Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Pagong at Si Matsing

Sangkap ng Maikling Kuwento 1. Estruktura o Banghay Nagsimula ang kuwento sa paghahati ni Pagong at Matsing ng saging. Nakuha ni Matsing ang itaas na bahagi nito (may dahon at bunga) dahil siya raw ang naunang makakita nito. Si Pagong naman ay nakakuha ng ibabang bahagi nito (may mga ugat).

Tinanim nila ang kanilang mga nahating bahagi ng saging. Tumubo ng kay taas ang kay Pagong habang ang kay Matsing naman ay nalanta at namatay.

Humiling ng tulong ang pagong sa matsing. Maghahatian daw sila ng bunga kapag matulungan niya ang pagong sa pagkuha ng saging.

Inisahan ni Matsing si Pagong at inubos ang lahat ng bungang saging. Dahil dito, linagyan ng tinik ni Pagong ang ilalim ng punong binabaan ni Matsing.

Binantaan ni Matsing si Pagong. Inisahan naman ni Pagong si Matsing sa pagsasabing malulunod siya kapag tinapon siya sa ilog.

Salawikain: Tuso man ang matsing, napaglalalangan din.

2. Pagbuo ng Tauhan Pagong bilang ang mapagkumbaba at mapagbigay. Pagong bilang ang mabagal at makupad. Pagong bilang ang matagumpay. Pagong bilang ang mabuting ehemplo.

Matsing bilang ang mayabang at mapang-abuso. Matsing bilang ang talo. Matsing bilang ang masamang ehemplo.

3. Pagpili ng Punto de Bisa Ang mga karaniwang tao tulad natin ang maaaring makasaksi sa ganitong uri ng sitwasyon kung saan sinusubukang apakan ng mga mapang-abuso ang mga mapagpakumbaba.

Si Pagong ang nagpapabahagi sa atin ng aral ng kuwento.

Ang tunay na magkaibigan ay hindi naglalamangan. Dapat ay nagtutulugan sila at nagbibigayan. Walang kinahihinatnang kabutihan sa buhay ang mga taong tuso at manloloko.

Ang tunay na magkaibigan ay nagbibigayan at nagtutulungan at hindi naglalamangan. Ang mga taong tuso at manloloko ay walang kinahihinatnang kabutihan sa buhay.

Matalino man ang matsing napaglilinlangan din. Kahit gaano man kagaling ang isang tao kung gagamitin naman ito sa masama ay wala ding nangyayari sa kanya kundi napapasama lang siya. Subalit ang taong mapagkumbaba at likas ang kabutihan ay nahihigitan pa ang matatalino.

4. Tagpuan sa Paglilinaw ng Tema Walang binigay na tiyak na pangalan ang tagpuan.

Tema -

You might also like