Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 575

Kwadro Alas Book 1 - Aldrin and Hannah by TOYANTZ. Romeo Q. Loosa III supertoyantzfingers@gmail.com Copyright..

August 25 2012

Prologue Tahimik na pinagmamasdan ng isang bata ang paligid.. Naglalakihang gusali ang kanyang nakikita.. Madilim na, pero halos parang ngayon palang nagigising ang buong lungsod.. Lungkot na lungkot sya pagkat lilipat na sila ng bahay.. Mula sa bahay ng Lolo at Lola nya ay lilipat na sila sa bahay na nabili ng kanyang daddy.. Di nya alam kung saang lugar yon.. Basta ang sabi kanina ng mommy nya ay masaya daw dun.. Tinutulan nya iyon.. Di hamak na mas maganda ang dati nilang tahanan.. Sa piling ng kanyang mga Lolo at Lola, mga dating kaibigan at si Lelay.. Ang kanyang childhood crush... Sa pagkaka alala sa kababata ay bigla syang binalot ng di maintindihang lungkot.. Di matanggap ni Lelay na lilipat na sila ng bahay.. Naghahanap ito ng rason pero wala syang maibigay... Nakaukit pa rin sa kanyang munting isip ang mga huling palitan nila ng mga salita ng kanyang kababata.. "L-lelay aalis na kame.." bulong ng batang si Aldrin.. Nakatalikod lang sa kanya ang kababata.. Di nya batid kung umiiyak ito o tumatawa..Kinalabit nya ito pero iwinaksi lang nito ang kamay nya.. "Lelay.. Wag ka namang ganyan..Babalik naman ako.. Dadalawin kita lagi..Malapit lang siguro yung pupuntahan namin.." pang aalo ni Aldrin sa kaibigan.. Marahas na bumaling ng tingin ang batang si Lelay... Nagulat si Aldrin at agad na nakaramdam ng awa sa itsura ng kaibigan..Basang basa ang mukha nito sa luha.. "Sinungaling !.. Iiwan mo na ako!.. Iiwan mo rin pala ako!.." sigaw ni Lelay.. Napayuko lang si Aldrin at nagsimula na ring humikbi.. "H-hindi ko gusto..Ayaw ko naman talaga don.. Pero sabi ni Mommy malayo na daw sa work ni Daddy..Ayaw kong iwan ka.." mahinang sabi ni Aldrin.. Napaupo si Lelay at lumakas ang hagulgol.. Agad syang niyakap ng batang si Aldrin.. Tinulak ni Lelay ang kaibigan.. Pero nagmatigas si Aldrin at pilit na niyayakap ang kaibigan..

"Babalikan kita Lelay.. Pangako.." bulong ni Aldrin sa tenga ng kaibigan.. Unti unting huminto ang pag iyak ni Lelay hanggang sa naging hikbi...Lumipas ang ilang minuto na magkayakap ang magkaibigan.. Binasag ni Aldrin ang katahimikan.. "Babalik ako.." matigas na pangako ng batang paslit sa kaibigan.. Tumitig si Lelay sa nag iisang kaibigan nya.. "Hihintayin kita.." nakangiti nitong sabi sa kaibigan.. Nagkangitian ang dalawa..Maya maya may kinapa si Lelay sa bulsa.. "Eto.. Wala kasi akong pera.. Ayaw ko naman manghingi kay Inay.. Eto isuot mo.. Sana maalala mo ako.. Ingatan mo ito hanggang sa magkita tayo muli Potpot.." sabi ni Lelay sabay abot sa hawak nya.. Agad kinuha ni Aldrin ang regalo ng kaibigan.. Pinagmasdan nya ito... Lalo lang namuo ang luha sa mga mata nya pero pinigilan nya dahil ayaw nyang umiyak na naman ang kaibigan nya..Agad na hinubad ni Aldrin ang suot na kwintas na regalo sa kanya ng Ina.. "Eto ..Gusto ko suot mo pa rin ito pag nagkita tayo.." masuyong sabi ni Aldrin sabay suot ng kwintas sa leeg ng kaibigan.. Nanlaki ang mga mata ni Lelay sa binigay ng kaibigan.. "Potpot ayaw ko.. Bigay to ng Mommy mo!.." tinangka nyang hubarin ang kwintas pero nagalit si Aldrin.. "Binigay sakin yan ni Mommy.. Sabi nya ibigay ko daw yan sa special sa akin..Sayo na yan Lelay.. Para alam kong mag kikita pa tayo.." nakangiting sabi ni Aldrin.. "Pero yung binigay ko.. Sinulid lang yan na may nakasabit na papel.. Nakasulat yung name ko.. Ay.. Sorry Pot ah?.. Wala kasi kaming pera eh.." nahihiyang sabi ni Lelay.. "Ayos lang.. Iingatan ko ito kaya sana ingatan mo rin yan ha.." masuyong sabi ni Aldrin sabay hawak sa pisngi ni Lelay.. Namula ang pisngi ng batang babae at tinapik ang kamay ng kaibigan.. "Anung ginagawa mo?.." nanlalaki ang mga mata na tanong ni Lelay.. Ngumiti lang ang kaibigan nya... "Hahanapin kita.. Babalikan kita.. tapos.........Papakasalan kita.." matigas at determinadong sabi ng batang si Aldrin.. Namula ang mga pisngi ng batang si Lelay at humagikgik.. "Gagsti ka !.. Ang bata pa natin oy.. " sabi nito pero di naaalis ang ngiti sa labi.. "Basta.. Pangako.." sabi ni Aldrin at narinig na nilang bumusina ang kanyang Ama..

Muling nag titigan ang magkaibigan.. Di na natiis ni Aldrin ang damdamin at agad na niyakap ang kababata.. "Pangako.." bulong nya sa tenga nito.. Agad na iwinaksi ng batang si Aldrin ang kanyang naisip.. Di nya alam pero parang naramdaman nyang nag init ang magkabilang pisngi nya.. Di nya batid sa batang isip kung anu ang naramdaman nyang iyon..Sa pagkaalala man lang ng kababata ay binalot na naman sya ng lungkot.. Umayos na sya ng upo... Kinapa nya ang maliit na kwintas na bigay ni Lelay.. Gawa ito sa sinulid ay may papel na nakasabit...Napabuntung hininga nalang ang bata..Mukhang malayo layo pa ang lalakbayin nila.. Inayos nya ang sarili at humiga sa upuan.. Dahil sa haba ng byahe ay agad syang nakatulog.. Lumipas ang ilang oras ay marahang inalog ni Alona ang anak.. "Aldrin anak, gising na .. Andito na tayo.. Look o.." bulong ni Alona sa anak.. Umungol lang ito at umikot.. Agad na sinipsip ang kanang hinlalaki.. Napabungisngis si Alona sa inakto ng anak.. Agad nyang inalis ang daliri nito at muling inalog.. "Anak.. Gising na.. We're here na.." masuyong bulong nya.. Unti unting nagising ang bata.. Umungol ito at pilit na ibinabalik ang hinlalaki sa bibig.. Binangon na ni Alona ang anak at pinaupo.. Nanatili pa ring nakapikit ang bata.. Pero napansin ng ina na nag tutulug tulugan na lang ang anak at gising na ito... Napangiti sya kaya kiniliti nya ito sa beywang.. Agad namang napabalikwas ng upo ang bata at iniwas ang sarili sa pangingiliti ng ina.. "Waaa... Wag mommy!... Ahaha.. Gising na po ko !.." sigaw ni Aldrin.. "Akala ko tulog ka?.. Hmm.. Halika na anak at tingnan mo ang magiging room mo.." sabi ng ina at inalalayan ang anak sa pagbaba ng hagdan.. Nagbukas ang gate ng katabing bahay at may lumabas na mag asawa..Nakangiti itong lumapit sa mag ina.. "Hi.. Kayo pala yung nakabili nyan?.. By the way I'm Chynna and this is my husband Vincent.. Kami ang neighbor nyo.. Oh.. Is that your son?.." turo ni Chynna sa batang nakakapit sa binti ni Alona.. "Yeah.. Aldrin.. Meet our new neighbor..Say hi to Tito and Tita.." tulak ni Alona sa anak.. Kiming ngumiti lang ang bata at kumaway.. "Hi T-tito... Hello Tita..." mahiyaing sabi nung bata.. "Oh.. Shy huh?.. Where's your husband by the way?.." tanong ni Vincent. "Oh.. I don't know.. Maybe inside the house na... Oh there he is.." turo ni Alona sa papalabas na kabiyak.

Agad na nagkamay ang dalawang lalake.. "Hi neighbors.." bati ni Nestor sa mag asawa.. "Hmm..how old is your kid anyway?.." tanong ni Chynna .. "Oh.. He's six.. Dito ko na rin sya ipapaenroll ng grade 1." sabi ni Alona.. "Wow!.. Our son is as age as your son.. Wait..!.." sabi ni Vincent sabay pasok sa loob.. Saglit lang ay may humintong kotse sa tapat na bahay ng bagong lipat.. Agad na nagbukas yung gate pero may bumaba na babae at may kasunod na matabang batang lalake na nagmamaktol.. "Mommy!.. I want ice cream!.." ungot ng bata sabay hatak sa damit ng ina.. Natawa si Aldrin.. Napansin sya ng bata at tiningnan agad sya ng masama.. Tumiklop naman si Aldrin at nagtago sa likod ng ina..Lumapit na ang bagong dating sa mga bagong lipat.. "Hey.. Your the new neighbor.. Hello sis.. " bati ni Annette kay Chynna at nag beso.. "Hey sis.. this is our new neighbors.. Nestor and Alona and that is their son Aldrin.." pakilala ni Chynna sa bagong dating na si Annette.. Nagulat si Alona pagkat nakipagbeso sa kanya si Annette... Tumawa lang si Chynna.. "Welcome to the neighborhood sis.." bati ni Annette.. Nahiya naman si Alona at tumawa na lang.. Biglang nagbukas ulit ang gate nila Annette at lumabas ang isang lalaking naka amerikana.. "Hon.. wheres my files nung last friday?.. Hey hey hey.. Andito na pala yung nakabili ng house nila Doctor Ramirez.. The new neighbors.." masiglang bati ni Denzel na asawa ni Annette.. Nagkamay sila Nestor at Denzel..Biglang lumabas si Vincent na may hatak na bata.. "Hey.. Aldrin.. This is my son Rhoi.. Pwede kayo maging friends.. Baka nga mag classmates pa kayo since dito na rin pala ikaw mag aaral .. " pakilala ni Vincent sa anak.. Nag apir naman si Rhoi at Darius.. "Hey.. Why don't we continue this talking inside our house?.. Parang getting to know each other na rin since we will be neighbors na naman.. Come on.. " anyaya ni Annette na sinang ayunan naman ni Chynna.. Inakbayan nila ang parehong braso ni Alona at tumatawang hinila na lang papunta sa bahay nila.. Napakamot sa ulo si Nestor at tinignan ang misis nya mukhang nakakita ng bagong mga kaibigan.. "Oh ano pare?.. tigasin ka ba?.. " tanong ni Vincent kay Nestor.. "Bakit naman pare?.." gulat na tanong ni Nestor.. Natawa lang si Denzel at inakbayan si Nestor..

"Pare.. Walang tigasin dito sa amin eh.. Pag sinabi na ni misis.. Kailangang masunod ora mismo kundi outside de kulambo kami.. Tigasin ka ba?.." tanong ni Denzel sabay tawa.. Napangisi na lang si Nestor sabay iling..Nagtawanan ang mga bagong magkakaibigan at sumunod na sa mga asawa nila.. "Ay teka pre..sila Primo..." sabi ni Denzel. "Ay oo.. Teka pre.. May isa pa kaming tropa.. yung katabing bahay nila Denzel.. Teka at mag door bell ako.." sabi ni Vincent at nagpauna na sa tabing bahay nila Denzel..Sumunod sila at naiwan ang mga anak nila.. Nagbukas ang gate at sumilip ang maid.. "Ay si koya bensent.. teka po.." agad na sabi ng maid na nagbukas.. Napakamot na lang ng ulo si Vincent pagkat di pa nya nasasabi ang pakay nya... Maya maya lumabas ang isang lalaki at may hawak pang remote. "Oy.. Pre.. Napasyal ka?...Panalo Miami pare ah?.." sabi ni Primo sabay ngisi.. "Tangna pre oo nga eh.. Hayup na Boston yan..Anyway pre.. andyan na yung bagong lipat.. Dinner daw tayo sa bahay nila Denz.." sabi ni Vincent.. "Ha?..Ayos yan.. Teka.. Sweetypie.. Come to daddy.." sigaw ni Primo.. Nagtawanan yung magkaibigan.. Lumabas ang isang magandang babae na may suot pang apron.. "Uy.. Vince musta?.. si Chynna?..?" tanong ni Alexa.. "Ayun andun kila Annette.. Andyan na daw yung bagong lipat sweetypie.." si Primo na yung sumagot sabay hawak sa bewang ng asawa.. "Ay.!.. Hala anu ka ba?.. Di ka na nahiya!.. Andyan si Pareng Vincent o!.." sigaw ni Alexa pero nakangiti naman.. "Aysus.. Oh ano?.. Tapos na ba yung binabake mo?.. Kuha ka tapos dalhin natin dun sa kabila.. Dinner daw.......Manaaaanggg.. Paki patay nga po yung TV.." sigaw ni Primo sabay hagis papasok ng remote.. "Kita mo tong taong to.. Pagtapos gumamit basta na lang ibinabato.." saway ni Alexa.. "Sakto naman o..bilisan mo na kasi!..".. sabi ni Primo sabay palo sa pwet ng asawa.. Nagtawanan ang magkumpare.. Agad namang pumasok si Alexa at maya maya may dala ng isang tray..Inabot nya ito sa asawa at nag pauna ng lumakad... "Aba !.. Hoy babae!.. ".. sigaw ni Primo sa asawa.. Lumingon si Alexa at nakataas ang isang kilay na tumingin sa asawa.. "Baket?." mataray nitong tanong..

"I love you .." sabi ni Primo sabay beautiful eyes..Natawa lang si Alexa at nagpunta na sa kabilang bahay.. "Langya pare.. Akala ko tigasin ka?.." pang aalaska ni Vincent sa kaibigan.. "Ulol.. Kung magsalita ka parang kaya mo suwayin asawa mo!..Balita ko ikaw na naman ang nagsaing sa inyo pare?.." ganting pang aasar ni Primo sa kaibigan... "Aba naman pare.. Anu sya namimihasa na?... Galing akong trabaho tapos ako ang magsasaing?.. Anu sya sinuswerte?..Para saan pa ang pagiging tigasin natin nung mga binata pa tayo.." matigas na sabi ni Vincent sabay liyad ng dibdib.. "Chynnaaaaaaa..... May sinasabi si Vincent o..!!"" sigaw ni Primo.. Agad na tumiklop si Vincent at umamo.. "Gago ka pre.. Totoo naman na di ako ang nagsaing kanina eh.. Sya kaya.. Sabi ko kasi ako na maghuhugas ng plato.." bulong ni Vincent .. Nagtawanan lang ang magkabigan.. "Teka..teka.." sabi ni Primo sabay balik sa bahay nila.. Maya maya lumabas na ito ulit at inaya na ang kaibigan na pumunta sa kabilang bahay para sa dinner nila ng mga kumpare at kumare.. Sa kabilang kalye naman ay nagtitinginan lang ang tatlong bata.. "Hoy !.. Anung pangalan mo?.." sita ni Darius sa tahimik na si Aldrin.. "A-aldrin.." mahinang sabi nya.. "Langya.. Mahinhin pare.." alaska ni Rhoi.. "Oo nga e..Baka natatakot sayo pare?.." sabi ng batang si Darius.. Binatukan sya ni Rhoi at nilapitan si Aldrin.. "Hoy.. Mula ngayon kami na kaibigan mo.. Wala ng ayawan..Kita mo mga magulang natin?.. Parang matagal ng magkakakilala oh.. Wag ka matakot dyan sa baboy na yan.." sabi ni Rhoi sabay turo kay Darius.. Maya maya may narinig silang nagbukas na gate.. Sabay sabay silang napatingin sa lumabas na bata na abala sa paglalaro ng PSP.. "S-sino naman yan?.." tanong ni Aldrin.. "Yan?... The legendary ROMEO.. yun ang sabi nya.. " patawa ni Darius sabay dampot ng maliit na bato at binato ang batang si Romeo.. Nailagan nito ang bato ng di tumitigil sa paglalaro ng PSP.. Namangha ang tatlo.. Si Rhoi napapalakpak samantalang sumisigaw si Darius.. "Kamangha mazing...!.." sabi ni Darius..

Unti unti ng nakalapit sa kanila ang batang abala sa paglalaro..Ng eksaktong malapit na ito ay bigla itong napatid at tumilapon ang hawak na PSP sa kalsada... Bumirit ng tawa ang tatlong bata at inasar si Romeo.. Agad na tumayo si Romeo at dinampot ang PSP nya sabay ngisi sa mga kaibigan.. "That was all act my friends.. Patawa lang yon..Mga gunggong.." sabi ni Romeo pero nakangiwi sya.. Biglang pinitik ni Rhoi ang tuhod ni Romeo na may gasgas at napatalon ang bata sa gulat.. "Aray!.." sigaw nito.. Lalo lang natawa yung tatlo dahil nabuking sya.. "Tangna.. Okay na eh.. Ang epal mo rin eh no..Oh wait ah minute.. Who is this kid looking amazed at me?.." sabi ni Romeo sabay lapit kay Aldrin.. Napaatras naman si Aldrin pero hinawakan sya nila Darius at Rhoi sa magkabilang kamay.. "Bagong recruit pare.." sabi ni Darius.. Kinilatis ni Romeo ang bagong kaibigan.. Si Aldrin ay tahimik lang at bahagyang nanginginig pero biglang natawa dahil sabay sabay syang inamoy ng tatlo.. "Ang bango mo ah..Jokla ka?.." tanong ni Rhoi.. "Hinde ah !." matigas na sabi ni Aldrin sabay bawi sa braso nya.. Namangha ang tatlo dahil sa tapang na ipinakita ni Aldrin.. "Huwawww...Aztig to pre... Hantapang men..Bata pa lang may tricep na.." nakangising sabi ni Romeo.. Nagtawanan lang ang tatlo pero si Aldrin ay seryoso.. "Bakit nyo ako pinagkakaisahan?..siguro kayo ang bading.." sigaw ng batang si Aldrin at nagulat sya ng biglang naging mabangis ang itsura ng tatlo.. "Sinong bading?.." madiing sabi ni Darius.. Napayuko lang si Aldrin .. "Ako..sis nabuking tayo.." landi ni Romeo.. Bumigay na rin si Rhoi at nagkurutan ang dalawa.. "Ang galing nya.. From the start pa lang akala ko naitago na natin.. I like him na ..." sabi ni Rhoi sabay kindat kay Aldrin.. Sumabay na rin si Darius at di na mapigilan ni Aldrin ang tumawa.. Tawa sila ng tawang apat hanggang sa mapaupo na sa tapat ng lawn nila Rhoi..

"Tangna.. Sakit ng tyan ko.. Gago ka Romeo.." sabi ni Aldrin.. Nakangiti lang ang tatlong bata sa bago nilang kaibigan.. "Welcome to the brotherhood pare.." sabi ni Darius sabay abot ng kamay kay Aldrin..Inabot ito ng bata at nagngitian sila.. "Dito tayo ang siga.. Walang pwedeng kumanti kahit sino sa atin.. Ang away ng isa ay away ng lahat.. " sabi ni Romeo.. "Tama.. Pero ang chix ng isa ay chix lang nya.. Walang talo talo .. Mag kakapatid na tayo kasi ganun din ang mga parents natin eh.." sabi naman ni Rhoi.. Nagkatitigan lang silang apat.. "Tayo ang siga dito?.." ulit ni Aldrin at nag thumbs up ang tatlo pa.. Maya maya narinig nilang bumukas ang gate ng bahay nila Darius at sumilip ang mga tatay nila.. "Hoy tawag kayo ng nanay nyo!.." sabay sabay na sabi ng mga ito.. Nagtawanan ang mga bata at sabay sabay ng tumayo.. Mag kakaakbay silang pumasok sa loob ng bahay.. May ngiti sa bawat labi dahil sa bagong pagkakaibigan.. "Sa wakas!.. Naging apat na rin ang alas !..WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO.." sigaw ni Rhoi at nagtawanan na lang silang apat..

Chapter 1 -

Ace of Hearts - Aldrin

Lunes ng umaga.. Pinagmamasdan ni Alona ang natutulog na anak.. Di pa rin naaalis ang ugali nitong pagsipsip sa hinlalaki.. Dahan dahan nyang inalis ang daliri at gising ang bata. Tumihaya lang ito at umungol..Napahagikgik ang na lang si Alona dahil kuhang kuha nito ang estilo ng ama kapag ginigising.. Hatalang nagtutulog tulugan lamang ang anak.. "Anak.. Bangon na.. Enrollment day nyo na ng mga kaibigan mo.. Ayaw mo bang maging mag classmate kayo?.." wika ni Alona sa anak. Unti unting nagmulat ng mga mata si Aldrin.. Ang nakangiting mukha ng ina ang nabungaran nya.. "Morning mom.."..nakangiting bati ni Aldrin sa Ina.. Kiniliti ni Alona ang anak kaya napilitang bumangon si Aldrin at tumalon sa kama.. "Hep hep.. !.. " sabi ni Alona sabay salubong ng kilay at nguso sa magulong kama ng bata.. Napakamot ng ulo si Aldrin at nakangising inayos ang kama..Pero dinamba sya ng nanay nya at pinanggigilan..

"Waa...ambaho mo anak.. Amuy panis na laway ka!..di ka na baby !.." sigaw ni Alona at patuloy lang sa pagtawa si Aldrin.. "Mommy si Daddy?.." tanong ng bata.. "Ayun.. Excited na pumasok.. Kanina pa umalis.. Hala sige na.. Ligpitin mo na ang kama mo at bumaba ka na para mag breakfast.." sabi ni Alona sa anak.. "Yes Mom!.." pagsunod ng batang si Aldrin.. Alas diyes ng umaga.. Naka ligo na at bihis na rin si Aldrin.. Hinihintay nya na lang ang ina na abala pa sa kusina.. Tahimik lang syang nanunuod ng cartoons sa TV ng makarinig ng tatlong sunod sunod na busina .. "Ayan na sila anak...Get your things na !.." sigaw ni Alona buhat sa kusina.. "Tapos na po mom!..".. sigaw din ni Aldrin habang nanatiling nakatutok ang mga mata sa TV.. Bumukas ang pinto at pumasok sina Rhoi at Darius.. "Hoy tara na!.." yaya ni Darius kay Aldrin.. "Teka si Mom.. Mom tara na daw po ! .. " sigaw ni Aldrin at tumayo na rin.. "Ngak !.. Ben 10?.. eh pambata yan eh?.." alaska ni Rhoi at nagtawanan ang dalawa.. "Helloooo.. Bata po kaya tayo.." sabi naman ni Aldrin.. Lumabas mula sa kusina si Alona at nakangiting inaya na ang mga bata... Nasa labas na ang iba sakay sa van nila Darius.. After 1 hour ay magkakatabing nakaupo ang mag kakaibigan.. Nasa loob sila ng classroom.. Kakatapos lang nilang mag enroll at hinihintay na lang nila ang mga nanay nila na abala pa sa pakikipagkwentuhan sa ibang mga nanay.. "Oy.. Ayus tong room natin ah..Daming laruan o.." puna ni Rhoi.. Lumibot ang mga mata nung magkakaibigan at napansin nila ang isang batang babaeng tahimik na nakaupo at kumakain ng sandwich...Titig na titig si Darius sa bata.. "Ham and Bacon Sandwich.. with a little of cheese.." parang wala sa sariling sabi ni Darius habang nakatitig sa kinakain ng batang babae ... Namangha yung tatlo sa angking abilidad ng kaibigan nila.. Pero di nila napigilan ang pagtawa nila.. "Oy .. Baka malusaw na yung bata.. Crush mo?.." sita ni Aldrin kay Darius.. Biglang nag blush ang kaibigan nya at umiling ng matindi.. "Ngek !.. Wag ka nga magsalita ng imposible.. Look nyo kaya o.. Ampangit !..." turo ni Darius sa bata sabay tawa..

Nakigaya na rin ang mga kaibigan nya.. Biglang tumayo si Romeo at umupo sa mesa ng teacher at nag pose ng strikto.. "Okay class.. Our lesson for the day is cartoons.. Who is the pink bestfriend of Spongebob!.." sabi ni Romeo sa mababang boses.. "Patrick !.." sabay na sabi ni Darius at nung batang babae.. Inasar nung tatlo ang kaibigan nila.. Tinawag ni Romeo yung batang babae at pinalapit sa kanila.. Biglang tumayo si Darius pero pinigilan sya ni Rhoi. "Hello.. Anung name mo?.." tanong ni Aldrin sa bata. Parang nahiya pa yung bata kaya inalok nila ito ng upuan sa tabi ni Darius...Lalong nagwala ang kaibigan nila at tawa sila ng tawa.. "My name is Dannica..Nice to meet you.." nakangiting pakilala nito sabay titig ng malagkit kay Darius.. Tumalikod sila Romeo at Aldrin upang itago ang pagtawa nila... Maging si Rhoi ay nais na ring sumabog sa tawa pero hawak nya ang balikat ni Darius upang wag itong tumakbo.. "Ah.. Cute naman ng name mo.. Ngapala.. Gusto ka kasi makilala ng friend namin.. Ayan o si Darius.." pigil ang tawang pakilala ni Aldrin .. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nila at kanda iling ang ginawa.. Halatang ayaw nitong tingnan ang katabing batang babae.. "Hi.. Cute naman ng name mo..Ay.. Parehas tayung letter D..." parang kinikilig nitong sabi..Lumabas ang sungki sungki nitong ipin.. Parang nandiri si Darius at nanginig.. Nagbungisngisan ang mga kaibigan nya.. Parang mahihimatay na si Darius ng iabot nito ang kamay sa kanya upang makipag hand shake.. Tawa ng tawa ang tatlo... "Tabi na daw kayo from now on.." sabi ni Rhoi at lalo silang nagtawanan.. Gumulong ang tatlo sa kakatawa.. Pinabayaan na lang nila si Darius na makipag usap sa bata ... Binusisi nila ang buong room nila..Si Romeo ay kinalikot ang lamesa ng Teacher.. Si Aldrin ay nagbulsa ng laruan.. Si Rhoi naman ay sumilip sa bintana.. Di nagtagal nagulat sila ng may mabasag..Agad silang napatingin kay Rhoi na tulala rin.. "Hala ka. !.." sabay sabay na sabi nung apat kay Rhoi..Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ito sa tabi ng bintana at tumabi kay Romeo.. "Bakit parang natulala ka dun?.. Hala.. binasag mo yung windor.. Pero don't worry since we are your friends.. " putol ni Romeo sa sasabihin nya.. Napatingin si Rhoi at nagliwanag ang mga mata.. "Since were friends .. di nyo sasabihin kay Mom ? .. o kaya sa Teacher?.." umaasang sabi

nito.. "No.. Since we're friends .. We will give you time to make iyak before we make sumbong.." sabi ni Romeo at biglang nag tawanan ang apat sa kanya.. Maya maya natigil ang asaran nila ng dumating na ang nanay ni Darius upang umuwi na... Biglang tumakbo si Darius at yumakap sa ina.. Nagtaka naman si Annette pero di na lang inintindi dahil baka nag aasaran lang ang mga magkakaibigan.. Sa bahay nila Aldrin dumiretso sila Romeo at Rhoi upang makipag laro.. Di na sumama si Darius sa kanila dahil napikon.. "Grabe.. Kita mo si Taba? .. Parang hihimatayin na eh..HAHa.." tawa ni Rhoi sabay talon sa kama ni Aldrin.. Sumunod si Romeo at naghampasan sila ng unan.. "Oy.. Magagalit si Mommy pag magulo bed ko.. Alis kayo dyan !.." saway ni Aldrin pero tinawanan lang sya ng mga kaibigan nya.. Napansin nilang masinop sa gamit si Aldrin kaya naisipan nila itong guluhin..Kinalikot ni Rhoi ang mga toys ng kaibigan nya habang si Romeo naman ay sa mga drawers nangalkal.. "Hanep o.. may dictionary!.. Marunong kang gumamit nito?.. " tanong ni Rhoi sa kaibigan.. "Hindi.. Display lang yan dyan sa study table ko para naman magmukha akong matalino.." sabi ni Aldrin at nagtawanan sila.. Tahimik lang si Romeo na nangangalkal ng may makita syang kahon.. Kinuha nya ito at binuksan.. Kumunot ang nuo nya ng makita ang laman sa loob.. Kwintas na yari sa sinulid at may palawit na papel na may Initials.. "Psst.. Anu to?.." sabi ni Romeo sabay taas ng kwintas.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin sabay sugod sa kaibigan nya.. "Akina yan !.. " sigaw nito pero mabilis na iniwas ni Romeo ang kamay nyang may hawak.. Tumawa lang si Rhoi at pinanuod ang pag aagawan ng mga kaibigan nya.. "Akina !.. Isa !.. Wag yan Pls.." makaawa ni Aldrin.. Tawa ng tawa si Romeo pero nakita nyang parang napipikon na ang kaibigan kaya ibinalik nya ang kwintas sa kahon at inabot ito kay Aldrin.. Agad namang hinablot ng kaibigan nya ang kahon at galit na tinago ang kahon sa dating lalagyan.. "Oy pre sorry..Kanino ba yon?." tanong ni Romeo .. Di sumagot si Aldrin pagkat parang sumakit na naman ang puso nya ng makita ang kwintas .. "Hala... Iiyak na yan pre.." sabi ni Rhoi sabay tawa.. Tumawa si Aldrin ng peke at humiga sa kama nya..Si Romeo ay umupo sa study chair nya at nangalumbaba..

"Sa espesyal na kaibigan mga tsong.." seryosong sabi nito .. Nagkatinginan sila Romeo at Rhoi at naisip na wag ng pakialaman ang kwintas na iyon.. Lumipas ang ilang linggo.. Abala si Aldrin sa pagsusulat ng liham.. Ibibigay nya ito sa kaibigan nyang si Lelay.. Nais nyang ikwento dito na masaya sya sa mga kaganapan sa buhay nya.. Gusto nya ring kamustahin ang kababata .. Miss nya na ito .. Tapos na sya sa pagsulat pero may problema sya.. Di nya alam kung anung ilalagay nya sa huling parte.. Kung "Your Friend" ba o "Love" na lang..Napangiti si Aldrin at pinili ang Love..Tinupi nya na ang papel at inistapler.. Takbo sya sa baba nila upang hanapin ang nanay nya.. Natagpuan nya ito sa salas kasama ang kanyang ama at abala sa panunuod ng DVD.. "Mom.. Mom !!.." sigaw ni Aldrin.. Napatayo ang mag asawa at nagulat sa paghangos ng kanilang anak.. "Why anak?.. " takang tanong ni Nestor.. "Dad.. Anung address natin sa province?... Sinulatan ko si Lola at si Lelay.." sabi ni Aldrin at pinakita ang mga nagawang sulat .. Natawa ang mag asawa pag selyadong selyado ng staplers ang isang sulat.. "Eh kanino to?.. Bakit parang ayaw mo namang ipabasa?.." asar ni Nestor.. Ngumuso lang si Aldrin at bumaling sa Ina. "Mom..dali na kasi.. Dadating na yung mailman eh. !." reklamo ni Aldrin kaya natawa si Alona.. "Ako na ang mag susulat anak.. Dapat may sobre tsaka selyo.. Di yan makakabot .. Baka itapon lang ng mailman yan sa basurahan.." pang aalaska pa ni Nestor sa anak.. Inirapan lang ni Aldrin ang ama at yumakap sa ina.. "Mom pls.. Gusto ko na kamustahin sila don eh.." paglalambing ni Aldrin sa ina.. Natawa naman si Alona at kinuha ang dalawang liham sa anak at kumuha ng sobre.. "Oh ayan.. May address na .. Parehong address na lang ang nilagay ko sa dalawang sulat mo.. Nakow .. Parang alam ko na kung kanino ang isa.." tukso ni Alona sa anak.. Mabilis na bumaling ng tingin si Aldrin pagkat nahihiya sya sa ina.. Nagtawanan ang mag asawa at pinagitnaan ang anak nila.. "Aba naman itong anak ko.. Chickboy o.. Makarating naman kaya kay Lelay yan ha anak?.. Pabasa nga muna labs.." sabi ni Nestor sabay hingi ng sulat sa kabiyak.. Pinigilan ni Aldrin ang pagkuha ng ama sa sulat nya kaya nagtawanan ang mag asawa.. "Confidential ba anak?.. Mukang nagtapat ka na sa sulat mo ah.." pang aalaska pa ng ama sa anak nya..

"Anu ka ba labs.. Hayaan mo nga lang yang anak natin.. " nakangiting niyakap ni Alona ang anak.. "Thanks MOmmy.." yumakap na rin si Aldrin sa ina at inirapan ang ama.. Napakamot na lang ng ulo si Nestor at niyakap ang mag ina nya.. Lumipas ang ilang linggo at malungkot si Aldrin..Nanatiling walang sagot sa sulat na binigay nya kay Lelay.. Natanggap nya na ang letter galing sa Lola nya at sinabing okay naman daw sila duon.. Miss na din daw sya ng mga ito.. Nasagot na rin nya ito ng isang beses at muling sumulat kay Lelay.. Nakadalawang sulat na sya sa kababata pero wala parin itong sagot.. Nakadungaw sya sa bintana nila at inaabangan ang mailman.. Tuwing sabado kung dumating ito kaya naman nakahanda na sya ... Maya maya ay nagliwanag ang mukha ni Aldrin ng makita sa malayo ang mailman na nagpapasok ng sulat sa bahay nila Darius.. Agad syang tumakbo pababa at lumabas ng bahay.. Di pa naipapasok ng kartero ang mga sulat sa mailbox nila ay inabot na ito ni Aldrin..Natawa na lang ang kartero at ginulo ang buhok ng bata.. Excited na pumasok si Aldrin at inisa isa ang mga sulat.. Ang excitement na nararamdaman nya kanina ay napalitan ng lungkot ng makita ang huling sulat at wala ang ang inaasahan nya.. Di na naman sumagot si Lelay.. Pulos mga business letters iyon para sa ama at isa para sa galing sa Lola nya.. Malungkot na nilapag ni Aldrin ang mga sulat sa center table ng salas nila at umakyat muli sa kwarto.. Binuksan nya ang drawer nya at nilabas ang brown na kahon.. Napabuntong hininga ang bata at dahan dahang binuksan ang kahon.. Tinitigan nya ang laman at muling nanariwa sa kanya ang imahe ng nag bigay sa kanya ng kwintas na iyon... Di na pinigilan ng bata ang emosyon at pumatak na ang luha sa kanyang mga mata.. Wala namang nakakakita sa kanya.. Wala ang mga kaibigan nyang malakas mang alaska.. Tanging sya lamang ang laman ng kwarto .. Binuhos ni Aldrin ang lungkot at pinabagsak ang tinipon luha sa pagka alala sa kababata.. Sa labas ng kwarto nakasilip ang mag asawang Nestor at Alona.. Naaawa sila sa kanilang anak.. "Should we tell him?.. " tanong ni Alona sa kabiyak.. Pinagmasdan ni Nestor ang anak at niyaya ang asawa sa kwarto nila.. "I think we should not.. Bata pa ang anak mo.. Baka maging masamang karanasan lang sa kanya ang mga malalaman nya.." malungkot na sabi nito.. "Pero matatag ang anak natin .. Alam kong kakayanin nya ito.. Kailangan nyang malaman na bumabalik lang ang lahat ng mga sulat nya.. I don't know why.." sabi ni Alona at di na mapigilan ang pag iyak.. Niyakap ni Nestor ang asawa.. "Let him overcome this my love.. If they are meant to be, they will meet someday.. I know.. Mas ok na ang umasa sya na balang araw ay magkikita sila..Come on.. Rest ka na.." sabi ni Nestor sabay halik sa noo ng asawa..

Pinahiga ni Nestor ang asawa at kinumutan.. Hinagkan nya ito sa mga labi at tinabihan sa pagtulog.. Lumipas ang ilang minuto ay dahan dahang tumayo si Nestor.. Sinilip nya muna ang asawa bago lumabas ng kwarto.. Dumiretso sya sa kwarto ng anak at nakita nya itong natutulog ng may natuyong luha sa mga pisngi.. Binalot ng matinding awa ang puso nya para sa anak.. Pero mas makabubuting di nito malaman ang buong katotohanan.. Kinumutan nya rin ang anak at umalis na sa kwarto nito..Bumaba sya sa sala at nagpunta sa mini office nya.. Sinilip nya ang malaking shelf ng libro.. Humatak sya ng bangko at inabot ang tuktok nito...Parang may kinakapang kung ano.. Ng mahagip ng kamay nya ang isang kahon.. Agad nya itong ibinaba at umupo sa silya nya .. Binuksan nya ang kahon at tumambad sa kanya ang 3 sobre.. 2 sulat galing kay Aldrin.. 1 galing sa kanyang Ina.. Muli nyang binasa ang huling sulat ng kanyang Ina para kay Aldrin.. Bagamat halatang iniiwasan nito na masaktan ang apo sa nilalaman ng sulat .. Sa tingin nya ay talagang masasaktan pa rin ang kanyang anak kapag nalaman nito ang totoo..Muling naramdaman ni Nestor ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.. Agad nya itong pinahid at may hinugot sa bula ng shorts nya.. Sulat galing kay Lelay.. Chapter 2 Lelay

Tahimik na naglalaro ng manika ang isang batang babae.. Nakaupo sya sa bangko sa harap ng maliit na bahay nila.. Tumatawa syang mag isa.. Kausap nya ang manikang bigay ng matalik nyang kaibigan.. Nakangiti syang pinagmamasdan ng kanyang ina sa di kalayuan.. Bagama't nakangiti ang mukha ng babae, bakas sa kanyang mukha ang pagod.. Katatapos lang nyang maglaba, kasalukuyan naman syang namamlantsa..Pero kahit anong pagod ang kanyang maranasan,batid nyang di susuko ang kanyang isipan sa pagtaguyod sa nagiisang anak... Alaala ng kanyang sawing pag ibig.. Muli nyang pinagmasdan ang anak na tumawa.. Lumingon sa kanya ang bata at ngumiti ng matamis.. Parang nakaramdam ng malamig na hangin sa mainit na pakiramdam ang ngiti ng anak..Sulit ang kanyang desisyon na buhayin ang bata..Namuo ang kanyang luha sa pag alala sa kanyang mga pinag daanan..Mabilis nya itong pinahid at muling nagpatuloy sa ginagawa.. Isang polo shirt na lang at tapos na sya.. Kailangan nya pang magluto ng hapunan .. Pero anuman ang gawing nakaamba, batid nyang kakayanin nya ito.. Isang umaga.. "Nay.. !.. " sabi ng batang babae sa kanyang ina.. "Oh anak.. bakit ka malungkot.?.. " tanong ng kanyang ina.. Tumabi sa kanya ang anak.. Kasalukuyang nagtatahi ng mga lumang damit ang kanyang ina.. "Eh nay.. kanina kasi nadapa po ako.. Tinawanan ako nila Dodong.." nakangiting sabi ni Lelay..

Nag alala si Elena.. Agad nyang hininto ang ginagawa at binusisi kung may sugat ang anak..Nakita nyang may band aid ang kanang tuhod nito.. Nagtaka sya kaya tinanong nya ang anak.. "Eh bakit parang masaya ka pa?.." tanong ni Elena sa anak.. "Eh kasi po.. May tumulong sa akin kanina eh.." kwento ni Lelay.. Tumawa naman si Elena.. Mukhang may bagong kaibigan ang anak nya. "Ha.? .. Sino naman?.." tanong ni Elena sabay tinuloy ang ginagawa.. "Si Potpot.." nakangiting sabi nito.. Nagsalubong ang kilay ni Elena.. Di nya matandaang may ganung bata sa lugar nila.. "Sinong Potpot?.." tanong ng kanyang ina.. "Kanina ko lang po din sya nakilala Nay.. Dun sya nakatira sa malaking bahay..Pinakain nya po ako tapos nilagyan nya ng band aid yung sugat ko..Tapos po Nay sana nakita nyo kung panu nya awayin si Dodong.. " masiglang kwento nito.. Natawa ang nanay nya pero bigla rin itong may naalala.. "S-sa malaking bahay ba kamo sya nakatira?.." kinakabahang tanong ni Elena.. "Opo.. Andun din yung nanay nya .. Ang ganda po.. Pero mas maganda kayo syempre.. Tapos ang bait.. Ang sarap nung cake Nay.. Sayang nga .. Sana po dinalahan pala kita.. Nagmadali kasi ako eh kasi baka hanapin mo po ko.. Tsk.." mahabang sabi nito..Nakangiti pa rin.. Nakaramdam ng kaba si Elena.. Tumingin sya sa anak.. Nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa sugat .. Biglang niyakap ni Elena ang anak.. Kinabahan sya bigla..Mukhang mabubuking na ang pagtatago nilang dalawa.. Nagreklamo si Lelay.. "Nay.. Di na ako makahinga po.." sabi nito.. Niluwagan naman ni Elena ang pag yakap sa anak.. Hinalikan nya ito sa buhok.. Kailangan na nilang lumayo..Pero di pa sapat ang ipon nyang pera.. Kapag lumayo na naman sila, panibagong pakikisama na naman.. Baka matagalan syang makahanap ng trabaho..Pero bahala na ..Ang mahalaga ay mailayo nya ang anak nya.. Lumipas ang ilang araw.. Naglalaba si Elena sa likod bahay nila. Se Lelay ang taga bomba nya sa poso.. Masaya silang nagkukulitan ng anak nya..Malapit na syang matapos ng makarinig sila ng boses.. "Tao pooooooooo.." boses bata.. Nagkatinginan ang mag ina.. Nginuso ni Elena ang anak para tingnan kung sino ang tao sa harap ng bahay nila..Agad na nagpunas ang bata at tumakbo papuntang harap ng bahay..

Lumipas ang ilang sandali ay bumalik si Lelay, pero di na nag iisa.. May kasama na syang batang lalake.. Nakangiti silang pareho na animoy nahihiya.. Natawa si Lelay pagkat hatak hatak ng anak nya ang batang lalake.. "OY.. sino yan boyfriend mo?.." tukso ni Elena sa anak.. Nanlaki ang mga mata ng dalawang bata.. Agad itong nag bitaw ng kamay at tawa ng tawa si Elena.. "Nay. !.." sigaw ni Elena.. "Oh baket anak?.." painsenteng tanong ng nanay nya.. "Si Potpot ito..Potpot nanay ko..Sabi ko sayo maganda din nanay ko eh.." pagmamalaki ni Lelay.. Parang hinaplos ang puso ng ina sa narinig na pagmamalaki sa anak.. Napangiti na lang sya.. "M-magandang umaga po.." pagbati nung batang lalake.. "Magandang umaga din iho.. Hala.. Dun na kayo sa loob.. Ako na dito anak..Maglaro na lang kayo don..Bigyan mo si Potpot ng nilang saging.." taboy ni Elena sa dalawang bata.. Agad na pumasok ang dalawa sa loob at pinagpatuloy na lang ni Elena ang pagbabanlaw.. Lumipas ang ilang araw .. Muling dumalaw si Potpot sa kanila.. Pero nakabihis ito.. "Oy. Pot bakit ang pogi mo naman ngayon?.." puna ni Lelay.. Namula ang mga pisngi ni Potpot.. "Bakit ngayon lang ba ako pogi?.." tanong nito... Nagtawanan ang dalawang bata.. Si Elena ay tahimik lang na nagmamasid.. Naaaliw sya sa panunuod sa dalawa.. "Oh bakit ka andito?.." tanong ni Lelay.. "Bakit masama bang dalawin ka?.." sumbat ni Potpot. "Syempre pwede!.." sigaw ni Lelay at muli silang nagtawanan.. "Ahmm.. San na Nanay mo?.." tanong ni Potpot.. Nagsalubong ang mga kilay ni Lelay.. "Baket?.." mataray nitong tanong.. "HAHA.. bakit ka sumisigaw ?." tanong ni Potpot.. "Bakit mo hinahanap nanay ko?.." sigaw ni Lelay.. "Kasi po.. Ipagpapaalam kita.." kampanteng sabi ni Potpot. "Ha?. baket?.. San tayo pupunta?.." tanong ni Lelay..

"Basta.. Birthday ni Lola.. Gusto ko andun ka.. Babalik din tayo pagtapos.." paliwanag ni Potpot. Sa loob ng bahay naririnig ni Elena ang balak ni Potpot.. Kinabahan sya.. Maaring makita ng mga kamag anak ng Lolo ni Potpot ang anak nya.. Baka mamukhaan.. Kailangan nyang mag ingat.. Di nya papayagan ang anak nya na sumama !... Narinig nyang pumasok na sa bahay ang dalawang bata.. "Ahmm Nay, may sasabihin daw po si Potpot.." bungad ni Lelay.. "Oh anu yon iho?.." tanong naman ni Elena.. Nagkamot ng ulo ang bata...Parang di alam kung panu sisimulan.. "Ah...Eh..." sabi ni Potpot.. Nagtawanan ang mag ina.. "Ako na nga.. Nay.. Sabi ni Potpot sama daw po ako sa kanila.. Bertdey daw po ng Lola nya.." kwento ni Lelay.. Nakangiti ito.. Pinagmasdan ni Elena ang anak.. Buo na ang pasya na pagbawalan ang anak pero sa nakikita nyang kislap sa mga nito , para syang nanghina .. Laging nasa bahay lang si Lelay.. Kung iisipin ay ngayon lang ito makakadalo ng handaan.. Parang nahiya at naawa sya sa anak nya.. Pero kailangan nyang mag ingat.. Sasamahan nya ang anak nya !. "Eh panu naman ako?.." nakangiting tanong ni Elena.. Nagtinginan ang dalawang bata.. "Syempre po kasama kayo.." biglang sabi ni Potpot.. Natuwa naman si Lelay at biglang niyakap ang kaibigan nya.. "Oh sige bihis lang kami ha?.." nakangiting sabi ni Elena.. Sa Malaking bahay ng mga Villarama.. Maliwanag ang malawak na bakuran.. Marami ng tao ng dumating ang tatlo.. Nahiya bigla si Lelay at kumapit sa Ina pero hinawakan ni Potpot ang kamay ni Lelay at hinatak sa isang mesa..Sumunod naman si Elena na malikot ang mga mata sa paligid.. Tila kinikilala ang bawat bisita na parang galing sa may kayang pamilya..Yagit sila kung ikukumpara sa mga dumalo.. Pero di sya naawa sa sarili kundi sa anak nya.. Parang batang ngayon lang nakakita ng maraming laruan si Lelay.. Nanlalaki ang mga mata nito sa dami ng nakahanda.. Hinaplos ng awa ang kanyang pusong ina para sa anak.. Kung di sya nagmatigas, malamang na kaparehong kaalwanan ang tinatamasa ng kanyang anak.. Nakaupo na silang mag ina. Napansin ni Elena na parang maraming nakatingin sa kanila.. Di nya ito masisisi dahil kahit na suot na nilang mag ina ang pika maayos nilang kasuotan, lumilitaw na parang mga katulong pa lang sila sa malaking handaan..Pero di sya nanliit.. Nakatingin lang sya sa anak nyang namamangha sa bawat makita.. Bumalik si Potpot na may dalang pagkain.. Nilapag nito sa mesa nila ang mga dala at tumakbong muli .. Pagbalik nito ay may dala na naman, pero may kasunod ito..

"Hi.. Ikaw siguro si Lelay?.." tanong ng magandang babae sa anak nya... Nagulat si Lelay at parang nahiya.. Kimi lang itong tumango ay nagyuko ng ulo.. Tumawa naman ang babae at naupo sa harap nila... "Hey.. Ako nga pala si Nestor.. Ako ang tatay ni Aldrin.. Kapatid mo ba sya?.." tanong ni Alona kay Elena.. Tumawa di Elena.. Parang nahiya sya sa narinig.. "Dad!.. Di sya sister ni Lelay.. She's her mom !.." sabi ni Aldrin at umupo sa tabi ni Lelay.. Nagkatinginan ang mag asawa.. "Ows?.. Bakit parang ang bata mo?.. tapos ang ganda mo pa.." puri ni Alona .. "Uy.. Grabe naman.. Di naman.. Kaw nga ang maganda eh.." ganti ni Elena.. Nagtawanan lang ang dalawang babae.. "Uy..Kain ka na.." sabi ni Aldrin kay Lelay.. "Sabay tayo.." ganti naman ni Lelay.. "Ha?.. Sige.. Share na lang tayo sa isang plate ha?.." sabi ni Aldrin at nagsimula ng sumubo.. Nagtinginan ang mag asawa at si Elena.. Parehong nakangiti dahil sa ginagawa ng mga anak nila.. Sa kalagitnaan ng party ay nagsalita si Nestor.. Binati nito ang Ina ng maligayang kaarawan..Mapagbiro din ito na lalong ikinaingay ng mga nanduon.. Habang nagsasalita sya ay tinawag nya ang anak..Kakamot kamot naman ng ulo na lumapit si Aldrin sa ama.. "Ahm.. Happy birthday lola.. I hope you will stay beautiful forever.." pang uuto ni Aldrin sa abuela.. Nagtawanan ang mga tao dahil parehong komedyante ang mag ama.. "Lelay !.." sigaw ni Aldrin ng makitang aalis na ang kaibigan nya.. Napatingin naman ang mga tao sa lamesa ng mag ina.. Tila nanliit si Elena dahil sa mapanuring mga mata ng mga bisita.. Sa di kalayuan napatayo si Arnulfo.. Ang lolo ni Aldrin.. Titig na titig sya kay Elena..Parang may inaalala.. "San ko ba nakita yang batang yan?.." tanong ni Arnulfo sa sarili... Napahawak pa sya sa baba nya ng biglang napatalon sya sa tuwa.. "Elena !.." bulong nito sabay tingin sa babae at sa batang katabi nito.. Tumakbo si Aldrin sa kaibigan nya.. "San ka pupunta Lelay?.." tanong ni Aldrin kay Lelay..

Napahagikgik si Lelay at pinalo ang braso ni Aldrin.. "Tangek.. Nawiwiwi ako.. San ba banyo nyo dito?" tanong ni Lelay at nakahinga ng maluwag si Aldrin.. "Akala ko aalis na kayo eh.. Come .. dito dito.." inakay ni Aldrin ang kaibigan sa loob ng bahay.. Sa mesa naman nila ay masayang nag uusap ang kanilang mga ina.. "Aysus.. Sinabi mo pa.. Laging nababanggit ni Aldrin si Lelay.. Nako..Hula ko may crush sya sa anak mo.." nakangiting sabi ni Alona.. "Ha?..Pero ambata pa nila.. At tsaka .." putol ni Elena pero tinawanan lang sya ni Alona.. "Hay naku.. Di kami mapang mata na uri ng tao no..Kung masaya ang anak namin kasama ang anak mo.. Hayaan lang namin sya.. Pero ikaw.. Ayaw mo ba sa anak namin?.." tukso ni Alona.. Nagtawanan lang silang dalawa.. "Ay ha.. Tawagin ko lang si Nestor at baka mapainum na yon.. Dyan ka lang ha?.. Ihahatid namin kayo..babalik ako .. Teka.. Balae?..haha.." biro ni Alona.. Tumawa lang si Elena at hinatid ng tingin ang bagong kaibigan nya.. Maya maya may umupo sa harap nya..Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ang kaharap.. "Elena?.." parang di pa siguradong tanong ng matanda.. "Po?.." sabi naman ni Elena.. "Elena Montefalco?.." tanong ulit ng matanda.. Nanghilakbot si Elena pero nanatili syang nagpakatatag.. "Ahm.. Di po sir.. " pagtanggi ni Elena.. No Dont call me sir.. Call me Tito.. And im not wrong.. Your Elena Montefalco.. Dont deny anymore iha.. You have big resemblance to your father.. paliwanag ni Don Arnulfo.. Napailing na lang si Elena at tumawa ng peke.. No sir.. Im not.. . pilit ni Elena.. Oh.. Nag aalala na sayo ang pamilya mo.. Bakit ka nagtatago iha?.. Come on.. Tell me.. If you dont want them to know, its ok.. I wont tell them unless you tell me the whole story.. nakangiting sabi ni Arnulfo.. Napatitig si Elena sa matanda.. Bakas ang kabaitan sa mukha nito pero nag aalangan pa rin sya sa maaaring kahinatnan ng mga mangyayari.. Napatango na lang sya at nagliwanag ang mukha ng matanda..

See?.. Ok.. If you dont want to talk to me now.. You can come here anytime.. By the way.. San ka nakatira.?.. Is your place okay?..You can live here with us..Nakakahiya sa ama mo pag nalaman nyang nasa nasasakupan lang kita tapos di kita tinulungan.. Kahit nagtatago ka pa iha.. Alam kong may dahilan ka.. Desisyon mo yan.. Pero sa tingin ko.. Sa pagmamatigas mo, ang anak mo ang mahihirapan.. I saw your daughter... Hes with my grandson.. They seems to be friends .. well for now I guess.. sabi nito sabay tawa.. Nakitawa na rin si Elena.. Salamat po sa pag alok ng tulong Sir.. sabi ni Elena.. Tito.. Call me tito or Uncle.. singit ni Arnulfo.. Okay.. Thanks Tito.. I appreciate your concern.. Pag iisipan ko pong mabuti.. sabi ni Elena at ngumiti sa matanda.. Nagpaalam na ang matanda at saktong bumalik ang mag kaibigan.. Nay.. Grabe ang bahay nila Potpot.. Parang kakaligaw dito.. sabi ni LElay. Niyakap naman bigla ni Elena ang anak.. Nagtataka man ay gumanti ng yakap ang bata sa kanya... Anak.. Gusto ko ng umuwi.. bulong ni Elena.. Ha.. nabigla si Lelay.. Okay lang kung ayaw mo pa umuwi... Pahatid ka nalang kay Potpot mamaya.. sabi naman ni Elena.. Ay.. Di po.. Sasama ako sa inyo.. Tara na po.. Hanapin natin sila Auntie Alona.. sabi ni Lelay .. Nakapag paalam na ang mag ina.. Lumipas ang ilang linggo ay umiiyak na umuwi si Lelay..Nagtaka si Elena at sinalubong si Lelay.. Oh anak.. Bakit ka umiiyak?.. Inaway ka na naman ba nila Dodong?.. tanong ni Elena.. Di po.. Si Potpot kasi.. Si potpot kasi.. sabi ni LElay at lalong humagulgol sa balikat ng ina.. Oh.. Anu si Potpot?.. takang tanong ni Elena.. Si Potpot po.. Umalis na .. Sabi nya di nya ako iiwan.. Sabi nya di nya ako iiwan !. sigaw ni Lelay.. Natawa naman si Elena .. Hay nako.. Baka naman mamamasyal lang sila.. Uuwi din yon.. sabi ni Elena.. Sabi nya.. Dun na daw sila titira.. Ang sakit Nay.. Di ko po alam kung bakit.. sabi ni Lelay.. Naintindihan ni Elena ang anak.. Pero alam nyang mas masakit ang nararanasan ngayon ng

anak dahil sa murang edad nito.. Andito naman ako eh.. Susulat yun malamang.. Si Potpot pa.. paliwanag ni Elena.. Pero patuloy pa rin sa pag hagulgol si Lelay.. Lumipas ang ilang linggo..Naghintay si Lelay ng sulat galing sa kaibigan.. Nakaupo sya sa harap ng bahay nila..Hawak nya ang kwintas na bigay ni Potpot at ang manika..Tahimik lang syang nakamasid..Maya maya may humintong kotse sa harap ng bahay nila.. Nagtataka man ay hinintay nyang bumaba ang sakay nito.. Bumaba ang mula sa kotse ang tatlong tao.. Dalawang matanda at isang magandang babae..Nagkatitigan sila ng matandang babae at nagulat sya ng sugurin sya nito ng yakap.. Narinig nya ring umiyak ito.. Nakaramdam ng takot ang bata.. Pumiglas sya pero mahigpit ang yakap ng matandang babae.. Aray ko po..!..Naaayyy !!.. sigaw ni Lelay.. Tarantang lumabas ng bahay si Elena pero nagulantang sya ng makita ang mga tao sa tapat ng bahay nila.... Elena !.. sigaw nung matandang babae..at bumitaw ng yakap kay Lelay.. Ang nanay naman nya ang niyakap nito.. Mama !.. sigaw naman ni Elena.. Ate !.. tumakbo ang dalaga at yumakap na din sa ate nya.. Sorry for everything anak..I hope you can forgive us..Naging sarado ang isip namin sa mga nangyari sayo.. Look at you.. Lumuluhang sabi nung matandang babae.. Nag iyakan na sila.. Di maintindihan ni Lelay ang mga nangyayari.. Parang nakakaramdam sya ng galit sa mga bagong dating dahil pinaiyak nito ang nanay nya.. Bakit nyo pinapaiyak nanay ko?.. malakas na sabi ni Lelay.. Nagkalas sa pagyakap ang tatlo.. Ang matandang lalake ay nakatitig sa bata.. Kamukhang kamukha nya ito, walang duda.. Namumuo na ang mga luha sa mga mata nya.. Sya na ba iha?.. tanong ng matandang babae sa panganay na anak. Opo Ma.. Sya na po ang apo nyo.. nakangiting sabi ni Elena.. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Lelay..Pero napatili sya ng sugurin sya ng yakap ng Lolo nya..

Chapter 3 -

First Sight

Lunes ng umaga.. Tulog na tulog si Aldrin.. Puyat sya pagkat halos umaga na sila nakatulog ng mga kaibigan nya.. Tahimik na binuksan ni Nestor ang kwarto ng anak.. Napatingin sya sa relos at napailing.. Dahan

dahan syang lumapit sa anak ng nakanganga pa habang natutulog.. Paglapit nya dito ay di nya mapigilan ang impit na pagtawa sa kalokohang naisip nya.. Hinawakan nya ang kuston ni Aldrin at buong pwersang tinaob sabay sumigaw ng sunog!.. "Mommy !!,, Daddy !!.." sigaw ni Aldrin sa ilalim ng kutson.. Di napigilan ni Nestor ang sarili at sumabog na sa katatawa.. NApahangos si Alona sa kwarto ng anak at nagulat sa itsura ng kwarto.. "Labs!." sigaw ni Alona at napaupo na si Nestor sa kakatawa.. Gumapang si Aldrin palabas sa kutson at nagsalubong ang kilay dahil sa kalokohan ng ama.. "WAaaaaaa!.." atungal ni Aldrin sabay takbo sa Ina.. Tawa ng tawa si Nestor pero si Alona ay nagalit sa asawa.. "Kita mo tong ginawa mong lalake ka!.." sigaw ni Alona pero di pa rin tumitigil si Nestor sa kakatawa.. "Mommy... Akala ko kung anu na nangyari.." sabi ni Aldrin at inirapan ang ama.. Pati si Alona natawa na rin kaya lalong umatungal si Aldrin.. "May conspiracy dito.. Akala ko same team tayo Mommy !.." sigaw ni Aldrin at talagang natawa na ang mag asawa.. "Joke lang anak... Anung oras na kasi.. Kanina ka pa namin ginigising eh.." lambing ni Alona sabay pigil sa tawa.. "Sows.. " ungol ni Aldrin.. "Hala sige na.. MAmaya andito na yung mga tropa mo at magpapaenroll kayo kamo di ba?.." sabi ni Alona.. "Bukas na Mom.. Antok pa ko." sabi ni Aldrin .. "Oh no... Its your fault .. Nagpaschedule na kami ng Daddy mo sa dean ng skul nyo..Now nila kayo inaasahan .." sabi ni Alona at nagulat si Aldrin. "Wow ah.. Close kayo ng Dean?.." tanong ni Aldrin at natawa si Nestor.. "Anak naman.. Syempre sikat tayo eh.. Priority kayo don ng friends mo..Astig no?.." sabi ni Nestor kaya natuwa si Aldrin.. "Talaga Dad?.. Eh di kami ang siga don?.." sabi ni Aldrin at kinurot sya ng nanay nya.. "Baket?.. Kahit naman wala kayong kilala sa isang lugar kayo pa rin ang siga eh.." sabi ni Aldrin at nagtawanan silang mag ama.. Naasar si Alona at piningot ang mag kabilang tenga ng mag ama nya.. "A-aray naman Labs." angal ni Nestor at pati si Aldrin at umaaray na rin..

"Sinong mas siga?.." maangas na tanong ni Alona.. "Ikaw po.." sabay na sabi ng ama at tumawa ng mala gangster si Alona.. Alas nuwebe ng umaga.. Parang mga zombie ang apat..Si Krissia lang na tanging babae sa grupo ang maayos at masigla.. Palibhasa pare parehong puyat kaya maiinit ang ulo.. Konting bangga lang sa kanila ay hahamunin na agad ng suntukan pero agad na nagpapaumanhin si Krrisia..Lumalayo na lang ang ibang estudyante sa kanila.. Bago pa sila nakarating sa registrar ay may napansin si Rhoi.. "Mga tol.. Look oh.." puna nya sabay turo sa isang direksyon.. Nanlaki ang mga mata nung apat at parang isang utak na sabay sabay nagpunta sa tinuro ni Rhoi.. Sa gitna ng oval shape na field ground ay may parteng elevated.. Nagkatinginan ang apat na lalake at napangisi sa isa't isa.. "Kelangan nating kausapin ang Dean.. Kelangang mapasa atin ang pwestong yan!.." matigas na sabi ni Darius at sumang ayon ang tatlo pa.. Si Krissia napahawak na lang sa ulo at hinila na si Rhoi.. "Ako muna ang magpapaenroll bago ikaw!.." sabi lang nya at napakamot nalang si Rhoi na kumaway sa tatlong kaibigan nya.. "Susulat ka friend.." sigaw ni Aldrin at nagtawanan silang tatlo.. "Oh paano.. Mamaya na yung Dean.. Pa enroll na tayo para matapos na to.." sabi ni Romeo at nagsi ayon naman ang dalawa.. Nag kanya kanya na sila ng building pagkat iba iba sila ng kinuhang course..Napagusapan na nilang iisang schedule lang ng PE ang kukunin nila at NSTP para magkakasama pa rin sila.. Naiinip na si Aldrin.. Di na sya sanay pumila pagkat nung highskul pa lang sila ay sila lagi ang nauuna..PEro iba na ngayon.. Kailangan na nilang mag seryoso sa pag aaral at nangako sya sa Mommy nya na iiwasan na ang gulo .. Dalawang tao pa bago sya.. Nakaramdam na ng gutom si Aldrin pero tinitiis nya ang pila.. Maya maya may isang babae ang bumangga sa harap nya at sumingit sa mismong likod ng taong nagbabayad.. Agad na uminit ang ulo ni Aldrin at kakalabitin nya na sana ang babae pero may tumawag dito.. "Sis!.. Bilisan mo at baka iwanan tayo !.." sabi nung babaeng nakaitim.. Natawa si Aldrin pagkat sinagot nung babae na sumingit yung babaeng tumawag sa kanya ng dirty finger.. "Azteegg." bulong ni Aldrin sa sarili.. Lalo syang natawa ng naiinip na ang babae at kinatok na yung salamin.. "Anu ba?.. NAkatulog na yata kayo dyan ah?.." sigaw nung babae..

Napatingin yung matandang babae sa loob ng registrar at di na lang pinansin yung babae.. "I like her na.." bulong ni Aldrin.. Pagkabayad nung lalake at agad na naglabas ng pera yung babae.. Minamadali nya ang officer sa loob at talagang natatawa si Aldrin sa pagkasiga nya.. Nakaisip ng kapilyuhan si Aldrin at kunwaring tinulak yung nasa harap nya.. DAhilan para mabunggo ang pwet nung babaeng nagbabayad.. Agad lumingon yung babae at natulala si Aldrin sa nakita.. "Fuck!..bastos ka ah !.." sigaw nung babae sabay sampal ng malakas sa nakasunod sa kanya.. NAgmura din yung lalake at gagantihan sana yung babae pero hinawakan ni Aldrin yung kamay nya.. "Pare.. Babae yan.. Ako na lang.. Pero di ako nangangako na di ako gaganti ah.." sabi ni Aldrin sabay ngisi.. Napamura ng mahina yung lalake at umalis na lang.. Natuwa naman si Aldrin at umusog.. Tiningnan sya nung babae at tumaas ang kilay nito.. "Baka isipin mo na mag tha-thank you ako?.." sabi nito pero ngumisi lang si Aldrin.. "Yun talaga dapat ang sabihin mo.." sabi ni Aldrin pero maging sya at binigyan ng dirty finger nung babae... Humarap na ito sa registar at inabot ang pera.. "Di dito ang bayaran miss.. Dun sa accounting...Fourth window.." sabi nung babae sa loob.. "Eh anu ba pagkakaiba nyan?..PAre pareho lang naman kayo eh.. Sige na ate.. Nagmamadali ako eh.." sabi nung babae at talagang naaaliw na si Aldrin.. "Di pwede miss.. Sige na at maraming nakapila.." sabi lang nung babae at napamura ng mahina yung babae.. Umalis na ito pero saglit nyang tiningnan si Aldrin.. Si Aldrin naman ay nag beautiful eyes pa pero nagsimangot lang yung babae... Pumila na ito sa pang apat na bintana upang mag bayad..Tulala lang si Aldrin pero nakarinig sya ng mga katok galing sa babae sa loob.. "Hoy..!" sigaw nung babae.. "Ay.. Sorry madam.. " sabi lang ni Aldrin at tumawa.. Di nya pa rin nilulubayan ng tingin yung babae.. Nakabayad na si Aldrin at hinahanap nya yung babae.. Pero sa malas ay nalibot nya na ang buong campus pero wala pa rin ito.. Mula sa Law Building ay nakita nya si Romeo na may kausap na babae..Nagulat sya pagkat

maganda yung kausap nito pero sumabog sya sa tawa ng bigla itong sinampal .. Umalis ang babae at lumapit si Aldrin. "Naks.. Still holding the record of most sampal ha.. Enrollment pa lang naka isa ka na.." asar ni Aldrin at natawa rin si Romeo.. "Eh panu nagpakilala.. Ang ganda no?.." sabi ni Romeo at nagtaka si Aldrin.. "Nagpakilala?. Bakit ka sinampal?.." tanong ni Aldrin.. "Eh sabi ko kasi bakat nipples nya eh.." sabi ni Romeo at nagtawanan sila.. Bumaba na sila ng Law Building pero malikot pa rin ang mga mata ni Aldrin.. "Tol baket?.. " tanong ni Romeo.. "Tangna tol.. May nakita ako kanina dun sa registrar building ng accountancy.. Astig.. Parang gangster nga eh.. Pero grabe ang ganda..Hayup !.." kwento ni Aldrin at natawa si Romeo.. "Wow.. For the first time yan ah.. Panu na si special someone mo?.." biro ni Romeo.. Napasimangot si Aldrin at napabuntong hininga.. "Syempre special pa rin sya.. Pero for the meantime.." putol ni Aldrin at pareho silang natawa ng malakas.. Nakarinig sila ng bulungan at bumalik yung dalawa.. "Anung binubulong bulong nyo?.." nakangiting tanong ni Romeo.. "Oo nga share naman oh.. Baka kasi nilalait nyo na kame eh.. At least we know.." sabi ni Aldrin at ngumiti din sya.. Nagkatinginan yung apat na lalake at isa isang umalis... Pero nagpahabol pa si Aldrin.. "Tandaan nyo face namin ah.. Pag ready na kayo i share isipin nyo lang yung mga mukha namin and we will be there.. " pahanol ni Aldrin.. "Promiseee.." landi nilang dalawa at nagtawanan na naman sila.. Pagdating nila sa canteen ay nadatnan nila si Darius na nakapila na..Tahimik yung kaibigan nila at nakatitig sa mga naka display na pagkain at parang na popossess na.. Pumuwesto sa magkabilang tuhod si Aldrin at Romeo at sinuntok yung likod ng tuhod ni Darius dahilan para mapaluhod ito bigla.. Tawa ng tawa yung dalawa pero galit na galit naman si Darius at pinagsusuntok sila sa braso.. "Tado kayo.. Nagulat ako !.." sigaw ni Darius at lalong natawa yung dalawa.. "Panung di ka magugulat eh sinapian ka na naman ng espiritu ng katakawan.." sagot ni Aldrin at lalo silang natawa..

"Gago.. !.. Humanap na kayo ng pwesto at kailangan ko ng mag recharge.." sabi ni Darius at napossess na naman sya sa mga pagkain.. Tumatawa yung dalawa na naghanap ng mauupuan.. Eksaktong dumating si Rhoi na kasama si Krissia na tumatawa.. "Isipin mo na pinagkamalan na naman tayong mag syota?.." sabi ni Krissia at natatawa na rin si Rhoi.. "Okay lang.. Pabor pa nga sayo yon.." sabi ni Rhoi at sinuntok sya ni Krissia sa braso.. "Ulol !.." sabi lang ng dalaga at pareho silang natawa.. Nakatayo sa gitna ng malaking canteen sina Aldrin at Romeo at nag dedesisyon kung saan uupo.. "Tulad ng dati.. Dapat yung pwesto natin ay kita ang lahat ng pumapasok.." sabi ni Romeo at sumang ayon si Aldrin.. Nakisali na rin si Rhoi at pati sya nag hanap ng pwesto habang si Krissia lumapit kay Darius at inalog ito.. "There.." sabi ni Aldrin sabay turo sa pwesto sa tabi ng bintana.. Napatingin yung dalawa at napangisi sila.. "Good.. Nice spot.. Come come.." sabi ni Rhoi at lumapit na sila sa mga kumakain.. Sa tinurong mesa ni Aldrin ay may nakaupong apat na lalake at tatlong babae na nagtatawanan habang kumakain.. Tumayo sa harap nila yung tatlo na todo smile.. "Hi Hi.." sabay sabay na sabi nung tatlo at napatigil sa kwentuhan yung mga nakaupo.. "Yes?.. " sabi nung isang babae at lalong napasmile yung tatlo.. "Tapos na ba kayo?.." tanong ni Aldrin.. Nagkatinginan yung mga nakaupo at nagsimangot yung mga babae.. "Di nyo ba nakikita na nakapwesto pa kame?.." mataray na sabi nung babaeng mataba.. "Nakikita naman.. Kaya nga nagtatanong kung may balak pa ba kayong tapusin yan eh.." sabi ni Romeo at napatayo yung apat na lalake.. "Aba !.. Ang angas nyo ah !.." sabi nung lalake at tinulak si Aldrin.. "Wow... Ang bad nya ate oh.." sabi ni Aldrin at nag bakla baklahan.. "Oo nga.. Bakit ang bad mo.. Ask lang naman sister ko eh.. Iiyak yan.." sabi ni Rhoi..at humikbi na si Aldrin.. "Hala.. !.. Lagot kayooo.." sabi ni Romeo at nanakot pa sya.. Di malaman nung mga tao kung matatawa o magagalit sa tatlo.. Pero dumating si Krissia dala

ang pagkain nila at humingi ng patawa sa mga naka pwesto.. "Sorry.. May mga sira lang talaga sa tuktok tong mga toh.. KAyo na ang bahalang mag pasensya ha?.." sabi ni Krissia at pumayag naman yung mga lalake at babae.. Pumwesto na lang sila sa ibang lamesa .. "Gusto ko don.. ! " matigas na sabi ni Rhoi pero tiningnan lang sya ng masama ni Krissia.. "Maybe pagtapos nila.." bawi ni Rhoi at nagtawanan yung tatlo.. "Tangna.. Kung anung tigas sa away syang lambot kay Kris.." bulong ni Darius kay Romeo.. Bumungisngis yung tatlo at tinignan sila ng masama nung dalawa.. "Baket ?.." inis na tanong ni Rhoi.. "Baket ?.." sabay sabay na tanong nung tatlo at nagtawanan na lang silang apat.. Si Krissia napailing nalang sa kalokohan nung apat at pinagpatuloy na ang pagkain..Binabantayan ni Rhoi ang bibig ni Romeo pagkat alam nyang sumisimple lang ito ng asar .. Tapos na silang lahat mag paenroll at pauwi na sila ng may mahagip ang mata ni Aldrin.. "Shet !.." sigaw nya at napatingin ang apat sa kanya.. "Shet ka rin !.." sabi ni Darius sabay tawa.. "GAgo.. Rom.. Ayun o.." sigaw ni Aldrin at natulala na naman sya.. Nilingon nung apat ang tinuturo nung kaibigan nila at nakita nila ang grupo ng mga ewan na nakatambay sa parking area.. "May nakaaway ka dyan pre?.. Tara.. Sino ba dyan..?.. Oh sige lahat na.." sabi ni Rhoi at nauna ng naglakad pero napabalik sya ng hatakin ni Krissia ang tenga nya.. "Aray naman eh.." galit na sabi ni Rhoi.. "Baket?.." mataray na balik ni Krissia at naging maamong tupa muli si Rhoi.. "Anu ba kasi yun?.." tanong ni Darius at lahat sila napatingin kay Aldrin na tulala.. "Sya yun.. Yung naka violet..Grabeh..Tinitigasan ako.." sigaw ni Aldrin at natawa pero binatukan sya ni Krissia.. "Alam mo Rhoi kung minsan naiisip ko na mas siga pa to satin eh.." angal ni Aldrin sabay turo kay Krissia pero binatukan lang sya ulit nito.. Nagtawanan lang ang tatlo at sinundan ng tingin ang tinutukoy ni Aldrin.. Nakita nila yung tinuturo nyang babae at maging sila ay napahanga din..

"Naks oh.. Big boy na si Potpot.." asar ni Romeo at nagtawanan sila.. "GAgo.. Azteg noh pre... Kaso nag yoyosi.. Kadiri yan.. " sabi ni Aldrin at nanghinayang sya.. "Eh ano kung nag yoyosi?.. As if papatulan ka nya?.." asar ni Krissia at tumawa.. Sinabayan sya nung tatlo kaya naasar si Aldrin.. Kinawayan niya yung babae at napatingin ito sa gawi nila..Namangha yung apat ng ngumiti kay Aldrin yung babae..Pero sumabog sila sa tawa ng bigla itong mag dirty finger.. "Oh loko.. " sabi ni Krissia at parang napangisi lang si Aldrin.. "That's my girl..You will be mine !.." sabi ni Aldrin sabay tumawa ng parang demonyo.. Chapter 4 Bad Cheetah

Lunes ng umaga.. Himbing na natutulog ang isang babae sa kanyang malaking kama..Makikitang punong puno ng mamahaling manika at stuff toys ang buong kwarto.. Biglang nag ingay ang alarm clock sa tabi ng kama nya..Agad nya itong pinalo ng malakas dahilan para masaktan din sya.. "Shet.. Bad day again.." bulong ng dalaga.. Nag inat sya ng mga braso at humikab muli..Madilim ang paligid ng kwarto nya pagkat nakasara ang mga bintana.. Agad syang tumayo at isa isang binaba ang blinds ng bintana nya... Napapikit ang dalaga ng pumasok ang nakasisilaw na liwanag sa kwarto nya.. "Morning .. " bulong ng dalaga at nag stretch.. Naglakad sya paharap ng salamin at nag pose ng parang model ng toothpaste.. "Shet ganda ko.." sabi nya sabay tawa ng parang demonyo.. Agad syang pumasok sa banyo at nagsimula ng kanyang ritwal bago maligo.. After 1 hour ay tapos ng maligo ang dalaga.. Nakahubad syang lumabas ng banyo at tumutulo pa ang tubig sa katawan .. Binuksan nya ang isang pinto at sinindi ang ilaw .. Tumambad sa kanya ang malaking walk-in closet.. Hile hilerang damit na ang iba ay nakabalot pa. Mamahaling sapatos at bags..Nakahilera din ang mga box na lalagyan nya ng mga kikay stuff pero di nya ito pinansin ..Lahat padala ng Nanay nya galing ibang bansa.. Ng maalala ang Ina ay agad syang nakaramdam ng lungkot na napalitan ng simangot.. Kinalkal nya ang mga damit at naghanap ng pinakaluma.. Nakakita sya ng Jeans na butas sa tuhod at napangiti sya.. Kumuha sya ng T-shirt na itim na

nakabalot pa na may tatak ng sikat na brand.. Inalis nya ang plastic at pinagmasdan ang damit..Napasimangot ang dalaga sa nakita nya.. "Masyado kang maganda.. Eto ang dapat sayo.." nakangising sabi ng dalaga sabay labas ng closet at kinuha ang gunting sa drawer nya.. Ginupit gupit nya ang laylayan ng damit pati na ang manggas nito..Ng makontento sa kinalabasan ay agad na syang nag bihis .. Pinagmasdan nya ang sariling repleksyon sa salamin.. Walang makapagsasabi na saksakan sila ng yaman sa itsura nya.. Daig nya pa ang rockers na laos.. PEro masaya sya.. NAgsuklay lang ang dalaga ay lumabas na ng kwarto..Di sya naglalagay ng make up.. Di na nag abalang ayusin ang mga kinalat.. Dumiretso ang dalaga sa kusina at naghalungkat sa mga kaldero.. "Yaya.. Anung meron.? " tanong nya at isa isang pinagbubuksan ang mga nakatakip.. "Aysus na batang ito.. Ayun ang almusal mo oh !.." sabi ng yaya nya sabay turo sa pagkain sa magarang lamesa... NApasimangot ang dalaga ng makita nya ang nakahain.. Ayaw nyang tanggihan ang pagkain kaya agad nya itong kinain lahat.. "Ni hindi man lang sumayad sa sikmura ko eh.. Sino ba naman gaganahan sa buong maghapon kung itlog at papaya lang ang almusal?.." nakasimangot na sabi ng dalaga sa yaya nya.. "Eh sabi nung Mommy mo eh.. Para daw healthy ka.." sagot ng yaya nya .. "Healthy?.. Eh kahit musmos di matutuwa dyan eh..Sige sa labas na lang ako kakain..Thanks Yaya.. Tumawag ba si Nanay?..." tanong ng dalaga at napailing ang yaya nya.. "Di naman.. Ang alam ko sa miyerkules pa daw sya tatawag.. Hala mag ingat ka iha..Anu ba yang suot mo?.. Daig mo pa ang lalake dyan ah?.." natatawa ang yaya nya sa pagtingin sa kanya.. "Ito ang uso Yaya... Alis na po ako.. Buhbye.. !" paalam ng dalaga.. Palabas na sya ng pinto ng tawagin sya ng yaya nya.. "Hannah !.. Siguraduhin mo daw na mag eenroll ka sabi ng mommy mo kundi ako ang malalagot sa kanila ng Lola mo !.." pahabol nito pero napailing lang ang dalaga.. "Whatever.." sabi ni Hannah.. Paglabas ng bahay ay agad na tumayo ang driver nila na kanina pa naghihintay sa magarang sasakyan.. "Nope Kuya.. Mag jejeep po ako.." sabi ni Hannah at napakamot ng ulo ang driver.. "Eh anung trabaho ko na dito?.. Nakatunganga lang ako ah.." sabi nung driver at pareho silang natawa..

"Mamasyal po kayo.. Don't worry ako bahala ..Sige po.." sabi ni Hannah at nag flying kiss pa sa driver nila.. Paglabas ni Hannah ng malaking gate nila ay agad nyang binago ang itsura ng mukha nya..Ang kaninang sweet na dalaga ay naging maangas..Mabilis syang lumakad palabas ng subdivision.. Kinawayan pa sya ng guard pero di nya ito pinansin.. Nag abang ng jeep si Hannah at agad sumakay.. Maluwag sa jeep pagsakay nya pero may sumakay na dalawang binata.. Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ang dalaga pero napapansin nyang kanina pa nakatingin ang dalawang lalake.. Naasar ang dalaga kaya tumingin sya sa dalawa ng masama.. Natahimik yung dalawa at sa bintana na lang din ng jeep nagbaling ng tingin.. Pagdating sa university kung saan nya balak mag enroll ay agad bumaba si Hannah... Dahil na rin sa kaibigan nyang si Cynthia kaya dito nya piniling pumasok.. Malaki naman ang eskwelahan.. Maganda at kumpleto ang facilities pero wala syang pakealam.. Ang mahalaga ay makapagtapos sya at bubukod na sya ng buhay sa Ina.. Sa bungad pa lang ay marami ng napapatingin sa dalaga.. Diretso lang syang naglalakad hawak ang kanyang requirements.. Sa di kalayuan ay nakita nya ang kaibigan na may kausap na lalake.. Nakita na sya nito pero nilampasan lang nya ang kaibigan at dumiretso sa nakitang bulletin board.. Sinipat nya ang mapa ng eskwelahan at ng makita ang hinahanap ay agad syang naglakad palayo.. Walang pakelam si Hannah kung marami syang nababangga.. Yung iba ay napapamura na sa kanya pero tuloy tuloy lang syang nag lalakad.. Sa wakas nakita nya ang Accounting building.. Napangiti sya at pumasok para hanapin ang registrar.. Ang ngiti nya at napalitan agad ng simangot ng makita ang haba ng pila.. Napaisip si Hannah at maya maya ay napangisi ng makita ang patpating lalake na nasa likod ng counter.. Dire diretso syang lumapit dito at sumingit.. Umangal ang mga tao sa likod pero nag dirty finger lang sya.. Nakarinig sya ng mahinang tawa kaya agad nya itong nilingon.. Pag tingin nya ay may gwapong lalaking nakapila din... Nakangiti ito sa kanya.. Agad nagbaling ng tingin si Hannah .. Pakiramdam nya ay tumalon ang puso nya sa ngiti nito.. Gusto nyang mapangiti pero pinipigilan lang nya ang sarili nya.. "Sis bilisan mo at baka iwanan tayo !.." sigaw ng babae at paglingon nya ay si Cynthia yon.. Nag dirty finger lang sya sa kaibigan.. Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam na sya ng gutom.. May tao pa sa harap nya at di pa tapos sa kung anu man ang ginagawa nito.. Sa asar nya ay kinatok nya ang salamin at napatingin sa kanya ang matandang babae sa likod ng counter.. "Anu ba?.. Nakatulog na ata kayo dyan ah?.." asar na tanong ni Hannah.. Nakarinig sya ng bungisngis sa likod pero di nya ito pinansin.. "Miss maghintay ka.." sabi lang nito at napangisi si Hannah.. Sa wakas natapos na ang lalaki sa harap nya at dali dali nyang inabot lahat ng requirements nya..

"Hey.. Di dito nag papaenroll .. Grades lang kelangan ko iha.. Dun ka magbayad sa accounting .. Fourth window.. " sabi nung babae pero nainis si Hannah. "Eh pare pareho lang naman ng itsura eh.. Sige na po at gutom na ako.." sabi ni Hannah at nakarinig sya ng mahinang tawa sa likod.. Nilingon nya ito at nakita nyang yung lalaki na naman na nakangisi sa kanya..Inis na tumalikod lang sya at hinintay na matapos ang processing ng mga papeles nya.. Maya maya nakaramdam sya ng parang may bumubunggo sa pwetan nya kaya sa asar nya ay lumingon sya at sinampal ang lalaking nasa likod nya.. "Fuck !. Bastos ka ah !.." sigaw ni Hannah.. Nagmura yung lalake at nakita nyang sasampalin din sya nito pero hinawakan ng lalaking nasa likod nito ang kamay nung lalakeng sasampal sana sa kanya.. "Pare babae yan.. Ako na lang .. Pero di ako nangangako na di ako gaganti.." sabi nung lalake sabay beautiful eyes pa.. Sa asar siguro nung lalake ay nagmura ito at nag walk out.. Umabante agad yung lalake at nagpa cute sa kanya.. "OH.. Baka isipin mo na mag tha-thank you ako?.." mataray nyang tanong.. "Tama... Yun naman talaga ang dapat na sabihin mo.." sabi nung lalaki sabay ngisi.. Nainis si Hannah kaya binigyan nya din ito ng dirty finger..Tumawa lang yung lalake.. Tumalikod na si Hannah at pilit na nagbabayad.. "Di dito ang bayaran miss.. Dun nga sa kabila.." sabi nung matanda sa kanya.. "Sige na.. Nagmamadali po kasi ako eh.." sabi ni Hannah pero di pumayag yung babae.. Naasar lang si Hannah at hinintay na matapos ang ginagawa.. Di na nya nilingon yung gwapong lalake sa likod nya pagkat nag iinit ang mga pisngi nya.. Agad nyang tinapos ang pag eenroll nya .. Ni di nya na nakita ang schedule nya at sinaksak na lang ito sa backpack nya.. Paglabas ng building ay nakita nya si Cynthia na galit na galit.. "Oh bakit?.." tanong ni Hannah.. "Antipatiko yung lalake na yon !..Sayang.. Saksakan pa naman ng gwapo pero saksakan din ng yabang !.." sabi ni Cynthia at natawa si Hannah.. "Baket ba?.." tanong ng dalaga.. "Aba't mantakin mo ba namang nakikipagkilala lang ako eh.. Pero biglang sinabihan ako na bakat daw yung nipples ko?.. Di naman eh.." sabi ni Cynthia at sumabog sa tawa si Hannah.. "Astig yun ah.." sabi lang ng dalaga at naasar si Cynthia..

"Tara kain tayo.. " yaya ni Hannah pero tumanggi si Cynthia.. "Kakakain ko lang sis.. Diet ako.." sabi nya pero napailing si Hannah.. "Diet diet diet.. Bahala ka sa buhay mo.. Your depriving yourself .. Hala .. See yah.. Dyan ako kakain.." sabi ni Hannah at nanlaki ang mga mata ni Cynthia.. "Dyan?.. As in dyan sa karinderya?.." tanong ng dalaga at napangisi si Hannah.. "Yea.. Mas masarap dyan eh.. Try mo minsan.. Sige gf.." sabi ni Hannah at tumawid na ng kalsada.. Nagkanda buhol buhol ang trapiko dahil sa mabagal na paglalakad nya.. Pulos busina ang narinig pero tinawanan lang sila ng dalaga.. "Hoy !.. Sayang ang ganda mo kung magpapakamatay ka lang !.." sigaw nung isang driver pero nakatikim din sya ng pamatay na dirty finger ni Hannah.. Pagkatapos kumain ay agad bumalik si Hannah sa loob ng university para hanapin ang kaibigan nya..Di nya ito mahagilap kaya nagpasya na syang umuwi.. Pero nakita nya yung lalaking nagtanggol sa kanya kanina na naglalakad.. Sinundan nya ito ng tingin .. Gwapo talaga.. May kasama din itong gwapong lalaki na namukhaan nyang ito yung kausap ni Cynthia kanina..Napabungisngis sya ng maalala yung sinabi ng lalake sa kaibigan nya.. Sinundan nya ng tingin yung dalawa .. Nakita nyang naglalakad ito pero biglang bumwelta pabalik at pinuntahan yung grupo ng mga lalaking nakaupo sa bench..Nag usap ang mga ito pero biglang umalis yung grupo ng lalake.. Napangisi si Hannah.. "Aztig talaga yung mga yun ah.." sabi nya sa sarili.. Di nya napansin na nakaupo na sya sa hood ng isang sasakyan.. Di naman sya nabahala na maabutan ng may ari.. Umayos pa sya ng upo at pinagmasdan ang mga taong naglalakad lakad sa school grounds.. Pinagtitinginan si Hannah ng mga ibang estudyante pero wala syang pakealam.. Maya may nag ring ang cellphone nya.. Agad nya itong hinugot pagkat 4 na tao lang ang nakakaalam ng bagong sim nya.. Nakita nya sa screen ang pangalan ng Nanay nya at excited syang sinagot ito.. "Hello Nanay.." .. malambing na sabi ni Hannah.. Natawa naman ang nanay nya sa kabilang linya.. "Ayaw mo talaga akong tawaging Mommy ha.. Pero ok lang..Kamusta ang enrollment anak?.." tanong ng nanay nya.. "Tapos na po.. Nay.. Kailan ka uuwi?.." tanong ni Hannah at biglang nagbago ang mood nya.. Bumalik sya sa pagiging sweet..

"Anak.. PAngako.. After this project.. I will stay there for good.. Sorry sa mga pagkukulang ko ha ?.. Pag pasensyahan mo na si Nanay at talagang busy ako dito.." sabi ng nanay nya at gumaralgal ang boses nito.. "Opo opo .. I love you Nay.. Kaw lang po ang natitirang kakampi ko tapos wala pa kayo.. Sila Lola naman ang layo .. Miss na miss na po kita.." sabi ni Hannah at natawa ang nanay nya.. "Ows..? eh si P-.. " sabi ng nanay nya pero pinutol ito ni Hannah. "Oops... Stay right there.. Don't say his name.. Nanggigigil ako Nay.." taray ni Hannah at tumawa ang nanay nya.. "Hay nako anak.. Sabi ko sayo bumalik ka sa dati nating tirahan and find out kung anu ba talaga ang nangyari.." sabi ng nanay nya pero umiling si Hannah. "Nay !.. Naka ilang sulat na ako !.." sabi ni Hannah at napasimangot na sya.. "Hay nako.. Pag uwi ko hahanapin natin sila.. Pangako.. Oh siya at may andito na yung client.. I love you so much anak.. Muaahh !.." sabi ng Nanay nya.. "Love you po.. Ingats Ingats.. Muah muah tsup tsup.." sabi ni Hannah at nagtawanan silang mag ina.. Binaba ni Hannah ang phone nya at napansin nyang maraming tao ang nakatingin sa kanya... "Baket?.. " maangas nyang tanong .. "Eh miss kotse ko yan... Baka pwede na namin gamitin?.." sabi nung lalake at natawa si Hannah.. "Ahaha.. Mamaya na.. Paupo muna.. " sabi ni Hannah at nainis yung babaeng kasama nito.. "Hoy.. Ang kapal mo ah.. Halos mayupi na nga yung hood ng car oh.. " sabi nung babae pero ngumisi lang si Hannah.. "Wapakels.." sabi nya at naasar yung dalawa kaya nag walk-out na rin.. Maya maya dumating na si Cynthia at may mga kasama itong mga lalake.. "Grabe sis.. Kapal mo rin eh no.. Yung may ari na nga nakiusap sayo di ka parin natinag.. " sabi ni Cynthia pero tumawa lang si Hannah.. "Sino tong mga kapreng to..? " tanong nya at natawa yung dalawang lalake.. "Tangek.. Varsity sila dito.. Nakilala ko sa canteen..Kainis nga eh.. Andun din yung mayabang na lalaking yun.." asar na sabi ni Cythia at sumingit yung isang lalake.. "Sino??.. Turo mo at babalasahin namin.. " maangas na sabi nito pero natawa lang si Hannah.. "Echos.. Teka uwi na ako.. May gagawin pa pala ako sa bahay.." sabi ni Hannah at napatingin sa kanya yung tatlo..

"Hay nako.. Just for an hour na lang sis..Sabay na tayo.." sabi ni Cynthia at tumango si Hannah. Naglabas ng yosi yung isang lalake at napatingin si Hannah dito.. "Akala ko varsity ka?.. Bakit ka nag yoyosi?.. " tanong ni Hannah at ngumisi lang yung lalake.. Nagpalitan sila ng hits ng yosi at naiintriga na si Hannah.. "Teka.. Pa hits nga din.." sabi nya at inabot sa kanya yung kapirason yosi.. Bago nya ito hithitin ay napansin nya yung lalaking nag tanggol sa kanya na nakatitig sa di kalayuan.. May apat pa itong kasama... Tatlong lalake at isang babae..Puro gwapo at maganda naman yung babae..Pero nakatutok lang ang mga mata nya sa lalaking nagtanggol sa kanya..Nakita nyang may sinabi ito sa mga kasama nito at napatingin lahat sa kanya. Di nya magawang hithitin ang yosi.. Parang nahiya sya bigla.. Kumaway ito pero binigyan nya ito ng dirt finger .. Nagtawanan ang mga kasama nito pero di naalis ang ngiti sa mukha nung lalake.. Naramdaman nyang namula na naman ang mga pisngi nya .. Lalo syang naaliw ng batukan nung babae yung mga kasama nitong lalake at tumawa.. Natawa sya bigla.. Napatingin si Cynthia sa kanya at nagtataka.. "Hala.. Baliw ka sis?.." tanong ni Cynthia pero di nya ito pinansin.. Hawak nya lang ang yosi at mukang nakita ito nung lalake.. Nanlumo ang pakiramdam nya ng makita nyang tumalikod na yung magkakaibigan at nagsimula ng maglakad palayo.. Lumingon muli yung lalake pero naglakad na ng tuluyan..Parang nawalan ng gana bigla si Hannah at pinitik yung yosi kahit di pa nahihithit.. "Oy sayang.." sabi nung lalake sa gilid nya .. Tumayo si Hannah at nag inat.. "Oy san ka punta.?.. Mall muna tayo.. " aya ni Cynthia pero umiling lang si Hannah.. "Yoko.. Uwi na ko.." sabi lang ni Hannah at pumara ng jeep pero puno ito.. Ngumisi si Hannah at sumabit sabay palo sa bubong.. "Takbo na manong ! WOOOOOOOOOOOOO.." sigaw nya.. Chapter 5 Plus One !

Isang umaga kakatapos lang maligo ni Aldrin.. Maaga sya dahil ito ang unang araw nila sa klase..

Naghalungkat sya sa drawer nya at di sinasadyang may mahagip ang mga mata nya na isang kahon.. Agad nya iton itinabi at kumuha ng brief.. Napangisi sya sa napiling kulay.. Pula.

Bihis na ang binata ng bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina.. Naabutan nya ang nanay nya na abala sa paghahanda ng almusal.. Kinikiliti ito ng tatay nya sa balakang..

"Anu ka ba Nestor... !.. Matapon yung soup oh.. !.." sigaw ng Nanay nya pero tawa din naman ng tawa...

"Dad ayaw ko po ng bag ko.." sabi nung bunsong kapatid ni Aldrin na si Alyssa.

"Ha.?.. Akala ko ba anak yun yung uso?.. Di ba uso yung hinahatak?.." tanong ng tatay nila at natawa ang bunso..

"Yes Dad.. Sa preschooler.. Hello Dad.. First Year High School na po ako.Tapos papagamitin nyo ako ng stroller.." sagot ng bunso at napakamot ng ulo ang Tatay..

Pumasok na si Aldrin at dinampot ang sandwich ni Alyssa..

"Kuya !." sigaw ng bunso pero tumawa lang ang kuya..

"Anak kain na.. Mamaya baka dumating na yung mga kaibigan mo.." sabi nung nanay nya pero tumili ulit ito dahil sa pangingiliti ng tatay nila..

"As if you didnt know them mom.. Mga late comers mga yon.. Hula ko naghihilik pa sila.. Lalo na si Romeo.." sabi ng binata sabay subo ng sandwich ng bunso..

"Haha..Yeah.. Buti pa ang anak ko early bird.." puri ng nanay..

First day of classes..Kampanteng naglalakad sila Aldrin sa school grounds.. Marami raming estudyante ang napapatingin sa kanila pero tuloy tuloy lang silang naglalakad.. "Kitakits sa break.." sabi ni Darius at nag kanya kanya na sila ng lakad.. Paakyat si Aldrin ng hagdan.. Nasa third floor ang first subject nya kaya medyo badtrip sya..

"Sa susunod papalagyan ko ng elevator dito.." wika ni Aldrin sa sarili at tamad na tamad na umakyat sa hagdan.. Dahan dahan nyang binabagtas ang hagdan papuntang second floor ng may mahagip ang mga mata nya.. Napangisi ang binata ng makita ang isang babaeng nakaskirt ng maiksi.. Agad nyang binilisan ang pag akyat at lumapit konti sabay simpleng nag sintas ng sapatos kahit na nakabuhol naman ito ng maayos.. Pasimpleng binosohan ni Aldrin ang babae at napangisi sya ng maaninag ang puting panloob nito.. Abala sya sa pamboboso ng biglang may bumangga mula sa likod nya.. Napaluhod si Aldrin bigla pero mabilis din syang tumayo para awayin ang bumangga sa kanya.. Pero natulala lang sya ng makita nya ang babaeng siga ang nasa likod nya.. "Tooot ! toot !.." sigaw ng babaeng siga sabay akyat sa hagdan.. Ang inis ni Aldrin ay napalitan ng ngiti at sinundan ang babae..Nakita nyang pumasok ito sa isang kwarto kaya dali dali din syang sumunod.. Di ito ang room nya pero pumasok pa din sya.. Nakita nyang may teacher na pagpasok nya.. Napatingin sa kanya ang lahat ng mga estudyante maging ang guro.. Napakamot ng ulo si Aldrin at pasimpleng hinanap ang babae.. Nakita nya ito na nasa bintana at may kinakalkal sa bag.. "Yes mister?.. Is this your room?.." tanong nung babaeng guro at napangiti si Aldrin.. "Yes Mam..Sorry I'm late.." sabi nya at ngumiti lang ang guro.. "Okay then.. Have a seat.." wika nung guro at nagsimula ng mag pakilala ang isa't isa.. Isa isang nagpakilala ang mga estudyante at ng dumating na ito dun sa babaeng siga ay natahimik ang lahat..Patuloy pa rin sya na nagkakalkal sa bag na tila may hinahanap.. Tumikhim ang guro upang ipabatid sa babae kung nasan ito.. Umangat ng mukha ang dalaga at napansin bigla itong parang napahiya.. "Yes?" tanong nito sabay taas ng kilay.. Nagtawanan ng palihim ang mga estudyante pero nginisihan lang sila ng dalaga.. "May we know your name ?.." tanong ng guro at tumayo ang dalaga.. Huminga ng malalim at tiningnan ang buong klase.. "Ako si Darna.." malakas na sabi nito .. Natulala ang buong classroom pero maya maya ay sumabog na ito sa kakatawa..Maging si Aldrin at saglit natulala pero napangiti na lang.. "My name is Hannah Montefalco.." sabat ng dalaga at napatigil ang tawanan.. "Nice name..Suits for you... Okay guys.. write your name on a one-fourth piece of paper..Together with your birthdate and address.. Oh.. And don't forget your contact number and email if you have one.." sabi nung guro at nagsimula ng magsulat ang mga estudyante..

Di na nag abala pang magsulat si Aldrin dahil di naman nya classroom ang pinasukan..Nakatitig lang sya sa dalaga na abala sa pagdila ng one whole size na papel.. Naaaliw lang syang pagmasdan ang bawat paggalaw nito.. Di nagtagal ay tapos ng makapagpasa ang lahat.. "Okay.. Next meeting na tayo mag lecture .. Pahinga muna kayo and be ready.. Nice to see you guys.." sabi nung guro at umalis na.. Pinagmasdan lang ni Aldrin ang dalaga.. Nakataas ang paa nito at nag gugupit ng kuko.. Maraming kalalakihan ang nakatulala sa dalaga.. Napangiti na lang si Aldrin ng biglang sumigaw si Hannah. "Shet.. !.. Ang purol nitong nailcutter !.." sigaw nung dalaga at nagtawanan yung iba.. Sa asar siguro nung dalaga ay binato nito ang nailcutter sa bintana at dali daling umalis.. Nataranta si Aldrin at agad din nagligpit ng gamit at sinundan ang dalaga.. Maraming estudyante ang umaakyat baba sa hagdan at natawa si Aldrin ng marinig na naman nya ang boses ng dalaga sa pagbaba.. "Toot !.. Toot !.." sabi nito na parang tren .. Walang pakelam kung may mababanga.. Madaming naasar pero bigla din napapangiti pag nakikita na ang dalaga.. Tumatawa lang na nakasunod si Aldrin.. Dirediretso sa canteen ang dalaga at nakita nyang napahinto ito sa bukana ng canteen.. Sumilip sya at nakita nya ang mga kaibigan nya na nakaupo na.. Parang nag iisip ang dalaga kaya hinintay naman nung binata ang gagawin nya..Maya maya ay pumasok na ito at nagulat sya ng bigla itong umupo sa mga barkada nya.. Maging sila Rhoi at Darius ay nagulat ng biglang umupo ang magandang dalaga sa harap nila.. Napanganga si Rhoi pero bigla rin syang piningot ni Krissia at sumimangot.. Si Romeo ay tahimik lang na sumusubo.. Di pinapansin ang bagong dating.. Nagtataka na talaga si Aldrin kaya lumapit na sya sa mga kaibigan nya at kunwari ay di nya sinusundan si Hannah... "Hi! hi !.." bati ni Aldrin at napalingon sa dalaga.. "Hi! Hi!." sagot ni Darius .. Nagkatinginan si Hannah at Aldrin.. "Wow.. Mukhang may bagong recruit ah.." bati nya at ngumiti sa dalaga.. Nanigas si Hannah ng matandaan ang mukha ni Aldrin.. Inabot ng binata ang kamay nya pero tiningnan lang ni Hannah ito at inirapan sya..Nagtawanan ang mga barkada nya pero di sya natitinag..

"Kinakamayan ka oh.." sabi ni Romeo sabay subo ng manok.. Napatingin ang dalaga kay Romeo sabay baling sa kamay ni Aldrin na nakabitin pa rin sa ere..Inabot ito ng dalaga at napapikit pa si Aldrin ng magdampi ang mga palad nila.. "Hannah.." sabi ng dalaga. "Aldrin." sagot naman ng binata.. Matagal silang nag katitigan.. Maya maya tumikhim si Darius kaya taranta silang nagbawi ng kamay.. Napaisip bigla ang dalaga.. Ilang saglit pa ay nakabawi si Aldrin sa pagkakatulala at nagpunta sa counter upang umorder.. Pasulyap sulyap sya sa dalaga na paminsan minsan din ay nakatingin sa kanya..

"Manang dating Combo Meal.." sabi ng binata at tumawa lang ang tindera..

"Eh yung drinks mo iho?.." tanong ng tindera..

"Ay manang make it for two na.. Tapos Coke na lang yung drinks.." sabi ng binata..

Napangisi lang yung tatlong kaibigan nya ng makita ang dami ng dalang pagkain ni Aldrin.. Tumabi agad sya sa dalagang siga at inabot ang para dito..

Napataas ang kilay ng sigang dalaga pero kumagat na rin ..

"Tangna pre.. Ang pangit ng lasa nito oh.." sabi ni Darius at nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

"GAgo !.. Sayo ba yan?.. Tabatsoy !.." sigaw ni Aldrin sa kaibigan..

Nag asaran lang ang apat pero nakatulala lang ang dalaga kay Aldrin..

Parang may iniisip na kung ano..

Pagtapos kumain ay biglang napadighay ang dalagang siga at nagtawanan sila..

"Grabe.. Busog much.. Thanks Pot-, Aldrin pala.." sabi ni Hannah at nagsalubong ang kilay ng binata..

"Anung tinawag mo saken?.." tanong ni Aldrin..

"Aldrin.." sabi ng dalaga..

"No.. Starts with letter P." wika ng binata..

"No.. Aldrin.. Baka madumi lang tenga mo.." sabi ng sigang dalaga at nagtawanan yung mga kaibigan nya..

Napaisip bigla si Aldrin..

"So paano, may klase pa tayo. Tara.. See yah ulit sa lunch..." sabi ni Rhoi at hinatak na si Krissia..

"Oy kayong dalawa.. Wag kayong mag dadate at simula pa lang ng klase.. " tukso ni Romeo at namula ang dalaga..

"Praning.." sabi ni Aldrin..

Magkaholding hands na lumabas ng canteen sina Darius at Romeo na ikinatatawa ng mga nakakasalubong nilang mga estudyante..

Natahimik ang dalawang naiwan..

"So.. Tara?." aya ni Aldrin at tumayo na..

"Tara na Pot-, Aldrin." nakangiting sabi ng dalagang siga..

"Ano?.. Meron talaga eh.." sabi ng binata pero ngumiti lang ng maangas ang sigang dalaga....

"Wala nga.. Tara na men.." sabi ng sigang dalaga..

Nagsabay ulit ang dalawa sa pagpasok.. Kung anong pasukan ng dalaga ay syang pinapasukan ni Aldrin.. Bagay na ikinasisiya ng lihim ng dalagang siga..

Dismissal ay inaya ng binata ang dalaga .

"Tara.. Sabay na tayo.." sabi ng binata at napatingin sa kanya ang sigang dalaga..

"Baket?.. Hahatid mo ko?.." puna ng dalaga at nag blush ang binata..

"Oy .. Grabe ka.. Wag mo kong pangunahan.." biro ng binata sabay kamot sa ulo..

"Tara .. " sabi ng dalaga at nagsabay na silang bumaba..

Tinext ni Aldrin ang mga barkada nya at tinanong kung nasaang lupalop ng university naroon ang mga ito..

"Sa Ace's Den pare.." reply ni Romeo at napangisi lang ang binata..

"Tara.. Dun tayo .." aya ni Aldrin sa dalaga at sumunod naman ito..

Napangisi si Aldrin ng makita nya ang tatlong kaibigan kasama si Krissia na nakatayo sa ginagawang parang kubo sa gitna ng oval...

"Sinimulan na pala to.. Kailan daw to matatapos?.." tanong ni Aldrin sa mga kaibigan..

"Ewan ko kay Rhoi.. Basta sabi ko lagyan ng isang puno dito sa likod para maging shed eh.." sabi ni Romeo at nag ikot ikot sa paligid..

"Gagong to.. PArang ang daling maglipat ng punong matanda na... Anu yun magic?.." sabi ni Rhoi ..

"Eh kailan daw to matatapos?.." tanong ni Darius..

"Sabi ni Erpat 2-3 Days daw.. Pero syempre wala pang electricity sa loob..MAg wiwiring pa yan eh.." sabi ni Rhoi..

"Grabe.. Pinayagan kayo na magpatayo ng ganito sa school?.." nanlalaki ang mga mata ni Hannah na nakatingin sa papatapos ng kubo ng apat na alas..

"Yeah.. Some sort of connections.." sagot ni Darius sabay ngasab sa burger na hawak..

"Cool.. !.." humahangang sambit ng dalaga..

"TAra na.. Hayaan na natin yan.. Bukas siguro tapos na yan.. Ano po manong?.." tanong ni Aldrin sa isang manggagawa..

"Ah opo boss..Bukas ng tanghali tapos na to.. Kasama na yung paglalatag ng wires para sa mga ilaw at plugs sa loob.." sagot ng foreman na matanda..

"Naku Aldrin na lang po.. " sabi ng binata..

"Ah sige iho.." sagot ng matanda..

"Ahm.. Ikaw wala ka bang gustong ipadagdag?.." tanong ni Aldrin kay Hannah at napanganga sa kanya ang dalaga..

Napataas ang isang kilay ni Rhoi at tumingin kay Darius.. Pero maging si Darius ay nagtaka ..

"H-ha?.. Okay lang ba?.." tanong ng dalagang siga..

"Sure.. " sabi ni Aldrin..

"Oy.. The rules pare... Wag kang mag dedesisyon hangga't di kami pumapayag..." sabi ni Darius..

Nagtitigan ang dalawang mag kaibigan..

"Baket di ka ba papayag?.." tanong ni Aldrin..

"Hinde.." sagot ni Darius..

"Okay.. Make the aces three.." sagot ng binata at nanlaki ang mga mata ni Krissia.

"Guys !.. Anu bang ginagawa nyo?.." sigaw ni Krissia at kinalabit si Rhoi..

"Wala akong magagawa dyan Kris... The rules.. Bata pa lamang kami naimplement yan.. That's the mans word..Ewan ko kay Aldrin kung bakit bigla syang nagbago.." sagot ni Rhoi at maging sya ay tumitig kay Aldrin..

"You should understand.." mariing sabi ng binata...

"No pare.. Don't be like that.. We have equal share here.. So be fair for us.." sagot ni Rhoi..

Napatingin si Aldrin sa ginagawang kubo..

"No.. It's okay Aldrin.. " sabi ni Hannah pero nagpumilit si Aldrin..

"You know the rules pare.." sabi ni Darius at eksaktong dumating si Romeo..

Napatingin ang lahat kay Romeo na may kasamang chix..

"Oy Hannah.. Kilala mo daw to.. Eto yung sumampal sa akin eh.." sabi ni Romeo sabay turo sa kasamang babae..

Nagtawanan ang tatlo at napasugod ang bagong dating na babae kay Hannah..

"Sis.. Bakit ka tumatambay kasama ang mga to?.." bulong ni Cynthia kay Hannah..

"Ang aangas nila Sis.." sabi ng dalaga..

"Alam ko .. Lalo na yon oh.. !.. Akala mo kung sinong gwapo.. Biruin mo ayaw akong tingnan man lang?.. Panget ba ako?.." sabi ng dalaga at natawa si Hannah..

"Hayaan mo na lang.." sagot ng dalaga at tumitig sa apat na magkakaibigan.

"You must follow the rules pare.." giit ni Darius at nagsalubong ang kilay ni Romeo.

Why?.. tanong ng binata ..

Etong isang ito... Biruin mo ba namang isali sa pagdedesign si Hannah.. sabi ni Rhoi ..

Napayuko si Aldrin pero dagli ding tumitig kay Romeo..

Is that true?. tanong ni Romeo..

Yes.. And thats my decision.. sabi ni Aldrin ..

But you know the rules.. No one can interfere with us.. Ang desisyon ng isa ay desisyon ng lahat.. So bakit ka nagdedecide mag isa?.. tanong ni Romeo at napatungo si Aldrin..

Thats what we are trying to say.. Di sya nakikinig.. sabi ni Darius..

Im sorry.. Pero this time , pagbigyan nyo ako.. sabi ni Aldrin at tumitig kay Romeo..

No.. mariing sabi ng binata.

Nakaramdam ng galit si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Minsan lang syang humiling at minsan lang syang sumira sa patakaran ay di pa sya pagbibigyan..

Then I have no choice.. Im out.. sabi ni Aldrin at akmang tatalikod na..

You bastard... Napaka sensitive mo.. Come here.. sabi ni Romeo..

Sorry.. sabi ng binata...

Tangnang to.. Sobrang emo.. sabi ni Darius at binatukan si Aldrin..

So just the same... We cannot change the rules.. What are rules again ?.. tanong ni Romeo..

Rule No. 1..One for all, All for one..Walang iwanan ! sagot ni Darius.

Rule No. 2..And desisyon ng isa ay dapat desisyon ng lahat.. sabi ni Rhoi..

Rule No. 3.. No Stepping on others territory...Meaning, ang chix ng isa ay chix lang nya.. wika ni Aldirn..

Napailing na lang si Krissia..

That was the rules right?.. tanong ni Romeo kay Aldrin at napatango ang binata..

So di talaga pwede pre.. sabi ni Rhoi pero inawat sya ni Romeo..

After we made that rules, We agreed that if any circumstances... Kapag ang isa sa atin ay nalabag ang isa ng di sinasadya... We talk .. Right?.. paliwanag ni Romeo at nagtanguan ang tatlo..

Aldrin tama na.. bulong ni Hannah..

No.. We must talk about this.. Its about time to have the fourth rule.. ganting bulong ni Aldrin kay Hannah..

So are you saying na its about time?.. tanong ni Rhoi at tumango si Romeo..

And what is the fourth rule?.. tanong ni Darius at tinapon na ang burger na hawak nya..

Each of four aces will have the power to pass his authority to whoever he liked..But only to one person..Okay ba?.. suggestion ni Romeo at nag isip ang apat..

So, if ever na may ganitong decision making at absent ang isa.. Yung pinagpasahan nya ang magiging representative?.. tanong ni Rhoi ..

Definitely.. sagot ni Romeo..

What if di naging kaaya aya ang naging desisyon ng representative?.. tanong ni Darius..

Thats another story my friend.. KAsalanan mo na yan.. So better be cautious to whoever you gave your power.. seryosong sabi ni Romeo at napaisip ang tatlo.

Tinitigan ni Aldrin si Hannah..

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga dahil nahuhulaan nya na ang gagawin ng binata..

No. bulong nito..

Ayaw mo?.. tanong ni Aldrin..

Gusto pero masyadong mabigat.. Bakit ka nagtitiwala agad?.. tanong ng dalaga pero ngumiti lang ang binata..

Sabihin mo ng tanga ako... sagot ng binata..

So pare... Is this final?.. tanong ni Romeo.

Im in.. sagot ni Darius...

Ako rin.. And may representative na ako.. Si Krissia... sagot ng binata at napayakap sa kanya si Krissia..

I wont fail you.. sabi ng dalaga..

So Aldrin?.. tanong ni Romeo..

Sige.. At alam kong alam nyo na si Hannah na ang representative ko.. sagot ng binata..

Is it okay with you Hannah?.. tanong ni Romeo..

Sige go.. sagot ng dalaga at nagtawanan sila..

Your now member of our family.. sabi ni Rhoi..

Welcome sis.. sabi ni Krissia at niyakap si Hannah..

Thank you.. Di kayo mapapahiya..Sana.. biro ni Hannah at lalo silang nagtawanan..

So.. Plus One na tayo?.. tanong ni Darius..

Yeah.. sabay sabay na sagot nila..

Siniko si Hannah ng kaibigan nya..

Anu ba yang pinasok mo?.. tanong ng dalaga pero ngumiti lang si Hannah..

Trust me.. Mababait sila.. sagot ni Hannah pero umingos lang si Cynthia..

Yang Romeo mabait?.. Eh ang yabang yabang ng itsura.. sabi ng kaibigan nya at nag

walk out na..

So... Yung design na gustong idagdag ni Hannah, bukas na lang ha?.. Kasi layouting pa lang naman eh.. Bukas na siguro yung finishing touch.. sabi ni Rhoi at tumango ang dalaga..

Thank you so much guys.. So paano.. Uwi na ako ah.? sabi ng dalaga..

Ah ingat.. Maya maya na kami kasi susukatin pa namin yung lawak ng tubig na nakapalibot sa kubo eh.. sabi ni Darius at nanlaki ang mga mata ni Hannah..

We di nga?.. tanong ng dalaga..

Tumawa lang yung tatlong binata at humarap na sa mga gumagawa ng kubo...

Nagkatinginan si Aldrin at Hannah at maya maya ay nagngitian..

So tanga ka talaga.. sabi ng dalagang siga..

Yea maybe.. Tara na.. Hatid kita hanggang saan mo gusto.. alok ng binata at masaya silang umalis..

Bye guys.. Thanks talaga.. sabi ng binata at nagdirty finger lang sa kanya ang tatlo..

Tumatawa na umalis ang dalawa..

Lumingon si Romeo at Rhoi sa dalawang umalis..

Baket mo pinayagan?.. tanong ni Rhoi..

Eh bakit ka umoo?.. sumbat ni Romeo at nagtawanan sila..

Really , what are you playing this time?.. tanong ni Rhoi at napangiti si Romeo..

Sabihin na nating for good cause ng kapatid natin.. sagot ng binata..

But your playing Aldrins fate already.. Pakikialam na yan pre.. sabi ni Rhoi..

I know.. Siguro love ko lang talaga si Aldrin at gusto ko syang lumigaya na.. Remember nung bata pa tayo?.. Yung kwintas na sinulid?.. I believed na sa childhood friend nya yon.. And I think thats the reason kung bakit up to now ay wala pa syang girlfriend.. Its about time..Sorry kung nakikialam na ako.. Pero mahal ko lang talaga kayo.. sabi ng binata at binatukan sya ni Rhoi..

Sabi ko na dapat ikaw ang Ace of Hearts.., emo ka rin pala eh.. sabi ni Rhoi at nagtawanan sila..

Gago.. Ako pa rin ang Ace of Spades.. , because I have a black heart.. remember that.. sabi ni Romeo at nagtawanan lalo sila..

Gago ka.. Parang si Aldrin lang ang di pa nagkakagirlfriend.. Ako rin eh. sabi ni Rhoi..

Eh tanga ka kasi.. Andyan na ayaw mo pang tukain.. Ewan ko ba.. Ayaw ko na magsalita at another story na kayo.. sabi ng binata ..

Lalo lang silang nagtawanan at pinagmasdan na lang ang kaibigan nilang papalayo.. Chapter 6 Piece of Past

Napamulat ang dalaga ng unti unting naramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa pisngi nya..

Automatikong napangiti sya ng maalala ang naging panaginip.. Bamagan di malinaw ang mukha ng lalake.. Malinaw sa kanya na tinawag sya nito sa palayaw nyang matagal ng walang gumagamit..

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mukha ng dating kababata at ito mismo ang napanaginipan nya.. Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso nya ng marinig sa bibig nito ang dating palayaw..

"Potpot.." sambit ng dalaga at pilit na inaalala ang mukha ng kababata..

Napasimangot sya ng mag ingay ang alarm clock nya.. Inis na pinalo nya ito at iinot inot na bumangon...

Ayaw nyang sirain ang araw nya dahil naumpisahan na ito ng magandang panaginip..

Nakangiti syang nagpunta sa banyo at nagsimula ng mag ritwal..

Pagbaba ng dalaga ay agad syang nagtungo sa kusina.. This time ay di na sya pumayag na kakarampot lang ang aalmusalin..

Yaya.. Sawang sawa na ako sa papaya.. Please kanin naman po... sabi ng dalaga at walang sabi sabing nagsandok ng kanin..

Hannah !.. Andami nyan !.. Naku ang figure mo!.. sigaw ng yaya nya pero wala syang pakealam..

Yaya.. Wala akong pake sa figure ko.. Ayaw kong maging sexy pero butas ang sikmura.. Nevah !. sagot ng dalaga at sarap na sarap sa kanin at itlog..

"Hay bahala ka nga.." sumusukong sabi ng yaya nya..

"Saaaraaappp.. " hinimas himas pa ng dalaga ang tyan nya at pinalo sya ng yaya nya..

Anu ka bang bata ka.. Manners.. utos ng yaya pero hinalikan lang sya sa pisngi ng dalaga..

Bye bye yaya.. See yah later !.. paalam ng dalaga..

Umiling na lang ang yaya nya at nakangiting nagligpit na ng pinagkainan ng alaga..

Paglabas ng dalaga ay agad na tumayo ang driver nila.. Pero inawat sya ng dalaga..

Hep !..Jeep.. sabi ng dalaga at muling kumamot ng ulo ang driver..

Paglabas ng dalaga sa magarang subdivision ay agad syang nakasakay sa isang jeep.. Nakangiti pa sya at masaya talaga ang vibes nya sa araw na ito..

Manong para.. !.. Wooo.. PAra na oy.. ! sigaw ni Hannah at natatawa na ang mga pasahero sa loob..

Saglit lang naman iha.. Baka mahuli ako ng pulis oh.. sagot ng driver..

Wapakels manong.. SAbihin nyo na lang pangalan ko at siguradong huli pa rin kayo.. Salamat Nongma.. sagot ng dalaga sabay patalon na bumaba sa jeep..

Nakangiti pa rin syang pumasok sa eskwela at patalon talon pa..

Nasalubong nya ang kaibigang si Cynthia..

Grabe sis.. Nag jeep ka na naman?.. Anung ginagawa ng kotse nyo?.. tanong ng kaibigan pero inakbayan lang sya ng dalaga..

Mas masarap sumakay kapag marami kang kasabay.. Ikaw, kapag nakasakay ka ba sa kotse nyo may nakakausap ka?.. tanong ni Hannah..

Meron si manong.. sagot ni Cynthia..

O tapos?.. Anung pinaguusapan nyo?.. tanong ng dalaga ..

Wala syempre.. Kung anong oras lang ako susunduin.. sagot ng kaibigan nya..

See?.. Sa jeep pwede kayong mag kwentuhan.. Pwede mo ngang kotongan katabi mo eh.. Pero syempre magagalit yon.. biro ng dalaga..

Sira ka talaga.. HAla.. Ayun na naman yung magkakaibigan o.. Grabe ang aangas talaga.. sabi ng dalaga at napalingon si Hannah..

Kita nyang pumapasok ang apat na magkakaibigan kasama na ang nag iisang babae sa grupo.. Nakaramdam ng inggit si Hannah sa babaeng kasama ng apat dahil parang alagang alaga ito..

Ayun na naman yung feeling matalino o... Sarap putulin ng ilong eh.. nanggigil na sabi ni Cynthia..

Akala ko ba galit ka?.. Bakit parang crush mo pa ata yon?.. tanong ni Hannah at nanlaki ang mga mata ng kaibigan nya..

Hoy !.. Mandiri ka nga .. NApakayayabang ng apat na yan.. Ewan ko nga pero parang mayabang din yung babae eh.. puna ni Cynthia..

Nagsalubong ang kilay ng dalaga..

Di mo pa nga nakikilala eh.. Wag mo naman husgahan.. sabat ng dalaga at natawa ang kaibigan nya..

Wow.. Affected.. sabi ni Cynthia pero umiling lang ang dalaga..

NAg ring na ang bell..

Tara.. Kitakits sa mata sis.. sabi ni Hannah at hinawakan ang backpack nya..

Dirediretso sya sa unang klase nya sa third floor..

Toot toot.. aliw na aliw ang dalaga habang isa isang nag aalisan ang mga makakabangga nya..

Nasa second floor na sya ng biglang may mahagip ang mata nya.. Napangisi sya ng makita ang isang lalaking pasimpleng namboboso sa harap nito.. MAging sya ay kita na ang panloob ng babae kaya medyo nairita sya..

Toot toot.. sigaw ng dalaga sabay bangga sa lalaking bosero..

Napaluhod ito pero dagli ding tumayo .. Natulala silang pareho ng makilala ang isat isa..

NAg init ang mukha ng dalaga at dire diretso ng umakyat..

Pagpasok sa kwarto ay nakasabay nya pa ang magiging guro nila.. Naupo agad sya sa isang bakanteng silya..

Muli nyang naalala ang panaginip nya.. Agad na lumawak ang ngiti ng dalaga..

Ay oo nga pala.. Yung kwintas .. sabi ng dalaga sa sarili at hinalungkat ang bag..

Lagi nyang dala ang kwintas na bigay ni Potpot.. Ingat na ingat sya dito at halos ayaw nyang

makita ng iba... Kailangan nya lang mahawakan ito upang swertihin sya sa araw na ito..

Nasan na ba yon.. kinakabahang sabi ng dalaga sa sarili dahil di nya makita ang kahon na lalagyan ng kwintas..

Ah miss.. boses ng guro..

Abala pa rin sa pagkalkal ang dalaga...

Tumikhim ang guro at napaangat ang mukha ng dalaga.. Kita nya na sa kanya nakatingin ang lahat ng estudyante sa kwarto maging ang guro..

Yes?.. tanong ng dalaga..

Nagbungisngisan ang buong kwarto..Ngumisi lang ang dalaga.. Kung medyo badtrip sya ay pihadong magwawala na sya.. Pero masaya para sa kanya ang araw na ito..

May we know your name?.. tanong ng guro..

Tumayo si Hannah at tiningnan ang buong klase.. Huminga sya ng malalim at seryosong sumagot..

Ako si Darna.. seryosong sabi ng dalaga..

Saglit na tila nawalan ng boses ang mga tao sa paligid.. Pero maya maya ay sumabog na ito sa katatawa..

Nice joke miss.. sabi ng guro..

My Name is Hannah Montefalco.. sagot ng dalaga..

"Nice name..Suits for you... Okay guys.. write your name on a one-fourth piece of paper..Together with your birthdate and address.. Oh.. And don't forget your contact number and email if you have one.." sabi nung guro at nagsimula ng magsulat ang mga estudyante..

Napakalkal ulit ang dalaga at naghanap ng one-fourth na papel.. Pero naalala nyang binawasan nga pala nya ang mga gamit nya.. Kumpleto sya sa lahat ng uri ng papel pero dahil sa dami nito ay di kakasya sa maliit na backpack nya.. Nakita nya ang katabing lalaki na may one whole sheet pad..

Kinalabit nya ito at nginitian..

Penge.. sabi ng dalaga..

Di na naghintay ng pagsang ayon ng may ari at agad ng pumilas ng isa.. Tinupi nya ito sa dalawa ..Dinilaan at hinati.. Muli nyang tinupi ang kalahati at nilawayan.. Hinati ulit at siniksik ang natirang papel sa backpack..Baka kailanganin nya pa..

Abalang nagsulat ang dalaga..

Ng matapos ang ginagawa ay inabot nya ito sa katabing lalaking kinuhanan nya ng papel..

Psst.. Abot mo naman oh.. Salamat.. utos ng dalaga..

Napailing na lang ang katabing lalake..

Napagawi ang tingin nya sa isang kaklaseng babae na abala sa pag mamakeup..

Psst.. May nailcutter ka?.. tanong ng dalaga..

Yea .. Pero maliit lang ... Eto oh.. sabi ng babae at inabot ang nailcutter sa dalaga..

Hinubad ni Hannah ang sneakers at tinaas ang paa.. Kahit na nandun pa ang guro ay nag gupit sya ng kuko.. Ayaw na ayaw nyang humahaba ito dahil nadudumihan syang tingnan..

Maputi ang talampakan ni Hannah .. Kung tutuusin ay pwedeng pwede syang lumaban ng kahit anong beauty pageant pero lagi nya itong tinatakasan..

Shet !.. Ang purol nitong nailcutter.. sigaw ni Hannah sabay tapon sa bintana ng hawak..

Oy.. Akin yon eh.. sabat ng kaklase nyang babae..

Dadalhan kita ng bago bukas.. Kahit ata papel di nun mapuputol eh.. .. sagot ng dalaga at nag ayos na..

Sinilid nya na ang mga gamit at bumira ng layas..

Toot toot.. sigaw ng dalaga habang bumababa ng hagdan..

Nakaramdam na naman sya ng kalam ng sikmura kaya nagpasya syang dumiretso sa canteen.. Kakain lang sya ng burger...

Pagdating sa canteen ay napahinto ang dalaga.. Agad nyang napansin ang magkakaibigan.. Pero kulang ng isa..

Wala si My hero ah.. sabi ng dalaga sa sarili..

Saglit lang napaisip..

Siguro anytime dadating yon.. Mukha namang mababait.. sabi ng dalaga sabay lapit sa magkakaibigan..

Natulala ang mga ito ng lumapit ang dalaga..

Hi.. Pwdeng maki join?.. tanong ng dalaga..

Napanganga si Rhoi pero siniko lang sya ng katabing babae..

Sure.. sagot ng isang kumakain ng manok..

Ilang saglit lang syang nakatulala sa magkakaibigan.. Pawang magagandang lalake.. Pero di ito ang pakay nya..

Hi! Hi !.. bati ng boses sa likod..

Hi !Hi !. sagot ng chubby na lalake..

Napalingon si Hannah sa pinanggalingan ng boses at nanigas sya bigla..

Shet eto na sya.. Mas pogi sa malapitan.. bulong ng dalaga..

Mukhang may bagong recruit ah.. sabi ni Aldrin sabay abot ng kamay..

Saglit na natigilan ang dalaga.. Parang may kung anong kumikiliti sa kanya habang pinagmamasdan ang kamay ng binata ..

Kinakamayan ka oh.. sabi ng binatang kumakain ng manok..

NApilitan ang dalaga na abutin ang kamay ng binata..Halos mapapikit pa sya ng magdampi ang mga palad nila..

Hannah. pakilala ng dalaga..

Aldrin.. sagot naman ng binata.

PArang nablangko ang utak ni Hannah.. Di nya maaring kalimutan ang pangalan na iyon.. Tanging sa panaginip na lamang nya naririnig ang nasabing pangalan.. Ni mabanggit ito ay ayaw na ayaw nya dahil masyadong sagrado para sa kanya..

Di kaya ito na ang matagal nya ng hinahanap?.. Unti unting parang may bubuong basag na nakaraan ang dalaga.. Parang salamin na pinagdikit dikit ang pakiramdam nya..

Nais nyang lumuha pero batid nyang magmumukha lang syang tanga.. Isa pa ay wala syang ebidensya na ito nga ang matagal nya ng hinahanap..

Narinig nyang tumikhim ang binatang chubby kaya taranta silang nagbawi ng mga kamay..

Umalis si Aldrin at tulala pa rin si Hannah..

Maya maya ay tumabi na ito sa kanya dala ang madaming pagkain..

Eto o.. alok ng binata..

Thanks..

Tangna.. Pangit ng lasa nito oh.. sabi ni DArius ..

Gago !.. Sayo ba yan?.. Tabatsoy !. sigaw ni Aldrin at nag asaran na sila..

Tahimik lang na kumakain si Hannah.. Ramdam nya ang pagkabalisa ..

Sana sya na.. Pleasee.. impit na ungol ni Hannah sa sarili..

Sa tuwa ni Hannah ay dire diretso nyang binanatan ang bigay na burger ni Aldrin.. Di nya napansin na punong puno na ang bibig nya .. Dali dali nya itong nginuya at nilunok.. Uminom sya ng dala ng binata na coke pero bigla syang dumighay..

Saglit na natulala ang magkakaibigan.. Nais mapahiya ng dalaga pero nagbiro na lang..

Grabe.. Busog much.. Thanks Pot- ,.. Aldrin pala.. muntik ng madulas si Hannah..

Mali ang ginawa nya.. Baka magkamali lang sya.. Pero di nya ito sinadya..

Anung tinawag mo saken?.. tanong ni Aldrin..

Aldrin.. sagot ng dalaga..

No. Starts with letter P.. sagot ng binata..

Kinabahan bigla si Hannah..

No Aldrin... Baka madumi lang ang tenga mo.. sabi na lang nya sabay tawa..

Nakahinga ng maluwag ang dalaga ng sumabay sa tawa nya ang mga kaibigan ng binata..Nakalusot sya..

So paano .. Tara na .. See yah ulit sa lunch.. yaya nung isang binata at hinatak nito yung babae..

Baka magsyota..Sana.. Para solo ko na si Potpot.. wika ni Hannah sa sarili sabay ngisi..

Oy.. KAyong dalawa.. Simula pa lang ng klase.. Wag muna kayong mag dadate.. sabi nung gwapong kumakain ng manok..

Pakiramdam ng dalaga ay umakyat sa ulo nya ang mga dugo nya at pulang pula na ang mukha nya..

Praning.. sagot ni Aldrin..

Natawa bigla sila ng magkaholding hands na lumbas yung dalawang kaibigan nya..

So..Tara na?.. aya ng binata kay Hannah at tumayo na..

Tara na Pot-,.. Aldrin.. nadulas na naman sya..

Ano.?.. Meron talaga eh.. sabi ng binata..

Ngumiti ng maangas ang dalaga ..Muntik na naman sya..

TAra na men.. sagot ng dalaga..

Napailing na lang ang binata.

Nagulat ang dalaga dahil kaklase pala nya sa next subject ang binata.. Pero mas natuwa sya ng di sila nagkahiwalay ng klase.. Nakapagtataka pero tuwang tuwa sya..

Dismissal..

So.. Tara .. Sabay na tayo.. aya ng binata kay Hannah..

Nangiti ng lihim ang dalaga.. Kinilig sya bigla..

Baket?.. Hahatid mo ko?.. sita ng dalaga.. Napangiti sya ng makita ang pamumula ng pisngi ni Aldrin..

Wag mo naman ako pangunahan.. sabi ng binata sabay kamot sa ulo..

NAinis naman ang dalaga..

Torpe.. bulong nya sa sarili..

Tara sabay tayo ng dalaga at lumabas ng kwarto..

Nakita nyang nag tetext ng kung sino ang binata.. NAinis naman ang dalaga..

Tara dun tayo.. aya ng binata sa kanya..

TAhimik lang syang sumunod.. Gusto nyang pintahan ang katext nito.. mata nya ng makita ang tila kubong tinatayo sa gitna ng oval..

Pero nanlaki ang mga

Sinimulan na pala ito.. bungad ni Aldrin sa mga kaibigan nito..

Nag usap usap ang mga mag kakaibigan.. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga..

Grabe.. Ang ganda.. puna nya kahit di pa tapos ang ginagawang kubo..

2-3 Days pa daw bago matapos.. sabi nung isang may katabing babae..

Lalong namangha at naglaway si Hannah.. Ambilis naman ata matapos?..

Grabe..Pinayagan kayong magpatayo ng ganito sa school?.. hangang hanga si Hannah..

Yea.. Some sort of connections.. sabi nung chubby na abala sa hawak na burger..

Cool.. maiksing sabi nya pero talagang bilib na bilib sya..

Tara na.. Bukas na lang nating tingnan.. Bukas pa siguro matatapos yan. Ano po manong..?.. tanong ni Aldrin sa tumatayong foreman..

Ah opo boss.. sagot ng matanda..

Aldrin na lang po.. sagot ng binata..

Muling nakaramdam ng kakaiba si Hannah.. Mabait din si Potpot.. Sya na nga ata..Lalong kinilig ang dalaga..

Bumaling sa kanya ang binata at ngumiti..

Ikaw ?.. Wala ka bang gustong ipadagdag?. tanong ng binata sa kanya..

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan..

The rules pare.. sabi nung isa ..

Nagkasagutan ang mag kakaibigan.. Kinabahan na si Hannah dahil baka humantong sa pag aaway ang sagutan nila..

Kinalabit nya si Aldrin..

No its okay Aldrin kabadong sabi ni Hannah..

No.. mariing sabi nito..

Tumahimik na lang ang dalaga.. Eksaktong dumating na yung isa pang kaibigan nila.. Napangiti sya ng makita ang kaibigan na si Cynthia na kasama ng isang alas..Nakasimangot ang kaibigan nya..

Oy Hannah.. Kilala mo daw to?.. Eto yung sumampal sa akin eh.. sabi ni Romeo..

Napabungisngis si Hannah ng maalala ang nangyari sa kaibigan nya..

Sinugod sya ni Cynthia at agad na niyakap sa braso..

Sis.. Bakit ka tumatambay kasama ang mga ito?.. tanong ni Cynthia..

Ngumiti lang si Hannah.. Ang mga mata nya ay na kay Aldrin..

Ang aangas nila Sis.. puna ni Hannah..

Alam ko.. Lalo na yon.. Akala mo kung sinong gwapo.. Ni ayaw akong tingnan?.. Panget ba ako?.. nakasimangot na sabi ng dalaga at natawa lang ang kaibigan nya..

Hayaan mo na lang.. sabi ng dalaga ..

Muli nyang narinig na nagtatalo na ang magkakaibigan..

Nag aaway sila o.. bulong ni Cynthia...

Ssh.. Makinig lang tayo.. sagot ni Hannah..

Tumitig si Hannah kay Romeo .. Tila nag iisip ito..Maya maya ngumiti ito ng parang demonyo..

I think its about time.. sabi ni Romeo..

Nagkatinginan ang apat na alas..

We must have the fourth rule.. suhestyon ni Romeo at napaisip ang tatlo pa..

Okay.. Representative ko si Krissia.. sabi ni Rhoi at yumakap sa kanya yung babae..

Ngumiti si Aldrin at tumitig kay Hannah.. PArang sinilihan bigla ang pang upo ni Hannah sa ngiti na yon ng binata..

Alam kong alam nyo na kung sino ang representative ko.. Si Hannah.. walang gatol na sabi ng binata..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah at nagkanda iling..

No.. sagot ng dalaga..

Ayaw mo?.. tanong ng binata..

NApaisip si Hannah.. Eto na ang paraan nya para mapalapit sa binata .. Kailangan nyang malaman ang katotohanan..

Gusto pero masyadong mabigat..Bakit ka nagtitiwala agad?. tanong ng dalaga pero ngumiti lang ang binata sa kanya..

Sabihin mo ng tanga ako.. sagot ng binata..

Natawa ng lihim ang dalaga..Kinurot sya ng kaibigan nya..

So pare..Is this final?.. tanong ni Romeo..

Im in. sagot ni Darius..

Is it okay with you Hannah?.. tanong ni Romeo at tumango ang dalaga.. Tumitig sya kay Aldrin..

Sige go.. sagot nya at nagtawanan ang magkakaibigan..

You are now member of our family.. bati ni Rhoi...

Lumapit sa kanya ang babaeng kasama nito..

Welcome sis.. sabi nung babae at niyakap sya..

Parang gustong tumulo ng luha ni Hannah sa pagtanggap ng mga ito sa kanya..

So plus one na tayo?.. tanong ni Darius at tumango ang lahat..

Naramdaman nyang siniko sya ni Cynthia..

Anu ba yang pinasok mo?.. tanong ng kaibigan nya..

Trust me.. Mababait sila. sabi ng dalaga..

Yang Romeo mabait?.. Eh ang yayabang ng itsura nila oh.. Pati siguro yung babae mayabang din.. sabi ng kaibigan nya at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng inis si Hannah sa matagal nya ng kaibigan na si Cynthia..

Maarte talaga ang kaibigan nya na ito.. Pero wala syang magawa dahil kliyente ng magulang nya ang magulang ng kaibigan..

Biglang nag walk out ang kaibigan nya..Napailing na lang si Hannah..

So yung design na gustong ipadagdag ni Hannah eh bukas na..Kasi lay out pa lang naman eh.. sabi ni Rhoi at ngumiti sa dalaga..

Thank you so much guys.. Uwi na ako ha?.. paalam ng dalaga dahil parang sasabog na sya sa tuwa..

PAkiramdam nya malapit na malapit na lang si POtpot..

Nagkatinginan si Aldrin at Hannah..

So tanga ka talaga.. pang aasar ni Hannah sa binata..

Yea.. Maybe.. Tara na..Hatid kita hanggang saan mo gusto.. alok ng binata..

Nais ng magtatalon ni Hannah pero di nya magawa..

Bye guys , thanks talaga.. paalam ni Aldrin sabay lakad ..

Nagbubungguan ang mga kamay nila.. Masayang masaya si Hannah.. Gustong gusto nya ng makauwi para maikwento na sa yaya nya at maging sa kanyang ina..

Dito na lang muna..Salamat.. Di ka mag sisisi.. sabi ng dalaga..

Sure kang sasakay ka ng jeep?.. tanong ng binata..

Baket?.Wag mong sabihing maarte ka?.. puna ng dalaga at napangiti na lang ang binata...

Di naman.. Akala ko nga ikaw ang maarte.. Pero ayos ka pala talaga..Ingat ha?.. sabi ng binata..

"Di noh.. Salamat talaga.. Pero tanong ko lang.. Saan ang province nyo?.." tanong ng dalaga at ngumiti ang binata..

Sinabi nito ang probinsya ng mga magulang at napangiti ng maluwang si Hannah..

Tama ang hinala nya.. Konting ebidensya pa..

Biglang kinurot ni Aldrin sa pisngi si Hannah..

"Sakay na oy.." sabi ng binata..

Tulalang sumakay ng jeep ang dalaga. .. Halos malimutan nya ng magbayad..

Parang zombie pa rin syang bumaba at naglakad sa subdivision nila..

Pagdating sa pintuan ay bigla syang sumigaw..

Potpot !!!.. malakas na sigaw ni Hannah sabay tawa na parang demonyo..

Umakyat sya sa kwarto at tumalon sa kama..Pagulong gulong ang dalaga na yakap yakap ang unan..

Biglang nag ring ang cellphone nya at agad nya itong sinagot..

Nay !!!.. sigaw ng dalaga sa ina..

Oh anak?.. Baket?.. tarantang sagot ni Elena sa anak..

Nakita ko na sya Nay !!..BWAHAHAHAHA.. sagot ng dalaga at natawa ang nanay nya..

Sino?.. Teka saglit lang anak.. Choppy na... Hello.. Mamaya na nga lang.. Mag kwento ka ha!..I love you anak.. sabi ng nanay nya .. Paputol putol na nga ang linya nito...

"Love you too Nay.." sabi ng dalaga..

Nakangiti nyang binaba ang cellphone sa lamesa at nagpagulong gulong na naman..

Naalala nya ang kwintas na hinahanap nya at dali daling tumayo at tumakbo sa close nya.. Kinapa nya ang ginamit na pantalon kahapon at napahinga ng maluwag ng makapa ang pamilyar na bagay..

Tumalon muli sya sa kama at pinanggigilan ang pinakamalaki nyang unan..

"Sa wakas Potpot.. Di ka na makakatakas.." bulong ng dalaga at muling tumili.. Chapter 7 Family

Miyerkules ng umaga.. Excited na pumasok si Aldrin sa eskwelahan..

Pagbaba nya ng kusina ay naaubtan nya pa ang ginagawang paghahanda ng nanay nya..

"Morning Mom.." bati ng binata sa Ina..

"Oy ang aga mo naman ata?... Sineryoso mo yung pagtawag ko sayo ng early bird ah.." tukso ni Alona sa anak..

Napakamot na lang ang binata at lumapit sa ina..

"Anung pwedeng gawin?.. " alok ng binata sa ina..

"Hay nako.. Dyan ka nalang .. Magkape ka muna.. " sagot ng ina..

Pinagtimpla sya ng Nanay nya ng kape.. Tahimik lang ang binata na pangiti ngiti..

"Aba aba... Smells fishy ah.. " puna ng nanay ..

"Why?.." tanong ni Aldrin sa ina..

"Mukhang masaya ang binata ko ah.." sabi ni Alona..

"Of course im happy.. I have a perfect family... I have a beautiful mom..What else would I wish ?.." nakangiting sabi ng binata..

"Si Lelay.." maiksing sagot ng ina at nagbago bigla ang expression ng mukha ng anak..

"Mom naman eh.. " reklamo ni Aldrin at natawa ang nanay nya..

"Why anak?.. Akala ko ba hahanapin mo sya?.." nakangiting sabi ni Alona ..

Sumimsim ng kape ang binata at tinitigan ang ina..

"Honestly mom... Di ko alam kung ano na ang dapat kong maramdaman..I feel tired finding her.." malungkot na pahayag ni Aldrin...

Nagulat naman ang nanay nya..

"I thought she's your one and only love?.. So bakit ka ganyan?.. Don't tell me suko ka na?..Anu na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo sayo?.." pang aasar pa ni Alona..

"Honeslty mom I don't care what they think of me... Ginagawa ko ang gusto ko.. " sabi ni Aldrin..

"Hmm.. So sumusuko ka na nga na hanapin si Lelay?.. " tanong ni Alona at tumabi sa anak..

"I don't know mom.. Parang nakakapagod na... Well, siguro nagsawa na ako.. Parang ako lang kasi yung nag pupursue eh... What if di na pala nya ako naaalala?.." malungkot na sabi ni Aldrin.

"Hmm... Kahit na anak... I think you should find her muna.. At least kung sakaling may iba na sya... Then alam mo, wala ng what ifs di ba?.. " pangaral ng ina..

"You think so?.." tanong ni Aldrin..

"Ang sa aken lang naman eh, mas maganda na wala kang katanungan sa isip mo.. Well, di ko naman sinasabi na magseryoso ka na at mag asawa na agad... Pero I'm your mom.. I know you by heart.. Alam kong your longing for her.. " pahayag ng ina..

Napangiti ng malungkot ang binata at hinalikan sa pisngi ang mommy nya..

"Thanks mom.. Well, at least medyo gumaan ang feelings ko.. The best ka talaga.. Love you po.." pahayag ng binata at ngumiti naman ang ina..

"Syempre.. And I love you too... Teka nga.. Bakit ka ba ganyan magsalita?.. Don't tell me kaya mo isusuko ang paghahanap kay Lelay ay may nakita ka ng pamalit sa kanya.?.." tukso ni Alona sa anak..

NAmula si Aldrin at agad na tumayo..

"Mom gisingin ko na si Romeo..Sure na naglalaway pa yon eh.." biglang sabi ni Aldrin at hinalikan muli ang pisngi ng ina..

Napaisip naman si ALona at ngumisi..

Sa School..

Tahimik lang si Aldrin na nakikinig sa guro.. This time ay talagang pumasok na sya sa totoong classroom nya.. Nasa second third floor sya at may isang kwartong nakapagitan sa kanila ni Hannah..

Tahimik na tumingin ang binata sa labas ng binata.. Kita nya halos ang one fourth ng unibersidad... Maraming nag gagandang babae ang nagdaan na sa buhay nya pero loyal sya kay Lelay...

Pero iba si Hannah.

Unang kita pa lang nya sa dalaga ay parang nasaniban na agad sya.. Ang mga ngisi nito na di sinasadyang nakakapagpangisi din sa kanya.... For the first time, ng makita nya si Hannah ay biglang parang nawala sa sistema nya si Lelay..

Parang nawala ang pagiisip nya sa kababata na di maitatangging naging bahagi ng buhay nya ...

Kamusta na kaya si Lelay?..

Naiisip pa kaya sya nito?..

Nasa ganitong kalagayan ng pag iisip si Aldrin ng makarinig sya ng bungisngisan...

"Mister Villarama.. Are you with us?.." tanong ng lalaking guro..

Ngumisi si Aldrin at marahang tumango..

Nagpatuloy na ang klase at tumutok na si Aldrin dito.. Pero nananatiling lumilipad ang kanyang isipan..

Dismissal..

Ang pagtunong ng bell ang nakapagpabalik sa kamalayan ni Aldrin... Napabuntong hininga na naman sya at nagsimula ng iligpit ang mga gamit... Sinulyapan nya ang relo at muling nag buntong hininga..

Isang maghapon na naman ang dumaan...

Pinaubos nya muna ang mga tao at tahimik na lumabas..

Pagdaan nya sa classroom nila Hannah ay nakita nya itong may mga kausap .. Kita nya rin ang kaibigan nito na si Cynthia..Pumasok sya sa silid at nilapitan ang dalaga.

"Tara lets?.." aya ni Aldrin kay Hannah..

Nagulat ang dalaga at napatingin sa mga nakapalibot dito..

"Tara..." sabi ng dalaga pero inawat sya ng kaibigan nya..

Hep Hep.. Nangako ka sis.. Sabi mo sasama ka to celebrate Jims Birthday... WAg mong sabihing talkshit ka?.. pang aasar ni Cynthia..

"Wapakels.. Mas importante sya..." sabi ng dalaga.

Ngumiti naman si Aldrin..

"No , I'ts okay Hannah.. Sama ka na muna sa kanila.. Bukas na lang .. See yah.." paalam ng binata..

"Hinde.. Ayaw ko na sumama.. Pumayag lang naman ako kasi akala ko absent ka.. Di pala dito ang room mo..Uwi na tayo..." lumapit ang dalaga kay Aldrin..

"Aysus.. Naging talkshit na talaga... Drawing.." pang aalaska ni Cynthia..

"Ganito na lang ... Sama ka sa kanila tapos sunduin kita.. Ok ba?.. At least nagpunta ka pa rin.." bulong ni Aldrin kay Hannah..

Napasimangot ang dalaga at tiningnan ang kaibigang si Cynthia..

"Saan ba kase?.." asar na tanong nya..

"Dyan lang sa Padis..." sagot ni Cynthia..

Tumingin ang dalaga kay Aldrin at tila nag papaalam..

"Okay ... Sunduin kita after hmm... 3 hours?.." tanong ng binata pero umangal si Cynthia..

"Anu yun kids party?...Helloooo.. 4 PM pa lang po.." asar na sabi ni Cynthia..

Naasar na si Hannah pero inawat lang sya ni Aldrin..

"Text me.." bulong ng binata..

Nanayo ang balahibo ni Hannah sa pagdampi ng mga kamay ni Aldrin sa braso nya..

"S-sige....N-number mo?.." tarantang tanong ng dalaga..

Sinabi naman ni Aldrin ang numero nya..Agad itong sinave ng dalaga at halos impit na mapatili..

Tinitigan ni Aldrin ang tatlong kasamang lalaki ni Cynthia..

"Kayo.. KApag may nangyaring masama dito...." banta ni ALdrin..

"Baket anung gagawin mo?.." maangas na tanong ni Cynthia..

"Kukurutin ko kayo.." seryosong pahayag ng binata..

Di malaman nung mga lalaki kung matatawa sila.. Napailing na lang sila at tumawa..

"Baliw.. " sabi ni Cynthia..

"So pano.. Text kita ha?.." malambing na sabi ni Hannah..

Tumango lang si Aldrin at nagpauna ng lumabas.. Hati ang puso nya .. Ayaw nyang payagan si

Hannah pero batid nyang wala syang karapatan..

Nagpunta na lang sya sa Ace's Den at nakita nyang may hukay na sa paligid at nakatiles pa...

Nadatnan nya si Rhoi at Romeo na nagmamando..

"Manong yung wala pong leak ah?.." sabi ni Rhoi..

Lumapit si ALdrin at inakbayan ang dalawang kaibigan nya..

"Oy.. Bakit ka malungkot?.." tanong ni Romeo..

NAtawa ng bahagya ang binata..

"TAlas talaga ng pang amoy nito.. Wala lang.. Parang nakakatamad na araw lang.." sagot ng binata ..

"Gago.. Nasan si siga?.." tanong ni Rhoi..

"Ayun.. May pinuntahang birthday party daw ata.. Ewan.. Puro mukang goons yung mga kasama.." asar na sabi ni Aldrin..

"Eh bakit mo pinayagan?.." tanong naman ni Rhoi...

"As if may karapatan ako.." sabi ni Aldrin..

"Tangek.. The momment na tinanggap nya na ang inalok mong authority about dito.. She aldready belongs to the family.. So we have the right to stop her.. Or I should say YOU have the right to stop her.." paliwanag ni Romeo..

Yaan mo na pre.. Di pa kasama sa atin ng pumayag sya sa imbitasyon na yon.. maasim na sabi ni Aldrin..

BAhala ka.. SAna sumama ka.. sabi ni Rhoi..

Eh di naman ako invited.. Kakahiya.. sabi ni Aldrin..

Ulol.. AS if may hiya ka.. Ay gago oh.. Ayon pala yung baboy oh.. sigaw ni Romeo sabay turo sa di kalayuan..

Kitang kita nila ang kaibigan nila na nakaupo sa likod ng puno at pasimpleng kumakain...Napapailing na lang sila..

TAdo talaga.. Ngapala.. May nag text kay Kris pare... Guess who?.. imporma ni Rhoi at napatingin ang mga kaibigan nya...

Who?.. sabay na tanong ni Aldrin at Romeo..

Si Dannica.. nakangiting sabi nito at nanlaki ang mga mata nung dalawa..

"We.?..Oh ano daw sabi?.. " tanong ni Aldrin..

"Well, ayaw sabihin ni Kris eh.. Pero I think she's coming this november.. Yun ang pagkakabasa ko sa text .. Kasi you know.. Minsan ako may hawak ng Cp ni Kris.." sabi ni Rhoi..

"Yeah.. Para nga kayong mag asawa na eh.." pang aasar ni Romeo at biglang may bumatok sa kanya..

Sasapakin na sana ng binata kung sino man ang gumawa nuon pero bigla itong napangiti..

"Baket?.." maangas na tanong ni Kris sa likod ni Romeo..

Wala.. nakangiting sabi ni Romeo..

Oh loko.. pang aasar ni Rhoi pero maging sya ay binatukan ni Krissia..

Baket?.. tanong ng binata..

Bakit mo sinabi?.. Eh di malalaman ni Taba?.. nakasimangot na sabi ni Kris..

Ay secret ba?.. sabi ni Aldrin..

Oo sana.. Pero itong madaldal na ito.. Pinagkalat na.. Hay nako.. sabi ni Krissia at lumapit sa mga gumagawa ng kubo..

Secret pala... Okay lang ..Ganda nga yon para makita natin pagkagulat ni Darius eh.. Hihihi.. tumatawang sabi ni Rhoi..

Yeah baby.. Flower and Bee.. dagdag ni Romeo..

Ilang saglit lang ay nakatanggap ng text si Aldrin..

Hi.. Hannah to.. San ka?.. tanong ng texter..

Automatikong napangiti ang binata at pasimpleng nag reply..

Dito sa kubo.. Kaw.?.. tanong ng binata..

Sa car.. Maya na lang.. paalam ng dalaga..

Okay.. nanghinayang naman ang binata..

Agad tinago ni Aldrin ang cellphone dahil delikadong makita ito ni Romeo at Rhoi.. Asar talo na naman sya ..

Lumipas ang dalawang oras at di na mapakali ang binata.. Nag aya na syang umuwi sa mga kaibigan nya at pumayag naman ito..

Pagdating sa bahay ay diretso agad sya sa kwarto nya at tinitigan ang cellphone nya..

Pabalik balik lang sya sa kwarto habang pasulyap sulyap sa cellphone sa kama..

Mag text ka na kasi.. Susunduin na ba kita?.. bulong ni Aldrin sa sarili..

Halos mabaliw na sya sa pag aalala..

Bigla nyang dinamba ang cellphone nya ng tumunog ito..Pero napamura sya bigla..

Tangna.. Gago ka Globe.. asar na sabi ng binata..

Muli syang nagpabalik balik..

Gustong gusto nya ng sumunod..

Ah bahala na.. sabi ng binata at agad na naligo..

Ilang minuto lang ay bihis na sya at tumakbo sa front door..

Oy.. Gabi na ah.. San ka pa?.. tanong ng TAtay nya..

Saglit lang Dad.. Sunduin ko lang friend ko.. sabi ng binata at napatango naman ang tatay nya..

Gamitin mo na yung bike.. sabi ni Nestor sa anak..

"Wag !.. Mag taxi ka na lang !.. Delikado yan eh.." sabi ni ALona at pinalo sa braso ang asawa..

"Labs mas astig yung motor bike.. Mas cool yon eh.." sabi ni NEstor pero pinandilatan sya ng asawa..

"Tama ang Mommy mo anak.. Mas safe pag nag taxi ka na... Go.." sabi na lang ng Tatay at natawa ang anak..

Dire diretsong tumakbo si Aldrin palabas ng subdivision...Sa kamamadali nya ay nakalimutan nya ng magpasama sa mga kaibigan nya...

Agad syang nakapara ng taxi at nag pahatid sa nasabing bar ni Hannah..

Halos makain na ni Aldrin ang lahat ng kuko nya sa inip ...

"Matagal pa ba Manong?.." tanong ni Aldrin..

"Ayun na iho.. Saglit lang at mag papark ako.." sabi ng driver pero inabutan na sya ng pera ng binata..

"Keep the change manong.... Pahinga na po kayo.." sabi ng binata sabay labas ng taxi...

Nanlaki ang mga mata ng driver sa dalawang libong inabot ng binata..

Dire diretso si Aldrin na pumasok sa bar.. Hinarang sya ng bouncer pero tinitigan lang sya ng binata sa mata sabay nagsuksok sa bulsa ng isang libo..Ngumiti ang bouncer at tinapik ang balikat ni Aldrin..

Medyo madilim sa loob.. Pilit nyang inaaninag ang pigura ni Hannah.. PEro malas nya dahil kahit konti lang ang tao ay madilim ang ibang parte ng bar..

Nagpasya si Aldrin na maupo sa bar counter at pasimpleng pinasadahan ang buong bar..

"Order sir?.." tanong ng bar tender..

"May mountain dew kayo?.." tanong ng binata..

Napanganga ang bartender at natawa..

"Wala sir.." sabi nito..

"Coke?.." tanong ni Aldrin..

"Meron po...Haluan ko po ng wine?.." tanong ng bartender..

"Wag.. Bawal pa.." sabi ni Aldrin at ngumiti ang bartender..

Inabutan sya ng isang baso ng Coke.. Hinigop naman ito ng binata at muling pinasadahan ang bar..

Sa kalilingon nya ay may nahagip ang mga mata nya..

"Si Cynthia !.." sigaw ni Aldrin ..

Pasayaw sayaw na si Cynthia at halos mabosohan nya ito sa napakaiksing suot.. Kinabahan ang binata at pilit na inaninag ang mga nakaupong kasama ni Cynthia..

Dumako ang mga mata nya sa isang babaeng nakalugmok sa sofa...

"Fuck !.." mura ni Aldrin ng mamukhaan si Hannah..

Nakahimlay lang ito sa sofa at halatang hilo na..

Di na nagisip si Aldrin at nilapitan ang dalaga..

Napangisi si Cynthia ng mamukhaan ang binata..

"So so so,, heto na ang isang Alas daw !.. Hoy mister yabang.. anung ginagawa mo dito?..Hik !.." lasing na si Cynthia..

Di pinansin ni Aldrin ang dalaga .. Akmang lalapitan nya si Hannah pero may tumapik sa kamay nya... PAglingon ng binata ay may nakatayong matangkad na lalaki sa tabi nya..

"Ayus pre ah.. Wag kang basta basta sisingit ah.. Baka manghiram ka ng mukha sa aso.. Amin ang babaing ito.." sabi nung matangkad na lalake ..

NApangisi si Aldrin at muling nilapitan si Hannah..

Biglang tinulak nung isa pang lalaki si Aldrin pero nanatili lang syang nakangisi..

"Ang tapang mo boy ah.. Cynthia sino ba to?.." asar na tanong nung isang lalake....

"Schoolmate yan.. Mayayabang mga yan eh.. " sabi ni Cynthia at kumandong sa katabing lalake...

Palihim na nagbilang si Aldrin..

Isa.. Dalawa... Tsk tsk.. Pito..

Kung tatlo lang sana ay kaya nya pa... Pero pito ang lalaking maari nyang makasagupa....

Muli nyang pinagmasdan ang natutulog na dalaga at tila nakaramdam sya ng pag ahon ng galit sa kaibigan nito..

"Cynthia.. Anung sinabi ko kanina?.." sabi ni Aldrin..

"Wala akong pake.. " sabi lang ng dalaga..

"Bakit mo pinapahamak si Hannah?..Kaibihan mo talaga sya?.." tanong ni Aldrin kay Cynthia..

Napaingos lang ang babae ..

"Hoy boy.. Dun ka nga.. Baka maasar pa kami sayo mabangasan pa yang mukha mo.." sita nung isang nakaupo katabi ni Hannah..

Lalong nagpuyos ang loob ni Aldrin ng himasin nito ang hita ni Hannah..

"Bitawan mo sya.." mahinang sabi ni Aldrin..

Nagtawanan ang mga lalake maging si Cynthia..

"Anu ka superhero?.. Yaya ka ba nya?.." tanong ni Cynthia..

"Hannah.." tinawag ni Aldrin si Hannah.

Gumalaw ang dalaga at nagdilat ng mga mata..

"Potpot.." mahinang sabi ni Hannah pero di ito umabot sa pandinig ni Aldrin..

"Hannah.. Ako to.." sabi ni Aldrin pero tinulak sya ng malakas nung matangkad na lalaki..

Napaupo si Aldrin pero muli syang tumayo at tinawag ang dalaga..

Unti unting nagkamalay si Hannah at sinulyapan ang paligid..

"Nasan ba ako?.." tanong ng dalaga sa sarili..

Napalingon sya kay Potpot ...Biglang parang nahimasmasan ang dalaga at iinot inot na tumayo..

Lumapit sya sa tabi ni Aldrin at umakbay sa braso nito..

"Uwi na tayo.." amoy alak na ang hininga ni Hannah..

Lalong nagpuyos ang loob ng binata pero nanatili syang kalmado.. Batid nyang di nya kakayanin ang dami ng makakalaban nya..

"Kung makakauwi ka pa.." tumawa ang lalake kung saan nakakandong si Cynthia..

Hinihimas na nito ang dibdib ni Cynthia at napaungol naman ang babae..

"Yeah.. BAlik ka na dito miss ganda.." sabi nung matangkad..

Kumuyom ang mga kamo ni Aldrin.. Binalingan nya ang dalagang halos di na makatayo sa kalasingan..

Nilabas nya ang cellphone nya at nagtext ... saglit lang syang tumipa sa keypad at sinend sa tatlong kaibigan nya.. Sinuksok nya ang cellphone sa bulsa ni Hannah at inalalayan ang dalaga na maupo sa katabing upuan..

"Aldrin." bulong ni HAnnah..

Namumungay na ang kanyang mga mata...

Nakaramdam ng masidhing pagnanais si Aldrin na hagkan ang mamula mulang labi ng dalaga pero nagpigil sya..

"Hannah.. Upo ka muna.." sabi ng binata..

Ngumiti ang dalaga at nagflying kiss sa binata..

Ngumiti na din ang binata at hinarap ang mga lalake..

Sa bahay nila Rhoi..

Kumakanta si Krissia habang naggigitara si Rhoi sa salas ng bahay nila..Biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ng babae..

"Sagutin mo na kasi.. Baka suitor mo.." nakaramdam ng selos si Rhoi.

"Harhar.. Nasayo ang Cp ko... SAyo itong nasa bulsa ko remember?.. Baka ikaw ang may suitor.." asar na sabi ni Krissia.. Selos ang nauna nyang naramdaman..

Inis nyang binasa ang text messages at ngumisi sya kay Rhoi..

"Si Aldrin.. " sabi ng dalaga at nacurious ang binata..

"Anu sabi?.." tanong nya..

"Wala.. PADIS daw.. TAPOS pito.. anu yun?.." sabi ng dalaga at biglang bumalikwas ng upo si Rhoi.. Tumakbo sya bigla palabas ng bahay..

Sa bahay ni Darius..

"SArap sarap sarap.... " susubo na sana ang binata ng cake na dessert ng biglang mahulog ang cellphone nya dahil sa pag vibrate nito..

"Putris.. BAgo to eh.." sabi ni DArius..

Pero nanlaki ang mga mata nya ng mabasa ang text..

"PADIS .. PITO?.... Shet !.." sigaw ni DArius..

Agad nyang sinubo ang cake sabay takbo palabas ng bahay..

SA bahay ni Romeo..

"Daddy.. Alam mo namang di mo kayang talunin anak natin dyan.. Pero sige ka pa rin ng sige.." pang aasar ni Alexa sa asawa nya..

Seryosong naglalaro ng chess ang mag ama ...

"Double Check !..Akin ang queen!.." sigaw ni Primo..

Ngumisi lang si Romeo sa ama..Pumalakpak naman si Alexa..

"Dad... Di porket wala akong queen eh panalo ka na.. Its the position my humble father.. Not the numbers of pieces remaining.." sabi ni Romeo..

Biglang tumunog ang cellphone sa tabi ng TV..

"Oy anak.. CP mo.. Baka girlfriend mo na naman.." tukso ng nanay nya..

"Wala akong girlfriend now mom.. PArang di mo naman alam.. Sinasabi ko naman po sa inyo kung meron akong bago..Check Dad.." sabi ng binata..

Di nakatiis , kinuha ni Alexa ang cellphone ng anak at binasa ang text..

"Si Aldrin... PADIS daw.. TApos pito?.. Anu yun?.. Coded message?.." tanong ni Alexa at biglang natigilan ang anak nya..

WAlang sabi sabing tumayo ito dahilan para magulo ang mga pyesa ng Chess na nilalaro nila..

"Ay ang daya.. Alam nyang matatalo ko sya.." sigaw ni Primo ..

Pero humarurot na palabas ang anak nila..

Nagkatinginan ang mag asawa..

Sa bar... Nakatitig lang si Aldrin sa mga lalaking kasama ni Cynthia.. Bigla siyang nilapitan ng isa at kinwelyuhan..

"Mayabang ka ah?.. Eh ang liit mo.." sabi nung matangkad na lalake.

Pero poker face lang ang binata..

Naasar ata yung isa at biglang lumapit na rin kay Aldrin..

Napasigaw si Cynthia ng biglang paluin nito ng bote ang binata..

"Jim !.. Bakit mo pinalo?.. Shet ka !.. " sabi ni Cynthia..

"Oh akala ko ba nayayabangan ka dito?.." tanong nung Jim..

"Kahit na.. Wala namang ginagawang masama yan eh.." sigaw ni Cynthia..

Nanatiling nakatayo si Aldrin... May dugong umagos sa gilid ng mga mata nya pero nakatingin pa rin sya sa mga lalaki..

"Kagat ng lamok.." sabi ng binata..

LAlo lang naasar yung mga lalake at sinimulan na syang bugbugin..

NAgsigawan ang mga tao at nagsilapitan ang mga bouncer..Pero natigilan sila ng makitang si Jim Contreras ang isa sa mga nanggugulpe..

"Wag bro.. Anak ni Congressman yan." sabi nung isang bouncer sa kapwa nya bouncer..

Tila naging parusa kay Aldrin ang ilang minutong pang gugulpi sa kanya ng mga kasamahan ni Cynthia.. Pero di sya gumanti...Sa di nya malamang dahilan..

Ilang saglit.. Hawak ni Jim ang kwelyo ni Aldrin.. Duguan na ang mukha ng binata at uundayan nya sana ng isang huling suntok pero bigla syang tumalsik sa kung saan..

Muling nagsigawan ang mga tao..

"GAgo ka !.. Ang dami dami nyo tapos iisa ang inuupakan nyo !.." sigaw ni Rhoi at nilapitan nya ang kaibigan na nakahimlay sa gilid ng mesa..

"Pare.. Humihinga pa ba?.." tanong ni Darius..

"TAngna ka.. Pero oo.. Nahinga pa.. MAsamang damo pre.." biro ni Rhoi..

Tumawa ng pilit si Aldrin at binatukan ng mahina si Rhoi..

"Pare don't follow the light.. Sabi nila dafa ka daw pag sinundan mo yung ilaw.." biro ni Romeo pero binigyan sya ng dirty finger ni Aldrin..

"A-ang tagal nyo.." bulong ni Aldrin ..

"Eh gago si Darius.. Wala palang gas yung kotse .. Ayun tumakbo na lang kami..TAngna tong baboy na to eh.." sabi ni Rhoi..

Napangiwi si Aldrin dahil natatawa sya ..

"Oh pare rest ka muna.. Tabi mo pre kay Hannah.. TApos iyakap mo yung braso para pag nagising si Hannah kunwari rape.." sabi ni Darius at bigla silang nagtawanan..

Tinabi nga nila sa natutulog na dalaga si Aldrin..

Hinarap na ng tatlo ang mga kaaway ng kaibigan nila.. Wala ng tanong tanong kung bakit.. Basta kaaway ng isa.. Kaaway na rin nila.

Di na lang basta kaibigan ang turingan nila.. Kundi magkakapatid na.. Pamilya ..

"Rakrakan na !.." sigaw ni Romeo at nauna na syang dumamba sa mga lalake..

Sa huling ulirat ni Aldrin.. Kita nyang nag sasaya na ang mga kaibigan nya..Napangiti na lang sya at dinampian ng halik ang noo ng dalagang tulog sa tabi nya.. Chapter 8 Closer

Tila nauuhay ang pakiramdam ni Hannah.. Masakit ang kanyang panga.. Lumunok sya ng laway ngunit tila walang napoproduce na laway ang bibig nya..

Dahan dahan syang nagmulat ng mata... Naiihi sya..Nanlalabo pa ang kanyang mga mata..

Pilit nyang inalala ang mga nangyari kung bakit ganito kamiserable ang pakiramdam nya.. Bumangon ng bahagya ang dalaga.. Dahilan para muli syang mapahiga..

Napangiwi sya sa pagdaloy ng sakit.. Tila binibiyak ng kung ano ang ulo nya.. Muli nyang inalala ang nakaraan..

"Cynthia.." gigil na wika ni Hannah..

Napailing naman sya.. Bagamat may kasalanan ang kaibigan ay batid nyang may kasalanan din sya.. Sa inis nya kay Aldrin dahil hindi ito nagpumilit na sumama, napagbalingan nya ang alak..

Ng maalala ang binata ay napasimangot na naman sya..Huminga ng malalim ang dalaga at pinilit ang sarili bumangon sa kama..

Una nyang napansin ang oversized Jersey Shirt na suot nya... Di nya maaninag ang nakasulat sa harap dahil madilim ang kwarto nya..

Tinungo nya ang blinds ng bintana nya pero nagtaka sya..

Walang blinds?..

Napailing na lang sya at di pinansin ang kaibahan.. Malamang groggy pa sya..

Naglakad sya patungo sa banyo sa bandang kaliwa ... Pero wala.. Drawer ang andito..

Talagang nagtataka na sya.. Kinusot nya ang mga mata at pilit na pinaglinaw ito.. Tila binibiyak pa rin ang kanyang ulo.. Nakita nya ang pinto .. Malamang palabas..

Sa tabi nito ay may switch...Agad nya itong nilapitan at pinindot..

Bumaha ang liwanag sa paligid.. Tumalikod ang dalaga upang pagmasdan ang buong kwarto..

Upang magulat na nasa ibang kwarto sya.. Sisigaw na sana sya ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang larawan sa tabi ng kama..

Agad nya itong nilapitan..

Napangiti sya pero bigla din napasimangot..

Si Aldrin.. MAy kasama itong babae sa litrato..

Kung ganoon nasa bahay sya ni Aldrin.. At sa mismong kwarto nya.. Pero paano sya napunta dito?..

Nakarinig ng mararahang katok sa labas si Hannah..

Kinakabahang agad nya itong binuksan.. Pero di pala kanya ang pagkatok kundi sa katapat na kwarto..

Kita nyang may magandang babae na kumakatok sa katapat na kwarto ni Aldrin..Napalingon ito sa kanya at nagulat..

"Oy.. Iha bakit ka tumayo?.. Maaga pa.. Go back to sleep." utos ni Alona..

NApangiti ang dalaga ng mamukhaan ang butihing ina ni Aldrin.. Tumanda man ang itsura nito ng ilang taon... Nanatili pa rin ang kariktan na taglay nito...

"O-okay na po ako Mam.." sabi ni Hannah..

"Tita.. Call me Tita.. Di ka na ba makatulog?.. Anung pakiramdam mo?.." sabi ni Alona..

NApailing si Hannah ..

"Di na po T-tita.. Nawiwiwi po ako.." nahihiyang sabi ni Hannah..

"Ay sige.. May banyo dyan si Aldrin sa loob ah.. Di mo napansin?.. Oh well sa baba ka na lang mag CR at ng makapagkape ka.. TEka gigisingin ko lang itong batang ito..Alyssa.. Late ka na naman nyan anak eh.." sabi ni Alona sabay katok sa pinto..

Pupungas pungas na lumabas ang isang dalagita na may yakap pang teddy bear na kulay violet..

"Mom.. Kanina pa po ako gising.." nakapikit na sabi ng dalagita..

Napahagikgik ang dalawang babae sa sinabi ni Alyssa..

"Gising?.. Eh bakit parang di ka makadilat?.." tukso ni Alona sa anak..

"Tita san po ang banyo?.." mahinang tanong ni Hannah..

"Oh.. Tara.. Alyssa ayusin mo muna kama mo tapos mag breakfast ka na.." utos ni Alona sa anak..

Nakapikit paring tumalikod si Alyssa..

Nakangiting bumaba ang dalawa at hinatid ni Alona sa banyo sa kusina si Hannah..

Nakangiting pumasok si Hannah at nagwiwi...Naghilamos na din sya ..

Paglabas nya ng banyo at nuon nya lang nabistahan ang suot nya..

"Ay kay Aldrin yan.. Wala na kasi akong mahugot na damit nya kagabi.. Sorry ah?.." sabi ni ALona..

"Okay lang po.. Astig nga po ito oh.. Kwadro Alas?.. May team ba na ganon?.." tumatawang sabi ni Hannah..

"Sila yang magkakaibigan.. Their fathers used to use four kings to name themselves..Eh naisip nilang wala naman daw tatalo sa mga hari kundi mga alas.. Kaya ayan.." paliwanag ni Alona..

Napangiti lang ang dalaga..

"Childish no?..Like father like son eh." dugtong ni Alona..

Naupo sa silya si Hannah..

"Oh.. May brewed coffee dito.. Wait.." sabi ni Alona..

Ako na po Tita.. sabi ni Hannah pero inawat sya ni Alona..

Guest ka dito...Stayput ka lang.. sabi ni ALona..

Nahihiyang ngumiti lang si Hannah.. Dinulutan sya ng kape ng mabait na si Alona at tumabi ng upo sa kanya..

Your pretty nga pala talaga... Kaya naman pala dead na dead ang anak ko.. sabi ni Alona..

Namula ang magkabilang pisngi ni Hannah..

Di naman po.. nakayukong sabi nya..

Oh.. Sorry ah.. Di pa ba sya nagtatapat sayo?.. tukso ni Alona..

W-wala po syang sinasabi.. sabi ni Hannah..

Hala.. LAgot.. tumawa si Alona ..

Napangiti na rin si Hannah.. Nakaramdam sya ng kilig.. PEro naalala nya ang binata..

Nasan po si Aldrin?.. tanong ng dalaga..

Oh. Ayaw mong mag breakfast muna?.. Kita mo yung room next sa room ni Alyssa?..

Room namin yon ng tito mo.. Then yung tapat na room is guest room.. Walang laman pero may folding bed naman so dun natulog si Aldrin.. paliwanag ni Alona..

Nakaramdam ng hiya si Hannah..

Naku .. Kakahiya naman po.. sabi ni Hannah..

Ok lang no.. Gusto mo puntahan natin.. BAlikan ko na din si Alyssa at mukhang nakatulog na naman.. sabi ni ALona sabay hagikgik..

Napabungisngis na din si Hannah..

Ganyan din po ako nung high school days ko.. sabi ng dalaga..

Haha.. Maski ako eh.. Kaya naman naiintindihan ko sya.. PEro di talaga pwedeng ganyan ng ganyan .. Tara. aya ni Alona..

Bumalik sila sa kwarto ni Alyssa..

Don yong room.. Puntahan mo na lang at gigisingin ko lang itong prinsesa... nakangiting sabi ni ALona..

Ngumiti din si Hannah at tinahak ang susunod na kwarto..

Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob at kinapa kung may switch ng ilaw sa gilid.. Meron nga.. Pinindot nya ito at bumaha ng liwanag sa kwarto.

Wala ngang laman.. May nakatalikod na binata na nakahiga sa folding bed.. Napangiti si Hannah at nilapitan ang natutulog na binata..

Biglang tumihaya ito at kinamot ang pisngi.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah..

May benda at band aids sa mukha ni Aldrin.. Napahindik sya ng maalala ang nangyari sa bar kagabi.. Sa nanlalabo nyang malay ay naalala nya na nagpunta nga si Aldrin upang sunduin sya..

Halos maiyak sa guilt ang dalaga..Tanda nya pa na mga brusko ang mga nakasama nilang mga lalaki kagabi..

"Potpot.." bulong ng dalaga..

Halos mapaiyak na talaga sya.. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.. Marahil ay napaaway ang binata dahil sa nadatnang itsura nya..

Binalot ng kilig ang sistema ni Hannah pero di nya pa rin maiwasan ang makaramdam ng guilt.. Sya ang dahilan kung bakit puro pasa at galos ang mukha ng binata.. MAy benda pa sa ulo.. Malamang napalo ng kung ano..

Muling gumalaw ang binata at kinamot ang ilong.. Napangiwi ito ngunit nanatili paring nakapikit..

Impit na lumuha ang dalaga at hinaplos ang pisngi ng binata..

"Sorry Pot.." bulong nya..

Kinumutan nya ang binata at dinampian ng halik sa noo.. NAgpasya na syang lumabas dahil baka humagulgol na lang sya bigla..

Tutop ng dalaga ang bibig ng isara ang pinto at sumandal ..

KAsalanan nya ang lahat.. SAna nagpilit na lang syang sumama kay Aldrin.. O kaya inaya na lang din sana nya ang binata..

Lumabas si Alyssa na nakapikit at tulak tulak ng ina.. Nagpunas ang dalaga ng luha at natawa sa

itsura ng mag ina..

"Alyssa baby.. Sanayin mo na ang sarili mo na gumising ng maaga.. Di ka na bata anak.." sabi ni Alona..

"Mom.. 5 minutes pa po.." ungol ng dalaga....

Napabungisngis si Hannah dahil parang nakikinita nya ang itsura nya nuong high school pa lang sya..

NApatingin sa kanya si ALona at ngumiti..

"Breakfast ka na iha.. Alyssa look o.." turo ni Alona ..

Dumilat ng mga mata ang dalagita at napanganga ito ..

"Sino sya Mom?.." mahinang sabi ni Alyssa..

"Si Hannah.." maiksing sabi ni Alona..

"Girlfriend ni Kuya?.." tanong ng bata..

Kinilig si Hannah..

"Ewan ko.. Wag na natin silang pakialaman.. Halika na iha sa baba..At ikaw bata ka.. Magsepilyo ka na.." sabi ng ina at tinulak ang anak palabas ng kwarto..

Tumatawang sumunod si Hannah..

Pagdating sa kusina ay tinulak pa rin ni Alona sa banyo ang anak..

"Hala at maghilamos ka.." sabi ng ina sabay baling sa dalaga..

"At ikaw.. Mag almusal ka na.." sabi ni Alona..

"Tulungan ko po muna kayo.." sabi ng dalaga..

"Hmm.. Marunong ka?.." nakataas ang kilay na tanong ni Alona.

"Opo..Tinuruan ako ni Nanay ng gawaing bahay.." nakangiting sabi ni Hannah.

Nagngitian lang sila at naghanda na ng mesa..

Ilang saglit lang at handa na ang mesa... Pumasok ang padre de pamilya na abala sa pagbubutones ng suot na polo..

"Labs.. Gising na ba ang bisita?.." tanong ni NEstor pero nagulat din ito pagkakita kay Hannah..

"Eto sya Dad.." sabi ng bunso..

"Nakikita ko... So kamusta iha?.." tanong ng tatay ..

"O-okay na po sir.." sabi ng dalaga..

Tito.. pagtatama ni Alona..

Yeah.. Tito na lang .. Labs yung anak mo?.. tanong ni NEstor sa kabiyak..

Tulog pa labs.. Papapasukin ba natin?.. tanong ni Alona..

Wag na muna siguro.. Ako na lang ang magsasabi sa Dean.. sabi ni NEstor sabay naghugas ng kamay at dumulog sa mesa..

Sinalinan agad ng kape ni Alona ang asawa...

Thanks beautiful.. sabi ni Nestor at pinalo ang pwet ng asawa.

Labs !..May tao o.. nakangiting sabi ni Alona..

Ngumiti lang ang dalaga..Nakaramdam sya ng inggit.. Di nya naranasan ang magkaroon ng Ama.

Eh ano?.. Magiging pamilya na rin naman ata natin sya eh.. Di ba iha?.. tukso ni NEstor..

Kinilig ang dalaga.. Namula ang mga pisngi..

Labs talaga.. Wag mong intindihin yan iha.. Nagbibiro lang yan.. sabi ni Alona..

Ok lang po.. nahihiyang sabi ng dalaga..

Ok lang daw Mom... Eh di Ate ko na ikaw?.. tanong ni Alyssa..

Tumango lang ang dalaga.. Tumili naman ang bunso..

Haha.. Matinik talaga ang anak ko eh.. Pero labs.. Paano si. Sabi ni NEstor pero inawat sya ni Alona..

Labs.. banta ni Alona..

Tumango naman si Nestor.. Nauwaan ang nais iparating ni Alona.. Wag ng banggitin pa si Lelay..

Kain ng kain iha.. Bawal dito ang light breakfast.. sabi ni Alona..

Ngumiti naman ang dalaga.. Ito naman talaga ang paniniwala nya..

Ate.. Anung nakita mo kay kuya?.. Eh ampangit non.. sabi ng bunso..

Tumawa lang si Hannah..

Pogi kaya kuya mo.. nakangiting sabi nya..

Tumili naman ang mag ina..

Mana sa ama.. pagyayabang ni NEstor..

Huuss.. sabi ng bunso..

Muli silang nagtawanan..

Mabait pa.. dagdag ni Hannah..

MAbait?.. Ibang tao ata pinaguusapan natin ATe.. sagot ng bunso..

Muli silang nagtawanan..

Oy ikaw bata.. Late ka na.. sabi ng Tatay sa bunso..

Wala pa yung school bus Dad.. hirit ng bunso pero biglang nakarinig sila ng busina..

NApasimangot si Alyssa at madaliang nagpalaman ng dalawang sandwich at sinubo..

Sus ang takaw talaga o.. pang aasar ng tatay..

Dinilatan lang sya ng kabiyak..

Bye Daddy Panget.. sabi ng bunso sabay halik sa ama..

Tumawa lang ang Tatay..

Bye mom.. Bye Ate.. sabi ni Alyssa at isa isang hinalikan ang dalawang babae..

Tumakbo na ito palabas..

Sarado mo Gate iha.. sigaw na pahabol ng ina..

Nagkangitian lang silang tatlo..

Binasag ni Hannah ang katahimikan..

Ahm.. Anu po bang nangyari kagabi?.. nahihiyang sabi ni Hannah..

AH..Yun ba?.. singit ni Alona at tinitigan ang kabiyak..

Nagseryoso si Nestor at nahiya naman ang dalaga..

Labs naman eh.. Wag kang ganyan... Nahihiya yung bata eh.. awat ni Alona..

Tumawa ang TAtay..

Haha.. Well.. Nagulat kami nung nagpaalam sya na susunduin daw nya isang friend nya.. Ikaw pala yon.. bungad ni Nestor..

Yea..Pero iha bakit ka naglasing?.. May problema ka ba?.. tanong ni Alona..

Napayuko ang dalaga at namuo ang luha sa mga mata..

Sa totoo po... Nuon lang ako tumikim ng alak.. Ang alam ko po naka 2 shots lang ako.. Pero di ko alam kung bakit hilong hilo na agad ang pakiramdam ko.. naiiyak na sabi ni Hannah..

Nagkatinginan ang mag asawa..

"I think they put something on your drink.." sabi ni NEstor..

Lalong nahiya ang dalaga..

"S-sorry po.." sabi ni Hannah..

"It's not your fault iha..Teka di ka ba papasok?.." tanong ni Alona..

"Bukas na po siguro.. Alagaan ko po si Aldrin.." sabi ni Hannah..

Nagkangitian naman ang mag asawa..

"Okay ako na bahala sa Dean.." sabi ni Nestor..

"Pero paano po naging ganoon ang itsura ni Aldrin?.." tanong ni Hannah..

Tumahimik naman si Nestor ..

Well .. Actually pagdating namin sa bar eh magkatabi na kayong walang malay sa sofa.. Ikaw dahil sa kalasingan at sya dahil sa gulpi..But its ok.. Wag kang mahihiya.. Ginawa ng anak namin ang sa tingin nya ay tama..Pero medyo asar ako dahil bakit ganon yung itsura nya?.. For the first time nabugbog ang anak ko.. inis na sabi ni Nestor..

Lalong nanliit ang dalaga..

Well.. sabi ko nga .. Dont blame yourself too much iha..Di ko lang talaga maintindihan.. Bakit parang wala syang ginawa.?.. Tatanungin ko yan paggising nya.. Well, yun nga.. Pagdating namin nila Primo and the other Tatays.. Bugbog sarado na yung mga kalaban nyo... Nauna na sa amin yung tatlong alas .. nakangiting kwento ni NEstor..

Napaangat ang mukha ng dalaga..

Nandoon yung iba?.. tanong nya..

Well, di na kami nagulat.. Lagi namang ganyan.. Sa twing may away sila.. Silang apat lang sapat na.. PArang nagiging taga linis na nga lang kaming mga tatay eh.. tumatawang kwento pa ni Nestor..

Napangiti naman si Alona at hinawakan ang kamay ng dalaga..

So ayon.. Baka ipasara na muna ni Primo yung bar.. Kasi walang ginawang aksyon yong mga bouncer to help my son.. nakita nila ang galit ng Ama dahil sa pagkabugbog ng anak...

Labs .. Di mo sila masisisi.. Anak ng congressman yung nakaaway nila.. awat ni Alona sa maaaring pagsabog na naman ng asawa..

Kahit na mahal ko.. Bakit yung tatlo di man lang nag alangan?..I mean, thats the power of friendship eh.. muling ngumiti si Nestor..

They treat each other as brothers.. Not just friends.. Minsan mas kapatid pa ang turing ni Aldrin sa mga kaibigan nya kesa kay Alyssa.. nakangiting paliwanag ni Alona..

Ngumiti rin ng tipid ang dalaga..

Ayun... Pagdating namin eh wala na yung tatlo.. Kayo na lang ni Aldrin ang naiwan pati yung mga nakaaway nila kaya agad namin syang pinadala sa clinic.. At nung okay na ay pinauna ko na kayo dito tapos sumunod na kami nila Pareng Denzel sa presinto.. dagdag ni NEstor..

Nanlaki naman ang mga mata ni Hannah..

Po.?.. Nakulong sila Romeo?.. tanong ng dalaga..

No naman.. Syempre inimbestigahan yung nangyari.. sagot ni Nestor..

Eh bakit po tatlo lang?.. Nasan po sila Jim??..Si Cynthia po?.. tanong ni Hannah..

Cynthia?.. Yung babae?..Friend mo ba yon?.. Ayun, lango sa alak ang kaibigan mo iha.. Pinauwi ko na sa mga pulis....Pinasabi ko sa parents nya na kung sakaling may mangyaring sampahan ng kaso.. Kung di sya tetestigo ay gagawin na lang namin syang suspect sa pambubogbog anak ko.. madiin ang pagsasalita ni NEstor..

Tetestigo po ako.. matigas na sabi ni Hannah..

Wag na.. Eh tulog ka eh. tumatawang sagot ni NEstor..

NAtawa na rin ang dalaga..

So yung Jim na anak ni Congressman daw.. Silang pito nasa ospital..MAy nakuha pang mga marijuana ata yon sa bulsa nung isa...Pero ang kukulit talaga nung tatlo eh..Si Darius nakaboxer at sando pa ...Si Romeo walang tsinelas.. Tapos ang nakakatawa pa dito ay ginigitarahan ni Rhoi yung mga preso habang kumakanta ng I will survive sina Romeo at Darius..DAmi ko talagang tawa... Mga 20 siguro... Bwahahaha... tumatawang sabi ni Nestor..

Naghagalpakan sila sa tawa.. Halos maiyak na sila sa pag iimagine sa itsura ng tatlo...

Pero.. Ospital?..Pito laban sa tatlo?. tanong ni Hannah..

"Chicken feed.. Nung kabataan ko kahit lima laban sa isa .. Panis.." pagyayabang ni Nestor..

Binatukan sya ng asawa..

"Eh kung one on one tayo?.." maangas na sabi ni Alona..

"Love naman eh.. " angal ni Nestor at nilambing ang asawa..

NAgtawanan silang tatlo..

"PAgdating namin sa presinto nandun na yung tatay ni Jim.. Tsk tsk.. Nakita nyo sana yung mukha nung kurakot na congressman na yon ng isa isahin ni Primo ang maaring isampang kaso laban sa anak nya at mga alalay nito.." tumatawang sabi ni Nestor pero nagniningas ang mga mata nito sa galit..

"Eh bakit parang galit ka?.." tukso ng asawa.

"Gusto ko na nga sanang dukutin yung mata nung kurakot na yon eh.. Si Pareng Vincent kasi eh..Tsk.." nanghihinayang na sabi ni Nestor at humilig ang asawa sa balikat nya..

"Labs.. Wag ganon.. Sabi mo nagbago ka na?.." lambing ng asawa..

"Joke lang labs.. Kaw na lang naman yung siga dito sa pamilya eh.." biro ni Nestor..

Kinurot sya ng asawa sa tagiliran..

Nakaramdam ng inggit si Hannah.. Tila bigla nyang namiss ang ina.. Ng maaalala ang ina ay napangiwi sya.. Siguradong magagalit ito at mag aalala..

"Salamat po." taos pusong sabi ni Hannah..

"Wala yon.. " sabay na sabi ng mag asawa..

Maya maya may narinig silang mga yabag..

"Mom..Bakit namatay yung electricfan don?.. Puro kagat na ako ng lamok oh!.." angal ni Aldrin..

Iika ika syang pumasok pero nagulat sya ng mabungaran ang dalaga..

Nahihiyang ngumiti lang si Hannah..

"Morning.." mahinang bati ni Hannah sa binata..

Napangiti si Aldrin at lumapit sa lababo..

"Morning.." bati nya..

"Uuyyy... " tukso ni Nestor pero pinalo sya ng asawa nya..

Naghilamos ng mukha ang binata at nagmumog.. Hirap syang gumalaw dahil masakit ang mga pasa nya sa mukha at katawan..

"Ay anak.. Mag noodles ka oh.." sabi ni Alona at sinandukan ng noodles ang anak..

"Thanks beautiful." pasasalamat ni Aldrin sa ina..

Tahimik lang si Hannah na pinagmamasdan ang binata.. Tila lalo lang lumala ang paghanga nya dito..

"Mahal.. Tingnan mo.." bulong ni Nestor sa asawa..

Hirap na hirap si Aldrin na sumubo kaya inagaw ni Hannah ang kutsara.. Sumandok sya ng sabaw at sinubuan ang binata.. Napangiti naman si Aldrin at tinanggap ang pagsubo ng dalaga..

Nagkatitigan sila at nag ngitian..

Tila matutunaw na ang mga buto sa katawan ni Alona sa kilig sa dalawa..

"Wag kang maingay..Kunwari wala tayo dito.." sabi ni Alona..

Pero di nakatiis si Nestor at nang asar na..

"Mahal.. San galing tong mga langgam..?.. Parang ang tamis tamis ng paligid ah." tukso ni Nestor..

Pinalo sya ng asawa sa braso pero maging ito ay sumakay na rin..

"Oo nga no.. Naku mahal.. PAti mga bubuyog nagsilapitan na.. Bakit kaya parang ang sweet ng paligid.." tukso ni Alona..

Nabitawan ni Hannah ang kutsara at nuon lang nya napansin na magkadikit na sila ni Aldrin.. Halos wala ng pagitan ang pagkakaupo nila..

Hiyang hiya ang dalaga pero binulungan sya ng binata..

"Wag ka ng mahiya.. Ganyan talaga yang dalawang yan.." bulong ng binata..

Napapikit ang dalaga sa kilig..

"Yeah.. Alam ko... Medyo nasanay na ako.." impit na bulong nya..

"Wow.. Kanina pa kayo magkakasama?.." tanong ng binata..

"Yeah.. Salamat nga pala ah.." sabi ni Hannah..

Basta ikaw.. Remember, you belong to us now.. bulong ni Aldrin..

Halos mamilipit na sa kilig si Hannah..

Thank you.. tanging nasabi nya..

Welcome.. sabi ni Aldrin at nagkatitigan sila..

I feel closer to you.. nasambit ng dalaga..

Me too.. titig na titig si Aldrin sa mata ni Hannah..

Ayyeeeeeeeee... tukso ng mga magulang nila..

Bigla silang naghilaway .. Pulang pula na ang mukha ni Hannah at Aldrin..

Pero di naman maalis ang ngiti sa kanilang mga labi..

Chapter 9 -

Tamis.

Hapon na ng muling magising si Aldrin..

Bagamat ramdam nya pa ang sakit ng mga pasa at sugat nya, di nya parin mapigilan ang mapangiti..

Dahan dahan syang nag inat ng mga braso at iinot inot na tumayo..

Wala syang pake kung maging kahiya hiya na sya o di kaya ay masabihan ng masyadong excited.. Pero talagang excited sya..

NAis nya ding matiyak kung nanduon pa sa kabilang kwarto ang dahilan ng kanyang pagngiti..

Dahan dahan syang lumapit sa kanyang kwarto at dinikit ang nuo sa pinto..

Ngayon naman bigla syang inatake ng hiya.. Di nya maintindihan kung kakatok ba sya o hinde..

"Anu bang sasabihin ko?.. " bulong nya sa sarili..

Napangiwi ang binata..

"Hi.. Kamusta ang pakiramdam mo?.." kinakausap ni Aldrin ang sarili nya..

"Panget.." pati sarili nya nilait nya..

"Hi.. Kamusta ang pagtulog mo?.." muli nyang pagkausap sa sarili..

"Panget pa rin.." muli rin nyang nilait ang sarili..

"Hello.. I miss you..." bigla syang natawa ng marahan...

Too straightforward..

"I miss you too.." biglang sabi ng boses ng babae sa likod nya..

Nanigas ang binata at biglang nauntog sa pinto...Tawa ng tawa si Alona sa itsura ng anak..

Hiyang hiya naman si Aldrin pero napapangiti na rin sya... Pulang pula na ang kanyang mga pisngi..

"Mom naman eh.." angal ng binata..

"Hay nako ang anak ko..enlab" nangingiting sabi ng nanay...

Lumapit si Alona sa anak at hinawakan sa braso.. Inakay nya ito pababa.. Nag atubili si Aldrin pero sumama na rin sa ina..

"Ayun o.." turo ng ina sa garden...

Nandun ay may nakaupong dalaga .. Nakatalikod ito at nakaharap sa mga bulaklak at nagsusuklay ng buhok...

Tinulak ng ina ang binata pero tila naging bato na ito at di na makagalaw..

"Oh.. Sabihin mo na yung mga pinapraktis mo sa harap ng pinto.. Parang kang eng-eng don eh.. AYun sya oh.. Go !.." sabi ng ina..

Pero talagang napako na ang binata.. Bigla syang inatake ng hiya..

"Oh.. Ano na?..Aysus.. Kung anong tapang sa away , syang duwag naman kay Hannah.. " pang aasar ng nanay..

Tumawa ng mahina ang binata at hinarap ang ina..

"Mom naman.. Syempre bumubwelo pa.. " sabi ng binata at muling sinulyapan ang dalaga..

Nagsusuklay pa rin ito ng buhok....Biglang nahiya ang binata at inamoy ang sarili..

"Ay oo nga anak.. Yucky ka.. Take a bath muna tapos toothbrush.. Kakahiya kay Hannah kung lalapit ka ng dehins goli na, amoy laway pa.. Hala... Entertain ko muna sya..Kanina ka pa nyang binabalik balikan sa guest room eh.." tukso ng ina..

Napangiti ng maluwang ang binata at muling sinulyapan ang dalaga... Bigla itong lumingon sa kanila at ngumiti..

Tila naging bato na naman ang binata at nanigas.. Agad syang tumalikod at tumakbo paakyat sa kwarto nya..

Napasimangot si Hannah pero tumatawang lumapit sa kanya si Alona..

Sa kwarto ay napangiti ng maluwang si Aldrin..

Maayos na maayos ang kama nya.. Lumapit sya dito at humiga... Niyakap ang isang unan..

Inamoy..

Amoy Hannah..

Napabungisngis si Aldrin..

Kakaadik..

Haha !..

Niyakap nya ang unan at tinitigan..Inimagine na ang dalaga ang kayakap..

"Your too beautiful.. Can i kiss you?.." seryosong tanong ng binata sa unan..

"Yes.. I would love that.." nag boses babae si Aldrin at kinausap ang sarili..

"OH.. So, Here I am.. Hmm hmm.." hinalik halikan ang unan..

Pinanggigilan..

Niyapos..

Ngumiti..

"Can you be my girlfriend?.." tanong ng binata sa unan..

"Yes !.." sinagot daw kunwari sya ng unan..

Napangiti ng maluwang ang binata..

Muli nyang hinalikan ang unan at inayos na..

Tumayo na at nagpunta ng banyo..

Maging sa banyo ay napangiti din sya ng maluwang ..

Bakas pa na may gumamit dito.. Amoy shampoo ..

Pati twalya..

Napatda ang binata ng makita ang nakasampay..

"Tigas titi.. Sheet..." bulong ng binata.

Kita nya na nakasampay ang bra at panty ni Hannah..

"Oh no.." sambit ng binata.

Pero hindi.. Di nya magagawang pagsamantalahan ang dalaga kahit sa imagination lang..

Ngumiti na lang sya at naligo na.

"Oh ,.. Im so sexy.. Oh so sexy.." kanta ni Aldrin sa ilalim ng shower..

Boses palaka..

Pagtapos maligo ay agad syang lumapit sa closet at naghagilap ng masusuot....

Muling kinilig ang binata dahil nabawasan ang damit nya.. Meaning suot na naman ni Hannah ang isa sa mga damit nya..

Pero yung undies kaya?..

Ah wag na lang isipin..

Nakangiti pa rin syang naghalungkat sa damitan ng may matamaan na matigas na bagay ang kamay nya..

Brown na kahon.. Na may label na "From Special Someone."

Nawala ang ngiti ng binata ng maalala kung kanino galing ang laman ng kahon..

Pero agad nya din itong inalis sa isipan dahil napakaunfair naman nya sa sarili kung iisipin nya pa rin ang kababata...

Eto si Hannah.. Buhay at gumagalaw..

Si LElay.. Alaala..

Parte ng nakaraan..

Ni hindi nya alam kung kilala pa sya ng kababata..

TIla kinurot ang puso ni Aldrin sa ideyang iyon..

Labing pitong taon...

Labing pitong taon syang nabuhay sa alaala ni Lelay

Half smile Half frown na bumaba si Aldrin.

Nakita nya ang dalawang babae sa salas.. Nag tatawanan.. Na curious sya kaya naman dahan dahan syang lumapit..

Napangiti ng maluwang si Alona ng makita ang anak..

"See?.. Isn't my son handsome?.." tanong ng ina..

NAmula naman ang pisngi ni Hannah..

"Yes.. Very.." bulong ng dalaga..

Titig na titig sa binata..

Lumapit si Aldrin at naupo sa tapat na sofa..

Nang ngitian sila ng dalaga..

"Anu yan Mom?.." tanong ng binata sa ina..

Nagkatinginan ang dalawa at biglang naghalakhakan..

"I just saw you nakesd.." sabi ni Hannah at biglang sumabog sa kakatawa..

Tila umakyat sa anit ni Aldrin ang lahat ng dugo nya.. Pulang pula sya..

"Hey.. Whats that ?.." biglang lumapit ang binata..

Sumabog na talaga sa tawa ang dalawang babae..

"Look mo iha.. Eto pa.." turo ni Alona..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng masilip kung ano ang pinagpipistahan ng mga mata nila..

"Hey.. Childhood album ko yan !.."

Tawa ng tawa si Hannah at pulang pula na ang mukha ng binata..

Pilit nyang inaagaw sa dalawang babae ang album..

"Ay sila ito?..Si Aldrin oh.." tinuro ni Hannah ang batang Aldrin sa litrato..

NAtigilan si Alona..

Maraming nagsasabing nagbago na daw ang itsura ng anak nya sa pagdaan ng panahon..

Pero paanong nakilala agad ito ng dalaga?..

Napaisip ang ina...

"Oy.. Tama na .. Mom naman eh.." angal ng binata..

Tumatawa pa rin si Hannah..

Tahimik lang ang nanay..

"Hmm.. So , mukhang kalabisan na lang ako dito.. Handa lang ako ng miryenda at paparating na ang prinsesa.." sabi ng Nanay..

Umexit papuntang kusina.

Nagkatitigan lang ang dalawa..

PArehong may mga ngiti sa labi..

"Ang cute mo pala nung bata ka.." sabi ni Hannah..

Natawa ang binata..

"Cute talaga.. " pagyayabang nya..

"Yabang.." wika ni Hannah..

"Haha.. Kaw naman nauna eh..So.. Musta na pakiramdam mo?.." tanong ng binata.

"Well, ok na ako.. Thanks to your mom.. She's so kind to me.. Pati na rin yung Dad mo.. and Alyssa.." nakangiting wika ng dalaga..

"Eh paano ako.." nakangiting tanong ng binata..

"Ofcourse.. Higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa iyo.. PAti na sa barkada mo." taos sa puso na sabi ng dalaga..

"Mga kapatid ko.. They are my brothers..In heaven and hell.." sabi ni Aldrin..

Napatango naman ang dalaga..

"So.. uuwi ka na?.." tanong nya..

"Pinapauwi mo na ako?.." nakasimangot si Hannah..

"Ofcourse not.. Kahit dito ka na tumira.." si Aldrin..

Namula ang dalaga..

"Eh di parang live in tayo nyan?.." tanong ng dalaga..

Namula din ang binata..

"Haha.. Ahem.. Well.. Hmm.. So.." walang matapos na salita ang binata..

NAkangiti lang ang dalaga na nakatingin sa kanya..

"So." sabay nilang sabi..

Nagkatawanan na lang sila..

Dito ka na mag dinner.. anyaya ng binata.

I would love to.. sagot ni Hannah..

Nagkatitigan na naman sila..

PArehong nakangiti..

Your too pretty.. sa wakas nasabi ni Aldrin ang nais nyang sabihin..

Biglang parang nanigas ang dalaga..Napanganga sya ng bahagya..

Uy.. untag ng binata..

Napabaling ang tingin ng dalaga sa labas ng hardin..

S-salamat.. sabi ng dalaga..

Eh ako ba di mo pupurihin?.. tanong ng binata..

Biglang tumawa ang dalaga at pinaliparan ng unan ang binata.. Sapol sa mukha..

Headshot.. !.. sigaw ng dalaga..

NAgkatawanan na naman sila..

Ang tawa naging matamis na ngiti..

Hahatid kita sa inyo.. sabi ng binata..

Magpahinga ka na lang .. tanggi ng dalaga..

MAlakas na ako.. And I know why.. tinitigan ng binata ang dalaga..

W-why?.. mahinang tanong ng dalaga..

Kasi.. putol ng binata..

Kasi?.. si Hannah..

Kasi nakapagpahinga na ako.. sabi nya sabay tawa..

Tila napahiya ang dalaga .. Akala nya sya ang dahilan.. Napabaling ang tingin nya at sumimangot..

Pero di lang yon.. KAsi andito ka... At alam kong safe ka na.. hirit ni Aldrin..

Muling parang naging bato ang dalaga sa kinauupuan..

Ang simangot naging ngiti..

Bolero. mahingang sabi nya..

Pogi naman.. banats ni Aldrin..

Muli silang nagtawanan.. At nagkatitigan..

Sa di kalayuan di na matiis ni Alona ang kilig.. Tila sya nanunuod ng soap opera at nagliligawan ang mga bida..

Naalala nya ang kabataan.. Kung paano suyuin ng kabiyak.. Napangiti ng maluwang ang Nanay at dahan dahang lumapit sa dalawang lovebirds..

Oy.. Sobrang tamis na nyan ah.. Baka sugurin kayo ng mga langgam.. Oh.. Tama na ang pacute sa isat isa.. Eto at mag miryenda kayo.. Iha pasensya na sa anak ko at masyadong torpe.. asar ni Alona..

Mom !. angal ng anak..

Oo nga po.. biglang hirit ng dalaga at nagkatitigan sila ng binata..

Pero nagbawi sya ng tingin at kumuha ng juice..

Humigop..

Tumitig ulit ng pasimple sa binata..

Si Aldrin naman ganun din ang ginawa..

MAgkatitig lang silang dalawa na humihigop ng juice.. Di na alintana na kasama si Alona..

Ang tamis.. epal ni Alona.

Nagbawi ng tingin ang dalawa at nagtawanan ng marahan..

Pero muli ding nag titigan..

Tumawa si Alona at sumuko na ..

Out na ako.. Baka atakehin ako ng diabetes.. biro nya..

PEro di na naalis ang titigan ng dalawa..

Tamis.. Chapter 10 BOOM !

Masayang nagising si Hannah..

Tila kay gaan ng kanyang pakiramdam..

Nakangiti syang bumangon at sinulyapan ang alarm clock sa table sa tabi nya..

"Naunahan kita.." nakangiting biro ng dalaga..

Nag-inat sya ng mga braso at nag strech..

Lumapit sya sa binata at binaba ang blinds..

Madilim dilim pa sa labas..

"Morning world.. !.." bati ng dalaga..

Ngiti pa rin..

Masaya sya...Obvious naman..

Pumwesto ang dalaga sa harap ng kanyang life sized mirror..

"Morning.. Lelay.." bigkas ni Hannah sabay hagikgik..

Nag pose pa sya..

"Morning .. Lelay.." boses lalake naman..

Muling bumungisngis si Hannah..

Kinindatan nya ang sariling repleksyon sa salamin at nagtungo na sa banyo..

Bigla syang napasigaw..

"Nakalimutan ko undies kila Potpot !!.." sigaw nya.

Pagkalipas ng 1 kalahating oras ay bumaba na sya..

Nagulat pa ang yaya nya ng makita ang dalaga..

"Hoy.. Anung nakain mo?... 1 hour pa bago ka dapat magising ah?.." bungad ni Yaya.

Ngumiti lang ang dalaga at naupo na sa mesa sa kusina..

"Yaya .. Whats for breakfast?.." tanong ng dalaga..

"Ha?.. Wala pa eh.. Di ko naman alam na magigising ka ng ganitong kaaga.. Teka.. Bakit ganyan ang suot mo?.." tanong ng yaya..

NApangiti na naman ang dalaga..

"Baket po?.." tanong nya..

"Kitams?.. Ang ganda ganda mo talaga kapag nag aayos ka..Bagay sayo yang bestida.." nakangiting puna ng yaya..

LAlong lumawak ang ngiti ni Hannah..

"Ay pero bakit naka bota ka?.. Hala.. Anu yan?.." puna nito sa suot boots ng dalaga.

"Trending to yaya.." kindat ng dalaga..

Kumunot ang noo ng yaya pero napailing na lang..

"Hala.. Eto ang almusal ko.. Sinangag at daing lang to..Kumakain ka ba nito?." tanong ng yaya sa dalaga..

"Ofcourse yaya.. " tila natakam si Hannah..

Hinandaan ni Yaya ng pagkain ang dalaga .. Halos maglaway si Hannah..

"Hala..Dahan dahan at baka tumaba ka.." puna nito..

"Wapakels yaya... Sarap sarap eh.. From now on heavy meals lagi ang breakfast ko.. Minsan lang po akong humiling.." sabi ng dalaga sa pagitan ng pagsubo..

"Oo na, oo na... Tumawag ang nanay mo kahapon.." sabi ni Yaya..

"Po?.. Anu pong sinabi?.." tanong ng dalaga.

"Syempre nagtanong kung nasaang lupalop ka.. Di ko naman masabi dahil di ko rin alam..Teka nasan ka bang bata ka kagabi ha?.." tanong ni Yaya..

Muling naalala ni Hannah ang mga pangyayari..

Napasimangot sya ng maalala ang kaibigang si Cynthia pero agad ding napalitan ng ngiti dahil kay Aldrin..

"Sa schoolmate ko po... Nag sleep over ako.. Tatawag sana ako pero nalowbat cp ko.. Di ko naman kabisado numbers dito eh..." palusot ni Hannah..

Kinagat naman ito ng Yaya nya..

Matapos kumain ay ay nagselpilyo ang dalaga at nagpaalam na sa yaya nya..

"Oy.. Ang aga pa o.. Diyos ko iha.... 9AM ang pasok mo ... 6:25AM pa lang !.." paalala ni Yaya ..

NAtigilan ang dalaga at napatingin sa sariling relos..

Oo nga..

Maaga pa sya.. Halos tatlong oras..

Pero wapakels..

"Okay lang yaya.. Mag rereview na lang po ako.." sambit ng dalaga at hinalikan na sa pisngi ang yaya nya..

Napapailing naman ang matandang katiwala..

Abala sa paghuhugas ng kotse ang driver nila.. Nagulat ito ng makita ang ayos ng dalaga..

Hanep.. Eh kung ganyan ka ng ganyan eh di hakot na naman ang mga manliligaw mo?.. nakangiting sabi ng driver..

Si kuya talaga.. Okay na po ba yang kotse?.. Parang feel ko pong mamasyal muna saglit.. nakangiti pa rin ang dalaga..

Tila naka dikit na ang pisngi nya at ayaw ng bumalik sa dati..

Aba oo naman.. Binanlawan ko lang ito kasi di nga nagagamit eh. Wala lang akong magawa.. Hintayin mo akot magpapalit lang ako ng damit.. sabi ng driver sabay takbo papasok..

Ilang minuto lang ay nakaayos na ito at inaya na ang dalaga...

Binuksan ang pinto sa likod pero umiling si Hannah..

Kuya.. Dito ako sa harap.. sabi nya..

"Ha?... Bahala ka na nga ... Batang ito.." tumatawa ang matandang driver..

Pumasok na silang dalawa sa kotse at binuhay na ng driver ang makina.. Bumusina ito ng ilang beses at tarantang lumabas ang yaya ni Hannah..

"Aysus.. Akala ko naman kung anu na Berto.. Teka.. Hannah ikaw ba yan?.. Himala at nagkotse ka ?.." tanong ni Yaya..

"Aysus na matandang ito.. Pagbuksan mo na nga kami ng gate at baka magbago pa ang isip nitong batang ito.. Hala.. Move away.." pa kengkoy ng driver..

Tumatawa lang ang dalaga ..

Iiling iling na binuksan ng yaya ang gate at masayang kumaway sa alaga nya at inirapan ang driver..

Sa bahay ni Aldrin ay paikot ikot lang sya sa kama..Kanina pa sya gising at nakatitig lang sya sa kisame..

Kanina pa nababanat ang pisngi nya dahil sa kangingiti ..

"I miss you already na.." bulong nya at tumitig sa kisame..

Iisang babae ang laman ng isip nya..

"Anu kaya ang ginagawa mo?..Malamang tulog pa sya.. Malamang nag hihilik... Ahihihi.." tawa ni Aldrin sa sarili..

Di na sya makatulog talaga kaya nagpasya na syang maligo at maghanda sa pagpasok..

Nagulat pa si Alona ng makita ang anak na nagtitimpla ng kape sa mesa..

"Aba... Tinalo mo pa ako ah... Anung nakain mo at ang aga mong nagising?..Super early bird ka na anak.." biro ni Alona sa anak..

"Wala pa nga po akong nakakain Mom eh.. Kaya kape kape muna.." sagot ng binata..

Tumawa lang ang ina at nagsalin na rin ng kape..

Pero biglang nagseryoso si Alona at tumitig sa anak..

"Anak.. " seryosong sabi ni Alona.

Mom.. sagot ni Aldrin..

"Kape ka ba?..." tanong ng ina..

Nagtaka ang binata at nagsalubong ang kilay?..

"Baket?.." tanong nya..

Kasi , ang english ng kotse ay car.. !. BOOM !.. sigaw ni Alona at nakipaghigh five sa anak..

Natulala si Aldrin at napatigil ang paghigop sa kape... Bigla syang tumawa at halos masamid samid na sya sa init nito.. Tila may pumasok pa sa ilong nya pero tawa pa rin sya ng tawa..

Hanep Mom.. Pumipick-up ka?... Wahahaahaha.. tawa ng tawa ang binata..

"Eh napanuod namin ni Aly kagabi.. Wait mo Daddy mo.." tawa din ng tawa ang ina..

Masaya silang kumain mag ina ng maramdaman nila ang pagpasok ng Padre de Pamilya..

Napatingin ang mag ina at natigil ang kwentuhan..

Seryosong seryoso ang mukha ni Nestor ...

Loves.. Penge naman ng coffee.. lambing nya sa asawa at naupo sa upuan nya..

Morning Dad.. bati ni Aldrin sa ama..

Pero di sya nito sinagot..

Nagtaka ang binata ..

Tumikhim si Nestor at tinitigan ang anak..

Anak.. seryosong sabi nya..

"Dad.." binaba ni Aldrin ang kape.. Natuto na sya.. Hinanda ang sarili..

Huminga ng malalim ang Ama at napatingin sa Kabiyak na seryoso ding nakatingin sa kanya..Muli nyang binalik ang tingin sa anak..

"Computer ka ba?.." banat ng tatay..

Napakapit ang anak sa mesa at seryosong tumitig sa ama..

"Baket?.." tanong nya..

"Kasi..Mataas na ang gasolina ngayon..." banat ni Nestor..

Biglang napapalo sa lamesa si ALona..

"Gets ko yan DAd !.." sigaw nito at tinuro ang dibdib at sabay turo sa asawa..

Naghigh five ang mag asawa..

"BOOM !.." sabay nilang bigkas..

Napatingala si Aldrin at napanganga..

"Diyos ko po.. Nawa'y wag akong magmana sa dalawang ito.." dalangin nya pero binatukan sya ng nanay nya..

Sa eskwela .. Dumiretso agad si Hannah sa kubo..Namangha ang dalaga dahil tapos na nga ito..

May nakapaskil na Private Property sa harap at napatili ang dalaga..

Nagtatalon sya at tumakbo sa loob..

Lalong namangha ang dalaga ng makita ang layout ng loob ng kubo..

Kumletos rekados..

MAy Computer.. TV, Component at Mini Ref..

May malaking mesa sa gitna at napapalibutan ito ng apat na nagtataasang upuan..

Bawat upuan at may tatak ng apat na alas sa sandalan..

Heart, Diamond, Clubs at Spade.

Napangiti ang dalaga sa elegance at kaastigan ng loob...

"Cool.. Bilib na talaga ako sa mokong na yon.." hangang hanga sya..

Napatitig sya sa apat na tila upuan ng mga hari..

"San kaya kay Potpot dito?.." tanong ng dalaga..

Nag mini mini mayni mo..

Bumagsak sa upuan na may korteng puso ang nakatatak sa sandalan..

Napangiti ang dalaga at naupo..

Napapikit sya sa kalambutan at pagiging komportable ng pakiramdam..

"Ay.. anu to?.." tanong ng dalaga..

Nakita nyang may parang kambyo sa gilid ng upuan at ng hatakin nya ito ay napahiyaw sya..

Biglang umatras ang upuan at tila naging kama..

Tawa ng tawa ang dalaga..

"Azzteeeeg..." tili ni Hannah..

Papasok pa lang ng eskwela si Aldrin... Napapailing pa rin sya at tila tumatayo ang balahibo sa nangyari kaninang almusal sa pagitan ng kanyang mga magulang..

Hindi ito tumigil sa kakapickup sa harapan nya kaya wala na lang syang nagawa kundi tumawa ng tumawa..

Ang sakit sakit ng panga nya kanina..

Sinulyapan ng binata ang relos at napangiti..

"Sa kakaisip ko sayo ... Ang aga aga kong pumasok.. " biro ng binata at tinahak na ang daan patungo sa kubo..

Napangiti sya ng maluwang na makita ang resulta ng pinagsama sama nilang ideya ng mga kaibigan nya..

Ang kubo ng mga alas...

Tila nag aanyaya ito ng kahit na sino upang pag pahingahan..

Pero eksklusibo lang ito para sa kanilang apat.. At para sa kanilang mga reyna..

Napangiti na naman ang binata ng maalala ang reyna..

Hannah..

Kinilig ang binata at nagmadali ng pumunta sa kubo..

Papasok na sya ng mapatda..

NAsa loob ang laman ng isip nya..

Nagulat si Hannah ng biglang may lumitaw sa pinto..

Ang kanina pang laman ng isip nya..

Tulala din si Aldrin na nakatitig lang kay Hannah..

Bigla, sabay silang nagbaling ng tingin sa labas..

Mahabang katahimikan ang naganap..

Ilang saglit pa ay tumikhim si Aldrin..

"Aga ah.." bati nya sa dalaga..

"Oo eh..Can't sleep.." biro ng dalaga..

"Ako rin.. " sabi ni Aldrin..

Napangiti silang sabay at nagkatitigan..

"I miss you.." bulong ni Aldrin..

Tila naging musika ito sa pandinig ni Hannah..

"I m-miss you too.." bawi ni Hannah sabay tingin sa labas..

Tumawa ng mahina si Aldrin at dumiretso sa ref..

"Langya.. Wala pa palang laman.." sabi nya.

"Ang ganda nito.. Salamat at may pribilehiyo akong makapasok dito.." sabi ni Hannah.

"Ofcourse.. Because your one of the owner of this house..." nakangiting sabi ni Aldrin..

Namula ang dalaga sa pagkakatitig ng binata..

"Your so beautiful.." bati ni Aldrin sa dalaga..

Tila naging bato naman si Hannah at napatayo..

"Ah.. What time ang pasok mo?.." tanong ni Hannah..

Tumawa ng mahina ang binata ..

"9.." sabi niya..

NAtawa naman ang dalaga at tiningnan ang orasan...

"Its only 7:30 Am..Wow so early?.." tanong ng dalaga..

"Told ya.. Can't sleep.. Im thinking of someone.." titig ni Aldrin kay Hannah..

Parang dinaanan ng sangkaterbang langgam ang katawan ni Hannah.

"Huuss." sambit nya..

Natawa silang pareho at napangiti sa isa't isa..

"Kaw?.. Oras ng pasok mo?.." tanong ng binata kahit alam nya naman..

"9: AM sharp.." nakangiting sabi ni Hannah..

Nagkatitigan sila at sabay na tumawa ng malakas..

Napuna ni Aldrin ang pwesto na napili ni Hannah..

"Bakit ka dyan umupo?.." malungkot na sabi ng binata..

Nataranta ang dalaga..

"Ay.. Di ba sayo to?.. Sorry.. Ewan ko.. Parang instinct na lang na umupo ako dito..Sorry talaga.. SAn ba upuan mo?.." tanong ni Hannah..

Malungkot na lumakad si Aldrin papunta sa upuan na may tatak na clubs.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah.

"Sorry.. Dyan ka ba?.." tanong ng dalaga..

Ngumiti ang binata at tumawa ng malakas..

"Hinde noh.. Si Rhoi dito.. Yang Diamond ay kay Darius at alam naman nating Spade si Romeo dahil masama ugali non.." tawa ng tawa si Aldrin pero pinagpapalo sya ni Hannah..

"So tama ako.." nakangiti at tila proud na sabi ni Hannah..

Yeah.. Nakapagtataka.. Apat lang kaming nakakaalam ng ibig sabihin ng apat na tatak ng alas para sa amin.. Pero paano mong nahulaan?.. tanong ng binata..

Wala.. Pumikit lang ako tapos dinala na ako ng mga paa ko dito.. TAma ako.. Tama ang paa ko.. sabi ni Hannah sabay tawa..

Ay mali.. Tama ang isip ko pala.. Diniktahan nya ang paa ko .. dagdag ni Hannah..

Di kaya puso mo ang nagdikta sa utak mo na diktahan ang paa mo na dalhin ka dito?.. nakangiting paliwanag ni Aldrin..

Biglang nag blush ang dalaga at kinurot ang binata..

Ikaw ha.. sabi ng dalaga..

Nagkatitigan sila at nagtawanan..

Naupo sa trono nya si Aldrin at nagdekwatro... Umastang parang konde..

Namangha naman si Hannah sa angas ng itsura ni Potpot..

Ang angas mo .. sigaw ni Hannah..

Tumawa naman ang binata .. Tinapik nya ang malapad na arm chair..

Napatigil si Hannah sa pagtawa at tinitigan ang binata..

Baket?.. tanong ng dalaga..

Your my queen.. bulong ng binata..

Lalong namula ang dalaga..

And your my king?. tanong ni Hannah..

No.. Im your Ace.. Your servant and the one who lov- pinutol ni Aldrin ang sasabihin at tila nasamid..

My what?.. ngiting ngiti si Hannah.

Secret.. kindat ni Aldrin..

Tawa ng tawa ang dalawa.

Lumapit ang dalaga at naupo sa tabi ng binata..

Ang aztig talaga nito.. PAra akong VIP dito.. humahangang sabi ni Hannah..

"Masanay ka na.." nakangiting sabi ng binata..

Nagkatitigan sila at muling nag ngitian..

Tila naging napakabagal ng oras sa piling ng dalawa..

Simpleng usapan pero tila naging napakagaan at napakatamis ng paligid..

Ilang oras pa at biglang tumunog ang bell..

Biglang napamura ang ng marahan si Aldrin gayun din si Hannah..

Tila nagising sa malalim na panaginip ang dalawa at tarantang naghiwalay ..

Sabay silang lumabas ng kubo at tumigil sa mismong harap..

Nagpakiramdaman sila..

Ilang saglit na katahimikan at binasag ito ni Aldrin.

"Hannah." seryosong tanong ng binata..

"Yes.?.." nakangiting tanong ng dalaga..

"Magnanakaw ka.." sumbat ng binata..

Nabigla ang dalaga .. Tila kinurot ang puso nya..

"B-baket?.." halos maiyak ang dalaga sa masakit na sinabi ng binata..

Because you stole my heart.. malakas na sabi ni Aldrin..

Biglang tila tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga.. Namuo ang mga luha sa mga mata nya at napatakip sya sa bibig nya...

Nagkatitigan lang sila ng binata...

Tila mabagal na gumalaw ang oras..

A-aldrin.. tanging nasabi ni Hannah.

PEro biglang may humiyaw sa likod..

Gets namin yan Boy Pickup !.. sigaw ni Darius..

BOOM !!!.. sabay sabay na sigaw ni Darius, Rhoi at Romeo..

Nagkatawanan ang apat na magkakaibigan..

Si Hannah at tila tulala pa rin .. Pinagmamasdan ang pagkukulitan ng apat na poging..

Biglang may kumapit sa braso nya..

Paglingon nya ay ang nakangiting mukha ni Krissia ang nasilayan nya..

Hay nako.. Masanay ka na.. Ako nga halos manhid na sa kalokohan nyang mga yan.. nakangiting sabi ni Krissia..

Tulala pa rin si Hannah pero bigla na rin syang sumabog sa katatawa..

Hala.. Ngayon mo lang na digest?.. biro ni Krissia..

Theyre all cute.. nakangiting sabi ni Hannah..

Yeah.. But also arrogant and stubborn.. Pero lahat sila may busilak na puso.. nakangiti ring sabi ni Krissia..

Napatitig si Hannah kay Aldrin na kausap ang mga kaibigan nito at tawa ng tawa..

Napatingin din sa kanya ang binata at ngumiti..

Gets ko na!.. nakangiting bulong ng dalaga..

Buti nga nandito ka na.. May katulong na akong magsaway sa mga pasaway na yan.. nakasimangot na sabi ni Krissia..

NAgtawanan ang dalawang dalaga at lumapit sa mga lalake..

Muling nagkatitigan sina Aldrin at Hannah..

Boom !.. bulong ni Hannah sa tenga ni Aldrin..

Ngumiti naman ng maluwang ang binata..

Boom !.. Chapter 11 Testing..

Umaga.. Abala si Aldrin na sumasagot sa quiz nila..Pangiti ngiti binata na parang tanga. "Parang ang saya mo ah.." .. boses babae.. Lumingon ang binata sa tabi nya.. Isang magandang babae ang nakaupo dito.. Napakunot noo ang binata na tila nagtatanong.. "Grabe.. Masyado kang focus sa exam , ni hindi mo man lang napapansin na may katabi ka na.." tawa ng babae.. Napakamot sa ulo ang binata at ngumiti na kita gums.. "Hi.. Aldrin.." pakilala nya.. Ngumiti din ang dalaga.. Yung pang close up naman.. "I know.. Jasmine..".. inabot ng dalaga ang kamay nya.. Nagtataka man.. Inabot na din ng binata ang palad nya sa dalaga... Nagkamay sila.. Napakalambot ng palad ng babae.. "Panu mo ko nakilala?.. Ni hindi nga ako nagsasalita dito sa klase.." tanong ng binata.. Tumawa ang dalaga at lumingon sa guro na abala sa pagtetext.. "Sikat ka.. Kayo ng mga kaibigan mo.." sabi ng dalaga. Natawa na lang si Aldrin at pinagpatuloy ang pagsagot.. Pero lalo syang natawa ng maisulat ang pangalan ni Hannah sa papel nya. Lumingon sa kanya ang dalaga at nakiusyoso.. "Hanep... Wala naman tayong pinag aralang Hannah... Bakit yan ang sinulat mo?.. Hmmm... Girlfriend mo?.." tanong ng dalaga.. Muling napangiti ng kita gums ang binata.. "Di pa.. Soon... Soon.." pagyayabang nya.. "Angas... Well.. Baliw lang siguro ang tatanggi sayo.." nakangiting sabi ng dalaga.. Napangiti na din ang binata at binura ang pangalan ni Hannah.. Kinalabit nya ang nasa harap at binigay ang papel. "Pare.. Anung name mo?.." tanong ng binata sabay abot ng papel.. "Crimemaster Rhone pare..Teka teka...Anu to?.." tiningnan ni Bert ang papel na binigay ng binata..

"Paki.." sabi ni Aldrin.. "Oy.. Di naman saken ang pasahan eh.." reklamo ng kaklase nyang nasa harap.. "Kahit pa.. Iaabot mo lang eh.. Ang tamad mo.." biro ng binata.. "Sino kaya ang mas tamad.?.." angal ni Rhon.. "Ikaw.." madiin na sabi ng binata.. Tumahimik na ang nasa harap nya.. Natawa naman ang dalaga.. "Grabe ka.. Wag ka namang mamwersa.." tatawa tawang sabi nito.. "Oy di ah.. Nakikiusap nga ako eh..Di ba pre?..Salamat ha?.." ngiting palaka si Aldrin sa kaharap nya.. Napailing na lang ang dalaga at inabot na rin ang papel sa pinagbigyan ni Aldrin.. Magrereklamo pa sana ito pero nginitian lang sya ng pamatay ng dalaga... "Aba.. Magical smile..Bakit sa kanya pre di ka na umangal.. Parehas lang naman kami ng smile oh.. Look mo.." ngumiti ulit ang binata na kita tonsil.. Tumawa ang dalaga.. "Yung sayo kasi pre may halong pagbabanta.. Yung sa kanya parang nakakita ka ng tubig sa disyerto.. Refreshing.." paliwanag ni Crimemaster Rhon.. Pinalo ni Jasmine ang lalake at tawa ng tawa.. "Di naman oy.." sabi ng dalaga.. Napangiti din si Aldrin.. "Tama ka nga pare.. Refreshing nga.." tinitigan ni Aldrin ang katabi nyang dalaga.. Nagblush si Jasmine at sinampal ng mahina si Aldrin sa braso.. "Wag kasi.." nahihiyang sabi nya.. Tumawa lang ang binata at akmang tatayo na.. "Oh... Di pa bell.." sabi ng dalaga.. "Tapos na naman ang pakay ni Sir dito.. Tama na ang pagpapanggap na masaya tayo sa company nya.. Bwahahaha..." sabi ng binata.. Tumawa lang ang dalawa at akmang tatayo na din. Lumingon ang guro sa kanila .. Sumimangot kaya napaupo ulit sina Jasmine at Rhon pero tumuloy lang sa pag aayos ng gamit si Aldrin.. Tumikhim ang guro kaya napatingin sa kanya ang ibang mga estudyante..

"Mr. Villarama.. Where are you going?." nakataas ang isang kilay ng bading na guro... "Outside Sir.. I mean Ma'am.. Oh.. I mean sir.." biro ng binata.. Tumawa ang mga kaklase nya pati na sina Rhon at Jasmine.. "Hare dare you.. !.. Sit back !.. Tapos ka na ba sa quiz mo?.. May I see your paper?.." sigaw ng guro.. Natakot bigla ang crowd ... Pinitik ni Aldrin ang daliri nya at nilahad ang palad patalikod.. Tumingin lang si Rhon at Jasmine sa binata.. "Ang hina naman nito.. Akina papel ko.." sambit ng binata.. Tarantang inabot ni Rhon ang papel kay Aldrin at binigay sa guro.. Naglabas ng salamin ang guro nila at ineksamin ang papel ng binata.. Nakakunot noo ito pero taas noo naman si Aldrin.. "Hmm.." sabi ng guro.. Naglabas ito ng ballpen at isa isang pinagchechekan ang mga sagot ng binata.. "May mali kang isa Mr. Villarama..." pang hahamak ng guro.. Napasimangot si Aldrin at nilingon si Rhon.. "Asan na yung isa?.. Yung maliit na nakastapler?..." tanong ni Aldrin sa bagong kaibigan.. Nagtaka si Rhon at pagsilip nya sa ilalim nya ay may maliit na papel nga.. Agad nya itong dinampot at inabot sa binata.. Inabot naman ni Aldrin ang kapirasong papel sa prof nya at muling ngumiti na parang tanga.. Sinilip ng guro ang karugtong na papel at napatingin sa binata.. "Okay.. Perpect..But this is not an excuse para lumabas ka na.. Sit back.. !.." utos ng guro.. Pero di natinag ang binata.. Tumingin sa relos at nagbilang.. "5.. 4.. 3.. 2.. 1.." pagbibilang ng binata at tumingin sa pinto.. Nagtaka ang guro at napatingin din.. Biglang may lumitaw na dalawang lalake sa pinto na magkaholding hands.. "Potpot..." sabay na sabi ng dalawang lalake.. Natulala ang bading na guro sa dalawang bagong dating.. Kumaway naman si Aldrin na parang bakla.. "Im here mga mare.." sigaw ng binata..

Natahimik ang buong klase at nanuod na lang sa tatlo.. "We miss you Potpot.." pabaklang sabi nung isa.. "I miss you too .. Classmates.. Thats my kumares.. Romea and D.. D lang name nya kasi bastos kapag sinabi ko ang buo.. " pakilala ni Aldrin kay Romeo at Darius na magkaholding hands pa rin.. Tulala ang buong klase.. Biglang natawa si Jasmine.. Napatingin si Romeo at Darius sa babaeng tumawa.. "Wow... Prospect..Virgin kaya?.." bulong ni Romeo kay Darius.. "Kahit na di virgin pre.. Sarap yan.." ganting sabi ni Darius.. Inaya ni Aldrin sina Rhon at Jasmine.. "Tara lets.. Ahm.. Mam/Sir.. Can we go..?.. " tanong ng binata.. Tila natuyuan ng laway ang guro at lumunok.. Tulala lang sya sa dalawang bagong dating.. Napakagat labi pa at di sinasadyang binasa ang mga labi.. "Sure sure.. Ikaw pa...Congratz sa pagkakaperfect mo sa quiz ha.." malambing na sabi ng guro at sinulyapan ang dalawang kaibigan nya.. Tawa ng tawa si Aldrin.. Pero sina Romeo at Darius at biglang parang nandiri.. Pare lakas mo talaga sa federasyon.. bulong ni Romeo.. Tangna mo.. SAyo nakatingin oh.. Gago..!.. tanggi ni Darius.. Sinakal nya si Romeo at pilit na nilalapit sa guro.. Gago ka.. Gago ka.. sigaw ni Romeo at pumiglas.. Nagtatakbo ito ... Sumunod si Darius na tawa ng tawa.. Napailing na lang si Aldrin at inaya na ang dalawang bagong kaibigan nya sa labas.. Sa parking area.. Nakaupo si Hannah sa hood ng isang kotse.. Wala syang ideya kung kanino ang kotseng inuupuan nya. Nilabas nya ang dark shades nya at binistahan ang mga dumadaan.. Tagal mo naman lumabas.. Tsk.. naiinip na sya sa kahihintay kay Aldrin... Napalingon sya bigla ng makita sina Romeo at Darius na naghahabulan.. Wahihihi.. Taya ka .. hinawakan ni Romeo sa balikat si Darius sabay takbo ng mabilis.. Ayan na akoooo... Broooommmm... sigaw ni Darius at bumarurot ng takbo para habulin si Romeo..

Di mapigilan ng dalaga ang matawa .. Sipa sya ng sipa sa kakatawa.. Di nya alintana na nagagasgasan nya na ang kotse na inuupuan nya.. Natigil sya sa kakatawa ng mapansing papunta sa kanya ang magkaibigan.. "Wahihi... Mabagal ka taba... Wahihi.." landi ni Romeo .. Tumalon ito sa tabi ng dalaga at sa likod... "Wahihi.. Hannah oh... Wahihihi.." sabi ni Romeo.. Bumungisngis si Hannah at pilit na umiiwas para mahuli ang kaibigan nya.. Tumalon din si Darius at biglang nayupi yung hood ng kotse.. Nagkatinginan sila at nagturuan.. "Hala.. Sabi kasing wag basta basta tatalon..Parang di nya alam ang weight nya.." sabi ni Romeo.. Biglang umalis sina Romeo at Hannah sa hood at natira si Darius.. "Hala...Baka dumating yung may-ari.." pananakot ni Hannah.. Nagsisi naman si Darius at akmang aalis na rin pero biglang may sumigaw sa di kalayuan.. "Holy shit !..What have you done to my car?.." sigaw ng lalake.. Napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng boses.. Nakatayo sa di kalayuan ang matangkad na lalakeng naka jersey... Napatakbo ito at sinilip ang hood na yupi na...Biglang bumaling ito sa tatlo at nanlisik ang mga mata.. "Fuck!.. " sigaw nito at lumapit kay Darius.. Umatras ang binata at nagtago sa likod ni Hannah.. Pati si Romeo ay ganun din ang ginawa at humikbi sila.. "Huhu... Sorry na po... huhu.." nag iyak iyakan si Darius.. Di alam ni Hannah kung matatawa ba sya o matatakot.. Lalong nanlisik ang mga mata nung matangkad na lalake dahil halatang nag iiyak iyakan lang si Darius.. "Gago ka..Kita mo bang nangyari sa kotse ko?... Babayaran mo ba yan?.. Lexus yan !.. Afford mo ba?.." singhal nung may ari ng kotse.. Nakuha na nila ang atensyon ng mga dumadaan at marami na ang nanunuod sa kanila.. Nag iyak iyakan si Romeo at tatawa tawang lumayo si Hannah at pinanuod ang dalawa.. "Sorry na nga po eh.. Kasi excited lang itong kapatid ko na mayakap ako.. Sorry na po.."

paghingi ni Romeo ng patawad .. NAgmura lalo ang lalake at tinulak si Romeo.. Napaatras ang binata sa lakas ng pagtulak sa kanya.. "Pare anong problema?.." sabi nung isa pang naka uniform ng pang basketball.. "Tangna nitong dalawang to eh.. Nilundagan ba naman yung hood ko.. Eh bago lang yan eh.. Kita mo nga puro gasgas na oh.. Ang masaklap pa nayupi .. Bwisit.. ." galit na galit na sabi nung matangkad na lalake.. "Balasahin na yan..." paggatong pa ng bagong dating.. Sa di kalayuan nakatingin lang si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Tawa sya ng tawa...NAtatakot na sa tabi nya sina Rhon at Jasmine.. Hinatak ng babae ang manggas ni Aldrin.. "Hey.. Your friends.. Mapapaaway sila o.." natatakot na ang dalaga.. Tumawa lang ang binata.. "Yaan mo.. Ang lalandi kasi eh.. Biruin mo ba namang maglaro ng mataya taya sa parking area??..Mga gunggong.." sabi ng binata.. "Oo nga.. Ang tanda tanda na naglalaro pa ng ganon.." dagdag ni Rhon.. "Hinde sa ganuon.. Sana ginawa nila yun sa oval.. O di kaya sa gym.. Sa mas maluwag para makatakbo sila ng maayos di ba?.." lalong tumawa ang binata.. Natawa na rin si Jasmine at di sinasadyang napakapit sa braso ni Aldrin.. Di naman ito alintana ng binata at sumigaw pa.. "Sapakin nyo na..!!.." pag gagatong ni Aldrin..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah...Narinig nya ang sigaw ni Aldrin kaya hinanap nya ito sa crowd.. Pero halos malaglag ang puso nya ng makita na may nakakapit na magandang dalaga sa braso nito.. Tila may kung anong mabigat na kamay ang sumakal sa puso nya at parang kinakapos sya ng paghinga.. "O ano mga totoy?.. Kaya nyo bang bayaran yan?..Ha..!." sigaw ng lalake at pati si Darius ay tinulak na.. Nagkatinginan sina Romeo at Darius.. "Isa pa...".. mahinang sabi ni Darius.. Nagtawanan yung dalawang matangkad na lalake .. "Aba.. Lalaban pala eh.." tumawa yung nasa likod..

"Lalaban ba?..Baket?..Ha.?.." muling tinulak ng lalake si DArius.. Nagkatinginan ulit ang magkaibigan.. Tumango si Romeo.. Walang sabi sabing sinapak ni Darius sa panga yung matangkad na lalake.. Bulagta ang kapre.. Napasigaw ang crowd.. Akmang tutulong yung nasa likod pero dinuro sya ni Romeo.. "Wag kang magkakamali..Punyeta.." mahina pero madiin na sabi ni Romeo sa lalakeng tutulong sana.. Napaatras ito bigla..Nasindak.. Akmang tatayo ang matangkad na lalake pero nilapitan sya ni Darius at lumuhod sa harap nito.. "Sorry talaga kuya.. Yung bayad sa hood.. Paki kwenta na lang po at pakibigay sa akin.. Dun mo ko makikita sa kubo sa gitna ng oval.. Sorry po talaga.." taos pusong paghingi ng tawa ni Darius.. Namangha si Aldrin sa nakikita nya..Bigla syang napalapit sa mga kaibigan nya.. "Putsa.. Bakit may ganon?.." sabi ni Aldrin.. Napatingin sina Romeo at Darius sa kaibigan nya.. "Peace pare.. We need peace on Earth...Kasalanan namin.. Kaya dapat kaming mag sorry..Oy gago ka Romeo.. MAg sorry ka rin.." sigaw ni Darius.. "Hala.. Sino kaya yung tumalon?.. Sino kaya yung overweight.. Nakita mo ba nung kami ni Hannah ang nakaupo?..Parang wala lang.. Eh nung ikaw na?.. Lumundo.. Tabatsoy.. !.." pang aasar ng kaibigan nya.. Nagtawanan ang magkakaibigan.. Naasar yung matangkad na lalake at iinot inot na tumayo.. Tinitigan nya lang ng masama ang magbabarkada at pati kotse nya.. Bigla syang nagwalkout.. "Asan si Hannah?.." tanong ni Aldrin.. Napalingon din sina Romeo at Darius.. "Hala.. NAwala?..Baka nakidnap!..Hannaaaahhhhh.." sumigaw si Romeo ng ubod ng lakas.. Nagtawanan yung mga tao na nanunuod sa kanila.. Binatukan ni Darius si Romeo.. "Gago.. Ayun oh." turo nya.. Nakita nilang naglalakad si Hannah papuntang kubo..

"Nang iwan?.. Tangna yang syota mo pare.." pang aasar ni Romeo kay Aldrin.. NAgtaka din ang binata.. "Ay.. Girlfriend mo?." tanong ni Jasmine.. Tila nahimasmasan si Aldrin at napatingin sa dalaga na nakakapit sa braso nya.. Napatingin din sina Romeo at Darius.. NAgkatinginan sila at pasimpleng naglakad na at sumunod kay Hannah. "Babaero ka mare.." bulong ni Romeo pero abot naman sa pandinig ni Aldrin.. "Tomo!.. Salawahan.. Kaya ikaw babes...Wag kang manglalalake ha?.." lambing ni Darius at humilig pa sa balikat ni Romeo.. Magkaholding hands silang sumunod kay Hannah.. NAtawa si Jasmine at Rhon pero tahimik lang si Aldrin.. Tila nagliwanag ang kanyang pagkatao.. "Nagseselos sya.." bulong ng binata.. "Sorry.. Nagalit ata GF mo.." sabi ni Jasmine.. Tumikhim si Rhon. "Guys.. NAgtext na baby ko... Kitakits..." paalam ni Rhon.. Kumaway lang sina Aldrin at Jasmine.. "Tara.. Pakilala kita sa kanila.." nakangising sabi ng binata.. Napakunot naman ang noo ni Jasmine.. Kinuha ni Aldrin ang kamay ng dalaga at sinabit sa braso nya.. Napangiti ang dalaga at naglakad na sila papunta sa kubo.. Kinilig..

Sa kubo naman ay pasalampak na naupo si Hannah sa trono ni Aldrin.. NAgtaka sina Rhoi at Krissia na abala sa paglalaro ng hangaroo sa computer.. "Problema sis?.." tanong ni Krissia.. Di sumagot ang dalaga at todo simangot lang.. Tawa tawang pumasok sina Romeo at Darius..

"Gago.. Soplak yung ungas eh.. Akala ko hahalikan mo.." tawa ng tawa si Romeo.. "Yucks.. Ang baho nga eh.. Amoy pawis..Pero macho pre.." biro ni Darius.. "Yeah.. Nakakalibog.." sakay ni Romeo.. NAgtawanan silang dalawa na parang wala ng bukas. Todo simangot pa rin si Hannah.. "Hi hi.." bati ni Aldrin.. Nagulat ang grupo dahil may kasama ang kaibigan nila.. "Hi hi.." bati ni Rhoi.. Tahimik lang si Hannah ... Pakiramdam nya uusok na ang ilong nya sa galit.. "Hi mo mukha mo.." bulong nya sa sarili.. Sinulyapan ni Aldrin si Hannah at binati.. "Hi.. Ganda mo today ah.." bati ng binata.. Ngumiti lang ang dalaga..Pero pasimple syang umismid.. "Ay !.. Guys.. Si Jasmine.. Friend of mine.." pakilala ni Aldrin.. Nagkatinginan ang tatlong alas.. Si Krissia tinabihan si Hannah at masama ang tingin kay Aldrin.. "Nice Meeting you all.. Wag mo na ipakilala Al.. Kilala ko na kayong apat.. Except for the two lovely ladies here.." biro ni Jasmine.. Pero di tumawa sina Hannah at Krissia.. "Al?.. Kelan pa naging Al ang name nyang kumag na yan?.. " mahinang sabi ni Hannah..NAg aapoy ang mga mata nya na nakatitig kay Jasmine. Natawa si Krissia ng palihim... Tumabi si Romeo kay Rhoi.. "Lovely daw pare.. Dapat dinugtungan nya ng terror.. Terror yang dalawang yan di ba?.." bulong ni Romeo kay Rhoi.. NAghagikgikan sila at biglang lumingon sa kanila si Krissia.. "Ahm pare. .. Yung laro sa PSP mo ang ganda ah.. Anu nga ulit yon?..." biglang segway ni Rhoi.. Pero nag maang maangan si Romeo.. "Weh.. Sabi mo ang ganda ni Jasmine>?.. WAg kang mag deny pare.. WAg mo kong gawing sinungaling..Sabi ni Mom bawal ako mag sinungaling.. Muntik na nga akong ipadala sa

seminaryo dahil nga saksakan ako ng kabaitan..Tsk tsk.." napapailing pa si Romeo at lumayo kina Rhoi at Krissia.. Natulala si Rhoi .. Napatingin sya kay Krissia.. Lalo syang natakot ng makita ang ngiti nito.. "Diyos ko po.. Gago ka Romeo..Makakabawi din ako.......And now... The end is near.. And so I face.. The final curtain... huhuhu.." bulong ni Rhoi.. Si Hannah ay kanina pa gustong sabunutan si Jasmine.. Gusto nyang alisin ang matamis na ngiti nito sa magandang mukha.. "Grabe.. Ang ganda ganda pala dito sa loob.. Napaka cozy at mahangin sya.. Azteg talaga.. Phew...PAra akong nakapasok sa ibang mundo.." bilib na bilib na sabi ni Jasmine.. NAgtawanan lang ang tatlong alas pero di makatawa si Rhoi.. "Bitch.." bulong ni Hannah.. "What?.." tanong ni Aldrin.. "Wala!.." singhal ng dalaga.. "Aba.. Galit ka?.." tanong ng binata... "Di noh.." nakangiting sabi ng dalaga.. NAgkatitigan silang dalawa.. Biglang nailang si Jasmine.. "A-ahm.. Guys.. I have to go na pala.. MAy next subject pa ako .. Nice to meet you all guys.. Salamat sa pagpapatuloy nyo.. Sana sa uulitin.." paalam ng dalaga.. "Buhbye.. Muah muah.." sabay na pamamaalam ni Darius at Romeo.. Akmang kakaway si Rhoi pero biglang tumabi sa kanya si Krissia.. "Ay.. TAra hatid kita.." sabi ni Aldrin.. Tila lalong nagwala ang pakiramdam ni Hannah.. "Bwisit.." bulong nya.. "What?.." nakangiting tanong ni Aldrin.. "Sabi ko bilisan nyo at mag bebell na.." sigaw ng dalaga.. Tumawa lang si Aldrin at inakay na si Jasmine palabas ng kubo.. Nagkatinginan sina Romeo at Darius.. "LQ pre.." bulong nila.. Naghighfive silang dalawa pero biglang lumingon si Hannah sa kanila na masama ang tingin..

"May pasok pa pala ako.. See yah.." biglang banat ni Romeo.. "Wag mo kong iwan mare.. Sasama ako sayo.. NAngako ka na di tayo mag hihiwalay !.." sigaw ni Darius at sumunod kay Romeo.. Masamang masama ang loob ng dalaga.. Nakatulala lang sya na nakatingin sa papalayong sina Aldrin at JAsmine.. Selos na selos ang pakiramdam nya..

Hinatid ni Aldrin si Jasmine sa klase nito.. "Uy thanks ah.. Next time na lang..Sayang di na tayo klasmeyt.." sabi ng dalaga.. Hinalikan nya sa pisngi si Aldrin at pumasok na.. Ngiting ngiti si Aldrin ng bumaba sa building .. Nakasalubong nya si Darius at Romeo.. "Oy.. Papasok kayo?.." tanong nya.. "Ay hindi... LAlabas kame.. Obvious ba na papasok kame sa klase namen?.. Hiyang hiya naman kame sayo noh.." banat ni Romeo.. Binatukan sya ni Aldrin.. "Oy gago ka.. Anung ginagawa mo .." tanong ni Darius.. "Baket?.." painosenteng tanong ng binata.. Nakangiti pa rin sya... "Sus.. PAra kang bata.. " sabi ni DArius. "Haha.. Ang cute nyang magselos pare.. " sabi ni Aldrin.. "Gago.. Baka masobrahan yan.. Alam mo ba ginagawa mo?.. Baka lumayo sya sayo.." pangaral ni Romeo.. "Di naman siguro.. Tinesting ko lang.. Epektib !.." pagyayabang nya.. "Ah bahala ka.. Malaki ka na.. Dyan na kayo at mag aaral pa ako.. Someday I will be a great lawyer.. Noone can defeat me.. BWAHAHAHAHA...Attorney no Lose.. BWAHAHAHAHA.." tumawa si Romeo ng ubod ng lakas dahilan para mapatingin sa kanya ang mga taong nag dadaan.. "BWAHAHAHAHAHA..Nagugutom ako..BWAHAHAHAHAHA" sumabay si DArius at naghiwa hiwalay na sila.. Napailing na lang si Aldrin..

"Parang mga siraulo.. Pero talagang epektib ..Buti na lang tinesting ko..BWAHAHAHAHAHAHAHA.." sigaw nya.. Nagtawanan ang mga nasa paligid nya pero tawa pa rin sya ng tawa na parang wala ng tomorrow.. "BWAHAHAHAHAHAHA.. !." ulit ng binata.. Chapter 12 Blademail

Dismissal Nakasimangot na nakaupo si Hannah sa trono ni Aldrin.. Nakataas ang kanyang mga paa sa mesa at nagbabasa ng mga ginawa nila sa klase kanina.. Pumasok si Rhoi at Krissia.. "Ei sis.." bati ni Krissia. Binaba ni Hannah ang notebook at malungkot na ngumiti sa dalaga.. Dirediretso si Rhoi at kinuha ang nakasabit nyang gitara sa dingding.. Uupo na sana sya sa sariling trono pero nakasalampak na si Krissia dito.. Napakamot ng batok ang binata.. "Dyan ako.." malambing na pakiusap nya.. Tinaasan lang sya ng kilay ni Krissia at inirapan.. Napailing si Rhoi at pumwesto na sa tabi ng binata.. Tumipa sa gitara ng nakatayo at nakatanaw sa dalawang dalaga.. "Sis..Bakit ka malongkot?.." biro ni Krissia.. Natawa ng mahina ang dalaga.. "Wala sis.. Na drain lang siguro ako sa exam kanina.." palusot nya. "Asussss.. I know na..Siraulo talaga yang mga yan eh.." sabi ni Krissia at sumimangot kay Rhoi. "Si Aldrin lang naman kaaway ko.." sabi ni Hannah.. "Dapat lahat sila kaaway mo.." tumawa si Krissia.. PAti si Hannah natawa..

"Chill ka lang sis.." pag aalo ni Krissia kay Hannah.. Nahiya naman si Hannah at umiling.. "Okay lang yon.." sabi nya pero napanganga sya ng may masulyapan sa labas.. Napalingon din si Krissia at pati sya napanganga.. "Ang sweet..." bulong ni Hannah .. Kitang kita nya sa pwesto nila sina Aldrin at Jasmine na magkatabi sa bench.. Tila may kinakain sila... Napailing si Krissia at sinitsitan si Rhoi.. "Di ako pwedeng makialam dyan..." tanggi ni Rhoi.. Sumimangot si Krissia.. "Okay lang sis.. Bagay sila no?.." sabi ni Hannah.. Tila sasabog na ang puso nya sa nasasaksihan.. "Grabe.. Anu kayang nakain nyan ni Aldrin at ginaganyan ka.?.." tanong ni Krissia.. "Haha.. Okay lang no.. Wala naman kame e.." sabi ni Hannah.. Napatingin sa kanya si Krissia.. Agad na tinakpan ni Hannah ang mukha ng notebook nya at nagkunwaring nagbabasa.. "Sis.. Don't deny.. We are family.." sabi ni Krissia.. Dahan dahang binaba ni Hannah ang notebook at malungkot na ngumiti.. "Sorry sis.. Pero siguro talagang mabait lang pala sya sa akin.. Wala palang meaning yon.." sabi ng dalaga.. Pero mas sa kanya nya ito sinasabi.. "Tara kain tayo.." aya ni Rhoi at muling sinabit ang gitara sa dingding.. "Game.." sabi ni Krissia at kumapit na sa braso ni Hannah.. Napalitang tumayo si Hannah at alumpihit na lumabas.. Titig na titig sya sa dalawang magkatabi at nagsusubuan sa bench di kalayuan.. PArang hinihiwa ng maliit na blade ang puso nya.. Humigpit ang pagkapit nya sa braso ni Krissia.. "Okay lang ako sis.." sabi nya.. NAtawa si Krissia at hinatak sa ibang direksyon si Hannah..

Nagpunta sila sa canteen at nakita nila yung dalawang malandi doon.. Nakita din sila nung dalawa at bigla silang sumabog sa tawa ng pabaklang tumakbo ito papunta sa kanila.. "Rhoiiiiii..... We missed you soooo much much much.." pabaklang sabi ni Darius at nagbeso sila.. "I miss you too mare's .. You know .. I have a guard eh.." malungkot na sabi ni Rhoi.. Bigla syang kinurot ni Krissia.. "Where are you going?.." tanong ni Romeo.. "Sa Canteen.. Obvious ba?..Alangan sa Gym eh nasa tapat tayo ng canteen?.. Hiyang hiya naman kame sayo no..?.." sabi ni Rhoi.. Nagtawanan yong tatlo.. "Oh loko.. " sabi ni Krissia.. MAsaya silang pumasok sa canteen.. "Pare akala ko atin na yang spot na yan?.." tanong ni Rhoi kay Romeo.. "Sinabi ko na nga sa admin eh.. Mukhang tigasin.. Natatakot ako.." sabi ni Romeo at humawak sa braso ni Darius.. "Wag ako.. Natatakot din ako.. Look mo nga ampanget eh.." sabi ni Darius at nagyakap sila.. Natawa si Hannah .. Kahit paano naiibsan ang kalungkutan nya.. Palapit na sila sa pwesto nila dapat pero may tao pa rin.. Dalawang lalake na kumakain at naghaharutan din.. "Guys.. Tapos na kayo?.." tanong ni Rhoi.. Napatingin sa kanila ang dalawang lalake at umiling.. Muling pinagpatuloy ang pagkain at pag kukuwentuhan.. Hinila na ng dalawang dalaga sina Rhoi at Romeo pero walang humatak kay Darius kaya nakatayo pa rin sya.. "Magkano yan pre?..." tanong ni Darius. "Ah eto?.. 100 lang pards.. Dun o.." turo nung isang lalake... Napalingon agad si Darius at tumakbo sa counter.. "Manang.. Pabili dali.. Grrr..." naglaway sya bigla.. Natawa naman ang mga kaibigan nya at nakaupo na sa malapit na mesa..

Si Darius na din ang umorder sa kanila.. Nagharutan sina Rhoi at Krissia at nakangiti lang na nakatingin si Hannah.. Naiinggit sya sa kaibigan dahil mukang nahanap na nito ang soulmate nito.. Samantalang sya .. Tsk.. Napabuntong hininga si Hannah.. Napansin ito ni Romeo .. "Problem?.." tanong ng binata.. Tumingin si Hannah kay Romeo at ngumiti.. "Wala.." sabi nya.. Pero nangulit ang binata.. "Come on.. Try me.." sabi ni Romeo.. Tumawa ng mahina ang dalaga at kinurot si Romeo. "Wala nga.." sabi nya.. Pero ngumisi lang si Romeo.. Natawa si Krissia at Rhoi.. "SAbihin mo na sis.. Di ka titigilan nyan..Eto kasi Romski...nagseselos kay Aldrin at Jasmine.." sabi ni Krissia.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah at umiling.. "Oy di no.." sabi nya.. Humawak si Romeo sa baba nya at tumingin sa malayo.. Dumating na si Darius na maraming dalang pagkain.. "Hoy... Tumayo ka nga dyan.. Tamad ka talaga eh.. Kunin mo yung drinks.." utos ni Darius.. Tumayo si Romeo at iinot inot na lumapit sa counter para kunin ang inorder ni DArius.. Pagbalik nya ay nakangisi na sya at nakatingin kay Hannah.. "I know na.." sabi ni Romeo sabay lapag ng mga inumin.. Napatingin sa kanya ang lahat.. Si Hannah na curious..

"What?.." sabay sabay nilang tanong. Blademail.. sabi lang ni Romeo.. Natawa yung dalawang lalake pero nakanganga lang sina Krissia at Hannah.. Ano daw?.. tanong ni Krissia.. Kinalabit nya si Rhoi .. Haha.. GAgo talaga to.. Blademail ay isang item sa DOTA.. tumatawang sabi ni Rhoi.. Napailing naman ang dalawang dalaga.. Seryoso ako.. sabi ni Romeo. Ano naman daw ang gagawin namin sa Dota dota na yan aber?.. tanong ni Krissia.. Blademail.. sabi pa rin ng binata.. Sumubo na si Hannah ng pagkain at di na pinansin si Romeo.. Malamang nangtitrip lang ito.. Tama ka pre.. sabi ni Darius.. Napatingin agad si Hannah.. Paliwanag nyo kase.. sabi ng dalaga.. Napatingin si Romeo kay Rhoi at Darius.. Ako na.. sabi ni Rhoi.. Tinigil ng dalawang dalaga ang pagkain at nakinig sa binata.. Sa DOTA.. may isang item na tinatawag na blademail.. bungad ni Rhoi.. Napailing ang dalawang dalaga.. Bilisan mo.. sabi ni Krissia.. Eto naman walang suspense.. Gusto bakbakan agad.. sabi ni Darius pero inirapan lang sya ng dalaga.. Blademail.. Clickable sya.. So nagagamit mo sya.. sabi ni Rhoi.. Di namin alam yan.. singit ni Hannah.. Makinig kasi.. sambit ni Romeo .. PEro inirapan sya ng dalawang dalaga.. So pag ginamit mo yung item na yon.. Tapos tinira ka ng kalaban.. Masasaktan ka.. Pero babalik sa kanya yung bawas.. paliwanag ni Rhoi.. Nagkatinginan yung dalawang dalaga..

Napailing si Hannah at tinuloy ang pagkain.. Di ko ma gets.. sabi nya.. Napakapit si Krissia sa braso ng kaibigan nya.. "Sis.. Parang nagegets ko.." sabi ng dalaga.. Tumigil si Hannah sa pagsubo.. Anong gagawin natin?.. tanong nya.. NAtahimik ang mga kaibigan nya.. Binasag ni Krissia ang katahimikan.. Gagamitan mo sya ng blademail.. biro ng dalaga.. NAtawa ang tatlong binata at nagthumbs up.. Nalito ang dalaga.. Pano?.. tanong nya.. You will fight back.. sabi ni Rhoi.. Blademail.. Inatake ka nya.. Gagamit ka ng blademail.. Pareho kayong masasaktan pero mas masakit ang balik sa kanya.. paliwanag ni Rhoi.. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at natawa.. Alam nyo guys.. Di ko alam yang sinasabi nyo..Loyal ako.. sabi ng dalaga pero bigla syang inulan ng tukso.. NApatakip ang mga kamay nya sa mukha nya at ramdam nyang pulang pula na ito.. Haha.. Joke lang .. Ay sis wag kang mangiliti.. sigaw ni Hannah pagkat kinikiliti sya ni Krissia sa balakang.. Loyal huh... sabi ni Krissia at muli silang nagkilitian.. Nagngitian lang ang tatlong lalake.. NAgpatuloy na sila sa pagkain.. Pagtapos nito ay nagplano sila.. Guys .. Thanks talaga.. Parang nakakahiya ata.. sabi ni Hannah.. Anu ka ba?.. Maganda nga yan eh.. PAra makita natin ang reaksyon ng talipandas na yon.. nakasimangot na sabi ni Krissia. Okay .. Sinong gagamitin nating pang blademail?.. tanong ni Darius.. NAg isip sila..

May kilala ako.. sabi bigla ni Rhoi. Sino?.. sabay sabay nilang tanong.. Seeecreeett... landi ni Rhoi at bigla syang niyakap sa braso ni Krissia.. Sabihin mo.. bulong ng dalaga.. Sa bahay na.. wika ni Rhoi.. Napangiti lang ang dalawang binata. Guys.. Thanks talaga.. Akala ko may bias na mangyayari kasi friend nyo si Aldrin.. nakangiting sabi ng dalaga. Ofcourse .. Pero walang bias dito kasi friend karin namin.. We told you already na family na tayo.. sabi ni Krissia.. Nagtayuan na silang lahat at lumabas ng canteen.. Nasalubong nila sina Aldrin at Jasmine.. MAy kasama pa itong isang tila monggoloid.. Hi hi.. bati ni Aldrin .. Hi hi.. sabay sabay na bati nung tatlong alas pero umirap lang si Krissia at kumapit ng mahigpit kay Hannah.. Si Hannah naman ay tila lalong nahiwa ang puso dahil sa nasasaksihang sweetness ng dalawa.. Nagiwas sya ng tingin at dumiretso ng lakad.. Kumain na kayo?.. tanong ni Aldrin. Tapos na.. Busy ka kasi masyado.. banat ni Krissia.. NApakamot ng batok ang binata at pinakilala ang isa pang kasama nya. Guys.. Eto nga pala si Crimemaster Rhon.. sabi ni Aldrin.. Nagtawanan yung tatlong lalake at kinamayan si Crimemaster Rhon. So.. Kakain lang kame ah.?.. paalam ng binata at sinulyapan si Hannah na nakatingin sa malayo.. Napangisi si Aldrin. See yah.. Di na muna ako sasabay mga tol kasi hahatid ko lang itong si Jasmine.. parinig nya .. Nagkatinginan ang magkakaibigan.. Nagkibit balikat lang sila at tumango.. Sige .. sabi ni Romeo.

Pumasok na sa Canteen sina Aldrin at naglakad na muli sina Hannah.. Masakit na masakit ang puso nya ... Relax lang sis.. Tomorrow .. You will have your revenge.. sabi ni Krissia.. Tumawa ng mahina si Hannah.. MAtamlay pa rin.. So paano.. Bukas na lang.. May pupuntahan pa kame ni Mommy D.. sabi ni Romeo at nagholding hands sila ni DArius.. NAglakad na sila palayo.. Mga siraulo talaga.. sabi ni Rhoi.. As if di ka ganyan.. banat ni Krissia.. Ngumiti lang ang binata at hinatid na ang dalawang dalaga.. Sa huling pagkakataon ay muling sinulyapan ni Hannah sina Aldrin ..

Kinabukasan.. Nagtipon tipon lahat sa kubo.. Himala wala si Jasmine mo>?.. tanong ni Rhoi.. Late nga eh.. Malamang na sa third subject na yon papasok.. sabi ni Aldrin pero nakatingin lang sya kay Hannah.. Napakaganda ng dalaga sa suot nito.. Blue fitted shirt na may tatak na DOTA sa likod.. Naka jeans na hapit at kitang kita ang kaseksihan ng dalaga.. PArang asong naglalaway si Aldrin.. Pero di sya pinapansin ng dalaga.. Abala sila ni Krissia na naglalaro sa PC.. Nakaupo ang apat na alas sa kanya kanyang trono.. Tahimik lang sila ng biglang may nag text kay Rhoi. Napangiti ang binata.. Nilapitan nya ang dalawang dalaga na nababaliw na sa kakalaro ng DOTA.. Game.. bulong ni Rhoi.. Nanigas bigla ang katawan ni Hannah.. This is it.. bulong nya at lumapit kay Aldrin..

Dyan ako.. maangas nyang sabi.. Natawa sina Rhoi at inasar ang kaibigan nila.. Wala ka ng pwesto pre.. pang aasar ni Rhoi.. Ako dyan.. pasigang sabi ni Krissia. Umugong ng asaran sa loob ng kubo... Limang minuto ang lumipas...May nagtext ulit kay Rhoi.. Teka mga pare. sabi ng binata..Sabay labas ng kubo.. Maya maya ay bumalik ito pero di na nagiisa.. Guys.. Friend ko.. pakilala ni Rhoi.. Hi.. bati naman ni Hannah.. Gwapo ang kasama ni Rhoi.. Matangkad din at halatang galing sa mayamang pamilya.. This is Ismael..Ismael Galvez III..Co-Department ko.. Engineering din pero graduating na sya.. pakilala ni Rhoi sa bagong dating.. Pumasok sila .. Hello guys.. tila nahihiyang sabi ng bagong dating.. Nagkatinginan naman sina Darius at Romeo at napangisi.. Ang pogi naman.. sabi ni Krissia.. Oo nga.. banat ni Hannah.. Biglang napatingin si Aldrin kay Hannah..NApakunot noo.. Ay..!.. May assignment ako about Calculus..Paturo pwede?.. tanong ni Hannah.. Sure sure.. San tayo?.. tanong ni Ismael.. Ay wag na dito..Masikip.. Labas na lang kayo .. Sa library.. taboy ni Krissia.. Nahiya naman si Ismael. Mahiyain talaga to eh.. Sige na pre.. PEro ingatan mo yang sister namin ah.. sabi ni Rhoi.. Yes.. Definitely.. sabi ni Ismael at pinaalam nya na ang dalaga sa mga kaibigan nito.. Kumaway lang sila Rhoi.. Si Aldrin nakanganga lang at tila naging bato na.. Hoy.. Tinubuan ka na ng ugat oh.. Galaw galaw.. untag ni Darius..

Bumungisngis si Krissia at niyakap si Rhoi.. S-sino yon?.. tanong ni Aldrin. Si Ismael.. sagot ni Rhoi. I mean.. Bakit sya andito?.. tanong ng binata.. Baket?.. Bawal ba outsiders dito sa kubo?.. Ikaw nga nagpapasok ng chix e... mataray na sabi ni Krissia. Eh bakit ganon..?.. Close na agad sila ni Hannah?.. tanong ni Aldrin.. Ewan.. Mukha namang mabait si Ismael eh.. Tapos ang gwapo pa.. Kinilig nga ako eh.. sabi ni Krissia .. Biglang inalis ni Rhoi ang pagkakayakap ni Krissia pero pumalag ang dalaga at humigpit lalo ang yakap.. Joke lang..Ito naman.. sabi ng dalaga.. Napangiti si Rhoi ng parang aso.. Calculus?.. May calculus ba kameng subject?.. Eh pang engineers yon eh.. takang tanong ng binata.. Baka palusot lang nya kasi gusto nyang masolo si Papa Ismael.. So yummy.. biro ni Darius.. Nakangiti lang si Romeo.. Tulala ang binata.. Tuliro... May mali.. May conspiracy dito.. sigaw ni Aldrin .. PEro nagdeny ang mga kaibigan nya.. Baket pre?.. tanong ni Rhoi.. Selos ka?.. banat ni Darius.. Sinong nauna?.. singit ni Romeo.. Lalo lang naguluhan ang binata.. Bagay sila no?.. sabi ni Krissia.. Sumang ayon naman ang tatlo.. Tuliro si Aldrin.. Di nya alam ang nangyayari.. Parang bigla syang nawalan ng energy.. Bigla syang napatayo ..

Nakalimutan ko..May assignment din pala ako.. Kailangan kong mag research .. Sa library.. Tama tama..See yah guys at mag aaral pa ang friend nyo.. Bye bye.. dire diretsong sabi ng binata sabay halos patakbong tinungo ang library.. Humabol si Darius. PAre anung ireresearch mo?.. tanong ni Darius. Calculus pare.. sigaw ni Aldrin at tumakbo na talaga papuntang library.. Umugong ang tawanan sa kubo.. Success..Di nya kinaya ang blademail ni Hannah.. sabi ni Romeo.. Pero infairness.. Nataranta ang lola mo.. sabi ni Rhoi at nagtawanan pa sila lalo.. Chapter 13 Rinig ko yon..

Dismissal Dali daling nagligpit ng gamit si Aldrin.. Nagtaka si Jasmine.. "May lakad ka ata?.." tanong ng dalaga.. Ngumiti lang ang binata.. Nilampasan nya na agad ang guro... Nagtungo sya sa pangatlong kwarto kung saan ang klase ni Hannah. Pero nakaramdam ang binata ng pagkaasar ng makilala ang binatang nag aabang na sa tapat ng kwarto ni Hannah.. "Ang aga amf.." asar na bulong ni Aldrin.. Inis na lumapit si Aldrin sa tapat ng room ni Hannah at sumandal sa wall.. "Aga brad ah.." puna ni Aldrin.. Lumingon si Ismael at ngumiti sa binata.. "May lakad kasi kami ni Hannah eh.." sagot ng binata .. Lalong tila nagwala si Aldrin sa narinig.. "Saan naman?." tanong ni Aldrin.. "Ah dyan lang.. Kakain lang then nuod ng theatre.." sagot ni Ismael..

Napaismid si Aldrin.. "Theatre amf.. Boring.." bulong nya. "What ?.." tanong ni Ismael.. "Wag mo kong mawhat what baka balasahin kita.." bulong nyang muli.. Napailing na lang si Ismael at binalingan na ang classroom.. Tila nagulat pa si Hannah ng makita si Ismael pero mas nagulat ito ng makita si Aldrin.. "Hi.. Tara?.." aya ni Ismael.. Napatingin ang dalaga kay Aldrin.. Ngumiti lang ang binata sa kanya.. "Ahm.. Sama ka?.." aya ng dalaga.. Napangisi ang binata.. "Pwede?.." tanong ni Aldrin.. "Pwede ba?.." tinanong ni Hannah si Ismael.. Kumunot ang noo ng binata pero ngumiti na rin. "Sure.. Tara pre.." aya ni Ismael.. Napangiti si Aldrin.. Pagdaan nila ng room nya ay nakasalubong nya pa si Jasmine na nagtetext.. Paglingon ng dalaga ay napasimangot ito.. "Akala ko aalis ka na?.." tanong ni Jasmine.. "Paalis na nga..Teka.. Sama ka?.." tanong ni Aldrin sabay lingon kay Ismael.. Napasimangot naman si Hannah... Nagliwanag ang mukha ni Jasmine at agad kumapit sa braso ni Aldrin.. "Game!.." nakangiting sabi ng dalaga..

Nagtext lang si Aldrin sa mga kaibigan nya na didiretso na sa pag uwi... PAgdating sa parking lot ay nalula sila sa gamit na sasakyan ni Ismael.. "Sayo yan?.." nanlalaki ang mga mata ni Hannah sa paghanga.. Parang nanliit ang pakiramdam ni Aldrin..Sa unang pagkakataon ay nakaramdam sya ng pagkatalo sa aspeto ng pera..

"Di no.. Kay Dad yan.." palusot ni Ismael.. Binuksan nya na ang pinto ng driver seat pero pumasok si Aldrin at naupo agad.. Nagulat si Ismael. "Ahm.. Pare.. Si Hannah dyan.." sabi ni Ismael.. "Ay.. Ako na lang pards.. Ang sarap dito eh.. Sige na..." dinama pa ni Aldrin ang lambot ng upuan.. Napakamot si Ismael sa ulo at binalingan si Hannah.. "Okay lang ako sa likod.." sabi ng dalaga.. Nauna na syang pumasok kasunod ni Jasmine.. Sumakay na rin si Ismael at inistart ang makina.. "So.. San nyo gustong kumain guys?.." tanong ni Ismael. Nagkatinginan ang dalawang dalaga.. "Sa Chinese Resto na lang Ismael.." sagot ni Jasmine.. Napaismid ng lihim si Hannah.. "Ang arte.." bulong nya.. Napaisip si Aldrin.. "Pre sa turo turo na lang.." sagot ni Aldrin. NApangiti si Hannah.. "Game ako.. " sagot ni Ismael.. "Ako rin.." sambit ni Hannah.. Napasimangot si Jasmine.. "Wala namang masarap na pagkain don eh.." angal ni Jasmine.. "Pwede namang ihatid ka namin sa Chinese Resto .. Tapos babalik kami sa turo turo.." pang aasar ni Hannah.. Nagtawanan ang dalawang binata.. Lalong nagdabog si Jasmine at tumingin na lang sa bintana... "Sige na nga.. Basta kung nasan si Aldrin don ako.." sabi ni Jasmine.. Napasimangot si Hannah.. Tila balak ng sikuhin ang katabi.. "Tara !." sabi ni Ismael at pinaandar na ang sasakyan..

Pagabi na ng nakauwi si Aldrin.. Medyo badtrip sya dahil di nasunod ang balak nyang sya ang huling ihatid.. Nagpumilit si Ismael na si Hannah na lang ang huling ihahatid nya.. Galit na galit ang binata.. Di nya mailabas ang sama ng loob dahil magmumukha lang syang tanga.. Sya ang may kasalanan.. Sya ang nakaisip na pagselosin ang dalaga at sa di inaasahang pangyayari.. Bumalik sa kanya ang ginawa nya.. Inis na pumasok ang binata sa bahay nila.. Naabutan nya ang ina na naghahanda ng hapunan..Agad syang lumapit at humalik sa pisngi nito.. "Oh anak.. Ginabi ka.. Hala at magbihis ka na para makakain na tayo.." taboy ni Alona sa anak.. "Tapos na ako Mom.. Nag early dinner na kami ni Hannah.." pagyayabang ni Aldrin.. Napangiti at kinilig si Alona.. "Naks.. Angas ng anak ko ah.." nakangiting sabi ni Alona.. Pero unti unting napalitan ng simangot ang ngiti ni Aldrin.. Napansin ito ng ina. "Oh baket?.." tanong ni Alona.. "May kasama kame.." nakangiwing sagot ni Aldrin.. Natawa ang nanay nya.. "Wawa naman.. Yaan mo may next time pa.." sagot ng ina.. Napangiti si Aldrin at muling hinalikan sa pisngi ang ina.. Nadaanan nya sa sala ang bunsong kapatid na abala sa panonood ng TV.. Piningot nya ang tenga nito dahilan para magulat si Alyssa... "Ay..!.. Kuyaaa!.." sigaw ni Alyssa.. "Ikaw.. Imbes na tumulong ka kay Mom.. Nanunuod ka pa.." sita ni Aldrin sa kapatid.. Napanguso si Alyssa at pinatay ang TV.. Bubulong bulong itong nagpunta sa kusina. Natawa naman ng bahagya si Aldrin at nagpunta na sa kwarto nya.. Sumalampak agad sya sa kama at nagmuni muni.. Isang oras ata syang nakatitig sa kisame.. "Hayz... " di na mabilang ni Aldrin kung pang ilang buntong hininga na ang nabitawan nya..

Nag ring bigla ang cellphone nya.. Agad nya itong sinagot kahit di pa nakikita kung sino ang tumatawag.. "Hello !.." maangas na sagot ni Aldrin.. "Hi." boses babae.. "Sino to?.." tanong ng binata.. "Eh kung pingutin ko tenga mo?.." mataray na sagot sa kabilang linya.. Napatingin si Aldrin sa screen ng cellphone nya at bigla syang natawa.. "Hi Hannah.." malambing na sagot ni Aldrin.. "Hi Hannah your face.." maangas na sagot ni Hannah sa kabila.. Natawa ang binata at nagpagulong gulong.. "Buti naman nakauwi ka agad.?.." tanong ng binata.. "Syempre.." sabi lang ni Hannah.. "Gawa mo?.." tanong ng binata.. "Kausap ka.." sagot ng dalaga.. Nagkatawanan sila bigla.. "Kumain ka na?.." tanong ni Aldrin pero maging sya ay nakornihan.. "Tapos na tayong kumain remember?.." tumatawang sabi ni Hannah.. "Ay oo nga.. Sorry.. Nawawala kasi ako sa sarili pag kausap kita.." banat ni Aldrin..

Sa kabilang linya.. Natakpan ni Hannah ang phone nya at binaon ang mukha sa unan..Duon nya binuhos ang buong tili nya.. Ilang saglit pa ay kinalma ng dalaga ang sarili .. "Korni mo." tanging nasabi nya.. "That's true.. " sabi ng binata.. Napangiti ng maluwang ang dalaga.. "Huuusss.. Si Jasmine?.. Namimiss mo?.." tanong ng dalaga.. Sa pagkakabanggit ng pangalan ng babae ay di maiwasang umahon ng inis sa katawan nya..

Sa kabilang linya.. Ngiting ngiti si Aldrin na halos mahati na ang mukha nya.. Abot na ata sa batok nya ang pagngiti nya.. "Wow.. Wala yon no.." nakangiting sagot ng binata.. "Huuuusss.. Bakit mo sinama?.." tanong ng dalaga.. "Syempre.. Kesa ma out of place ako sa inyo ni Papa Ismael mo.. " asar na sabi ni Aldrin.. Sa kabilang linya.. Muling inatake ng kiliti si Hannah.. Tila sya bulateng nabudburan ng asin at nagpagulong gulong sa kama.. "Bakit ka ma o-out of place?.. Eh di naman date yon eh.." sagot ng dalaga.. "At ano ang tawag mo don?.." tanong ni Aldrin.. "Uhmm.. Pasyal lang.. Kasi busy ka sa chix mo.." biglang banat ni Hannah.. Huli na para pigilan nya ang sarili.. Nasabi nya na ang matagal nya ng kinaiinisan.... Sa kabilang linya.. Napasuntok sa hangin si Aldrin.. "Yes !.." sigaw nya .. "Anong yes?.." mataray na tanong ni Hannah.. "Ah wala.. Si Aly kasi nagtatanong kung busog pa daw ako.. Sabi ko yes.." palusot ng binata.. "Ah.. Paki kamusta mo na lang ako kila Tita at Tito.. Pati na rin kay Sis.." sabi ng dalaga.. Ngiting ngiti na parang aso si Aldrin.. "Sis talaga?.." tanong ng binata.. "Baket?.. " taray ni Hannah. "Wala.." nakangiting sagot ng binata..

Matagal na katahimikan.. Nagpapakiramdaman lang sila.. "Ahmm.." sabay nilang sabi..

Nagkatawanan sila.. "Sige go ahead.." pauna ni Aldrin.. "No ikaw muna.." sabi ng dalaga.. Muli silang natahimik.. "Aldrin.." sabi ng dalaga.. "Hannah.." bulong ni Aldrin.. Katahimikan.. "Hatid kita bukas.." bulong ng binata.. Sa kabilang linya.. Halos masira ni Hannah ang unan.. Pinagpalo nya ito ng malakas dahil sa tindi ng kilig sa simpleng sinabi ni Aldrin.. Muli nyang kinalma ang sarili.. "Baket?.." tanong ng dalaga.. "Gusto ko lang.." sagot ng binata.. "Ayoko.." biglang sabi ng dalaga..

Sa kabilang linya.. Nagulat si Aldrin sa sinabi ni Hannah.. "Ha?... Baket?.." tarantang tanong ni Aldrin.. "Baket muna.." tanong ng dalaga.. Napakamot si Aldrin at humiga.. "Eh kasi....Kasi.." walang maisip na dahilan si Aldrin.. Iisa lang ang nasa isip nya.. "Kasi ano?.." sigaw ni Hannah sa telepono. "Gusto kita.." mahinang mahina ang pagkakasabi ni Aldrin.. Katahimikan.. Sa kabilang linya..

Nalaglag si Hannah sa kama.. Naibato nya ang cellphone nya dahil sa pagragasa ng sobra sobrang kilig sa katawan nya..

Sa kabilang linya.. Nagulat si Aldrin ng makarinig ng kalabog.. "Hey.. Hannah. What happened?." sigaw ni Aldrin..

Sa kabilang linya.. Iinot inot na tumayo ang dalaga at muling dinampot ang cellphone.. Di nya alintana ang sakit ng pagkakabagsak.. "Oh nothing.. Nalaglag lang ang phone.." sagot ng dalaga.. "Thank God.." sabi ng binata.. "Pakiulit.." sabi ng dalaga.. Natawa ang binata sa kabila.. "Ang alen?.." palusot nya.. "Yung sinabi mo.." sabi ng dalaga.. "Alin nga?.." pag iwas ni Aldrin.. "Isa !.. Ibababa ko to.." banta ng dalaga.. Katahimikan.. "Oh ano?.." untag ng dalaga..

Sa kabilang linya.. Pinawisan bigla si Aldrin ng malamig.. Huminga sya ng malalim.. "Gusto kita.." lalong humina ang pagkakasabi ni Aldrin..

Katahimikan..

Akala ni Aldrin walang narinig si Hannah kaya medyo nakahinga sya ng maluwag...

"Rinig ko yon.." biglang sabi ng dalaga.. Napatayo bigla si Aldrin at napangiti ng maluwang..

Katahimikan.. "Sige.." mahinang sabi ng dalaga.. Natawa si Aldrin at nakaisip ng pambawi.. "Baket?.." tanong ng binata.. Napangiti din si Hannah. "Anong baket?.." tanong ng dalaga.. "Baket ka pumayag?.." tanong ng binata.. Natawa ang dalaga.. "Haha.. Bumabawi ka !.." sumbat ng dalaga.. Nagtawanan silang dalawa.. "Baket nga?.." pangungulit ni Aldrin.. "Kasi ano.." pambibitin ng dalaga.. "Ano?.." tanong ng binata..

Sa kabilang linya.. Di na talaga maalis ang ngiti sa mukha ni Hannah.. Parehas ng binata.. Sumasakit na din ang panga nya sa kangingiti.. "Gusto din kita." nilayo ni Hannah ang phone at mahinang nagsalita.. Katahimikan.. Akala ni Hannah nakalusot na sya.. "Rinig ko yon.." banat ni Aldrin.. Katahimikan.. "So.. Bukas?.." tanong ng binata..

"Sure !.." sagot ng dalaga.. Katahimikan.. "Namimiss na kita.." bulong ng binata.. "Ako rin.." mahinang sabi ng dalaga.. Katahimikan.. "Rinig ko yon.." sabi ng binata. Tumawa silang pareho at sabay na nagpagulong gulong sa kama.. "Bukas.." banat ng dalaga.. "Bukas.." sagot ni Aldrin.. Katahimikan.. "Namimiss na din kita.." mahinang sabi ni Hannah.. "Rinig ko yon.." banat ni Aldrin.. Nagtawanan sila at nagpaikot ikot sa kama.. Patindi ng patindi ang nararamdamang kilig habang papaunti ng papaunti ang pinaguusapan nila.. "Si Ismael.." biglang banat ni Aldrin.. Natahimik ang dalaga..Napangiti.. "Selos ka?.." tanong ni Hannah.. Natawa ng mahina ang binata at umungol.. "Rinig ko yon.." sabi ni Hannah.. Muli silang nagtawanan.... "Wala yon.. Friends lang kame.. MAbait siya sobra..Pero hanggang don lang.." paliwanag ng dalaga... Natawa si Aldrin.. "Bakit ka nagpapaliwanag?.." tumatawang tanong nya.. Natawa din si Hannah at napanguso.. "Kasi ikaw eh.." angal ni Hannah.

Muli silang nagtawanan.. "Si Jasmine baby mo.." asar na sabi ni Hannah.. Kinilig si Aldrin at sa sobrang pag ikot nya ay bumagsak sya sa kama... Narinig ni Hannah ang paglagabog at di nya napigilan ang matawa dahil sa parehong kaganapan na nangyari sa kanila ng binata.. "Selos ka?.." nakangiti na tanong ni Aldrin... Napanguso si Hannah. "Oo.. !." diretsong sabi nya.. Katahimikan.. "Rinig mo?.." mataray na sabi ng dalaga.. "Nabingi nga ako.." sabi ni Aldrin.. Nagtawanan sila. "Pero wala yon.. Malambing lang talaga sya and take note.. May BF na sya.." paliwanag ni Aldrin.. "Weeee..." sagot ni Hannah.. "Promise.. At isa pa.. Iisa lang ang gusto ko.." nakangiting sabi ni Hannah.. Sa kabilang linya.. Nais ng magwala ni Hannah at parang gusto ng sirain ang damit at gayahin si Incredible Hulk sa sobrang kilig na nararamdaman.. "Sino?.." tanong nya.. "Si Queen of Hearts.." sagot ng binata.. Natawa ang dalawa. "Ako yon?.." tanong ng dalaga.. "Hindi.." banat ni Aldrin. "Sino?.. " maangas na tanong ng dalaga.. "Si Hannah.." sabat ni Aldrin at muli silang natahimik dalawa.. Sa kabilang linya.. "Hannah.." mahinang sabi ni Aldrin.. "Po??.." tanong ng dalaga..

"I really like you.." mahinang sabi ng dalaga.. Kinagat ni Hannah ang daliri upang pigilan ang impit na pagtili.. "Rinig mo?." tanong ni Aldrin.. "Loud and Clear.." sagot ng dalaga.. "Eh ikaw?.." tanong ni Aldrin.. "Secret.." landi ni Hannah.. Nagtawanan silang dalawa.. Biglang nagwarning ang cellphone ng dalaga.. "Ay shet.. Lowbat na!.." sigaw ni Hannah.. Natawa si Aldrin at napatingin sa relos.. "Biruin mo.. Kumain tayo ng dalawang oras sa kakarampot na pag uusap?.." tanong ni Aldrin.. Nagtawanan ulit sila.. So.. Tomorrow?..Wag ka na magpasundo kay Ismael.. makaawa ni Aldrin.. Okaaayyy... landi ni Hannah.. Katahimikan.. Muling nagwarning ang phone ni Hannah.. Sige na... Good night.. malambing na sabi ni Hannah.. Goodnight.. My love.. bulong ni Aldrin.. Sasagot sana si Hannah pero namatay na ang phone nya.. Napangiti sya at niyakap ang unan at pinanggigilan.. Rinig ko yon Pot.. sigaw ni Hannah at nagpagulong gulong na naman sa kama.. Sa kabilang linya.. Ngiting ngiti si Aldrin na binaba ang telepono sa side table nya at nahiga sa kama.. Napakalawak ng pagngiti nya at tumitig sa kisame.. I love you Hannah.. sigaw ni Aldrin .. Pumikit na sya .. Umaasang si Hannah ang mapanaginipan nya..

Sa tapat ng pinto ng kwarto ni Aldrin. Halos mamilipit sa kilig sina Alona at Nestor.. Dinig nila ang usapan ng anak at ni Hannah.. Kanina pa sila duon dahil tinatawag nga nila si Aldrin upang ayain na manuod ng DVD pero narinig nga nila na may kausap ito sa telepono.. Si Hannah nga.. Dahan dahan silang tumalilis palayo sa kwarto ng anak.. Pagbaba ng hagdan ay di na nila pinigilan ang kilig na nararamdaman.. Anak ng patis.. Akala ko mamamatay ako sa kilig eh.. sabi ni Nestor.. Mana sayo ang anak mo labs.. lambing na sabi ni Alona.. Niyakap ni Nestor ang kabiyak at dinampian ng halik sa labi.. Tulog na tayo?.. aya ni Nestor sa asawa.. Natawa si Alona at dinampian din ng halik ang kabiyak.. Tara?.. sang ayon nya.. Nagkatitigan sila at tumawa ng mahina.. Tulog lang?.. landi ni Nestor.. Ofcourse not !.. mahinang sabi ni Alona.. Rinig ko yon!.. banat ni Nestor.... Nagtawanan sila at dahan dahan muling umakyat sa kwarto nilang mag asawa.. Sa salas .. Inis na si Alyssa.. Nasan na ba mga tao dito?.. asar na sabi nya.. Hawak nya ang DVD na dapat panonoorin nila at nakahanda na rin ang snacks nilang cookies.. Lumipas ang halos sampung minuto ay walang bumababa kaya nagpasya na syang ubusin ang cookies at matulog na lang.. Walang ideya kung bakit wala ang mga kasama nya sa bahay.. Grrrr...!.. asar na sabi ng dalagita.. Chapter 14 Trust

Umaga.. Sa ikalawang pagkakataon.. Naunahan ni Hannah ang alarm clock nya.. Tila napakagaan ng kanyang pakiramdam.. "Miss na agad kita Pot.." ngiting ngiti si Hannah.. Binuksan nya ang bintana at agad na pumasok ang sikat ng araw.. Nakangiti syang tumuloy sa banyo.. Paglipag ng halos isang oras ay nakangiting bumaba ang dalaga..Nasalubong nya ang yaya nya na kagigising pa lamang.. Nagulat ito pagkakita kay Hannah.. "Dyos Miyo Hannah.. Alas singko?.." sigaw ng yaya.. Natawa ang dalaga pero di na inintindi ang sinabi nito.. "Tara luto tayo Yaya.." nakangiting sabi ni Hannah. "Anoo?.. Magluluto ka?.." gulat na tanong ng yaya.. Napangiti si Hannah.. "Opo. Paturo po.." sagot ng dalaga.. Napanganga ang yaya at di makapaniwala.. "Si Hannah ka pa ba?.." biro nito.. "Yaya tlaga.. Kengkoy.." ganti ni Hannah.. Nagtawanan sila at nagtungo na sa kusina.. Umaga.. Nag fle-flex na si Aldrin sa tapat ng kama nya..Di pa nakuntento ay nagpush ups pa ang binata.. "H- A - N - N - A - H !... Hooohah !.." sigaw ni Aldrin.. Ngiting aso na naman sya.. Kita ang galigid na nagtuloy ng banyo dahil kanina pa sya natatae.. Pagtapos ng halos kalahating oras na pagkokombulsyon ng tyan.. Lumabas si Aldrin ng kwarto.. Eksaktong pagbukas ng pinto ng kwarto ng mga magulang..

NAgkagulatan pa sila ng nanay nya.. "Aba naman talaga.. " tukso ni Alona sa anak.. Napakamot ng ulo si Aldrin sabay inakbayan ang ina.. "Ano na naman ang nakain mo at ang aga mong nagising ha?.." sinuntok ng mahina ni Alona ang tyan ng anak.. Tumawa lang ang binata.. "Wala pa nga po eh.. Tara na .." aya ni Aldrin sa ina.. Bumaba sila at dumiretso sa kusina.. "Anong breakfast Mom?.." tanong ni Aldrin sabay halungkat sa ref.. Napangiti si Alona.. "Bahala ka na.. Sige nga aber.." sabi ni Alona at nagtimpla ng kape. Nagsimula ng kumilos si Aldrin sa kusina.. Namana nya sa mga magulang ang hilig sa pagluluto.. Ito ang isa sa mga dahilan kaya nagbusiness sila ng restaurants.. After 1 hour ay pupungas pungas na pumasok si Alyssa .. Yakap ang Teddy Bear... Nagulat pa sya sa pagkakaayos ng mesa.. "Wow.. Anung meron?.." takang tanong ng bunso.. Napangit ang nanay pero abala pa rin si Aldrin sa paghahanda.. "Kuya?.. Nauntog ka?.." tukso ng bunso sa kuya.. Ngumiti lang si Aldrin at naghugas na ng kamay.. "Game.." sabi ng binata.. Biglang pumasok ang Tatay.. "Whooaaaa..Ano to?.. Fine Dining?.. I mean Fine Breakfast?.." biro ni Nestor.. Tumawa lang si Alona at nginuso ang anak.. Napakamot naman ng batok si Aldrin.. "Ano yan anak?.. Baka naman nauntog ka?.." biro ng ama.. "Yan nga po sabi ko Daddy.." tukso ng bunso.. Ngumiti lang si Aldrin.. "Inspired ata ang anak ko.." puna ni Alona..

Tila namula pati buhok sa kili kili ni Aldrin sa sinabi ng ina.. Napayuko lang sya at nagsalin na ng sinangag sa plato.. "Uuuyyy... Rinig ko yon !.." sigaw ni Nestor at kinurot sya ng asawa.. Tawa ng tawa ang Tatay at biglang natawa na din si Aldrin.. "Narinig nyo?.. " tanong ng binata.. "Di ah.." tanggi ni Nestor sabay tingin sa asawa.. Napangiti naman si Alona .. "Rinig mo Labs?.." .. tukso ng nanay.. Umungol si Aldrin.. "Waaaaaa... " ungol ni Aldrin.. Nagtawanan ang mag asawa.. "Korni mo anak.." asar ni Nestor.. Napayuko si Aldrin.. Pero di maiwasan ang mapangiti.. "Ano po yun Dad?.." tanong ng bunso.. Ngumiti lang si Nestor.. "Mom ano yon.?.." pangungulit ni Alyssa.. Pero nakangiti pa rin ang Ina.. Napasimangot si Alyssa at kinulit ang kuya nya.. "Kuya.. Ano yon?.." tanong nya.. Pero tulala lang si Aldrin at nakangiti sa plato nya.. "Aysus.. Mga crazy..Tsk tsk.." asar na sabi ng bunso..

Sa school.. Break time.. Agad na tumakbo si Aldrin patungo sa silid ni Hannah.. Tinawag sya ni Jasmine kaya napalingon ang binata.. "Hey..!.. P.E. pa natin.." paalala ni Jasmine.. NApatapik sa noo ang binata..

"Oo nga pala.. Shet. !.." muling bumalik si Aldrin at kinalkal ang bag.. Wala akong extra shirt !.. sigaw ng binata. Dyahe kapag humarap sya kay Hannah na mabaho sya.. Ok na yan.. Parang quiz lang ata.. sabi ni Jasmine.. Naalala ni Aldrin na magkakasabay nga pala sila ng mga kaibigan nya .. Dahil parehong schedule ang kinuha nilang P.E. at NSTP.. Nagliwanag ang mukha ng binata at nakaramdam ng kapanatagan.. "Sige.. Sa Gym di ba?.." sabi ng binata.. Yup.. Sabay na tayo?. tanong ni Jasmine. Umiling ang binata.. Puntahan ko pa mga tropa ko.. Una ka na.. sabi ni Aldrin at tumalikod na.. Napasimangot si Jasmine.. Manhid !.. bulong ng dalaga.. Napadaan si Aldrin sa pinto ng classroom nila Hannah.. NAgkagulatan pa sila ng dalaga.. Oy .! biglang sabi ni Hannah.. Napangiti si Aldrin at napakamot sa batok.. Uwi ka na?.. tanong ng binata.. Yup !.. Pero di ba hahatid mo ko?.. tanong ng dalaga.. Tila nahiya ang binata.. Oo naman.. Pero may isang subject pa ako.. sabi ng binata.. Ha?.. Ano?. tanong ni Hannah.. "P.E." maiksing sagot ni Aldrin. Sige.. Tara.. sabi ng dalaga.. Napangiti si Aldrin .. Naglakad na sila papuntang Gym.. On the way sa Gym ay nakita nila si Romeo na nakatambay sa puno sa di kalayuan.. Sinitsitan ni Aldrin ang kaibigan at napansin agad sya nito.. Kumaway si Romeo at tila nagsabi na saglit lang pero biglang parang nagtaka ito...

Biglang tumakbo si Romeo papunta sa kanila.. "What the Fuck !.." sigaw ni Romeo.. Hinihingal ang kaibigan nila at tila may kinatatakutan.. "Hoy .. Ano yon?.." tanong ni Aldrin.. Nanlalaki ang mga mata ni Romeo at muling napatingin sa puno.. "Putsa.. You wont believe me.. May kausap ako don !.." turo ni Romeo sa puno.. Nagtaka naman sila Hannah at Aldrin.. "Gago.. Kanina ka pa namin nakita.. Ikaw lang mag isa don!.." inalog ni Aldrin ang kaibigan.. Tila nahimasmasan naman ito pero bakas pa rin ang takot sa mukha.. "I can't believe it talaga.. Di yon imagination lang friends.. MAy kausap ako over there.. He even told me na magkakatuluyan kayo ng childhood friend mo!." sigaw ni Romeo.. Nanigas si Aldrin at napatingin kay Hannah.. Napanganga naman si Hannah.. Pero bigla syang kinilig .. "Gago ka talaga pre.. Wag mo naman banggitin sa harap ni Hannah.. Baka magtampo yan eh.. !.." bulong ni Aldrin kay Romeo.. "You know maloko ako.. I admit.. Pero no joke ito pre.. I was talking to this guy... Grabe.. Tapos all of a sudden.. Narinig ko yung pag sitsit mo.. Then paglingon ko ulit.. Wala na yung guy.. Fuck !..Di ako puyat !.. Di ako nag dadrugs.. I dont even smoke .. Alam mo yan.. !." giit ni Romeo.. Napailing si Aldrin. Oh sige nga.. Anung itsura?.. Whats his name daw?.. Sinabi ba?.. pagsakay ni Aldrin. Yes yes.. His name is Totoy daw.. Gwapo..Magkasing taas kame.. Medyo moreno.. Maamo ang mukha.. Funny thing is, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko nung kausap ko sya.. Kinikilabutan ako !.. sigaw ni Romeo.. Nagtawanan sina Aldrin at Hannah.. Totoy?.. Ang panget ng name pare.. Putsa ka !.. Nantitrip ka na naman eh.. Hayaan mo na nga yon .. Papasok ka ba sa PE?.. tanong ni Aldrin sa kaibigan.. Tila takot pa rin ang kaibigan nila.. Hoy !.. untag ni Aldrin sa kaibigan.. Oo !.. Kesa maturete ako kapag nag cutting lang ako.. Sige.. Tara. aya ni Romeo at hinatak sina Aldrin at Hannah.. Tawa naman ng tawa si Aldrin pero di maiwasan ni Hannah ang balutin ng kilig..

Pagdating sa gym ay maraming tao.. Naabutan nila ang ibang kaibigan nila... Hi hi !.. bati ni Aldrin.. Hi hi.!.. sabay na sagot nina Rhoi at Darius. Nagbeso naman sina Krissia at Hannah.. Oy ungas.. Himala at tahimik ka?.. sita ni Darius kay Romeo.. Tila nuon lang napansin ni Romeo kung nasaan sila. Anung ginagawa natin dito?.. takang tanong ng binata.. Nagtawanan sina Rhoi at Darius.. Napailing naman si Aldrin.. Anong ginawa nyo dito?.. tanong ni Krissia kay Hannah.. May kausap daw sya sa puno kanina pagpunta namin dito.. Pero wala naman kami nakita ni Aldrin.. paliwanag ni Hannah. Nagtawanan yung tatlong alas.. Nagalit si Romeo at nagdabog.. Meron talaga !.. giit ni Romeo.. Inakbayan sya ni Darius.. Baka multo pre.?.. Di kaya nabuksan na third eye mo?.. pang aasar ni Darius sa kaibigan.. Tila lalong binalot ng takot si Romeo.. Nagkanda iling ito at hinawi ang kamay ni Darius.. "Gago !..Nevah !.. Dalawa lang ang mata ko.. Masaya na ako sa dalawa.." sabi ni Romeo sabay tawa.. Nagkatawanan naman silang lahat sa sinabi ng kaibigan nila.. Biglang sumipol ang PE Teacher nila.. "Dito muna kame.. Galingan nyo guys." sabi ni Krissia.. Nagflying kiss pa ito kay Rhoi.. Pabirong sinalo naman ito ni Rhoi sabay kain.. Kinilig si Hannah sa ginawa ng magbestfriend.. Naupo ang dalawang dalaga sa bleachers at tinanaw ang mga boys.. "Anu bang meron?.." takang tanong ni Darius.

"Quiz lang daw eh.." sagot ni Rhoi.. "Hala tapusin na yan !.. Wag nyo kong tatabihan .. Mangongopya na naman kayo eh.." pagyayabang ni Romeo.. "Gago.. If I know.. Kinopya mo lang din yung mga sagot mo.. Share share din.." sabi ni Darius.. NAgtawanan sila pero nagsalita na ang guro.. "Hello guys. Nice Meeting you all.. I am Teacher Spolstra.. Derik Spolstra.. " pakilala ng guro.. Nagbungisngisan ang apat na mokong.. "Yes?" asar na tanong ni Spolstra.. "Congratz sir.. " tukso ni Rhoi.. "Come again?.." tanong ng guro.. We are the champions my friends.. kanta ni Darius.. Can you beat the HEAT? !!.. sigaw ni Aldrin.. Tila na gets ng mga kaklase nila ang sinasabi ng apat .. Sumabog sila sa kakatawa.. Pati ang guro natawa na rin.. Okay.. Nadale nyo ko don ah.. Anyway.. Be serious na.. Gusto ko lang ipaalam ang coverage ng 1st Semester PE nyo.. It is all about Basketball and Volleyball.. Anung gusto nyong unahin?. tanong ng guro.. Basketball.. !.. sagot ng kalalakihan.. Volleyball sir !.. sagot naman ng kababaihan.. Golf !.. sigaw ni Rhoi.. Soccer !.. sabi ni Darius.. Hockey!..ay wag na lang.. Football.. biro ni Aldrin.. "Tangkilikin ang sariling atin.. Patintero.. or kaya Tagu-taguan.." sambit ni Romeo. Naghigh five ang mga mokong.. Nagtawanan ang mga kaklase nila.. Napatingin sa langit ang guro.. "Mas malala sa last year... Kaawaan ako ng Diyos.." bulong ni Spolstra.. Napagdesisyunan ng nakararami na Basketball na lang ang unahing pagaralan.. "Since wala naman tayong lecture pa.. Laro muna kayo dyan.. NExt meeting na yung

lectures then quiz.. Okay lang ba?.." sabi ng guro.. "KDOT !.." sabay sabay na sambit ng apat na mokong.. Nagtawanan na naman ang crowd.. After 10 minutes ay aliw na aliw na sina Hannah at Krissia sa kapapanuod sa mga kaibigan nila.. "Salo Mommy D.. !.." sigaw ni Romeo sabay bato ng bola kay Darius.. Nasalo naman ito ni Darius pero kunwari napaupo sya.. "Araaaayyy... Ang bad mo !.. I hate you !." landi ni Darius.. "Pass to me .. !.. Pass to me ... !!." tili ni Rhoi.. "Whooaaa... Go Sister Aldrina !.. " sigaw ni Romeo.. Pabaklang tumakbo si Aldrin papunta sa ring sabay talon ng malandi. "Ahahayy ! !!.. Ang sakit pala sa balls.. " sigaw ni Aldrin.. Di na makaconcentrate ang iba nilang kaklase .. Tawa na lang sila ng tawa.. "Dito dito .. " tili ni Aldrin... "Go !.." pinagulong ni Darius ang bola.. Nagunahan sina Romeo at Aldrin sa paghabol.. Malapit na sana nila itong maabutan ng bigla silang huminto.. "Bakit ka ba humahabol?.. Ball ko yon eh !.." taray ni Aldrin. Heller. !!.. Ball ko sya... Akin !.. Um !.. sinampal ni Romeo si Aldrin ng mahina sa pisngi. Ouch !.. Etong sayo !.. Um !. gumanti ng sampal si Aldrin.. Araaaayy... Mommy D. Oh.. Ang mean mo !.. Um !.. kinurot ni Romeo si Aldrin sa singit.. Nagsisigaw si Hannah at Krissia.. Halos malaglag na sila sa bench sa katatawa.. Ayoko na.. Hahaha.. Tama na ...Hahaha.h.... tawa ng tawa si Hannah.. Putris talaga.. Akala ko sanay na ako sa kanila.. Bwisit.. Nasisira poise ko !.. angal ni Krissia pero tawa pa rin ng tawa..

Sa kabilang court.. Asar na asar na ang mga nagpapractice na varsity.. Sino ba yang mga malalanding yan?.. asar na tanong nung isa..

Yan yung mga nakaaway mo di ba pare John?.. tinuro nung isa sina Aldrin.. Napatingin si John..Napasimangot.. Nagningas ang kanyang mga mata at nakaramdam ng galit. Sila nga.. Yung medyo mataba yung sumapak sa akin.. Pero kasama nila yan .. Yung apat na yang yung nagpatayo ng kubo sa gitna ng Oval.. Saksakan ng yayabang yan.. halos magdugo na ang palad ni John dahil sa kakakuyom ng kamao nya.. Nagbabasketball ba yan?.. tanong nung maliit.. Halata namang di marurunong eh.. Puro angas lang. asar na sabi ni John.. Tara hamunin natin.. Kung matataas pride nyan.. Lalaban yan.. Mapapahiya sila.. nakaisip ng pangontra yung isa sa apat na alas.. Napangisi si John.. Tara.. nakangiting sabi nya.. Natigil ang tawanan nila Hannah ng makitang lumapit ang grupo ng kalalakihan kina Aldrin.. Sis. kumapit si Hannah sa braso ni Krissia.. I know.. Pero lets watch.. bulong ni Krissia.. Nagkukurutan pa rin sina Aldrin at Romeo.. Mga pre.. bungad ni John.. Napatingin sina Romeo at nanlaki ang mga mata nya.. Bigla syang nagtago sa likod ni Aldrin at akmang iiyak.. Huhu...Sorry po.. banat ni Romeo.. Lalong naasar si John.. Sorry daw.. Anyway.. Do you play basketball?.. tanong nya.. Nagkatinginan sina Romeo at Aldrin... Sa di kalayuan.. Napalapit na rin sina Darius at Rhoi.. Baket pre?.. tanong ni Darius sabay tingin ng masama kay John.. Wala.. Sabi nila anu daw ba ang secret namin ni Mareng Aldrina at always looking fresh kame.. biro ni Romeo.. Lalong nabwisit ang mga varsity.. Ah.. Isang tasang laway ni Toga.. biro ni Rhoi.. Toga?.. tanong ni John..

Wala.. Friend ni Darius.. Anyway.. Anu po yon mga manong?.. tukso ni Aldrin.. Napangisi sina John at inaya ang apat na alas na maglaro ng basketball.. Ay.. Di ko keri yan.. Masisira ang beauty ko.. landi ni Darius.. Tomo ka sister.. Sayang ang lotion ko. ganti ni Rhoi.. NAgtilian ang apat.. Lalo lang nabwisit sina John.. So di nyo kame kaya?.. pang aasar ni John. Saan?.. Sa papangitan?..Olats kame koya.. biro ni Aldrin. Aba putsa.. Mayayabang talaga to.. sigaw nung matangkad sa likod.. Napatingin sa kanila ang halos karamihan sa mga estudyante at mga guro.. So takot kayo sa amin?.. Haha.. Kala ko tigasin eh.. Pwe !.. sabi ni John at akmang tatalikod na.. Game.. biglang sabi ni Aldrin. Napahawak si Rhoi sa braso ni Aldrin. Pare.. Baka madiscover tayo.. biro ni Rhoi.. Wala naman sigurong paparrazzi dito.. sagot ni Aldrin.. Muli silang nagtawanang apat.. GAme?.. tanong ni John.. Game.. sagot ni Aldrin.. Ngumiti si John at sumigaw.. Hey Guys !.. I want you to hear me for a while.. sigaw ni John.. Napatingin lahat ng tao sa kanya.. Pati yung mga may ginagawa.. We will have a match.. Our school varsity vesus.. Whats your teams name?.. tanong ni John.. Mga dyosa. sabi ni Aldrin.. Tangek.. Mga sariwang Dyosa.. landi ni Rhoi.. Lagyan nyo ng konting landi pa...Mga Sariwa at Malalanding Dyosa ... Ahihihi.. landi ni DArius.. Ay ang harot mo sister.. kinurot ni Romeo ang utong ni Darius.. Ahahay.. May kiliti ako dyan eh.. Um . binawian ni Darius ng kurot si Romeo ..

NAgkurutan na lang silang apat.. Anyway.. Our Team Versus This Punkz.. Can we make a request?.. Pwede po bang paramihin natin ang crowd?.. nakangising sigaw ni John.. Nagkatinginan ang apat na alas.. Mabilis na kumalat ang balita.. Eksaktong alas kwatro ng hapon.. Punong puno na ang Gym.. Sikat ang Team ng unibersidad dahil sa lakas nito pagdating sa Basketball .. Pero batid nilang maraming mayayabang na players ang team.. Nakapagpalit na din ng uniform ang apat na alas .. Ginamit nila ang lumang uniform ng university.. Pero problemado sila .. Kulang sila ng isa. Biglang may lumapit sa kanila matangkad na lalake.. Kwadro Alas?.. tanong ng lalake.. Napatingin sina Aldrin at nagliwanag ang mukha nila. Sister Dan !.. tili nila Romeo.. Dinamba nila si Danilo at tawa ito ng tawa.. Walanghiya.. Di pa rin kayo nagbabago.. Ang haharot niyo pa rin !.. sigaw ni Danilo.. Of course.. We missed you Danilo. lambing ni Rhoi at humilig sa dibdib ni Danilo.. Tawa ng tawa si Danilo at umiwas.. Mga ogag.. Magagalit girlfriend ko.. Di na ako pwedeng mag ganyan eh.. sabi ni Danilo.. Tila nalungkot naman ang apat.. Pinagpalit mo kame?.. malungkot na sabi ni Darius. Tumawa lang si Danilo at may tinawag sa crowd.. May lumapit na magandang babae sa kanila.. Guys.. Fiancee ko.. Si Jade.. Jade.. Mga utol ko.. Mga bunso ko yan... Sina Aldrin, Rhoi, Darius at Romeo.. Teka .. Nasan sina Ekang at Krissing?.. tanong ni Danilo.. Si Ekang nasa States na kuya Dan.. Tapos si Krissia bumili ng drinks kasama ni Hannah.. sabi ni Aldrin. Hannah?.. takang tanong ni Danilo.. Syota ni Aldrin.. Pati sya nagtaksil na din. kwento ni Romeo.. Kinilig naman si Aldrin at kinurot ang kaibigan.. Ang ingay mo.. Kaw talaga.. landi ni Aldrin..

NAtawa naman sina Jade at Danilo. Eksaktong dumating sina Hannah. Nanlaki ang mga mata ni Krissia.. Kuuyaaaa Daaaaannn !! tili ni Krissia na halos umabot sa kabilang distrito.. Tawa ng tawa si Danilo at niyakap si Krissia.. Sus.. Ang laki mo na.. Dalagang dalaga ka na.. O nagkatuluyan ba kayo ni Rhoi?.. tukso ni Danilo.. NAgblush naman sina Rhoi at Krissia.. Pinalo ng dalaga ang braso ni Danilo. Kuya eh.. Sino yan?. nakangiting tanong ni Krissia.. "Ah.. Si JAde.. Girlfriend ko.. Babes si Krissia.. " pakilala ni Danilo. NAgbeso ang dalawang babae.. Nakangiti lang si Hannah na lumapit. "Oy.. Si Hannah Kuya Dan.. " sabi ni Aldrin.. Napangiti din si Danilo at niyakap si Hannah.. "Hmm.. Maganda to ha.. Kanino to?." biro ni Danilo.. Nagkaisa ang tatlong alas at tinuro si Aldrin.. Namilipit naman sa kilig ang binata .. Pati si Hannah halos magtatalon na.. "Haha.. Nagbago na nga kayo.. Anyway.. Bakit kayo nakauniform?.." tanong ni Danilo.. Nagkatinginan ang apat na alas at napangiti sila sa kaibigan nila.. "May laro kame.." sabi ni Rhoi.. "Ha?.. Kanino?.. Oh fuck !.. Don't tell me sa school varsity?.." biglang tanong ni Danilo.. "Yes.. Why?.. " tanong ni Aldrin.. "Damn !.. Ako ang Center ng team !.. Tapos kayo ang lalabanan namin?.. Oh hell..." nanlulumong sabi ni Danilo. Nagtawanan naman ang apat na alas.. "Di nga ata matutuloy kuya eh.. Kulang kami ng isa.." sabi ni Aldrin.. Biglang lumapit ang coach ng basketball team.. "Teacher Spolstra?.." tanong ng apat na alas.

"Yes guys.. Di ko akalain na aabot dito ang paghaharutan nyo.." napapailing na sabi ng coach.. "Eh sila po eh.." sabi ni Rhoi.. "Tsk.. Anyway.. Danilo.. Since mukhang kulang sila.. Pwede mo silang samahan.." sabi ng guro.. Nagliwanag ang mukha ni Danilo.. "Sure kayo Coach?.." tanong nya.. "Yes.. Sadly.. I think we will wrap you up guys.. Kilala mo ang team.. Masyado silang brutal.. Baka di kayo makaabot ng 20 points.. " sabi ng coach.. Napangiti na lang si Danilo.. Tumingin ang coach sa paligid.. "You create a scene here.. For the second time.. Napuno ang gym.. Nuong huling napuno ito.. Nung naglaro ang team nila Pipoy.. Nakakalungkot na natalo tayo pero at least we had a chance to experience high level of basketball..Napakagaling na bata.. " sabi ng coach.. Nagtaka naman ang apat na alas. "Pipoy?.." tanong nila kay Dan.. "Magaling na player yon.. Halimaw.. Pero graduate na sya.. Buti nga di ko naabutan eh.." sabi ni Dan.. "Ah okay.. So pang lima ka namin?.." tanong ni Aldrin.. "Yeah.." natutuwang sabi ni Dan. "Jade babes.. Dito ka na muna kasama nila Krissing ah?.." sabi ni Dan.. "Kuya !.. Its Kris !.." angal ni Krissia.. Pero tumawa lang si Dan.. Umalis na ang coach.. Naupo naman sa tabi sina Krissia , Hannah at Jade.. Kabado si Hannah.. Baka matalo sila Aldrin at ang mga kaibigan nya.. Napansin ito ni Krissia .. "Hey sis.. Don't worry about them.." sabi ni Krissia.. "Bakit hinde?.. Eh di ata sila marunong mag basketball.." kinakabahang sabi ni Hannah.. Tumawa naman si Hannah.. "Yan ang akala mo.." tanging sabi ni Krissia...

Sa court.. Naglapitan na ang mga players..Napangisi si John ng makita na nagpalit ng uniform si Danilo at gumaya sa Apat na mayayabang.. "So Dan.. Kumakampi ka sa kanila?.." sabi ni John.. "Yeah.. Kawawa naman sila.. Kulang sila ng isa.. Baket .. Di nyo kaya na wala ako dyan?.." tanong ni Danilo.. Nagtawanan naman ang mga varsity sa likod ni John. "Hell.. This will be a massacre.. Kasalanan mo yan Dan.. Kumampi ka sa mga walang muwang.." pagyayabang ni John.. "Hmm.. What if we put a bet?." biglang sabi ni Danilo. Nagkatinginan naman sina Aldrin at napangisi sila.. "Wow.. That confident huh?.. Okay okay.. Guys !.. Listen ... This Punks.. Ang kakapal ng mukha.. Hinamon pa kami ng pustahan?.. How pathetic...." sigaw ni John. Naghiyawan ang crowd.. "So.. How much?.." tanong ni Danilo.. Nagtinginan ang mga varsity at isa isang naglabasan ng pera.. "Sinong pupusta sa amin?.." sigaw ni John.. Dinumog sila ng mga tao at umulan ng pera bigla.. "Haha... Look oh... I can buy a new cellphone here na.. Magkano ba to.. Teka.... Damn.. 19, 700?.. ganun kalaki ang tiwala nyo sa amin?.." pagmamalaki ni John.. Nalula naman si Danilo at napatingin sa apat.. Nagkibit balikat lang sila at isa isa na ding naglabasan ng pera.. "Putsa.. 500 lang pera ko.." angal ni Romeo.. "2000 saken .. Sayo pre?.." tanong ni Rhoi kay Aldrin.. "Oh.. 2000 lang din pera ko.." sabi ni Aldrin.. Napatingin sila kay Danilo.. "Kasalanan ko ata.. Oh eto.. Pang date sana namin yan ni Jade eh.. 3500.." binigay ni Danilo ang lahat ng perang dala nya.. Biniliang nila.. "8000 pa lang.. Darius oh.. " sabi ni Romeo sabay abot ng pera kay Darius.. Kinapa ni Darius ang lahat ng kasulok sulukan ng wallet nya..

"7000 lang pera ko.. So 15,000 lang lahat.. Kulang pa ng 4,700.." nanlumo sila.. Sa panig naman nila Hannah.. Naglabas na rin ng pera ang dalaga.. Pero inawat sya ni Krissia. "Don't.. Di rin nila tatanggapin yan.. Kahit anong rason mo.. Hayaan mo silang gumawa ng paraan.." sabi ni Krissia.. "Your right sis.. Ganyan din si Dan eh.. Ayaw na ayaw nyang gumagastos ako." sabi ni Jade.. Napasimangot na lang si Hannah.. Biglang tumayo ang nasa likod nila at dumaan sa harap nila.. Di nila ito pinansin pero may dalawang bagong dating ang naupo at pumalit sa likod nila.. "Sige.. Sagot ko yung kulang .. " biglang sabi ng nasa likod nila.. Agad na napalingon sa kanya ang tatlong babae..Sa likod nila ay may nakaupong lalake at babae.. Mukhang magsyota .. Base sa pagkakahawak ng mga kamay nila.. "Ay.. Wag po kayo magtiwala agad.." sabi ni Krissia.. Biglang sumingit yung magandang babae sa tabi ng lalakeng nagsalita. "Don't worry sis.. We trust your friends.." nakangiting sabi ng babae.. Napangiti na din sina Hannah at tinawag sina Aldrin.. Lumapit sa kanila ang mga binata .. "Guys.. Sagot na daw nya if may kulang .." sabi ni Krissia.. Napatingin sa tinuro ni Krissia sina Aldrin.. "Magkano ba?.." tanong ng lalake.. Nagkatinginan sina Aldrin at Danilo.. "4,700 pa pre.." sabi ni Aldrin.. Naglabas ng wallet ang lalake at nagabot ng limang libo.. "Ayan.." sabi ng lalake.. "Sure ka?.." tanong ni Aldrin.. "Baket papatalo nyo?.." tanong naman ng lalake. Nagkangitian sina Aldrin at yung lalake...

"Umasa kang madodoble na to.." pagyayabang ni Aldrin.. Natawa naman ang lalake at nagthumbs up sign .. "So sino hahawak.?.." tanong ni Romeo.. Napapatingin pa rin sila sa magsyota .. "Si Coach na lang.. " sabi ni Danilo.. Lahat sila nagkasundong ibigay ang pusta sa Coach.. Humanda na ang lahat sa pagsisimula ng laban.. Sumipol ang referee.. Naghiyawan ang mga tao.. Jump ball. Nagtawanan ang crowd dahil si Aldrin na syang pinakamaliit sa lahat ang pumwesto para maki jumpball sa pinalit na sentro sa kabila.. "Anu yan joke?.." asar na tanong ng matangkad na lalake.. Hanggang dibdib lang nya si Aldrin.. "Di no.. " landi ni Aldrin.. Sumipol na ang ref.. Hinagis ang bola.. Tumalon ng pagkataas taas ang sentro ng kabila.. Nagtawanan ang crowd dahil hinawak nila Romeo at Rhoi ang shorts ni Aldrin. "Ay !.. " tili ni Aldrin at pinagkukurot ang mga kaibigan nya.. Naipasa agad ang bola kay John.. Lay up.. Easy two points.. "Tsk tsk.." pang aasar ni John.. Pero sya ang naasar dahil wala palang pumapansin sa kanya.. Nagkukurutan pa rin ang apat kasama ni Danilo. Lumipas ang first half... 15 points lang ang nagawa ng Team nila Aldrin.. Wala kasi silang ginawa kundi magharutan.. 50-15 ang score..Tambak na tambak na sila.. Nagpuntahan na sila sa bench para magpahinga.. "Turuan mo ko nyan.. Turu-turuan mo ko nyan.." kanta ni Romeo. "Dun ka sa likod .. Dun dun ka sa likod.. " sabay ni Darius..

"Dun ka sa likod at wag kang malikot.. " biglang sabat nung lalakeng pumusta sa kanila. Tumawa naman ang mga babae.. Aliw na aliw ang mga nakakarinig sa kanila.. After 10 minutes.. Nagwarm up na ang mga boys.. Kinakabahan na si Hannah.. Kinalabit nya si Krissia.. "Sis.. Matatalo sila.." sabi ni Hannah.. "Haha.. Magsisimula na sila.." tanging sabi ni Krissia.. Napalingon si Hannah sa magsyota sa likod nila.. Bakit ka pumusta?.. tanong ni Hannah sa lalake. Hmm.. Baket nga ba?.. Kasi ang cucute nila?.. biro ng lalake.. NAtawa naman ang babae sa tabi nya.. Trust me.. Alam nya ang ginagawa nya.. sabi ng babae.. Pero di mapakali si Hannah. Alam mo.. You should trust your boyfriend.. sabi ng lalake.. Kinilig si Hannah.. May tiwala ako sa kanya.. sabi ni Hannah.. Di na nya tinama ang akala ng lalake.. Yun naman pala eh.. sabi ng lalake. Pero anong nakita mo sa kanila?.. biglang singit ni Krissia.. Napaisip ang lalake.. Maybe... I can see myself from them.. I know na may gagawin silang kakaiba.. sabi ng lalake.. Like what?.. paniniguro ni Krissia. Haha.. Ewan ko.. I just can sense it.. May gagawin silang pasabog.. Look oh.. Ganyan ba ang itsura ng di marunong?.. sabi ng lalake.. Napatingin naman sina Hannah kina Aldrin.. Seryoso na ang mga mukha nito.. See?.. Nagbabaga na ang mga nila. Kita nyo naman ang lamang.. Normally.. Magpapanic

ka na.. Pero sila.. Cool na cool pa rin.. Basta.. Sa amin na lang mga boys yan.. sabi ng lalake. Napangiti naman sina Krissia at Hannah.. I trust him.. bulong ni Hannah.. Sumipol na ang ref.. Inbound..Bola nila John.. Pinasa nya sa poitguard nila pero nagulat sya ng biglang may tumapik sa gilid nito.. Gumulong ang bola at bigla itong dinamba ni Rhoi.. Patalikod nitong pinasa kay Darius .. Hinabol nila ang bola pero huli na.. Naipasa na ang bola kay Aldrin.. Si Aldrin nasa 3 point area.. Pinukol nito ang bola sabay walang tingin tingin na tumakbo pababa.. Bumaba na din sina Rhoi ng di na tinitignan ang bola... Napatingin si John.. Shoot !.. Naghiyawan ang crowd.. Nagdabog si John at napamura.. Chamba !.. bulong nya.. Sinigurado na nyang wala ng makakasteal .. Pinasa nya sa pointguard nila. PAgtawid ng halfcourt ay hiningi nyang muli ang bola at binigay naman sa kanya.. Napatingin sya sa mga kalaban pero bigla ay para syang binalot ng takot.. Ibang iba na ang itsura ng lima.. Wala ng nakangiti.. Di tulad kanina na walang ginawa ang lima kundi magharutan at maglandian.. Nakaramdam ng kakaiba si John pero di sya nagpatalo.. Sumalaksak sya pero nagtaka sya dahil wala na syang dalang bola.. PAgtingin nya ay tumatakbo na si Aldrin kasama ang bola.. Hinabol ito ng mga kasama nya pero nagtaka sya dahil di kumikilos ang apat nakakampi ni Aldrin.. Takbo si Aldrin papunta sa court ng kalaban pero huminto ito pagdating sa 3 points.. Biglang binato ni Aldrin ang bola.. Di pa ito sumasayad sa ring ay umalis na si Aldrin at bumalik sa mga kasama nya.. Pasok ang bola. Natulala si John at ang mga kasama nya..

Pati ang coach walang nasabi. Chamba !.. muling bulong ni John.. This time.. Sineryoso na nila ang laban.. Malaki pa ang lamang nila.. Mahigit bente pa.. Nakita nyang libre ang isa nyang kasama sa gilid.. Sumalaksak sya .. Binantayan sya ni Rhoi pero bigla nyang binato ang bola sa kakampi nya na libre.. Pero huli na.. May kamay na biglang lumitaw.. Kay Aldrin na naman.. Takbo si Romeo at Darius bigla. Binato ni Aldrin ang bola paitaas.. Humabol ang apat na kakampi ni John .. Tinalon ni Romeo ang bola at sinalo.. Apat ang bumantay agad sa kanya pero bigla nya itong binato sa ere.. NAgulat ang lahat pagkat tumalon si Darius at dinakdak ang bola. Alley -hoop !.. Tulala ang crowd.. Average lang ang taas ni Darius pero naabot nito ang ring.. Bumalik na sina Romeo at Darius sa zone defense nila.. Seryoso pa rin. Walang nag uusap.. Pati si Danilo ay tila gamay na gamay na ang apat na alas.. Naka pwesto ito sa gitna.. Pero batid nyang di na sila makakarating pa sa gitna dahil apat na alas ang dadaanan nya.. Nuon lang tila nakaramdam ng malamig na bagay si John.. Kung kanina ay mga tila batang isip ang kalaban nila.. Ngayon ay mga demonyo na. Biglang tumawag ng time out yung coach.. Naghihiyawan sina Krissia Hannah at JAde..

Sinalubong nila ang mga boys ng towel.. "Grabe.. Ang hirap palang magpoker face.." sabi ni Aldrin.. "Ay sinabi mo pa.. " landi ni Romeo.. Namamangha si Hannah.. Napatingin sya sa lalakeng nakaupo sa likod nila. Nakangiti din ito at nag thumbs up sa kanya.. Nagthank you si Hannah.. Muling pumito ang ref.. "Langya naman.. Naiihi na ako !.." sigaw ni Rhoi.. "Tiis lang best..." lambing ni Krissia.. Napangiti ang babaeng katabi ng lalakeng pumusta sa kanila.. Kinalabit nya ang katabi nya at napangiti din yung lalake. "Remember that?.." turo ng babae kina Rhoi.. "I won't forget that.." sagot ng lalake at hinigit nya ng yakap ang babaeng katabi nya. Umuungol na nagbalik ang apat.. Hinalikan muna ni Jade si Danilo.. "Yeaaaaa.. I feel refreshed !.." sigaw ni Dan. Nagtawanan sina Rhoi at Aldrin at napatingin kina Hannah at Krissia.. Pero napakamot sila sa batok ng ambahan sila ng kamao ng dalawang dalaga.. Holding hands na pumunta ang lima sa court.. Tahimik pa rin yung crowd.. Tila di matanggap ang nalalapit nilang pagkatalo. .. "Tambakan yan !!!!.." sigaw bigla ni Hannah.. "100 points !!!.." sabay ni Krissia. "Pag nakaiskor yan babes.. Di ka makakaiskor !.." sigaw ni JAde,, Tila naging dyablo si Dan sa sinabi ng girlfriend nya.. "PAg nakalusot ang bantay nyo.. Babaliin ko mga braso nyo.." banta ni Dan,,

Nagtawanan sila pero ng pumito muli ang ref ay nagpoker na naman sila. Halos nawalan ng energy sila John at yung mga kasama nya.. 30 seconds na lang at napatingin sya sa score.. 112- 50.. "Fuck.. This must me a dream !.." bulong ni John.. Sumugod sya at sa katuwaan nya ay walang sumalubong sa kanya.. Nahawi ang apat at pati si Dan ay biglang tumabi.. Di na nag-aksaya ng panahon pa si John at agad ni lay-up ang bola.. Masaya na sya kahit makaiskor lang sila ng isang tira.. Pero biglang naglaho ang kasiyahan nya ng biglang bumalik ang bola.. May kamay na sumupalpal sa tira nya. Pagtingin nya ay si Aldrin ang nakangiti at hawak ang kanang kamay.. "Sakit non ah.." sabi ni Aldrin. Lumong lumo si John pati ng buong team.. Umugong na ang buzzer.. Tapos na ang laro.. Sigawan sila Hannah Krissia at Jade. Tumayo ang lalake at biglang tumakbo sa coach.. Susunod na sana ang babae pero hinarang sya ni Hannah. Thanks .. sabi ni Hannah.. Ngumiti ang babae.. Hannah.. pakilala ni Hannah.. Annika.. sabi nung babae.. NAgbeso sila .. HAve to go.. Baka makilala yung kasama ko.. sabi ni Annika.. Nagtaka si Hannah.. Sure.. Salamat ulit ha.. sabi ng dalaga.. No prob.. Asan na ba yon.. Ayun !.. Pipoy !.. sigaw ni Annika..

Tumakbo na ang babae papunta sa lalaking pumusta sa kanila.. Nagtataka sya dahil biglang nagsuot ng cap si Pipoy sabay inakbayan si Annika.. Pasimple silang umalis bigla.. Lumapit na sila Aldrin.. Nagyakap naman sina Rhoi at Krissia.. Pati sina Dan at Jade.. Sina Romeo at Darius ay nagkatinginan ..bigla silang nagyakapan din.. Tawa ng tawa ang nakakita sa kanila.. Sina Hannah at Aldrin naman ay magkatabi.. Tumatama ang kamay ni Aldrin sa kamay ni Hannah at kanina pa ito napapansin ng dalaga.. Congratz.. sabi ng dalaga. Thanks.. sagot ng binata.. Magkatabi lang silang dalawa at masayang pinapanood ang mga kaibigan nila. Tulalang lumapit ang coach.. Grabe .. San mo napulot yang mga yan Dan?. tanong ng coach. Haha.. Mga kapitbahay ko sila dati Coach.. Lumipat lang kame.. Mga utol ko yan.. sabi ni Dan.. Grabe.. Anyway.. Eto na.. Libre naman dyan.. sabi ng coach. Binilang ni Darius ang pera.. Kulang ah.. sabi ni Darius. Ay.. Kinuha na nung lalakeng nakacap.. Nagtataka nga ako dahil di sya tumitingin man lang sa akin eh... Teka .. Kasama ba yon sa pumusta sa inyo..?.. tanong ni Spolstra. Ay opo.. Ok lang.. sabi ni Rhoi.. Si Pipoy po yon.. sabi ni Hannah.. Nanlaki ang mga mata ni Dan at ng Coach.. We..?.. tanong nila. Opo.. sabi ni Hannah. Nanlaki ang mga nung coach sabay hinabol si Pipoy.. Nagkatinginan na lang sila at nagkibit balikat na lang.. Tara na.. Masama na tingin nila sa atin.. Baka manghingi ng balato yan.. sabi ni Romeo at nagpauna na syang lumabas ng gym.. Sumunod naman ang iba..

Sa likod ay magkasabay na naglalakad sina Aldrin at Hannah.. Nagdidikit ang likod ng mga kamay nila at napapangiti si Aldrin.. Manyak ka pre.. sigaw ni Darius sabay tinaya si Romeo.. Nagtawanan na lang sila.. Galing mo.. sabi ni Hannah.. Salamat at nagtiwala kayo.. sabi ni Aldrin.. Of course.. I trust you... sabi ni Hannah.. Nagkatitigan sila at nagngitian.. Biglang sumigaw si Rhoi.. Pagtingin nila ay malayo na pala ang mga kaibigan nila at naiwan na sila. "Tara?.." aya ng binata.. "Tara." sabi ng dalaga. Muli silang nagtawanan at nagsimula ng sumunod sa mga kaibigan nila. Chapter 15 Biyernes.. Abala sa pagguhit si Hannah.. Di nya na halos mapakinggan ang nilelecture ng professor nila.. Nagulat pa sya ng kalabitin sya ng nasa likod nya.. "Problema mo?.." nakataas ang isang kilay na tanong ni Hannah.. Nginuso ng babae ang harap nya.. Napalingon ang dalaga at pagtingin nya ay nakatingin pala ng masama sa kanya ang babaeng guro. Ngumiti ng matamis si Hannah. "What are you doing Miss. Montefalco?." tanong ng guro. "Nothing Ma'am.. I am just taking down notes.." palusot ni Hannah.. Nagtawanan ang mga kaklase nya.. "Your taking down notes while I told you to copy whats on the board.." mataray na sabi ng guro.. Saan Galing ang Popcorn?.

Napahiya ang dalaga pero taas noo pa rin syang tumitig sa guro.. "Sorry Ma'am.." sabi nya. Pero labas sa ilong. Napaismid ang guro. "Okay class. Since some of you think that they can mushy mushy here in my class...Let's have a quiz.." biglang banat ng prof.. Napaungol ang mga estudyante.. Nagsisi si Hannah dahil kasalanan nya kung bakit bigla biglang nagbigay ng pagsusulit ang guro.. "Get one fourth sheet of paper.." sabi ng prof.. Nanlulumo pa ring sumunod ang karamihan.. Nakasimangot na kinakal ng dalaga ang kanyang bag.. "Nasan na ba yon.." bulong ng dalaga.. Kailangan nyang makita ang kwintas na bigay ni Potpot.. Eto ang lucky charm nya.. "Huli ka.." bigkas ng dalaga.. Hinimas nya sa loob ng bag ang kwintas ni Potpot sabay ngisi .. Muli syang naghalungkat .. "Shet naman.. Wala na akong papel.." nanlulumong sabi ng dalaga.. Lumingon sya.. "Psst.." sinitsitan ang lalaking katabi.. Ngumiti ito pero di sya pinansin.. Pinitik ni Hannah ang tenga ng katabi nya.. Napasimangot ito.. "Baket?.." taray ng lalake.. "Bakla ka?.." impit na tanong nya.. "Obvious?.." umikot pa ang mga eyeballs nito.. Napahagikgik ang dalaga.. "Yes Miss?.." taray ng guro. Ngumiti si Hannah.. Pero bigla din sumimangot ng di na nakatingin ang guro.. "Tse... Anyway.. Penge papel.." utos ni Hannah.. Agad na pumilas ang bakla..

Padabog nitong inabot sa dalaga ang papel.. Natawa si Hannah at hinawakan ang kamay ng katabi nya.. Tila nahindik ito sa ginawa ng dalaga.. Diring diri nitong binawi ang kamay .. Pinigilan ni Hannah ang matawa.. "I owe you one..." bulong ni Hannah.. Inirapan lang sya ng bakla. Isa isang binigay ng guro ang tanong ... Makalipas ang kalahating oras.. Naunang nagpasa ng papel si Hannah. Nakangiti nyang inabot sa guro ang papel.. Napataas ang isang kilay ng guro at binistahan ang mga sagot ng dalaga.. Maya maya ay napangiti ito. "Good.. Pero di nangangahulugan na pwede mo ng maliitin ang klas ko Miss.Montefalco.." sabi ng guro.. Ngumiti si Hannah.. "I know Ma'am.. And I'm sorry.. Kaya ko po naperfect yan ay dahil sa magaling talagang magturo.. Naabsorb ko lahat.." pang uuto ni Hannah.. Tila lumaki ang butas ng ilong ng professor.. "I know that.. You can now leave.. But wait.. Nakopya mo na ba ang assignment for Monday?.." tanong ng guro. Tumango si Hannah kahit hindi naman.. Lalong lumawak ang ngiti ng guro.. "Well then.. You can now go.. " sabi ng prof.. Ngumiti si Hannah at sinulyapan ang katabing bakla.. Nakahawak ito sa ulo at mukhang hirap na hirap... Umupo ulit si Hannah.. "Psst.." bulong nya.. Asar na lumingon ang bakla..

"What now?.." sabi nito.. Pasimpleng inabot ni Hannah ang scratch paper nya.. Nanlaki ang mga mata ng bakla at pasimple din tinanggap ang kodigo.. Mabilis nitong naisalin ang mga sagot... Nakangiti na itong pinasa ang papel.. Binistahan din ng guro ang sagot ng bakla.. "You got 2 wrong answers Mister Caorte..But this is good already.. Have you copied the assignments?." tanong ng guro.. Ngumiti ang bakla at tumango.. "You can also go.." sabi ng prof.. Ngumiti ang bakla.. Tumayo si Hannah at hinatak sya.. "Tara lets.." aya ni Hannah. Sumama ang bakla.. Pagdating sa hagdan ay abot abot langit ang pasasalamat nito kay Hannah.. "Grabe.. That subject.. It's so hard for me.. Thank you thank you.." sabi ng bakla.. Ngumiti lang si Hannah.. "I told you.. I owe you one so binayaran ko agad...Ok ba?.." tanong ni Hannah.. NAgthumbs up ang bakla. "Tara.. " aya ni Hannah.. "Saan tayo?.." tanong ng bakla.. "Dun sa kubo.. Teka .. Anung name mo.?.." tanong ni Hannah. "Marla.." maiksing sagot ng bading.. Natawa si Hannah.. "Real name mo..." sabi nya.. Napasimangot si Marla.. "Marlon.." bulong nito.. Napahalakhak si Hannah.. Nagtinginan sa kanya ang mga dumadaang estudyante..

"What's your problem?.. Ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosang tumatawa?.." pagtataray ni Hannah.. Natawa ang ilan at tumuloy na sa paglalakad.. "Grabe ka sis.. Ang angas mo.." sabi ng bakla.. "Hah !.. May mas maangas pa sa akin.. Tara lets." aya ni Hannah.. Nagmamadali syang makapunta sa kubo.. Hawak hawak nya ang kamay ni bading... Sa kubo.. Nagtatawanan ang apat na alas .. NAg gigitara si Rhoi habang kumakanta.. NAg dadance number naman yung tatlo.. "Popopopopo poker face.." sabi ni Rhoi.. Umiindak indak sina Aldrin at Darius.. Habang nakahawak si Romeo sa tyan nya at tawa ng tawa.. "Putsa ka tabar.. Sa susunod mag susuot ka ng bra ng di lumalabas utong mo.." biro ni Romeo kay Darius.. Nilamas naman ni Darius ang kanang suso nya.. "Oh .. Ohhhhhh... Aldddriiinnnn.. Oooohhh..." boses babae si Darius at pilit na nilalapit ang suso kay Aldrin.. Nagpapadyak na si Krissia sa kakatawa sa tabi ni Rhoi.. Biglang napatigil sa pag gitara si Rhoi.. "Oh.. KJ nito pota.." sabi ni Aldrin.. Napanganga si Rhoi at tinuro ang nakikita nya.. Napatingin ang lahat sa labas ng kubo.. "Holy Cow.. " bulong ni Darius.. Tulala si Aldrin.. Agad na umahon ang inis sa katawan nya.. Lalabas na sana sya ng dambahin sya ni Romeo. "Wag pare.. Wag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo.. Hayaan mong batas ang

umusig sa kanya.." banat ni Romeo.. NAgtawanan ang lahat.. "Gago.. " asar na sabi ni Aldrin.. Inatake sya ng sangkaterbang selos.

Eksaktong pumasok si Hannah sa kubo.. Hawak pa rin ang kamay ng bading... "Hi hi !.." panggagaya ni Hannah sa pagbati ng mga alas. "Hi hi !.." bati ni Krissia. Nagtawanan ang mga babae.. Tahimik lang ang mga lalake.. "Pare.. ilayo nyo mga matatalas na bagay.. Dali!.." sigaw ni Romeo.. Nagtawanan ang mga kaibigan nya.. Pero si Aldrin masama ang tingin sa mga kamay ni Hannah at ni Marla.. Napansin ito ni Hannah kaya lalo nya pang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng bakla.. "Hi.." bati ni Hannah kay Aldrin.. Nakasimangot si Aldrin.. "Bakit kayo nakadapa..?.." tanong ng dalaga.. Biglang gumitara si Rhoi.. "Selos lang yan.. Selos lang yan .. Di ba?.." kanta ni Rhoi.. Sinabayan sya ng lahat.. "Oh yeah !.." biglang naging rapper si Darius.. Asar na asar si Aldrin.. Join force na ang lahat sa pang aalaska sa kanya.. "Waaaaa !!!." sigaw ni Aldrin at pumiglas sa pagkakayakap ni Romeo.. Kunwari naman tumalsik si Romeo at tumalsik sa malayo.. "Hoy OA ka gago.." sigaw ni Aldrin pagkat ang layo ng pagtalsik ni Romeo.. Nagtawanan ang mga kaibigan nya.. Nagsuot bigla ng shades si Darius..

"I can see the Dark Auras rising..It can't be... Masyadong masakit ang nangyayari at mukhang di na makakayanan ng ating bida.. Sasabog na sya.. Konti pa..Eto naaaa.. Oooohhh.." sigaw ni Darius. Biglang pinagbabato sya ng unan nila Romeo at Rhoi.. Umalingasaw ang mabahong amoy.. "Putangna ka.. Kahit saan dugyot ka !.." sigaw ni Romeo.. Tawa ng tawa sina Hannah at Krissia.. Tulala lang ang bakla. "Kung anong linis ng panlabas mo.. Syang baho ng ugali mo.. Gago.. May mga babae tapos uutot ka?.." sigaw ni Rhoi sabay niyakap si Krissia. Tawa ng tawa na parang demonyo si Darius.. Pati si Aldrin di na pinigilan ang pagtawa.. "See?.. Nawasak ko ang dark aura ni Aldrin.." biro ni Darius.. "Gago..Pinalitan mo naman ng dark aura mo.. Para kang nagtapon ng smoke grenade.. Tado ka !." sigaw ni Aldrin.. Binuksan ni Romeo ang electric fan at pumwesto sa trono nya.. "Dugyot na baboy." asar ni Romeo. "Pogi naman.. " bawi ni Daruis at naupo na din sa trono.. Uupo na sana si Aldrin sa sariling trono pero naunahan sya ni Hannah.. Napakamot sa batok ang binata at nakisiksik kay Romeo.. "Hoy puta.. Kaya nga trono di ba?.. Di to jeep na siksikan.. Dun ka !.." turo ni Romeo sa tabi ni Hannah. Napatingin si Hannah kay Aldrin at ngumiti.. Malungkot na ngumiti si Aldrin.. "Bakit ka molongkot?.." biro ni Hannah.. Nagtawanan ang tatlong alas. "Eh kasi.. Selos sya.." pang aasar ni Rhoi.. Nagkatitigan sina Hannah at Aldrin.. "Totoo?.." tanong ng dalaga. Umiling ang binata.. Napasimangot si Hannah.

"Huuussss... Akala ko nga sasapakin mo na ito eh.. Teka.. Sino ba to?.. Hannah speak !.." utos ni Romeo.. Pero binatukan sya ni Aldrin.. "Reyna ko yan gago." bulong nya.. "Gago.. Reyna mo eh kita mong may dalang boylet.. Ang pogi oh.." bulong din ni Romeo.. Napasimangot si Aldrin at tinitigan ang lalakeng kasama ni Hannah.. Sinisikap nyang sindakin sa pamamagitan ng pagtitig ang lalake.. Pero tulala lang itong nag papalipat lipat ng tingin sa kanilang apat na alas.. Nagtataka na sya.. "Psst.. Selos ka?.." pangungulit ni Hannah. Umiling si Aldrin pero tinulak sya ni Romeo. "Sinungaling ampota.. " sabi ni Romeo.. Napakamot si Aldrin sa batok at ngumiti ng mahinhin. Napatili naman si Krissia.. "Selos ka?." ulit ni Hannah. Huminga ng malalim si Aldrin .. "Oo.. " matigas na sabi nya.. Ngumiti ng matamis si Hannah.. "Baket?.." tanong nya.. Namula si Aldrin at nagpalakpakan ang mga kaibigan nya.. "Mga gago talaga.." bulong ni Aldrin.. "Guys tahimik kayo.. Magtatapat na si Aldrin.." kinikilig na sabi ni Krissia.. Tila napagkit na sa mukha ni Hannah ang pagngiti.. Pati sya inaatake na rin ng sangkatutak na kilig.. "Hannah.." bulong ni Aldrin.. "Aldrin." ganting bulong ni Hannah.. Unti unti ng naglalapit ang mga mukha nila.. Pati sina Romeo , Darius at Rhoi , kinikilig na.. Dyahe nga lang kasi mga tigasin daw sila.. Pero ayaw ng matanggal ng mga ngiti sa kanilang mga mukha..

"Laplapan na !.." sigaw ni Darius. "Labas mo dila mo pre.. Ganito.." nilabas ni Rhoi ang dila at pinakita kay Krissia. Kinurot naman ni Krissia ang ilong ni Rhoi at niyakap ito.. Tinitigan lang nila ang dalawa na halos magdikit na ang mga mukha. "Hala. Tangna.. PDA.." bulong ni Romeo. Binato sya ng unan ni Krissia. "Wag kang magulo.. !" saway ni Krissia.. Nag zipper ng bibig sina Romeo at DArius. Pero talagang kinikilig sila at ayaw nila itong ipakita sa lahat.. "Strawberry Jam Honey Pie.. " biglang humarap si Darius kay Romeo. "Sweetilicious Banana Cake.. With Cheese.." banat ni Romeo. Ginagaya nila ang pag tititigan nila Aldrin at Hannah. "Labas mo dila mo pre.." bulong ni Rhoi. "Sipsipan na ng laway.." bulong din ni Darius.. "Ayan na.. Shet.. Tinitigasan na ako oh.. Parang simula ng pinapanuod nating porn sa bahay nyo Darius.. Tapos next nyan yakapan.. Tapos totnakan na.." bulong ni Romeo. Pinag untog ni Krissia ang ulo ng tatlo.. "Mga panira kayo.. Moment nila yan eh.." saway ni Krissia.. Titigan lang sina Aldrin at Hannah.. "Hannah.." ulit ni Aldrin.. "Aldrin.." inis na si Hannah. Mahabang katahimikan. "Anong oras na?.." biglang tanong ni Aldrin.. Napa " ooohhhh " ang audience.. "Putsa.. Nagbayad tayo sa panget na pelikula?.." biglang tanong ni Rhoi.. Oo nga.. Yung bidang lalake mukang virgin pa.. Sayang.. banat ni Darius. Mas mabuti pang si Vice Ganda na lang pinanuod natin.. May mapapala pa tayon.. Sabi ko sa inyo pangit ang manuod ng Tagalog Romance.. pailing iling na sabi ni Romeo.. Pati si Krissia nanghinayang.

Si bakla tulala pa rin sa apat na alas. Si Hannah halos malaglag ang panga.. Nais nyang sapukin sa mga oras na iyon ang binata.. Kakamot kamot naman si Aldrin.. Di nya masabi ang nilalaman ng puso.. Bwisit.. bulong ni Hannah. Ha?.. tanong ni Aldrin.. "Wala !.." singhal ni Hannah.. Nagtaka si Aldrin.. Di ba dapat ako yung galit?.. takang tanong nya.. Bakit ka magagalit?.. tanong ng dalaga. Kasi nagdala ka ng lalake dito.. sigaw ni Aldrin. Tinaasan sya ng kilay ni Hannah. Sinisigawan mo ko?.. tanong ng dalaga. Tumiklop si Aldrin.. Of course not.. Nagpapaliwanag lang po.. bulong ni Aldrin. Nagtawanan sina Romeo at Darius.. 2 Down pare.. sabi ni Romeo. Nagtaka si Darius.. Baket 2?.. tanong nya.. 2 na silang nahuli sa bitag.. napapailing si Romeo. Ha?.. nakanganga si Darius.. Umiling si Romeo at tinuro si Rhoi.. Under number 1.. Tigasin kuno tapos isang sitsit lang ni Krissing .. TIKLOP !.. bulong ni Romeo.. Tumawa si Darius.. Under number 2.. Siga siga.. Sisigaw sigaw.. Akala mo lion .. Yun pala kuting.. Isang taas lang ng boses ni Hannah.. TSUPI .. bulong ulit ni Romeo. Nag apir ang dalawa at nagbungisngisan..

Bigla silang pinagbabatukan nila Rhoi at Aldrin. . You will find you own.. Soon.. sabi ni Rhoi.. Oh come on.. Wag kang mag turo.. sabi ni DArius.. Nagtawanan silang apat.. Aldrin.. lambing ni Hannah. Agad na lumapit si Aldrin sa tabi nya.. Yes Mam?.. biro ni Aldrin. Ngumiti si Hannah at tinuro si Marla na tulala.. Bakla yan.. bulong nya sa tenga ni Aldrin.. Napanganga si Aldrin at biglang bumungisngis. Kaya pala malalagkit tingin nya kina Romeo at Darius.. bulong ng binata. Yeah.. So selos ka pa?.. tanong ng dalaga.. Yea.. Kanina talaga sobra.. Akala ko may sumakal na sa puso ko..Di ako makahinga.. pagtatapat ng binata.. Napapikit si Hannah sa kilig.. Loyal ako.. biglang banat ni Hannah.. Napatakip sya sa bibig.. Huli na ..Nasabi nya na. Haha.. parang narecharged si Aldrin sa sinabi ng dalaga. Ngumiti nalang si Hannah at hinawakan ang braso ni Aldrin.. Hatid mo ko.. lambing nya. Of course.. Kahit di mo sabihin.. bulong ni Aldrin.. NAgtitigan sila at nagngitian.. Napalingon sa kanila ang lahat.. Naglabas ng popcorn sina Romeo at nagtabi silang tatlo.. Babawi ang bidang lalake. banat ni Rhoi. Oh come on .. Go go go !.. bulong ni Darius sabay subo ng popcorn. San galing ang popcorn?.. takang tanong ni Romeo..

Nagtawanan sila bigla. Naghiwalay sila Aldrin at Hannah pero ngiting ngiti ang dalawa.. Biglang nilapitan ni Aldrin si Marla at inakbayan.. Nanigas bigla ang katawan ni Marla.. Guys.. New friend.. banat ni Aldrin. Nagtaka ang lahat maliban kay Hannah na ngiting ngiti at tila nasa cloud nine.. Kaaway yan pre.. sabi ni Rhoi.. No.. Gay sya.. sabi ni Aldrin.. Kinurot ni Marla sa braso si Aldrin at sumimangot.. Babae ako.. giit nito. Nagtawanan sina Aldrin, Hannah at Krissia. Tulala lang ang tatlong alas.. Biglang nagtago sina Romeo at Darius.. Si Rhoi pasimpleng nagtago sa likod ni Krissia.. Tulala parin si Marla..Di nya akalain na ang kaklase nyang siga ay kaibigan pala ng mga naggagwapuhang ito...Napalunok sya at inisa isa ng tingin ang mga lalake.. Tila nandiri sina Rhoi sa pagtitig na ginagawa ng bakla. Hoy !.. sigaw ni Darius.. Putsa walang ganyanan.. ! sigaw din ni Romeo. Natawa si Aldrin.. Mabait yan.. sabi ni Hannah.. Oh mabait daw.. banat ni Aldrin.. Nagngitian sila ni Hannah.. Recommended pala ni Hannah. Right sis?.. kinindatan ni Krissia si Hannah.. Nagngitian ang dalawang dalaga. Pero nagtatago pa rin sina Rhoi at ang iba pa.. Kain na .. aya ni Aldrin.. Nilapitan nya si Hannah at sabay silang lumabas.. Tarantang sumunod sina Rhoi at hinatak nya si Krissia.

Galit na dinuro ni Romeo at Darius ang bakla. Sunod na !.. sabi ng dalawa. Kayo?.. tanong ng bakla. Nagtulakan sina Romeo at Darius.. Maglilinis lang kame. palusot ni Darius.. Ngumisi ang bakla at akmang lalapit sa dalawa.. "Putangna.. Pare code red.. Code REEeeeedddddd... !.." sigaw ni Romeo.. Pinagbabato nila ng mga unan ang bakla.. Tawa ng tawa si Marla at sumunod na sa labas. "Phew.." nakahinga ng maluwang ang dalawa.. Nagkatitigan sila at magkaholding hands na lumabas. "Pare.." untag ni Romeo. Napatingin sa kanya si Darius. "Yes loves.?.." biro ni DArius.. Nagtawanan sila at nagholding hands ulit.. "San galing yung popcorn?.." biglang tanong ni Romeo.. Napatingin sila muli sa kubo at nakita nila ang popcorn na ubos na.. Nagkatitigan sila at nanlaki ang mga mata.. "Putsa !.. Multong popcorn !.." sabay na sigaw nila .. Nagtitili ang dalawa na parang bading habang nagtatakbo papuntang canteen.. Chapter 16 BACK OFF !!

Lunes..

Excited na pumasok si Aldrin.. Parusa sa kanya ang weekends na nagdaan.. Miss na miss nya na si Hannah..

Halos talunin nya ang mga baitang papuntang 3rd floor.. Pagdating sa dulo ay pasimpleng nag ayos ng buhok ang binata.. Nagpraktis na din sya ng ngiti.. Pagliko nya dito sa hallway ay kwarto na ng dalaga.. Pangatlo ang kanya.. Dala ang praktis na kahit ang close up company ay mahihiyang tanggihan.. Lumiko si Aldrin upang magpapansin sa pinto ng classroom nila Hannah.. Para lang mapahiya.. Nabunggo nya ang professor na babae na eksaktong palabas din pala.. Naghagikgikan ang mga estudyante sa loob.. Pati si Hannah natulala sa nakita.. Nahindik sya dahil halos maghalikan na ang matandang guro at si Aldrin.. Biglang sumabog ng tawa ang dalaga.. Si Aldrin naman ay tulala at di makagalaw.. Magkadikit ang ilong nila ng matandang guro. Tila nagtayuan lahat ng balahibo nya sa katawan.. Muntik na ang first kiss nya.. Tarantang kumalas si Aldrin.. Hiyang hiya sya sa guro maging sa mga estudyanteng nasa loob.. Tulala ang matandang guro.. "Ahm.. Sorry po Ma'am.." paghingi ng paumanhin ni Aldrin.. Ngumiti ang guro.. Lalong kinilabutan ang binata.. "Sa susunod mag ingat ka pogi.." pasimple pang inayos ng guro ang buhos sa tenga nito. Gustong magmura ng binata dahil nag bungisngisan ang mga estudyante sa klase.. Lumayo na ang guro at palingon lingon pa ito sa binata.. Tinitigan ni Aldrin si Hannah at kumaway.. "Morning my queen.." sigaw ni Aldrin.

Umulan ng tukso sa classroom.. Pulang pula si Hannah pero gumanti sya ng kaway sa binata.. "Sayang at di nagdikit.." tukso ni Hannah.. Nagtawanan ang mga kaklase nya.. "Di pwede.. Nakalaan ang first kiss ko.." biro ng binata. Lalong naghiyawan sa kwarto.. Nakurot tuloy ni Hannah katabi nyang bakla. "Aray sis.." angal ni Marla.. Biglang lumingon si Aldrin sa gawing likuran nya.. Bumadha ang takot sa mga mata.. "See yah later my queen.. " tumakbo ang binata.. Nagtaka naman ang dalaga pero naunawaan nya na dahil bumalik na pala ang prof nilang matanda.. Ngiting ngiti si Hannah at tila nabuhay ang dugo nya.. "Class, recitation.." nakangiting sabi ng guro. Sa isip isip ay sayang at di nagdikit ang mga labi nila ng binata.. Sumigaw si Hannah.. "Let's get it on Ma'am !.." sigaw ni Hannah at nagtawanan ang mga kaklase nya..

Sa classroom nila Aldrin ay tulala ang binata at pangiti ngiti.. Ang ngiti nya ay naging simangot ng maalala ang aksidente na muntik ng maging sanhi para kitilin ang sariling buhay.. Biglang bumango ang paligid.. Paglingon nya ay ang kahali halinang ngiti ni Jasmine ang bumungad sa kanya.. Naka shades pa ito at ng alisin ay lalong nabighani ang binata.. "Morning .. " paos ang tinig ni Jasmine.. Nalibugan ang binata.. "Morning.." ganti nya.. Nagngitian sila..

Pero bumawi si Aldrin at inisip na naman si Hannah.. Napasimangot si Jasmine.. "Ganun lang?.." bulong nya.. "What?.." tanong ng binata.. Sumimangot na talaga si Jasmine. "Wala .." taray nya.. Natawa si Aldrin at muling nag daydream.. Bubulong bulong si Jasmine.. Pero wapakels si Aldrin. Kinalabit sya ng dalaga.. "May gagawin ka mamayang lunch?.." tanong ng dalaga.. Nagtaka ang binata.. "Syempre kakain.." biro nya. Natawa naman ang dalaga at pinalo ang braso ng binata.. "Funny.. I mean.. May kasama ka bang mag lunch?.." tanong pa rin ng dalaga.. Ngumiti si Aldrin.. Bumilis ang tibok ng puso ni Jasmine.. "Meron.." sabi nya.. Tila nawala ang enerhiya bigla ni Jasmine at nalungkot ang mukha.. "Sya na naman?.." tanong ng dalaga. "Of course.." ngiti pa rin si Aldrin.. Manhid talaga. "Baket?." tanong ng binata.. "Papasama sana ako .. Saglit lang.." nag beautiful eyes ang dalaga.. Ngumiti ulit ang binata.. "Saan?.." tanong nya.. Nabuhayan ng loob ang dalaga.. Sa mall.. sabi ni Jasmine..

Napaisip ang binata.. Magtatagal ba tayo?.. tanong nya. Ngumiti ang dalaga.. Saglit lang.. sabi nya. Napaisip ulit si Aldrin.. Sige.. Pero 30 minutes lang.. sabi ni Aldrin.. Nagbunyi ang loob ng dalaga.. Pramis !.. tinaas nya pa ang kaliwang kamay para manumpa.. Natawa ang binata at muling nag daydream. Napasimangot na naman si Jasmine pero batid nyang nagsisimula na ang plano nya..

Lunch.. Nagmamadali si Aldrin.. Halos patakbo na sya sa pinto ng sitsitan sya ni Jasmine.. Paglingon nya ay nakasimangot ang dalaga.. Napakunot noo naman si ALdrin .. "You promised me.." malungkot na sabi ng dalaga.. Napahiya ang binata at natawa. "Oo nga pala.. Tara na." sabi ng binata.. Lumiwanag ang mukha ng dalaga at dali daling nag make up.. Napailing naman si Aldrin.. "Ayaw ko sa make up.." bulong nya sa sarili. Lumapit ang dalaga na nag pa-pout ng lips dahil sa kakalipstick lang nya. "Let's go.." umangkla pa sya sa braso ng binata.. Napailing na lang si Aldrin at nagsimula na silang bumaba ng building.. Patungo sana sila sa kubo pero umangal ang dalaga.. "Wag na.. Baka di tayo agad makabalik eh.." sabi ni Jasmine. Napaisip ang binata..

"Sige.. Text ko na lang sya." nagsimula ng ilabas ng binata ang phone pero napamura din sya bigla. Napalingon sya sa dalaga.. "Lowbat.." sabi ng binata.. Nagbunyi ang loob ng dalaga.. "Tara na.." sabi ni Jasmine.. "Patext.." pakiusap ng binata.. Sumimangot si Jasmine.. "Wala akong load.." biglang sabi nya.. Natawa ang binata.. "Ikaw walang load?.." tanong nya.. Lumabi si Jasmine at tila pinangalandakan ang mapupulang nguso.. "Naubos ko last night.. Nagusap kami ng friend ko.." palusot ng dalaga pero ang totoo naka plan sya.. Nanlumo naman ang binata .. Hinatak na sya ng dalaga palabas ng gate.. Sa di kalayuan ay may nakapark na itim na van.. "Sakay.. " utos ng dalaga. Sumakay naman ang binata..

Sa kubo.. Tuliro si Hannah. Sya na lang mag isa sa kubo dahil kanina pa kumain ang mga barkada nya.. Nagpaiwan sya at hinintay si Aldrin.. Napatingin sya sa relos. "12:42 na. Nasan ka ba Potpot.." naiinip na sabi ni Hannah.. Inis na sya.. Nakarinig sya ng tawanan.. "Putsa.. Sino nga ulit ang kumanta nung Valiente?.. Yung sa TV5 dati?." tanong ni Darius.. Nagtawanan na naman sila.

"Si Jose Manalo nga.." biro ni Rhoi.. Nagtawanan na naman sila.. Pumasok sila sa kubo at naawa sila sa itsura ng dalaga.. Napangiti ng malungkot si Hannah.. "Sis di ka pa kumakain.." sabi ni Krissia at tinabihan si Hannah.. Umiling si Hannah. "Busog pa ako sis.." tanggi nya.. Pero ang totoo kanina pa nagrereklamo ang sikmura nya. Naawa naman si Krissia at nilingon si Rhoi na tumitipa sa gitara.. "Itext nyo nga !.." utos ni Krissia.. Agad na naglabas ng cellphone si Rhoi at tinawagan si Aldrin.. Pero maya maya ay umiling ito.. "Unattended.. Malamang nakapatay o kaya lowbat.." sabi ni Rhoi.. Binato ni Krissia ng unan si Darius.. "Baket?.." angal ni Darius.. "Nasan si Aldrin?.." tanong ng dalaga. Kinapa ni Darius ang bulsa.. "Wala dito.." biro nya.. Nagtawanan sila.. Napangiti ng malungkot si Hannah.. Biglang may kumatok.. "Pasok ako ah.." paalam ni Marla.. Nagtayuan sina Rhoi , Romeo at Darius at pasimpleng nagtago sa likod ng mga babae.. Napahagikgik sina Hannah at Krissia. "Pare.. Kapag nagdilim ang paningin ko at nakagawa ako ng di maganda sa baklang yan.. Kaya mo ba akong ilabas sa kulungan?.." tanong ni Darius kay Romeo. Umungol si Romeo. "Pare.. Di ko sure.. Baka maging classmates tayo sa bilibid kung sakaling may gawing maling hakbang yan si chervalu..Putsa lumalapit !!!!." bulong ni Romeo ..

Lumapit si Marla at sabay sabay ang tatlong alas na umikot sa kabilang panig.. Tumawa na parang demonyo si Marla.. "Sis.. Time na.." sabi ng bakla at pasimpleng dinilaan ang mga labi nya.. Nanghilakbot ang tatlong alas.. Tumayo na ang dalaga.. Tumayo din si Krissia. "Sis.. Di ka pa naglulunch !.." pigil ni Krissia.. Ngumiti ng malungkot ang dalaga.. "Late na ako eh.. " sabi nya. Lumingon si Krissia sa tatlong alas.. "Do something !.." sigaw nya.. Nagkatinginan ang tatlong alas at nginuso si Marla.. Natawa bigla si Hannah.. "It's okay.. Mamaya na lang ako kakain.." sabi ng dalaga.. Sumabat si Rhoi.. "It's okay.. Kumain ka muna.." sabi ni Rhoi. Tumingin sya sa mga kapwa alas.. "I agree.." sabi ni Darius.. Sinulyapan nila si Romeo na nakatitig ng masama sa bakla. Tila konting galaw ni Marla ay aatake na si Romeo at wawakasan ang buhay nito.. Inalog nila ang kaibigan.. Parang galing sa masamang bangungot si Romeo at nagulat pa.. Where Am I?. biro ni Romeo.. Nagtawanan sila.. Si Hannah.. Di pa kumakain.. sabi ni Rhoi.. Eh di pakainin.. Sus.. sabi ni Romeo at muling tiningnan ng masama si Marla... Nag flying kiss ang bakla at biglang umamba si Romeo na susugod na pero napigilan sya nina Darius at Rhoi.. Tawa sila ng tawa..

Paano? eh time na nga oh.. May klase na kame.. pagtataray ng bakla.. Napatingin sila lahat kay Hannah.. What do you want to eat?.. tanong nilang tatlo sa dalaga.. Napangiti si Hannah.. Joweebeee..... biro ng dalaga.. Natawa naman ang tatlong alas at naglabas ng phone si Darius.. Go.. Pasok ka na ... sabi ni Darius kay Hannah.. Nagpasalamat ang dalaga at nagbeso sila ni Krissia.. Ngumiti si Hannah sa tatlo at lumabas na kasabay ng bakla.. Tarantang umikot ulit sina Rhoi sa kabilang panig ng kwarto.. Tawa ng tawa si Krissia..

Sa classroom nila Hannah.. Tulala lang sya na nakikinig sa guro.. Gutom na talaga sya... Mamaya pang 2PM ang break nya at di nya alam kung matitiis nya pa ang ilang oras na di pagkain.. Sa kalagitnaan ng leture ng guro ay biglang lumitaw sina Romeo sa pinto.. Delivery !.. sigaw ni Romeo.. Natigil ang klase at nagalit ang guro.. What the.. Sino ka at nang iistorbo sa klase ko?.. galit na sigaw ng lalaking guro.. Ngumiti si Romeo at sinitsitan ang mga kasama nya.. Biglang pumasok ang tatlong lalake na nakasuot ng uniform ng jollibee.. Ayun.. Yung magandang babae katabi ng mahaderang nilalang.. sabi ni Romeo.. Nagtawanan ang buong klase at galit na galit ang guro.. What the hell is happening?.. sigaw nito.. Special delivery sis..From the dean himself. sabi ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ng guro .. Natawa naman ng palihim si Hannah at nilantakan na agad ang pagkain.. Natakam naman ang ibang kaklase nya kaya pinasa nya ang mga pagkain sa iba.. Share share.. biro ng dalaga..

Di umaalis si Romeo hanggat di natatapos ang pagkain ng dalaga.. Pati mga jollibee crew nakapalibot sa dalaga na kumakain.. Pagtapos ay ngumiti si Hannah kay Romeo.. Nagthumbs up si Romeo sabay inaya na ang mga crew palabas. Go go go.. Baka mabuking tayo na walang inutos si Dean.. biglang banat ni Romeo.. NAhindik ang guro at akmang hahabulin ang binata pero mabilis na itong nakatalilis palayo.. Nagtawanan ang buong klase.. Lahat sila busog maliban sa guro.. Gigil naman ang professor sa pangahas na binata..

Alas dos na nakabalik sina Aldrin.. Di nya mapahindian ang dalaga dahil nag aya pa ito na mamasyal.. Kanina pa sya tuliro at nag aalala kay Hannah.. Dumiretso na sya sa kubo.. Sya lang ang tao dahil batid nyang mamaya pang alas tres ang labas ng mga barkada nya.. Napagod sya.. Mentally dahil kakaisip kay Hannah.. Inis sya kay Jasmine pero mas inis sya sa sarili nya dahil di nya natanggihan ang dalaga. Napapikit ang binata at hinimlay ang sarili sa trono nya. Maagang natapos ang klase ni Hannah.. Nagpasa lang sila ng project .. Agad syang bumaba kasama ang baklang kaibigan at tinungo ang kubo.. Natulala sya ng makita si Aldrin na nakapikit at nakaupo sa trono nito.. Tila pagod na pagod.. Hinaplos ng awa ang puso ng dalaga pero mas pinangibabaw nya ang inis.. Agad syang lumapit at piningot ang ilong nito..

Balikwas ng bangon si Aldrin at mumurahin sana ang nagbiro sa kanya pero nanlaki ang mga mata nya ng masilayan ang magandang mukha ni Hannah.. Nakasimangot ito sa kanya.. Napangiwi ang binata at tumayo.. Inalok ang sariling trono.. Padabog namang umupo si Hannah at nagdekwatro pa.. Naupo naman ang bakla sa upuan na malapit sa computer.. Nagkatitigan ang dalawa.. San ka galing?.. pagtataray ng dalaga. Napaubo ang binata.. Dyan lang.. palusot nya.. Umismid ang dalaga at sinipa ang tuhod ni Aldrin.. Sinungaling !.. Kasama mo yung malanding yon !.. sigaw nya.. Natakot si Aldrin at tarantang lumuhod.. I admit , kasama ko sya.. Pero di ako nakatanggi .. SAbi nya uuwi din kami bago mag 12:30.. Nakiusap sya.. Gusto mo bang tumanggi ako?.. She needs my help.. paliwanag ni Aldrin.. Napasimangot si Hannah. Malandi yon !.. sigaw nya.. Natawa si Aldrin pero sinipa ulit sya ni Hannah.. Aray naman eh.. angal nya.. "Sus.. Tapik lang yon eh.." bubulong bulong si Hannah.. "Sorry na.." makaawa ni Hannah.. "Alam mo bang di ako naglunch kakahintay sayo?.." taray ng dalaga. Napahindik si Aldrin at lalong na guilty.. "Sorry.. Sorry.." sigaw nya.. Natawa ang bakla at nainggit.. "Sis.. Sige na..Patawarin mo na.." sabi ng bakla at kinindatan si Aldrin.. Ngumiti naman ang binata pero napaaray sya ng biglang pingutin ni Hannah ang tenga nya.

"Shut up !.. May kasalanan pa to ..Dapat dito tadtarin !.." taray ni Hannah.. Natawa si Aldrin.. "Sorry na my queen.." lambing nya.. Nanigas si Hannah .. Muntik na syang ngumiti pero pinigilan nya.. Aba !.. Nang uuto ka pa ha !. sabi ni Hannah.. Sorry na kase.. Di ko naman kasalanan eh.. pakiusap ni Aldrin.. Sumimangot ang dalaga.. Kinilig ang bakla.. Hay nakow.. Kiss mo papa Aldrin.. tukso ng bakla.. Inumang ni Aldrin ang nguso nya.. Nanigas si Hannah at bumilis ang tibok ng puso.. Kiss daw.. biro ni Aldrin.. Sinabunutan ni Hannah ng mahina ang binata at bigla syang tumawa.. Uuyyy.. Ganun lang bati na kayo?.. tukso ng bakla.. Nagtawanan sina Aldrin at Hannah at nagtitigan.. Sa susunod magsabi ka.. sabi ng dalaga. Lowbat..Sorry.. lambing ng binata.. Muli silang nagtitigan at nagngitian.. Aysus.. Kanina away.. Ngayon bati.. Kaloka.. biro ng bakla.. Binata nila ito ng unan at tumawa sila ng sabay..

Pauwi na sila.. Nagtataka sila Krissia at ang tatlong alas kung bakit sweet na ulit sina Aldrin at Hannah.. Guys.. Bakit ganon?.. tanong ni Darius. Malay ko.. Kanina umuusok na ilong ni Hannah eh.. biro ni Romeo. Nagtawanan sila.. Kanina muntik na silang mag kiss.. biglang singit ng bakla. Nagulat sila Romeo at Darius dahil nasa likod na pala nila ang mahaderang nilalang..

Napatili ang dalawang alas. Dyosko.. Wag kang mangugulat .. Baka majombag kita !.. tili ni Romeo.. Tawa ng tawa ang bakla.. Sister.. Kill na natin yan.. bulong ni Darius. Wag.. Kailangan natin ng punching bag.. biro ni Rhoi.. Nagtawanan silang tatlo pero biglang lumapit ang bakla.. Nabaklas ang barikada ng tatlong alas. Nagyabang ang bakla.. Akala ko siga kayo?.. pag aangas nito. Sinong siga?.. tanong ni Romeo.. Tama.. Di lang nila kami naiintindihan.. May puso din kaming marunong magmahal.. landi ni Rhoi.. Nag apir sila nina Darius. Palabas na sila ng gate ng may sumitsit sa likod. Sabay sabay silang lumingon.. May grupo ng kababaihan ang nasa likod nila.. Pawang magaganda at biglang nakaramdam ng inis si Hannah dahil isa dito ay si Jasmine.. Malandi itong nakangiti kay Aldrin sabay bumaling kay Hannah.. Lumapit ito sa kanila at bumulong.. Thanks kanina.. bulong ni JAsmine kay Aldrin. Umangal si Hannah pero hinawakan sya ni Krissia. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.. Wala tayong ginawa kanina.. Sinamahan lang kitang mamili.. sabi nya.. Tumawa ng malandi si Jasmine at tiningnan si Hannah.. Yun ba ang sinabi mo sa kanya?.. sabi ni Jasmine.. Nahindik si Hannah at tinitigan ng masama si Aldrin. Umiling ang binata.. Maniwala ka sis.. Di yan magsisinungaling sayo.. bulong ni Krissia.. Huminga ng malalim si Hannah at pumwesto sa harap ni Aldrin..

Napangisi si Jasmine at sinalubong ng titig si Hannah.. You !.. dinuro ni Hannah si Jasmine... Nagsilapitan ang mga kasama nitong babae .. Tumaas ang kilay ni Jasmine at nilabanan ng titig ang dalaga.. What?.. mataray na tanong ni Jasmine.. Back off !.. Hes mine !.. madiing sabi ni Hannah sabay kapit sa braso ni Aldrin.. Nabwisit si Jasmine at akmang gaganti pa pero lumapit na din si Krissia at tinabihan si Hannah.. You heard her.. Back off bitch !.. sigaw ni Krissia.. Tumalikod na sila.. Tulala si Jasmine pati barkada nya.. Kinilig si Aldrin at napangiti ng maluwang dahil sa mga braso ni Hannah na nakaangkla sa braso nya.. Susunod pa sana si Jasmine pero nilingon ulit sya ni Hannah at muling dinuro.. Hes mine !.. Back off or I swear Ill leave a scratch to your face. ! galit na sabi ni Hannah.. Nanigas si Jasmine bigla.. Maangas na tinitigan ni Hannah mula ulo pababa si Jasmine sabay inirapan at tumalikod.. Natahimik ang buong kwadro alas at biglang binalot ng takot sa dalawang babae.. Nag holding hands sina Darius at Romeo sabay tiningnan nila sina Rhoi at Aldrin na tulala din.. Putol titi mga pre.. pananakot ng dalawa .. Pero natahimik sila ng lumapit na yung dalawang babae at inakbayan sa braso ang mga kaibigan nila.. Walang kumontra.. Chapter 17 One Step Forward

Naglalakad sina Aldrin at Hannah papasok sa subdivision ng dalaga.. Tahimik lang sila pero bakas ang ngiti sa mukha ni Aldrin Nanlalaki ang mga butas ng ilong nya.. Biglang lumingon si Hannah at napasimangot sya ng makita ang ngiti sa mukha ng binata..

"Anung ngini ngiti mo?.." maangas na tanong ng dalaga.. "Nothing.." ngiti pa rin si Aldrin.. Bigla siyang siniko ni Hannah.. "Ano nga?.." taray nya.. Biglang natawa ang binata. "Ang sweet mo." banat ni Aldrin.. Napasimangot lalo si Hannah pero namula ng bahagya ang mga pisngi nya.. "Hah !.. Ginawa ko lang yon kasi asar ako sa babaeng yon.. !.." palusot nya. Pero lalo lang ngumiti si Aldrin.. Okaaaayy.. landi ni Aldrin Nagbaling ng tingin si Hannah at binilisan ang paglakad.. Natawa ng mahina si Aldrin at humabol sa dalaga.. Oy.. untag ng binata.. Baket bA?.. taray ng dalaga.. Napahagikgik si Aldrin at bigla syang sinakal ni Hannah Lalong tumawa ang binata.. Kakainis ka !.. sigaw ng dalaga.. Pulang pula ang mukha ng dalaga pero di nya maiwasan ang matawa.. Salamat.. bulong ni Aldrin.. Napangiti ang dalaga.. Wala yon.. Dapat lang yon.. maangas na sabi nya.. Napangisi si Aldrin.. Para kang aso.. sabi ng binata.. NAgtaka ang dalaga.. You just marked your territory.. mahinang sabi ng binata.. Namula ang dalaga at kinurot ang binata.. "BACK OFF BITCH !.. Or I'll swear I'ill leave a scratch on your face !.." nag boses babae si Aldrin..

Pinagpapalo ni Hannah ang binata pero nahuli ni Aldrin ang mga kamay nya.. Nagngitian sila at pinagpatuloy ang paglalakad.. "He's MINE !.." biglang sigaw ng binata.. Lalo lang syang pinagkukurot ni Hannah.. Malapit na sila ng huminto si Hannah. Is it really my territory?.. mahinang tanong ng dalaga.. Nagharap silang dalawa.. Yes.. madiin na sabi ni Aldrin.. Kinilig ang dalaga at nagbaling ng tingin.. Salamat sa paghatid .. bulong nya.. Painom naman.. biro ni Aldrin. Pero ang totoo ayaw nya pang mahiwalay sa dalaga. NAtawa ng marahan ang dalaga at binuksan ang gate.. Nagulat pa si Manong Bert ng makita ang dalaga na may kasamang lalake.. Agad nya itong sinalubong ng salubong ang kilay. Ahem.. astang tatay ang matandang driver.. Napangiti si Hannah at na touch .. Kinabahan ng konti si Aldrin pero all smiles pa rin.. Gandang afternoon po.. bati ng binata.. Tinitigan ni Mang Bert si Aldrin at sinukat ng tingin.. Natawa ng lihim si Hannah at pinagmasdan ang reaksyon ng binata.. Magandang hapon din iho..Anong aten?.. tanong ni Mang Bert.. Mangangaroling po sana ako.. biro ng binata.. Napasimangot si Mang Bert pero .. Si Hannah natulala.. Biglang sumabog sa tawa ang dalaga at sinabayan sya ng matandang driver.. Ayos ka bata.. biglang sabi ni Mang Bert.. Ngumiti si Aldrin at sinulyapan ng mayabang si Hannah.. Umismid ang dalaga pero di nya maiwasan ang mapangiti..

Pumasok sila sa loob .. Napahanga ang binata sa ganda at elegance ng interior ng bahay.. Dinala ni Hannah sa salas si Aldrin at pinaupo.. Grabe.. Prinsesa Hannah?.. biro ni Aldrin.. Napangiti ang dalaga at nag excuse.. Bihis lang ako.. sabi nya.. Ngumisi si Aldrin.. Baket?.. taray ng dalaga. I remembered something lang.. landi ni Aldrin.. Nagtaka si Hannah. Ano yon?. tanong nya.. Wala.. sabi ng binata.. Biglang piningot ni Hannah ang tenga ni Aldrin.. Tawa ng tawa ang binata.. Di mo sasabihin?.. nakasimangot na tanong ni Hannah.. Wala naman.. Basta color black.. sabi ng binata.. Nagsalubong ang kilay ng dalaga at pilit na tinatandaan ang bagay na itim.. Maya maya ay tila umakyat na lahat ng dugo nya sa ulo at nag init ang kanyang mga pisngi.. Pinagpapalo nya ang binata at sumimangot.. Tawa naman ng tawa si Aldrin.. "Naiwan ko nga pala !.." sigaw ni Hannah.. Pulang pula ang pisngi nya. Nuon nya lang ulit naalala na naiwan nya nga pala ang undies nya sa bahay ng binata... "Nasan na yon?.." tanong ng dalaga.. "Remembrance.." biro ni Aldrin.. Pinagkukurot ni Hannah si Aldrin at tawa sila ng tawa.. "Dyan ka na nga.. Magbibihis ako.." padabog na umalis ang dalaga.. Ngiting ngiti si Aldrin..

"Dalian mo baby !.." biro nya.. Nanigas si Hannah at napangiti ng lihim.. "Saglit lang babes.." bulong nya at napangiti na naman.. Halos di mapakali si Hannah .. For the first time binuklat nya ang halos kalahati ng mga bagong damit nya.. Di sya makapili ng tamang isusuot.. Dumampot sya ng isa at sinukat.. Napasimangot sya .. "Overdressed.. Baka pagtawanan ako ni Potpot.." bulong nya dahil bestidang pula ang nakuha nya.. Humugot pa sya ng isa.. Sinukat.. Sumimangot ulit.. Baka sabihin nya masyado akong desperada .. muli nyang hinubad ang nakuha nyang mini shorts.. Kinalkal ulit ang closet.. Lahat bago pero kataka takang wala syang maisuot..

Sa salas.. Tila sinisilihan na ang pwet ni Aldrin.. Napapatingin sya sa relos.. 45 minutes na pagbibihis?... Nakatulog na ata.. bulong ng binata.. Biglang may naglapag ng juice sa tapat nya.. Pagtingin nya ay nakangiting mukha ang nasilayan nya.. Kamusta ka iho?.. sabi ng yaya.. Agad na tumayo si Aldrin at nakipagkamay sa matanda.. Naku .. Gwapo pa rin po ako.. Mula nuon hanggang ngayon.. biro ng binata at inabot ang palad sa matanda.. Napasimangot ang yaya pero bumungisngis na din.. Wala kang angas ah.. tukso ng yaya sa binata..

Napangiti si Aldrin.. Pwede po mag request?.. malambing na sabi ng binata.. Napakunot noo ang matanda.. Sige ano yon?.. tanong ng yaya.. Napakamot si Aldrin sa batok at tumingin sa parteng itaas ng bahay.. Si Hannah.. Baka nakatulog na po.. Paki gising naman at paki sabi na andito pa po ako.. biro ng binata.. Natawa ang yaya at napailing.. Sows yung batang yon talaga.. Masyadong excited siguro.. Teka nga at aakyatin ko.. sabi ng yaya.. Napangiti ng maluwang si Aldrin at humigop ng juice..

Nataranta si Hannah ng makarinig ng katok.. Saglit lang !.. sigaw nya.. NAka bra at panty pa sya at nagkalat ang mga damit nya.. Ano ka bang bata ka.. Namumuti na yung mata nung bisita mo !.. sigaw ng yaya at dinabog ang pinto.. Binuksan ng dalaga ang pinto at napasimangot.. Hinatak nya ang yaya nya at muling sinara.. Ibig matawa ng matandang yaya ng makita ang gulo ng silid ng dalaga. Dyaske kang bata ka.. Anung dumaan dito?.. Ipu-ipo?.. biro ng yaya.. Napabungisngis si Hannah at niyakap ang yaya nya.. Ya..Anu pong magandang isuot?.. lambing ng dalaga.. NApailing ang matanda at tinapik ang kamay ng dalaga.. Kahit alin dyan iha.. Maganda ka kahit anong isuot mo.. Nagtataka lang ako bakit tila naging concious ka sa itsura mo?.. Dati naman kahit punit punit na damit sinusuot mo.. tukso ng yaya.. Namula si Hannah at napangiti ng mahinhin.. Natawa ang yaya at hinaplos ang pisngi ng alaga.. Ang alaga ko.. Enlab.. biro nya.. Natawa naman ang dalaga at impit na napatili..

Ang gwapo nya no?.. tili ni Hannah.. Pati ang matandang yaya kinilig na din.. Oo nga.. Dali na at halos isang oras na syang naka upo don.. Mamaya mainip yon at biglang umalis .. Sige ka.. pananakot ng yaya.. NAtaranta si Hannah at tumingin sa relos.. Hala. !... 50 minutes na akong nandito?.. nagulat ang dalaga.. Natawa naman ang yaya.. Hala sige na.. Eto na lang.. dumampot ang yaya ng maiksing palda at blouse. Napangiti si Hannah at agad na tumakbo sa banyo..

Naubos na ni Aldrin ang juice nya.. Nilabas nya ang cellphone nya at naglaro na lang.. Biglang may tumabi sa kanya.. Paglingon nya at natulala si Aldrin.. Ngiting ngiti si Hannah sa harap nya.. Am I dreaming?.. biro ng binata.. Natawa ang dalaga at naupo sa harap na sofa ng binata.. Agad na sinuksok ni Aldrin ang cellphone sa bulsa at tinitigan ang dalaga.. Nais naman maconcious ng dalaga.. Wag kasi.. angal ng dalaga.. Natawa si Aldrin.. Baket?.. tanong nya.. Wag kang tumitig.. reklamo ni Hannah.. Eh sa ang sarap mong titigan eh.. biro ni Aldrin.. Nagblush si Hannah.. San ka pupunta?.. Sa binyag?.. inalaska ni Aldrin si Hannah.. Napasimangot si Hannah at akmang aalis pero inawat sya ng binata. Ito naman.. Joke lang hoy.. tatawa tawang sabi ng binata. Muling naupo ang dalaga at sumimangot..

Your so pretty.. bulong ni Aldrin.. Nanigas ang dalaga at sumimangot ulit. Sus. sabi ni Hannah.. Biglang sumulpot ang yaya nya at si Mang Bert.. Miryenda pa iho.. banat ni Mang Bert.. Nakiupo sila at pinagitnaan ang dalaga.. Napakamot si Aldrin... Natawa naman ng lihim ang dalaga.. Anung name mo nga pala?.. tanong ng yaya.. Tumayo si Aldrin at niliyad ang dibdib.. Aldrin Villarama po !.. tinig sundalo sya.. Nagtawanan sila pero napakunot noo ang matandang yaya.. Napatingin sya kay Hannah at maging si Hannah ay napatingin sa kanya.. Nagtatanong ang mga mata ng Yaya.. Tumango ng lihim si Hannah at napangiti ng maluwang ang yaya nya.. Sya yan?.. bulong ng yaya nya.. Opo Ya.. Nakita ko na sya.. gustong tumili ni Hannah.. Nagsalubong ang kilay ni Mang Bert dahil Out of Place sya.. Pwede kang umupo iho.. biro ni Mang Bert.. Tuwid na umupo si Aldrin at nag tiger look.. Ilang taon ka na ?.. tanong ni Mang Bert.. 17 years , 2 months and 14 days po sir !.. banat ni Aldrin.. Nagtawanan ulit sila.. Korni mo !.. ingos ni Hannah pero kinikilig sya .. Bakit mo naman hinatid itong alaga namin?.. nakangiting tanong ng yaya.. Tumitig si Aldrin kay Hannah pagkatapos sa yaya.. Napansin ko po kasi na medyo nahihirapan si Hannah na malaman kung alin ang kaliwa at kanan.. Kaya nagpasya po ako na ihatid na sya dito dahil baka po maligaw sya.. seryosong sabi ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah at binato ng unan ang binata.. Tawa naman ng tawa ang dalawang katiwala.. Baka naman saktan mo lang itong alaga namin?.. banta ni Mang Bert.. Napahawak si Hannah sa braso ni Mang Bert. Huminga ng malalim si Aldrin at muling tumitig ng matiim sa matandang driver... Kahit lamok o langgam ay mahihirapan pong makalapit kay Hannah..Gagawin ko po ang lahat wag lamang syang magasgasan..Mas gugustuhin ko pa pong ako ang masaktan at masugatan wag lang magalusan ang tila mala porselanang kutis ng aking irog... madamdaming wika ni Aldrin.. Nanigas si Hannah at kinilig ng todo. Napanganga pa sya at pakiramdam nya ay pulang pula na ang kanyang mukha.. Nagkatinginan ang dalawang katiwala at napangiti ng maluwang sa binata.. Ang sweet.. kinilig ang yaya.. Wala akong masabi iho.. Napakaromantiko mo pala.. puri ni Mang Bert.. Actually po binasa ko lang po ito sa notebook ko.. Assignment ko po kasi.... biro ni Aldrin.. Biglang sumimangot si Hannah at muling binato ng unan ang binata.. Tawa naman ng tawa ang yaya nya at ang driver nila.. Dyan na nga kayo at magluluto pa ako ng hapunan.. Dito ka na kumain iho.. aya ng yaya nya.. Ay opo.. Balita ko masarap daw kayong magluto... Pwedeng tumulong?.. sabi ng binata.. Nagtaka ang yaya at napatingin kay Hannah.. May restaurant business sila .. imporma ng dalaga at inirapan ang binata.. Napatango ang yaya at nginitian ang si Aldrin.. Sige nga daw.. Pakitaan mo daw kame.. nakangiting sabi nya.. Tumayo si Aldrin at kinindatan si Hannah .. Pero inirapan lang ulit sya ng dalaga.. Ayos to.. Mukhang busog na naman ako ah.. Kung may kailangan kayo nasa garahe lang ako .. paalam ng driver at umexit na.. Sumunod si Aldrin sa yaya ni Hannah at iniwan ang dalaga sa salas.. Nakasimangot ang dalaga pero di nya maiwasan ang kiligin.. Sumunod na din sya at nanuod sa dalawa.. Ekspertong pinakita ni Aldrin ang natutunan nya sa mga magulang..

Habang naghihiwa ay pakanta kanta pa sya at di maiwasang kiligin ni Hannah.. Boses palaka .. pang aasar nya sa binata.. Kumindat lang si Aldrin at binuhos na sa kaldero ang lahat ng hiniwa nya.. Lalong kinilig si Hannah dahil lagi syang sinusulyapan ng binata.. Ang yaya naman nya ay halos nanumbalik sa pagiging teenager dahil sa sweetness na nakikita sa dalawa.. Matapos ang pagluluto ay naghilamos si Aldrin at tinawag na nila ang matandang driver.. Sama sama silang kumain ng hapunan.. Ako na.. inagaw ng binata ang serving spoon sa dalaga at sinandukan ng kanin .. Ngiting ngiti ang yaya at si Mang Bert pero di na lang pinansin ang dalawa.. Dapat lagi kang kumakain ng gulay.. Kita mo ang payat mo.. sermon ni Aldrin.. Bigla syang piningot ng dalaga.. Payat ako?.. maangas na tanong nya.. Sinong nagsabi?.. Aray teka.. angal ni Aldrin at hinimas ang tenga nya.. Nakasimangot si Hannah at nagsimulang sumubo.. Napapangiti naman ang dalawang katiwala sa dalawa.. Kanin pa?.. tanong ni Aldrin.. Dapat ako ang mag asikaso sayo kasi ikaw ang nagluto at bisita ka.. sabi ng dalaga. Saan naman nakasulat yon?.. Ako ang nagluto kasi gusto kong patikimin ka ng mga nalalaman ko.. At kahit ako ang bisita ako pa rin ang magsisilbi sayo.. sabi ng binata at nagsalin ng tubig sa baso ng dalaga.. Gusto ng magdabog ng dalaga dahil sa sobra sobrang kilig na nararamdaman nya.. Panay lang ang sulyapan nila sa isat isa habang kumakain. Wala ng magawa ang dalawang katiwala kundi magngitian na lang at panuorin ang dalawang lovebirds.. MAtapos ang hapunan ay nag prisinta si Aldrin na maghugas ng plato pero tinaboy na sya ng yaya.. Dun na kayo at baka mawalan naman ako ng trabaho sa ginagawa mo iho.. natatawang sabi ng yaya.. Ok lang po yon.. Pahinga na kayo tapos ako naman mag alaga kay Hannah.. bulong ni Aldrin at sinulyapan ang dalaga na nagpupunas ng mesa..

Parang dalagang kilinig ang yaya at pinalo sa braso ang binata.. Naku.. Kung ako ang sinabihan mo nyan nung dalaga pa ako.. Siguradong sasagutin na agad kita.. nakangiting sabi ng yaya.. Napatingin sa kanila si Hannah at kumunot ang noo.. Anu yon Ya?.. tanong ng dalaga.. Agad na sumabat si Aldrin.. Nothing my queen... biro ng binata.. Kinilig lalo ang dalaga pero inangasan ang binata at inirapan.. Napangiti na lang si Aldrin at ang yaya..

Inaya ni Hannah na maglakad lakad sa paligid ng subdivision ang binata.. Nagpunta sila sa isang mini park at naupo sa isang bench. Parehong nakangiti at masaya.. Busog much. biro ng dalaga.. Ngumiti si Aldrin at tumingala.. Ang ganda ng sky..Daming stars.. sabi nya.. Tumingala din si Hannah pero sumimangot sya.. Ngek.. Wala nga eh.. Uulan pa ata.. sabi ng dalaga.. NAgtawanan silang dalawa at natahimik.. Thank you for the wonderful evening. mahinang sabi ng dalaga.. Rinig ko yon. biro ng binata.. Kinurot ng dalaga ang braso ng binata at ngumiti. Ang sarap mong magluto.. puri ng dalaga.. Kaw ang sarap mong sumubo.. banat ni Aldrin.. Napahindik si Hannah at napasimangot.. Ng pagkain.. patuloy ni Aldrin.. Biglang sumabog ng tawa ang dalaga at pinagpapalo ang binata.. Napaka naughty mo.. sigaw nya.

Tawa ng tawa si Aldrin..Ngumiti naman si Hannah at tinitigan ang binata.. One step forward.. ngiti ng dalaga.. Nagets naman agad ni Aldrin.. One step lang?.. hirit nya.. Natawa ang dalaga at pinalo ang braso ng binata.. Pumatak ang tubig ulan sa ilong ni Hannah.. Sakto ah.. biro ni Aldrin.. Nagtawanan ulit sila.. Nagkatitigan .. Nanlaki ang mga mata ni Hannah ng umangat ang isang kamay ni Aldrin at biglang hinawakan ang ilong nya.. Anu to sipon?.. biro ng binata. Napahalakhak ang dalaga at pinagpapalo ang binata.. Hannah.. bulong ni Aldrin.. Aldrin.. ganting bulong ni Hannah.. Nagkatitigan sila. Muling tila nanigas ang katawan ni Hannah ng magsimulang umangat ang kamay ni Aldrin at haplusin ang pisngi nya.. A-aldrin.. bulong ni Hannah.. Ngumiti lang si Aldrin at naging mapungay ang mga mata.. Your so beautiful... bulong ng binata.. Unti unting lumalapit ang mukha ng binata.. Halos maduling na si Hannah sa pagtitig sa mga labi ni Aldrin.. Nais nyang pumikit at namnamin ang kilig pero di nya magawa.. Gusto nya ding makita na lumapat sa mga labi nya ang labi ng binata.. Konti pa.. bulong ng dalaga.. Natawa si Aldrin at patuloy na lumapit ang mukha sa mukha ng dalaga.. Di na alintana na unti unti ng pumapatak ang ulan.. Konting lapit pa at halos magdikit na ang mga ilong nila..

Napapikit na si Aldrin pero titig na titig pa din ang dalaga.. Biglang may tumamang ilaw sa kanila .. May dumaan na kotse.. Taranta silang naghiwalay at tumingin sa ibang direksyon.. Katahimikan.. Natawa ng marahan si Aldrin. Nakasimangot si Hannah.. Ang bilis bilis ng tibok ng puso nilang dalawa.. Sayang. sa isip isip ni Aldrin.. Hinarap nya ang dalaga at natawa sya dahil nakasimangot pala ito.. Bwisit.. Konti na lang eh.. bulong ng dalaga.. Rinig ko yon.. biro ni Aldrin . Nagtawanan silang dalawa pero napatili si Hannah ng biglang bumuhos ang ulan.. Chapter 18 Fiesta !

"Anak.. Gising na." untag ni Alona .. Nagbukas ang pinto at pupungas pungas na lumabas si Aldrin.. "Morning Mom.." bati ng binata sabay hikab.. "Himala.. Late ka na nagising?." tanong ng ina... Ngumisi lang ang binata.. "Hmm.. Mukhang alam ko na..Hala sige na.." taboy ni Alona.. Nakangiting pumasok muli si Aldrin at sinimulang ligpitin ang kama nya.. Napansin nya ang cellphone.. Drained na ang battery nito.. Magdamag silang nag usap ni Hannah.. Nagkagulatan pa sila ng malamang alas dos na pala ng madaling araw.. Wala naman silang gaanong napagusapan ng dalaga.. Pero kataka takang ni hindi sya nakaramdam ng pagkabagot..

Ganuon ata talaga kapag gusto mo ang taong kausap mo.. Muling napangisi na parang tanga ang binata at pinilit buksan ang cellphone.. Pa text lang isa.. makaawa nya sa cellphone nya.. Napangisi si Aldrin ng bumukas ang phone nya.. Dali dali syang tumipa ng messages at sinend agad sa dalaga.. Eksaktong nasend nya na ay muling namatay ang cellphone nya.. Tumawa ng parang demonyo ang binata.. Bwahahaha.. Success !.. sabi nya at chinarge na ang phone nya.. Nag push ups muna nya sya at masiglang tumalon talon papuntang banyo.. Nasa kotse na si Hannah ng tumunog ang phone nya.. Agad nya itong kinuha at napabungisngis sya.. Goor Morni.. tanging nabasa nya sa text.. Galing kay Aldrin at malamang na minadali nya lang ang pagtatayp.. Simpleng mensahe ng binata pero halos katumbas na nito laksa laksang kilig.. Alam nyang lowbat din ang phone ng binata dahil sa magdamag nilang pag uusap.. Napangiti muli ang dalaga ng maalala ang muntik na nilang paghahalikan ng binata.. Tila kiniliti sya at parang tumayo ang ilang balahibo nya.. Ramdam nya pa ang sensasyon na naihatid ng simpleng paglalapit ng mga mukha nila ng binata.. Biglang tumawa ng malakas ang dalaga dahil di nya na mapigilan ang sayang nararamdaman... Nagulat si Mang Bert.. Hoy iha.. Nag almusal ka ba?.. biro ng matandang driver. Napabungisngis si Hannah at tumango.. Hulaan ko.. Si Potpot ang nag text noh?.. tanong ng driver.. Napakunot noo ang dalaga. Kilala nyo si Potpot?. tanong nya.. Mag lilimang taon pa lang nilang driver si Mang Bert.. Kaya malabo na makilala nito ang kababata nya.. Pwera na lang kung.. Natsismis na ng Yaya mo.. sabi ng matandang driver..

Napangisi si Hannah at lalong kinilig. Sa wakas .. Nakita ko na po sya !!.. sigaw ni Hannah sa loob ng kotse.. Natawa si Mang Bert.. Wag mo na pakawalan.. biro nito.. Tumango tango ang dalaga.. Matagal na kaming naghiwalay.. Kung kailangang itali ko sya.. Gagawin ko !.. sabi ng dalaga.. Lalo silang nagtawanan.. Biglang nag ring ang phone ng dalaga. Tinitigan nya ang screen at binasa ang caller.. Pero unregistered number ang tumatawag.. Paanong nalaman ng kung sino mang ito ang bagong number nya.. Aapat na tao lang ang nakakaalam ng bagong sim nya.. Pang lima na si Potpot. Kunot noo na sinagot ng dalaga ang phone.. Hello?.. malambing na boses ng dalaga.. Hello?.. Lea?.. Is this you?.. boses babae.. Napakunot noo na naman ang dalaga.. Yeah.. Whos this?.. biglang nagtaray ang dalaga.. Napatili ang kabilang linya at tila may kasama pa ito.. Gosh !.. Hazel.. ! Its Hazel couz.. Oh my God.. Nandito kami sa bahay nila Lolo !.. Kakauwi lang namin .. excited na tili ng nasa kabilang linya.. Napatili din si Hannah at halos mabingi na si Mang Bert.. Really?.. That was great !.. Teka teka.. Bakit di nyo ko sinabihan?.. Ay ang dadaya nyo !.. kunwaring tampo nya.. Nagtilian pa sa kabilang linya.. Malamang na nakaloud speaker at napapakinggan ng marami ang sinasabi nya.. Teka.. Sino sino kayo dyan?.. tanong ni Hannah.. Andito kame lahat except for Lils.. sagot ni Hazel.. Lalong natuwa si Hannah..Wala si Lily.. Ang kinaiinisan nyang pinsan.. Waaaaa... !.. Pupunta ako dyan !!.. tili ni Hannah..

Nagtawanan sa kabilang linya.. "Tangeks.. Di ba kayo uuwi sa fiesta ni Tita?.. Wait.. Don't tell me na nasa Paris pa rin si Tita?.." tanong ni Hazel.. Napatango si Hannah kahit di sya nakikita ng kausap.. "Sad to say.. Yes.. Wala ako kasama !.." tili ni Hannah.. Binalot sya ng lungkot.. Napa "Awwww.." ang kabilang linya.. "Sunduin ka namin..!.." muling sabi ni Hazel. Napaisip si Hannah.. Biglang nagliwanag ang kanya mga mata.. "Wait !.. Di ba fiesta?.. So meaning pwede akong magsama?.." excited na tanong ni Hannah.. Nagtawanan ang kabilang linya.. "Of course.. Teka teka.. Don't tell me my boyfriend ka na?.." biglang tanong ng pinsan nya.. Napangiti ng maluwang si Hannah.. Lalong nagtilian ang nasa kabilang linya.. "Wee?.." di makapaniwalang tanong ni Hazel.. Di naman masisi ni Hannah ang dalaga.. Sa lahat ng kanyang mga pinsan.. Si Hazel ang pinaka close nya.. Kaedad nya ito at halos pareho sila ng gusto.. Flirt nga lang si Hazel na kabaligtaran nya.. Dahil batid nya na sa murang isip , naipangako na nya ang sarili.. Yun ay walang iba kundi si Potpot.. Di nya kinumpirma ni Hannah ang hinala ng pinsan.. Napangiti na lang sya. "So kelan ka pupunta?.." excited na tanong ni Hazel. Napaisip si Hannah.. "Next week na nga pala ang fiesta dyan no?..Teka si Lola pa din daw ba ang hermana?.." tanong ni Hannah.. "Ay ewan.. Pero kahit naman di sya ang hermana sya pa rin ang nasusunod dito eh.." napabungisngis na sabi ni Hazel.. Natawa din si Hannah..

"Ahaha.. Oo nga..Teka.. May exams kami next week.." biglang naalala ni Hannah.. "Ay.. Panu yan?.." nanghihinayang na sabi ni Hazel.. Nanlumo din si Hannah.. "Gagawa ako ng paraan.. " determinadong sabi nya.. Naghagikgikan ang mga nasa kabilang linya.. "Teka couz.. Sino sino isasama mo?.." tanong ni Hazel.. Napangiti ng maluwang si Hannah.. "Hmm...Secreeettt..Basta maglalaway ka.." pasabik na sabi ng dalaga.. Nagtilian ang mga nasa kabilang linya.. Papabol?.. Wow.. I cant wait !!!!.. tili ni Hazel.. Nagtawanan silang magpipinsan.. Ay andito na kami sa school.. Maya na lang couz.. Muah muah !.. paalam ni Hannah.. Sinave nya ang number ng pinsan at nagpaalam na din kay Mang Bert.. Nakangiting pumasok si Hannah ... Lunch.. Sa kubo.. Nakangiting pumasok si Hannah .. Nadatnan nyang nakasalampak sina Romeo at Darius sa kanya kanyang trono.. Naka shades pa si Romeo.. Hellooooo.. masiglang bati ng dalaga.. Agad nyang tinakbo ang trono ni Aldrin at sumalampak na din ng upo.. Eksaktong dumating na sina Rhoi at Krissia.. Kris, sabi ko sayo.. Di ko sya kilala.. !.. giit ni Rhoi.. Umirap si Krissia at naupo sa trono ni Rhoi.. Napakamot naman ng ulo ang binata at tinabian ang bestfriend..Kinalabit kalabit ito.. Natatawa si Hannah sa pag tatalo ng dalawa.. Di daw kilala... Eh biglang humalik sayo?.. singhal ni Krissia.. Kinilig si Rhoi..

Di nga eh.. Baka nagkamali lang?.. nakangising sabi ng binata.. Bigla syang sinuntok ng dalaga.. Aray naman eh.. Ito talaga daig pa ang boxer sa lakas ng kamao.. biro ni Rhoi at muli syang nakatikim ng suntok sa dalaga.. Natawa si Hannah at inawat ang kaibigan.. Sis baka mapano na si Rhoi.. biro ni Hannah.. Muling inirapan ni Krissia si Rhoi at binalingan ang kaibigan.. Mukhang masaya ka sis?.. nakangiting tanong ni Krissia.. Napangiti na naman si Hannah.. Nakausap ko lang kasi ang pinsan ko na galing ng London..Kakauwi lang pala nila.. bungad ni Hannah. Ah.. Nice naman... tanging nasabi ni Krissia.. Tumabi ulit si Rhoi at nakisali sa usapan pero sinisiko sya ni Krissia.. Dun ka.! ayaw ko sa babaero.. sabi ni Krissia.. Natawa si Darius pero tahimik lang si Romeo at walang kagalaw galaw.. Nagtaka si Hannah. Rom.. tinawag nya si Romeo.. Natawa na naman si Darius at inangat ang shades ni Romeo.. Nagulat si Hannah pagkat may pasa ang kaibigan nya.. Pero nakapikit ito at tila natutulog.. Biglang pinitik ni Darius ang ilong ng kaibigan dahilan para magulat ang binata. Tawa ng tawa si Darius .. Tangna ka talaga taba !.. Kita mong nagpapahinga eh.. galit na sabi ni Romeo.. Hoy gago.. School ito at hindi kwarto mo.. !. pang aasar na sabi ni Darius.. Nagtawanan sila pero muling binalik ni Romeo ang shades at muling inayos ang pagkakasalampak.. Bakit ka may pasa?.. tanong ni Hannah.. Ngumiti lang si Romeo at biglang binigyan ng dirty finger si Darius.. Sisihin mo yan.. duro ni Romeo kay Darius.. Napahagikgik si Darius.. Baket?.. tanong ni Hannah..

Eh kasi.. Nasa mall kame kahapon.. May nakita kaming dalawang chick na paakyat ng gaming area.. Syempre, sinundan namin.. Pagdating namin bakla pala !.. Bwahaha.... tawa ng tawa si Darius.. Natawa din sila Hannah at Krissia .. San galing yung pasa?.. tanong ni Krissia. Biglang natawa si Rhoi.. Parang alam ko na.. sabi nya. Humagikgik si Darius pero bigla syang binato ng unan ni Romeo.. Ayun.. Muntik na nga kaming magpakilala pero bading nga so lumihis kami... Pag talikod namin may nabangga kaming lalake..Nakursunadahan si Romeo kaya sinapak.. Pogi daw eh.. Pero mas pogi daw pag may eyeliner.. Di ba pre?.. tawa ng tawa si Darius sa pagkwento.. Muling nag dirty finger si Romeo.. Wag mong ibahin ang usapan.. Sabihin mo sa kanilang ikaw ang nakabangga at bading ang nabangga mo .. Di mo matanggap na nadakot yung yagballs mo kaya bigla mong sinapak na nailagan kaya sa akin tumama.. Bwisit ka.. mahinang sabi ni Romeo at tila tamad na tamad.. Lalo lang umulan ng tawanan.. Eksaktong pumasok si Aldrin.. Hi hi !.. sabi ng binata.. Hi hi !.. sagot ni Rhoi.. Napangiti si Aldrin ng masilayan ang kanina pa laman ng isip nya.. Hi pretty.. biglang banat ni Aldrin.. Ayeeee.. tili ni Krissia at kinurot si Rhoi.. Kinilig si Hannah at napangiti.. Hey.. malambing na sabi nya.. Yo !.. sagot ni Aldrin.. Nagtitigan sila at nag ngitian... Umismid si Romeo.. Putsa.. Di pa kasi maghalikan eh.. biglang banat ni Romeo.. Natawa sina Darius at Rhoi.. Sumugod si Aldrin kay Romeo at kumandong.. Wag kang magselos Papa Romeo.. Labs pa din kita.. landi ni Aldrin..

Nagtawanan silang mga alas.. Guys... May sasabihin ako. biglang sabi ni Hannah.. Tumili si Krissia.. Now na sis?.. Oy Aldrin congratz !.. bati ni Krissia.. Nanigas si Aldrin at biglang nagtatalon sa kandungan ni Romeo na parang aso.. Tangna ka pre.. Ok sana kung babae ka eh.. biro ni Romeo at tinulak ang kaibigan.. Natawa si Hannah at umiling.. Di pa no !. nakaingos na sabi ng dalaga.. Tila nawalan ng energy si Aldrin at dumungaw sa bintana.. Anong nagawa kong kasalanan?.. Why Lord?.. Bakit ayaw nya akong mahalin.?.. sigaw ni Aldrin at napatingin sa kanya ang mga estudyanteng dumadaan. Natawa si Hannah at kinilig.. Binato nya ng unan si Aldrin.. Baliw !.. Listen na kasi.. sabi ni Hannah.. Pero mukhang imposible talagang magseryoso ang mga kumag.. Please?.. halos mag makaawa pa sya.. Ng sa wakas ay naging panatag na ang mga alas..Sinimulan ni Hannah ang nais sabihin.. Kasi malapit na fiesta sa amin.. And I was thinking na isama ko kayo lahat.. sabi ng dalaga.. Nanlaki ang mga mata ni Krissia at kuminang.. Talaga sis?.. Yes na yes kami dyan !.. tili ni Krissia.. Nagtilian silang dalawa ni Hannah.. Umangal sina Romeo at Darius.. Kita mo tong dalawang to.. Sila na nagdecide para sa atin oh.. reklamo ni Darius.. Napatingin si Hannah kay Aldrin at nagtatanong ang mga mata.. Biglang naging malungkot ang mukha ng binata .. I cant... malungkot na sabi ni Aldrin.. Nawalan ng gana bigla si Hannah at napasimangot.. Why?.. tanong nya.. Tumingin si Aldrin sa labas ..

May exams pa... Priority ko ang pag aaral.. Dahil sabi nga ni Gat.Jose Rizal.. Ang kabataan ang pag asa ng bayan.. Kung magbubulakbol lamang ako.. Paano na ang kinabukasan ko?.. Paano na ang bayang Pilipinas?.. drama ni Aldrin at kumaway pa sa labas.. Natahimik ang mga kaibigan nya.. Paglingon nya ay biglang may tumalsik na unan at soplak sya sa mukha.. Alright !.. sigaw ni Darius at naghigh five sila ni Rhoi.. Sa dinami dami ng idadamay mo.. Si Rizal pa ang napili mo.. Eh kung si Dolphy na lang.. At least trending.. biro ni Romeo.. Ay pumanaw na daw si Dolphy no?.. biglang segway ni Krissia.. Natahimik ang lahat at tila nalungkot sa balita.. Sad.. sabi ni Rhoi.. Tumango ang lahat at muling natahimik.. Binasag ni Hannah ang katahimikan.. I know , happy sya wherever he is.. sabi ng dalaga.. Lahat sumang ayon.. Back to the topic.. Ano sa tingin nyo?.. tanong muli ni Hannah.. Game kame .. sabi ni Krissia at niyakap ang braso ni Rhoi.. Napakamot ang ulo ni Rhoi .. Napailing naman sina Darius at Romeo.. Kawawang Rhoi.. Fiesta yon pre.. So meaning maraming dadayong chicks.. Meaning maraming oppurtunity.. Pero dahil sa sitwasyon nya na daig pa ang may PSG.. Wala.. Olats.. bulong ni Romeo kay Darius.. TOMO !.. banat ni Darius at nag apir silang dalawa.. Napatingin si Hannah kay Aldrin.. Sama ka?... nakangiting tanong ng dalaga.. Kung nasan ka .. Dun ako. madiing sabi ng binata.. Nagtitigan na naman sila at nagngitian.. Muling umangal si Romeo.. No offense meant.. Pero nandidiri na ako sa mga pahaging nyo.. Bakit di na lang kayo biglang maghalikan at magyakapan?.. Binibitin nyo yung readers eh.. angal ni Romeo.. Binatukan sya bigla ni Aldrin..

Gago.. Hinay hinay lang.. Ika nga.. Take it slow.. In tagalog wag kang magmadali.. In bisaya , Kadyot lang. sabi ni Aldrin.. Napaingos si Romeo at muling inayos ang shades.. Hannah.. Buti wala si Marla?.. tanong ni Romeo.. Napangisi si Darius.. Baket pre?.. Miss mo?.. pang aasar nya sa kaibigan.. Pakyu ka pre.. natawa si Romeo. Bumungisngis lang si Darius.. Ano na guys?.. Kayo na lang dalawa ..Game ba kayo?.. tanong ni Hannah. Tumahimik si Romeo.. May exams ako.. Di ako pwedeng maglakwatsa ..Mahirap ang exam kaya kailangan kong mag aral.. sabi nya.. Umismid si Darius.. Wag kang magpanggap boy..Im in !.. As long as may chicks at foods... sabi ni Darius.. Napangisi si Hannah.. I have 4 pretty cousins.. Same age lang halos.. banat ni Hannah.. Biglang naging alerto si Romeo.. On the second thought.. Maybe magagawan ko ng paraan ang schedule ko.. Bihira na din kasi akong mapunta sa province eh.. biglang banat ng binata .. NAgtawanan silang lahat.. All set?.. nakangiting tanong ng dalaga pero nakatitig sya kay Aldrin.. Game !.. nakangiting sabi ni Aldrin at tumitig na din kay Hannah.. Nag reklamo na naman si Romeo.. Ayan na naman eh.. Hoy Darius.. Wag kang mag gigirlfriend muna ha?.. Mawawalan ako ng partner.. !.. sigaw ni Romeo.. Lalo silang nagtawanan.. Teka teka.. Yung preliminary exams natin.. sabi ni Krissia. Natahimik ang mga alas pati si Hannah.. Oo nga eh.. mahinang sabi ni Hannah.. Katahimikan..

Ngayon na kaya tayo mag exam?.. biglang sabi ni Rhoi.. Napatingin sa kanya ang dalawang dalaga.. Ha?.. As if pwede.. biglang sabi ni Krissia.. Napatingin si Rhoi kay Darius at Aldrin.. Napaisip din ang dalawa.. Anu Rom?.... tanong ni Rhoi.. Inayos ni Romeo ang shades nya at humawak sa baba.. Kaya ba ?... Kulang pa tayo ng ilang meetings.. Marami pa atang di na didiscuss eh.. Baka mabokya naman tayo.. sabi ni Darius.. Natawa si Romeo.. Gago.. Kahit mag aral ka .. Pasang awa ka.. alaska ni Romeo.. Sinuntok sya ni Darius sa braso.. Ulol .. Ikaw kaya ka pumapasa.. Kodigo.. Lagi kang may handang kodigo !.. ganti ni Darius at nagtawanan sila.. Muli silang natahimik at napaisip.. Nanlulumo na sila Krissia at Hannah... Nagsalita si Romeo. Kelan ba ang fiesta?.. tanong ng binata.. Napaisip si Hannah. Sa Saturday ang start.. Bale saturday magkakaroon ng programs programs sa plaza.. Then sa sunday ata yung prosisyon.. Yung may Reyna Elena.. paliwanag ni Hannah.. Napangiti si Aldrin. For sure ikaw ang Reyna Elena.. pang uuto ng binata.. Nag blush ang dalaga at kinilig.. Di naman lagi.. sabi na lang ni Hannah.. Natawa si Aldrin at kumandong kay Romeo.. Sige na kasi.. Payag ka na.. sabi ni Aldrin.. Natawa si Romeo pero napasigaw sya ng kumadong sa isang hita nya si Darius.. Putsa.. Ayos lang si Aldrin .. Pero ikaw gago ka.. Alis kayo dyan !.. Araaaaayy !!.. sigaw ni Romeo.

Pero di umalis ang dalawa.. Biglang tumakbo si Rhoi at tumalon sa tatlo. Putangna nyoooo.. sigaw ni Romeo.. Tawa ng tawa ang dalawang dalaga.. Payag ka naa.. landi ni Aldrin.. "Oo naa.. Putsa.. araaaayyyyy..." tili ni Romeo.. Tatawa tawang nag alisan ang tatlo. "Mga gago kayo.. Anung gusto nyo mapilay ako?.. Gago ka Darius !.. Katumbas nung dalawa yung bigat mo !.." sigaw ni Romeo at hinimas ang hita nya.. Tawa ng tawa ang tatlong alas.. "So game na talaga?.." nakangiting sabi ni Krissia.. Tumango si Romeo at nagtilian ang dalawang dalaga.. Pero bigla din silang napasimangot.. "Yung exam !.." sabi ni Hannah.. Napangisi si Romeo.. "We have no choice then.. Mapapaaga ang exams nating anim.." sabi ni Romeo at muli syang napasigaw dahil nagtalunan na naman yung tatlong alas.. "Putangna nyoooooooooooooooo..." sigaw ni Romeo.. Chapter 19 Road Trip

Alas dos ng umaga.. Masiglang bumangon si Aldrin.. Excited na excited sya sa lakad nila ng barkada.. Agad syang naligo at bumaba ng kusina para magkape.. Kagabi pa sya nakapag impake sa tulong ng kanyang ina.. Nagbrew si Aldrin ng kapeng barako at naupo..Tinapik tapik ng daliri nya ang mesa.. Di nya maiwasan ang mangiti at manabik sa ideyang magkakasama sila ni Hannah sa loob ng halos tatlong araw.. Ilang saglit pa..Kumulo na ang kape..

Imbes na magsalin ay lumabas sya ng bahay at tinungo ang katabing bahay.. Kinatok nya ang pinto ng ilang beses.. Pupungas pungas na lumabas ang Tita Chynna nya.. Nangiti ito ng makilala sya.. "Oh iho.. Ay oo nga pala may lakad kayo.. Gising na sya.. Naliligo ata.." nakangiting sabi ni Chynna.. "Thanks Tita.." paalam ni Aldrin.. Kumaway lang si Chynna at nakangiting pumasok sa bahay. Tinawid ni Aldrin ang kabilang bahay .. Pumasok sa gate at kinatok ang pinto.. Lumabas ang Tita Annette nya na naka robe pa.. "Oy iho.. Ay wait.. Dariuss.. Anak nandito na si Aldrin.." tawag ni Annette sa anak.. "Thanks Tita.. " sabi ni Aldrin.. "Your welcome iho.. Oy ingat kayo ah.?.." nakangiting bilin ni Annette. "Sure Tita.." sabi ng binata.. Lumabas ang kaibigan nya na naka boxer pa.. "Ano tol?.. Tuloy ba?.." tanong ni Darius.. Natawa si Aldrin at Annette... "Lokong to.. Gigisingin ba naman kita kung di tuloy?.." nakangising sabi ni Aldrin.. Napakamot ng ulo si Darius at nag thumbs up.. "Sige maya na lang pre..Bihis pa ako.." sabi ni Darius.. "Ge.. Salamat po Tita.. Tol yung videocam ha?.." paalala ni Aldrin.. Napapitik si Darius sa mga daliri nya.. "Putris.. Sabi ko na may nakalimutan ako eh.. Mom naman eh.." angal ni Aldrin... Natawa si Annette at tinaboy na ang anak.. "Aba at nasisi pa ako.. Hala kunin mo sa drawer ng Dad mo.. Puro porn kasi ang laman eh.. Wala na iho .. Nabura na namin ng Dad mo.." pang aasar ni Annette sa anak.. Tila naging bato si Darius.. "Mom?.. Sayang !.. Rare collection po yon eh.. Di ko naman pinapanuod lahat eh.. " reklamo ni Darius.. Natawa si Aldrin at Annette..

"Libog kasi.. " pang aalaska ni Aldrin.. Tinaboy na ni Annette ang anak.. "Breakfast ka na muna.. Ikaw ba iho nag almusal na?.. Kain ka na dito.." aya ni Annette.. "Thanks Tita.. Maya maya na po.. " tanggi ng binata. Nagpaalam na si Aldrin at tinahak ang pang huling alas.. Di pa kumakatok si Aldrin ay nagbukas na ang pinto.. Nagkagulatan pa sila ng Tito Primo nya.. "Oh Aldrin.. Anong aten?.." tanong ni Primo.. Napakamot si Aldrin.. "Nakalimutan nyo Tito?.." tanong ng binata.. Napahawak sa baba si Primo at nag isip.. Natawa naman si Aldrin.. Parehong pareho ng mannerism ang mag ama.. Bigla itong napangisi at tila nahiya.. "Ay oo nga pala.. Outing nyo nga pala no?.. Iba na talaga pag tumatanda eh.. Sweetheart...Gisingin mo naman yung anak mo oh.. Pakisabi nandito na si Aldrin.." sigaw ni Primo. Biglang lumabas si Alexa at piningot ang asawa.. "Ikaw ang gumising.. Dali !.." utos ni Alexa sa asawa.. Napabungisngis si Aldrin.. "Aba !.. Ako ang naunang nag utos ah?.." reklamo ni Primo.. Tinaasan sya ng kilay ng asawa.. "Baket?.. Paunahan ba to?.. " banta ng asawa nya.. Napakamot si Primo at bubulong bulong na pumasok sa loob.. Napahagikgik sina Aldrin at Alexa.. "Pasok ka muna iho.." aya ni Alexa.. Tumanggi ang binata.. "Di na po Tita.. Nagtimpla ako ng kape.. Baka lumamig eh.." sabi ni Aldrin.. Ngumiti si Alexa at sumigaw..

"Sweetheart.. Bakit ang tagal?.." sigaw ni Alexa.. Lumabas si Primo at sinunggaban ang asawa... "Ayaw magising ng senyorito..Ikaw nga ang manggising iho." sabi ni Primo at niyakap ang asawa.. Napailing si Aldrin at pumasok sa loob ng bahay ng mga Di Caprio. Tumakbo sya sa hagdan at walang sabi sabing binuksan ang pinto ng kwarto ni Romeo. Nakita nyang tulog na tulog pa ang kaibigan... Nainis si Aldrin at nilapitan ang natutulog na si Romeo.. Inalog nya ito at ginising.. "Pre.. Tangna naman eh.. " reklamo ni Aldrin.. Inalog nya ng mas malakas si Romeo.. Umungol ang kaibigan nya at unti unting nagmulat ng mga mata.. Bumaha ang inis sa mukha nito ng mapagsino ang gumigising sa kanya.. "Putsa.. baket?.." reklamo ni Romeo. Nagkumot muli ito at nagtakip ng unan sa mukha.. Nainis si Aldrin at hinila ang kumot ng kaibigan.. Binato sya ng unan ni Romeo.. "Hoy !.." sigaw ni Romeo.. Tumalon sa kama si Aldrin at pinatungan ang kaibigan.. "Gago ka.. May usapan tayo di ba?.." sabi ni Aldrin. Nagsalubong ang kilay ni Romeo .. Napaungol naman sa inis si Aldrin at muling inalog ang kaibigan.. "Anak ng patis.. Ano?.. " untag ni Aldrin.. Tinulak ni Romeo ang kaibigan at bumangon .. Sumandal ito sa headboard at humikab.. Dinakot nito ang alarm clock sa side table at bigla itong napamura.. "Putangna!.. Two thirty?..Are you kidding me?.. You woke me this early ?.." reklamo ni Romeo.. Tinapik lang sya ng kaigan sa nuo at pinalo ng unan.. "Putsa ka.. May usapan tayo di ba?.." tanong ni Aldrin..

Napaungol si Romeo at gumanti ng hampas sa kaibigan.. "Alas kwatro ang usapan monggoloid.." sumbat ni Romeo.

"Alam ko.. Pero syempre mag peprepare ka pa.. Teka nakapag impake ka na ba?.." tanong ni Aldrin.. Ngumisi si Romeo at nginuso ang travel bag sa paanan ng kama.. Napangisi din si Aldrin pero muling sumimangot.. "Pare anong oras mo balak gumising?.." tanong ni Aldrin.. "Uhm.. Naka alarm ang clock ko ng 3:45..'' nakasimangot na sabi ni Romeo.. Napailing si Aldrin.. Wala pa rin pinagbago ang kaibigan nya.. "Pare naman.. Napakakupad mo talaga eh..." sabi ni Aldrin.. Ngumisi si Romeo at tinaboy na ang kaibigan.. "Dun ka na gago.." sabi ni Romeo.. "Tayo ka muna.." sabi ni Aldrin.. "Putris.. Tatayo na nga ako.." si Romeo.. Ngumisi si Aldrin.. "I know you.. Matutulog ka na naman pag alis ko.. " landi ni Aldrin.. Napasimangot si Romeo at dinampot ang damit na nakasampay sa headboard.. "Oh ayan.. Nagdamit na ako. Meaning gising na ako.." humikab pa si Romeo.. Nagtawanan silang mag kaibigan.. Wala ng nagawa si Romeo dahil batid nyang excited talaga ang kaibigan nya.. Nadatnan nya pa ang mga magulang na naghaharutan sa salas.. "PDA.. " pang aasar ni Romeo.. Inirapan lang sya ng ina.. "Buti nagising mo.." sabi ni Primo.. "Malakas charm ko Tito.." pagyayabang ni Aldrin.. Biglang tumalon si Romeo at sumiksik sa pagitan ng mga magulang..

Tawa ng tawa si Alexa at napakamot na lang ng ulo si Primo.. "So.. Bihis muna ako Tito , Tita.. Pare.. Wag ka na matulog .." bilin ni Aldrin.. Di sya pinansin ni Romeo.. Pagtingin nya ay nakapikit na pala ito at nakahimlay sa balikat ng ina.. Biglang piningot ni Primo ang ilong ng anak.. "Dad !.." reklamo ni Romeo.. Tatawa tawang lumabas si Aldrin..Sya na ang nagsara ng gate at umuwi sa bahay.. 3:40 AM.. All set na lahat.. Kasama na nila sina Eric at Chichi.. Si Romeo na lang ang kulang.. May narinig silang nagbukas ng gate at pagtingin nila ay si Romeo ito at kausap ang ina.. "Mom.. Promise nga po eh.." angal ni Romeo.. "Ingat ka don.." lambing ni Alexa at hinalikan sa pisngi ang anak.. Naglabasan na din ang kanya kanyang mga nanay.. "Hey baby.. Don't forget to change your briefs ah.." paalala ni Annette.. Napaungol si Darius at nagtawanan ang mga kaibigan nya.. Tumunog ang phone ni Aldrin.. Napangiti ang binata at nilikom na ang mga kaibigan nya.. Lumabas ang van nila Darius .. ang tatay nito ang driver.. Naglapitan na ang magkakaibigan at pinasok na ang mga gamit nila.. "Sure kayo na mag cocommute lang kayo?.." tanong ni Denzel sa anak.. "Yeah Dad.. " sagot ni Darius at pumwesto sa likod. Si Aldrin ang nakaupo sa harap.. "Oy bubwit.. " bati ni Romeo kay Chichi.. Inirapan lang sya ng bata.. "Pre sinong tao sa shop nyo?.." tanong ni Rhoi.. Inayos nya ang pagkakaupo ni Krissia.. "Yung kapitbahay namin pre tol.." sabi ni Eric..

"Ang cute naman nito..Dito ka.." tinapik ni Krissia ang katabing upuan.. Napangiti si Chichi at tumabi kay Krissia.. Niyakap ang dalaga ang bata .. Katakut takot na bilin ang pinabaon ng mga nanay nila.. Kinawayan na lang nila ang mga nanay nila at nagsimula na silang bumyahe papunta sa Terminal. Pagdating sa terminal ng bus.. Agad nakita ni Aldrin si Hannah.. Kausap nito si Mang Bert at Yaya... Napansin din sya ng dalaga at lumawak ang pag ngiti nito.. Agad na nagpark si Denzel at nagbabaan na silang lahat.. Lumapit si Hannah kay Aldrin. "Hi.." bati ni Hannah.. "Morning.. Ready?.." tanong ng binata.. Napangiti ang dalaga at sinilip ang mga kaibigan nila..Napansin nya na may bago.. "Ay.. Sila ba yung sinasabi mo?.. Ang cute nung kid.." sabi ni Hannah.. Napangiti si Aldrin at tumango. "Si Eric at si Chichi.." pakilala ni Aldrin.. Nag tawag na ang conductor ng bus na sasakyan nila kaya hinarap nila ang mga matatanda.. "So.. Ingat kayo ha?.. Anak wag masyado pasaway.." bilin ni Denzel.. "Sure Dad.." tinapik ni Darius ang balikat ng ama.. "Guys.. Wag masyado matapang ha.. Remember wala kayo sa lugar nyo.. Konting lamig ng ulo.. Trust me.. Ive been there.." nakangiting bilin ni Denzel sa mga bata.. Nagtawanan ang mga alas at nagthumbs up kay Denzel.. Niyakap ni Hannah ang yaya nya at si Mang Bert.. "Ingat ka iha.. Tawag ka lang sa bahay pag may aberya..Tumawag ka din pag nakarating na kayo don ha?.." naluluhang sabi ni Yaya.. Sinaway sya ni Mang Bert.. "Ay Dyaskeng matanda ito.. Bakit ka umiiyak?.. Hala iha.. Mag ingat ka ha?.. Susulat ka?.." biro ni Mang Bert pero pati sya ay naluluha na din.. Natawa si Hannah..

"So paano.. We're going na Tito.. Nagmumura na yung kundoktor.." biro ni Romeo at binuhat na ang sariling gamit.. Nagtanguan ang lahat.. Isa isa silang sumakay sa bus .. Tumabi si Denzel sa dalawang matanda at tiningnan ang pag alis ng bus.. Kumaway ang mga bata .. "So.. Let's have a breakfast muna.." aya ni Denzel kina Yaya at Mang Bert.. "Ay gusto ko ng joweebee.." landi ni Yaya at nagtawanan sila.. Lumipas ang ilang oras.. Nasa expressway na sila Aldrin.. Tahimik ang grupo.. Naiintindihan nya dahil mga puyat ang mga barkada nya.. Di maalis ang ngiti ng binata at sinulyapan ang katabing dalaga na abala sa pagmamasid sa paligid.. "Namiss ko ang pag uwi sa province.." bungad ni Hannah.. Napangiti si Aldrin.. Maging sya ay bigla ding namiss ang sariling probinsya.. "Ako nga rin eh.. Biruin mo magkasunod lang pala ang province natin?.." nuon lang naisip ng binata na halos magkalapit nga lang pala ang mga probinsya nila.. Jeep lang ang sasakyan mo at makakarating ka na sa hasyenda ng lolo nya.. Pero pwede na nga tricycle lang.. "OWs?.. Galing ah.." palusot ni Hannah. Ofcourse alam na alam nya iyon..Minsan na din silang natira sa lugar nila Aldrin.. Tandang tanda nya pa ang kabataan nya.. Lumingon si Hannah..Nagulat sya pagkat tumama ang ilong nya sa baba ng binata. Pati si Aldrin ay natulala.. Di nya inaasahan ang paglingon ng dalaga.. Inaamoy nya ang buhok ni Hannah.. Nanigas pansamantala ang dalawa.. Pero nagngitian na lang sila at nagtitigan.. "Your so pretty talaga." pang uuto ni Aldrin.. Nag blush ang dalaga at kinurot sa pisngi ang dalaga. Muli syang lumingon sa binata at napangiti ng maluwang.. Pumikit ang dalaga.. Dahan dahan syang sumandal sa balikat ng binata.. Napangiti naman si Aldrin at hinigit na din ang dalaga.. Halos magyakap na sila..

Kinikilig si Hannah ..Pati si Aldrin di makapali.. "Hannah.." bulong ni Aldrin.. Nagmulat ng mga mata ang dalaga at tiningala ang binata.. "Yes?.." nakangiting bulong nya.. Tuliro ang binata at tila nahiya pa.. "Yes?.." ulit ni Hannah.. Huminga ng malalim si Aldrin.. Ngumiti ng alanganin.. "Malamig no?.." tanong nya.. Tumango ang dalaga.. "Syempre aircon ito eh.." biro ng dalaga.. Natawa din si Aldrin pero nahihiya pa rin.. Humarap na ang dalaga sa kanya.. "Baket ba?.." tanong ni Hannah.. Napakamot ng batok si Aldrin. "Sandal ka lang..P-pwede yakapin kita?.." bulong ni Aldrin.. Nanigas si Hannah at napanganga.. Dahan dahan syang tumalikod.. Nag iinit ang mga pisngi nya pero napangiti sya.. Unti unti syang sumandal sa katawan ni Aldrin ... "O-okay.." bulong ng dalaga.. Dahan dahang ginapang ni Aldrin ang kanang braso sa likod ng dalaga... Yung kaliwa naman ay sa balikat ni Hannah nya nilagay.. Pinagsara nya ang dalawang kamay at kinulong ng yakap ang dalaga.. Katahimikan.. "Ang sarap.." bulong ni Aldrin.. Napangiti si Hannah at napapikit.. "Yeah.. Warm..Higpit pa.." lambing ni Hannah.. Lalong hinigpitan ni Aldrin ang pagyakap kay Hannah..

Umurong ang dalaga.. Lalo nyang sinandal ang katawan sa binata at ngumiti.. "Sleep na baby.." bulong ni Aldrin sa tenga ng dalaga.. Tila nakiliti si Hannah at napangiti ng maluwang.. "Yes Daddy.." biro ng dalaga.. Nagtawanan sila ng marahan at parehong pumikit ng may ngiti sa mga labi.. Lumipas ang ilang oras...NAg stop over ang bus sa isang restaurant... Isa isang bumaba ang pasahero kabilang na ang mag babarkada.. Kumain sila at nagrefresh.. Turo ng turo ang kasama nilang bubwit.. Naaliw na lang ang dalawang dalaga at tila nakakita ng bunso sa katauhan ni Chichi.. "Ay mga ate gusto ko non.." turo ni Chichi.. "Kapalmuks oh.." biro ni Romeo.. Bigla syang piningot ni Chichi sa tenga.. Tawanan ang grupo. "Ano pa bunso?.. " lambing ni Krissia.. "Papicture tayo ate.." ungot ni Chichi.. Game na game namang nag pose ang mga dalaga kasama ang newfound sister nila.. "Hoy.. Naka pose na kami oh.." angal ni Krissia.. Napakamot ng ulo si Rhoi at nilabas ang phone.. Nakailang shots sila at wala pa ring tigil sa kalilipat ng pwesto ang mga babae.. Inaasar na lang nila si Rhoi. Matapos kumain ay tila na recharged na ang lahat.. Sumakay na sila .. Ilang saglit pa ay umandar na ang bus.. Tawa ng tawa sina Hannah dahil kumakanta ang apat na alas.. "Trip mo , trip ko , Trip nating lahat!." sabay sabay na sigaw ng apat na alas.. Pati si Eric ay nakisali na din sa apat.. "Broooommmmmm...." sigaw ng mga lalake.. Napapailing na lang ang mga pasahero..

"Ay grabe pare baka o !.. BAKA !!!!!!!!!!!! mooooooooooooooooooooooooooo....." sigaw ni Romeo at kinatok katok yung binata.. Binatukan siya ni Darius.. "That's not cow. It's a goat ..Mmmmeeeeeeeeehhhhhh...." ungol ni Darius.. Umepal si Rhoi.. "Idiots.. Thats a lion..Rwaaaarrrrrr.. Parang ako lion .. rrrwaaaarrrrr.. " atungal ni Rhoi.. Piningot sya ni Krissia sa tenga. Lion?... nakataas ang kilay na tanong ni Krissia.. Meeeowwwwwww.... bulong ni Rhoi. Hagalpakan sila ng tawa.. Ay carabao kaya yan.. Di ba mga ate?.. pagyayabang ni Chichi.. "Tama si bunso.. Pagpasensyahan mo na mga yan.. Mga takas sa mental yan eh.." sabi ni Krissia. Bumungisngis si Chichi at kumandong kay Eric.. "Bili mo ko non ha kuya?.." lambing ng bata.. Napakamot sa batok si Eric.. "Hala.. Saan mo ilalagay yan?.." natatawang tanong ni Eric.. Nagtawanan sila .. "Gagawin atang pet ni bubwit eh.. Ayos yan.. Lagyan mo ng tali tapos ilibot mo sa skul nyo.. O kaya gawin mong service.. " pang aasar ni Romeo. Inirapan lang sya ni Chichi.. "Pare.. San kaya yung susunod na stop over?.." bulong ni Darius kay Romeo.. Natawa si Romeo at binatukan si Darius.. "Putsa ka pare.. Sabi ko sayo may butas yang sikmura mo eh.. Look oh.. 20 minutes pa lang after nating mag lunch .. Tapos gutom ka na?.." sabi ni Romeo. Nagtawanan ang grupo.. May nakasabay silang isa pang bus.. Parang school field trip dahil puro estudyante ang sakay.. May nakapaskil din na pangalan ng college school sa gilid ng bus.. Nagkatitigan ang mga lalake ..

Biglang may nagdirty finger sa kabila.. Nag init agad ang mga alas.. Gaganti sana si Rhoi pero inawat sya ni Krissia at niyakap.. Si Aldrin naman ay kakalabitin sana si Darius pero pati si Hannah ay pinigilan sya.. Napangiti si Aldrin at niyakap muli ang dalaga.. Tanging sina Romeo at DArius na lang ang nakipag asaran.. Gumanti sila ng dirty finger. "Wahaha... Pakyu.. Ang papanget ng chix nyo !.." sigaw ni Darius.. Biglang tinaas ng isang lalake sa kabila ang shirt nya at dinikit ang nipple sa bintana.. Tawanan ang mga kasama nitong estudyante.. Napangisi sina Romeo at Darius at nakatinginan sila.. "Hinahamon tayo pare.." bulong ni Darius. "Pakita mo alas mo.. " nakangising sabi ni Romeo.. Nagpalit sila ng pwesto.. Si Darius tumuntong sa upuan at walang sabi sabing hinubad ang pantalon kasama briefs.. Dinikit nya ang pwet nya sa bintana.. Napahiyaw sina Hannah at Krissia.. Tatawa tawang tinakpan nila Rhoi at Aldrin ang mga mata ng mga babae.. Si Chichi nanlaki ang mga mata pero bumungisngis din.. Napailing na lang si Eric at tinakpan ang mga mata ng bunso.. Tulala ang mga nasa kabilang bus .. Nakita ng driver nito ang ginawa ni Darius at halos gumewang ang pag mamaneho nya.. Mabilis na binalik ni Darius ang pantalon nya at nag dirty finger sa kabila. Kita nilang nagalit yung kasama nilang teacher at binaba yung kurtina.. "Panis.." sabi ni Darius.. Nakipagpalit ulit sya ng pwesto kay Romeo pero umangal na ang binata.. "Baket?.. " tanong ni Darius. "Gago.. NAgtatanong ka pa.. Amoy pwet mo na yung bintana .. Dyan ka gago.." angal ni Romeo..

Tawanan ulit sila..

Lumipas ang ilang oras at stop over na naman.. "Mga tol.. Look.." bulong ni Aldrin.. Napatingin silang lahat sa tinuro ng binata.. Napangisi ang mga alas ng makitang nag stop over din yung kasabay nilang mga bus kanina.. Kinabahan ang mga babae at agad na sinaway ang mga kasamang lalake.. "Guys.. Remember yung bilin ni Tito.." paalala ni Krissia.. Napakamot ang mga alas... Masaya silang kumain pero biglang may lumapit sa kanilang mga lalake... Mga nakauniform .. Pinalibutan nila yung mesa nila Aldrin... "Tangna.. Ang aangas nyo ah.." tinapik nung isa ang balikat ni Rhoi.. Umangal si Krissia at tinarayan yung lalake.. "Kayo naman nag start eh.. " sigaw ni Krissia.. Ngumisi yung lalake.. "Hi miss beautiful.. Sayang ka .. Bakit ka sumasama sa mga ito?.. Sa amin ka na lang sumabay.." nakangising sabi nung lalake.. Tila kinilabutan si Krissia.. Tinapik nung isa pa yung balikat ng kasama nya..Tinuro si Hannah.. "Wow.. Eto pa isa.. Langya.. Swerte nyo mga pre ah.. Pwede arbor?.." sabi ng isang malaking estudyante.. Biglang yumakap si Hannah sa braso ni Aldrin.. Kinabahan na si Eric .. Niyakap nya si Chichi. Sinulyapan nya ang apat na alas na relax na relax na kumakain. "Pre paabot ng soy sauce" request ni Romeo.. Inabot naman ito ni Aldrin.. "Masarap ito tol ah.. Dapat ilagay nyo to sa menu nyo.." puna ni Darius.. Tumango si Aldrin.. "Tangek.. Syempre seafoods special sila dito.. Tsaka mahal ang recipe nyan.. " sumandok si Aldrin at sinalinan ang plato ni Hannah.

Kumutsara si Rhoi sabay subo kay Krissia.. Nairita ang mga lalake.... "Aba.. Ang yayabang talaga.. Di man lang tayo pinapansin?.." inis na sabi nung isa.. Tuloy lang sa pagkain ang mga alas.. "Oy pre.. Wag mo yakapin si bubwit.. Di makakakain yan.. " puna ni Romeo kay Eric.. Nakangiting binitawan ni Eric si Chichi at sinandukan pa ng kanin.. Lalong nabwisit yung mga lalake.. "Tado talaga.." sigaw nung isa sabay dinabog yung mesa.. Natapon ang ginawang sawsawan ni Rhoi.. Natapunan nito ang braso ni Krissia.. Nag panic agad ang dalaga at hinawakan ang mga kamay ng bestfriend nya.. Napangisi si Romeo.. "Manners pare.. Nasa harap kami ng pagkain.. Please.. Go away.. Come again another day..." kanta ni Romeo.. Lalo lang nabwisit sa kanya ang mga lalake.. "Putsa !.. " sigaw nung isa at muling dinabog ang mesa.. This time nagtumbahan ang mga tubig at nahaluan na ang mga kinakain nila.. Nanginginig na si Aldrin sa galit pagkat tumapon din kay Hannah ang tubig at sabaw.. Ngumiti lang si Hannah at niyakap ang braso ni Aldrin.. Kinuha nya ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi ng binata.. For the first time.. Na control ni Aldrin ang galit nya.. Ngumiti sya sa dalaga at inaya na itong tumayo.. "Sira na appettite ko.." sabi ni Romeo.. Uminom sya ng tubig sabay tayo.. Nagtayuan na din ang lahat ...NAglabas ng pera si Darius at inipit sa baso.. Tinawag nya yung waiter at tinuro ang mga kinakain nila.. "Pakibalot tapos pakidonate sa mga to.. Di na lang kasi sabihin na nagugutom eh.. " biro ni Darius .. Bwisit na bwisit ang mga lalake.. Pahiyang pahiya sila dahil maraming nakarinig at pinagtatawanan sila.

Nag akyatan na sa bus sina Hannah Chichi at Krissia.. Hinatid sya nila Rhoi at Aldrin.. Nagpaiwan sina Eric, Romeo at Darius.. Guys akyat na please.. makaawa ni Hannah.. Ngumiti lang si Romeo at tinuro ang CR. Tumango si Hannah. Akmang bababa ulit sina Rhoi pero niyakap sya ni Krissia.. Wag na bes.. lambing ni Krissia.. Natawa si Rhoi at hinaplos ang pisngi ng bestfriend nya.. Anung wag na?.. Wag na akong mag jingle bells?.. Sasakit pantog ko.. biro ni Rhoi.. Di natawa si Krissia.. Nagsimangot pa sya at humigpit ang kapit nya kay Rhoi.. Sasama ako !.. matigas na sabi ni Krissia. Nairita ng konti si Rhoi.. Iihi lang ako.. Sige na dito ka na at walang kasama sila Hannah at Chichi..Wag ganyan bes.. Look mo oh.. Natatakot na yung dalawa.. bulong ni Rhoi.. Napanguso si Krissia at kinurot ang magkabilang pisngi ng bestfriend nya.. Wag ka makikipag away ha?.. lambing ng dalaga.. Ngumiti si Rhoi.. Di sya nangako.. Maging si Aldrin ay hirap na hirap bumaba.. Dito ka na lang please?.. ungot ni Hannah.. Natatae na ako !.. biro ni Aldrin. Pero nakasimangot si Hannah. Sama.. lambing ng dalaga.. Kinilig si Aldrin pero batid nyang di pwede. Mabaho.. biro ng binata. Natawa ng bahagya ang dalaga pero di pa rin bumibitaw.. Sama.. ulit ni Hannah.. Nagkatinginan ang dalawang dalaga.

Muling hinatak ni Krissia ang braso ni Rhoi .. Sama kame.. ungot ng dalawang dalaga.. Napailing ang dalawang binata.. Muli silang bumaba.. Kinakabahan ang dalawang dalaga.. Biglang humabol si Chichi at niyakap ang mga ate nya. Hinawakan ng dalawang dalaga ang ng tig isang kamay ang mga kamay ni Chichi habang ang kabila nilang kamay ay nakakapit sa tig isang braso ng mga binata.. Napakamot na lang sina Aldrin at Rhoi sa batok.. Sama sama silang bumaba at pinuntahan sa malapit sa CR ang mga kaibigan nila.. Ang higpit ng hawak ng parehong dalaga sa mga braso nina Rhoi at Aldrin.. Pero ang higpit nito ay agad ding nakalas ng dalawang binata ng makita nilang nag kakagulo na sa nasabing lugar.. Walang sabi sabing tumakbo sina Rhoi at Aldrin at nakisali sa away nung tatlong nauna.. Wala ng nagawa ang dalawang dalaga kundi yakapin na lang si Chichi... Maging ang madaldal na si Chichi ay speechless.. Lumipas ang dalawang oras.. Naayos na ang gulo.. Dumating yung mga gwardya ng restaurant at pinagbati ang mga kabataan.. Nanginginig pa rin si Hannah.. Kitang kita nya kung paano tamaan ng suntok sa mukha si Aldrin.. Pero di ito ininda ng binata at tuloy sa pakikipagpalitan ng suntok.. Hinawakan ng dalaga ang mga brasong nakapalibot sa kanya.. Tahimik na ang mga tao sa bus.. Nakapatay ang ilaw , alam nyang natutulog na ang karamihan.. Sumiksik sya sa katawan ng binata.. Mukhang tulog na si Aldrin.. Tiningala ni Hannah ang binata at muntik na syang mapasigaw ng makitang gising pa pala ito.. Napangisi si Aldrin.. "Tulog na baby.." bulong ng binata.. Ngumiti si Hannah at tila wala sa sariling hinaplos ang pisngi ng binata..

"Mamamaga ito.." bulong ni Hannah.. Ngumiti lang si Aldrin at hinigit ng yakap si Hannah.. "Its okay.. Sorry kung di ako nakinig sayo.." mahinang sabi ng binata.. Umiling si Hannah. "I know.. Sabi mo nga they are all your family.. Syempre tutulong ka.. " lambing ni Hannah. "Pero alam ko ayaw mo ng nakikipag away ako.." sabi ng binata.. "Syempre.. Ayaw kong masaktan ka." bulong ni Hannah.. Napangiti ng maluwang si Aldrin.. "Thank you.. Iiwas na talaga ako." pangako ng binata.. Si Hannah naman ang napangiti ng maluwang.. "Thank you.. Para din yon sayo.." lambing ni Hannah.. Napatitig sila at nagkangitian.. "Masakit ba?.." tanong ng dalaga.. Hinawakan ni Aldrin ang palad ni Hannah na humahaplos sa pisngi nya.. "A little.. Malaking tao yung nakatama sa akin.. Pero konting himas pa.. Nawawala na yung sakit.." biro ng binata.. Natawa si Hannah at game na hinaplos ang pisngi ng binata.. "Malapit na tayo.. Pagdating don, itreat ko yang cheeks mo.." sabi ni Hannah.. Kinilig si Aldrin.. "Kiss na lang.." biro nya.. NAnigas si Hannah.. "Biro lang.." bawi ni Aldrin.. Ngumiti si Hannah , hinawakan nya ang batok ng binata at hinila palapit.. Si Aldrin naman ang nanigas.. Konting lapit pa at dumikit ang malalambot na labi ng dalaga sa pisngi ng binata.. Napapikit sila pareho ng magdampi ang kani kanilang mga balat.. Ilang segundo lang ang tinagal ng simpleng halik pero halos mag deliryo si Aldrin.. Ngumiti sya ng parang tanga..

"Okay na?." lambing ni Hannah.. "Sarap.. Nag seselos yung kabila.." biro ni Aldrin. Natawa si Hannah at mabilis na hinalikan ang kabilang pisngi ng binata.. "Okay na?.." tanong ni Hannah.. Sarap.. Now nagseselos yung nasa gitna.. landi ni Aldrin.. Natawa si Hannah at hinilamos ang palad sa mukha ni Aldrin.. Neknek mo.. Tsaka na.. ingos ni Hannah at sumiksik ulit sa binata.. Tsaka na?.. Hmm.. Malaman yon ah.. landi ni Aldrin.. Bumungisngis si Hannah at kinurot ang kamay ng binata.. Sumandal syang muli sa katawan ni Aldrin at pumikit.. I will never forget this night.. bulong ni Aldrin sa tenga ni Hannah. Nakiliti naman ang dalaga at ngumiti ng mahinhin. Why?.. maang maangan nya.. Huminga ng malalim si Aldrin.. Kasi nasapak ako.. biro ni Aldrin.. Napasimangot naman si Hannah.. Pero nagpapasalamat ako sa sumapak sa akin.. Dahil sa kanya nahalikan ako ng napakagandang binibini.. pang uuto ng binata.. Laksa laksang kiliti ang dumaan sa katawan ni Hannah at muli syang ngumiti ng mahinhin.. Bolero.. sabi na lang nya.. Sleep na baby.. bulong ni Aldrin.. Okay baby.. ganti ni Hannah.. NAgtawanan sila.. Hinigpitan ni Aldrin ang pagyakap kay Hannah at hinalikan ang buhok nito.. Nakangiti silang pumikit at sabay na natulog.. Chapter 20 Two Steps Forward

Tahimik na magkatabi sina Hannah at Aldrin sa upuan..

Nagpapakiramdaman sila pareho.. Gising na sila pero walang nais gumalaw.. Yakap ni Aldrin ang dalaga at si Hannah naman ay nagsusumiksik sa katawan ng binata. Di man nila nakikita ang isa't isa.. Parehong may ngiti sa kani kanilang mga labi.. "Morning.." bulong ni Aldrin. Napapikit si Hannah at ninamnam ang umatakeng kilig sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. "Morning.." paos na ganti ni Hannah.. Napangiti sila pareho ng maluwang.. Hinigpitan ng binata ang pagyakap nya at tinukod ang baba sa ulo ng dalaga.. "Ang lamig.." sabi ng binata.. "Oo.. Ganito talaga dito pag umaga.. Plus yung aircon pa.." sabi ni Hannah.. "Pero ok lang.. Kung ganito pala ang magiging kapalit.. Comfortable..Sulit na din.." landi ni Aldrin... Napanganga si Hannah ng lalo pa syang higitin ng binata papalapit sa katawan nito.. Saglit nilang ninamnam ang sarap dulot ng pagkakadikit ng kanilang katawan.. Maya maya pa ay huminto na ang bus.. Napatingin si Hannah sa binata at napangiti.. "Were here.." bulong nya. Ngumiti din si Aldrin.. Tumayo na sya at isa isang pinagpipingot ang tenga ng mga kaibigan nya.. Pupungas pungas na nag inat sila Romeo at Darius. Tumayo na din sila Rhoi at Krissia.. Tulog pa si Chichi pero binuhat ito ni Eric.. Nagkatitigan ang mga lalake , bigla silang sumabog sa tawa.. "Bagay sayo pare ah.. " pang aasar ni Romeo kay Darius.. May pasa ang binata sa ilalim na bahagi ng kaliwang mata.. Si Romeo putok ang kilay ..

Si Eric may sugat sa bandang leeg.. Si Rhoi labi at kilay ang tama.. Habang si Aldrin ay may galos sa kaliwang panga.. Nagtawanan silang lahat .. Dahilan para magising si Chichi.. Kuya.. Wiwi. bulong ng bata. Napasimangot si Eric at binaba si Chichi.. Isa isa na silang nagsibabaan.. Kumain muna sila sa malapit na fastfood .. Nag freshen up narin ang mga babae.. Excited na si Hannah.. Tumawag sya at sinabing nasa bayan na silang lahat.. 20 minutes ang lumipas at may humintong van sa tapat ng fastfood.. Bumaba ang dalawang magandang babae at isang matandang lalake.. Napatili si Hannah ng makita ang mga pinsan nya. Tinakbo nya ang pinto palabas at walang sabi sabing nilundag si Hazel.. Nagulat man ay napatili na rin ang dalaga at gumanti ng yakap sa pinsan na matagal ng di nakikita.. Aaaayeeeee... Pinsan long time no see.. Wow.. Gumanda ka lalo!... tili ni Hazel . Nilayo pa konti si Hannah at pinasadahan ng tingin.. Teka ako naman.. singit ng isang babae.. Napatili na naman si Hannah.. Khena?.. Waa.. Dalagang dalaga ka na !!.. Shet ang ganda mo !.. sigaw ni Hannah.. Nilamutak nya ang pinsan.. Nagyakap silang tatlo.. Tulala sina Romeo at Darius.. Si Rhoi napanganga pero bigla syang kinurot ni Krissia.. Si Eric natulala din pero kumandong sa kanya si Chichi at kinurot ang pisngi. Putol titi !.. bulong ng bata at nagsimangot.. Napakamot sa ulo si Eric pero di maiwasang lingunin ang magpipinsan.. Napakamot na lang ang matandang driver.. Kuya Jack?. tanong ng dalaga.

Ako nga.. Ang laki laki mo na iha.. nakangiting sabi ng matandang driver.. Sya naman ang nilundag ni Hannah at niyakap.. Tawa ng tawa ang matanda.. Ay .. wait .. My friends.. Hey Guys come here !.. sigaw ni Hannah at kinawayan ang mga kaibigan nya.. Nagkatinginan ang mga alas pati na si Eric. Isa isa na silang tumayo at lumabas.. Ang mga pinsan naman ni Hannah ang natulala. Napabungisngis si Hannah at pasimpleng siniko si Khena. Nakanganga pa ang dalaga.. "Wow.. Couz sila ba yon?.." bulong ni Hazel. Nakatitig ito kay Darius. Napalunok si Khena at kinalabit si Hannah.. "Whats his name.?." bulong nya. Napakunot noo naman si Hannah.. "Who?.." maang na tanong nya. Tila nahiya si Khena. "Yung naka gray na sweater." bulong ni Khena. at nginuso si Romeo.. Napahagikgik si Hannah at pinalapit ang mga kaibigan. "Guys. I want you to meet my cousins.. Hazel and Khena.." pakilala ni Hannah.. Nagkanda unahan pa sina Darius at Romeo na makipagkamay. "These are my friends.. Pero we treat each others as family." pagmamalaki ni Hannah.. Napangiti si Aldrin at pasimpleng tumabi sa dalaga.. NApakunot noo naman si Hazel.. "Is that Po-" sabi nya pero agad itong pinutol ni Hannah. "Hey.. Tama na ang kamustahan dito.. Dun na natin ituloy sa house.." nagbabanta ang tingin ni HAnnah.. Agad naman itong na gets ng pinsan nya.. Sina Khena at Romeo magkatitigan lang.

Isa isa na silang sumakay sa van .. On the way sa hasyenda nila Hannah. Gandang ganda sina Krissia at Chichi sa paligid. "Wow.. Grabe sis.. Ang yaman nyo pala." sabi ni Krissia. "Di naman." nangingiting sabi ni Hannah.. "Ay ate andaming horse !.." sigaw ni Chichi at humakbang palapit sa bintana.. "Baby wag malikot." saway ni Eric. "She's so cute. What's her name again?.." gigil na tanong ni Hazel. "Chichi. " nakangiting sabi ni Eric. "Hey Chi. How old are you?.." tanong ni Khena "Im 15 years old." diretsong sabi ni Chichi.. NAtawa si Romeo at Eric. "Baket?." mataray na tanong nya sa dalawa. "She's only 13 years old." pambubuking ni Romeo. NAgtawanan sa loob ng biglang pingutin ni Chichi ang ilong ng binata. "Grabe sis.. Ang gaganda ng couz mo.." palanding sabi ni Darius. NAmula naman sina Hazel at Khena. "Ahaha. Syempre mana mana lang yan.." papuri ni Aldrin. Si Hannah naman ang nag blush at pasimpleng kinurot si Aldrin sa braso. Napatitig si Hazel kay Hannah at Aldrin na nagnanakaw ng tingin sa isa't isa.. Napangiti sya at kinilig. Halos isang oras silang nag byahe. NApakadaming puno at taniman ang nadaanan nila. "Hey. Hanggang saan ang property nyo?.." bulong ni Aldrin.. "Di ko sure.. Teka.. Kuya Jack.. Hanggang saan ang property ni Lolo?.." tanong ni Hannah sa driver. Tila nag isip ang driver. "Natatandaan nyo yung nadaanan nating kambal na niyog na may arko?..Yung tinuro nitong ineng?.." sabi ni Kuya Jack sabay turo kay Chichi.. Napasimangot si Chichi sabay kinurot ng pino ang pisngi ng matanda..

NAgtawanan na lang sila. "Yeah.. What about that?.. " tanong ni Rhoi.. "Mula duon.. Hanggang sa dinadaanan natin ngayon.. PAg aari pa nila..Paikot yan.. Hanggang sa tubuhan at taniman ng saging.." paliwanag ng driver.. Napanganga na lang sila.. "Putsa !.. Pakasalan mo na yan pare.. Buhay Hari ka dyan malamang.." pang aasar ni DArius kay Aldrin.. Nagtawanan sila.. Tumitig si Aldrin kay Hannah.. "Kahit walang kayamanan pare.. Pakakasalan ko sya.." bulong ni Aldrin.. Natahimik ang lahat.. Bumilis ang tibok ng puso ni Hannah at napatingin sa labas ng binata.. NAg iinit ang kanyang mga pisngi.. Sumasakit na ang kanyang panga sa pagpipigil na wag ngumiti.. "Pero syempre.. Yun ay kung liligawan nya ako.." landi ni Aldrin.. Naghigh five pa sila ni Rhoi. Sumabog ng tawa ang lahat.. Natawa na din si Hannah...Mabilis pa rin ang tibok ng puso.. "KAla ko naman totoo na.." bulong nya.. "Rinig ko yon.." bulong ni Aldrin sa tenga ni Hannah.. Napahiya si Hannah .. Bigla nyang tinakpan ang kanyang mukha.. "Don't.. It's ok na magpantasya ka sa akin.." bulong ni Aldrin.. Bumungisngis si Hannah at biglang sinuntok sa braso ang binata.. Hinuli ni Aldrin ang kamay ng dalaga at tumingin sa mga kasama nila sa van.. Ng makitang walang nakatingin ay bigla nya itong hinalikan. NAnigas si Hannah.. "That's true.. From my heart yung sinabi ko.." bulong nya .. Nagtitigan sila.. Unti unting naglalapit ang mga mukha.. Halos maduling na si Hannah sa palipat lipat na pagtitig sa mga mata ni Aldrin at sa labi nito.

Konting lapit pa.. Rinig nya ang malakas na pagtibok ng puso.. Maging si Aldrin ay kabado.. This is it..Wala ng romantic background.. Eto na ang matagal nya ng pinapangarap.. Lalo nya pang nilapit ng dahan dahan ang mukha.. "Hannah.." bulong ni Aldrin.. "Aldrin.." ganting bulong ni Hannah.. Napangiti silang pareho at pagkuway sabay na pumikit upang damhin ang tamis ng kanilang unang halik.. Konti na lang ng biglang.. Pero biglang sumingit si Romeo.. "Putris... Eto ang ayaw ko sa pelikulang pilipino.. Napakaraming tse tse buretse.. Di na lang kasi maghalikan ng masayahan ang lahat.. Go na !.. " pang aasar nya.. Biglang napadilat ang dalawa.. Halos magdikit na ang kanilang ilong.. Napamura ng lihim si Aldrin.. Napunta sa kanila ang atensyong ng lahat kaya umulan ng tuksuhan mula sa mga babae.. Bigla silang nag hiwalay at bumaling sa mag kaibang direksyon.. Sinakal ni Aldrin si Romeo.. "Oy baket?.." angal ni Romeo. "Wala pare.. Kahit kelan.. Wala kang kwenta tumayming.. Isa kang malaking hadlang!..BASAG TRIP kaaaaaa !!!!..." sigaw nya at sinakal ang kaibigan.. Tawanan na lang sila.. After ten minutes na kulitan .. Bumagal ang sasakyan.. Tanaw nila ang naglalakihang mga mangga.. "Grabe talaga.. Ilang kapre ang alaga nyo dito?.." tanong ni Rhoi.. Napabungisngis sina Hannah at Hazel.. "Were here. " mahinang sabi ni Hannah kay Aldrin.. Huminto na ang van sa harap ng mansyon.. Isa isa na silang nagsi baba..

Nag inat ang mga kalalakihan.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah ng makilala ang nasa bukana ng hagdan.. "Lolaaaa !!!!.. " tili ni Hannah..Sabay takbo.. Wala na ang poise.. Dinamba nya ang abuela at pinaghahalikan sa pisngi.. Tawa naman ng tawa ang matanda.. "Tetay nandyan na ba sila?.." sigaw ng boses mula sa loob. Lumabas ang isang matanda...Bagama't matanda na ay bakas pa rin ang tikas at autoridad sa pananalita at pagkilos.. Pero biglang nawala ang itsurang strikto ng makilala ang bagong dating na kayakap ng kanyang kabiyak.. "Apo?. " tanong nito.. Tarantang kumalas si Hannah at walang sabi sabing nilundag ang abuelo nya.. Tawa ng tawa ang matanda.. Niyakap nya ng mahigpit ang apo.. "Loloooo.." tili ni Hannah.. Napapangiti na lang si Aldrin.. Ganyang ganyan din ako mga pare.. pagmamalaki nya.. Wala kaming pake.. sabay sabay na sabi ng tatlong alas.. Binigyan nya ng dirty finger ang mga kaibigan. Lolo.. Lola.. I missed you so much much.. tili ni Hannah.. Niyakap syang muli ng lola nya.. Hay nako apo..Lalo na kami dito.. sabi ng matandang babae. Namuo ang luha sa paligid ng mga mata ni Hannah.. Sorry po kung di na ako nakakadalaw dito.. hinging paumanhin nya.. Masuyo nilayo ng lola nya si Hannah at pinagmasdan. Kamukhang kamukha kita.. Napakaganda mo iha. nakangiting sabi ng matandang babae.. Aysus.. Tama at ako naman .. Come here iha.. inagaw ng matandang lalake ang pagyakap sa apo.. Game namang yumakap si Hannah. Nangingiti na lang sina Hazel at Khena.

Its looks like favorite sya. sabi ni Krissia.. Yeah.. Eversince.. Sya talaga ang favorite apo.. Pero di naman kami naiinggit.. Actually naawa nga kami sa kanya.. Lumaki syang sina Lolo at Lola ang naging parents nya.. Tita Elena have to work for their living.. May prinsipyo kasi ang mga lolo at lola na you have to stand on your own.. Kahit pa sabihin nyo na mayaman kami.. Our parents strived hard to reach what we have now.. Wala silang hininging tulong nung nag aaral pa sila.. paliwanag ni Hazel. Yeah.. Pero syempre medyo iba kay Tita Elena.. Kasi shes a girl.. Kapatid sya ni Dad.. Tita Elena was the youngest yet the toughest.. pagmamalaki ni Khena.. Nangingiti si Aldrin na parang tanga.. Pinagtatapik nya ang mga balikat ng mga kaibigang lalake. Yah hear that all?.. Isnt my loves mom great?.. Ang bangis pala ni Mommy.. biro ni Aldrin.. Pinagbabatukan sya ng mga alas. Kapalmuks ka pare.. sabi ni Rhoi.. Nuon lang tila naalala ni Hannah ang mga kaibigan.. Ay wait lolo.. My friends.. Nagsama ako ha.. malambing na sabi ni Hannah.. Aysus.. Ayos lang ano.. Mas marami mas masaya. natatawang sabi ng abuelo nya. Napatili si Hannah at niyakap ang isang braso sa bewang ng lolo.. Ang kabila sa bewang ng lola nya. Sinigawan nya ang mga kaibigan.. Guys !.. COme here na !. sigaw nya.. Triningg... Pakikuha mga bagahe ng bisita ng seorita nyo.. sigaw ng matandang babae.. Biglang naglabasan ang mga katulong .. Pinagkukuha na nito ang mga bagahe nila Aldrin.. Dun mo dalhin sa guest room sa taas... Hiwalay ang lalake sa babae.. bilin pa ng matandang babae.. Dun ako sa kwarto ni Khena. hirit ni Romeo.. Sa kwarto ni Hazel.. Susunod na lng ako.. banat ni Darius.. Tinitigan sila ng masama ng matandang lalake.. On the second thought.. Mas maganda kung sama sama tayong mga guys sa guest room.. Enjoy yun huh?. biglang bawi ni Romeo at nagtago sa likod ni Khena. Napabungisngis naman ang dalaga..

Bumulong si Hannah at pasimpleng tinuro si Aldrin.. Tila teenager na kinilig ang lola nya.. Napasimangot ang matandang lalake at tinitigan mula ulo hanggang paa ang binata.. Biglang parang nag init ang pakiramdam ng binata .. Ramdam nya ang mainit na pagtitig ng matandang lalake sa kanya. NAtawa bigla si Hannah at kinurot ang lolo.. Lolo.. Stop po. lambing nya.. Natawa na rin ang lolo nya.. Pero ng makitang di na nakatingin ang apo.. Hinuli nya ang tingin ng binata.. Nagkatitigan sila.. NApalunok si Aldrin pero lumaban sya ng titigan.. O tama na yan.. Mag mirienda na muna tayo.. sigaw ng matandang babae.. NAgpunta ang lahat sa salas.. Excited na kumapit si Chichi sa braso ng Ate Hannah nya.. Napansin ito ng matandang babae at pati ito ay tila nanggigil. Whats her name?. bulong na tanong nya kay Hannah.. Chichi.. maiksing sagot ni HAnnah.. "Iha.. You like sweets?.." tanong ng matanda. Napangiti ng maluwang si Chichi.. "Opo.. Ay nako favorite ko po ang matamis.. Come lola.. Where is it?.." mabilis na kumapit si Chichi sa kamay ng matandang lalake.. Napakamot ng ulo si Eric.. "Haha.. Ganito ka nung maliit ka iha.." turo ng matandang babae. Napangiti si Hannah.. "Chi.. Relax ka sa pagkain.. Marami pa mamaya.." bulong ni Hannah sa bunso.. Lalong nangintab ang mga mata ni Chichi . "Kakayanin ko ate.." ganting bulong nya.. Nagbungisngisan silang dalawa. Namangha ang lahat ng makarating sa magarang kusina.

"We used to eat here nung bata pa ako.. Marami kami kaya malaki itong dining table.. Pero lately konti na lang kasi nasa states na silang lahat.. Twing christmas seasons na lang kami napupuno ulit.." paliwanag ng dalaga.. Malungkot na tumango ang dalawang matanda.. "Pwede ng kainan ng isang baranggay yung table.." biro ni Darius. Kanya kanya silang upo.. Nagtabi sina Hannah at Aldrin pero biglang tumikhim ang matandang lalake.. Tarantang naghiwalay ang dalawa.. Napasimangot si Hannah at kinurot ang lolo nya. "Iha dito ka.." lambing ng matandang babae kay Chichi. Game namang pumagitna ang bata sa pagitang ng dalawang matanda.. "San na yung food?." tanong ng bata.. Tawanan sila.. Maya maya sinerve na ang mga kakanin.. Nanlalaki ang mga mata ni Chichi sa dami ng iba't ibang uri ng pagkain... Pati si Darius biglang nag focus sa mga ihinahain.. "Pare.. This must be heaven." bulong nya sa katabing si Romeo.. "Ulol.. Sinabi mo na yan sa resto kagabi..Dami mong heaven ah.." ganti ni Romeo.. "Wala ka pakelam.. Grr.. Ang tagal......" gigil na sabi ni Darius.. NG matapos iserve ang lahat.. Halos mapuno ang mahabang lamesa.. "Eat.. Feed yourselves.." utos ng matandang lalake. Nagsimula na silang magkainan.. Kinalabit ng Lola si Hannah at tinuro sina Rhoi at Krissia.. "Are they ?.." tanong ng matanda. Napahagikgik si Hannah. "Yan din akala ko Lola.. Pero di sila maggirlfriend and boyfriend.. They're bestfriends.. Ganyan tlaga sila mag alaga ng isa't isa.." naiinggit na sabi ni Hannah.. Napatingin sya kay Aldrin na nakatingin din pala sa kanya.. Nagngitian sila..

Tumikhim ang matandang lalake. Tarantang naghiwalay ng tingin ang dalawa.. "Lola.. Anu to?.. Bakit dumidikit sa gums?." tanong ni Chichi.. Natawa ang matandang babae.. "Tira tira yan apo..Madikit talaga yan.. " tatawa tawang sabi ng matanda.. Kandahirap si Chichi na kainin ang malagkit na pagkain. Ng kalahati na ay sumuko sya at pinasa sa kuya Eric nya.. Napailing si Eric dahil sa bugbog saradong pagkain. Masaya silang kumain.. Matapos ang mirienda ay nagtipon sila sa salas.. "If you want to take a rest.. Go and have some.. Tatawagin na lang kayo pag dinner na..Khena iha.. Take them to their rooms please?.." sabi ng matandang lalake.. Isa isang nag siakyatan ang lahat maliban kay Aldrin.. Napangiti si Hannah at paisa isang hakbang na lumapit sa kinauupuan ng binata.. Pero biglang pumagitna ang matandang lalake .. "Busog much.." pakwela ng lolo nya. Natawa si Hannah at pinalo ang tyan ng abwelo.. "Lolo.. " lambing ni Hannah.. Napangiti ang matandang babae.. "Yes apo?.." sagot ng lolo nya. Huminga ng malalim ang dalaga at tinuro ng pasimple si Aldrin na kausap ng lola nya.. "Sya po si Potpot.." pakilala nya.. Nanlaki ang mga mata ng Lolo nya at bumaling ng tingin sa binata na nakikipagkwentuhan sa kabiyak. "Sya yan?.. Ang panget.." pang aasar nya. Kinurot ni Hannah ang lolo sa pisngi at masuyong niyakap.. "Lo naman eh.." angal nya.. Natawa ang lolo nya at niyakap din ang apo.. "We missed you so much iha.. Like your mom.." lambing ng lolo..

Napangiti si Hannah. "Si Mom kase.. Ang tagal umuwi.." nakasimangot na sabi nya.. "You should understand.. Kailangan ng Mom mo na masiguro ang future mo.. Pero alam mo bang lately nagpaparinig na ang lola mo na umuwi na sya..?... I mean, di naman sa pagmamayabang apo.. Were rich na eh.. For what pa ang pagwork nya di ba?.. Nakapangalan na sa kanya ang one third ng ari arian ko.. Which is I know na ililipat nya din sa name mo.. " sabi ng lolo nya.. Lalong niyakap ni Hannah ang lolo.. "Baka naman naadik na si Mom sa work.. Nalimutan nya ng may anak sya.." malungkot na sabi ni Hannah.. Hinalikan ng matanda ang buhok ng apo.. "Don't say that.. I know your mom... She loves you so much.. Pero eto ang sasabihin ko sayo.. After this semester ng class mo.. By hook or by crook.. She must go home.. " matigas na sabi ng lolo nya.. Natuwa ang dalaga at pinaghahalikan ang pisngi ng abuelo.. "Thank you so much lolo.." sabi nya.. Biglang tumawa ang lola nya.. Napalingon sila bigla.. "Ay sorry.. Eto kasing si Aldrin.. Masyadong maloko.." tatawa tawang sabi ng lola nya.. NApangiti si Hannah sa binata at nagthumbs up.. Nagselos ang matandang lalake.. "At baket?.." mataray nyang tanong.. "Huuss.. Seloso." pang aasar ng lola nya.. Natawa si Hannah.. Nagseryoso bigla ang lolo nya. "Psst.. Lalake.. Anung pakay mo sa apo ko?..bakit dikit ka ng dikit sa kanya?.." matigas na tanong ng lolo ni Hannah.. Napakapit si Hannah sa lolo nya .. Kinabahan sya para kay Aldrin... Kilalang disciplinarian ang lolo nya.. Patunay ang matinong paglaki ng dalawa nyang Tito at ng kanyang Ina. Huminga ng malalim ang binata..

Tinitigan ng diretso sa mata ang Lolo ni Hannah. Gusto ko lang pong malaman ang beauty secrets ni Hannah.. landi ni Aldrin.. Natulala si Hannah.. Pati Lola nya napanganga.. Muntik ng matawa ng lolo nya pero pinigilan lang at nag galit galitan.. Niloloko mo ba ako?.. galit na sabi ng Lolo ni Hannah.. Hindi po.. Totoo po yon.. sabi ng binata.. At para saan naman?.. matigas na tanong ng lolo nya. Tinitigan ni Aldrin si Hannah .. Sabay baling ng tingin sa Lolo.. Nagtataka lang po ako.. No offense meant.. Pero natural na maganda ang apo nyo.. bungad ni Aldrin.. Napapikit si Hannah at kinilig.. "Pero nagtataka talaga ako.." sabi ni Aldrin.. "Baket?.." takang tanong ng lolo ni Hannah. Natural na maganda ang apo nyo.. Given na po iyon.. Pero ang nakapagtataka talaga dito.. Marami pong magaganda sa Manila.. Alam niyo po yan.. Pero bakit parang nakakaadik yung sa apo nyo?.. I mean, I cant take my eyes off her.. Siguro po may secret syang pampaganda para lalo akong maadik sa kagandahan nya.. paliwanag ni Aldrin.. Kinilig ang lola ni Hannah. Si Hannah binaon ang mukha sa balikat ng lolo nya.. Napangiti ang matandang Don pero ayaw nyang ipakita sa binata.. Hmm.. Bolero ka.. sabi lang ng matanda.. Di po.. Nagsasabi lang po ako ng totoo.. Im sure tinanong nyo din yan kay Maam.. turo ni Aldrin sa lola ni Hannah.. "Oh iho you can call me Lola.." nakangiti at kinikilig na sabi ng Lola ni Hannah.. Napangiti si Aldrin.. Thank you po.. As I was saying .. Im sure Sir tinanong nyo na din po yan kay Lola before.. Right? tanong ni Aldrin.. NAgkatinginan ang dalawang matanda.. Yes iho.. Bumanat na din ng ganyan ang matandang yan nuon.. pang aalaska ng Lola ni Hannah .. Napakamot sa batok ang matandang lalake..

NApangiti si Hannah na nauwi sa tawa.. Si Lolo?.. Di ko maimagine.. hirit ni Hannah at tumawa ng malakas.. NAgtawanan ang dalawang babae .. Nangingiti na lang ang dalawang lalake. Muling nagseryoso ng tanong ang Lolo ni Hannah.. Okay .. Pero seryoso ka ba sa apo ko?.. tanong ng Lolo ni Hannah.. Lolo.. bulong na saway ni Hannah.. Napangiti si Aldrin.. Di po. biglang sabi nya.. Nabigla si Hannah.. Pati Lola nya nagulat.. Nakaramdam ng galit ang matandang lalake. What?.. malakas na sabi nito. Huminga ng malalim si Aldrin at tumitig sa dalaga.. Di po ako nagkakamali sa feelings ko.. Minsan nakakaasar na at nakakasira talaga ng studies.. Pero wag po kayong magagalit.. Kasalanan ng apo nyo.. paninisi ni Aldrin.. Nagtaray si Hannah.. "Baket ako?.." tanong nya.. "Yeah.. It was your fault kaya lately di na ako nakakagawa ng assignments .. Nangongopya na lang tuloy ako.." sabi ni Aldrin. Naasar si Hannah.. Ako pa talaga?.. Duh !.. taray ni Hannah. Ikaw talaga.. I cant think of any other things except you.. Minsan pag nasa room ako.. Pag ako na lang mag isa. Dun ka papasok sa isip ko.. Yung matinding pangungulila kahit na kakahiwalay lang natin galing school.. Ramdam ko.. Sa gabi.. Yun yung time na gumagawa ako ng assignments.. Pero kasalanan mo.. Papasok ka na lang sa isip ko..Sa kakaisip ko sayo.. Di ko na napapansin ang oras.. Madaling araw na pala.. Di ko na nagawa assignments ko.. Kasi pag ginawa ko pa.. Late na late na akong makakatulog.. Late akong magigising.. Kapag late akong nagising.. Mababawasan yung oras na makikita kita.. Kaya imbes na gumawa ng assignments.. Di na lang.. Mas pinili kong wag mabawasan yung oras na makita kita ..See?.. Ikaw ang may kasalanan.. paliwanag ni Aldrin.. Muling binaon ni Hannah ang mukha nya sa balikat ng lolo at kinagat ito.. Muntik ng masamid ang Lola ni Hannah .. Ang Lolo naman nya ay nagsisimula ng magustuhan ang binata .. Pero di ito nagpapahalata..

Iho.. Korni ka.. banat ng Lola ni Hannah.. Napangiti si Aldrin.. Humirit pa ang matandang lalake.. "Given na mahal mo nga ang apo ko. Teka .. Mahal mo nga ba?.. At gaano naman kamahal?..Aber?.." madiin na pagkakatanong ng Lolo ni Hannah.. Nanigas si Hannah.. Ito na ang pinakaaasam nyang impormasyon.. Tumahimik sya at nakinig.. Pilit nyang kinakalma ang sarili kahit na halos mabingi na sya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Kabadong kabado sya. "Ano binata?." untag ng Lolo ni Hannah. Lalong kinabahan si Hannah.. Huminga naman ng malalim si Aldrin.. Patawad po.. bungad ng binata.. Napakunot noo ang lahat.. "Baket?.." tanong ng Lola ni Hannah.. Malungkot na ngumiti si Aldrin.. "Gusto ko po sanang sagutin ang tanong nyo...Pero may gusto sana akong gawin bago yon.. Sana po makicooperate kayo..Pakiusap po.." bulong ni Aldrin sa matandang babae.. Napaisip ang Lola ni Hannah at unti unting ngumiti.. Psst.. Lika nga dito.. tinawag ng Lola ni Hannah ang Lolo nya.. Napakamot na lang ang Lolo ni Hannah at tila maamong tupang sumunod sa kabiyak.. Tumabi sya sa asawa at tinitigan ng masama ang binata. Napayuko na lang si Aldrin.. Anu bang pakulo mo binata?.. bulong ng Lolo ni Hannah.. Ngumiti si Aldrin.. Secreeettt.. landi nya. Natawa ang matandang babae .. Naasar ang matandang lalake pero sinaway sya ng asawa.. Hayaan mo na lang kase.. saway ng Lola ni Hannah sa asawa..

Tumahimik ang Lolo ni Hannah pero masama pa rin ang tingin kay Aldrin.. Si Hannah ay nakatingin lang sa binata.. Nakakunot ang noo. Ano na naman kaya ang pakana nitong ungas na to?.. bubulong bulong na sabi ni Hannah. Tumayo si Aldrin.. Tumingin sa dalawang matanda pagkatapos ay kay Hannah.. Lumakad... Palapit sa dalaga.. Ilang hakbang na lang ang layo.. Biglang lumuhod si Aldrin.. Nagulat ang dalawang matanda at napanganga.. Kinilig ang Lola ni Hannah at binaon ang mukha sa dibdib ng asawa.. Napangiti ng todo ang matandang lalake.. Ayos ka bata.. !. bulong nya at hinigit ng yakap ang kabiyak na halos makabalik na sa teenager.. Ngiting ngiti ang dalawa.. Si Hannah.. Tulala. Tila nabingi na.. Kung may kukuha ng pulso nya sa mga oras na iyon.. Siguradong magpapanic.. Napakabilis ng tibok ng puso ni Hannah.. Rinig na rinig nya ang bawat pintig.. Isinisigaw ang iisang pangalan.. Pot. bulong ni Hannah. Pero di ito umabot sa pandinig ng binata.. Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.. Hannah.. masuyong tawag ni Aldrin sa pangalan ng babaeng tinatangi nya.. Nahihiyang nakipagtitigan si Hannah.. A-aldrin.. bulong nya.. Ngumiti si Aldrin..

Dahan dahang hinakbang ang tuhod palapit sa paanan ng dalaga.. Nais ng pumikit ni Hannah at tumakbo palayo.. Gusto nyang sumigaw o di kaya ay pilasin ang sariling damit.. I.. bulong ni Aldrin. I..? panggagaya ni Hannah. Love.. dugtong ng binata.. Love?.. kinikilig na talaga si Hannah.. my Queen.. malakas na sabi ni Aldrin.. Tulala si Hannah.. Thank you.. tuluyan ng lumuha ang dalaga.... Napasimangot si Aldrin.. Dont you dare cry.. I swear , di kita paiiyakin.. masuyong sabi ni Aldrin.. Lalong umagos ang luha ni Hannah.. Tarantang pinahid ni Aldrin ang tumutulong luha sa mga pisngi ng dalaga.. Nakasimangot sya.. Please.. Dont cry.. bulong ng binata.. Yung dalawang matanda ay halos mamilipit na sa kilig.. Naluluha na din ang matandang babae .. Niyayakap lang sya ng mahigpit ng kanyang asawa at pareho silang nakangiting pinagmamasdan ang masayang apo nila. This is not tears of sadness.. Tears of joy ito.. bulong ni Hannah. Ngumiti si Aldrin.. I know.. Nagtapat ba naman ako sayo eh.. pagyayabang ni Aldrin.. NAtawa si Hannah at piningot ang ilong ng binata. Biglang bumaba si Chichi at Eric. Ahm.. Excuse po Sir and Mam. bungad ni Eric. Napatingin ang dalawang matanda. Oh why iho?.. And you can call us Lolo and Lola..Kung hindi magtatampo kame.. masuyong biro ng Lola ni Hannah. Napangiti si Eric at napakamot..

"Si Chichi po kasi.. Takot po syang matulog mag isa sa isang kwarto.. Unless kasama nya ako .." nahihiyang sabi ni Eric.. Nag beautiful eyes si Chichi at pumwesto sa gitna ng dalawang matanda.. "It's ok .. No problem.. Sa isang guest room kayo.." nakangiting sabi ng matandang lalake.. Si Chichi biglang tinuro ang luha sa mga mata ng Lola.. Hala.. Why are you crying Lola?.. Hala pati si Ate?.. Baket po?.. inosenteng tanong ni Chichi.. Nanggigil ang Lola ni Hannah at nilamutak ang bata.. Tears of joy.. sabi lang ng matanda.. Nagtawanan sina Aldrin at Lolo ni Hannah. "Bakit ka dyan nakaluhod kuya?.. Hala .. Uuuuyyyyyyy !!!!!!.." tukso ni Chichi.. Namula si Hannah at dali daling pinahid ang mga luha.. Hinawakan nya ang kamay ng binata at walang sabi sabing hinatak palabas ng pinto. Tarantang sumunod si Aldrin.. Halos madapa dapa na sya.. "Hey my Queen.. Saan mo ko gagahasain?.." biro ni Aldrin.. Natawa si Hannah at biglang huminto. Nakangiti niyang hinarap ang binata.. "This was my favorite place nung bata ako..Akin ang swing na yan.. Pinagawa ni Lolo for me..Look, may name na nakaukit sa sandalan.. Nickname ko.. " buo na ang loob ni Hannah na magpakilala sa kababata.. Kinakabahan sya sa maaaring maging reaksyon ni Potpot pero handa sya .. Ipaglalaban nya ang nararamdaman nya.. Ineksamin ni Aldrin ang swing at pilit inaninag ang nakaukit sa kahoy na sandalan.. Ngiting ngiti si Hannah.. Si Aldrin nagkanda duling duling na. "Whats this?.. Di ko mabasa.." sabi ng binata.. Nawala ang ngiti ni Hannah at nakibasa na din. Nanlumo sya ng makitang bura na ang mga nakasulat.. "Shet naman.. " bulong ng dalaga.. Umiling si Aldrin at hinawakan ang kamay ni Hannah..

Nawala ang atensyon ng dalaga sa mga nakaukit na pangalan at nalipat sa magkahawak nilang mga kamay ng binata.. Nagtitigan sila sa mga mata.. Lalong nagsara ang kanilang mga kamay .. "Hannah.. Salamat at dumating ka sa buhay ko.." bulong ni Aldrin. Lalong inatake ng kilig ang dalaga.. Ngiting ngiti na naman sya na parang tanga.. "Salamat at nahanap na din kita..Nahirapan din ako ah.." double meaning ang sinabi ni Hannah.. Napakunot noo si Aldrin pero binalewala.. "Kinabahan ako sa Lolo mo." biro ni Aldrin.. Natawa si Hannah at inabot na din ang isa pang kamay ng binata.. Dalawang kamay na nila ang magkahawak .. Magkaharap na nakangiti.. Parehas kita na halos ang gums.. Walang natitinag sa titigan.. Tila may nais i-break na record. "Ganyan talaga si Lolo.. Pero mabait sya.. Overprotective nga lang sya sa akin.. Kasi cute ako.." landi ni Hannah.. Natawa si Aldrin.. "Your not cute.. Your damn pretty.." sabi ni Aldrin. Tila manhid na ang mga pisngi ni HAnnah.. Kanina pa sya di makapagpigil ngumiti.. Tila kahit anong sabihin ng binata sa kanya ay mapapangiti sya.. "Thank you.." taos sa pusong sabi ni Hannah.. Muli silang napangiti na parang baliw.. Tumingin tingin sa paligid.. Tila iisa ang nais na gawin.. "Isa lang.." hirit ni Aldrin.. Namula si Hannah at marahang tumango.. Lalong bumilis ang tibok ng kanilang mga puso..

Nagtitigan sila.. Mga kamay ay lalong humigpit ang pagkakahawak sa isat isa.. Unti unting naglalapit ang mga katawan. Napapikit si Hannah ng tuluyang magdikit ang mga katawan nila ng binata.. Kinalas ni Aldrin ang isang kamay .. Masuyong inalis ang bumagsak na buhok sa mukha ng dalaga.. "Damn , isa ka sa perpektong nilikha ng Diyos..." sabi ni Aldrin.. Namula ang dalaga.. Titigan.. Katahimikan.. Tibok ng puso ang tanging maririnig.. Konting lapit pa.. Konti pa. Langhap na ni Aldrin ang mabangong samyo ng dalaga.. Konti pa.. Nagdikit na ang kanilang mga ilong.. Nagkandaduling duling na si Hannah.. Titigan sila.. Napalunok si Aldrin.. Pumikit si Hannah.. Eto na talaga.. Wala ng makakapigil sa kanilang unang halik.. Ngumiti sila pareho at sabay na pumikit.. Sabay na kumilos ang kanilang mga mukha upang magdikit na sa wakas ang kanilang mga uhaw na labi.. Biglang may humiyaw.. "Go Potpot !!!.." sigaw ni Romeo. Bigla ang pagdilat ng mga mata ng dalawa.. Pulang pula na si Hannah.

1 inch na lang ata ang pagitan ng mga labi nila.. Kumalas si Hannah at tumalikod.. Napamura si Aldrin at rinig nya pa ang malanding tawa ng kaibigan nya galing sa terrace ng bahay.. "Your the man !.." pang aasar pa ni Romeo. "Ggrrrrrrr..Putris ka pare !.. Magtago ka naaa !!!!!.." sigaw ni Aldrin.. Natawa si Hannah.. Pero pulang pula pa rin ang kanyang mukha.. Maging sya ay nakaramdam ng inis kay Romeo.. "Tsk.. Sayang.." bulong ni Hannah at dinampi ang daliri sa labi.. Tila bigla syang nauhaw.. "Tuloy nyo pre !..Azteg nga eh.. Yung torrid na kasi agad.. Para kayong mga bubwit na nag aamuyan muna.. WAHIHIHHIHI !!.." sigaw ni Romeo.. "BWISIT KA !.." sigaw ni Hannah at nagdabog.. Lalo lang tumawa si Romeo.. "Ano na pare?.. Bitin ?. WAHIHIHHIHI.. ASAR no?.." alaska pa lalo ni Romeo. "Grrrr.. Humanda ka gago !.." sigaw ni Aldrin at akmang tatakbo. Pinigilan sya ng dalaga.. "Aldrin.." tawag ni Hannah. "Yes?.." nakangiting sabi ni Aldrin. Namula si Hannah at tumingin sa ibang direksyon.. "For the record.. I also love my Ace of Hearts.." bulong nya. Natulala si Aldrin.. Unti unting nabubura ang bwisit nya kay Romeo.. "Is that so?.." paniniguro ng binata. "Yes.. Im pretty sure.." nakipagtitigan si Hannah.. Ngumiti silang pareho sa isa't isa.. Muling naglapit.. Naghawak ng kamay.

Ngitian . Katahimikan.. Pero binasag ni Romeo ang trip ng dalawa.. "Oh my.. Uulit si Pareng Potpot.. Tsk.. Walang kasawa sawa.. Sablay naman lage.. Pero malay po natin mga kaibigan.. Sige nga Pareng Aldrin.. Yung Torrid huh.. By the viewers request.. Mga 5 minutes.. WAHIHIHHIHI.." sigaw ni Romeo sabay takbo papasok sa kwarto.. Muling naghiwalay ang dalawa.. Mamaya na lang pag wala ng bwisit.. inis na sabi ni HAnnah. Yeah.. Bwisit.. sabi ni Aldrin.. Muli silang naglapit.. Pero talagang epal si Romeo.. Ay.. Ayaw pang sumuko?. WAHIHIHHIHI.. landi ni Romeo.. Bwisit na bwisit yung dalawa.. Tinakbo na ni Aldrin ang kaibigan pero muli syang tinawag ni Hannah. Psst.. sitsit ni Hannah. Yes my queen.?.. lambing ni Aldrin.. Two Steps Forward.. nakangiting sabi ng dalaga.. Kinilig sila pareho at nagngitian. Ay Two Steps?.. Baka sa Third Step mo pare sablay ka pa rin na makaiskor..WAHIHIHHIHI.. sigaw ni Romeo sa kung saan.. Nagtawanan sila pero bwisit na bwisit si Aldrin.. PUTRIS ka !.. Nasaan kang HAYUP ka !!.. GRRRRR !!!!!!.. sigaw ni Aldrin at tumakbo papasok ng bahay.. Narinig na lang ni Hannah ang malalanding sigawan ng kaibigan nya at ni Aldrin.. Nakangiti siyang umupo sa swing at sinalat ang mga labi.. Strike 3 na..Ahihi..Sana matuloy naman.. bulong ni Hannah.. Chapter 21 Queen of Hearts.

"Putris ka pare.. Wala kang kwentang tumayming .. Andun na eh.. Bwisit ka talaga !.." sigaw ni Aldrin. Tumili si Romeo dahilan para magising sina Darius at Rhoi na nakahandusay sa kama..

Tumalon si Romeo at pumagitna sa dalawa.. Tawa ng tawa habang nagsusumiksik sa dalawang kaibigan.. Tumalon si Aldrin at dinamba ang mga kaibigan nya.. "Mga putangna.. Ang lalandi nyo.. !!!.." sigaw ni Rhoi. Pero maging sya ay nakitili na din. "Ano bang pinaghaharutan nyo dyan?." tanong ni Darius.. Sumimangot si Aldrin habang bumungisngis naman si Romeo. "Mga mare.. Alam nyo na muntik ng makaiskor si Potpot.." bulong ni Romeo.. Nacurious ang mga kaibigan nya. Simangot lang ang naging sagot ni Aldrin. "We?.. Yang torpeng yan?.. Sige nga... kwento nga.." sabi ni Darius. Nag paikot sila at pinagitnaan si Romeo na seryoso ang mukha. "Ganito kasi yon..Ang abang lingkod na si Ako.. ay naalimpungatan dahil may narinig akong mga ungol sa kung saan.." seryosong seryoso na pagkwento ni Romeo. Lalong sumimangot si Aldrin at akmang dadambahin ang kaibigan pero hinarang sya ni Rhoi. "Continue your beautiful story.." sabi ni Rhoi.. "As you wish my friend.. So yun nga.. Dahan dahan si ako sa paghakbang..Sinundan ko ang mga ungol.. Nakarating ako sa terasa ng mga Montefalco.. Grabe ang pakiramdam.. Biglang uminit at umihip ang mabigat na hangin galing sa silangan.. Di ko matiis.. Sumilip ako sa ibaba.." putol ni Romeo. Napalunok ang sina Rhoi at Darius.. Nagkatinginan.. Eepal sana si Aldrin pero nilagay ni Darius ang daliri nya sa mga labi ng kaibigan nila.. "Sssshh..Let him reveal what he saw.. " .. bulong ni Darius. Nanahimik ang kapaligiran.. NAg concentrate ang tatlo kay Romeo.. Nagkatitigan sila.. "Continue.." utos ni Darius.. Huminga ng malalim si Romeo.. "Tulad ng nasimulan ko na.. Grabe ang bigat ng pakiramdam.. Parang may kung ano

akong dapat na matuklasan..Nasa terrace na ako.. Hinanap ko ang mga ungol..Pero nagkamali ako.. Di pala sya ungol kundi pag uusap.. TAma mga kaibigan ko.. May nauusap na dalawang nilalang..Hinanap ko ang pinaggalingan.. Lumingon ako sa kaliwa.. Wala.. Sa kanan.. Bigo ako.. Sa gitna.. Wala pa rin.. Tumingala ako sa langit ngunit sa huling pagkakataon.. Bigo ang inyong abang lingkod na makita ang pinanggalingan ng mga bulungan.." malungkot na kwento ni Romeo.. NA touch ang dalawa.. Aangal na sana si Aldrin pero muli syang pinatahimik.. Silence.. Let him.. saway ni Rhoi.. Muling huminga ng malalim ang pinakapogi sa kanila..Si Romeo nga.. Susuko na sana ang inyong abang lingkod ng muli kong marinig ang bulungan.. Wala na akong ibang direksyon na di ko pa natitingnan kung hindi sa ibaba.. Sumilip ako.. Para lamang magulat.. Si Potpot at si Hannah.. MAy something.. wwahihihih. biglang tumawa si Romeo. Pumalag si Aldrin para pigilan ang maari pang idagdag ng kaibigan nya pero dalawang kamay syang inawat nina Darius at Rhoi.. Makinig kasi.. Dali na.. Exciting pala.. Nag sex ba?.. tanong ni Rhoi.. Bumungisngis sina Romeo at Darius. Putsa pare.. Grabe pala tricep ni Potpot.. Biruin mo hinawi nya yung buhok na bumagsak sa mukha ni Hannah naglabasan pa yung mga cuts sa tricep nya.. Putsa.. Angtindi !.. tawa ng tawa ang tatlo. Pati si Aldrin nakisali na rin. "Ano pa?.. May foreplay?.. Anu naman daw ginagawa ni Hannah?.. " tanong ni DArius. "Grabe mga pre.. Mag kikiss na sana sila e... May papikit pikit pa si Potpot .. TAngna.. DAmang dama eh.. " kwento ni Romeo. Lalong na curios ang dalawa.. "Tapos yung mga kamay nila magkahawak.. Parang ayaw ng maghiwalay.. Grabe pala manligaw si Potpot.. Tanghali. .. wahihi." nagtawanan ang apat. "Eh natuloy yung kiss?.." tanong ni Rhoi.. Tumingin sa malayo si Romeo at nagsimulang bumaba sa kama.. Nagtaka sina Rhoi at DArius. "Baket?.." tanong ni Rhoi. "Putangna yan eh.. Andun na eh.. Tapos biglang pasok.. GAgo ka talaga.. !!." sigaw ni Aldrin.. Nagbungisngisan ang dalawa.. Biglang may kumatok..

Binuksan agad ito ni Darius at tumambad sa kanila si Hazel at Khena.. Automatikong naging ngiting romantiko si Darius .. PAti boses nag iba.. Nagmukang matino. "Hi.." swabeng pagbati ni DArius.. Kinilig si Hazel.. Si Khena sumilip sa loob .. Tila may hinahanap. "Ayun sya o.." turo ni Darius sa terrace.. Namula si Khena.. Pasimple nyang tiningnan si Romeo na ngumingiti mag isa..Tila may tinitingnan. "Anu yan pre?.. tanong ni Rhoi.. Lalong bumungisngis si Romeo.. Parang mauulit ang panggugulo ko.. Look guys.. bungisngis na sabi ni Romeo. Nacurious ang lahat .. Nagsilapitan sina Rhoi at Darius kay Romeo.. Tumalilis si Aldrin para puntahan si Hannah. Lumapit din ang dalawang dalaga at pumwesto sa tabi ng mga boys.. Sinilip nila ang tinuturo ni Romeo.. Sino yon Khena dear?.. lambing ni Romeo.. Nag blush si Khena at pasimpleng kinurot si Romeo.. Sinulyapan nya ang tinuturo ng binata. Ay.. Si Borgz yan.. Kababata namin.. Yung girl .. Teka.. Di ko makita eh.. sabi ni Khena.. Nagngisian ang tatlong alas. Chickboy ah.. Panget naman.. pang aasar ni Darius. Nagtawanan sila. Ay teka couz parang kilala ko na.. Si Angeli.. Anak ni Mang Jun !.. imporma ni Hazel.. Muli silang nanuod.. Ilang saglit pa .. Yung tinutukoy nilang Borgz at Angeli ay huminto sa paglalakad.. NAgkatinginan. Ayan na oh.. Go Rom.. bulong ni Rhoi. Teka.. Sandali.. Dapat yung malapit ng magdikit yung lipses.. Bwahaha.. tawang

demonyo si Romeo.. Ilang saglit pang pagtitigan.. Tumingin sa paligid ang dalawang nilalang at napangiti si Borgz.. Dahan dahan silang naglapit ng mukha.. Pero tulad ng inaasahan.. Sumigaw si Romeo .. Itigil yan !!.. ubod ng lakas na sigaw ni Romeo.. Sumabay sina Rhoi at Darius.. Mga imoral !..Di na kayo nahiya !.. Sana man lang pinadilim nyo muna ..BWahahaha.. sigaw ni Darius.. Asar sila eh.. tatawa tawang sabi ni Rhoi. Bungisngis sina Hazel at Khena sa tabi. Ang sasama nyo.. sabi ni Hazel. Oy di ako may pakana .. Etong dalawa.. Tara na nga Khena dear.. Baba na tayo. aya ni Romeo. Game namang sumama si Khena.. Oy si Krissia?.. tanong ni Rhoi.. "Ay .. Natutulog.. Gigisingin mo?.. " tanong ni Hazel.. "Wag na.. Para naman makahinga ako ng konti.. Hihi.." landi ni Rhoi. "Sus.. Kahit wala si Krissing feeling mo may anino ka pa rin.. " asar ni DArius.. Binatukan sya ni Rhoi. "Tara na .. Pasyal tayo." aya ni HAzel.. Excited na sumunod ang dalawa na parang tanga.. Sa hardin nakita ni Aldrin si Hannah.. Dahan dahan syang lumapit sa dalaga .. Tinakpan nya ng dalawang kamay ang mga mata ni Hannah at nagboses bata.. "Hi ganda.." pang uuto ni Aldrin. Namula si Hannah pero bungisngis pa rin. "Wag ka na magtago..Kilala na kita.. Amoy pa lang.." biro ni Hannah. NAtawa si Aldrin..

"Grabe.. Ganun ba ako kabaho?.." tanong ni Aldrin.. "Nope.. Ganun na ako kaadik sa sense mo.." nahihiyang sabi ni Aldrin. Nagngitian sila. Uupo na sana si Aldrin sa tabi ni Hannah ng biglang lumabas ang Lolo ng dalaga.. "Ahem.. Mamaya na yan iho.. Apo.. Tawag ka ng Lola mo.. Pasukat ka na daw para bukas.." sabi ng Lolo ni Hannah. Napakunot noo si Aldrin at tiningnan si Hannah na nagtatanong .. Napangiti si Hannah. "Lo.. Sya din po.. Sya ang escort ko.." sabi ng dalaga.. Napasimangot ang Lolo ni Hannah. "Ayaw mo na sa Lolo?." tampong sabi ng Lolo ni Hannah. "Lo.. Di naman po sa ganon.. Pero para makumpleto ang bakasyon namin dito.. Alam nyo na..I want them to experience kung ano ang nararanasan ko dito twing Fiesta.. Sige na Lolo .. Please?.." patweetums na sabi ni HAnnah. NAgdabog ang Lolo ni Hannah at biglang umirap.. "Sige na nga.. Pero watch out young man.." banta ng Lolo ni Hannah. Napatayo ng tuwid si Aldrin at sumaludo pa.. "Sir yes sir.." alertong sabi nya. Napabungisngis si Hannah. "Sunod na kayo.." sabi ng Lolo ng dalaga. Naiwan ang dalawa. "San tayo susunod?.. Anung escort?.." tanong ni Aldrin.. Ngumiti ang dalaga. "Part ng Fiest dito ang pagsaSAGALA.. Every sagala .. Lagi kaming kasaling magpipinsan..Lagi kaming hirap na pumili ng escort dahil nga sa strikto si Lolo.. Pero di na ako mahihirapan ngayon.." nakangiting paliwanag ng dalaga.. Nagkatitigan sila at parang tangang nag ngitian. "So sasagala tayo?.. Sasama sina Rhoi?.." tanong ni Aldrin. "Yup.. Sali tayong lahat.. Im sure masaya yon" excited na sabi ng dalaga. Nagkangitian sila pero bigla silang nakarinig ng tilian.. "Wahihi.. Come and get me .. " landi ni Rhoi.

Pabakla syang hinabol nina Romeo at Darius. NAtawa sina Aldrin at Hannah. "Ang lalandi nyo. !.." pang aasar ni Aldrin sa mga kaibigan. Nag seryoso ang tatlo. "Baket?..Sinong malandi?.." maangas na sabi ni Rhoi. "Tayo.. " landi ni Aldrin. Bigla silang nagkurutang apat.. Tawa ng tawa ang magpipinsan sa kakengkoyan ng apat na mokong.. Umepal ang Lolo ni Hannah. "Kids .. Dali na at nagmamadali yung tailor..Sa library.." tawag ng Lolo ni Hannah. "Ay.. Oo nga pala.. Lo si Darius po ang escort ko.." bulong ni HAzel.. Napasimangot ang Lolo ni Hannah.. "Ako din po Lo.. Si Romeo po.." nahihiyang bulong ni Khena. Lalong nagsimangot ang Lolo ni Hannah. "Sino ang partner ko?.." tanong ng Lolo.. Humagikgik sina Hazel at Khena.. "Out ka muna Lo.. Kahit munang teens.." pang aasar ni Hazel. Umirap ang Lolo nila . Nagtawanan lang ang mga kabataan at sumunod na sa Lolo. Sa Library.. Bwisit na bwisit ang baklang mananahi sa apat na makukulit.. "Hay nako.. Pano ko kayo masusukatan kung ang kukulit nyo?.." tanong ng bakla. Naglandian pa sina Romeo at Darius. "Eh kasi you touched my boobs eh.." angal ni Darius. Tawanan ang mga nasa loob. Umirap ang bakla at akmang susukatan si Romeo.. "Oh no.. Wag po.. Diyos ko.. " parang gagahasain ang reaksyon ni Romeo . Lalong umariba ng tawa ang mga babae.. Pati ang Lola ni Hannah ay enjoy na enjoy.

"Pano tayo matatapos?.. Hay nakooo.. Mabibiyak ang matris ko sa inyoooo !!!.." sigaw ng mananahi. Lalo lang tumawa ang mga lalake.. Halos isang oras natapos ang pagsusukat..

Gabi.. Abala ang lahat sa pag aayos ng mga gagamitin sa SAGALA.. Excited ang mga lalake dahil first time nilang sumabak sa ganitong prusisyon. "Pre.. Dapat ata mag video tayo.. First time to eh.." sabi ni Aldrin. "Oo nga.. Teka dala mo ba yong cam?.." tanong ni Rhoi kay Darius. Nag halungkat ang binata .. "Eto.. Pero sinong kukuha?.." tanong ni Darius. Nagkatinginan sila. "Nasan si Eric?.." tanong ni Romeo.. "Tangnang yon.. Parang ninja amf.." sabi ni Darius. "Hayaan nyo na. Baka natutulog lang sa kwarto nila ni Chichi." sabi ni Rhoi. Sumimangot si Romeo. May kumatok . Agad itong binuksan ni Aldrin. "Hi.." bungad ni Hazel.. Biglang bumalikwas ng bangon si Darius at tinulak ang kaibigan. "Hi.." bati ni Darius. Bungisngis si Hazel. "Kain na daw ng dinner.." sabi ng dalaga. Mabilis pa sa alas kwatro na nagtayuan ang mga lalake.

Sa sala.. Nagulat ang apat na alas dahil may bago..

"Hello.." bati ng magandang dalaga.. Natulala sina Romeo at Darius.. Sumimangot si Hazel at Khena. Agad naman tumabi si Rhoi kay Krissia dahil sa takot nya. Pati si Aldrin ay pasimpleng tumabi sa dalaga. "Sino ang magandang dilag na aking nasisilayan.." sabi ni Romeo. Bungisngis si Hannah. "Carla Era.. Ingat ka dyan sis.. " pakilala ni Hannah. Sumimangot si Khena. "Kain na .." singit ng dalaga at pairap na tiningnan si Romeo. Pangiti ngiti lang si Aldrin .. "Wheres the oldies..?.." tanong ni Rhoi. "Ay.. Nauna na kanina..GAnun talaga yon.. Maaga kasi kumakain ang mga taga rito.." paliwanag ni Hazel. "Si Chichi pre?.." tanong ni Romeo kay Eric. "Wala.. Tulog.." sabi lang ng binata.. "Gago.. Nasan nga?." kulit ni Romeo.. "Ay yung cute kid?.. Sinukatan din sya.. Kasali sya sa sagala.." sabi ni Hazel.. Napangiti si Romeo pero binantaan sya sa pamamagitan ng tingin ni Eric.. Inirapan lang sya ni Romeo at tumitig kay Carla Era.. "Hi. Can I ask you something?.." tanong ni Romeo. "Sure , Go ahead.." sagot ng dalaga. "Why are you so pretty?.." biglang banat ni Romeo. Halos masamid si Khena.. Nag blush si Carla .. "Grabe.. Di naman.. Ikaw din.. Your cute.." ganting papuri ni Carla. "Bagay tayo.." banat pa rin ni Romeo. NAgdabog na si Khena.. "Sis mabasag yung plate.." biro ni Hazel.

Inirapan lang sya ng dalaga. Masyang kumain ang lahat.. Panakaw na nagngingitian sina Aldrin at Hannah .. "Guys tulog kayo ng maaga.. Para fresh kayo.." sabi ni Hannah. Tumango ang lahat.

Maagang nagising si Aldrin.. Masarap ang naging pagtulog nya.. Paggising nya ay agad syang nag hilamos at nag text sa magulang.. Pinagtatapik nya ang mga kaibigan na nakanganga pa rin na natutulog.. Umatungal lang ang mga ito.. Mag isang lumabas ang binata at hinanap ang kanyang minamahal. Sa kusina nya ito natagpuan.. Nag titimpla ng kape.. "Hi.." bati ng binata. Namula si Hannah at pasimpleng nag ayos. "Morning .." bati nya sa binata. Nagkatitigan sila.. "Coffee?.." tanong ng dalaga. Tumango si Aldrin at naupo.. Nakangiting nag timpla ng kape ang dalaga.. Kagat labi nya itong inabot sa binata. "Tikman mo." sabi ni Hannah. Napangiti si Aldrin. Sumimsim sya.. "Wow.. Parang pang starbucks ito ah.." pang uuto ng binata. Ngumiti si Hannah. "Now I know kung ano ang timpla mo.'' sabi nya.

Nagkangitian sila.. "Mas maganda ka pala pag bagong gising." pang uuto ni Aldrin. Namula ang dalaga at pasimpleng nag ayos ng buhok. "Bolero ka talaga.. NAgmamana ka na kay Romeo.. " biro ng dalaga. Nagtawanan silang dalawa. "Wag mo ng babanggitin ang name nung bwisit na yon.." asar na sabi ni Aldrin. Nagbungisngis si Hannah. "Oo nga.. Laging wrong timing eh.." sabi ng dalaga. "Baket gusto mo din matuloy?." biglang banat ni Aldrin. NAg blush ang dalaga.. "Ah .. Eh.." wala syang mahanap na sasabihin. Ngumiti lang si Aldrin.. "It's Ok.. Ako nga bitin na bitin eh.." sabi ng binata. Napatango ang dalaga. Nagkatitigan sila. Parehong nakangiti. Sabay pa silang sumimsim ng kape. "Hannah.." bulong ni Aldrin. "Aldrin..".. ganting bulong ni Hannah. Ngiti.. "Romeo.." banat bigla ni Darius. "Darius.." sabi ni Romeo. Naghiwalay at naglayo agad ang upuan ng dalawa. "Putris talaga oh.. Wala bang marunong tumayming sa inyo?.." gigil na sabi ni Aldrin. Bungisngis ang dalawa. "Hoy.. Di lang kame no.. Kanina pa namin nahuli itong dalawa oh." turo ni Romeo. Nahihiyang lumabas sina Hazel at Khena.. Lalong namula si Hannah..

"Couz.. Ang sweet nyo pala pag kayong dalawa lang.." sabi ni Hazel. Ngumiti si Hannah.. "Kung nakita nyo lang sana ang nakita ko.. " banat ni Romeo pero bigla syang sinakal ni Aldrin. Tawanan na naman sila. Mabilis na lumipas ang mga sandali. Lahat excited na sa nalalapit na Sagala. Gabi ng mag kaaberya. Tarantang tinawagan ng Lola ni Hannah ang sastre na tumahi sa gown ng mga dalaga.. Tanging gown lang ni Chichi ang nayari.. Pati sa boys ay wala pa. "Damn !.. Nasan na ba yung baklang yon?." gigil na sabi ng Lolo ni Hannah. Nalungkot naman ang mga dalaga dahil gusto sana nilang mag malaki sa mga partners na lalake. "Out of coverage Tatay.." sabi ng Lola ni Hannah. Lihim na nagmura ang matandang lalake. Ang boys naman cool na cool lang na naglalandian sa isang tabi. Isang oras ang lumipas at talagang wala na ang mga damit nila.. Lumong lumo ang mga babae. "Sayang.. Akala ko naman magaling yung pinalit ni Lolo.." sabi ni Hazel. "Dapat yung dati na lang eh.." sabi ni Khena. Parang na drain ang energy ng mga babae. "Sis. Anung mangyayari na?.. Di na tuloy?.. " nanghihinayang na tanong ni Krissia kay Hannah. NAgkibit balikat lang ang dalaga. Biglang pumasok si Carla Era.. "Guys.. I heard may problema daw?.. Maybe I can help..Pero syempre kasali dapat ako sa Parade." sabi ni Carla. NAgliwanag ang mga mukha ng mga girls. "Oo nga pala.. May patahian kayo right?.. " tanong ni Hazel. Tumango ang dalaga.

Sumimangot si Khena.. "Anung kapalit?.." tanong ni Khena. Napangisi si Carla at nginuso si Romeo. "Ako ang partner nya." sabi ni Carla. Umangal si Khena. "No way.. Couz oh.." sumbong ni Khena sa nakatatandang pinsan. Nalito si Hannah. "Pero couz.. Wala tayong gown if di ka pumayag?.." sabi ni Hannah. Nagdabog si Khena at pasalampak na naupo sa sofa. Ngiting ngiti si Carla. "So.. Lahat naman siguro kasya sa inyo.. Sexy naman lahat eh.. " sabi ni Carla Era. Simangot lang si Khena. Walang marinig ang mga boys dahil naglalandian lang sila.. "Sinong kukuha pre?.." tanong ni Romeo. "Si Eric na lang .. "suhestyon ni Darius. Umangal si Eric. "Tae .. Eh kasali din ako..Ako ang escort ni Chichi e.." sabi nya.. NAgtawanan ang mga alas...Pero sumimangot si Romeo.. "Pwede namang kay Darius na lang partner mo.." sabi ni Rhoi.. Umangal si Eric. "Wag ganon.. Ang dadaya nyo eh.." sabi lang ni Eric. Lalo silang nag tawanan.. "Malay mo makakita tayo ng pwedeng pakiusapan mamaya.. Kung matutuloy.." sabi ni Romeo. Lahat sila nalungkot..

After an hour.. Nakabihis na ang mga girls.

Lahat sila lumabas na sa kwarto ni Hannah. Rumampa ang lahat sa harap ng mga boys. Napanganga ang mga lalake .. Si Aldrin naman di makapaniwala sa nakikita. "Pare. Baket?.." tanong ni Romeo. Tulala si Aldrin. "Yung suot nyang kwintas.. Pamilyar." sabi ng binata. Napatitig din si Romeo. "San ba galing yan?.." tanong ni Romeo. "Kay Mom yan.." sabi ni Aldrin. Nagtaka si Romeo. "Ha?.. Eh paanong nangyari yon?.. You mean nung natulog si Hannah sa house nyo.. Binigay ni Tita yan?.." tanong ni Romeo. Napalunok si Aldrin. "No pare.. Yan yung pamana sa akin ni Mommy nung bata pa ako.. Pero binigay ko kay Lelay.. " halos bulong na sabi ni Aldrin. Tulala na din si Romeo. "You mean pare.. Hannah and Lelay , Your childhood friend.." sabi ni Romeo. "Yes pare.. Mukhang iisa lang sila." sabi ng binata. Natahimik ang dalawa ng isa isa ng lumapit ang mga partners nila.

Nag umpisa na ang sagala. Natulala ang lahat ng makita si Chichi . Kung di nila kilala ang bata ay iisipin nilang dalaga na ito.. Nakaramdam ng inggit si Romeo kay Eric. Una sa sagala ang mga imahen ng kung ano anong santo. Sunod sina Chichi at Eric. Darius at Hazel. Krissia at Rhoi.

Romeo at si Carla Era ang nagpartner dahil nag tantrums na si Khena... Si Aldrin at Hannah ang huli sa pila dahil si Hannah ang Reyna Elena.. Namangha ang mga kasambahay nila. Maging ang dalawang matanda ay bilib sa naging ayos ng prosisyon. "So Game na .. Sinong kukuha?.." tanong ni Darius. Tumingin sila sa paligid.. "Psst.. Pre.. Marunong ka nito?.." tanong ni Romeo. Lumapit ang isang lalake. "Ay oo.. Grabe.. Kahit dito na lang ang papel ko.. Dati ako partner ni Hazel eh.." sabi nung lalake. "Haha.. Anong name mo pre?.." tanong ni Darius. "Borgz pre.." sabi ng lalake. "Borgz?.. Baket robot ka?.." asar ni Rhoi. Tumawa lang si Borgz at nagsimula ng kumuha ng footage.. Pumwesto na ang mga kasali sa prosisyon. MAgsisimula na sana ang prosisyon ng biglang humabol si Khena. "Sali.." sabi nito. Nagbungisngisan ang mga babae. "Hala.. Kaninong partner ka?.." tanong ni Carla.. "Dito. Dito dapat ako eh... So dalawa tayo." sabi ni Khena sabay kapit sa kamay ni Romeo. Napakamot ng ulo ang binata. "Ang sikip na eh.." angal ni Romeo. "Magtiis ka.. Kung sino sino pinapagayan mo eh.." sabi ni Khena. Inirapan nya si Carla.. Tumawa lang ang babae at di na pinansin ang dalaga. "Sige na.. Start na .." sabi ng Lola ni Hannah. Lumakad na ang mga nasa unahan.. Mabagal silang umikot sa hasyenda .. Palabas ng bayan.

Halos abutin ng isang oras ang paglalakad nila.. Tahimik si Aldrin at Hannah . Pangiti ngiti lang sila. Ng sa wakas natapos na ang prosisyon kung saan sila nag simula. Naghanda ng salo salo ang Lolo at Lola ni Hannah.. "Nice mga apo.. Kain na." sigaw ng Lola ni Hannah. Tumalilis sina Aldrin at Hannah papunta sa isang gilid ng mansyon. Magkahawak kamay nilang binagtas ang madilim na daan papunta sa ilog. Tahimik silang pareho. Halos lumipas ang ilang minuto bago basagin ni Hannah ang katahimikan. "Pot.." bulong ni Hannah. Natawa ng bahaw si Aldrin. "All this time niloko mo ko." mapait na sabi ng binata.. Nagulat si Hannah. "Galit ka?.." tanong ng dalaga. "What do you expect me to feel?.. Matagal mo na akong pinaglihiman." bulong ni Aldrin. Naupo sya sa damuhan at dumampot ng bato. Binato nya ito sa ilog.. Tumabi si Hannah. "Sorry.." sabi lang ng dalaga. Katahimikan.. Nagpakiramdaman sila. Nagsisimula ng mangilid ang luha ng dalaga. "Pot.." untag ni Hannah. Huminga ng malalim si Potpot at tumitig kay Lelay. "Lelay.. Matagal kitang hinanap.." sabi ni Potpot. "Ako rin Pot.. Hinintay kita . Alam kong di mo ko nakikita pero maniwala ka kapag sinabi ko sayong halos araw araw akong nag aabang sa gate ng malaking bahay nyo.." naiiyak na sabi ni

Lelay. Galit pa rin ang pakiramdam ni Potpot. Pakiramdam nya ay naisahan sya dahil matagal na palang tinatago ni Lelay ang nalalaman nito. Pero unti unti itong naglalaho dahil sa nakikitang luha sa gilid ng mga mata ng kababata.. "Sumulat ako.. Ilang beses.. Lahat bumabalik.. Pero di ako sumuko.. Every summer nagpupunta ako kina Lolo para hanapin ka... Nagpunta ako sa lumang bahay nyo.. Pero wala ng tao." sabi ni Potpot. Ngumiti ng malungkot si Lelay. "Lumipat kame ni Naynay.. Nahanap kami nila Lolo .. Di ko alam na may Lolo at Lola pa pala ako.. Pero hinanap din kita Pot.. Kung alam mo lang ang hirap ng paghahanap ko sayo.. Sana wag ka ng magalit.." naiiyak na sabi ni Lelay. Tumigin sa malayo si Potpot .. "Pot.." mahinang tawag ni Lelay. Dahan dahang lumingon si Potpot sa kababata.. Napuno ng pagmamahal ang kanyang pakiramdam.. "Di na ako galit.. Namiss kita.." sabi ni Potpot. Ngumiti si Lelay.. Pinahid ni Potpot ang luha sa pisngi ng dalaga. "Sabi ko wag ka na iiyak." sabi ni Potpot. Natawa ang dalaga. "Kaw kasi eh." sabi lang ni Lelay. Nagtawanan sila ng mahina. "Lelay.. " bulong ni Potpot. "Potpot.." ganting bulong ng dalaga. Katahimikan. Tanging huni ng mga kuliglig ang naririnig nila.. Kasabay ng papalakas na tibok ng mga puso. "Mahal kita.. Mula noon.. Hanggang ngayon.." pag amin ni Potpot.. Namula si Lelay. "Mahal din kita Pot..Mula noon .. Lalo na ngayon.." pag amin ni Lelay. Ngumiti sila sa isa't isa.

Sumandal si Lelay sa balikat ng kababata.. Parehas nilang tiningnan ang tahimik na pag agos ng ilog sa harap nila. "Lelay.. " bulong ni Potpot.. Lumingon ang dalaga.. Nagtama ang kanilang mga mata. Bumilis ang kanilang tibok ng puso. "Pot." bulong ng dalaga.. Napapikit si Lelay ng unti unting lumapit ang mukha ng kababata nya. Halos mabingi na sya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. "Mahal kita.." bulong ni Potpot.. Sasagot pa sana si Lelay pero tuluyan ng nasakop ng labi ni Potpot ang mga labi nya. Napapikit sya ng mariin at dinama ang unang halik. Sa parte ni Potpot ay di sya makapaniwala.. Batid nya na ang sarap na maaring maramdaman pero nagulat pa rin sya sa lakas ng intensidad ng pagdampi ng sariling mga labi sa labi ng minamahal. Dampi lang. Pero hatid nito ang laksa laksang emosyon na di na nila kaya pang pangalanan. Hinawakan ni Potpot ang pisngi ng dalaga.. Dahilan para lalo pang lumalim ang kanilang masarap na paghahalikan.. Napayakap si Lelay sa binata. Pumaikot ang kanyang mga braso sa leeg ni Potpot at lalo pang diniin ang sarili sa kanyang minamahal. Napakasarap ng kanilang nararamdaman. Ito ang kanilang unang halik.. Wala ng istorbo. Ilang minuto ang lumipas. Nakangiting naghiwalay ang dalawa. NAgtitigan sila.. Namula si Lelay . Pasimple syang yumakap sa kababata at humimlay sa balikat nito.

Sa wakas.. Nahanap na din kita.. sabi ni Potpot. Di naman ako nawala Pot.. bulong ni Lelay. Ngumiti Potpot sabay pinalibot ang kaliwang braso sa bewang ng dalaga. Lalo nya pa itong nilapit sa kanya. Alam ko.. Nasa puso kita.. Mula noon ..Hanggang ngayon.. bulong ng binata. Napangiti si Hannah.. Ako rin Pot.. bulong nya. Katahimikan. Mahal na mahal kita. bulong ni Potpot sa tenga ni Hannah. Mahal na mahal din kita.. bulong ni Lelay. Muling nagtitigan ang dalawa. Sa ikalawang pagkakataon.Nagtagpo ang kanilang mga labi.. Tulad ng nauna.. Walang katulad na sarap ang bumalot sa pagkatao nila. Halik ng may halong nag uumapaw na damdamin. Sa wakas. Nakita na din ni Potpot ang matagal nya ng hinahanap. Queen of Hearts.. bulong ni Potpot. Napangiti si Lelay at sya na ang nagsara muli ng kanilang mga labi. Chapter 22 Kwadro Alas !

"Tol.. Nasan na sila Hannah?.." tanong ni Romeo kay Darius. "Yi ngo ngalam.." bulol na sagot ni Darius.. Binatukan siya ni Rhoi.. "Putris ka kasi.. Lunukin mo muna yang kinakain mo bago ka magsalita.." sabi ni Rhoi Lumunok si Darius.. Pero agad ding nagsubo ng panibagong pagkain.. Napailing na lang sina Romeo at Rhoi.. "Lolo , Lola .. Wheres Hannah?.." tanong ni Romeo..

Napaisip ang dalawang matanda.. "Oo nga no.. Nasan na kaya yung batang yon?.." sabi ng Lola. Sumimangot ang Lolo. "Tinanan na siguro nung magaling na lalaki.. !.. Hala.. Tawagin ang mga gwardya ! .. Manhunt !.." matigas na sabi ng Lolo. Kinurot naman sya ng Lola. "Tanan na agad?.. Di ba pwedeng namasyal lang muna?.." pakwela ni Lola. Natawa sina Romeo at Rhoi.. Ilang saglit pa ay lumabas galing sa kung saan sina Aldrin at Hannah.. Natigil ang lahat .. "Oh baket?.." taray ni Hannah. Napangisi sina Romeo at Rhoi.. Si Darius nalaglag ang kagat kagat na hita ng manok.. Tulala din sina Krissia , Khena at Hazel.. Nakatingin lang silang lahat sa magkahawak kamay ng dalawang nilalang.. Tarantang nagbitiw si Hannah ng kamay pero mahigpit itong hinawakan ni Aldrin. "Let them know.. They're my brothers.." sabi ni Aldrin. Namula si Hannah at tila nahiya.. Ngiting ngiti si Aldrin na lumapit sa mga kaibigan.. Nanlalaki ang mga butas ng ilong na inasway sway pa ang mga kamay nila ni Hannah na magkahugpong. Wala pa ring makapagsalita. Binasag ni Romeo ang katahimikan. "S-saan kayo galing?." tanong ni Romeo. Ngumit lalo si Aldrin na kita ang gums.. Nginuso ang direksyon papunta sa ilog.. Parang iisang tao na sabay sabay napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng dalawa.. Napalunok si Rhoi.. "You mean to say?.. May nangyari sa inyo?.." bulong ni Rhoi..

Nagulat si Hannah. Bungisngis naman sina Romeo at Darius. "Oy.. It's now what you think.." depensa ni Hannah. Pulang pula ang kanyang mukha. "Pero pre.. Bakit pawisan ka?.." landi ni Romeo.. Natawa si Aldrin. "First time namin pareho..." bulong ni Aldrin. Lalong umulan ng tuksuhan.. Si Hannah kinurot ang binata .. Tumawa lang sina Romeo .. Hiyang hiya naman ang dalaga.. "Anung feeling pre?.." tanong ni Darius.. Parang nangarap ng gising si Aldrin. "Heaven.. Ganun pala talaga pag first time mo..Memorable.." ngiting ngiti si Potpot. Nag tilian ang mga girls.. Hiyang hiya na si Hannah .. Di naman nya maawat ang binata dahil wala naman itong sinasabing mali.. "Kayo na ba sis?.." ngiting tanong ni Krissia. Lalong umugong ang tuksuhan.. Nagkatinginan ang dalawa.. Si Aldrin na ang sumagot. "What do you think?.." sabi ni Aldrin. Lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Hannah.. Hinapit nya pa ito palapit sa kanya. Tilian naman ang mga girls.. "Nice one Pot.. Pero paano na si .." sabat ni Romeo. Sinaway sya ni Rhoi. "Pare .. Wag kang KJ .. Kita mo ng masaya na ang utol natin eh." saway ni Rhoi.. Pero umawat si Aldrin.

"It's ok pre.. Actually there's something I want you guys to know.." nakangiting sabi ni Aldrin. Nanlaki ang mga mata ni Darius.. "You mean positive?..Wow.. Congratz tol.." bati ni Darius. Nagtawanan ang mga boys.. Biglang binatukan ni Hannah si Darius.. "It's not what you think." sabi ng dalaga sabay irap.. Tawanan na naman sila. Tumikhim si Aldrin. "Actually.. It's about Lelay.." sabi ni Aldrin. Nagseryoso sina Romeo at Rhoi. "Pare .. Is it okay kay Hannah na banggitin ang childhood love mo?.." tanong ni Rhoi. Napatingin si Romeo sa kwintas ni Hannah. Napaisip.. Biglang tila nagliwanag ang kanyang mga mata. "Don't tell me pare.." sabi ni Romeo. Tumango si Aldrin. "Wow.. I can't belive it.." humahangang sabi ni Romeo. Nacurious sina Rhoi, Darius at Krissia.. Ngiti lang sina Hazel at Khena dahil batid na nila ang katotohanan. "Anu ba yon?." tanong ni Krissia. Ngiting ngiti si Aldrin. "Lelay and Hannah.. Iisa sila.. Eto ang katibayan.." sabi ni Aldrin. Hinimas nya ang suot na kwintas ni Lelay.. "Wow.. Di nga?.. Ang galingg.." tili ni Krissia.. NAmangha naman sina Rhoi at Darius. "Pare.. Mukhang nakatadhana talaga kayo sa isa't isa.. Mukhang nakatadhanang maghirap si Hannah sa piling mo." biro ni Rhoi. Kinurot sya ni Aldrin.

"Ang bad bad mo.." landi ni Aldrin. "Eh kasi ang landi mo eh.." sagot ni Rhoi.. "Akala ko ba tayo ang nakatadhana?.." tampong sabi ni Darius. "Aba aba.. Ang haharot nyo.. Um .. Ikaw maharat ka masyado.. Bakat ang nipples mo.. Um.." pinagkukurot ni Romeo ang mga kaibigan.. Sabay sabay naman itong gumanti sa kanya. "Ahahayyy.. tama na poww... Ahahayyy.. " tili ni Romeo. Tawanan ang lahat. Masayang masaya ang feeling ni Hannah. Tila kuntento na sya sa buhay nya.. "Ay couz.. Sa plaza tayo.." suhesyton ni Hazel. Nacurious ang mga boys.. "Ay oo nga ate.. Pasyal natin sila.. Uuwi na kayo tomorrow right?.." parang malungkot na sabi ni Khena. Nabahiran ng lungkot ang atmosphere nila sa sinabi ng dalaga. Tumabi si Romeo kay Khena sabay bulong.. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at biglang hinampas ang binata..Tawa ito ng tawa.. "Anung sinabi mo pre?." tanong ni Rhoi. Ngumiti si Romeo ng malisyoso. "Sekwwweeeettt.." landi ni Romeo. Nagtawanan na lang sila. "Tara.. Tara Pot.." aya ni Lelay.. Agad naman lumapit si Aldrin at pasimpleng hinawakan ang kamay ng dalaga.. "Ayeeee... Ang swet nyo.. Kakadiri kayo.. " asar ni Darius. Inirapan lang sya ni Aldrin. "Selos ka lang.. Malapit ka na rin baboy.. Yari ka sa book 2.." pang aasar ni Aldrin. Di naman sya pinansin ni Darius.. Tumabi ito kay Hazel.. "Tara.. Paalam muna tayo sa mga gurangers.." sabi ni Romeo. Nagtawanan sila..

Di pa sila lumalapit sa mga matatanda ay pinayagan na sila nito. "Wag masyado papagabi ha?.. Wag titikim ng alak.." bilin ng Lola. Ngumiti lang ang Lolo. "Kita mo yung Lolo mo Hannah. Galing ba sa gyera yan?.." bulong ni Rhoi. Napabungisngis sina Hannah at mga pinsan nya. "Oo.. Ang alam ko sila yung tinatawag na beterano sa digmaan.. Ang kwento sakin ni Nanay dati, nakuha daw ni Lolo itong lupa dahil sa pagtatanggol nya dito.. Kaya binigay sa kanya.. Parang reward.. May bestfriend yan si Lolo. Syang .. Papakita ko sa inyo paguwi natin.. " nakangiting imporma ni Hannah. Hinatak sya ni Aldrin. "Don't mind them my Queen.. Just mind us.. Isipin mong tayo lang ang nandito.." bulong ni Potpot. Kinilig si Hannah . Sinunod nya ang payo ng minamahal.. Nagpauna sila ng lakad.. "Teka bakit tayo naglalakad?.." angal ni Darius. Humilig sa balikat nya si Hazel. "Ayaw mo?.." bulong ng dalaga. "Sabi ko nga bakit ang bilis nating maglakad?.." nakangising banat ni Tabar.. Kinilig naman si Hazel.. Si Rhoi tila nainggit kaya pasimpleng dinikitan si Krissia. Ngumisi si Krissia.. Sya na ang naglagay ng kamay nya sa braso ng bestfriend nya.. Parang nahiya naman si Rhoi.. Pakiming ngumiti at nag beautiful eyes.. Si Romeo at Khena ang nasa hulihan.. Patingin tingin si Khena sa binata.. Nais nyang ikawit ang braso at gayahin ang ginawa ni Krissia pero talagang inaatake sya ng hiya.. Pasimple nyang dinikit ang katawan sa binata.. Ngumiti lang si Romeo.. Nag blush ang dalaga... Biglang may sumitsit.. Napalingon sila. "Oh.?.." tanong ni Romeo.

Humahangos na dumating sina Borgz at Carla.. "Sama.." sabi ni Borgz.. Hawak nya pa ang videocam ni Darius. "Sige.. Dun ka sa unahan tapos kunan mo kami habang gumagawa ng milagro sa dilim.." banat ni Romeo. Nagtawanan ang mga lalake.. Pero nakatikim sila ng matitinding kurot sa mga babae. Tumabi si Carla sa kabilang panig ni Romeo at walang sabi sabing kinawit ang braso sa braso ng binata.. NApasimangot si Khena.. NAgdabog.. Akmang aalis pero hinatak sya ni Romeo at ito na mismo ang naglagay sa braso nya.. Napangiti si Khena pero ng makita nya si Carla ay agad syang nagselos. Nagpatuloy na sila sa paglalakad.. "Malayo pa ba?.." angal ni Darius. "Tangnang to.. Kakasimula lang nating maglakad eh..Pero malayo pa ba?." banat ni Rhoi. Muli silang naghagikgikan. "Ayun na o.. Yung maliwanag.." turo ni Hannah. Natakot si Romeo. "Sabi nila.. Don't follow the lights.. " biro ni Romeo. Bigla syang nakatikim ng batok galing kay Krissia. "Tangek.. Sa mga nag aagaw buhay yon eh.. Gusto mong mag agaw buhay?.." taray ni Krissia. "Wahihi.." sagot lang ni Romeo. Lakad ulit sila. "Teka pre.. Sina Chichi?.." tanong ni Romeo.. Nagtaka din ang mga boys. "Oo nga.. Si Eric mula nung parada di ko na nakita.." sagot ni Aldrin.. Napaisip sila. "Ay.. Parang nakita ko syang may kausap na girl kanina..Pero kinuha ko ng food si Rhoi eh kaya di ko na alam kung saan na silang lupalop nagpunta.. Si Chichi kulit bagsak sa pagod at sa

dami ng kinain...." sabi ni Krissia. Napatango ang lahat. "Parang kabute ampota.. " bulong ni Romeo. Lakad ulit.. Sa wakas narating na nila ang plaza.. Napakaraming tao .. "Wow.. Di ako sanay sa ganito kadaming tao.. Mga tol.. Ingat.." sabi ni Romeo. Naging alerto ang mga boys.. Nagtaka ang girls. "Baket?.." tanong ni Hannah. "Kasi.. Kapag ganito karami ang crowd. Di namin macocontrol.. Kadalasan dinudumog kami.. Kaya please itago nyo kame." makaawa ni Darius. Bigla silang sumabog sa tawa. "Kakapal ng face ah.." taray ni Hazel. Bungisngis si Krissia. "NAalala ko tuloy yung foundation day eh.." tatawa tawang sabi ni Krissia.. Nacurious ang iba. "Baket?.. " tanong ni Borgz.. "Eh kasi.. Nag iisip kami ng booth na pwedeng ipang talo nuon sa ibang section.. So naisip namin na gumawa ng parang wedding booth. Nagclick naman... Pero iba ang trip ng apat na to." pinigil ni Krissia ang matawa.. Pero talagang natawa na sya. Kumalas sa pagkakakapit sa mga babae ang mga boys at malungkot na nagkapit bisig. "Mga mare.. Bakit ganyan sya.?.. Talagang ichichismis nya tayo?.." malungkot na sabi ni Darius. "Pasensya na mare.. Di ko na sya macontrol.. Lately ... Puro gulpi na ang inaabot ko.. Pasensya na talaga at wala akong magawa. " banat ni Rhoi.. "Anu pa nga ba?.. Mukhang malalaman na nila ang isa sa mga tinatago nating sikreto.." bulong ni Romeo. "Kapit lang mga mare ko.. At least we have each other .. Let's face it together with a smile in our lips.. " landi ni Aldrin. Kapit bisig ang mga alas.

Lalong nacurious ang mga girls.. "Anu bang ginawa nila?." tanong ni Hannah. Tawa ng tawa si Krissia..Pinagtuturo ang apat na alas. "Hala.. Sis mamaya na tawa.. " pati sina Hazel natatawa na rin. Huminga ng malalim si Krissia. Pinahid ang luha na nangilid sa mata.. "Phew.. Sakit sa tyan talaga.. Kahit ilang ulit kong ikwento.. Natatawa pa rin ako.. " sabi ni Krissia. "Sis naman eh.. Wag mambitin.. " angal ni Hannah.. "Ganito kasi yon.." bitin nya sabay titig sa apat na alas na talagang nagkakapit bisig.. Lalong natawa si Krissia. "Kwento na sis." kulit ni Khena. "Kasi . Kasi .. May booth kame.. Wedding booth. Eh sabi nitong apat na to.. Mahina daw yung kita. Pero halos kalahati ng campus nag register sa amin.. So sabi nga nila mahina daw yung kita.. Kaya umuwi sila ng maaga.. The next day nagulat na lang ako.. May katabi na yung booth namin.. 4 Ace for hire.. ang title.. Ahaha..." lalong natawa si Krissia. Di pa naman natatapos ang kwento parang alam na ni Hannah ang nangyari.. Maging sya ay di na mapigilan ang tawa.. Naglungkot lungkutan ang mga boys.. "Ngek.. Anung for hire?.. Anung gagawin nila?.." tanong ni Khena. "Ayun.. May nakalagay na 1 kiss equals 100 pesos daw.. Ang kakapal.." sabi ni Krissia. Nagtawanan ang mga girls.. "We?.. Nag click naman ba?.." tanong ni Carla.. Lalong natawa si Krissia. "Wala.. As in nilangaw.. Wahahaha... Ay wait may nag try pala .. Ahahaha.." kwento pa ni Krissia. Lalong nalungkot ang mga boys.. "We?.. May pumatol?.." tanong ni Hannah. "Oo .. Ahaha.. yung grupo ng mga bading.. Grabe.. Kuntodo amerikana pa si Darius.. Si Aldrin naman naka Long sleeve tapos slacks.. Si Rhoi naka barong.. Tapos si Romeo naka Polo and slacks with matching Kurbata.. Mga naka business attire tapos mga bading ang customers.. Ahahahaha.. Magkano kinita nyo non guys?.." pang aasar ni Krissia.

Inirapan sya ng mga boys.. Magkano mga idol?.. tanong ni Borgz.. Sumimangot si Romeo. Ayaw ko ng maalala yan.. sabi ni Aldrin. Ikaw ang may pakana nyan eh.. paninisi ni Darius kay Romeo... Hoy. Kunwari ka pa.. Bakit ka naka Amerikana?.. sumbat ni Romeo. Kayo kasi eh. paninisi ni Rhoi. Gago.. Ikaw nga nag Barong Tagalog.. Ano ka Congressman?.. sigaw ni Aldrin.. Lahat sila nagsimangot at tila nakaalala ng isang bangungot.. Pahiya sila eh..Hahaha.. tawa ng tawa si Krissia. Magkano kinita nyo mga idol ?.. tanong ni Borgz.. Wag ka makulet .. asar na sabi ni Romeo.. Natawa lalo si Krissia kaya sya ang tinanong ni Borgz.. Kano kinita nila?.. tanong ni Borgz. 27.50 aahahahaha... Teka nagbayad ba yung mga bading.?.. hahaha.. tawa ng tawa si Krissia. Lalong nagsimangot ang mga boys.. Guys.. Sa susunod ipaalala nyo sa akin na kapag may Idea si Romeo.. Wag na nating susundin.. bilin ni Darius.. Sumang ayon ang sina Rhoi at Aldrin. Sumimangot si Romeo. Mga pusit !.. sigaw nya.. Tawanan lang sila. "Kahit na.. Idol ko pa rin kayo.." humahangang sabi ni Borgz..

Pumwesto na sila sa gitna. Pinagtitinginan sila ng mga tao. "Parang ngayon lang sila nakakita ng mga tao.. Siguro bihira silang madalaw ng mga artista.." nakangising sabi ni Rhoi. "Tomo.. Look mo yung isa o.. Nakanganga pa.. " turo ni Darius.

Nag bungisngisan na lang sila. Biglang may nagsalita. "Ladies and Gentleman.. Lapit na po sa mga gustong sumali sa ating patimpalak.." sabi ng announcer.. Nagsilapitan ang mga tao. "Anung meron koya?." tanong ni Romeo sa lalaking katabi nya. "Ah.. Eating contest yan.. " sabi ng lalake. "Ah.. May premyo?.." tanong ni Romeo. "Oo ata. Limang libo.." sagot ng lalake. Napangisi si Romeo sabay sulyap kay Darius na nagpapacute kay Hazel. "Salamat manong.. Saan ang registration?.." tanong ni Romeo. Tinuro naman ng lalake. Biglang nawala si Romeo. "Guys. Maya maya may pasayaw dito.." sabi ni Hazel. Nagliwanag ang mata ni Krissia at Hannah. "Like it.." sabi ni Krissia. "Me too sis.." sagot ni Hannah.. "Me three.." landi ni Rhoi. "Me four.." sabat ni Aldrin. Nag bungisngisan sila. Sumulpot si Romeo.. Agad nitong inakbayan si Darius. "Pre.. Gutom ka pa?.." bulong ni Romeo. Napaisip si Darius. Medyo.. sagot ng binata. Lalong napangisi si Romeo. Hinatak nya ang kaibigan at pinwesto sa tapat ng mesa.. Yan pre.. Libre.. Kainin mo ang lahat ng makakaya mo.. Pero bilisan mo kasi baka mapansin nila tayo at sabihin na swapang tayo.. Gets mo?.. sabi ni Romeo. Nanlaki ang mga mata ni Darius..Natakam at naglaway sa dami ng pagkain na nakahatag sa

mesa. Libre to?.. parang di naniniwalang tanong ni Darius. Sumimangot si Romeo. Kailan ba kita niloko?.. tanong ni Romeo. Natawa si Darius. Gusto mo sagutin kita?. nakangising sagot nya. Wag na .. Pero maniwala ka pre.. Libre yan.. Kita mo yung mga katabi mo.. Gusto na nilang lantakan o.. Pero may patakaran ata dito.. Kailangan ka orasan.. Kapag di mo naubos agad.. Babayaran natin to. pananakot ni Romeo. Tila nachallenge si Darius.. Are you challenging me?.. pagyayabang ni Darius. Tinitigan sya ni Romeo. Pare.. May tiwala ako sayo.. Alam kong mauubos mo yan within the time limit.. Pero ang tanong ko.. KAya mo bang mauna sa kanila?.. tanong ni Romeo. Lalong tila na inspire si Darius. Wala ka tiwala pre?.. Akala ko brothers tayo?.. nagtatampong sabi ni Darius. Inakbayan sya ni Romeo. Malaki.. Tama ka .. Dapat akong magtiwala sayo.. Kaya Go bro !.. Beat them !.. Ikaw ang panalo sa puso ko.. taos pusong pang uuto ni Romeo. Natouch si Darius.. Gagawin ko ang makakaya ko pre.. Sige na.. Dun ka na at icheer nyo ko.. sabi ni Darius. Ngumiti si Romeo.. Binigyan nya pa ng beso si Darius sabay alis.. Nag warm up si Darius.. Si Romeo ay nilapitan ang mga kasamahan. Guys.. Sumali si Tabar sa eating contest.. Ayun o.. turo ni Romeo. Nagulat sina Hazel. Hala.. Kakakain lang natin.. Baka matalo sya?.. nag aalalang tanong ni Hazel. NAtawa sina Aldrin at Rhoi. Kung may contest na palakasan kumain.. 3 Thumbs up para kay Darius.. Dont worry. May butas ang tyan nyan kaya mananalo sya.. tatawa tawang sabi ni Rhoi. Nagtaka si Aldrin.

Contest?.. Eh di may premyo?.. tanong ni Aldrin. Agad na umepal si Romeo. Yap.. Pero maliit lang.. At nagdecide si Darius na wag ng kunin at idonate na lang sa charity.. Alam nyo naman ang tropa natin.. Masyado ng mapera.. Di nya kailangan non.. At isa pa.. Mahilig talaga syang mag kawang gawa.. kwento ni Romeo. Lalong humanga sina Hazel .. Tara i cheer natin sya.. excited na sabi ni Hazel. Tumango ang lahat at lumapit sa harap ng stage.. Kita nila ang kaibigan na nasa bandang gitna .. NAg wawarm up ito. Go Darius !.. tili ni Hazel. Napangiti si Darius. NAg thumbs up si Romeo. May tiwala ako sayo pre.. sigaw ni Romeo. Nakangisi lang ang binata at tila iniisip na ang mapapanalunan na premyo.... Nagsimula na ang contest.. Agad na inuna ni Darius ang malaking hiwa ng malagkit.. Mabilis nya itong nilantakan na parang marshmallows.. Sinunod nya ang kalamay.. Dinakot at sinaksak sa bunganga. Mabilis nyang nakalahati ang laman ng bilao. Pare.. Mabagal ka !.. pananakot ni Romeo. Sa narinig ay lalong dinoble ni Darius ang pagkain.. Bigla nyang tinaas ang bilao sabay sinaksak sa bibig.. NAg hiyawan ang mga tao. Pumutok ang warning shot . Panalo na si Darius.. Whoa.. Record yon ah.. We have a winner.. 12 seconds flat.. Ang nanalo ay ang matakaw na binata na ito..Palakpakan natin sya.. sabi ng announcer.. Nag request ng speech ang announcer pero tumanggi si Romeo. "Ako ang manager nya.. Hayaan nyong makapagpahinga ang kampeon.. " sabi ni Romeo.

Tumango ang announcer.. Palakpakan ang crowd. Hinatid ni Romeo si Darius sa mga kaibigan. Agad na inabutan ng tubig ni Hazel ang binata. Ilang saglit pa ay nakahinga na ito. "Panis pre.. " .. sabi ni Rhoi. Ngumiti si Darius. Nagulat sya ng yakapin sya ni Hazel. "Im so proud of you.. Ang bait mo pala.. " humahangang sabi ng dalaga. Napakunot noo si Darius. Natawa si Aldrin at pasimpleng siniko ang kaibigan. "Wag ka na magmaang maangan pre.. Ikaw ha.." sabi ni Aldrin. Ngumiti na lang si Darius pero di nya alam kung ano ang kahanga hanga sa ginawa nyang pagkain. Biglang sumulpot si Romeo. Nakangisi na ito. "Im so proud of you mare. Talagang di mo kami binigo.." proud na pang uuto ni Romeo. Nagkamay sila ni Darius .. Nagyabang pa ang binata. "Sabi ko sayo eh.. Tiwala lang.. Pero nagtataka ako kung bakit sinabi ni Hazel na ang bait ko daw.." tanong ni Darius.. Kinabahan si Romeo..Agad nag isip. "Ah.. Syempre.. Sinabi ko kasi na pinilit lang kita.. Pumayag ka naman di ba?.. Kaya naisip siguro nya na ang bait mong kaibigan.. Di mo ko pinahiya.. Wag na natin pag usapan yan.. Pahinga ka nga pre.. Dito dito.. May upuan akong nireserve para sayo.." inakay ni Romeo si Darius. Nagtaka si Darius .. "Ang bait mo ah.." sabi ni Darius. Ngumiti si Romeo. "Pare naman eh.. Wag mo na ako pansinin at nahihiya ako.. Sige na.. Syempre pinilit kita kaya eto ang kapalit.. Nauuhaw ka ba?.." tanong ni Romeo. Sumunod ang iba sa kanila at nag siupuan. "Pare.. Kailan naging mabait tong mokong na to?.." tanong ni Darius sa mga kapwa alas..

Nag isip naman sina Rhoi at Aldrin. "Wag mong itanong yan.. Di ko pa naiisip ang sagot dyan.." biro ni Aldrin. Natawa ang mga girls. "Tama.. Kahit sa encyclopedia.. Wala ang kasagutan.." sabi ni Rhoi. Nalungkot si Romeo. "Guys.. Syempre may good traits din naman ang Ace of Spades. Pahinga na muna tayo .. Mukhang may sayawan ah.." pag iiba ni Romeo. Nagliwanag ang mga mata ng iba. "Oo nga.. Maya maya mag sisimula na yata yan.." excited na sabi ni Krissia. Niyakap nya ang isang braso kay Rhoi. Ngumiti naman si Rhoi. Si Darius hinihimas ang tyan.. Tumabi sa kanya si Hazel.. "Okay ka na?.." masuyong tanong ng dalaga. Ngumiti si Darius at tumango. Hinilig ng dalaga ang ulo sa balikat ng binata. Si Romeo naupo .. Tumabi sa kanya si Khena .. Si Carla napasimangot dahil wala ng upuan. "Psst.." sinitsitan nya si Borgz na kumukuha ng video. "Oy.." sagot ng binata.. "Paupo ka naman." lambing ni Carla. Napakamot si Borgz sa batok.. "Lekat na .. Oh." inabot ang sariling upuan sa dalaga. Dali dali namang pinwesto ni Carla sa kabilang panig ni Romeo ang upuan. Tumabi sya sa binata. Napasimangot na naman si Khena. Nag iba ang music.. Naging maharot. "Okay people.. Lets dance.." sabi ng DJ..

Tilian ang mga girls.. Tumayo si Rhoi.. "Come, Queen of Clubs." aya nya kay Krissia. Inabot naman ng dalaga ang kamay sa binata. Ngumiti si Hannah .. Pasimple syang napatingin kay Aldrin. Pero nakatingin lang ang binata sa mga nagsasayaw.. Siniko nya ang binata.. Hoy !. untag ni Hannah sa binata. Tila natauhan naman si Aldrin. Ay.. Tara na Queen of Hearts.. Lets show them what we got.. angas ni Aldrin. Sina Romeo at Darius nananatiling nakaupo. Pare ok ka na?.. tanong ni Romeo. Tumango si Darius.. Okay na .. Pero maya maya na ako.. Baka magka appendicitis ako.. biro ni Darius... Niyakap ni Hazel ang braso sa braso ng binata.. "Samahan kita.." sagot ng dalaga. Napangiti si Darius. Si Khena kanina pa nangangati ang mga paa.. Pasimple nyang tinapik tapik ang mga paa para iparinig kay Romeo. "Gusto mo sumayaw?.." tanong ni Carla. Agad napalingon si Khena . "Hmm.. Maya na.." sabi ni Romeo.. Natawa si Khena.. Buti nga.. bulong nya. "May sinasabi ka?.." taray ni Carla. "Wala po.." sagot ni Khena.. Inirapan ang dalaga. Natawa si Romeo at hinawakan ang mga ulo ng dalawang dalaga.

Nagulat ang mga ito ng bigla nyang pag umpugin ng mahina.. "What was that for?.." taray ni Khena. Kumibit balikat lang si Romeo. "Ang gugulo nyo eh.." sabi ng binata. Nagbungisngisan na lang sila. Ang bad mo.. sabi ni Carla. "Duh !.. Ace of spades nga di ba?.. " sabi ni Romeo. Napangiti na lang si Khena. Sa dance floor.. Maharot ang tugtugin. Pero kataka takang magkayakap sina Aldrin at Hannah. Di nila alintana ang mga tao. Tila sila lamang ang nasa dance floor.. "Your so pretty.." pang uuto ni Aldrin. Nag blush si Hannah.. Parang di pa sya nasasanay sa direktang papuri ng binata sa kanya. "Kaw din.." tanging nasabi ni Hannah. "Pretty din ako?.." biro ni Aldrin. Nagtawanan sila. Lalong hinapit ni Aldrin si Hannah. Mga mata naglock na sa isa't isa. "Pot." bulong ni Hannah. "Lay.." sagot ni Aldrin. Ngumiti sila sa isa't isa. Unti unting naglalapit ang mga mukha.. Nagdikit ang mga ilong .. Nag kiskisan.. Napapikit na si Hannah dahil malapit na malapit na ang binata.

Biglang may bumunggo sa kanila. Nagulat ang dalawa .. "Ay sorry.. " sabi ng dalawang lalake.. Nakangisi ang mga ito.. "Hi miss.. " bati ng isa. Naasar si Hannah .. Inirapan nya na lang ang mga ito at yumakap kay Potpot. "Wow.. Suplada.. Pre.. Panalo yang chix mo ah.. Taga maynila kayo?.." tanong ng isang lalake. Tinitigan ni Aldrin ang mga ito. Maliliit pero mukhang matitigas ang mga muscle..Mukhang batak sa trabaho.. "Opo manong.." sagot ni Aldrin. Natulala ang dalawa.. "Manong daw o.. Hoy.. Magkakasing edad lang tayo.." sabi ng isa. Napakunot noo si Aldrin. "17 lang din kayo?.." tanong ni Aldrin. Tumango ang dalawa. Natawa ng palihim ang binata.. "Di halata.. Parang 37 na ah.." biro nya. Naasar ang dalawa. Biglang may bumunggo na naman kina Aldrin. Paglingon nya tatlo pang lalake ang nakapalibot sa kanila. Umiindak indak ang mga ito.. Nag apir ang tatlong lalake sa dalawang lalake na naunang nilang nakasagutan. Mga taga Maynila parekoy.. Mayayabang pumorma.. sabi ng isa. Tiningnan ni Aldrin ang tatlo. Wag nyong sabihin na 17 lang din kayo at talagang di ako maniniwala. pang aasar ni Aldrin. NAbwisit ang tatlo sa kanila. Mayabang nga ah.. sabi ng isa sa tatlo.

Pinalibutan nito ang dalawa. Nakaramdam ng takot si Hannah.. Iniyakap nya ang braso sa binata at tinitigan ito sa mga mata. Wag ka makipag away please?.. makaawa ni Hannah. Pero napatili sya ng biglang may humipo sa pwet nya. PAgtingin nya nagtawanan yung dalawang lalake. Lambot parekoy.. sabi nung isa. Nagdilim ang paningin ni Aldrin.. Umalis sya sa dance floor hatak si Hannah.. Nagtaka sina Romeo at Darius. Bilis ah.. sabi ni Romeo. Nagtaka sila dahil galit ang mukha ni Aldrin. "Baket?.." tanong ni Darius.. Please.. Tama na Pot.. Uwi na tayo.. makaawa ni Hannah.. Ngumiti si Aldrin sa dalaga .. Bakas ang nagliliyab na galit sa mga mata.. Di pwede.. Pagbigyan mo lang ako.. Di ka pwedeng bastusin ng kahit sino.. madiin na sabi ni Aldrin. Natouch si Hannah pero natatakot sya. Wag na Pot.. Okay naman ako eh.. Hipo lang yon.. sabi nya.. "Hep hep.. Anu yan?.." tanong ni Romeo. Hinipuan pre.. maasim na sagot ni Aldrin. Pati sina Romeo at Darius nag dilim na din ang paningin. San?.. tanong ni Darius. Tinuro ni Aldrin ang limang kalalakihan na nagtatawanan at tila pinagtitripan ang mga kababaihan sa isang sulok. Lumapit sina Krissia at Rhoi. "Oy.. Nawala kayo.. " sabi ng dalaga. Tahimik lang ang lahat. Nagtaka naman si Rhoi. "Oy ano to.. Contest ng patahimikan?." tanong ni Rhoi.

Walang sumagot.. Lahat ng alas galit ang nakabadha sa mukha. Niyakap ni Hannah ang braso ni Krissia. Sis.. Awatin mo sila. makaawa ni Hannah. Nagtaka si Krissia. Why?.. tanong ng dalaga. Kinwento ni Hannah ang nangyari. Pati si Rhoi nagalit. Kinalma ito ni Krissia.. Tandaan nyo lang ha.. Walang uuwing nagrereklamo.. mataray na sagot ni Krissia. Nanlaki ang mga mata ni Hannah. Pinapayagan mo sila?.. tanong ni Hannah. Tumango si Krissia. Wala tayong magagawa kapag apat na silang nag desisyon.. Hinipuan ka kamo?.. Nakow .. sabi ng dalaga. Nag usap ang apat na alas. Lahat galit ang nasa mukha..Tinitigan ang mga kalaban. Si Borgz ang napagbalingan. Uwi na kayo.. Susunod kame.. utos ni Aldrin kay Borgz.. Natakot si Borgz na masangkot kaya tumango sya at hinakot na ang girls.. Ayaw umalis ni Hannah .. Pero niyakap sya ni Aldrin at hinalikan sa noo. Uuwi kame .. Pramis.. Sige na at lalo lang akong natatakot pag nandito ka.. .. sabi ni Potpot. Naluluha na si Lelay.. Pramis mo ah.. sabi ng dalaga. Dinampian ng halik ni Potpot ang labi ng dalaga. Promise.. bulong nya. Atubiling umalis ang mga girls. Ng wala na ang mga ito ay tinuro ni Aldrin ang mga kaaway.

Napatingin ito sa kanila. Sa gubat.. sabi ni Romeo at nagpauna na.. Sumunod sina Rhoi at Darius. Si Aldrin hinamon muli ang mga kalaban. Binigyan nya ito ng dirty finger..Nagalit ang mga ito at isa isang lumapit sa kanya. Sumunod si Aldrin sa mga kaibigan .. Nawala sila sa kasukalan.. Napangiti ang mga kaaway nila. Yan ang pagkakamali nila.. Teritoryo natin ito. sabi ng isa. Nagtawanan lang sila at sumunod na sa mga binatang taga Maynila. Bago pa man sila nakapasok ay may tumama ng malaking kahoy sa ulo ng pinaka leader nila. Nagulat ang mga lalake. Bagsak ang isa at apat na lang sila. Puta.. Lumabas kayo.. !.Wag kayong mga bakla !.. sigaw ng isa. Lumabas ang apat na alas.. Lahat galit.. Nakatitig ito sa mga lalake.. Di kami duwag.. Binawasan lang namin kayo ng isa para di kami mamroblema sa paghahati namin..Isa laban sa isa..Game.. sabi ni Rhoi. Naghiwalay sila.. Kanya kanyang kaaway.. Lalong nagalit ang mga probinsyano. Ang yayabang nyooo.. sigaw ng isa sabay sugod kay Darius.. Pero mali.. Sinalubong lang sya ng tadyak ni Aldrin sa sikmura.. Bagsak ito sa lupa at namilipit sa sakit. Ang dadaya nyo. !.. Sabi nyo isa laban sa isa.. sigaw nung isang maliit na lalake. Nagtawanan ang mga alas. Tama naman ah.. Isa laban sa isa.. Pero ang Kwadro Alas ay tinuturing na isa.. Kaya Kwadro alas ang kalaban nyo ngayon.. galit na sabi ni Aldrin. Natakot na ang mga probinsyano..

Nagkatinginan ang tatlo. Seryoso pa rin ang mga alas. Mauna na ako parekoy.. sabi ng isa sabay sibat ng takbo. NAgkatinginan pa ang natirang dalawa.. Sumugod bigla si Romeo.. Humanda na sa pagdepensa ang lalake na sinugod ni Romeo pero nagulat sya ng biglang may sumuntok sa panga nya..Hilo itong bumagsak sa lupa.. Hinihimas ni Rhoi ang kamao ... Yuck.. Ang oily ng face. diring sabi ni Rhoi. Lalong natakot ang natira. Oh.. Mag isa ka na lang.. Ikaw ang nagsabi na teritoryo nyo to di ba?.. maasim na sabi ni Darius.. Napalunok ang natitira.. "Eto ang tandaan mo.. Kung saan nakatuntong ang Kwadro Alas.. Yun ang teritoryo namin !.." sigaw ni Romeo. Natakot ang natirang probinsyano.. Napaupo ito sa lupa. Tama na yan mga mare.. Baka abutan tayo ng mga mumu dito.. pananakot ni Aldrin. Natakot ang mga alas kaya isa isa silang umalis... Tulala ang natirang probinsyano.. Luhaan na si Hannah ng maaninag ang mga Alas na naglalandian. Agad nyang tinakbo si Aldrin at yumakap dito.. Pati si Krissia ay di napigilan ang sarili .. Dinamba nito si Rhoi at napahagulgol na din.. Nainggit sina Darius at Romeo.. Sila na ang nagyakap.. Natawa na lang ang mga girls.. Si Borgz akmang yayakap kay Carla pero inambaan sya ng kamao ng dalaga.. Napakamot na lang sa ulo ang binata.. Nagsalita ang Lola.. Kayong mga bata kayo.. Hala at magsilinis na kayo ng katawan.. Maaga pa ang alis nyo bukas .. sabi ng Lola. Nalungkot naman ang mga kabataan..

Tumawa si Romeo. May susunod pa.. Baka sa summer.. Enjoy di ba?.. suhestiyon ni Romeo. Kinindatan nya si Khena.. At si Carla. Si Hazel di na natiis .. Hinalikan nya sa labi si Darius. Napa wow ang lahat. Pabaon. sabi ni Hazel. NAgblush si Tabar .. Kinalabit ni Aldrin si Hannah.. Pumalag si Hannah at napasimangot. Maya na pag walang tao.. bulong nya. Ngiting ngiti si Aldrin. Hoy.. Sabing magsipasok na eh.. sigaw ng Lolo. Tarantang naghiwalay ang mga kabataan .. Pasok !.. muling kulit ng Lolo. Napatakbo ang mga girls papasok ng mansyon. Pati ang mga boys nataranta ..Nag flying kiss sila kina Borgz at Carla. Sa uulitin.. sabi ni Romeo..

Sa malayo.. Ngiting ngiti ang lola ni Hannah. Pero nananatiling seryoso ang mukha ng Lolo nya. Nagtaka naman ang matandang babae.. Niyakap nya ang kabiyak. "Bakit ba?.. Di ka ba masaya para sa apo natin?.. Nahanap nya na ang matagal nya ng minamahal.." sabi ng Lola. Ngumiti ng malungkot ang matandang lalake. "Masaya ako para sa apo natin.. Mukhang mabait na bata si POtpot..." sabi ng matandang lalake. Napabuntong hininga pa ito. "Pero baket ka ganyan?.." tanong ng matandang babae.. Ngumiti ng malungkot ang Lolo.. "Remember the deal?.." tanong ng Lolo..

Nanlaki ang mga mata ng Lola.. Napailing iling ito at nagsimula ng mangilid ang mga luha.. "Please.. Pabayaan nyo ang mga bata.. " naiiyak ng sabi ng Lola. Agad na niyakap ng matandang lalake ang kabiyak.. "Gagawa ako ng paraan.. " bulong nito. Tila nahulog sa malalim na pag iisip ang dalawang matanda.. Chapter 23 Kasunduan

Malalim na ang gabi, di pa rin makatulog si Hannah.. Pasimple nyang sinilip ang katabing si Chichi at Krissia.. Mahimbing ang mga itong natutulog.. Dahan dahan syang tumayo.. Kinumutan nya ang mga kaibigan at dahan dahang tinungo ang pinto.. Nagulat ang dalaga ng biglang bumukas ang katapat na pinto.. Sa kabilang kwarto.. Asar na tinabig ni Aldrin ang paa ni Darius na nakapulupot sa kanya.. "Tangna talagang matulog itong mga to.. Parang mga kiti kiti ampota.." inis na bulong ni Aldrin.. Dahan dahan syang umalis sa kama.. Hinila nya ang kumot na tumatabing sa mga kaibigan.. Iniyakap nya ang isang braso ni Rhoi sa katawan ni Romeo habang ang isang paa ni Romeo ay niyakap nya sa katawan ni Darius.. Nilapit nya ang ulo ni Rhoi kay Romeo.. Ganun din ang ginawa nya kay Darius , nilapit nya ang ulo nito kay Romeo.. Napabungisngis si Aldrin sa ginawa.. Kulang pa.. Bungisngis na naman sya.. Tinakbo nya ang bag at naghalungkat.. Ngising demonyo si Aldrin ng makapa ang hinahanap.. Marker !..

Ngising demonyo pa rin sya ng lumapit sa mga kaibigan.. Nag mistulang pintor at sinimulan ang obra .. Satisfied sya ng matapos ang kalokohang ginawa. Muli nyang tinago ang marker at dahan dahang lumabas.. Nagulat sya ng bumukas ang katapat na pinto.. Automatikong napangiti ang dalawa sa isa't isa.. "Can't sleep?.." tanong ni Hannah. Ngumiti si Aldrin.. "I'm missing someone.." sagot ng binata.. NApangiti din si Hannah. "Sino?." tanong ng dalaga.. "My queen.." sagot ng binata. Ngitian na parang tanga.. "Sa garden.." aya ni Hannah.. Tumango si Aldrin at inilahad ang palad.. Tinanggap naman ito ni Hannah.. Magkahawak kamay nilang binagtas ang daan papunta sa hardin.. Bago pa sila makababa ay may nasalubong sila sa hagdan. "Eric?.." tanong ni Aldrin. Tila nahihiyang napangiti si Eric.. "Sorry tol.. Namasyal ako eh..Di ko alam kung saan na ako nakarating.." sabi ng binata.. Napangiti na lang si Hannah.. "Si Chichi natulog na sa room namin.. Nagising kasi sya kanina hinahanap ka.. Eh di ka naman namin makita so pinatulog na lang namin sya ." sagot ni Hannah. Lalong tila nahiya si Eric.. "S-sorry." nahihiyang hingi ng paumanhin ng binata.. Tinapik ni Aldrin ang balikat ni Eric.. "Okay lang pre.. Sige na.. Pahinga ka na at maaga pa tayo.. " sabi ni Aldrin.

Napatingin si Eric sa magkahawak nilang kamay..Napangiti ito.. "Sige tol .. Salamat.. Hannah.. Sorry talaga.. " sabi ni Eric. "Sus.. Okay lang no.. " nakangiting sabi ni Hannah.. Nilampasan na lang nila Aldrin at Hannah ang binata.. Nagtungo sila sa garden.. Napansin nila ang swing nakahoy.. Agad napangiti si Hannah.. Lumapit ito sa swing.. Napangiti din si Aldrin.. "Now nababasa ko na sya.." nakangiting sabi ng binata.. "Anung nakalagay?.." tanong ng dalaga.. "Lelay love Potpot.." sagot ni Aldrin. Tumango si Lelay.. Binura ng panahon.. Pero sa twing nagpupunta ako dito.. Lalo lamang kitang hinahanap... I miss u Pot.. sabi ni Lelay.. Naupo si Aldrin.. Maliit ang swing na kahoy.. Hinatak ni Aldrin ang dalaga.. Napaupo ito sa kandungan nya.. I miss u more.. Di mo lang alam kung naka ilang sulat ako sayo.. Siguro makakaburo ka na ng isang post office.. biro ni Aldrin. Natawa si Hannah.. Hinaplos ang pisngi ng binata. Sorry kung di ko agad nasabi.. bulong ni Lelay.. Ngumiti si Potpot.. Its okay.. Kahit di ka pa gumagawa ng kasalanan.. Pinapatawad na kita.. ganting bulong ni Potpot.. Kinilig si Lelay.. Hinaplos din ni Potpot ang pisngi ng dalaga.. Dahan dahang hinila palapit sa kanya.. Napapikit si Lelay.. Ganun din ang ginawa ng binata.. Muling nagdampi ang kanilang mga labi.. Kahit hindi ito ang una nilang beses na naghalikan.. Pareho pa rin ang intensidad... Kamangha manghang dumadaloy pa rin sa katawan nila ang kilig na hinaluan ng tila kuryente.. Gumagapang sa bawat himaymay ng kanilang pagkatao.. Halos isang minutong masuyong nagdampi ang kanilang mga labi..

Kumalas si Lelay.. Kinulong nya ang mukha ni Potpot at muling dinampian ng maliit na halik sa ibabaw ng mga labi.. Napangiti naman ang binata.. Hinapit nya ang dalaga.. I love you... bulong ni Potpot.. Kinilig si Lelay.. Saglit syang di nakapagsalita.. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.. I love you too Pot.. Worth it ang paghihintay ko.. sabi ni Lelay.. Worth it ang paghihintay naten.. pagtatama ni Potpot.. Napangiti si Lelay.. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi.. This time mas mapusok... Halos mapugto ang kanilang mga hininga ng magbitaw sila.. I would love to kiss you here all night .. But we have to go inside... Baka kung anong isipin ng makakakita sa aten.. nakangiting bulong ni Aldrin. Ngumiti si Lelay.. Muli nyang dinampian ng halik ang labi ni Potpot sabay tayo.. Tara.. aya ng dalaga.. Magkahawak kamay silang pumasok .. Hinatid ni Potpot si Lelay sa tapat ng kwarto nito. Namimiss na agad kita.. banat ni Potpot.. Napabungisngis si Lelay.. Magkikita pa tayo.. sabi ng dalaga.. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi.. Kusa ng kumalas si Lelay. Goodnight.. bati ni Lelay.. Goodnight my Love.. bulong ni Potpot.. Nagngitian sila .. Pumasok sa kanya kanyang silid ng may ngiti sa mga labi.

Kinabukasan. Mga katok ang nagpagising kay Aldrin.. NAg inat muna sya sabay tayo at tinungo ang kwarto..

Ang Lola ang kumakatok.. Morning po Lola.. nakangiting bati ng binata.. Good morning din apo.. Mag almusal na kayo.. Para di kayo tanghaliin sa lakad nyo.. sabi ng matandang babae. Nakangiting tumango si Potpot.. Binalikan ang mga kaibigan.. Mga ungas.. Tanghali na oy.. Mahiya kayo .. Di tayo taga rito.. paggising ni Aldrin sa mga kaibigan.. Isa isang nag siungulan ang mga kaibigan nya.. Naunang tumayo si Rhoi.. Diretso sa banyo .. Biglang may sumigaw.. Putangnaaa.. Sino may gawa nito?.. sigaw ni Rhoi. Balikwas ng bangon si Darius.. Biglang sumambulat ng tawa si Aldrin.. Natawa din si Darius sabay turo sa mukha ni Rhoi.. Azteg pre.. Parang kang pirate ah.. Bagay pala sayo may bigote eh.. tukso ni Darius.. Umungol si Romeo.. Inalis ang takip na unan sa mukha.. Lalong nagtawanan ang magkakaibigan ng makita ang sungay sa noo ni Romeo.. Magsiligo na kayo !.. sigaw ni Aldrin.. Pero napatili sya ng dambahin sya nina Rhoi at Darius.. Yung marker !.. sigaw ni Rhoi. Kahit wala pa sa tamang pag iisip.. Tinalon ni Romeo ang bag ni Aldrin para kunin ang marker.. Napatili na lang si Aldrin .. Wala syang magawa ...Tawa ng tawa.. Humahangos na pumasok sina Hazel at Khena.. Pati sila napabungisngis ng makita ang itsura ng mga boys.. Mga baliw.. tatawa tawa si Khena..

Pogi ka pa rin Dar. pang uuto ni Hazel.. Bungisngisan na naman..

Sa kusina.. Lahat handa na sa pag alis.. Kakain na lang sila .. Nakasimangot si Chichi .. San ka ba galing?.. mataray na tanong ng bata.. Naligaw nga ako.. palusot ni Eric. Nagtawanan na lang ang mag kakaibigan.. Hala kain ng kain.. Para di kayo agad magutom sa byahe nyo.. sabi ng Lola. Tahimik lang ang Lolo na nakatingin kina Aldrin at Hannah.. Sweet na sweet na nag susubuan pa ang dalawa. Napailing na lang ang matanda at tila nahulog sa malalim na pag iisip.

Maingay ang grupo na nag sisakayan sa Van.. Yumakap si Hannah sa mga Lolo at Lola nya.. Babalik po ako.. Promise.. .. sabi ng dalaga. Napangiti ang dalawang matanda. Ingat sa byahe.. sabi ng Lola. Sorry apo.. sabi ng Lolo.. Nagtaka si Hannah.. Baket po?.. tanong nyan. Siniko ng palihim ng Lola ang Lolo. I mean.. Ingat kayo.. Sige na . Tanghali na. pag iwas ng Lolo.. Napangiti si Hannah.. Niyakap din nya ang dalawang pinsan..

Mamimiss ko kayo. sabi ni Hannah.. Nagyakap silang tatlo ng mahigpit.. Kami din couz.. Punta kame ulit sa christmas.. sabi ni Khena.. Hinatid ng mag pinsan si Hannah sa van.. Ingatan nyo pinsan namin ah?.. bilin ni Hazel.. Naghiyawan ang mga nasa loob.. Dumukwang si Darius. Mamimiss kita.. sabi ng binata.. Ngumiti si Hazel.. Pero nagulat sya ng halikan sya ni Darius sa labi.. Hiyawan na naman sila. Napangiti na lang ang dalaga.. Si Khena umikot sa kabila. Kinalabit si Romeo.. Ingat ah?.. kiming bilin ng dalaga.. Tumango si Romeo.. Dumukwang para bulungan ang dalaga.. Baon ko?. bulong ni Romeo.. Nagtaka si Khena.. Ngumuso si Romeo.. Biglang inatake ng hiya ang dalaga.. Sige na.. Di mo na ako makikita ng matagal.. banta ni Romeo.. Napapikit si Khena.. Pagdilat nya bigla nyang tinuka sa labi si Romeo.. Naghiyawan ang grupo.. Pero biglang kinabig ni Romeo ang batok ni Khena at siniil ng halik.. Matagal na naghalikan ang dalawa.. Pulang pula si Khena ng bitawan ni Romeo.. Ang bad mo !.. nakangiting saway ni Khena..

Ngumiti lang si Romeo..

All set na ang lahat. Kinawayan nila ang matatanda.. Gumanti naman ang mga ito ng kaway.. Nagsimula na silang umalis.. Muling natahimik ang matandang lalake.. Pinagmasdan nyang mawala sa paningin ang sasakyang ng mga bata.. Tahimik syang pumasok at nagtungo sa library.. Naupo sa study table sabay hugot sa drawer.. Isang lumang litrato.. Napangiti ng malungkot ang matandang lalake.. Sa litrato ay ang mga sundalong guerilla na walang takot na lumaban sa mga hapon.. Isa na sya doon.. Kasama ang kanyang naging matalik na kaibigan.. Buhay na buhay pa sa kanyang isipan ang mga pangyayari..

Kasalukuyan sila nuong namamahinga sa lilim ng punong mangga.. Sa isang liblib na gubat sa gawing norte.. Katatapos lang nilang mag ronda ng matalik nyang kaibigan.. Biglang nagsalita ito.. Sa tingin mo matatapos ang laban na ito?.. tanong ng kaibigan nya.. Napaisip sya at malungkot na ngumiti.. Siguro naman. Gusto kong magkapamilya.. Pakakasalan ko si Dulce..Nakita mo na sya di ba?.. nakangiting sabi nya. Ngumiti ang kanyang kaibigan at malungkot ding ngumiti.. Ako din.. May naiwan din akong minamahal sa lugar namin.. Pagtapos na pagtapos nito.. Kung mamarapatin ng Diyos.. Sana mapakasalan ko sya.. Malaki na ang atraso ko sa kanya.. Madami na akong pangako na nabitin.. malungkot na pahayag ng kanyang kaibigan.. Nagtawanan silang dalawa..

Ganito na lang.. Siguro naman pahihitulutan ng Diyos na matapos ang labanang ito.. Sana pagdating ng panahon na magkaanak tayo.. Magkatuluyan sila.. Anu sa tingin mo?.. tanong ng kaibigan nya.. Napangiti na lang sya.. Sige.. Gusto ko yan.. sagot nya.. Nagtawanan silang dalawa ng biglang may pumutok sa kung saan. Tarantang napatayo ang matalik na magkaibigan.. Humahangos na dumating ang isa nilang kasamahan.. Duguan ang parteng binti nito.. Anong nangyari?.. tanong ng kaibigan nya sa bagong dating. Pero nawalan na ito ng malay.. Muling may umalingawngaw na putok .. Kasunod ng pagsabog.. Halos mabingi ang Lolo ni Hannah.. Nandilim ang kanyang paningin. Huli nyang nakita ang dalawang kaibigan na nakahandusay sa lupa.. Duon na sya nawalan ng malay. Bumukas ang pinto ng library.. Tarantang pinahid ng Lolo ni Hannah ang mga mata nito.. Pumasok ang kanyang kabiyak na may dalang tasa ng kape... Oh.. Tinitingnan mo na naman yan.. puna ng Lola.. Malungkot na ngumiti ang Lolo.. Naalala ko lang ang nakaraan.. Nagising na lang ako na nasa kampo na.. Kasama ang mga sundalong kano..Katabi ko si Ufo... Sa kabila naman si Isidor.. Nakakaawa ang itsura nila.. Parehong may benda ang mga paa namin pero mas grabe ang kay Isidor.. naiiyak na pahayag ng Lolo.. Dali daling niyakap ng Lola ang asawa mula sa likod.. Dinampian nya ng halik ang buhok nito. Tama na.. saway ng Lola. Pero ayaw paawat ng Lolo.. Tandang tanda ko ang pangako namin ng matalik kong kaibigan.. Sabi nya , ipapakasal daw namin ang aming mga magiging anak.. Pero ang nakakatawa.. Mahina pala si bespren.. Mabagal makabuo.. Nakadalawa na ako bago nya nabigyan ng supling ang misis nya.. malungkot na tumawa ang Lolo..

Natawa din ang Lola.. Mahilig ka kasi. biro ng Lola. Nagtawanan silang dalawa.. Gustong gusto mo kaya.. biro ng Lolo.. Sinakal lang sya ng Lola. Ng sa wakas nakabuo ang lekat.. Eksaktong babae ang sa aken.. Pero tumakas si Elena. maasim na pahayag ng Lolo.. Muli syang niyakap ng kabiyak.. Akala ko napatawad mo na ang anak mo?.. Sinunod lang nya ang tibok ng puso nya. paalala ng Lola. Tumango ang Lolo.. Pwede ba namang di ko patawarin ang nagiisang babae ko?.. sabi ng Lolo.. Eh bakit parang galit ka?.. biro ng Lola.. Natawa naman ang Lolo.. Nuon pa man.. Ngayon ko lang aaminin.. Si Elena ang paborito ko.. Alam mo ba kung baket?.. nakangiting tanong ng Lolo.. Kunwaring napaisip ang Lola.. Siret.. pakwela nya.. Nagngitian sila. Kasi kamukang kamuka sya ng tanging babaeng inibig ko.. madamdaming pang uuto ng Lolo.. Natawa ang Lola.. Kinilig. Sino?.. landi ni Lola.. Si ikaw.. ganti ni Lolo.. Nagyakap na naman sila. Tawanan pero balik sa pagiging seryoso si Lolo.. Masakit sa akin ang paglayas ni Elena.. Sinuway nya ako.. Ni hindi nya man lang tiningnan ang anak ng kaibigan ko.. Basta na lang syang nawala.. malungkot na sabi ng Lolo. Sana maintindihan mo.. Kung ako ang nasa kalagayan ni Elena.. Ganun din ang gagawin ko.. sabi ng Lola.. Ngumiti ang Lolo..

Napahiya ako sa kaibigan ko.. Mabait sya.. Sabi nya ayos lang..Nagbiro sya na baka sa mga apo namin matuloy..Pumayag ako... Nangako kami sa isat isa na matutuloy na ang aming plano.. sabi ng Lolo. Wag nyo na sanang pakielaman ang mga bata.. Nakikita mo naman na nagmamahalan sila.. naiiyak na saway ng Lola.. Tumango ang Lolo at tinapik tapik ang kamay ng Lola.. Alam ko.. Nakikita kong mabait si Potpot.. Nakakatuwa nga ang nangyari sa kanila.. Biruin mong sya pala ang matagal ng hinahanap ng Apo natin?.. natatawang sabi ng Lolo.. Oo nga.. Tadhana ang nagtagpo sa kanila.. nangingiting sabi ng Lola.. Kaya nanliliit ako mahal ko.. Mukhang sa ikalawang pagkakataon.. Sisirain ko ang pangako ko.. Alang alang kay Hannah.. matigas na sabi ng Lolo.. Natuwa ang Lola..Niyakap ng mahigpit ang Lolo. Lalo kitang minahal.. hinalikan nito ang pisngi ng Lolo.. Pero ayos lang naman sigurong makipagtagpo sya sa apo ng kaibigan ko.. hirit ni Lolo.. Sumimangot si Lola.. Kailangan pa ba?.. tanong ng Lola. Sya na ang magsabi.. Isama nya si Potpot kung gusto nya. sabi ng Lolo.. Ngumuso si Lola.. Tatawa tawang niyakap ito ng kabiyak.. Wag ka ng magtampo.. Siguro naman pakikinggan sya ng kaibigan ko.. Mabait yon.. pagmamalaki ni Lolo.. Nagyakap sila.. Baket kasi ninyo binuo ang kasunduan na yan?.. Sinasaklawan nyo ang buhay ng mga bata.. Gusto mo bang lumayas din si Hannah tulad ni Elena?.. tanong ng Lola.. Napailing ang Lolo.. Syempre ayaw ko ng maulit ang ganon.. Pero sana naman.. Di pa naman sila ikakasal ni Potpot.. Napakabata pa nila para magseryoso sa buhay.. Kahit na kilalanin nya din ang apo ng kaibigan ko.. Malay natin.. nag kibit balikat si Lolo.. Nagyakap silang muli.. Natatakot ako mahal ko.. Baka magrebelde si Hannah sa gagawin mo.. sabi ng Lola.. Hayaan mong ako ang umako ng kasalanan.. Di ko na mababawi ang naipangako ko na... Pero sana naman pagbigyan tayo ng apo natin.. malungkot na sabi ng Lolo.. Sana wag syang magdamdam.. sabi ng Lola..

Nagyakap na lang sila.. Parehong takot sa maaring kahinatnan ng kasuduan.. Chapter 24 Tadhana

Sa Terminal ng Bus.. "Salamat po kuya Jack.." sabi ni Aldrin.. Ngumiti ang matandang driver sa kanila.. "Mag iingat kayo mga bata.. Mag aral ng mabuti.. Lagi nyong tatandaan.. Ang kabataan ang pag asa ng bayan.." pangaral ng driver.. Nagbungisngisan ang mga babae... Napangisi si Romeo.. "Eh di kung ganun po Kuya Jack.. Habang maaga pa.. Mas maganda kung simulan na namin ang pag gawa ng maraming bata.. Para mas marami ang maging pag asa ng bayan.. Tama po ba?.." nakangising sagot ni Romeo. Napasimangot si Tandang Jack.. Nagtawanan naman ang mga barkada nya.. "Lekat na.. Hala at humayo na nga kayo.." sita ni Tandang Jack.. Ayaw paawat ni Romeo. "Hahayo na po kame at magpapakarami.. Salamat po sa payo.. Tatandaan namin lagi yan.." sabi ni Romeo.. Biglang may pumingot sa kanya.. "Pilosophy.. " nakasimangot na saway ni Chichi.. Biglang inakbayan ni Romeo ang bata.. Nanigas si Chichi.. Nag react si Eric.. "Hoy.." saway nya.. Pero binigyan lang sya ng dirty finger ni Romeo.. Tara na baby.. masuyong sabi ni Romeo.. Nataranta si Chichi.. Pumiglas sya at kumapit sa Ate Krissia nya..

Kita mo tinakot mo yung bata.. sabi ni Krissia.. Napangisi si Romeo.. Ganyan talaga kapag inakbayan ka ng crush mo.. I understand you kid..Someday.. Who knows.. makahulugang sabi ni Romeo sabay baling kay Eric na nakasimangot.. Gago ka.. bulong ni Eric.. Tumawa lang si Romeo at nagsimula ng hakutin ang mga gamit nya.. Namimiss ko si Khena.. biglang banat ni Romeo. Sumunod si Darius.. Si Hazel.. Kailan ko kaya sya ulit makakasama.. sabi ni Darius.. Tawanan lang sina Hannah at Aldrin.. Isa isa na silang nagsiakyatan ng bus.. Sige po Manong.. Alis na po kame.. Babalik na lang po siguro ako sa christmas.. Alagaan nyo po sina Lolo at Lola.. bilin ni Hannah.. Tumango si Mang Jack.. Sige na.. Gagabihin na kayo sa daan.. sabi ni Mang Jack.. Salamatp po.. sabi ni Aldrin.. Alagaan mo ito ha?.. Pag pasensyahan mo na lang dahil kung minsan topakin yan e.. sabi ni Mang Jack.. Pinandilatan sya ng mga mata ni Hannah.. Tatay Jack !.. sigaw ni Hannah.. Nagtawanan sina Aldrin at Mang Jack.. Nagtawag na ang kundoktor.. Oh sya.. Sakay na.. sabi lang ni Mang Jack.. Nakangiting niyakap ni Hannah ang matandang driver ng Lolo at Lola nya.. Hawak kamay silang umakyat sa bus.. Hinintay munang umalis ni Mang Jack ang bus bago sya sumakay sa van pabalik sa hasyend ng mga Montefalco.. Sa daan.. Kantahan na naman ang mag babarkada..

Naasar na ang nasa harap nilang pasahero.. Will you please shut up?.. sita ng babae sa harap nila Romeo at Darius. Nagbungisngisan ang mga babae.. Si Chichi nakayakap sa kuya nya at nagnanakaw ng tingin kay Romeo.. Dumukwang sina Romeo at Darius.. Para sana asarin ang nasa harap pero nagulat sila.. Bea?.. biglang tanong ni Darius.. Napatingin din ang babae .. May katabi itong bata.. Nanlaki ang mga mata nito.. Darius?.. Romeo?.. Wow.. What are you guys doing here?.. biglang sabi ng nasa harap na babae.. Nagkatinginan sina Romeo at Darius.. Pagkuway kina Aldrin at Hannah na magkayakap.. Eto.. Galing kami ng vacation.. Is that your son?.. tanong ni Romeo.. Tila nahihiyang ngumiti si Bea.. Yea.. Pero babae to.. Medyo boyish lang ang gupit..Anyway... Sina Rhoi?.. At si.. putol ni Bea.. Napakagat labi pa sya.. Si Aldrin?.. Hes there o.. turo ni Romeo.. Napatayo ng bahagya si Bea.. Di naitago ang pagkagulat nya ng makita si Aldrin na may kayakap na babae.. Who is she?.. maasim na tanong ni Bea.. NAgkatinginan sina Darius at Romeo. Thats Hannah.. Girlfriend ni Aldrin.. Why?.. Bakit parang masama loob mo?.. askad ni Romeo.. Nanliit si Bea at tila nahiya.. Wala.. Shes pretty.. bulong nito.. Huminga ng malalim ang babae.. Muling niyakap ang anak.. San kayo galing?.. tanong ni Darius.. Napangiti ng malungkot si Bea.. Dun sa ancestral house ng tatay nitong anak ko.. Maniningil sana.. Pero mukhang

tinataguan ako.. tila naiiyak na sabi ng babae. Nakaramdam ng awa sina Romeo at Darius. Umingit ang natutulog na bata.. Oh.. Saglit lang ha.?.. I have to feed her.. nakangiting pasintabi ni Bea.. Napangisi ang dalawa.. Go ahead.. sabi ni Romeo.. NAnlaki ang mga mata ni Bea.. Shoo.. Kayo talaga.. Ikaw Romeo di ka pa rin nagbabago.. May tumatagal bang babae sayo?.. Napaka bad mo.. Ikaw Darius.. Matakaw ka pa rin no?.. Si Ekang ba nakauwi na?.. tanong ni Bea.. Napangisi na lang ang dalawang lalake.. "Breastmilk is still best for babies.." boses bata na sabi ni Romeo.. Natawa si Bea at pinagpapalo ang dalawang binata.. "Shoo shoo.." saway ni Bea.. Tatawa tawang muling naupo sina Romeo at Darius.. Pero nawala ang ngiti sa mga labi nila.. "Should we tell him?.." tanong ni Darius.. Napatingin si Romeo sa bintana.. Kinalabit sya ng kaibigan.. "Hoy.. Sasabihin ba natin kay Ipot na nasa harap lang si Bea?.. Ang babaeng kanyang iniyakan ng ilang buwan?.. Yung bumasted sa kanya?.." bulong ni Darius.. Tahimik lang si Romeo. Muli syang kinalabit ng kaibigan.. "Tol.. I think kailangan nyang malaman.. " sabi ni Darius. Umiling si Romeo.. "Pare ang ganda talaga sa province no?.." pag iiba ni Romeo. Napabuntong hininga si Darius.. Ikaw, Lagi ka na lang ganyan..Iwas ka ng iwas.. .. Kailangan nating sabihin kay Aldrin.. sabi ni Darius.. Napalingon si Romeo.. Seryoso ang mukha..

Tarantado.. Para saan pa.?.. Di mo ba nakikita na masaya na ang kapatid natin?.. Kapag nalaman nya na nasa kaawa awang kalagayan si Bea.. Sigurado akong tutulong sya.. Anung mangyayari?.. Masisira ang relasyon nila ni Lelay.. maasim na bulong ni Romeo.. Gago.. As if naman di sila magtatagpo.. Oras na tumayo si Bea .. Makikita sya ni Potpot.. Di mo kayang pigilan ang mangyayari.. Di ka si Totoy... sabi ni Darius.. Natahimik si Romeo.. Kahit pa.. At least sinubukan kong pigilan ang mangyayari.. Mas panget naman kung wala man lang tayong ginawa.. Kahit na sabihin mong ilang oras lang.. mahinang bulong ni Romeo.. Pero bakit nga kaya binasted ni Bea si Potpot.?.. Naging sweet naman sila right?.. Now I believe in destiny.. bulong ni Darius.. Natawa ng mahina si Romeo.. I strongly disagree.. Fate has nothing to do with them.. In fact.. I dont believe in fate. Or destiny perhaps.. ganting bulong ni Romeo.. Napatingin si Darius sa kanya.. Why?.. tanong ng kaibigan nya.. Tumingin ulit si Romeo sa binata.. Wala lang.. Its just that .. Parang unfair..You fought so hard for one thing them boom !.. Di pala yon ang nakatadhana sayo.. Kaya sa tingin ko.. Kung sakaling may Fate na tinatawag.. Unfair.. Yon lang ang masasabi ko.. sabi ni Romeo.. Natahimik si Darius.. Di ko gusto ang konsepto na di ko hawak ang kapalaran ko.. Di ko gusto na iba ang nagtatakda nito.. matigas na sabi ni Romeo.. Bitter ka lang kasi walang nagtatagal sayo.. Kaya reason mo lang na di ka naniniwala sa Fate.. Masyado ka kasing babaero.. pang aasar ni Darius.. Nagkilitian silang dalawa.. Wag kang mag turo gago.. Mula ng umalis si Ekang.. Kabi kabila na din ang naging babae mo.. Minsan pa nga may bading e.. Wag kang mag deny .. Kabisado kita.. bungisngis na sabi ni Romeo.. Landian na naman sila.. Haha.. Gago.. Wag mong isali si Ugly Ekang dito.. Ampanget non !.. sigaw ni Darius.. Hoy mga Gago.. Magpatulog kayo. saway ni Rhoi.. Tawanan lang ang sagot nina Romeo at Darius.. Kita mo si Rhoi.. Nakita nya na ang soulmate nya.. Si Krissing.. sabi ni Darius.. Napabungisngis si Romeo..

Nakita?.. I dont think so.. Parang napikot ang tropa natin eh.. bungisngis na sabi ni Romeo.. Tawanan sila. Basta wag mo na banggitin si Ugly Ekang Monster. tila nandidiri na sabi ni Darius.. Sus. Panget daw.. Kaya pala.. Saan mo nga ulit nakuha yang peklat mo?.. Sa kagat ng aso.. Bakit ka nga kinagat ng aso?.. Kasi kasi.. putol ni Romeo.. Napasimangot si Darius.. Oo na.. Nakagat ako ng aso kasi inagaw ko yung tsinelas ni Ekang na kinagat nito.. Pero syempre.. Naging hero lang ako.. Di nangangahulugan na gusto ko sya.. iiling iling na sabi ni Darius.. Natawa si Romeo.. Bullshit.. Come on.. Sa ating apat.. Alam mong ako ang tangi mong mapagsasabihan ng mga sikreto mo.. Wag na mag deny Taba. Crush mo si Flora... ngising sabi ni Romeo.. Lalong nanlaki ang mga mata ni Darius.. Taranta nyang tinakpang ang bibig ng kaibigan. Gago ka.. Wag na wag mong babanggitin ang salitang Flora.. bulong nito.. Tinabig ni Romeo ang kamay ng kaibigan.. Tawa pa rin ng tawa.. Putris na kamay yan.. Pasmado... tila nandidiring sabi ni Romeo.. Napangisi si Darius.. Wag kasi sa akin ang highlights.. Kwento ito ni Aldrin eh.. asar na sabi ni Darius... Nagtawanan na naman silang dalawa... Napasandal si Darius sa upuan.. Pero kawawa si Bea..Di ba ikaw ang nag lakad sa kanya dati?.. Pero basted sya.. Its either yung sinabi nya na bata pa daw si Potpot.. O tanga ka lang talaga magbigay ng payo about sa panliligaw.... nakangising sabi ni Darius.. Natawa ng mahina si Romeo.. Gago.. Di yon ang dahilan nya.. Sigurado ako.. bulong ni Romeo.. Muli syang lumingon sa binata.. Kapwa natahimik ang dalawa.. I will miss them.. Lolo and Lola.. bulong ni Hannah.. Niyakap sya ni Aldrin ng mahigpit.. Yeah.. I know.. They are so nice. Pero talagang nakakatakot ang Lolo mo.. sabi ng binata..

Napahagikgik si Lelay.. Grabe ka.. Di naman gaano.. Well.. Strict talaga si Lolo.. Alam mo ba na may kinwento sa akin si Naynay dati?. imporma ni Lelay.. Nacurious si Potpot. Go on.. Im listening.. sabi nya.. Huminga ng malalim si Lelay.. Hinawakan ang mga kamay ni Potpot na nakapalibot sa katawan nya.. Remember nung nandun kami sa lupain nyo?.. bungad ni Lelay.. Napatango si Potpot.. Sabi ni Naynay sakin .. Tumakas daw kami.. Kasi balak syang ipakasal sa anak ng bestfriend ni Lolo.. Syempre ayaw ni Naynay non kasi nga nagmamahalan sila ni Tatay.. Mahirap lang ang pamilya ni Tatay.. Actually magsasaka lang sya... Pero proud si Naynay.. Pinaglaban nya ang pagmamahalan nila..Naipanganak na ako ng malaman ni Tatay na may sakit sya.. 2 years old daw ako ng mamatay si Tatay.. Since then...Palipat lipat na daw kami.. I remember may isa pa akong kababata.. Mas matanda lang sya sa atin ng one year..Mas nauna ko syang nakilala bago ikaw..Si Estong.. bungisngis na kwento ni Lelay.. Nakaramdam ng selos si Aldrin.. Sino si Estong?.. tanong ni Potpot.. Napatingin si Lelay sa kasintahan.. Selos ka?.. nakangiting tanong ng dalaga.. Tumango si Potpot.. Yeeeeee.. Ikaw lang love ko since bata pa tayo.. As if di mo alam.. sabi ng dalaga.. Napangiti na lang si Potpot.. Kwento mo pa. sabi ng binata.. Tumango si Lelay..Sumandal sa katawan ng binata.. Si Estong ay anak ni Don Isidor. Mayaman din sila tulad nyo.. Pero mabait sya.. Lagi nya akong niyaya sa bahay nila para ipalaro yung mga toys nya.. Pero puro panlalake.. kwento ni Lelay.. Napangiti si Potpot.. As far as I remember.. Nabanggit na sa akin ni Lolo na kaibigan nya si Don Isidor..Mukhang yung tatay ni Estong ang dapat na pakakasalan ni Naynay pero di na sila nagkakilala kasi nga tumakas si Naynay agad...Pero di ako sure don.. Kaya nga tuwang tuwa daw si Lolo nung malaman nyang nakatira kami sa lupain nila.. Agad daw nya kaming pinahanap pero bigo sya.. Kasi nakalipat na kami ni Naynay .. Dun nga sa lupain nyo naman.. Buti nga at nangyari yon.. Kasi nakilala kita.. sabi ni Lelay..

Kinilig sila pareho.. Tell me.. Nasan na si Estong?..Bakit Estong ang name nya?.. tanong ni Potpot.. Napabungisngis na naman si Lelay.. Estong lang pinangalan ko.. Pero Stefen ang name nya.. Cute kid ang natatandaan ko sa mukha nya.. Sure ako na gwapo na sya now.. sabi ni Lelay. Muling nakaramdam ng selos ang binata.. Pasimple nyang kinalas ang pagkakayakap sa dalaga pero natawa si Hannah at pilit na binalik ang mga kamay nitong nakapalibot sa bewang nya.. Napaka seloso ng Potpot ko.. biro ni Lelay.. Napangiti si Aldrin at muling hinigpitan ang pagyakap sa dalaga.. Pot.. Di na ako titingin sa ibang lalake.. Sayo na lang.. Mahal na mahal kita. madamdaming sabi ni Lelay. Napangiti si Potpot ng maluwang .. Yung kita ang gums.. I love you more my queen.. pahayag ni Potpot.. Biglang may nagsalita.. Dyos ko po.. Hanggang dito inaabot tayo ng langgam.. Kakadiri.. sabi ni Romeo.. Tomo.. Nakakasuka na ang kasweetan.. dagdag ni Darius.. Nagtawanan ang mga kaibigan nya.. Namula ang mukha ni Hannah dahil kanina pa pala nakikinig ang mga kaibigan nila sa mga pinaguusapan nila ni Aldrin.. Wala kayong pakelam.. Kanya kanyang trip yan.. sabi ni Aldrin.. Muli nyang hinigpitan ang pagyakap kay Hannah.. Ilang oras ang lumipas.. Nag stop over na naman sila sa isang restaurant.. Medyo maliit lang ang kainan kaya nagpasya na ang mga magbabarkada na magpahuli sa pagbaba.. Isa isang nag babaan ang mga pasahero ... Kabilang na sina Bea at ang anak nito.. Napalingon ang babae kina Aldrin at Hannah na nakapikit at tila ninanamnam ang pagyakap sa isat isa.. Malungkot itong bumaba.. Napatingin na lang sina Romeo at Darius..

Kawawa talaga.. Kung si Potpot ang nakatuluyan nya.. Tsk.. sabi ni Darius. Wala tayo sa fiesta.. Di mo nakilala si Hazel.. Di ko nakilala si Khena.. sabi ni Romeo.. Nagbungisngisan sila.. Mukhang sa wakas naniniwala ka na sa tadhana.. Nakatadhana na kasi sina Aldrin at Hannah kaya nangyayari ang mga bagay bagay.. paliwanag ni Darius.. Tumahimik si Romeo.. Pare.. Anu kaya lasa ng breastmilk?.. Natatandaan mo pa ba?.. biglang banat ni Romeo.. Napaisip si Darius.. Di na.. Tanong natin kay Bea mamaya.. Malay mo patry nya tayo.. Azteg yon di ba?.. biro ni Darius.. Naghighfive silang dalawa.. Lumipas ang kalahating oras.. May mangilan ngilan ng pasahero ang umaakyat.. Tara lets.. Im starving.. aya ni Romeo.. Isa isa na silang nagsi tayuan.. Nagtaka ang lahat dahil biglang nagmadali si Romeo na bumaba.. Anu nangyari don?.. tanong ni Rhoi.. Tahimik lang si Darius.. Nakita nyang hinatak ni Romeo sina Bea at ang anak nito kung saan.. Napailing na lang ang binata.. Baka natatae.. biro ni Darius para pagtakpan ang ginawa ng kaibigan.. Nagtawanan ang mga kaibigan nya.. Si Darius ang sumunod na bumaba.. Hinanap nya ang kaibigan .. Nakita nya itong nakatingin din sa kanya.. Nasa canteen sa di kalayuan at mukhang pinamimili ng pagkain ang mag ina..Sumenyas si Romeo na pababain na ang mga kaibigan nya.. Guys.. Tara na.. Susunod na daw si Rom.. sabi ni Darius.. Nagtaka si Aldrin.. Magkatext kayo?.. biro ng binata.. Nagpalusot si Darius.. Basta na .. Nagkausap na kame kanina.. Mukhang may nakitang tsix na tindera ng kwekwek..Dito tayo.. iginiya ni Darius ang mga kaibigan sa ibang direksyon..

Nakakita sila ng mahabang mesa kung saan sa tingin nila ay kasya sila.. Bilisan natin ang pagkain.. Para makapagpahinga na agad tayo.. bilin ni Rhoi.. Tumango ang lahat.. Kuya.. Si Kuya Rom.. tanong ni Chichi.. Napaismid si Eric. Bakit mo hinahanap?.. tukso ni Hannah.. Namula ang mga pisngi ni Chichi.. Sumimangot at nagsimulang mag tuturo sa menu.. Nagtawanan ang mga magbabarkada.. Maya maya may tumabi kay Chichi.. Paglingon nya ay bigla syang parang nanigas na makilala ang binata.. Hi bubwit.. biro ni Romeo.. Napakapit si Chichi sa braso ni Eric.. San ka galing?.. tanong ni Rhoi.. Agad na nag isip ng dahilan si Romeo.. Ah.. Nagwiwi lang.. Kayo naman.. Miss nyo na agad ako?.. biro ni Romeo.. Nagtaka si Aldrin.. Sabi ni Taba may nakita ka daw chix.. sabi ni Aldrin.. Napaubo si Darius.. Ay oo.. Pero syempre inuna ko na muna si Birdy.. Baka magkalat ako sa harap nung chix .. Nakakahiya.. palusot ni Romeo. Nagtawanan lang ang mga kaibigan nya.. Lihim na nagkatinginan sina Romeo at Darius.. I love you pare.. biglang banat ni Romeo. Nagbeautiful eyes pa sya kay Darius.. Tumili si Darius.. Sinasagot na kitaaa... Mahal din kitaa.... ungol ni Darius. Biglang nandiri ang lahat.. Putris.. Wag nyong sirain ang appettite namin !.. sigaw ni Rhoi..

Tawanan na naman sila.. Si Chichi biglang di makaimik.. Masayang kumain ang lahat.. After nilang mag lunch ay isa isa silang nag punta ng banyo para gawin ang lahat ng gusto nilang gawin.. Agad na nagpauna si Romeo sa pagakyat sa bus.. Sinulyapan nya si Darius.. Napatango naman ang kaibigan nya.. Habang paakyat sila ng bus ay humarang sina Romeo at Darius sa pwesto ni Bea na tahimik na natutulog kayakap ang anak.. Napakunot noo na sina Aldrin at Rhoi. May niluluto kayo.. pambibintang ni Rhoi.. Nagkanda iling iling sina Romeo at Darius.. This way mam sir.. mam sir..Dito po.. Oops bubwit.. Gusto mo tabi tayo?.. alok ni Romeo.. Nanigas si Chichi.. Namula ang mga pisngi.. No pare.. Katabi ko ang baby ko.. putol ni Eric.. Nagkatinginan sila ni Romeo.. Napayuko si Eric...Pero tumawa si Romeo at tinapik ang balikat nya.. Sige.. This way mam ser.. Mam ser... muling sabi ni Romeo.. Kanya kanya na silang balik sa pwesto.. Muling napasandal si Hannah sa katawan ni Aldrin.. Nakaupo na sina Romeo at Darius.. Naglalandian na naman sila.. Nag inat si Hannah.. Sleep ka muna.. sabi ni Aldrin. Ngumiti si Hannah..

Kwento ka din Pot.. ungot ng dalaga.. Napangisi si Aldrin.. Anung gusto mong malaman?.. Mga bad deeds ko?..Lalo na kapag mag isa ako sa room?.. landi ni Potpot.. Natawa si Hannah ng malakas.. Yuck !.. Kadiri ka.. Seryoso kasi.. sabi ni Hannah.. Napangiti si Aldrin.. Ano ba gusto mo malaman?.. tanong ng binata. Napaisip si Hannah.. Hmm.. Di ka ba nagka girlfriend ?.. tanong ni Hannah.. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni Aldrin pero di nya pinahalata sa binata.. Di. Loyal ako kay Lelay.. landi ni Potpot.. Napangiti ng maluwang si Hannah.. Wee?.. Di ka nanligaw man lang?.. kulit ng dalaga.. Napaisip si Aldrin.. To be honest.. Nanligaw ako once.. kwento ni Aldrin.. Si Hannah naman ang nacurious.. Nakaramdam sya ng selos.. Kwento mo.. sabi ng dalaga.. Nalungkot ang mukha ni Aldrin.. Her name is Bea.. Mas matanda sya sa atin ng one year.. Shes so pretty.. Nung high school kame... Sya ang laging nananalong Miss Campus.. Pero nung last tinalo sya ni Krissing..Pero it was a close fight.. First time kasing napilit si Krissing.. Kung di pa pumayag si Rhoi di pa sya sasali.. Kaya nagkaroon ng competition si Bea that time..Pero natalo nga sya via 5 votes lang ata..Grabe ang higpit ng laban..Third year kami non tapos graduating na si Bea.. kwento pa ni Aldrin.. Napangiti si Hannah. Galing naman ni sis.. puri ni Hannah.. Kung kasali ka.. Malamang nabaliw na yung mga judge.. biro ni Aldrin.. Natawa si Hannah.. Kwento pa.. sabi nya.. Nabahiran na naman ng lungkot ang mukha ni Aldrin..

That time.. Lumapit sya sa barkada.. Binati nya si Kris .. Okay naman ang lahat.. Aminado ako na talagang crush ko sya non.. Pero nahihiya akong manligaw.. At isa pa, I am holding sa isang pangako sa kababata ko.. nakangiting sabi ng binata.. Kinilig si Lelay.. Tell me..SAbi mo niligawan mo.. sabi ng dalaga.. Tumango ang binata.. Nagsimula syang sumama sa barkada..Pero not araw araw.. Minsan..twice a week.. Minsan once.. Kaya minsan lang kami magkita... Nung gumraduate na sya.. Ofcourse nalungkot ako..Tinago ko ang feelings ko sa lahat... Pero tsk tsk.. May nagmamasid pala sakin.. nangingiting kwento ni Aldrin.. Sino?.. tanong ng dalaga.. Si Romeo.. Lagi pala syang nagmamasid sa twing magnanakaw ako ng tingin kay Bea.. Ayon.. Gumawa sya ng hakbang ng di namin nalalaman..Ganyan talaga si Romeo.. Basta basta na lang gagawa ng kung ano ano ng sya lang ang mag isa.. Tsk..Ako ang kawawang biktima that time.. kwento pa ni Aldrin.. Napangiti si Hannah.. Nagulat ako non..Kakagraduate lang namin ng 4th year high school ng ayain ako ni Romeo mag Mall .. Sabi nya samahan ko daw syang mag shopping.. Ofcourse nagulat ako.. Si Romeo.?.. Eh nuknukan ng kuripot yon eh.. Pero syempre wala naman akong ginagawa kaya sumama ako.. Iniwan nya ako sa loob ng Chowking.. Tapos lumabas sya.. Pagbalik nya kasama nya na si Bea.. Blind date daw sabi ni Romeo.. Di ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit .. Di ako prepared.. Ni wala akong dalang pera.. Sabi nya ok lang daw.. Kaya ayun.. Biglaan kaming nag date ni Bea.. Di ko alam ang gagawin ko that time.. Si Romeo text ng text kung anong gagawin ko.. Akala ko nga nauwi na sya pero nagulat ako ng makita ko sya sa malayo.. Nakatingin sya sa amin.. Sumusunod pala sya.. Kahit nung pumasok kami sa sine .. Sumunod pa rin sya.. Hanggang sa ihatid ko si Bea sa bahay nila.. dagdag pa ni Aldrin. Napangiti si Hannah.. Napatingin sila kina Romeo na himbing na natutulog.. Hes mabait pala.. sabi ni Hannah.. Napangiti din si Aldrin.. Wag kang mabulag sa itsura nya.. Pusit yan.. Akala ko libre yung date namin .. Pero nagulat ako ng maglabas sya ng listahan tapos siningil si Mom.. Tawa ng tawa si Dad non tapos ako hiyang hiya.. Pero kahit pa. First date namin ni Bea.. Nasundan ng nasundan.. Nung pangalawang date namin sumama ulit si Romeo pero nagtatago sya kay Bea.. Or maging sakin siguro pero nakita ko sya nung pumasok kami sa tindahan ng sapatos.. Bigla syang pumasok sa isang store din.. kwento ni Aldrin.. Natawa si Hannah.. So anong nangyari?.. Bakit di naging kayo?.. tanong ni Hannah.. Nalungkot na naman ang hilatsa ng mukha ni Aldrin.. Di ko din alam ang nangyari.. Akala ko okay na kami.. Naghihintay na lang ako nun na sagutin nya ako at maging formal ang aming relasyon.. Pero one day.. Bigla nyang sinabi na

ayaw na nya..Sabi nya masyado pa daw kaming bata para magseryoso .. Nagulat ako non.. Ang bilis ng mga pangyayari.. Nakita ko na lang syang may kasamang ibang lalake.. Ang sakit sakit.. Pero tiniis ko at pilit na tinago sa mga kaibigan ko.. Pero buking pa rin ako ni Romeo .. Ang masaklap .. Kinwento nya sa barkada kaya nagtrending tuloy ako ng ilang buwan.. malungkot na tumawa si Aldrin.. Nakaramdam ng awa si Hannah sa nobyo.. Niyakap nya ito.. Wag ka na malungkot.. Nandito na naman ako.. Di kita iiwan tulad nya.. bulong ni Hannah.. Napangiti si Aldrin at gumanti ng yakap.. Promise?. tanong ng binata.. Ayaw kong mag promise.. Promises are made to be broken nga daw.. Basta gagawin ko. madiin na sabi ni Hannah.. Nagngitian silang dalawa.. Muling nagdikit ang kanilang mga labi.. Pero saglit lang dahil napansin ni Hannah na namboboso sina Romeo at Darius.. Tinapik ng dalaga si Aldrin at nginuso ang dalawa.. Hoy.. Kala ko tulog kayo?.. galit na sabi ni Aldrin.. Nahiya ang dalawa at biglang nagtago.. Nagbungisngisan sila at naglandian.. Pare.. Pakiss.. biro ni Darius.. Sinuntok sya sa braso ng kaibigan.. Tangna ka.. bulong ni Romeo.. Nagtawanan na naman silang dalawa.. Pero natahimik si Darius.. Really.. What are you playing this time ?.. tanong ng kaibigan.. Napabuntong hininga si Romeo.. Tumingin sa bintana.. Mukang totoo nga ang fate pre.. bulong ni Romeo.. Natuwa si Darius.. Sabi ko sayo eh.. Well.. How can you say?.. What changed your mind?.. tanong ni Darius.. Muling tumahimik si Romeo..

Nangalumbaba na pinagmasdan ang tanawin na nadadaanan.. Mukhang nakatadhanang masaktan ang kaibigan natin.. biglang bulong ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ni Darius at niyugyog ang kaibigan.. Kwento mo .. Sige na pre.. Wag mong solohin.. pangungulit nya. Natawa ng bahagya si Romeo.. Dont worry.. Whatever happens.. We will make sure na we got Potpots back..Nasa likod nya tayo no matter what.. Tulad ni Lelay .. Di ako nangangako na magiging maganda at patas ang labanan.. Pero lalaban tayo sa sinasabi mong Fate.. matigas na sabi ni Romeo.. Pare.. Nababaliw ka na ba?.. tanong ni Darius.. Ewan ko.. Naaadik na ako sa storya nila.. If ever na may mangyaring di maganda.. I can sense it.. Alam mong di ako nagkakamali when it comes to instinct.. bulong ni Romeo... Nalungkot si Darius..Tama ang sinabi ng kaibigan nya.. Di pa ito nagkakamali pagdating sa mga hinala.. What are going to do?.. maasim na tanong ni Darius.. Napabuntong hininga si Romeo.. I need you and Rhoi to do this.. Kailangang sila ni Lelay ang magkatuluyan at hindi ng kung sinong Poncio Pilato.. sabi ni Romeo.. Pero pare.. Pakikielam na yan sa tadhana ni Potpot at Lelay.. Bakit di natin gawin ang tulad ng dati?.. Go with the flow.. sabi ni Darius. Umiling si Romeo.. We once did that.. Remember?.. What happened to Bea and Aldrin?.. Wala.. Nakita natin kung paano naging suicidal si Potpot.. This time.. We will make sure that they will live happily ever after.. matigas na sabi ni Romeo.. Tumigas na din ang mukha ni Darius at napatango.. Yeah.. Kaya natin to.. Tatlo nating lalabanan ang tadhana na maaring sumira sa kanila.. sabi ni Darius.. Tumango si Romeo.. Kung noon.. Di ako nagtagumpay dahil mag isa akong nag trabaho.. This time .. Tatlo tayo.. Siguro naman enough na ang lakas natin para lumaban.. sabi ni Romeo.. Tumango si Darius.. Tama.. Kung di fair magiging hatol ng tadhana para sa kanilang dalawa.. At least nandito tayo para kahit papaano bigyan si Potpot ng magandang laban.. Tulong tulong na lang .. Parang pakikipagsuntukan lang.. nakangiting bulong ni Darius.. Nagholding hands sila ni Romeo..

Natututo ka na saken .. Pwede ka ng mag apply ng apprentice ng kataas taasang Toyantz.. biro ni Romeo.. Napakagat labi si Darius.. Sama sama nating abutiiiinnnnnn.. kanta ni Darius.. Two hands na silang nag holding hands sabay titigan sa isat isa.. Pinaka matayog na bituin.. sakay ni Romeo.. At sa atin tagumpay.. Tagumpay ng ating lahi.. si Darius.. Tagumpay ng ating lipi.. At sa layong minimithi at hinahangaddddd... biglang pumiyok si Romeo.. Pero tuloy ang pagkanta.. Hangad koy .. Tagumpay nating .. Lawhaaattttt.... Whooooo.. Awhooooo.. sabay na silang kumanta.. Naging madamdamin ang pag awit nilang dalawa.. Titigan sila pero biglang may humawak sa ulo ni Romeo.. Ganun din kay Darius.. Bigla silang nauntog sa isat isa.. Pagtingin nila ay si Hannah at Krissia pala ang may sala.. Magpatulog kayo mga hayup !.. galit na sabi ni Krissia.. Ang papanget ng boses nyo !.. sigaw ni Hannah. Natameme ang dalawa.. Hangad koy tagumpay natin.. muli silang bumulong.. Pero umamba ng suntok si Chichi.. Tinigil na din nila.. Kaysa mabukulan pa.. Chapter 25 Liham ( Ngayon Alam nyo na ang pakiramdam ng makatikim ng Droga galing kay TOYANTZ. ! )

Mabilis ang naging byahe nila Hannah . Alas syete pa lang ng gabi ng makarating sila sa Terminal ng bus.. Isa isang nagtayuan ang mga pasahero..

Nakatulog sina Romeo at Darius.. Pa isa isang nagbabaan ang mga nakasakay.. Hinaplos ni Hannah ang pisngi ng nobyo. "Pot.. Nandito na tayo.." gising ni Hannah. Dahan dahang nagmulat ng mata si Potpot.. "Hi.. Angel ka ba?.." biro ni Aldrin.. Nagblush si Hannah.. Natawa sya at pabirong kinurot ang pisngi ng binata.. Uminat si Aldrin.. Tumayo na sabay hakot sa mga dala nya pati na ng sa dalaga.. Pababa na sya ng mapansin na natutulog pa sina Romeo at Darius.. Pinagumpog nya ang dalawa.. Dahilan para maalimpungatan ang mga ito.. "Sinong kaaway?.." biglang banat ni Darius.. Napahagikgik sina Eric sa likod.. "Tutulog tulog sa pansitan.. Hala.. " panggigising ni Rhoi. Nagpauna na sila ni Krissia na bumaba.. Hinawakan ni Aldrin ang kamay ni Hannah at sumunod kay Rhoi. Pababa na sya ng may sumitsit sa kanya.. Paglingon nya ay napakunot noo sya.. "Hi.." bati ng babae.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makilala ang babae.. "B-bea?.." tanong ng binata. Tumango si Bea.. Napangiti ng kimi.. Nabahiran ng lungkot ang kanyang mukha ng mapansin ang magkahawak kamay nina Aldrin at Hannah.. Automatikong nagtaray si Hannah.

Pot nakaharang tayo.. taray ni Hannah.. Pinagbabantaan ang nobyo.. Natulala si Aldrin kaya kailangan pa syang kalabitin ni Hannah.. Hoy !.. untag ni Hannah.. Napakurap si Aldrin.. Napatingin sya sa batang karga ni Bea.. Ahh.. Hannah.. Si Bea.. Bea.. Si Hannah. Girlfriend ko.. pakilala ni Aldrin.. Napatingin si Hannah.. Nakaramdam sya ng selos. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ni Aldrin.. Tumayo sina Romeo at pati sila nanlaki ang mga mata.. Holy mother.. bulong ni Darius.. Hole papa.. Nahuli tayo ng konti.. Bwisit.. Nagsisimula ng manggulo ang tadhana.. Pero papalag tayo.. bulong ni Romeo.. Agad na umepal ang dalawa.. Oy.. Si Bea to ah.. kunwaring sita ni Darius.. Nagtaka ang babae.. Napasimangot.. Anu na naman trip nyo?.. tanong ni Bea.. Ay.. Baba na tayo.. Natatae na ako.. epal ni Romeo.. Nagtawanan lang sila.. Tinulungan nila Romeo at Darius na magbaba ng gamit si Bea.. Di mapakali si Aldrin.. Patingin tingin sya sa dalaga.. Si Hannah naiinis na sa binata.. Hoy.. Sabihin mo lang kung gusto mong mauna na akong umuwi.. taray ni Hannah.. Natawa ng mahina ang binata at hinapit ng akbay ang dalaga.. Ito naman.. Jelly fish.. Syempre nagulat lang ako kasi may anak pala sya..Teka anak nga kaya nya?.. sabi ni Aldrin.. Napaismid si Hannah..

Eh ano kung anak nya?.. taray ng dalaga.. Lalong natawa si Aldrin.. Ito talaga.. Tara na... Diretso tayo sa bahay para makamusta mo sila Mom.. Miss ka na ni Aly e.. pag iiba ni Aldrin.. Napangiti si Hannah.. Ako rin e.. Tara.. Tawag na tayo ng taxi.. sabi ng dalaga.. Tumango si Aldrin .. Pasimple ng tiningnan si Bea na kinakausap ni Romeo... Sinitsitan nya si Darius .. Pre.. Ayun o.. Unahan mo sa taxi dali !.. sigaw ni Rhoi.. Mabilis na tinawag ni Darius ang taxi.. Napasimangot ang babaeng nagpara dito.. Kinalabit si Darius.. Hoy .. Nauna ako dyan.. taray ng babae.. Napalingon si Darius at namangha sya dahil maganda ang babae.. Hi miss. Gusto mo bilhan kita nito?.. biro ni Darius.. Inirapan lang sya ng dalaga.. Sayo na..!.. singhal ng dalaga.. Natawa si Darius.. Kinausap ang driver..Naglabas ng pera sabay abot dito.. Tumango naman ito.. Oh ayan.. Sayo na yan.. Bayad na din yan ...Ingat ka miss taray.. biro ni Darius.. Napaismid ang babae.. Pero sumakay na din naman.. Sumaludo pa si Darius.. Thank you superfwend !.. biglang sabi ng babae.. Napangiti na lang si Darius kahit di naintidihan ang huling sinabi ng babae.. Bumalik sya sa mga kaibigan na bigo.. Putris ka.. Nakita mo lang na maganda yung babae pinagbigyan mo na.. sita ni Rhoi.. Natawa naman sina Aldrin at Hannah..

Be gentleman pare.. Kung kay Krissing nangyari yon.. Gugustuhin mo din bang maagawan sya ng iba..?.. pang aasar ni Darius.. Napangiti si Rhoi at hinapit ang babaeng katabi nya.. Sige na nga.. Pero ang ganda nun ah.. biglang banat ni Rhoi.. Nakatikim sya ng sikmura sa bespren nya.. Narinig nilang sumitsit si Romeo.. Sabay sabay silang napatingin sa binata at nakita nilang inaalalayan nito sina Bea at ang anak nito na sumakay sa isang taxi.. Umikot ito sa drivers seat sabay kinausap ang driver.. Naglabas si Romeo ng pera .. Inabot sa driver.. Muling kinasap ito na parang binibilinan.. Maya maya pinasok ni Romeo ang ulo para siguro magpaalam sa baby ni Bea.. Ilang saglit pa ay umandar na ang taxi.. Lumapit si Romeo na nakangiti .. Yo.. Bakit wala pang taxi?.. nakasimangot na tanong ni Romeo.. Tinuro ni Rhoi si Darius.. Paano ba naman.. Nakakita lang ng maganda binigay na yung taxi. banat ni Eric.. Hoy gago.. Sya talaga ang nauna.. Tayo nga yung mang aagaw e.. biglang banat ni Darius.. Nagtawanan sila.. Bubwit.. Ang cute mo nung naka gown ka ah.. puri ni Romeo.. Namula ang pisngi ng bata ... Inirapan lang si Romeo.. Ayun na o.. Tangna.. Hoy Taba.. sigaw ni Aldrin.. Tarantang tumakbo si Darius para habulin ang taxi.. Di tayo kasya sa isa.. sabi ni Aldrin.. Nagkatinginan ang lahat.. "Sige pre.. Ibang taxi na lang kame.. Tutal di naman tayo mag kakapitbahay.." sabi ni Eric.. Tila nagdalawang isip si Romeo.. "Eh kung sabay ako sa inyo?.." tanong ni Romeo..

Napasimangot si Eric.. "Wag na .. Mapapalayo ka pre.." sabi ni Eric.. "Okay lang.. At least may kasama kayong pogi. Di ba bubwit?.." nakangiting sabi ni Romeo.. Umirap lang ulit si Chichi.. "Sige na nga.. Wag na lang.. May gagawin pa pala ako.." biglang bawi ni Romeo.. May isa pang dumaang taxi.. Pinara agad ito ni Eric .. Oh.. Kita kits na lang.. paalam ni Eric.. Nagtanguan lahat.. Pinasakay muna nila sina Eric at Chichi. Bago umandar pumwesto si Chichi sa likod at kumaway sa mga ate nya.. Binelatan nya pa si Romeo na ikinatawa lang ng binata.. Isa isa na din nilang sinakay ang mga gamit nila sa trunk ng taxi na pinara ni Darius.. Sa harap naupo sina Romeo at Darius.. Habang sina Rhoi, Aldrin , Hannah at Krissia sa likod.. Partner partner sila.. Halos abutin ng isang oras ang byahe nila sa taxi kahit na malapit lang naman ang distansya.. Masyado kasing traffic.. Huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nina Aldrin.. "Guys thanks ha?.." sabi ni Hannah.. "Kami nga ang dapat na magpasalamat sa iyo e.. Biruin mo nakaranas tayo ng sagala.?.. " nakangiting sagot ni Krissia.. Biglang napasigaw si Darius.. "Putsa !.. Yung videocam !.. Na kay Cyborgz pa !.." sigaw ni Darius.. Nagtawanan lang sila.. "Next time na pag uwi natin.. Pabilin mo na lang kay Hannah na sabihan yung mga nasa province na sabihan si Borgz na ingatan na lang yung cam.. Mabait naman yun eh kahit pangit.." biro ni Romeo. Nagtawanan na naman sila..

Lumabas ang nanay ni Aldrin.. "Hey.. Your here na pala.. Teka.. Allyyyyy.. Help mo kuya mo .." sigaw ng nanay. Lumabas ang dalagitang kapatid ni Aldrin.. Tinakbo nito si Hannah sabay yakap.. Gumanti naman agad ang dalaga.. "Miss you ate.." sabi ni Alysaa.. "Same here sis.. Teka may pasalubong ako for you.." sabi ng dalaga.. Nanlaki ang mga mata ni Aly.. "San na?.. " excited nyang kinuha ang dalang pasalubong ni Hannah sa kanya.. Inabutan na din ni Hannah ng pasalubong ang nanay ni Aldrin.. "Thanks iha.. Oh.. nag dinner na ba kayo?.. Come inside na.. KAyo guys?.. Dito na kayo mag dinner.." alok ni Alona.. "No thanks tita.. Sa bahay na lang kasi medyo pagod na me.." tanggi ni Romeo.. "Kame din po Tita.. Busog pa kame..Salamat po.." sagot ni Krissing.. Tumango din si Rhoi.. "Oh sige.. Ikaw Darius?.." tanong ni Alona.. Tumanggi na din si Darius. "Thank you Tita. " sagot ng binata.. "Okay.. Tayo na lang.. PAsok na .." aya ni Alona sa mga bata.. Isa isa na silang nag hiwalay.. Pagpasok sa loob naabutan pa nilang nanunuod ang padre de pamilya.. Agad na tinalon ni Aldrin ang ama sabay damba.. Nagulat man ay agad na dinaganan ni Nestor ang anak.. "Kala mo huh?.. Um.." biglang pinagsusuntok ni Nestor ang anak. TAwa ng tawa si Aldrin.. "Hey Dad.. May bisita.." sabi ni Alona.. Napatingin si Nestor at napangiti sya ng makilala ang dalaga.. "Hello po.." bati ni Hannah.. "Hi.. Kahiya naman.. Ikaw pa naghatid sa unggoy na to.. Kumain na ba kayo?.." tanong ni Nestor..

"Its ok Tito.. Medyo busog pa po ako kasi nag early dinner kami kanina.." nakangiting sabi ni Hannah.. NApangiti na din si NEstor sabay tayo.. "Teka ate.. Dito ka mag sleep?.." lambing ni Aly.. Napangiti si Hannah.. "Okay lang po ba?.." tanong nya kina Alona at Nestor.. Tumango naman agad ang dalawa.. "Okay na okay.. Kaya lang lock nyo door nyo .. Kasi baka may pumasok.." biro ni Nestor sabay tingin kay Aldrin.. Umungol naman ang binata.. "Dad !... " angal ni Aldrin.. Nagtawanan lang ang mga magulang nya.. "Tara ate.." Hinatak ni Aly sa kamay si Hannah.. Nangiti lang ang dalaga at nagpaalam sa mga magulang ni Aldrin.. Sinundan na lang nila ng tingin ang dalawa habang papaakyat sa hagdan.. NGiting ngiti si Aldrin.. Napansin ito agad ng mga magulang nya.. Inakbayan ni Nestor ang anak sabay binulungan.. "Nakaiskor ka ba anak?." bulong ni Nestor.. Namula si Aldrin at napailing.. "Dad !.. Wala pa sa isip ko yan.." tanggi ng binata.. "Eh bakit nanlalaki butas ng ilong mo?.." biro ng Tatay.. Natawa ang anak.. "Kinilig ka no?.. Teka .. Kayo na ?.." tanong ng tatay.. Lalong nangiti ng kita ang tonsil si Aldrin.. "Naks !.. Yan ang gusto ko sa anak ko.. Manang mana sa Tatay.. Nag kiss na kayo?.." bulong ng tatay.. Muling ngumiti si Aldrin.. Sabay tango.. "Woooo.. Azteg ka anak.. Ang libog mo.." biro ng ama..

Bigla silang nauntog sa isa't isa.. "Anu na naman yan?.." mataray na tanong ni Alona sa asawa.. Natawa ang mag ama.. "Dad.. Dati bang sundalo si Mom?.. Bakit parang warfreak?.." biro ni Aldrin.. Tumango ng malungkot ang ama.. "Tama ka anak.. Lately natatakot na ako sa nanay mo.. Parang sinasapian ng masasamang espiritu.. " bulong ni Nestor sa anak.. "Mahal ano yon?.." biglang tanong ni Alona.. Agad na nilapitan ni Nestor ang asawa. "Wala mahal.. Sleep na tayo." lambing ni Nestor.. Nangiti si Alona.. "Oh anak.. Ligpit ligpit ka muna before matulog ha?.." sabi ng nanay.. Nagmamadali silang umakyat sa kwarto.. Napakunot noo si Aldrin.. Sinara nya na ang front door. Tapos nagpunta sa kusina.. Napasigaw sya ng makita ang gulo ng kusina..Kakatapos lang sigurong kumain ng pamilya nya.. "Ako pa maghuhugas?.. Waaa !.." sigaw ni Aldrin.. Sa itaas.. Nakabihis na ng damit pantulog sina Alyssa at Hannah.. Magkatabi silang nakahiga sa kama ng dalagita.. "Ate.. You mean kayo na ni Kuya?.." nangingiting tanong ni Aly.. Napatango si Hannah dahilan para tumili si Aly.. "Grabe sis wag ka maingay.." saway ni Hannah.. "Congratz ate.. Pero ingat ka." banta ni Aly.. Napakunot noo naman si Hannah. "Why?.." tanong nya.. Bungisngis si Aly.. "Kasi Torpe si Kuya.. Malamang matagalan pa yung first kiss nyo.." sabi ni Aly..

Napangiti naman si Hannah.. Kinilig.. "Actually.." putol nya.. Napahinto si Aly at napatitig sa Ate Hannah nya.. "You mean ate?.. Tapos na?.." tanong ni Aly.. Napatango si Hannah.. Akmang titili na naman si Aly pero naagapan ito ni Hannah .. Natakpan nya agad ang bibig ng dalagita.. "Wag ka ingay sis.. Baka magalit Mom mo.." saway ni Hannah.. Pero nakangiti sya.. Tumango si Aly.. Dahan dahang inalis ni Hannah ang kamay pero biglang tumili si Alyssa.. NAtawa na lang si Hannah.. "Grabeeee... Ayeeeeeee.." kinikilig na sabi ni Aly.. Pati si Hannah di na pinigilan ang kilig.. Niyakap nya si Alyssa ng mahigpit.. "Atee.. Teka .. Ahaha.. " angal ni Aly.. Naghagikgikan silang dalawa.. Biglang bumukas ang pinto.. "Sleep na daw sabi ni boss.." sabi ni Aldrin na nagpupunas pa ng kamay.. Nagkatitigan sila ni Hannah.. "Kuya dun ka.. !" sigaw ni Hannah.. Natawa ang binata.. "Aly ang panget ng room mo .." pang aasar ni Aldrin.. Binato sya ng unan ng kapatid nya. "Mas panget room mo kuya.." sigaw ni Alyssa.. Natawa na lang ang binata sabay nilapitan ang girlfriend.. Walang sabi sabing dinampian nya ng halik ang labi nito.. Nanigas si Alyssa sa kilig.. "Waaaa.. PDA kayo.. Hello andito pa me.. " biro ni Aly pero nakangiti naman sya.. Natatawang naghiwalay ang dalawa..

Masuyong hinalikan din ni Aldrin sa pisngi ang kapatid.. "Sleep na kayo mga binibini.. " lambing nya sabay lapit sa pinto.. "Love u.." pahabol ni Hannah.. "Love u more.. " bawi ni Aldrin.. "Ayeee..." singit ni Alyssa.. NAgtawanan ulit sila.. Nagflying kiss pa si Aldrin sabay sara ng pinto.. Tapos nya ng icheck ang mga pinto sa ibaba at bintana kaya dumiretso na sya sa sariling kwarto.. Nagpalit lang sya ng damit at nagsepilyo. Dumamba sya sa kama.. Niyakap ang unan.. "I love you mahal.." bulong nya na nasa isip ay si Hannah.. Nakangiti syang pumikit at nilamon ng antok..

Maagang nagising si Hannah.. Di na nya nagawang gisingin si Aldrin dahil alam nyang pagod din ito.. Naabutan nya pang nagluluto ang ina ni Aldrin kaya dito na sya nagpaalam.. Inalok sya nito ng almusal kaya pinaunlakan naman nya ito.. Matapos ang almusal dumating na ang sundo ni Hannah na si Mang Bert.. Maagang pumasok si Aldrin kinabukasan.. Hila hila nya ang mga barkada papuntang kubo dahil nag text na si Hannah na nandun na daw ito.. "Tangna pare madadapa tayo nito eh.." angal ni Darius.. Pero parang walang naririnig si Aldrin at patuloy lang silang hinahatak.. Natatawa na lng sina Rhoi at Krissia... Pagdating sa kubo ay nadatnan nila si Hannah na nag aayos ng mesa.. Maraming pagkain na galing sa isang kilalang fastfood ang nakahain.. Napangiti agad ang dalaga ng makita ang mga kaibigan.. Guys.. Kain... Walang tatanggi.. Sis pa help naman.. lambing ni Hannah..

Di na kailangan mag dalawang salita.. Agad sinunggaban ni Darius ang isang malaking burger.. "Buti na lang konti lang breakfast ko kanina.. Thanks Lelay.." biro ni Darius.. "Ikaw?.. Aalis ng konti ang nakain?.. Parang sinabi mo na rin na pwedeng mag snow sa pilipinas.." pang aasar ni Romeo sabay bukas ng styro ng spaghetti.. Tawanan ang lahat pero wapakels si Darius .. Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell.. "Maya na linisin yan.. Tara at mangongopya pa ako.." sabi ni Romeo. Nagpauna na syang lumabas ng kubo.. Isa isa na rin silang nag sisunuran.. Masayang lumipas ang mga araw sa magbabarkada.. Habang tumatagal lalong lumalalim ang relasyon nina Aldrin at Hannah.. Isang dismissal nakatanggap ng tawag si Hannah galing sa Lolo nya.. "Hello po?.." sabi ni Hannah.. Napakunot noo si Aldrin.. Hinawakan ni Hannah ang palad ng nobyo sabay bulong ng Lolo.. Napangiti si Aldrin at nag thumbs up.. "Hello apo?.. Umuwi ka agad.. Nandito kami sa bahay nyo.." sabi ng Lolo ni Hannah.. Nagulat si Hannah.. "Po?.. Baket po?.." takang tanong ng dalaga.. "Dito ko na sabihin sayo apo.. Wag ka na muna magpahatid kay Potpot .. Ayos lang ba?.." tanong ng Lolo.. Lalong nagtaka si Hannah.. "Baket po ?.." tanong nya. "Sige na apo.." pakiusap ng Lolo.. Napatingin si Hannah sa nobyo na nakikipagharutan sa kapwa alas.. "S-sige po Lo.." pag payag ni Hannah.. "Salamat apo.. " sabi ng Lolo..

Binaba ni Hannah ang cellphone sabay hinatak ang nobyo sa isang tabi.. "Mahal.. Nasa bahay si Lolo.." sabi ni Hannah.. Napakunot noo si Aldrin. "Oh baket?>.." tanong nya.. "Ewan ko nga e.. Pero sabi nya uwi daw ako agad.." sabi ni Hannah. Nagkibit balikat lang si Aldrin sabay aya sa mga kasama na umuwi na.. Tumango naman ang mga ito.. "Ah.. Sabi ni Lolo wag mo na muna daw ako hatid.. " nahihiyang sabi ni Hannah.. Napangiti na lang si Aldrin at tumango.. "Okay lang .. Baka magpapasama lang sayo mahal.. Sige na.. Okay lang ako." nakangiting pagpayag ni Aldrin.. Nagpaalam na si Hannah sa mga kaibigan.. Umuwi na din sina Aldrin kasama ang mga kaibigan nya.. Malungkot na umuwi si Aldrin.. Pagpasok nya sa bahay ay naabutan nya ang ina na pawis na pawis.. "Oh Mom.. Anung ginawa mo?.." tanong ni Aldrin sa ina.. Natawa si Alona.. "Eto.. Feel ko lang mag linis ng stock room anak.. Next ko na yung office ng Dad mo.. Naku.. Ang gulo.." napailing pa si Alona.. Natawa naman si Aldrin.. "Ako na lang siguro Mom.. Bihis lang ako." sabi ni Aldrin.. "Maaga ka ata?.." tanong ng ina.. "Eh nandun daw yung Lolo ni Hannah.. Mukhang magpapasama mamasyal... " sabi lang ni Aldrin.. Napatango ang ina.. "Hala sige.. At ng makapagluto na ako ng dinner.." sabi ng ina.. Agad na nagpalit ng damit pang bahay si Aldrin.. Diretso agad sya sa opisina ng ama upang simulan ang paglilinis.. Inuna nya ang bookshelves ng ama..

Niligpit at pinagsama sama ang mga magkakaparehong libro tulad ng encylopedia.. Inayos niya ito ng alphabetical order.. Ng masiyahan sa nagawa ay dumako sya sa computer.. Pinunasan nya rin ito at inayos ang pag kaka pwesto table ng ama.. Nagwalis walis sa paligid.. Ng makitang wala naman gaanong dumi ay umupo sya swivel chair ng ama.. Mamaya na lang sya lalabas dahil baka mabuking ng ina na di naman talaga sya nag linis.. Naisip ni Aldrin ang kasintahan.. Anu kaya ang pakay dito ng Lolo..?. Napatingin si Aldrin sa mga magkakapatong na papeles ng ama.. Napapailing sya.. Batid nyang di rin magtatagal ay sya na ang hahawak sa negosyo nila. Nilibot ni Aldrin ang paningin sa buong opisina ng ama.. Napako ang mga mata nya sa ibabaw ng isang shelf.. Napakunot noo sya.. Tumayo sya at lumapit dito.. Pilit na inabot ang nasa ibabaw ng shelf.. Ng di maabot ay hinatak nya ang swivel ng ama.. Hinubad ang tsinelas sabay patong sa upuan.. Box.. Box pala.. Kinuha ito ni Aldrin .. Napaubo pa sya sa kapal ng alikabok na bumalot na dito.. Nacurious sya kaya muli nyang binalik ang upuan sabay lapag sa mesa ng box.. Binuksan nya ito.. Mga lumang papel.. May sobre pa na mukhang nuong unang panahon pa ang pinanggalingan.. Kinuha ng binata ang isa.. Hinipan.. Lumabas ang dating nakasulat.. Napangiti si Aldrin dahil mga love letters pala ito ng ina para sa ama.. "Korni yan.." natatawang sabi ng binata..

Inisantabi nya ang love letter ng ina.. Pare parehas lang halos ang laman.. Halos maubos na nya ang mga sulat ng may umagaw sa atensyon nya.. Papel lang ito na tinupi.. Agad nyang dinampot ang papel sabay buklat.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.. Sulat ito galing kay Lelay. "Baket wala sa akin ito?.." tanong ng binata.. Pinasadahan nya ang sulat.. Napapangiti pa sya sa panget na penmanship ng nobya.. Wala namang masyadong sinabi ang sulat kundi hihintayin daw sya ng nobya kahit abutin pa ito ng matanda na.. Na antig ang puso ng binata.. Tila lalo nyang namiss ang kasintahan.. Tinago nya ang sulat upang ipakita kay Lelay.. Ililigpit na sana nya ang mga sulat ng may malaglag pang isa.. Napakunot noo na naman ang binata.. Agad nyang binuklat ang liham.. Galing sa kanyang lola.. Para sa kanyang Ama.. Dear Anak. Wala ng paligoy ligoy pa.. Nawa'y wag mo ng paabutin sa aking apo ang liham na ito dahil batid kong masasaktan lamang sya sa kanyang malalaman.. Nuong umalis kayo dito ay halos araw araw naghintay si Lelay sa pagdating ni Potpot.. Lagi nyang tinatanong kung kelan daw ba uuwi ang kaibigan nya.. Nakakaawa na nakakaantig ng damdamin anak kung makikita ninyo ang determinasyon sa mukha ng bata habang sinasabi nyang hihintayin nya si Potpot kahit abutin sya ng pagtanda.. Pero anak.. Isang araw wala ng Lelay na nagpunta dito.. Nais ko mang ibigay ang sulat ng apo ko ay hindi na maaari dahil wala na ang mag ina sa kanilang tahanan.. Hindi ko alam kung saan sila maaaring magpunta.. Lumipas ang ilang linggo ng may malaman akong balita buhat sa iyong ama..Nakatakda na daw ikasal si Lelay dahil naipagkasundo ito..Mayaman ang pamilya ni Lelay..

Ito na lang ang nalalaman ko anak.. Ayaw kong masaktan ang apo ko kung sakaling malaman nya na kahit anong gawin nila.. Ay hindi pa rin sila maaaring magkatuluyan ni Lelay... Ilihim mo ito anak.. Para din ito sa ikabubuti ng aking apo.. Nagmamahal iyong Ina..: Tulala si Potpot sa nabasa.. Parang namanhid ang kanyang pakiramdam.. Suminghot sya at nagulat sya dahil lumuluha na pala sya.. Pinahid nya ang mga mata pero kataka takang lalo lang nagsiagos ang mga luha.. Di na pinigilan ni Aldrin ang pag iyak.. Napakasakit ng katotohanan.. Kung kelan nahanap na nila ng nobya ang isa't isa.. Tsaka naman may tadhanang tila nakahandang maghiwalay sila.. Di na naibalik ni Aldrin ang mga sulat sa kahon.. Dali dali syang tumakbo sa kwarto upang duon ibuhos ang nararamdaman. Chapter 26 Proposal

Nakangiting bumaba si Hannah sa kotse.. "Thanks Tatay Bart.." pasasalamat nya sa driver na sumundo sa kanya.. Nag text lang sya sa nobyo na nakauwi na sya.. Masaya nyang binuksan ang pinto.. Kahit pa sabihing kagagaling lang nyang probinsya para makita ang abuelo ay kamangha manghang parang isang taon na ang lumipas.. Miss na nya ang Lolo at Lola nya.. Agad nyang tinungo ang sala.. Pero di nag iisa ang lolo nya.. May kasama itong gwapong binata.. Pero hanggang duon na lang.. Dahil committted na sya kay Potpot.. Nakangiting lumapit ang dalaga sa likod ng Lolo nya sabay halik sa pisngi nito.. "Hi Lolo.." bati ng dalaga..

Nagulat man ay natawa na din ang Lolo ni Hannah.. "Sus.. Nandyan ka na pala.." tatawa tawang sabi ng Lolo ni Hannah.. Nilundag ng dalaga ang sofa.. Niyakap ang abuelo sabay tingin sa binatang nasa harap nila.. Nakangiti ito sa kanya.. Parang namumukhaan nya ito.. Napataas ang kilay ni Hannah.. "Ah... Apo.. Di mo na ba sya natatandaan?.." tanong ng Lolo ni Hannah. Napatingala si Hannah sa Lolo nya sabay iling.. Natawa naman ang binata.. "Lea.. It's me Stefen.." pakilala ng binata.. Agad napabaling ang tingin ng dalaga sa kaharap.. Napatayo pa sya.. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang maliit na labi.. "We?.. Estong?.." tanong ng dalaga. Natawa na naman ang binata sabay kamot sa tenga.. "Geez.. Up to now Estong pa rin ang name ko sayo?.. Ang layo naman ng Stefen sa Estong.. Anyway.. Your so pretty.. " puri ni Stefen.. Napaupo ulit ang dalaga.. Nag blush sya .. Niyakap nya ang Lolo nya na tatawa tawa.. "Ahm.. Anung ginagawa nyo dito?.." mahinang tanong ni Hannah. Inakbayan ng matandang lalake ang apo.. "Apo.. Si Stefen ay anak ng isang kaibigan.. Alam mo na naman yun di ba?.. " bungad ng Lolo. Napatango si Hannah.. Nakakunot pa rin ang noo.. Nagtataka sya sa tila di mapakaling abuelo.. "Lo ano po yon?.." tanong ni Hannah.. Natawa ng mahina ang Lolo.. Parang pinagpapawisan pa ito..

"Lo.." untag ni Hannah.. Tumikhim ang Lolo .. "Apo.. I want you to do me a favor.." sabi ng Lolo.. Kinabahan ang dalaga.. Napabaling ang tingin nya kay Stefen na ngiting ngiti.. Unti unti ng di mapalagay ang loob ng dalaga.. Muli nyang tiningala ang Lolo na nakatitig din pala sa kanya.. "Ano po yon Lo?.." mahinang tanong ng dalaga. Huminga ng malalim ang Lolo ni Hannah.. Napalunok pa ito.. "I want you to marry Stefen.." buo at determinadong sabi ng Lolo ni Hannah. Katahimikan.. Parang nagkamali ng dinig ang dalaga.. Natawa pa sya ng mahina.. "Lo?... Anu yan pick up line?.. Joker ka Lolo ha.. Di na kelangan ng Kwadro Alas ng joker.." natatawa si Hannah.. Mabilis na mabilis na ang tibok ng puso nya. Muli syang napatingin sa binata sa harap nya.. Kampante itong sumandal sa sofa at nagdekwatro.. Parang nanalo sa isang laban kahit na di pa nagsisimula.. "Estong?.. Ano ba to?.. Trip nyo ko?.." nagtaray na si Hannah. Tumawa ng malakas si Stefen.. "No Honey. Its true.. My Lolo told me na friend nya pala ang Lolo mo.. Nalaman ng Lolo mo na tumira kayo sa paligid ng hasyenda namin dati nung bata pa nga tayo.. Sabi ko close na close tayo.. Di ba tama naman?.." nakangiting paliwanag ni Stefen.. Walang masabi ang dalaga.. Tama naman ang lahat.. Pero may mali pa rin syang nakikita.. "Lo.. Tell me that is just a joke.. Please Lolo.. Alam nyong kami na po ni Potpot.." nakiusap na ang dalaga..

Napakunot noo si Stefen.. "Potpot?.. Who the hell is he?.. " maasim na tanong ng binata.. Napabaling ang tingin ni Hannah kay Stefen.. Nagsalubong ang kilay.. Parang nagbago na ang sweet na kababata nya.. Muli nyang inalala ang mga nakaraan nila.. Tama.. Wala silang espesyal na nakaraan bukod sa talagang magkalaro sila nung mga bata pa lang sila.. Di tulad ni Potpot.. Ramdam nya pa ang sakit nung iwan sya nito.. Napataas ang isang kilay ng dalaga.. "Potpot is my boyfriend.." matigas nyang sabi.. Napamura ng lihim ang binata..Pero napangisi din ito.. Tumingin sa matanda.. "Lolo.. Eh may boyfriend pala si Lea.. " sabi ni Stefen.. Tumango ng marahan ang Lolo ni Hannah.. Nahindik ang dalaga.. "Lo?.. You mean itutuloy nyo ?.. Baket po?.." tarantang tanong ni Hannah.. Napalunok muli ang Lolo sabay baling ng tingin sa ibang direksyon.. Ayaw nyang salubungin ng tingin ang pinakamamahal na apo.. Alam nyang nag aakusa ang tingin nito.. Pero kaylangan nyang subukan alang alang sa kaibigan.. "Apo.. Patay na ang kaibigan ko.. Ang Lolo nga ni Stefen.. Dalawang araw pagtapos nyong umalis.. Dumating ang balitang namayapa na nga ang aking butihing kaibigan.." naluluha na ang Lolo ni Hannah.. Mukhang mahal nito ang kaibigan.. "Pero Lo.." mahinang pag angal ni Hannah.. Sumingit si Stefen.. "Honey.. You will benefit from this marriage naman e.. Our hacienda's will merge.. Properties and assets na nakapangalan sayo at sa akin.. " nakangiting paliwanag ni Stefen..

Umirap si Hannah. "I don't care about you anymore.." maangas na sabi ni Hannah.. Napaismid si Stefen.. "Lo.. " ang Lolo ni Hannah ang binalingan ng binata.. Parang nanghihingi ng saklolo.. Muling huminga ng malalim ang Lolo ni Hannah.. Bumaling ang tingin nito sa pinakamamahal na apo.. "Apo..Can you just try?.. " mahinang sabi ng Lolo.. Napahindik na si Hannah.. Tumayo sya at lumuhod sa harap ng abuelo.. "No Lolo.. I love you.. Pero please.. I love Potpot so much.. Please Lolo.. Don't do this.." nagsimula ng tumulo ang luha ni Hannah.. Tarantang pinahid ito ng Lolo nya.. Nagsimula na ring mamuo ang luha sa mga mata nito.. "Apo.. I know.. Mabait si Potpot.. Pero.. Just try.. For me.. If ever na di nag work.. Ako na ang kakalas sa proposal.." naiiyak na bulong ng Lolo ni Hannah.. Napatayo si Stefen .. "Ahem.. Sorry for interfering.. Pero no back outs na po ito sir..." sabi ni Stefen.. Nagdilim ang mga mata ng Lolo ni Hannah.. "I don't want to be rude to you iho.. Pero just to make it clear.. Wala akong pinangako sayo o kahit sa Lolo mo pa.. Gusto ko lang tulungan ka sa sitwasyon mo alang alang sa kaibigan ko.." matigas na sagot ng Lolo ni Hannah.. Napakunot noo ang dalaga.. "Anong sitwasyon Lolo?." naiiyak nyang tanong.. Napailing ang Lolo.. "Sorry Apo.. Patawarin mo ang Lolo.. Ito kasing isang ito.. May tinakbuhang babae dito sa Maynila.. " maasim na paliwanag ng Lolo.. Nagpahid ng luha si Hannah.. Madilim ang mukhang tiningnan ang binata .. "Pero bakit ako Lolo?.. Maraming babae dyan.. And, bakit mo nya tinakbuhan?.. " tanong ng dalaga.. Napangisi si Stefen..

Pero nagbago ang ekspresyon... Naging kaawa awa.. "Balak nya akong pikutin honey e.. Actually nagulat ako kasi may anak pala sya.. Ayun ipapaako sa akin ang bata.. Syempre di naman ako papayag non.. Di ba Lolo..?.." nakakaawang tanong ng binata sa Lolo... Napasimangot ang mag lolo.. "Baka ikaw naman talaga ang ama?.." tanong ng dalaga.. Nagkanda iling iling si Stefen.. "No.. Never.. No way.. Masyadong bitch ang babaeng yon e.." malakas na sabi nito.. Nagalit ang Lolo.. "Iho.. Dont you dare talk like that in front of my granddaughter.. " matigas at galit na sabi ng Lolo.. Tumiklop naman agad ang binata.. "Sorry Lolo..Sorry din hon.." sabi nito.. Napaismid si Hannah.. Parang kinilabutan.. "And for the record.. Don't you dare call me honey.." sabi ng dalaga.. Natawa si Stefen.. "Ito naman.. Sinasanay ko na lang ang sarili ko.." sabi ng binata.. Lalong naasar ang dalaga.. "Lolo.. Bakit kasi ako pa po?.." lambing ni Hannah.. Nagsisimula na namang syang maiyak.. Ngumiti ng malungkot ang Lolo.. "Just try apo.." sabi nito.. Malungkot na tumango ang dalaga.. "Pero alam na po ba ito ni Mom?.." tanong ng dalaga.. Tumango ang Lolo.. "Sinabi ko na apo.. Nakiusap na ako.. Sabi nya its up to you daw.. Kaya nga sinadya na kita dito sa Maynila.. I hope na pagbigyan mo ang Lolo.." lambing ng Lolo ni Hannah.. Napangiti ng malungkot ang dalaga.. "Para sayo po Lo.. Pero di nangangahulugan na pumayag na ako.. Si Potpot, tatanungin ko

pa.. Pag di sya pumayag back out ako then hanapan na lang natin sya ng girl.. " sabi ng dalaga sabay mataray na binalingan ng tingin si Stefen.. Napatayo ang binata.. "No no no.. I want you.. " sabi nito.. Nagsalubong ang kilay ng mag lolo. Napaatras ang binata.. "I mean.. Kesa sa iba na baka samantalahin ang yaman ng pamilya namin.. Sayo na lang .. At least malaki ang tiwala ng Lolo ko sa Lolo mo.. Di ba Lolo?.." pinagdidiinan nito ang pagkakaibigan ng dalawang Lolo.. Lalong nagpuyos ang damdamin ng dalaga.. Ibang iba na ang kababata nya.. Malayong malayo ito sa pinagmamalaki pa naman nya kay Potpot.. Niyakap nya ang Lolo.. "Sige po Lo.. Pero wait natin ang pagpayag ni Potpot.." sabi ng dalaga.. Ngumiti ang Lolo.. "Ok apo.. Call him.. I will wait.." sabi ng Lolo.. Napangiti ang dalaga.. Agad na hinalungkat ang bag sabay dial sa nobyo..

Ang pag ring ng cellphone ang nagpatigil sa pag dadrama ni Aldrin.. Masakit na ang kanyang mga mata sa dami ng luhang mabibilis na dumadaloy pababa sa pisngi nya.. Agad nyang dinamba ang phone.. Napangiti ng malungkot sabay punas sa luha.. Suminghot muna sya bago sagutin ang tawag.. "Hello my Ace.." bati ng dalaga.. Napangiti ng maluwang si Aldrin.. Kailangan nyang paglabanan ang pag iyak kundi malalaman ng nobya ang kanyang sitwasyon.. "Yes my heart?.." tanong ng binata.. Kinilig si Hannah..

"Ayeee.. Heart ko.. Punta ka daw dito sabi Lolo.. May sabihin daw sya.. Please heart.. Punta ka agad please?.." makaawa ng dalaga.. Napakunot noo si Aldrin.. Mabilis na pinunasan ang luha.. "Why heart?.." tanong nya.. Napabungisngis ang dalaga.. "Heart.. Dito na lang po.." lambing ni Hannah.. Tumango si Aldrin kahit di nakikita ng dalaga.. "Yes.. As you wish my queen.. Oh sige bihis lang ako.. Dyan na ako mag dinner.." sabi ng binata.. "Yes Heart.. Bilisan mo .. May kiss ka.." landi ni Hannah.. Nataranta si Aldrin. "Give me 10 minutes.. muah muah.." sabi nya. Mabilis na kumilos .. "Moommmmm... !!.." sigaw ni Aldrin.. Natataranta syang nagsusuot ng bagong T-Shirt.. Dumungaw ang ulo ng ina ni Aldrin buhat sa kusina.. "O?.. San ang sunog?.." biro ni Alona.. Natawa si Aldrin. "Anak?.. Umiyak ka?.." biglang tanong ng Ina.. Natawa ang binata.. "Wala to Mom.. Dun na po ako mag dinner kina Lelay..." mabilis na hinalikan ni Aldrin ang pisngi ng ina... Di na nahintay ang pagpayag.. Takbo agad palabas ng pinto... "Anak.. T-teka.. Lelay?.. Si Lelay ba na anak ni Elena?.." sigaw ng ina.. Pero bigo sya.. Wala na ang anak .. Daig pa nito si Lydia De Vega na bumarurot palabas..

Imbes na matawa ay napaisip ang ina.. Kinuha nya ang cellphone sa ibabaw ng ref sabay dial sa kaibigan..

Halos inabot lang ng dose minutos .. Humahangos na nagdoorbell si Aldrin.. Pinagbuksan sya ni Mang Bert.. Napangiti pa ang matanda ng makita ang binata.. "San ka galing boy?.. Para kang hinabol ng aso ah.." biro ni Mang Bert.. Nahiya naman si Aldrin.. Pawisan sya dahil sa pagtakbo.. Taranta syang tumakbo papasok sa kwarto ni Mang Bert sa gilid ng garahe.. Naghagilap ng suklay sa paligid ng maliit na salamin.. Natawa pa ang binata ng makakita ng pulbos.. "May gel ako dun.. Baka gusto mo?.." alok ni Mang Bert.. Lalong natawa ang binata.. "Kaw Tatay Bert.. Pumoporma ka siguro.." biro ng binata... Natawa na din si Mang Bert.. "Syempre.. Ito naman.. Hala at kanina ka pa hinihintay ng mga bisita.." imporma ni Mang Bert.. Napakunot noo si Aldrin. "Mga bisita?.. Akala ko Lolo lang po ni Hannah ang nandyan?.." tanong ng binata.. Napakunot noo naman si Mang Bert... "Ha?.. Di mo alam na nandyan yung kababata ni Hannah na si Stefen?.. Balita ko kaibigan daw ng Seor ang Lolo nung Stefen eh.. Bale magkasama ata sila sa gyera.. Pero ikaw na ang tumuklas.. Hala..Dun ka na.. Pogi ka na boy.." tatawa tawang sabi ni Mang Bert.. Natahimik ang binata. Naalala nya ang lumang liham ng Lola nya .. Ipinagkasundo na si Hannah sa apo ng kaibigan ng Lolo ng dalaga.. Di kaya yung Stefen ang nasabing magiging asawa ng kanyang pinakamamahal?.. Parang bateryang nadrain ang pakiramdam ni Aldrin..

Napansin naman ito ni Mang Bert.. "Hoy.. Ano na?.. Wag mong paghintayin si Seor.. Loko ka.." tatawa tawang tinaboy ni Mang Bert ang binata.. Napangiti naman ng malungkot si Aldrin.. Huminga ng malalim.. Sa backdoor na sya nagdaan.. Mula sa kusina.. Dahan dahan nyang sinilip ang salas.. Parang dinurog ang puso nya ng makita ang nasabing bisita.. Gwapo.. Mukhang Matangkad.. Malas ay mas matangkad pa ata sa kanya.. "Mas pogi ako dyan.." pang uuto ni Aldrin sa sarili.. Huminga ng malalim sabay dahan dahang tinungo ang salas..

Napakunot noo si Stefen ng makita ang papalapit na binata mula sa kung saan.. Nag katitigan sila.. "Who the hell are you?.. " maangas na sabi ni Stefen. Napatingin ang mag lolo sa binata.. Bumakas ang tuwa sa mukha ng mag lolo.. Napansin ito ni Stefen.. "My Ace !.." sigaw ni Hannah.. Tumalon sya mula sa sofa at dinamba ang nobyo.. Pinaghahalikan nya ito sa pisngi.. Sabay dampi ng halik sa labi.. Nawala na ang kalungkutan ni Aldrin ng salubungin sya ng kasintahan.. Pinalibot nya ang braso sa maliit na bewang nito.. "I missed you my heart.." bulong ni Aldrin.. Napangiti ng matamis si Hannah..

"Lalo na ako Heart.." sagot ng dalaga.. Napangiti sila sa isa't isa.. Madilim na ang mukha ni Stefen.. Agad na masama ang timpla nya sa bagong dating.. Ito na marahil ang nobyo ni Lea.. Tumikhim sya para guluhin ang sweet moment ng dalawa.. "Ay.. Oo nga pala.. Heart.. Si Estong.. Kababata ko.. Estong si Aldrin.. BOYFRIEND ko.. " pinagdiinan ni Hannah ang salitang boyfriend para isampal sa binata.. Natawa ng lihim si Aldrin ng makita ang ekspresyon sa mukha ng ungas.. "Nice meeting you pare.." inabot ni Potpot ang isang palad sa binata.. Ang kabilang kamay nya ay nananatiling nakapalibot sa bewang ng dalaga.. Tinapik lang ni Stefen ang palad nya.. "Upo muna kayo .. Potpot upo ka.." sabi ng Lolo.. Napangiti si Aldrin.. "Yo Lolo.. !.." nag high five ang Lolo at si Aldrin. Nagtawanan pa silang tatlo.. Lalong naasar si Stefen.. Naupo si Aldrin sa kaliwa ng dalaga.. Pinagitnaan nila si Hannah.. Sa kanan ang Lolo.. Sabay sabay nilang tinitigan si Stefen.. "Anung dahilan ng biglaang meeting Lolo?.." biro ni Aldrin.. Natawa ang matanda.. "Ipapaalam lang naman namin sayo na ikakasal na si Lea.." biglang singit ni Stefen.. Napakunot noo si Aldrin sabay baling ng tingin sa nobya.. Agad niyakap ni Hannah ang binata.. Nagpapaawa ang tingin.. "Heart.. I don't want this.." makaawa ni Hannah.. Nangangamba sya na baka di maintindihan ni Aldrin ang sitwasyon..

"Explain my Heart.." sabi ng binata.. Tumikhim ang Lolo.. "Ako na apo.. " sabi nito.. Napatango si Aldrin at nakinig.. Huminga ng malalim ang Lolo.. Nagsimulang mag kwento.. "Nuong panahon ng gyera.. Kasama kong nakipaglaban ang Lolo nitong si Stefen.. Tatlo kaming magkakaibigan... Si Isidor , Si Ufo, at ako.. Si Isidor ang Lolo nitong si Estong daw.. Pero sa dalawa.. Ang bestfriend ko talaga ay si.. " naputol ang kwento ng Lolo dahil kinurot sya ni Hannah.. "Lolo !.. Skip the jurassic era.. " taray ni Hannah.. Nalungkot ang Lolo.. "Apo naman.. Gusto ko lang malaman nyo ang hirap ko nuong panahon ng gyera.." tampo ng Lolo.. Natawa ang magkasintahan.. "Heart kasi.. Nag rereminisce ang Lolo. Umeepal agad.." biro ni Aldrin.. Nilambing ni Hannah ang Lolo.. "Kasi naman Lo.. Pag tayo tayo na lang po .. Pero sabihin nyo na agad yung proposal tapos pauwiin na natin yan si Estong kasi asar na ako e.." bulong ng dalaga.. Narinig ito ni Aldrin kaya napabungisngis din sya.. Naasar lalo si Stefen. "So ayun na nga.. Balak kong ipakasal itong si Hannah kay Stefen.. Okay lang ba sayo iho?.." banat ng Lolo.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.. Kahit alam na nya ang kwento ay di pa rin nya mapigilan ang mapaluha.. Mabilis nyang pinilig ang ulo sabay pasimpleng nagpunas ng mga mata.. "W-what do you mean Lolo?.." mahinang tanong ng binata.. Napangisi si Stefen.. "Loko.." bulong nya sa sarili.. Niyakap ng dalaga ang kasintahan.. "Heart.. Proposal lang yan kasi may nangyari dito kay Estong.. He needs our help.." sabi

ng dalaga.. Napangiwi si Aldrin.. "Pero bakit kailangang umabot sa kasal?.." sabi ng binata.. Napaisip ang Lolo.. "Kasi nga kailangan kong takasan ang girlfriend ko.. Kasi pipikutin ako.." singit ni Stefen.. Binigyan sya ng dirty finger ni Aldrin.. Natawa ang mag lolo.. Nagalit si Stefen.. "Kanina nagasabi ako ng harsh word, sinaway nyo po ako.. Bakit itong mokong na ito.?.." galit na sabi ni Stefen.. Natahimik ang Lolo.. Nagtaray si Hannah.. "Baket?.." taray ng dalaga.. Tiklop si Stefen.. Nagsintir at tiningnan na lang ng masama si Aldrin.. Tatawa tawa naman ang binata.. "Pero Lo.. Marami pa pong solusyon.." sabi ng ni Aldrin.. Napatingin ang Lolo sa binata.. "Ano sa tingin mo apo?." biglang tanong ng Lolo.. Muling umepal si Stefen.. "Apo na agad?.. Di ba pwedeng iho na lang din muna parang pagtawag nyo saken?.." nagtatampong tanong ni Stefen.. Umirap ang Lolo.. "Wag ka nga epal.. Usapang tao muna pwede?.." pang aasar ni Aldrin.. Nagalit na naman si Stefen.. "Ang yabang mo ah.. Anong gusto mo?.." napatayo pa si Stefen.. Tiningnan lang sya ng binata.. "Talaga?.. Eh mabait naman pala ito Lo eh.. Heart sabi mo asar ka dito eh mabait naman pala.. Well pare.. Salamat.. Kuha mo nga kami ng juice .. Tapos may Cake akong binili kahapon.. Nilagay ko sa ref.. Paki slice na lang for four.. Kumakain ka ba ng strawberry cake?.." pang aasar ni Aldrin..

Natawa ang maglolo.. Lalong nag puyos ang damdamin ni Stefen.. NAgsisimula na syang mamuhi sa binata.. Pero wapakels si Aldrin at muling hinapit ng yakap ang dalaga.. "Anyway.. May naisip ka bang solusyon pa?.." tanong ng Lolo.. Muling umepal si Stefen.. "Anung pakielam nya Lolo sa sitwasyon natin?.." maasim na tanong ni Stefen.. Si Hannah ang sumagot.. "Malaki ang pakielam nya dahil boyfriend ko sya.. " taray ni Hannah.. "Pero tayo ang sangkot dito.." pangangatwiran ni Stefen.. Umirap si Hannah.. Niyakap ang nobyo.. "Kapag ako ang nasangkot.. Kasama ang Ace of Hearts ko.." lambing ni Hannah.. Napangiti si Aldrin at hinaplos ang pisngi ng nobya.. Umangal si Stefen.. "Ayaw ko.." sabi nito.. Nagtaas ng kilay si Hannah.. "Good.. Ayaw ko din.." sabi nya.. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Stefen.. Naging mabait.. "J-joke lang.." biglang sabi nito.. Napangisi si Aldrin.. Bumaling sya sa Lolo.. "Lo.. Marami po akong kilalang chix.." sabi nya.. Nagdilim ang mukha ng maglolo.. Natawa naman ang binata.. "Hephep.. Kilala ko lang.. Wala akong koneksyon sa kanila.. Ito namang dalawang to.. Parang mangangain na.." biro ni Aldrin..

Natawa na ang maglolo.. "Liwanagin mo kase.." taray ni Hannah sabay pingot sa tenga ni Aldrin.. Nagtawanan silang tatlo.. Di na talaga natutuwa si Stefen.. Masisira ang balak nya.. "Anyway apo.. Anong tingin mo?.." tanong ng Lolo.. Napangiti si Stefen.. "I know a girl na bagay na bagay kay Estongoloid.. " biro ni Aldrin.. Nagtawanan na naman silang tatlo.. Nabwisit lalo si Stefen pero di na lang sya nagsalita.. "Tell us..What's her name?.. " sabi ng Lolo.. "Jasmine.." agad na sabi ni Aldrin sabay yakap sa nobya.. Umangal si Hannah.. "I told you not to talk to her.." nagselos agad si Hannah.. Natawa naman sina Aldrin at ang Lolo.. "Heart naman.. Ngayon ko na lang kakausapin.. Natakot sayo yung pobre kasi pinagbantaan mong lalagyan ng peklat ang mukha nya.." natatawang sabi ni Aldrin.. Pati ang Lolo di mapigilan ang mapatawa.. Napaismid si Hannah.. "Dapat lang.. If ever na malaman kong dumidikit ka sa kanya.. Magtago ka na. !.." mataray na sabi ni Hannah.. Napahawak si Aldrin sa puso nya.. "Takot ko lang kay kumander.. Lolo ganito po ba si Lola?.." tanong ng binata.. Tumigas ang mukha ng Lolo.. Niliyad ang dibdib sabay kinabog.. "Im a lion !.. Rwaaarrrr !!.." biro ng Lolo.. Tumingin si Hannah sa abuelo. "Mamarkahan ko yang sinabi nyo Lolo.. Itetext ko po kay Lola.. " pananakot ni Hannah.. Tiklop ang Lolo.. "Pero mabait na lion ako.. Apo naman.." biglang banat ng Lolo..

Tawanan na naman silang tatlo.. Napatayo si Stefen.. Napatingin sa kanya ang lahat.. "Aalis ka na..?.. Dun yung main door pare.. Konting lakad lang palabas makakakita ka na ng sakayan.. Tapos sabihin mo sa driver ihatid ka sa rehab.." biro ni Aldrin.. Napalo ni Hannah ang nobyo sa biglang pagtawa nya.. Ang lolo kailangan pang tumingin sa ibang direksyon para itago ang pagtawa.. Nabwisit lang lalo si Stefen.. "San ang CR nyo honey?.." tanong ni Stefen.. Nagtaray si Hannah.. "Isa pang tawag mo ng Honey at makakatikim ka talaga ng totong honey.. " banta ng dalaga.. "Pero may kasamang bees.. Sweet no?.." habol ni Aldrin.. Nagtawanan ulit sila.. Napaismid na lang si Stefen.. "Left side ng kitchen.." sabi ni Aldrin.. Gusto nyang ipamukha na kabisado nya ang bahay ng mga Montefalco.. Padabog na nagpunta ang binata sa kusina para magbanyo.. Nilabas na ng tatlo ang tinatago nilang tawa.. "Anyway apo.. Kakagat kaya ang plano mo?.." tanong ng Lolo.. Tumango si Aldrin.. "Try ko po Lo.. Pero sorry .. Di po ako papayag na gamitin nyo si Hannah sa balak ni Estong.." matigas at determinadong sabi ni Aldrin.. Humanga naman ng lihim ang Lolo.. "Well said then.. Hintayin ko na lang ang timbre mo.. So paano mga apo.. Siesta muna ang Lolo.. " sabi ng Lolo.. Hinatid nila sa guest room ang Lolo.. Magkahawak kamay na bumaba ang dalaga.. Nagpunta sila sa kusina.. Hinanap si Stefen..

Nasalubong nila ang Yaya na may hawak na tray ng juice.. "Ay.. Dadalhin ko pa nga lang don e.." sabi ng Yaya.. Natawa ang magkasintahan.. "Yaya si Estong?.." tanong ni Hannah.. Napakunot noo ang Yaya.. "Ay yung kaninang naki ihi?.. Umalis na.. Sabi mag tetext na lang daw.. Eto ang number nya.." naglabas ng kapirasong papel ang yaya.. Nilamukos lang ito ni Hannah.. Napangiti naman si Aldrin.. "Ya .. Yaw ko nyang cookies.. Gusto ko strawberry cake... Meron pa po di ba?.." tanong ni Hannah.. Tumango ang Yaya.. "Si Seor?.. " tanong nito.. Napahagikgik ang dalawa.. "Bagsak.. Knock out si Lolo e.. Mahina pala.." biro ni Aldrin.. Natawa din ang Yaya.. "Hala at tayo na lang ang mag miryenda nito.." alok nito.. Tumango ang dalawa.. Nagsiupo na sa mesa.. Muling tumayo si Aldrin sabay walang sabi sabing lumabas.. Nagtaka si Hannah.. Pero saglit lang nawala ang nobyo .. Pagbalik nito ay hatak hatak na nito si Mang Bert. "Tatay Bert miryenda muna.. Mamaya na yung paglilinis ng kotse.." sabi ni Aldrin.. Napangiti naman ang Yaya at si Hannah.. Proud si Hannah sa nobyo.. "Cake?.. Masakit sa ipin yan boy.. Kape na lang ako.. Psst.. Kape nga.." pabirong utos ni Mang Bert sa Yaya.. "Wapakels.." biglang banat ng yaya.. Nagtawanan silang lahat at masayang nag miryenda..

Sakay ng taxi.. Galit na galit si Stefen.. First time nyang nakita ang nobyo ni Hannah Lea pero asar na agad ang nararamdaman nya.. Matagal nya ng sinubaybayan ang dalaga.. Teenager sya ng malaman na magkaibigan pala ang mga Lolo nila.. Umungot sya sa abuelo na paglapitin sila ng dalaga pero tinawanan lang sya nito.. Umasa syang magkakalapit din sila.. Bago mamatay ang Lolo nya ay nasabi na nito ang last will and testament.. Kailangang makasal sya kay Lea.. Pabor sa kanya.. Kaya nga gumawa na sya ng hakbang agad agad.. Pero hassle ang ex-girlfriend nya.. Bigla itong nagpakita dala ang balitang nabuntis nya daw ito.. Isang taon nyang halos pinagtaguan ang dalaga.. Di pwedeng makita ito ng Lolo nya kaya lumayo sya sa hasyenda at nagpunta sa ibang bansa.. Bumalik lang sya ng pauwiin ng Lolo para nga basahin ang huling habilin nito.. Tuwang tuwa sya ng malaman na nais nitong ipakasal sya sa apo ng kaibigan nito na wala ngang iba kundi si Lea.. Buo na ang plano nya.. Makukuha na ang dalaga kasama ang mana ng Ama nya pati na ng Mana nya.. Mapapasakanya ang hasyenda kasama ang halos 70 percent ng kayaman ng Lolo.. 20 percent lang talaga ang kanya.. Pero kung makakasal sila ng dalaga ay plus 50 percent sya plus 20 percent sa ama.. Ang natitirang 10 percent ay pinamahagi na sa mga tauhan ng hasyend bagay na ikinagalit nya.. Pero nagmatigas ang lolo nya ... Kailangan daw makinabang ng mga tauhan nya.. Ayos lang.. maliit na halaga... kulang kulang 12 milyon na binahagi sa mga tauhan nila.. Malaki pa ang natitira.. Kailangang matuloy ang kasal.. Akala nya smooth na ang plano.. Pero may Potpot pa pala..

Pero di nya ito maaring payagan na humarang sa mga plano nya.. Di sya papayag.. Chapter 27 Sakit

( Droga mula Kay TOYANTZ..) Lunes ng umaga.. Kasalukuyang nag eexam sina Aldrin.. Di sya makafocus at patingin tingin sya sa katabing si Jasmine.. As usual, maganda pa rin ang dalaga.. Lamang ay batid nya ang pakay nito sa kanya kaya medyo dumidistansya sya.. Pero kailangan nya ng tulong nito.. Kung hindi ay ang kasintahan ang malalagay sa alanganing sitwasyon.. Biglang nagsalita ang guro.. "Okay.. Pass your papers..Copy what is written on the board. If you're done , you can go.." sabi ng guro.. Nataranta si Aldrin dahil halos kalahati pa lang ang nasasagutan nya.. Napansin naman ito ni Jasmine.. "Oh.." di tumitingin inabot ni Jasmine ang sariling papel.. Wala ng hiya hiya.. Parang computer na cinopy paster ni Aldrin ang mga sagot ng dalaga sabay salin sa sariling papel.. Bago pa mahuli ng guro ay agad nya na itong inabot sa kaklaseng nasa harap para ipasa.. Nakahinga ng maluwang ang binata.. Nahihiyang tumingin sya sa dalaga.. "Thank you .." taos pusong pasasalamat ni Aldrin.. Ngumiti ng maluwang ang dalaga.. "Sure sure.. No problem.." nakangiting sabi nito.. Aligaga pa rin si Aldrin..

Pinanunuod niyang magsulat ang dalaga.. Ilang saglit ay natawa ito bigla at hinampas sya sa braso.. "Wag kasi.." pacute na saway ni Jasmine.. Napangiti din ang binata.. "Ganda mo today.." pang uuto pa nya.. Napalabi ang dalaga.. "Wag kang ganyan.. Baka nakakalimutan mong may syota ka na.." nakasimangot na sabi ni Jasmine. Napatango si Aldrin.. "Ikaw ba single?.." tanong nya.. Huminto sa pagsusulat ang dalaga at tumitig din sa kanya.. "Why?.." takang tanong nito. Napatingin sa guro ang binata.. Di nya masabi ang pakay... Kinalabit sya ng dalaga.. "Hey.. Bakit mo natanong .?.." untag ni Jasmine.. Natawa ng mahina si Aldrin.. "K-kasi ano.." di nya matuloy. Kinurot ng mahina ni Jasmine ang braso ni Aldrin... "Don't be shy.. It's ok..Tell me.." lambing ng dalaga.. Napangiti si Aldrin.. "Single ka ba?.." ulit na tanong nya.. Napangiti ang dalaga sabay tango.. Lalong nagdiwang ang kalooban ni Aldrin.. "Why?.. Break na ba kayo tapos mag aapply ka saken?.. Tanggap ka na." biro ng dalaga.. Natawa ang binata at umiling.. Pabiro nyang kinurot sa ilong si Jasmine.. "Nope.. I have a friend.. Lonely sya e.." panimula nya. Napakunot noo si Jasmine..

"So?.. Eh di mamasyal sya.." sabi ng dalaga. "Wala syang ka date.. Gusto mo?.." alok ni Aldrin.. Napabitaw si Jasmine sa binata.. Akala ko ikaw. bulong nito.. Ngumiti ng matipid si Aldrin.. I am sorry for what happened last time.. Ako na ang humihingi ng pasensya sayo.. sabi ng binata.. Pinagpatuloy ni Jasmine ang pagsusulat. Wala yon.. Kung ako ang nasa lugar nya.. Malamang masabunutan ko na agad ang mang aagaw sayo.. Its okay.. ngumiti pa si Jasmine.. Nangalumbaba ang binata.. Pinagmasdan ang dalaga.. Napapangiti si Jasmine at ilang saglit ay muli itong natawa.. Hinampas ng ballpen ang noo ni Aldrin.. Tawa naman ng tawa ang binata.. Hoy magsulat ka.. bilin ni Jasmine.. Copy paste na lang ulit ako sayo.. nakangiting umiling ang binata.. Napangiti ang dalaga.. Single ka ba?.. pangungulit ni Aldrin. Natawa na naman si Jasmine at binaba na ang ballpen.. Tumitig na din sya sa binata.. Oo nga po.. Kulit.. pa cute nasabi ni Jasmine.. Napangiti si Aldrin.. Nilapit ang mukha sa dalaga.. I have a friend.. Single din.. Gusto mo bang makidouble?.. biro nya.. Natawa si Jasmine.. Pogi ba?.. banat ng dalaga.. Yup.. maiksing sabi nito.. Mas pogi sayo?.. tanong ng dalaga..

Kunwaring nag isip ang binata.. Natawa naman ang dalaga.. Mas pogi ako syempre.. Pero I assure you na di sya pangit.. And take note.. Hasyendero.. landi ni Aldrin.. Napasimangot si Jasmine.. Parang sinasabi mo naman na mahilig ako sa mapera.. banat ng dalaga.. Natawa naman ang binata at umiling.. Ito naman.. Di no.. So ready ka ba sa blind date?.. tanong ni Aldrin.. Napaisip ang dalaga.. Harmless ba yan?.. nakataas ang isang kilay ni Jasmine na nagtanong.. Napaisip naman si Aldrin.. Yeah.. Yeah.. Ako bahala if ever may gawin syang di maganda sayo.. wika nya.. Kinilig si Jasmine.. Eh ikaw na lang kasi date ko.. banat ng dalaga.. Kinurot ni Aldrin ang pisngi ni Jasmine.. Taken na ako.. Pero if ever na wala akong girlfriend.. Ikaw ang talagang niligawan ko.. Remember yung mga friend ko na sina Romeo at Darius?. sabi ng binata.. Tumango si Jasmine.. Mataas ang standards ng dalawang yon pagdating sa chix.. And take note nung una ka nilang makita.. Prospect ka daw.. Meaning .. Pasado ka sa panlasa nila. Bale kumbaga sa ratings from 1 to 10 and 10 ang pinakamataas.. Kadalasan na rank 9 lang ang napapansin nila at sinasabihan ng prospect.. And 9 is almost perpect na... Meaning.. Almost perpect ka sa paningin nila.. ginamit na ni Aldrin ang estilong pang uuto na natutunan nya sa Spade.. Nagblush ang dalaga.. Nagbaling sya ng tingin para itago ang pamumula ng mukha.. So okay na?.. tanong ni Aldrin.. Muling tumitig sa kanya ang dalaga.. Ngumuso pa ito.. S-sige.. Set mo na yung date.. Bukas ng gabi na lang para if ever na palpak.. Diretso tayo sa bar after.. sabi ni Jasmine.. Napangiti si Aldrin at nag thumbs up..

Maya maya ay tumunog ang bell. Ay.. Number mo pala... Para mas madali ang contact.. sabi ni Aldrin.. Nakangiting sinabi ng dalaga ang numero nya.. Nagpaalam na sila sa isat isa.. Sa kubo.. Naghaharutan ang mga alas.. Biglang pumasok si Aldrin na nakangiti na kita ang tonsil.. Guys.. Wheres my queen?.. tanong nya. Di sya pinansin ng mga kaibigan. Umupo sya sa sariling trono at tinanong si Krissia na abala sa paglalaro sa cellphone.. Psst.. Krissing.. Si Lelay?.. tanong ni Aldrin.. Umiling si Krissia.. Ay na dead.. Ang epal mo talaga e..Nakita ko kanina sa gate.. May kausap na guy.. Akala ko ikaw kasi parehas kayo ng gupit pero since na tinatanong mo kung nasan sya.. Malamang na iba ang kasap nya kanina.. muling nag concentrate si Krissia sa nilalaro.. Sumipol si Romeo.. Nag hum ng kanta si Rhoi habang hinawakan ni Darius ang puso nito.. Araaaaayyy... Araaay.. Nakuuu.. Oooohhh.. biglang kanta ni Romeo.. Oh kay sakit naman ng.. Ginawa moooooooo.. pag gatong ni Rhoi.. Araaaaaayyy... Where art thou my queen?.. banat ni Darius.. Nagsimulang magtawanan ang tatlo.. Umusok ang ilong ni Aldrin at pinaghahampas ng unan ang mga kaibigan.. Mga tarantado.. Not affected.. Malamang na si Marla yon.. pang uuto ni Aldrin sa sarili.. Nagtawanan ang mga kaibigan nya at sabay sabay na nagturo sa labas.. Napalingon si Aldrin at pati bigla syang napasimangot ng maaninag si Marla na may nakayakap na lalake sa tagong bahagi ng hardin.. Pare.. Ganyan talaga sa isang relasyon.. Minsan nagkakaproblema.. Pero sabi nga ni Gat Jose Rizal.. Pag may tyaga , may nilaga.. biro ni Rhoi.. Nagtawanan sina Romeo at Darius. Napaupo ulit si Aldrin..

Pati si Krissia natawa din kaya parang lalo lang nagatungan ang selos na unti unting nabubuhay sa pagkatao ng binata.. Engot ampota.. Kailan kaya sinabi ni Rizal yung pickup lines na yan..Tsaka anong connect?.. tanong ni Darius.. And take note.. As if nagkarelasyon sya..Eh daig nya pa may tanikalang bakal sa mga paa at braso.. banat ni Romeo.. Split seconds lang at may dalawang unang tumama sa mukha nya.. Galing kina Rhoi at Krissia.. Tawa lang ng tawa ang binata.. Kahit paano nabawasan ang nararamdamang pagseselos ni Aldrin.. Biglang nag ring ang cellphone ni Darius.. Agad itong sinagot ng binata.. Yo Daddy Yo !.. biro ng binata.. Nag hiyawan ang mga alas. Titooo.. Si Taba di po pumasok ng second subject.. !. sigaw ni Romeo.. Kinotongan sya ni Darius sabay layo.. Ooohhh.. Dariussss.. AAaaahhh... Ooooohhhh... malakas na ungol ni Rhoi.. Pare pahits ng shabu.. sigaw ni Aldrin.. Tawa ng tawa ang tatay ni Darius na si Denzel sa mga naririnig.. Mga monggoloid talaga kayo eh no?.. niloud speaker ni Darius ang phone nya.. Bakit po Dad?.. tanong ng anak.. Ay oo nga pala.. Eh kasi kanina nag text si Tito Zack mo.. Nakikisuyo na sunduin nyo na kung pwede si Zab from school then ihatid nyo sa hospital .. May singaw kasi yung bata kaya pakihatid na lang.. Alam nyo namang in demand ang Tito nyo don kaya di sya makaalis kahit saglit lang.. So anak , pasama ka na lang sa tropa mo .. Ok lang ba?.. tanong ng ama. Tumingin si Darius kay Romeo.. Okay lang pare. Paalam ka na lang kay Dean Panot.. sabi ni Romeo.. Napabungisngis si Krissia. Okay Dad.. Bale 2PM pa yung last subject ko then vacant na.. Tapos isang subject na lang.. Pero papaalam na lang ako ni Rom.. sabi ng binata.. Sige sige.. Uwi ka daw ng maaga sabi ng Mom mo kasi wala kaming food taster dito.. biro ng Tatay..

Nagtawanan ang mga alas. Sige Dad.. Love love.. Muah muah.. biro ni Darius.. Natawa ang tatay .. Ilang saglit pa ay nagpaalam na sila sa isat isa. Binalik ni Darius sa bulsa ang phone nya sabay upong muli sa trono.. "So .. Samahan nyo ko.." sabi ni Darius. Tumango si Romeo.. "Sama ko.. " maasim na sabi ni Aldrin.. "Paano si Lelay?.." tanong ni Krissia.. Napasimangot si Aldrin.. "Aalis alis sya ng wala man lang pasabi .. Tsk.." nagtatampong sabi ng binata.. "Baka naman nag text sayo.. O kaya nag miscall. Di mo lang nakita?.. " tanong ni Rhoi. Umiling si Aldrin at nilabas ang sariling cellphone.. "Wala o.. Come to think of it.. Wala syang text kahit isa ngayong araw... Wow.." malungkot na sabi ng binata.. Parang nabahiran ng malungkot na mood ang kubo. "Baka busy pre.. O kaya lowbat.. Wag ka munang mag isip ng kung anong masama.. Tara lets.. Kitakits na lang tayo dito ng 2PM .. Anong oras ba labas ni Zab kulit?.." tanong ni Romeo. Napatingin si Darius sa relos.. "Gago pare.. Ngayon na pala.. Shet..Tara na.. Punta na tayo kay Dean.." tumayo na si Darius.. "Sama kayo?.." tanong ni Romeo kina Krissia at Rhoi.. Umiling ang mag bestfriend.. "I have a quiz sa major ko ng 1PM.. Kayo na lang.. " tanggi ni Krissia. "Oy ikaw Rhoi..Wag kang magpanggap na pumapasok ka.. If I know diretso ka lang sa library para matulog.." pang aasar ni Darius.. Nagtawanan ang tatlong alas maliban kay Aldrin.. "Gago.. Sige na.. " taboy ni Rhoi.. Nagtaka si Romeo.. "Pare ayaw mo?.. Balikan na lang natin si Krissing mamaya.. " sabi ni Romeo..

Nagkatitigan sila ni Rhoi.. "Pare yung dati..Remember?.." biglang banat ni Darius.. Napatango tango si Romeo.. "Ay oo nga no?.. 1 month na lang.. Well.. Sige pare.. Goodluck.. Oi Pot ano?.." yaya ni Romeo kay Aldrin.. Parang zombie na tumayo ang binata at nagpauna na ng lumabas.. Napailing na lang ang iba.. "See yah.. Wag kayong gagawa ng milagro dyan huh?.." biro ni Romeo.. Natawa ang mag bestfriend.. Diretso ang tatlong alas sa office ng Dean.. Kumatok lang ng tatlong beses si Romeo sabay pihit ng doorknob.. "Huli kayo !.." biro ni Romeo.. Kasalukuyang nag uusap na parang masinsinan ang sekretarya at si Dean mismo.. Parang nagulat pa ang dalawa at tarantang nag hiwalay.. Kahit malungkot ay di napigilan ni Aldrin ang matawa.. "Sayang pare.. Siguro konting delay natin may gagawin na itong mga ito.." biro ni Darius.. Nagtawanan ang tatlong alas.. "Hoy hoy.. Ano na naman ginagawa nyo dito?.." asar na tanong ng Dean.. Lalong nag bungisngisan sila.. "Eh Sir.. Mag papaexcuse po sana kame.." bungad ni Darius.. Napakunot noo ang Dean.. "Na naman?.. Sige na sige na.. Shoo.." taboy ng Dean.. Napangisi ang tatlong alas sabay tingin sa sekretaryang kapansin pansin ang legs dahil sa iksi ng skirt.. "Bago ito sir ah.." biro ni Romeo.. Napangiti ang Dean.. "Talaga?.. Maganda ba?.." bulong nito.. Tumango ang tatlong alas.. "Kaso maliit ang boobs.." banat ni Aldrin..

Biglang napasimangot ang babae .. Natawa naman ang Dean at pilit na tinaboy ang tatlong alas.. "Kamusta mo ko sa tatay mo Romeo.. Shoo.." pag tataboy ng Dean.. Tawa ng tawa ang tatlong alas ng lumabas sa opisina. Naglakad sila palabas.. "Grabe talaga si Dean Panot e..Ang hilig sa bata.." sabi ni Aldrin.. "Gago. Natural.. Kadalasan na ang mga binata or dalaga nahihilig sa mas may edad.. Tapos ang mga gurangers nahihilig sa mas bata.. Nature na yon.. Anyway.. Tara lets .." sabi ni Romeo.. Sama sama silang naglakad papuntang gate.. Biglang may nahagip ang mga mata ni Aldrin.. "Pare.. Teka.. Parang nakita ko si Hannah.." sabi ng binata.. Nagtago pa sya sa likod ng isang van. Sumunod sina Romeo at Darius.. "San pre?.." tanong ni Darius.. "Sssh.. Yung kulay puting kotse. Look.." sabi ni Aldrin.. May puting kotse na nakapark pa halang sa daanan sa gate.. Ilang saglit pa ay may bumabang lalake.. Umikot ito sa passengers seat sabay bukas ng pinto.. Natulala ang tatlong alas ng makilala si Hannah.. "P-pare.. Don't tell me na si Hannah yan .. " napalunok pa si Darius.. "Di pre.. Ilussion yan.. Nakapulot si Hannah ng ilussion tapos pinadala sya boylet na yan.. Pero nasan ang totoong Hannah?.." banat ni Romeo.. Tulala si Aldrin.. Parang may malaking kamay na dumakot sa puso nya.. "Kaya pala di ko sya nakita over lunch.. May nag treat pala sa kanya.. Pero sana nag paalam man lang.." sabi ni Aldrin.. Natahimik ang dalawang alas.. Sinundan nila ng tingin ang dalawang nilalang na sabay pumasok muli ng university.. "Ano pare.. Susundan mo ba?.." tanong ni Romeo kay Aldrin..

Umiling ang binata.. Pasimple itong nagpahid ng luha.. "Di na pre.." pumiyok ang tinig ni Aldrin.. Inakbayan sya ng dalawa nyang kaibigan.. "Pare.. Don't think bad nga di ba?.. Malay mo may reason sya.. I know na kailan pa lang natin nakikilala si Hannah pero I can say na mabait sya at di nya magagawang lokohin ka .. Malamang may reason pare..There's always reason behind that.. Come on.. Cheer up.. Sasama ka pa ba?.." wika ni Romeo.. Tumango si Aldrin.. "Sama ako pre. " mahinang sabi nya.. Nagkatinginan sina Romeo at Darius... Nagkibit balikat at nag abang na lang ng jeep.. Nakasimangot na bata ang nadatnan nila Aldrin.. Nakasalampak ito ng upo sa bench.. Kumakain ng lemon square..Habang palingon lingon sa paligid.. Ng mahagip ng mata ang pamilyar na mga binata ay lalo itong napasimangot.. Lumapit sa kanya ang tatlong binata.. "San Papa?..Bakit ngayon lang kayo?.." nakasimangot na tanong ni Zab.. Napakamot ng ulo si Darius.. "Busy Papa mo.. Hatid kita Hospital." pang gagaya ni Darius sa bulol na pagsasalita ni Zab.. Lalong napasimangot ang bata.. "Ayaw .. Panget kayo.." banat nito.. Umakmang kakasa si Romeo.. Nalulungkot man ay natatawa si Aldrin na pinigilan ang kaibigan... "Putsa pare.. Pigilan mo ko at gugulpuhin ko yan.." banat ni Romeo. Nagtawanan ang tatlong alas. Come na Zab.. Its getting dark na.. Baka abutan tayo ng rain.. sabi ni Darius.. Hinagis ng bata ang backpack sa kinakapatid nya.. Sabay bato ng lunch box kina Romeo at Aldrin.. Muling umangal si Romeo pero pinigilan sya ni Aldrin..

Nagtawag sila ng taxi sabay nagpahatid sa Hospital kung saan nag tatrabaho ang Tito Zack nila na Tatay ni Zab bilang doktor sa mga puso.. Pagdating sa malaking ospital, diretso sila sa information.. Ahm miss ... untag ni Darius.. Napatingin ang receptionist na nurse.. Yes sir?.. What can I do for you?..Ay .... nakangiting tanong ng nurse. Nagkatinginan ang tatlong alas.. Can you ease the pain in the heart of our dear friend?.. banat ni Darius. sabay turo kay Aldrin.. Natawa ang nurse.. Ay mga bolero.. pa cute na sabi nito.. Kinilig ang tatlong alas. Anyway..Miss Byutipul.. San ang room ng Tatay ng malditang to?.. tanong ni Romeo.. Natawa ang nurse at niyuko ang cute na batang nakakapit sa damit ni Darius.. Nakasimangot ito.. Ay.. Si Zab pala.. Nandun si Doctor Hidalgo sa isang patient nya.. Sa third floor..Left wing.. Kanina pa nya kayo hinihintay.. nakangiting sabi ng nurse.. Kinakalikot ni Romeo ang logbook ng nurse.. Natawa naman ang babae at tinulungan ang binata na pumirma.. Ay pipirma ba?.. Na cute-an lang ako kasi ang baboy eh.. biro ni Romeo.. Natawa lalo ang nurse.. Syempre logbook yan.. Iba ibang pirma ng mga visitors at guest ang nakasulat dyan kaya parang kinahig na ng manok.. sabi ng nurse.. Ah ok..Thank you miss byutipul.. Single ka ba?.. bulong ni Romeo.. Napangiti ang nurse.. Nope.. Ayun yung boyfriend ko.. Actually we were about to get married na... sabi nito.. Napatingin ang tatlong alas sa tinuro ng nurse.. Wala naman silang nakita na pwedeng maging boyfriend ng nurse.. San?.. tanong ni Darius.. Ngumiti ang nurse at sumitsit..

Psst.. Babes.. sitsit nito.. Lumingon ang isang gwapong lalake.. Nagulat at nagkatinginan ang tatlong alas. Ismael?.. tanong ni Romeo.. Nakangiting lumapit si Ismael.. Oy.. Long time no see.. natatawang bati ni Ismael.. Pare.. Mayaman kayo ah?..bakit naka pang janitor ka tapos naglalampaso ka ng sahig?.. nakanganga pa si Aldrin.. Natawa si Ismael.. And so?..Di naman porke mayaman kame di ko na kaya ang mga ganitong bagay.. sabi ni Ismael.. Tulala pa rin sila.. Kamusta si Hannah pare?.. bati ni Ismael. Natahimik muli ang tatlong alas.. Syangapala pare.. Anung trip yan?. pag iiba ni Romeo. Natawa ang Nurse.. Ganyan talaga yan.. Babes .. Paki hatid naman sila sa room 305 .. Dun kay Doc Zack.. lambing ng nurse.. Kinindatan pa ni Ismael ang babae.. Sure babes.. Tara lets.. sabi ni Ismael.. Tulalang nagpaalam ang tatlong alas sa magandang nurse.. Sinundan nila si Ismael.. Pare.. Syota mo yon?.. Hanep ah.. humahangang sabi ni Darius.. Natawa si Ismael.. Yeah.. Kailan lang ako ng nag propose kay Joy.. nakangiting sabi nito. Kinilig ang tatlong alas.. Buti ka pa.. malungkot na sabi ni Aldrin.. Binatukan sya ni Darius.. Sinabi na nga na dont think negative ampota.. sabi nito..

Napakunot noo si Ismael.. Pinindot ang button ng elevator..Pagbukas ay sumakay sila at muling pinindot ni Ismael ang button para sa 3rd floor.. Care to share?.. tanong ni Ismael. Napabuntong hininga si Aldrin.. Wala pare.. Si Hannah nakita kasi namin kanina na may kasamang ibang lalake.. Eh syangapala.. Sila na ni Hannah.. pag iimporma ni Darius.. Biglang umatungal si Zab.. Wiwi ako kuya.. reklamo nito.. Napaungol ang tatlong alas.. Natawa naman si Ismael.. Malapit na baby.. Konting tiis.. Were almost there.. sabi ni Ismael. Napasimangot ang bata.. Anyway pare.. Tama friends mo.. I barely know Hannah pero I can say na shes not the type of girl na magtataksil.. There must be a reason.. sabi ni Ismael. Eksaktong tumunog ang elevator para sa 2nd floor.. Wala namang pumasok.. Muling sumara ang elevator .. Natahimik lang silang tatlo.. Pag bukas ng elevator para sa 3rd floor ay tinuro ni Ismael ang direksyon.. Don pare.. Room 305.. Marunong naman siguro kayong tumingin ng numero?.. tatawa tawang biro ni Ismael.. Nagtawanan naman ang tatlong alas.. Nagdabog si Zab.. Wiwi na ko.. banta nito.. Naiinis man ay natawa nalang sila. Thanks pare.. San ka?.. tanong ni Romeo.. Inangat ni Ismael ang map na dala.. Mag tatrabaho..See yah.. biro ni Ismael at nagsimula ng maglampaso kahit tuyo na ang map na dala. Napangiti ang tatlong alas..

Isa isa nilang tiningnan ang mga numero na nakalagay sa itaas ng bawat kwarto.. Eto na.. VIP section ata to.. buksan mo Pot.. utos ni Romeo.. Matamlay na binuksan ni Aldrin ang pinto.. Umalingawngaw sa kanila ang malakas na tili.. I dont want that Ate.. I dont need that.. boses babae.. Malaki ang kwarto.. At halatang may kaya ang umookupa.. Lumapit ang tatlong alas at sinundan ang pinanggagalingan ng usapan. Napatingin sa kanila ang mga tao sa loob.. Who are you?.. tanong ng magandang babae sa tabi ng pasyente. Automatic ang pag ngiti ng matamis ng tatlong alas. Tumikhim ang doctor.. Papa.. bati ni Zab.. Hello baby.. Seat ka muna there.. Tapusin lang ni Papa itong pagpapainom ng medicine.. nakangiting utos ng ama sa anak.. Kinalabit nya si Darius.. Kuya wiwi sabi.. nakangusong utos nito.. Napakamot si Darius sa batok.. Ninong.. Tindi talaga pagkabossy nitong anak nyo.. San po ba CR?.. tanong ni Darius sa Ninong Zack nya. . Tatawa tawang tinuro ni Zack ang banyo.. Naunang tumakbo ang bata..Sumunod naman si Darius.. Naiwan sina Aldrin at Romeo.. Upo muna kayo guys.. turo ni Zack sa bakanteng sofa.. Naupo naman ang dalawang alas.. Pinagmasdan nila ang magandang babae sa tabi ng pasyente na malamang dahilang ng narinig nilang tili kanina.. Khrystell.. Please naman ... Inumin mo na yung gamot.. pakiusap ng magandang babae.. Its okay Mhei.. Wag natin syang pilitin.. masuyong sabi ni Zack .. Napaiyak si Mheii at sumalampak ng upo sa tabi ni Aldrin..

Hey.. Dont cry.. pang aalo ni Aldrin.. Humikbi ang dalaga.. Eh kasi.. Ang hirap nya talagang painumin ng meds eh.. She needs it to ease the pain she feels.. Naaawa ako sa cousin ko.. sabi ni Mheii.. Nalungkot sina Aldrin at Romeo.. Pinagmasdan nila ang pasyente habang masuyong pinapakiusapan ng Tito Zack nila na inumin ang gamot.. Nilapit ni Zack ang dropper sa bibig ng pasyente..Pero nagulat sila ng tabigin nito ang kamay ng doctor dahilan para tumilapon ang dropper na may lamang gamot.. Napangiti ng malungkot si Zack.. Mamaya na lang if you want Khrystelle.. nakakaunawang sabi nito.. Nagsimula ng iligpit muli ang mga dalang gamot.. Ate Mheii.. Ilang taon na yang si Khrystelle?.. tanong ni Romeo.. 17 .. maiksing sagot nito.. Maganda din ba syang tulad mo?.. bulong ni Romeo.. Naluluha man ay biglang natawa si Mheii.. Syempre.. sabi nito.. Napaisip si Romeo.. Bigla syang lumapit sa Tito Zack nya.. Tito.. Penge nga po ulit ng dropper na may meds ni Pretty Khrystelle.. sabi ni Romeo.. Nagtataka man ay muling nagbukas ng bagong dropper si Zack sabay naglagay muli ng gamot.. Inabot ito sa binata.. Nagulat ang lahat ng walang sabi sabing sipsipin ni Romeo ang dropper sabay halik sa nakaawang na labi ni Khrystelle.. Napasigaw si Aldrin.. Tangna mo Rom.. Wala kang pinaliligtas. sigaw nito.. Napalabas ng banyo sina Darius.. Pati sya nagulat sa nadatnan.. Wow.. Libog nito amp.. Pati yung inosenteng nakahiga dyan mamanyakin mo?.. sigaw ni Darius.. Nabigla man ay natawa si Zack ..

Nanlalaki ang mga mata ni Khrystelle.. Nakatitig sya sa nakapikit na mukha ng gwapong binata na sakop sakop ang bibig nyang nakaawang.. Nalunok nya ng di sinasadya ang gamot na naisalin sa pamamagitan ng bibig ng binata.. Kahit na may iniindang sakit.. Di mapigilan ng dalaga na mag init ang mga pisngi.. Wala syang magawa dahil di sya makagalaw.. Pero di nya maitanggi sa sarili na nagulat man ay kinilig sya sa ginawa nito.. Ilang saglit pa ay nakangiting tumayo si Romeo. Hinaplos ang pisngi ng tulalang dalaga.. Naglabas ng panyo sa bulsa sabay punas sa bibig nito.. Tito kelangan pa ba ng tubig nyan?.. tanong ni Romeo.. Natatarantang nagsalin ng tubig sa dropper si Zack sabay abot kay Romeo.. Pero imbes na sa dropper.. Tumungga ng tubig si Romeo galing sa strelized bottled water sabay muling hinalikan ang tulalang si Khrystelle.. Walang nakapagsalita.. Kahit ang dalawang alas ay tulala.. Biglang lumabas si Zab.. Ay Papa.. Anu po yan?.. takang tanong nito.. Natatawang niyakap ni Zack ang anak at tinakpan ang mga mata.. Wag kang tingin baby.. Censored.. biro nito.. Humagikgik ang bata at niyakap ang ama.. Ilang saglit pa ay kumalas na si Romeo.. Muli nyang pinunasan ang nakaawang na mapupulang labi ng dalaga.. Gusto mo pa ng water?.. malambing na tanong ni Romeo kay Khrystelle.. Umiling ang dalaga.. Nag iinit ang kanyang mga pisngi. Ito ang kanyang unang halik at nasundan agad ng pangalawa sa di kilalang binata. Bumukas ang pinto.. May pumasok na dalawang matanda at isang magandang babae..

Nagtaka ito dahil sa mga di kilalang panauhin.. Good afternoon Doctor Hidalgo.. bati ng matandang babae.. Good PM misis.. Good news po.. bati ni Zack.. Napangiti at agad na nagsilapitan ang mga bagong dating.. Anong good news doc?.. tanong ng matandang lalake.. Excited na niyakap ni Mheii ang matandang babae. Tita.. Uminom na ng meds si Khrys.. tili ni Mheii.. Napaluha ang matandang babae sabay yakap sa pamangkin nya.. Oh my God.. Thank you .. Thank you Doc.. naluluhang sabi ng Mommy ni Khrystelle.. Umiling si Zack sabay turo kay Romeo na masuyong pinupunasan ang mga labi ng dalaga.. Nagtaka naman ang Tatay.. Tito.. Sya po ang nagpainom.. imporma ni Mheii.. Nagulat man ay napangiti na lang ang mga bagong dating. Lalo silang nagulat ng dampian muli ni Romeo ng halik ang nakabukang labi ni Khrystelle.. Were going na.. Natatae na ako eh.. I will visit you here tomorrow afternoon.. Be good and always take your medicine.. I am looking forward sa date natin paglabas mo dito.. Wag kang tatanggi kasi minolestya mo na ang labi ko.. biro ni Romeo. Biglang natawa si Khrystelle pero napangiwi din ito.. Natakot si Romeo.. No its okay.. Magkakabisa na ang gamot in just a few minutes.. Kung noon ka pa sana dumating dito.. Di sana magaling na sya.. Pero mukhang di na ako mahihirapang magpainom sa kanya.. Thank you iho.. sabi ni Zack. Ngumiti lang si Romeo at walang sabi sabing nilamukos ng halik si Khrystelle.. Napahiyaw ang mga tao sa loob kasama na si Zab.. Tatawa tawang nagpaalam sina Darius at hinila si Romeo.. Tangna mo pre.. Manyak ka.. biro ni Darius.. Natawa si Romeo.. Halatang maganda pare.. Kahit lips at mata lang ang kita.. sabi ni Romeo.. Pati si Aldrin natawa.. Pasakay na sila ng elevator ng may tumawag sa kanila..

Paglingon nila ay si Zack pala karga si Zab.. Galing mo Rom ah.. Biruin mo may nagagawa din pala kamanyakan mo.. biro ni Zack.. Tinapik pa sa balikat ang binata.. Nagtawanan na lang sila at sabay sabay na sumakay sa elevator.. Bago pa ito magsara ay nahagip ng mata nila si Ismael na abala sa pagpupunas naman ng mga upuan.. Natawa ang mga alas. Tito.. Friend namin yon.. turo ni Darius kay Ismael.. Nahagip din ng mata ni Zack si Ismael at di nya naitago ang pagkagulat.. Talaga?.. Friend nyo si Ismael Galvez?.. takang tanong nito.. Tumango ang tatlong alas. Bumukas na ang elevator sa second floor.. Dito na ako.. Papacheck ko singaw ni Zab.. Kaya laging mataray kasi may sakit eh.. biro ni Zack. Natawa ang tatlong alas. Ninong.. Kahit walang sakit yan.. Saksakan ng taray yan. pang aasar ni Darius.. Binelatan sya ng bata.. Natawa na lang sila.. Anyway.. Yung si Ismael.. Sila ang may ari nitong hospital.. Ingat sa pag uwi.. pahabol ni Zack.. Walang nakapagsalita sa kanila sa gulat at tuwa.. Sumara na ang elevator.. Tangna.. Kaya pala nangunguyakoy lang dito.. Sila pala may ari.. tatawa tawang sabi ni Aldrin.. Oo nga.. Pero duda akong nang chichix lang yon.. sabi ni Darius.. Nagtawanan sila. Bumukas na ang elevator at muli silang lumabas para daanan si Nurse Joy pero bigo sila.. Wala na ito sa pwesto nito. Holding hands silang tatlo na lumabas sa ospital para bumalik sa university..

Dismissal.. Di na pumasok sina Aldrin sa room at tumambay na lang sa kubo.. Inaabangan nya ang nobya pero talagang bigo sya.. Alas kwatro na ng hapon ng magpasya syang daanan na ito sa kwarto nito.. Nagpaalam sya kina Romeo at Darius na nakapikit at mukhang inaantok na. Diretso sya sa canteen para bumili ng makakain para sa nobya.. Hawak ang cheeseburger at coke .. Nakangiti syang pumunta sa room ni Hannah.. Bago pa man sya makarating ay nasalubong na nya ang dalaga. Nagulat si Hannah.. Pati si Aldrin .. Agad na nag init ang mga mata nya ng makilala ang kasama ng dalaga. A-ahm.. Pot.. May lakad kami ni Estong.. Text na lang kita after naming makauwi.. sabi ni Hannah.. Tumango si Aldrin.. Sinulyapan nya si Estong na ngising ngisi. Lumapit si Hannah at hinalikan sa labi ng nobyo. Nagpapaunawang tumingin si Hannah.. Hatid mo ko sa gate heart.. lambing ni Hannah. Tumango si Aldrin.. Inabot ang dalang miryenda sa dalaga pero nagulat sya ng tanggihan nito. Kakatapos lang namin heart.. Sorry.. sabi ni Hannah.. Pinigilan ni Aldrin ang magalit.. Naalala nya ang bilin ni Romeo na wag mag padalos dalos. Ngumiti sya.. A-ah.. Ganon ba.?.. S-sige.. Tara.. sabi ni Aldrin.. May nasalubong silang lalake at inabot dito ng binata ang dala nyang pagkain.. Nagulat man ay nagpasalamat din ito.. Inakbayan ni Aldrin ang nobya sabay hatid sa gate ng university.. Huminto sila sa magarang kotse .. Dito na lang heart.. Gusto mo bang sumama?.. tanong ni Hannah..

Tumikhim si Estong. Di na kasya.. Two seater lang ang kotse ko.. banat ni Estong.. Nagpuyos ang loob ni Aldrin.. Eh di sa kotse ko .. sabi nya.. Natawa si Hannah. May kotse ka heart?.. biro ni Hannah. . Kung normal na biruan ay matatawa si Aldrin pero iba ang dating sa kanya ng sinabi ng nobya.. Parang panlalait. Oops.. Pare wala ka naman palang kotse eh.. pang aasar ni Estong.. Nag apoy ang mga mata ni Aldrin.. Natakot si Hannah at niyakap ang nobyo.. Joke lang heart.. lambing ni Hannah. Huminga ng malalim ang binata at kinalas ang pagkakayakap ng nobya.. Its okay heart.. Wala naman talaga akong kotse.. Poor lang kase kame.. Ingats kayo ah.. Hoy Estonggoloid.. Kapag napahamak itong reyna ko.. Kahit anong yaman mo.. Hahatiin kita sa dalawa.. banta ni Aldrin.. Sumimangot si Estong .. Heart sorry.. lambing ni Hannah.. Nag poker face si Aldrin.. Its nothing heart.. Text ka na lang pag nakauwi ka na.. Or kahit wag na.. Wag mo ng abalahin ang sarili mo .. Ingats kayo.. tumalikod na si Aldrin. Pot.. !.. tawag ni Hannah.. Pero di na lumingon si Aldrin. Tinahak nya na ang papuntang kubo.. Pero bago pa sya makarating ay may nabunggo syang lalaki. Automatikong naging palaban ang aura ni Aldrin pero kataka takang kumalma sya ng makita ang binata.. Nakangiti ito... Ngumiti din si Aldrin at nagpatuloy sa paglalakad.. Ng makalayo ay muling nanumbalik ang masakit na nararamdaman nya ..

Masakit na masakit.. Pumasok sya sa kubo.. Nanlumo ng walang madatnan.. Malamang nag miryenda ang mga kaibigan nya.. Sumalampak sya ng upo sa trono .. Pinikit ang mga mata.. Pilit na winaksi ang maaring maganap sa pagitan nina Hananh at Estong. Pero talagang nag susumiksik sa utak nya ang masasamang pangitain. Di na nagpigil pa si Aldrin.. Walang tao kaya malaya syang humagulgol at binuhos ang sama ng loob sa nobya.. Luhaan syang nakatulog sa trono nya. Chapter 28 Kirot

Matamlay na umuwi si Aldrin.. Hawak sa isang kamay ang cellphone at nag hihintay ng text.. Binuksan ng binata ang gate nila.. Muli itong sinara at kumatok sa pinto.. Nakangiting mukha ng ina ang nabungaran nya pero agad itong napalitan ng pag aalala ng makita ang mukha ng anak na parang natalo sa sugal. "Anak?.. Bakit?..Why sad face?.." agad na tanong ng ina.. Napangiti ng malungkot si Aldrin pagkuway humalik sa pisngi ng ina.. "Nothing mom.. Na drain lang siguro ako sa exams namin kanina.." imporma ng binata.. Tuloy tuloy syang umakyat sa kwarto.. Binagsak ang bag sabay hilata sa kama.. Muli nyang pinagmasdan ang cellphone.. "Isang text lang.. Malaman ko lang kung nasang lupalop ka na.." sabi ni Aldrin.. Pero mukhang wala talagang darating na text kahit na mag damag syang makipag titigan sa cellphone..

Malungkot na itinabi ng binata ang cellphone.. Tumagilid ng higa sabay titig dito.. Di nya namalayan na nakatulog na pala sya.. Hating gabi na ng maalimpungatan si Aldrin.. Pagtingin nya sa tabi ay nagliwanag ang mukha nya ng makitang may isang text message na dumating. Agad nyang kinuha ang cellphone .. Nagdadasal na sana galing ito sa kasintahan.. Di naman sya nabigo.. Galing kay Hannah ang text.. "Heart.. Sorry if now lang ako nakatxt.. Busy lang ako kasi may pinapagawa si Lolo.. Kauwi ko nga lang eh.. Sleep ka na.. Labyu.." tanging text ni Hannah. Kahit paano naibsan ang kalungkutan ni Aldrin.. Agad syang tumipa ng reply para sa kasintahan.. Ang haba ng nagawang sagot ni Aldrin sa text ni Hannah at nagtangka na syang isend ito.. Pero napamura sya ng biglang mag reply ang smart sa kanya. "Wala ng load !!.. Sheeeet !!.." impit na mura ng binata.. Gigil na binagsak ni Aldrin ang cellphone sabay tayo.. Nakaramdam sya ng pangangalam ng sikmura.. Natawa pa si Aldrin ng makita ang ayos.. Naka pangeskwela pa pala sya.. Agad na nagpalit ng pambahay ang binata sabay labas ng kwarto.. Tinahak ang daan papuntang kusina.. Kinalikot ang ref.. Nakakita ng pizza.. "Eto na lang.." bulong ng binata.. Dumampot ng 2 slice ng pizza at nag timpla ng gatas. Umakyat muli sa kwarto.. Pumwesto sa harap ng computer.

NAg dedesisyon kung mag oonline ba o hinde.. Nagkibit balikat na lang si Aldrin . Pinihit nya ang upuan upang humarap sa bintana.. Sumubo ng isang pizza.. Biglang nasamid ang binata.. "Puta.. Sira ulo talaga o.. Hoy !!" sigaw ni Aldrin. Napatingin sa kanya ang kaibigang si Darius na kasalukuyang umiihi sa bintana nito.. Binigyan lang sya nito ng dirty finger.. "Tarantado kang baboy ka !.. Wala ka talagang manners.. Isusumbong kita kay Tita Annette .. Dinidiligan mo yung mga halaman nya ng ihi !.." tatawa tawang sigaw ni Aldrin.. Gago.. Fertilizer yan bopols.. ganting sigaw ni Darius.. Tatawa tawa din itong pumasok sa loob ng sariling kwarto.. Napailing na lang si Aldrin sa kababuyan ng kaibigan.. Madalian nyang sinaid ang midnight snack nya.. Masaya syang nakatulog pagtapos kumain..

Umaga.. Habang abala sa pakikinig sa guro si Aldrin.. Biglang nag ring ang phone nya.. Automatikong napalingon sa kanya ang mga kaklase maging ang baklang guro.. Will you please turn your phone off?... mataray na utos ng bakla.. Ngumiti lang si Aldrin.. Sir.. Excuse me..Sagutin ko lang po ito at baka emergency.. pasintabi ni Aldrin.. Nag excuse sya sa guro sabay labas at pumwesto sa tapat ng kwarto.. Nilabas nya sa bulsa ang phone.. Unregistered number ang nakalagay.. Kunot noong sinagot ni Aldrin ang telepono.. Hello?.. sabi ni Aldrin.. Ilang sagundo muna ang pinalipas ng nasa kabilang linya bago nagsalita..

Hi Aldrin.. boses babae.. Kumunot na naman ang noo ni Aldrin.. Sino to?.. tanong nya.. Pinilit alalahanin ni Aldrin kung may kaboses ang babae.. Si Bea .. pakilala nito.. Kumabog ang dibdib ng binata.. Halos nalimutan nya na ang dalaga dahil sa may kasintahan na nga sya.. Nagseryoso ang boses ni Aldrin.. Uy.. Musta?.. tanong nya.. Natawa si Bea sa kabilang linya.. Wow.. Formal naman ata ng boses mo... Miss you Al.. malambing na sabi ni Bea.. Nanindig ang balahibo ni Aldrin.. Eto ang boses na minsan ng naging dahilan para malimutan nya ang barkada.. Muling ginagamit ni Bea.. Naalala ni Aldrin ang payo ni Romeo.. Sorry ah.. Pero I have a class eh.. Tawag ka na lang later.. sabi ni Aldrin.. Di na nya hinintay ang sagot ng dalaga.. Pinindot nya na ang end button sabay patay ng cellphone. Muli syang bumalik sa kwarto na parang walang nangyari.. Pilit nyang inignora ang tawag. Pero bigo sya.. Dahil inokupa na nito ang buong pag iisip nya.. Dismissal.. Excited na lumabas si Aldrin ng kwarto.. Halos makipag unahan sya sa mga kaklase sa paglabas.. Nabangga nya pa ang kaklaseng lalake.. Tado naman to.. Parang natatae amp.. sabi ni Ron.. Natawa lang si Alrin..

Pinitik ang ilong ng kaklse sabay tinahak na ang kwarto ng kasintahan.. Palapit pa lang sya ng makita si Lelay na palabas.. Heart.. tawag ni Aldrin.. Lumingon si Hannah.. Napangiti ito na sinalubong sya. Hi Heart.. Miss na kita.. bati ni Hannah. Napangiti si Aldrin.. Hinalikan nya sa labi ang nobya.. Gumanti naman ito.. Nagkangitian pa silang dalawa.. Tara.. aya ni Aldrin. Kumapit sa braso nya si Hannah at sabay nilang tinahak ang papunta sa kubo.. Wala pang tao ng dumating sila.. Agad naupo si Hannah sa trono ni Aldrin.. Napangiti lang ang binata na tumabi sa kanya.. San ka galing kahapon?.. tanong ng binata.. Parang napaisip pa si Hannah.. Pinapunta kasi ako sa NSO ni Lolo.. Pinakuha yung birth certificate ko.. sabi ni Hannah. Napakunot noo naman ang binata. Ha?.. Anong gagawin mo naman don?.. At bakit gabi ka na nakauwi?.. tanong ni Aldrin.. Ngumiti si Hannah.. Eh namasyal pa kasi kami ni Lolo.. Ito naman.. Anyway .. Ikaw anung ginawa mo yesterday?.. tanong ng dalaga.. Ngumiti si Aldrin.. Ayun.. Kakahintay ko sayo.. Sumama na lang ako kina Darius at Romeo..Sinundo namin yung anak ng ninong ni Darius.. Tapos hinatid namin sa Tatay nya sa hospital.. sabi ng binata.. Nagtaka ang dalaga.. Ha?.. Nakaconfine ba yung ninong ni Darius?... tanong ni Hannah.. Umiling si Aldrin.. No.. Doctor ang ninong ni Taba.. Hinatid namin si Zab para ipatingin yung singaw nung

bata.. Kaya daw masungit.. Pero duda ako na pinaglihi sa sama ng loob yon.. Ang taray eh.. natatawang paliwanag ni Aldrin. Pati si Hannah natawa.. Ah.. So paghatid nyo umuwi na din kayo?.. tanong ng dalaga.. Muling umiling si Aldrin.. Di pa.. Naabutan kasi naming nag papainom ng gamot si Tito Zack.. Ayun hinintay pa namin.. Pero may chika ako sayo heart.. nakangiting sabi ng binata. Na curious naman si Hannah.. Ano yon?.. tanong nya.. NAtawa si Aldrin ng maalala ang pangyayari.. Ayun.. Yung pasyente kasi ni Tito Zack.. Ayaw uminom ng gamot.. Matigas ang ulo daw sabi ng pinsan nya na nadatnan naming nagbabantay nga dun sa pasyente.. Susuko na sana si Tito Zack pero inagaw ni Romeo yung gamot tapos sinipsip nya.. Then pinasa nya gamit ang bibig . kwento ni Aldrin.. Natutop ni Hannah ang bibig.. Bigla itong sumabog sa tawa.. Hala.. Grabe talaga yang si Romeo eh.. sabi ni Hannah.. Natawa na din ang binata.. Sinabi mo pa.. Lahat talaga kami nagulat.. Pati ata yung pasyente shocked.. Nanlalaki yung mata eh.. Pero infairness naman, nainom nya yung gamot.. Pero wag ka.. Inulit pa ni Romeo sa tubig...Grabe.. Mukha kasing maganda yung girl kahit na eyes at mouth lang nakikita.. Eh alam mo naman si Romeo pagdating sa magaganda.. Nawawala sa sarili.. Pero ang happy ending naman nito.. Nainom lahat nung girl yung meds nya for that day.. nangingiting dagdag pa ni Aldrin.. Napangiti ang dalaga .. Humimlay sa balikat ng nobyo.. Kita mo nga naman.. MAy nagagawa din pala ang kamanyakan ni Romeo.. Pero ikaw heart.. Kapag siguro ikaw ang gumawa non.. Baka ikaw ang maconfine.. banta ni Hannah.. NAtawa ang binata at hinapit nya ng yakap ang dalaga.. Grabe naman.. For good cause naman eh.. palusot ni Aldrin.. Nakaramdam sya ng kurot sa tagiliran.. Nagtawanan silang dalawa.. Eksaktong nagsidatingan ang mga kaibigan nila.. Pero wala si Rhoi.. Si Krissia lang na nakasimangot ang dumating. Inaaway nito sina Romeo at Darius.. Bakit sis?.. tanong ni Hannah..

Nakasimangot na sumalampak ng upo si Krissia sa trono ni Rhoi.. Etong dalawang to.. Ayaw ituro kung nasan yung magaling na kaibigan nila.. Hoy ikaw Aldrin.. Nasan si Rhoi?.. mataray na tanong ni Krissia.. Napaisip si Aldrin.. Di ko alam.. Bakit di mo itext or tawagan?.. tanong ni Potpot.. Lalong napasimangot si Krissia.. Eto phone nya.. Nasa kanya ang phone ko.. Pero duda ko nakapatay e.. Kanina ko pa tinext.. Kanina lang nakita ko..Ang alam ko last subject nya yon for today pero nung pinuntahan ko sa room nya.. Wala na daw sabi ng klasmeyt nya.. Hmm.. inis na sabi ni Krissia.. Bigla nyang binato si Romeo na tumatawa ng lihim.. OY baket?.. angal ni Romeo.. Pinandilatan sya ni Krissia.. Nasan ba kasi?.. Lagi na lang ganito.. Last year.. Nawala din sya.. Every year na lang !.. asar na wika ni Krissing.. Yaan mo na sis.. Baka naman may ginawa lang . sabi ni Hannah.. Napayapa naman si Krissia.. Baka may nililigawan.. pang aasar ni Romeo.. NAg high five sila ni Darius pero biglang may lumipad na mga unan galing sa dalawang babae.. Tawanan lang ang mga lalake.. Ilang saglit lang ay tumunog ang phone ni Hannah.. Parang nataranta ang babae.. Walang sabi sabing lumabas ito ng kubo.. NAgtaka ang lahat.. Si Aldrin natulala sa kinilos ng nobya.. Ilang saglit pa ay bumalik si Hannah.. Guys.. Got to go.. Nag text si Lolo.. sabi ni Hannah.. Napakunot noo si Romeo at Aldrin.. Hatid na kita heart.. sabi ni Potpot.. Tumanggi ang dalaga.. Na lalong ipinagtaka ng lahat..

Baket?.. nagtatampong tanong ni Aldrin.. Lumapit sa kanya ang dalaga at hinalikan sya sa labi.. May susundo na sakin.. S-si Tatay Bert. Dont worry Heart.. Tawag ako sayo later.. Bye guys.. Love you heart.. nagmamadaling nag paalam si Hannah.. Tumahimik ang lahat.. Walang nakapagsalita ng halos ilang minuto.. Biglang nag ring ang phone ni Darius.. Oy si Ninong.. Hello Ninong?.. sagot ni Darius.. Tahimik na nakinig ang lahat.. Napatingin pa si Darius kay Romeo habang nakikipagusap sa ninong .. Oh sige Nong... Opo.. Wala naman na kaming klase before lunch.. Okay po.. Bye. binaba na ni Darius ang cellphone.. Ano daw pre?.. tanong ni Romeo.. Ah. Si Ninong.. Pinapapunta tayo ulit sa hospital.. Mukhang nag tantrums na naman si Khyrstelle.. sabi ni Darius.. Napangisi si Romeo.. At kelangan nya ako.?.. landi ng binata.. Tumango si Darius.. Told yah.. Makamandag ang karisma ko.. Well.. Tara na?.. Sa labas na tayo mag lunch.. Malay mo manlibre si Tito Zack.. Busog much yon.. aya ni Romeo.. Napatayo na sya. Oy Krissing.. Di ka pa uwi?.. tanong ni Darius.. Inis na tumayo ang dalaga.. Ano pa nga ba?.. Bwisit na Rhoi yan !.. gigil na sabi nito.. Nagtawanan lang sina Romeo at Darius.. Oy Pot.. Imbes na mag mukmok ka.. Sama ka ulit.. aya ni Romeo.. Tumango si Aldrin.. Hinatid muna nila sa sakayan si Krissia...Pero tulad ng dati... Bago nila ipagkatiwala si Krissia sa taxi driver, binantaan muna nila ito.. Tapos nilista ang plate number sabay kinuha ang pangalan ng Taxi Driver.. Natawa lang ang dalaga pati na ang taxi driver..

Pagkatapos ay nagpunta na silang tatlo sa hospital.. Dire diretso ang tatlong alas na sumakay ng elevator.. Tumigil sila sa 3rd floor.. Agad na tinahak ang kwarto na ginagamit ni Khyrstelle.. Pagbukas pa lang ng kwarto.. Dinig na nila ang mga tinig na nagtatalo.. Sinara ni Aldrin ang pinto.. Pumasok na sila at nabungaran nila ang pamilya ni Khrystelle kasama ang Tito Zack nila.. Automatikong nagliwanag ang mukha ng doctor ng makita ang tatlong alas.. Hay nako.. Ang tatagal nyo ah !.. reklamo ni Zack.. Natawa lang ang tatlong alas.. Hala.. Ayan na si Romeo oh.. pananakot ng Mommy ni Khrystelle. Nanlaki ang mga mata ng dalaga.. Natawa si Romeo.. Whats the problem homie.?.. tanong ng binata.. Lumapit si Mheii at inakay ang binata palapit sa pinsan na nakahiga.. Eto kasi oh.. Ayaw pang mag PT.. sumbong ni Mheii.. Naupo ang dalawang alas.. Pinagitnaan nila ang magandang kapatid ni Khrystelle na abala sa pagtetext.. Anung PT.?.. tanong ni Romeo. Lumapit si Zack sa binata at inakay ito palayo sa pasyente.. Sumama naman si Mheii. Ahm.. Iho.. PT stands for Physical Therapy.. Sa kaso ni Khrystelle.. Masakit talaga kapag sumalang sya don..Matinding kirot.. Kahit siguro ikaw na walang sakit na dinaramdam aayaw don.. Si Khrystelle pa na may sakit kaya di natin sya masisisi.. Pero she needs it.. For faster recovery.... paliwanag ng doctor.. Napatango tango si Romeo.. Wala na bang ibang paraan Tito?.. Eh kung masasaktan pala si Khyrstelle.. Parang di na din po ako sang ayon don.. sabi ng binata.. Umiling si Zack.. Kailangan nyang tiisin yan. Kaya nga pinatawag ko kayo.. You have to convince her.. Try to reason her out.. Sige na.. Lahat na kami dito sinubukan na naming kumbinsihin sya.. Pero

talagang ayaw nya kasi masakit nga naman.. Pero kailangan nya eh.. malungkot na sabi ng doktor.. Parang sumakit ang ulo ni Romeo.. Tiningnan nya ang dalaga na nakatingin din pala sa kanya.. Ngumiti ang binata.. Nag blush ang dalaga at nagbaling ng tingin... Pero Tito.. Ayaw ko pong makitang nasasaktan sya.. Alam kong kahapon ko lang syang nakilala pero alam nyo naman pong ayaw kong nakakakita ng nasasaktang magandang dilag sa harap ko.. katwiran ni Romeo. Binatukan sya ng Tito Zack nya.. Dami mo pang sinasabi.. Sige na iho.. pangungulit ni Zack. Pati si Mheii tumulong na din sa pagkumbinsi sa binata.. Tol sige na.. Kung kelangan naman pala nya eh.. sabi ni Darius. Napasimangot si Romeo.. Lumapit sya sa dalaga.. Imbes na humatak ng upuan.. Tinabihan nya sa kama si Khrystelle. Hiyang hiya ang dalaga.. Napatingin ito sa ina na parang humihingi ng saklolo.. Ngumiti lang ang Mommy nya at lumayo ng konti.. Dahan dahang hinawakan ni Romeo ang baba ng dalaga..Pinihit ito paharap sa kanya.. Khrys... Kamusta ka?.. masuyong tanong ni Romeo.. Pulang pula ang mukha ng pisngi ng dalaga.. Halos maduling na sya sa kakatitig sa labi ng binata na malapit lang sa kanya.. Natawa si Zack.. Rom.. Hirap pa syang magsalita.. sabi ni Zack.. Ngumiti si Romeo.. How are you baby?. tanong ni Romeo.. Nagulat ang lahat ng magsalita si Khrystelle.. I-im f-fine.. mahinang sabi nito. Napaluha ang mommy ni Khrystelle.. Pati si Mheii at di na tinago ang mga luha..Napatayo naman ang kapatid ni Khrystelle..

Holy cow.. sabi ni Aldrin.. Nagtawanan sila ni Darius.. I see.. Na miss kita.. biro ni Romeo.. Lalong nag blush ang dalaga.. Ngumiti ito ng pilit.. Wag ka muna magsalita.. Balita ko ayaw mo daw mag under ng PT?... Is that true?.. tanong ni Romeo.. Tumango ang dalaga.. Parang naiiyak ito.. Pero sinaway sya ng binata.. Sssh.. Dont you dare cry..Not infront of me.. Well.. Ayaw ko ring pilitin ka .. Pero narinig mo naman sinabi ni Tito Zack.. You need it daw.. I know wala akong karapatang sabihin ito sayo.. Di tayo mag kaano ano.. Pero alam mo naman sigurong kailangan mo ito di ba?.. masuyong paliwanag ni Romeo.. Napabaling ang tingin ng dalaga.. Naiiyak na ito kaya masuyong pinahid ni Romeo ang mga luha sa pisngi nya.. Khyrs.. You can say no.. For now.. Pero paano ka gagaling?.. Paano ka makakalabas dito?.. Gusto mo bang hanggang dito ka na lang?.. Wheres your strength?.. Akala ko ba mag dadate pa tayo?.. Ayaw kong mag date tayo dito.. May mas alam akong lugar na sure akong magugustuhan mo.. nakangiting paliwanag ng binata.. Kumislap ang mga mata ni Khrystelle.. Bumaling ito ng tingin sa binata.. You have to fight Khrystelle.. I know your a brave girl.. Nasa likod mo lang ang family mo.. Sila na walang sawang sumusuporta sayo.. Wag kang matakot na harapin ang sakit.. For there is pain, there is always glory ika nga.. Alam ko masakit ang mararanasan mo.. Pero sabi ko nga sayo.. NAndito lang ang pamilya mo sa likod mo.. Pati na sina Tito Zack .. Pati na ang Kwadro Alas kabilang na ako.. Pero sa lahat ng ito.. Tandaan mo na nasa likod mo lang ang nasa taas... Wag kang matakot.. Alam kong malalampasan mo yan.. Fight baby.. paliwanag ni Romeo.. Bumaba na ang binata sa kama.. Napatingin ang dalaga sa kanya.. Pagkatapos ay kay Zack.. Tumango ito na ikinatuwa nilang lahat.. Napalapit ang mga magulang ni Khrystelle pati na ang kapatid nya.. You mean payag ka ng mag under ng PT?.. paniniyak ng Mommy ni Khrystelle.

Nakangiting tumango ang dalaga.. Halos mayakap na ng ina ang anak.. Di nga lang pwede.. Si Romeo ang dinamba ng matandang babae.. Salamat iho.. Salamat.. Tatanawin naming malaking utang na loob ito panghabang buhay.. taos pusong sabi ng ina ni Khrystelle. Tumawa lang si Romeo.. Ahm. Wala po yon.. Anyway.. Khrystelle. bumaling muli si Romeo sa dalaga.. Kumikislap ang mga mata nitong tumingin din sa kanya.. Biglang hinalikan ni Romeo ang mapupulang labi ni Khrystelle.. Wala ng nagulat.. Manyak talaga.. Sabi na di makakatiis yan.. sabi ni Darius.. Natawa lang din si Aldrin at Zack.. Halos tatlumpung segundong tumagal ang pagmanyak ni Romeo sa labi ng dalaga.. Namumungay na ang mga mata ni Khrystelle.. Nag iinit ang mga pisngi at pulang pula .. Khyrstelle.. Magpapareserve na ako sa five star resto.. Hihintayin ko ang paglabas mo dito..Wala ng atrasan to.. Mag dadate tayo !.. matigas na sabi ng binata. Parang nais tumawa ni Khrystelle pero di nito magawa.. Tanging pagtango lang ang nagawa nito.. Muling dinampian ng halik ni Romeo ang labi ng dalaga sabay nagpaalam na.. Sinamahan sya ng mga magulang ng dalaga.. Di ko talaga alam kung paano namin kayo pasasalamatan sa ginagawa nyo.. bungad ng Daddy.. Natawa lang ang tatlong alas. Wala ng libre sa panahon ngayon Tito.. biglang banat ni Romeo. Napahinto ang mag asawa.. Nagkatinginan.. M-magkano ang gusto mo Romeo?.. parang nag aalangan na tanong ng ina. NAtawa sina Darius at Aldrin.. Uhmm.. Tanghalian lang po.. Masaya na kame.. Kayo naman po.. Sa tingin nyo ba sisingilin ko talaga kayo?.. Joke lang no.. Pero di pa kami nag lulunch.. Kapalan na lang ng

mukha.. biro ni Romeo.. Lalong nagtawanan sina Aldrin at Darius.. PAti ang mag asawa ay di napigilan ang matawa sa binata.. Pinalo pa ng Mommy ang braso ni Romeo. Lekat kang bata ka.. Akala ko naman manghihingi ka ng bayad.. Tanghalian lang pala.. Sure sure.. Saan nyo gustong kumain..?.. nakangiting tanong ng Mommy. Kumislap ang mga mata nina Romeo.. Sa mamahalin .. suhestyon ni Darius.. Tama Rom.. Dun sa five star.. biro ni Aldrin.. Natawa ang mag asawa.. Mas gusto ko dun sa harap.. Sa tapsilogan.. sabi ni Romeo. Lalong natawa ang mag asawa.. Naglabas ng wallet ang babae.. Hala magkano ang kelangan nyo?.. tanong ng ina.. Pero nagulat sya ng palibutan sya ng tatlong alas.. Wow pre oh.. Daming one thousand peso bills .. Mayaman talaga.. biro ni Romeo.. Oo.. Kita mo to.. Credit cards at ATM cards.. May discount cards pa ata sa SOGO.. banat ni Aldrin.. Napahawak sa tyan ang matandang lalake dahil di nya mapigilan ang matawa.. NAg blush naman ang Mommy ni Khrystelle.. Pabiro nyang pinag pipingot ang mga tenga ng tatlong alas.. Tawa naman ng tawa sina Romeo. Oh kasya na ba sa inyo ang Five Thousand?.. nakangiting tanong ng Mommy ni Khrystelle. Nagkatinginan ang tatlong alas. Umiling si Romeo at biglang humugot ng isang daan sa wallet ng ginang. Oks na kami dito Tita.. Salamat po.. sabi ni Romeo.. Nakangiting umalis ang tatlong alas at sumakay sa elevator.. Tanging pang ngiti na lang din ang nagawa ng mag asawa.. Akala ko sasamantalahin nila.. sabi ng Daddy.

Napahagikgik ang Mommy.. Maloko sila.. Pero mababait.. At ang popogi pa..Haaaayyy.. Gusto kong isa sa kanila ang maging boyfriend ng isa sa mga anak naten.. sabi ng ginang .. Nagtawanan ang mag asawa at pinanood na lang ang pagkaway ng tatlong alas habang sumasara ang elevator. Sakay ng Jeep.. Pauwi na sina Aldrin.. Nasa bandang hulihan sila ng Jeep na medyo puno. Magkakatabi silang tatlo at nasa gitna nila si Romeo. Nagtataka ang binata dahil tahimik si Romeo sa tabi nya. Biglang umiyak ang bata sa harap nila.. Humagikgik si Romeo na bumaling ng tingin .. Pinigilan ni Aldrin ang matawa.. Siniko nya ang kaibigan na di pa rin humihinto sa pagtawa ng tahimik.. Tangna ka talaga .. Wala kang pinaliligtas.. Pati yung bata pinaiyak mo.. sabi ni Aldrin.. Oy Gago.. Wala kang ebidensya.. biro ni Romeo.. Muli nyang nilingon ang bata sabay pinapangit ang mukha.. Napalingon ang nanay at tiningnan ng masama sina Romeo at Aldrin.. Muling nag bungisngisan sila.. Maya maya ay bumaba ang nanay at sa huling pagkakataon ay pinaiyak ni Romeo ang bata.. Asar na bumaba ang nanay .. Pinandilatan pa nito ng mata sina Romeo at Aldrin .. Nilabas na ni Romeo ang pinipigilang tawa.. Ahahaha... malakas na tawa ni Romeo.. PAti si Aldrin ay natawa.. Biglang kinalabit sila ni Darius.. Pare pare.. sabi nito.. Anoo?.. tanong ni Romeo..

Tulalang tinuro ni Darius ang isang direksyon.. Napalingon naman sina Aldrin at maging sila ay natulala.. Kitang kita nila si Hannah na kumakain sa loob ng jollibee pero di ito nag iisa.. Di nila makita ang mukha ng kasama ni Hannah dahil nakatalikod ito sa kanila.. Umandar ang jeep..Tapos muling huminto.. Ekstaktong lumingon ang lalake para humugot sa bulsa nito sa likod ng pantalon.. Tila huminto ang pag ikot ng mundo kay Aldrin.. Kita nyang masayang nag uusap sina Hannah at Estong.. Parang tumigil na rin ang pagtibok ng puso nya.. Natahimik sina Romeo at Darius.. Tanging ingay na lang sa kalsada ang naririnig nila.. Sa malas ay nag red pa ang traffic sign.. Pandaliang huminto ang jeep na sinasakyan nila.. Pinilit iwasan ni Aldrin ang masamang tanawin.. Naramdaman nyang inakbayan sya ni Darius.. "There must be a reason pare.." mahinang sabi nito.. Ngumiti ng maasim si Aldrin.. "Whatever it is.. Dapat sinabi nya.. Bakit nya kailangang itago?.. Obvious na wala syang pakelam sa feelings ko.." malungkot na sabi ng binata.. Tahimik lang si Romeo.. Kamangha manghang wala syang ibang masabi para pagaanin ang loob ng kaibigan.. Napakabigat ng sitwasyon.. "You just have to ask her.." suhestiyon ni Darius.. Natawa si Aldrin ng mahina.. "What for?.. Para marinig ko ang mga kasinungalingan nya?.. Ang pagtatakip nya sa sitwasyon?.. Papayag naman ako eh.. Kung sinabi lang sana nya na may date sila ni Estong.." ang hinahon ni Aldrin ay unti unti ng napapalitan ng galit.. Naging parusa sa kanila ang paghinto ng jeep.. "P-pare.. Palabas na sila.." bulong ni Romeo. Automatikong napalingon ang dalawa..

Kita nila kung paano alalayan ni Estong si Hannah na parang babasaging kristal.. Napakasakit ng nararamdaman ni Aldrin ng mga oras na iyon.. "What now?.." tanong ni Darius.. Nagkibit balikat lang si Romeo. "Palalampasin mo ba pare?.." tanong nya.. Nagsimulang umahon ang galit sa puso ni Aldrin. Parang bulkan na sumabog ang binata.. "Enjoy ba?.." biglang sigaw nya. Dahilan para mapalingon sina Hannah na pasakay na sana sa kotse ni Estong.. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang tatlong alas sa jeep.. Si Estong man ay nagulat pero imbes na maguilty.. Parang nanalo sa sugal ang itsura nito.. Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong na nakaalalay sa braso nya.. Tinakbo nya ang distansya ng jeep pero eksaktong nag green na ang traffic sign. Bago pa man sya makalapit ay umandar na ang sinasakyan nila Aldrin.. Tanging tingin na lang ang nagawa nya .. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Hannah.. Tumatak sa kanya ang galit sa mukha ng nobyo.. Kasalanan nya.. Matamlay na naglalakad papasok ng subdivision ang tatlong alas.. Kung dati rati nakikipagbiruan pa sila sa gwardya.. Ngayon ay dirediretso na lang silang pumasok.. Walang nagsasalita.. Nais man nilang patawanin ang kaibigan ay alam nilang mabibigo lang sila. Wala pang salitang makapagpapagaan sa loob ng kaibigan nila. Walang salitang makapagpapabago sa galit na nararamdaman nito.. O maaring meron.. Pero hindi dapat manggaling sa kanila.. Kundi mismo Hannah..

Lumiko na si Darius para pumasok sa bahay nila.. Pati si Aldrin ay matamlay na pumasok sa gate nila.. Sumunod si Romeo.. "Pare.. peram naman nung DVD nyo na American Pie.." sabi ni Romeo. Tumango si Aldrin ng mabagal. "Sige pre.. Alam mo naman kung saan nakatago mga DVD's e.." mahinang sabi ni Aldrin.. Sabay silang pumasok sa loob. Nadatnan nilang nanonod ng Eat Bulaga ang nanay ni Aldrin.. "Yo Tita !.." bati ni Romeo.. Nagulat man ay napangiti na din si Alona.. Humalik si Aldrin sa pisngi ng ina.. "Hi Mom.." bati nya.. Ngumiti si Alona pero agad napalitan ng pag aalala ng makita ang ekspresyon ng mukha ng anak.. "Hey.. What's the matter?.." tanong ni Alona. Umiling si Aldrin.. Tumabi sya sa ina at humilig sa balikat nito.. "Uhm.. Tita peram po nito.. Sige alis na ko.." paalam ni Romeo.. Naramdaman nyang kailangang mag usap ng mag ina.. Narinig pa nila ang pagsara ng gate.. Huminga ng malalim si Alona at hinaplos ang buhok ng anak.. Bilang ina.. Ramdam nya na may mabigat na suliranin ang panganay.. "Anak..." bulong ni Alona.. Bumuntong hininga si Aldrin. Nagsisimula ng mangilid ang luha sa kanyang mga mata.. Hinaplos ng ina ang pisngi ng anak.. Inabot ang remote at pinatay ang TV.. "Anak.. May problema ?.." masuyong tanong ng ina..

Di na sya nagulat ng makita nyang kumislap ang mga mata ni Aldrin sanhi ng namumuong luha.. Katahimikan.. Hindi nagsalita si Alona.. Sapat na ang paghaplos nya para maramdaman ng anak na handa syang makinig.. Tumulo na nga ang luha sa mga mata ng binata.. "M-mom.. It really hurts.." bulong ni Aldrin.. Di man alam ni Alona ang nangyari.. Tila hinihiwa na din ang puso nya sa nakikitang paghihirap ng anak.. "Kwentuhan mo si Mommy anak.." lambing ng ina.. Umayos ng upo ang anak.. Niyakap ang ina at di na nya napigilan ang paghagulgol. Sa pagitan ng pag iyak.. Unti unting kinwento ni Aldrin ang mga pangyayari.. Luhaan na din si Alona matapos isalaysay ni Aldrin ang mga naganap.. Masuyo nitong ginulo ang buhok ng binata.. "Anak.. Sa relasyon.. Normal lang na dumaan kayo sa pagsubok.. Walang perpektong pagsasama anak ko.. Kita mo minsan kami ng Dad mo?.. Nag aaway kame.. Oo nag aaway kame anak.. Pero di namin pinapakita sa inyo.. Pero talagang nag aaway kame.. Remember nung dati na sinabi kong may pinuntahang convention ang Dad mo tapos nawala sya ng 1 araw?.. Actually pinalayas ko sya kasi nahuli late syang umuwi.. Tapos lasing pa sya then nung umaga tinanong ko kung bakit pero ayaw nyang mag explain.. Syempre ang sa akin, mag asawa kami kaya dapat walang secrets.. So ayun.. Pinalayas ko sya.. Aba't lumayas naman nga." nangingiting sabi ng ina. Natawa ng bahagya si Aldrin.. Bago sa pandinig nya ang mga kinukwento ng ina.. Akala nya ay perpekto ang pagsasama ng mga magulang.. Na hindi ito nag aaway.. Yun pala ay magaling lang magtago ang mga ito.. "Anu daw reason Mom?.." tanong ng anak. Natawa ng mahina ang ina. "Ayun.. Hatinggabi ng marinig kong parang may kumakanta dyan sa harap ng bintana namin..Pagtingin ko Dad mo pala.. Kasama sina Pareng Vincent at Denzel.. Hinaharana nila ako.. Syempre kahit sinong babae ata bibigay kapag nakita mong hinarana ka ng mister mo.." kinikilig na kwento ng ina.. Napangiti si Aldrin at muling niyakap si Alona. Oo nga.. Parang natatandaan nya yon.. "Anu daw reason Mom?.." pangungulit ng anak..

Ngumiti si Alona.. "Sabi nya.. Nanganak daw yung isa sa mga employees nya.. Tinakbo daw nila sa hospital pero premature yung baby .. Nagpalipat lipat daw sila ng hospital.. Eh ang Daddy mo naman.. Alam naman nya kung saan nagtatrabaho si Tito Zack mo , di pa duon dinala.. Tsk tsk.. Pag tumatanda kasi nagiging makakalimutin eh.." natatawang paliwanag ng ina.. Pati ang anak natawa.. "Eh saan daw po natulog si Daddy ng 1 day?.." tanong ni Aldrin.. Lalong nag bungisngis ang ina.. "Andyan lang pala kila Rhoi eh.. " bungisngis na sabi ng ina.. Nagtawanan sila ng anak.. Kahit papaano naibsan ang kalungkutan ni Aldrin.. Napansin ng ina na muling lumungkot ang mga mata ng anak.. Masuyo nya itong inakbayan.. "Ang gusto ko lang sabihin sayo anak.. Walang mangyayari kung puro speculations lang ang panghahawakan mo.. Malay mo.. May rason na matindi si Hannah kaya di nya nasabi sayo.." paliwanag ng ina. Ngumiti ng malungkot si Aldrin.. "I don't know Mom.. Alam nya namang kahit ano pang dahilan nya.. Tatanggapin ko basta sasabihin nya lang.. Pero mukhang di ako kasama sa mga plano nya kaya nililihim nya saken.." malungkot na sabi ng anak.. Muling naging malungkot ang atmosphere nilang mag ina.. Tumayo ang ina ay tinapik ang pisngi ng anak. "May baked cookies dyan sa ref.. Teka at kukunin ko." sabi ni Alona.. Tumango ang anak.. Hinintay nya ang ina sa sofa.. Muling inisip ang nobya.. Pagkatapos ay inisip ang mga sinabi ng ina.. Napangiti ng malungkot si Aldrin.. Tama ang ina.. Malamang na may dahilan si Hannah at kung anu man iyon.. Patatawarin nya ang kasintahan.. Tapos ay masaya na ulit sila... Tapos ang problema.. Napangiti na ng maluwang si Aldrin..

Inilabas nya ang cellphone at sinumulang i-dial ang numero ni Hannah. Siguradong nahihiyang tumawag si Hannah dahil akala nito ay galit sya.. Tatawagan nya ang kasintahan at sasabihin ditong susunduin nya ito tapos sila naman ang mag dadate.. Napatango tango pa si Aldrin sa naisip.. Sinulyapan nya ang relos.. Mag aalas tres na pala.. Nakangiti sya habang hinahum sa isip ang ringtone ni Hannah.. Poker face yon dahil sya ang pumili nito .. Ilang segundo pa ay may sumagot.. Agad na nagsalita si Aldrin.. "Heart.. It's okay.. Di na ako galit.. What time ka ba uuwi ?.. Sunduin kita tapos kain lang tayo saglit sa labas.. If you want we can watch movie na lang.. Or pasyal na lang tayo kahit saan mo gusto.. Bati na tayo don't worry.." dire diretsong sabi ni Aldrin.. Napapangiti pa sya.. Pero gumuho ang lahat ng ilusyon nya ng marinig ang nagsalita sa kabilang linya.. "Nag CR si Lelay pare.. Si Stefen to.. Leave a message na lang.. Ako na din maghahatid sa kanya so don't bother yourself too much na lang.. Matulog ka na lang dyan..Ahaha.." pang aasar na sabi ni Estong.. Namatay ang tawag.. Mukhang binaba ni Estong.. Tama lang iyon dahil baka makapagmura pa sya ng wala sa oras.. Tulalang sinilid ni Aldrin muli ang cellphone sa bulsa nya.. Parang robot na tumayo at nagsimulang lumabas ng bahay.. "Anak anung gusto mong juice?.." sigaw ni Alona mula sa kusina.. Nagtaka ito ng walang sumagot kaya nilabas nya ang ulo para dungawin ang sala. Walang tao. Napakunot noo ang ina.. Biglang narinig nya ang marahas na pagsara ng gate na bakal..

Tulala si Aldrin na nagpalakad lakad..

Nais nyang puntahan si Romeo.. O kaya si Darius.. O di kaya puntahan si Rhoi sa pinagtatrabahuhan nito.. Kailangan nya ng kausap.. Pero sa huli nagbago ang isip nya .. Nahihiya sya sa barkada.. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang dinadala nya dahil siguradong mag huhurumentado ang mga ito.. Pero talagang kailangan nyang ilabas ang sama ng loob. Nakarating na sa GYM ng subdivision si Aldrin ng di nya namamalayan.. Kasalukuyang may naglalaro ng badminton.. Malungkot na umupo si Aldrin sa konkretong bench. Tulala.. Di nya alintana ang nagkakasiyahang mga matatanda habang naglalaro ng badminton.. Parang manhid na ang pakiramdam nya.. Parang tinarakan sya ng anesthesia sa katawan.. Manhid na manhid ang sistema nya.. Tila huminto na din sa pagtibok ang puso nya.. Biglang nag ring ang cellphone ng binata.. Agad nya itong hinugot sa bulsa sa pag aakalang si Hannah ang tumatawag.. Text lang pala.. at sa Smart Operator pa galing.. Napabuntong hininga si Aldrin.. Isisilid na sana ni Aldrin muli ang cellphone ng may marecieve ulit syang text.. Unregistered number .. Binuksan nya ang mensahe .. Quotes lang naman.. Sa dulo ay may pangalan ni Bea kasabay ng pagbati ng magandang hapon.. Napangiti ng malungkot ang binata. Pinindot ang call button.. Ilang ring lang ay sumagot na ang kabilang linya..

"Hello Al.." masiglang bati ni Bea.. Ngumiti ng malungkot si Aldrin.. "Hintayin kita sa dati nating tagpuan ng alas syete.. " sabi ng binata.. Di na nya hinintay ang sagot ng dalaga ..Pinatay nya na agad ang cellphone.. Muling naglakad pabalik sa bahay. Dire diretson sa kwarto .. Pilit iniwasan ang ina.. Pagpasok sa kwarto ay bagsak agad sya sa kama.. Pagod na pagod ang pakiramdam nya.. Parang nasaid ang lahat ng energy nya sa katawan... Saglit na pinikit ni Aldrin ang mga mata.. Pero sa pagpikit nyang ito ay nilamon na sya ng kadiliman.. Tanging kirot sa puso nya ang nangingibabaw.. Sa unang pagkakataon ayaw nyang mapanaginipan ang kasintahan.. Chapter 29 ( Droga ) Masayang nagising si Hannah.. Agad nyang dinampot ang cellphone para itext ang nobyo.. Simpleng "Good Morning" lang naman ang sasabihin nya sabay may pahabol na "I love you my ace" sa dulo.. Napapangiti pa sya habang hinihintay na mag send.. Pero ang ngiti ay agad napalitan ng inis ng makitang ayaw mag send.. Chineck nya agad ang balance nya .. Napakunot noo .. "Madami pa naman akong load ah?.." bulong ng dalaga.. Napapadyak pa sya sa inis.. "Asar naman.. Sabihin ko na nga lang ng personal.." sabi ni Hannah.. Ayaw nyang masira ang magandang gising nya.. Maganda kasi ang napanaginipan nya.. Nasa simbahan daw sya habang may hawak na isang bata.. Ms.Communication

Sa ayos ng mga nasa paligid nya sa panaginip nya.. Mukhang may nagaganap na binyagan.. At ang nakakakilig pa nito.. Mukhang anak nila ni Aldrin ang binibinyagan.. Napabungisngis pa si Hannah.. Bagamat malabo ang mukha ng katabi nyang lalake sa panaginip.. Sigurado naman syang si Aldrin yon.. At ang batang binibinyagan ng pari ay walang iba kungdi ang anak nila.. Agad pumasok si Hannah sa banyo para maligo na.

Parang lumulutang si Hannah sa alapaap habang nakikinig sa guro.. Biglang tumunog ang cellphone nya.. Napataas ang kilay ng professor.. "Kanino naman yan?.. " mataray nitong tanong. Nahihiyang tumaas ng kamay si Hannah.. "Ahm.. Ma'am.. Excuse po.. Sagutin ko lang po.." pag excuse ni Hannah. Winasiwas lang ng guro ang kamay nito.. Naglakad palabas si Hannah.. Pumwesto sya sa bandang hagdan.. "Hello Lo.." magiliw na sagot ni Hannah.. "Apo.. Marami ka bang ginagawa dyan sa eskwela?.." tanong ng Lolo.. Napailing si Hannah.. "Uhm.. Lecture lang po Lo.. Kakatapos lang naming mag exam eh..." sagot ng dalaga.. "Ah ganon ba?.. Pwede ka bang mautusan sandali?.." tanong ng Lolo.. "Opo naman.. Ano po yon?.." ani Hannah.. Tila nagisip pa ang Lolo bago nagsalita.. "Ahm.. Apo.. Gusto ko lang kasing makita ang family history ni Aldrin.. Ayos lang ba iha?.." tanong ng Lolo.. Napakunot noo si Hannah.. "Baket po?.." tanong nya.. "Mas maganda siguro kung sa personal natin pag usapan ito apo.. Hintayin mo kame ako

dyan.. Paluwas na ako.." sabi ng Lolo.. Nagtaka si Hannah.. Kakauwi lang ng Lolo nya sa probinsya tapos luluwas na naman?.. "Eh Lo.. Di po ba kakauwi nyo lang po?.." tanong ng dalaga.. NAtawa ng bahagya ang Lolo.. "Medyo nagustuhan ko ata sa Maynila apo.. Sige na at nasa malapit na kami ni Jack kung saan mo ako pinasyal nuon.." sabi ng Lolo.. Natawa si Hannah.. "Sa Cirle Lo?.. Talagang nagustuhan nyo dyan ano ?.." natatawang tanong ng dalaga.. Natawa din ang Lolo sa kabilang linya. Sige na apo..Punta ka na at may paguusapan tayo.. sabi ng Lolo. "Sige po Lo.. Wait lang po.. Patapos na po itong subject ko.. Then punta na ako dyan.." sabi ni Hannah.. Nagpaalam na sila sa isa't isa.. Muling pumasok si Hannah para tapusin ang lecture ng guro.. Ilang sandali pa ay nagbell. Dali dali syang lumabas.. Di na nya pinansin ang pagtawag ng kaibigang si Marla. Tinahak nya ang daan papuntang room ni Aldrin. Dumungaw sya sa pinto.. Nakita nya ang nobyo na abala sa pagsusulat ng kung ano.. Napataas ang kilay nya ng makitang nakatitig si Jasmine kay Aldrin.. Sinitsitan nya ang dalaga.. Nanlaki ang mga mata nito at agad na dumistansya.. Kinalabit nya ang estudyanteng abala din na nagsusulat sa harap.. "Psst.. Anung ginagawa nun?." tanong ni Hannah .. Napalingon ang kinalabit nya.. Napangiti ito.. "Ah.. Si Boss Aldrin ba?.. Nangongopya ng assignment for next subject.. Marami rami kasi eh.." sabi ng kinalabit ni Hannah..

Napabungisngis si Hannah.. "Pakisabi dumaan ako.. Paki sabi aalis muna yung queen nya.. Okay?.." bilin ni Hannah.. Nagflying kiss pa si Hannah kay Aldrin.. Naisip nya na kung sasabihin nyang may lakad sya , malamang samahan sya nito. Ayaw nyang masira ang pag aaral ng nobyo dahil sa kanya.. Nakangiting umalis si Hannah.. Parang naguluhan ang kausap nya.. "Queen?.. Ano daw?.." sabi ng kinalabit ni Hannah.. Nagkibit balikat na lang ito at ipinagpatuloy ang pangongopya din.. Palabas na si Hannah ng gate ng may humintong sasakyan sa harap nya.. Bumaba ang binata nito at automatikong napangiti si Hannah. "Lolo.. Excited?.." sabi ni Hannah. Natawa ang Lolo. "Pasok na iha.. At marami akong itatanong sayo.." sabi ng Lolo.. Agad na pumasok si Hannah.. "Hi Tatay Jack.." bati ng dalaga.. "Kamusta iha?.. Gumaganda ka lalo ah.. Si Potpot?.." tanong ng matandang katiwala ng Lolo nya. Napangiti si Hannah.. "Oo nga iha.. Si Potpot?.." tanong ng Lolo.. "Ayun... Busying busy sa pag aaral.." napabungisngis pa si Hannah ng maalala na nangongopya lang ang nobyo ng assignment. Proud naman na ngumiti ang Lolo.. "Aba.. Responsable naman pala ang magiging apo ko rin eh.. " nakangiting sabi ng Lolo.. Niyakap ni Hannah ang abuelo.. "Syempre naman Lo.. Kain muna po tayo.." ungot ni Hannah.. Nagtawanan ang tatlo.. Sa isang sikat na restaurant tumigil ang kotse nila.. Agad na pumwesto ang maglolo sa tabi ng salamin na dingding.. May lumapit na waiter sa kanila..

"Sirs and Ma'am.." sabi nito sabay abot ng menu.. Umiling ang Lolo.. "Later iho.. We will just call you na lang." utos ng Lolo.. Agad na nagpasintabi ng waiter.. "Baket po ba Lo.?.." tanong ni Hannah.. Tumikhim ang Lolo sabay hinawakan ang kamay ng dalaga.. Napatingin sa labas ng salamin na dingding si Mang Jack.. Alam nyang di sya itinuturing na iba ng butihing Don pero nahihiya pa rin syang makinig sa usapang personal ng magLolo.. Kusa ng lumayo si Mang Jack at lumipat sa bakanteng mesa kasunod ng mesa nila.. Napangiti at lihim na nagpasalamat ang Lolo kay Mang Jack..Muli nitong binalingan ang apo.. "Apo.. May itatanong lang sana ako sayo.. Pero gusto kong wag ka munang magtanong pwede ba?.." tanong ng Lolo.. Naguguluhan man.. Tumango na lang si Hannah.. "Una, si Potpot ba ay may Lolo at Lola pa?.. I mean.. Buhay pa ba sila?.." tanong ng Lolo.. Napaisip si Hannah.. Tama .. Buhay pa nga ang mga Lolo at Lola ni Aldrin.. "Opo Lo.. Sa katunayan.. Magkasunod lang ang hasyenda natin at hasyenda nila.. I know kilala mo sila.." sabi ni Hannah.. Tumango tango ang Lolo.. Pilit nyang pinipigilan ang pagngiti .. Unti unti ng nabubuo ang tila puzzle na pagkatao ni Aldrin sa kanya.. "Ah ganun ba.. Eh yung magulang ni Aldrin.. Kasama ba nya sa bahay?.. I mean.. Kumpleto ba ang pamilya nya?.." tanong ulit ng Lolo.. Tumango tango na naman si Hannah. Di nya maiwasan ang mapangiti at maging proud sa pamilya ng nobyo.. "Tama po Lo.. Intact po ang family ni Potpot.. Actually.. They are one happy family.. Nakakainggit nga po minsan eh.. " sabi ni Hannah.. Lalong napangiti ng lihim ang Lolo.. "Ano naman name ng Lolo ni Potpot.?.. Alam mo ba?.." tanong ng Lolo.. Napahawak si Hannah sa baba..

Di nya pa nakikilala ng personal ang abule ni Potpot.. Pero kung susumahin nya.. "Hmm... Actually Lolo, we have'nt met pa po.. Well, Kung iisipin natin.. Ang buhay na lang sa mga Lolo ni Aldrin ay yung sa father side.. Meaning.. Kung pagbabasehan natin ang surname ni Potpot.. Di ko po alam ang whole name eh.." napasimangot si Hannah.. Natawa ang Lolo.. "Eh di kung anong full name ni Potpot.. Yun malamang ang surname ng Lolo nya.. Right apo>?.." parang naging excited na ang Lolo.. Napansin ito ng dalaga.. "Parang interesado ka po Lo?.." tanong ni Hannah.. Napailing ang Lolo. "Sabing mamaya na ang tanong eh.. Ano na apo?.. Ano bang fullname ni Potpot?.." tanong ng Lolo... Natawa si Hannah.. "Aldrin Villarama.." agad na sagot ng dalaga.. Nagulat ang dalaga ng biglang napatayo ang Lolo.. Sumigaw ito bigla.. "Yun !.." biglang sigaw ng Lolo.. Natawa si Hannah pati si Mang Jack.. Nahiya naman ang Lolo at pasimple itong naupong muli.. "Lo.. Nagdadrugs ka?.." biro ni Hannah.. NAtawa ang Lolo.. Di maitago ang kislap sa mga mata.. "Tama nga ako.. Sorry iha.. Wala munang tanong .." biglang sabi ng Lolo.. Napaungol si Hannah.. "Ang daya !.. Lolo !.." angal nya.. Natawa naman ang Lolo.. "AHaha.. I know medyo KJ ang dating ko iha.. Pero you have to trust Lolo this time.. Matutuwa ka for sure.." banat ng Lolo.. Napangiti ng maluwang si Hannah.. Tinawagan na nila ang waiter.. Muling bumalik si Mang Jack sa dati nitong pwesto..

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may di inaasahang bisita ang dumating.. "Sorry to interrupt.. " biglang singit ng bagong dating.. Napatingin lahat sila.. Automatikong napasimangot ang mag lolo pero di nila ito pinahalata.. "Kamusta iho?.." bati ng Lolo.. Kahit di iniimbitahan.. Humatak ng isa pang upuan si Estong at naupo sa tabi ni Hannah.. Napalayo naman bigla si Hannah na ikinatawa lang ni Estong.. "Im fine Lolo.. Im fine.. Ay.. Waiter !..One carbonara nga din then apple juice.. Bilisan mo!.." utos ni Estong.. Natahimik na lang sila. Si Estong ang bumangka ng usapan.. Madaliang inubos ni Hannah ang inorder na pagkain sabay lagok ng pineapple juice nya.. "Tapos ka na?.. T-teka.." nagmadali si Estong na mahabol ang dalaga.. After nilang kumain, tinawag ni Estong ang waiter para hingin ang bill.. Di pa ito dumarating ay nag iwan na ang binata ng limang libo sa mesa.. Napatingin si Hannah. Oo nga , mayaman sila.. Pero di naman sila ganito kahambog.. Lalo lang nagsintir ang dalaga.. Pati ang Lolo di na lang pinansin ang pagiging waldas sa pera ni Stefen.. Di pa dumarating ang waiter ay nag pauna na sya sa paglabas kasunod si Hannah at Mang Jack.. Nasa labas na sila ng magsalita si Estong. "Ngapala Lolo.. Remember yung pinag usapan po natin?.. Kailan po ba itutuloy?.." untag ni Estong.. Napasimangot ang Lolo. "Tatawagan na lang kita iho.. Sige na .. Iha papasok ka pa ba?.." tanong ng matanda.. Tumango si Hannah.. Gusto nyang makasama ang nobyo.. "Opo Lo.. Baka magtaka na si Potpot kung bakit wala pa ako.." sabi ng dalaga..

Umepal si Estong.. "Ako na po ang maghahatid Lolo.. May kakilala po ako sa school nila eh.." palusot ni Estong.. Napatingin ang Lolo sa dalaga.. May naisip na kung ano.. "Sige .. Mag iingat kayo .. Ingat sa pagmamaneho iho.. " bilin ng Lolo.. Napasimangot si Hannah.. Humalik sya sa pisngi ng Lolo sabay sakay sa magarang kotse ni Stefen.. Nagmamadali naman sumakay si Estong .. Kumaway silang dalawa sa Lolo sabay pinasibad na ang kotse.. Napangiti ang Lolo sa naisip.. Nagtaka si Mang Jack. Naglakas loob na magtanong.. "Manong.. Alam nyo namang ayaw ni Hannah don.. Bakit di na lang tayo ang naghatid..?.." tanong ni Mang Jack.. Ngumiti ang Lolo sabay sumakay sa kotse.. Dali dali namang pumwesto si Mang Jack sa drivers seat.. Binuksan ang makina pero di pa nya ito pinaandar.. "Jack.. " untag ng Lolo.. "Ano ho?.." tanong ng driver.. Ngumiti ng pagkaluwang luwang ang Lolo.. "Anong masasabi mo kay Potpot?.." biglang tanong ng Lolo.. Napaisip ang matandang driver.. "Base sa mga nakita ko nuon sa probinsya.. Masasabi kong mabait na bata sya.. Mukhang responsable dahil nga sa kwento ni Hannah na gumagawa daw ng mga aralin nya, hmm.. Maasahang kaibigan.. at higit sa lahat.. Mukhang mahal na mahal nya ang apo nyo.." sagot nito. Napangiti ng maluwang ang Lolo.. "Sa Circle tayo Jack.. Pababa tayo ng kinain tapos mag ice cream tayo.. O kaya mag bisekleta.. " nakangiting utos ng Lolo.. Natawa si Mang Jack.. Sinimulan ng patakbuhin ang kotse.. "Katulad sya ng Lolo nya.." bulong ng Lolo.. Pinikit nya ang mga mata ..

Tahimik lang sa kotse si Hannah.. Aware na aware sya .. Di sya nagsasalita kahit panay ang kwento ni Estong.. Nagpasalamat ang dalaga ng marating na nila ang gate ng university.. Nagdadasal na sana maabutan nya si Potpot..Kahit busog pa sya ay sasamahan nyang mananghalian ang nobyo.. Inabot ni Hannah ang pinto ng magarang kotse ni Estong pero pinigilan sya ng binata.. "Let me... " sabi nito.. Nagkibit balikat na lang si Hannah at pinabayaan na ito sa gusto nito.. Umikot si Estong sa kabila sabay bukas sa pinto nya.. Agad bumaba si Hannah.. Di na nya nakita ang nobyo na nakating lang pala sa kanya at nagtatago sa van.. Dirediretso sya sa kubo.. Pero walang tao.. Nanlumo si Hannah.. Tutal sampung minuto na lang bago ang susunod na subject.. Diretso na sya sa silid nya.. Di nya na napansin na nakasunod lang pala si Estong.. Wala syang pakelam.. Makikitext na lang sya sa room.. Pagdating sa room ay nagulat pa ang dalaga ng makita ang mga kaklaseng natataranta .. "Baket?.." tanong ni Hannah kay Marla. Natataranta din si Marla na nagbabasa.. "TAngek !.. Biglaang nagsabi si Sir na magpapalong quiz daw kasi di ata sya papasok bukas.. Dali sis !.. Mag review ka !.." tili ni Marla.. Nataranta na din si Hannah.. Ayaw nyang madissapoint sa kanya ang nobyo kapag nakakuha sya ng mababang marka sa pagsusulit.. Nataranta syang nakigulo sa mga classmates sa pagrereview.. Ten minutes na lang .. Nalimutan na nya ang nobyo sa taranta..

Sunod sunod ang naging quiz ni Hannah.. Pagod na ang isip nya..

Eksaktong patapos na ang last subject nya ng magring ang phone nya.. Sumandal lang sya sa upuan sabay sinagot ang tawag.. "Lo !.." pilit pinasigla ni Hannah ang boses.. "Apo.. Umuwi ka na.. May pag uusapan ulit tayo..Isama mo si Estong" sabi ng Lolo.. Nagtataka man ay napapayag na rin si Hannah .. San nya naman hahagilapin ang Estong na yon.. Matamlay nyang niligpit ang mga gamit sabay labas.. Nagulat pa sya ng mabungaran si Estong .. "Hanep ah.. Hinintay mo talaga ako?.." asar na sabi ni Hannah.. Ngumiti lang si Estong.. Sumabay na sa paglakad ng dalaga.. Pababa sila ng hagdan ng makita ni Hannah si Aldrin. Nagulat ang dalaga ng makita ang binata.. "A-hm Pot.. May lakad kami ni Estong.." nataranta si Hannah. Sobrang miss na nya si Potpot kaya agad nya itong nilapitan sabay hinalikan ng madiin sa labi.. "Hatid mo ko sa gate Heart.." lambing ni Hannah.. Tumango si Potpot.. Inabot nya ang dalang pagkain sa dalaga.. Kinapa ni Hannah ang sarili.. Busog pa sya.. Matamlay ang katawan nya kaya parang wala syang ganang kumain.. "Kakatapos lang namin Heart. Sorry.." nahihiyang sabi ni Hannah.. Nagsalubong ang mga kilay ni Aldrin.. Pero nagkibit balikat lang ito..Ngumiti ang binata. "Ah ganon ba?.. Sige.. Tara.." sabi na lang ng binata.. Inakbayan ni Aldrin ang dalaga sabay inakay na pababa.. May nasalubong silang lalake at dito inabot ng nobyo ang mga pagkain.. Parang nagulat pa ito.. Hinatid si Hannah ng nobyo sa gate .. Tinahak nila ang nakapark na kotse ni Estong.. "Dito na lang Heart.. Gusto mo bang sumama?.." tanong ni Hannah..

Biglang umepal si Estong.. "Di na kasya.. Two seater lang ang kotse ko.." angal nito.. "Eh di sa kotse ko.." banat ni Aldrin.. Natawa si Hannah.. Niyakap nya ang nobyo.. "May kotse ka heart?.." biro ni Hannah.. Natawa ang dalaga pero di natawa ang nobyo nya.. Si Estong naman ay tumawa ng malakas.. "Eh wala ka naman palang kotse pare eh.." pang aasar ni Estong.. Nahinto ang pagtawa ni Hannah at pinagmasdan ang nobyo.. Parang nainsulto ito sa biro nya.. Muli nya itong niyakap.. "Joke lang heart.." nahihiyang sabi ni Hannah.. Nagulat ang dalaga ng dahan dahang kalasin ni Aldrin ang pagkakayakap nya.. Its okay heart.. Wala naman talaga akong kotse.. Poor lang kase kame.. Ingats kayo ah.. Hoy Estonggoloid.. Kapag napahamak itong reyna ko.. Kahit anong yaman mo.. Hahatiin kita sa dalawa.. banta ni Aldrin.. Lalong kinabahan ang dalaga.. "Sorry talaga heart.. Nagbibiro lang ako.." naiiyak na sabi ni Hannah.. Pero nawalan na ng reaksyon ang mukha ni Aldrin.. Its nothing heart.. Text ka na lang pag nakauwi ka na.. Or kahit wag na.. Wag mo ng abalahin ang sarili mo .. Ingats kayo.. tumalikod na si Aldrin. Pot.. !.. tawag ni Hannah.. Pero di na lumingon si Aldrin... Gustong habulin ni Hannah ang nobyo.. Pero pinigilan sya ni Estong.. "Naghihintay na si Lolo.." paalala nito.. Nais ng umiyak ni Hannah. Nagpasya syang di na lang salubungin ang galit ni Aldrin..

Papahupain nya lang ito .. Agad syang sumakay sa kotse at tahimik na naupo.. Dali dali namang pumasok si Estong at pinaandar ang sasakyan.. Pagdating sa bahay.. Di pa nakakapark si Estong ay nauna ng bumaba si Hannah.. Agad binuksan ang gate sabay tinahak ang pinto. Pagbukas nya ay nagulat sya ng makita ang kaibigang si Cynthia.. "S-sis.." naiiyak na bati ni Cynthia.. Poker face si Hannah.. Nakakaramdam sya ng galit sa kaibigan pero di nya maiwasan ang magtaka sa ayos nito. "Sit iha.." sabi ng Lolo.. Nagtataka man.. Naupo si Hannah sa tabi ng Lolo.. Pumasok naman si Estong at naupo din sa katapat na upuan.. Tinitigan ni Hannah ang kaibigan..Talagang nagtataka sya sa itsura nito.. Parang pumayat at bumagsak ang katawan.. Bagamat di maitatangging maganda pa rin ang kaibigan.. "What happened?.." tanong ni Hannah. Nagkibit balikat lang ang Lolo.. Binalingan ni Hannah ang kaibigan.. "Anong nangyari sayo Cynthia?.." tanong ng dalaga.. Humikbi si Cynthia. Si Estong ang umepal. "Mukhang may problema sya.." singit ni Stefen.. Umirap si Hannah at tinabihan ang kaibigan.. "What happened?.." masuyong tanong nya.. Yumakap si Cynthia.. Di na tinago ang sama ng loob. They used me.. I am sorry sis.. sabi ni Cynthia.. Nagtaka si Hannah.. Nabaling ang tingin nya sa lolo.

PAgpahingahin mo na muna ang kaibigan mo Hannah..Estong halika muna iho.. sabi ng Lolo. Agad na inakay ni Hannah ang kaibigan at dinala sa isa sa mga guest rooms nila.. Pinahiga nya ito at kinumutan.. Sorry talaga sa mga nangyari sis.. naiiyak na sabi ni Cynthia.. Umiling si Hannah.. Ngumiti na marahan.. Napawi na ang galit nya sa nakikitang paghihirap ng kaibigan.. Bagamat di nya alam ang dahilan.. Parang wala na syang pakialam pa duon.. Hinalikan nya ang pisngi nito.. "Don't mind it na sis.. Sleep then kwentuhan mo ko mamaya.. Sige na.. " lambing ni Hannah.. Agad na nakatulog ang kaibigan.. Nagtaka si Hannah .. Parang hapung hapo ang itsura nito.. Kinumutan ni Hannah ang kaibigan sabay dahan dahang lumabas ng kwarto.. Naabutan nya ang lolo na nanunuod ng TV sa sala. Nilapitan nya ito at tinabihan.. Sumandal sya sa dibdib ng Lolo.. Masuyo namang inakbayan ng matanda ang apo .. Inabot ang remote sabay patay sa TV.. "Lo.. Ano pong nangyari kay Cynthia.. " malungkot na tanong ni Hannah.. Bumuntong hininga ang Lolo.. Nagulat ako ng makita ko sya kanina dito sa Gate.. Medyo nalibang kami ni Jack kaya alas tres na ata kami nakauwi..Ayun nga.. Pag uwi namin.. Nasa Gate sya nakaupo at mukang pagod na pagod.. Parang tumakas sa kung saan.. Sabi nya kaibigan ka daw nya.. Madami syang alam tungkol sayo kaya ko napatunayan na kaibigan ka nga nya.. Pinapasok ko sya at pinakain apo.. kwento ng Lolo.. Naiiyak si Hannah sa itsura ng kaibigan.. Parang galing sa kung saan ito.. Pagkatapos nyang kumain. Pinaligo ko muna sya.. Pinagamit ko na ang ibang damit mo.. Ayos lang naman di ba apo?.. tanong ng Lolo.. Tumango si Hannah.. Its nothing Lo.. Ano pong nangyari sa kanya..?.. tanong ng dalaga.. Maging ang Lolo ay parang nalungkot.. "Sa paputol putol na pagkwento nya ng mga pangyayari.. Mukhang nakatagpo sya ng siraulong nobyo.. Miyembro ng isang fraternity daw.. Halinhinan ata syang ginamit ng mga miyembro ng samahan.. Base sa itsura nya.. Mukhang tumakas sya.. " kwento pa ng Lolo.. Nabigla si Hannah..Tumulo na ang mga luha nya.. Eto na nga ba ang sinasabi nya nuon pa sa

kaibigan.. Mamili ng lalaking sasamahan.. Pero huli na .. Mukhang sa nangyaring ito kay Cynthia.. Matututo na ito..Awang awa si Hannah sa kaibigan.. Alam na ng mga magulang nya ang nangyari.. Pero sad to say iha.. Nagalit sila at mukhang pinabayaan lang nila ang anak nila.. Tinawagan ko sila kanina.. Pero mukhang walang gustong kumausap sa aken.. galit na ang Lolo. Pati si Hannah nakaramdam ng galit.. Ano ba namang magulang yan.. Parang di nila anak.. galit na sabi ni Hannah.. "Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit kita pinatawag apo.. Ang pamilya ni Cynthia ay may malaking pagkakautang sa akin.. Mahigit dalawampung milyon.." biglang sabi ng Lolo.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah.. Di sya makapaniwala na magkakilala ang mga magulang ni Cynthia at ang Lolo nya. "Actually .. Di lang saken.. Pati kay Ufo na matalik kong kaibigan.. Tag sampung milyon kami.. Wala na akong balak singilin ang perang yon.. Ewan ko lang kay Ufo.. " nag kibit balikat ang Lolo.. Napaisip si Hannah.. Lo.. Kailangang tanggapin nila ang anak nila.. Kung ganitong may utang sila sa inyo.. Di na sila makakatanggi.. matigas na sabi ni Hannah.. Tumango ang Lolo.. "Eto ang isa sa ipinagtataka ko iha.. Nuong nangutang ang mag asawang yan .. Panimula lang daw ng negosyo.. Pero syempre nagpaimbestiga ako.. Nalaman ko ang isang bagay..Wala silang kapasidad na magkaanak kaya nagtataka ako kung bakit may Cynthia.." sabi ng Lolo.. Parang nanlaki ang ulo ni Hannah.. Sunod sunod na rebelasyon ang nagaganap .. "A-ampon si Cynthia?.." mahinang tanong ni Hannah.. Nagkibit balikat ang Lolo.. "Tanging sila lang ang makakapagsabi.. Anyway.. If ever naman.. Handa akong ampunin ang dalaga.. Di ba kaibigan mo sya?..Magkakaroon ka na ng tunay na kapatid.." nakangiting sabi ng Lolo. Nagliwanag ang mukha ni Hannah.. Dinamba nya ang Lolo at pinaghahalikan ang pisngi nito.. Tawa ng tawa ang Lolo.. "Thank you thank you Lolo.. Your so the best ! !!.." sigaw ni Hannah.. Napailing lang ang Lolo sabay tinapik ang pisngi ng dalaga.. "Para sa paborito kong apo.. Anyway.. Samahan mo ang kaibigan mo.. Pagpahingahin mo sya ..Then pupuntahan natin ang mga parents nya.. If they dont want Cynthia back.. Sa atin na

sya titira.. We will treat her like true family.. " nakangiting paliwanag ng Lolo.. Tuwang tuwang pinaghahalikan muli ni Hannah ang Lolo nya.. "Pero Lo.. Nasan po si Estong?.." tanong ni Hannah.. "Si Estonggoloid?.." biro ng Lolo.. Nagtawanan silang dalawa.. "Opo.." sagot ni Hannah.. "Ah.. Inutusan ko.. Isa pa yan sa problema.. Mukhang natunton na sya ng tinatakbuhan nyang babae.. Gusto kong makaharap ang babaeng yon pero lagi na lang nagdadahilan yang Estong na yan.. Kesyo wag na daw kasi magugulo lang daw lao.. Haaay... Naiinis na ako.. Kung di nga lang apo yan ng kaibigan ko .. Malamang na ako pa mismo ang magpahuli dyan dun sa babae.." inis na sabi ng Lolo.. Napangiti si Hannah. Lo.. Pauwiin nyo na kasi si Naynay.. ungot ni Hannah.. Ngumiti ang Lolo.. "Para ano?.. Para kumpleto tayo pag namanhinkan na sila Potpot?.." biro ng Lolo.. Buking si Hannah..

Hating gabi na ng makauwi si Hannah sa bahay nila.. Pagod na pagod pero masayang masaya ang nararamdaman nya.. Hinatid nya ang bagong kapatid na si Cynthia sa kwarto nito katabi ng kwarto nya.. Masayang masaya talaga sya para sa kaibigan.. Muling pinaimbestagahan ng Lolo ang background ng pamilya ni Cynthia.. Bukas pa malalaman ang resulta kaya kailangang ihanda nya ang loob ng kaibigan para sa mga maaari nitong malaman.. Agad nyang tinext ang nobyo.. Gusto nyang tawagan ito pero baka mahimbing na itong natutulog.. Ayaw naman nyang istorbohin.. Pagkasend ng text .. Hinubad ni Hannah ang kwintas ni Potpot.. Ingat na ingat na nilagay nya ito sa jewelry box sa tabi .. Isusuot nya itong muli kaya dapat nasa tabi lang nya para madaling makita.. Nakangiting nakatulog si HAnnah..

Kinabukasan..

Dismissal. Palabas na si Hannah ng halos mabangga sya ng nobyo.. Agad napangiti ang dalaga ng makita si Aldrin.. "Hi Heart.. Miss na kita.." bati nya.. Pero imbes na sumagot .. Halik ang ginawa ni Aldrin.. Nagulat man ay agad nya naman itong tinugon ng katumbas na init.. Miss na miss nya na ang labi ng kasintahan.. Nahihiyang kumalas si Hannah.. Nagkangitian silang dalawa.. Inabot ni Aldrin ang braso .. "Tara.. " aya ng binata.. Ngumiti si Hannah sabay kawit ng braso nya.. Agad nilang tinahak ang daan papuntang kubo.. Wala pang tao pagdating nila. Naupo agad si Hannah sa trono ni Aldrin..Tumabi naman ang binata sa kanya.. San ka galing kahapon?.. tanong ng nobyo.. Ngumiti si Hannah.. Pinapunta kasi ako sa NSO ni Lolo.. Pinakuha yung birth certificate ko.. sabi ni Hannah. Napakunot noo naman ang binata. Ha?.. Anong gagawin mo naman don?.. At bakit gabi ka na nakauwi?.. tanong ni Aldrin.. Ngumiti si Hannah.. Eh namasyal pa kasi kami ni Lolo.. Ito naman.. Anyway .. Ikaw anung ginawa mo yesterday?.. tanong ng dalaga.. Ayaw ni Hannah na magkwento pa .. Gusto nyang sorpresahin ang nobyo tungkol kay Cynthia.. Nagkwento naman si Aldrin.. Tawa sya ng tawa habang kinukwento nito ang mga kamanyakan ni Romeo .. Ilang saglit pa ay nagsidatingan na rin ang ibang alas.. Pero wala si Rhoi.. Nakasimangot na sumalampak ng upo si Krissia sa trono ng Ace of Clubs.. Pinagduduro nito sina Romeo at Darius..

Nagtaka si Hannah.. Bakit sis?.. tanong ni Hannah.. Etong dalawang to.. Ayaw ituro kung nasan yung magaling na kaibigan nila.. Hoy ikaw Aldrin.. Nasan si Rhoi?.. mataray na tanong ni Krissia.. Napaisip si Aldrin.. Di ko alam.. Bakit di mo itext or tawagan?.. tanong ni Potpot.. Lalong napasimangot si Krissia.. Eto phone nya.. Nasa kanya ang phone ko.. Pero duda ko nakapatay e.. Kanina ko pa tinext.. Kanina lang nakita ko..Ang alam ko last subject nya yon for today pero nung pinuntahan ko sa room nya.. Wala na daw sabi ng klasmeyt nya.. Hmm.. inis na sabi ni Krissia.. Bigla nyang binato si Romeo na tumatawa ng lihim.. OY baket?.. angal ni Romeo.. Pinandilatan sya ni Krissia.. Nasan ba kasi?.. Lagi na lang ganito.. Last year.. Nawala din sya.. Every year na lang !.. asar na wika ni Krissing.. Yaan mo na sis.. Baka naman may ginawa lang . sabi ni Hannah.. Napayapa naman si Krissia.. Baka may nililigawan.. pang aasar ni Romeo.. NAg high five sila ni Darius pero biglang may lumipad na mga unan galing sa dalawang babae.. Tawanan lang ang mga lalake.. Habang magkayakap sila ng nobyo. Tumunog ang cellphone ni Hannah.. Nanlaki ang mga mata nya ng mabasang si Cynthia ang nasa kabilang linya.. Dali dali syang lumabas .. Ayaw nyang marinig ng mga alas na kausap nya si Cynthia dahil balak nya nyang sorpresahin ito...Gumilid sya sa kubo at sinagot ang tawag.. "Sis.. Tawag ka ni Lolo .. May tao dito.. Parang detective eh.." sabi ni Cynthia.. Napangiti si Hannah.. Mukhang lumabas na ang resulta.. "Sige sis.. Sunod na ako.. Wait lang.." sabi na lang ni Hannah.. Agad syang nagpaalam sa mga alas.. Pati sa nobyo..

Ayaw nyang bigyan ito ng clue para magulat ito.. Nagtataka man ay tumango na lang si Aldrin.. Dali daling umalis si Hannah.. Nagtaxi na lang sya.. Pagdating sa bahay ay agad syang pumasok.. Tama si Cynthia. May bisita nga.. Agad lumapit si Hannah sa lolo.. "Ahm.. This is my grand daughter .. Hannah iha.. This is Detective Jack Valentine.. Sya ang kinuha kong detective.." pakilala ng Lolo.. Napangiti si Hannah... Tinanggap nya ang kamay ng Detective.. Tumabi sya sa lolo at pasimple itong pinagmasdan.. Parang di naman magaling.. Parang babaero ito dahil sa gwapong itsura.. "Lo.. Si Cynthia?.." tanong ni Hannah.. Ngumiti ang Lolo.. "Ah.. Pinag shopping ko muna .. Ayaw kong marinig nya ito.. Anyway.. Proceed Mister Valentine." sabi ng Lolo.. Tumango si Jack Valentine.. "As I was saying Sir.. Tama po ang hinala nyo.. Pero meron pa akong nakuhang information.. Mr and Mrs. Chan was not just doing business with the Mister William So.. They were smuggling drugs.. " diretsong sabi ng Detective.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah.. Napatango tango naman ang Lolo.. "Okay.. I will leave it to you.. Nakuha ko na naman ang gusto kong makuha.. I want to transfer Cynthia to my name.. Para di na matrauma ang bata.. Wag na nating sabihin sa kanya ang gagawing paghuli sa parents nya.. Thank you Detective Jack Valentine.." inabot ng Lolo ang palad nito sa gwapong detektib.. Pati si Hannah ay humanga dito.. "I will refer you to my cousin sir.. He's a laywer.." sabi ni Jack Valentine.. Tumango ang Lolo.. "Tell him to meet me first thing in the morning... Thank you again Mister Valentine.." sabi ng Lolo.. Nag miryenda sila.. Nagbihis lang si Hannah at muling bumaba..

"Lo.. Sundan ko si Cynthia.." paalam nya.. Tumango ang Lolo.. Paglabas ni Hannah at napasimangot na agad sya... "Hi hon.." bati ni Estong.. Bwisit agad si HAnnah.. "San ka punta?.." tanong nito.. Umirap si Hannah.. "Wapakels.. " taray nya.. "Teka sasama ako.. Bibigay ko lang ito kay Lolo.." nagmamadaling pumasok si Estong.. Napaisip si Hannah.. Libre pamasahe.. Napabungisngis sya at hinintay na ang binata.. Napangiti ito ng maluwang ng makita ang dalaga na naghihintay.. Tara?.. aya ni Estong.. Tumango si Hannah.. Di na nya hinintay na pagbuksan sya ng pinto.. Sya na ang nagkusa.. Pinuntahan nila ang kaibigan na si Cynthia.. Pero nagtaka sya ng magpark si Estong sa jollibee.. "Oy.. Baka naghihintay na si Cynthia.." reklamo ni Hannah.. Ngumiti si Estong.. "Saglit lang.. Namiss ko food dito.." sabi ng binata.. Napaingos si Hannah.. Nagpaagos na lang sya sa gusto ng binata.. Para tantanan na sya.. Agad na umorder ito.. Inokupa ng dalaga ang mesa sa tabi ng salamin na dingding.. Maraming na order si Estong.. Tuwang tuwa naman si Hannah dahil libreng tanghalian na naman.. Agad nyang nilantakan ang mga pagkain.. Di nya inintindi ang mga pinagsasabi ni Estong.. Matapos ang lahat ng kinakain.. Dumighay pa ang dalaga..

"Oops.. Excuse me.." natatawang sabi ng dalaga.. Tumawa din si Estong.. Its okay.. Anyway.. May isashare ako sayo.. nakangiting sabi nito.. Pinaikot ni Hannah ang eyeballs.. Sige lang.. walang ganang sabi nya.. NAgsimulang magkwento si Estong.. I saw the baby.. Mukhang matatanggap ko na ang bata kahit di ko pa sure na ako ang ama.. kwento ni Estong.. Napangiti si Hannah.. Good.. Dapat lang kasi na tanggapin mo.. Biyaya ang turing ko sa bata.. Dapat di mo sya tinatakbuhan.. Kahit pa sabihing di ikaw ang ama.. MAgbago ka na Estonggoloid.. biro ni Hannah.. Napasimangot si Estong.. Tumawa lang si Hannah.. Matapos nito ay inalalayan nyang lumabas ang dalaga sa fastfood resto.. Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong pero nagmakaawa ang binata.. Eto naman.. Im just trying to be gentleman.. Syempre naiisip ko yung baby ko.. nakangiting paliwanag ni Estong.. Napangiti na din si Hannah at hinayaan ang pag akay ng binata sa braso nya.. Hinayaan nya na ding pagbuksan sya nito ng pinto .. Pasakay na sana sya ng may marinig syang sigaw.. Enjoy ba?.. sigaw ng isang boses. Nanigas si Hannah.. Kilalang kilala nya ang boses na iyon.. Agad nyang nilingon ang paligid .. Lalo syang natulala ng makita ang galit sa mukha ng tatlong alas na kasalukuyang nakadungaw sa bintana ng isang jeep..Pero mas inaalala nya ang galit sa mukha ng Ace of Hearts.. Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong... Tinakbo nya ang distansya ng jeep pero umandar na ito.. Di napigilan ni Hannah ang mapaiyak.. . Di maikakailang tumatak sa isip nya ang galit na mukha ni Aldrin..

Chapter 30 -

Ms.Understanding

( Libreng Droga )

Inuga ni Alona ang anak.. "Anak kakain na.." masuyong gising ng ina. Nagulat sya ng makitang basa ang paligid ng mga mata ng anak.. Nakaramdam ng awa ang ina .. Batid nyang may pinagdadaanang problema ang anak at ang kasintahan nito.. Ayaw nya namang makialam.. Napabuntong hininga si Alona at muling inuga ang anak.. "Anak.." lambing ni Alona. Umungol si Aldrin.. Dahan dahang nagmulat ng mga mata. "Angel ka ba?.." biro ng binata.. Napahagikgik ang ina.. "Anak... Kain na tayo.. " aya ng ina.. Nag inat ang binata sabay dahan dahang bumangon.. "What time is it Mom?.." tanong ni Aldrin.. "It's past seven na anak.." sabi ng ina.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin. "Holy cow !.. Sorry mom.. Sa labas na lang po ako kakain..May lakad po ako.." nagmadali si Aldrin na tumakbo sa banyo.. Nagtaka si Alona.. Hinintay nyang makalabas ang anak.. Hinalungkat nya ang drawer ng anak para maghanap ng gagamitin nito.. Habang naghahanap ng briefs , may nakapa syang matigas na bagay sa bandang ilalim ng mga damit.. Hinugot nya ito at napakunot noo sya ng makita ang brown na kahon..

Binuksan nya ito..Muli syang nagtaka.. Kwintas na gawa sa sinulid..Hinawakan nya ang papel na nakasabit... Napangiti sya ng mabasa ang pangalan ni Lelay. Agad na binalik ng ina ang kahon at humugot na ng brief.. Saglit lang naman ang tinagal ni Aldrin sa paliligo.. Malamig kasi ang tubig.. Nakatapis ng twalya, patingkayad syang lumabas ng banyo.. NAabutan nya ang ina na tinitiklop ang ginamit nyang kumot sa pagtulog.. Natawa ang ina.. "Hala.. wala ka pa ata sampung minuto ah.." pang aasar ni Alona.. Natawa naman ang binata .. "Mom, bihis lang po ako.. " sabi ni Aldrin.. Napabungisngis ang ina.. "Naks.. Dati nagpapabihis ka ah.." biro ni Alona.. Nagtawanan ang mag nanay.. Palabas na si Alona ng may maalala.. "Anak.. may Pera ka pa ba?.." masuyong tanong ng ina. Tumango ang anak sabay thumbs up.. Isasara na lang sana ni Alona ang pinto ng muling may maalala.. "Anak.. Walang perpektong relasyon.. Minsan talaga, kailangan mong masaktan para malaman mo ang kahalagahan kung paano ang magmahal.. Syempre naranasan mo na ang masugatan ang puso mo.. Natural, kung mahal mo ang partner mo.. Di mo hahayaang maranasan nya ang mga naranasan mo.. Give and Take ang relasyon anak.. Dapat matuto kang magbigay ng di umaasa ng may matatanggap ka..Ganyan ang wagas na pag ibig.. Di na kita masyadong napapagsabihan kasi alam kong matalino kang bata.. Anyway.. May isashare ako sayo kung maaga kang makakauwi.. It's all about Hannah's Mother.. and family.." kumindat pa ang ina.. Natouch si Aldrin.. Nakangiti pa rin sya kahit na nakaalis na ang ina. Madalian lang syang nagbihis. Pagbaba nya naabutan nyang kumakain ang pamilya nya.. Isa isa nya itong pinaghahalikan.. "Aba.. Ang bango ng anak ko ah.." puri ni Nestor.

Niliyad ni Aldrin ang dibdib. . "Pawis lang yan Dad.." pagyayabang nya. Nagtawanan ang mag ama. "Ang sangsang ng perfume mo kuya.. " pang aasar ni Aly pero napatili ito ng agawin ni Aldrin ang ulam na manok.. Natawa ang ina.. "San ang lakad anak?.." tanong ni Nestor. Ngumiti ang binata .. Pero di ito umabot sa tenga nya.. Napansin ito ni Alona pero tahimik lang syang sumusubo. "Date dad.. Have to go.. Baka sabihin late comer ako.." sabi ni Aldrin sabay mabilis na dinampot ang ulam ng bunso... Gigil na gigil si Alyssa.. "Anong oras ang Date nyo anak?.." nakangiting tanong ng ina.. Napatingin si Aldrin sa relos sabay nanlalaki ang mga matang tumakbo papuntang pinto.. "7:00 Mom !.." sigaw nya.. Narinig na lang nila ang pagbukas-sara ng gate.. Napatingin ang ama sa sariling relo.. "7:45.. Di pa daw sya late.." naiiling na sabi ng ama.. Nagtawanan ang pamilya at muling pinagpatuloy ang pagkain.. Hingal si Aldrin na dumating sa park.. Agad nyang naaninag si Bea na nakatingin sa kawalan.. Naguilty ang binata .. Dahan dahan nyang nilapitan ang dalaga at pumwesto sa likuran nito.. Tinakpan nya ang mga mata nito at nag boses engkanto.. "Anong ginagawa mo dito babae?.." boses engkanto na sabi ni Aldrin.. Napabungisngis si Bea.. "Naghihintay lang po ng ka date.." pagsasakay ng dalaga.. Napangiti si Aldrin.. "Eh anong oras na.. Mukhang di na sya dadating.." boses engkanto pa din.. "Kahit na.. Maghihintay pa rin ako.." determinadong sabi ni Bea..

Lalong na guilty si Aldrin.. Tinanggal nya ang kamay sabay tumabi kay Bea sa bench.. "S-sorry.. Nakatulog ako.." pagdadahilan ng binata.. Napangiti ng matamis ang dalaga.. "Its ok.. Kahit abutin ka pa ng alas dose.. Hihintayin kita.." sabi pa ni Bea.. Napangiti ng malungkot si Aldrin.. "Eh kung 12:01?.." biro ng binata.. Napabungisngis ang dalaga.. "Ah ibang usapan na yon. !" biro din ni Bea.. Nagtawanan sila.. Tumayo si Aldrin at pinagpag ang pwet... Inabot nya ang palad sa dalaga.. "Let's go." aya ng binata.. Maluwang ang pag ngiti ni Bea sabay abot sa palad ni Aldrin.. Nagkatitigan pa sila.. Magkahawak kamay nilang nilakad ang dati nilang pinagkakainan.. Same spot..Umorder si Aldrin.. Habang sinasabi sa waiter ang order.. Nakatitig lang si Bea sa binata.. Miss na nya ito. Aminado syang kasalanan nya kung bakit sila naghiwalay kaya hanggat kaya pa nya.. Babawi sya.. Nakaalis na ang waiter at napatingin si Aldrin sa dalaga.. Automatikong lalong naging matamis ang ngiti ni Bea.. "Parang nakaglue yung ngiti mo ah.." biro ni Aldrin.. Natawa ng mahina ang dalaga.. "Ofcourse.. I am with someone so special to me.." sabi ni Bea.. Napangiti din si Aldrin.. "That's my line.. 2 years ago.." sabi ng binata.. Nagkatitigan sila. "Yes.. I remember it all.." sabi ng dalaga..

Katahimikan.. "Then why you left me?.." mahinang tanong ni Aldrin.. Kumalat ang lungkot sa mukha ni Bea.. Eksaktong dumating ang waiter..Nagpasalamat ng lihim ang dalaga.. Tulad ng dati.. Maasikaso sa pagkain si Bea.. Panay ang subo nito sa binata.. Malambing ito nuon pa pero parang lalo itong naging malambing.. Pag tinitigan nya naman ito.. Laging matamis na ngiti ang isasalubong sa kanya.. Napapangiti na lang din si Aldrin ng wala sa oras.. Pilit nyang pinakikiramdaman ang sariling damdamin.. Sa mga oras na ito.. Parang nais nyang malipat ang feelings nya kay Hannah papunta kay Bea.. Masakit ang loob nya sa kasintahan.. "Anung dessert?.." nakangiting tanong ni Aldrin.. Napalabi ang dalaga.. Nilagay ang hintuturo sa kanang sentido.. Mannerism nito pag nagiisip.. Cute na cute si Aldrin dito nuon.. Hanggang ngayon.. Di nya mapigilan ang mapangiti.. "Ayaw ko dito.. Dun tayo sa resto nyo.." nakangiting sabi ng dalaga.. Natawa si Aldrin. "It's past 9 na .. Alam mong 9 magsasara yung resto.. Then babyahe pa tayo so baka si Manong Gibo na lang madatnan natin.." sabi ni Aldrin na ang tinutukoy ay ang loyal nilang security guard sa panggabi.. Natawa din ang dalaga.. Napatingin sya sa paligid..Parang nakakita ng kung ano, bigla itong nagtuturo.. "Ayun ayun !..Balot !.." impit na sigaw ng dalaga.. Natawa si Aldrin.. Tumango tango.. "Okay okay.. Let's go?.." aya ni Aldrin.. Tumango ang dalaga at inabot ang nakalahad na palad ng binata... Palabas na sila ng muling bumalik si Aldrin sabay nag iwan ng bayad.. Bungisngis si Bea.. "Kaw ha.. Mag 1,2,3 ka na naman ..Para kang si Romeo eh.." biro ni Bea.. Natawa si Aldrin.. Inakay nya ang dalaga papunta sa malapit na park sabay nilapitan ang tindero ng balut..

Napasinghap si Bea ng makitang napakagwapo ng tindero ng balut.. Nanlalaki naman ang mga mata ni Aldrin.. "I-ikaw?.." sabi ng binata. Ngumiti ang tindero. "Yup.. Sideline sir.." sabi ng tindero. Napatango si Aldrin... Humigpit ang kapit ni Bea sa braso ng binata dahil parang tumatagos ang tingin ng tindero ng balut sa katawan nya.. "Pre dalawa... " sabi ni Aldrin.. Agad na kumuha ang tindero ng dalawang balut.. Natawa pa si Aldrin dahil nakasupot na ito agad..Pati sawsawan ready na.. "Hanep.. Parang alam mong darating kame ah.." biro ni Aldrin.. Tahimik lang si Bea.. Natawa naman ang tindero.. "Tae ka.. Syempre dapat prepared ako... Sige na.. Layas na kayo.. Dun oh.. May nakita akong bakanteng bench don.. Shoo.." pagtataboy ng tindero.. Nagtawanan ang dalawang binata..Inabutan ni Aldrin ng pera ang tindero pero tumanggi ito.. "Libre na pre.. Schoolmate tayo eh.." palusot ng tindero.. Napangiti si Aldrin.. "Salamat ha.. Syangapala pre.. Aldrin.. And this is Bea.." pakilala ni Aldrin.. Napangiti ang tindero .. Inabot ang sariling palad sa binata.. "Totoy na lang pre.. Wag mo ng tawanan .. Alam kong pangit.." nakangiwing pakilala ng tindero.. Napahalakhak bigla si Bea.. "Ngek.. Ang pogi tapos panget ng name.." biglang banat nya.. Napakamot si Totoy sa batok.. "Hala layas !.. Sabi na eh..Dun na nga kayo at magparami.." biro ni Totoy.. Natawa si Aldrin.. Nag blush naman si Bea.. Pabirong tinapik ni Totoy ang balikat ni Aldrin.. "Sige na pre.. " paalam ng binata..

Nauna na si Bea sa bench na tinuro ni Totoy... Tatalikod na lang sana si Aldrin ng muli nyang lingunin si Totoy.. Kataka takang nakatitig lang din ito sa kanya.. Nakangiti.. "Pare.. Mag ikot ikot ka para kumita ka.. Hindi yung nandito ka lang.." biro ni Aldrin.. Natatawang tumango si Totoy.. Pero bigla itong sumeryoso.. "You don't know what your doing pare.. You were meant to hurt each other.. If I were you... I will stop the moment na makauwi kayong dalawa ngayong gabi.. Past is past and you have your present.. You have to believe in her.. You have to love her.. And you have to trust her.. If a relationship loses trusts, then there is no true love in it.. And when there is no true love, therefore, I can say that there is no relationship either.. Learn how to trust your partner.. " nakangiting bilin ni Totoy.. Napanganga si Aldrin..Nilingon nya si Bea na kampanteng nakaupo at nilalantakan ang balut.. Muli nyang nilingon si Totoy.. "Are you talking to her?.." tinuro ni Aldrin si Bea... Ngumiti si Totoy sabay umiling.. "Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko pare.. Wag kang mag tanga tangahan.. Wag mong gamiting dahilan ang isang masakit na pangyayari para saktan din sya.. " pangaral pa ni Totoy.. Lalong nalito si Aldrin.. Di nya maintindihan ang kalahati ng sinabi nito.. "Wala akong balak saktan si Lelay.." bulong nya.. Pero tumawa si Aldrin.. "Pero nasaktan na sya.. Alam ko ring nasaktan ka.." sabi ni Totoy.. Lalong naguluhan si Aldrin.. "Nasaktan sya?.. How?.. Eh ako nga yung nasaktan nung nakita ko sila ni Estong !.." pilit kinokontrol ni Aldrin ang emosyon pero parang ilog itong umaagos.. Nagseryoso ulit si Totoy.. "Sinong may kasalanan?.." nakangising tanong ni Totoy.. Nakaramdam ng galit si Aldrin.. "Ako pa?.. Ako pa ang may kasalanan.?.. Kung magaling ka.. Simpleng aritmetik lang yun eh.. " singhal ni Aldrin.. Ngumisi si Totoy.. "Nagtanong ka ba?.. " banat nito..

Napanganga si Aldrin.. Pahiya sya pero gusto nyang ipinpoint na sya ang nasaktan.. "Wag mo kasing ingudngod sa kanya na nasaktan ka.. Sinasampal mo sa mukha nya ikaw ang niloko?.." banat pa ni Totoy.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.. Tumawa ng parang baliw si Totoy.. Napatingin si Aldrin.. Nangingilid na naman ang luha sa kanyang mga mata..Ayaw man nyang aminin pero tama ang lahat ng sinabi ng kaharap.. Tinapik ni Totoy ang balikat ni Aldrin.. "We will see each other soon.. Yung mga sinabi ko.. Ituring mong guide yon.. Wag mong masyadong seryosohin kasi nabasa ko lang sa magazine yon pre.. Dun ka na sa chix mo.. Naubos na nya yung balot o.. " biro ni Totoy.. Natawa ng mahina si Aldrin.. Nagpasalamat sya sa tindero ng balut sabay nilapitan ang dalaga.. Tama si Totoy.. Last na yung balut na nilalantakan ni Bea.. "Ay.. Sorry Al.. Ang sarap eh.. Parang ibang klaseng balut to.. " nahihiyang sabi ng dalaga.. Natawa si Aldrin.. "Sige bibili pa ko.." sabi nya.. Paglingon nya nagtaka sya dahil wala na si Totoy.. Nagkibit balikat na lang ang binata at tinabihan ang dalaga..

Lumabas sa CR ng restaurant si Hannah.. Nilapitan nya ang kaibigan na si Cynthia na abala sa pagkain.. Pasalampak na naupo ang dalaga sa tapat ng kaibigan.. NAtawa si Cynthia sa reaksyon ng mukha ni Hannah.. "Oy... Para kang natalo sa sugal ah.. Sabi ko nga sayon.. Baka naiwan mo sa kotse ni Estong.." sabi ng dalaga.. Napalabi si Hannah.. Tama nga siguro ang kaibigan.. "Ang huli kong naaalala.. Im trying to make contact to Potpot eh.. Nasa kotse lang ako ni Estong habang dial ng dial... Ewan ko ba.. May sira ata yung phone ko .. Di ko na makontak si Potpot lately.. Papalitan ko na nga..Hmmp !.." asar na sabi ni Hannah.. "Tawagan mo si Estong oh.." inabot ni Cynthia ang sariling cellphone kay Hannah..

Napasimangot si Hannah.. "Di ko kabisado number ng kolokoy na yon.. Pero baka nga naiwan ko yung phone ko sa car nya.. Hay nako.. Baka tawag na ng tawag si Potpot eh.. Kainis kasi !..ang tanga ko !.." sabi ng dalaga.. Nagpapapadyak pa sya sa sahig.. Natawa si Cynthia at mabilis na inubos ang pagkain.. Uminom lang ng pineapple juice.. "Hoy babae.. Di mo na naubos yang carbo mo.." sabi ni Cynthia.. Napanguso si Hannah.. "Sa bahay na lang ako kakain sis.. Inis na ko.. Si Lolo uwian natin ng pasalubong.. " sabi ng dalaga.. Napangiti si Cynthia.. Magkahawak kamay silang lumabas ng magarang restaurant sa loob ng mall.. Naglakad lakad ang dalawa.. Nag iisip at tumitingin tingin sa paligid ng maaaring ipang pasalubong sa Lolo nila.. "Ay wala dito..Dun tayo sa park.. Bili tayo fishballs.." yaya ni Hannah.. Tumango si Cynthia.. Naglakad lakad sila.. Sa malas.. Walang makitang fishballs ang dalawa.. "Kainis.. Dapat meron dito eh.. Alam ko meron dito .." sabi ni Hannah.. Natawa si Cynthia.. "Ayun sis.. Yun na lang kaya?.." turo ni Cynthia.. Napalingon si Hannah.. Napangiti din ang dalaga.. "Ay pwede yan.. Magugustuhan ni Lolo yang isaw isaw.. Dali sis habang wala pang tao.. Mamaya maglalabasan na yung employees ng mall , for sure dudumugin yan.." excited na sabi ni Hannah.. Nilapitan nila ang tindero ng isaw .. "Manong.. Alin po pinakamasarap?.." tanong ni Cynthia.. Natawa ang tindero.. Nag alis ito ng suot na bull cap.. Napanganga ang dalawang dalaga.. Nagkatinginan pa sila... "Lahat yan masarap.. Alangan namang laitin ko tinda ko?.. Heller?.." biro ng tindero..

Natawa ang dalawa.. Di maalis ni Cynthia ang tingin sa tindero.. Pasimple na syang kinurot ni Hannah.. "Hoy sis.. Halos maglaway ka na ah.." biro ni Hannah.. Napahiya naman si Cynthia. "Oy bibili ba kayo?.. Better buy now or else di na kayo makakapili kasi maglalabasan na yung mga nag tatrabaho sa mall..Pati dun sa katabing call center building.." sabi ng tindero.. Parang nagising sa pagkakatulog si Cynthia at pacute na nag tuturo.. "Ito sis.. Tsaka ito.. Eto mukang masarap.." halos ituro na nito ang lahat.. Natawa si Hannah pati yung tindero.. "Eh kung iplastik ko na lahat ?.." biro nung tindero.. Nahiya naman si Cynthia.. "Eto naman .. Buti nga marami kaming bumili eh.. " taray ng dalaga.. Napabungisngis si Hannah.. "Baket nagrereklamo ba ko?.. At tsaka.. Kaya mo bang kainin yung ulo ng manok?.." parang naghahamon na sabi ng tindero.. Napalabi ang dalaga.. Si Hannah di napigilan ang pagtawa.. "Sige na.. Alin ba dyan pinakamasarap?.." tanong ni Hannah.. Sinalang ng tindero ang pinakamasarap nyang tinda.. Pinaypayan ito at pinahiran ng mantika.. Nanuod naman ang dalawang dalaga.. Mula sa kung saan naglabas ang tindero ng dalawang upuan. "Oh.. Baka sabihin nyo di ako gentleman.." biro ng tindero.. Natawa ang dalawang dalaga at tinanggap ang upuan.. Habang pinapanuod nila ang pag iihaw ng tindero pasimple nilang tinitigan ang mukha nito.. "Gwapo no?.." bulong ni Cynthia.. Napahagikgik si Hannah.. "Ikaw basta gwapo ang bilis ng radar mo.. Pero in fairness naman .. Totoong gwapo nga.. Pwedeng mag commercial model yan eh.. O kaya artista.." bulong din ni Hannah.. Napatingin ang tindero.. "Bubuyog ba kayo?.. Kayo kayo lang nag kukwentuhan.. Share share din.." biro ng

tindero.. Natawa ang dalawang dalaga.. "Anung name mo?.." tanong ni Cynthia.. Nakurot ni Hannah ang kaibigan ng palihim.. Pero di nagpatinag si Cynthia.. Napangiti at parang nahiya ang tindero.. "Pwera lait..?.." parang nahihiyang sabi nito.. Nagkatinginan ang dalawang dalaga.. Sabay pang tumango.. Bumuntong hininga ang tindero.. "T-Totoy.." mahinang sabi nito.. Natulala ang dalawang dalaga.. Pagkuwa'y sumabog bigla sa tawa.. Nilakasan ni Totoy ang pag paypay dahilan para lumaki ang usok.. Natatawang lumayo ang dalawang dalaga.. "Aahahaha... Akala ko naman Mark o kaya John.." pang aasar ni Hannah.. "Pwede ngang Peter o kay Dwight. Pwede ding Jake or Paul.. Pero Totoy?.. " dagdag pang aalas ni Cynthia.. Nagtawanan ang dalawang dalaga na parang wala ng bukas.. Nakasimangot si Totoy na pinapunta sa dalawang dalaga ang usok.. Tawa ng tawa sina Hannah na umiiwas... "Sorry.. Joke lang .. Ito naman.. " pigil ni Hannah ang pagtawa.. "Sorry na Totoy Putotoy.." lalong silang nagtawanan sa sinabi ni Cynthia.. Napakamot na lang si Totoy.. Ilang saglit pa humupa na din ang tawa..Muling naupo ang dalawang dalaga.. Binalot na ni Totoy ang inihaw nya sabay abot kay Hannah.. "Oh.. Pati sawsawan andyan na.. Specially made by Totoy Putotoy.." pagsakay ni Totoy sa dalawa.. Bungisngis na naman sila.. Naglabas ng pera si Hannah pero tinanggihan ni Totoy.. "No thanks.. Bwena mano ko tapos magaganda pa.. Mukhang mauubos ang tinda ko ngayong gabi.. Hmm.. Balik kayo ha.." nakangiting sabi ni Totoy.. Ngumiti ang dalawa.. Nilabas ni Hannah ang isa sa mga nilutong isaw sabay inabot kay Totoy..

"Oh.. Tikman mo niluto mo.. Baka may gayuma.. " biro ni Hannah.. Nagtawanan sila.. Inisang subo lang ni Totoy ang isaw.. Natawa na naman ang dalawa.. "Lakas lumamon ni Totoy Putotoy ah.. San kaya napupunta yung kinain mo?.." landi ni Cynthia.. Napangisi si Totoy sabay yumuko at nilingon ang Putotoy nya.. Nag blush ang dalawang dalaga.. "Sa legs ko.. Kita nyo ang haba ng legs ko.. Oh anong iniisip nyo?.." biro ni Totoy.. Nagbungisngis na naman sila.. "Sige na.. Uwi na kayo kasi gumagabi na oh.." pagtataboy ni Totoy.. Ngumiti ang dalawa at nagpasalamat sa tindero ng isaw.. Habang nag aabang ng taxi.. Sinitsitan ni Totoy si Hannah.. Lumingon ang dalaga.. Pinalapit ni Totoy si Hannah at pinagsabihan.. "Yo?.." pakwela ni Hannah.. Natawa si Totoy pero bigla ding nagseryoso.. "In a relationship.. There should be no secrets.. Dapat iniisip mo din ang mararamdaman ng partner mo.. " biglang sabi ni Totoy.. Napakunot noo si Hannah.. "What?.." tanong nya.. Natawa si Totoy.. "Wala.. Just remember this..The End Does not Justify the Means.." seryosong sabi ni Totoy.. Napahawak si Hannah sa bibig nya.. Diyata't alam ng tindero ang pinagdadaanan nila ni Potpot?.. Magtatanong pa sana si Hannah pero tinawag na sya ni Cynthia.. "Sis.. Come here na.. Baka mainip si Manong Driver.. " sabi ni Cynthia.. Paglingon ni Hannah nasa loob na ang kaibigan.. Dali dali syang lumapit at pumasok sa loob.. "Bye bye Totoy Putotoy !.." biro ni Cynthia.. Kumaway lang ang tindero ng isaw..

Nakatitig si Hannah kay Totoy at talagang nagtataka.. Ilang minuto.. Nagtaka sila ng biglang ihinto ng driver ang taxi nito sa tabi ng park.. "Saglit lang mga miss.. Tawag ng kalikasan.. Di ko na kayang pigilan.. " banat ng driver.. Natawa si Cynthia.. "Bilisan nyo manong baka lumabas na !.." pang aasar pa nya.. Natawa ang driver.. Dali dali itong lumabas para maghanap ng pwedeng jinggelan.. Habang nag hihintay.. Di maiwasan ng dalawa ng mag kwentuhan.. Nagtatawanan sila.. Di sinasadyang napadako ang tingin ni Hannah sa dalawang nakatalikod na magkasintahan .. Nakaupo ang mga ito sa bench.. Nainggit si Hannah.. Namimiss na nya si Potpot.. Tama ang sinabi ni Totoy.. Dapat di sya nag sikreto.. Kailangan nyang bumawi sa kasintahan.. By hook or by crook !.. Tatawagan nya ang nobyo mamayang gabi.. Eksaktong bumalik ang driver.. "Phew.. Success.. Sorry mga miss.." pasintabi ng driver.. "Oks lang manong.." sabi ni Cynthia.. Ngumiti lang si Hannah.. Muling umandar ang taxi.. Nakatitig pa din si Hannah sa magkasintahan ng tumayo ang babae at malambing na hinatak ang kamay ng lalake.. Napangiti si Hannah.. Pero nabura ang ngiti nya ng makita ang mukha ng lalake.. "Potpot.." bulong ni Hannah.. Kita nyang malambing na tumakbo ang babae.. Napakamot ang ulo ng lalake pero hinabol nya naman din.. Parang piniga ang puso ni Hannah.. Tulala syang nakatingin sa dalawang nilalang na masayang nag hahabulan.. Kwento lang ng kwento si Cynthia.. Di nya napansin na halos manigas na si Hannah sa tabi nya. Pakiramdam ni Hannah nabiyak sa dalawa ang puso nya.. Parang tinusok ng libu libong aspile..Tapos nilagyan ng alkohol.. "Tapos yung nga sis.. Sabi ko sayo maganda yung dress eh.. Dapat binili mo na kasi

parang limited edition na ata.. Ahaha.. Pero ayaw ko ng kulay eh.." sabi ni Cynthia.. Napatigil sya ng mapansing tahimik lang ang kaibigan sa tabi nya.. "Sis?.. Huy !.. " untag ni Cynthia.. Biglang humagulgol si Hannah at niyakap ang kaibigan.. Gulat na gulat si Cynthia.. "Hala.. Napano ka?.." tanong ni Cynthia.. Pati ang driver concern na nagtanong.. "Bakit miss?.. " tanong nito.. Nagkibit balikat lang si Cynthia.. "Sis.. Uwi na tayo.. " sabi ni Hannah sa pagitan ng paghagulgol.. Tumango si Cynthia.. Batid nyang wala syang magagawa para magkwento ang kaibigan.. "Sige na po manong.. Diretso na po tayo.." malungkot na sabi ni Cynthia.. Niyakap nya ng mahigpit ang kaibigan.. Sa pamamagitan man lang nito.. Maramdaman ni Hannah na nandito lang sya.. Tumango din ang driver.. Tahimik nilang tinahak ang daan pauwi sa bahay ng mga Montefalco.. Tanging hikbi at iyak ni Hannah ang naririnig nila.. Chapter 31 Ganun Lang?.

( TOYANTZ - Certified Druglord )

Di pa na kakapagbayad sa taxi, agad binuksan ni Hannah ang pinto.. Dire diretso syang pumasok sa loob ng bahay .. Napabuntong hininga na lang si Cynthia .. "Manong, magkano po?.." tanong ng dalaga.. "265 iha.. Sige 250 na lang.." nakangiting sabi ng driver..

Napangiti ng malungkot ang dalaga at inabot ang bayad.. "Salamat po manong.." sabi ng dalaga.. Ngumiti lang ang driver at pinaandar na ang taxi nya.. Tahimik na pumasok si Cynthia.. Marahan nya ding sinara ang gate... Iniwasan ni Hannah ang may makakita sa kanya.. Nakayuko syang pumasok at pasimpleng umakyat sa kwarto.. Tutop ang bibig.. Agad binuksan ng dalaga ang pinto sabay marahas itong sinara.. Di pa sya nakakaabot sa kama.. Nalaglag na naman ang pinipigilan nyang luha.. Pagpasok ni Cynthia.. Nagmano lang sya sa Lolo na nasa sala.. NAgtaka ito.. "Oh.. Nasan si Hannah iha?.. Bakit ikaw lang?.." takang tanong ng Lolo.. Ngumiti ng malungkot si Cynthia.. "M-masakit po ata ang tyan Lo.. Eto nga po pala.. Binili ni Hannah para daw po sa inyo.." sabi ng dalaga.. Napangiti ang Lolo bagamat bakas ang pag aalala sa mukha. Tinanggap nya ang binigay ng dalaga.. "Is she okay?.. Kumain na ba kayo?.." tanong ng matanda.. Napatango si Cynthia.. "Opo Lo.. Akyat na po ako Lo.. Kayo din po.. " sabi ng dalaga.. Ngumiti ang Lolo.. "Mauna ka na apo.. Tatapusin ko lang itong Lie to me..Saling !.. Pakilagay naman ito sa platito.." tinawag ng Lolo si Yaya. Natawa ang dalaga .. Humalik sya sa pisngi ng matanda at tinahak ang hagdan.. Nais nyang katukin ang kaibigan.. Tulungan ito sa kung anuman ang problema nito.. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makabawi sya sa kabaitan ng kaibigan.. Kumatok si Cynthia.. "Sis.. Nandito lang ako.. " mahinang pagtawag ni Cynthia.. Walang sumagot..

Muling kumatok ang dalaga.. "Sis.. " untag nya.. Napahinga ng malalim si Cynthia.. Malungkot syang lumakad palayo.. Papasok na sana sya sa katabing kwarto ng marinig ang mahinang pag click ng doorknob.. Dali daling binuksan ni Cynthia ang pinto ng kwarto ni Hannah para kamustahin ang kaibigan.. Kadiliman ang sumalubong sa dalaga.. Agad nyang kinapa ang ilaw at bumaha ng liwanag sa kwarto.. Nakita nya si Hannah na nakasandal sa headboard at yakap ang dalawang tuhod.. Pumasok si Cynthia.. Dahan dahang sinara ang pinto.. Tahimik syang tumabi sa kaibigan at niyakap ito.. Parang nakakita ng kakampi.. Niyakap ni Hannah ang kaibigan.. Tahimik syang lumuha sa dibdib nito.. Hinaplos naman ni Cynthia ang buhok ni Hannah.. Maging sya ay napapaiyak na din kahit di nya alam ang naging sanhi kung bakit nagdurusa ang kaibigan.. Lumipas ang ilang minutong tahimik na pag iyak ni Hannah.. Kumalas sya sa pagyakap.. "S-sorry.." sabi ni Hannah.. Natawa si Cynthia at inakbayan ang kaibigan.. "Sus.. It's okay.. Were sisters na nga di ba?.." sabi ni Cynthia.. Napangiti si Hannah.. Pero ni hindi ito umabot sa magagandang mata nya.. Masuyong pinunasan ni Cynthia ang luha sa pisngi ng dalaga.. "You can tell me.. I know wala sa character ko pero I know how to listen naman.. Try me sis.. Sabi nga nila.. Mas madali daw mag subside ang sakit if you tell it to someone.. Well, in this case.. Ako na lang muna.. Sige na .." pang eengganyo ni Cynthia.. Napangiti si Hannah.. Sumandal sya sa headboard at huminga ng malalim.. Napakasakit pa rin ang pakiramdam nya.. Muling niyakap ng dalaga ang dalawang tuhod .. "Remember Aldrin?.." mahinang bungad ng dalaga..

Napangiti si Cynthia at tumango.. "Yung hero mo?.. yung nag save sayo sa kasamaan namin ni Jim sa bar?.. Sorry about that ngapala sis.. Pag naaalala ko yon.. Nanliliit ako sa hiya..." mahinang sabi ni Cynthia.. Ngumiti si Hannah at umiling.. "It's okay sis.. Anyway..Kung di nangyari yon.. Di ako mapapalapit ng husto sa mga alas.. Especially kay Potpot.." nakangiting sabi ni Hannah bagamat di ito umaabot sa mga mata nya.. Natahimik silang dalawa.. "So.. What about him?.." untag ni Cynthia. Napabuntong hininga na naman si Hannah .. "Ayun.. Naging kami.. That was the happiest day of my life.. " kwento ni Hannah.. Kinilig si Cynthia.. "Oh.. yun naman pala eh.. Bakit ka sad?.." tanong nya.. Ngumiti si Hannah.. Malungkot at tila walang buhay na ngiti.. "Lately... Nagiging spikey na ang relationship namin.. Bago pa lang kame pero sobrang dami ng troubles at obstacles.. Parang ayaw ng tadhana na magkatuluyan kami.. " malungkot na kwento ni Hannah.. Parang nanlumo din ang pakiramdam ni Cynthia..Pero di nya ito pinahalata sa kaibigan..Baka lalo lang ma depressed si Hannah.. "Cheer up !.. Natural lang yan.. You are in a relationship.. Makakatagpo talaga kayo ng mga pagsubok.. It will make your relationship stronger.. " payo ni Cynthia.. Lalong niyakap ni Hannah ang dalawang tuhod nya.. "Pero sobrang hirap ng mga pagsubok.. Parang anytime.. M-mawawala na si Potpot sa akin.. Iniisip ko pa lang.. Sobrang sakit na.. " naiiyak na naman na sabi ni Hannah.. Awang awa si Cynthia na niyakap ang kaibigan.. "That's love sis.. Eventually, you will experience things that will challenge your love..your faith.. your trust.. Kailangan nyong magtulungan to overcome those challenges and win together.. " pangaral ni Cynthia.. Natawa si Hannah.. "Ha !.. Don't laugh !.. Im serious.. You have to do something to win him back.. Teka.. Nawala na ba talaga sya?.. Baka naman it's your fault?.." naninigurong sabi ni Cynthia.. Natameme si Hannah.. Napanguso.. "I know.. Maybe may kasalanan din ako.. Pero masyado naman atang maliit yon para ganthinan nya ako.. " nakalabing sabi ni Hannah.. Si Cynthia naman ang natawa..

"Ano ba kasi yan?.. Naloloka na ako ah.." inis na sabi ng dalaga.. Napanguso lang si Hannah.. "Ayun.. Nakita nya kasi kaming magkasama ni Estong.." mahinang kwento ng dalaga.. Natapik ni Cynthia ang noo.. "Hala.. !.. Kung ako si Aldrin .. Baka sinapak ko na si Stefen.. Bakit naman kasi magkasama kayo?.." tanong ni Cynthia.. Napalabi si Cynthia..Batid nyang kasalanan nya din.. "Sabi nya hahatid nya lang ako sa school.. Syempre pumayag ako kasi libre pamasahe eh.. " sabi ng dalaga.. Di alam ni Cynthia kung matatawa sya o maiinis sa kaibigan.. "Sira ka din eh.. Ayan .. Sa pagiging kuripot mo .. nagkagulo gulo na.. Mag sorry ka sis..Explain to him na di mo ginusto yon.." sita ni Cynthia.. Tahimik lang si Hannah..Muli nyang naalala ang nakitang kaganapan kanina sa park..Parang muling hiniwa ng libu libong blade ang puso nya sa tuwing sumasagi sa isip ang ang nakita.. "Nakita ko din sya.. Kasama nya yung dati nyang nililigawan.. Ang sweet nila.." maasim na sabi ni Hannah.. Natahimik si Cynthia.. "Yon ba yung reason kung bakit ka biglang umiyak kanina?.. Muntik na akong maloka kung alam mo lang.." biro ni Cynthia.. Biglang sumigaw si Hannah.. "Waaaaaaa !!!!.." sigaw ng dalaga. Nagulat si Cynthia at biglang tumawa.. "Hala.. Yan ang nangyayari kapag inlove?.. Parang nagdududa na ako sayo sis ah.. Parang iba na yan.." natatawang sabi ni Cynthia.. Sinabunutan ni Hannah ang sarili..Tatawa tawang inawat naman sya ni Cynthia.. "Oy oy.. Wag kang mag collapse.. Hold on to your sanity sis.. Wag mong bibitawan ang lubid ng pagiging normal.. Ahaha.." pinigilan ni Cynthia ang braso ng kaibigan.. Biglang tumawa si Hannah.. Lalo lang silang nagulo at humagalpak ng tawa.. After 5 minutes.. Humupa na rin ang tawa ni Hannah.. Pinunasan nya ang mga luha.. "Phew.. I need that laugh. Thank you sis.." niyakap ni Hannah ang kaibigan.. Napangiti si Cynthia..

"Wala naman akong ginawa.. Ito naman.. Wala yon.." sabi ng dalaga.. "Kahit na.. Yung presence mo lang dito sa tabi ko... Sobra sobra na.. Thank you talaga.. Okay na ako.. Pero.." napalabi si Hannah.. Nagkalas sila ng yakap.. "Pero?.." tanong ni Cynthia.. "Di ko alam ang gagawin ko.." sabi ni Hannah.. Napaisip din si Cynthia.. "Hmm.. Dapat tanungin mo muna sya.. Magkaliwanagan na kayo.. Para mawala na yung ms.understanding dahil sa ms.communication nyo.. " napangiti pa si Cynthia sa kaibigan.. Ngumiti si Hannah at muling niyakap si Cynthia.. "Wow sis.. Galing mo ha.. Iba na talaga pag expert.. Hmm.. " biro ni Hannah.. Natawa din si Cynthia.. "Loka.. Well.. Let's say na marami lang akong alam pagdating dyan.. Hmm.." landi ni Cynthia.. Nagtawanan silang muli.. "Sleep na tayo sis.. Salamat.. Dito ka na matulog ha?.." lambing ni Hannah.. "Sure.. Ikaw pa.. Sige bihis lang ako.. Ikaw rin.. Wag ka na umiyak at pumapanget ka.. Sige ka.. Pag pumangit ka baka lalo kang ipagpalit ni Potpot.." banta ni Cynthia.. Dali daling tumakbo si Hannah sa banyo.. Tumawa lang si Cynthia at nagpunta sa sariling kwarto para magbihis ng pantulog..

Late ng nakauwi si Aldrin.. Hinatid nya pa si Bea sa bahay nito .. Tuwang tuwa ang dalaga sa naganap nilang date.. Nakaramdam din naman ng tuwa si Aldrin pero di nya maintindihan ang sarili.. Parang may nagawa syang mali.. Mali nga sigurong nakipag date sya sa iba habang sila pa ni Hannah.. Malungkot na pumasok ang binata sa bahay.. Gamit ang sariling susi. Binuksan nya ang nakalock na pinto.. Pagkasara ay muli nyang dinouble check ang mga binata at backdoor sa kusina.. Nang makumpirmang nakasara ang lahat.. Pinatay ng binata ang mga ilaw at umakyat na sa kwarto.. Sinilip nya ang kapatid..

Napangiti sya ng maaninag na yakap nito ang malaking teddy bear na regalo nya.. Marahang sinara ng binata ang pinto .. Pumasok na sa sariling kwarto... Di na nya nagawang magpalit ng damit.. Bagsak agad sya sa kama.. Parang hapung hapo ang pakiramdam nya.. Hinugot nya ang cellphone at lalong nanlumo ng walang makita text galing sa nobya.. Nagtagis ang mga bagang ni Aldrin.. Marahas syang napabuga ng hangin at pabagsak na nilapag ang cellphone sa table sa tabi ng kama nya.. Nakatitig sa kisame ang binata.. Naglalaro sa isip ang magandang mukha ni Hannah.. Naisip nya rin si Bea.. Di nya maiwasan ang ipagkumpara ang dalawang dalaga.. Pantay sa panlabas na anyo ang dalawa.. Parehas maganda, maputi at talagang kaakit akit.. Sa ugali, parehas din halos.. Mas malambing lang si Bea pero iba ang pakiramdam nya kapag si Hannah ang naglalambing sa kanya.. Napangiti ng di sinasadya ang binata ng maisip ang mga katangian na minahal nya sa nobya.. Halos buong pagkatao nito ay maluwag nyang tinanggap ng walang pag aalinlangan.. Mula ulo hanggang kuko sa paa.. Mahal nya si Hannah... Walang duda.. Ng maalala ang kasintahan ay muling sumagi sa isip ang nakitang tagpo kanina sa jeep.. Parang nilatigo ng ilang ulit ang puso ni Aldrin.. Napakasakit pa rin ang pakiramdam kahit na pilit nyang sinasabi sa isip na wag ng isipin pa ito.. Sa mga ganitong pagkakataon.. Parang walang kalaban laban ang isip nya.. Literal na dinomina ng puso nya ang kanyang pag iisip.. NAngingibabaw ang emosyon sa pagkatao nya kaya talagang napakasakit ng pakiramdam nya habang muling sinasariwa ang nakita nya.. Pumatak ang isang luha sa mata ni Aldrin.. Marahas nya itong pinahid at mariing pinikit ang mga mata.. Tinakpan nya ang mukha ang unan.. Kahit anong waksi nya.. Pilit na sumisingit sa isip nya ang nakangiting mukha ni Hannah.. "Aaaaahhh !!!!!!.." sigaw ni Aldrin.. Pinilit nya ang sarili na matulog.. Pero mukhang nakikipag asaran pa sa kanya ang antok..

Sa huli.. Sumuko sa pag iisip si Aldrin ng mga masasamang pangitain at hinayaan na naman ang sarili na mangarap kasama ang nobya.. "Last na siguro to.. Sana mapanaginipan kita heart." bulong ni Aldrin.. Sa wakas.. Naging mabait din sa kanya ang antok at dinapuan na din sya..Kampi kay Hannah ang antok..Napaismid si Aldrin at natulog na lang.. Umaga.. Maagang pumasok si Hannah.. Tulog pa ang kaibigan nya kaya di na nya ito inistorbo.. Pinasok nya ang kwarto ng Lolo at kahit tulog .. Hinalikan nya ito sa pisngi.. Sanay sa maagang paggising ang Lolo .. Pero dahil sa Yaya nya.. Natutong matulog ang matanda dahil sa pag aabang ng mga telenobela.. Napabungisngis si Hannah.. Tahimik syang lumabas sa kwarto ng Lolo.. Agad nyang hinanap ang yaya at nagpahain ng almusal.. Mabilis nya itong inubos.. Tila wala namang napansin na kakaiba ang yaya.. Hinalikan din ni Hannah sa pisngi ang yaya at mabilis na lumabas..Nagpahatid na lang sya kay Mang Bert.. Tahimik si Hannah sa daan.. Di na rin nakipagkwentuhan si Mang Bert.. Nasa isip na baka masama ang gising ng alaga.. Pagdating sa gate ng university.. "Salamat po Tatay Bert.." paalam ni Hannah.. Ngumiti ang matanda.. Tinahak ni Hannah ang kwarto ni Aldrin.. Sinuyod ng mata ang kwarto.. Pero bigo sya.. Nakita nya si Jasmine.. Lakas loob na nagbilin.. "Hey.. If ever na dumating yung boyfriend ko.. Paki sabi naman na sunduin nya ko before lunch..Okay?.. Thank you ha.. " mabilis na sabi ni Hannah.. Di na nakapagsalita si Jasmine.. Napatango na lang sya sa dalaga..

Tahimik na bumalik si Hannah sa sariling room at naiinip na hinintay ang pagsapit ng tanghalian.. Late ng nagising si Aldrin.. Pero di masarap na panaginip ang dahilan.. Bangungot ang dating sa kanya ng napanaginipan.. "Tsk.. Grabe.. Parang totoo.. " asar na sabi ng binata.. Gigil syang naligo at pilit na di sinusulyapan ang relo.. Mabilisan lang syang nagbihis at tinahak ang daan sa kusina.. Naabutan nya ang nanay na naghahanda ng mesa.. Humalik sya sa pisngi nito at naghugas ng kamay.. "Late ka na anak.." paalala ni Alona.. Napangiwi si Aldrin.. "Siguro 10 minutes lang Mom.. Ngayon lang naman... Si Romeo nga 15 minutes na lang patapos na yung klase bago pumasok.. " sabi ng binata.. Agad na nagpalaman ng sandwich at sumandok ng sinangag.. Natawa si Alona... "Oh tapos gagayahin mo.. Nagtataka na ako dyan sa kaibigan mo ha.. Laging late tapos bihira pang pumasok sabi mo.. Pero bakit pumapasa?.. Wag mong sabihin na ginagamit nya ang power ng Dad nya?.." nakataas ang kilay na tanong ng ina.. Umiling si Aldrin.. Sa pagitan ng pagsubo sinagot nya ang ina. "Nope Mom.. Actually.. Nagtataka din ako.. Pero alam kong ayaw na ayaw ni Romeo na ikakabit sa pangalan nya ang pangalan ng daddy nya.. Sabi nga nya gusto nyang lumaban ng patas.. Pero yaan nyo mom .. Tatanungin ko yung mga prof nya one time kung tinatakot sila ni Romeo.. " biro ni Aldrin.. Nagtawanan silang mag ina.. Biglang may naalala ang binata.. "Mom.. Sabi nyo last night my sasabihin ka about Hannah and our family.. What was that?.." tanong ng anak.. Sasagot na sana ang ina pero biglang nakarinig sila ng atungal.. Napatakbo ang mag ina sa kwarto ni Alyssa.. "Moooommmmm !!!.." palahaw ng dalagita.. Nataranta ang mag ina.. "Why iha?.." agad na tanong ni Alona..

Lumabas si Alyssa sa banyo pero napatili ito ng makita ang kapatid.. "Si kuyaa !!!.. Out !!!.." utos ng dalagita.. Nagtaka si Aldrin.. Lalapit sana sya pero lalong tumili si Alyssa.. Humahangos na dumating ang tatay.. Nakapajama pa ito at may shaving cream ang baba.. "Why?.." tarantang tanong ni Nestor.. Lalapit din sana sya sa mag ina pero lalong nagpalahaw si Alyssa.. Natatawang lumapit si Alona sa mag ama nya.. "Out daw.. Utos ng prinsesa.." sabi ng ina.. Kunot noong lumabas ng kwarto ang mag ama.. NAgkatinginan at nagkibit balikat ng sabay.. "Pasok na ko Dad.." paalam ni Aldrin.. Tinapik ng ama ang balikat ng anak.. "Sige na.. Late ka na oh.. Baka mag cutting ka na naman.." biro ng ama.. Sumimangot ang anak.. "Dad.. Never akong nag cut ng class.. You know that.." sabi ni Aldrin.. Umirap ang binata sa ama.. Tumawa lang si Nestor at muling pumasok sa kwarto para tapusin ang pag aahit.. NAgmamadali naman pumasok si Aldrin..

PAgdating sa klase.. Naunahan nya lang ng konti ang guro sa pagpasok.. Nakangiti pa nyang binati ito.. Inirapan lang din sya ng guro.. Natawa lang si Aldrin at tumabi kay Jasmine..

Mabilis na lumipas ang oras.. Gigil na si Aldrin na makita ang nobya.. Aminin man nya o hindi.. Kahit na di sya kinokontak nito..

Sa wakas narinig na ni Aldrin ang bell.. Agad nyang niligpit ang gamit.. Palabas na sya ng tawagin ni Jasmine.. "Hey.. Sabi nga pala ng sigang girlfriend mo.. Sunduin mo daw sya sa room nya.." nakasimangot na sabi ng dalaga.. Natawa si Aldrin ng malakas .. Napatingin sa kanya ang mga classmates nya pero wapakels lang ang binata.. Nag flying kiss pa sya kay Jasmine at bumarurot palabas .. Pinuntahan ang dalaga .. Pero nagtaka sya dahil wala na halos tao.. Kinorner ni Aldrin ang isang kaklase nito at pinaulanan ng tanong.. "Si Hannah?.. Bakit walng tao?.. Anung oras kayo pinalabas.?.. Teka.. Bakit ang panget mo?.." sunod sunod na tanong ni Aldrin.. Bigla syang kinurot sa utong ni Marla.. "Eh kung sabunutan kita?.. Tse !. " inirapan lang sya ng bakla.. Tawa ng tawa si Aldrin at hinabol si Marla.. "Teka lang.. Biro lang eh.. Actually gumaganda ka lately.. Bagay sayo yung highlights in fairness.." pang uuto ng binata.. Napangiti ang bakla at parang nahiya.. Nagpavirgin effect.. "Really?.. Sabi ko na eh.. Thank you.." sabi ng bakla.. Napangiti din si Aldrin. "Nasan si Hannah?.. " tanong nya. Napaisip ang bakla.. "Ah.. Maaga kasi kaming na dismiss since wala na namang gagawin kasi kakatapos lang ng exam namin kahapon.. So malamang na nasa tambayan nyo yon o di kaya sinundo na naman nung Stefen ata.. " sabi ni Marla.. Napasimangot si Aldrin.. Walang sabi sabing humarurot papuntang hagdan... "Thank you ha?.. Hiyang hiya naman ako sayo.." taray ni Marla.. Pero wapakels ang binata .. Pagdating sa kubo.. Naaninag ni Aldrin ang dalaga..

Kumabog ang dibdib nya at tila nabahag ang buntot.. Pumihit sya pabalik pero sinitsitan na sya ni Hannah.. Napangiwi si Aldrin.. Kiming ngumiti... Nakasimangot si Hannah at nakahalukipkip na nakatanaw sa bintana.. "Oh.. Anung ginagawa mo dyan?.." taray ng dalaga.. Napangiti si Aldrin.. "Aakyat sana ako ng ligaw.. Maaari ba binibini?.." patawa ni Aldrin.. Kinilig si Hannah.. Pero di sya nagpahalata.. "Di pwede.. Dyan ka manligaw.." pagtataray muli ni Hannah.. Napangiwi si Aldrin.. May naalala .. "Teka.. Dapat ako yung galit ah.." nakasimangot na sabi ng binata.. Natameme ang dalaga.. Naging apologetic ang mukha.. Tahimik nilang tinitigan ang isa't isa sa distansya.. Tumikhim si Aldrin.. "Ang sakit non kung alam mo lang.." mahinang sabi ng binata.. Pero naabot ito ng pandinig ng dalaga.. "I know.. And I'm sorry.. I'm sorry Pot.. Kung hahayaan mo akong mag explain.. Sana makinig ka.." naiiyak na sabi ng dalaga.. Napangiti ng malungkot si Aldrin.. Tumango sya.. Natuwa naman ang dalaga at akmang lalabas na para salubungin ng yakap ang nobyo pero pinigilan sya ng binata.. "Hep. !.. Dyan ka sa loob mag explain.. Naririnig ko naman eh.." harot ni Aldrin.. Napasimangot si Hannah.. Nagtaray..

"Aba.. Inuutusan mo ko?.." taray ni Hannah.. Tiklop si Aldrin.. "Sige na.. Maraming nakakarinig oh.. Dami na natin audience.. PAgbigyan mo na ako.. Kunwari matapang ako.." mahinang pakiusap ng binata.. Pinigilan ni Hannah ang matawa.. Nilingon ang paligid .. Parang nais nyang mahiya dahil tama ang binata.. Kumakapal na ang bilang ng taong nanunuod sa kanila.. Tinatagan ng dalaga ang loob at kinapalan ang mukha.. Tinanguan nya ang binata.. "Sorry Pot.. Aksidente lang ang pagkikita namin.. Si Cynthia.. Nakita ko na sya.. Inampon sya ni Lolo kasi nalaman naming ampon din pala sya.. Yun yung reason kaya this past few days naging busy ako.. I want to surprise you kaya naglihim ako.. Pero eto nga ang nangyari.. Nagkalabuan tayo.. Im so sorry POt.. Yung nakita mong magkasama kami na kumakain.. Nagutom kasi ako.. Sa isip isip ko.. Libre na food... Libre pa pamasahe.. Sorry talaga.. Pero walang meaning yon.. " paliwanag ng dalaga.. Pinigilan ng binata ang matawa sa dahilan ng nobya.. "Kuripot.." sigaw nya.. Nagtaray si Hannah. "Maganda naman.." landi ng dalaga.. Nagtawanan sila.. Pati crowd.. Pero di sila pinansin ng mga bida.. Nagkatitigan ulit sila.. "Ikaw.. May kasalanan ka din saken.." sumbat ng dalaga.. Napakunot noo si Aldrin.. "Huh?.. Ano naman daw?.." tanong nya.. Napasimangot si Hannah.. Umatake na naman ang saket pero pilit nya itong pinaglabanan.. Kailangan nyang pakinggan at paniwalaan ang magiging dahilan ni Aldrin.. "I saw you with Bea sa park.. Sweet huh.. With mathing holding hands while running.. Sus.. " nagseselos na sabi ng dalaga.. Natawa si Aldrin.. Pero nahinto sya ng may lumipad na unan..

Sapul sa mukha ang binata.. Si Hannah ang may sala.. Tawanan ang crowd.. Nabugbog ang bidang lalake.. "Tawa ka pa?.." inis na sabi ni Hannah.. Kinilig si Aldrin .. Tinago nya ang ngiti dahil baka ang sarili na nyang trono ang lumipad patungo sa kanya.. Pinilit pakalmahin ni Aldrin ang sarili.. Talagang mabilis na mabilis ang tibok ng puso nya .. Hindi dahil sa kaba pero dahil sa saya.. Maliwanag na walang kasalanan si Hannah.. Tsaka na ang detalye.. Ang mahalaga malaman ng minamahal na wala ding meaning ang pagkikita nila ni Bea. Ngumiti sya.. Akmang mambabato na naman si Hannah pero inawat sya ng binata. "Hep !.. Maubos na yung unan dyan eh.. Bago ka mag huramentado.. Pakinggan mo muna ako my queen.. Inaamin kong nagkasala ako sayo ng ayain ko si Bea na lumabas.. Oo, ako ang nag aya.. Pero bunsod lang ito ng sakit na dinulot ng mga nakita ko sa inyo ni Estonggoloid.. Sorry my queen.. Di kami naging sweet.. Well, sort of.." landi ni Aldrin.. Pero kahit anong bilis.. Mas mabilis na lumipad ang unan patungos sa kanya.. Sapul na naman sya sa mukha.. Tawanan ulit ang crowd. Napailing na lang ang binata.. "Tse !.. Sort of ka pa?.. " taray ni Hannah.. "Biro lang po.. Pero tulad mo.. Walang meaning yon.. Nag selos lang talaga ako kaya naaya ko sya na mamasyal.. Wala naman kaming nagawa.. Naupo lang kami sa park tapos nagkwentuhan konti.. Yun lang.. Wag ka na magalit aking reyna.." lambing ni Aldrin.. Napanguso si Hannah.. Akmang lalapit si Aldrin pero pinigilan sya ng dalaga.. "Hep !.. Pinatawad na kita?.." mataray na sabi ni Hannah.. Napakamot sa batok si Aldrin.. "Anu ba yan.. Sige anong gagawin ko?.." hamon ng binata.. Napangiti ng lihim ang dalaga.. "Hmm.. Mahal mo ba ko?.." tanong ni Hannah.. "Oo !.." walang gatol na sigaw ni Aldrin.. Napahiyaw ang crowd..

Parang tumatakbo sa pagkakonsehal na inawat ni Aldrin ang kanyang mga supporters. Natawa si Hannah.. "Gaano mo ko kamahal?.." tanong ng dalaga.. "Hep !.. Ako muna.. Mahal mo ba ako.?.." tanong ng binata. Nag blush ang dalaga.. "Sobra !.." sigaw ni Hannah.. Lalong nagwala ang crowd.. Muling pinayapa ng bida ang mga audience. "Oh next question.. Gaano mo ko kamahal?.." tanong ni Hannah.. Ngumiti si Aldrin.. Tinuro ang lupa.. At muling tinuro ang langit.. "Mula dito sa tinutuntungan ko.. Hanggang sa naaabot ng mata mo kapag nakatingin ka sa langit.. Tapos pabalik sa lupa.. Time 100.. Then multiply by 50 tapos squared it by 500.. Bale.. Hmm.. Teka.. Yung sagot lagyan mo pa ng exponent na to the 10 power.. " sagot ni Aldrin.. Kinilig ng sobra si Hannah.. Di na sya nahiyang ngumiti na kita ang gums.. Naghiyawan ang crowd.. Muli, inawat sila ng bidang lalake.. "Same question.. Gaano mo ko kamahal?.." tanong ni Aldrin.. Ngumiti si Hannah.. Bagamat nahihiya.. Tinuro nya ang sariling puso.. "Sorry.. Pero hanggat tumitibok ito.. Di ko pa masasagot ang tanong mo kasi di ko pa nacocompute.. Pasensya na heart." landi ni Hannah.. Nagwala na ang crowd.. Wala ng halos nakapag lunch.. Nanuod na lang sa libreng tagalog romance.. Ngumiti si Aldrin.. Nilingon ang mga supporters at kumaway na parang nagwagi na sa eleksyon.. "See guys?.. Mahal ako ng babaeng ito.. At ang babaeng ito ay mahal na mahal ko din.. Take note.. Pakilagay sa mga nagsusulat ng mga diaries dyan.. Ako si Aldrin Villarama... Ace of Hearts.. Napatunayan ko sa inyo na mahal ako ng Queen of Hearts na si Hannah Montefalco.. Aztig no?.. Salamat sa pagsuporta." sigaw ni Aldrin sa fans. Naghiyawan lang ito.. Natawa si Hannah at sinitsitan ang nobyo..

Lumingon si Aldrin.. "Lika na dito.. Nagugutom na ako.. " sabi ni Hannah.. Ngumiti ang binata at sinugod ang nobya.. Pagpasok pa lang ay sinunggaban na nya ang maliit at mapulang labi ng kasintahan.. Buong pagmamahal namang tinugon ni Hannah ang halik ng nobyo ng may katumbas na init.. Lalong naghiyawan ang crowd.. Nahinto sa malaswang eksena sina Hannah at Aldrin ..Tiningnan nila ang mga fans na nagkalat at kinawayan ng binata.. "Thanks .. Bukas ulit.. Same time.. Same channel.. " biro nya pero napingot na sya ng nobya.. Muli nilang nilasap ang tamis ng pagiisang labi..

Sa crowd.. Nakanganga lang sina Romeo, Darius at Rhoi.. "Ganun lang?.. Di man lang nag away?.. Akala ko pa naman may mangyayaring suntukan at sabunutan..Kala ko dadanak ng dugo.." biro ni Romeo. Nagtawanan sila.. "Oo nga pare.. Kadiri kamo.. PDA.. Yuck.." sabi ni Rhoi.. "Pero infairness.. Kumita ang palabas nila.. Box office pa.. Rom.. Dali !.." suhestyon ni Darius.. Na gets naman ito ni Romeo at naglabas ng panyo ang tatlong alas.. Kanya kanya silang pwesto at nagsimulang maningil.. "Oh oh.. Wala ng libre sa mundo ngayon.. Akala nyo libre yang palabas na yan.?.. Neknek nyo.. Hala.. Limang piso.. Hoy !.. Tatakas ka?.. Tado ka?. Matapos kang kiligin ng sagad sa buto sisibat ka nalang?.. " naningil na si Romeo sa gitna.. "Dito dito lang.. Barya barya sa tanghali.. Good.. Oops.. Bente.. Walang panukli... Keep the change.. Next.. Wag ka na makulet.. Bente lang eh.. Sige na.. Libre ka na bukas.." si Rhoi ang sa bandang gilid.. "Nice nice.. Thank you.. Opo opo.. Bale bukas baka magsuntukan naman sila.. Tama po.. Syempre pagtapos ng love.. Dapat aksyon naman .. Then makakakita din tayo ng konting horror.. Tapos sexscene siguro kung papayag manager nung bidang babae. Tama po.. Bale kaladkarin kasi yung bidang lalake kaya okay lang na mabilad ang katawan nya sa mga mata ng audience.. Tama po.. Sige po.. Salamat.. Oops.. Wag kang tatakas ungas ka.. Good.. 5 pesos.. " sabi ni Darius.. Nasialisan ang crowd .. Naasar sa tatlong alas na biglang naningil.. Nakangisi na parang demonyo ang tatlo..

"Pare.. Aztig.. Buti bati na kayo.. " sabi ni Rhoi.. Pasimple nilang tinago ang nalikom na pera.. "Oo nga eh.. Di ko matiis.. Sinagot ko na ulit.." biro ni Aldrin pero kinurot sya ng nobya.. Nagtawanan ang tatlong alas. "Pare ano yung ginagawa nyo?.." tanong ni Aldrin.. Napaubo ang tatlo.. "Ah.. Wala yon.. Parang nagpapasalamat lang kami sa pagtangkilik ng pelikulang pilipino.. Wag mo intindihin yon.. Ang mahalaga.. Maayos na kayo ni Lelay.. Sige.. Magparami na kayo.. Sa susunod pakakabitan ko na ng lapel yung damit nyo para mas maraming makarinig sa madamdamin nyong kakornihan.." kwento ni Romeo.. Nagtawanan lang sila.. Nauna ng magpunta ang magkasintahan sa canteen.. Naiwan ang tatlong alas at pasimpleng binilang ang nalikom na pera galing sa sindikato.. "Wahihi.. Ayos na negosyo to.. Bukas lagyan natin ng malaswang eksena para mas tumabo tayo sa takilya.." biro ni Romeo.. Nag apir silang tatlo.. Biglang may bumatok sa kanila.. Automatikong lumabas ang fighting aura ng tatlo pero nanliit sila ng makita ang nakapameywang na si Krissia.. Nakataas ang dalawang kilay nito.. Biglang nilahad ng dalaga ang palad.. "Akina yan.." taray ni Krissia.. Nagkatinginan ang tatlo.. "Alin?.." painosenteng tanong ni Rhoi pero tinaas ni Krissia ang isang kilay.. "Bigay mo na Rom.." tupi si Rhoi.. Natawa si Darius pero pati sya siningil ni Krissia.. "Tatlo kayo.. Yang nasingil nyo ang ipambabayad natin sa kakainin natin ngayon.. Di na kayo nahiya.. PAti yung dalawa pinagkakitaan nyo.. Hala.. Akina.. Oops.. Romeo.. Wag mong bawasan .. Nakikita ko kamay mo.." banta ni Krissia.. Napakamot sa batok ang tatlo at labag sa loob na inabot ang mga pera sa dalaga.. Binilang ni Krissia ang pera..

"Aba... Umabot ng 1 thousand?.. Ayos ah.. Sige ako manager ni Hannah.. Bwahahaha !.." tumawa na parang demonyita si Krissia.. Nagpunta ang dalaga sa canteen na hawak ang pera.. Tulala ang tatlo. Nagkatinginan sila.. "Ganun lang?.." sabi ni Romeo. Nagkabit balikat lang ang dalawa at sumunod na sa dalaga.. "Bilisan mo Rom at baka di ka masabit sa libre gago.." banta ni Rhoi.. Tumakbo si Romeo at humabol sa mga kaibigan.. Chapter 32 Twist

( TOYANTZ ! - The Drug Lord )

Alumpihit ang isang babae na buksan ang pinto ng isang sikat na kapehan. Atras abante sya kung papasok ba sya o hinde.. Saglit pa muna syang nagtago sa tabi.. Muli nyang sinilip ang binatang katagpo na halatang inip na din na naghihintay.. Sumimsim ito ng mamahaling kape .. Inis na binaba ang baso at tinapik tapik ang mesa.. Patingin tingin pa ito sa mamahaling relos.. Huminga ng malalim ang babae.. Kailangan nyang panindigan ang pagpunta.. Oo nga at matagal nya ng hinahanap ang lalaking ito.. Galit sya sa nagawa nito sa pamilya nila.. Sa huli ay muling bumuntong hininga ang babae.. Pilit pinatatag ang loob at pinangibabaw ang galit na nararamdaman.. Determinado hinawakan ang seradura ng salamin na pinto ng mamahaling kapehan at buo ang loob na pumasok.. Palingon lingon ang lalake kaya di kataka takang makita agad sya nito..

Nagsalubong agad ang mga kilay nito at nagtagis ang mga bagang.. "Fuck !.. Your damn late !." singhal ng lalake.. Nagkibit balikat ang babae at kampanteng naupo sa katapat na silya.. Tinitigan nya ang lalaking kaharap.. Gwapo.. Mayaman.. Delikadong kumbinasyon.. Kahit sinong babae ay mahuhulog dito.. Pero saksakan ng sama ang ugali nito.. Tila nahiya ang lalaki sa paraan ng pagtingin ng babae.. Napabaling ang tingin nito sa paligid at lihim na napamura.. "What you want to order?." tanong ng lalake.. Umiling ang babae .. "Don't bother.. Anyway I'm not hungry.." walang ngiting bigkas ng babae.. Tumango ang lalake at tinawag ang waiter.. "Clean this mess.." utos nya.. Nagtagis ng bagang ang waiter.. Napatingin ang babae sa nasabing waiter.. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ito.. "R-rhoi?.." mahinang tanong ng babae.. Ngumiti lang ang waiter at tumango.. Nang matapos ang paglilinis, binuksan ng babae ang sukbit na envelope at naglabas ng mga papeles.. "What is that?.." tanong ng lalake.. Walang reaksyon ang babae at isa isa nyang hinatag sa harap ng lalake ang mga dalang dokumento.. "Read it.." seryosong sabi ng babae.. Inis man, sinimulang isa isahin ng lalake ang mga papel na dala ng babae.. Napakunot noo sya.. "Ano to?.. Kontrata?.. Are you crazy?.." tanong ng lalake.. Ngumisi ang babae at sumandal sa upuan.. Tinitigan nya ang lalake na kunot na kunot ang noo..

"Yan lang ang panlaban ko sayo.. Di kami ganun kayaman.. Yagit kami kung ikukumpara sa inyo pero kung meron nyan.. Kahit anong yaman mo.. Di ka makakatakbo.. Kailangan mong panagutan ang bata.." matigas na sabi ng babae.. Napamura ng lihim ang lalake.. Nagliliyab ang mga mata nyang tinitigan ang mga papeles at ang babae.. "Fine fine.. Just do me this favor and I will do what this fucking contract says." maasim na sabi ng lalake.. Napangisi na naman ang babae.. NAglabas sya ng ballpen.. "Sign.. " utos nya.. Labag man sa loob.. Isa isang pinirmahan ng lalake ang mga papeles.. Matapos nito at pabagsak nyang nilapag ang ballpen.. "Happy?.. Now , ako naman.." sabi ng lalake.. Ngumisi ang babae at napatango.. Isa isa nyang pinagbabalik sa envelope ang mga dokumento.. Ang lalake naman ang naglabas mula sa wallet ng litrato.. Napakunot noo ang babae.. "Whats that?.." tanong nya.. Photo.. Stupid.. singhal ng lalake.. Malakas ang pagkakasabi nya kaya medyo nahiya ang babae at napatingin sa paligid.. Nakahinga sya ng maluwag ng mapansing kokonti lang ang tao sa nasabing kapehan.. Di mo ba alam ang salitang hiya?.. tanong ng babae.. Winasiwas lang ng lalake ang kamay nito.. Tinulak nya palapit sa babae ang nasabing litrato.. Dinampot naman ito ng babae at tinitigan.. The girl named Hannah.. And yung kaholding hands nyang guy... Thats Aldrin.. I dont know the surname, that's not important anyway..may gusto akong ipagawa sayo.. bungad ng lalake.. Nanlaki ang mga mata ng babae..Napansin naman ito ng lalake.. Why?.. You know them?.. tanong nya..

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babae..Napailing ito.. Nope.. Gwapo yung guy.. And the girl is so pretty.. puri nya.. Umasim ang mukha ng lalake.. I know.. Pero di ko sinabing purihin mo yung lalake.. Anyway.. That girl is my fiancee.. biglang banat ng lalake.. Nagulat man.. Pilit tinago ng babae ang reaksyon nya.. Tumitig sya sa lalakeng kaharap at tumawa na parang nang iinsulto.. Naiputan ka?.. How sad.. Good to you.. pang aasar ng babae. Napamura ang lalake.. Wala kang pakelam.. Ang ipagagawa ko sayo ang intindihin mo.. I want to get rid of that guy.. sabi ng lalake.. Napakunot noo ang babae.. Why?.. If fiancee mo sya tulad ng sinasabi mo.. Eh di may karapatan ka.. Bakit kelangan mo pang mag-utos?.. nang iinis na tanong ng babae.. Nagsalubong ang kilay ng lalake.. I wont answer you.. Di ko kailangang magpaliwanag sayo.. Ang mahalaga, gawin mo ang lahat para mag hiwalay sila.. Understood?.. giit ng lalake.. Napaisip ang babae.. Di nya kaya.. Kilalang kilala nya ang nasabing lalake sa larawan.. Di mo kaya?.. naninigurong sabi ng lalake.. Pano kung tumanggi ako?.. nanunubok na tanong ng babae.. Nahampas ng lalake ang mesa.. Agad napatingin ang isang customer sa di kalayuan.. Napalapit si Rhoi at inawat ang lalake.. Sir.. Baka naman po masira nyo yung mesa.. mahinahong awat ni Rhoi. Dinuro ng lalake ang binata.. You son of a bitch.. How dare you to mess with me.. Baket?.. Sahuran ka lang dito ah?.. Magkano ba sahod mo?.. Babayaran ko buong taon mo dito.. And kung inaalala mo itong mesa na to.. Gusto mong bilhan ko pa ng isandaang piraso ang pipitsuging cafeteria nyo?.. Get lost you stupid asshole.. singhal ng lalake.. Nag-alala ang babae para sa dating kaibigan.. Pero namangha sya dahil parang ni hindi man lang ito nasindak.. "Ah ganun ba sir?.. Eh kung ganun po.. OKs lang pala kahit wasakin nyo na itong mga mesa dito.. Pero kahit wag nyo na po bayaran.. Bale tatabla na lang po ako para sa may ari

nitong store.." nakangiting sabi ni Rhoi.. Napakunot noo ang lalake pero napabungisngis ang babae.. Isa nga pala sa kilalang basagulero ang waiter na ito.. Ang Ace of Clubs.. "What do you mean tabla?.." tanong ng lalake.. Nagulat ang babae ng itayo ng binata ang lalake gamit ang kwelyo nito.. Nagbago ang ekspresyon ng lalake at biglang naging parang mabangis na hayop.. Nilapit nya sa mukha nya ang mukha ng lalake.. "Kada isang mesa na mawawasak nyo sir.. Isang parte ng katawan nyo ang lalagyan ko ng pasa.. Tabla na tayo kapag ganun sir..Okay lang na matanggal ako dito.. Di naman tayo magkakilala.. Ano deal?.." galit na sabi ni Rhoi.. Nasindak ang lalake pero naawat na ng mga kasamahan at guard ang binata.. Nilayo nila ang kasama nila at pinunta sa isang gilid ng coffe shop.. "Pare naman.. Baka madamay kame sayo eh.." sabi ng kapwa waiter.. Huminga ng malalim si Rhoi at ngumiti sa kasama.. "Sorry pare..Maangas eh.. Porke mayaman, akala mo kung sino... Pero parang namumukhaan ko yung lalake eh.." napaisip si Rhoi.. Natawa na lang sila ang kapwa waiter at bumalik na sa loob para magtrabaho.. Tumayo sa gilid si Rhoi at pinagmasdan ang lalake at babaeng nag uusap.. Ilang saglit lang ay nagpaalam na ang lalake .. Tinitigan muna nito ang nakaaway na waiter at inis na umalis.. "Don't come back again sir.." pang aasar ni Rhoi.. Napabungisngis si Bea.. Nilapitan naman ng binata ang dalaga at kinumusta.. "Oy.. Long time no look.." bati ni Rhoi.. Ngumiti si Bea at tinapik ang pisngi ng binata.. Ikaw.. Di ka pa rin nagbabago.. Takaw gulo .. Manang mana ka sa mga kapatid mong mga alas.. lambing ni Bea.. Natawa si Rhoi .. Anyway.. Anu bang pinag usapan nyo non?.. tanong ng binata.. Ngumiti si Bea at napatingin sa labas ng salaming dingding..

You dont have to know Clubs.. malungkot na sabi ng dalaga. Natahimik naman si Rhoi..Napangiti dahil sa ginamit na pagtawag sa kanya ni Bea.. Ganito talaga ang pagtawag ng dalaga sa kanilang apat.. Spade kay Romeo, Diamonds kay Darius, Hearts kay Aldrin at Clubs ang kanya.. You know, di man ako singgwapo ni Romeo..... Di man ako tulad ni Darius na maraming pera.. Di din ako tulad ni Aldrin na magaling mag kwenta.. May Nhyn naman ako..Haha.. Joke lang..Pero there is one thing I can assure you.. We all know how to listen.. And when we listen.. We dont just use our ears.. We also use this and this. tinuro ni Rhoi ang ulo at kaliwang dibdib.. Napabungisngis si Bea.. Emo ka din tulad ni Aldrin?.. tanong ng dalaga.. NAtawa sila pareho.. Well.. Lahat naman tayo may emotional sides..Syempre kahit anong tatag mo.. Dumarating din sa puntong natatalo ng puso mo ang lohikal na pag iisip mo.. Pero di porke emotional ka.. Mahina ka.. Sabi nga di ba.. Katakot takot na tapang ang kailangan mo para maamin mo sa sarili mong naduduwag ka.. nakangiting paliwanag ni Rhoi.. Natawa si Bea.. Romeo ?.. Ikaw ba yan?.. biro nya.. Tumawa din si Rhoi.. Wala naman mabuting nagagawa yong ungas na yon kundi mangurakot.. biro ng binata.. At mambabae.. pahabol pa nya.. Napaismid si Bea.. Baket?.. Di ka babaero ?.. nakataas ang kilay na sabi nya.. Natutop ni Rhoi ang bibig.. Inosente ako.. Laking kumbento ako binibini.. Di ko alam yang mga sinasabi mo.. nanlalaki ang mga matang sabi ni Rhoi.. Natawa si Bea at hinampas ang braso ng binata.. Ahaha.. Sus.. Si Aldrin lang matino sa inyo.. sabi ng dalaga.. Napangiti na lang si Rhoi.. Syempre.. Ex mo yon eh kaya bias ka.. biro nya.. Natahimik si Bea.. Alam mong hindi naging kame.. malungkot na sabi ni Bea.. Aba.. Malay ko sa inyo.. natatawang banat ni Rhoi..

Napahagikgik si Bea .. No.. Thats true.. Kahit itanong mo pa sa kanya.. Although.. I really like Aldrin.. A lot.. mahinang pag amin ng dalaga.. Napangiti si Rhoi. Then , I hope you wont mind me asking.. Why you left us?.. I mean.. Bakit mo sya iniwan?.?.. tanong ng binata.. Natigil sa pagtawa si Bea at malungkot na tumingin sa labas.. There are some things that should remain secret Rhoi.. Hindi ito kasama sa adventures nyong apat.. Come on.. Grow up.. pangaral ni Bea.. Natawa si Rhoi.. Kung makapagsalita ka.. PArang ang layo ng agwat ng age natin... Your just 19 years old Bea.. natatawang banat ng binata.. I know.. Pero madami ng dumaan sa buhay ko na alam kong di nyo maiintindihan.. Kahit gaano kayo katalinong apat.. mahinang sabi ni Bea.. Natahimik si Rhoi.. Napatingin sa nakasabit na wall clock.. Come on.. Treat kita..Off ko na eh.. nakangiting sabi ng binata.. Ngumiti din si Bea..May naalala.. Yan ang gusto ko sa inyo except for Romeo.. natatawang banat ng dalaga.. Natawa din si Rhoi.. Kuripot. !.. sabay nilang pang aasar sa walang malay na binata.. Nagtawanan sila.. Mukhang tinutupad mo pa rin ang sinumpaan mo kay Krissing ha.. I admire you for that.. nakangiting sabi ni Bea.. Napangiti din si Rhoi at napakamot sa batok.. I know medyo childish sya.. PEro eto lang ang kaya kong gawin since nag aaral pa ako.. nahihiyang banat ng binata.. Uy ayos nga eh.. Nakakainggit ang babaitang yon.. She has you.. Eh ako.. malungkot na sabi ng dalaga.. Hey.. Dont say that.. Makakatagpo ka din ng nararapat sayo.. Eventually.. Mamemeet mo din sya.. Wag kang mawalan ng pag asa.. Come on.. Para namang hindi ikaw yan..Cheer up !.. paalala ni Rhoi. Napangiti ang dalaga..

Okay kuya.. Ayaw ko dito.. Gusto ko ng tapsilog.. natawa ang dalaga sa sinabi nya.. Tumango si Rhoi at hinagis sa kasama ang suot na uniporme.. Pare paki time out na lang ako ah.. Salamat.. Yung uniform ko tupiin mo.. Ikaw ang tutupiin ko bukas kapag magusot yan.. biro ni Rhoi.. Natawa ang dalaga at kumapit pa sya sa braso ng binata..

Gabi.. Sa bahay ng mga Villarama.. And I love you so much much much.. hinalik halikan pa ni Aldrin ang cellphone.. Bungisngis si Hannah sa kabilang linya.. Love you too much much much my heart.. lambing ng dalaga.. Kinilig na parang bulate si Aldrin.. Muah muah .. Sup sup.. biro ng binata.. Natawa lalo ang dalaga.. Yuck.. Term mo naman heart.. reklamo nya.. Ay sorry heart.. Muah muah Tsup tsup.. pagbawi ng binata.. Nagtawanan sila.. Buhbye.. lambing ng dalaga.. Buhbye.. sagot ng binata.. Love yah.. ganti ng dalaga.. love yah ta.. landi ni Aldrin.. "Mamimiss kita.." lambing ni Hannah.. "Miss na kita ngayon pa lang.." bawi ni Aldrin.. Nagtawanan sila.. Biglang pumasok si Alyssa.. "Kadiri kuya.. Kailan kayo matatapos sa pag buhbye?.." pang aasar ng bunso.. Inirapan lang ni Aldrin ang kapatid.. Natawa si Hannah sa kabila.. "Hi sis !.." sigaw nya..

Inagaw ng bunso ang cellphone sa kuya nya.. "Hi ate.. yung pangako mo po.." ungot ng bunso.. Kumunot noo si Aldrin.. "Ano yon?.." tanong nya.. "Wala ka pake kuya.." irap ng bunso. Inagaw nya bigla ang cellphone sa kapatid. "Kuya !.. Di pa kami tapos mag talk eh.." nakangusong reklamo ng kapatid. "Ikaw ang nang agaw.. Dun ka na nga.. Mag hanap ka ng kausap mo.. Eto ang piso.." biro ni Aldrin.. Inis na umalis si Alyssa.. "Moomm !!.. Si kuyaaaaa !." sigaw ng bunso.. Agad sinara ng binata ang pinto ng kwarto.. "Hello heart.." tawag ng binata.. "Yes Heart.." sagot ng dalaga.. "Ano yung pinangako mo kay Aly?.." tanong ni Aldrin.. Bungisngis si Hannah.. "Wala mahal.. Nanghihingi sya ng kikay kit.." sabi ng dalaga.. "Hala mahal.. WAg mo muna sya bigyan.. Baka maagang mag landi !.." awat ng binata. Natawa ang dalaga.. "Bakit heart?.. Malandi ba ako?.." tampong tanong ng dalaga.. "Ofcourse not.. !.. Pero syempre.. 14 pa lang sya.. Di pa sya pwede mag lipstick lipstick.." sabi ng binata.. Natawa naman ang kasintahan sa kabilang linya.. "Ah ok.." tanging nasabi lang ni Hannah.. Umismid si Aldrin.. "Sus.. If I know.. Bibigyan mo parin sya.." sabi ng binata.. Napabungisngis si Hannah.. "Isa lang heart.. Don't worry.. Ako na lang mag paparemind sa kanya na bata pa sya.. " sabi ng dalaga..

"Kaw bahala heart.. Alam mong ikaw ang idol nitong kapatid ko.." sabi ng binata.. Natawa ang dalaga.. "Okay heart.. Kain na tayo?.." tanong ni Hannah.. "Okay okay.. Buhbye.." paalam ni Aldrin.. "Buhbye.." sagot ni Hannah.. "Love you.." sabi ng binata.. "Love you too.." sagot naman ng dalaga.. "I will miss you.." pang uuto ng binata.. Miss na kita.. sabi ng dalaga.. Nagtawanan silang dalawa.. Di na tayo talaga matatapos nito.. sabi ni Hannah.. Napatango si Aldrin at natawa.. Sige na Heart.. Baba mo na.. sabi ng binata.. Ikaw na.. ungot ng dalaga.. Kaw na heart.. GO .!. udyok ng binata.. Pleaaaseeee?.. lambing ng dalaga.. Nanginig si Aldrin sa kilig.. Okay para fair.. Sabay tayo.. sabi ng binata.. Okay okay..bilang tayo ng up to 3 okay?. sabi ng dalaga.. Okay.. 1, 2, 3.. sabay nilang bigkas... Pero walang nagpatay ng cellphone.. Daya !.. sabay pa nilang sabi.. Nagtawanan ang dalawa.. Sige na kasi Heart.. Ikaw na mag baba ng phone.. ungot ni Hannah.. "Hayz.. Alam mo.. Be fair naman kasi.." sabi ng binata.. "Baket ?.." tanong ng dalaga.. "Wag kang gagamit ng ganyang tono.." sabi ni Aldrin.. "Baket?.." nagtaka ang dalaga..

"Basta.. Kasi kapag nagiging malambing na boses mo.. Para na akong robot na walang alam gawin kundi ang sumang ayon sa lahat ng mga gusto mo.. Wag ganon mahal.. Be fair.. " tampo ng binata.. Kinilig hanggang ribs ang dalaga..Nagpaikot ikot sya sa kama.. "EEeeeee... Heart I love you talaga.. Sige po.. Basta ibaba mo na ha?.." sabi ng dalaga.. "Ok ok .. I love you.." sabi ng binata.. Love you so much.. bawi ng dalaga.. Mamimiss kita.. banat ng binata.. Biglang napahalakhak ang dalaga.. Mamimiss din kita at ibaba mo na ang phone kung ayaw mong umulit ulit tayo.. natatawang sbi ng dalaga.. Natawa na din si Aldrin.. Okay okay.. Basta.. Mahal kita.. No matter what.. Bye.. Tawag ako ulit maya okay?.. sabi ng binata. Okay my Heart.. Buhbye.. Mahal din kita.. Muah !.. sagot ni Hannah.. Di na nakasagot si Aldrin ..Nanigas na lang sya sa kilig.. Sabay nilang pinindot ang end call.. Napatihaya sa kama si Aldrin at tinitigan ang kisame.. Para syang lango sa alak.. High na high ang pakiramdam nya.. Biglang nag ring ang phone ng binata.. Di na nya tiningnan kung sino ang tumatawag.. Tsk.. Yes my Heart?.. Miss mo na ako agad?.. I love you !.. banat ng binata.. Walang sumagot sa kabilang linya.. Nagtaka si Aldrin .. Hi.. biglang nagsalita ang nasa kabila.. Nagulat ang binata at agad na tiningnan ang caller.. Uy Bea.. Sorry.. hinging pasensya ng binata.. Natawa si Bea sa kabilang linya.. Its okay.. Anyway .. Musta ka na?.. tanong ng dalaga.. Uhm.. How can I say this.. Very Happy?.. nakangiting sabi ng binata.. Natahimik ang dalaga..

Uy dyan ka pa?.. tanong ni Aldrin.. "Ay oo .. Well, Good for you.." sabi ng dalaga.. Nahimigan ni Aldrin ang lungkot sa boses ni Bea.. "Hey.. Bakit ka ganyan?.." tanong ng binata... Bumuntong hininga si Bea.. "Hay.. S-sorry.. Sorry talaga.." sabi ng dalaga.. Nagtaka naman si Aldrin.. "Bakit ka nag sosorry?.. Huy.. Para kang praning.." sabi ng binata.. Natawa si Bea ng mahina.. "Miss na kita.." sagot bigla ng dalaga.. Nanigas si Aldrin.. "Ah.. Ganun ba?.." walang masabi ang binata.. Natawa si Bea ng mahina at muling bumuntong hininga.. "May s-sabihin ako sayo.." sabi ng dalaga.. Ok game.. sabi ng binata.. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila.. B.. lambing ni Aldrin.. Napangiti si Bea.. I miss that.. Namiss ko yang pagtawag mo .. mahinang sabi ng dalaga.. Haha.. Okay..Ano ba yon?.. Need help?.. Makikinig ako.. sabi ng binata.. Okay okay.. First of all.. Im sorry sa pag iwan ko sayo.. sabi ng dalaga.. Napabuntong hininga ang binata at ngumiti.. Well, di ko naman itatangging sobrang nasaktan ako nuon.. Akala ko masaya tayo.. Akala ko kuntento ka na sa akin .. Pero nagulat na lang ako one day.. Wala ka na. di na naitago ng binata ang lungkot.. Sorry talaga.. May nangyari eh.. malungkot na sabi ng dalaga.. I saw you sa Computer Shop malapit sa amin.. You were with someone.. sabi ng binata.. Nagulat ang dalaga.. You saw us?.. Pero dont worry.. Thats my couz.. nakangiting sabi ni Bea..

Pahiya si Aldrin.. "Selos ka?.." landi ng dalaga.. Natawa naman ang binata.. Oo .. Aaminin ko.. Mamatay matay ako non.. Pero nuon yon.. sabi nya.. Natahimik si Bea.. "Bakit ngayon?.. Ay oo nga pala.. May girlfriend ka na.." sabi na lang ng dalaga.. Napakunoot noo si Aldrin.. Paano mo nalaman?.. tanong nya.. Natawa si Bea.. Doesnt matter.. You love her?.. tanong nya.. Tumango si Aldrin.. "Very.. Childhood friend ko sya.." proud na kwento ni Aldrin.. Lalong nalungkot si Bea.. "So talagang pinagtagpo kayo ng destiny.. Sweet naman.." tanging nasabi lang nya.. Napangiti si Aldrin.. "Siguro nga.. Well.. Enough of us.. Anong sasabihin mo nga pala?.. Kung may problem ka.. Sabihin mo na.. Naging friends din naman tayo di bA?.." nakangiting tanong ng binata.. Bumuntong hininga na naman si Bea... Di na nya mabilang kung nakailang buntong hininga na sya sa araw na ito... Nag simula ng pumatak ang mga luha sa mata ng dalaga.. Pilit nyang tinago ito sa kausap na binata.. "Hey.. Ano ba yon?.." lambing ni Aldrin.. Napangiti si Bea ng malungkot.. Muli nyang pinatigas ang loob ng maalala ang sanggol.. "Remember nung nagpunta tayo sa resto nyo to celebrate my graduation?.." kwento ng dalaga.. Napaisip si Aldrin.. Bigla syang natawa.. "Haha.. That was the first time na uminom ako ng wine.. Ay.. Lahat pala kami.. First timers

namin.. Teka.. Ikaw din eh. !.." nakangiting naalala ni Aldrin ang mga pangyayari.. Di natawa ang dalaga.. Yes.. I admit .. That was my first to drink wine.. Pero naaalala mo ba after nuon?.. tanong ni Bea.. Napaisip muli si Aldrin.. Kumunot ang noo nya at napahawak sa baba.. Ang pagkakaalam ko.. Nagising na lang ako sa condo mo.. Di ba .. Lahat naman kami nakatulog sa condo mo di ba?.. Kasama pa nga si Krissing eh at Ekang eh.. naalala na ng binata ang mga pangyayari.. Katahimikan.. Oy.. untag ng binata.. Tumikhim si Bea. "Saan ka nagising?.. I mean.. San ka nakahiga pagkagising mo?.." tanong ng dalaga.. Napaisip muli ang binata.. "Hmm.. Ang pag kakaalala ko.. Sa guest room ng condo mo.. Kasi nga ako lang yung nakaabot.. Bagsak yung tatlo sa salas .." natatawang kwento ng binata.. Tumango ang dalaga kahit di nya nakikita ang kausap.. "Thats it.. Thats the reason kung bakit ako nawala.." biglang sabi ng dalaga.. Natahimik si Aldrin.. "Anong kinalaman non?.." nagtatakang tanong nya.. Katahimikan.. Nakaramdam na ng kakaiba ang binata.. Parang may mali.. Parang may sasabihin ang dalaga na di nya magugustuhan.. Bea.. Dont talk in riddles.. Tell it straight to me.. What are you trying to say..?.. seryosong tanong ni Aldrin.. Natahimik ulit ang dalaga.. "Bea !.." impit na sigaw ng binata.. Garalgal na ang boses ni Bea ng magsalita.. Dont you remember the red stain in your blanket when you woke up?.. biglang tanong ni Bea..

Napakunot noo si Aldrin.. "Yea, I remember that.. Di ba sabi mo hotsauce yon nung binili ni Darius at Romeo na pizza?.." tanong ng binata.. "It's not !.. Thats blood !.." sigaw ni Bea.. Napaiyak bigla ang dalaga sa kabilang linya.. Nagulat si Aldrin.. "W-what?.. How?.. Paanong naging dugo yon?.. Kanino?.." sunod sunod na tanong ng binata.. "Remember when we met sa bus?.." umiiyak na tanong ni Bea.. Natakot na si Aldrin... "Please.. Before we continue this talking.. Stop crying !.." pag awat ni Aldrin.. Pero tumanggi ang dalaga.. "Don't mind me.. Just answer my questions.." singhal ng dalaga.. Natameme si Aldrin.. Napalunok.. "O-okay.." mahinang sagot nya.. Huminga ng malalim si Bea.. "Yung batang hawak ko.." bungad ng dalaga.. "A-ano ang tungkol sa kanya?.." tanong ng binata.. "Di ba gusto mong malaman kung bakit nawala ako ng mahigit dalawang taon?.." tanong ng dalaga.. Pero parang ayaw ng malaman ni Aldrin ang kasagutan.. Di ba?.. untag ng dalaga.. Napalunok muli si Aldrin.. Y-yes.. mahinang tanong nya.. Marahas na nagpunas ng luha si Bea sa kabilang linya.. Remember the blood stain in your blanket when you woke up?.. Thats mine.. May nangyari sa atin nuong gabing yon.. Oo .. Aaminin ko.. Pinasok kita.. Masyado kitang mahal.. Dagdagan pa ng alak.. Kaya naglakas loob ako.. Di ako nagsisisi.. Ikaw ang nakauna sa akin Al.. dire diretsong pahayag ni Bea. Tulala si Aldrin.. Wala syang masabi..

Ni hindi nya mahanap ang boses.. Nakanganga lang sya at nanlalaki ang mga mata.. And the baby na karga ko nung nagkita tayo sa bus.. Thats my daughter.. And gusto kong malaman mo na anak mo din sya.. Oo Al.. Nagbunga ang nangyari sa atin nuon.. Natakot ako sa maaaring maging reaksyon mo kaya nawala na lang akong bigla.. The moment na nalaman kong buntis ako.. Natakot ako.. Kaya sorry kung nagtago ako sayo.. Yung ang dahilan kaya iniwan kita bigla.. Now that you know.. Nasagot ko na ang tanong mo.. naiiyak na bulalas ni Bea.. Parang huminto ang mundo ni Aldrin.. Nagpanting na ata ang tenga nya dahil pakiramdam nya mali ang naririnig nya.. Wala ng boses na lumalabas sa bibig nya.. Wala din naman syang salitang kaya sabihin sa mga oras na iyon.. I have you daughter Al.. Now that you know.. Gusto kong panagutan mo sya.. mahinang sabi ni Bea sabay biglang binaba ang telepono.. Nabagsak ni Aldrin ang sariling cellphone.. Buti na lang sa kama ito bumagsak at hindi dumulas sa sahig.. Pero kahit siguro magkabasag basag ang cellphone nya.. Di nya ito mapapansin dahil sa sobrang pagkabigla.. Kahit ata hagisan sya ng granada sa harap ay no comment lang sya.. Walang boses na namuwati sa bibig ng binata.. Parang biglang sumakit ang ulo nya.. Tulala lang syang nakatitig sa cellphone.. Kung totoo man ang sinasabi ng dalaga.. Paano na si Hannah?.. Paano na ang sinumpaan nila?.. At isa pa.. Bata pa sya.. Handa na ba syang salubungin ang responsibilidad ng pagiging ama.?.. Paano nya sasabihin sa mga magulang , kaibigan at higit sa lahat ay kay Lelay?.. Tulala ang binata na muling humiga.. Nakatitig sya sa kisame .. Di alam ang iisipin.. Di alam ang gagawin.. Chapter 33 Galit

Gising na ang diwa ni Aldrin.. Pero parang ayaw pa rin mag function ng katawan nya..

Para syang robot na gumagawa ang makina pero walang katawan at paa.. Nakapikit lang sya at tila manhid na manhid na ang utak nya.. Pakiramdam nya ay hapung hapo ang katawan at isip nya.. Sinulyapan ng binata ang alarm clock na nasa tabi ng mesa.. Apat na minuto pa bago ito mag ingay .. Tinitigan nya ang pag usad ng oras..Napakabagal.. Napapitlag ang binata ng biglang umalingawngaw ang ingay ng orasan.. Nanghihinang pinalo nya ito at muling tumihaya.. Muli nyang pinikit ang mga mata .. Pero saglit lang ang pagkakapikit nya dahil ilang minuto lang halos ay tumunog naman ang cellphone nya. Matagal ba nag pasya si Aldrin na sagutin ang tawag.. Lalo syang nakadama ng pagkahapo ng makitang ang nobya ang tumatawag sa kanya.. Matamlay na sinagot ng binata ang tawag.. "Hi hi !.." masiglang bati ni Hannah.. Napangiti ng malungkot ang binata at sinagot ang bati ng kasintahan.. "Hi hi.. !.." sabi nya.. Natahimik ang kabilang linya.. "Heart?.. Gising ka na?.." tanong ng dalaga.. "Yes Heart.. Sumagot na nga ako eh.." biro pa ni Aldrin.. Napabungisngis si Hannah.. "Eeeee... Miss you po.." sabi ng dalaga.. Lalong parang kinutkot ang puso ng binata.. "M-miss you more Heart.. Sobra.." pumiyok ang tinig ni Aldrin.. Natahimik ang kabilang linya.. "Heart?.. May Prob ka ?.." tanong ng dalaga.. Agad inayos ng binata ang tono ng boses nya.. Pilit nya itong pinasigla.. "Meron.. Kung bakit nahihirapan akong i-spell ang salitang Love.." banat ni Aldrin.

Napangiti sa kabilang linya ang dalaga.. "Baket naman?.." tanong ni Hannah.. "Kase.. Lalely.. Laging pangalan mo ang naisusulat ko.." muling banat ni Potpot.. Biglang lumagabog sa kabilang linya.. "Heart?.. What happened?.." tanong ng binata.. Natawa si Hannah.. "Sorry Heart.. Nalaglag ako..Kaw kasi eh.. !.." sumbat ng dalaga.. Nagtawanan sila.. "Heart ligo na.. Miss na kita... Gusto kita makita.." lambing pa ni Hannah.. Napangiti si Aldrin pero talagang di nya maisagad.. "Ahm.. Heart baka ma late ako ng pasok.. May pinapalakad si Dad about sa business.." pagdadahilan ni Aldrin.. Napasimangot si Hannah.. "Aaay... Sama ko.." ungot ng dalaga.. Nag kandailing ang binata.. "Wag na Heart.. Masasayang lang pag pasok mo eh.. Sige na po.. " tanggi ng binata.. Napanguso si Hannah.. "Baka naman may ida-date kang chix ha?.." nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.. Natawa ng mahina ang binata.. "Kung nandito ka.. Malamang na nahalikan na kita.. Alam mong wala akong ibang minamahal na babae maliban sa dalawang nandito sa bahay namin.. Plus yung Lola ko.. Bale konti lang talaga sila.." banat ng Aldrin.. Bungisngis si Hannah.. "Sino pa?.." pangungulit nya.. "Si Krissing.." sagot ng binata.. "Sino pa?.." pacute ni Hannah. "Si Ekang.." banat ni Aldrin.. Napasimangot si Hannah.. "Nasan ako?.. Bakit di nila ako kasama?.. " nagtatampong tanong ng dalaga.. Natawa si Aldrin..

"Bakit ka naman sasama sa kanila?.. " tanong ng binata.. Napasimangot lalo si Hannah.. "Ah ganon?.." taray ni Hannah.. Natawa si Aldrin ng mahina.. "Talaga.. Bakit mo ihehelera ang sarili mo sa kanila eh ikaw ang Ace of Hearts?.. Natural lang na mas angat ang pagmamahal ko sayo kumpara sa kanila..Yung sa kanila pure platonic yon.." paliwanag ng binata.. Natameme si Hannah.. Halos bumula ang bibig nya sa sobrang kilig na nararamdaman.. "Eeeeeeeehhhh.. Love you Heart.. Eh kung sa kanila Platonic.?.. Eh ano sa akin?.. Romantic?.." tanong ng dalaga.. Ngiting ngiti sya sa gilid ng kama nya. "Erotic.." sagot ng binata.. Natawa si Hannah pati na si Aldrin.. "Ay Bad..Bakit may Erotic pa?.." tanong ng dalaga.. "Syempre.. Sabi nga ni Rom.. Ang Successful relationship daw ay binubuo ng Love, Friendship, Trust and Lust.. Kahit alin dyan ang mawala.. Platonic na daw ang tawag don.." paliwanag pa ng binata.. Napangiti ng todo si Hannah.. "Hala.. Late ka na Heart.. Gora ka na.." landi ni Aldrin.. Natawa si Hannah at nagsimulang mag inat.. "Hmm.. Love you heart...Muuuaaaahh !.." lambing ng dalaga.. Natahimik si Aldrin.. Akala ni Hannah wala na ang binata kaya akmang ibababa na sana nya ang phone..Pero nagsalita pa ang binata.. "Mahal na mahal kita Hannah.. Always remember that.. There's is nothing in this world can change what I feel for you.. No matter what.. I will always and forever love you.." seryosong sagot ni Aldrin.. Napakunoot noo ang dalaga.. Sasagot pa sana sya pero namatay na ang tawag.. Sinubukan nyang kontakin ulit ang kasintahan pero unattended na ito.. "Baka lowbat.." sabi lang ng dalaga..

Nakangiti pa sya ng pumasok sa banyo.. Alas diyes ng umaga.. Tahimik na pumasok si Aldrin sa isang kilalang kapehan sa loob ng mall.. Pumwesto sya sa tabi ng salaming dingding at nilabas ang cellphone.. Pinagmasdan nya ang wallpaper ng cellphone nya.. Di nakatiis ang binata.. Hinalikan nya pa ang nakangiting mukha ng kasintahan.. Namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata pero agad itong pinahid ng binata.. "S-sorry Heart.. Just always remember na mahal na mahal kita.." bulong ng binata.. Kausap ang nakangiting mukha ni Hannah sa cellphone nya.. Iniwasan na ng binata ang titigan pa ng matagal ang kasintahan.. Nilibot nya ang paningin sa mamahaling coffee shop at nangalumbaba.. Kagabi nya lang nalaman ang balita ni Bea.. Ayaw nyang sabihin na masamang balita ito dahil bata pa lamang sya ng turuan ng mga magulang tungkol sa sanggol.. Sagrado para sa pamilya nila ang mga sanggol.. Anghel ito kung ituring ng pamilya nya.. Akala nya naubos na nya ang luha na nakaimbak sa mga mata nya kagabi..Pero mukhang nakapag ipon na naman ito at nagsisimula na namang mamuo sa mga mata nya.. Maaga pa si Aldrin sa tagpuan.. Alas onse ang usapan nila ni Bea na magkikita para pag usapan ng personal ang hinatid nitong balita sa kanya.. Hanggang ngayon ay parang ayaw pa rin nyang maniwala.. Pilit nyang inaalala ang mga naganap dalawang taon na ang nakakalipas pero talagang blangko ang memorya nya tungkol sa tinutukoy ni Bea.. Maaaring nagsisinungaling lamang ang dalaga.. Pero ano ang dahilan nito?.. Ano ang maaaring maging rason ni Bea para gawin ang ganito sa kanya..?.. Sa tingin naman nya ay naging maganda ang pagsasama nila .. Ito pa nga ang nang iwan sa kanya kung tutuusin.. Pero paano naman kung totoo?.. Muling naramdaman ni Aldrin ang pamumuo ng luha nya.. Paano na ang kasintahan nyang si Lelay?..

Matagal na nilang hinintay ang pag kakataon para mag kasama pero mukhang ayaw talaga ng tadhana na mag katuluyan sila. Nakakapagod ang napakaraming hadlang sa relasyon nila.. Napapitlag si Aldrin ng maramdaman ang pagbukas sara ng pinto ng coffee shop.. Ilang saglit pa ay naupo ang isang babae sa harap nya.. Nakayuko si Aldrin at nilalaro ang cellphone nya.. Ilang saglit na katahimakan ang namayani bago basagin ito ni Bea. "A-Al.." untag ng dalaga.. Napahikbi pa si Bea.. Inangat ni Aldrin ang mukha at tinitigan ang dalaga.. Para namang hinaplos ng awa si Bea ng mapansin ang malaking pinagbago ng mukha ng binata.. Parang di ito nakatulog sa magdamag.. "S-sorry..." hinging paumanhin ni Bea.. Napangiti ng malungkot si Aldrin.. "T-totoo ba ?.." tanong ng binata... Marahan at parang pilit na tumango si Bea.. Bigla na lang itong napaiyak .. Agad pinatahan ng binata ang dalaga .. "Sssh... It's okay.. Kung talagang akin yan.. Pananagutan ko.. " bulong ni Aldrin.. Napasigok pa si Bea.. "What do you want ?.." tanong ng binata.. Umiling ang dalaga.. "Di ako nagugutom Al.." mahinang sagot nito.. Ngumiti si Aldrin.. "Where's the baby?.." tanong nya.. Umangat ang paningin ni Bea at tinitigan ang binata.. "She's sleeping ng iniwan ko sa bahay.. Alam mo namang si Tita na lang ang kasama ko di ba?.." tanong ng dalaga..

Tumango si Aldrin.. Nagsimula na itong tumayo.. "Come.. Gusto ko syang makita.. " nakangiti ang mukha ng binata.. Pero ni hindi ito umabot sa kanyang mga mata.. Napaiyak si Bea .. "Sorry talaga Al.." sabi ng dalaga.. Agad naman syang inawat ni Aldrin.. "Shh.. Aayusin natin ito.. " sabi ng binata.. Hinawakan ng dalaga ang mga kamay ng binata at nagpasalamat.. Masuyong tinayo ng binata ang dalaga at hinalikan sa noo.. "Please.. Stop crying.. Things will be fine.. " masuyong sabi ng binata.. Tumango ang dalaga ay yumakap kay Aldrin.. Hinagod hagod naman ito ng binata sa likod.. "Tara.." aya ni Aldrin.. Tumango ang dalaga..Nahihiya man.. Niyakap nya na ang braso ng binata.. Nag kibit balikat lang si Aldrin.. Parang pagod na pagod ang pakiramdam nya kaya wala na syang lakas para sawayin pa ang dalaga.. Tahimik silang lumabas sa coffee shop at lumakad sa exit ng mall.. Inip na naghihintay si Hannah sa kubo ng mga alas.. Sya na lamang at si Romeo ang naiwan.. Wala naman pakinabang ang binata dahil naglalaro lang ito ng PSP.. Hoy Rom.. Ang tagal naman ni Potpot.. reklamo ni Hannah.. Napatingin si Romeo at muling binalik ang atensyon sa nilalaro... Baka nambabae na.. Uuwi din yon.. biro ng binata.. Biglang may lumipad na unan sa mukha nya.. Natawa lang si Romeo at di na pinansin ang dalaga.. Ilang saglit pa ay napatingin din sya sa sariling relos..

Oy.. Ala una na.. Di na papasok yon.. Wala na ata syang klase ng ganitong oras eh.. sabi ni Romeo.. Sumimangot si Hannah.. May pasok sya ng 1 Pm.. Pero late na sya.. sagot ng dalaga.. Nag inat ng katawan si Romeo at tumayo.. Halika na.. Nagugutom ako.. Sinamahan kita dito kaya ilibre mo ako.. sabi ni Romeo.. Mamaya na kase.. Dito muna tayo.. sagot ng dalaga.. Umangal si Romeo.. Langya.. Ginawa ba daw akong bodyguard?.. Aba.. Ang swerte mo naman.. Ang gwapo ng alalay mo.. reklamo ng binata.. Natawa lang si Hannah.. Magtawag ka na lang dyan sa tabi tabi ng uutusan.. Basta wag kang aalis.. Dito ka lang.. utos ng dalaga.. Napasimangot si Romeo at dumungaw sa binata.. Ilang saglit pa ay sumigaw ito.. Psst !.. Ikaw nga.. Oo ikaw.. Ang pogi mo ah.. Lika nga dito.. sigaw ni Romeo.. Napabungisngis si Hannah.. Mag uutos na lang mang uuto pa.. sabi ng dalaga.. Ngumisi lang si Romeo.. Akina pera.. sabi pa nya.. Naglabas ng isan daan si Hannah sabay inabot kay Romeo.. Oh pare.. Paki suyo naman oh.. Isang burger lang.. Tapos pepsi.. Sayo na yung sukli.. sabi ng binata.. Napangiti si Hannah.. Naks.. Ang bait.. sabi lang nito.. Umalis na ang inutusan ni Romeo at muling naupo ang binata sa trono nito.. Inabot nya ang PSP kay Hannah pero tumanggi ang dalaga... Sumandal ang binata sa sandalan ng trono nya.. Hinintay ang pagdating ng pagkain.. Ilang minuto lang ay may sumigaw na sa labas..

Hoy Rom !.. Langya ka..Limampiso yung suki eh !.. reklamo ng nasa labas.. Nagtaka si Hannah.. Agad na lumapit sa binata si Romeo at nagpasalamat.. Ah ganun ba?.. Sige sa susunod lalakihan ko na.. At least keep the change.. Nagmahal na pala itong Combo Meal ko.. Sorry pre.. Sige na.. Next time na lang.. Salamat .. sunod sunod na sabi ng binata.. Napakamot sa ulo ang inutusan.. Paanong nangyaring limampiso na lang ang sukli?.. tanong ng dalaga.. Nagkibit balikat si Romeo at hinati ang burger .. Inabot ang kalahati kay Hannah pero tumanggi ito.. Pero nagpumilit si Romeo.. Kapag di ka kumain.. Aalis ako.. Bahala ka dito.. banta nya.. Napasimangot ang dalaga at tinanggap ang kalahating burger.. Wala akong drinks !.. reklamo nya.. Tumayo ang dalaga at hinabol ang binatang inutusan ni Romeo.. Ay.. Kuya.. Pabuy naman po ng isa pang pepsi.. Eto po Fifty Pesos.. Keep the change po ulit tulad ng 1 Hundred na inabot ni Romeo.. sabi ng dalaga.. Nagtaka naman ang inutusan.. Anung isandaan?.. Eh Trenta Pesos lang inabot non eh.. Sus.. Buti ka pa.. sabi ng inutusan sabay mabilis na umalis dahil tumayo si Romeo.. Napangisi naman ang binata.. Aha.. Kaya pala 5 pesos na lang kasi pinalitan mo na agad.. Ang bilis mo naman?.. natatawang sabi ng dalaga.. Nag hahalucinate lang yon.. 1 Hundred talaga binigay ko pero hayaan na natin yan.. sabi ni Romeo.. Nagtawanan na lang sila.. Ilang saglit pa ay biglang may kumatok... Oh?.. Sino yon?..Walang yelo dito.. sagot ni Romeo.. Natawa si Hannah .. Ano po yon?.. tanong nya sa matandang guard.. Eh may naghahanap po kay Miss Hannah Montefalco .. sabi ng Guard.. Agad namang tinuro ng guard ang binata na nakasilong sa lilim ng puno.. Napatayo si Hannah..

Pero napasimangot din sya ng makita si Estong na papalapit na din sa kubo.. Ngiting ngiti ang mokong.. Sige po manong.. Salamat po.. sabi ng dalaga at muling sumalampak ng upo sa trono ni Aldrin.. Nakita pa nyang abutan ng isang libo ni Estong ang mamang Guard.. Dire diretsong lumapit sa kubo si Estong .. Akmang aakyat na sya ng biglang magsara ang maliit na pinto.. Tumama ito sa mukha nya kaya galit na galit syang napamura.. What the Fuck !.. Who the did that?.. tanong nya na hawak ang ilong.. Dumungaw sa bintana si Romeo na sumisipsip ng Pepsi.. Ako .. sagot ng binata.. Asar na nagtanong si Estong.. At baket mo naman hinampas yung pinto sa mukha ko.?.. Ang yabang mo ah?.. sigaw ni Estong.. Napabungisngis si Hannah.. Ni hindi sya nakaramdam ng takot kahit pa magwala si Estong .. Marunong kang magbasa?.. Ayan oh.. Private Property of Kwadro Alas.. Kwadro Alas ka ba?.. tanong ng binata na cool na cool na sumisimsim ng Pepsi.. Galit na galit na binasa ni Estong ang karatula na nilampasan nya.. Tama ang binata.. Pero nagtaka pa rin sya.. Paanong magiging private property ito eh nasa school grounds ito nakatirik?..Sino ka ba?.. sigaw ng binata.. Nagsalubong ang kilay ni Romeo at binuksan ang maliit na pinto ng kubo.. Tarantado ka?.. Gusto mong i spell ko pangalan ko?.. singhal ni Romeo at nilapitan ang nagwawalang si Estong.. Dinutdot nya ang noo ng binata .. Napadungaw si Hannah sa bintana at enjoy na sumisipsip din ng Pepsi.. Lea.. Whats the meaning of this?.. tanong ni Estong.. Pero nagkibit balikat lang si Hannah.. Nasa Private Property ka pa rin.. Kung hindi ka aatras ng mga limang hakbang.. Talagang malalaman mo pangalan ko.. mabagal na sabi ni Romeo..

Ngumuya pa ito ng burger.. Sis penge Pepsi.. sabi ni Romeo.. Tumango si Hannah at inabot ang drinks nya sa binata.. Gigil na humakbang paatras si Estong.. Si Romeo at naupo sa huling baitang ng kubo at inubos ang burger nya.. Now talk.. sabi ni Romeo.. Napakunot noo si Estong.. What?.. tanong nya.. Napatirik ang mata ni Romeo at nagtaray.. Ay bobo.. Anong kailangan mo kay Hannah?.. tanong ng binata.. Sumimangot si Estong .. Doesnt concern about you.. Let Hannah and I talk.. sabi ng binata.. Napangisi si Romeo at tiningala ang dalaga.. Oh kayo daw ang mag usap.. sabi ng binata.. Napangiti si Hannah.. Ano ba yon Estong?.. tanong ng dalaga.. Lalong naasar ang binata ng di man lang gumagalaw mula sa bintana si Hannah.. Will you please come here ?.. tanong ng binata.. Tumingin si Hannah kay Romeo.. Lapit daw ako Rom oh.. sumbong ni Hannah.. Ngumisi si Romeo at umiling.. LAlong nag puyos ang galit ni Estong.. Kung di mo kayang makipag usap mula dyan manigas ka.. Wala kang karapatan na kausapin si Hannah ng malapitan hanggat nakikita kita.. sabi ng binata.. Galit na galit na napamura pa si Estong.. Isa pa.. Bawal magmura dito.. Tang ina mo.. sigaw ni Romeo.. Natawa si Hannah at binatukan ang binata.. Fine fine.. Lea.. I have something to tell you.. sabi ni Estong.. Bawal din English..Di ako nakakaintindi ng English eh.. singit ni Romeo..

Bungisngis na naman si Hannah at pasimpleng sinipa si Romeo.. Galit na tumango si Estong.. May sasabihin ako sayo.. Importante.. sigaw ni Estong.. Hiyang hiya na sya dahil pinagtitinginan na sya ng mga dumadaang estudyante.. Galit na galit sya sa binatang nasa pinto ng kubo..Naalala nya tuloy yung waiter na kumwelyo sa kanya.. Ano naman daw?.. sagot ni Romeo.. Oh akala ko ba si Hannah ang sasagot ?.. tanong ni Estong.. Napangisi si Romeo.. Ako ang translator nya.. Kasi Di sya nakakapagsalita ng Tagalog.. English lang.. sabi ng binata.. Napaupo si Hannah dahil di na nya maitago ang tawa.. Kawawang kawawa ang itsura ni Estong na nasa gitna ng initan at sumisigaw para lamang magka rinigan sila.. Damn !.. bulong ni Estong.. Umayos ng upo si Romeo at tiningnan ng masama ang binata... Okay okay.. May dala akong litrato dito..Gusto kong ibigay kay Lea.. sabi ni Estong.. Napakunot noo si Hannah at muling tumayo.. Ano yan?.. tanong ni Romeo.. Lumapit sya at sinulyapan ang litrato.. Isa isa nyang sinulyapan ang dalang pictures ni Estong at ng makita ang lahat.. Nagsalubong ang kilay nya at tinitigan ng masama ang binata.. Whats the meaning of this?.. tanong ni Romeo.. Natawa ng parang nang aasar si Estong.. Now you speak English?.. Anyway.. Thats Aldrin.. Hes having an affair with someone.. I was about to buy clothes sana when I saw them.. At first syempre I was shocked.. Ang Alam nating lahat na sila ni Lea right?.. parang nang iinsulto na sabi ni Estong.. Nagulat si Estong ng isa isang punitin ni Romeo ang mga larawan na dala nya.. What the fuck?.. Are you nuts?.. sigaw ni Estong pero natameme sya ng bigla syang umangat dahil sa pagkwelyo ng binata.. Anong pakay mo dito?.. seryosong sabi ni Romeo. Asar na asar man.. Nakaramdam ng takot ang binata..

G-gusto ko lang yan ipakita kay Lea.. mahinang sagot ni Estong.. Napalapit si Hannah at isa isang dinampot ang mga larawan na punit punit.. Nabigla sya at napanganga ng makita ang mga litrato.. Kahit pira piraso pa ito, di maikakailang kilalang kilala nya ang mga nasa larawan at magkayakap .. May isa pang larawan na hinalikan ni Aldrin ang dalaga.. Di nya alam kung saan tumama ang halik dahil medyo nasa likod ang kumuha.. Si P-potpot ito ah?.. mahinang sabi ng dalaga.. Napangisi si Estong.. Actually.. I learned na buntis yung Girl and yung Boyfriend pala yung Tatay.. Sad ... Really Sad.. malungkot na sabi ni Estong.. Pero parang nagdidiwang pa ang kinalabasan nito.. Bumagsak ang litrato sa paanan ng dalaga at patakbong nilisan ang dalawang binata.. Galit na binitawan ni Romeo ang kwelyo ni Estong.. Really.. Whats your purpose?.. seryosong tanong ng binata.. Nagkibit balikat lang si Estong at pinagpag ang damit.. Gusto ko lang malaman ni Lea na masamang lalake ang napili nyang gawing boyfriend.. nakangising sabi ni Estong.. Lalong kumunot ang noo ni Romeo.. Pero poker face lang sya.. Galit ka sa boyfriend ni Hannah?.. tanong ng binata.. Tumango si Estong.. Yes.. Mayabang eh.. Paghihiwalayin ko sila.. Would you like to help me?.. Babayaran kita.. alok ng binata.. Napangisi si Romeo.. Magkano?.. tanong nya.. Napangiti si Estong.. Sa isip isip .. Wala talagang makakahindi kapag pera na ang gumana.. Name your price.. mayabang na sabi ng binata.. Napaisip si Romeo at sinulyapan si Hannah na mabilis na naglalakad palabas ng university. Downpayment..10 Thousand.. mabilis na sabi ni Romeo..

Nagulat man.. Di na nagpahalata si Estong at agad na nilabas ang wallet.. Napasulyap pa si Romeo pero tinago na agad ni Estong ang wallet nya.. Oh.. Buti na lang nag withdraw ako bago ako magpunta dito..So deal na?.. nakangiting sabi ni Estong.. Tumango si Romeo at kinuha ang pera.. Kalilimutan ko yung mga ginawa mo saken kanina.. Teka.. Kaano ano mo ba si Aldrin?.. tanong ni Estong .. Pero nagulat sya ng bigla syang suntukin sa panga ni Romeo.. Hilong bumagsak sa lupa ang binata at halos panawan na sya ng ulirat.. Napasigaw ang mga dumadaang estudyante pero ng makita nilang si Romeo ang may pakana.. Isa isa silang nag silayuan.. A-anong ibig sabihin nito..?.. mahinang tanong ni Estong.. Hilong hilo sya na naka lupasay sa lupa.. Yumuko si Romeo .. Fuck you.. Malas mo pare.. That boyfriend of Hannah happens to be my brother.. Thank you sa 10 Thousand.. Marami ka pa naman siguro nito eh.. Donation sa mga nasalanta ng bagyong Habagat..Salamat.. sabi ni Romeo at walang sabi sabing hinabol ang dalaga.. Gulat na gulat si Estong.. Ilang sandali pa syang tulala bago nagpasyang tumayo at galit na umalis na din.. Nakayuko ang ulo nya dahil ayaw nyang masalubong ang mga nang iinsultong mukha ng mga nadadaanan nyang mga estudyante.. Mabilis na nakatawag ng taxi si Hannah.. Diretso Manong.. luhaang sabi ni Hannah.. Bago pa makaandar ang taxi ay may humarang na binata sa harapan.. Pagtingin nya ay si Romeo pala.. Agad sumakay ang binata.. Sige na manong.. Sa Corinthians ho.. sabi ni Romeo. Luhaan na pinagpapalo ni Hannah ang dibdib ni Romeo.. Nasasaktan man.. Di na lang nagreklamo ang binata .. Pagdating sa gate ng mga Montefalco.. Agad na bumaba ang dalaga at tumakbo papasok ng bahay..

Magkano manong?.. tanong ni Romeo.. 500 boy.. sagot ng driver.. Napakunot noo si Romeo at inalis ang hita ng driver na nakaharang sa metro.. Putsa.. 150 lang oh.. Wag ganyan manong.. sabi ng binata.. Napakamot na lang ang driver pero napangiti na din sya ng abutan ng 500 ng binata.. Wag ganyan manong.. Di sa lahat ng oras may mapagsasamantalahan ho kayong pasahero.. sabi ng binata at bumaba na din ng taxi.. Tulala lang ang driver.. Patakbong umakyat si Hannah sa hagdan.. Nasalubong nya pa si Cynthia na kalalabas lang ng kusina.. Hi Sis.. Aga mo ata?.. tanong ng dalaga pero nagulat sya ng lampasan lang sya ng kaibigan.. Hinatid na lang nya ng tingin si Hannah.. Eksaktong pumasok din si Romeo.. San na si Lelay?.. tanong ng binata.. Nginuso ni Cynthia ang second floor.. Napabuntong hininga si Romeo at naupo sa mahabang sofa.. Kinuha ang remote at binuksan ang TV.. Tumabi sa kanya si Cynthia.. Oy.. Anong nangyari don?.. tanong ng dalaga.. Pinatay ni Romeo ang TV ng walang magustuhang palabas.. Pagod lang siguro.. sabi ng binata.. Napakunot noo si Cynthia.. Pagod?.. Eh umiiyak?.. tanong nya.. Ngumisi si Romeo.. Baka natisod.. Tapos nakatapak ng pako kaya napaiyak sa sakit.. Takbo kasi ng takbo eh.. biro ng binata.. Pero di natawa si Cynthia.. Ano nga?.. pangungulit ng dalaga.. Sumeryoso si Romeo..

Di ko alam kung paano i eexplain pero hayaan mo na muna sya.. May gusto lang akong hilingin sayo..Teka , bakit nandito ka pala?.. tanong ng binata.. Natawa si Cynthia..Pero di ito umabot sa magagandang mata nya.. Mahabang kwento.. Remember Jim?.. Yung ginulpi nyo sa bar?.. tanong ng dalaga. Tumango si Romeo.. It so happened na pagtapos ng incident na yon.. Grounded ako for 1 month.. malungkot na kwento ni Cynthia.. Napangisi si Romeo .. Buti 1 month lang?.. Kung ako tatay mo .. Kakalbuhin pa kita.. biro ng binata.. Natawa din si Cynthia.. Pero syempre.. Tumakas ako.. May nakilala akong guy .. Sad to say.. Member sya ng Frat.. biglang tumulo ang isang luha ni Cynthia.. Poker face lang si Romeo. Wag mo na ikwento kung di ka pa handa.. Anyway.. May ipakikiusap lang ako sayo.. sabi ng binata.. Napangiti si Cynthia at pinahid ang mga mata.. May kasalanan ka pa sa akin.. sabi ng dalaga.. Natawa si Romeo at nagkamot ng batok.. Sorry.. Di ko na maalala eh.. palusot ng binata.. Sumimangot si Cynthia.. Remember ng sinabihan mo akong bakat ang nipples ko nung first day of class?.. Ako lang naman ang sumampal sayo.. maangas na sabi ng dalaga. Natawa ng malakas si Romeo.. Ah yun ba?. Anyway.. Talaga naman kasing bakat eh.. sabi lang nya.. Napanguso si Cynthia.. Yaan mo na yon.. Friends na din tayo.. Yung ipapakiusap ko sayo.. sabi ni Romeo.. Tumango si Cynthia.. Ano yon?.. tanong nya.. Sumeryoso ang mukha ni Romeo at tumayo na.. Lumapit sya sa pinto at nilingon ang dalaga.. Dont ask Hannah about what happened.. Wag mong itanong kung anong dahilan kung

bakit sya umiiyak.. Basta ang mahalaga.. Damayan mo lang sya. Hayaan mong sya ang kusang magkwento.. Sige.. Bye bye.. sabi ng binata at tuluyan ng lumabas.. Narinig pa ni Cynthia na nagbukas sara ang gate na bakal.. Nakangiti nyang tinahak ang hagdan paakyat at nilapitan ang pinto ng kaibigan.. Kakatok na sana sya ng makarinig ng mga lagabog.. Agad nyang pinagkakatok ang pinto... S-sis.. Let me in.. sabi ng dalaga.. PEro walang sumasagot.. Muli syang nakarinig ng kalabog.. Nakaramdam ng takot ang dalaga at tumakbo pababa ng hagdan.. Tinakbo nya ang malaking refrigerator at kinapa ang mga reserbang susi.. Agad nyang tinakbo ang pabalik sa kwarto ni Hannah at sinuksok ang spare key.. Pagbukas ay nanlaki ang mga mata ni Cynthia.. Hannah !.. sigaw nya.. Chapter 34 Revelation.

Dalawang bahay pa lamang ata ang nalalakad ni Romeo mula sa bahay ng mga Montefalco ng makarinig sya ng pagbukas ng gate.. Paglingon ng binata ay napakunot ang kanyang noo ng makitang papalabas ang isang magarang kotse mula dito.. Saglit na huminto si Romeo upang abangan ang paparating na kotse.. Sa isip sip ay ayos, libre pamasahe... Huminto sa harap ni Romeo ang sasakyan at bumaba ang tinted na salamin sa drivers seat.. Ang nagpapanic na mukha ni Tatay Bert ang bumungad sa kanya.. "Kuya.. Pasabay." nag beautiful eyes pa si Romeo na binuksan ang pinto.. Pero nagulat sya ng makitang umiiyak si Cynthia sa backseat habang kalong si Hannah na walang malay.. "What.. What happened?.." sigaw ni Romeo.. Di na nakapagsalita si Tatay Bert at agad na pinasibad ang kotse.. "Cynthia !..Anong nangyari sa kanya?." tanong ng binata. Tanging hikbi lang ang sinagot ni Cynthia bago nagkwento..

"Di ko alam.. Nakita ko na lang sya sa room nya na wala ng malay.. Natatakot ako.." umiiyak na sagot ng dalaga.. Sinalat ni Romeo ang leeg ni Hannah at medyo nakahinga ng maluwang.. "Akala ko dedo na.." sabi ng binata. Bigla syang kinotongan ni Cynthia.. "Tado ka !.. Wag kang magbibiro ng ganyan !.." sigaw ng dalaga.. Natawa si Romeo at sumandal sa upuan. "Dun na sa Ospital sa malapit manong.. May Kaibigan kaming Doctor don.." sabi ng binata.. Tumango ang matandang driver na kinakabahan na din.. Natawa si Romeo.. "Relax guys.. Nakatulog lang sya.. Malamang dahil sa antok at pag-iyak nya.." sabi pa nya.. Kinalabit sya ni Cynthia.. "Ano ba kasi nangyari?.. Kayo ang magkasama kanina eh.." kulit ng dalaga.. Natahimik si Romeo at nagtangis ang mga bagang.. "Mahabang kwento eh.. Hintayin natin syang magising at sya ang tanungin mo .. For the meantime.. Kumalma na muna kayo dahil di makakatulong ang pag hyhysteria nyo.." cool na sabi ng binata. Tumango ang matandang driver at natawa ng mahina.. Tahimik nilang binagtas ang daan papunta sa nasabing Ospital. Pagdating sa Ospital ay agad na inalalayan ni Tatay Bert ang dalaga.. Agad na pumasok si Romeo at ilang saglit pa ay may hatak na syang strecher kasama ang dalawang lalaking nurse.. Pati si Nurse Joy ay nakasunod sa binata at nag aalala din.. "Hala.. Sya ba yun Rom?.." tanong ni Joy. Tumango ang binata.. "Oo Ate.. Paki asikaso naman o.. Nag text na ako kay Tito Zack. " imporma ni Romeo.. Mabilis na inasikaso ng mga staff si Hannah.. Agad itong naikuha ng kwarto at ilang saglit pa ay pumasok na si Doctor Zack.. Napangiti na tinapik ni Romeo ang tiyuhin at lumabas ng kwarto.

Nilabas nya ang cellphone at isa isang tinext ang mga kapwa alas ... Sa huli ay nag dalawang isip ang binata kung padadalhan din ba ng mensahe si Aldrin.. Pero nagbago ang isip nya at naisip na may karapatan ang kaibigan na malaman ang nangyari sa kasintahan.. Kasalukuyang pauwi na si Aldrin ng makatanggap ng text. Agad syang nagtaka ng makita ang pangalan ni Romeo sa screen ng cellphone nya.. Hindi ugali ng kaibigan ang magtext.. Kadalasan ay mga importanteng pangyayari lamang ang tinetext nito kaya naman agad na binuksan ni Aldrin ang mensahe. Halos mabitawan nya ang hawak na cellphone ng mabasa ang nilalaman ng text ng kaibigan.. Di na sya nakapag isip pa.. Mabilis syang pumara ng taxi at pinasibat ito patungo sa ospital na pinagtatrabahuhan ng tiyuhing doktor. Kalahating oras ang lumipas ng marating ni Aldrin ang Ospital.. Galit na galit sya sa dalawang motoristang nagbanggaan na sanhi ng pagkakaipit nila sa mahabang trapiko.. Halos liparin nya na ang elevator ng maalala na di nya pa alam kung nasaan ang room ng nobya.. Muli syang tumakbo papunta sa Reception at nagpasalamat ng makilala ang naka assign na receptionist.. "Ate.." hingal na sabi ni Aldrin. Tumango si Joy .. "Alam ko.. Room 214.. Third Floor.. Dalian mo at nandun na silang lahat.." mabilis na imporma ng kaibigan nurse.. Agad nagpasalamat si Aldrin at muling tumakbo papuntang elevator.. Nanlaki ang mga mata nya ng makitang papasara na ito.. Bumangga pa ang binata pero sa malas ay di nya naabutan..Galit at Hingal na tinungo ni Aldrin ang hagdan.. Halos tagaktak na ang pawis nya sa kakatakbo pero kamangha manghang ni hindi pa sya nauubusan ng lakas.. Pagdating sa third floor ay isa isang dinaan ni Aldrin ang mga kwarto.. Pawang mga may kaya ang nakaconfine dito sa floor na ito.. Pero di nya makita ang nasabing silid.. Babalik na sana sya sa elevator para sana magpasama sa kaibigang nurse ng mahagip ng mga mata nya na naglalaro ng PSP si Romeo at nakaupo sa isang bench.. Agad tinakbo ni Aldrin ang kaibigan..

"Tol.." hingal na sabi nya.. Di nagsalita ni hindi tumingin si Romeo sa kanya.. Tinuro lang nito ang katapat na kwarto.. Bagamat nagtataka sa kalamigan ng pagtrato ng kaibigan sa kanya.. Napangiti si Aldrin ng makita ang hinahanap na kwarto.. "Thanks pre.. S-sige.." atubiling pumasok si Aldrin.. Napasandal sya sa pader sa tabi ng pinto ng magsalita si Romeo.. "Ano pang hinihintay mo?..Gising na sya.." sabi ng binata.. Nananatiling nakatutok ang mga mata nito sa nilalaro.. "Nahihiya ako pare.." sabi ni Aldrin.. Napaismid ang kaibigan nya.. "Pumasok ka na.. Wag mo ng dagdagan ang kasalanan mo.." sabi lang ni Romeo.. Nagtaka si Aldrin.. "A-anong kasalanan?.." tanong nya.. Nilapag ni Romeo ang PSP at tinitigan ang kaibigan.. "Talaga bang wala?.. Wag mo akong paglakuan pare.. Pumasok ka na.." seryosong sabi ng binata.. Nakipagtitigan si Aldrin sa kaibigan.. Pilit nyang nilalaban ang nanunuring tingin nito pero sa huli ay sya ang sumuko.. "S-sige pre.. " sabi nya.. Nakaharap lang sya sa pinto..Parang naestatwa na sya sa kinatatayuan.. Asar na tumayo si Romeo at pinagkakatok ng tatlong mamalakas na ulit ang pinto at muling naupo at naglaro. Gulat pero napakamot na lang sa batok si Aldrin. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Krissia. Napasimangot ito ng makita ang binata. "Bakit ngayon ka lang?.. " taray ng dalaga.. Tahimik na ngumiti ang binata at dahan dahang pumasok sa kwarto. "Oy Rom.. Ano daw gusto mong miryenda?.." tanong ni Krissia.. "Lemon Square.. Cheese.. 3 Piesces.. 1 Diet Coke.. That would be all.." dire diretsong sabi

ni Romeo.. "Sira ulo.. Parang nag order ka lang ah.. Walang lemon square dito.. Pumasok ka nga kase.. Ano bang ginagawa mo dyan?.." asar na tanong ni Krissia.. Natawa si Aldrin... "Nag chichix hunt yan.. " sabi nya sa dalaga. Pero sumimangot si Krissia at dinutdot ang dibdib ng kaibigan.. "Pumasok ka.. " utos nya.. Tumayo si Romeo at pumasok sa loob.. Sinara ni Krissia ang pinto at tinulak si Aldrin papasok.. Tumambad kay Aldrin ang mga kaibigan nya.. Kumpleto .. Nagulat pa sya ng makita ang Ina.. "Mom?.." tanong ng binata. Seryosong tumango lang ang ina ni Aldrin.. Kinabahan ang binata.. Isa isa nyang tiningnan ang mga kaibigan.. Parang malamig ang pakikitungo ng lahat sa kanya.. Nagtataka man ay unti unti ng nakakaramdam ng kaba ang binata... Nilapitan nya ang kasintahan.. May luha sa mga mata ni Hannah ..Nagbaling ito ng tingin at iniwasang tingnan ang binata.. Sa di kalayuan ay sumandok ng spaghetti sina Romeo at Darius.. Tahimik lang silang kumain.. "Pre.. T-totoo ba?.." mahinang tanong ni Darius.. Tumango si Romeo.. Tumabi sa kanila sina Rhoi at Krissia.. Maging si Cynthia ay tumabi kay Romeo at nakitusok ng spaghetti ng binata.. Ngumiti lang si Romeo at kinindatan ang dalaga.. "Ano ba kasi ang buong kwento?.." tanong ni Krissia.. Lahat sila napatingin kay Romeo.. Na concious tuloy ang binata.. "Tangna nyo.. Wag nyo nga akong titigan kapag kumakain ako.." reklamo ni Romeo..

Natawa naman sila ng mahina.. "Ano ba kasi yon?.." landi ni Darius. Tumawa si Romeo at uminom ng Coke.. Nilapag nya ang plato ng spaghetti at isa isang tiningnan ng seryoso ang mga kaibigan.. "Ganito kasi yon guys... Tara lapit kayo.." seryosong bulong ni Romeo.. Lahat naman nagsilapit sa kanya at halos magdikit na ang kanilang mga ulo..Biglang pinag uuntog ni Romeo ang mga kaibigan at tumawa ng malakas.. "Mga abnoy.." pang aasar nya.. Tumawa din sina Rhoi at Darius.. Sinakal nila ang kaibigan hanggang sa umamin ito at magkwento.. Nagpunas ng mga labi si Romeo.. Sumandal sa upuan at tinitigan si Aldrin na tahimik at hawak ang isang kamay ni Hannah.. "Di ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ito guys.. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ba ako para sabihin ito sa inyo.." sabi ng binata.. Nagseryoso ang mga kaibigan nya.. "Sige pre.. Kung masyadong maselan .. WAg na lang .." sabi ni Darius.. Umiling si Romeo. Maging sya ay naguguluhan na.. Di nya maipagtagpi tagpi ang mga pangyayari.. Ang mga tauhan sa kwento.. Parang may mali .. "Siguro naman di sasama ang loob sa akin ni Potpot.. Anyway guys.. You have to know something.. It's about Bea.." bungad ni Romeo.. Lalong na curious ang mga kaibigan nya. "What about Bea pre?.." tanong ni Rhoi.. Lalong nag seryoso si Romeo.. "May anak sya.." dagdag nya.. Napaugnol si Darius at Rhoi.. "We both know that pare.." reklamo nila.. Pero umiling si Romeo.. "Yea.. Pero that's only the cover of the book.. Ang mahalaga ay yung nilalaman.. Bea claimed that Aldrin is the father of the son.. " mahinang kwento nito..

Parang sumakit ang ulo ng lahat.. Tulala at walang nakapagsalita. "Serious pre?.." tanong ni Rhoi. Tumango si Romeo at nagbaling ng tingin.. NAgtagis ang bagang ng tatlong alas.. Si Krissia at Cynthia nagsimula ng makaramdam ng awa para sa kaibigan nilang si Hannah.. "How about Hannah?.." humihikbing tanong ni Krissia. Sumandal sya sa balikat ni Rhoi.. "Kailangan nilang mag hiwalay.. I guess.." sabi ni Darius. Di nagkomento si Romeo..Nahulog sya sa malalim na pag iisip.. "We can work it out.. Tulad ng dati.." suhestyon ni Rhoi.. Pero umiling si Romeo.. "I don't think so.." bulong nito.. Napabuntong hininga na lang ang binata.. "That's fate pare.. Hinahadlangan sila ng Fate.." maasim na sabi ni Darius. Humikbi na din si Cynthia at nagtakip ng mukha.. Awang awa sila para kay Hannah.. "Kaya nating labanan ang Fate..Di ba ikaw na ang nagsabi Rom?.. Tutulungan natin si Potpot.. " banat ni Darius. Pero tahimik lang si Romeo.. "Right.. Kwadro Alas laban sa Tadhana.. O diba Bongga?.." pilit hinaluan ni Rhoi ng biro ang usapan.. Para naman kahit paano ay gumaan ang atmosphere.. "Are you sure na Kwadro Alas tayong Lalaban?.. Baka Trio Alas na lang.. " makahulugang sabi ni Romeo.. Napakunot noo naman sina Darius at Rhoi.. "What you mean pare?.." tanong ni Darius.. Ngumisi si Romeo.. "I have this feeling na sumuko na si Potpot.. I don't know.. Pero ramdam ko.. " sabi ng binata.. Lalong nanlumo sina Rhoi at Darius sa sinabi ng kaibigan.. Sinulyapan nila ang magkasintahan na di pa rin nagsasalita at nagpapakiramdaman lang.

Biglang tumayo si Romeo.. Nag-inat ng braso at uminom ng coke.. "Have to go.." sabi nya. Nagulat ang mga kaibigan nya.. "Tae ka.. Kakarating lang naten.. Maaga pa.." awat ni Darius.. "Oo nga naman.. Langya to. Walang pakisama ampota.." banat ni Rhoi. Ngumisi si Romeo. "Actually mga pare.. Wala akong pakialam sa dalawang yan.. Nandito lang ako sa libreng miryenda.." banat ni Romeo.. Muli nyang sinulyapan ang magkasintahan.. "Tita.. Alis na po ako.. Salamat sa miryenda.. " paalam ni Romeo. Tumango ang nanay ni Aldrin na tahimik na nakaupo sa kaliwang bahagi ni Hannah.. Tumitig lang si Aldrin sa kaibigan.. Nagsisintir ang kalooban nya dahil parang wala man lang pakisama ang kaibigan nya sa sitwasyon nila ni Hannah.. Ngumiti pa si Romeo bago buksan ang pinto at walang sabi sabing lumabas ng kwarto.. Napanganga lang sina Krissia at Cynthia.. "Grabe.. Ni hindi man lang nya tayo hinintay?.. " tanong ni Krissia.. "Tama ka sis.. GAnun ba talaga yon?.. WAlang pakisama?.. Ang sama pala talaga ng ugali nong kaibigan nyo.." nakasimangot na sabi ni Cynthia.. Tahimik lang na nagkatinginan sina Darius at Rhoi.. Walang nagsalita sa kanila laban sa kaibigan nila.. Batid nila na may dahilan ito.. Ayaw lamang ipaalam sa kanila.. Hinalikan ni Aldrin ang kamay ni Hannah. Nanigas ang dalaga at pilit na binabawi ang braso sa binata.. "H-heart.. What happened?.." tanong nya. Naiyak bigla si Hannah.. Nakakaunawang lumayo ang ina ni Aldrin at tumabi sa mga kaibigan ng anak.. "H-heart..Please.. Talk to me.." bulong ni Aldrin..

Humikbi si Hannah.. Masuyong pinahid ni Aldrin ang tumakas na luha sa mga mata ng dalaga.. Hinawakan nya ang baba ng kasintahan at dahan dahang hinarap sa kanya.. Hinaplos ng awa ang puso ng binata para sa nobya.. "H-heart.." untag ng binata.. Nagsimulang tumulo na parang gripo ang mga luha sa pisngi ng dalaga... Nilabas ni Aldrin ang sariling panyo at masuyong pinunasan ang mga luha ng kasintahan.. "I-is it true?.." mahinang tanong ni Hannah.. Ni hindi man alam ni Aldrin ang direktang tinatanong ng dalaga pero may Idea na sya kung ano ito.. "A-alin Heart?.. " pag maang maangan ni Aldrin.. Napangiti ng malungkot ang dalaga.. "It's about the baby.." bulong nya.. Matagal bago tumango si Aldrin.. Bagamat kanina pa alam ni Hannah ang balitang iyon.. Nagulat pa rin sya sa pag amin ng kasintahan.. Parang may malamig at malalaking mga kamay ang dumaklot at pumiga sa puso nya.. Mabuti na nga sigurong ganoon.. Para huminto na lang sa pagtibok ang puso nya at di na maranasan ang pagkasawi ng pag-ibig.. "G-ganon ba?.." nakangiting tanong ng dalaga.. Pero batid ni Aldrin na pilit lamang ito para pagaanin ang sitwasyon.. Akala nya wala ng mas sasakit pa sa naramdaman nya nuong gabing malaman nya ang tungkol sa anak ni Bea.. Pero mali pala sya. Ngayong nakikita nya ang paghihirap sa mukha ng pinakamamahal na kasintahan. Parang balewala ang naramdaman nyang sakit.. Doble o baka nga triple pa ang katumbas ng sakit na nararamdaman nya dahil sa nakikitang paghihirap ni Hannah.. Walang salitang lumabas sa bibig ng binata. Wala syang ibang alam gawin kundi hagkan ang labi ng katipan at iparamdam dito na ito at ito lamang ang tangi nyang mamahalin.. Masuyong ginantihan ni Hannah ang halik ni Aldrin.. Sa isip isip nya ay maaring ito na ang huling pagdampi ng labi ng binata sa mga labi nya.... Susulitin na nya.

Parang disyertong matagal na di nauulanan ang labi ni Hannah.. Tanging labi lamang ng binata ang makakatighaw sa pagkauhaw nya.. Pero di ito yung natural na uhaw na nararamdaman ng bawat tao.. Ilang minuto bago nagkalas sa paghahalikan ang dalawa. Di lumayo si Aldrin sa kasintahan.. Hinaplos nya ang pisngi nito.. Ganun din ang ginawa ni Hannah.. Bugso ng masidhing damdamin at pananabik sa isa't isa.. Muli nilang pinagsaluhan ang isang mahabang halik.. Nais nilang sa pamamagitan nito.. Maiparamdam nila ang pagmamahal na maari ng makulong na lang sa kani kanilang mga puso dulot ng masamang balita na hatid ni Bea. Di nila alintana ang ibang laman ng kwarto..Pakiramdam nila ay napunta na sila sa ibang dimensyon.. Tanging sila lamang.. Pero kailangan nilang salubungin ang reyalidad.. Malungkot na ngumiti si Hannah.. "Heart.. Anong nangyari sayo?.." bulong ni Aldrin.. Hinaplos ni Hannah ang pisngi ng kasintahan.. "Nadulas lang ako Heart.. Di ko kasi napansin y ung nahulog kong cologne.. Nadulas ako. Sinubukan kong tumayo pero nahilo na ako tapos bumagsak ulit..Duon tumama sa study chair yung head ko.. " paliwanag ng dalaga.. "Ano ba kasi ginagawa ng cologne don?.. Bakit di mo nakita mahal?.." masuyong tanong ni Aldrin.. Ngumiti ng malungkot si Hannah.. "Nanlalabo mata ko mahal.. Umiiyak kasi ako that time.." bulong nya.. Nanliit sa hiya ang binata.. Lalong nagsikip ang puso nya at nakaramdam ng awa para sa kasintahan.. Naiiyak na niyakap ng mahigpit ni Aldrin ang nobya.. "Im sorry Heart.. Sorry talaga.." tanging nasabi ni Aldrin.. Tahimik na tumango si Hannah at ginantihan ng yakap ang kaibigan.. Ramdam ng mga nasa kwarto ang bigat ng sitwasyon... Sa labas ng Ospital.. Nakatiim ang mga bagang ni Romeo.. Nilabas nyang muli ang cellphone at nag simulang mag dial ng numero..

Sa huli ay nagdalawang isip syang tumawag na lang.. Tumawid sa kabilang kalye ang binata at pumara ng jeep.. Seryoso ang mukha nya.. Galit ang nakabadha.. Pero di nya maiwasan ang matawa.. Naglalaman ng tatlong pasahero ang sinakyan nyang jeep.. Isang matandang babae at isang magandang babae na nakasuot ng asul na uniporme na karaniwang sinusuot ng mga therapist sa spa.. Nakasuot ito ng backpack .. Nasa gitna ang babae.. Katapat ang matanda.. Nasa dulo ng jeep si Romeo.. Malapit sa pinto. Patingin tingin sya sa magandang dalaga.. Di nya alam ang nararamdaman.. Oo nga at mahilig sya sa magaganda.. Pero ang di nya maintindihan ay kung bakit ayaw nyang tantanan ng titig ang nasabing dalaga.. Maraming magaganda na syang naging kasintahan.. Di pa kasama ang mga flirts .. Pero iba talaga ang kabog ng dibdib nya.. Natatawa na lang sya sa sarili.. Ilang saglit pa ay lalong napangiti ng lihim ang binata.. Naglabas ng maliit na kahon ang dalaga mula sa backpack nito. Akala ni Romeo gamit ito sa pagmamasahe o sa pananahi.. Kadalasan kasing sewing kits or kikay kits ang laman ng ganitong maliit na kahon pero natawa sya ng makita ang laman nito.. Kanin at Ulam.. Nagsimulang maglabas ng kutsara ang dalaga at walang sabi sabing sumubo ng kanin.. Tinago ni Romeo ang pagtawa.. Sa ugali nyang mapagmasid.. Masasabi nyang mahirap lang ang dalaga.. Base sa suot nitong lumang puting sapatos.. Lumang backpack.. at lumang uniporme na may tahi pa sa bandang ilalim ng kili kili.. Pero di sya mapangmata para ito ang punahin.. Ang kamangha mangha dito ay parang wala itong pakealam kung ano ang sasabihin ng makakakita dito.. Kumakain ito ng walang kyeme at poise.. Sa ikalawang pagkakataon.. Humanga si Romeo.. Matagal na panahon na din mula ng maramdaman nya ito sa babae...

Ngumiti na lang sya at tinandaan ang mukha ng dalaga.. Ilang minuto, bumaba si Romeo sa tapat ng isang subdivision.. Di ito tulad ng sa kanila na mamahalin pero masasabing malinis at tahimik naman.. Walang gwardya na nakatoka sa front gate kaya malayang pumasok ang binata.. Determinado ang mga hakbang na tinahak ang pakay.. Ilang saglit pa ay huminto sya sa tapat ng lumang gate na bakal at nag doorbell. Ilang saglit din ang hinintay nya bago marinig ang pagbukas ng pinto.. "Saglit lang naman.." reklamo ng tinig sa kabila.. Asar na binuksan ng babae ang pinto pero nagulat sya ng makilala ang bisita. "R-rom.." mahinang sabi ng dalaga.. Napangisi si Romeo .. "Can I come in?.." tanong nya.. Matagal bago tumango ang babae.. Niluwagan nya ang daanan at pinapasok ang binata.. Tahimik nyang sinara ang gate at nagpauna sa pagpasok sa bahay.. Sumunod naman si Romeo sa babae.. Pagpasok sa bahay , unang napansin ng binata ang sanggol na nakahiga sa crib di kalayuan.. Tulog na tulog ito.. Lalong nagsalubong ang kilay ni Romeo.. "U-upo ka .." sabi ng dalaga.. Tumango si Romeo pero di sya naupo.. Lumapit sya sa sanggol at tinitigan ang mala anghel na mukha nito. Nakaramdam ng takot ang dalaga.. Sa lahat ng alas.. Dito sya pinaka ilag.. "R-rom.. J-juice?." tanong ng babae.. Tumango si Romeo at ngumiti.. "Sige.. Bili ka din ng Lemon Square.." sabi nya..

Natawa ang babae.. "Kapal din eh no.. Di ka pa rin nagbabago.. Sige saglit lang.." sabi nya at lumabas ng bahay. Naiwan si Romeo.. Pilit nyang minemorya ang mukha ng sanggol.. Naghahanap ng maaaring maging palatandaan na anak ito ng kaibigan nya.. Wala.. Pero di nakuntento si Romeo.. Alam nyang sanggol pa lamang ito at maaari itong maging kamukha ng kaibigan sa paglaki nito.. Yun ay kung anak nga talaga ni Potpot ang bata.. Tahimik na nilibot ni Romeo ang paningin sa buong bahay.. Di naman masasabing maliit pero di rin malaki ang tinitirhan ni Bea.. Nagtataka sya..Talagang nakapagtataka.. Maraming mali sa kwento.. At dito sya magsisimula.. Ilang saglit lang ay dumating si Bea dala ang apat na lemon square.. Nilapag nito sa mesa ang hawak at pumasok sa kusina para magtimpla ng juice. Naglalaway na nilantakan ni Romeo ang nasabing pagkain.. Pagdating ni Bea dala ang juice at di nya maiwasan ang matawa .. "Ngek. Nasan na yung dalawa?.. Apat yan ah.." natatawang sabi ni Bea. Nagkibit balikat si Romeo.. "Wala akong alam.." biro nya.. Tawa ng tawa si Bea.. Nilapag nya ang baso ng juice at naupo sa harap ng binata.. Uminom si Romeo.. "A-anong atin Rom?.." tanong ng dalaga.. Nilapag ni Romeo ang juice at tinitigan ang dalaga.. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Bea..Nagbaling sya ng tingin.. "Totoo ba?.." tanong ni Romeo.. Napatingin si Bea sa binata..

"A-ang alin?.." tanong nya. Natawa naman ang binata .. "Wag ka ng mag maang maangan Bea..Talk to me.." utos ni Romeo.. Nahindik si Bea at napatayo.. "Wala akong alam sa sinasabi mo.. " sabi nya.. Sumandal sa upuan ang binata.. "Really?.. Okay.. Kunwari sasakyan kita.. Ano naman daw ang purpose mo ?.. Bakit ngayon ka lang lumitaw?.. " tanong ni Romeo.. Napaupo si Bea.. "Wala kang pakealam Romeo.. Tulad ng sinabi ko kay Rhoi .. Di ito tulad ng mga dating laro ninyo.. " sabi ng babae.. "Sino ba ang naglalaro Bea?.. Kami nga ba o Ikaw?.. Or should I say na Kayo?.." tanong ni Romeo.. Nahindik si Bea . . "Anong kayo?.." tanong nya. Ngumisi si Romeo. "Sinabi ko na sayo..Kunwari sasakyan ulit kitang di ko alam ang iniisip mo.. Alam kong may purpose ka Bea.. Di ka ganyan.. Baket?.." tanong pa nya.. Nagbaling ng tingin si Bea at tinitigan ang sanggol na tahimik na natutulog sa crib.. Napatingin din si Romeo.. Unti unting nagliliwanag ang isip nya.. "The baby.. I know.. Di mo sya anak.. At lalong di sya anak ni Potpot.." biglang sabi ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ni Bea .. "W-what are you saying?.. Baliw ka ba?.. " sigaw ni Bea.. Biglang nagising ang bata.. Tarantang kinarga ng babae ang sanggol at tinignan ng masama si Romeo.. "Di ka na nakakatuwa Romeo.. Kung di nakakasama sayo.. Umalis ka na.." mahinang utos ni Bea.. Tumango ang binata at tumayo.. Pinagpag nito ang pwet.. "Sige Bea.. Kung yan ang gusto mo.. Aalis ako.. Pero eto ang gusto kong isiksik mo sa kukote mo.." matigas na sabi ni Romeo..

Nakaramdam ng takot si Bea. "Di dito natatapos ang problema Bea.. Ang baluktot na mga bagay ay di masosolusyunan ng paggawa ng isa pang kabuktutan.. Matuto kang mag isip.. Wag mong gamitin ang bata para sa pansarili mo lamang.. " madiing sabi ni Romeo. Napatingin si Bea sa binata at umiling.. "Nagkakamali ka Rom.. Di ko sya ginagamit.. " mahinang sabi ni Bea. Umiling si Romeo.. "Wag kang magtago sa inosenteng sanggol Bea.. Alam ko na ang lahat.. Walang nagsabi pero siguro ginagamit ko lang talaga ang utak ko.. Ikaw.. May sarili kang utak .. Gawin mo ang tama.. ! Di ka ganito.. Di ka masamang babae.. Pero pinili mong magpauto at magpailalim sa hangal na tao..Hahanapin kong mag isa ang utak sa likod ng kabaliwang ito Bea.. Pero sad to say.. Di ako naniniwalang anak ni Aldrin ang batang yan.. Pero dahil sa ginawa mo.. Maghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan.. Masasaktan ang dalawang nilalang dahil sa pansarili nyong mga kaululan... Alam kong matalino ka Bea.. Isipin mo ang kahihinatnan ng mga pangyayaring ito.. Sige.. Aalis na ako.." paalam ni Romeo. Pero bago pa sya lumapit sa pinto ay nagsalita si Bea. "R-rom.. S-sorry.." sabi nya. Galit na lumigon si Romeo. "Wag saken Bea.. Dun kay Hannah.. Sya, higit sa lahat ang lubos na nasaktan sa ginawa mo.. Ninyo !.. Alam kong di ka nag iisa.. Eto ang sinasabi ko sayo.. Kapag ako ang nakahanap sa kanya.. Patawarin ako ng Diyos Bea.. Pero idadamay kita.. Masama ang ugali ko .. Tandaan mo yan.." madiing paliwanag ni Romeo. Napaiyak si Bea at niyakap ang sanggol.. "R-Rom.. !.." sigaw nya.. Naiyak na din ang sanggol na karga nya.. Tumitig si Romeo sa babae.. "S-si Stefen...Si Stefen ang may pakana nito..Sya ang nag utos na paghiwalayin ang dalawa.. Patawarin nyo sana ako.." paglalahad ni Bea.. Biglang tumawa si Romeo.. "Sino yon?.." tanong nya.. Ngumiti na din si Bea at kinuha ang bote ng gatas ng bata..Pero ayaw nitong tumigil... Nagkibit balikat si Romeo at kinuha ang sanggol.. Kataka takang bigla itong tumigil sa pag iyak.. "Naks.. Galing ah.." puri ni Bea..

Tumawa si Romeo at hinalikan ang bata. Tinitigan nya ng seryoso ang babae.. "Samahan mo ako..Ikaw ang magsabi sa kanila.." seryosong sabi ni Romeo. Nanlaki ang mga mata ni Bea.. "Wag ka ng maarte.. Kasalanan mo ito.. Sige na.. Mababait naman sila.. Sasama na natin itong si tabachingching.. Teka.. Yung tanong ko kanina.." tanong ni Romeo.. "Ano?.." sabi ni Bea. "Di mo ito anak.. Kaninong anak to..?.." tanong ng binata.. NApabungisngis si Bea at piningot ang tenga ni Romeo. "Ang lakas mo talaga makaamoy eh no.. Tama ka.. Di ko anak yan..Kay Ate yan.." sabi ni Bea.. Kumunot noo ang binata.. "Sinong Ate?.." tanong nya. Napangiti si Bea at malungkot na naupo sa sofa.. "Si Ate .. Nakalimutan mo na?.. Yung tinanong mo dati na kung nagmomodelling ba?..Di mo matandaan?.." nakangiting tanong ng dalaga.. Naupo si Romeo sa tabi ni Bea at nag isip.. Bigla syang tumawa .. Pati ang sanggol ay bigla ding tumawa.. "Si Ate Venice?.. Yung pinsan mo?..Anak nya to?.. Kamusta na nga pala sya?.. Sus.. Kaya pala ang ganda eh.. Sorry ah... Pero mas maganda ito sayo.." hinalik halikan ni Romeo ang bata.. Pero di nakapagsalita si Bea . Bigla itong humikbi.. "Oy.. Ano ka ba?.." tanong ni Romeo.. NAgpunas ng luha ang dalaga.. "P-patay na si Ate.. Namatay sya pagkapanganak dyan kay Veronica.." kwento ni Bea.. Natahimik si Romeo.. "S-sorry.. Wala ng tao dun sa condo na tinulugan natin dati?.." tanong ng binata.. Tumango si Bea.. "Yea.. Pinagbibili ko na nga.. Sa akin na nakapangalan yon eh.. Naisalin na sa akin ni Ate Venice.. Ewan ko ba.. Parang alam na nyang may mangyayaring masama sa kanya.. Bago pa sya manganak.. Binilin nya sa akin ang bata.. At may sinabi sya.." kwento ng dalaga.. Nacurious si Romeo.. "Ano daw?.. Na tomboy sya?.." biro ni Romeo..

Piningot ni Bea ang tenga ng binata.. "Di no.. Sinabi nya kung sino ang ama ng bata.." sabi ng dalaga.. "Sino daw?.." tanong ni Romeo.. Natahimik si Bea.. Yung Kuya ni Stefen.. After nyang mabuntis si Ate.. Bigla na lang syang nawala ng parang bula.. Kaya nakita nyo ako sa bus non.. Hinahunting ko si Stefen dahil sya lang ang clue sa kinaroroonan ng kuya nya.. Masyado silang makapangyarihan sa lugar nila.. Ang totoo nyan, miyembro ng kilalang Fraternity ang kuya ni Stefen.. Puro mayayaman at baliw ang mga miyembro ng Frat nila kaya lalo silang naging mahirap banggain.. Ayaw kong magpakasiguro sa future ni Veronica.. Kaya sumugal ako.. sabi ng dalaga.. Pumayag ka na makipagsabwatan kay Stefen.. Para kapag naging kampante na ang loob nya sayo.. Maaari mo ng malaman kung nasaan ang kuya nya.. Magkakapera ka pa... si Romeo ang nagpatuloy.. Napangiti ng malungkot si Bea.. Tama.. Nuon, Desidido na akong ibigay kay Kuya Steve ang bata.. Pero lately, sa twing napapatingin ako sa mga mata ni Veronica.. Parang nangungusap sya, parang nagsasabi na sa akin na lang daw sya.. Kaya ayan.. Gusto ko lang magka instant pera para sa future ni Veron.. Sorry kung di na ako nag isip.. Naging makasarili ako.. mahinang paliwanag ng dalaga.. Natahimik silang pareho. Nilaro laro ni Romeo ang sanggol at tawa naman ito ng tawa.. Ikaw .. malakas ka talaga sa girls eh.. Kahit gusto ka.. puri ni Bea. Ngumisi si Romeo at nanlalaki ang butas ng ilong.. Pogi ako eh..well.. Magbihis ka.. Time to correct some mistakes.. Ayusin natin ng sama sama ang problemang ito.. sabi ni Romeo.. Napangiti si Bea.. Tumango sya at hinalikan sa pisngi ang binata.. Akina si baby.. Sama natin sya di ba?.. sabi ng dalaga.. Tumango si Romeo at hinalinan ang sanggol.. Inabot nya ito sa babae at ngumiti.. Umakyat naman sa itaas ang dalaga kasama ang sanggol.. Nakangiting hinatid ng tanaw ni Romeo ang dalawa .. Ng wala na sa pangingin nya ay nilabas nya ang cellphone at may tinawagan. Ilang rings ang lumipas bago may sumagot. Yo !.. sagot ng lalake sa kabilang linya.

Yo !.. Uncle Gustavo !.. sigaw ni Romeo.. Narindi si Gustavo sa kabilang linya.. Putris ka.. Ano ba?..Hyper ka na naman !.. reklamo nya. Tumawa si Romeo.. Ano na daw nangyari dun sa Frat War na iniembestegahan mo?.. tanong ng binata.. NAtawa si Gustavo sa kabilang linya.. Wala pang clue. Nagtatago yung mastermind nung kabilang panig.. Pero pasasaan ba at lalabas din yon.. sabi ng batikang imbestigador. Napangiti si Romeo.. Uncle.. Tulad ng dati.. sabi nya.. Sumimangot si Gustavo.. Sus.. Sige sige.. Anong deal ngayon?.. tanong nya.. 10 Percent ng Ibabayad ng Client sayo.. Sa akin.. biglang banat ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ni Gustavo at nagkandailing.. Ano ka hilo?.. Dati 5 percent lang ah !.. Bakit ka tumaas ngayon?.. Ang daya mo na !.. Ang bata mo pa magulang ka na !.. sigaw ni Gustavo.. Wag ka ng magulo Uncle.. Bukas na bukas may Lead ka na.. Ayaw mo pa?.. Sige na.. Natural, tumataas na ang mga bilihin ngayon.. Sus naman , maliit na halaga lang yon.. If I know milyones na naman kikitain mo.. Plus Chix ka na naman nyang.. biro ng pamangkin.. Napaisip ang batikang imbestigador.. Langya ka.. Sige.. Deal.. Pero sure ball yan ah.. Ayaw ko ng palpak.. sabi nito.. Tumango si Romeo.. Sus.. Para saan pa at pamangkin mo ko.. Sige na Uncle.. Seeyah.. Nambababae ka na naman siguro.. Isusumbong kita kay Ate Camille.. biglang banat ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ni Gustavo.. Hoy !.. Wag kang maingay. !.. sigaw nya.. Pero wala ng tao sa kabilang linya.. Nakangiting tumayo si Romeo at sinalubong ang dalawa.. Lets Go?.. aya ni Romeo.. Tumango si Bea at inabot sa binata ang bata... Masaya silang lumabas ng bahay ...

Chapter 35 -

Apat na Pader

Tahimik ang buong kwarto kung saan nakaconfine si Hannah. Magkatabi lamang sila ng pinakamamahal na kasintahan.. Hawak nila ang kamay ng isa't isa upang maipadama ang wagas at tapat na pagmamahal. Sa parte ni Hannah.. Nais nyang itatak sa isip ang pakiramdam ng hawak ng nobyo.. Sa parte naman ni Aldrin.. Nais nyang maipadama ang di masukat na pagmamahal sa kasintahan. Sa kabila ng sitwasyon, ito pa rin ang kanyang nag iisa at bukod tanging reyna.. May kumatok sa pinto.. Si Rhoi na ang nagbukas.. "Tito.. Kayo pala.. " bati ng binata. Agad syang nagmano kay Zack.. Nakangiting pumasok ang doktor pero di ito nag iisa. "Nasan ang apo ko?." ma-autoridad na tanong ng Lolo ni Hannah.. Napangiti si Rhoi at niluwagan ang daanan para makapasok ang dalawa.. Sinara nya ang pinto at sumunod sa mga ito.. Kasalukuyang magkatabi sa kama sina Aldrin at Hannah.. Napatayo ang binata ng makita ang abuelo ng dalaga.. Agad nya itong sinalubong at masuyong nagmano sa dalawang bagong dating.. "Sige po sir.. Oh boys.. Kayo na bahala kay Lolo.. At mag ro-rounds lang ako..Kung may kailangan kayo.. Dun nyo na lang ako puntahan sa office.. " paalam ni Doctor Zack. Napatango ang lahat.. "Lolo.." bungad ni Aldrin.. Seryosong nakatingin ang matanda sa binata.. Napayuko ng ulo si Aldrin at hinatak ang isang upuan.. Inalok nya ito sa matanda na tinanggap naman nito.. Tumabi ito sa tabi ng apo na nakangiti.. "Di ko akalain na makikita kita dito apo.. Sa lahat ng lugar.. Ito ang pinakaayaw kong puntahan.." reklamo ng Lolo.. Napabungisngis si Hannah.

"Alam ko po Lolo... Sinabi sa akin ni Lola ang kahinaan nyo.." biro ng dalaga.. Napaismid ang Lolo at tinitigan si Aldrin na nakayuko sa paanan ng nobya.. "Ikaw lalake, anong ginawa mo sa apo ko?.." tanong nya.. Lalong nahiya si Aldrin.. Agad na pumagitna sa usapan ang dalaga.. Lolo..Sino pong kasama nyo?.. malambing na tanong nya.. Bumaling ang tingin ng matanda sa dalaga.. Si Jack.. Nandun sya sa ibaba.. Duon na lamang daw sya.. paliwanag ng Lolo.. Tumango si Hannah.. Hinawakan nya ang kamay ng abuelo para di na nito sitahin pa ang nobyo.. Tumabi naman si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Pare.. Kahit kelan talaga yang Lolo ni Hannah.. Ang KJ.. biro ni Darius.. Bungisngis si Krissia at si Cynthia.. Oo nga pare.. Hassle.. Pero lagot ka.. pananakot ni Rhoi.. Tahimik si Aldrin.. Batid nya ang sitwasyon.. Oras na malaman ng matanda ang tungkol kay Bea at sa sanggol.. Malamang na maghurementado ito.. Kinakabahan ang binata hindi para sa kanya.. Kundi ang konsepto na baka ilayo na ang pinakamamahal nyang kasintahan sa kanya. Dahil sa kaba..Nginatngat ni Aldrin ang sariling mga kuko. Biglang inabot nina Rhoi at Darius ang kanilang mga kamay.. Oh pare.. Baka kulangin yang kuko mo.. Eto .. Pagdamutan mo na .. biro ni Rhoi.. Eto din tol.. pagsakay ni Darius.. Bungisngis lalo ang dalawang babae.. Wag yang kay Darius at kung saan saan humahawak yan.. banat ni Rhoi.. Nagtawanan sila. Nagpapasalamat si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Sa pagdamay nito..

Naalala nya si Romeo.. Muli syang nakaramdam ng pag kainis sa itinuturing pa naman nyang idolo.. Sa mga ganitong pag kakataon.. Kung kelangan na kailangan nya ng suporta ng mga ito.. Saka naman ito wala.. Di nya alam kung saang lupalop ng Pilipinas ito nagpunta.. Ang alam nya kay Romeo ay saksakan ng kuripot.. Pero di nya akalain na nang iiwan pala ito sa ere... Sa sama ng loob.. Di nya napigilan ang maibulalas ang nararamdaman.. Akala ko Kwadro Alas tayo.. maasim na bungad ni Aldrin.. Napahinto sa pagtawa ang mga kaibigan nya at napatingin sa kanya.. What you mean?.. tanong ni Rhoi.. Sumimangot si Aldrin at binalingan ng tingin ang nobya na kausap ng Lolo nito.. Buti pa kayo.. Nandito.. pahaging nya.. Natahimik sina Rhoi at Darius. Pati sina Cynthia at Krissia. Alam nilang ang tinutukoy ni Aldrin ay walang iba kundi si Romeo.. Kahit ang dalawang dalaga ay nakaramdam ng inis sa binata.. Nagkatinginan sina Rhoi at Darius.. Baka naman may dahilan sya.. Alam mo naman ang isang yon.. Masyadong masikreto.. Naalala nyo ba nung highschool tayo ?..Nung Halloween?..Kung bakit sya late?.. pag tatanggol ni Rhoi.. Tumango si Aldrin at Darius.. Kahit si Krissia ay naalala ang mga pangyayari.. Bagamat di nya alam ang pinag ugatan ng lahat.. Marahil ito na ang magandang pagkakataon para malaman nya ang dahilan kung bakit halos patapos na ang party nung dumating si Romeo.. Yeah.. Masyadong malihim yan pagdating sa mga ginagawa nya.. Nakakasama ng loob minsan.. Pero talagang ugali nya na ang pagsolo sa mga problema.. mahinang kwento ni Darius.. Nacurious naman si Cynthia.. Naglakas loob syang magtanong sa mga binata.. Why?.. Bakit sya na late?.. tanong nya.. NAgkatinginan ang tatlong alas.. Napaaway sya.. Pero di nya kami tinawag.. Nalaman na lang namin yon kinabukasan.. Kung di pa dahil sa kaibigan ni Ekang na nakakita sa mga pangyayari.. kwento ni Rhoi..

Lalong naguluhan si Cynthia.. Whos Ekang by the way?.. tanong nya.. Napangiti si Darius ng lihim.. Pero agad din nya itong inalis dahil baka mahalata ng mga kaibigan nya.. Napatingin sa kanya ang mga ito .. Buti na lang di nila nakita ang pagngiti nya..Pilit nyang pinaseryoso ang mukha.. Si Ekang ang isa pa naming barkada.. Actually.. After ng highshool..Lumipat na sila sa Texas... May Farm ang family nila don.. paliwanag ni Krissia.. Napatango tango naman si Cynthia.. Ah.. Okay.. sabi ng dalaga.. Napangisi si Krissia.. At sya ang Queen of Diamonds.. banat ng dalaga.. Nanlaki ang mga mata ni Darius.. Holy mother cow.. How dare you !.. angal ng binata pero nagtawanan lang ang mga kaibigan nya.. Nacurious si Cynthia lalo.. Wow.. So May Queen na pala ang Diamonds.. Anong itsura nya?.. I bet shes really pretty.. Yun ata yung isa sa mga standards nyo eh..Look at Hannah .. And you sis.. biro ni Cynthia.. Napangiti si Krissia sa sinabi ng dalaga.. Pero nagkandailing iling si Darius.. Bakit ba ako ang pinag uusapan nyo.. Di ko pa naman kwento ito ah.. Book 1 pa lang ito so dapay kay Aldrin at Hannah ang focus.. Out of topic yan eh.. reklamo ng binata.. NApabungisngis pati si Aldrin at Rhoi .. Inakbayan ni Rhoi si Darius.. Pare.. Tanggapin mo na.. Next ka na eh.. Dapat maghanda ka na.. Kasi papara- pinigil ni Krissia ang pagsasalita ni Rhoi.. Pinandilatan nya ang binata sa pagdaldal nito.. Agad namang nakahalata ang binata.. Napakunot noo si Darius.. Inalog nya sina Rhoi at Aldrin.. "Ano yon?." untag ni Darius pero bungisngis lang ang mga kaibigan nya.. "Oh .. Akala ko ba di mo pa book eto? .." biro ni Rhoi.. Napasimangot si Taba..

Nagtawanan sila .. Tumikhim ang Lolo ni Hannah.. Agad napalapit si Aldrin sa mag lolo.. "Heart.. Pakihatid naman si Lolo kay Tito Zack..May sasabihin daw sya.." lambing ni Hannah.. Agad kumilos ang binata at inalalayan ang matanda.. Tumayo na din sina Rhoi at Darius.. "Sama kami tol.. Tapos sunduin natin si Tita...Di ba nagpapasundo yon?.." sabi ni Rhoi.. Napatango si Aldrin.. "Sinong Tita?.." tanong ng Lolo.. "Si Mom po Lolo.. Nasa spa po sya sa malapit.. Kanina po kasama namin syang nagbabantay kay Hannah.. sabi ng binata.. Napangiti ang Lolo.. Si Alona. bulong ng matanda.. Lo?.. tanong ni Aldrin.. Pero umiling ang matanda at nakangiting nagpauna na sa paglalakad.. Kunot noo ang tatlong alas. Baliw ata yan pre.. biro ni Darius. Nagbungisngisan silang tatlo.. Nasa second floor ang opisina ng Tito Zack nila.. Gamit ang elevator.. Tinahak nila ang papunta dito.. Pinagbuksan sila ni Nurse Joy.. Napangiti ang tatlong alas. Hi hi !.. masigla nilang bati ng sabay sabay.. Hi hi !.. ganting bati ni Joy.. Napahagikgik ang dalaga at niluwagan ang daan para makapasok ang mga bisita.. Lo..Balikan ko lang po si Hannah.. sabi ni Aldrin.. Napatango ang matanda .. Muli silang nagtungo sa elevator.. Hinintay itong magbukas.. Ilang saglit lang ay nagbukas nga ito.. Pero may laman itong pasahero na ikinagulat nilang tatlo.. Napanganga ang tatlong alas..

Pati ang pasahero ng elevator.. Walang nakagalaw sa kanila.. Tumunog ang elevator.. Tanda na magsasara na ito.. Pero hinarang ni Darius ang pinto.. Muli itong nagbukas at tahimik na sumakay ang tatlo.. Walang ikiman sa loob.. Ramdam nila ang tensyon.. Lalo na kay Aldrin .. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto.. Mabilis na lumabas si Aldrin at walang lingon lingon na naglakad palayo.. Tahimik din na sumunod sina Rhoi at Darius.. Di nila pinansin ang kasabay nila.. Ni hindi na nila ito muling nilingon.. Umagapay sila sa kaibigan nila.. Pare.. Anong ginagawa nya dito?.. tanong ni Darius. NAgkibit balikat si Rhoi.. Tahimik lang si Aldrin.. Pumasok na sila sa kwarto kung saan naruon si Hannah.. Sinara agad ni Rhoi ang pinto pero nagulat sya ng may humarang na kamay.. Pagbukas ni Rhoi..Ang seryosong mukha ni Romeo ang tumambad sa kanya.. Nasa likod nito ang kasabay nila sa elevator na walang iba kundi si Bea.. Nagtatanong na tiningnan ni Rhoi si Romeo pero pumasok ang binata.. Nakaramdam ng tensyon ang lahat ng makita nila si Romeo na pumasok.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin at Hannah.. Di nag iisa si Romeo.. May karga itong sanggol.. Lalo silang nagulat ng itabi ni Romeo ang sanggol sa higaan ni Hannah.. Umahon ang galit sa dibdib ni Aldrin at kinompronta ang kaibigan.. Anong kalokohan to Rom?.. sigaw nya.. Nakaramdam ng tensyon ang buong kwarto.. Pasok ka Bea.. pagtawag ni Romeo..

Kinuwelyuhan ni Aldrin ang kaibigan..Inuga nya ito. Si Hannah naman di malaman ang gagawin.. May katabi syang sanggol at kung di sya nagkakamali..Ito ang itinuturong anak ni Aldrin kay Bea.. Nakaramdam ng di maipaliwanag na sakit si Hannah at galit na din kay Romeo.. Huminga ng malalim si Romeo at marahang inalis ang mga braso ng kaibigan.. Pumunta sya sa mga nakahilerang pagkain at umabot ng mansanas.. Pinunasan nya ito gamit ang damit at kumagat. Naupo sya sa sofa at pinatong ang mga paa sa lamesita.. Galit na nilapitan ni Aldrin ang kaibigan pero nahawakan sya ng mga kaibigan na sina Rhoi at Darius.. Napatayo sina Krissia at Cynthia mula sa pagkakaupo sa sofa.. Nilayuan nila si Romeo na parang may nakakahawang sakit.. Si Bea ay tahimik na nakatayo sa malapit sa pinto.. Nagsisimula na syang makaramdam ng takot at awa sa sarili.. Walang ekspresyon sa mukha ni Romeo habang kumakain ng mansanas.. R-rom.. Anu to.?.. mahinang tanong ni Hannah.. Utang nya sa binata ang pagkakapasok sa Kwadro Alas pero mukhang ito rin ang magiging dahilan ng pag alis nya sa grupo.. Tumingin si Romeo sa dalaga..Pagkatapos ay kay Aldrin na pigil pigil ng dalawang alas.. Pumasok ka Bea.. utos ng Ace of Spades. Tahimik na sumunod si Bea at naupo sa tabi ni Romeo.. Napangiti ang binata .. Gutom ka?.. Ayun o.. Fruits.. turo ni Romeo sa nakahilerang prutas sa tabi ni Hannah.. Pero umiling si Bea.. Lalong nanggalaiti si Aldrin sa galit..Pilit syang kumakawala sa dalawang kaibigan.. Di ko alam kung anong plano mo Rom..Pero di na ito nakakatuwa.. sabi ni Rhoi.. Tumango si Darius.. Tama si Rhoi pare..Alam mong may tensyon sa pagitan nila pero bakit dinala mo pa dito ang mag ina?..Sorry Bea ha.. dugtong ni Darius..

Napayuko si Bea pero hinawakan ni Romeo ang baba nya at pilit na inangat.. Masyado na atang umabot sa tuktok ang kaangasan mo pare..Pati kaming mga kapatid mo tinatalo mo na..Nang iwan ka na nga tapos ito pa ang gagawin mo.. maanghang na sabi ni Aldrin. Sukat duon ay napatayo si Romeo at binato ang mansanas.. Galit na nilapitan nya ang tatlong alas at tumayo sa harap ng mga ito.. Tarantado..Kahit kelan.. Di ako tumatalo..Lalo na kayong mga kapatid ko.. sigaw ng binata.. Napalapit ang mga babae sa kanilang apat.. Pero sinulyapan lang sila ni Romeo.. Sa tanang ng buhay ko.. Ni hindi sumagi sa isip ko ang iwanan kayo.. diin ni Romeo.. Nagsukatan ng tingin ang apat na alas.. Walang makaawat kahit sino kina Krissia at Cynthia..Maging si Hannah ay natameme na lang.. Nawala ang mataray na ugali ni Krissia.. Sa ganitong mga pagkakataon.. Ayaw nyang mamagitan.. Natatakot sya.. Matagal silang nagtitigan..Walang bumababa ng tingin sa isat isa..Pare parehong matatapang.. Napatiim ang bagang ni Romeo at hinawakan nya ang mga braso nina Rhoi at Darius na pumipigil kay Aldrin.. Bitawan nyo sya.. utos ni Romeo.. Marahang binitawan nina Rhoi at Darius ang binata.. Nagulat ang lahat ng biglang suntukin ni Aldrin si Romeo.. Napahiyaw si Hannah at Bea.. Napaupo si Romeo sa sahig.. Pero mabilis syang tumayo at muling lumapit sa kaibigan.. Tapos ka na?.. mahinang sabi ni Romeo.. Galit pa rin ang nararamdaman ni Aldrin pero unti unti na itong nawawala.. Dumugo ang labi ni Romeo.. Napalapit si Bea sa binata at masuyo nitong pinunasan ang dugong gumagapang pababa.. Muli silang natahimik.. Ilang saglit lang ay binasag ni Romeo ang katahimikan..

Now.. Its my turn.. biglang sabi ni Romeo.. Nagulat ang lahat..Hinanda ni Aldrin ang sarili sa pagganti ng kaibigan pero nagtaka sya ng hindi ito gumanti ng suntok sa kanya.. Bagkus.. Lumapit ito kay Hannah at muling kumuha ng isa pang mansanas.. Naupong muli si Romeo sa sofa at pinatong ang mga paa sa lamesita.. Nagtataka man... Napasunod sina Rhoi at Darius sa binata.. You can now talk Bea.. utos ni Romeo.. Natahimik ang lahat at napatingin sa dalagang nagsisimula ng manginig at lumuha.. Hoy.. Di ko tiniis ang suntok na yon para lamang umiyak ka dyan..Bilisan mo na.. Wala ng padrama effect at padedehin mo na si Veronica.. tatawa tawang sabi ni Romeo.. Naiiyak man..Di maiwasang mapangiti ni Bea.. Hinarap nya si Aldrin.. Al..First of all... I want to say sorry for all the mess that I have done to you. Not only you but also for Hannah..Sorry talaga Hannah. hinging paumanhin ni Bea.. Napaungol si Romeo.. Uuuhh..Daming pasakalye nito..Bruha..Hoy Ipot !.. Di mo totoong anak yung bata..Tapos ang kapatid ni Estong ang nakabuntis sa Ate naman ni Bea na syang totoong ina ng batang yan sa tabi ni Lelay..Ganun lang kadali..Sus ginoo.. paliwanag ni Romeo.. Napanganga ang lahat.. Maging si Bea ay natameme.. Biglang sumigaw sina Romeo at Rhoi.. Putangna..Smoke Grenade na naman !.. angal ni Rhoi at lumayo sila kay Darius.. Napangisi na lang si Taba.. Baboy talaga ampota.. reklamo ni Romeo at inubos na nya ang mansanas na kinakain.. Lumapit sya sa mga pagkain .. Wala ng coke?.. reklamo na naman nya.. Nagtawanan ang lahat at tinuro si Darius. Pinaikot ni Romeo ang mga eyeballs nya.. Nagtaka pa daw ako.. sabi na lang ng binata.. Nahihiyang lumapit si Aldrin sa kaibigan.. Pare.. bungad ni Aldrin..Pero nagulat sya ng pitikin ni Romeo ang ilong nya..

Wag kang maarte..Tapos na yon...Ang pakiusap ko na lang sayo pati na kay Hannah..Patawarin nyo si Bea.. Dahil biktima din sya tulad ninyo..Iisang tao ang may pakana ng lahat ng ito..Kahiya hiyang lahat kayo napaglakuan nya..Syempre labas ako don..Bwahahaha !.." banat ng binata.. Inakbayan ni Romeo si Aldrin.. Nakangiti silang nagtitigan .. "Sige nga..Halikan nga kayo.." biro ni Darius.. "Pakyu ka..Mag isa ka dyan..Ututero.." banat ni Potpot.. Napangiti si Hannah at niyakap nya ang bata sa tabi nya.. Nagulat si Bea pero di nya maiwasan ang mapaluha.. Tiningnan ni Hannah ang dalaga at pinalapit.. Naiiyak na lumapit si Bea kay Hannah at mahigpit itong niyakap.. "Sorry talaga..Sorry.." umiiyak na sabi ni Bea. Napangiti si Aldrin sa kasintahan.. "T-teka Bea.. Yung baby.." angal ni Hannah.. Tarantang kumalas si Bea ng yakap at nagtawanan sila.. "It's okay sis..Biktima ka din..I understand.." sabi lang ni Hannah.. Napangiti sila sa isa't isa.. Masayang masaya ang pakiramdam ni Aldrin.. Pakiramdam nya tapos na ang unos.. Pero muling umepal si Romeo.. "Di pa to tapos mga unggoy.." banat ng binata.. Napatingin sa kanya ang lahat.. "Kailangang bawian si Estong.." seryosong sabi ni Rhoi.. "Balasahin ang Monggoloid na yon.." dugtong ni Darius.. "Kornerin ang Putapete.." wika ni Aldrin.. Naglapit lapit ang apat na alas.. Nagtitigan silang lahat.. "Di uso ang Par Alas.." sabi ni Rhoi..

"Taob ang Trio Alas.." banat ni Aldrin.. "Kwadro Alas.." wika ni Darius.. Napatingin sila kay Romeo.. Nakangisi ang binata.. "Kwadro Pader..I miss you guys.." pabaklang sabi ni Romeo.. Nagyakapan silang apat at nagbeso beso.. Laglag ang panga ni Cynthia.. Bungisngis naman sina Hannah, Krissia at Bea.. Napatingin ang apat kay Bea.. "Nasan si Estong..?.." seryosong tanong ni Romeo.. Nanlaki ang mga mata ng dalaga.. Napailing ito .. "Natatakot ako..Gaganti ba kayo?.." biglang sabi ng dalaga.. Napangisi sina Rhoi.. "Di pwedeng palampasin ito.." banat nya.. Nagdalawang isip ang dalaga kung sasabihin nya ba ang kinaroroonan ni Estong.. Pero hinawakan sya sa balikat ni Krissia.. "Alam mong kahit anong gawin mo.. Di ka makakatanggi sa apat na yan..Sabihin mo na.." bulong ng dalaga.. Napabuntong hininga si Bea .. "Nasa school yon malamang.. " sabi nya.. Napatingin sila kay Hannah..Tumango si Hannah at sinabi ang eskwelahan na pinapasukan ni Estong.. Lumapit si Krissia kay Rhoi.. "Baka masktan kayo..Di nyo balwarte ang papasukin nyo.." nag aalalang sabi ni Krissia.. Napangiti ang binata at sinulyapan ang mga kaibigan nya.. "Wala ng mas matatag pa na balwarte kesa sa amin .. Alam mo yan..Kung sakit ng katawan lamang naman..Mas tanggap na namin yon..Kesa Pride ang masaktan..Di naman ata kami papayag na basta nya na lamang kaming napaikot ng ganun.." nagbabaga na ang mga mata ni Rhoi.. Napatango si Krissia at hinalikan sa pisngi ang bestfriend nya..

Pati na ang tatlo pang alas.. Lumapit si Aldrin sa kasintahan at masuyo itong dinampian ng halik sa mga labi..Nakaramdam ng inggit si Bea pero batid nya ang limitasyon nya..Napangiti na lamang sya..Masaya sya para sa dalawa.. Tiningnan ni Romeo si Darius.. "Getaway car natin.." sabi ni Romeo.. Tumango si Darius..Nilabas ang cellphone.. Tinawagan ang tatay nya.. Ilang saglit pa..Nakangisi na ang binata na nag thumbs up kay Romeo.. "In about a minute pare..Sa wakas..Exercise !..Matagal na ding walang praktis tong kamao ko.." nakangiting sabi ni Darius.. Napangiti na din ang tatlong alas .. Nag warm up na sila.. Kinakabahan man.. Di mapigilang matawa ng mga babae dahil nag exercise nga ang mga alas sa harap nila.. "Go sisters.. 1, 2,.. 1, 2..Okay Jumping Jacks..Give me 20.. Moooveeee..Ahihi.." landi ni Romeo.. Sabay sabay silang nag exercise.. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Darius.. Agad nya itong sinagot.. Napangisi sya at nagpasalamat sa ama.. "Okay na Rom.. Nandyan na si Joker sa baba.." sabi ni Darius na ang tinutukoy ay ang kotse nilang apat na alas.. Ngumisi din si Romeo.. Sabay sabay silang lumabas.. Di na lumingon si Aldrin sa nobya dahil baka magbago ang isip nya.. Pagdating sa baba ay nakita nila ang ama ni Darius sa harap ng kotse.. Nakangisi din ito.. "Away na naman?.." tanong ni Denzel.. Ngumisi ang mga alas at isa isang sumakay.. "Oy anak..Wag mo daw masyadong banatin ang katawan mo..Nagagalit na sakin ang

nanay mo kapag nakakapeklat ka..At ikaw Romeo..Yung tatay mo..Sabi nya wag mo daw dumihan yung damit mo kasi di naman daw ikaw ang naglalaba kundi sya.." tatawa tawang bilin ni Denzel.. Napakamot sa batok si Romeo.. "Bye guys..Ingat ha..Text text na lang.." sabi ni Denzel.. Nagtawanan ang mga alas at nagsimula na silang umalis.. Naglalandian pa sila habang nasa daan.. "Pare..Pang mayaman yung school na yon di ba?.." tanong ni Rhoi.. "Oo.. Pero andito na tayo eh..Enjoy na lang..Walang iwanan.." sabi ni Romeo.. Tahimik lang si Darius at parang may problema..Napansin sya ni Aldrin.. "Pre baket.?.." tanong ng binata.. Malungkot na ngumiti si Darius.. Nagtaka ang tatlo.. "Oy.." untag ni Romeo.. Napangisi bigla ang binata at nginuso ang paa nya.. Nanlaki ang mga mata ng tatlong alas. "Wag mong sabihing dating gawi?.." sigaw ni Rhoi.. Tumango si Darius.. Nanlaki ang mga mata lalo ng tatlong alas .. Napaupo sila ng maayos.. Pero saglit lang..Bigla silang nagsisisigaw .. "Wala tayong breaaaakkkk! ...Waaaaaa...!.." sigaw nilang apat.. Sa di kalayuan..Sa isang sikat at mamahaling unibersidad...Tahimik ang paligid..Halatang matiwasay at tahimik ang aura ng eskwelahan.. Kasalukuyang papalabas mula sa loob ang isang kotse.. Sumaludo pa ang security guard sa driver nito.. Nagmamadaling umalis ang mamahaling kotse.. Pasipol sipol pa ang matandang gwardya.. Akmang isasara na nya ang malaking gate ng may marinig na langitngit ng gulong..

Sunod sunod na busina ang narinig nya at pagtingin nya ay halos tumalon ang puso nya ng makita ang isang rumaragasang kulay rainbow na kotse.. Nagsisigaw ang apat na binatang laman nito sa loob.. "Tabi Manoooonngggg !..." sigaw ng apat na binatang sakay nito.. Halos mapatalon ang gwardya sa pag iwas sa rumaragasang sasakyan.. Napadapa pa sya sa takot na mahagip nito.. Dire diretsong pumasok sa loob ang kotse at paikot ikot ito sa school grounds.. Binangga nito ang maraming sasakyan na nakapark pero di pa rin ito tumitigil.. Nagsigawan sa takot at gulat ang mga estudyante.. Kitang kita nila kung paano tumigil sa gitna ng malawak na quadrangle ng eskwelahan ang nasabing kulay rainbow na kotse.. Umusok ang unahan nito .. Nagsilapitan ang mga usiserong mga estudyante.. Nangangamba sila na baka nasaktan na ang mga sakay sa loob.. Umuubong lumabas ang apat na binata mula sa loob.. "Putangna mo Joker..Muntik mo na naman kaming patayin !.." reklamo ni Rhoi.. Pinagsisipa ni Romeo at Darius magkabilang bahagi ng inosenteng sasakyan.. "Hayup ka !..Di pa nga nagagawa yung mga books namin papatayin mo na kame?.. " sigaw ni Romeo.. Biglang nakalas ang mga gulong.. Nagtawanan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila.. Napangiti ang mga alas at nag pose.. "Azteg no?.." banat ni Romeo.. Pumatong sa bubong ng kotse si Aldrin at nilibot ng tingin ang malaking unibersidad. Napasandal ang tatlong alas sa sirang kotse... "Esttoooonnggggggg...!.." biglang sigaw ni Aldrin.. Nagkatinginan ang mga estudyante.. "Estong !.. Lumabas ka dyan..Putangna ka !.. Bakla!..." sigaw muli ni Aldrin.. May lumapit sa kanilang isang matangkad na lalake..Nakasuot ito ng jersey shirt at masama ang tingin sa kanila..

"Hoy..! Ang kakapal ng mukha nyo ah..Magsi alis nga kayo dito..At sinong Estong ang sinasabi mong unggoy ka?" sabi ng lalake.. Napasigaw ang mga estudyante ng biglang tadyakan ni Rhoi sa sikmura ang matangkad na lalake.. Napangisi si Aldrin at muling sumigaw.. "Estooong!.. Haraping mo ko!.. Di yung kung sino sino ang ginagamit mo !.." sigaw muli ng binata.. Nagkaroon ng tensyon .. Maraming kalalakihan ang lumapit at inalalayan ang nakaluhod na matangkad na lalake. Pinalubutan nila ang kotse.. Nagsilayuan na ang mga ibang ayaw madamay.. Tuloy sa pagsigaw si Aldrin.. Nagkagulo na sa gitna.. "Ang yayabang nyo ha !.." sumugod ang isang lalake. Mabilis na kumilis si Darius at sinalubong ng suntok sa mukha.. Marami pang sumugod.. Akmang bababa si Aldrin pero nagalit si Romeo. "Ituloy mo gago..!." sabi ng binata.. Binuksan nya ang likod ng kotse at nilabas ang tatlong baseball bat.. Hinagis nya ito sa mga kaibigan.. Ngumiti si Aldrin at tuloy na nagsisigaw.. Maraming lalakeng nakahilata na sa sahig..Wala ng naglalakas loob na lumapit pa dahil sa hawak nilang baseball bats.. Ilang saglit pa lumapit na ang mga security at pinagdadampot ang mga binata.. Nakangisi pa silang sumama dito pero pinaulanan muna nila ng asar ang mga nagtangkang sumugod.. Sa opisina ng Dean sinugod sina Aldrin pati na ang mga kaibigan nya.. Galit na kinompronta sila ng Dean ng eskwelahan.. "What the hell are you doing there?..Who are you anyway?.." sigaw nito.. Nakangisi ang apat na alas ..

"Wala man lang aircon.." reklamo ni Darius. Napabungisngis silang apat.. Asar na nagdabog ang dean. Nagdesisyon itong tawagin ang mga magulang nila.. Napangisi si Romeo.. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga tatay ng mga alas.. Pero nanlaki ang mga mata nila ng makitang kasama ng mga ito ang kani kanilang mga nanay.. Napayuko at natameme ang apat.. Nakangisi lang ang mga tatay nila .. Nakataas ang mga kilay ng mga nanay.. Walang nagsasalita sa apat na alas.. Kinausap ni Primo ang Dean at nakipagkasundo na babayaran ang mga danyos ng mga binata.. Tahimik na umalis ang mga ito.. Gamit ang Van nina Rhoi..Sama sama silang sumakay sa loob.. Walang makapalag sa apat na alas.. Tumatawa naman ng lihim ang mga tatay.. "Oh nasan ang pagkasiga nyo?.." biro ni Vincent .. Pero tumikhim si Chynna .. "At anong akala nyo?.. Ligtas din kayong mga tatay?.. " nakataas ang kilay ni Alona.. Umangal si Nestor pero pinandilatan lang sya ng mata ng asawa.. Tameme ang mga alas..Tameme ang mga hari.. Nakangisi ang mga orihinal na reyna.. "Palag?.." nakangising sabi ng mga nanay.. Takot na umiling ang mga tatay at mga anak.. Chapter 36 Pagharap sa Tadhana

Pabalik na ospital ang apat na alas.. Kasama na nila ang kani kanilang mga nanay..

Dire diretso sila sa kwarto ni Hannah.. Si Alona na ang nagbukas ng pinto.. Isa isa silang nagsipasukan.. Pero nagtaka sila ng makita ang nag aalalang mukha ni Krissia.. Pati sina Cynthia at Bea ay parang di mapakali.. Napakunot noo si Aldrin ng di makita ang kasintahan sa kama nito.. Nilapitan nya si Cynthia at tinanong.. "Nasaan si Hannah ?.." tanong ng binata.. Parang nag pipigil lang sa pag iyak ang dalaga.. Di ito nagsalita at tinapunan ng tingin sina Bea at Krissia na pasimpleng nagtatago sa gilid.. Lalong nagtaka ang mga bagong dating? "Iha.. Nasaan ang pasyente?.." masuyong tanong ni Alona.. Sukat duon.. Napaiyak si Cynthia at napaupo sa upuan sa tabi ng kama ni Cynthia.. Nagulat ang lahat.. Agad na pinayapa ng mga ina ang dalaga.. Inabutan naman nila ng tubig si Cynthia.. Ng makainom ay saglit lang ang pinalipas nila bago muli itong tinanong. "Iha.. Bakit ka umiyak?.. Nasaan si Hannah?.." tanong ng ina ni Rhoi.. Siminghot muna si Cynthia.. "Si L-lolo po.. Basta na lang kinuha si Hannah.. Akala ko magpapacheck lang kay Tito Zack pero nagpunta dito si Tito Zack kanina .. Hinahanap si Hannah.. " kwento ni Cynthia at muli itong humikbi.. Nagkatinginan ang lahat.. Parang napanganga si Aldrin sa narinig.. Agad na nilabas ng binata ang cellphone at dinial ang kasintahan.. Pero napakunot noo sya ng marinig ang mismong ringtone ni Hannah sa silid.. Nilabas ni Cynthia ang phone ni Hannah.. Napamura ng lihim ang binata.. "Anong gagawin ni Lolo kay Hannah?..Di ba dapat mamaya pa sya lalabas?.." tanong ni Darius.. Pero walang sumagot.. Natahimik ang lahat .. Kanya kanya ng isip kung ano ang maaaring maging dahilan ng matanda

sa pagkuha sa apo nito. Naupo si Romeo sa sofa .. Sinundan sya ng tatlong alas.. Kumunot ang noo ni Aldrin ng may maalala.. Sinulyapan nya ang ama na tahimik din na nakaupo katabi ng ina.. "Dad... I think there's something you're not telling me.. " seryosong tanong ng anak.. Napalingon ang lahat sa mag ama.. Napakunot ang noo ni Nestor.. "What is it anak?.." tanong nya.. "About the letters.." diretsong sabi ni Aldrin.. Nanlaki ang mga mata ni Nestor at Alona.. "Y-you saw it?.." tanong ng ina.. Marahang tumango si Aldrin..Pero nangiti sya para di na magpanic ang mga magulang.. "It's okay Mom..Dad.. I just want to know if it is true.." tanong ng binata.. Nagkatinginan ang mag asawa.. Na curious ang lahat.. Tumango ng marahan si Nestor.. "Yea.. About your Lola and The letter from Lelay.. " sabi ng ama.. Napatango si Aldrin.. Di nya mapigilan ang mag hinala.. Nacurious ang tatlong alas.. "Ano yon tol?.." tanong ni Rhoi.. Sinimulang ikwento ni Aldrin ang mga nabasa nya sa sulat.. Di maiwasang magulat ng mga nakarinig .. "You mean to say na nakatakdang ipakasal si Lelay ng Lolo nya sa ibang lalake?.." tanong ni Darius.. Tumango si Aldrin.. "Pare.. Di ka natatakot?.." tanong ni Rhoi.. Umiling naman ang binata. "Alam ko ang iniisip nyo.. Pero makabagong panahon na tayo guys.. Siguro naman di na ipagpapatuloy ng Lolo ang pangako nila ng bestfriend nya.." kwento ni Aldrin..

"What if ipagpatuloy nya?.." seryosong sabi ni Romeo.. Natahimik ang lahat.. Binato ni Primo ng balat ng dalandan ang anak nya. Tatawa tawang umiwas naman si Romeo..Pero tuloy pa rin ang pagdaloy ng ideya sa isip ni Aldrin.. Paano nga kung magpatuloy ang matanda?.. "D-di naman siguro.." pangungumbinsi nya sa sarili nya.. Ngumisi si Romeo.. "Sa pagkakaalam ko.. Mabigat ang salita sa mga barako nuong unang panahon.. Karangalan ang katumbas ng bawat pangako.. Di na ako mabibigla kung isa ang Lolo ni Hannah sa mga iilan na tinuturing ng sumpa ang bawat binitawang salita.." pang aasar ni Romeo.. Napaungol ang mga nasa loob.. Nagbibiro man.. May punto ang kaibigan nila.. Di maiwasang makaramdam ng kaba ni Aldrin.. "So pare.. You mean itutuloy ng Lolo ang balak nyang pakikipagkasundo sa bestfriend nya?.." tanong ni Darius.. Napatango si Romeo.. Biglang parang may naalala si Alona..Kinalabit nya ang kabiyak at binulungan.. Biglang natawa si Nestor na ipinagtaka ng lahat.. "Why Dad?.." tanong ni Aldrin.. Napailing si Nestor.. "Wala anak.. Baka nga pinagpatuloy ng dalawang matanda ang sinumpaan nila sa isa't isa.. Kawawa naman kayo.." pang aasar pa ng ama. Nagtaka ang mga nasa kwarto.. Nagpuyos ang loob ni Aldrin.. Parang kinukutkot ang puso nya.. Di sya mapakali.. Bawat oras na dumadaan ay tila nababawasan naman ang tyansa na maging sila ni Hannah sa bandang huli.. Kailangan nyang gumawa ng paraan.. Bahala na.. Tumayo ang binata.. Napatingin sa kanya ang lahat..

"Mom.. Pupuntahan ko si Lelay.. !.." determinadong sabi ng binata. Napangiti ang mag asawa.. Okay lang anak.. sabi ng ina.. Hinalikan nya sa pisngi ang ina at tinapik ang ama sa balikat.. Tahimik na lumabas ng kwarto si Aldrin.. Binato muli ng balat ng dalandan ni Primo ang anak.. Hoy !.. Sundan mo yon.. Akala ko ba Kwadro Alas kayo?.. Eh bakit pinabayaan nyo yung kaibigan nyo?.. sita ni Primo.. Natatawang tumayo si Romeo... Sumunod naman sina Rhoi at Darius.. Sumitsit si Denzel sa anak.. "Oh. !.." binato ng ama ang isang bungkos ng susi kay Darius.. Napangiti ang binata..Nag thumbs up sa ama.. Hinabol ng tatlong alas ang mabibilis na paghakbang ni Aldrin patungong elevator. Napangiti ang binata ng makita ang mga kaibigan nya. Tahimik silang lumulan sa elevator.. Pagdating sa ground floor.. Agad silang lumabas at tinakbo ang sasakyan nina Darius.. Nasa NLEX na sila ng mag ring ang cellphone ni Romeo. Agad naman itong sinagot ng binata at napakunot ang noo nya .. "Really Uncle?.. Okay okay.. Actually.. We were about to go there.. Thank you.. Sige na.. Oops.. Still 10 percent.. No discounts.. Bahala kayo.. Bleeee.." landi ni Romeo.. Nagtawanan ang mga alas.. "Si Uncle Gustavo yon?.." tanong ni Rhoi.. Tumango si Romeo.. Ano na naman kinurakot mo sa uncle mo?.. biro ni Aldrin.. Natawa si Romeo pero bigla syang may naalala.. Mga tol.. Saglit.. muling nag dial si Romeo.. Ilang saglit lang din ay sinagot naman ito ng tinawagan nya.

Saglit lang Uncle.. Sino yong girlfriend nung kuya nya?.. tanong ni Romeo.. Ilang segundo, napangiti ang binata..Pero nagningas ang mga mata nito.. Okay thanks.. Muah muah.. landi nya.. Nagtawanan sila sa loob. Pare bagalan mo .. utos ni Romeo kay Darius. Gago.. Nasa expressway tayo.. sumbat ni Taba.. Natawa ulit sila.. Sige itabi mo.. May gusto lang akong iconfirm.. Saglit lang.. sabi ni Romeo.. Nagtataka man.. Tinabi ni Darius sa gilid ang kotse.. Muling nag dial si Romeo .. "Hey Dad !.. Nandyan pa kayo sa room ni Hannah?.." tanong ng binata.. Ilang saglit lang.. "Okay okay.. Pakibigay naman po kay Cynthia yung phone.. Thank so much my handsome father.." pang uuto ni Romeo.. Napangiti ang mga kaibigan nya.. Ilang saglit pa.. "Cynthia.. Alam ko medyo akward itong itatanong ko.. Anong Frat ang kinabibilangan ng dating boyfriend mo?.." tanong ni Romeo. Nagsalita naman ang nasa kabila.. Napatango tango si Romeo. "Okay okay... Now.. Talk to me straight.. Whats his name?.. Yes yung Ex mo na gumago sayo.. Sorry for the term.." muling sabi ng binata.. Napangisi na si Romeo ng makuha ang lahat ng kailangang sagot.. "Good.. Thank you.. Anung gustong mong mangyari sa kanya?.." tanong pa nya.. Muling nag ningas ang mga mata ng binata.. Binaba na nya ang phone at tinitigan ang mga kapatid.. "Mga tol.. Eto ang di nyo pa alam.. Di ba kayo nagtataka kung bakit nandun si Cynthia sa bahay nina Hannah?.." bungad ni Romeo. Nacurious ang tatlo.. "Oo nga eh .. After nung bar incident.. Now ko na lang ulit nakita si Cynthia.. Baket ba?..

Akala ko galit galit sila?.." tanong ni Rhoi.. Napangisi si Romeo.. "Actually.. Ampon lang daw si Cynthia.. Sabi ni Uncle Gus.. Then Drug Pushers mga nakagisnan nyang parents.. That explains the fast bloom of their wealth.. Well, Dati na daw mayaman ang family na yon .. Pero biglang angat lang talaga sila sa corporate ladder.. Kaya medyo nag init ang mga mata ng non-goverment society sa kanila.. Ito ang interesante dito.. Malaki pala ang pagkakautang ng pamilya na kinagisnan ni Cynthia sa pamilya ni Hannah.. Nangutang daw sa Lolo ang Father ni Cynthia para sa pag expand ng isa sa mga business nito.. Yun yung reason nya.. Pero lately, nabuking ni Uncle Gus na pinuhunan pala lahat sa drugs..Hinire ni Lolo si Uncle Gus para imbestagahan pa ang pamilyang yon.. Pero may natisod pa siya na talanga kamangha mangha.." kwento ni Romeo.. Lalong nacurious ang tatlo.. "Ganon?.. Ibig sabihin..Kung ampon si Cynthia.. Labas sya sa kahihiyan.. Tapos kung napautang ni Lolo ang Father na kinagisnan ni Cynthia..Meaning .. May share si Lolo sa Drug business na yon?.." tanong ni Rhoi.. Napatango si Romeo.. Lumalabas na ganon na nga.. Pero syempre may alibi si Lolo.. Siguro naman di yon mag dadrugs.. Tanda na eh.. Viagra pwede pa .. Drugs din yon. biro ng binata. NAgtawanan sila. But wait.. Theres more.. biro ni Romeo. Natigil ang tawanan..Nakinig sa gwapong kaibigan.. Ang kwento ni Cynthia kay Hannah na nakwento naman ni Hannah kay Lolo na nakwento naman ni Lolo kay Uncle Gus.. pakwela ni Romeo.. Na nakwento naman ni Uncle Gus sayo.. dugtong ni Aldrin.. Tumawa silang apat.. Yea yea.. Bale.. Di naman daw alam ni Cynthia ang istorya tungkol sa Drugs.. Basta ang sinabi nya kay Hannah.. Na kinwento naman ni Hannah kay Lolo.. Na kinwento naman ni Lolo kay Uncle Gus..Na nachismis naman ni Uncle saken.. biro ni Romeo. Pinagbabatukan sya ng tatlo.. Tangnang to.. Tuloy mo na kasi.. sita ni Darius.. Tawa ng tawa si Romeo pero muli itong nag seryoso.. Yon nga.. Di daw alam ni Cynthia ang tungkol sa Drugs sa pamilya nila.. Ang pinagsisintir daw ng loob nya ay malamig daw ang pagtrato sa kanya sa pamilya..Meaning.. Parang di daw anak ang turing sa kanya.. Kaya nag rebelde.. Kita naman natin ang resulta.. After nung Bar Incident.. Grounded daw si Cynthia ng 1 month.. Syempre , taong lakwatsera , so parang reclusion perpetwa ang katumbas ng pagkakabilanggo nya sa bahay.. Tumakas ang loka.. landi ni Romeo.. Natahimik ang tatlo..

After ng successful escape nya.. Syempre walang pera.. Walang damit..Pero maganda.. Madaling nakakuha ng bagong boyfriend si Cynthia..Pero malas sya.. Member ng isang kilalang Frat ang nakuha nya.. Di lang ata member.. Parang officer pa.. Pero ang masaklap nito.. Ginawa syang bitch.. Parausan.. Di lang isa.. Kada may neophite ata.. Sya ang inaalay.. Siguro tatlong lalake ang nagpapalit palit sa katawan nya.. malungkot na kwento ni Romeo. Pati ang tatlo ay nakaramdam ng lungkot at awa para kay Cynthia.. Yan ang napapala ng mga nagrerebelde.. singit ni Rhoi. Tumango ang tatlo. Wala naman talagang mapapala ang pagrerebelde.. Sabihin na nating di maganda ang pagtrato sa kanya.. Siguro sapat na dahilan na yon para maisip nya na kailangan nyang alagaan ang sarili nya.. Wala syang ibang aasahan kundi sarili lamang nya.. pangangatwiran ni Aldrin. Sumang ayon ang lahat. Wala naman talagang ibubungang maganda ang pagsuway sa magulang.. Diba may kasabihan nga na walang magulang ang magpapahamak sa anak.. Sabihin na natin na cold ang pagtrato sa kanya.. Pero yung ideya na tinago sa kanya ng mga magulang nya ang kwento tungkol sa bawal na droga.. Ibig sabihin siguro non ayaw syang madamay ng mga ito.. Nakakalungkot naman.. napabuntong hininga pa si Darius. Natahimik silang apat.. Pero di pa yan ang finale.. biglang singit ni Romeo.. Muli silang nagkatinginan. Ang siste.. Ang nakuhang boyfriend ni Cynthia na miyembro ng Frat ay walang iba kundi ang Ama ni Veronica..Anak ng Ate ni Bea .. biglang siwalat ni Romeo.. Nanlaki ang mata ng tatlo.. Wee?.. Grabe.. Ang tindi non.. Putsa.. Dapat na yong mahuli pre !.. sigaw ni Rhoi.. Tumango si Romeo.. Akala nila tapos na.. Pero di pa pala.. And last and the most important of all.. Si Steve na ex ni Cynthia.. Ama ng anak ng kapatid ni Bea na naging dahilan ng muntik nyong paghihiwalay ni Hannah.. Ay kapatid ni Stefen.. Or should I say Estonggoloid?.. seryosong siwalat ni Romeo.. Tulala ang lahat.. Walang nakapagsalita. Ilang saglit na katahimikan ang naganap.. Unti unting umahon ang galit sa puso ng tatlong alas..

Napangisi si Romeo.. Azteg no?.. Courtesy of Uncle Gus and syempre ako.. sumandal sa upuan si Romeo. Napangiti ang tatlong alas.. Pare.. Pasensya na talaga kung nasabihan kitang nang iiwan sa ere.. Pati yung pagkakasuntok ko sayo.. hinging paumanhin ni Aldrin.. Tarantado.. Anong akala mo saken?.. Palalampasin ko yon?.. Nakalista yon gago.. Sisingilin kita pagdating ng araw.. For the meantime.. Lets focus sa plano.. Anong uunahin natin?.. May natanggap akong tawag mula kay Uncle Gus.. Nagbago na daw ng location si Steve.. Namataan daw ito sa Hasyenda nila.. Lalampas tayo sa Hasyenda nina Hannah.. Anong gustong gawin natin?.. Malamang nandun din si Estong.. tanong ni Romeo.. Nagkatinginan ang tatlong alas.. Napaisip si Aldrin.. Kumuyom ang mga kamao nya.. Tiningnan nya si Romeo.. Unahin natin si Estong..Pati yung kuya nyang bakla.. seryosong sabi ni Aldrin.. Tumango si Romeo at nilabas ang cellphone.. Uncle Gus.. Didiretso kami sa Hasyenda nina Steve.. Opo.. Kami na ang huhuli sa kanya.. Kung makakatakas sya.. Sorry na lang.. Hahaha.. Magaling ka namang mang hunting ng tao eh.. Unahan na lang tayo.. !.. biro ni Romeo.. Natawa ang tatlong alas. Ilang saglit pa.. Nasa expressway na naman sila.. Tahimik.. Hinahanda ang sarili. Napadaan sila sa isang maliit na bayan.. Nalampasan na ni Darius ang isang karinderya pero bigla nitong nireverse ang kambyo.. Napaungol ang tatlong alas ng biglang umandar paatras ang kotse at huminto sa isang karinderya.. Walang sabi sabing bumaba si Darius at tinungo ang nasabing kainan. Nagkangitian na lang ang tatlong alas. Sinundan nila ang kaibigan..Pumasok sila sa loob.. Sabay sabay pa silang naupo sa isang mesa.. Konti lang ang tao... Maliit man.. Masasabing maayos ang nasabing kainan..

Agad silang nilapitan ng isang cute na babae.. Ahm.. Mga sir.. Ano pong order?.. tanong nito sa kakaibang punto. Natawa ang apat na alas. Pwedeng ikaw na lang ang kainin namin?.. tanong ni Romeo. Nagblush ang waitress .. Binatukan ni Rhoi ang kaibigan.. Sorry miss.. Sige.. Nilagang baboy saken.. Tapos 2 kanin.. sabi ni Rhoi. Napangiti ang babae at nilista ang sinabi ng binata.. "Ganun na din sakin miss.." sabi ni Aldrin. "Adobo saken.. 2 rice din..Tsaka Coke Litro.." bilin ni Romeo.. Napangiti na lang ang babae.. "Lahat ng ulam .. Tapos 5 kanin.." biglang banat ni Darius. Nanlaki ang mga mata ng babae .. Tumawa sya .. Pero di tumawa ang mga binata.. "S-sir?.. Totoo?.." tanong ng dalaga.. Napatango si Darius.. "Sige na miss.. Di ka namamalikmata.. Akala mo lang baboy yan pero tao yan.." biro ni Rhoi. Natawa naman ang babae at muling sinulyapan si Darius.. Di pa rin makapaniwala.. Ilang saglit pa.. Nagdatingan na ang mga inorder nila. Tahimik na kumain ang apat na alas.. Napansin nilang lumabas muli yung cute na waitress at nakiupo sa kalapit na mesa sa bandang likod ni Aldrin.. Kasalukuyang may nakaupong dalawang lalake duon.. Di nila nadidinig ang pinag uusapan ng tatlo..Tuloy lang sa pagkain ang apat na alas. Biglang sinubsob ng isang lalake ang ulo nya sa mesa.. Hinaplos naman ng babae ang likod ng nakasubsob na lalake.. Nacurios ang apat na alas. Mabilis nilang tinapos ang kinakain..

Habang nagpapahinga.. Umalis ang babae at kinwenta ang bill nila.. Tinitigan ni Rhoi ang lalakeng kanina lang ay nakasubsob ang ulo.. Di sya nakatiis.. "Pare.. Problema?.." tanong ni Rhoi. Ngumiti ang lalake ng malungkot. "Wala pre.. Salamat.." sabi nito.. Napangiti na lang si Rhoi at nagkibit balikat.. Pero umepal ang katapat nitong lalake.. "Ah.. Sige na pre.. Sabi nila.. Mas maganda daw ikwento ang problema sa mga estranghero.. Malay mo makatulong sila.. " sabi nito.. Napangiti ang apat na alas.. "By the way pare.. Lezard..Eto naman si Raffy.." pakilala nung isa. Isa isang nagpakilala ang mga alas pati na yung dalawang lalake.. Lumabas yung babae at inabot ang bill kay Romeo.. Pero ngumuso lang ang binata at pinitik ang tenga ni Darius.. Napaungol ang binata.. "Ikaw ang dahilan kung bakit tayo biglang kumain.. Ikaw ang magbayad.." sabi ni Romeo.. Napasimangot si Darius. Natawa naman si Romeo.. Muling naupo ang waitress sa tabi nung Raffy.. "Ay.. Mga tol.. Si Mia nga pala ito.. Mia.. Sina Romeo, Rhoi , Darius at Aldrin.. New Friends.." sabi ni Lezard.. Napangiti si Mia.. "Hi.. Nice meeting you.." sabi ng dalaga.. Tumango ang apat na alas.. "Yung problema ng unggoy na to.." turo ni Darius kay Raffy.. Natawa sina Lez at Mia.. "Ah.. Kasi may Girlfriend sya.. Bale First Love daw nya.. " kwento ni Mia.. Siniko nya si Raffy..

"Kaw na magkwento Lez.." sabi ng dalaga.. Tumango naman si Lezard.. "Yun nga.. Eh nakakuha ng trabaho sa Manila itong si Raffy... So kailangan nyang iwan si Girlfriend.." kwento ng binata.. Natawa ang apat na alas.. "Eh anong problema don?.. Sus para yon lang eh.." sabi ni Aldrin.. Tumango sina Romeo.. "Eh kasi.. Natatakot syang baka maligawan ng iba ang girlfriend nya.." sabi ni Mia.. Natawa naman lalo ang apat na alas.. "Sus ginoo.. Kumuha ka ng dictionary.. Hanapin mo ang salitang Trust tapos isulat mo sa palad mo yung meaning.." biglang banat ni Romeo.. Napangiti sina Mia at Lezard.. "Yung yung sinasabi namin sa kanya.. Pero ayaw nyang makinig eh.." sabi ni Mia.. Umungol si Raffy.. "Di naman sa wala akong tiwala sa girlfriend ko.. Kasi may nanliligaw sa kanya na anak ng kapitan ng baryo namin eh.." nakasimangot na sabi nito.. Nagtawanan ang apat na alas. "Ahahaha.. Kapitan lang pala..Pero sabagay.. Pero hindi pa rin.. Bakit ka natatakot ?.. Ang point don.. Bakit kailangang magpaligaw pa ang girlfriend mo?.. " tanong ni Rhoi.. Nalungkot si Raffy.. "Kaya nga eh.. Ewan ko ba.." sabi nito.. Tumango sina Lez at Mia.. "Well.. Kung di kami naghahabol ng oras.. Susugurin pa sana namin yung anak ng kapitan.. Pero ito ang isiksik mo sa kukote mo.. Wag ka ng umalis kung wala ka din lang tiwala sa girlfriend mo.. Pero kung meron sige go ka.. Magtrabaho ka.. Tapos kung pagbalik mo nagtaksil sya sayo.. Meaning di kayo para sa isa't isa.." pangaral ni Romeo.. "Tama.. Move on ka na boy.. " sabi ni Rhoi.. Nagkatinginan sina Lez at Mia.. "Pero first love nya yon.. Mahirap mag move on.. Di ba sabi nila. First Love never dies?.." sabi ni Mia.. Napangisi si Romeo.. "Ah.. That's not totally right.. Yea.. Sort of.. Actually.. I believe that first love never dies, sa isip ng tao.. Eventually.. If happens na makakita ka ng bago.. First love will never fade pa rin.. It

will stuck in your brain and in your heart.. Mali kasi yung interpretation kadalasan ng mga tao.. When they see their first loves, akala nila nabuhay muli yung damdamin.. Pero ang di nila alam.. Di naman talaga namamatay ang damdamin sa puso nila patungkol sa first love.. Actually.. Di lang first love.. Lahat ng minahal nila.. Di yon nawawala.. But it refuses to grow.. May special spot na ang lahat ng minamahal mo sa puso mo..Parang apartment.. Lahat yan may kwarto na.. Pero syempre.. Once you find the one for you.. Maookupa na ng the one mo yung buong puso mo.. Pero nandun pa rin yung mga taong minahal mo.. Natural yon.. Wag mong ipagkamali yon .. First Love never dies.. But it refuses to grow.. Nasa sayo ang susi kung paano mo panghahawakan ang damdamin mo iho.." pangaral ni Romeo.. Natulala ang tatlo.. Napangiti ang tatlong alas. "Kung wala ka talagang tiwala.. Bago ka umalis.. anakan mo muna.. " pahabol ni Romeo.. Nagtawanan ang tatlong alas.. "Teka.. MAgsyota ba kayo?.." turo ni Rhoi kay Mia at Lezard.. Nagblush ang dalaga at napailing.. Napangisi naman si Lezard at nanlaki ang butas ng ilong.. Nauna na si Romeo na lumabas.. Tatawa tawang sumunod naman sa kanya ang mga kapatid nya.. Nakanganga lang si Raffy .. "Hoy !.. " untag ni Mia.. Natawa si Lezard at hinatid ng tingin ang apat na alas.. "Ang galing nila.." sabi ni Raffy.. "Yea.. Ang popogi pa.." banat ni Lezard.. "Okay ka na?.." tanong ni Mia.. Tumango si Raffy.. Napangiti na lang sila at hinatid ng tanaw ang apat na naggagwapuhang binata..Pero biglang nanlaki ang mga mata ni Mia.. Napatingin si Lezard at Raffy sa kanya.. Why?.. tanong ni Raffy.. Tarantang hinabol ni Mia ang kotse ng apat na alas. Di pa sila nagbabayad !.. sigaw ni Mia.. Pero huli na.. Malayo na ang kotse..

On the way ulit ang apat na alas..

Nilampasan nila ang hasyenda ng mga Montefalco.. Diretso sila sa susunod na bayan.. Huminto si Darius para magpagasolina.. Then after non.. Diretso ulit sila. "Mga pare.. To the next level na itong pagpasok natin sa teritoryo ng iba.." sabi ni Romeo.. Nagtaka ang tatlo. "What you mean?.." tanong ni Rhoi.. "Maaari na tayong mamatay dito sa gagawin natin.." biglang sabi ni Romeo.. Natahimik ang tatlo. "Ah.. Sige pre.. Ako na lang ang pupunta.." sabi ni Aldrin.. Nagtawanan ang tatlong alas. "Gagong to.. Ang drama ampota." biro ni Rhoi.. Napangiti si Aldrin.. "Pero seryoso ako.. Pwede na nila tayong kasuhan ng tresspassing.. Sinasabi ko lang.. In case na magkagulo.. Pwede nila tayong basta nalang barilin.." sabi ni Romeo.. Napangisi ang tatlong alas. "Walang iwanan.." sabi ni Rhoi.. "Walang atrasan.." banat ni Darius.. "Back up natin ang isa't isa.." seryosong sabi ni Darius. Tumango si Romeo.. Nilahad nya ang palad..Dinuraan.. Napangiti ang tatlong alas.. Dinuraan din nila ang mga palad nila at hinawakan ang palad ng isa't isa. Kwadro Alas !.. sigaw ni Romeo.. Ngumiti ang apat.. Biglang binawi ni Romeo ang palad nya. Agad namang binawi din ng tatlo ang sarili nilang palad at sabay sabay na nagpunas.. Sino ba kasi nakaisip non?.. tanong ni Rhoi..

Tinuro nila si Romeo. Eh yung yung nakikita ko sa TV eh.. Sige na.. Kadiri.. banat ng binata. Nagtawanan sila.. Isang oras ang lumipas. Pumasok na sa pribadong pag aari ang sasakyang kinalululanan ng apat na alas.. Dahan dahan silang umibas palabas ng sasakyan. Nagmasid masid muna sila.. Tatawag na sana si Romeo sa ama nya pero eksaktong may lumabas na lalake mula sa isang malaking bahay.. NAgkatinginan ang apat na alas.. Maybe thats Steve.. Kamukha ni Estong eh.. bulong ni Aldrin.. Napatango si Romeo at tinuloy ang pag tawag.. Di pa sya nakakatapos ay may lumabas pa na isang lalake.. Nagkatinginan ulit ang apat na alas.. Gotcha !.. bulong ni Aldrin.. Yan si Estong?.. tanong ni Darius.. Tumango ang binata.. Bumuo sila ng squre.. Parang sa basketball.. Pinlano nila ang gagawing paghuli sa magkapatid.. Okay pare.. This is you.. Rhoi .. Box out pare.. Tapos Taba.. Wait mo pasa ko then pasa mo ulit kay Aldrin palabas.. Tira mo agad ng tres pare.. Wag ka matakot ..Kami rerebound.. nag guhit guhit pa si Romeo sa lupa. Pinagkokotongan sya ng mga kaibigan nya.. "Tangna.. Be serious. !.." sigaw ni Darius.. Pero muli syang bumulong.. Sinaway siya ng iba na manahimik.. "Be serious kasi pare.. Anyway.. Pasok naman yan pag ako tumira eh.." banat ni Aldrin.. Nagtawanan silang apat.. Biglang nagsalita si Romeo. "Ang sabi ni Uncle Gus.. May nabaril daw yang kapatid ni Estong kaya hinahunting sya ng magulang nung nabaril nya.. May reward ata yan.. So meaning , kapag nahuli natin sya.. May pera tayo.." sabi ni Romeo.. Napangisi ang tatlo.

"Game.. Ganito.. " nagbulungan ang apat na alas.. Sumali ang mga tutubi sa meeting nila.. Pati mga uod nakipulong na din.. "So yon nga.. Okay ba?.." sabi ni Romeo. Tumango ang tatlo.. Tiningnan nila ang magkapatid.. "Let's Rock !.." sigaw ni Romeo.. Bigla syang tumakbo palapit sa magkapatid .. Sumunod ang tatlo pa. Nagulat ang magkapatid na Estong at Steve.. Taranta silang tatakbo sana pero nadama nina Aldrin at Rhoi si Estong.. Tinalunan ni Darius si Steve at hinawakan ni Romeo ang hita nito. Huli ang magkapatid.. Sinikmuraan ni Darius si Steve dahil medyo may kalakihan ang katawan nito.. Halos mapaluhod ang lalake.. Pero talagang malakas ito. Hinubad ni Romeo ang suot na belt at tinali sa paa ni Steve.. Walang nagawa ang lalake.. Nakaupo sya habang pinagsusuntok nina Romeo at Darius. Si Estong naman ay hawak ni Rhoi.. Nakatitig lang sa kanya si Aldrin.. Nakalatag sa muka ni Estong ang takot.. Si Aldrin naman ay kanina pa nang gigil pero inaawat nya ang sarili.. Tinali nila ang dalawa sa isang puno. Naupo sila sa harap nito at pinagbabato nila ng maliliit na bato ang dalawa.. "Tagal naman nila Tito.." reklamo ni Darius. Eksaktong pagsabi nya.. Nakarinig sila ng wang wang ng mga pulis..

Nagsidatingan na ang mga alagad ng batas kasama ang ama nila.. Agad na lumapit ang mga ito sa mga binata na nag camp fire pa sa tapat ng puno.. "Para kayong nag camping dito ah.." biro ni Vincent.. Natawa naman ang mga binata. "Tama Dad..Ito ang kakainin namin eh.." turo ni Rhoi sa dalawang nakatali... Nagtaka si Gustavo kung paano nila nahuli ang magkapatid.. Pero di na sya nagtanong.. Lagi namang ganito..Magugulat pa ba sya sa apat na alas?.. Akala nila tapos na ang gulo pero dumating ang lolo ni Hannah. Sakay ito ng kotse .. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.. Seryosong lumapit ang Lolo sa nakataling si Estong. "Itinuring ko kayong mga apo.. Pero anong ginawa nyo?.." madiin na sabi ng Lolo.. Di makatingin ang magkapatid. Binulungan ni Romeo ang matanda.. NApakunot noo ito pero tumango.. Nagulat ang lahat ng kalagan ni Romeo ang tali ni Estong.. Tinapik nya si Aldrin.. "Pare.. Wag ka ng mahiya.. Banatan mo na.." sabi ni Romeo.. Napangisi si Aldrin..Kinwelyuhan nya si Estong at kinaladkad sa mas malawak na lugar.. Sumunod ang lahat.. Pinalibutan nila ang dalawang binata.. "Marami ka ng atraso saken.. ! " sigaw ni Aldrin.. Sinuntok nya si Estong ng malakas sa panga.. Hilo ang binata pero agad itong bumangon at sinikmuraan si Aldrin.. Napaluhod ang binata .. Pero agad din syang tumayo at sinipa si Estong.. Sapul sa tyan, umatras si Estong.. Pinatungan ni Aldrin ang binata at walang habas na pinagsusuntok sa mukha.. Iwas ng iwas si Estong.. Yung ibang suntok ni Aldrin sa lupa na tumatama pero tuloy pa rin sya sa pag unday ng malalakas na suntok.. Sa gigil nya.. Inuntog nya ang ulo nya sa ulo ni Estong..

Duguan na ang mukha ng binata pero di pa rin tumitigil si Aldrin.. Lumapit na si Nestor sa anak... Inawat ito.. "Tama na.. Nakaganti ka na.. Tingnan mo oh.." bulong ng ama.. Nahimasmasan ang binata at sinulyapan ang mukha ni Estong.. Parang naging abstract painting na ang mukha nito.. Puno ng dugo at maga ang labi.. Ni hindi magawang makabangon ng binata.. Inalalayan sya ng mga pulis na kasama ni Gustavo.. Sumigaw si Steve.. "That's ilegal !.. " sigaw nya.. Pero tahimik ang lahat.. Wala kaming nakita.. sabi ng Lolo.. Natawa naman ang lahat.. Diniretso na sa mobile ng pulisya ang magkapatid.. Nagpaalam na si Gustavo sa lahat at sinamahan ang mga pulis.. Lumapit si Aldrin sa Lolo ni Hannah.. Lo.. Nasan po si Lelay?.. tanong nya. Ngumiti ang Lolo.. "Nasa simbahan apo.." sabi ng Lolo.. Nanlaki ang mga mata ng apat na alas. "Pare.. Ikakasal na sya !.." sigaw ni Romeo.. "T-teka.. Hindi !.." pahabol ng lolo.. Pero parang walang narinig ang apat.. Walang salitang nag takbuhan ang apat na alas at sinakyan muli ang kotseng ginamit nila.. Takbo sila sa pinakamalapit na simbahan.. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makitang may nakahimpil na mga sasakyan sa harap ng simbahan.. Tinalon na nila halos ang mga hagdan.. Taranta silang pumasok sa loob.. "Itigil ang kasaaaaaaallll !!!.." sigaw ng apat na alas..

Nagulo ang mga nasa loob.. Lumabas si Hannah na nakadamit ng puti.. Naiyak si Aldrin ng makita ang pari.. Napaluhod pa sya sa sahig at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.. Nataranta si Hannah .. Nilapitan nya ang nobyo at masuyong inakay papunta sa upuan ng simbahan.. "Heart baket?.." tanong ng dalaga.. Umiiyak na hinaplos ni Aldrin ang pisngi ni Hannah.. "Baket Heart?.. Bakit ka pa rin nagpakasal?.. Iniwan mo ako .." sumbat ni Aldrin.. Napakunot noo si Hannah.. Bigla syang sumabog ng tawa.. Naasar ang tatlong alas. "Grabe.. Tinawanan ka lang pre?.." tanong ni Darius.. Tawa ng tawa si Hannah.. Napahawak pa sya sa tyan nya habang tumatawa ng walang humpay.. Ilang saglit pa ang lumipas bago sya nakarecover.. Tinuro ng dalaga ang mga tao.. Mga tange !.. Binyag to !.. Di to kasal !.. sigaw ni Hannah.. Napanganga ang apat na alas.. Hiyang hiya sila sa paring masama ang tingin sa kanila.. Pati mga tao ay di maitago ang sama ng loob sa nagulong kaganapan.. Tawa ng tawa pa rin si Hannah.. Inalalayan nya ang nobyo papunta sa harap ng simbahan kung saan nagaganap ang binyagan. Tita.. Si Aldrin po.. Boyfriend ko.. pakilala ni Hannah.. Sumimangot ang ina ng bibinyagan.. Naupo ang tatlong alas sa upuan ng simbahan.. Binyag pala ampota.. sabi ni Rhoi.. Nagtawanan sila.. Biglang nag ring ang cellphone ni Romeo.. Agad nya itong sinagot ..

Oy Dad.. !. sagot ni Romeo.. Pero di si Primo ang sumagot. Romeo?.. Si Aldrin at Hannah nandyan ba?.. tanong ni Nestor. Opo Tito.. Baket po?.. tanong ni Romeo.. Napabungisngis ang mga nasa kabilang linya.. Nagtaka si Romeo.. "Hala mga baliw.." biro ng binata. Paki sabi sa dalawa.. Sorry sila.. Nakatakda pa ring ipakasal si Hannah.. Tutuparin pa rin ng Lolo ang kasunduan.. Kailangan ng umuwi ni Hannah dahil nandito na ang Bestfriend ng Lolo nya.. sabi ni Nestor.. Nanlaki ang mga mata ni Romeo. Tulala nyang binaba ang cellphone at tinitigan ang dalawang katabing kaibigan.. Pare baket daw?.. tanong ni Rhoi. Sinabi nya ang sinabi ni Nestor. Whhaaat?.. Di pa rin tapos yan?.. Hala naman !.. sigaw ni Darius. Nakuha nila ang atensyon ng mga tao.. Masama na naman ang tingin sa kanila ng pari kaya lumabas silang tatlo. Pumwesto sila sa tabi ng simbahan.. Paano natin sasabihin sa kanila?.. tanong ni Rhoi. Nagkibit balikat si Romeo.. Di din sya makapaniwala sa dami ng hadlang sa pag iibigan ng kaibigan nila. Putangnang tadhana yan.. Akala nya matatalo nya ang Kwadro Alas?.. Hah !.. sigaw ni Romeo.. Biglang lumabas si Aldrin at Hannah.. Ano yon pre?.. tanong ni Aldrin. Nag katinginan ang tatlo. Kailangan nyong malaman ito.. Dumating na daw yung bestfriend ng Lolo mo Hannah. .Tuloy pa rin daw yung kasunduan ! .. imporma ni Rhoi. NAnlaki ang mga mata ng magkasintahan.. Naiiyak na si Hannah .. Hinawakan ni Aldrin ang kamay ng nobya at matatag na tumingin sa mga kaibigan nya.

Mga tol.. Di na ako papayag.. Kailangang harapin namin ang matatanda.. Samahan nyo kame.. Kung di nila kami payagan na magkatuluyan.. Lalayas kami.. determinadong sabi ni Aldrin.. Tumango ang tatlong alas. Sumakay na sila sa kotse.. Di na nila hinintay ang pagtapos ng binyag.. NAgyakap sina Hannah at Aldrin.. Heart.. Handa akong ipaglaban ka.. matigas na sabi ng binata.. Tumango si Hannah at dinampian ng halik ang nobyo.. Tumigas na din ang loob nya dahil sa katatagan na nakikita nya sa mga mata ng kasintahan.. Lalaban na sila.. Di na sila tatakas pang muli.. Chapter 37LEAPOT !

Tahimik na umibis mula sa sasakyan ang apat na alas kasama si Hannah. Ramdam nila pare pareho ang nakaambang kaguluhan na maaaring maganap. Humigpit ang kapit ni Hannah sa braso ng kasintahan. Nagkatinginan ang apat na alas. "Guys, before anything else. Wag ka ng epal Rom. Alam ko ayaw mo sa emo at madamdaming pag uusap. Pero hayaan mo muna akong makatapos. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagawa ninyo. Kung di dahil sa inyo, malamang na nabuwag na ang relasyon namin ni Hannah. Marami akong natutunan sa bawat araw na nagdaan. Maraming salamat." nakangiting pahayag ni Aldrin. Nag thumbs ang tatlong alas sa kanya. Napatingin sila sa mansyon. Simbulo ng karangyaan ng pamilya Montefalco. Napabuntong hininga si Hannah. Mahal na mahal nya ang pamilya nya.. Ni sa isip, di nya mailarawan ang sarili na sinusuway ang mga ito. Pero kailangan nyang manindigan. Nakasalalay sa desisyon nya ang kaligayahan nila ni Aldrin. Lalo nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ng nobyo. Tila humihingi ng lakas and at the same time ay pinapasa naman nya ang kanya. Napatingin si Aldrin sa kasintahan.

Napuno ng pagmamahal ang puso nya. Di nya akalain na maaaring maramdaman ng isang partikular na nilalang ang ganitong damdamin.. Napakalakas na hatak ng emosyon .. Pinupuno nito ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Ngumiti si Hannah.. "I love you Heart.. No matter what. bulong ni Aldrin. Nagblush si Hannah.. Walang salitang kayang mamutawi sa kanyang bibig sa mga oras na iyon.. Tumingkayad sya at masuyong dinampian ng halik ang pinakamamahal na nobyo. Batid nyang di nya kayang isatinig ang nararamdaman.. Kaya sa pamamagitan na lamang ng halik, maipadama nya sa nobyo ang kasagutan sa sinabi nito.. Napangiti lalo ng maluwang si Aldrin.. Kung ganito ba naman ang kailangan mong ipaglaban.. Sa tingin nya ay kakayanin nya ang lahat.. Tumikhim si Romeo. Nag inat ang tatlong alas.. Nagkatinginan sila at nagkangitian.. Mga tol.. Walang iwanan.. nakangiting sabi ni Romeo. Yeah !.. sabay na sabi nina Rhoi at Darius.. Ngumiti ng matamis sina Hannah at Aldrin.. Nilingon nila ang malaking mansyon.. Naunang pumasok si Romeo pero bigla din syang tumigil.. You should come first.. Para di kami masabihan ng tresspassing.. biro ni ROmeo kay Hannah.. Bungisngis ang dalaga .. Inalis nya ang pagkakakapit sa braso ng nobyo at nilipat ito sa kaliwang kamay nito..Napangiti ng maluwang si Aldrin at humigpit din ang pagkakahawak nya sa kamay ng katipan.. Tahimik nilang binagtas ang malawak na entrada ng hasyend.. Napakunot noo na ang dalaga.. Why heart..?.. tanong ni Aldrin.

Huminto si Hannah sa bukana ng hagdan . Nilingon nya ang kapaligiran..Muling kumunot ang kanyang noo. Somethings wrong... bulong nya.. Tumango sina Romeo.. Yeah.. Di ganito katahimik dito.. Parang walang katao tao.. bigkas ni Rhoi.. Napatingin sila sa paligid.. Keep going.. I smell somethings fishy going on.. utos ni Romeo.. Tumango ang lahat.. Marahan silang umakyat sa hagdan at binuksan ang front door. Agad napahigpit ang paghawak ng magkasintahan sa kamay ng isat isa.. Unang bungad sa kanila ay ang seryosong mukha ng Lolo ni Hannah na nakaupo sa isang mataas na silya ..Nakadekwatro at nakahawak ang isang kamay sa baba.. Sit.. malamig na utos ng Lolo.. Nagkatinginan ang mga magkakaibigan.. Napalunok si ALdrin .. Dahan dahan silang naupo sa katapat na sofa..Niyakap ni Hannah ang braso ng kasintahan.. Sumunod sina Rhoi at Darius.. Pero tumanggi si ROmeo.. Masyado na akong nabugbog sa pagkakaupo.. I prefer to stand.. paliwanag ng binata.. Tumango ang Lolo.. Muling bumaling ang tingin nya sa magkayakap na kasintahan.. Pilit na ikinukubli ang emosyon sa mukha.. Seryoso.. Now..That all the mess was finally over..Gusto kong magpasalamat sa inyo.. Kwadro Alas.. Sa pangangalaga sa apo ko.. bungad ng Lolo.. Napangiti ang tatlong alas.. Seryoso si Aldrin na nakipagtitigan sa Lolo.. You dont have to thank me sir.. Its a called duty... Not me.. But my Heart told me na alagaan sya.. paliwanag ni Aldrin..

Tumango ng marahan ang Lolo.. Pinitik nito ang kamay.. Nagkatinginan ang apat na alas.. Biglang lumabas si Elena.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah at akmang sasalubungin ang ina.. Pero nagtaka sya .. Maging ito ay seryoso ang pagkakatingin sa kanya.. N-nay?.. impit na sabi ni Hannah.. Napangiti ng malungkot si Elena.. Naupo ito malapit sa trono ng Lolo.. Seryoso at mukhang malungkot.. Nuon..Mayroon akong isang matalik na kaibigan..Halos kapatid na ang turingan namin sa isat isa..Tulad ninyong apat..Habang nasa kalagitnaan ng labanan..Nakabuo kami ng isang pangako..Sumumpa kami na kung sakaling matakasan namin ang karit ni kamatayan.. Ipagkakasundo namin ang aming mga anak..Bilang tanda ng walang hanggang koneksyon sa isat isa..Ayaw kong sirain ang pangakong yon.. Pinagkasundo ko ang nag iisa kong anak na babae..Itoy walang iba kundi ang iyong ina Hannah..Si Elena.. Pero sa kasamaang palad..Tumakas sya..Nagalit ako..Natural na reaksyon para sa isang ama na sinuway ng kanyang anak..Hinanap ko sya..Pero natagpuan kong masaya na syang namumuhay sa piling ng isang magsasaka..Payak at simpleng pamumuhay..Kung di ka kakahig, di ka tutuka..Kabaligtaran ng dapat ay dinaranas nya sa piling ng anak ng matalik kong kaibigan..Akala ko maaari pa..Pinlano ko silang mag hiwalay.. Pero nalaman kong nag dadalang tao na ang aking unica hija... At ikaw nga iyon apo.. kwento ng Lolo.. Nakinig ang lahat sa bagong kwento.. Kapwa walang salitang namutawi sa bibig ng apat na alas maging kay Hannah.. Akala nila Trip trip lang ang nais na gawin ng Lolo pero nabigla sila sa nalamang may pinag ugatan pala ang lahat.. Lalong humigpit ang kapit ni Hannah sa braso ng kasintahan.. Sa nakikita ko.. Mukhang masaya ka naman apo ko.. malungkot ang pagkakangiti ng Lolo.. Tumango tango si Hannah.. Ayaw man nya, di na nya napigilan ang pag agos ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.. Parang nahuhulaan na nya ang nais iparating ng Lolo.. Masyadong mabigat para sa aming matatanda ang pangakong binitawan apo ko..Gusto kong ipaunawa sa inyo ang sitwasyon ko..Oo, kasalanan ko ang lahat..Pero gusto kong iparating sa inyo na wala akong balak sirain ang pangakong iyon.. matigas bigla ang pagkakasabi ng Lolo..

Nahindik ang magkasintahan.. Pati ang tatlong alas ay nakaramdam ng di maipaliwanag na inis .. Nanlaki ang mga mata ni Hannah.. L-lolo.. mahinang sabi ng dalaga.. Tumango ang Lolo.. Kailangan makasal kayo ng apo ng matalik kong kaibigan .. Di ka na makatatanggi ..Wala kang karapatang tumanggi.. madiin ang mga salitang lumabas sa Lolo.. Napatayo na ang magkasintahan.. Napatingin si Hannah sa ina na tahimik lamang na nakayuko sa isang tabi. N-nay?..W-wala po ba kayong gagawin?..Nay!.. Ayaw ko po !.. sigaw ni Hannah.. Tumitig ang kanyang ina..Nagulat pa si Hannah ng makitang luhaan na ito.. P-patawarin mo ako anak..Sundin mo na lamang ang Lolo..Tama na ang pagsuway natin sa kanya.. mahinang sabi ni Elena.. Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah.. Umagos na ang luha sa kanyang mga mata.. Nag kandailing iling sya .. Hinarang ni Aldrin ang katawan sa nobya at matatag na nakipagtitigan sa Lolo.. Hindi po ako papayag !.. matigas na sabi ng binata.. Napangisi ang matanda.. At ano naman sa tingin mo ang magagawa mo?.. hamon nito sa binata.. Napalunok si Aldrin.. Batid nya ang bigat ng konsekwensya na maaari nilang harapin.. Sa nakaamba nyong pagsuway sa nais ko.. Daranasin nyo din ang hirap na dinanas ng ina mo Hannah.. Oo nga, nabuhay sila..Pero bago iyon.. Naghirap muna sila..Iyon ang gusto kong isiksik sa utak ninyong dalawa..Oras na suwayin ninyo ang nais ko.. Aalisan kita ng karapatan sa mana..Lahat lahat..Mamumuhay kayong wala ni isang singko sa bulsa.. Kakayanin nyo ba? muling hamon ng Lolo.. Nagkatinginan sina Hannah at Aldrin.. Yumakap ang dalaga sa nobyo.. Handa akong maghirap Pot.. bulong ni Hannah.. Napaismid ang Lolo..

Kung makasarili ka Aldrin..Humayo kayo..Iparanas mo kay Hannah ang hirap ng buhay..Di porke may kaya ang pamilya nyo, masusustentuhan mo na ang pang araw araw nyang pangangailangan.. At ganun ka ba inutil para umasa na lamang sa mga magulang mo?.. maasim na sabi ng Lolo.. Napaisip si Aldrin.. Masuyo nyang tiningnan ang kasintahan.. Masakit sa kanya ang mawalay dito ngunit sa gagawin nila..Mararanasan ni Hannah ang hirap na di nya nakasanayan..Kahit sya..Pero handa syang harapin ito alang alang sa dalaga..Pero si Hannah..Maatim nya bang makitang nag hihirap ang kasintahan dahil sa pareho nilang pagsuway?.. Di nagsalita ng ilang minuto si Aldrin.. Nakatitig lamang sya kay Hannah.. Naglalakbay ang diwa nya at isip sa maaaring maganap sa hinaharap.. Niyakap ng mahigpit ni Hannah ang kasintahan.. Pot.. bulong nya.. Ngumiti ng malungkot si Aldrin.. Hinaplos nya ang pisngi ng nobya at tiningala sa kanya.. Heart..Maaaring mawala sa atin ang lahat.. malungkot na sabi ni Aldrin.. Tumango si Hannah..Luhaan.. Alam ko..Pero tanggap ko na..Basta kasama kita..Sapat na yon..Magkasama tayong haharap sa future natin..Basta magkasama tayo.. mahinang sabi ni Hannah.. Ngumiti ng malungkot si Aldrin.. Marahan nyang pinunasan ang luha sa mga mata ng dalaga.. Ako din..Handa akong sumugal ..Basta wag ka lamang nilang kunin sa akin.. masayang sabi ni Aldrin.. Ngumiti si Hannah..Di nya mapigilan ang bugso ng damdamin..Tumingkayad sya at pinalibot sa leeg ng kasintahan ang dalawa nyang braso.. Sinakop ng mga labi ni Aldrin ang malalambot na labi ng dalaga.. Wala na silang pakialam sa paligid.. Ang mahalaga..Maipadama nila sa isat isa ang masidhing damdamin na hirap silang pangalanan.. Ilang segundo din halos nag dikit ang kanilang mga labi. Tumikhim ang Lolo..

Nagkalas ang magkasintahan at matatag na tumitig sa matanda. Ano na?.. untag nito.. Wala na po kaming pakialam sa yaman.. sabi ni Hannah.. Tumango tango ang matanda. Handa po kaming maghirap..Basta magkasama lamang kami.. sabi naman ni Aldrin.. Lalong tumango tango ang Lolo.. Pre..Nandito din kame.. biglang singit ni Romeo.. Napangiti ang magkasintahan.. Alam ko.. sabi ni Aldrin.. Ngumiti ng maluwang ang Lolo pero agad nya din itong tinago. Tumikhim syang muli.. Kung yan na ang pasya ninyo..Sige..Pero nais ko munang tawagin ang matalik kong kaibigan..Ufo..Lekat ka..Lumabas ka na dyan.. sigaw ng Lolo.. Napakunot noo ang mga magkakaibigan. Sa isang parte ng bahay..Tatawa tawang lumabas ang isang matanda .. Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makilala ang sariling abuelo.. Pops?.... sigaw ni ALdrin.. Napahagikgik ang matanda at tumabi sa bestfriend nya.. Naghigh five ang mga ito.. Whats the meaning of this?.. tulalang tanong ni Aldrin.. Lalong nag bungisngis ang dalawang matanda.. Pero di pa pala tapos.. Isa isang naglabasan ang mga nanay at tatay nila. Hawak ni Nestor ang isang video camera at tumatawang lumapit sa magkasintahan.. Hayup ang drama nyo anak..Bebenta ito sa mga sawa na sa buhay at gusto ng mag suicide..Kadiri kayo.. pang aasar ni Nestor.. Tawa ng tawa ang mga tatay nila.. Lahat sila nag si upo sa mahabang sofa..

Litong lito ang kwadro alas pati na si Hannah.. Lalo silang nagulat ng mula naman sa likod.. Nagsilabasan sina Krissia, Bea, Cynthia, Khena at Hazel.. Lahat tawa din ng tawa... Anak ng bakang bakla..Na youscoop tayo pre ! sigaw ni Romeo.. Lalong nagtawanan ang lahat.. Napaupo ang magsintahan at di pa rin makapaniwala sa kaguluhang nangyayari.. Tumigil sa paglalandian ang dalawang lolo at umayos ng upo.. Apo..Tulad ng kwento ko..Ito ang bestfriend ko.. Si Arnulfo..Ufo for short.. pakilala ng Lolo ni Hannah. Napanganga sina Hannah at Aldrin.. P-pops?..Anong trip to?.. untag ng binata.. Bungisngis ang lolo.. Eh ito ang trip nitong matandang to..Ayos naman di ba?..Oh anak nakunan mo ba ang nakapandidiring kakornihan ng anak mo?.. sabi ni Lolo Ufo.. Nagthumbs up si Nestor sa ama.. Napahalakhak sina Elena at ALona sa isang tabi.. Mom?..Kasabwat ka din nila?.. ungol ni Aldrin.. Tumango ang ina at hinawakan ang kaibigang si Elena... Pati ikaw Naynay?.. tili ni Hannah.. Lalo silang nagtawanan .. Di maipinta ang itsura ng apat na alas pati na si Hannah.. Tulad sana ng napagkasunduan..Balak naming ipakasal sina Nestor at Elena nuon..Pero tumakas si Elena..Ayos din naman..Dahil kung di dahil sa pagsuway nya..Di kayo lalabas dalawa.. bungad ng Lolo ni Hannah.. Di na maiwasang mapangiti nina Hannah at Aldrin.. Pero mukhang ayaw naman ninyong sundin ang kasunduan..Kaya sige..Wala ng kasunduan na magaganap.. landi ng Lolo ni Aldrin.. Napatayo si Aldrin at tumawa.. Ituloy ang kasunduan !..Bwahahahaha!.. sigaw nya. Halakhakan ang lahat..

May bumusina sa labas.. Pumasok sina Tatay Bert at Mang Jack..Kasama ang mga asawa ng dalawang matanda.. Tatay..Nandito na yung mga pagkain..Ano?..Nagkaalaman na ba?.. tanong ng Lola ni Hannah. Napaungol ang magkasintahan.. Hayup sa setup pre..Nakakaasar na nakakatuwa..Pero asar pa rin eh.. reklamo ni Romeo.. Lalong nagkagulo at umugong ang tawanan.. Inayos na nila ang mga pagkain na inorder.. Nagkaroon ng maliit na salu salo sa bakuran ng mga Montefalco.. Sa mahabang mesa..Magkatabing nakaupo ang dalawang matanda.. Masayang masaya sila na pinagmamasdan ang kanilang mga apo na maglakit na nakatitig sa isat isa. Tumawa si Ufo.. Parekoy..Mukhang oks na oks na mga apo natin ah.. biro ng Lolo ni Aldrin.. Tumawa ang Lolo ni Hannah. Oo nga eh..Biruin mo nga naman, ang tindi din magbiro ng tadhana eh no..Sablay tayo sa mga anak natin..Sa apo pala tayo babawi.. nakangiting sabi nito.. TUmango ang Lolo ni ALdrin pero bigla itong natahimik. Ano na nangyari sa mga apo ni Isidor?.. tanong ng Lolo Ufo..Ang tinutukoy ay si Estong at Steve.. Lumatay ang lungkot sa mukha ng Lolo ni HAnnah.. Nakakulong sila parekoy..Ayaw ko sana eh..Baka magtampo si Isidor at bisitahin tayo.. biro nito.. Natawa ng mahina ang Lolo ni Aldrin. Mauunawaan tayo ni Isidor..Batid nyang wala tayong masamang intensyon sa mga apo nya..Nais lamang natin silang matuto..Malay mo..Magbago ang dalawang yon..Panagutan ni Steve ang anak nya..At si Stefen..Makakakita din sya ng mamahalin nya.. Matututo din sila...Mabait si Isidor parekoy..At di magbubunga ng santol ang mangga.. paliwanag ni Lolo Ufo.. Tumango ang Lolo ni Hannah.. Tama ka parekoy..Kung nakikita man tayo ni Isidor..Para sa kanya ang unang tagay !.. sabi ng Lolo ni Hannah. Nagpingkian ang kanilang mga baso na may lamang lambanog..

Inisang lagok ang lamang alak.. Unang natapos sa paglagok si Lolo Ufo at tumawa sa bestfriend nya.. Lekat na..Tumatanda ka na parekoy..Mahina ka na sa lambanog..Redhorse na ata tinitira mo eh..pang aasar nya.. Umismid ang Lolo.. Palibhasa wala na yung dati mong tagayan..Mas maliit ng di hamak yang baso mo kesa sa baso ko..Nasan na ba kasi yung baso mo parekoy?.. asar na sabi ng Lolo ni Hannah.. Tumawa ng malandi si Lolo Ufo.. Wag ka ng mangatwiran parekoy..Pero infairness, pumuputi ka ah.. landi ng Lolo Ufo.. Napangisi ang Lolo ni Hannah.. Hiyang pare..Nag lolotion na din ako tulad ni misis..Pati yung padala ni Elena na glutatayon ba yon.. nilahad pa ng Lolo ni Hannah ang maputing braso.. Nacurious naman ang Lolo ni Aldrin..Nainggit.. Oh?.. Ang bangis mo parekoy..Kung kelan ka tumanda ..Tsaka ka nagpapaputi..Pero teka..ano ba yong glutatayon?.... tanong nito.. Bungisngis si Alona sa gilid kasama si Elena.. Parekoy..Bigyan kita..Parang tabletas..Pero maliit lang..Bigyan kita mamaya.. sabi ng Lolo ni Aldrin.. Napatango ang Lolo Ufo.. Bigla itong naglabas ng cellphone.. Nanlaki naman ang mga mata ng Lolo ni Hannah.. Anak ng pating..!.. sigaw nito.. Napangisi ang Lolo ni Aldrin at binida ang bagong cellphone.. Kita mo to parekoy.. May bluetooth yan.. tapos laos na yang papindot pindot mo sa keypad.. Eto na uso.. Touchscreen ang tawag dito..Bangis no..Andaming laro parekoy..May Angry birds pa..Bwahaha..Laos ang glutatayon mo.. pang aasar ng Lolo ni Aldrin.. Nagsintir ang Lolo ni Hannah..Sinitsitan nito ang anak na si Elena.. Pinigilan ng nanay ni Hannah ang tumawa .. Lumapit sya sa dalawang matanda.. Ano po yon Tay?.. tanong nito.. Tinuro nito ang bagong cellphone ng bestfriend nya..

Anak..Wala ka bang uwing telepono para sa tatay mo?.. nagtatampong tanong ng Lolo ni Hannah.. Di na napigilan ni Elena ang tumawa.. Sumabog na sya at halos mahimatay sya sa sobrang halakhak.. Napasimangot ang Lolo ni Hannah.. Aahahahahaha..Grabe..Di ako makamove on sa inyo...Ahahaha..Dami kong tawa talaga..Mga 17 siguro..Ahahahahaha.. tawa ng tawa si Elena. Kailangan pa syang alalayan ni ALona at muling paupuin sa tabi nito.. Napangisi si Lolo Ufo at hinawak hawakan ang bagong cellphone...Inamoy amoy pa ang cellphone nya at halos maduling na ang Lolo ni Hannah sa inggit.. Ang bangis parekoy..Grabe..Pwede kong gamiting alarm ito sa umaga..Grabeee.. landi ng Lolo ni Aldrin.. Nanlaki ang mga mata ng Lolo ni Hannah.. Pwedeng alarm?..Yung sakin may flashlight lang eh..Kainis ka!.. binatukan bigla ng Lolo ni Hannah ang Lolo ni Aldrin. Tawa ng tawa ang dalawang matanda... Palaro ako parekoy.. ungot ng Lolo ni Hannah.. Biglang napatingin sa paligid ang Lolo ni Aldrin at bumulong sa bestfriend nya. Parekoy..Wag ka na maadik sa laro sa cellphone ..May peysbuk ito.. bulong ng Lolo ni Aldrin.. Nanlaki lalo ang mga mata ng Lolo ni Hannah.. Say whaaatttt?.. sigaw nito.. Pero tinakpan ng Lolo ni Aldrin ang bibig ng kaibigan.. Putris ka parekoy..Wag kang maingay.. Di ba may peysbuk ka na?.. Dali..Pasok mo.. May tuturo akong PAGE.. Ay dyos ko parekoy..Ang daming chikababes na halos wala ng damit..Maglalaway ka talaga..Nuong kapanahunan natin, makita mo lang ang hita.. Pakakasalan mo na..Ngayon kahit kasingit singitan parekoy..Nakow talaga..Baka atakehin ka sa puso parekoy.. iiling iling na pinaglaway pa ng Lolo ni Aldrin ang kaibigan nya.. Pasimple silang nag facebook dalawa.. Nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda sa baong posts ng isang kilalang adult page.. G-grabe parekoy..A-ang t-tambok.. bulong ng Lolo ni Hannah.. Sssh..Parekoy..Madami pa yan..Nakarami na nga ako eh..Yung iba pasimple kong tinago sa memory..Mamaya pasahan ko yung cellphone mo..Scandal pa parekoy.. nang iinggit na sabi ng Lolo ni Aldrin..

Natahimik ang dalawang matanda.. Napapapikit pa sila kapag nakakakita ng malalaswang larawan ng mga babae sa facebook.. Nasa kalagitnaan sila ng pag bobrowse ng biglang mauntog ang ulo nila sa isat isa.. Galit na nilingon ng dalawang matanda ang may sala kung bakit sila nauntog sa isat isa pero halos malaglag sila sa upuan ng makita ang nakasimangot na mukha ng dalawang Lola.. Ano yan?.. nakataas ang kilay na tanong ng Lola ni Hannah.. Napahawak sa puso ang Lola ni Hannah at nagkandailing.. Pingot agad ang Lolo ni Aldrin.. Tawa ng tawa ang mga nanay at tatay nila sa dalawang Lolo.. Pati kwadro alas di mapigilan ang tumawa sa matatanda.. Problema non?.. tanong ni Darius.. Nagkibit balikat lang sina Rhoi.. Kinalabit ni Hannah ang kasintahan at nginuso ang daan papuntang ilog.. Napangisi si Aldrin..Pasimpleng tumayo ang mag kasintahan at tumakas papunta sa ilog kung saan nila nalamang ang katauhan ng isat isa.. Tahimik lang sila habang naglalakad.. Naupo sa damuhan si Aldrin at nilatag ang panyo sa tabi nya.. Nakangiting naupo si Hannah sa tabi ng nobyo at humilig sa balikat nito.. Pinagmasdan nila ang papalubog na araw.. Masayang masaya ang pakiramdam nila.. Heart.. bulong ni Aldrin.. Napalingon si Hannah.. Nagkatitigan sila.. Napuno ng pagmamahal ang puso ng dalawang nilalang.. DI nila kayang pangalanan ang damdaming sumasakop sa pagkatao nila.. Wala silang nais gawin sa mga oras na iyon kundi ipadama ang pagmamahal sa isat isa.. Dahan dahang naglapit ang mga mukha nila.. Napapikit pareho sa intensidad na sumalubong sa pagdadampi ng kanilang mga labi..

Masuyo ang paghalik na ginagawa ni Potpot sa kasintahan...Walang pagmamadali.. Batid nyang hawak na nila ang oras at tadhana.. Wala ng hadlang pa..At kung meron man..Magkasama nilang haharapin ni Lelay ang hadlang.. Tumulo ang luha sa mga mata ni Lelay.. Di nya maintindihan pero napakasaya nya. Kinulong ni Potpot sa dalawang kamay ang mukha ng kasintahan at pinagdiinan pa ang halik.. Binuka ni Lelay ang bibig at pinapasok ang dila ng nobyo.. Napasinghap pa sya sa panibagong sipa ng damdamin na bumalot sa pagkatao nya.. Pinalibot nya ang mga braso sa leeg ng kasintahan at lalong pinagdiinan ito palapit sa kanya.. Matagal silang naghalikan.. Masarap at di maipaliwanag ang nararamdaman nila.. Sa di kalayuan..Nakakubli si Romeo.. Nakangisi ang binata at pasimpleng nirerecord ang mga pangyayari gamit ang videocam ng tatay ni Aldrin.. Napag utusan lang sya.. Pero kahit siguro di sya utusan, ganito pa rin ang gagawin nya.. Bungisngis ang binata.. Masyado ng matagal ang paglalabing labing ng dalawa.. Baka mauwi na sa pag gawa ng bata.. Kailangan na nyang mamagitan.. Pinatay ni Romeo ang videocam at akmang lalabas na sa pinagtataguan ng may humawak sa braso nya.. Paglingon nya ay nanlaki ang mga mata nya at agad na napaupo sa damuhan.. Sisigaw sana ang binata pero kataka takang walang boses na lumabas mula sa kanyang bibig.. Lalo syang inalihan ng takot para sa kaharap.. Sumenyas si Totoy na wag matakot.. Napatango si Romeo kahit kabaliktaran ang nararamdaman nya..Sobrang kabog ng dibdib nya.. Hinatak ni Totoy papunta sa malayo ang binata.. Kung saan kita nila ang magkasintahan at ang mga nagkakasiyahan.. Wag ka ng manggulo..ANg KJ mo din eh.. bungad ni Totoy..

Umungol si Romeo at natuwa sya ng may lumabas ng boses sa bibig nya.. S-sino ka ba talaga?.. tanong ng binata.. Napangiti si Totoy at inakbayan si Romeo. Ako at ikaw ay iisa.. Wag ka ng magtanong..Di ka ba masaya sa kinahinatnan ng mga kaibigan mo?.. tanong ng binata.. Napangiti na din si Romeo..Binalingan nya ng tingin ang magkasintahan na magkayakap na lamang.. Masayang masaya.. sabi nya.. Ngumiti si Totoy at tumalikod.. Napatingin si Romeo.. San ka pupunta?..Ayaw mo bang kumain?..Daming food o.. alok ng binata.. Pero tumanggi si Totoy.. Kayo na lang...May lakad pa ako...Ngapala..Good job.. sabi nito.. Nagtaka naman si Romeo.. Good Job for what?.. takang tanong nya.. Ngumiti si Totoy.. For taking care of your brothers..Wag kang magbabago ..Tandaan mo..Ako at Ikaw ay iisa..Di mo man maunawaan ngayon..Pero batid kong mauunawaan mo din yan pagdating ng hinaharap...Anyway..May partner ka na ba sa book 4?.. tanong nito.. Umiling si Romeo.. Wala pa..Wala pa akong mapili.. sabi lang nya.. Ngumisi si Totoy.. Ah ganun ba?.. Sige..Alis na ko... sabi nito.. Tumango si Romeo at tumalikod na din.. Pero bigla syang may naalala.. Ngapala pre.. sabi ni ROmeo pero nanlaki ang mga mata nya.. Napatingin sya sa langit ng makarinig ng pagaspas ng kung ano.. Halos mapaupo si Romeo ng makita ang pagkalaki laking puting pakpak paakyat sa itaas.. Di nakapagsalita si Romeo.. Biglang may umihip na malamig na hangin at napalunok ang binata..

Umariba sya ng takbo sa takot.. Nakangiting muling tumayo ang magkasintahan at bumalik sa kasiyahan.. Batid nila ang damdamin nila sa isat isa ay pang matagalan na..O baka nga pang habang buhay na.. Magkasama nilang haharapin ang bawat pagsubok na maaaring dumating at humarang sa relasyon nila.. Pero di sila nangangamba..Hawak nila ang puso ng isat isa.. Kasama ang di matitibag na barkada at pamilya.. Wala na silang hahanapin pa.. Nagkatitigan ang magkasintahan at ngumiti sa isat isa.. I love you... bulong ni Potpot. Nilabas nya ang kwintas na matagal na rin nyang pinanghawakan .. Naluha si Lelay ng makilala ang sinulid na ginawa nya para sa kababata.. Di na ito kasya sa leeg ni Potpot.. Nangamba silang baka maputol ang sinulid kaya muli itong sinilid ng binata at binulsa.. Hinimas ni Lelay ang kwintas na bigay ng kasintahan.. Napangiti silang muli sa isat isa.. Nagdampi ang mga labi.. Pero agad ding naghiwalay ng mapadaan sa kanila si Romeo na animoy nakakita ng multo.. Napatingin sa isat isa ang magkasintahan.. Baliw o.. turo ni Aldrin kay ROmeo.. Natawa si Hannah at niyakap ang nobyo.. Sabay silang bumalik sa pamilya nila..

End !..

Epilogue.. Mabilis na lumipad paakyat ng langit si Totoy..Nakangiti sya at di maitatangging masaya ang nararamdaman....

Naupo sa isang tumpok ng ulap ang anghel at naglabas ng tablet.. Binuksan ni Totoy ang tablet nya na may tatak ng mansanas na may kagat sa likod nito. Ilang saglit pa ay umilaw na ang tablet..Napangiti ang anghel at nagswipe patungong applications.. Dinutdot dutdot.. Hanggang makarating sa pakay.. Apat na mukha ng binata ang nakahantad sa harap nya.. Bawat isa ay may simbulo ng baraha sa harap.. Pinindot ni Totoy ang mukha ng Ace of Hearts at nagkaroon ito ng isang malaking Check.. Napahagikgik pa sya ng makita ang susunod na simbulo.. Ang Ace of Diamonds.. Nag swipe si Totoy.. Pinaglapit nya ang Ace of Diamonds at ang Queen of Diamonds..Umilaw ang Tablet ng binata.. Ngumiti ang anghel at muling pinatay ang gadget..Nilingon nya ang lupa at kumaway.. See yah..Magbubeauty rest muna ko.. landi ni Totoy.. Muling lumabas ang pakpak nya at lumipad paitaas.. Sa kalagitnaan ng party sa bakuran ng mga Montefalco.. Tahimik na ngumangasab ng pagkain si Darius.. Mabilis nyang sinusubo ang bawat madagit ng kamay. Kailangan nyang magmadali at baka abutan sya ni Romeo..Mapurnada pa.. Nasa kasarapan na sya ng paglamon ng mapansin ang pagtunog ng kung ano.. Uminom ng juice ang binata at pinunasan ang nangingintab na bibig.. Hinanap ang pinanggalingan ng tunog. Nakita nyang cellphone pala ito ni Krissia.. Nagkibit balikat ang binata..Nag aatubili kung sasagutin ba o hindi ang tawag.. Nilingon nya ang paligid..Hinanap ang kaibigang babae.. Pero bigo sya.. Nagkibit balikat na lamang sya at sinagot na ang tumatawag.. Halos marindi ang binata sa tili mula sa kabilang linya..

Aaaaaahhh...Sis !...Finally..Im going home !... sigaw ng babae sa kabilang linya.. Nagtaka si Darius.. Sinulyapan ang cellphone..Nagbaka sakaling may pangalan ang tumatawag..Pero unregistered number.. Oy sis..Ay oo nga pala..Bagong number ko..Roaming..Sis si Dannica to !.. muling tumili ang babae.. Halos mabilaukan si Darius sa sinabi ng babae.. Bumilis ang tibok ng puso nya at namawis ang mga palad.. Sis?..Anong nangyari sayo?.. takang tanong ng babae sa kabilang linya.. Lumunok si Darius ng laway at naglakas loob na nagsalita.. E-ekang?.. tanong ng binata.. Yun lang at naputol ang tawag.. Tulala lang na nakatayo ang binata .. Bigla syang kinilig at ngumisi..

KWADRO ALAS Book 1 Personal Copy Of: Romeo Q. Loosa III Story By:

SUPERTOYANTZ !

You might also like