Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagsukat sa presyon ng dugo

Ang presyon ng dugo ay sinusukat bilang systolic pressure at diastolic pressure. Ang systolic pressure ay ang presyon ng dugo kapag ang puso ay tumitibok habang nagbubuga ng dugo. Ang diastolic pressure ay ang presyon ng dugo habang ang puso ay nagpapahinga sa pagitan ng mga tibok nito. Madalas na makikitang nakasulat ang sukat ng presyon ng dugo na nasa ibabaw ang systolic sa diastolic. Halimbawa, 130/90 mmHg, 130 ang systolic habang 90 naman ang diastolic. Ang ibig sabihin ng mmHg ay milimetro ng asoge. Ito ang ginagamit na panukat ng presyon ng dugo. Ang normal na presyon ng dugo sa karamihan ng mga taong edad 18 pataas ay 120/80 mmHg. Ang lahat ng sukat ng presyon ng dugo na mas tataas pa sa bilang na ito ay maituturing na nanganganib magkaroon ng alta presyon at ng iba pang karamdaman na konektado sa puso at dugo. Mas mababa sa 120/80 ang normal. 120/80 hanggang 139/89 ay prehypertension.* Ang presyon ng inyong dugo ay maaari maging problema. Kumilos agad kayo. 140/90 o mahigit pa, ito ay mataas na presyon. *Ang hypertension ay salitang medikal

para sa mataas na presyon. Ang presyon ng dugo ay laging may dalawang numero, ang systolic at diastolic. Halimbawa, 120 over 80 ay sinusulat nang ganito: 120/80. Ang numero sa itaas (120), ang systolic, ay nagsasaad ng presyon ng dugo kapag tumitibok ang puso.Ang numero sa ibaba (80), ang diastolic, ay ang presyon kapag ang puso ay hindi tumitibok.

Ang systolic pressure


Ang normal na systolic pressure ay 120 pababa. Ang systolic pressure sa pagitan ng 120 hanggang 139 ay nangangahulugan ng isang normal na presyon ng dugo na mas mataas sa rekomendado. Ang mga taong may systolic pressure na ganito, bagamat malusog, ay maaaring magkaroon ng mga sakit sa puso. Ang mga taong may systolic pressure na 140 pataas ay may alta presyon.

Ang diastolic pressure


Ang normal na dialostic pressure ay 80 pababa. Ang diastolic pressure sa pagitan ng 80 hanggang 89 ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng normal na presyon ng dugo na mas mataas sa rekomendado. Ang diastolic pressure na 90 pataas ay itinuturing na may mataas na presyon ng dugo.

Mas mahalagang numero


Sa karamihan ng mga tao, ang pagtaas ng systolic pressure ay kasabay sa pagtanda, sa mga kadahilanan gaya ng pagsisikip ng mga ugat, pamumuo ng mga naiipong plaque, at ang madalas na insidente ng pagkakasakit sa mga bahagi ng sistemang sirkulatoryo.

Ang paggamit ng sphygmomanometer


Ang presyon ng dugo ay sinusukat sa pamamagitan ng isang aparato na tinatawag na sphygmomanometer. Isang inflatable pressure bag ang itinatali palibot sa itaas na bahagi ng braso. Ang pressure bag na ito ay konektado sasphygmomanometer. magbobomba ng hangin sapressure bag hanggang ang sirkulasyon ng dugo sa pangunahing ugat na nasa itaas na bahagi ng braso ay mapigilan. Ang presyon sa loob ng bag ay unti-unting pinapakawalan hanggang ito ay maging pantay sa systolic pressure ng ugat, at maipapahiwatig ito sa paggalaw muli ng dugo. May malakas na tibok na maririnig at ang systolic pressure ay makikita sa sphygmomanometer. Ang presyon ng dugo sa pangunahing ugat ng braso ay bababa katumbas sa pinakamahinang presyon ng dugo, ang diastolic pressure. Ito ang presyon kung saan ang tumutunog na tibok ay hindi na naririnig. Ang aparatista ay maaaring umulit ng proseso at kumuha ng ibat ibang pagbasa ng presyon upang makuha ang tunay na bilang ng presyon ng dugo. Ito ay dahil madaming tao ang masyadon nagiging tensyado habang kinukuha ang bilang ng presyon ng dugo na maaaring maging sanhi ng pagbulusok ng presyon ng dugo.

Kadalasan ng pagkuha ng presyon ng dugo


Kung normal naman ang presyon ng dugo, ugaliing magpatingin kahit isang beses sa loob ng limang taon. Gayunman, habang nagkakaedad, ang presyon ng dugo ay maaaring lumakas kung kaya dapat na mas madalas ang pagpapakuha nito habang tumatanda o kasingdalas sa sinabi ng doktor. Kung medyo mataas ang presyon ng dugo, may systolic pressure sa pagitan ng 120 hanggang 139 at may dialostic pressure sa pagitan ng 80 hanggang 89, maaaring magpatingin isang beses sa loob ng isang taon o kasingdalas sa sinabi ng doktor. Ang mga taong may alta presyon, may systolic pressure na 140 pataas at diastolic pressure na 90 pataas, kelangan magpasuri sa doktor at hingin ang payo niya.

Mga karamdaman
Ang mga pangunahing karamdaman na apektado ng presyon ng dugo ay ang mga sumusunod: 1. Alta presyon - Ito ang kondisyon kung saan ang dugo na binubuga ng puso sa mga ugat ay may mataas na presyon kumpara sa normal. Ito ay maaaring maging sanhi pa ng maraming sakit gaya ng atake sa puso, kidney failure at stroke. Ang alta presyon ay maaaring mamana, sanhi ng katabaan, nakukuha sa maaalat na pagkain at paninigarilyo, at ang kawalan ng mga pisikal na gawain. 2. Hypotension - Minsan tinatawag na mababa na presyon ng dugo. Ito ang kondisyon kung saan ang presyon ng dugo na umiikot sa buong katawan ay mas mahina kumpara sa normal, o mas mababa pa sa inaasahan. Ito ay maaaring dulot ng pagkawala ng dugo,kawalan ng tubig sa katawan at pag-inom ng mga gamot na panlaban sa alta presyon.

Mga paraan upang mapangalaga ang presyon ng dugo


Maraming paraan upang mapanatili ang normal na presyon ng dugo at ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Karamihan ng mga taong may edad na ay dapat kumunsumo lamang ng 1,500 mg ng asin kada araw o katumbas ng wala pang isang kutsarita. Ang pagkakaroon ng isang aktibong pamumuhay at pagbabawas ng timbang ay makakatulong upang hindi magkaroon ng alta presyon. Ang pagkuha ng presyon ng dugo kahit habang nasa loob lamang ng tahanan ay mahalaga sa maraming tao, lalo na sa mga taong may alta presyon. Nakakatulong ito sa pasyente at sa doktor na mapag-aralan ang presyon ng dugo ng pasyente at kung ano ang mga nararapat na paggamot ang kailangang gawin. Pwedeng ihalo ang thyme sa mga malulusog na pagkain gaya ng ensalada, sabaw at isda. Ang thyme ay mataas sa iron at nakakatulong sa pagpapanatili na maayos ang presyon ng dugo. Ang sukang gawa sa mansanas, buto ng pakwan, oatmeal, wheatgrass, suha, kamatis,bawang at celery ay ilan din sa mga pagkaing mainam din laban sa mataas na presyon ng dugo. Ang madalas na pagkain sa mga fast food restaurant ay hindi lang nakakapagdagdag sa taba, ngunit ito ay itinuturing din na isang dahilan upang magkaroon ng alta presyon. Ang kasuy ay pagkaing siksik sa nutrisyon na nakakapagpababa ng presyon ng dugo. Subalit, ang isang onsa ng kasuy ay may 163 calories, kaya dapat din itong kainin ng kaunti lamang upang maiwasan ang pagkakadagdag ng timbang. Katulad ng kasuy, ang avocadoay may magandang benepisyo din sa presyon ng dugo ngunit kailangan ding kainin ng kaunti dahil sa taglay nitong taba.

Atake sa Puso
Ang Atake sa Puso o (myocardial infarction) ay nagaganap kapag ang kalamnan sa puso ay nasisira dulot ng pagbabara ng namuong dugo sa ugat na nakarekta sa puso (coronary artery). Ang coronary arteries ang daluyan ng dugo na nagdadala ng oxygen at dugo sa puso. Kapag nabarahan ito at hindi nakadaloy nang mabuti ang dugo at oxygen, nagiging sanhi ito ng pinsala sa masel sa puso. Ang pagbara ay maaaring magmula sa: mga deposito ng taba na tinatawag na plak (plaque), isang pulikat sa daluyan ng dugo o namuong dugo. Kapag napinasala ang masel sa puso, paninikip ng dibdib ang unang mararamdaman ng pasyente at kapag hindi naibalik ang sapat at tamang daloy ng dugo sa puso sa loob ng 20 hanggang 40 minutos, maaring humantong ito sa pagkamatay ng masel ng puso. Tuluyan itong mamamatay anim hanggang walong oras pagkatapos magsimula ng atake.

Karamihan sa mga atake sa puso ay nangyayari nang biglaan at minsan naman ay hindi masyadong masakit. Madalas ang taong apektado nito ay hindi sigurado kung anong nangyayari sa kanila at naghihintay ng mahabang panahon bago pa sila humingi ng tulong o o umaksyon.

Mga Sintomas
Paninikip ng Dibdib - karamaihan sa nakakaranas ng atake sa puso ay nakakaramadam ng paninikip sa gitna ng dibdib na tumatagal ng ilang minuto o kaya ay nawawala at bumabalik din ito. Ang pakiramdam nito ay parang nadidiin at pinipiga ang dibdib. Pananakit ng ibang parte ng katawan - kasama sa sintomas nito ay ang hindi kompartableng pakiramdam ng pang-itaas na parte ng katawan tulad ng braso, leeg, likod, panga o tiyan. Hirap sa Paghinga - nakakaranas din ng paninikip ng lalamunan at hindi komportableng lagay ng dibdib. Pagpapawis Pagsusuka Pagkahilo

Mga Panganib
Paninigarilyo - ang sigarilyo ay nagtataglay ng mga kemikal na nagdudulot ng pinsala sa daluyan ng dugo sa puso, pinabibilis ang progreso ng atherosclerosis, at nadadagdagan ang peligro ng atake sa puso. Pagtaas ng Presyon - ang pagtaas ng presyon ay isa sa mga dahilan ng pagdevelop ng atherosclerosis at atake sa puso. Ang mataas nasystolic pressure at mataas na diastolic pressure ay nakakadagdag sa panganib na magkaroon ng atake sa puso. Mga mamantikang pagkin Mataas sa LDL (bad cholesterol} Mababa sa HDL (good cholesterol) Diyabetes - ang mga pasyenteng may sakit na diyabetes ay may mataas na atherosclerosis sa katawan. Kung kaya't sila ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng coronary heart disease, kakulangan ng daloy ng dugo sa binti at erectile dysfunction. Maaring maiwasan ang mga ito kung ang pasyente ay mage-ehersisyo, magbabawas ng timbang, tamang pagkain at pagkontrol ng blood sugar level. Edad - mas matas ang posibilidad na makaranas ng atake sa puso ang mga lalaking 45 taon pataas at mga babaeng 55 taon pataas. Nasa lahi - ang mga taong may kasaysayan sa sakit sa puso ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng atake sa puso lalo na kung ang mga kamag-anak na lalaki (edad 55 pababa) ang inatake sa puso.

Pagsusuri

ECG (Electrocardiogram) - sa pamamagitan ng ECG, makikita dito ang elektrikal na aktibidad ng puso. Lalabas dito ang pagiiba-iba ngelectrical waves na maaring maging sanhi o senyales ng atake.

Paggagamot/Panlunas
Kapag ang isang tao ay nakakaranas na ng sintomas ng pagatake sa puso, dapat ay magpadala na siya agad sa ospital upang masuri at mabantayan mabuti. Kinakailanagan ding ma-monitor ng ECG o electrocardiogram ang pasyente dahil maaring biglang bawian ng buhay kung hindi maagapan ang taong nakakaranas nito. Ang mga sumusunod ay ang agarang panlunas sa maagang pagatake sa puso: Pagpapagaling sa labas ng Ospital - maliban sa mga gamot, ang mga pasyenteng kalalabas ng ospital ay maari ding bigyan ng rekomendasyon ng kanilang doktor na magbago ng istulo ng pamumuhay tulad ng pagtigil sa paninigarilyo, pagbawas ng timbang at pagehehersisiyo upang maiwasan ang pag-ulit ng atake sa puso.

Subukan Ninyo Itong Limang Pabuya Upang Maiwasan at Mapigilan ang Mataas na Presyon ng Dugo
1. Kumain ng pagkaing na mababa sa asin, mantika o taba (saturated fat), at kolesterol. At saka, bantayan ang inyong kaloriya. 2. Piliin ang pagkaing na nakapagpalusog sa puso. Ang prutas, gulay, mga produktong may gatas na walang taba or kaunting taba (nonfat or lowfat), lutong tuyo na beans at gisantes, isda, manok, mani, mga produk to ng grains, lalo na ang whole grain ay masustansya sa puso. 3. Magbawas ng sobrang timbang sa pamamagitan ng pagbawas sa kaloriya at damihan ang inyong aktibo. 4. Pabawasan ang pag-inom ng alcohol. Kung kaya ay umiinon ng serbesa,alak o wine, uminom nang katamtaman lamang. Ang ibig sabihin, sa loob ng isang araw, ito ay hindi palalagpasin sa isang pag-inom para sa babae at dalawang pag-inom para sa lalake. 5. Inumin ang inyong gamot sa presyon ayon sa sinabi ng inyong manggamot.

ng ating pamilya, mga kaibigan, at kasamahan ay ang nagpapalakas

sa atin. Dapat kailangan nating pagalalayan ang isat-isa marapat sa ating buhay at sa ating kalusugan. Ang sakit sa puso ay ang numero unong dahilan ng pagkamatay ng ating kapwa Pilipino. Kung ikaw ay may mataas na presyon, ikaw ay may

malaking posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso. Mayroon kang magagawa para labanan ang sakit sa puso.

Ano ang Mataas na Presyon?


Ang mataas na presyon ay nagaganap kapag ang presyon ng dugo na dumadaloy sa ating ugat ay nananatiling mataas sa loob ng mahabang panahon. Nahihirapan ang tibok ng ating puso kung mataas ang presyon. Kadalasan ang tao na mayroong mataas na presyon ay walang nararamdaman na senyales or simtoma. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay nakakasama sa ating puso, bato, at mga mata. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay maaring magdulot ng atake sa puso, komplikasyon sa bato, at maging pagkamatay. Magpunta kayo sa doktor o sa lokal klinika at patingnan ang presyon ng dugo, kahit na minsan lang sa isang taon. Kung mayroon kayong mataas na presyon, kailangan palaging magpatinging nang madalas.

You might also like