Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Binata na si Iso

Leonora C. Francia

Tauhan

Pangunahing Tauhan:

- Iso (Narciso) lalaking

nagbago ang pagkatao at umibig sa isang babae.

Mga Tulong na Tauhan:


-

Mang Tano Ama ni Iso - Aling Feliz - Ina ni Iso ( nagulat sa malaking pagbabago sa pagkatao ni Iso.) - Romela - babaeng kamag-aral ni Iso. Ang babaeng nagpa-ibig kay Iso.

Tagpuan

Ang tagpuan ay nahahati sa dalawa, ito ay sa tahanan ni Iso kung saan naganap ang kalahati ng kwento at sa kanyang pinapasukang paaralan na doon natapos ang kwento.

Banghay
Ang kwento ay tumatampok sa tauhang si Iso na Malaki ang naging pagbabago sa kanyang pagkatao. Si Iso ay kinagulatang ng kanyang ina at ama dahil sa pagiging masipag sa gawaing bahay at pagiging masipag pagdating sa pag-aaral. Nasabi ng kanyang mga magulang na nagbibinata na si Iso at wala na sa buhay na pagiging bata pa. Si Iso ay pinuri ng Kanyang guro dahil sa katalinuhan nito.

Nakita ni Iso na ang kanyang nagugustuhang babae na si Romela ay nag-iisa lamang sa ilalim ng puno ng manga. Nilakasan ni Iso ang kanyang loob para maka-usap niya si Romela at masabi na nais niya itong ilibre ng halo-halo. nagkaroon sila ng pag-uusap ngunit hindi naging maganda ang huli dahil tinanggihan lamang ni Romela ang hiling ni Iso. Dahil sa nangyari sa kanya ay nakagawa ng love letter si Iso sa unang pagkakataon

Paksa

Ang pagbabago ng buhay ng isang tao.

Tema

Ang buhay ay nahahati sa maraming kabanata at ito ay nakakapagbago sa bawat isa.

Mensahe

Ang pagbabago ng isang tao ay may koneksyon sa ugali,gawi at paraan ng pakikitungo nito sa lahat.

Kaisipan

May malaking dahilan ang pagbabago ng bawat isa at ito ay makikita sa paraan ng kanyang pagkilos o pakikitungo sa lahat ng taong nakapalibot sa kanya. Maaaring magbago ang tao dahil na rin sa isang dahilan o kayay ito ang takda ng panahon.

You might also like