Complaint Affidavit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS) LUNGSOD NG MAYNILA ) S. S.

SINUMPAANG SALAYSAY AKO, si ERLINDA MIRANDA y DAPROSA, 47 taong gulang, biuda at may tirahan sa No. 1028 I. Delos Reyes St. Sampaloc, Manila, na matapos mkapanumpa ng naayon sa batas, ay malaya at kusang loob na naglalahad ng gaya ng mga sumusunod;

Na ako ang asawa ni REYNALDO MIRANDA y PALACIO, 42 taong gulang, na sinaksak at napatay noong humigit kumulang alas 8:00 ng gabi, Setyembre 17, 2012 doon sa may Dapitan St. Sampaloc Manila;

Na base sa imbestigasyon ng pulis-maynila at ayon narin po sa sinasabi ng mga testigo kabilang ang barangay Tanod na si Arnulfo Nosenas at mismomg aking anak na si Roger Miranda, ang may kagagawan at responsible sa pagpatay sa aking asawang si Reynaldo Miranda noong nabanggit na oras at petsa sa nabanggit ding lugar dito sa Maynila ay si Boy na ang tunay na pangalan ay ARMANDO SALVADOR y MITAL, dati naming kapitbahay sa No. 1028 Delos Reyes St. at ngayon ay nakatira sa No. 768-A Dapitan St. Sampaloc, Manila;

Na ang salaysay na ito ay aking ginagawa upang maging patunay sa lahat na ang aking sinasabi dito, at maging basehan ng aking pagrereklamo laban sa nasabing si ARMANDO SALVADOR sa ginawa nyang pagpatay sa aking asawa na si Reynaldo;

BILANG PATUNAY, inilagda ko ang aking pangalan sa ibaba nito.

ERLINDA D. MIRANDA (Nagsalaysay)

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa aking harap ngayong ika 18 ng Setyembre, 2012, dito sa Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila.

___________________ Inquest Prosecutor

You might also like