Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 13

Introduction:

Love Our Blog Post

Love Our Blog Post is a group of young Filipino young writers which focuses on the genre, love/romance. We started this group last January 21, 2010. Our stories, poems and novels are originally written by our aspiring writers. No one should plagiarize any of our works. We are open for more writers who want to share their own works with us, just send it to our email add mousemousey@ymail.com and we will post it right away . Love Our Blog Post sites:
http://loveourblogpost.multiply.com/ http://loveourblogpost.blogspot.com/ https://www.facebook.com/pages/Love-Our-Blog-Post/388087955020

http://www.wattpad.com/user/LoveOurBlogPost Want to be updated? FOLLOW US ON TWITTER! :)


https://twitter.com/loveonblog

Love Our Blog Post PRESENTS

The Phone Call


Written by: Eunice Laurito LOBP NOTE: Heller! ^_______^V Haha! Ako po ito, Si Eunice Laurito , one of the writers here at LOBP and isa sa mga nagpasimula din nito Ako din ang matiyagang tagapag-bigay sa inyo ng soft copies. Haha! Hmm.. itong The Phone Call ay short story lang. Actually, project naming ito nung high school tapos ayun naisipan ko ipost din XDD sana magustuhan niyo I wrote this last September 20, 2010.

Main Characters:

Daniel Guevara

Jenny Jimenez

Alessandra Marquez

Palaging magkasama sina Daniel at Jenny kahit saan magpunta. Sila'y matalik na magkaibigan sa loob ng maraming taon. Hanggang sa isang araw.. "Daniel, may mahal na ko." ani Jenny kay Daniel nang magkausap sila sa telepono. Parang may kung anong tumusok sa puso ni Daniel. Ano itong nararamdaman niya? Pakiramdam niya'y siya na ang pinakamalas at pinakamalungkot na tao nang gabing iyon. Pinagkaitan na yata siya ng panahon na lumigaya. Ano ang dapat gawin? "Daniel? Daniel? Nariyan ka pa ba?" ani Jenny nang wala na siyang marinig pang sagot kay Daniel hanggang sa ibinaba na rin ni Daniel ang telepono. Sa eskwelahan kinabukasan.. "Daniel Guevarra." wika ni Mrs. Enriquez na nag-checheck ng attendance ng klase. Walang sumagot. Hindi pumasok si Daniel. Hanggang sa umabot na ng isang linggo, isang buwan at hindi pa rin pumapasok ito. At dahil dito, hindi na rin mapakali si Jenny kung ano'ng nangyari kay Daniel kaya nagpasya siyang puntahan na ito sa bahay nito. "Tao po..tao po!!" aniya ngunit walang sumasagot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may nakapansin na sa kanya. Isang babae ang lumabas mula sa kapitbahay nila Daniel. "Neng, nako hinahanap mo ba ang mga nakatira diyan?" wika nito. "Opo. Umalis po ba sila? Wala po kasing sumasagot. "Oo. Umalis na sila." "Mga Ano'ng oras po kaya makakabalik?" "Naku, 'Neng hindi na yata babalik ang mga iyon. Ang alam ko ay nakaalis na sila ng bansa kahapon pa. Nagpunta na ng Amerika."

Amerika. Amerika. Amerika... hindi maalis iyon sa isipan ni Jenny. Amerika..Amerika.. at saka naman niya naalala ang nakaraan. Limang taong gulang sila noon ni Daniel. "Daniel, Pangako mo sa akin di mo ako iiwan at hindi tao maghihiwalay kailanman." ani Jenny. "Oo. Pangako." sagot ni Daniel. Oo, tama. Tandang-tanda niya ang araw na iyon ngunit ngayon nasaan na si Daniel? Ang taong nangako sa kanyang di iya iiwan?

Pagkatapos magtapos ni Jenny sa sekondarya ay sinundan niya si Daniel sa Amerika ngunit hindi niya ito natagpuan agad. Kaya habang naroon siya ay ang pinagtuunan niya na muna ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Siya ay nagtapos ng kursong Medisina. "Doctor Jimenez, I just want to inform you that there will be a new doctor here in our hospital, please help him know all the informations that he should know here." wika ng Punong Doktor sa kanya. "Yes, Doc." aniya. Kinabukasan... "Hi, Doctor Jimenez. I am just informed that I should meet you for the informations that I should know." sabi ng isang tinig na pamilyar kay Jenny. Oo, tama kilala niya ang boses na iyon. Tumalikod si Jenny upang malaman kung sino talaga iyon. Paglingon niya, di napigilan ng mga mata niyang lumuha. ang lalaking iyon, kilala niya kung sino iyon. Siya ang lalaking matagl na niyang hinahanap dahil sa pagmamahal niyang di mawala-wala rito. Ito ay walang iba kundi si Daniel Guevarra. Tama siya nga. Gusto na tuloy sumigaw ni Jenny sa sobrang kagalakan. "Jenny, Ikaw ba 'yan?" sa wakas nagsalita na rin si Daniel.

"Daniel? Tama Ikaw nga!" wika ni Jenny sabay takbo papunta kay Daniel na balak sana niyang yakapin ngunit...

"Tumigil ka." wika ni Daniel. "By the way, where should we start?" patuloy nito. At saka na lang sinimulan ni Jenny ang pagtuturo kay Daniel ng mga dapat nitong malaman sa ospital. Habang ginagawa niya iyon, nasasaktan siya. Bakit gano'n? Wala na ba siyang halaga kay Daniel? Pero kunsabagay, maraming taon na nga naman ang lumipas, marahil ay nakalimutan na nga siya nito. "Thanks, Doctor Jenny, I can now start my work tomorrow." ani Daniel sabay ngiti. Ang ngiting iyon, matagal na niyang hindi nakikita iyon at ngayon sobrang saya niya dahil nasilayan na niya iyon ulit ait pagkatapos magpasalamat ni Daniel ay naglakad ito papunta kay Jenny ngunit lumampas pala ito at hindi pala siya ang nginitian nito kundi ang isang babae sa likod niya, si Alessandra Marquez. "Daniel!!" wika ni Alex sabay halik sa labi ni Daniel. "How's your day?" patuloy nito. "It's good. By the way I can now start my work tomorrow here." ani Daniel.

"Oh , that's good. And , who is she?" ang tinutukoy nito ay si Jenny. "Oh. By the way, She's Doctor Jenny , she's the one who helped me for my work." "Oh, nice to meet you." "Nice to meet you too.." wika ni Jenny. "At siya rin pala ang kinikuwento ko sa iyong matalik kong kaibigan sa Pilipinas." ani Daniel. "Ah.. siya pala 'yon." 'Ah.. eh.. Marunong ka pa lang magtagalog?" ani Jenny. "Oo, tinuruan ako ni Daniel. "Ah..." "Nga pala, Gusto sana kitang imbitahan sa kasal namin ni Daniel sa susunod na Linggo na."

KASAL? Oo, tama kasal nga.Ikakasal na pala ang KAIBIGAN niyang si Daniel.

"Jenny, puwede ba?" "Ah, sige." "Mabuti naman." Pagkatapos noon ay nagpaalam na sina Daniel at Alex kay Daniel. Nagsimula na ring umiyak si Jenny. Nilingon muli ni Daniel si Jenny ngunit at saka pinunasan agad ni Jenny ang mga luha niya.

Sa ospital kinabukasan... "Daniel, kausapin mo ako." wika ni Jenny nang nasa iisang kwarto lang sila ni Daniel sa ospital. "Tungkol saan?" "Bakit bigla kang umalis? Pagkatapos ng tawag na iyon?" "Dahil ayoko nang marinig pa ang mga susunod mo pang sasabihin." "Bakit?" "Dahil ayokong malaman kung sino ang taong mahal mo. Dahil masasaktan ako! Alam mo ba 'yon? Di ko kakayanin kaya minabuti ko na umalis na lang." "Duwag ka." ani Jenny.

"Ano?" "Alam mo ba kung sino talaga ang mahal ko?" "Ayoko na nagng malaman. Paalam." wika ni Daniel at saka naglakad paalis na sana ngunit.. "Daniel!! Nag gabing iyon, magtatapat sana ako na ikaw 'yung taong mahal ko!! IKAW!" sigaw ni Jenny. Ngunit patuloy lang si Daniel sa paglabas ng kwartong iyon.

Pagkalipas ng 2 araw.. "Hello?" wika ni Jenny nang sagutin ang isang tawag. "Jenny, Si Alex 'to. Magkita tayo sa isang restaurant sa tapat ng ospital."

Restaurant.. "Jenny, mahal mo pa ba si Daniel?" wika ni Alex. "Oo. Mahal ko pa rin siya." sagot ni Jenny sabay dating ni Daniel. "Narinig mo ba Daniel?" ani Alex. "Ano'ng gusto mong mangyari Alex? Bukas na ang kasal natin tapos ganito pa ang ginagawa mo.." ani Daniel. "Ang gusto ko lang pakasalan ako ng taong mahal ako dahil mahal ako nito." pagpapaliwanag ni Alex at saka umalis. Sinundan naman ni Daniel ito.

"Gusto mo pa rin bang magpakasal sa'kin?" tanong ni Alex nang silang dalawa na lang ni Daniel ang magkasama. "Ano'ng ibig mong sabihin?" ani Daniel. "She's the love of your life and I know She's still the one until now, and now you're asking me why?" "Pakakasalan kita." "Mabuti. Dahil iyan talaga ang dapat." ani Alex.

"Alex?" "O, ano? Ayaw mo na kong pakasalan diba?" "I'm sorry, Alessandra." "Tuloy ang kasal bukas." ani Alex at saka umalis.

Sa araw ng kasal...

"Alex, are you sure about this?" wika ni Jenny na tila inaayusan ni Alex. "Oo naman."

Handa na ang lahat, maraming mga panauhin , mga kamag-anak nina Daniel at Alex. Naroon na rin si Daniel na hinihintay ang pagdating ng babaeng pakakasalan niya ngunit tila hindi siya masaya.

Hanggang sa bumaba na ng sasakyan ang bride. Bumukas ang pintuan ng simabahan. Nang masilayan ni Daniel mula roon ang babaeng pakakasalan niya ay gumaan na ang loob niya, masaya na siya dahil ang babaeng nakasuot ng wedding gown ay walang iba kundi si Jenny jimenez na magiging Jenny Guevarra na.

Samantalang sa isang Restaurant...

"Ma'am. You have ordered these also? But you've eaten so much already. Ma'am are you okay?" wika ng waiter sa naturang restaurant habang patuloy lang si Alex sa pagkain, ganito kasi siya 'pag depressed. "Pinoy ka, diba?" ani Alex. Napansin din nitong di hamak na mas gwapo ang waiter na iyon kaysa kay Daniel na kasalukuyan na ngayong kinakasal. "Ah, Opo Ma'am." "Samahan mo ko sa pagkain dito, dali." "Ah.. eh.. Sorry, Ma'am."

"Sige na, kundi tatawagin ko ang manager niyo dito dahil ayaw mong sumunod sa'kin at baka mawalan ka pa ng trabaho nang wala sa oras." "Okay, Ma'am." "May tanong nga pala ako sa'yo.." wika ni Alex sa seryosong tono ng boses. "Single ka?" "ah.. yes, ma'am."

"Good. Ngayon pa lang nililigawan na kita." ani Alex.

THE END! :D

You might also like