Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsasagawa ng Sariling Pagsusuri sa Suso (breast self-examination)

Ang pagsusuri ay maaring gawin ng nakahiga. Gamitin ang tatlong gitnang daliri sa pagsusuri sa suso

Igalaw ang mga daliri sa suso sa papamagitan ng mga paraan na ito:

PAIKOT. Simulan mula sa pinakalabas ng suso papunta sa utong ng paikot.

PALOOB-PALABAS. Suriin ang bawat bahagi ng suso. Gawin ito ng makatlong beses.

TAAS-BABA Ikapa ang kamy ng pataas at pababa. Tingnan kung may pagbabago sa suso.

MGA KATOTOHANAN
Ang kanser sa suso, kung maaagapan at mabigyan ng karampatang lunasay magandang pagkakataon para gumaling sa sakit na ito. Ang taunang mammography exam at pagsusuri sa suso ay maaring magligtas ng inyong buhay laban sa kanser sa suso. Kung mas matandana ang babae nang siya ay makaranas ng unang pagbubuntis, mas malaki ang pagkakataon ng kanser sa suso. Ang birth control pills ay hindi nakakanser.

KANSER SA SUSO
Ang kanser sa suso ang pinakalaganap na kanser sa mga pilipina. Ito rin ay pangalawang pinakamalaganap na kanser sa kalalakihan at kababaihan

Mga maaring kadahilanan

Estrogen Ang mas matagal na paglantad sa estrogen ay mas mataas na pagkakataon na magkaroon ng kanser sa suso. Pagtanda Habang tumatanda ang babae , mas mataas na pagkakataon na magkaroon ng kanser sa suso. Panganganak / Pareregla Ang mga babae na maaring dinatnan ng regla o maagang nag menopause, ang mga hindi nagkaroon ng anak at mga nabuntis ng higit 30 ang edad. Genetic Kung may malapit na kamag-anak na nag karoon ng kanser sa suso ay maaring magkaroon din nito. Mga palatandaan Bukol o pamamaga sa suso Paglubog sa balat sa suso Pagbaliktad ng utong Sugat sa suo Ang kanser sa suso ay karaniwan walang pakiramdam

Maagap na pagtuklas
SARILING PAGSUSURI SA SUSO - Ang sariling pagsusuri sa suso ay medaling gawin at walang gatos. - Ito ay isinasagawa minsan sa isang buwan, isang lingo pagkatapos ng regla - Sa pamamagitan ng sariling pagsusuri ay nalalaman ng babae ang tunay na kaanyuan at pakiramdam ng kanyang suso. Dahil ditto ay madali na niyang matutuklasan kung may pagbabago ditto. - Ang pagsusuri ay ugaliin gawin laluna pagsapit sa edad 30. MAMMOGRAPHY Ang mammography ay isinasagawa para alamin kung kanser nga ang nakapang bukol sa suso. Kaya nitong matuklasan ang kanser na hindi makikita sa sariling pagsusuri lamang. Ang mga babae na walang history ng kanser sa suso sa pamilya ay maaring magpa-mammography mula sa edad 50 at kada dalawang taon pagkatapos. Ang mga babae naman na may kapamilya na nagkaroon ng kanser ay maaring magpa mammography mula sa edad at kada taon pagkatapos.

ANG MAAGANG PAGTUKLAS SA KANSER SA SUSO AY MAARI PANG MAAGAPAN. KUMONSULTA AGAD SA DOKTOR KUNG MAY NARAMDAMAN NA PAGBABAGO SA SUSO.

You might also like