Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kabataan Partylist ILOCOS Bonifacio Day Statement:

Ang Andres Noon at Ngayon


Sa araw na ito ay binabati ng Kabataan Partylist Ilocos ang Anakbayan sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-14 na anibersaryo kasabay ng kaarawan ni Andres Bonifacio, isang bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay dahil sa pagmamahal sa bayan. Pagbati rin ang ipinapaabot ng Kabataan Partylist Ilocos sa lahat ng mga kabataang tumitindig para sa karapatan at interes ng mga kabataan at ng buong mamamayang Pilipino.

Ang kapanganakan ni Bonifacio ay nangangahulugan ng pakikibaka sa mga kabataang Pilipino. Si Andres ay isang pangkaraniwang kabataan lamang ngunit may pag-aasam na lumaya ang mga kapatid niyang mga Pilipino. 29 taong gulang siya noong pinangunahan niya ang pagtatatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) noong 1892.

Ang simulating ito ni Andres ay nananatiling inspirasyon sa mga kabataan para magpatuloy sa pagsusulong ng kanilang interes at kagalingan.

Sa eskwelahan, bukod sa patuloy na pagtaas ng matrikula, kawalan ng budget, kawalan ng sapat na kagamitan at pasilidad, tuloy-tuloy din ang mga represibong polisiyang dinaranas ng mga kabataang estudyante. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagbabawal sa mga miyembro ng Progressive Igorots for Social Action (PIGSA) na magpulong sa loob ng Benguet State University.

Ang mga State Universities and Colleges (SUCs) sa Ilocos ay isa sa mga tinamaan ng serye ng Budget Cut ng administrasyon ni Aquino. Ang Region 1 ay nabawasan ng 6.79% sa dating badyet at may 1 billion na kulang sa proposal ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) noong 2011.

Nakabinbin ang pagpapasa ng HB 3703 o ang Three- Year Moratorium on Tuition and Other Fees kaya sa mga pribadong paaralan ay nagpapatuloy ang pagtataas ng matrikula. Sa ngayon ay may average na P20,000 P25,000/ semester ang gastos ng isang estudyante. Dahil sa laki ng gastos, ang maraming kabataan ay napipilitang pumasok sa mga technical-vocational courses o napapasama sa lumalaking bilang ng out-of-school youth.

Ang mga kabataan at magulang na magsasaka ay nakatali sa pahirap ng kawalan ng lupa at mababang bentahan ng tabako. Hindi kayang tustusan ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil nananatiling mababa ang presyo ng tabako. Nitong nagdaang bentahan, umabot lang sa P92/kilo.

Sa tulong ng mga organisasyon ng kabataan gaya ng Anakbayan ay naisusulong natin ang mga batas at kagustuhan ng mga kabataan at estudyante gayundin ang interes ng mamamayan sa loob ng kongreso sa pamamagitan ng Kabataan Partylist.

Isa sa mga napagtagumpayang ipasa ng mga kabataan ay ang House Bill 4791 o Anti-No Permit, No Exam Bill na naglalayon na alisin ang hadlang ng karapatang kumuha ng exams ng mga estudyante dahil sa mga hindi nababayarang matrikula at iba pang bayarin.

Isa na namang dagdag problema ng mga kabataan at mamamayan sa rehiyon ay pagsasapribado ng mga pampublikong ospital na malawakang ipinapatupad sa buong bansa. Isa rito ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC). Hindi lamang nito tatanggalan ng karapatan sa mga batayang serbisyo ang mamamayan kundi dadagdagan pa nito ang mabigat ng pasanin ng mamamayan.

Walang pinag-iba ang sitwasyon ng edukasyon at ng serbisyong pangkalusugan noong panahon ni Andres hanggang sa ngayon. Marami ang hindi nakakapag-aral at nakakapagpagamot. Maging ang ibang serbisyong panlipunan ay kaunti lamang ang nakakagamit.

Mukha ngang walang pinagbago. Pero si Andres ba? Makikita parin ba natin sa mga kabataan?

Kayat ngayon araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ating sariwain ang mapanlabang diwa ng mga kabataan.

Pag-aralan ang lipunan at lumahok sa pagsusulong ng mga makabuluhang reporma at mga batayang karapatan para sa mga mamamayan. Ang hamon ay matagal ng naririyan, ang kulang na lang ay ang pakikisangkot at pakikilahok ng kabataang Pilipino.

ITAAS ANG BADYET SA EDUKASYON! ITIGIL ANG PRIBATISASYON NG SERBISYONG PANGKALUSUGAN! ITAAS ANG BADYET SA MGA SERBISYONG PANLIPUNAN! HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG PAMAMASLANG PAMPULITIKA!

You might also like