Ilang sandaling nakatitig si Troy sa ama. Saka isinara ang kumot.

Tinungo naman ang ki-naroroonan ng ina. Nakabalot din ng puting kumot. Binuksan niya. Katulad din ng kanyang Itay, payapa ring nakapikit ang ina na parang natutulog lang.

Inay, Nasabi niya at mu-ling umagos ang luha. Wala na siyang ibang nasabi.

Alakdan (77) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 18, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAPAILING-ILING si Troy habang nakatitig sa kanyang Inay. Luhaan siya. Napakaikli naman ng buhay ng kanyang ama at ina. Ni hindi man lamang niya napalasap ng magandang buhay. Marami sana siyang

pa-ngarap para sa mga magulang pero pinutol iyon ng kamatayan. Ganun kabilis ang mga pangyayari. Iglap lang at nag-iisa na siya.

Natatandaan niya nang araw na lumuwas siya ng Maynila. Binasag pa ng kanyang Inay ang alkansiya at ipinabaon sa kanya. Lagi raw siyang mag-ingat kapag nasa Maynila. Alam niyang nag-aalala ang kanyang ina sa pagluwas niyang iyon pero hindi nagpahalata sa kanya. Isa pa sa sinabi ng kanyang ina ay pilitin niyang maka-tapos ng kolehiyo. Noon pa sinasabi ng kanyang Inay na kawawa ang taong walang natapos. Nangako siya rito na magtatapos ng kolehiyo.

Ngayon sa pagkakatitig sa kanyang Inay, naibulong niya sa sarili na tutuparin ang pangako rito. Sisikapin niyang makatapos sa pag-aaral. Hindi siya titigil hanggat hindi nakakatapos.

Kuya Troy, kailangan nang alisin sa pasilyo ang bangkay ni Tiyo Juanito. Kailangan daw may kausap na tayong punerarya, sabi ng pinsan niyang si Maricel.

Natauhan si Troy.

Aalis ako at kakausapin ang punerarya. Bantayan mo muna sina Itay at Inay. Babalik agad ako.

Oo Kuya Troy.

Alakdan (79) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 20, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAHIT sa kamatayan ay ayaw maghiwalay ang kanyang Itay at Inay. Habang nakatingin sa dalawang magkatabing nitso si Troy ay binabalikan niya sa alaala ang masayang pagsasama ng kanyang Itay at Inay. Hindi niya nakita ang mga ito na nag-away. Naipagmamalaki niya na sa kabila ng kahira-pan nila sa buhay, masa-gana naman sa pagmamaha-lan ang kanilang pamil-ya. Kahit na kapos sila sa maraming bagay, sobra-sobra naman sa pagbibigayan at pag-uu--nawaan ang kanyang magulang. At kung pa--mimiliin si Troy ng kanyang mga magiging magulang, pipiliin pa rin niya ang kanyang Itay at Inay. Walang makahihigit sa kanyang mga namayapang magulang.

Ang hindi maintindihan ni Troy ay kung bakit sabay pang namatay ang kanyang Itay at Inay. Tanggap na niya na maaaring mauna ang kanyang Itay dahil grabe ang pagkabali ng spinal column nito pero ang kanyang Inay ay wala sa hinagap niya na susunod din kaagad. Hindi niya akalain na sabay mawawala at iiwan siyang nag-iisa. Naisip din naman ni Troy na mahirap pala ang nag-iisang anak sapagkat wala man lamang makaramay o mapaghi-nga-han ng problema. Kung may kapatid siya kahit na isa, may kasama sana siya at katulong sa anumang problema. Hindi sana katulad ngayon na mag-isa siyang umiiyak at mag-isa na ring mamumuhay.

Siguro, kaya pinahintulutan ng Diyos na sabay nang kunin ang kanyang mga magulang ay para wala nang maging problema pa siya. Kung buhay ang kanyang ina ay baka problemado siya kung paano iiwan dito sa probinsiya. Hindi niya maaalagaan dahil nasa Maynila siya. Hin-di naman niya maaaring dalhin sa Maynila dahil kakapiranggot lang ang suweldo niya. Problema rin kung saan titira. Kakahiya kay Mayette kung isasama niya ang ina sa tirahan.

Nakita ni Troy ma-lakas ang hangin at hinihipan ang mga kandila. Madilim na.

Kuya, tayo na lamang ang narito sa sementer-yo, sabi ng pinsan niyang si Maricel. Mukhang uulan pa yata. Tayo na at baka abutin tayo rito.

Oo, Maricel. Sandali na lang.

Umusal ng dalangin si Troy. Nagpaalam na siya sa mga magulang. Sinabi niya na baka matagabago siya makauwi.

lan

MAKALIPAS ang da-lawang araw, handa nang umalis si Troy patungong Maynila. Nagpaalam na siya sa pinsang si Maricel.

Baka matagalan bago ako umuwi rito. Wala na kasi akong uuwian dito.

Mag-text ka sa akin Kuya Troy.

Oo.

Alakdan(80) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 21, 2012 12:00 AM Comments (0)

Siyanga pala Kuya Troy, sinabi minsan sa akin ni Tiya Julia, ng Inay mo, na gusto pala niya ay makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Sinabi niya iyon sa akin noong nagbabantay siya kay Tiyo Juanito habang nasa ospital. Iyon daw ang gusto niyang mangyari. Makapagtapos ka raw sana ng college para may maganda kang trabaho. Nasabi niya, sa isang grocery ka raw nagtatrabaho.

Iyan naman talaga ang pangarap ko noon pa, Maricel. Hindi ko lang matupad dahil maliit lang ang suweldo ko bilang bagger. Kulang pa sa pamasahe at pagkain. Pero tala-gang mag-aaral ako sa kolehiyo at pipilitin kung makatapos.

Nasabi lang naman niya iyon sa akin dahil nagkukuwentuhan kami tungkol sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Kasi papasok na rin ako sa kolehiyo ngayong pasukan. First year na ako, Kuya.

Talaga? Sige at kapag malaki ang sinuweldo ko, padadalhan kita ng allowance. Mag-aral kang mabuti ha? Ano naman ang course mo?

BSE Kuya. Gusto kong mag-teacher.

Okey yan. Bagay nga sayo ang teacher.

Paano nga pala itong bahay nyo Kuya?

Wala na akong magagawa sa bahay na ito. Isa pa, hindi naman sa amin ang lupang kinatitirikan. Nakiusap lang si Itay sa may-ari ng lupa na dito kami magtayo ng bahay.

Kaya wala ka na pala talagang uuwian dito.

Oo. Yung ilang mga gamit e kunin mo na lang Maricel. Yung lahat ng mapapakinabangan ay sayo na. Iuwi mo sa inyo.

Sige Kuya. Ingat ka na lang habang nasa Maynila. Sabi nga ni Tiya Julia, nag-aalala siya dahil marami raw hinoholdap sa Maynila.

Hindi naman ako mahoholdap dahil walang hoholdapin sa akin, sabi at tumawa si Troy.

Sige text ka na lang Kuya sa mga nangyayari sayo.

Umalis na si Troy.

HAPON na nang du- mating sa Mayni-la si Troy. Tinext niya si Mayette at sinabing pauwi na siya. Hindi sana niya sasabihin kay Mayette na pauwi na siya pero nakonsensiya siya. Malaki ang utang na loob niya kay Mayette kaya hindi siya dapat maglihim dito.

Nagtaka si Troy nang dumating sa tirahan. Nakabukas ang pintuan at buhay ang mga ilaw.

Nang pumasok si-ya, nakita niya sa loob si Mayette. Naka-tingin sa kanya. Nasa anyo nito ang pakikira-may.

Huwag kang malungkot, Troy. Narito naman ako

Alakdan (81) Ni Ronnie M, Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 22, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAON na ako sa utang sayo Mayette, sabi ni Troy. Naupo siya sa tabi ni Mayette. Napansin niya na maayos ang silid. Pinalinis marahil ni Mayette.

Yan ka na naman. Pinuproblema mo ang hindi naman problema.

Kahit pa sabihin mong huwag akong mamroblema e hindi ko maiwasang hindi isipin yun.

Basta isipin mo na lang na bigay ko sayo ang perang yun. Okey?

Iyon nga ang iniisip ko pero yung katotohanan pa rin ang naiisip ko.

Ay naku, huwag nga yan ang pag-usapan natin at lalo ka lamang malulungkot. Ang pag-usapan natin ay kung ano ang gagawin mo nga-yong ulila ka na.

Hindi ko nga alam. Litung-lito pa rin ako hanggang ngayon.

Siyempre naman. Sino ba ang hindi malilito e sabay na namatay ang mga magulang mo. Mabuti nga at naka-rekober ka na kahit paano.

Hindi ko nga alam kung paano ko nalampasan ang lahat, Mayette. Hanggang ngayon, nagtataka ako kung paano ko naipalibing sina Itay at Inay.

Ngayon lang ako nakakita na sabay namatay ang magulang. Hindi ko maisip na dalawa ang nakaburol sa bahay nyo.

Nang nakaburol sina Itay at Inay, parang may hangin ang ulo ko. Hindi ko na nga matandaan ang iba pang nakikiramay. Basta nakatingin na lang ako sa magkatabing kabaong. Tumutulo na pala ang luha ko.

Kawawa ka naman, Troy.

Pero hindi ko maipapa-libing sina Itay at Inay kung hindi dahil sa yo. Kung wala ka, hindi ko alam kung kanino ako hihiram ng pera.

Okey lang Troy. Alam ko naman, walang tutulong sa yo. Hindi ka naman matutulungan ng pinsan mong manloloko. Ano na bang balita kay Digol?

Wala akong balita. Ti-next ko pero walang sagot.

Hindi ka tutulungan nun. Maniwala ka sa akin.

Hindi na nagsalita si Troy.

Okey ka lang nag-iisa rito, Troy?

Oo.

Akala ko, kailangan mo ng kasama.

Hindi sumagot si Troy.

Dyok lang.

KINABUKASAN, nang magrreport sa trabaho si Troy, problema ang nasalubong niya. Ipinatawag siya ng babaing superbisor. Masakit ang mga sinabi.

Isang linggo ka palang aabsent e hindi mo sinabi! Gusto mo pa bang magtrabaho?

Alakdan (82) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 23, 2012 12:00 AM Comments (0)

MAM tumawag po ako sa iyo at sinabi kong hindi makakapasok dahil namatay ang itay ko sabi ni Troy sa superbisor.

Oo tumawag ka nga pero hindi mo sinabing isang linggo kang mawawala.

Parang nanliit si Troy sa sinabi ng superbisor. Mayroon palang tao na parang hindi iginagalang ang kapwa na namatayan pa naman ng magulang.

Kasi po namatay din ang Inay ko. Hindi na ako nakapagpaalam dahil magulung-magulo ang isip ko, sabi niya.

May cell phone ka naman at maaaring tumawag kahit kanino dito pero hindi mo ginawa.

Mam litung-lito nga po ako dahil sa magkasunod na pagkamatay ng aking magulang.

Ay naku, para kang sirang plaka.

Mam nagsasabi lang po ako ng totoo.

O sige, makakaalis ka na. Pinasasama mo ang araw ko. Ayaw ko ng empleado na maraming palusot. Gusto ko yung may pagmamahal sa trabaho. Ang hirap yatang maghanap ng trabaho ngayon

Tumayo si Troy.

Salamat po, Mam.

Lumabas na si Troy. Paglabas ay may mga empleado pa palang naka-abang sa may pintuan at maaaring kakausapin din ng mataray na superbisor. Maaaring mumurahin din ng bisor ang mga taong ito.

Naisip ni Troy na mag-resign na kaya siya at mag-hanap ng ibang trabaho. Hindi na yata niya makakaya kung muli pa siyang pagsasalitaan ng bisor.

Sobra na ang ginawa ng bisor na lalo pang naghatid ng kalungkutan sa kanya. Mabuti at nakapagpigil pa siya kanina. Gusto na niyang sumigaw dahil sa kawalang respeto ng bisor. Kung magsalita ay parang sa kanya ang grocery na pinagtatrabahuhan.

Nang magtungo siya sa puwesto ay may kinuwento pa ang isang kasamahan niya ukol sa bisor.

Gusto kang alisin ni Taba dahil merong gustong ipasok na iba

Alakdan (83) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 24, 2012 12:00 AM Comments (0)

KAYA pala ganun na la-mang ang galit sa akin. Bakit daw hindi ko sinabi na isang linggo akong aabsent.

Sira pala ang ulo ng Taba na iyon, e di ba sabay na namatay ang mga magulang mo.

Sinabi ko sa kanya. Sabi ko hindi na ako nakatawag sa kanya dahil gulung-gulo ang isip ko. Bakit daw hindi ako tumawag sa ibang empleado rito? Gusto ko pa raw bang magtrabaho?

Kaya nga ganun ang tanong e dahil may gusto siyang ipasok na kamag-anak niya. Ang sama talaga ng ugali ng Taba na iyon. Ang akala mo kung sino e dati rin naman daw bagger dito. Sumipsip lang nang sumipsip kay Mr. Chan kaya siya ginawang bisor.

Hindi na nagsalita si Troy. Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang galit sa kanya ng supervisor na si Taba. At alam na rin niya na marami palang nagagalit dito dahil sa sobrang pagkaistrikto.

Nalaman din ni Troy na ma- rami na rin palang nagba-balak mag-resign. Kung mag-re-resign ang mga kasamahan niya, ganun din ang gagawin niya. Bahala na kung mawalan ng trabaho.

Nang mga sumunod na araw, napansin ni Troy na lagi na lamang siyang sinusubaybayan ng superbisor. Tiyak na hinahanapan siya ng butas. Hindi ito titigil hanggat hindi siya naaalis sa trabaho. Pero hindi siya masisilipan ng butas, sabi ni Troy sa sarili. Hindi siya gagawa ng anumang ikakapahamak niya.

Pero sa araw-araw na ganoon ang nangyayari sa kanyang trabaho na laging may nakabantay at handang sumalakay, nag-iisip nang bumitiw si Troy. Huwag na kaya niyang hintayin na makitaan siya ng butas. Magresign na lang kaya siya para naman magkaroon ng kapanatagan ang isip niya.

Ang problema ay ano ang kakainin niya? Ano ang gagastusin niya?

Hanggang sa maisip niya si Mayette. Kung hayaan na kaya niya si Mayette na masunod ang gusto nito. Tutal naman, nasa kumunoy na siya. Hindi na siya makakaahon sa pagkakautang kay Mayette. Gayahin na lang kaya niya si Digol. Mag-pasarap na lang siya sa piling ng matrona. Napangiti si Troy sa naisip.

Kung tatanggapin niya ang pang-aakit ni Ma- yette, hindi na siya magta-trabaho. Kain, tulog at pakikipagtalik ang aatupagin niya, he-he-he.

Hanggang sa makari- nig siya ng katok sa pinto. Si Mayette kaya ito?

Alakdan (85) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 26, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAKADAMA ng awa si Troy kay Kreamy nang umiyak ito. Akala niya, walang nalalaman ang babaing ito sa ginagawa ng inang si Mayette pero sa pagsasalita matagal na palang alam ang misteryo ng ina. Sa tingin kasi niya ay walang kaalam-alam sa mundo si Krea-my. Tahimik na babae sa tingin niya.

Huwag kang umiyak, Kreamy. Alisin mo rin sa isip na mayron kaming relasyon ng mama mo. Wala kaming relasyon at ngayong nalaman ko na marami ka na palang alam, lalo mong ipanatag ang isip. Hindi ako papatol sa mama mo.

Biglang tumigil sa pag-iyak si Kreamy. Nagkaroon ng sigla ang boses nang magsalita.

Akala mo siguro wala akong nalalaman ano, Troy?

Tingin ko kasi, tahimik kang tao at walang alam sa nangyayari sa paligid mo.

Matagal ko nang alam, Troy. Marami na rin akong naririnig tungkol kay Ma-ma at sa dating nakatira ritong lalaki....

Kay Digol.

Oo. Ang alam ko, hinuthutan ng lalaking iyon si Mama. Masyadong naha-ling si Mama na pati padala ni Papa mula Saudi ay nalaspag

Alam na ni Troy ang ku-wentong iyon. Mara-ming nahuthot si Digol at nang nagsasawa na ay naghanap naman ng iba.

Salamat naman at kakaiba ka sa lalaking iyon, Troy.

Hindi ko type pumatol sa matatandang babae, Kreamy. Pero alam mo bang kung gugustuhin ko, puwede kong gawin din ang ginawa ni Digol

Nakatingin lang si Kreamy. Tila humahanga.

Marami nang beses na inalok ako ng mama mo pero napaglabanan ko. May pagkakataong naisip ko, patulan na siya para mabayaran na ang utang ko, pero hindi ko talaga kaya.

Sana patuloy kang makatanggi, Troy.

Lubog na ako sa utang sa mama mo. Pero sabi ko, babayaran ko yun. Sabi naman niya, huwag ko raw isipin ang utang.

Talagang may balak siya, Troy.

Pero ngayong nalaman ko na problemado ka sa kanya, lalo na akong magiging matatag sa panunukso niya.

Salamat uli, Troy.

Nang makarinig sila ng ingay sa labas. May paparating!

Tumayo si Troy at su-milip sa pinto.

Nagulat siya nang ma-kita kung sino ang paparating. Si Mayette!

Alakdan (86)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 27, 2012 12:00 AM Comments (0)

PARATING ang mama mo, Kreamy, sabi ni Troy.

Pero walang reaksiyon si Kreamy.

Delikado, baka mapagalitan ka at ako!

Huwag kang matakot, wala naman tayong ginagawa.

Pero maniniwala ba yun? Baka ako ang mapasama, Kreamy. Marami akong utang sa mama mo.

Nakatingin si Krea-my kay Troy.

Anong gagawin natin?

Magtago ka muna sa ilalim ng kama ko. Maluwang naman ang ilalim niyan. Malinis din yan dahil lagi kong nilalampaso. Ayaw ko lang may masabi siya sa akin. Please, Kreamy.

Napilitan si Kreamy. Iniusod ni Troy ang kamang kahoy. Sumiksik sa ilalim niyon si Kreamy.

Pasensiya ka na Kreamy.

Nang nasa ilalim na si Kreamy ay inayos ni Troy ang bedsheet para hindi mahalata na may tao sa ilalim. May nadama siyang kaba. Huwag sanang mabu-king dahil malaking gulo. Lalong magkakaroon ng hinala si Mayette kapag nakita si Kreamy. Iisiping may ginagawa silang masama kaya nagtago sa ilalim ng kama.

Kumatok si Mayette.

Hindi ka pumasok, Troy?

Day-off ko.

Gumawi sa may ka-ma si Mayette. Kina-kabahan si Troy. Huwag sanang umupo si Ma-yette dahil masasaktan si Kreamy. Sasayad tiyak ang ilalim ng kama sa uko ni Kreamy.

A oo nga pala, day-off mo. Sana pala kani-na pa ako nagtungo rito para nakipagkuwentuhan sayo.

Natutulog ako. Kagigising ko nga lang.

Para hindi umupo sa kama ay iniabot ni Troy ang plastik na silya kay Mayette. Naupo si Ma-yette.

Kumusta na ang trabaho? Pinag-iinitan ka pa ba ng bisor mo?

Oo. Gusto akong matanggal dahil may ipapasok na kamag-anak.

Walanghiya pala ang superbisor na iyon.

Araw-araw sinusu-baybayan ako. Hinahanapan ako ng butas.

E di mag-resign ka na. Kapag kung anu-ano na ang ginagawa sa iyong masama ng mga kasama sa trabaho, iwanan mo na. Baka kung ano lang ang magawa mo

Hindi ako basta-bas-ta makaka-resign. Saan ako kukuha ng gagastusin sa pagkain?

Ayan ka na naman! Narito naman ako. Kaya kitang sustentuhan

Nanliliit si Troy sa mga sinabi ni Mayette. Alam niya, naririnig ni Kreamy ang mga sinabi ng inang si Mayette.

Alakdan (87) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 28, 2012 12:00 AM Comments (0)

MAG-RESIGN ka na sa trabaho mo, Troy. Ako ang bahala sayo. Hindi ka magugutom

Hindi makapagsalita si Troy. Ang atensiyon niya ay nakatuon kay Kreamy na nasa ilalim ng kama. Alam niya na naririnig ni Kreamy ang sinasabi ng ina. Hindi niya alam kung ano ang ekspresyon ng mukha ni Kreamy habang nasa ilalim ng kama. Nahiling naman ni Troy na huwag ga- pangan ng ipis o kaya ay bubuwit si Kreamy. Kung may gagapang na bubuwit o ipis, malaking gulo. Tiyak na pagbibintangan sila ni Ma-yette na may ginagawang ma-sama. Hindi niya alam kung paano magalit si Mayette.

O bakit parang natigi- lan ka, Troy?

W-wala, Mayette. Naisip ko lang ang trabaho ko.

Sabi ko nga sayo, mag-resign ka na. Tiyak na hahanapan ka ng butas. Unahan mo na sila.

Hindi nagsalita si Troy. Ano pa ang sasabihin niya para mabaling sa iba ang usa-pan. Dapat may topic siyang mabuksan para malibang si Mayette at hindi maghinala na may ibang tao sa kuwarto. Naidalangin din naman ni Troy na sana, umalis na si Mayette. Kung magdahilan kaya siya na masakit ang ulo. Siguro aalis si Mayette.

Pero hindi na pala kaila-ngang magdahilan si Troy dahil biglang nag-ring ang cell phone nito. Dinukot iyon at sinagot.

Hello? Hello?

Nagsasalita ang nasa kabilang linya. Naririnig ni Troy ang boses sa phone.

Ano balak mong umuwi? Ilang buwan ka pa lang dan. Bakit ka uuwi? tanong ni Mayette sa kausap sa phone.

Sumagot ang nasa kabilang linya. Naririnig ni Troy pero hindi niya maunawaan.

Ay naku, magpadala ka uli ng pera. Basta magpadala ka. Bakit ka uuwi? Tanong uli ni Mayette na pasinghal.

Sumagot ang nasa kabilang line. Hindi pa rin niya maunawaan.

Homsik? Nahohomsik ka? Ang tagal-tagal mo na diyan, nahohomsik ka pa. Bahala ka kung uuwi ka. Basta magpadala ka ng pera. Buwisit!

Isinara nito ang cell phone.

Buwisit talaga! Maka-uwi na nga. Puro buwisit ang nakausap ko ngayon.

Walang paalam na uma-lis si Mayette. Nagbago ang mood dahil sa na-kau-sap sa cell phone.

Sinundan ng tingin ni Troy sa Mayette. Nang ina-akala na malayo na, tina-wag si Kreamy.

Lumabas ka na Krea-my, wala nang mama mo.

Lumabas si Kreamy.

Galit ang mama mo. Sino kaya yung kausap sa phone

Si Papa yun sa Saudi. Nalulungkot na naman siguro...

Alakdan (88) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 29, 2012 12:00 AM Comments (0)

PROBLEMADO si Krea-my. Halata sa mukha at sa boses.

Narinig ko ang mga sinabi ni Mama sa iyo, Troy. Alam mo, gusto ko nang lumabas mula sa ilalim ng kama. Naninindig ang balahibo ko nang inaalok ka niyang mag-resign na at siya na raw ang bahala sayo

Nakatingin lang si Troy kay Kreamy. Kanina, nanliliit din siya sa mga sinabi ni Mayette.

Kaya lang tiniis ko na huwag magpakita. Pero sa totoo lang nangingilabot ako sa mga sinabi niya. Ngayon ko lang nakumpirma na talaga palang pinagtataksilan niya si Papa. Yung kasing pakiki-pagrelasyon niya sa dating nakatira rito, ay naririnig ko lang. Hindi ako sure, pero nang marinig ko siya kanina, parang nanlaki ang ulo ko. Ang tanda na niya pero gusto pang makipagrelas-yon sa halos anak na niya

Hindi pa rin makapagsalita si Troy. Hinayaan niyang magsalita si Kreamy. Masamang-masama ang loob nito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nalaman ko ang lihim ni Mama. Kaya siguro nahohomsik si Papa sa Saudi. Kawawa naman ang papa ko

Umiyak na si Kreamy. Umagos ang luha. Ngayon lang siya nakakita ng ba-baing umiiyak na ang dahilan ay ang naglalarong ina. Problema ng anak ang kanyang ina.

Hindi ko alam kung tama ang ginawa kong pagtatago sa ilalim ng kama. Sana hinarap ko na siya para natapos na ang problema.

Noon na nagsalita si Troy.

Mabuti nga narinig mo, Kreamy at saka nakita mo naman na hindi ako nagpadala sa panunukso niya kahit na malaki ang utang ko sa kanya

Sana nga ay hindi ka matangay, Troy. Please huwag mong dagdagan ang kasalanan ni Mama

Alakdan (89) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 30, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAKIT ngayon ka lang nagsasalita, Kreamy? May naririnig ka na pala noon pa sa mama mo?

Takot ako Troy. At saka wala akong ma-pagsabihan. Isa pa ayaw kong makaladkad ang aming pamilya. Kaya kahit na pinagtitinginan ako kapag naglalakad sa kalye ay binabalewala ko na lang.

Ibig mong sabihin talagang may naririnig ka na noon pa na may relasyon ang mama mo at si Digol?

Oo. Pero hindi ko binibigyang pansin. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang mga naririnig ko. Naiinis lang sila sa mama ko kaya nila tsinitsismis. Pero totoo pala.

Bakit hindi mo sinumbong sa papa mo?

Takot nga ako Troy. Hindi ko kayang sabihin kay Papa. Mahina ako.

Nakita na naman ni Troy na nangingilid ang luha ni Kreamy. Naaawa siya kay Kreamy. Sa ginagawa ni Mayette, ang anak niya ang nagdurusa at nagpapasan ng problema. Kawawa naman si Kreamy.

Paano ngayong uuwi pala ang papa mo, hindi kaya lagi silang magbangay?

Sigurado ako, Troy. Kung sa phone nga e sinisinghalan ni Mama si Papa, mas lalo na kapag narito siya. Hindi na naman matatahimik ang mundo ko.

Wala ka bang ibang kamag-anak na mapapagsumbungan. Kapatid ng mama at papa mo.

Wala. Basta nakamulatan kong walang kapatid sina Mama at Papa. Kasiy dayo lang yata dito sina mama at papa. Si Papa ay taga-Marinduque raw at si Mama naman daw ay sa Oas. Ganun lang ang alam

ko. Hindi sila gaanong nagkukuwento. Kapag nagbabakasyon si Papa, hindi ko makausap at saka nasa school din ako kapag narito siya.

Nakatapos ka na ba ng kolehiyo, Kreamy?

Oo.

Buti ka pa. Ako hindi.

Natahimik sila. Maya-maya, nagpaalam na si Kreamy.

Baka hinahanap na ako. Saka na lang tayo mag-usap, Troy. Basta ipangako mo, huwag mong papatulan ang panunukso ni Mama. Iyon na lang ang ma-itutulong mo sa akin. Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan ni Mama...

Oo, Kreamy.

Salamat.

ISANG araw, sa grocery na pinapasukan ni Troy nagulat siya nang makita roon si Mayette. Nasa section ng mga canned goods si Troy nang makita si Mayette. Bakit kaya narito?

Alakdan(90) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated May 31, 2012 12:00 AM Comments (0)

DITO ka pala naka-assign, Troy? Akala ko bagger ka? Tanong ni Mayette. Malakas ang boses nito. Mabuti na lang at walang tao sa paligid.

Dito ako nilipat. Bat narito ka Mayette?

Wala lang. Namamasyal. Gusto kong makita

ang pinagtatrabahuhan mo.

Baka makita ako na may kausap e mabutasan ako Mayette.

Magkunwari kang may ginagawa at ako naman ay kunwaring pumipili ng de-lata.

Alam mo naman na ma init ang mata sa akin ng bisor ko.

Madalas bang narito ang hinayupak na bisor mo?

Huwag mong ilakas ang boses mo, Mayette at baka may makarinig e isumbong ako.

Gusto kong makita ang bisor. Narito ba siya nga-yon?

Nasa opisina niya. Mamaya lalabas na iyon at mag-iikot.

Ituro mo sa akin ha, Troy. Gusto kong makita ang pagmumukha.

Hindi nagsalita si Troy. Ipinagpatuloy ang pagsalansan sa mga de-lata. Natatakot siya sa ginagawa ni Mayette. Delikadong may makakita o makarinig at isumbong siya sa bisor. Baka tuluyan na siyang alisin.

Bakit ka naman nilipat dito, Troy?

Marami na raw bagger.

Baka naipasok na ang kamag-anak niya ano?

Hindi sumagot si Troy. Ki-nakabahan siya sa pagsasalita ni Mayette. Baka ito pa ang maging dahilan para matanggal siya.

Pero okey naman dito.

Tumango si Troy.

Maya-maya, nakita ni Troy na papalapit ang bisor niya.

Umalis ka na Mayette. Papalapit ang bisor ko!

Hindi ako aalis! Hihintayin kita paglabas.

Alakdan (91) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 01, 2012 12:00 AM Comments (0)

SIGE na, umalis ka na at baka makitaan ako ng butas e tanggalin na nga ako. Buti nga nilipat lang ako

Kahit naman tanggalin ka rito, kaya kitang pakainin.

Kahit lumayo ka lang muna rito sa puwesto ko Mayette. Please lang

Tiningnan siya ng pairap ni Mayette bago ito humakbang palayo at dumako sa eskaparate ng mga softdrinks at juices.

Nakahinga nang maluwag si Troy. Ipinag-patuloy niya ang pagsasalansan ng mga de-lata sa rack. Dinukot ang mga nalaglag sa likod. Pero sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang paglapit ng mataray at mapangmatang superbisor. Pero hindi niya ito papansinin at kunwariy abalang-abala sa pagsasalansan.

Hanggang sa mari-nig niya ang taguktok ng takong ng sapatos ng superbisor. Hanggang sa tumigil sa likuran niya.

Huwag lang basta isalansan, punasan mo rin ang mga lata. Diyos ko kailangan pa bang sabihin yan, sabi ng superbisor at kinuhit pa ang ibabaw ng isang de-lata. Nakakuha ng alikabok doon. Nakikita mo ito? Kung ikaw kaya ang maggo-grocery at pawang alikabok ang bibilhin mong de-lata, masisiyahan kang bumili?

Opo Mam. Pupunasan ko po.

Kailangan pa bang sabihin ko na punasan mo ang mga yan. Common sense lang ano?

Opo Mam.

Umalis na ang superbisor. Hindi na sinundan ng tingin ni Troy. Kumuha siya ng basahan sa stockroom at inumpisahang punasan ang mga de-lata.

Hindi niya napansin na si Mayette pala ay nasa kabilang eskaparate lamang at tiyak na narinig ang sinabi ng superbisor.

Lumapit si Mayette.

Hayup palang magsalita ang demonyang iyon. Kung gaano kapa-ngit ang mukha ay ganundin pala ang ugali. Kung ako ang pagsasalitaan niya ng ganoon, tyak yung puwit niya mapupunta sa mukha niya. Kanina gusto ko nang batuhin nitong Reno. Mag-resign ka na nga rito! Wala nang magmumura sayo. Kakain ka lang ng kakain at matutulog!

Hindi nagsalita si Troy. Baka may maka-kita na nag-uusap sila.

Ano Troy? Kakaawa ka naman. Kapiranggot lang ang suweldo mo pero kung pagsalitaan ka ng demonyang yun akala mo sa kanya itong grocery na ito.

Tahimik lang si Troy. Hindi na siya sasagot.

Mamaya sabay tayong uuwi ha? May sasabihin pa ako sayo.

Kinabahan si Troy. Ano na naman ang ba-lak ni Mayette.

Hihintayin kita sa labas, Troy.

Hindi na siya nagsalita. Umalis na si Mayette.

Kinagabihan, nang lumabas si Troy, nag-aabang si Mayette.

Alakdan (92) Ni Ronnie M. halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 02, 2012 12:00 AM Comments (0)

NANG makita siya ni Ma-yette ay sinalubong na siya. Talagang matindi ang pagnanais ni Mayette na may mangyari sa kanila. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Mayette kay Digol? Kung kailan nagkaedad, saka nahilig sa mga mas bata sa kanya. Mayroon palang babaing ganito. Akala niya, katha-katha lamang ang mga ganitong klaseng babae. May ganito palang ina, na iniiwan ang anak na nag-iisa sa bahay.

Ang tagal mo namang lumabas, Troy. Pinapak na ako ng lamok sa may poste. Nagkaroon tuloy ako ng pantal sa binti. Baka galisin pa ako.

Bakit kasi hinintay mo pa ako?

Sabi ko naman sayo hihintayin kita.

Nag-punch pa kasi ako ng time card ko. Nag-CR pa ako.

Hindi ka na kinagalitan ng pangit na superbisor?

Umiling si Troy.

Kapag nagkasalubong kami ng superbisor na yun, igaganti kita. Akala siguro lahat nang tao kaya niya

Tayo na!

Punta muna tayo sa Recto. Kumain tayo sa sikat na pansiterya roon.

Huwag na, Mayette. Busog pa ako.

Halika na.

Sa ibang araw na lang.

Ngayon na. Hindi na tayo makakalabas dahil ano

Hindi na itinuloy ang sasabihin dahil may tumigil na dyipni na biyaheng Recto-Divisoria.

Halika na, Troy, sabi at hinatak siya ni Mayette.

Napapayag si Troy. Baka pagtinginan sila ng mga tao kapag tumanggi siya. Hawak ni Mayette ang kamay niya nang magkatabi silang naupo. Dalangin ni Troy na wala sana silang makasa- kay na kilala siya. Kakahiya na may nakahawak sa kanyang matrona.

Malapit lang ang Recto. Bumaba sila sa kanto ng Avenida.

Ayun yung pansiterya. Masarap ang pansit diyan. Halika, Troy.

Lakad sila. Hindi na tumutol si Troy. Masamang tingnan na siya pa ang pakiyime-kiyeme. Kakain lang naman sila.

Pumasok sila sa pansi-terya. Sinaunang pansitan ng Intsik. Pinili nila ang mesa na nasa dulo at malayo sa iba pang kumakain.

Nilapitan sila ng babaing crew. Sinabi ni Mayette ang mga order. Hindi lang pansit ang inorder, may litsong manok, kanin at lumpiang sariwa.

Nang makaalis ang crew saka itinuloy ang biniting salita.

Baka hindi na kita ma-yayang kumain dito dahil darating na ang asawa ko. Walanghiyang yun, kaaalis lang ay magbabakasyon na agad. Ni wala pang nangyayari sa atin

Alakdan (94) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 04, 2012 12:00 AM Comments (0)

SANDALI lang tayo, Troy!

Humawak si Ma-yette sa braso ni Troy. Seryoso ito sa pag-ya-yaya. Nakatingin si Troy sa entrance ng mumurahing motel. Walang tao. Mukhang marumi.

Sige na, Troy! Sandali lang naman tayo.

Naniningil na si Mayette? Kailangan na nga kaya niyang magbayad?

Hindi kumibo si Troy. Kung papayag siya sa pang-aakit ni Mayette, sinira niya ang pangako kay Kreamy. Pakiusap sa kanya ni Kreamy, huwag na niyang dagdagan ang kasalanan ng kanyang mama. Kawawa naman si Kreamy kapag sinira niya ang pangako. Umiyak pa si Kreamy sa harap niya.

Hindi malaman ni Troy kung ano ang ga-gawin. Litung-lito siya. Hindi naman niya basta-basta matatanggihan at baka biglang isumbat ang malaking pagkaka-utang niya. Kabisado na niya ang ugali ni Ma- yette na mabilis magalit.

Pero kailangan si-yang magpasya. Bahala na. Saka na lang niya pro- blemahin ang mga susunod pa.

Sa ibang pagkakataon na lang, Mayette. Isa pa, ayoko diyan, marumi raw ang mga motel sa lugar na ito --- marami raw ipis at daga. At saka ang mga sapin daw sa kama sa ganyang klaseng motel ay nanggigitata...

Napamaang si Ma-yette. Hindi siguro inaasahan ang mga sinabi ni Troy.

Ayaw mo diyan?

Oo, Mayette, sagot ni Troy.

Puwede naman tayong humanap ng ibang motel.

Saka na lang, Mayette. Isa pa pagod na pagod na ako dahil sa pagtatrabaho sa gro-cery. Parang babagsak na ang katawan ko.

Tila naawa si Ma-yette.

Hmp sige na nga. Lagi na lang walang nangyayari. Parating na ang asawa ko pero wala pa ring nangyaya-ri sa atin.

Umuwi na sila. Wala silang imikan sa jeep-ney. Maski nang buma-ba sila sa jeepney ay wala pa rin silang imikan.

Nagtuloy si Troy sa kanyang tirahan. Si Mayette ay deretso sa bahay nila.

Nang makapasok si Troy sa tirahan niya ay nakahinga siya nang maluwag. Nakaligtas siya sa kasalanan.

ISANG araw, naka- rinig si Troy nang tu-migil na sasakyan sa labas. Sinilip niya. Isang matandang lalaki. Galing NAIA ang taksi. Asawa ni Mayette

Alakdan (95) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 05, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAKATINGIN si Troy sa asawa ni Mayette na bagong dating mula sa Saudi Arabia. May edad na pala ang asawa ni Ma-yette. Medyo nakakalbo na at manipis ang kata-wan. Kabaliktaran ito sa sinabi ni Mayette kay Digol na matikas ang asawa dahil dating miyembro ng Marine. Tinatakot lang pala si Digol. Hindi na niya matandaan kung bakit kailangan pang takutin ni Mayette si Digol.

Sinundan pa ng tingin ni Troy ang asawa ni Ma-yette. Walang dala kundi ang bag na nakasakbat sa balikat. Kumatok ito sa gate. Lumabas ng bahay si Kreamy. Agad na binuksan ni Kreamy ang gate. Nang mabuksan ay nilapitan ang ama at mahigpit na niyakap. Halatang sabik na sabik si Kreamy sa ama. Isinara ni Kreamy ang pinto at pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng bahay.

Nasaan kaya si Ma- yette at hindi ito ang nag-bukas ng gate? Baka na-aasar pa rin si Mayette. Kung ang ibang misis ng OFW ay sabik na sabik sa pagdating ng kanilang mister, kabaliktaran kay Mayette. Siguroy hindi na nga mahal ni Mayette ang asawa. Kung mahal, hindi niya pagtataksilan. Matagal din silang nagkaroon ng relasyon ni Digol. Kung hindi siya iniwan ni Digol, baka hanggang ngayon ay sila pa rin ang magkasalo sa kasalanan. Hindi niya alam kung bukod kay Digol ay mayroon pa itong ibang nakarelasyon. At ngayon nga, pati siya ay gustong isali ni Ma-yette. Gusto siyang ma-tikman. Pero iiwas siya kay Mayette. Susundin niya si Kreamy.

Dalawang araw makaraang dumating ang asawa ni Mayette, nakita ni Troy isang umaga na paalis ang mga ito. Sabay na naglakad sa kalsada. Saan kaya pupunta? Baka naman hindi na galit si Mayette sa asawa. Baka nakapag-isip-isip na. Sana nga para wala nang kumukulit sa kanya. Sana nga para wala nang nagnanasa sa kanya.

Alakdan (96) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 06, 2012 12:00 AM Comments (0)

MAKALIPAS ang may sampung minuto, nakita ni Troy na lumabas ng bahay si Kreamy. Sa di--reksiyon niya patungo ang babae. Tila may mahalagang sasabihin sa kanya.

Umalis sa bintana si Troy. Binuksan ang pinto. Hindi na niya pakakatu-kin si Kreamy.

May sasabihin lang ako, Troy. Pasensiya ka na.

Pasok ka Kreamy.

Pumasok si Kreamy.

Maupo ka.

Naupo si Kreamy.

Dumating na ang papa ko kamakalawa, sabi ni Kreamy.

Oo, nakita ko ang pagdating niya.

Namayat siya at halatang may taglay na sakit.

Mukhang matamlay nakita ko.

Hindi naman siya ganoon kapag dumadating galing sa Saudi.

Ano raw ang nararamdaman?

Naninikip daw ang dibdib.

Bakit hindi magpa-check-up?

Umalis nga sila kasama si Mama. Ako sana ang sasama pero may job interview ako mamaya.

Sana naman, hindi malubha ang nararamdamang sakit.

Sana nga Troy. Naa-awa talaga ako kay Papa. Wala siyang kamalay-malay sa ginagawa ni Mama.

Natahimik si Troy.

Pero nagtitiwala ako sayo Troy na hindi mo papatulan ang panunukso ni mama. Hindi mo dadag-dagan ang kasalanan ni Mama kay Papa

Oo, Kreamy. Hindi ako patatangay sa ginagawa niyang pang-aakit.

Salamat Troy.

Kung pupuwede nga lang aalis na ako rito para makaiwas sa mama mo pero baka naman isiping tinatakasan ko ang utang sa kanya.

Huwag kang aalis Troy. Dito ka lang. Kapag umalis ka, mawawalan ako ng kaibigan

Alakdan (97) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 07, 2012 12:00 AM Comments (0)

PATULOY pa rin akong pinipilit ng mama mo, Kreamy. Gaya nung minsan, pinuntahan ako sa aking trabaho

Nakatingin si Kreamy kay Troy. Hindi inaasahan ang pagtatapat ni Troy.

Pero gaya ng sabi mo, hindi ko pinansin ang panunukso niya. Naalala ko ang sinabi mo na huwag ko nang dagdagan ang kasalanan ng mama mo

Salamat uli, Troy.

Pinagbigyan ko lang ang mama mo nang yayain akong kumain pero hanggang dun lang. Matibay ang pangako ko sa iyo at ganundin sa aking sarili.

Napatangu-tango si Kreamy.

Kapag nagpatuloy ang mama mo, baka umalis din ako rito pero sasabihin ko sayo. Ikaw ang unang makakaalam kung aalis ako rito para makaiwas

Sige Troy. Gawin mo ang inaakala mong tama.

Maari naman akong mangupahan sa malapit sa trabaho ko. Problema lang ay baka sundan ako ng mama mo

Napabuntunghininga si Kreamy.

Sige na Kreamy, umalis ka na at baka makita ka ng mama mo rito. Baka magtago ka na naman sa ilalim ng kama.

Mamaya pa darating ang mga yun. Mga ilang examination ang gagawin kay Papa. Sabi niya sa akin, sa Saudi sana siya magpapa-ECG pero wala siyang tiwala sa doctor dun.

Kung may sakit ang Papa mo, e di hindi na siya makakapag-Saudi?

Malamang. Pero dinadalangin ko, sana walang sakit si Papa. At kahit wala siyang sakit, sasabihin ko, huwag na sana siyang bumalik sa Saudi. Ako na lang ang magtatrabaho.

Pero baka ipagtulakan siya ng mama mo sa Saudi kapag wala siyang sakit.

Napailing-iling si Kreamy. Problemado.

Maya-maya nakarinig sila ng tumigil na sasakyan sa tapat. Sumilip sila.

Dumating na sila Kreamy.

Aalis na ako, Troy.

Mag-ingat ka, Kreamy.

Alakdan (98) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 08, 2012 12:00 AM Comments (0)

HINDI titigil si Mayette sa pamimilit sa kanya para matupad ang matagal na nitong inaasam. Iyon ang naiisip ni Troy. Habang tumatanggi siya ay lalo namang natsa-challenge si Mayette na ipagpatuloy ang pang-aakit. Magtitiyaga sapagkat sariwang-sariwa ang pinagnanasaan. Ibang klaseng babae si Mayette na gagawin ang lahat para maisakatuparan ang hangarin. Kahit pa magkasira-sira ang buhay, okey lang masunod lamang ang inaasam.

Kaya tama lang ang desisyon niyang ipagtapat kay Kreamy ang ginawa ni Mayette na pagtungo sa kanyang trabaho. Kaila-ngang malaman ni Kreamy na gayun na lamang katindi ang pagnanasa ng mama niya. At sa mga gagawin pa ni Mayette, ipagtatapat pa rin niya kay Kreamy. Tiyak na mayroon na namang naiisip si Mayette para matupad ang balak.

Sa ginagawa ni Mayette na tila pawang katakawan sa laman ang naiisip, hindi kaya ganoon din si Kreamy. Kung ano raw ang ina, ganun din ang anak. Kung kaliwete si Mayette, magiging kaliwete rin ang anak. Pero sa tingin naman niya, wala sa itsura ni Kreamy na mangangaliwa. Walang makitang palatandaan ng kalandian o kakatihan sa katawan. Maayos manamit na hindi katulad ng inang si Mayette na halos ibilad ang katawan sa suot. Panty na yata at hindi shorts ang gusto nitong isuot. La-ging walang bra at kung kumilos ay nagpapahiwatig ng kahalayan.

Malaking palaisipan ang pagkakaiba ng ugali ni Mayette at ng anak na si Kreamy. Hindi tumama ang kasabihang kung ano ang puno ay iyon din ang bunga. Malayung-malayo ang kilos, pananamit at ugali

ni Kreamy kaysa inang si Mayette. At napansin din ni Troy, wala siyang makitang pagkakahawig ni Kreamy sa ina. Maganda si Kreamy. Baka naman kamukha si Kreamy ng papa niya?

Naalala ni Troy ang sinabi ni Kreamy na huwag siyang aalis sa bahay na ito. Mawawalan daw siya ng ka-ibigan kapag umalis si Troy. Ibig sabihin, talagang malalim na ang pagkakaibigan nilang dalawa. Nasiyahan si Troy na itinuturing siyang kaibigan ni Kreamy. Lalo pa tuloy umigting ang pangako niya rito na hindi papatulan ang ginagawang kalandian ni Mayette. Kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi matitikman ni Mayette ang pinagnanasaan.

MADALING ARAW. Na-alimpungatan si Troy nang makarinig nang mahihinang katok sa pinto. Akala ni Troy, nananaginip lamang siya pero totoo palang may kumakatok. Bumangon siya para tingnan ang kuma-katok.

Alakdan (99) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 09, 2012 12:00 AM Comments (0)

HABANG patungo sa pinto para tignan kung sino ang kumakatok, malakas na ang kutob ni Troy kung sino iyon si Mayette. Sino pa ba naman ang kakatok sa ganoong oras kundi ang babaing may malaking pagnanasa sa kanya. Hindi nagsasawa si Mayette sa panliligaw para magkaroon sila ng relasyon. Kahit pa ipina-ki-kita na niya na wala siyang nararamdaman o pagkagus-to, wala pa ring tigil.

Binuksan niya ang pinto pero awang lang. Sinilip niya. Tama ang hula niya. Si Mayette!

Troy, papasukin mo ako, sabi ni Mayette na halos pabulong.

Baka makita ka ng asawa mo?

Papasukin mo ako! Sabing pasinghal.

Ano pa ang magaga- wa niya? Kilala niya si Mayette na madaling bu-maltik. Baka maghuramentado. Kailangang pakitu-nguhan para walang gulo. Pakikisamahan na lang niya.

Nang buksan niya ay nagmamadaling pumasok. Siguroy nag-aalala rin na baka may makakita. Naiiwas naman niya ang harapan na gustong sanggiin ni Mayette. Parang takaw na takaw sa pakikipagtalik si Mayette.

Bakit Mayette?

Anong bakit?

Bakit ka narito?

Hindi ako makatulog. Lintik na buhay to!

Asan ang asawa mo?

Iyon ang pinuproblema ko?

Bakit?

Maysakit.

Anong sakit?

Sa puso.

Delikado yun.

Delikado nga. Pero ang ikinaiinis ko, baka hindi na makapag-Saudi.

Alangan namang pili-tin mo.

Basta naaasar ako. Kung hindi na siya mag-aabroad, patay na ako.

Hindi makapagsali-ta si Troy. Pero lihim siyang natutuwa sapagkat maaaring mabawasan na ang pangaakit sa kanya ni Mayette. Baka nga matuluyan na.

Kung hindi siya makakapag-Saudi e di mas mabuti pang matigok na! sabi ni Mayette at ngumiti nang mapakla

Alakdan (100) (Pilipino Star Ngayon) Updated June 10, 2012 12:00 AM Comments (0)

ANG sama ng bibig ko ano, Troy? Sabi ni Mayette at naupo sa kama. Bahagyang umingit ang kamang kahoy. Sa ilalim ng kamang iyon nagtago si Kreamy.

Hindi naman nagsalita si Troy. Mabuti at alam ni Mayette na masama ang lu-malabas sa bibig niya. Pati asawa ay dinadalangin nang matigok para lamang maga-wa ang gusto para mairaos ang takaw sa laman.

Lalo na akong mabubur-yong nito. Baka maging taga-hugas pa ako ng puwit. Ang masama pa nito, wala nang darating sa akin na dolyares buwan-buwan. Sino naman ang hindi maiinis sa ganitong pangyayari? Sige nga, sagutin mo ako, Troy.

Pero hindi pa rin nagsa- lita si Troy. Sa kalaliman ng gabi, maaaring ang pag-uusap nila ang mangibabaw at may makarinig. Sa lugar na iyon ay maraming tsismosa.

Palagay ko, hindi na makapagtatrabaho ang asawa ko. May bara raw ang ugat sa puso. Maaaring atakehin ka-pag nagtrabaho nang mabigat.

Bakit hindi ipaopera? Na-pilutang magsalita ni Troy.

Malaki ang gastos. Siguradong ubos ang kabuhayan namin. Baka ang mga lupain namin sa Marinduque ay maubos. Paano naman ako? At saka wala naman daw kasiguruhan na kapag naopera ay hindi aatakehin.

Bakit hindi makipagsapalaran? Meron namang gagastusin.

Paano nga ako? Baka maubos lang ang pera sa pagpapaopera. Buwisit na buhay to?

Sira na yata ang babaing ito. Nabibigyan ng sustento ang lalaki niya pero ang pagpapagamot sa asawang may sakit ay nanghihinayang. Gaano karaming pera ang nahuthot sa kanya ni Digol? Lahat ng perang iyon ay buhat sa pagpapatulo ng pawis sa Saudi. Matagal na pinag-ipunan.

Ay naku, huwag na ngang pag-usapan ang asawa ko at baka matuluyan akong masira. Kuwentuhan mo nga ako ng mga nangyari sa trabaho. Mabagsik pa ba ang bisor mong pangit.

Hindi na gaano. Pero patuloy pa rin akong minamanmanan.

Ayaw mo pa kasing mag-resign. Nagtitiis ka roon.

Hindi nagsalita si Troy.

Siguro may gusto sayo ang bisor na iyon. Baka katulad ko rin na malakas ang tama sayo. Ano sa palagay mo, Troy?

Ewan ko.

Pero kung may gusto sayo ang swangit na yun, tiyak namang gugustuhin mo ako kaysa kanya. Mas hamak na maganda ako at seksi pa, di ba? Yung babaing yun ang pangit ng katawan. Pati ang suso, bagsak na bagsak! Di ba Troy?

Tahimik lang si Troy.

Hoy sumagot ka?

Ayaw patulan ni Troy si Mayette.

Ah siguro gusto mong makita ang katibayan. Tingnan ko kung di ka maakit dito

Nagsimulang maghubad si Mayette sa harap niya.

Alakdan (101)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 11, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAHUBAD ni Ma-yette ang t-shirt. Bumulaga kay Troy ang dalawang mayamang umbok na may kayumangging korona sa gitna. Hindi maaaring hindi makita sapagkat nakabuyangyang na. Kung magtatakip naman ng mata ay masagwa at hindi bagay. Hindi naman siya bakla. Wala sa lahi nila ang binabae. Pinatunayan na niya ito noon kay Mayette nang ipakita naman niya ang nakabukol sa harapan. Natatandaan niya, hangang-hanga si Mayette sa ga-kabayong kulay pink ang dulo. Ang problema ngayon, kahit na ibuyangyang ni Mayette ang kaluluwa ay walang antig sa kanya. Hindi talaga niya type ang isang parang ina na niya o ate niya.

O tingnan mo naman to, meron kaya nito yung bisor na nagtataray sa yo. Maayos na maayos pa ang pagkakatayo nito, Yung ibang matrona nga diyan, ang dede nasa baywang na!

Gustong mapahagikgik ni Troy sa sinabi ni Mayette pero pinigil niya. Hinayaan na lang niyang magsalita.

Di ba maganda naman ang porma nito, Troy?

Hindi sumagot si Troy. Kung sasagot siya at pupurihin na ma- ganda ang porma ng mga suso nito ay baka humaba pa ang usapan at ipagduldulan pa sa kanya. Kabisado na niya ang utak ni Mayette. Maski noon pang karelasyon ito ni Digol, madaling mag-init ang ulo at sasabihin ang kung anong maisip. Walang preno sa pagsasalita. Baka pagpinuri niya na maganda ang mga suso ay hilingin sa kanya na halikan ang mga ito o kayay gawing tsupon.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin para ka maakit, Troy. Gusto ko na yatang sumuko. Wala na yata akong pag-asa. Ibinibilad ko na pero wala talaga. Ibang klase ka, Troy. Hindi ka naman ba- ding dahil nakita ko na yang ano. Anong klase ka bang lalaki na tumatanggi sa babae. Nagmamaka-awa na nga ako

Malakas na ang boses ni Mayette. Kinabahan naman si Troy.

Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa atin

Pero lalo pang nilakas ang boses.

E ano kung may makarinig? Pakialam ko sa kanila.

Baka hinahanap ka na ng asawa mo.

Wala akong pakialam sa kanya. Inutil naman yun!

Hanggang sa natahimik si Mayette. Tila may naiisip na gagawin.

Ah siguro ang dapat mong makita ay etong nasa loob ng shorts ko. Kapag nakita mo ito, baka maantig ka na

Kumilos ang mga kamay ni Mayette para hubarin ang shorts. Desidido na

Alakdan (102) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 12, 2012 12:00 AM Comments (0)

MALAKI na talaga ang sira sa tuktok ni Mayette, naisip ni Troy. Desperada na yata at lahat-lahat ay gustong ibuyangyang sa kanya. Pati yung tinatakpan ng shorts niya ay gustong ipakita. Meron palang ganitong babae na kapag nagkagusto ay kahit isangla ang kaluluwa sa demonyo. Akala ni Troy, sa mga

pelikula lang at telenobela mayroong ganitong babae totoo pala na may baliw kapag sukdulan na ang pag-aalok pero ayaw namang tukain nang pinag-aalukan.

Naibaba na ni Mayette ang shorts at lumitaw na ang itim na panty nang mula sa labas ay may narinig silang sigaw: TULUNGAN NYO KAMI!!!

Biglang itinigil ni Mayette ang paghubo ng shorts.

Ano yun? Tanong nito habang nakahawak sa shorts na nasa may tuhod na.

Boses ni Kreamy yun ah!

Napamaang si Mayette. Gustong makatiyak.

Baka may nangyayari sa inyo?

Hindi pa rin makapagsalita si Mayette.

Baka may nangyari sa asawa mo? Baka inatake!

Sapat ang sinabi ni Troy para ibalik ni Mayette ang hinuhubad na shorts. Mabilis na binutones at siniper. Dinampot ang hinubad na damit at mabilis ding isinuot. At saka tinungo ang pintuan.

Buwisit! Sabi nito at saka mabilis na lumabas.

Sinundan ng tingin ni Troy si Mayette habang patawid sa kalsada at hanggang sa makapasok sa gate.

Nagbalik si Troy sa kanyang kama. Umupo roon at naki-ramdam. Bakit kaya sumigaw si Kreamy?

Maya-ma-ya narinig uli niya ang sigaw ni Kreamy. Ka-ilangan na niyang tumulong.

Alakdan (103) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 13, 2012 12:00 AM Comments (0)

TIYAK na may nangyari sa ama ni Kreamy kaya humihingi ito ng tulong. Mabilis na lumabas ng kuwarto si Troy at nagtungo kina Kreamy.

Pagdating niya sa gate ay naroon si Kreamy at umiiyak.

Troy, dalhin natin sa ospital si Papa. Hindi makahinga, Kanina pa umuungol.

Takbo sila sa loob ng bahay. Nasa salas si Mayette na hindi makitaan ng pag-alala. Sumunod ito sa kanila nang tinungo ang kuwarto na kina-roroonan ng papa ni Kreamy.

Papa! Papa!

Hirap na hirap ang papa ni Kreamy. Tila nagkukulay-talong na. Masama ito. Atake nga yata sa puso.

Magpatawag ka ng taxi. Bubuhatin ko.

Meron na, Troy kanina pa nakaabang sa labas.

Binuhat ni Troy ang papa ni Kreamy. Magaan. Kayang-kaya niya nang sambilatin. Inilabas niya ito sa kuwarto. Nakabuntot si Kreamy at Mayette.

Nasa may gate na ang taxi na kulaly berde at dilaw. Bumaba ang drayber at binukas ang pinto sa likod.

Ipinasok ni Troy ang papa ni Kreamy. Nang maipasok ay sumakay si Kreamy. Umiiyak.

Papa, huwag mo akong iiwan! Sabi habang hawak ang kamay ng ama.

Ikaw na ang sumama, Troy, sabi ni Mayette na nakatayo sa may pintuan ng taxi. Susunod na lang ako.

Ano bang klaseng asawa ito na sa halip na siya ang maghatid sa maysakit na asawa ay etot ipinauubaya sa ibang tao. Ibang klaseng babae si Ma-yette na gusto yata ay matigok na ang asawa para nga naman malaya nang magawa ang gusto.

Pero hindi na nagtanong pa si Troy. Mabilis siyang sumakay ng taxi. Pinatakbo ng drayber. Mabilis. Nakahazards ang ilaw ng taxi habang tumatakbo.

Habang tumatakbo ay naririnig ni Troy ang pag-iyak ni Kreamy. Hindi siya tumitingin sa likuran pero alam niya na hawak ni Kreamy ang kamay ng ama. Alam niya ang nadarama ni Kreamy sapagkat kamamatay lang ng kanyang mga magulang. Magkasunod pang namatay. Parang ayaw niyang alalahanin ang nangyari sa Itay at Inay niya. Masakit mawalan ng magulang lalo pa nga at magkasunod.

Troy hindi na yata humihinga si Papa! Maitim na ang mga kuko!

Relaks lang Kreamy, malapit na tayo. Huwag kang mag-panic.

Pero lalo lamang nagpanic si Kreamy.

Papa huwag mo akong iiwan! Papa!

Pinabilis pa ng drayber ang taxi. Hanggang sa matanaw nila ang gate ng ospital. Ipinasok doon at tinungo ang EMERGENCY. Nakaabang na ang mga attendant sa pagdating ng pas-yente.

Papa huwag mo akong iiwan!

Alakdan (104) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 14, 2012 12:00 AM Comments (0)

SA Emergency Room. Mabilis ang kilos ng mga doctor sa pag-revived sa papa ni Kreamy. Dalawang doctor ang naroon. Walang tigil sa pag-iyak si Kreamy habang sinasalba ng mga doctor ang buhay ng kanyang ama. Naiintindihan ni Troy ang nadarama ni Kreamy. Ganito rin ang nadama niya nang magkasunod na mamatay ang Itay at Inay niya. Hindi na niya inabutang buhay ang kanyang Inay. Napakalungkot sapagkat nang dumating siya parehong may takip na kumot ang Itay at Inay niya. Halos madurog ang puso niya.

Napakapit si Kreamy sa braso ni Troy habang pinagmamasdan ang mga doctor sa ginagawang pagsalba sa buhay ng ama. Nadama ni Troy ang malamig na palad ni Kreamy. Kawawa naman si Kreamy na noon pa nagsabing naaawa siya sa kanyang papa sapagkat matagal na rin naman nagtatrabaho sa Saudi. Gusto nang magretiro roon pero ang mama niyang si Mayette ang tutol sapagkat wala nang darating na dollar. Kanina, napansin ni Troy na walang pagkabalisa si Mayette kahit inatake na ang asawa. Sa kilos ay tila natutuwa pa yata at inatake ang asawa. Kung mamamatay nga naman ang asawa, malaya na sa lahat nang gagawin lalo ang pagtikim sa bawal na laman.

Napansin ni Troy na hindi na gaanong mabilis ang kilos ng dalawang doctor na nagsasalba sa buhay ng papa ni Kreamy. Positibo ang resulta ng kanilang ginagawa. Napansin din niya sa TV monitor na nagkaroon ng galaw ang maliliit na guhit sa screen. Palatandaang buhay ang pasyente.

Lumapit ang isang doctor sa kanila. Sinabing lig-tas na ang pasyente. Pero hindi pa ito makakausap. Sinabihan sila na sa labas na lang maghintay at kapag maayos na saka sila ia-advise.

Salamat po Doktor Sabi ni Kreamy na tinapunan ng tingin ang ama bago lumabas.

Naupo sila sa hintayan sa labas.

Salamat naman at buhay si Papa. Akala ko, wala na, sabi ni Kreamy na masigla na ang boses.

Kanina sa taxi akala koy wala na dahil sabi mo hindi na humihinga.

Akala ko talaga hindi na humihinga si Papa. Kaya nagpanik na ako.

Nagkukuwentuhan sila nang makita ang pagdating ni Mayette. May dalang bag.

Ang mama mo nandiyan na.

Alam ko kung bakit wala siya kanina habang inaatake si Papa

Alakdan (105) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 15, 2012 12:00 AM Comments (0)

GALING siya sa room mo ano, Troy? Tanong ni Kreamy habang nakatingin kay Troy. Malayo pa sa kanila si Mayette kaya hindi pa nitoi nalalaman ang kanilang pinag-uusapan.

Oo, galing siya sa room ko at nag-attempt na naman na tuksuhin ako. Pero hindi niya ako kayang isama sa hukay ng kasalanan.

Salamat Troy. Akala ko, natangay ka na.

Hindi Kreamy. Ipina-ngako ko sa iyo di ba?

Kahit paulit-ulit kang tuksuhin, huwag kang patatangay, Troy.

Maaasahan mo Kreamy.

Tumigil sila sa pag-uusap nang makalapit si Mayette.

O anong balita sa papa mo? tanong nito na wala man lang bahid ng pag-aalala.

Ligtas na si Papa.

Ganun lang ang sinabi ni Kreamy.

Nasaan siya? Tanong ni Mayette.

Nasa ER pa. Mamaya raw ililipat. Bawal pang kausapin.

Paano ang room?

Iaadvise ng doctor kung kukuha na ng room.

Hindi na nagsalita si Mayettte. Naupo sa di-kalayuan. Hindi siya tumi-tingin kay Troy na katabi ni Kreamy.

Maya-maya tumayo si Mayette at lumapit kay Kreamy.

Ito ang bag. Mga damit ng Papa mo yan. Lalabas lang akonabubwisit

na talaga ako.

Kinuha ni Kreamy ang bag at pinatong sa bakanteng silya.

Lumabas na si Ma-yette. Sinundan ng Tingin ni Troy. Si Kreamy ay na- katungo na tila nananala-ngin. Maya-maya ay may sinabi si Kreamy.

Malaki na ang utang ko sa iyo, Troy. Kung hindi nadala dito si Papa, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Okey lang yun Kreamy.

Nang marinig ko ang pagsigaw mo, nalaman ko nang may masamang nangyari sa Papa mo.

Kasiy naalarma ako sa klase ng paghihilik ni Papa kanina. Nang sumugod ako sa kuwarto nila, si Papa lang ang nakita ko roon. Wala si Mama. Naisip ko tuloy kung anong klaseng asawa si Mama na iniiwanan ang asawang naghihingalo. Maisusumpa mo tuloy

Alakdan (106) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 16, 2012 12:00 AM Comments (0)

TIYAK nang hindi makakapag-abroad ang papa mo, Kreamy, sabi ni Troy.

Hindi na talaga. Noon ko pa naman sinabi sa kanya na magretire na. Kaya lang, matindi ang pressure ni Mama.

Ayaw patigilin ng mama mo?

Oo. Nag-away na sila dahil diyan. Last na uwi ni Papa, gusto niya dito na lang. Siguro may nararamdaman na sa kanyang katawan. Pero nang sabihin kay Mama, nagalit ito. Nagsigawan. Mas mala-kas ang boses ni Mama. Hiyang-hiya ako. Hindi ko naman maawat si Mama dahil natatakot ako. Kapag nagsalita siya, kinakabahan na ako.

Ganyan ba talaga ang mama mo noon pa? Mabilis magalit na parang kakain ng tao.

Oo. Namulatan ko na lang na ganyan siya. Wala nga akong natandaang hindi yan nakasigaw.

Ikaw, lagi kang sinisigawan?

Oo. May magawa lang akong munting kamalian, nakasigaw na. Madalas pa akong kurutin dito sa tagiliran. Hinihila ang buhok ko. Kahit sa maraming tao, sinisigawan ako

Nakatingin si Troy ha-bang nagsasalita si Krea-my. Kawawa pala si Kreamy. Abused child pala siya. Anong klaseng ina si Mayette.

Kaya nga lumaki akong mahiyain. May epekto sa akin ang ginagawa ni Mama. Sa loob ng klase, mahiyain ako. Kahit alam ko ang sagot sa itinata-nong ng teacher, hindi ako sumasagot.

Bakit nagkaganoon ang mama mo?

Ewan ko. Iyan nga ang itinatanong ko sa sarili ko.

Hindi mo sinasabi sa papa mo?

Hindi.

Mayroon pang itata-nong si Troy pero naki-ta niya ang pagdating ni Ma-yette. Nagsawa siguro sa pagistambay sa labas.

Naupo si Mayette sa malapit kay Troy. Naamoy ni Troy na amoy sigarilyo si Mayette.

KINABUKASAN, naili-pat na nila sa isang pri-vate room ang papa ni Kreamy. Si Kreamy ang nagbabantay.

Ilang araw pa ang nakalipas at nakakapagsalita na ang ama ni Kreamy. Nang makita nito si Troy ay tinanong kay Kreamy.

Siya si Troy Papa. Siya ang tumulong sayo.

Ngumiti si Troy sa ma-tanda.

Alakdan (107) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 17, 2012 12:00 AM Comments (0)

NANG tulog na ang papa ni Kreamy, saka lamang na-kapagtanong si Troy.

Ano nga pala panga- lan ng papa mo Kreamy.

Rodolfo. Kung tawagan siya ay Dolfo.

Anong tinanong niya kanina?

Sino ka raw?

Anong sagot mo?

Sabi koy nangungupahan?

Ano pa?

Bakit daw lagi kang narito?

Sinabi ko, ikaw ang nagbuhat sa kanya matapos atakehin.

Mukhang mabait ang papa mo ano?

Talagang mabait yan, Troy. Walang makakapantay sa kabaitan niyan.

Hindi kaya siya nagtaka kung bakit wala ang mama mo nung gabing siya ay atakehin?

Palagay ko hindi. Kasi baka ang akala niya ay nasa comfort room lamang si Mama.

Sa palagay mo kaya ay hindi siya naghihinala?

Hindi ko alam Troy?

Napansin nila na kumilos ang papa ni Kreamy sa kama. Tumigil sila sa pag-kukuwentuhan. Pinakiramdaman nila kung gising si Mang Dolfo. Hindi na ku-milos.

Nagpatuloy sila sa pag-kukuwentuhan.

Kapag nagbabakasyon si Papa galing sa Saudi, ang dami niyang dalang alahas sa akin singsing, pulseras, hikaw, pati relo. Pero alam mo, kinukuha sa akin ni Mama at ewan ko kung saan na napunta. Isinangla siguro. Napag-isip-isip ko, siguro ay binigay niya ang perang pinagsanglaan dun sa lalaking kinahumalingan niya hindi na lang ako nagsalita o kinumpronta siya. Hinayaan ko na.

Bakit hindi mo sinabi sa papa mo.

Natatakot ako. Isa pa ayaw kong mag-iisip si Papa sa Saudi.

Grabe pala talagang dinanas mo, Kreamy

Hindi nagsalita si Krea-my pero nararamdaman ni Troy, iiyak na naman ito.

Marami pa silang pinagkuwentuhan ukol sa papa ni Kreamy.

Nang dumating si Ma-yette, mainit ang ulo. Masama ang mood.

Bakit narito ka Troy? Di ba may trabaho ka? Umuwi ka na at pumasok. Baka ka masibak dahil sa pagtambay dito!

Alakdan(108) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 18, 2012 12:00 AM Comments (0)

NANDIDILAT ang mga mata ni Mayette habang nagsasalita kay Troy. Nakatingin lang si Kreamy sa ina. Kahit gusto niyang ipagtanggol si Troy dahil sa pag-absent nito sa trabaho, nanaig ang takot niya sa ina. Baka sumigaw ito at magising ang kanyang ama. Pinili niyang manahimik. Hayaan na lang niyang pagsalitaan nito si Troy.

Tumawag naman ako sa kasamahan ko. Sabi ko may emergency lang na nangyari. Papasok ako bukas ng umaga.

Kapag sinibak ka, huwag kang hihingi ng tulong.

Hindi na nagsalita pa si Troy.

Patuloy sa pagtatalak si Mayette na kung tutuusin ay wala namang katuturan. Parang sirang plaka. At hula ni Troy, naiinis si Mayette dahil parati silang nag-uusap ni Kreamy. Nagseselos si Mayette sa anak. Sa himig ng pananalita ni Mayette, gusto na nitong paalisin si Troy.

Kaya na naman ang pag-aasikaso kay Dolfo. Sige umuwi ka na Troy.

Wala nang nagawa si Troy. Susundin niya si Mayette para tapos ang usapan.

Sige Kreamy, aalis na ako.

Pumasok ka nga-yon. Kahit half day. Para hindi ka na naman masilip ng bisor mong malandi.

Tumango lang si Troy at lumabas na sa silid.

Hindi siya pumasok sa trabaho. Hindi niya sinunod ang utos ni Mayette. Natulog siya para mabawi ang puyat na nawala noong isugod nila sa ospital ang ama ni Kreamy na si Mang Dolfo.

Pasado alas-nuwe-be ng gabi siya nagi-sing. Saka lamang siya nagluto ng kakainin sa hapunan. Habang nag-hahanda ng hapunan, iniisip niya kung bakit ganoon ang inuugali ni Mayette sa anak na si Kreamy. Anong klaseng ina si Mayette? Bata pa si Kreamy ay inaabuso na ng sariling ina. Kaya pala naging mahiyain si Kreamy.

Eksaktong naka- tapos sa pagkain si Troy nang biglang dumating si Mayette. Kumatok at sabay tulak sa pinto. Ano na naman kaya ang balak ng babaing ito?

Huwag ka nang pupunta sa ospital. Ha-yaan mo na kami run!

Tumutulong lang naman ako, Mayette.

Hindi ko gusto ang pagtulong mo dahil nasisira ang plano ko.

Kumunot ang noo ni Troy. Anong ibig sabihin ni Mayette?

Alakdan (109) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 19, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAKIT ba bigla kang sumugod sa bahay at nakialam sa pagdadala sa ospital?

Tanong pa ni Mayette. Para bang gustong sabihin na hindi niya dapat dinala ang asawa nito sa ospital.

Hindi sumagot si Troy. Hi-nayaan niyang magsalita.

At ano ang pinag-uusapan nyo ni Kreamy? Tungkol sa akin?

Hindi, pagkakaila ni Troy. Pinag-uusapan namin ang sakit ng asawa mo.

Ang tagal nyong nagkukuwentuhan. Nang lumabas ako para manigarilyo, nagkukuwentuhan na kayo at nang bumalik ako nagkukuwentuhan pa rin kayo. Baka mayroon ka-yong pinagkukuwentuhan na laban sa akin. Huwag ninyo akong kakalabanin.

Wala kaming pinagkukuwentuhan na laban sayo Mayette.

Basta huwag ka nang pupunta sa ospital. At maski lumabas ang asawa ko, huwag kang basta pupunta sa bahay. Baka mahalata ng anak ko at asawa ko na mayroon tayong lihim

Wala naman tayong lihim.

Sa iyo wala, sa akin meron.

Nanahimik si Troy. Wa--lang kamalay-malay si Ma-yette na alam nang lahat ni Kreamy ang ginagawa niya. Bistado na ni Kreamy ang matinding pagnana-sa kay Troy.

Basta manahimik ka lang dito kung ayaw mo akong magalit. Kapag nanumbalik sa normal ang lahat, saka na lang natin ituloy ang ginigiit ko.

Tahimik lang si Troy. Malaki talaga ang pagnanasa sa kanya ng ba-baing ito.

ISANG linggo ang nakalipas, lumabas na sa ospital ang papa ni Kreamy. Nakita niya ang pagda-ting. Nakawheelchair si Mang Dolfo na tinutulak ni Kreamy. Nakatingin lang si Mayette.

Gusto niyang makausap si Kreamy, pero natatakot naman siya kay Mayette.

Mag-iisip siya ng paraan kung paano makakausap si Kreamy.

Alakdan (110) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 20, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAGHIHINTAY ng ti-yempo si Troy kung paano makakausap si Kreamy. Gusto niyang makausap si Kreamy para malaman nito ang mga sinabi sa kanya ni Mayette. Sa-sabihin niya na nagagalit ito dahil agad siyang sumugod sa bahay nang gabing atakehin si Mang Dolfo. Mabuti nang nalalaman ni Kreamy ang lahat. Sasabihin din niya na patuloy ito sa pagbibigay ng motibo. Hindi pa rin tumitigil para magkaroon sila ng relasyon.

Pero hindi magkaroon ng tiyempo si Troy. Ayaw naman niyang tawagan o i-text. Gusto niya maka-usap ito at para makita na rin. Hindi niya maintindihan ang nadarama kapag kausap si Kreamy. Masaya siya kapag kausap ito.

Bago pumasok sa trabaho sa umaga ay nag-aabang si Troy sa bintana. Mga 15 minuto siyang sisilip sa bintana at inaabangan si Kreamy. Bakasakaling may bilhin sa tindahan ay agad niyang susundan. Pero ilang araw na niyang ginagawa iyon pero hindi luma-labas ng bahay si Kreamy. Laging nakabantay sa kanyang ama. Siguro ay nagkaroon ng leksiyon mula nang atakehin kaya hindi iniiwan.

Isang umagang nakasilip siya sa bintana, biglang nakita niya ang paglabas ni Mayette. Nagmamadali ito. May dalang travelling bag. Mukhang malayo ang pupuntahan.

Natuwa si Troy. Makakausap na niya si Kreamy. Pero kaila-ngang siguruhin niya na nakaalis na ta-laga si Ma-yette. Baka biglang bumalik e delikado siya.

Sinundan ni Troy si Ma-yette. Na-tanaw niya na tumawag ito ng taxi. Sumakay at mabilis na umalis ang taxi.

Sinamantala ni Troy ang pagkakataon. Nagtungo ito sa bahay nina Kreamy.

Kumatok siya.

Makaraan ang ilang sandali, lumabas si Kreamy.

Tamang-tama wala si Mama. Halika, Troy.

Nakita ko ngang umalis kaya ako nagmamadali sa pagpunta rito. Marami akong sasabihin sa iyo.

Ako rin, Troy maraming sasabihin sayo.

Alakdan (111) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 21, 2012 12:00 AM Comments (0)

MUKHANG magtatagal sa kanyang pupuntahan ang mama mo. Maraming dalang damit.

Mga isang linggo raw.

Saan pupunta?

Sa probinsiya, ipagbibili raw ang mga lupa namin. Kailangan daw namin ang pera dahil malaki ang nagastos ni Papa.

Palagay ko nga mala-ki ang nagastos nyo.

Malaki talaga Troy at may bago pang pro-ble--ma dahil kailangan nang ope-rahan si Papa. Maraming ugat sa puso niya ang barado.

Kung ang operasyon ang paraan para siya gumaling e dapat ganun ang gawin.

Pero natatakot ako kapag inoperahan si Papa, baka lalong mapadali ang buhay niya.

Mas lalo namang masama kung hindi siya ooperahan. Baka atakehin uli.

Sabi ni Mama, ipagbibili niya lahat mga lupa namin.

Bakit naman lahat?

Hindi ko alam. Para bang nagmamadali siya.

Masama ang naiisip ni Troy pero hindi siya nagsa-lita. Pero iyon din pala ang naiisip ni Kreamy.

Pakiramdam ko Troy, gusto niyang maipagbili lahat habang buhay pa si Papa. Siyempre kaila-ngan ang pirma ni Papa. Nasasaktan lang ako dahil, kaya niya gustong ipagbili lahat ay para hindi siya mahirapan sakalit wala na si Papa. Hindi ba yung kaya niya minamadali ang pagbebenta ay dahil gusto niyang maipagamot si Papa.

Yan din ang naiisip ko kanina, Kreamy.

Alam mo, nahihirapan na ako Troy. Kundi lang kay Papa, baka umalis na ako at magtutungo sa malayung-malayo.

Kawawa naman ang papa mo kapag umalis ka.

Siya nga lang ang iniisip ko kaya hindi ako makaalis. Kawawa naman at baka kung ano ang mangyari. Kasi, pakiramdam ko kay Mama, gusto na niyang matuluyan si Papa para wala nang hadlang sa anumang gagawin niya.

Iyon din pala ang nasa isip ni Kreamy. Ayaw nga lang nitong kumpronta-hin ang mama niya dahil natatakot at ayaw niyang mabigyan ng problema ang papa niya. Kung aawa- yin niya ang kanyang mama, baka may masamang mangyari sa papa niya.

Sa pagkakataong iyon, humanga si Troy kay Krea-my. Napakabuti nitong anak.

Alakdan (112) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 22, 2012 12:00 AM Comments (0)

ALAM mo ang ikinatatakot ko, Troy, ngayong maysakit si Papa, tiyak na lalong magwawala si Mama. Kung noong malakas pa ay iniiputan na niya, mas lalo pa nga-yon na wala nang maibibigay si Papa. Kaya ang dasal ko, sana ay huwag munang mamatay si Papa. Huwag muna niya akong iiwan

Siguro naman kapag inoperahan ang papa mo ay mag kakarooin ng pagbabago.

Yun ang isang problema, Troy. Hindi porke at inoperahan ay malaki ang tsan--sa na hahaba ang buhay. Me- ron daw na ngayon ino-pe-rahan pero makaraan ang ilang araw ay namatay. Pero marami rin naman daw ang nakaligtas at patuloy na nabuhay.

Sana ay mapabilang doon ang papa mo.

Alam mo, Troy kapag iniwan ako ni Papa hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero siguro baka umalis ako sa bahay na ito. Magkakanya-kanya na kami ni mama. Ayaw kong makasama siya

Nakatingin lang si Troy kay Kreamy. Seryoso si Kreamy sa sinabi. Nakikita ni Troy na talagang hindi makakasundo ni Kreamy ang mama niya. At naisip ni Troy, si Ma-yette ang dapat sisihin kung bakit ganoon ang damdamin ni Krea-my sa ina.

Nag-uusap pa ang dalawa nang marinig nila ang pagta-wag ni Mang Dolfo mula sa kuwarto. Hinahanap si Kreamy.

Teka sandali, Troy. Baka iihi si Papa. Sandali lang ha? Diyan ka lang.

Sige lang Kreamy.

Mabilis na pumasok si Kreamy sa kuwarto.

Napakabait na anak ni Kreamy. Wala siyang makitang kapintasan kay Kreamy. Nagtataka siya kung bakit malupit dito si Mayette. Anong klaseng ina si Ma-yette na kinakawawa ang anak. Mula pala pagkabata ay pawang pagmumura, paninisi at pamimintas ang pinalasap ni Mayette kay Kreamy. Hinihiya siya sa karamihan ng tao. Maski sa harap ng mga kaklase niya noong high school at college ay minumura siya. Walang pigil ang pagmumura. Hindi alam ni Kreamy kung bakit ganoon ang pinakikitang ugali sa kanya ng ina. Awang-awa siya sa sarili.

Nakita ni Troy ang pag-lapit ni Kreamy.

Troy sandali lang ha, pakakainin ko lang si Papa. Nagugutom na raw siya.

Okey lang Kreamy. Puwedeng masilip ang papa mo?

Halika. Sinabi ko nga na narito ka.

Sumunod si Troy kay Kreamy.

Nakahiga si Mang Dolfo. Tingin ni Troy ay mahina ito. Parang nauupos na kandila.

Ngumiti si Mang Dolfo nang makita si Troy.

Kumusta po?

Ngumiti lang ito. Nahihi-rapan yatang magsalita. Ipinaliwanabg ni Kreamy na naghahabol sa paghinga ang papa niya.

Tumango-tango lang si Troy.

Pinagmasdan na lang ni Troy si Kreamy sa matiyagang pag-aasikaso sa ama. Trabahong dapat ay si Mayette ang gumaganap.

Gustong malaman ni Troy kung bakit napakasama ng ipinakikita ni Mayette kay Kreamy. At siguro, kay Mayette din niya malalaman kung bakit.

Alakdan (113) Ni Ronnie M. halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 23, 2012 12:00 AM Comments (0)

SUNOD na pag-uusap ni Troy at Krea-my ay makaraan ang isang linggo. Ti-next siya ni Kreamy. Pwde ka b pumnta dto sa bahay? Sumagot siya ng Oo. Sumagot uli si Kreamy, Wla c Mama. Umalis. Mayroon na namang isusumbong si Kreamy.

Nagtungo siya kina Kreamy. Nag-usap sila sa salas.

Anong problema, Kreamy?

Ipinagbili na ni Mama ang lahat ng lupain namin sa probinsiya

E di mayroon nang magagastos para sa heart operation ng papa mo.

Napatungo si Krea-my. Kasunod niyon ay umiyak si Kreamy. Problemadung-pro-blemado ito.

Bakit Kreamy?

Parang ayaw na ni Mama na ipaopera si Papa.

Ano raw ang dahilan?

Kasi hindi naman daw 100 percent na makakaligtas si Papa kahit i-bypass ope-ration siya. Sabi ni Mama baka gagastos daw siya nang pagkamahal-mahal tapos ay mamamatay din si Papa.

Pero di ba kaya ipinagbili ang lupain nyo e dahil ipa-oopera nga?

Oo. Kaya nga nagtungo siya sa probinsiya at ibinenta ang aming lupain.

Paano niya sinabi na ayaw nang ipagamot ang papa mo?

Sinabi mismo sa akin, Troy. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Kung may magagawa lang ako, Kreamy. Kung may maitutulong lang ako.

Hindi sumagot si Kreamy.

Maya-maya, nagsalita.

Alam mo Troy parang hindi na tata- gal si Papa!

Alakdan (114) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 24, 2012 12:00 AM Comments (0)

HUWAG ka munang magpanic, Kreamy. Relaks ka lang.

Mula kasi nang ata-kehin si Papa nagkaroon na ako ng takot. Laging nasa isip ko, aatakehin siya at habang sinusugod sa ospital, wala na. Bumigay na. Ganun lagi ang naiisip ko Troy

Huwag ganun ang isi-pin mo. Kapag yun ang inisip mo, mangyayari nga yun.

Isa sigurong dahilan kaya ganun ang naiisip ko e dahil sa ginagawa ni mama. Siguro kung maganda ang ipinakikita ni mama kay papa at sa akin, baka hindi ganito ang nararamdaman ko.

Natahimik sila. May ini-isip si Kreamy. Malalim.

Nang magsalita ay bahagyang nakangiti.

Mabuti na lang at narito ka, Troy. Paano kaya kung wala ka? Siguro hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin ko.

Pero alam mo, kung hindi rin sa payo mo na labanan ko ang panunukso ng mama mo, baka bumigay na rin ako.

Bakit naman?

Kasi ngay malaki ang utang ko sa mama mo. Para makabayad, baka pumayag na ako na magkaroon kami ng relasyon.

Mati-take mo na patulan ang isang halos ay ina mo na, Troy.

Kapit sa patalim, Krea-my. Kung wala na akong makakapitan, baka kuma-pit na ako sa kanya.

Mawawala naman ang paghanga ko sayo kapag nagkaganoon.

Kaya nga ng sabihin mo sa akin, na huwag ko nang dagdagan ang kasalanan ng mama mo, natauhan ako. Dapat talagang umiwas ako sa kanya at huwag kakagat sa iniaalok niyang mansanas.

Napangiti si Kreamy sa matalinhaga na pag-sasalita ni Troy.

Pero alam mo Troy, minsan, narinig ko kay mama na nagbabalak kang paalisin sa tirahan mo. Sinabi iyon nung dalhin mo sa ospital si papa. Pakialame-ro ka raw. Pagnainis daw siya baka palayasin ka.

Natahimik si Troy. Yun pala ang balak ni Ma-yette. Posible yun dahil panay ang tanggi niya sa panunukso nito. Kahit na ipinakita na ang kaluluwa sa kanya, tinanggihan pa rin.

Hindi makalimutan ni Troy ang sinabi ni Kreamy ukol sa balak ni Mayette. Kaya nang puntahan siya ni Mayette, lantaran na niya itong tinanong. Hindi na siya nakapigil.

Paaalisin mo ba ako rito, Mayette?

Napamaang si Ma-yette. (

Alakdan (115) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 25, 2012 12:00 AM Comments (0)

BAT mo naitanong kung paaalisin kita rito, Troy? Tanong ni Ma-yette.

Wala lang, sabi ni Troy. Naitanong ko lang.

Hindi sinabi ni Troy na nalaman niya iyon kay Kreamy.

Bat naman kita paaalisin. Kung paaalisin kita e di sana noon pa. At bago kita paalisin, sisingilin muna kita sa utang mo sa akin

Para hindi maghinala na nalaman niya, nakaisip ng itatanong si Troy.

Baka pauupahan mo na sa iba ito e aalis na ako. Siyempre kailangan mong kumita.

Masyado ka na-mang ma-tearts. Hindi kita paaalisin dito. Hanggat gusto mo, dito ka. Ngayon pang malapit na akong. Hindi na tinapos ni Mayette ang sinasabi. Pero mabilis na nahulaan ni Troy kung ano ang karugtong niyon. Ngayon pang malapit na siyang mabiyuda. Tiyak na yun ang gusto niyang sabihin.

Ang payo ko lang sayo huwag kang mas-yadong pakialamero. Manahimik ka lang dito at akong bahala sayo. Huwag ka nang magpapaka-hero. Hindi na uso ang hero-hero nga-yon. Kinukursunada ang nagpapaka-hero.

Kung gusto mong manatili rito nang ma-tagal at wala na ring bayaran ang anumang utang, huwag ka nang makikialam sa amin. Okey ba Troy?

Madali lang akong kausap. Basta nagkakaintindihan na tayo.

Napatangu-tango na lamang si Troy. Hindi na siya sumagot pa at baka mauwi sa magulong usapan. Sasakyan na lamang niya o aayunan ang lahat nang gusto ni Mayette.

Kumusta ang work mo? Andun pa ba yung babaing bisor na ma- sungit sayo?

Oo.

Wala ka pang ba- lak na umalis dun?

Okey na naman ako, Mayette.

Pinag-reresign na kita at ako ang bahala e pa-tearts-pa-tearts ka pa riyan.

Hindi nagsalita si Troy. Hanggang ngayon, malaki pa ang pagnanasa sa kanya ng matronang ito. Lantaran na ang panliligaw. Lalong naging mabangis. At naisip ni Troy, ngayong maysakit ang asawa ni Mayette at hindi na siya kayang paligayahin, lalo pa sigurong titindi ang pagnanasa nito sa kanya. Baka minsan, magtungo ito sa kanya na wala nang panty. Ganyan ang nakikita niya kay Mayette. Walang bukambibig kundi ang pakikipagtalik. Sobra ang kaelyahan ni Mayette. Kung pagbibigyan niya si Mayette ay baka masiraan ito ng ulo sa sobrang linamnam na ihahandog niya.

Nang walang anu-anoy inalok na naman siya ni Mayette. Masyadong atat ang matrona. Lantaran ang panunukso.

Hindi ka aalis dito, Troy basta, pagbigyan mo lang ako kahit isang beses lang. Ang dami ko yatang pera ngayon. Binenta ko lahat ang lupain namin.

Alakdan (116) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 26, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAPALUNOK si Troy sa ginagawang panunukso ni Mayette. Tinata-kaw siya. Inilalahad ang ma-raming pera.

Ibinenta ko na lahat ang lupain namin sa Marinduque. Wala rin namang silbi. May tanim ngang niyog pero hindi mapakinabangan dahil ninanakaw. Mas mabuti pang pera na lang ang hawak.

Gustong tanungin ni Troy kung bakit hindi gastusin sa pagpapaopera ng asawa. Pero nagpigil siya. Hindi siya dapat makialam.

Pati yung lupa na na-bili ko sa Oas, binenta ko rin. Binibigyan lang ako ng problema ng mga pinata-tao ko run. Ninanakawan lang ako. Bigay ako nang bigay ng perang pambili ng fertilizer at insecticide pero wala namang maisulit sa akin kahit isang kabang palay. Kaya mabuti pa, ipagbili. Mas maganda kung pera ang hawak.

Naisip ni Troy na marami pala talagang ipinagbiling lupa si Mayette. Siniguro nang maibenta habang buhay pa ang asawa. Kapag namatay nga naman ay mahihirapan siya sa pagbebenta.

At alam mo ba kung gaano karami ang pera kong hawak ngayon, Troy?

Nakatingin lang si Troy. Hindi na niya kailangan pang malaman. Kahit naman malaki, wala siyang interes. Ang akala siguro ni Mayette masisilaw siya sa pera. Nagkakamali si Mayette.

Ayaw mong malaman? Sige ikaw rin. Pero kung malalaman mo, baka ma-gbago ang isip mo at pumayag ka sa gusto ko. Pero makakapaghintay pa naman ako. Malay ko kung isang araw, e magbago ang ihip ng hangin.

Nanatiling walang imik si Troy. Talagang matindi ang pagnanasa sa kanya gagawin para lamang magkaroon sila ng relasyon.

ni Mayette. Lahat ay

Siguro nagtataka ka kung bakit ganito ako kaseryoso sayo Troy. Kasi nga, nakikita kong mas mahusay kang magmahal. Kakaiba ka kaysa kay Digol na matapos akong huthutan ay iniwan ako at ipinagpalit din sa matrona. Ewan ko lang kung ano ang buhay niya ngayon sa matronang sinamahan niya. Baka mas marami pa akong pera sa hayop na babaing iyon.

Hindi na malaman ni Troy kung ano ang isasagot kay Mayette sa walang tigil nitong panunukso sa kanya.

Pero hindi na kita pi-pilitin ngayon, basta malakas ang kutob ko, lalapit ka sa akin at ta-tanggapin ang alok ko. Di ba, Troy. Matiyaga naman ako. Ubod ako ng tiyaga, Troy.

Umalis si Mayette na may ngiti sa mga labi. Tila nakasisigurong magbabago ang isip ni Troy.

NAGKAROON na naman ng pagbabago sa trabaho ni Troy. Inililipat-lipat siya ng mataray at istriktong superbisor.

Mula ngayon, magpapanggabi ka. At hindi rito sa grocery kundi sa bodega. Ikaw ang tatanggap ng mga idedeliber na mga de-lata.

Hindi na nakapagsalita si Troy. Kapag tumutol siya, maaaring masama ang mangyari sa kanya.

Mula noon, naging panggabi siya at mas mabigat ang trabaho dahil kailangang ang mga tatanggapin niyang de-lata ay walang mga yupi o burado ang mga label. Kapag may nakalusot, kakaltasin sa suweldo niya.

Kaya ingat na ingat siya. Talaga yatang ginigipit siya ng superbisor.

Alakdan (117) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 27, 2012 12:00 AM Comments (0)

WALANG pahinga si Troy sa nilipatang departamento. Laging may de-livery ng de-lata sardinas, corned beef, gatas at kung anu-ano pa. Kailangang makita niya at mainspek-siyon ang mga de-lata at baka may makalusot na mga yupi at burado ang label. Kapag may nakalusot, ikakarga sa kanya at kakaltasin sa suweldo niya. Kaya ingat na ingat si Troy.

Alas nuwebe ng gabi siya pumapasok. Si-mula 10:00 ng gabi ang si-mula ng kanyang trabaho hanggang alas sais ng umaga. Pag-dating niya sa bahay, kakain lamang siya at maghapong matutulog. Dere-deretso ang kanyang tulog. Pagod na pagod siya. Magigising siya ng alas otso. Maghahanda ng pagkain at papasok pagdating ng alas nuwebe.

Minsan, sa sobrang hirap sa trabaho ay naisip ni Troy na mag-resign at maghanap ng ibang trabaho. Pero saan naman siya magtatrabaho e high school graduate lang siya. Walang tatanggap sa kanya. Ang mga tinatanggap sa trabaho ay pawang nakaabot ng kolehiyo. At saka maiisip niya kung bakit ipinanganak siyang mahirap. Kasunod ay ang pagkaawa sa sarili. Hanggang trabahador na lang yata siya. Hindi na yata siya makakaahon sa ki-nalalagyan. Pero kung magka-karoon ng pagkakataon, mag-aaral siya. Itutuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo. Kung makakatapos siya ng pag-aaral, hindi na magi-ging kaawaawa ang buhay niya. Mababayaran na niya ni Mayette. Hindi na siya tatakawin.

MINSAN, isang gabing papasok sa trabaho nakita siya ni Mayette.

Saan ka pupunta, Troy?

Papasok. Panggabi ako.

Ikaw e sabi ko mag-resign ka na para hindi mahirapan.

Nagpatuloy sa pagla-lakad si Troy.

Alakdan (118) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 28, 2012 12:00 AM Comments (0)

HOY Troy! Parang wala kang kausap, sabi ni Ma-yette.

Tumigil si Troy. Baka bal-tikin ang babaing ito. Kausapin na nga niya.

Nagmamadali kasi ako, Mayette. Masyadong mahigpit ang superbisor baka ako sibakin.

Akala ko, nagsusupla-do ka na.

Bat ko naman gaga- win yun.

Kasi ngay para kang walang kausap kanina. Para akong nagsalita sa tuod.

Kailangan kasi maka-rating ako ng alas-nuwebe dahil ako ang nagbubukas ng garahe para makapasok ang mga delivery truck. Kapag naatrasado ako, nakapila na ang mga truck at ako ang malilintikan.

O sige, sige alis na. Teka, anong oras ang uwi mo?

Alas sais.

Alas sais ng umaga?

Oo.

Buong maghapon nasa bahay ka?

Oo.

Napansin ni Troy na napangiti si Mayette. Parang may iniisip.

Umalis na si Troy.

Pagdating sa trabaho, marami na ngang delivery truck na nakapila. Pati ang trabaho ng guwardiya ay siya na rin ang gumagawa. Kailangan siya ang magbukas ng garahe at makapasok ang mga truck. Hindi alam ni Troy kung bakit kinargahan siya ng ganoon kabigat na responsibilidad. Kapag may nawala kahit na isang de-lata sa bodega, siya ang sisisihin. Kaya ingat na ingat siya na mabutasan ng masungit na superbisor. Alam niya, naghihintay lamang ito ng pagkakataon.

Pagod na pagod si Troy sa magdamag na pagta-trabaho.

Pagdating niya ng bahay, plastado siya sa higaan. Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid.

HANGGANG sa kaila-nganin na naman ni Krea-my ang tulong niya. Natutulog siya nang makarinig nang malakas na sigaw.

Troy, tulungan mo ako! Dalhin natin si Papa sa ospital!

Parang nananaginip si Troy. Ilang sandali siyang nag-isip.

Hanggang sa marinig niya ang sunud-sunod na katok sa pinto.

Troy! Troy! Tulungan mo ako!

Bumangon si Troy. Bi-nuksan ang pinto. Nakita niya si Kreamy. Nasa mukha ang pangamba.

Tulungan mo si Papa, Troy.

Nagmamadali sila sa pagtungo sa bahay. Takbo sila sa kuwarto. Pero sa pagkakita pa lamang ni Troy kay Mang Dolfo, tila wala nang hininga. Masama ang kutob ni Troy na iniwan na ni Mang Dolfo si Kreamy.

Alakdan (119) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 29, 2012 12:00 AM Comments (0)

HINDI na inintindi pa ni Troy ang banta ni Mayette na huwag ma-kikialam. Sa ganoong pagkakataon, na may nangangaila-ngan ng tulong, hindi na kinatatakutan ang anumang banta. Ang isang napansin ni Troy, wala si Mayette sa oras na iyon.

Mabilis nilang na-isugod sa ospital ang papa ni Kreamy. Wa-lang ipinagkaiba sa nangyari nang unang atakehin ang matanda. Dinala sa emergency room. Ni-revive ng mga doctor. Pilit na inaagaw sa kamatayan. Nakita ni Troy ang walang patid na pag-pump ng doctor sa dibdib ng pasyente. Si Kreamy ay walang tigil sa pag-iyak. Habang nakatingin si Troy sa ginagawa ng doctor sa naghihingalong papa ni Kreamy, naalala niya ang mga yumaong Itay at Inay niya. Magkasunod na namatay ang Itay at Inay niya. Sariwa pa sa alaala niya ang lahat. Hindi na siguro mapapawi ang masakit na alaala ng magkasunod na pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Hanggang sa ma-kita niya na tumigil na ang doctor sa pag-pump sa dibdib ng pasyente. Kinabahan si Troy. Anong ibig sa-bihin niyon? Si Kreamy man ay nakatingin sa doctor at parang nahuhulaan na ang nangyari sa ama.

Nang magsalita ang doctor, saka nakum-pirma ang kinatatakutan. Patay na ang papa ni Kreamy. Hindi na nailigtas.

Papa! Papa!

Humagulgol si Krea-my. Yumakap sa ama.

Si Troy ay nangi-ngilid ang luha. Alam niya ang damdamin nang nawalan ng magulang.

Alakdan (120) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated June 30, 2012 12:00 AM Comments (0)

NAPAKA-LUNGKOT ng tag-pong iyon na nakayakap si Kreamy sa bangkay ng kanyang papa at patuloy ang pag-iyak. Nakatayo si Troy at nakatingin kay Kreamy. Awang-awa siya rito. Ngayon pa lamang ay masama na ang naiisip niya. Paano na ang buhay ni Kreamy ngayong wala na ang papa niya?

May ilang minuto rin na nakayakap si Kreamy sa kanyang papa saka napayapa ang kalooban. Pero ang hinaharap na buhay ang namutawi nang umalis sa pagkakayakap sa ama.

Paano na kaya ako ngayong wala na si Papa? Tanong nito habang nakatingin sa ama. Basang-basa ng luha ang mga mata.

Hindi makapagsalita si Troy. Hindi niya alam kung ano ang ipapayo kay Kreamy.

Pero siguro, may magandang dahilan ang Diyos kaya kinuha na si Papa, sabi ni Kreamy na hindi inaalis ang tingin sa ama.

Noon nagsalita si Troy.

Naranasan ko rin ang nararamdaman mo ngayon, Kreamy. Ako, halos magkasunod na namatay sina Itay at Inay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin

Hindi nagsalita si Krea-my. Nakatingin lang sa ama.

Nasaan nga pala ang mama mo, Kreamy?

Hindi inaasahan ni Troy na iiyak si Kreamy makaraan niyang tanungin kung nasaan ang mama nitong si Mayette. Sana hindi na niya itinanong.

Pero sinagot din siya makaraan ang ilang san-daling pag-iisip.

Hindi nagpaalam sa akin kung saan pupunta. Hindi na kasi kami nag-uusap mula noong hindi na niya inasikaso ang pagpapaopera kay Papa. Masama talaga ang loob ko.

Pinayapa ni Troy si Kreamy.

Lumipas pa ang isang oras bago dumating si Ma-yette. At walang nakitang lungkot dito nang malamang patay na ang asawa. Para bang tanggap na niya ang lahat. Hindi nag-usap ang mag-ina.

Inayos ni Mayette ang service sa bangkay.

lahat ng mga dapat ba-yaran sa ospital. Ina-yos din ang puneraryang magsi-

Kinahapunan, naisaa-yos ang lahat. Nakaburol na ang papa ni Kreamy.

Habang nakaburol, la-ging nasa tabi ng kaba-ong si Kreamy. Pinagmamasdan ang nakahimlay na ama at tila kinakausap. Si Mayette naman ay walang bakas ng lungkot.

Alakdan (121)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 01, 2012 12:00 AM Comments (10)

Matutulog lang ng apat na oras si Troy at saka pupunta sa pune-raryang kinalalagakan ng papa ni Kreamy na si Mang Dolfo. Hanggang alas siyete ng gabi siya naglalagi sa punerarya. Magpapaalam siya kay Kreamy para pumasok sa trabaho. Kinabukasan, ganoon uli ang ginagawa niya. Naaawa siya kay Kreamy na tila hindi na natutulog dahil laging nakabantay sa kabaong ng papa niya.

Noong ikatlong araw ng burol, napagmasdan niya si Kreamy na mala-ki na agad ang inihulog ng katawan dahil sa pag-pu-puyat marahil at sob-rang stress. Ang dating matambok na pisngi ay naging malalim. Pati mga mata ay nawalan ng sig-la. Masyadong naapek-tuhan si Kreamy nang pagkamatay. Pero sa isip ni Troy, maaaring iniisip din ni Kreamy ang magiging buhay pagkaraang maili-bing ang papa niya. Kung noong buhay pa ang papa niya ay hindi na maganda ang kanilang relasyon, mas lalo pa ngayon.

Nang sulyapan naman ni Troy si Mayette ay walang mababakas na naapektuhan ito sa pagkamatay ng asawa. Wala lang. Ni hindi yata umiyak si Mayette.

Ganunman, mahusay mag-kunwari si Mayette sapagkat naipakita sa mga nakikiramay na tao na walang namamagitang away sa kanila ni Kreamy. Maraming tao ang nagpupunta at nag-abot ng pakikiramay kay Mayette. Walang napupuna ang mga tao sa nangyayari sa mag-ina.

Sa huling gabi ng burol ay mas maraming tao ang dumating. Halos wala nang maupuan ang mga tao.

Napansin ni Troy ang paglabas ni Kreamy. Ma-aaring pupunta sa comfort room. Sinundan ni Troy para magpaalam. Papasok na siya sa trabaho.

Babalik na lang ako bukas. Anong oras ba ang libing?

Ala una ng hapon, sabing walang kasigla-sigla.

Bat hindi ka matulog kahit ilang oras, Kreamy?

Hindi ako inaantok, Troy. At saka ayaw kong iwan si Papa. Lalo pa hu-ling gabi na niya.

Baka magkasakit ka?

Okey lang. Mas maganda nga kung magkaganoon.

Nagpatuloy si Kreamy sa pagtungo sa comfort room. Umalis naman si Troy.

Kinabukasan, eksak-tong ala-una ng hapon inilibing ang papa ni Kreamy. Maraming nakipaglibing.

Nang ihuhulog na ang kabaong, ibinuhos lahat ni Kreamy ang luha. Si Ma-yette, nakatingin lang.

Alakdan (122) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 02, 2012 12:00 AM Comments (1)

NAGHAGIS ng bulaklak si Kreamy. Bumagsak sa gitna ng kabaong ang bulaklak.

Papaaa! Papaaa! Sigaw ni Kreamy at malakas na umiyak.

Kumilos naman ang iba pang mga taong nakiramay at bawat isay naghagis ng bulaklak sa kabaong na nasa lalim na anim na talampakan. Tanging si Mayette, napansin ni Troy, ay hindi nag-- hagis ng bulaklak. Nakatingin lamang ito sa mga bulaklak na inihahagis at buma-bagsak sa kabaong. Siguro, hindi naniniwala si Mayette sa mga pamahiin. Nakaugalian na ang pag-papabaon ng bulaklak sa namatay ay

nag- bibigay daw ng kaluwagan dito at madaling aakyat sa langit ang kaluluwa. Hindi na raw maghihirap pa.

Natapos ang libing. Tinakpan na hukay. Unti-unti nang nag-alisan ang mga tao. Si Kreamy ay nanati-ling nakatayo sa harap ng hukay. Si Mayette ay nasa di-kalayuan. Malalim ang iniisip. Wala namang makitang kalungkutan sa pagkawala ng asawa.

Ipinasya ni Troy na mauna na sa pag-uwi. Kailangan niyang matulog kahit dalawang oras sapagkat magdamag na naman siyang mag- tatrabaho. Tiyak na marami na naman siyang iinspeksiyuning mga delata. Ilang araw din na kulang ang kanyang tulog dahil sa pakiki- ramay kay Kreamy.

Hindi na siya nagpa-alam kay Kreamy sapagkat ayaw niyang abalahin sa pagkakataong iyon. Isa pa, tiyak na makikita siya ni Mayette. Baka kung ano ang isipin ni Ma-yette. Baka kumprontahin siya at kung ano ang mangyari. Iiwasan niyang mangyari ang ga- noon. Ayaw niyang madagdagan ang problema ni Kreamy. Naaawa siya kay Kreamy.

MAKALIPAS ang da-lawang araw, nagta-taka si Troy kung bakit hindi nakikitang lu-malabas si Kreamy. Baka nagkukulong sa kuwarto. Maging si Mayette ay hindi niya nakikita. Kapag sumisilip siya sa bintana, tinatanaw niya si Kreamy, pero wala talaga siyang makita. Baka kung ano na ang nangyayari kay Kreamy.

Naglakas-loob si Troy na tawagan sa cell phone. Pero recor-ded voice ang na-ririnig niya. Cannot be reached daw ang number na ti-natawagan. Nasaan na kaya si Kreamy?

Alakdan (123) Ni Ronnie M. halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 03, 2012 12:00 AM Comments (6)

MAAARING nasa libi-ngan ng kanyang papa si Kreamy. Doon madalas na naglalagi kaya hindi nakikita ni Troy. Masakit pa rin kay Kreamy ang nangyari at nauunawaan iyon ni Troy. Siya man ay matagal din bago tuluyang natanggap ang pagkawala ng kanyang Itay at Inay. Masakit na masakit din ang loob niya. May pagkakataon na natutulala siya kapag naiisip ang magkasunod na pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Pero lumipas ang isang linggo, hindi niya nakita si Kreamy. Hindi rin siya makatawag sa cell phone nito. Parang ini-off.

At maski si Mayette ay hindi niya nakikita. Ano kayang nangyayari? Hindi naman siya makapunta sa bahay nina Kreamy at baka kung ano ang sabihin ni Mayette. Ganunman, nagmatyag siya sa mga nangyayari sa bahay nina Kreamy. Bakit kaya kinukutuban siya na maaaring may nangyari kay Krea-my?

ISANG gabi. Naghahan-da siya sa pagpasok sa trabaho nang biglang dumating si Ma-yette. Iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila maka-raang ilibing ang asawa nito.

Kumusta, Troy? Bati ni Mayette nang makapasok.

Mabuti, Mayette. Ikaw kumusta?

Oks lang.

Inayos ni Troy ang kanyang damit.

Papasok ka na, Troy?

Oo. Mamaya konti.

Huwag ka na munang pumasok.

E hindi puwede, Ma-yette maraming darating na delivery truck. Kapag hindi ako pumasok, pa-gagalitan ako.

Mayroon pa naman akong sasabihin sa iyo

Natigilan si Troy. Ano naman kayang sasabihin ni Mayette at kailangan pa niyang mag-absent.

Marami akong sasabihin sayo. Mga lihim, galit, sama ng loob at kung anu-ano pa. Pati tungkol kay Kreamy

Bantulot si Troy. Gusto niyang malaman ang nangyari kay Kreamy. Kaya lamang baka samantalahin ni Mayette ang gabi at may kung anong hilingin na naman sa kanya.

Huwag ka na munang pumasok, Troy. Sige na

Alakdan (124) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 04, 2012 12:00 AM Comments (11)

HINDI natinag si Troy sa pakiusap ni Mayette. Ka-ilangang pumasok siya sapagkat maraming darating na delivery truck. Tiyak na masisibak siya kapag hindi pumasok. Alam niya, naghihintay lamang ng pagkakataon ang babaing superbisor para siya tuluyang masibak. At hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon.

Bukas na lang ng umaga tayo magkuwentuhan Mayette. Talagang hindi ako puwede ngayon.

Takot na takot kang mawalan ng trabaho e magkano lang ba ang kita mo diyan?

Bukas na lang tayo magkuwentuhan.

Anong oras ka uuwi?

Mga 6:30 narito na ako.

Baka naman pagpunta ko rito, natutulog ka na.

Hindi.

Gusto mo ba ipaghanda kita ng almusal. Siyempre gutom na gutom ka pag-uwi.

Huwag na. Sa labas ng bodega ay may karinderya.

Yak, marumi ang luto ron. Maraming daga sigurado.

Huwag ka nang mag-abala pa, Mayette. Bukas na lang tayo magkuwentuhan.

Napasimangot si Mayette-. Parang nasira ang plano. Pakiramdam ni Troy, may binabalak si Mayette kung bakit ayaw siyang papasukin. Kung noon na buhay pa ang asawa nito ay grabe na ang pagpapakita sa kanya ng motibo, mas lalo ngayon na wala nang pangingilagan.

Nagpaalam na si Mayette-.

Naghanda naman si Troy sa pagpasok sa trabaho.

KINABUKASAN, wala pang 6:30 ay nasa bahay- na si Troy. Kumain na siya sa karinderyang nasa harap ng bodega kaya busog na siya nang umuwi.

Eksaktong nakapagpalit ng bihisang damit ay narito na si Mayette. Pinapasok niya. Naka-shorts at shirt. Halatang walang bra.

Nakakain ka na Troy?

Oo.

Mamayang lunch dun ka sa bahay kumain.

Ano bang ikukuwento mo?

Marami.

Ano ang tungkol kay Kreamy? Bakit hindi ko na siya nakikita?

Umalis na! Lumayas na.

Gimbal si Troy. Nag-hintay siya sa mga iku-kuwento ni Mayette ukol kay Kreamy.

Alakdan(125) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 05, 2012 12:00 AM Comments (11)

LUMAYAS na si Kreamy. Hindi ko alam kung nasaan, sabi ni Mayette na tila balewala ang nangyari.

Kailan pa? Tanong ni Troy na sabik nang malaman ang nangyari kay Kreamy.

Kinabukasan mata-pos ang libing. Nagising na lang ako na wala na, Yung cabinet ng damit ay wala nang laman. Anong ibig sabihin nun e di naglayas.

Hinanap mo?

Bakit ko hahanapin?

Anak mo siya siyempre hahanapin mo. Kung yung pusa hinahanap ang kuting niya ikaw pang tao.

Napangiti nang ma-pakla si Mayette.

Hindi ko anak si Kreamy!

Ano?

Bingi ka ba? Hindi ko anak si Kreamy.

Anak nino?

Bat ba atat na atat kang malaman ang tungkol kay Kreamy?

E di ba sabi mo may ikukuwento ka sa kanya?

Yung paglalayas lang niya ang sasabihin ko.

Sinabi mo na rin lang na hindi mo siya anak e bakit hindi mo sabihin lahat.

Nag-isip si Mayette. Habang nag-iisip, hinimas-himas ang makinis na hita.

Kaninong anak si Kreamy? Tanong ni Troy.

Sa kabit ng asawa ko.

Kabit ng asawa mo?

Oo. Akala mo hindi makagagawa ng kalokohan ang asawa ko ano? Matulis yun kahit ganun ang hitsura!

Paanong nangyari?

Yung magaling kong asawa, habang nasa Riyadh, may binabarurot na DH. Kaya pala kapag umuuwi rito para magbakasyon e isang linggo lang. Yun pala mayroong pinagkakaka-abalahan doon.

Yung DH ang ina ni Kreamy?

Oo.

Paano mo nalaman?

Sinabi mismo ng asawa ko.

Inamin niya sa iyo na may nabuntis siyang DH?

Hindi muna. Itinago niya muna. Nang umuwi siya galing Saudi, sinabi niya sa akin na mag-ampon daw kami ng bata. Mayroon daw siyang alam na puwedeng ampuninhanggang isang araw dumating siya na may dalang baby babae. (Itutuloy)

Alakdan (126) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 06, 2012 12:00 AM Comments (11)

GIMBAL si Troy sa nalaman kay Mayette ukol sa pagkatao ni Kreamy. Ampon daw ito. Pero gusto pang malaman ni Troy ang buong istorya kung ano pa nasa likod ng pag-aampon kay Kreamy. Gusto na niyang apurahin si Mayette sa pagkukuwento.

Paano ang nangyari nang ampunin ng mister mo si Kreamy? tanong ni Troy.

Dumating nga ang matulis kong asawa isang araw na may dalang sanggol --- babaing sanggol. Maganda. Cute. Maputi. Iyon daw ay anak ng isang kasamahan niya sa Saudi. Masyado raw babaero ang

kasamahan niya. Yung babaing nabuntis daw ay estudyante at natatakot na malaman ng mga magulang. Itinago raw ang pagsisilang.

Legal ang pag-aampon?

Ewan ko, basta ang sabi ng asawa kong matulis, ayos na ang mga papeles at ang pangalan ng bata ay Marie Christmas kasi Pasko raw pinanganak. E ano pa ang magagawa ko e di tanggapin. Pero ayaw ko sanang mag-ampon dahil malaki pa rin naman ang paniwala ko na magkakaanak pa rin kami. Hindi pa lang natitiyempuhan

E di simula noon, na-ging anak nyo na si Marie Christmas o Kreamy?

Ano pa? Ikinuha siya ng yaya. Alangan naman na ako ang mag-alaga. Ayaw ko ngang mag-alaga ng hindi ko anak.

Ayaw mo talaga kay Kreamy noon pa?

Ewan ko kung bakit mabigat ang dugo ko. Kapag umiiyak ay sinisigawan ko ang yaya na patahimikin sapagkat naiirita ako. Ayaw kong makarinig ng iyak ng bata.

Ano naman ang sabi ng asawa mo kapag nakiki-tang mabigat ang dugo mo kay Kreamy?

Wala. Siguro gusto akong pagsabihan pero natatakot din. Kasiy aaawayin ko siya.

Kailan mo nalaman na anak pala ng asawa mo sa isang DH si Kreamy at hindi ng kasamahan nito.

Mga one year old na si Kreamy. Isang kasamahan niya ang nagtungo sa bahay at nagdala ng mga pasalubong mula Saudi galing sa asawa ko. Nadulas ang dila ng kasamahan nang makita si Kreamy. Si Kreamy kasi ay nasa salas at naglalaro nang dumating ang kasamahan. Kasabi-sabi pa naman na

kamukhang-kamukha raw ni Siony. Bigla akong nagtaka. Tinanong ko kung sinong Siony. E madali palang patugain ang kasamahan ng asawa ko. Madaling natakot. Sinabi na si Siony ay isang DH na naging kabit ng asawa ko at nabuntis. Doon na nagsimula ang pagsabog ng galit ko. Parang Pinatubo na sumabog.

Nang umuwi ang asawa kong matulis, hindi na hinintay ang tanong ko. Kusa nang umamin. Anak niya si Kreamy sa isang DH

Alakdan (127) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 07, 2012 12:00 AM Comments (5)

PINAGSUSUNTOK ko ang asawa ko habang walang tigil ang bibig ko sa pagmumura. Galit na galit talaga ako. Sino bang matutuwa na malaman mong may anak sa ibang babae ang iyong asawa. Putang-ina ka, sabi ko sa kanya. Nambuntis ka ng iba e ako hindi mo mabuntis. Pero sinabi niya na hindi niya gaanong mi-na-hal ang DH. Gusto lang daw niyang magkaanak sa babae. At ako pa ang sinisi dahil lagi raw akong nakukunan. Pero katwiran ba yun? Ibinabalik sa akin ang sisi. Ako raw ang may deperensiya. Talagang hindi ko siya mapatawad. Nagrebelde na ako

At dahil sa nalaman ko na anak pala niya sa DH si Kreamy, kumulo ang dugo ko rito. Kapag nakikita ko si Kreamy, lagi kong naaalala ang kataksilan ng asawa ko. Kay Kreamy ko binuhos ang inis o galit. Kapag nagkamali, binubul-yawan ko. Kapag may kung anong nabasag na gamit, sinasaktan ko. Kinukurot ko at kahit na anong ma-dampot ko, e ibinabato ko

Noong nag-aaral na, kapag nakita kong tatamad-tamad, pinapalo ko. Kahit na may kasamang kaklase, hinihiya ko. Minumura ko. At kapag umiyak, sinasampal ko. Talagang sagad ang galit ko kay Kreamy. Ibinunton ko sa kanya ang galit na dapat ay sa asawa ko.

At kahit nakikita ng asawa ko ang pagpaparusa ko kay Kreamy hindi siya makapiyok. Aawayin ko siya at maghahalo ang balat sa tinalupan. Matapang na ako at handa siyang gantihan. Gaganti ako ka-tulad ng ginawa niya!

Hanggang sa makilala ko si Digol, yung pinsan mong gago. Nakilala ko siya sa Quiapo. Bumibili ako ng pirated noon. Nagpakita ako ng kalandian kay Digol. E yun palang pinsan mo, type ang matrona. E di okey. Pinaligaya ako ng gagong si Digol. Binibigyan ko ng pera.

Kaya walang kama-lay-malay ang asawa ko, nagantihan ko na siya. Halos araw-araw nagkikita kami ni Digol. Nang tumagal, naisip kong ipagawa ang bahay na ito. Dito ko na siya pinatira

Tumigil sa pagkukuwento si Mayette. Nag-isip.

Hindi nakahalata ang asawa mo?

Hindi ko alam. At saka wala naman siya lagi dahil nasa Saudi. Kapag umu uwi, gusto ko ngang ipakita nang lantaran para masaktan din siya tulad nang naranasan ko

Alakdan (129) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 09, 2012 12:00 AM Comments (9)

LAGING hindi natutuloy ang pagbubuntis ko. Nabubugok. Siguro nga dahil sa tinedyer pa lamang ako ay nagpi-pills na para hindi magbuntis at iyon nga nagpa-abort ako, sabi ni Mayette na parang walang anuman ang mga ginawa.

Pero nang tumagal at nagsawa na nga ang asawa ko sa paghihintay na mabuntis ako. Noon nga, akala ng mister ko na siya ang may deperensiya. Baka raw malabnaw ang semilya niya. Pero nagpa-checkup siya at okey naman ang dami ng sperm. Kaya malinaw na ako talaga ang may depekto

Nalaman ba ng mister mo ang nakaraan mo? Alam ba niya na nagpa-abort ka?

Hindi. Pero alam niyang bago siya, ilang lalaki na ang nagdaan sa akin. Sinabi ko bago kami nagpakasal sa huwes. Okey lang daw sa kanya ang mahalaga ay mahal niya ako.

E di iginarahe na nga niya ako. Mula sa pagiging waitress sa isang maliit na karinderya ng Intsik sa Sta. Cruz ay naging housewife ako. At talagang nalasap ko ang ginhawa sa piling ng aking asawa. May sariling bahay, appliances, at kung anu-ano pang pag-aari. Malaki ang tinatanggap ko buwan-buwan. Walang palya ang dating ng pera mula Saudi. Kung noon ay isang kahig, isang tuka ako, bigla akong naging Donya Mayette.

Nabili ko itong lote na ito at pinatayuan ng bahay at pinaupahan. Nagpa-five-six pa ako.

Pero kahit na nabigyan ako ng kaginhawahan ng asawa ko, nawalan din ng kuwenta dahil nga nag-anak siya sa iba. Masakit! Hindi ko malimutan. Kapag nakikita ko si Kreamy nabubuhay ang ginawa ng asawa ko...

Tumigil si Mayette sa pagsasalita. Tumingin sa kawalan.

Pero may ginawa ka rin namang kasalanan, di ba? Mas masahol pa nga ang ginawa mo dahil nag-abort ka.

Hindi nagsalita. Nakatingin sa kawalan.

Dapat hindi mo idinamay si Kreamy. Wala naman siyang alam, sabi ni Troy na mahinahon.

Basta kumukulo ang dugo ko kay Kreamy at kahit nga nakikita ng asawa ko, pinagagalitan ko siya. Wala ring tigil ang pagbabanta ko sa aking asawa na gagantihan siya. Kahit kaharap si Kreamy, masasakit ang sinasabi ko sa asawa ko...

Alakdan (130) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 10, 2012 12:00 AM Comments (14)

GUSTO kong malaman ni Kreamy na siya ang dahilan kaya ko inaaway ang magaling niyang ama. Gusto kong ipamukha na kung hindi binuntis ng asawa ko ang kanyang inang DH ay hindi magkakaloko-loko ang buhay namin. Mula nang malaman ko na ang bata niyang inampon ay anak pala niya, nawala na sa direksiyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano pa manunumbalik ang dati kong buhay. Masakit talaga ang ginawa sa akin ng asawa ko, napakasakit!

Pero hindi sana si Kreamy ang ginagantihan mo dahil wala naman siyang kasalanan, sabi ni Troy. Seryoso.

Andiyan ka na naman. Lagi mong pinagtatanggol si Kreamy.

Kawawa naman kasi siya. Hindi naman siya ang nagkaroon ng kasalanan sa iyo kundi ang asawa mo e bakit siya ang gina-gantihan mo?

Aywan ko sayo! Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin sa Kreamy na yun. Buwisit!

Hindi mo sana siya kinawawa, sabi pang hindi napigilan ni Troy.

Tiningnan siya nang masama ni Mayette. Galit. Pero hindi na natatakot si Troy kay Mayette. Ngayong nabisto na niya ang nakaraan nito, tingin niya ay mumurahing babae. Hindi dapat igalang ang babaing ito. Kung aawayin siya nito, aalis din siya ngayon din at bahala na ang susunod. Hindi na siya natatakot.

Pero hindi siya inaway ni Mayette. Bigla itong umalis. Ibinagsak nito ang pinto. Kumalabog.

Walang epekto kay Troy ang ginawa ni Ma-yette. Sana ay inaway siya para mabilis siyang magpasya.

Natulog muli siya. Kulang pa siya sa tulog.

LUMIPAS ang isang ling-go at wala na silang komunikasyon ni Mayette. Okey lang sa kanya. Sana nga, huwag na siyang gam-balain pa nito. Puwede na rin siyang umalis sa bahay na ito. Mabuti ngang hindi na sila magkita at mag-usap.

Pero nagkamali si Troy. Isang tanghali, natutulog si Troy nang gambalain siya ni Mayette. May dalang pagkain. Nakangiti. Nakikipag-ayos.

Etong pagkain, Troy. Alam ko nagugutom ka na.

Alakdan (131) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 11, 2012 12:00 AM Comments (11)

PEACE na tayo, Troy. Sorry sa inasal ko, sabi ni Mayette makaraang ibaba ang tray ng pagkain sa mesa.

Okey lang, sagot ni Troy. Bumangon ito at naupo sa gilid ng kama.

Halika na, kumain ka na. Alam ko nagugutom ka na.

Busog pa ako. Kumain ako bago umuwi.

Saan ka kumain dun sa karinderya na marumi? Yung pinggan ay ginagapangan ng daga?

Hindi nagsalita si Troy. Inaantok siya.

Kumain ka na Masarap ang pagkain na dala ko. May fried chicken, pansit at menudo. May himagas pang buko salad. Masarap!

Tumayo si Troy at tinungo ang mesa. Naupo. Sumunod si Mayette. Ni-lagyan siya sa pinggan ng kanin. Naglagay ng menudo at pansit sa plato.

Kain na, Troy.

Ikaw?

Kumain na ako.

Kumain si Troy. Naupo naman si Mayette sa tapat. Pinagmasdan ang pagkain ni Troy. Naiilang si Troy kapag may nakatingin.

Hindi ako makakakain kapag may nakatingin, sabi pero hindi tumitingin kay Mayette.

E sino ang titingnan ko e tayong dalawa lang naman dito.

Kumain ka para hindi ka nakatingin sa akin.

Sige na nga kakain na nga ako, sabi ni Mayette at nagsalin ng kanin at ulam sa pinggan. Kumain.

Gusto mo lagi kitang dalhan ng pagkain dito?

Huwag na. Kumakain nga ako sa karinderya.

Mag-ingat ka sa pagkain dun. Baka ka ma-Hepa.

Hindi naman siguro.

Wala ka bang balak mag-resign? Di ba hirap na hirap ka sa trabaho?

Kaya ko namang magtiis.

Bat ka pa magtitiis e puwede namang hindi.

Alam ni Troy, isisiksik na naman ni Mayette ang sarili sa kanya.

Wala na tayong dapat katakutan, Troy. Magsama na tayo.

Eto na naman ang problema ni Troy. Kung noong buhay ang asawa, malakas ang loob, e di lalo na ngayon. Maiiwasan pa naman siguro niya. Bahala na.

Alakdan (132) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 12, 2012 12:00 AM Comments (9)

MALAYA na si Mayette kaya malakas ang loob sa pang-aakit. Wala na rin si Kreamy na para sa kanya ay ugat ng lahat ng kamalasan ng kanyang buhay. Kahit ano ay maaari na niyang gawin ngayon. Wala nang makakapigil pa para alukin si Troy.

Dun ka na titira sa bahay ko, Troy. Lahat nang gusto mo. Marami akong pera. Bago namatay ang asawa ko, naibenta ko ang mga lupa namin sa Marinduque at Bicol sabi ni Mayette na tila tinatakam si Troy. Alam na ni Troy ang kuwentong iyon. Sinabi sa kanya ni Kreamy. Nang maibenta ang mga lupa na pinundar ng asawa, ay hindi naman ginamit para maoperahan ang asawa. Katwiran ay hindi naman 100 percent na mabubuhay ang asawa.

Magbubuhay hari ka, Troy. Yung binigay ko sa pinsan mong si Digol, mas mahigit pa roon ang tatamasahin mo. Hindi ka na magtatrabaho. Wala ka nang katatakutang superbisor. Hindi mo na kailangang magmadali sa pagpasok at baka ka mapagalitan kapag na-late sabi pa ni Mayette. Ayaw na talagang tigilan si Troy. Ibubuhos na lahat ang pang-aakit.

Ano Troy?

Talaga bang mahal mo ako Mayette?

Oo naman.

O baka libog lang ang nararamdaman mo.

Siyempre kasama na yun. Meron ba namang nagmahal na hindi nakadama ng L?

Iba kasi yung pagmamahal na galing sa puso at walang halong pagnanasa. Yung pagnanasa ay sa huli na yun. Ikaw gusto mo, magtatalik na tayo

Napatingin si Mayette nang walang kakurap-kurap kay Troy.

Sige, magtalik tayo ngayon, Mayette.

Hindi makakilos si Ma-yette. Nabigla sa sinabi ni Troy.

Lalo pang nabigla si Mayette nang hubarin ni Troy ang short at pati ang brief.

Ano, maghubad ka na, Mayette. Di ba ito ang gusto mo?

Tulala si Mayette. Naka-tingin lang kay Troy. Hindi matingnan ang nakabanderang pagkalalaki.

Nang mahimasmasan ay bigla itong lumabas ng kuwarto ni Troy. Hindi na nilingon si Troy.

Napangiti naman si Troy. Saka pinulot ang shorts at brief na hinubad. Isinuot. Naupo. Ganun lamang pala ang paraan para mapatigil sa pagnanasa si Mayette. Kaila-ngang gulatin.

NANG mga sumunod na araw ay hindi nakita ni Troy si Mayette. Hindi na nagtutungo sa kanyang kuwarto. Pero wala nang epekto kay Troy kung galit man si Mayette sa kanya. Hindi na siya natatakot ngayon.

Ang nasa isip niya ay hanapin si Kreamy. Gusto niyang makita si Kreamy.

Ilang beses niyang tina-wagan at tinext si Kreamy pero walang sagot. Nakasara ang cell phone.

Nang mga sumunod na araw, sinubukan niyang hanapin si Kreamy. Nagtanung-tanong siya sa mga tao na inaakala niyang may nalalaman kay Kreamy. Nagtanung-tanong siya sa tindahan sa di-kalayuan sa bahay nina Kreamy pero wala siyang nakuhang impormasyon. Hindi raw ito nakita nang umalis. Hindi malaman ni Troy kung paano ang gagawin para makita si Kreamy.

Alakdan (133) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2012 12:00 AM Comments (15)

HANGGANG sa maalala ni Troy na mayroong na-banggit si Kreamy noon na isang kaibigang babae. Sinabi ito noong unang dinala sa ospital ang papa nito. Naikuwento ni Kreamy ang kaibigan da-hil yung papa rin nito ay naospital. Pati ang tirahan ng kaibigan ay nabanggit din ni Kreamy.

Pilit na inalala ni Troy ang pangalan ng kaibi-gang babae. Kaklase ito mula high school at sa iisang unibersidad din daw sila nagtapos. Ang kaibigan daw na ito ang nakapuna sa ugaling ipinakiki- ta ni Mayette kay Kreamy. Naitanong daw nito kung bakit laging mainit ang dugo ni Mayette.

Cecille! Tama! Cecille ang pangalan ng kaibigan at classmate ni Kreamy. Naalala ni Troy ang address ni Cecille. Sa Laon-Laan St. malapit daw sa isang ospital.

Kinabukasan, paglabas sa trabaho, sa Laon Laan na siya nagtungo. Hinanap muna niya ang isang ospital. Nakita niya. Nasa kanto pala ng Laon-Laan at Forbes. Mula sa ospital, hina-nap niya ang mga kabahayan sa paligid. Sunud-sunod na apartment ang naro-on. Alin doon? Parang nag-ha-hanap siya ng karayom sa dayami.

Pero malakas ang kutob niya na makikita ang hina-hanap na si Cecille at may ma-lalaman ukol kay Kreamy. Nagtanung-tanong siya sa mga nakakasalubong. Hanggang sa isang estudyanteng nakauniporme ng puti ang napagtanungan niya kung may kilalang Cecille sa Laon Laan St.

Yung pinsan ko, Cecille ang pangalan. Baka yun ang hinahanap mo.

Nasaan siya? Puwede ko bang makausap.

Nasa banko siya. Teller doon.

Ibinigay ng estudyante ang address ng banko sa Escolta. Nagpasalamat si Troy. Noon din ay nagtungo siya sa banko sa Escolta at nakaharap si Cecille.

Ako nga si Cecille. Kaibigan ko si Kreamy pero matagal na kaming walang communications. Pati cell phone niya, wala na rin.

Napabuntunghininga si Troy.

Alakdan (134) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 14, 2012 12:00 AM Comments (22)

NAKIUSAP si Troy kay Cecille na baka may iba pa itong nalalaman ukol kay Kreamy.

Teka dun tayo mag-usap sa canteen, yaya ni Cicelle.

Nagkape sila.

Paano mo nalaman na magkaibigan kami ni Kreamy, Troy?

Nabanggit niya ikaw minsan. Mabuti at natandaan ko pati ang street nyo. Nagkataon na ang napagtanungan ko ay pinsan mo pala.

Parang mahirap pero natagpuan mo ako. Siguro talagang gusto mong makita si Kreamy.

Gusto ko talaga, Cecille. Naaawa ako sa kanya. Kamamatay lang ng papa niya.

Hindi makapaniwala si Cecille.

Kailan pa?

Mga one month na siguro.

Anong ikinamatay?

Atake.

Yung mama niya, kumusta?

Napailing-iling si Troy.

Bakit ka napailing?

Siya kasi ang dahilan kaya naglayas si Kreamy.

Sabi ko na nga ba. Noon pa, hula ko nang sisirain ng mama niya ang buhay ni Kreamy. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang galit o inis na pinakikita ng mama niya sa kanya. Noong nagpupunta kami sa bahay nila, harap-harapan kung murahin at saktan si Kreamy. At palagay ko, kaya mahiyain at walang imik si Kreamy ay dahil sa naranasan sa kanyang mama.

Wala bang nababanggit si Kreamy noon sa iyo ukol sa personal niyang buhay.

Tahimik nga siya.

Alam mo bang hindi tunay na anak si Kreamy ng mama niya. Gilalas si Cecille.

Ano? Pakiulit?

Hindi siya anak ng ma-ma niya. Anak si Kreamy ng papa niya sa isang domestic helper sa Saudi.

Ah.

Kaya mabigat at mainit ang dugo ng mama niya sa kanya (Kreamy).

Marami pang sinabi si Troy., Inabot sila ng isang oras sa pag-uusap.

Eto ang number ko Troy. Magtawagan na lang tayo ukol kay Kreamy. Pero wala talaga akong alam kung nasaan siya. Ako lang ang kaibigan niya.

Sige Cecille, salamat sa oras mo.

Ang daming mamamatay sa mundo bakit hindi pa ang mama ni Kreamy ang napapabilang.

Alakdan (135) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 15, 2012 12:00 AM Comments (9)

HINDI pa rin tumigil si Troy sa paghahanap kay Krea-my. Paglabas ng trabaho sa umaga, nagbabakasakali siyang makikita si Kreamy. Tumatambay siya sa may Plaza Miranda sa Quiapo. Bakasakaling doon niya makita. Nag-aabang din siya may Carriedo kung saan lumalabas ang mga tao sa simbahan ng Quiapo. Maaaring magsimba si Kreamy at matiyempuhan niya. Mas madalas siya sa Quiapo kung Biyernes. Pag-labas sa trabaho deretso siya sa Quiapo. Nakatutok ang kanyang mga mata sa mga lumalabas at pumapasok sa simbahan. Alam niya, madasalin si Kreamy. Nang nakaratay ang papa nito noong unang atakehin, nabanggit na gusto niyang magnobena sa Quiapo. Hindi lang niya alam kung natuloy ang pagnonobena dahil mula nang mailabas sa ospital ang ama ay siya na ang nag-alaga rito.

Inaabot ng hanggang alas-tres ng hapon sa Quiapo si Troy. Kapag inaakalang hindi na makikita si Kreamy ay saka lamang uuwi at matutulog. Maaari pa siyang matulog ng ilang oras bago pumasok sa trabaho. Pagdating sa bahay, ibabagsak na niya ang katawan at iglap lang ay tulog na agad. Pagod na pagod siya.

Madalas, napapasarap siya sa tulog. At magigising siyang mag-aalas-diyes na ng gabi. Dapat alas nuwebe ay nakahanda na siya para sa pagpasok.

Pero kahit pasado alas- diyes ay nagmamadali pa rin siyang humabol. Delikado siyang hindi pumasok sapagkat maaari siyang mabuta-san ng istriktang superbisor.

Minsan, naatrasado na naman siya. Napagod na na- man siya sa paghahanap kay Kreamy. Pasado alas diyes na nakabangon. Nagkukumahog siyang nagbihis. Hindi na siya maliligo. Kailangang makarating siya sa bodega. Tiyak na nakapila na ang mga delivery truck doon.

Lingid kay Troy, biglang nag-inspeksiyon ang mahigpit na superbisor. Nakita nito ang mga naghihintay na delivery truck. Halos magtrapik na sa may kanto sapagkat walang nagbubukas ng gate para makapasok ang mga truck.

Umuusok na ang ilong ng superbisor. Tinanong kung ano ang dahilan at naipon sa labas ang mga truck. Sinabi ng guwardiya na wala pa si Troy.

Lalo nang umusok ang ilong ng bisor.

Makikita ng Troy na yan ang hinahanap niya. Napaka-iresponsable!

Alakdan (136) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 16, 2012 12:00 AM Comments (9)

NANG dumating si Troy sa bodega, nagulat siya nang makita ang superbisora. Pumapasok pa lamang siya sa gate ay masama na ang tingin sa kanya. At nang makalapit siya, sinalubong siya ng ratrat ng mura. Masasakit. Nakakababa ng pagkatao! Kahit sa maraming tao, walang pigil ang dila ng bisor.

Napaka-iresponsable mo! Wala kang pagmamahal sa trabaho! Pinababayaan mo ang mga delivery truck na maghintay! Dahil sa iyo kaya na-delay ang operasyon! Hindi ka dapat binibigyan ng trabaho dahil wala kang pagsisikap!

Nanatiling nakatingin lang si Troy sa superbisora habang nagmumura. Kung noon ay nakadama ng takot si Troy, sa pagkakataong ito ay hindi na. Tila na-immune na rin siya at wala nang epekto ang masasakit na mura. Wala na siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng taong kaharap niya. Hindi na siya nakadarama ng pangingilag o kahit na kaunting pagkapahiya.

Anong oras ang time in mo? tanong ng bisor na hindi nagbabago ang tono ng boses.

Ten po Mam, sagot ni Troy na mahinahon.

Anong oras na?

Hindi na sumagot si Troy. Ni hindi niya tiningnan ang relo niya para makita ang oras. Hindi na kailangan. Kung ano ang gagawin ng bisor, nakahanda na siya.

Madalas mo raw ginagawa ang ganito, lagi kang late sa pagpasok. Marami ka nang pagkakamali.

Gusto niyang suma-got na pangalawang be-ses pa lang siyang nali-late. Pero, hindi na siya sumagot pa. Wala rin namang mangyayari kahit ano pa ang sabihin niya. Hindi maaawa sa kanya ang bisor na noon pa ay mainit na ang dugo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganito kabigat ang dugo sa kanya.

Tatanggalin na kita! Mabigat ang kasalanan mo! Ang katulad mong iresponsable ay hindi da-pat binibigyan ng trabaho!

Wala nang epekto sa kanya. Kahit na alisin na siya, wala na siyang pakialam.

Pumunta ka sa personnel office bukas ng umaga !

Bakit pa? Hindi na siya pupunta roon. Kung tanggal e di tanggal. Hindi na rin niya kukunin ang suweldo niya. Para ano pa? Iyon ang mga pumutok sa isipan ni Troy.

Tinalikuran ni Troy ang bisor. Tinungo niya ang gate. Lumabas doon. Sa isip ni Troy, iyon ang huling tapak niya sa bodega. Hindi na siya babalik doon.

Alakdan (137) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 17, 2012 12:00 AM Comments (12)

HINDI nalaman ni Troy kung paano siya nakauwi. Apektado siya sa ginawang panghihiya ng istriktang superbisor.

Hindi binuksan ni Troy ang ilaw. Hina-yaan niyang masanay sa dilim ang kanyang mga mata.

Tinungo niya ang kama at naupo roon. Nayugyog ang kama. Namalagi siya sa pagkakaupo.

Binalikan niya ang mga nangyari kanina habang minumura siya ng superbisor. Sa harap ng mga drayber at iba pang tao roon, walang puknat siyang pinahiya ng superbisor. Parang ito ang nagpapasuweldo sa kanya. Iresponsable raw siya. Iresponsable ba yung maayos niyang naiinspeksiyon ang mga dinideliber na de-lata. Kung hindi niya mahal ang trabaho, noon pa sana siya nasibak. Mahal niya ang trabaho. Kahit na masakit ang mga pagmumura sa kanya noon, binalewala niya. Pinalampas niya. Wala namang namamatay sa mura.

Pero kanina, hindi na niya kinaya. Sobra na! Mabuti nga at napigil niya ang sarili na hindi sagutin o labanan ang superbisor. Nakapagpigil pa siya.

Hindi na siya magpapakita roon. Kung i-AWOL siya e di i-AWOL nila. Wala naman sigurong nabibilanggo sa AWOL.

Nahiga si Troy. Malinaw na ang kanyang mga mga mata. Nakikita na niya ang kabuuan ng tirahan niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Bukas na niya iisipin ang mga gagawin niya sa buhay.

Alakdan (138) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 18, 2012 12:00 AM Comments (12)

PAGGISING kinabukasan, hindi buma-ngon si Troy sa pagkakahiga. Maliwanag na. Nakatingin lang siya sa kisame at ini-isip ang mga gagawin ngayong wala na siyang- trabaho.

Meron siyang ka-unting naipong pera. Kailangan, bago ma-ubos iyon ay nakakita na siya ng trabaho. Hindi na siya mami-mili ng trabaho. Kung napagtiyagaan niya ang mahirap na trabaho sa grocery at maski nang ilipat siya sa bodega, mas lalong makakapagtiyaga siya. Tumigas na ang loob niya dahil sa panlalait at pang-aapi ng istriktang superbisor. Kapag natanggap siya sa bagong trabaho, aalis na siya sa bahay na ito. Lalo lamang gumugulo ang buhay niya kapag laging nagpapahiwatig si Mayette nang pagnanasa sa kanya. Mahirap ang ganitong kalagayan na may isang taong nagnanasa lalo pa ngat wala ka namang nararamdaman kahit na katiting. Tingin din naman niya, kapag nairaos ni Myette ang init ng katawan sa kanya ay baka sipain na rin siya nito. Iyon ang nai-isip niya kay Mayette. Kapag nagsawa ito sa lalaki, itatapon na lang.

Kung anu-ano pa ang naisip at naimadyin ni Troy habang nakahiga. Ano kaya at kung wala siyang makuhang trabaho ay umuwi na lang siya sa probinsiya nila. Kahit paano, may malalapitan siya roon. Pero, ano naman ang pagkakakitaan niya roon. Baka magpalimos lang siya sa mga kamag-anak. Ayaw niya. Dito na lang siya sa Maynila. Kahit magpalimos siya rito, walang makakakilala sa kanya.

Naisip din naman niya, kung talagang walang-wala nang paraan at siya ay mamamatay na sa gutom na, baka sagpangin na rin niya si Mayette. Wala na siyang mapagpipilian.

Bakit pa niya iisi-pin ang pinangako kay Kreamy na hindi na dadagdagan ang kasalanan nito. Nga-yon pang nalaman niyang hindi naman pala totoong ina ni Kreamy si Mayette.

Pero sa dakong huli, paano naman niya sasagpangin si Mayette ay nagalit na yata sa kanya dahil sa ginawa rito. Ilang araw nang hindi niya nakikita si Mayette.

Napabuntunghininga si Troy. Bahala na,yon ang nasabi niya sa sarili.

Alakdan (139) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 19, 2012 12:00 AM Comments (17)

BUMILI ng diyaryo ki-nabukasan si Troy. Binuklat at hinanap ang classified ads. Nakita. May nangangailangan ng checker sa isang establishment. Kaya niya iyon. May nakita pang nangangailangan ng bagger sa isang grocery.

Pinuntahan agad niya makaraang gumawa ng resu-me. Ang isang problema niya ay baka hi-ngin ang certification ng dating pinagtrabahuhan. Bahala na.

Sa unang pinunta-han niyang establish-ment na nanganga-i-langan ng checker ay ti-nanggap ang applica-tion niya. Binasa. Makaraang basahin ay sinabihan siyang tatawagan na lamang.

Inilagay mo naman ang number mo di ba?

Opo. Cell phone po.

Landline ba wala ka?

Wala po.

Sige tawagan ka na lang sa CP.

Umalis siya. Baka may pag-asa.

Sunod niyang pinuntahan ang isang grocery na nangangaila-ngan ng bagger.

Wala nang bakante e.

Nasa diyaryo na-ngangailangan daw kayo.

Wala na e.

Umalis siya at sinubukang puntahan ang isa pang grocery na nangangailangan ng bagger din at checker. Tinanggap ang resume niya.

Tatawagan ka na lang namin.

Umuwi na siya. Wa-lang kaseguruhan ang naging lakad niya. Binilang niya ang kanyang pera. Kailangan bago maubos ang pera niya, dapat nakakita na siya kahit anong trabaho.

Bukas, maghaha-nap uli siya. Hindi siya titigil. (

Alakdan (140)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 20, 2012 12:00 AM Comments (55)

KINABUKASAN, maaga na namang umalis si Troy para maghanap ng trabaho. Kahit taga-hugas ng pinggan sa restaurant ay papasukin niya magkatrabaho lang. Kailangang may kitain siya bago ganap na maubos ang pe-rang nasa pitaka niya.

Sa isang restaurant na malapit sa isang unibersidad sa Morayta siya nagbakasakali. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa sa pagtatanong sa kahero na sa unang tingin niya ay Intsik.

Bossing, meron ba kayong bakante para sa dishwasher?

Tumingin sa kanya ang Intsik. Tila nagtataka na ang isang katulad niya ay mag-aaplay na dishwasher.

Wala. Sorry ha.

Umalis si Troy.

Tinungo ang mga katabi pang kainan. Marami palang kainan sa dakong iyon ng Morayta. Bukod sa mga unibersidad ay mayroon ding opisina ng gobyerno sa lugar.

Pumasok siya sa isang restoran, tinungo ang cashier. Pero busy dahil ma-raming nagbabayad. Nagpalinga-linga siya at naghahanap ng mapapagtanungan. Namataan ang isang lalaking crew. Tingin niya binabae ang crew.

Sir, may bakante ba kayo rito, kahit na tagahugas ng pinggan.

Gaya ng Intsik na una ni-yang pinagtanungan kanina, hinagod din siya ng ti- ngin ng crew. Badingin nga. Nakumpirma ni Troy nang magsalita.

Walah eh. Ikaw bah ang mag-aaplay?

Oo. Baka naman meron ng bakante.

Hindih bagay sa iyo ang dishwasher. Bagay sayo sa gaybar, sabi at hinagod uli siya ng tingin at tinitigan ang bukol niya sa harapan.

Wala ba talaga kayong bakante?

Walah ngah.

Sige, salamat.

Anoh name moh?

Pero hindi na sumagot si Troy. Lumabas na siya sa restoran.

Mister guwapo, anong name moh? narinig niyang tanong ng binaba-eng crew.

Hindi na niya nilingon.

Nagpatuloy siya sa pag-lalakad. Nakarating sa Recto. Mainit na ang sikat ng araw. Nagugutom na siya. Nang tingnan niya ang relo, alas dose ng tanghali.

Kinapa niya sa bulsa ang pera. Kapag nabawasan ngayon, mga ilang araw pa at ubos na. Hindi siya puwedeng kumain ng kanin at ulam.

Hanggang sa makita niya ang nagtitinda ng banana cue sa isang eskinita.

Yun na lang ang kaka-inin niya. Makakatipid siya!

Bagong luto ang banana cue. Gutom na siya kaya agad kinagat. Napaso ang dila niya nang kagatin. Hindi niya mailuwa. Pinagulung-gulong niya sa bibig hanggang lumamig.

Isang basong gulaman ang pinangtulak niya sa banana cue.

Matapos kumain, balik siya sa paghahanap ng pagkakakitaan.

Alakdan (141) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 21, 2012 12:00 AM Comments (29)

NILAKAD ni Troy ang kahabaan ng Recto. Mula Avenida ay nakarating siya sa kanto Legarda sa pagbabakasakaling may matisod siyang trabaho kahit taga-hugas ng pinggan sa restawran o kayay tagabuhat ng kung anu-ano. Wala talaga. Iisa ang sinasabi ng mga pinagtanungan niya, walang bakante at walang hiring.

Lulugo-lugo siyang umu-wi sa kanyang tirahan dakong alas kuwatro ng ha-pon. Nakadama siya nang matinding gutom. Nawala na ang kinain niyang barbecue kanina.

Mabilis niyang hinuga-san ang maliit na kaldero. Kinuha ang plastic na lalagyan ng bigas. Ibinuhos lahat ang bigas na nasa lalagyan at isinaing. Huling saing na pala iyon. May natitira pa siyang isang latang sardinas. Iyon na ang hapunan niya.

Nang maluto ang sinaing, kumain na siya. Sardinas sa umuusuk-usok na kanin. Iyon na yata ang pinakamasarap na hapunan niya. Halos maubos-ubos niya ang kanin sa kaldero.

Naupo sa gilid ng kama. Inisip ang mga nangyayari sa buhay niya. Kapag wala siyang nakitang trabaho, tiyak na gutom ang hahantungan niya. Saan pa kaya siya pupunta bukas para maghanap ng trabaho? Nagalugad na niya ang Recto pero wala talaga. Subukan kaya niya sa may Quiapo bukas? Bakasakali.

Hanggang sa maalala niya ang ginawang pagmura sa kanya ng superbisor. Nilait-lait siya. Iresponsable raw siya kaya dapat sibakin. Hayup na superbisor, walang awa sa kapwa. Hindi naman siya iresponsable. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ang gusto siguro ay luluhod sa kanya at magmamaka-awa. Hayup na superbisor! Sana mamatay na ang hayup na yun! Iyon ang galit na naisip ni Troy.

Pagkaraan, naisip naman niya na magbalik na kaya siya sa probinsiya. May mga pinsan pa naman siya sa probinsiya at kahit papaano may tutulong sa kanya. Dito, walang tutulong kahit manigas sa gutom.

Pero nanaig ang pride ni Troy. Kakahiya sa mga pinsan niya kung doon siya mamamalimos.

Dito na lang siya. Mag-hahanap uli siya bukas ng trabaho. Makakakita siya bukas. Hindi siya titigil sa paghahanap bukas.

Alakdan (142) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 22, 2012 12:00 AM Comments (19)

KINABUKASAN, umalis uli ng bahay si Troy para maghanap ng trabaho. Sa Quiapo naman siya pupunta. Baka sakaling doon siya makatisod at maisalba ang nararamdaman niyang paghihirap sa mga darating na araw.

Binaybay niya ang Que-zon Blvd. Nakita ang isang panciteria sa may makalampas ng Raon St. Nakita niya ang isang babaing crew.

Miss nangangailangan ba kayo ng tagahugas ng pinggan diyan?

Tiningnan siya ng babae. Parang ayaw maniwala kay Troy. Siguroy hindi bagay kay Troy na maging dishwasher.

Ikaw ang mag-aaplay?

Oo.

Nagtawa ang babae.

E mas guwapo ka pa sa may-ari ng restaurant na ito!

Miss totoo ang sinasabi ko. Naghahanap ako ng trabaho. Kailangan kong magkatrabaho dahil magugutom ako. Sige na Miss.

Kausapin mo ang may-ari. Yung nasa kaha.

Agad tinungo ni Troy ang lalaking nasa kaha. Seryosong-seryoso ang lalaki sa pagkukuwenta.

Sir, mag-aaplay po akong dishwasher dito sa inyo. Baka maaari mo akong tanggapin.

Tiningnan siya ng lalaki.

Wala e. Katatanggap ko lang kamakalawa ng taga-hugas.

Baka po kailangan mo ng waiter?

May experience ka bang mag-waiter? Baka tuturuan ka pa namin?

Hindi nakasagot si Troy. Wala siyang experience sa pagwi-waiter.

Wala ano? Nakikita ko nga na wala kang experience. At saka gusto ko sana, babae ang taga-silbi. Sori ha, sa iba ka na lang mag-aplay, sabi ng may-ari.

Tumalikod na si Troy.

Paglabas ay nakita niya ang babaing pinagtanungan kanina.

Anong sabi?

Wala raw.

Hindi ka naman kasi bagay na taga-hugas.

Hindi na sumagot si Troy. Lumabas na.

Ilan pang restaurant ang sinubukan niyang pag-aplayan bilang taga-hugas pero wala talaga.

Nang wala nang makitang restaurant sa Quiapo, umuwi na si Troy. Bigumbigo siya. Walang suwerte.

Kinain niya ang natirang kanin sa kaldero.

Nang makakain, sumilip siya sa nakaawang na bintana. Tinanaw ang bahay ni Mayette. Nagtataka siya kung bakit hin-di nakikita si Mayette.

Ano kaya at puntahan niya si Mayette?

Alakdan (143) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 23, 2012 12:00 AM Comments (19)

PERO bakit niya pupuntahan si Mayette? Ano siya gago? Mara-ming beses na niyang sinupla si Mayette tapos ngayon ay pupuntahan niya. Hindi! Hindi siya lalapit kay Mayette!

Sinilip muli niya ang bahay ni Mayette. Wala nga yatang tao. Bigla niyang isinara ang bintana. Ano ba ang pakialam niya kay Mayette?

Nagbalik siya sa higaan at nag-isip nang nag-isip. Bukas ay wala na siyang kakainin. Wala na siyang isasaing. Wala na rin siyang pera. Ha-ha-ha! Nangyayari pala talaga ang ganito. Hindi kaya dumating ang

araw na maging taong grasa siya? Hindi kaya lumabuy-laboy siya at mawala sa katinuan. Ang alam niya ang gutom ang dahilan kaya nawawala sa sarili ang isang tao. Pinapasok ng hangin ang ulo. Madalas niyang makita na lakad nang lakad ang mga taong grasa. Ganoon kaya ang mangyari sa kanya sa mga darating na araw?

Saka ay naisip uli niya na ano kaya at bu-malik na siya sa probinsiya? May mga pinsan pa naman siya roon at kahit paano kakain siya. Pero hindi habampanahon ay pakakainin siya. Napailing-iling siya. Kakahiya kung manghihihingi siya. Hindi! Dito na lang siya.

At saka naisip niya ang pinsang si Digol. Nasaan na kaya yun? Hindi na nagpakita sa kanya. Baka mayaman na ang gagong yun ah! Sana dalawin siya ni Digol para makahingi ng tulong. Sabi ni Digol nang huling mag-usap sila, mayaman ang babaing nadagit niya na ang pa-ngalan ay Sue.

Sa huli ang naisip naman niya ay si Kreamy. Nasaan na kaya yun? Hindi na nagpakita. Si Kreamy ang dahilan kaya siya nawalan ng trabaho. Naging busy siya sa paghahanap dito kaya laging naatrasado sa pagpasok. Ayun, sinibak siya ng malupit na superbisor.

Bakit pa ba niya iisipin si Kreamy? Hayaan na lang niya ito. Wala rin naman yatang pakialam sa kanya ang babaing yun.

Napabuntunghi- ninga siya. Malalim.

Nakatulugan niya ang pag-iisip.

KINABUKASAN, mahapdi ang tiyan niya. Nagugutom siya.

Nagtungo siya sa bintana at sinilip ang bahay ni Mayette. Walang tao. Baka naman nasa loob lang.

Naramdaman uli niya ang hapdi ng gutom.

Nagpasya siyang lumabas para tingnan kung nasa bahay si Mayette. Kinain niya ang sinabi na hindi lalapit kay Mayette. Sinira niya ang pangako sa sarili.

Maya-maya pa nasa harapan na siya ng bahay at sinilip kung naroon si Mayette.

Alakdan (144) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 24, 2012 12:00 AM Comments (19)

IDINUKWANG ni Troy ang ulo sa gate ng bahay ni Mayette para masilip nang husto ang loob. Wala yatang tao. Walang ilaw sa loob. Wala siyang naririnig na kahit anong ingay.

Tiningnan niya kung nakakandado ang gate. Hindi naman. Kung umalis si Mayette, dapat nakakandado ang gate. Baka naman may pinuntahan lang. Kabisado niya si Mayette na mahilig magpunta sa kung saan-saan. Tila may nunal sa paa na hindi mapirmi sa isang lugar. Baka may binibili sa mall. O baka nasa grocery.

Ano kaya at tumawag siya para malaman kung nasa loob si Mayette? Kainin na kaya niyang tuluyan ang pride? Hindi naman siya maaaring tulungan ng kanyang pride. Hindi kayang patigilin ng pride ang hapdi ng kanyang bituka.

Talagang tatawag na si Troy kay Mayette pero sa huling sandal ay umiral ang kanyang pride chicken.

Hindi! Matitiis ko pa naman ang aking gutom. Hindi ako lalapit sa kanya! sabi niya sa sarili at saka nagmamadaling bumalik sa kanyang tirahan. Naghanap ng kung anong mailalalaman sa kanyang tiyan.

Wala na siyang maisasaing na bigas. Malinis na malinis na ang kanyang lalagyang plastic. Pero mayroon pa siyang kape at asukal. Puwede pa siyang magkape! Nagmamadali siyang nagpakulo ng tubig. Nang kumulo agad siyang nagtimpla. Masarap sana kung mayroong pandesal. Isasawsaw lang niya ang pandesal sa mainit na kape at makakaraos na siya.

Nakayang patahimikin ng mainit na kape ang kanyang nagwawalang bituka. Nahiga siya at nag-isip kung paano magkakapera at nang may maibili ng pagkain.

Pero napakahirap palang mag-isip kung walang laman ang sikmura. Ayaw gumana ang isip niya. Bagkus ang sumisiksik sa isip niya ay bumalik sa bahay ni Mayette at tumawag siya rito. Ano ba naman kung kainin na niya ang pride niya? Siguradong naroon na si Mayette. Sigurado rin na maraming pagkain si Mayette.

Napalunok si Troy.

Alakdan (145) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 25, 2012 12:00 AM Comments (23)

KUMALAM ang tiyan ni Troy nang ma-imagine na maraming pagkain sa bahay ni Mayette. Tiyak na maraming pagkain doon sapagkat mara-ming pera. Natatandaan niya na ipinagbili lahat ang lupain na pag-aari ng asawa. Wala na yatang itinira sapagkat baka raw bigyan pa siya ng problema kapag namatay ang asawa. Kaya noong naka-ratay ang asawa dahil sa atake sa puso ay ipinagbili na ang mga lupain sa Mogpog at sa Oas. Natatandaan pa rin niya na maraming alahas si Mayette. Lahat daw iyon ay binili ng asawa noong nasa Saudi pa. Bukod sa mga lupain at alahas ay mayroon pa yatang pa-upahang bahay si Mayette. Itong bahay na tinitirhan niya ay isa lang sa mga paupahan.

Napalunok si Troy. Marami talagang pera si Mayette. Naalala niya nang pahiramin siya nito noong namatay ang kanyang itay at inay. Balewalang binigyan siya ng cash nang araw na umuwi siya ng probinsiya. At noong nakaburol na ang kanyang mga magulang pinadalhan pa siya. Kaya baka ang utang niya kay Mayette ay mga hundred thousand. At hindi siya sinisingil. Parang bigay na sa kanya ang pera.

Iyon nga lang, sunud-sunod ang pang-aakit sa kanya. Binuyangyang na ang lahat sa kanya. Pero mataas nga ang pride chicken niya kaya kahit na anong panunukso at pakiusap ay tinanggihan niya. Nangako rin siya kay Kreamy na hindi na da-dagdagan ang kasalanan ng nakilalalang ina. Ngayong wala na si Kreamy, parang gusto na niyang kalimutan ang nasabi kay Kreamy. Hindi naman siya matutulungan ni Kreamy ngayong humahapdi ang sikmura niya.

Kumalam muli ang tiyan- niya. Hindi na niya kaya. Bumangon siya at nagtungo sa bahay ni Mayette.

Mayette! Mayette!

Alakdan (146) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 26, 2012 12:00 AM Comments (16)

WALANG sumasagot sa loob. Nilakasan pa ni Troy ang pagtawag sa pangalan ni Mayette.

Mayette!! Mayette!!!

Pero walang sumasagot o kayay kumikilos. Wala siyang naririnig na ingay sa loob. Baka natutulog.

Nang tingnan niya ang gate ay wala namang nakalagay na kandado roon. Iisa ang nasa isip niya sa pagkakataong iyon: Papasok siya! Wala nang makakapigil sa kanya.

Hinawakan niya ang bakal na lalagyan ng kandado at saka hinila. Bumukas ang gate. Pumasok siya. Nang makapasok ay hinila pabalik ang lalagyan ng kandado. Sumara ang gate.

Tinungo niya ang main entrance. Mayroong screen aluminum door sa pinto. Hinatak niya. Bukas! Natambad ang pintong gawa sa narra. Hinawakan niya ang door knob. Pinihit niya. Bukas din iyon!

Naisip ni Troy, maaaring nasa labas ng bahay si Mayette at hindi na naisara ang gate at pinto. O maaari rin namang naiwang bukas. Baka nalimutan.

Pero hindi na niya pinag-aksayahang isipin pa iyon. Ke nasa labas si Mayette o nalimutang bukas ang pinto at gate, wala na siyang pakialam. Ang nasa isip niya ngayon ay kung paano makakakain para mawala ang matinding gutom na nararamdaman niya. Hindi na niya kayang tiisin ang gutom. Baka pati kaluluwa ay ipagbibili niya para lamang makakain.

Pumasok siya. Walang tao sa salas. Deretso siya sa kusina. Kabisado na niya ang bahagi ng bahay dahil ilang beses na rin siyang nakapasok dito.

Nabungaran niya sa mesa ang mga bandehado na may taklob. Nang buksan niya, halos tumulo ang laway niya. Masasarap na ulam ang nasa ilalim ng mga natataklubang bandehado. Beef steak, menudo, relyenong bangus, fried chicken, lumpiang shanghai at iba pa. May mainit na kanin sa isa pang bandehado.

Walang sinayang na panahon si Troy. Umupo at nilantakan ang mga pagkain na naroon. Hindi niya malaman kung ano ang sasandukin. Halos mahirinan siya dahil sa sunud-sunod na pagsubo. Napakasarap ng mga pagkain!

Busog na busog siya! Uminom siya nang maraming tubig.

Humihingal siya pagkatapos. Solb ang problema niya.

Alakdan (147)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 27, 2012 12:00 AM Comments (61)

NAGTATAKA lang si Troy kung bakit hina-yaan ni Mayette na bukas ang bahay niya. Paano kung ibang tao ang nakapasok at hindi lang pagkain ang hinahanap kundi may balak pang magnakaw. At paano kung pagkatapos siyang pagnakawan ay patayin pa siya. Maraming nangyayaring krimen nga-yon dahil maraming mahirap at nagugutom. Siya ang matibay na halimbawa. Hanap siya nang hanap ng trabaho pero walang makita. Gutom ang inabot niya. At kung wala si Mayette baka pinasok na ng hangin ang ulo niya. Kung hindi pa siya makakakain sa mga susunod na araw ay baka maging taong grasa na siya. Maghahalungkat siya ng basurahan para makakita ng pagkain. Patambay-tambay siya sa mga karinderya at pinanonood ang mga kumakain. At kahit na inilalahad na niya ang kamay para manghingi ng pagkain, walang may gustong magbigay sa kanya. Habang sarap na sarap sila sa pagkain ay humahapdi naman ang kanyang sikmura.

Hinimas ni Troy ang tiyan. Busog talaga siya. Wala siyang masasabi sa masarap na pagkain na nasa harapan niya.

Nasaan kaya si Ma-yette? Bakit kaya mayroon siyang handang pagkain? Birthday kaya niya?

Nasagot ang mga tanong ni Troy nang makarinig siya ng tinig mula sa may pinto.

Nabusog ka ba Troy?

Nang lingunin niya kung sino ang nagsalita, walang iba kundi si Ma-yette.

Sige, kain pa Troy? Mayroon pang cake sa ref.

Hindi makatingin si Troy. Siguro, naiisip ni Mayette na papaki-pakipot pa e sa kanya rin pala tatakbo.

Naupo si Mayette sa tabi niya.

Okey ba ang pagkain, Troy?

Tiningnan niya si Mayette.

Hindi ko na natiis ang gutom. Grabe ang naramdaman kong gutom. Pinapasok na yata ang ulo ko, sabi niya

Alam ko dahil matagal na kitang sinusubaybayan. Alam ko, nagugutom ka at pupunta rito

Alakdan (148) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 28, 2012 12:00 AM Comments (42)

WALA ka nang trabaho ano? tanong ni Mayette kay Troy. Nakaupo pa rin ito sa tabi ni Troy.

Tumango si Troy.

Anong nangyari?

Ikinuwento ni Troy ang nangyari.

Sabi ko na sayo at masama ang gagawin ng babaing superbisor hindi ka maniwala sa akin.

Hindi nagsalita si Troy. Nakatungo lang.

Wala kang makitang trabaho ano?

Tumango.

Mahirap talagang maghanap ng trabaho ngayon. Kahit na nga tapos ng kolehiyo walang makitang trabaho. E ikaw pa, na wala namang natapos

Napabuntunghininga si Troy. Ininsulto pa siya ni Mayette. Pero tanggap na niya. Kahit pa anong sabihin sa kanya, tatanggapin niya. Totoo naman na wala siyang natapos. Dapat harapin niya ang katotohanan.

Ngayon kahit janitor, mahirap makakuha. Talagang mamamatay sa gutom ang hindi makakita ng trabaho, sabi ni Mayette na nakatingin sa kanya.

Sa himig ng pananalita, tila may gustong ipamukha si Mayette sa kanya. Aa-yaw-ayaw pa siya noon kay Mayette pero dito rin pala tatakbo. Hindi siya makatingin nang tuwid kay Mayette.

Ang hirap magutom ano, Troy?

Dapat pa na siyang sumagot. Nakikita naman dahil halos maubos niya ang mga ulam na nasa mesa.

Sinusubaybayan talaga kita. Akala mo siguro, hindi kita nakikita. May largabisto ako kaya nakikita ko nang malinaw ang ekspresyon ng mukha mo. Nakikita ko, gutom na gutom ka na.

Di ba dalawang beses ka nang nagtungo sa gate ko? Una mong pagpunta, nagpakipot ka pa. Hindi ka tumawag. Nakatayo ka lang. Umalis ka dahil ayaw mong masabi na sumusuko ka na. Ayaw mong mapahiya sa akin na maraming beses mo na ring tinanggihan.

Tapos bumalik ka nga uli sa harap ng gate ko. Tinawag mo na ako. Pero lingid sa iyo, narito lang ako sa loob at nakikiramdam. Inihanda ko na rin ang pagkain para sayo. Binuksan ko talaga ang gate at pintuan. Alam ko, ang taong gutom ay wala nang kinatatakutan. Wala na rin siyang nadaramang hiya. Basta ang gusto niya, mayroon siyang makain. Ang gusto niya may mailaman sa tiyan.

Di ba tama ako, Troy? Tama ako ano?

Dapat pa ba siyang sumagot? Hindi na kaila-ngan.

Kunin mo na ang mga damit mo sa iyong tirahan at lumipat ka na rito. Bago pa muling kumalam ang tiyan. Sige na, kunin mo na ang mga damit mo

Alipin na siya ni Ma-yette. Kumilos si Troy para sundin ang kinikilala na niyang amo. Iniligtas siya nito sa gutom. (Itutuloy)

Alakdan (149) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 29, 2012 12:00 AM Comments (9)

NAGTUNGO si Troy sa kanyang tirahan. Inilabas sa cabinet ang mga damit. Yung damit na ibinigay sa kanya ni Mayette noon ay hindi pa niya naisusuot. Wala naman siyang importanteng pinupuntahan kaya hindi niya naisusuot.

Inilagay niya sa isang bag ang mga damit. Sumobra sa bag kaya naghagilap siya ng plastic bags.

Ang ibang gamit na naroon gaya ng portable gas stove at pinagtatauban ng pinggan ay itatanong muna niya kay Mayette kung dapat dalhin. Ang gas stove ay kay Digol. Hindi niya alam kung binili iyon ni Digol o binigay din ni Mayette dito. Alam niya, iniasa na lahat ni Digol ang sarili kay Mayette. Pero sa dakong huli, iniwan din niya dahil nakakita ng bagong matrona.

Sinulyapan ni Troy ang kuwarto na matagal-tagal din niyang naging tahanan. Marami siyang alaala sa kuwartong ito. Matapos iyon, isinara niyang ma-buti ang pinto. Sini-gurong nakasara at baka pasukin ng mga ka-watan.

Nang bumalik siya sa bahay ni Mayette ay nakita niyang nakaupo ito sa salas. Nakangiti sa kanya. Para bang satisfied na satisfied sa mga nangyayari.

Dinala mo lahat ang mga damit mo, Troy? tanong habang inaa- lug-alog ang magka-cross na mga binti.

Oo. Pero naiwan pa roon ang gas stove at lalagyan ng pinggan.

Naku, hayaan mo na yun doon.

Pauupahan mo ba ang bahay?

Wala pa akong ba-lak. Baka sakali. Sa-yang din ang kikitain.

Kapag pauupa-han mo, kukunin ko ang stove at tauban ng pinggan.

Huwag na, aanhin mo pa ang mga iyon e kumpleto naman ang gamit dito. Huwag mo ngang problemahin ang mga yun.

Napatango si Troy.

Saan ko ilalagay ang mga damit ko? tanong niya.

Sa kuwarto natin. Sa itaas

Napalunok si Troy sa sinabi ni Mayette na Kuwarto natin. Talagang nakaprogra-ma na sa utak ni Mayette na magsasama na sila bilang mag-asawa. Talagang wala nang makapipigil pa kay Mayette.

Sabagay, paano pa siya makatatanggi e ang babaing ito ang sumagip sa kanya sa gutom.

Gusto mong maligo, Troy?

Oo.

Sige, tingin ko nga sayo ilang araw ka nang hindi nakakaligo. Pero kahit dehin goli ka, malinis at mabango ka pa ring tingnan. Magsabon kang mabuti, Troy

Alakdan (150) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 30, 2012 12:00 AM Comments (6)

NAPANGITI si Troy sa sinabi ni Mayette na magsabon siyang mabuti. Siyempre naman magsasabon siyang mabuti. Pero tama ang hula ni Mayette na ilang araw na siyang hindi naliligo. Talagang ganun yata ang hinahangin ang ulo dahil sa gutom, maski ang pali-ligo ay kinakatamaran. At kung anu-ano ang naiisip niya. Siguro kung tumagal pang hindi siya makakakain ay baka magsasalita na siyang mag-isa hanggang sa maging baliw siya. At magiging taong-grasa na siya.

Hoy Troy anong iniisip mo? sabi ni Mayette.

Wala.

Ligo na. Teka at ikukuha kita ng towel. Sige pumasok ka na sa banyo at iaabot ko sayo.

Umalis si Mayette para kumuha ng towel. Hindi naman pumasok sa banyo si Troy. Alam niya ang iniisip ni Mayette. Siyempre kapag nasa banyo na siya, bubuksan niya ang pinto para abutin ang towel na ibibigay ni Mayette. At ang kasunod ay papasok na rin sa banyo si Mayette. Mag-huhubad na rin si Mayette at may mangyayari na. Makakatanggi pa ba siya kay Mayette e kung hindi dahil dito ay hindi siya makakakain. Kung hindi kay Mayette ay baka nagsasalita na siyang mag-isa. Baka kahit langaw, hulihin na niya at isubo.

Pero hindi ganoon kabilis ang gusto niyang mang-yari sa kanila ni Mayette. Gusto niya, magkaroon na rin siya ng gusto kay Ma-yette. Hindi naman siguro mahirap mahalin ang babaing nagpakain sa kanya. Lahat naman ay mapag-aaralan.

O Troy, sabi ko pumasok ka na sa banyo. Bakit nakatayo ka pa riyan?

Saan nga ba ang banyo? tanong niya kunwari gayung alam naman niya kung nasaan iyon.

Ayun sa gawing kaliwa. Malapit sa may stove.

Ah oo.

Etong towel. Bago yan. Imported.

Kinuha ni Troy at lumakad patungo sa banyo.

Troy, ano kaya at sabay na tayong maligo. Para masabon kitang mabuti at mahilod ang bagli mo.

Sinasabi na nga ba at may balak. Pero hindi ganun kabilis ang gusto ni Troy at saka wala pa siya sa mood. Basta.

Mangungumpisal pa ako Mayette. Uupo pa ako sa trono. Baka mamatay ka sa spirit nang ilalabas ko...

Yak!
Alakdan (151) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 31, 2012 12:00 AM Comments (9)

PUMASOK na si Troy sa banyo. Hindi naman talaga siya mangungumpisal o uupo sa trono. Sinabi lamang niya iyon para hindi agad maganap ang inaasahan na niyang paniningil ni Mayette. Alam niya malapit nang maganap ang paniningil. At sa pagkakataong ito, hindi na siya makatatanggi kay Mayette. Kung noon ay pawang pagtanggi at pagpapahiya kay Mayette ang ginawa niya, ngayon, hindi na uubra. Si Mayette ang nagpakain sa kanya. Ito ang nagligtas sa kanya sa tiyak na pagkagutom at pagkasira ng ulo. Naligo na siya. Nag-sabon. Sabi ni Mayette magsabon siyang mabuti. Siyempre naman, magsasabon siya nang ayos. Kapag naliligo siya ay matagal ang ginugugol niya sa banyo. Sinisiguro niyang malinis na malinis ang kanyang katawan. Matagal siya kung magsabon. Ilang ulit niyang pinapapasadahan ng sabon ang katawan. Pagkatapos ay nagbanlaw siya nang todo. Malakas ang tubig na lumalabas sa shower kaya pakiramdam ni Troy ay tanggal lahat ang libag niya sa katawan. Malinis na malinis ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakapaligo na pakiramdam niyay said na said ang kanyang libag. Ano kaya kung pumayag siyang magsabay silang maligo ni Mayette? Kanina ay talagang pinipilit ni Ma-yette na magsabay silang maligo. Talagang kahit may edad na si Mayette ay malakas pa rin ang sikad ng pagkahaling sa laman. Sabagay, matagal-

tagal na rin sigurong hindi nakakatikim si Ma-yette kaya naman ganun na lamang ang pagpipilit kanina. Pero gaya nga ng plano niya, ayaw niya nang mabilisan. Gusto niya pag-aralang magustu-han na rin si Mayette. Sa ka-lagayang ito na wala siyang ibang mapupunta-han at lahat na lamang ay ginawa niya para makakita ng pagkakakitaan, isusuko na niya ang lahat kay Ma-yette. Siguro kung pumayag siya kanina na magsabay silang maligo, baka nagsisimula na ang panini-ngil ni Mayette. Siguro ay baka abalang-abala na ang gutom na si Mayette sa kinasasabikang putahe. Siyempre hindi na niya ito mapipigilan sa pagsalakay at magpapaubaya siya. Hanggang sa mairaos ni Mayette ang init ng kanyang katawan. Napangiti si Troy. Nagpakipot pa siya pero kay Mayette rin pala ang bagsak niya. Kung anu-ano ang ginawa niyang pagtanggi pero kakainin pala niya ang lahat nang sinabi. Natapos ang paliligo ni Troy. Nagpunas siya ng tuwalya. Tinuyo ang katawan. Pagkatapos ay ibinalot ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Wala siyang saplot sa ilalim ng tuwalya. Binuksan niya ang pinto. Nag-aabang na kaya si Mayette? Posible. Kilala niya si Mayette. Sumasa-lakay ito nang walang puk-nat at idaraos ang gusto. Pero nang makalabas siya sa banyo, hindi niya nakita si Mayette. Nag-lakad siya patungo sa salas. Baka nanonood ng TV. Pero wala sa salas. Nagpalinga-linga siya. Nasaan ang babaing iyon? Baka lumabas at may binili. Naisipan niyang magtungo sa silid na kinaroronan ng kanyang mga damit. Doon na siya magbibihis. Binuksan niya ang kuwarto. Tiwalang pumasok doon. Madilim sa loob. Nagulat siya sapagkat naroon si Mayette!

Alakdan (152) Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated August 01, 2012 12:00 AM Comments (9)

NARITO na pala ang tagapagligtas niyang si Mama Mayette, naisip ni Troy. Kahit madilim, naaninag niya si Mama Mayette. Hindi maikakailang wala nang saplot. Malinaw

ang kan-yang mga mata kahit sa dilim kaya nakikita niya ang kabuuan ni Mama Mayette. Siguro, aninag din siya ni Mama Mayette. Baka nalalaman na rin ni Mama Mayette na wala na rin siyang saplot sa kabila ng nakataping tuwal-ya. Kung hahaltakin ni Mama Mayette ang tuwalya, makikita niya ang matagal nang inaasam. Ang tagal mong maligo, narinig niyang sabi ni Mama Mayette. Mahina lang ang pagka-kasabi at may haplos ng landi. Sabi mo magsabon akong mabuti, sagot naman ni Troy. Oo nga. Narito ka na pala. Akala ko kung nasaan ka. Akala mo lumabas ako? Oo. Ngayon pa ba ako lalabas na narito ka na. Gusto ko nga lagi kang babantayan. Hindi na naman ako aalis. Hindi mo na ako kailangang bantayan. Malay ko. Pasaway ka rin di ba? Dati. Pero nang iligtas mo ako sa pagkagutom, hindi na. Talaga? Ibig mong sabihin, payag ka na? Ano sa palagay mo? Baka tumutol ka uli gaya nun. Baka na naman mapahiya ako. Ikaw nga ang nagligtas sa akin sa pagkagutom kaya wala nang dahilan para tumanggi ang katulad kong alipin. Sobra ka naman. Bakit alipin? Alipin mo na ako mula ngayon.

Hindi ako ang alipin mo, sabi ni Mama Mayette. Pagsisilbihan kita, Troy. Akalain mong napasuko ko ang isang makamandag na alakdan. Pagkaraan nang matagal ding panahon, napayuko ko ang alakdan. Alakdan? Bakit alakdan, naitanong ni Troy sa sarili. Pero hindi na nasagot ang tanong niya sapagkat suma-lakay na ang alipin sa kata-uhan ni Mama Ma-yette. Pagsisilbihan daw siya. At totoo nga. Nadama ni Troy ang pagsi-silbi nang haltakin ang na-ka-taping tuwalya. Walang nagawa ang alakdan kundi itiklop ang buntot na may kamandag. Mas matindi ang kamandag ng su-malakay na alipin. (Itutuloy)

You might also like