Notes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG WIKA AY ISANG MASISTEMANG BALANGKAS Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng makabuluhang tunog

(ponema) na kapag pinagsama-sama sa isang makabuluhang sikwens ay makakabuo ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may straktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa salita ng wika. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG Ayon sa ponema, ang wika ay binubuo ng mga makahulugang tunog. Ang tunog na ito ay hangin na nanggagaling sa baga at dumadaan sa babagtingang tinig na naibibigkas gamit ang labi, dila at ilong. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS Upang magkaroon ng malinaw na pagpapahayag ang isang wika, ang mga salita ay dapat pinipili ayon sa tamang kahulugan nito. Ang mga piling salita na ito ay dapat ding isaayos upang makumpleto ang kahulugan ng mensaheng nais nating iparating. ANG WIKA AY ARBITRARYO Ang wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Upang lubusang magkaintindihan ang mga gumagamit ng isang wika, ang kahulugan ng mga salita at pangungusap ay dapat napagkasunduan at alam ng parehong naguusap na panig. ANG WIKA AY GINAGAMIT Ang wika ay ang pangungahing gamit para sa magandang komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Ang paggamit nito ay ang pinakamadaling paraan para magkaroon ng pagkakaintindihan. ANG WIKA AY ISANG KULTURA Ang wika ay isang kultura dahil ito ay kumakatawan sa pagkakakilanlan ng isang lipunan at ito ay importanteng bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

***
Tagapaghatid Ang taong pinang gagalingan ng mensahe. Encoding Ang proseso ng pagbuo ng isang mensahe. Mensahe Nabuong idelohiya na nais ipahayag ng tagapaghatid. Decoding Ang proseso ng pagintindi ng isang mensahe Tagapagtanggap Ang taong patutunguhan ng mensahe.

PAKIKINIG ANTAS O LEBEL NG PAKIKINIG I) APPRECIATIVE na pakikinig i) Ginagamit ito upang maaliw at makapanlibang. Mga tumpak na halimbawa nito ay ang pakikinig sa mga awit sa radio at konsyerto II) Pakikinig na DISKRIMINATORI i) Kritikal na pakikinig ang antas na ito kung kayat nangangailangan ng mapanuring organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan. Sa lebel na ito, lubos na inuunawa at inaalala ng mga tagapakinig ang mga impormasyong kanyang napakinggan. III) MAPANURING pakikinig i) Ebalwatib ang antas na ito dahil mahalaga rito ang konsentrasyon o pokus sa pakikinig ng mga datos. Ang mga tagapakinig ay kailangang bumubuo ng konsepto at gumagawa ng sariling pagpapasya hinggil sa napakinggan. IV) IMPLAYD na pakikinig i) Sa antas na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakataho sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam at nililimit ng tagapakinig sa lebel na ito. V) INTERNAL na pakikinig i) Pakikinig ito sa sarili, pinagtutuunan ng pansin sa lebel na ito ang pribadong kaisipan ng indibidwal na pilit nyang inuunawa at sinusuri sa antas na ito MGA ELEMENTONG NAKAKAIMPLUWENSIYA AT SAGABAL SA PAKIKINIG I) II) III) IV) V) VI) Oras Tsanel Edad Kasarian Kultura Konsepto sa sarili

URI NG TAGAPAKINIG I) Eager Beaver i) Ngiti ng ngiti ii) Tango ng tango iii) Hindi sigurado kung naiintindihan ang pinakikinggan II) Tiger i) Laging handing manuligsa o mag-react III) Sleeper i) Nakaupo lamang sa isang tahimik na lugar ii) Walang tunay na intensyon na makinig IV) Frowner i) Laging may tanong at pagdududa sa nagsasalita V) Bewildered i) Kahit anong pilit na makinig, walang naiintindihan VI) Busy Bee i) Hindi na nga nakikinig, abalang abala pa sa ibang ginagawa VII) Relaxed i) Kitang kita ang kawalang interes sa tagapagsalita VIII) Two-eared listener i) Tainga at utak ang pinapagana kapag nakikinig SAMPUNG UTOS PARA SA MABUTING PAKIKINIG Ayon kay Keith Davis I) Huminto sa pagsasalita II) Hayaang komportable ang nagsasalita III) Ipakita ang pagkainteres sa pakikinig IV) Iwasan ang distraksyon V) Ilagay ang sarili sa lugar ng tagapagsalita VI) Maging mapagtimpi VII) Hawakan ang temper o emosyon VIII) Gawing magaan ang argument at kritisismo IX) Magtanong X) Huminto sa pagsasalita

You might also like